You are on page 1of 1

TCNHS nanguna sa pandibisyong PSA quiz bee

Nanguna si Angelika Bacudo habang pumangatlo naman si Jessa Buen sa kauna-unahang pandibisiyong
pagsusulit ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Tuga National High School, ika-8 ng Oktubre.

Naglalaban-laban ang 14 kalahok sa tatlong bahagi ng patimplak, ang easy, average at difficult at
pinagsasama-sama ang kanilang puntos upang mapalabas ang mga panalo kung saan pumangalawa si
Marichelle Guiawan ng Agbannawag National High School.

Sa easy round, nakuha ni Guiawan ang pinakamataas na puntos na 9 habang nakakuha naman ng 7
puntos sina Buen at Bacudo. Habang sa average round naman, nanguna si Buen at sumunod naman sina
Guiawan at Bacudo sa iskor na 9, 8, at 7 ayon sa pagkakasunod. Sa difficult round, bumanat si Bacudo na
nag-iwan ng malaking gap sa iba na nagpanalo rin sa kaniya.

Ang top 2 sa paligsahan ang naging opisyal na kalahok ng Tabuk City sa panrehiyon na PSA quiz bee kung
saaan nai-uwi nila ang second prize na nagkakahalaga ng P4,000 sa Wangal, La Trinidad, Benguet, ika-15
ng Nob.

Layunin nitong suriin ang husay ng mga mag-aaral sa estadistika, maitaguyod at maipaunawa ang
kalagahahan ng estadistika sa mga mag-aaral, at maipaalam sa publiko ang mga mahahalagang gamit ng
estadistika sa mga pagpaplanong pangkaunlaran ng bansa.

Isinagawa ang quiz bee bilang parte ng selebrasyon sa 27th National Statistics Month sa temang
Sustainable Development: Making Statistics Count.

You might also like