You are on page 1of 635

The Trouble with the Rule

by iDangs

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students


following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things
stand. A story about love, friendship and family. (On going)

=================

Prologue

Kingdom High.

An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule.


What's the rule? Simple. Stick to how things stand.

Bawal guluhin ang nakagawian. Bawal ibahin ang nakasanayan. Bawal labagin
ang patakaran. Panatilihin ang mga grupong nabuo sa eskwelahan.

The Jocks.

The Populars.

The Rebels.

The Nerds.

The Ordinaries.

Kaya lang paano kung ang mga tinaguriang lider ng kanya-kanyang grupo ay
mapagsama-sama sa iisang section? Idagdag pa na may isang lider na pilit
ginugulo ang nakasanayan at may bagong salta na ayaw pumili ng grupong
kabibilangan.

"As if we'll be friends. Like, duh?! Swerte naman nila kung mangyari
'yun." - Piper, The Popular.

"Huwag lang nila akong guluhin, hindi ko rin sila guguluhin." - Warren,
The Jock.

"Shut. Up." - Hunter, The Rebel.

"Cool. Let's be friends. Kahit pretend lang. Game na?" - Nathan, The
Ordinary.
"What?" - Hailey, The Nerd.

"Whatever." - Tamara, The New Girl.

Will the leaders stick to the status quo or will they get rid of the rule
and create a whole new group?

***

All new batch of Teen Clash barkada. New characters. New generation.
Chapter 1 WON'T be posted anytime soon. And please. Please use the
hashtag #TTWTR or #TeenClash3. Thank you and be ready for an all new
clash. ;) Ai ♡ xoxo

=================

Chapter 1: New Generation

Piper’s POV

Hindi matigil sa pagtunog ang phone ko dahil sa tawag ng mga kaibigan ko.
Ilang ulit na nila akong pinipilit sumama sa kanila at ilang ulit na rin
akong tumatanggi sa pag-aaya nila kaya lang mukhang hindi sila marunong
tumanggap ng rejection.

Come to think of it, hindi talaga kami tumatanggap ng rejection. We get


what we want. It’s either we’ll take it by force, or people will give it
to us voluntarily. That’s how our life works. Ah. Gotta love life.

“For the nth time, I’m telling you I can’t go with you girls. Family
dinner, remember? Go without me. Ciao!”

Wait. Marunong naman pala silang tumanggap ng rejection kung galing sa


akin. Wala naman silang choice. I get what I want.
I threw my phone and look at my nail polish. Anong kulay kaya ang
magandang ilagay?

Black? Nah, too dark. How about white? Nope. Too plain. Green? It’s okay,
but a friend already used that color. Hmm. Blue? This is so last year.
Pink! Yes, pink! Pink with gold glitters because I’m so fab and I know
it.

Abalang-abala ako sa paglalagay ng nail polish nang may kumatok pero


hindi na nakapaghintay at pumasok agad saka humiga sa kama ko.

“Bakit sa tuwing pupunta ako dito sa kwarto mo inaabutan kitang gumagawa


ng kaartehan?”

“It’s not kaartehan.”

Lumapit siya sa may study table ko at sinilip ang ginagawa ko, “Pink na
may glitters?” sabay ngiti at iling niya at bumalik sa paghiga sa kama
ko. What’s wrong with pink?

“Yeah. This might become a sparkly school year for me if I use this.”

“Ganun naman palagi ang school year mo. Kailan ba naging boring ang taon
mo?”

“Never,” I smiled.

“People love and hate you at the same time. Why do you choose that life?
Do you really want to be in the spotlight?”

Hay. Itong topic na naman. Lagi na lang namin ‘to pinag-uusapan. Wala na
atang katapusan ang topic na ‘to. “This is my group, Nate. You know the
rule. We should follow the rule.” Sabi ko sa kanya saka isinara ang nail
polish ko at itinaas ang kamay ko.
“Mukhang back to basic tayo niyan bukas?” Bakas sa boses niya ang
pagkainis.

“Yup, but don’t worry. I still love you.”

“Kadiri ka. Love love mo mukha mo.” Lumapit ako sa kanya saka yumakap
para mang-inis. Ayaw niya nang nilalambing ko siya. Kadiri raw kasi at
baka may mag-isip na girlfriend niya ako. Ang kapal lang ng mukha. Ang
daming nagkakandarapang maging boyfriend ko. Pero as if naman kaya niya
akong tiisin. “Ang clingy mo. Bitaw.” Lagi niyang sinasabing bumitaw ako
pero hindi naman niya pinapatanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa
kanya. Baliw talaga ‘to.

Bumitaw ako sa kanya at saka nag-make face, “Remind me again why I chose
you to be my best friend?”

“Remind me again why – “ Itinaas ko ang kamay ko saka itinapat sa mukha


niya para patahimikin siya. Alam ko na rin naman ang sasabihin niya.

He was about to open his mouth again and say something when someone open
the door. My cute little brother, Jarvis. He ran towards us and tried to
push us off the bed, “What’s with you, kiddo?”

“Eat. Tawag.. baba. Kakain.”

“Ano raw?” naguguluhang tanong ni Nate. Ang simple simple ng sinabi ng


kapatid ko hindi naintindihan. Medyo below average talaga ang IQ ng taong
‘to. “Ang sabi niya, baba na raw tayo. Kakain na raw.”

Kalat kalat ang mga tao nang makababa kaming tatlo. Our dads are busy
grilling while our moms are busy fixing the table.
“Piper, help us here.” Sigaw ng mommy ko kaya agad naman akong nagpunta
sa kanila at tumulong. “What happened to your nails?”

I smiled wildly and showed them my nails, “I’m so fab, mom.” Sabi ko na
naging dahilan nang tawanan ng mga mommy namin. Tita Yannie shook her
head then ruffles my hair, “Kanino nagmana ‘tong anak mo, Ayu?”

“Ay maski ako hindi ko alam. Ikaw ba Sab nasaan na ang dalaga mo?”

“Oo nga, ano? Piper, pakitawag naman si Hailey sa amin. Baka nagbabasa na
naman ‘yun. Masyadong mahilig magbasa. Hindi ko nga alam baka mamaya
nagpapalit pala namin kayo ni Hailey. Masyadong bookworm ang batang ‘yun.
Manang mana sa mommy mo.”

Pasagot pa lang sana ako at paalis nang biglang dumating si Hailey dala
dala ang libro niya. Good. At least I’m not going to call her. Nagpatuloy
kami sa pag-aayos hanggang sa mai-settle na ang lahat at nagsimula na
kaming kumain.

Naging routine na ng pamilya namin na sabay sabay kumain at least twice a


month. Hindi pa nakuntento ang mga parents namin na magkakatabi sila ng
bahay kaya hanggang sa pagkain gustong magkakasama pa rin.

They were highschool enemies turned into lifetime bestfriends and that’s
what they want for their kids to be. Best. Friends.

Nakaramdam ako ng pagsipa sa paa ko kaya napatingin ako sa katapat kong


si Nate saka ito pinanlakihan ng mata. I mouthed the words ‘anong
problema mo’ nang bigla na lang akong tawagin ako ni mommy.

“Po?” Hindi ko alam na kinakausap pala niya ako. Akala ko nagkwekwentuhan


lang sila.

“Ang sabi ko, sabay kayong mag-check ng section niyo ni Hailey bukas.
Sana swertihin kayo at maging magkakaklase na.”
Napatingin ako kay Nate na nakatikom ang bibig at parang nagpipigil ng
tawa. Bwisit. I was about to kick him when Tito Ice called his name kaya
agad siyang napatingin dito, “Yes, Pa?”

“You and Warren should do that, too.”

Nang matapos kumain ay nagkwentuhan na naman ang magulang namin at


hinayaan nila kaming pumasok sa loob ng bahay pero bawal daw umuwi muna
‘yung tatlo. Oh, life.

“Saan si Jarvis?” tanong ni Nate.

“Sleeping. It really amazes me how he could sleep with that noise. Our
parents are so.. noisy.”

“Wow. Sa ‘yo pa talaga nanggaling ‘yan? Parang hindi ka rin maingay.”

“Given na ‘yun because I’m a girl. Ikaw man maingay. Ni hindi ka man lang
nagmana ng katahimikan kay Tito Ice.”

Natigil kami sa usapan nang biglang lakasan ni Warren, anak ni Tita


Yannie at Tito Xander, ang sound sa TV. Tiningnan ko ang pinapanuod niya
at napairap, “Of course. Basketball.” I don’t know if he didn’t heard me
or he just chose not to say anything.

