You are on page 1of 17

3H (Heartthrob. Heartache. Heartbreak.

)
by JhingBautista

Mahirap magmahal ng taong mahal ng bayan. Mas mahirap yung mahal ng bayan na
nagmamahal na ng isa. At hindi ikaw yun. Three shots. Triple the love. Triple the
pain. Triple the heartache. I fell in love with a heartthrob and inevitably, he
broke my heart. <///3

=================

Heartthrob

He was the IT. He was everything a girl could ever ask for. Who wouldnt want to be
his girl? Lahat ng babae... young and old alike... were smitten by his carefree
charm.

Unang-una sa lahat, napakagwapo nya. Yung mga mata nya, they look like they know
something you dont know. They were always twinkling... lalo na kapag ngumingiti
sya. At the same time, they can be dark and mysterious... like you cant see
through his soul.

His nose is pointy and thin. Yung tipong marami ang gagastos sa nosejob para lang
makuha yung korte ng ilong nya.

And his lips... I'm sure na marami na ang nagpantasya at patuloy na nangangarap na
mahalikan nya. I heard from his past girlfriends na masarap daw syang humalik.
Malambot yung mga labi nya at ang bango-bango ng hininga nya.

Idagdag pa doon yung pang-model nyang height and his body is not too buff nor too
thin. Tama lang.

Before he became my ultimate crush, I was envious of him. Bakit nasa kanya na
lahat?
He wasnt just good-looking...

Deans lister din sya, matalino at aktibo sa school.

Saka magaling syang kumanta, sumayaw at umarte.

Galing no? Parang hindi na sya totoo. He was too perfect to be real. I thought of
that at first. Masyado syang perpekto para sa kahit kanino... maybe thats the
reason why hindi nagtatagal ang mga relationships nya.

88 girlfriends and a hundred more flings. Wala sa kanila ang nakapag-patino ng puso
nya.

Hindi na bago sa kanya ang titigan at tilian ng mga babae. Hindi na bago sa kanya
ang may nag-a-I LOVE YOU o humihingi ng number nya kahit saan sya magpunta.

Tuwing may okasyon sa school, maraming mga dayo mula sa ibang school ang
nagpapapicture sa kanya.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses syang pinakiusapan ng mga talent scouts
na subukan ang pag-aartista.

Hindi ko rin mabilang kung ilang babae ang umiiyak sa tuwing may nababalitaang bago
nyang girlfriend at kung ilan ang natutuwa kapag naging single sya ulit.
Hindi ko na rin mabilang kung gaano karaming beses na akong nangarap na mapansin
nya.

O kung ilang beses na iniyakan ko yung mga panahong nakikita ko syang masaya sa
piling ng iba.

O kung ilang beses ko ng sinabi sa sarili kong gumising na sa katangahang ito na


wala namang pupuntahan...

O kung ilang beses kong itinuloy ang pag-asang balang araw ay lilingunin nya at
matutunang mahalin.

Magkaklase kami... simula first year college...

Pero...

Ni minsan ay hindi nya ako kinausap. Ni minsan ay hindi nya pinaglaanan ng ngiti.
Ni minsan ay hindi nya sinubukang mahalin.

Sa dinami-dami ba naman ng nakaharang at nag-aagawan sa atensiyon nya, pano pa ako


makakapila?

Sya si Rui Haranayo. Tunog japanese pero Pilipinong-pilipino.


Malapit na ang graduation namin pero hanggang ngayon, nakabinbin pa rin sa wishlist
ni Santa ang pangarap ko. Mukhang hindi na yata matutupad.

Ano pa nga bang inaasahan ko?

=================

Heartache

Uy! Narinig nyo ba yung usap-usapan?

Ang alin?

May bago na daw si Rui!

Ha?! Oh no!

Grabe ang bilis naman... di ba last week lang sila pa ni Trisha?

Usap-usapan sa buong campus ang pagpapalit ni Rui ng girlfriend. Eh ano pa nga bang
ine-expect namin? Wala naman yatang nag-assume na magtatagal sila ni Trisha, who by
the way, is the reigning Ms. Tourism sa school.

Mataray. Makapal magmake-up at certified play girl. Funny how a player easily got
played by the better player.

I wondered... who could be Ms. 89th?


Officer ba ng school? Cheer dancer? Anak ng mayor? Mas maganda ba sya sa walumpot
walong babaeng nauna?

Hanggang kelan kaya sila magtatagal?

Ang nakakapagtaka, sa loob ng ilang araw na bali-balita sa school na may bago nang
girlfriend si Rui, ni minsan ay hindi namin sya nakitaan na may kasamang babae.

Kahit yung mga close friends nya ay nagtataka. We were so used to him flaunting his
girlfriends around like they were toys up for display. Palagi nyang ipinamumukha sa
buong school na magaganda at hindi pipitsugin ang mga nagiging girlfriends nya.

Pero bakit ngayon... wala?

Hoy bakla! Totoo ba yung chismis mo nung isang araw?

Ay oo teh! Confirmed nga! May bago na!

Eh asan? Bat walang kasama?

