You are on page 1of 8

Ikalawang Krusada

Ang Ikalawang Krusada (11451149) ang ikalawang krusada na inilunsad mula sa Europa. Ang Ikalawang Krusada ay
sinimulan bilang tugon sa pagbagsak ng Kawnti ng Edessa sa nakaraang taon ng mga pwersa ni Zengi. Ang Kawnti ay
itinatag noong Unang Krusada(10961099) ni Baldwin ng Boulogne noong 1098. Bagaman ito ang unang itinatag na
estado ng nagkrusada, ito rin ang una na bumagsak. Ang Ikalawang Krusada ay inanunsiyo ni Papa Eugene III at ang una sa
mga krusada na pinamunuan ng mga haring Europeo na sina Louis VII ng Pransiya at Conrad III ng Alemanya na may
tulong ng isang bilang ng ibang mga maharlikang Europeo. Ang mga hukbo ng mga dalawang haring ito ay nagmartsa ng
magkahiwalay sa buong Europa. Pagkatapos na tumawid sa teritoryong Byzantine tungo sa Anatolia, ang parehong mga
hukbong ito ay magkahiwalay na natalo ng mga Turkong Seljuq. Ang pangunahing sangguniang Kristiyano sa Kanluran ng
Krusadang ito na si Odo ng Deuil at ang mga sangguniang Kristiyanismong Syriac ay nag-angkin na sikretong hinarang ng
Emperador ng Imperyong Byzantine na si Manuel I Comnenus ang pagsulong mga nagkrusada partikular na sa Anatolia
kung saan inakusahan na kanyang sinadyang utusan ang mga Turko na atakihin ang mga ito. Sina Louis at Conrad at mga
natitirang mga hukbo nito ay dumating sa Herusalem at noong 1148 ay lumahok sa isang hindi mahusay na napayuhang
pag-atake sa Damascus. Ang krusada sa silangan ay isang pagkabigo para sa mga nagkrusada at isang malaking
pagkapanlo para sa mga Muslim. Ito ay kalaunang nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagsalakay sa Herusalem
at naglunsad ng Ikatlong Krusada sa wakas ng ika-12 siglo. Ang tanging tagumpay ng Ikalawang Krusada ay ang isang
pinagsamang pwersa ng mga 13,000 na nagkrusadang Flemish, Frisian, Norman, Ingles, Scottish, at Aleman noong 1147.
Sa paglalakbay mula sa Inglatera sa pamamagitan ng barko tungo sa Banal na Lupain, ang hukbo ay huminto at tumulong
sa mas maliit na 7,000 hukbong Portuges sa pagsalakay sa Lisbon na nagpatalsik sa mga naninirahan nitong mga Moor.
Imad ad-Din Zengi Baldwin of Boulogne
Pope Eugene III Louis VII of Pransiya
Conrad III ng Alemanya
Byzantine
Turkong Selijuk
Odo of Deuil

You might also like