“Could you please lower the volume? I’m reading here.” Tiningnan saglit
ni Warren si Hailey at saka hininaan ang volume.

I was about to talk to Nate again when Tita Zoe showed up, “Come on,
Nate. Uwi na tayo. May pasok na kayo bukas. Kailangan nang mag-beauty
rest nila Piper at Hailey.” This is why I really love Tita Zoe.

Ihinatid namin sila sa labas at saka ako tuluyang nag-lock sa kwarto.


Naningin ako ng damit sa closet ko pero napabutong hininga na lang din
nang maalala kong naka-uniform nga pala kami. Ano pang silbi ng mga damit
ko? Makapag beauty rest na nga lang.

***

“Bye, mom.” I kissed my mom and grab my things.

Bumusina na si dad kaya nagmamadali akong tumakbo palabas. Kadalasan, si


dad ang naghahatid sa akin sa school palibhasa maaga rin ang pasok niya
sa office. Namana niya ang merged company ng dalawang lolo ko kaya super
busy si dad pero dahil sa likas siyang matalino at madiskarte, hindi
naman siya gaanong nahihirapan. Hindi rin naman siya sobrang workaholic
kaya lagi siyang nakakauwi sa bahay para sabay sabay kaming mag-dinner at
sinisigurado niya na laging may time kami sa isa’t isa.

Sobrang swerte ni dad kasi dalawa ang daddy niya. Three, sige na, plus my
mom's dad. My dad was adopted and when he found his real parents, he
became happier. Kaya lang syempre my dad still uses the surname "Yu"
since legally adopted siya. Para wala ng masyadong ayusin, hindi na lang
ginulo ang pangalan ni dad kaya isang Yu na rin ako. Piper Yu.

“Ikaw po ba susundo sa akin mamaya?” I asked.

“Anong oras ba uwian niyo ngayon? First day.”

“4:30pm pa rin po.” Mukhang nag-iisip siya at narealize kong masyadong


maaga ‘yun. Hindi naman pwedeng mag under-time siya kahit na sa kanya pa
rin ‘yung negosyong pinagtratrabahuhan niya.

“Okay. Mag-under – “

“Ay, huwag na po pala. I’ll ask mom na lang.”

Nang makarating sa school ay hinalikan ko lang sa pisngi sa dad at poise


na poise na bumaba.
Binabati ako ng mga ka-grupo ko habang naglalakad sa gitna ng hallway.
Tulad nga nang nasabi ni Nate, everybody loves me, but I know they hate
me at the same time. What could I say? I’m famous and most of them are
not. They’re just jealous.

“Pipes!” sigaw ng kaibigan at ka-grupo kong si Elle at saka ako bineso,


“Oh my God. I love your nails.”

“I know, right. Nakita mo na ba kung anong class tayo?”

“Psh, who cares? Naka-set naman na ‘yan.”

Habang naglalakad kami sa gitna ng daan ni Elle, patuloy pa rin ang


pagbati ng mga tao sa amin. Nakagawian na nila ‘yun since we’re on the
top of the hierarchy. We belong to the group ‘Populars’ and I am the
leader of that group.

“Oh. My. God.” Nagkatinginan kami ni Elle nang mahawakan namin ang
schedule namin. How on earth did this thing happen? Bakit hindi na kami
magkaklase? As far as I can remember, kapag magkasama kami sa iisang
grupo at parehas kami ng year level, automatic na magkaklase na kami.
Anong nangyari?

You see.. sa Kingdom High, may binuong rule ang mga naunang batches sa
amin na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin para raw mapanindigan ang
pagiging organize ng school. We were divided into five groups. The
popular girls, the jocks, the rebels, the nerds and the ordinaries.
Mandatory na maghanap ng grupo at once na hindi siya pasalihin ng leader
ng group sa group nila, ang leader ang mamimili kung kaninong grupo siya
isasama. At ang pinakamahalaga sa rule na ‘to.. bawal mong kausapin o
kaibiganin ang mga nasa ibang grupo. Kaya parang magkakasama kami sa
iisang school pero hindi namin nakikita o kilala ang isa’t isa.

Sa totoo lang, dapat sa school lang nag-eexist ang rule pero napanindigan
na rin naman kahit outside the school. Honestly, wala naman akong
pakialam sa ibang members ng ibang group. Okay lang sila sa akin kahit
hindi ko sila pinapansin. Kaya lang ayoko sa mga leader ng ibang grupo.
Ang yayabang at ang taray. Well.. except for one.
“This is the worst school year ever.” Hindi pa rin makapaniwalang bulong
ni Elle habang nakatitig sa schedule niya.

“I’m fine with the set-up as long as hindi ko maging kaklase ang kahit na
sino sa mga leader.”

“Yeah. That sucks for sure.”

I checked my wristwatch and realized that we only have 5 more minutes


before the bell. Naghiwalay na kami ni Elle at nagpunta na akong
classroom hoping for the best.

Nasa may front door na ako nang makita ko si Hailey na nakaupo sa may
tabi ng bintana ng room at may hawak na libro. What the hell. Classmates
kami?

Inilibot ko pa ang paningin ko at napansin kong nakaupo sa gitna si Nate.


Tiningnan lang niya ako saglit at hindi pinansin which I don’t really
mind. He’s my bestfriend, but we have to pretend we don’t know each other
because of the rule. We belong to different groups.

Umupo ako sa may harap at saktong pagka-upo ko ay dumating ang teacher


namin at kasunod ang nagmamadaling si Warren na may hawak pang bola at
umupo sa may gilid. Pati siya?! Oh my God. This is really the worst year
ever.

Isa na lang. Isa na lang talaga. At kapag pati siya ay maging kaklase ko
pa.. ewan ko na lang kung kakayanin ko pang tagalan ang school year na
‘to. Inilibot ko ang paningin ko and thank God wala ng nadagdag na bagong
tao kaya nakinig na lang ulit ako sa introduction ng bago kong adviser
nang may biglang pumasok ng room na nakapamulsa at tuloy tuloy lang saka
umupo sa likod at dumukdok sa lamesa na parang natutulog.

Napapikit ako nang marealize kung sino ‘yun. It’s official. This is the
worst.

Anong problema nila at pinagsama-sama nila kami?

Nate, the leader of the ordinaries. Hailey, the leader of the nerds.
Warren, the leader of the jocks. Me, the leader of the populars and
Hunter, the leader of the rebels.
This is so not good. This is hell.

***

Paano bigkasin ang names nila? Baka maulit ang nangyari kay Zoe (Zo-Wi)
kaya dito, simula pa lang sasabihin ko na. Piper (Pay-per; Pie-per. As in
Peter Piper picked a peck of pickled pepper.) Nate (Neyt). Hailey (Hey-
Li). Warren and Hunter, alam niyo na 'yan. :) At babae po si Piper.
Hahaha.

#TeenClash3 po ang official hashtag ng story na 'to. Thank you.

=================

Chapter 2: The Groups

Hailey’s POV

I was so pissed when I saw my schedule for this year. Akala ko pa naman
magiging masaya 'yung school year ko kasi puro competitive ang magiging
classmates ko pero akala ko lang pala 'yun. I don't know why the school
administration changed the system. Biglaan na lang naging magkakaklase na
ang hindi magkakagrupo. Hay nako. Tolerable naman siguro ang ganitong
set-up basta huwag ko lang magiging kaklase ang leader ng ibang groups
lalo na 'yung isang bwisit.

But I guess this isn’t my lucky year.

I cursed under my breath when I saw Nathan or also known as Nate as I


enter the room.Bakit ko kaklase ang lalaking 'to? Hindi naman sa ayoko
pero.. ayoko nga talaga siyang maging kaklase. He's a leader for crying
out loud!

Nathan is just a happy-go-lucky guy at paniguradong wala sa utak niya ang


mag-aral ng mabuti. I hate him for being so easy-going. Paano magiging
threat ang ganitong klaseng tao? Buhay nga naman!
Umupo na lang ako malapit sa may bintana at magbabasa na sana nang may
umupo sa gawing harap sa left side ko. Seryoso ba 'to? Maski si Piper
nandito? I can't stand her. Napakaarte niya. Akala niya iniidolize siya
ng lahat ng tao pero ang totoo, ayaw naman nila sa kanya.

Just when I thought na malas ako dahil naging kaklase ko ang dalawang
‘to, may mas ikakamalas pa pala ako nang pumasok si Warren sa room. Dala
na naman niya ang bola niya. Pakasal pa sila ng bola para masaya.
Nakakainis. I hate his guts. I hate him. Akala mo kung sino.