Aba malay!

Baka itinatago?

Haller! Eh why naman kelangan pang itago?

Naku girl! Baka naman mukhang impakta?


Hala... poor girl. Hindi pa man nakikita, hinuhusgahan na. I feel for her.
Actually, sa lahat naman ng naging girlfriend ni Rui, may masamang nasasabi ang mga
tao eh.

Kesyo hindi bagay sa kanya.

Kesyo mas maganda yung nauna.

Kesyo ganito, ganyan...

Siguro isa yun sa mga dahilan kung bakit walang nagtatagal sa kanya.

Ikaw ba naman ang kahit anong pagpapaganda ang gawin sa sarili ay tatawagin pa ring
pangit?

Ikaw ba naman ang tapunan ng masasamang tingin at mapanirang chismis?

Tatagal ka kaya?

Kaya siguro... kahit anong pagkagusto ko kay Rui... parang natatakot din akong
maging girlfriend nya. Para kasing... tingin ko kahit anong gawin ko... people
would still find something wrong with me...
Kaya wag na lang.

Still... siguro kung pagbibigyan ako... kahit isang araw lang akong maging
girlfriend nya... ikasasaya ko na...

Jane.

Bak...it?

Si Rui. Kanina pa ba sya sa likod ko? Bakit hindi ko man lang napansin? Was I so
lost in my own thoughts?

Ngumiti sya sa akin at agad-agad nag-palpitate ang puso ko.

Unang beses.

Tinawag nya ako sa pangalan ko.

Ang ganda-ganda pala ng pangalan ko... ngayon ko lang na-realize...

B-Bakit? Bigla akong tinamaan ng hiya. Punyemas. Kung kailan ako hindi nagsuklay!
Kung kailan nangingintab ang mukha ko! Kung kelan naman amoy araw ako... saka nya
ako kakausapin?
Punyemas lang talaga!

Pwede bang makahingi ng pabor?

P-P-Pwede naman... a-ano ba yun?

Pakibigay naman ito kay Ali. Salamat! Hinawakan nya ang kamay ko at ibinuka yung
palad ko para ilagay ang isang sulat. Saka sya umalis...

Hinawakan nya ang kamay ko...

Unang beses.

Para akong dugyot na nahipnotismo sa daan, naglalakad ng may kalapad-lapad na ngiti


habang nakatingin sa kawalan.

BEB!

Napatalon ako sa gulat... si Ali pala.


Ali! Ginulat mo naman ako!

She smiled at me. Kasalanan mo, nakatulala ka kase. She looked down on my hands
saka tumuro. Ano yan?

Napatingin din ako sa kamay ko at saka ko naalala... yung sulat ni Rui para kay
Ali.

Sulat.

Kanino galing?

Kay Rui... para sa yo daw.

Eh? Talaga? Ano na naman kayang kailangan ng lalaking yun? Kunot-noo nyang tanong
sa sarili habang kinukuha ang sulat ni Rui sa kamay ko.

Ayaw ko pa ngang ibigay kaya kinailangan pa nyang hilahin.

And oh... did I forget to mention?


Ex ni Rui si Ali.

Ang ganda lang kase ng kaibigan ko. At sa lahat-lahat ng naging girlfriends ni Rui,
sa kanya ako botong-boto. Sa kanya din ako pinakang-umiyak. Dahil nakita ko noon na
bagay na bagay sila.

And whats worse?

I couldnt bring myself to hate her... because shes my friend....

Hindi rin naman sila nagtagal. I think mga pang-50 something sya ni Rui?

But unlike the others, they still remained friends.

Si Ali pa rin kaya ang gusto ni Rui?

=================

Heartbreak

Graduation namin.

Everything was just as I have imagined it to be. Pabonggahan ng makeup at gown just
to be ruined later dahil iyakan ng iyakan. Hila-hila ako ni Ali kung saan saan.
Nakikipicture kase sya sa mga ka-batch namin for remembrance. Eh isinasama nya ako
para daw naman hindi ako emo.
Nagprisinta akong taga-picture na lang pero ayaw nya. Gusto nya kasama ako. Nasa
gitna pa.

Ano to Ali? Gusto mo akong patayin? Tanong ko sa kanya after namin magpapicture
kay Maam.

Huh? Bakit naman?

Palagi akong nasa gitna eh... walanjong yan.

She laughed at me. Baliw ka talaga! Di totoo yun! Sabay hampas sa kin. I grunted
at her saka ako nagpalinga-linga para hanapin si Rui.

Magpa-picture kaya ako sa kanya?

Remembrance ng taong minahal ko ng patago ng pagka-tagal-tagal...

Jane picture tayo! Nagulat ako ng isang kamay ang biglang dumantay sa balikat ko.
I looked up to my left only to meet the smiling eyes of Rui Haranayo.

Nasa ganoong posisyon kami ng maramdaman kong may nag-flash. Kinuhanan kami ni ali
ng picture ng magkatitigan kami ni Rui.

