You are on page 1of 2

SOURCE: 0000000610.

RTF

THESIS ABSTRACT

Title : PAGSUSURI SA KAKAYAHAN NG LUPON NG PATNUGUTAN


SA PANGKAMPUS NA PAMAMAHAYAG SA SEKUNDARYA
Author : DELOS SANTOS, GLORIA P.
Degree : MASTER OF ARTS IN EDUCATION
Year : 2002
Location : USANT

May layon and pag-aaral na itong suriin and kakayahan ng mga lupon ng patnugutan ng
pampaaralang pahayag sa sekundarya sa Sangay ng Camarines Sur, upang mapagtanto ang
kanilang batayang kaalaman ukol sa pamamahayag. Sinuri at sinagot ang mga sumusunod na
tiyak na katanungan:

1. Anu-ano ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Sekundarya sa pagsulat ng pamamahayag?

2. Anu-ano ang mga kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pamamahayag?

3. Batay sa mga natuklasang kahinaan ng mga mag-aaral anong bagay o pantulong na maaring
mabuo upang mapanatag ang pahayagang pangkampus?

Nagkaroon ng batayang teorya, teoryang balangkas, balangkas konseptuwal at hinuha and


kahalagahan ng pag-aaral sa tagaplano ng kurikulum, sa mga guro, sa kumunidad, mga mag-
aaral, sa tagamasid, sa punong guro, sa mga magulang at sa mga manunulat.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang batayang kaalaman ng mga mag-aaral sa pahayagang


pangkampus sa Sangay ng Camarines Sur.

Nagkaroon ng pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit at kaugnayan sa pag-aaral at


literature. Nagkaroon din ng sentesis sa estado ng sining.

Ang pamamaraang pagsusuri sa mga pahayagang pangkampus ang siyang ginamit. Hinanay
ang resulta ng pagsusuri sa bawat pahayagan sa ilang paaralan at ipinaliwanag ang nalikom na
mga datos. Ang istatistikang ginamit ay timbang iskala at ang pagkuha ng bahagdan. Ginamit
ang pagitang iskala na 1-5.

MGA NATUKLASAN

1. Sa batayang kaalaman ng mga mamahayag sa Sangay ng Camarines Sur, natuklasan ng


mananaliklsik na ang lupon ng patnugutan ay may sapat na kaalam sa pagsulat ng balita na may
kabuuang bigat na 3.81, pagsulat ng pangulong tuding 3.66, pagsulat ng tanging lathalain 3.82,
pagsulat ng balitang pampalakasan 3.82, pag-aanyo ng unang pahina 3.62, paggamit ng larawan
3.60, pag-uulo ng balita 3.59, pag-aanyon ng unang pahina 3.84, pag-aanyo ng balitang panloob
3.65, at pag-aanyo ng ulo ng balita 3.88.

2. Napag-alaman din ng mananaliksik na may katamtamang kaalaman sa pundamental na


sangkap at teknikal na karunungan sa pagbabawas ng balita ngunit buo pa rin ang kakalabasan
nito na nagtataglay pa rin ng lahat na mahalagang impormasyon na may kabuuang bigat na 3.29,
paggamit ng mga talinghaga at tayutay na salita na angkop sa lathalain 3.47, masining ang pag
kakaanyo ng mga balita, lathalain, larawan at kulom na pampalaruan sa pahina, 3.40, may
kabuuang bigat din na 3.47 sa pag-aanyo ng pahina, sa paggamit ng maayos na larawan sa
pahayagan 3.32, paggamit ng matingkad at maliwanag na larawan ng tao o bagay 3.06, paggamit
na mahusay na pangkrap ng mga larawan na may kabuuang bigat na 3.47, at may katamtamang
kaalaman rin sa pagkuha ng ulo ng balita sa pamumuhay nito 3.09.

KONKLUSYON

1. Sa dahilang may sapat lang ang kaalaman ang mga lupon ng patnugutan sa pundametal na
sangkap at teknikal na karunugan sa pamamahayag, nangangailangan pa ito ng masuring
pagsasanay o pagtuturo ng mga paraan at tuntunin sa pagsulat ng iba't ibang lathalin. Upang
lalong mapag-ibayo o maging sapat na sapat ang paglimbay ng pahayagan. Nangangailangan din
na magkaroon ng gabay sa pamamahayag na may pokus sa pundamental na sangkap at teknikal
na kaalaman ang mga patnugutan.

2. Dahil sa ang ibang lupon ng patnugutan ay may katamtamang kaalaman sa pundamental na


sangkap at teknikal na karunungan, dapat magkaroon pa sila ng mga pagsasanay sa pamatnubay
sa larangan ng pamamahayag, tulad ng: pagsulat ng balita, editorial, tanging lathalain, balitang
pampalakasan at mga pag-aanyo sa pahayagan.

REKOMENDASYON

1. Ang mga pahayagang pangkampus ay magkaroon ng sapat na pondo upang makapalimbag


sila ng pahayagan sa tamang oras, tamang pahina at tamang mga lathalain.

2. Dapat dumalo sa mga seminars o kumperensya ng pamamahayag ang mga tagapayo upang
magkaroon sila ng pagkakataong lalong umunlad ang kanilang kaalaman sa larangang ito.

3. Karamihan sa mga pahayagang pampaaralan ay Ingles, dapat ding magkaroon ng pahayagang


Filipino para makatulong ito bilang pampagtututo sa asignaturang Filipino.

4. Ang pantulong sa pamamahayag ay mangyaring gamitin bilang karagdagang kagamitang


pampagtuturo sa pahayagang pangkampus.

5. Magsagawa ng iba pang pananaliksik tungkol sa mga kagamitan sa pamamahayag na angkop


at makahulugan sa mga makabagong kabataan at iba pang uri ng mambabasa.
Mungkahing paksa ng pananaliksik:

a. Epekto ng papalit-palit na kurikulum sa larangan ng Edukasyon;

b. Maraming kabataan ang pumapasok sa unang taon sa mataas na paaralan ang hindi pa
marunong bumasa at umunawa.

c. Naidudulot ng libreng edukasyon sa pampublikong paaralan ng mga kabataang mag-aaral.

You might also like