Napatingin ako sa paligid at narealize na lahat na ata ng leader ng bawat


grupo ay kaklase ko except for one. But I'm pretty sure na dito rin ang
section niya. Late lang 'yun.

And I proved myself right when Hunter entered the room without uttering a
single word.

So much for my tolerable year. Anong ginawa kong mali to deserve this
kind of punishment? Will I survive this school year? It feels like I'm in
hell.

Kaya nang matapos ang klase at mai-announce ang break ay agad akong
lumabas.

“Hailey, kamusta ang klase niyo? Sa amin sobrang tahimik.. which is in


fact.. a good thing. Mas makakapagcontrate ako sa tinuturo ng teacher.”
Pagsabay sa akin sa paglalakad ng isa sa ka-grupo ko.

I shrugged, “Same.”

“Thankfully hindi ko kaklase ang ilan sa leaders. Pero kung ikaw ‘yung
leader na kaklase ko, ang saya ko lang.”

“Unfortunately, kaklase ko sila.” Naiisip ko pa lang naiirita na ako. Ano


po ba ang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito ng langit?
Napahinto siya sa paglalakad at halos mapanganga, “Sila? As in hindi lang
isa? Sila as in lahat sila?” Napatango na lang ako at napayuko. Tatagal
ba talaga ako sa school year na ‘to?

Nang makarating kami sa cafeteria ay halos mapuno na pala ito. At as


usual, nasa gitna at mga nag-iingay na naman ang populars.

Group No. 1. The populars. The queen bee. The princesses. The
cheerleaders. The bitches. They are those girly girl na laging signatured
bag, clothes, shoes o kung ano man ang gamit. Louis Vuitton, Hermes,
Fendi, Dior, D&G, Chanel, Gucci, Prada, Versace, Christian Louboutin,
etc. Name all the signature brands you know. Meron ang grupong 'to for
sure. Dun sila expert e. Sa kaartehan.

Hindi rin sila 'yung klase ng taong kumakain sa fastfood dahil hindi raw
healthy. High-class restaurant lang ang alam nila at kapag nasa school
naman, it's either magpapadala sila ng sariling pagkain, or tanging
veggies lang ang oorderin sa cafeteria. Ni hindi nga ata sila umiinom ng
softdrinks. Ang lungkot naman ng buhay nila. Walang softdrinks, walang
junkfoods, walang chocolate. Tsk tsk.

Masyado silang high maintenance. Feeling nila mahal at hinahangaan sila


ng lahat, but what they don't know is that they're hated. Loved and hated
at the same time. Weird.

Puro pagpapaganda at kaartehan lang ang alam nila. Ayaw magsibasa ng


libro. At speaking of kaartehan, I just saw Piper's nail polish. "Eww.
Duh." is the best description for her nail polish using their language.

To sum it all, they are just a group of people who knows nothing besides
fashion, boys, veggies, wealth and of course, popularity. They are led by
the most high maintenance of them all.. Piper. My cousin. Ugh.

Nakapila na kami ng grupo ko para pumili ng pagkain nang biglang may


pumasok na isang grupo na sobrang ingay. Naghihiyawan sila na akala mo
nanalo sa isang game o ano. Nang mapatingin sa gawi namin ang leader nila
ay napairap na lang ako. Bwisit.

"Of course. Sino pa nga ba? Jocks." Irap ng kagrupo ko.

"More like jerks."


Group No. 2. The Jocks. Group of athletes. Walang alam kundi sports.
Cafeteria, gym, field or kahit saang lugar na pwede nilang pagpractice-an
ng sports lang ang alam nila. Basketball, baseball, football, swimming,
at volleyball ang expertise nila.

Mostly sa kanila, aminado naman kaming gwapo at makalaglag panga ang


itsyura kaya lang wala rin naman sense'yun. What's a pretty face if
that's all you've got?

They are a bunch of arrogant boys who think they're better than anybody
else. Aside from their athletic skills and pretty face, wala na silang
ibubuga. Nagkalaman nga ang abs, biceps, triceps at likod nila pero
nakalimutan naman 'yung sa utak nila. Kaya ayan, blangko. Walang kalaman
laman. Puro hangin lang ata. Pasimuno pa ang leader nilang kung makaasta
akala mo sobrang galing e kapag nilabas mo naman sa court wala na.

Conceited masyado. Akala nila tinitingala sila ng lahat. Akala nila gusto
sila ng lahat ng kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. Asa pa
sila. At syempre, ang leader ng grupong ito ay walang iba kundi si
Warren.

"Bakit ba nag-eenroll pa ang mga 'yan hindi naman mga nag-aaral?"

"Exactly my thoughts!”

Bakit nga kaya? Tanungin ko kaya one time sila Tita Yannie? Huwag na nga
lang. Baka mapagalitan pa ako ni mama.

Naghanap kami ng mauupuan ng kasama ko at nang makahanap na kami ay saka


ko lang narealize na ang nasa harap, nasa gilid at nasa likod naming
table ay puro mga occupied ng isa pang grupo.

Group No. 3. The Ordinaries. Sa lahat ng grupo, sila lang ang kahit
papaano ay nasisikmura ko. Sila ‘yung grupo ng halo-halong estudyante.
Kapag hindi kasi pumasok sa ibang grupo ang isang estudyante,
paniguradong sa ordinaries ang bagsak niya. Kasi sa grupong ‘yun wala
naman silang pinipili.
Ang mga nasa grupo ng Ordinaries ‘yung mga estudyante na masasayahin,
walang arte, hindi masyadong pinagpala sa sports, walang masyadong angst
sa buhay at hindi masyadong pinagpala ang utak. They are commonly known
as the “tapunan ng rejects”. Once kasi hindi pumasok sa criteria na hanap
ng leader ang isang estudyante, karamihan sa kanila sa ordinaries na
papasok. Less drama. Less bullying. Less studies. Less trouble.

Chill sila kumbaga. At sa sobrang chill nila, nakakainis na. Hindi mo


maintindihan ang mga trip sa buhay. Sa sobrang boring ata ng buhay nila,
buhay ng ibang tao ang pinagpyepyestehan nila. Sila kasi ang kadalasang
nagpapakalat ng chismis sa campus. Confirmed man o hindi.

Si Nathan ang leader ng grupong ‘to. Hindi ko nga alam kung bakit naging
leader ang taong ‘to e parang wala namang pakialam sa mundo. Basta nag-
eenjoy siya sa buhay niya. Carefree kumbaga. Ni hindi man lang niya
minana sa magulang niya ang leadership skills nila.

“This school sucks,” reklamo ng kasama ko.

Alam kong laging may punto ang sinasabi niya kaya lang hindi naman ako
agree sa bagay na ‘to. I don’t think the school itself sucks. Ang mga
nag-aaral lang dito.

Hindi ko na lang ako nag-react sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain.


Hahaba lang ang usapan.

***

“That’s all for today. See you tomorrow.” Paalam ng teacher namin at
lumabas na.

Iniligpit ko na ang gamit ko at paalis na sana ng classroom kaya lang


biglang may sumipa ng pintuan ng room at sumigaw, “Hunter!”

Sa likod, nandun si Hunter na unti-unting tumingala at mukhang bagong


gising lang. Nako. Alam ko na ang kasunod na mangyayari dito. Exciting.
First day may away. Cool.

Napangisi na lang ako at isinuot ang backpack ko at saka umupo ulit sa


upuan ko. Sayang lang wala akong dalang popcorn.
Napansin ko naman na marami-rami na rin ang lumabas na kaklase ko. ‘Yung
iba nagpapanic. ‘Yung iba chill lang. As for the leaders? Kumpleto pa rin
kami dito sa loob.

Nakaupo at naka cross legs si Piper habang nakaupo sa teacher’s table


habang si Nathan naman ay nakasandal sa may wall at naka crossarms pa. Si
Warren naman ay hindi natinag sa upuan niya.

“Gago ka!” sigaw nung lalaking sumugod dito at saka dinuro si Hunter.

Nakasandal lang sa upuan niya si Hunter at nakapamulsa pa habang bored na


nakatigin sa lalaking nagwawala at dinuduro duro siya. “T*ngina mo!”
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Hunter habang nakatingin sa lalaki. Ano
kayang pinuputok ng butsi ni kuya at nagwawala siya?

