You are on page 1of 4

1. Kumikilos ang bawat taong isinasatupad ang nararapat at mabuti ayon sa kanyang katwiran.

Laging may aspetong


partikular at sumasakasaysayan ang katwiran ng tao. Aspeto nito ang sistema na pag-uunawa at sistema ng halaga ng
tao. Sa pamamagitan ng katwiran na ito, nagbubukas tayo sa katalagahang nagprepresensiya.

 Katwiran
o Laging kumikilos nang ayon sa kaniyang katwiran
 katwiran: partikular (takda) at pagsasakasaysayan (nakaraan/mga karanasan)
o dadaan pa sa proseso → sistema ng pag­uunawa at kahalagahan/kalooban
 pag­uunawa ­ sentido komun
o malawak na kaalamang teoretikal at praktikal ng isang komunidad
o nag­iiba sa bawat lugar o kultura dahil sa laro ng meron → nababago dahil nalilimitahan ito ng ngayon at dito → 
mapapalawak dahil marami pang bagay na di alam → magbukas sa ibang bagay
 kalooban ­ ordo amoris
o pagkilala ng kalooban
o sistema ng kahalagahan: pagka­maypakinabang, kasarapan ng katawan, buhay, diwa at kabanalan
 may iba’t ibang pinahahalagahan ang tao ngunit hangga’t maari dapat mas mataas na nibel ng kahalagahan ang 
tinutugunan para mabuo
 Hangarin ng tao ­ mabuhay ng ayon sa pangunawa ng mabuti
o magsisikap ang tao na makamit ang mabuhay buhay anuman ang pangunawa niya dito

o may hatak ang meron para tumugon (batay sa kapalaran) at mabuo ang potensya

2. May multiberso ng katwiran sa bawat lipunan. Hindi sakop ng ano mang katwiran ang kabuuan ng laro ng katalagahan
at lagi itong napapayaman ng pagbubukas sa pagprepresensiya ng katalagahan at sa pakikipagtalaban sa ibang katwiran.
Dapat laging nakaugat ang dominanteng katwiran sa pagtatalaban ng mga katwiran sa multiberso ng katwiran.

 Multiberso ng katwiran 
 Hindi sakop ng katwiran ang kabuuan ng laro 
 Pagbukas sa pagpresensiya at pakikipagtalaban sa ibang katwiran 
- Sa pagbubukas sa pagprepresensiya ng katalagahan at sa pakikipagtalaban sa ibang katwiran… 
 Nakaugat ang dominanteng katwiran sa pagtalaban ng katwiran sa multiberso 
- Upang makabuo ng isang makatarungan na lipunan, kailangang maging bukas sa multiberso ng katwiran
- Diskurso?

3. Bagamat mahalaga na may dominanteng katwiran, laging posible na mayroon itong maisasantabi. Binabawian na
kakayahan ang naisantabi ng dominanteng katwiran dahil naisantabi ang kanilang katiwran. Ang naisantabi ang naging
inutil sa malikhaing pakikipagsapalaran sa katalagahan dahil naipataw sa kanila ang mga dayuhang sistema ng
dominanteng katwiran.

