You are on page 1of 1

FILIPINO 6

BABASAHIN NG GURO
Anino
Magkaibigang-pagkit sina Maki at Waldo. Si Maki ay isang kambing at si Waldo naman ay
isang usa. Ngayoy kapwa na sila nasa kasibulan subalit walang nabago sa kanilang samahan
hanggang sa dumating ang panahong may napansin si Maki. Waldo bakit habang tumatagal ang
sungay mo ay nagkakaroon ng sanga? tanong ni Maki. Ganyan daw kaming mga usa parang
puno ang mga sungay sabi ni Waldo.

Kailangang kong gumawa ako ng sarili kong paaan upang ako ay mapansin sumpa ni Maki sa
sarili. Habang tumatagal ay unti-unting nagkakaroon ng inggit sa puso si Maki, laging si waldo na
lang ang pinapansin ng lahat lalo na ang mga kadalagahan. Nagsawa ng makinig si Maki sa
kanyang mga magulang, nagpakalayo-layo siya hanggang sa pusod ng gubat sa pagbabakasakaling
doon matatagpuan niya ang engkantanda na palaging naririnig sa mga kwento.
Pagod, gutom ang naramdaman , naidlip siya sa isang tuyong puno. Tanghali na nang siyay
magising, biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita Malago na ang sungay ko ! paulit-
ulit niyang sigaw. Walang pagsidlan ng tuwa sa nangyari. Subalit pansamantala lang pala ito.
Habang tumatagal lumalayo sa kanyang ulo ang malagong sungay. Muntik na siyang mahulog sa
bangin ng pilitin niyang itapat ang ulo sa inakala niyang sanga-sangang sungay.
Bumahid ang lungkot sa kanyang mukha. Ngayoy nalaman niyang anino lang pala ng punong
sinasandalan niya ang pinangarap na sungay.Umuwi siyang malungkot subalit puspos ng
pagkakababa. Akoy isang kambing dapat kong tanggapin ang katotohanan , naging payapa na
ang kalooban ni Maki , nang makita at matanggap niya ang katotohanan. Bumabalik ang dati nilang
samahan ni Waldo kahit pa silay magkaiba.

ANSWERS:
1. A 31. C
2. B 32. B
3. C 33. A
4. A 34. A
5. A 35. C
6. A 36. B
7. B 37. B
8. D 38. C
9. B 39. D
10. E 40. B
11. A 41. A
12. F 42. B
13. D 43. B
14. B 44. C
15. C 45. D
16. B 46. C
17. A 47. B
18. C 48. C
19. B 49. B
20. B 50. D
21. A
22. C
23. C
24. C
25. B
26. B
27. A
28. D
29. B
30. C

You might also like