“Bro, practice na. Game!” biglang may sumilip sa pinto ng room namin at
tumingin kay Warren. Napakamot naman ito ng ulo pero sumunod na sa lalaki
at umalis ng room.

“T*rantado ka!” sigaw ulit nung lalaki at biglang sinugod si Hunter pero
hindi man lang siya natinag at nakaupo pa rin.

Susuntukin dapat ng lalaki sa mukha si Hunter pero nakatagilid ito kaya


hindi man lang tumama. Susuntok ulit ang lalaki pero biglang yumuko si
Hunter kaya nakaiwas na naman siya. Halos umusok na ang ilong nung
nagmamagaling na sumugod dito pero hindi man lang siya makatama maski
daplis lang sa sinusugod niya. Payuko ulit ‘yung lalaki at sasapakin na
si Hunter, konting-konti na lang tatama na kaya lang biglang itinaas ni
Hunter ang tuhod niya at nasikmuraan ‘yung lalaki.

Ano ba ‘yan? Weak naman ni kuya. Full force na siya samantalang ‘yung
kalaban niya nakaupo lang at nakapamulsa pa. Susugod sugod sa gera wala
namang dalang armas. Edi ano napala niya ngayon? Nakabaluktot siya sa
sahig at namamalipit sa sakit. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa.
“Gago ka talaga.. mang-aagaw ka. Pati syota ko sinulot mo pa.” hinang
hinang sabi nung lalaki pero napairap na lang ako.

“Ugh.” Nandidiring sabi ni Piper saka isinabit sa balikat niya ang bag at
lumabas ng room.

Kasunod naman niyang lumabas si Nathan na iiling-iling pa, “Akala ko


naman may nagawang illegal si Hunter wala pa naman pala.” Bulong niya pa
sa sarili niya at parang dismayang lumabas.

Syempre maski ako lumabas na. Ano pa bang mapapala ko sa classroom na


‘yun? Wala na. Sayang sa oras.

Magka-grupo si Hunter at ang sumugod sa kanya pero sila mismo ang nag-
aaway. Tss.

Group No. 4. The Rebels. Sila ‘yung grupong parang hindi naman grupo kasi
madalas sila sila lang din ang nag-aaway-away. Parang ‘yung nangyaring
eksena kanina sa room. Common naman na ‘yun. Hindi ko alam kung
nagkakaroon ba talaga sila ng problema sa isa’t isa o sadyang gusto lang
nilang makipag-basag ulo. Doon sila magaling e.

Sila ‘yung grupong maiinitin ang ulo. Walang pakialam sa mundo at punong
puno ng angst sa buhay. Magulo sila. Nakakatakot ‘yung aura nila kaya
takot karamihan sa kanila pero wala akong pakialam sa kanila. Sila ‘yung
tipong papasok sa school na parang laging may black smoke na nakasunod.
Papasok ng late sa klase tapos matutulog lang o kaya hindi makikinig sa
lectures. Kunyari pang pumasok.

Maski silang magkakagrupo hindi close kaya hindi ko alam kung paano pa
sila nakakatagal sa set-up na ganito. Si Hunter ang leader nila pero
hindi ko alam kung sila ba talaga ang nagpilian ng leader o ang mga
members na ng ibang grupo ang nag-assume na siya ang leader. Wala e. Siya
kasi ‘yung pinakamaangas at nakakatakot sa kanila. Parang any moment
papatay ng tao. Pero kahit naman leader siya wala siyang pakialam. Hindi
ko nga alam kung alam niyang leader ba siya.

“Those nerds are so weird.” Dinig kong sabi ng isa sa populars pero hindi
ko na lang pinansin at mukhang hindi naman niya sadyang marinig ko ang
usapan nila ng kaibigan niya. I’ll let it pass since first day naman.
Group No. 5. The Nerds. Ang huling grupo at ang nasa bottom “daw” ng list
ng groups. As if naman may list pa. We, nerds, are the most normal group
here in Kingdom High. Kami lang ang grupong may pakialam sa grades. Kami
ang laging nag-aaral at laging nakaka-top sa mga exams, quizzes or
projects. Kapag usapang academics, kami na ang number 1. Kaya huwag lang
nila masabi masabing kami ang nasa bottom ng list ng groups. Kung wala
kami, baka lumubog na rin ‘tong Kingdom High.

Hindi ko talaga gets 'yung mga taong ibinababa ang mga nerds kasi mahilig
daw kaming mag-aral. E malamang mag-aaral ka, nasa school ka e. Baligtad
din talaga minsan ang utak ng tao.

Ang grupo namin ay ang grupo ng mga estudyanteng mahilig sa Math,


Science, History o kahit na anong mahirap na subjects. Pero ayaw ng
karamihan sa amin ng P.E. Pagod lang daw. Most of the time, kaharap namin
ang mga libro namin. Lagi kaming may libro sa bag. Academic books man or
hindi. Basta may libro kami palagi, tapos.

Hindi rin naman kami introvert. Hindi kami ‘yung mainstream na nerds na
makikita mo sa lahat ng school. Tinawag lang kaming nerds kasi mahilig
kaming mag-aral at magbasa pero hindi kami ‘yung ganun lang. Marami pa
kaming kayang ipakita. And I, Hailey, as the leader of the nerds, can
prove that we’re so much more than what most people think.

=================

Chapter 3: The New Girl

Piper’s POV

“So what happened on your first day?” tanong ni dad habang nag-didinner
kami.

“Same same.”

Tiningnan lang niya ako saglit saka sumubo ng pagkain. Oops. Nahapata ata
niyang hindi maganda tono ko. Hindi naman na niya pinansin 'yung naging
sagot ko at nagtanong na naman, “Kaklase mo na ba ‘yung pinsan mo?”

My God! Ipaalala niya pang pinsan ko ‘yang Hailey na ‘yan. Tinatago ko


nga sa school na pinsan ko siya kasi paniguradong hindi magiging maganda
sa reputasyon ko ang magkaroon ng pinsan na kasali sa grupo ng Nerds.
Masaklap pa, leader nila.
“Yes po, Dad.” Tiningnan niya ako saglit dahil bakas sa boses ko ang
pagkadismaya kaya nginitian ko siya, “I’m so fortunate to have her as my
classmate. Isn’t it nice?”

Hay nako. Kailangan ko pa talagang magpanggap na ayos kami ni Hailey para


lang matuwa sila. Hindi lang pala si Hailey. Maski si Warren.

I love Tito Xander and Tita Yannie, but I hate their son, Warren. I love
my Tito Josh and Tita Sab, but everytime naiisip ko na pinsan ko si
Hailey, naiinis lang ako. Okay lang naman kung gusto nilang maging
bestfriend ko ang anak nila pero hindi pwedeng silang tatlo. Si Nate lang
ang bestfriend ko.

Ang hirap din pala kapag bestfriends ang magulang mo. Kasi ineexpect
nilang maging magbestfriend din kayo ng mga anak nila.

We tried naman e. Naging magkaibigan naman kami minsan sa buhay ng isa't


isa. They were my besftriend before. Before. Dati. As in past na. Parang
kami pa nga ang version ng barkada nila Mom at Dad sa generation namin.
We were inseperable. Kahit apat lang kami masaya naman kami. Kaya lang
may mga pagkakaibigan talaga na hindi hanggang dulo. May pagkakaibigan na
panandalian lang. Kasi may mga kaibigan na bigla na lang mang-iiwan. May
mga kaibigan na bigla na lang mawawala. May mga kaibigan na hindi
mananatiling kaibigan.

Sad to say, isa sila sa mga ganung klaseng kaibigan.

Nakakainis lang na parang bigla na lang kaming naiwan sa ere ni Nate.


Ayos naman kami and then all of a sudden they'll act as if we did
something wrong. Naunang nawala si Hailey tapos sumunod si Warren. They
left us hanging. Nawala ng walang paalam. They were like “Ay, ayoko na
silang kaibigan. Maiwan na nga.” Parang, bang, hindi na kami nag-eexist
sa mundo nila.

We were first year back then. I won't forget that year. First few weeks
okay pa kami tapos bigla na lang nag-iba. Malamang nadala sila sa
pressure ng bawat grupo. Siguro nagsawa silang magpanggap kapag nasa
school na hindi kami magkakaibigan kaya tinotoo na nila.

And that's when our friendship vanished. Doon na rin nagsimula ang
pagpapanggap namin sa harap ng parents namin na we're okay when in
reality, we're far from being okay.

But tulad nga ng sabi nila, past is past. Hindi naman ako ang nawalan.
I’m still happy kahit wala sila sa buhay ko.