 Halaga at Panganib ng Dominanteng Katwiran
- Kailangan lagi ng tao ng mga sistema na magbibigay katwiran at kaayusan sa kanilang mga kilos
- Kailangan ng kaayusan sa patakaran ng pakikitagpo at pakikipagsapalaran ng tao sa isa’t­isa
- Kumikilos ayon sa isang pagsisistema na nababatay sa dominanteng katwiran na nagsasabi ang nararapat, mabuti, at 
makatao
- Dahil binubuo ang lipunan ng iba’t­ibang sistema ng paguunawa’t pagpapahalaga, iba’t­ibang mga katwiran, hindi 
maiiwasan na may maisasantabi bunga ng pagpataw o ng paglitaw ng dominanteng katwiran
- Madalas ang mga bihasa sa dominanteng katwiran ang mga nakikinabang habang ang mga binawian ay nagiging mahirap
 Binabawian and naisantabi
- Binawian ng kakayahang kumilos nang may kalayaang isatupad o makamit ang isang makataong buhay ayon sa pag­unawa 
at pagpapahalaga ng katwiran
- Pinilit sila sa sistemang di nila naiintindihan at hindi alam kung pano “laruin” o paano kumilos ng malaya sa sistema kaya 
sila naisasantabi
 Naging inutil
- Iba ang nauunawaan ng mga naisantabi bilang makatwiran
- Hindi makapasok nang ganap ang binawian sa banyagang sistema ng dominanteng katwiran
- Hindi sila malayang kumikilos sa ipinataw na sistema
- Sa “standard” na ipinataw ng dominanteng katwiran, lumalabas na “bobo,” may pagkukulang at “walang kwenta” ang mga 
naisantabi
- Hindi naririnig ang boses nila (hindi alam laruin ang dominanteng katwiran) kaya wala silang magawa para sa ikauunlad nila
- Mangingisda nauubusan kakayahang mangisda, magsasaka nauubusan ng kakayahang *magpalaganap ng lupa dahil sa 
pagtatag ng dominanteng katwiran ng sistemang pangekonomiya

4. Mababawi lang ang pagsasantabi ng mga naisantabi ng malayang diskurso sa mabuting paggogobyerno. Kailangan
maitatag sa isang lipunan ang mga pormal na sistema na itutulak ang lahat ng apektado na isangkot ang kanilang mga
kinatawan sa mga sistema ng malayang diskurso. Mula sa makatarungang diskurso maaaring mabuo ang pantayong
katwiran na magiging batayan ng ating pagsasama sa isang lipunan.

 Multiberso ng katwiran
- Binubuo ng iba’t­ibang sistema ng katwiran ang bansa natin
- Bagaman may dominanteng sistema, hindi ito nagiging epektibo sa pagtitipon ng mga tao sa isang makahulugang pagkakaisa
- Dahil sa bayan natin ngayon, walang dominanteng katwiran na kinababahagian ng lahat
- Para sa mga naisantabi, hindi sila makapasok nang ganap sa banyagang sistema ng dominanteng katwiran
- Hindi sila malayang kumikilos at makagalaw sa ipinataw na sistema
- Ang sistemang higit nilang ginagalawan ay ang kanilang sistema na makatwiran sa kanila
- Nagiging iba’t­ibang mga mundo ang kinikilusan ng mga tao
 Malayang disurkso sa mabuting paggogobyerno
- Kailangan ng tunay na sistema ng diskurso sa lipunan na pinahihintulutan ang lahat ng kasapi na makibahagi sa pagbubuo ng
dominanteng katwiran
- Mula sa makatarungan at makatwirang sistema ng diskurso lilitaw ang isang sistemang panggubyerno na makapagtitipon sa 
mga kasapi sa makatarungang lipunan
- Sa pamamagitan lamang ng diskurso mararating ang katiyakan ukol sa mga halagang katanggap-
tanggap sa lahat
- Sa makatwirang diskurso maaaring magharap ang mga tao mula sa iba’t-ibang sistema ng
katwiran na hindi kailangang isantabi ang sistema ng katwiran pinagmumulan at sabay maaaring
manatiling bukas sa sistema ng katwiran ng iba
 Pormal na sistema
 Pagbuo ng pantayong katwiran

5. Maipapaliwanag ang diskurso bilang isang proseso ng pagtatalaban ng katwiran tungo sa pagbubuo ng opinyon at
kalooban na mapaninindigan ng mga kasapi. Maaari rin itong ipaliwanag bilang pagbubuo ng dominanteng katwiran sa
laro ng pagtatalaban ng iba’t ibang katwirang mapapasailalim dito. Posible itong maging batayan ng pagbubuo ng
kolektibong persona.

