You are on page 1of 1

COMMUNITY CONCERNS ACTION TEAM HOTLINES, INILUNSAD!

Sa layuning mabigyan ng boses ang hinaing ng mga Calapeno, opisyal na inilusad ng


Pamahalaang Lungsod ang Community Concerns Action Team (CCAT), noong ika-11
ng Agosto sa tanggapan ng Public Safety Department sa Old City Hall na personal na
dinaluhan at pinangunahan nina City Mayor Arnan C. Panaligan, CCAT Over all
Coordinator Engr. Redentor A. Reyes Jr., PSD Chief and CCAT Member Nelson Aboboto
at iba pa.

Pangunahing puntos ng programa na ipaabot at buksan sa mga Calapeo ang 24/7 na


serbisyo ng Pamahalaang Lungsod sa anumang aspeto gaya ng reklamo sa tricycle,
zoning at gamit ng lupa (Land use), Kalusugan at sanitasyon, Basura at kalinisan, Sobrang
Ingay, Operasyon ng isang negosyo, Konstruksyon ng gusali at iba pang may kinalaman
sa Lungsod ng Calapan.

Narito ang mga inilaang hotlines na maaaring tawagan o itxt para sa anumang
katanungan o reklamo na nais ipabatid sa kinauukulan:

Landline (043) 288 1711


Smart (0999) 735 6447
Globe (0977) 455 6975
Sun cellular (0933) 028 9070

Samantala, umaasa naman si Mayor Arnan na kaakibat ng paglulunsad ng nasabing


programa ang disiplinadong pagtugon ng mga Calapeo dahil malaking
responsibilidad aniya ang nakaatang sa mga itinalagang operators dito ganunpaman
ang kooperasyon pa rin ng lahat ang inaasahan habang asahan naman ang maagap
na pagtalima ng pamahalaang lungsod sa anumang sitwasyon na kinakailangan ang
kanilang serbisyo.

You might also like