"It is. Pwede na kayong mag-aral ng magkasama. Sasabihan ko si Sab


tungkol dito para masabihan na rin niya si Hailey."
Study partner? Me and Hailey? How about.. no. I wanted to protest kaya
lang baka mahalata si Mom na ang friendship na akala nila nag-eexist pa,
ngayon ay imaginary na lang.

“Hi, Tito Ken, Tita Ayu.” Nate suddenly appeared out of nowhere, “Hi,
liit.” He waved pa kay Jarvis. What is he doing here?

“Kain ka muna,” aya ni Mom sa kanya.

“Kakatapos lang po. Hintayin ko na lang po si Piper sa sala.” Saka niya


ako tinanguan.

What is he doing here? Magdamag na nga namin nakita ang isa’t isa ngayon
araw tapos dadalaw pa.

Nang matapos akong kumain ay dumiretsyo ako agad sa sala at inabutan ko


si Nate na nakasitting pretty doon habang nanunuod.

“What’s with you? What brought you here?” I asked and sat beside him.

Nagtingin tingin pa siya sa paligid and motioned me to come closer. Is


this a top secret or something? I mentally rolled my eyes, but still
obliged.

“Magkaklase na tayo,” lumayo ako sa kanya saka ipinukpok sa ulo niya ang
throw pillow. He’s weird. I know we’re classmates. I’ve been seeing his
face for hours already. He’s stating the obvious. Duh. “Aray. Para saan
‘yun?”

“That might help and bring you back to your senses! I know we’re
classmates! Nagpapatawa ka ba?! Akala ko naman kung anong ibubulong mo!”

“Woah. Chill. Meron ka ba at ganyan ka?”

“No. I’m pissed, okay.” I checked if Mom or Dad is nearby. The coast is
clear kaya medyo lumapit ako kay Nate at bumulong, “We’re classmates. – “

Bago ko pa maituloy ang karugtong ng sasabihin ko ay nag-interrupt na


siya, “Oo nga. Kanina pa natin inuulit-ulit ‘yan.”

“Shut up, I’m still talking. As I was saying before you rudely
interrupted me, we’re classmates. Because of that, the rule will be
fucked up before we know it. I’m going to spend the whole school year
with the entire group’s leader. Sige, minus ka na dun since bestfriend
kita. But thinking that I belong to the same class with Warren, Hailey
and Hunter pisses me off, okay? And to top it all, alam mo ba, Mom wants
me to study with Hailey. Hailey. My God. Si Hailey? I’d rather die.”

Wait, I think too much ‘yung huling statement ko. I don’t want to die.
I’d rather.. throw a Prada na lang. Better.

“OA mo naman. Kaya nga ako nagpunta dito dahil diyan e. May naisip ako.”

Uh-oh. Mukhang ngayon pa lang aayaw na ako sa naiisip niya. Kung mayroon
lang “Worst Idea” award, malamang ko ba napunta na sa kanya ‘yun.

I remember when we were still kids; niyaya niya ako sa laundry room tapos
sabi niya maglaro kami ng bubbles. Akala ko naman noon ‘yung bubbles lang
na pinapalobo talaga. Pero ang ginawa niya, binuhos niya ‘yung box ng
soap sa washing machine saka ‘yun pinaikot. Ang daming bubbles nun umabot
hanggang bewang namin kasi maliit lang naman ang laundry room and we’re
maliit din. When Mom found as there, I was scolded because of the mess he
made. Hindi ko tuloy nabili ‘yung doll na gusto ko. Fault niya pero akin
ang punishment.

When we were in elem naman, we went to the library to help Hailey look
for a certain book. She found it at the top of the shelf. Maliit pa kami
nun kaya we can’t reach it. So Nate suggested something. Batuhin daw
naman ‘yung books gamit ‘yung shoes namin para malaglag ‘yun sa kabilang
side since open naman ‘yung kabilang side. We, being gullible, followed.
Instead na isang libro lang ang mahulog, the whole line of books fell.
Napalabas kami sa library and we were banned there for 3 days. It’s okay
for me of course, but not for Hailey. She cried. For three days.

Noong summer naman bago kami pumasok ng highschool, we were so bored, so


Nate asked us to go with him somewhere. Masaya raw dun kaya sumama naman
kami. Mga naka-bike lang kami and we ended up at No Name. Tita Cass saw
us there, kaya pinauwi niya kami at sinumbong sa parents namin. As a
punishment, I was five days grounded. Bawal lumabas ng bahay and
pinalitan din nila ang password ng wifi kaya wala akong access sa
internet. May liga pa naman si Warren noon pero grounded din siya kaya
hindi siya nakasali.

Ever since then, never na ako nag-agree sa suggestions ni Nate. He’s the
worst.

“Don’t even start. My God, Nate. Ang pangit ng ideas mo. Lagi na lang
akong napapahamak niyan.”

“Grabe ‘to! Hindi mo pa nga napapakinggan.”

“I don’t even have to hear it to know that it will bring no good.”


Hinawakan niya ‘yung chest and nagpretend na nasasaktan, “Bakit ka
ganyan? Nakakasakit ka.”

I rolled my eyes at him and sighs, “Fine. Sabihin mo na tapos manahimik


ka na. Wala ako sa mood.”

“Yeah. Ganito kasi ‘yan. Hindi ba magkakaklase na tayo? Di ba nagkahalo-


halo na ‘yung groups? May naisip ako. Tanungin mo kung ano.”

“Isa, Nate. Sasabihin mo ba o aakyat na ako?”

“Ito na nga.. sasabihin ko na. Naisip ko kasi.. let’s break the rule.
Makipag-interact na tayo sa hindi natin ka-member. What do you think?”

Ayun? Ayun ang naisip niya?! Pinanindigan na talaga niya ang pagbibigay
ng worst idea ha. I’m not yet out of my mind to break the rule. I’m a
leader tapos ako pa lalabag? No, thanks.

“I think that idea... is non-sense. I’m a leader tapos you want to me to


break the rule? Are you crazy? Besides, if we’ll do that, gugulo lang. At
least ngayon organize ang Kingdom High.”

“What? There’s a saying that if you’ll obey the rules, you’ll miss all
the fun.”

“I’m not missing the fun. I’m having fun naman kahit I’m following the
rule.”

“Alam mo ba, bukod sa promises, one thing is also meant to be broken.


Rules. Rules, Pipes. Rules are meant to be broken. Nililimitahan tayo
niyan. That rule creates walls between the students. Why would you create
walls when you can create bridges instead? By breaking the rule, mas
magiging close ang students. Makakalabas sila ng comfort zone nila.”

“That is absurd, Nate. We can’t break the rule. We can’t.”

“We can. We just chose not to. If your reason for breaking the rule is
for the greater good, then breaking it isn’t that bad at all.”

He has a point, but I’m still sane not to agree with him. Bakit ko pa
guguluhin ‘yung nakaayos na? Bakit ko pa babaguhin ang nakasanayan na?
Okay lang naman sa akin ang rule na ‘yun. Kaya no need to break it.

“Nope. I’m out.”

“Pipes – “
“Don’t even start. Inaantok na ko. Goodnight.”

***

Super boring ng morning. Super tahimik sa class. It’s like there’s this
tension between the students. Kaya hindi pa man din kami nagbrebreak
ngayong umaga, gusto ko na agad matapos ang klase.

I was busy staring at my nails when someone knocks. Napatingin ako sa


door, only to find a girl standing there. She’s wearing the same uniform
we wears but ngayon ko lang siya nakita. She must be new. In all
fairness, new student tapos hindi pumasok ng first day of class at ngayon
namang first time niyang pumasok, she’s late. Cool. I like her. She’s
like a diva or something. Late entrance. Mas late pa kesa kay Hunter na
nakapasok na 30 mins. after the bell.

“Hi, good morning. Ito po ‘yung room na binigay sa akin sa office. Sorry
late po ako, in-orient pa po kasi ako,” sabi nung new girl nang makalapit
sa teacher’s table at binigay ‘yung papel sa teacher.

Binasa naman ng teacher ‘yung paper, “You’re Tamara. Welcome sa Kingdom


High. But please introduce yourself to your classmates.”

Hmm. I like this new girl. She’s pretty just like me. But I'm prettier of
course. No doubt. Pwedeng ipasok sa group ko. I think she will be an
asset. Pwede siyang maging sidekick ko.

“I’m Tamara Sartori,” ayun lang ang sinabi niya at saka umupo sa vacant
chair two chairs away mula sa upuan ko. She’s not a talker huh.

