You are on page 1of 7

I

II
The Magsingal Institute of Secondary Education, Inc. III
San Lucas, Magsingal. Ilocos Sur IV
V
VI
FIRST MONTHLY TEST VII
SCIENCE 9 VIII
Total

Name: ___________________________________________ Date: __________________


Year and Section: _________________________________ Score: _________________

Test I. Labelling. Label the parts of the Respiratory System. Write your correct answer on the space
provided for each number. (11 points)

Test II. Identification. Identify what is being asked for each question or statement. Write your answer on
the space provided for each number.
_____________1. It is commonly called as “the river of life”.
_____________2. It is where the exchange of oxygen and carbon dioxide takes place.
_____________3. It is a hollow muscular organ that pumps blood to the different parts of the body.
_____________4. It is also known as Circulatory System, in its most advanced name.
_____________5. It is a system for breathing.

Test III. Modified True or False. Write Janzi if the statement is true. If false, underline the word/s or
phrase/s that make/s it incorrect and write the correct one. Write your answer on the space before each
number.
_____________1. A pericardium is a sac that encloses the heart.
_____________2.The atria are the pumping chambers of the heart.
_____________3. The pulmonary veins convey oxygen- rich blood to the left atrium of the heart.
_____________4. As you exhale, the diaphragm relaxes, causing the volume of the chest cavity to
increase.
_____________5. The diaphragm is a large flat muscle at the base of the rib cage and it separates the
chest cavity from the abdominal cavity.

Test IV. Elimination. Choose the letter of the word that is odd (not belong) to the group. Encircle the
correct answer.
1. A. valves B. tricuspid C. atrium D. mitral
2. A. Gas Exchange B. Oxygen C. Monoxide D. Carbon Dioxide
3. A. red bone marrow B. capillaries C. arterioles D. veinlets
4. A. leukocytes B. platelets C. erythrocytes D. tonsil
5. A. pharynx B. alveoli C. lymph nodes D. lungs
Test V. Matching Type. Match the column A that corresponds to the answer on column B. Write the
letter of the correct answer on the space provided for each number.
A B
____________1. Lungs a. windwipe
____________2. Heart b. entrance of air
____________3. Trachea c. main airway
____________4. Larynx d. two-lobe shaped
____________5. Nose e. about the size of a fist
f. voice box

Test VI. Enumeration. Enumerate what are being asked. (10 points)

The Chambers of the Heart


1. 3.
2. 4.
The 3 Components of the Cardiovascular System
1. 3.
2.
The Classifications of Disorders of the Respiratory System
1. 3.
2.

Test VII. Illustration. Create a diagram that traces the flow of the blood in the heart. (10 points)

Test VIII. Essay. Write your insight on the given question below. Create a paragraph that compose a
maximum of five sentences. (5 points)

1. How can I live a healthy Respiratory System?

Good Luck and God Bless!!!

“The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.”
-Eleonor Roosevelt
The Magsingal Institute of Secondary Education, Inc.
San Lucas, Magsingal. Ilocos Sur

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____________


Baitang at Seksyon: ____________________________ Iskor: ____________

I. Maraming Pagpipilian. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. (2 puntos sa bawat tamanag
sagot)

1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan
b. kabutihang panlahat
c. katiwasayan
d. kasaganaan
2. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng iisa lamang
b. Kabutihan ng isang pangkat sa lipunan
c. Kabutihan ng tao
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
3. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Pagkilos na naaayon sa ikabubuti ng karamihan
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa iba
c. Pakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
4. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
5. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
6. Ang kahulugan ng “mass media” ay:
a. impormasyong hawak ng marami
b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
d. paghahatid ng maraming impormasyon
7. Ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ay:
a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b. pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
8. Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
9. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
10. Ayon sa isang propesor ng Pilosopiya, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito
ay nangangahulugang:
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan
ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kanyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang
nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon dito; binubuo ng lipunan
ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang
kaganapan ng pagkatao.

II. Sanaysay. Ipahayag ang sariling saloobin, opinyon, pag-uunawa o kaalaman sa mga sumusunod.
( 5 puntos sa bawat bilang)
1. Ano ang Lipunan?

2. Ano ang Kabutihang Panlahat

3. Ano ang iyong mahalagang kontribusyon bilang miyembro ng isang lipunan?

“Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di
rin naman matuwid sa marami.” Lucas 16:10
The Magsingal Institute of Secondary Education, Inc.
San Lucas, Magsingal. Ilocos Sur

Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____________


Baitang at Seksyon: ____________________________ Iskor: ____________

I. Bilugan ang letra ng tamang sagot. (2 puntos sa bawat tamang sagot)

1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks)
sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan
sa kanya ng lipunan

2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

3-4. Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 3-4 .
Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ika-labintatlong taon, nagsisimula ang matulin at kagyat na
pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali. Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa
paglalaro, ngayon ay tila naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang babae:
nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.
Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at paguugali: laging tila
humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan. Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay,
waring ipinagwawalambahala ang panganib, nagkukunwarinng hindi nababalisa sa anumang suliranin.
Ito ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di matanggap ang katotohanang
hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon
na ang isang lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya napakalaki ng kanyang
kawalan ng seguridad, laging humahanap ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig
ng kababaihan, ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika at laruan,
nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.
Hango sa: http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0
3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.
c. Ang damdamin ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at nagbibinata

4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng isang nagdadalaga at


nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam ng kalituhan
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na naglalaro ng manika at iba
pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang nagdadalaga ay nagsisimulang
maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay nagsisimula nang kumilos
na tulad ng isang ganap na babae.

5. Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng
bawat isa ang kanyang gawi?
Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pakakamali ay mayroong siyang matututuhan.
Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga
pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.
a. tapang c. tiwala sa sarili b. talento at kakayahan d. positibong pagtingin sa sarili

6. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-
ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
b. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipagugnayan sa mga kasing-edad
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipagugnayan nang maayos sa
kanyang kasing edad
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya

7. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng


kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa
sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

8. Si Cleofe ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman
na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga
ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Cleofe?
a. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
b. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamag-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.

9. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipagugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol
sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

10. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa
paaralan dahil sa takot na hindi ito maging kalugodlugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang
makatuwirang gawin ni Bernard?
a. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang
talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
b. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat
ang kanyang tiwala sa sarili
c. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
d. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat.

II. Pag-isa-isa. Isa-isahin ang mga tinutukoy sa bawat bilang.


Mga Pagbabago ng Katawann ng Nagdadalaga
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Pagbabago sa Katawan ng Nagbibinata
6.
7.
8.
9.
10.

Tamang Pangangalaga sa Nagbabagong Katawan


11.
12.
13.
14.
15.

III. Sanaysay. Ipahayag ang sariling saloobin, opinyon, pag-uunawa o kaalaman sa mga
sumusunod. (10 puntos sa bawat tanong)
Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, paano mo hinaharap ang mga pagbabagong
nagaganap sa iyong pisikal, emosyonal at sosyal na aspeto.?

Pisikal:

Emosyonal:

Sosyal:

“Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin
naman matuwid sa marami.” Lucas 16:10

You might also like