 Diskurso bilang proseso
- Sa makatarungang diskurso ng nagtatalabang katwiran at pakikipagsapalaran, pinahihintulutan ang mga kasapi na maging 
bukas sa isa’t­isa, hindi lamang sa kanilang mga opinyon kundi narin sa kanilang sari­sariling katwiran
- Hangarin na magbukas ang mga sistema ng katwiran sa isa’t isa at mamulat din ang mga kasapi
na nagmumula sila sa mga magkakaibang sistema ng katwiran na may sariling mga paunang-hatol
na maaaring maging sanhi ng karahasan o kawalang-katarungan.
- Pakay ng makatarungang diskurso ang tunay na pakikitagpo ng mga sistema ng katwiran upang
mapabukas ang mga ito sa isa’t isa
 Pagbuo ng dominanteng katwiran sa laro ng pagtatalaban
- Upang maging makatarungan ang diskurso, kailangan ang malayang laro ng pagtatalaban ng mga magkakaibang katwiran
 Pagbuo ng kolektibong persona

6. Mga pamantayan ng tunay na diskurso


 Kung nagmumula ang sistemang panlipunan sa pinalawak na pantayong katwiran, walang katwirang maisasantabi sa mga lipunang 
kinikilusan ng lahat at walang mababawian.
 Binubuo nito ang mga karaniwang batas sa saligang batas ang mga polisiya at patakaran ng gobyerno
 Lumilitaw sa diskurso ang pananalig at pag­unawa ng tao ukol sa mabuti at nararapat sa iba’t­ibang tanong na panlipunan
 Upang maisatupad ang makatarungang diskurso, dapat itong mangyari sa isang paraang binibigyang hugis ng ilang pamantayan na 
titiyakin na malayang maisasatupad ang talaban ng katwiran at walang maisasantabing katwiran

a. Ang diskurso bilang maayos at malayang paraan ng pagbabahagian ng katwiran at kaalaman ng mga kasapi
 Dapat may pagkakataon ang mga kasapi na suriin at unawain ang mga ibinabahagi ng isa’t isa
b. Bukas sa publiko at walang naisasantabi
 Dapat kasama o may kinatawan ang lahat ng maaaring maapektohan ng mga desisyon na mararating sa diskursong ito
c. Malaya mula sa anumang pananakot o pagpupumilit ng kapangyarihan o karahasan
 Dapat lamang sumailalim ang lahat sa mga patakaran ng bukas at malayang diskurso na tinitiyak na ang 
pinakamabuting katwiran lamang ang mgay kapangyarihan sa lahat at lilitaw ang katwiran ng lahat

d. Magpapadala lamang ang mga kasapi sa bisa ng pinakamaktwirang argumento


 Dapat malaya ang dikurso mula sa impluwensiya ng ibang bagay maliban sa katwiran
e. Laging maaaring ibalik sa proseso ng diskurso ang mga desisyong bunga ng diskurso
 Hinahangad ng deliberasyon ng diskurso na mararating ang pinakamakatwirang desisyon batay sa pagtatalaban ng 
katwiran ng lahat na katanggap­tanggap sa lahat, nang may pag­unawa na hindi ito ang huling salita. Dapat makilala ng 
lahat na may “pinakamabuti ngayon batay sa nalalaman ng lahat” na katangian ang nararating na mga desisyon sa 
diskurso at samakatuwid maaaring ibalik sa deliberasyon ang mga desisyong ito
f. Maaaring isama ang mga bagay na maaaring bigyang regulasyon para sa ikabubuti ng lahat
g. Maaaring isama ang pagbibigay kahulugan sa mga pangangailangan at pagnanais, pagbabago sa mga atitud at
pagbaling sa karaniwang buhay, kung nauukol ito sa kinikilala bilang ikabubuti ng lahat ng kasapi
h. Kailangang mabigyang katwiran ang dominanteng katwiran at suriin ito mula sa abot-tanaw ng mga
nagtatalabang diskurso
 Hindi dapat mamayani sa diskursong ito ang patakaran ng anumang dominanteng katwiran na hindi bunga ng malayang
pagtatalaban ng mga katwiran. Walang diskursong nagsisimula nang wala pang kumikilos na dominanteng diskurso 
Kung naganap ang pagbubuo ng mga sistemang pambansa sa ganitong paraan, nagiging posible ang pagbuo ng
isang dominanteng sistema na katanggap-tanggap sa lahat.
 Hindi debate ang diskurso kundi isang pagsisikap ng sabay na pagkamulat at pagunawa sa mabuti at nararapat na may 
pagkilala sa multiberso ng katwiran.
 Sa halip na maging isang pagsisikap na patunayan ang sariling paninindigan, maging isang pagsisikap buksan ang sarili 
sa katwiran ng iba upang marating ang pinakamakatwirang pag­unawa sa dapat at mabuti na mararating ng mga 
nagtatalabang katwiran