Napatingin ulit ako sa teacher and she’s still scanning the paper Tamara
handed her. Inayos niya ‘yung salamin niya at iniangat ang papel, “You’re
a varsity sa previous school mo? Volleyball, badminton, swimming,
basketball,” napatingin ako kay Warren at parang nakuha ng sinabi ng
teacher ang atensyon niya. Whatevs. Gusto kasi niyang isali sa group nila
‘yung mga girl na nasa varsity team. Too bad they’re on my group. But if
nasama niya si Tamara sa group niya, pwedeng mag-alisan ang varsity girls
na nasa group ko at lumipat sa kanya since Tamara seems really good. No.
That can’t be. Pride ko ang group ko. Di sila pwedeng mabawasan nang
hindi ako ang kusang nagbabawas.

“You’re a black belter in Taekwondo,” magaling siguro siyang makipag-


away. Wait. Kung magaling siya dun... Tiningnan ko si Hunter kasi baka
interesado rin siyang kunin sa group niya si Tamara pero mukhang himbing
na himbing siya sa pagtulog.

“Lumaban ka rin sa regional quiz bee. Math, Science at History,” agad


akong napalingon kay Hailey na ngayon ay nakatingin na rin kay Tamara. I
know what she’s thinking. No! Hindi siya pwedeng mapasali sa grupo ni
Hailey. Sayang ang beauty niya kung sa nerds lang siya babagsak. “Nice
records, Miss Sartori I'm impressed.”

Bumalik na sa pagdidiscuss ang teacher at hinihintay ko lang mag-break


para makausap at maisali agad sa group si Tamara. Kaya nang mag-break na
ay agad akong lumapit sa kanya kaya lang paglapit ko, nakalapit na rin
sila Warren, Hailey at Nate. Seriously?

Magsasalita pa lang sana kami nang may marinig na kaming boses. “Miss
Sarotori, sundan mo ako sa office para maayos natin ang papers mo.”
Dungaw ng isang teacher kaya nawala na ang chance kong makausap siya.

Wala ni isa sa amin ang nakausap siya maghapon kaya inabangan ko talaga
mag-uwian para wala ng istorbo. I checked my watch only to find that we
still have 5 more minutes before dismissal.

“Piper, Hailey, Warren, Nate and Hunter,” napatingin agad ako sa teacher
nang tawagin niya ang maganda kong pangalan, “Hunter.” Tawag niya ulit
kaya lahat kami ay lumingon sa pwesto niya, “Hunter.” Tulog mantika naman
pala nito, “Mr. Guevarra!” sigaw ng teacher kaya napatingala na si Hunter
pero parang medyo antok pa ang mata, “No sleeping during class hour.”
Tumango lang siya saka sumandal sa upuan niya. As usual, nakapamulsa na
naman. Kita ko kasi siya mula sa pwesto ko kahit na nasa harap ako at
likod siya. “Kayong mga leader, maiwan kayo dito at idiscuss niyo kay
Tamara ang tungkol sa rule. Sige na, dismissed.”

Nang makalabas na ang lahat ng kaklase namin ay tumayo ako saka umupo sa
teacher’s desk habang hindi naman umalis sa mga pwesto nila ‘yung leaders
at si Tamara. Si Nate, chill na chill na nakaupo sa upuan niya at pasipol
sipol pa. Si Hailey naman, hinarap ang upuan niya kay Tamara. Si Hunter,
ipinatong ang paa sa upuan sa unahan niya at saka sumandal. Si Warren
naman, pinapaikot-ikot na niya sa daliri niya ‘yung bolang kanina pa niya
katabi. Habang ang clueless na si Tamara ay nakaayos lang ng upo.

“Hi, Tamara. I’m Piper. I’m the leader of the Populars. Dito sa Kingdom
High, may mga groups na dapat kang salihan. Isa lang ang dapat mong
piliin and once makapili ka na, wala ka na dapat ibang kilala kundi ang
mga ka-member mo lang sa group na ‘yun. It’s like those people who belong
to the group you haven’t picked won’t exist anymore.”

“I’m Hailey, Tamara. I’m the leader of the nerds. Napakinggan ko ang
inannounce kanina. Mukhang parehas tayo ng interest. Mukhang matalino ka
kaya sa tingin ko dapat sa grupo ko ikaw sumali. Masasayang lang ang
talino mo kung mapupunta ka sa ibang grupo.”

“Ako si Warren. Ako ang leader ng jocks. Mahilig ka sa sports ‘di ba?
Bagay ka sa group ko.”
“Uy, Tamara!” kinalabit pa ni Nate si Tamara saka kumaway, “Ako si Nate.
Sige, pili ka lang ng grupo mo. Kahit ano. Pero kung ako sa ‘yo, wag ka
na lang sumunod sa rule.”

Napairap ako sa sinabi ni Nate. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya


kagabi?

“I think you should be on the Populars, Tamara. You’re pretty. Fit ka sa


group ko. Don’t waste that pretty face of yours. And most people want
fame, right? I’ll give you fame.”

“Everything is not about fame. Ano rin silbi ng pretty face? Pang-
display?” Hailey commented kaya nakaramdam ako ng sobrang inis.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka ibinalik ang tingin kay Tamara at


ngumiti, “In our group, we know the word ‘fun’ which obviously, a certain
group doesn’t know. You should balance studying and having fun. Huwag
‘yung puro aral o basa lang. Boring.”

“Kung pagsasaya lang ang usapan, mas masaya sa grupo namin. Walang mga
kaartehan o drama sa buhay. Wala rin mga nakafocus sa libro. Chill chill
lang.” kumento pa ni Warren.

“Huwag ka na nga lang sumunod sa rule. Mas masaya ‘yun.” Lagot talaga sa
akin ‘tong si Nate. Napaka bad influence.

Nagpatuloy pa ang mga labasan namin ng opinyon. Kung hindi sila papatalo,
lalo naman ako. Parinigan kami ng parinigan nang biglang tumayo si Tamara
at dinala ang gamit niya at mukhang palabas na ng room.

“Where are you going?” I asked.

“Uuwi na,” she answered without even facing me. Seriously?

“Bawal ka pang umuwi. Wala ka pang grupo.” Sabi ni Hailey.

“Pass. Hindi ako pipili.”

Napatayo si Warren nang marinig ang sinabi ni Tamara, “Anong hindi? A


rule is a rule. Dapat kang pumili. Huwag mong labagin ang rule.”

Ibinagsak ni Tamara ang bag niya at saka kami hinarap na mukhang iritang
irita, “Tumahimik nga kayo! Kanina pa kayo ha! Nakakarindi na!”
“Who are you to shout? Bago ka lang. Hindi kami mag-aadjust para sa ‘yo.
Pumili ka ng grupo. Sumunod ka sa naging batas. Kung ayaw mo, pwede kang
maparasuhan.” Mukhang iritable na rin ‘tong si Warren.

“Nakikita mo ‘yan?” turo ni Tamara sa upuan, “Grab that chair. Sit down
and wait for me to care.”

“Burn!” sigaw ni Nate.

“Shut up. That goes for all of you. Kung hindi niyo alam, bukod sa mga
pangako, may isang bagay pa ang palaging hindi nasusunod. Rules. Rules
are meant to be broken.” And with that, she picked her bag and left.

Naiwan kaming lima na nakatingin lang sa pinto. Anong problema ng babaeng


‘yun? May attitude problem. Kabago-bago lang niya kung makaasta akala mo
kung sino.

“Awesome! Sinunod niya ako. Hindi nga siya sumunod sa rule.” Kung pwede
lang batuhin ko ng eraser ng blackboard ‘tong si Nate malamang ko ba
ginawa ko na.

“Mapagmagaling masyado. Kairita,” dinig kong bulong ni Hailey nang


magdaan siya sa harap ko at lumabas na ng room.

“Banas,” sabi naman ni Warren at umalis na rin.

“That bitch is bitching.”

Napatingin sa akin si Nate at Hunter. Baka feeling nila kinakausap ko


sila. As if. I’m talking to myself kaya.

Tumayo si Hunter, "Quite an entertainment," seryosong sabi niya at saka


umalis. Naiwan kami ni Nate sa room at ngayon, hindi na ako nakapagpigil
kaya binalibag ko na siya ng eraser ng blackboard, “Aray! Para saan
‘yun?”

As if sumagot ako sa kanya. I am loyal to the rule. Kaya instead sagutin


siya ay lumabas na lang din ako ng room.