Uyyy bagay! She teased. I blushed. Hindi ko alam ang gagawin ko... nakakahiya
namang palisin bigla yung kamay ni Rui. Thats why I remained under his arms.

Bagay? Nakangiti nyang tanong kay Ali. Tekabat sya nakangiti? Aish. Maybe Im
just imagining things.

Picture naman tayong tatlo! Aya ni Ali saka tumabi sa kin. As usual, nasa gitna
na naman ako. Uy close up to ah! Compress! She commanded.

Rui obliged and came closer. Nagkadikit yung mga pisngi namin. Tapos halos
nakayakap pa sya dahil medyo nakayuko sya para ma-level sa min yung tangkad nya.
He smelled so good...

Haaaay... kinikilig ako kahit hindi naman dapat. For sure naman, wala lang sa kanya
to. Ilang babae na ba ang naging ganto ka-close sa kanya?

*flash*

Nagulat ako sa flash ng camera. I blinked a few times bago bumalik sa focus yung
mata ko.
Andaya... bat kayo lang ang nakuhanan? Ali asked with a pout. Kami lang daw?

Patingin nga! I heard Rui say saka tinanggal yung pagkakaakbay nya sa kin tapos
kay ali llumapit. Pareho silang nakatungo sa camera at naniningin ng pictures.

Bagay daw kami? Sinong niloko nila eh mas bagay sila? I decided to go out of the
auditorium. Dun ko na lang sa labas aantayin si Ali...

Rui! Papicture naman!

Ako din Rui!

Ako muna kase uuwi na ko!

Rui punta ka sa party ko mamaya ah!

I shut the voices down. College just ended... so are my chances. Pagkatapos nito,
hindi ko na sya makikitaor at least I half-heartedly hope so. Ayoko na syang
makita para maka-move on ako sa kanya. Seeing him every day makes me wanna be with
him even more... na alam naman ng lahat ng tao sa mundo na imposible.

Naupo ako sa tabi ng basurahan na walang laman. Madilim na saka malamig. Almost 9pm
na rin eh. Nakauwi na ang mga parents ko after ng handing of diplomas. Pinauna ko
na sila kase kay Ali naman ako sasabay.

I looked at the crowd passing by... nakakatuwa lang... sa loob ng apat na taon ko
sa college... halos 8% lang ng population ng mga estudyante ang nakilala ko.

Jane! Bat lumabas ka na?

O.O

A-Ah... wala. Nagpapahangin lang. Tumungo ako at tinitigan ang ruffles ng dress
ko. Nailang ako ng dumating bigla si Rui.

Bakit sya nandito?

Hay! Nakakapagod! Bigla syang naupo sa tabi ko. Kumusta ka?

H-Ha? Okay lang.

Good. May sasabihin ako Jane.


My heart hammered against my chest ng marinig ko ang mga katagang yun.

Ano? Feeling ko alam ko na... pero imposible. Ayokong mag-assume. Ayokong umasa.
Pero umaasa ako. Nag-aassume ako...

Sana yun ang sabihin nya...

Pero pano nga kung yun? Ano na lang ang sasabihin ko sa kanya?

Alam mo ba... four years ago... nagkagusto ako sa isang babae?

Sabi na nga ba.... hindi yun ang sasabihin nya. </3

Oh tapos?

Tapos hanggang ngayon gusto ko pa rin sya.

Ah talaga... Ang swerte naman ng babaeng yun.

Pero...

Pero?

Nitong fourth year ko lang sya nakausap.

Dugdug.

H-Ha? Bakit naman?

Kase ngayon lang ako pinagbigyan ng kaibigan nya.

Dugdug.

B-Bakit?

He sighed. Kase yung kaibigan nya, walang tiwala sa kin. She was afraid that I
will hurt her friend the way that I hurt the others. Sabi nya, maghintay daw ako
hanggang fourth year kase magbabago pa yung feelings ko... surprisingly though, it
didnt change.
Dugdug.

Ang swerte naman ng babaeng yun.

He smiled to himself. Sana nga. Ayokong mangyari sa kanya yung nangyari sa iba. I
dont want her to be bullied or hated because of me. Siguro yun din ang dahilan
kung bakit hindi ko sya malapitan noon... natatakot akong kamuhian sya ng iba... at
kamuhian nya ako dahil dun.

Ah...

Tumingin sya sa kin. Naniniwala ka ba sa sinasabi ko Jane?

Ewan ko...

Nakukuha mo ba kung sinong tinutukoy ko?

Nag-iwas ako ng tingin.

Siguro...

Jane.

Ha?

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Pwede ka bang maging girlfriend?


Matagal kong pinag-isipan.

Matagal kong inintindi ang tanong.

Matagal kong inisip ang kasunod na mangyayari.

Hindi.

Nagulat sya kagaya ng pagkagulat ko.


Ah... ganun ba?

Inisip ko kung babawiin ko ba pa...

Oo. Ganun nga.


Pero mas pinili kong panindigan.

I fell in love with a heartthrob and inevitably, he will break my heart... kaya
inunahan ko na.

In fear of getting my heart broken, I broke his heart instead.

<///3

You might also like