7. Ang tunay na diskurso ay nagkakaroon ng ganitong bunga: natatanggal ang ako mula sa sentro ng pag-uunawa at
paninindigan dahil nasasangkot ang bawat kasapi sa laro ng mga nagtatalabang katwiran, at lumilitaw ang pinalawak na
pantayong abot-tanaw o katwiran. Dito nakikita kung papaano napapalapit ang tao sa isang pag-uunawa sa mabuti at
nararapat na tapat sa karanasan ng mga multiberso ng katwirang kinalalagyan nila.

 Natatanggal ang ako mula sa sentro ng pag­uunawa
- Ang diskurso ang harap­harapang pagbabahagian ng mga tao sa isa’t­isa
- Pumapasok ang tao sa pagbabahagian ng pag­unawa dahil nais nilang lagpasan ang pagkakulong sa sariling kamalayan at 
makibahagi sa ibang mga tao na may ibang kamalayan
- May pagbaling ang tao sa pagdidiskurso
- May pagbaling ang tao na ibahagi ang kaniyang kaisipan at kalooban sa kaniyang kapwa – sabay it sa kaniyang pagnanais 
maunawaan ang isinasaloob at iniisip ng kapwa
- Sa diskurso, may nagaganap na pagbubukas ang tao sa kapwa, ng katwiran, ng kaisipan at kalooban
- Nakikilala na may ibang taong kumikilos sa mundo na nagdadala ng ibang katwiran, may dala rin siyang katwiran na iba sa 
katwiran ng iba
- Mulat sa sariling paunang­hatol at paraan ng pagtingin na maaaring tapat o hindi tapat sa katalagahan
- Nagiging posible ang pagbubukas ng tao sa ibang paraan ng pag­unawa sa katalagahan o sa pinapalagay niya bilang totoo 
- Sa pagkamulat na may ibang katwirang kinikilusan ang ibang tao at sa pagunawa na dapat subukang unawain ang abot­
tanaw na ito upang epektibong maipaliwanag ang kaniyang sariling paninindigan nagiging posible ang pagbasag ng 
egotismo ng tao at pagbukas niya sa pananaw ng iba
 Lumilitaw ang pinalawak na pantayong abot­tanaw o katwiran
- Nagiging posible ang pagtatalaban ng abot­tanaw kung saan napapalawak ang pag­unawa o mapapalawak ang perspektiba 
ng bawa’t isa ukol sa mga bagay na binibigyan nila ng katwiran
- Lumilitaw ang pinalawak na pantayong abot­tanaw ng mga kasapi ng diskurso
- Dahil pinipilit ng diskurso na mabukas ang mga kasapi sa abot­tanaw ng isa’t­isa, nagiging posible ang paglitaw nito
- Bunga ng kilos ng diskurso kung saan patuloy na binibigyan ng katwiran ng bawat kasapi sa isa’t­isa ang kanilang 
paninindigan
- And diskurso ay isang kilos na pilit tinutulak ang bawat tao na lumabas sa makitid na abot­tanaw ng sarili upang pumasok at 
makibahagi sa katwiran ng iba
- Sa pakikipagtagpong ito, napipilitan ang taong makipagsapalaran sa laro ng nagtatalabang mga katwiran
- Mula sa mismong laro, may lumilitaw na katwirang bunga ng laro
 Napapalapit ang tao sa isang pag­uunawa sa mabuti at nararapat
- Sa proseso ng makatarungang diskurso, sa ating pagbubukas sa katwiran ng iba…

8. Parehong biktima ang naisantabi at nakinabang sa mga marahas na sistemang panlipunang kinababahagian nating
lahat. Upang mabuo muli bilang tao, kailangang mapalaya ang tunay na katwiran ng mga ito mula sa karahasang
nagbibigay depenisyon sa kanilang tadhana.