Could this school year get any better? First, pinagsamasama ang lahat ng
leaders. Second, nababaliw na ang bestfriend ko at gusto ng labagin ang
rule. Third, there’s this new girl na ayaw sumunod sa rule. And what's
worst? It’s only our second day. If there’s a place worst than hell, ito
na ‘yun.

***
Nakita niyo naman ang surname ni Hunter at Tamara di ba? Edi nasagot na
tanong niyo. Wala silang magulang na naging character ng Teen Clash. Kayo
lang e.. masyado kayong nag-isip kahit di naman dapat pag-isipan. Hahaha.

Sa mga pupunta sa Wattpad meet-up sa 21, sa MOA po 'yun. Function room 1,


1-4pm. Kailangan daw ng proof para makapasok kaya iprintscreen niyo ang
Wattpad profile niyo or iprint niyo as a proof. See ya when I see ya. And
please support niyo ang friends ko sa booksigning nila sa 21, 2-4. Sila
Tina, KM at Mariel. Hanapin niyo na lang booth ng Summit. :)))) Thanks!
<3

=================

Chapter 4: Bring it on

Nate’s POV

Hindi ko alam kung anong problema ng magaling kong bestfriend at


nagagalit sa akin. Minsan talaga ang hirap intindihin ng ibang babae.
Napakagugulo.

“Hoy, hindi ka pa rin mamamansin?”

Kakatapos lang ng klase namin at nagsi-uwian na ang mga kaklase namin.


Kami na lang ni Piper ang natira kaya kinakausap ko na siya. Kaya lang
kawawa ako kasi hindi naman niya ako kinakausap. Parang nagsasalita lang
ako sa hangin.

“Seryoso ka ba talagang galit ka?”

Sinamaan niya ako ng tingin bilang sagot. Seryoso nga. Sabagay.. tatlong
araw na niya akong hindi pinapansin kahit puntahan ko siya sa bahay nila.
Ano ba kasing ginawa ko? Wala naman akong sinuggest na idea sa kanya na
ikipinahamak niya.

Ah! Alam ko na! Nagagalit ‘to kasi ayoko ng sumunod sa rule at dahil sa
nakumbinsi ko si Tamara na huwag na rin sumunod. Parang ‘yun lang naman.
Hindi ko naman kasalanan na ang galing ng convincing skills ko.

“Dahil ba ‘to dun sa rule saka kay Tamara? Tagal na nun ha? Tatlong araw
na.” Ano ba yan. Ayaw naman akong pansinin.

“Oo, Nate. Dahil ‘yun dun. Ang galing paano mo nalaman?” sagot ko sa
sarili ko. Ayaw niya akong kausapin kaya ako na lang kakausap sa sarili
ko.

“Magaling kasi ako kaya nalaman ko.”

“Oo nga. Ang galing mo tapos ang gwapo mo pa. Ikaw na talaga.”

“Hoy, Pipes! Grabe ka. Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Mukha na akong
tanga kakasalita dito. Tanong ko sagot ko. Bakit nga kasi?”

Patayo na sana siya at mukhang lalabas na ng room pero pinigilan ko siya


kaya napaupo na naman, “Hindi tayo uuwi dito hangga’t hindi tayo bati.”

“Stop, Nate! Gosh! You’re so makulit.” Padabog niyang ibinagsak ang bag
niya sa desk saka ako tiningnan ng masama.

“Ano ba kasing problema at nagagalit ka?”

“You and your ideas. Nakakainis. Why would you want to create a mess?
Okay naman ang Kingdom High ‘di ba? Bakit kailangan mo pang magsuggest ng
mga ganun? Tapos dumagdag pa ‘tong si Tamara. Who the hell does she think
she is? She’s a new girl tapos umaattitude na. Ikaw naman, ginatungan mo
pa.”

Inis na inis talaga siya at kulang na lang ata ipakain niya sa akin ang
bag niya sa sobrang inis. Hindi ko naman kasi maintindihan bakit
kailangan pang sundin ang rule rule na ‘yan? Kung tutuusin, wala naman
talagang kwenta ‘yun. Sabi nila para raw mapanatili ang pagiging maayos
ng Kingdom High kaya ginawa ang rule na ‘yun. Kaya lang isinasara nila
kami sa ibang mundo. Ano ba kasing trip nila sa buhay?

Napabuntong hininga ako sa naging reaksyon niya, “Bakit masyado mong


pinapahalagahan ang rule na ‘to?”

Napaiwas siya ng tingin sa akin, “I like where I am now. I’m on top.”

“Dahil lang dun? Dahil gusto mo lang na angat ka sa lahat?”

Magsasalita na sana siya pero itinikom din niya ang bibig niya. Kilala ko
‘to. May ibang dahilan pa, “You wouldn’t understand.”

“Ayaw mo kasing ipaintindi.”

“Nevermind. Kahit sabihin ko naman you wouldn’t understand.”

“Sa akin ka pa ba talaga magtatago?”

“Fine,” huminga siya ng malalim,“It’s because I – “

Napahinto siya sa pagsasalita ng biglang may pumasok sa room. Si Hunter.


Anong ginagawa niya dito? Uwian na ha? Dapat kanina pa ‘to umalis ng
school.

“Shit,” bulong ni Piper.


Nakatayo at nakatingin lang siya sa amin tapos ay biglang ngumisi.
Problema nito? Nababaliw na ata. Pumunta pa siya sa upuan niya at may
kinuha. May naiwan pala kaya bumalik.

Pagkakuha niya ng kung ano man, tumingin na naman siya sa amin ni Piper
at bahagyang itinagilid ang ulo at ngumisi na naman.

“What?! Stop smirking!” sigaw sa kanya ni Piper na nagpangisi lang lalo


sa kanya.

Palabas na sana si Hunter nang biglang pumasok ng room si Hailey na


magkasalubong ang kilay, “Office. Now,” sabay irap niya sa amin at umalis
na.

“What is it again? Ugh.”

“Tara na lang,” aya ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

“Pupunta ako dun mag-isa. Hindi pa ba okay na nakita tayo nung mukhang
murderer na ‘yun na magkausap. Baka mapagalitan lang tayo kasi lumabag
tayo sa batas. Baka isumbong lang tayo nun tapos paparusahan tayo.”

“Still here.” Salita ni Hunter na nakatayo pa rin sa may gilid ng pinto


sabay ngisi na naman at umalis.

“Devil,” bulong ni Piper at iniwan na akong mag-isa.

Nang makarating ako sa office, inabutan ko na na nandoon si Hailey at


Piper. Umupo ako sa tabi ni Piper pero inirapan lang niya ako. Kasunod ko
namang dumating si Warren na umupo malayo sa amin.

“Kulang,” sabi ng nasa prefect of discipline ng tingnan kaming apat, “Si


Hunter?”
Nagkatinginan kami ni Piper pero inirapan na naman niya ako. Hindi ba
sumasakit ‘yung mata niya. Paano kung hindi na bumalik sa dati ‘yun at
manatiling nasa itaas na lang ‘yung itim? Edi nagmukha siyang
napopossess.

“Nasabihan niyo ba?” tanong pa ulit ng head nang wala ni isa sa amin ang
sumagot.

“Yes, ma’am. Alam niya pong pinapatawag dito.” Sagot ni Hailey.

“I see. Hindi na naman ‘yun pupunta.”

“Bakit niyo po kami pinatawag?” tanong ni Piper.

Umupo na ‘yung head ng POD at saka kinuha ang papel na nasa ibabaw ng
lamesa niya, “Kaklase niyo si Ms. Sartori di ba? Tamara Sartori.”
napatango kami sa tanong niya, “Siguro rin aware naman kayo na sa lahat
ng estudyante, siya na lang ang bukod tanging hindi pa nakakapili ng
grupo.” Tumango na naman kami sa sinabi niya, “At kung hindi pa siya
makapili ng grupo by next week.. kayo ang mapaparusahan.”

“Po?!”

“What?!”

“Why?!”

“Kami?!”

“Yes. Dahil kayo ang leaders at responsibildad niyo na may masalihan ang
bawat estudyante na grupo. Kung sakaling hindi niyo siya mapapili by next
week, matatanggap niyo na ang punishment niyo.”

“Which is?”
“Lilinisin niyo ang dalawang rooms na ipinatayo ng school sa dulo ng
lungsod para magamit na at makapagsimula na ang mga volunteer instructors
sa pagtuturo sa mga batang hindi nakakapag-aral. Pipinturahan niyo rin
yun at aayusin hanggang sa maging okay na ang lahat.” Tiningnan niya ulit
kami isa-isa. Bakit ba kasi nakakatakot ‘to? “Read the handbook.And you
may go.”

