You are on page 1of 1

A.P. pg. 190 IV.

1. Unang Krusada:
• Pag-usbong - Lumaganap ang unang panawagan ni Papa Urban II sa Unang Krusada noong taong 1095. Kaya isa
si Peter, the Hermit sa nangaral at nanghikayat sa mga taong sumama sa krusada. 5,000 na tao ang sumama na
binubuo ng mga magsasaka at mga dukhang pamilya.
• Pagkabigo - Dahil kulang ang kaalaman sa pakikidigma ng hukbo madali silang natalo ng mga Turko. Ang
nakaligtas lamang ay si Peter pero nakasama pa siya sa sumunod na krusada. Sila ay di nagtagumpay pero sa
susunod na baka sila ay matagumpay na nabawi ang Banal na Lupain.

2. Ikalawang Krusada:
• Pag-usbong - Nabawi muli ng mga Zengid(isang dinastiyang muslim mula sa lahing Turko noong 144) ang
Edessa. Dahil dito nanawagan si Papa Eugene III ng panibagong krusada. Kaya pinangunahan nina Haring Louis VII
ng France at Emperador Conrad III ng Banal na Imperyong Roman ang ikalawang krusada.
• Pagkabigo - Dahil hindi nagkaisa ang dalawang hukbo natalo agad sila ng mga Turkong Muslim kahit di pa sila
nakakapunta sa Edessa. Kaya hindi nagtagumpay ang ikalawang krusada. At nakuha din ni Saladin ang Crusader
states at ang jerusalem.

3. Ikatlong Krusada:
• Pag-usbong - Dahil nakuha ni Saladin ang Jerusalem binuo ang Ikatlong Krusada. Binansaga din itong "Krusada
ng Tatlong Hari" dahil sa tatlong magigiting na hari na sina Haring Richard I ng England, Haring Philip Augustus ng
France, at Emperador Frederick I ng Banal na Imperyong Roman. At umabot sa Anatolia ang napakalaking hukbo.
• Pagkabigo - Nalunod si Emperador Frederick I sa ilog sa syria habang siya ay tumatawid. Kahit ang dalawa
nalang ang naiwan hindi naman nagkasundo sina Philip Augustus at Richard I. Dahil dito naiwan si Richard I na
makibaka sa mga Muslim pero hindi pa rin nabawi ang jerusalem.

4. Ikaapat na Krusada:
• Pag-usbong - Dahil sa pagkabigo ulit nila nanawagan si Papa Innocent III noong 1202 para sa ikaapat na krusada.
Sampung libong tao ang tumungo naman sa Jerusalem. Ang mga taong iyon ay nagmula sa Venice, Italy.
• Pagkabigo - Ibinandonado nila ang kanilang tungkulin na pabagsakin ang mga Muslim nagtungo ang karamihan
sa Imperyong Byzantine sa Constantinople at doon nakipaglaban. Dahil na winasak nila ang imperyo ikinagalit ito
ng Papa at pinarusahan sila. At nagpatuloy ang mga Muslim sa pagsakop sa mga lupain ng mga Kristiyano.

5. Krusada ng mga bata:


• Pag-usbong - Dahil sa paniniwala ng mga Kristiyano na ang mga bata ay may dalisay na kalooban kaya hindi sila
matatalo sa digmaan sapagkat mahalaga sila sa Diyos. Kaya nagkaroon din ng Krusada ng Bata noong 1212. Dahil
dito tatlumpung libong batang lalaki at babae na may gulang siyam hanggang labing dalawa ang nagkrusada.
• Pagkabigo - Napakalungkot na naranasan ng mga bata sa krusada ang pinakamasamang senaryo. Marami sa
kanila ang namatay dahil sa mga sakit at aksidente sa kanilang paglalakbay mula sa bundok ng Alps. At ang iba
pang nakaligtas ay nakulong at naging alipin.

You might also like