You are on page 1of 1

LUNGKOT

Luhang prutas ng kalungkutan,

Bunga ng takot, sakitan,

Pagsisisi at di pagkakaintindihan

Minsan pwede rin ng kasiyahan.

Ang kalungkutang bumabalot sa tao

Ang dahilan kung bakit nagkakagulo,

Ang mga aksyong di sang-ayon sa gusto,

At mga bagay na di pwede sayo.

Kapag tayo'y malungkot, ilabas mo.

Wag mong pigilan, ni itago,

Upang ang ating nararamdaman

Ay lumubog at tumulo na sa kawalan.

Hayaang ang kalungkta'y dumaan

At magbigay aral sa ating katauhan.

Upang sa wakas ating mabitawan.

Itong nagbibigay satin ng KALUNGKUTAN.

You might also like