 Parehong biktima ang naisantabi at nakinabang
- Biktima ang naisantabi dahil sa kawalan ng kakayahang  isakongkreto ang sarili isatupad ang potensiyang maging malikhain
- Biktima ang nakikinabang dahil bagaman bihasa sila sa sistema ng dominanteng katwiran, bagaman nakakagalaw sila sa 
katwirang ito, hindi nila nakikilala ang pagka­mapangwasak ng sistemang panlipunan tungo sa mga naisantabi ang mga 
katwiran

9. Mula sa makatarungan at malayang pagtatalaban ng mga kasapi sa multiberso ng katwiran, posibleng mabuo ang
kolektibong persona. Dito lamang sa harap-harapan at patas na diskuro ito maaaring lumitaw.

 Pagbuo ng kolektibong persona
- Hangarin ng makatarungang diskurso ng nagtatalaban na katwiran ang “maitatag ang mga patakaran ng pagsasama nang 
may paggalang sa mga kapwang mamamayan na nagmumula sa ibang sistema ng katwiran.” 
- Nawa’y sa pakikitagpo at pagbubukas sa sistema ng katwiran ng kapwa, magkakaroon ng pagkakaunawaan at lilitaw ang 
mga halagang katanggap­tanggap sa lahat ng kasapi ng lipunan. 
- Isa itong proseso ng pagsisikap na buksan ang sarili sa katwiran ng iba patungo sa “kapwa­pagpapaliwanagan at 
pangangatwiran.” 
- Makikita sa prosesong ito ang pag­iisa’t pagbubuo ng katauhan sa isang lipunan, nagkakaroon ng “pagpapatupad ng persona 
ang sarili kasama ang ibang mga persona.” 
- Lumilitaw ngayon, bunga ng proseso ng makatarungang diskurso at pagtatalaban ng mga mamamayan ang pagbubuo ng 
isang malawak na kabuuan, isang kolektibong persona. 
- Sa pagsasama ng mga tao sa lipunan at pagbubuo ng isang kolektibong persona, tila nagiging isang kolektibong sarili ang 
mga kasapi, isang dinamikong kolektibo na nagsusumikap na insakongkreto ang sarili ayon sa nauunawaang mabuti at 
nararapat. 
- At dahil sa pagkamulat sa makatarungan at mahalaga, nagkakaisa ang kolektibong persona sa “pagtugon sa tawag ng 
pagsasakongkreto ng halaga.” 
- Sa pagtatag ng sistemang panlipunan na nakaugat sa diskurso at sa pagkakaisa ng kolektibong persona, pinahihintulutan ang 
mga kasapi ng lipunan na maging bukas sa ibang sistema ng katwiran at malayang magtipon upang maunawaan ang 
nararapat at mahalaga.
- Sa ganitong paraan, lilitaw ang isang makatarungang pagtitipon­tipon ng mga mamamayan sisikap patungo sa 
pagsasakongkreto at pagpapatupad ng di lamang ng sarili, kundi narin ang nagiisang lipunan. 

10. Ang tunay na pagsisisi at pagbabalik loob lang ang magdadala sa tao sa pagtatag ng lipunan ng makatarungang
diskurso. Matutulungan ang pagpapatupad ng pagsisisi na ito ng makatarungang diskurso.

