You are on page 1of 4

Modyul 1

Paunang Pagsusulit

1. A 21. C 41. C
2. C 22. A 42. B
3. C 23. B 43. A
4. D 24. B 44. B
5. A 25. A 45. C
6. C 26. D 46. D
7. B 27. C 47. B
8. D 28. B 48. B
9. C 29. A 49. A
10. B 30. B 50. B
11. A 31. D 51. C
12. B 32. C 52. A
13. C 33. A 53. B
14. D 34. B 54. B
15. A 35. A 55. A
16. C 36. B 56. B
17. D 37. A 57. A
18. A 38. B 58. B
19. B 39. D 59. C
20. D 40. A 60. C

Pagtatasa
A.
1. Ang panitikan base sa aking naunang kaalaman ay mga bagay-bagay na naisulat o

nailimbag na kung saan kapag binasa mo ay makikita mo ang mga pagpapahayag ng mga

awtor ng kani-kanilang mga opinyon, damdamin, karanasan at obserbasyon ng mga bagay-

bagay sa paligid na kung minsan ay sinasang-ayunan din natin.

2. Nagkakapare-pareho sila sa nais nilang iparating na ang panitikan ay tungkol sa

buhay ng tao dahil dito mo makikita ang ilang pagpapahayag ng mga tao tungkol sa kanilang

mga opinyon sa buhay-buhay, saloobin sa sistema ng lipunan, damdamin, karanasan at

maging sa mga bagay-bagay sa buong daigdig.

Masasabi ko namang ang aking ideya sa panitikan ay nalalapit sa ideya ni (Lydia Fer

Gonzales, et.al (1982), dahil napansin ko na parehas kaming nagsasabi na ang panitikan ay

kakikitaan ng papapahayag ng opinyon, kaisipan at damdamin ng mga awtor na kung minsan

ay nararamdaman o sinasang-ayunan nating mga mambababasa.

3. Ang panitikan ay mahalaga at dapat ko talagang pag-aralan dahil ito ang

pagmumulan o kukuhanan ko ng aking mga pag-aaralan at ituturo kung ako ay guro na.

Bilang halimbawa, ako ay magtuturo ng Matematika sa aking mga mag-aaral dahil ito rin ang

medyor ko sa kolehiyo. Ang mga kaalaman, ideya, pinagmulan ng matematika at lahat ng


konektado sa matematika na aking ituturo o ibabahagi sa aking mga mag-aaral ay malalaman

o mababasa ko lamang sa mga panitikan.

4. Sinasabing layunin ng mga dayuhan noon tulad ng Kastila na ipalaganap ang

Relihiyong Katolika Apostolika Romano sa kanilang pangingibang pook kayat agad na

nagmisa at bininyagan ang mga katutubo. Matapos nila itong gawin ay sinunog nila ang mga

panitikan ng mga katutubo sa kadahilanang ito raw ay gawa ng mga demonyo at mas

pinalaganap pa ang tungkol sa pananampalataya. Ipinasok na rin ng mga Kastila ang

kanilang kalinangan, mga kasuotan, gawi at marami pang iba. Bilang karagdagan, sa

larangan ng panitikan ay maraming naipakilala sa mga Pilipino at isa na rito ang korido. Hindi

lamang panitikan ang kanilang itinuro, maging ang gramatika.

B.

Ang mga awtor na sina Jose Dela Cruz o Huseng Sisiw, Cecilio Apostol, Nvm

Gonzales at Virgilio Almario kilala bilang Rio Alma ay mga makakata at talagang mga

kahanga-hanga pagdating sa mga sulatin tulad ng tula, oda, nobela, korido at maikling

kwento at marami pang iba.

Sa aking paghahanap ng karagdagang impormasyon sa apat na awtor, napansin ko

na ang mga tema ng kanilang mga gawa ay tungkol sa pag-ibig, lipunan, patriyotiko at

paglalarawan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.


2. Ang pagbabalik tanaw sa mga ugat ng panitikan ng Pilipinas ay napakahalaga

dahil dito mo malalaman o matutuklasan kung paano namuhay ang ating mga ninuno at kung

ano ang kanilang mga ginawa noon.

Bilang mga Pilipino, dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat dito

natin maipapakita ang pagmamahal, pagsuporta at pagpapahalaga sa ating mga kultura. Isa

pa, malaki ang naitutulong nito sa ating buhay at lipunan. Una, ito ay tumutulong sa paghulma

ng lipunan dahil tinutulungan nito ang mga mamamayan sa pagbuo ng mga opinyon sa

mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema na nagbubunga ng pagbabago sa ating

lipunan. Ikalawa, ito ay isang magandang pagtakas sa reyalidad at isang uri ng libangan para

sa mga tao. Pangatlo, nagiging salamin ito ng kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang

tao na magiging basehan ng kaalaman ng mga susunod na henerasyon.

1. Sa aking palagay, ang mababagay na lebel sa mga katulad naming manunuri na

nasa kolehiyo ay sa panitikang itinatanghal. Napapansin ko na mas gusto ng nasa edad

namin ang napapanood o nakikita ng harap-harapan. Isa pa kapag itinatanghal ay

napupukaw ang interes namin kaya may natututunan talaga.

Sa aking malalim na pagsipat, napansin ko na dapat dagdagan ang prosa ng

mensahe dahil dito malalaman kung may natutunan talaga ang mambabasa.

2. Prosa

PAMAGAT: Ang Kwento Ni Mabuti

MAY-AKDA: Genoveva Edroza-Matute

BUOD:

May isang guro na ang tawag sa kaniya ng mga mag-aaral ay “Mabuti”. Ito ang

naging pangalan niya dahil marami siyang kuwentong kapupulutan ng kabutihan. At higit sa

lahat, “Mabuti” ang naging palayaw niya dahil hilig niyang sambitin ang “mabuti” sa kaniyang

mga pahayag.

Dahil sa angking husay sa pagtuturo at mabuting kalooban, naging idolo ng mag-

aaral na si Fe ang kaniyang guro na si Mabuti. Hangang-hanga siya sa guro dahil magaling

nang magturo, ay lagi pa nitong ipinagmamalaki ang kaniyang anak.


Isang araw, mayroong mababaw na suliranin si Fe. Dahil doon, nagpunta siya sa

silid-aklatan kung saan walang tao upang umiyak. Ilang sandali pa ay dumating ang kaniyang

gurong si Mabuti at nakinig sa kaniyang salaysay. Maya-maya pa, hindi na rin napigilan ng

gurong umiyak. Doon nalaman ni Fe na kahit ang magiliw at mahusay na gurong si Mabuti ay

may suliranin din.

Matapos ang ilang araw, napag-alaman ni Fe ang dahilan ng pag-iyak ng gurong si

Mabuti. Natuklasan pala ng guro na hindi siya ang unang asawa ng kabiyak na doktor.

Nalaman niya lamang nang pumanaw ang asawang doktor at hindi maiburol sa kanilang

bahay.

Lumipas ang mga panahon at hindi na guro ni Fe si Mabuti. Ngunit nananatili ang

kabutihan nito at inspirasyon sa kaniyang buhay

You might also like