 Ayon sa libro mo, mahirap maisatupad ang tunay na pagtatalaban ng mga katwiran habang hawak ng dominanteng katwiran ang daloy 
ng diskurso at sistema ng lipunan.
 Halimbawa, mahirap para sa mga contractual salesperson ng SM na makasabay pa at mapaglaban ang kakulangan nila sa suweldo 
kung ang mismong boss nila ang macoconsider natin nagpapatakbo ng ekonomiya ng ating bansa.
 Dahil dito, imposible ang tunay na pagtatalaban ng katwiran sapagkat ang mahalaga sa isa, hindi mahalaga sa kabila. Hindi na rin 
sinusubkang intindihin ng kabila ang kanilang naisantabi.
 Mahalaga ang makatarungang diskurso dahil may hangganan ang kakayahan ng bawat taong bigkasin ang walang hangang laro ng 
pagprepresensiya ng katalagahan, walang likas na nakakalamang sa pag­unawa sa mabuti o totoo. Lahat ng paraan ay malikhain at 
bukod­tangi.
 Mahalaga ang proseso ng diskurso dahil ito ang magmumulatsa mga naisantabi sa kanilang pagka­naisantabi at maaaring ito ang 
makapagpalaya sa kanila at marahas na ang kanilang nararanasan. Kailangan nila marealize na ang karahasan na ito ay dulot ng 
pagkakasala ng iba, na sila’y nagiging biktima at maaari pa itong mapalitan.
 Ang tunay lamang na pagsisisi at pagbabalik loob ang makakapagdala sa tao dito dahil hanggang hindi nila tunay na nakikilala na ang 
kanilang ginagawa ay hindi siya titigil sa marahas niyang ugali at patuloy siyang magiging mapagwasak tungo sa mundo.
 Makukulong sa panganib ang ating mundo dahil sa mga taong hindi marunong magsisi.
 Ang tunay na pagsisisi at pagbabalik loob ay makakapagpakawala sa isang taong kulong sa hindi makatarungnang sistemang 
panlipunan, sa pamamagitan ng pagkilala sa karahasan na kanyang idinadala, kanyang finally mauunawaan ang nagiging dulot niya sa 
iba.

11. Kilos ng pag-asa ang pagbubuo ng lipunan ng diskurso. Kung walang pag-asa, walang saysay ang pagsisikap mabuo
ang lipunang ito.

 Tignan ang pagpepresensiya at mamulat sa walang­hanggang halaga
 Dahil sa pagkabulag ng mundo sa mahalagang pagpepresensiya, maunawain natin na wala tayong karapatan mawalan ng pag­asa
 Utos ng mukha ang umasa
 Tuwing nakakatagpo ng tao ang kapwa, tuwing nagbubukas siya sa pagpepresensiya ng mukha ng pagkahubad nito, namumulat siya sa
walang­hanggang halaga ng kapwa at sabay natatauhan sa karukhaan ng kapwang ito
 Sa sandaling matauhan sa karukhaan ng walang­hanggang halaga na dala ng pagdirito ng kapwa­tao, nararanasan ng tao ang isang utos
na tinutulak siyang tugunan ang karukhaan
 Kumikilos ang bawat isa sa ating may baluti sa mukha – baluti ng estudyante, ng guro, ng ama, ng anak
 Bihis sa mga aspetong bumubuo sa kanilang pagkatao
 Sa halip nito, nagprepresensiya sa atin ang hubad na mukha nilang nagdadala ng walang­hanggang halaga
 Nararanasan nang sabay ang halaga at pagkarupok 
 Nararanasan na bagaman walang hanggan ang halaga, marupok rin ito at madaling mawasak
 Ang bawat tao’y nagdadala ng walang­hanggang halaga, subalit marupok sila at marahas ang mundo
 Nagkakaroon ng pagnanais na tugunan ang karukhaan 
 Imposible para sa taong umibig nang ganap na hindi nakikilala ang pag­asa sa ibayo ng karupukan ng atin mga minamahal
 Dahil sa tunay na pag­ibig nakikilala ang iniibig bilang nagdadala ng walang­hanggang halaga
 Pag­asa ng pagkameron
 Bagaman hinaharap ka ng kadiliman ng kaniyang karupukan at ng kamatayan, umiibig ka parin dahil nakukutuban mo na may bukal 
ang walang­hanggang halaga at nangangako ito na hindi magwawakas ang kaniyang pagememron sa kawalan

You might also like