Ayos ‘yun ha. Astig nga nun e. Basta ako, seryoso pa rin ako na hindi ko
pipilitin si Tamara kung ayaw niya pumili ng grupo. Ayos lang na maglinis
ako. Banas kasing rule rule ‘yan e.

***

“Wala ka ata sa kapit-bahay? Friday ngayon ha,” napatingin ako sa Mama ko


na kakapasok lang ng kwarto at hindi sumagot, “Nako. Alam ko na ‘yan. May
tampuhan kayo ng bestfriend mo ‘no?”

Kilalang kilala naman kasi ako ng Mama ko. Hindi pa ako sumasagot alam na
niya. Pwera nga lang sa parte na hindi ko naman na talaga kaibigan si
Warren at Hailey. Palibhasa nagpapanggap pa rin kami sa harap nila na
okay kami.

“Anong nangyari?” Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pa ‘yun. Ang
babaw lang naman. Wag na. “Ay nako, ayaw pang sabihin. Sige na nga.
Lalabas muna ako.”

“Ma,” napahinto siya at tumingin sa akin, “anong pipiliin mo? ‘Yung tama
sa batas pero mali sa paningin mo o ‘yung labag sa batas pero tama sa
tingin mo?”

“Mahirap ‘yan.”
Napatango na lang ako sa naging sagot niya. Totoo naman kasi. Ang hirap
mamili sa dalawang ‘yun.

“Kung ano ang sa tingin mong tama, ayun ang gawin mo. Dapat lang maging
handa ka sa consequences ng mga gagawin mo. Kami ng Papa mo, bago kami
magkakilala, may sinusunod kaming parang rule. Hindi naman siya rule
talaga pero nakagawian na. We were trapped in the situation. Hanggang sa
narealize na lang namin na mali ang sinusunod namin kaya itinama namin
‘yun. Sa ginawa namin, napasaya namin ‘yung mga tao sa paligid namin at
nabuo ‘yung samahan namin ng Tita Yannie, Tita Ayu, Tita Sab at mga tito
mo.”

“Kahit po may magagalit sa ‘yo gagawin mo rin ang tingin mong tama?”

“Yes. Isa ‘yun sa consequence ng paggawa ng tama. Ang may magagalit. May
magrereklamo. Kahit naman anong gawin mo may reklamo ang tao. Kaya mas
okay na gawin mo na lang kung ano ang sa tingin mong makakapagpasaya sa
‘yo at sa mga mahahalagang tao sa paligid mo.” Palabas na sana siya pero
huminto na naman at humarap sa akin, "I know the rule, Nate. At masaya
ako na hindi naaapektuhan ang pagkakaibigan niyo ng rule na 'yan."

***

May family/barkada dinner na naman ang mga pamilya namin na ngayon ay


kila Tito Xander naman gagawin. Nakahanda na sa lamesa ang lahat ng
pagkain. Nagsimula at natapos kaming kumain nang hindi pa rin kami
nagpapansinan ni Piper.

Medyo mahirap din pala ‘to. Kahit napakaarte, sungit at taray ng babaeng
‘yun, siya pa rin ang bestfriend ko.

“Makipagbati ka na,” bulong sa akin ni Mama.

Nagpunta akong sala para tingnan kung nandun si Piper pero si Warren lang
ang inabutan ko doon na nanunuod ng TV at si Jarvis na naglalaro.
Nagpunta rin ako sa may likod nila pero si Hailey lang ang nakita ko na
nagbabasa. Saan na naman kayo nagsuot ang taong ‘yun?
“Liit,” tawag ko kay Jarvis, “Nasaan ate mo?”

“Labas.”

Nagpunta nga ako sa labas ng bahay nila at inabutan si Piper na nakaupo


sa may damuhan habang nagcecellphone.

“Uy.” Saka ako umupo sa tabi niya. Tiningnan naman niya ako at tumango
saka ibinalik na naman ang tingin sa phone niya, “Galit ka pa rin ba?”

Hindi niya ako pinansin kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko, “Pipes,
sorry na kung tingin mo ginugulo ko ang nakasanayan mo. Hindi ko nga alam
kung bakit sobrang halaga sa ‘yo ang sundin ang rule na ‘yun. Kaya lang
sana maintindihan mo rin na may sarili akong desisyon. Ayokong magalit ka
sa akin dahil lang sa desisyon na pipiliin ko. Bestfriend kita kaya – “

“Sorry.” Natigil ako sa pagsasalita nang marinig sa kanya ang salitang


‘yun.

Weh? Seryoso? Marunong mag-sorry ‘to?

“Ha?”

“Don’t make me repeat what I’ve said.” Napangiti na lang ako at ginulo
ang buhok niya, “You’re right.”

“About the rule?”


“Nah. About you having your own decision. Hindi ko naman controlled ang
mind mo. If that’s what you want to do, then as your bestfriend, I’ll
just accept it. Kaya lang it doesn’t mean na gagawin ko rin ang gagawin
mo.”

Ayaw talaga niyang labagin ang rule. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Bakit ba kasi sobrang halaga sa kanya ng bagay na ‘to? Ano naman kung
nasa tuktok siya? Hindi naman dahil sa nasa tuktok ka na ibig sabihin
magiging masaya ka na.

“Kung ayan ang gusto mo, syempre tatanggapin ko rin. Pero nalilito lang
talaga ako kung bakit sobrang halaga sa ‘yo niyan?”

“Niyan?”

“Ng Rule. Siguro nga nasa tuktok ka ngayon. Kaya lang siguro naman aware
ka sa mga sinasabi sa 'yo ng ibang tao.”

"Like what? Maarte ako? Ayaw nila sa kin? Na bitch ako kasi sikat ako at
gantong magsalita?"

"Pipes.."

"I'm very much aware, Nate. Even my so-called friends and groupmates talk
about me behind my back. But I don't care. Ayun ang nasa utak ng tao e.
Masama ang tingin sa akin ng ibang tao? Then, fine. I wasn't born to
please them. They don't know me naman. Ganun talaga sa panahon ngayon.
Kung sino ang hindi ka kilala, yun pa ang maraming masasabing hindi
maganda tungkol sa 'yo. What I have to do is to hold my head up high and
be proud of who I am. Many people want to see me fall. And I won't give
them that satisfaction."

"Kilala kita, Pipes. Alam ko -- nevermind. Pero sana sabihin mo sa akin


ang rason kung bakit mo ginagawa yan kasi alam kong meron kang dahilan."

Nginitian lang niya ako at umiling, “You’ll know someday. But for now,
pwedeng akin na lang muna ang reason?” Tinanguan ko na lang siya. Ayoko
namang pilitin siya baka masabihan pa ako nitong chismoso. Kaya lang..
chismoso naman talaga ang karamihan ng tao sa grupo ko. Hindi nga lang
ako kasama dun.
“Ano ng balak mo? Kay Tamara?” tanong ko sa kanya.

“Pipilitin ko pa rin siyang sumali sa grupo ko. She’s a bitch at times,


but I don’t care. Para sa ego ko na lang ‘to. I know Warren and Hailey
will do the same.”

“Sa grupo ko siya sasali,” napatingin kaming dalawa sa kakalabas lang na


si Warren. Problema nito? Tss.

“Excuse me? Are we talking to you ba? Hindi naman ‘di ba? No one’s asking
you so shut the hell up.”

Sinamaan siya ng tingin ni Warren at umiling, “Whatever. Hindi ko gustong


kausapin kayo pero napag-utusan akong tawagin kayo at papasukin sa loob.”
Inis na sabi niya. “Para lang din alam mo, huwag kang pakampante na sa
grupo mo siya masasali. Sa grupo ko siya papasok.”

“Hinahamon mo ba ko?” napatayo na si Piper at nagpamewang.

Nginisian lang siya ni Warren sabay talikod at pumasok na sa loob. “Jerk


talaga. Hinahamon niya ako ha? Then, fine. Bring it on.”

***

Official group: iDangs Stories

Hindi ako nag-a-update dahil sa mga gumawa ng account ng characters ng


TC3 sa FB. At dahil pasaway sila at alam kong hindi sila papaawat,
pakilagyan na lang ng "FAN ACCOUNT" ang name sa FB at huwag
magsinungaling at ipagkalat na may sinabi ako kahit wala naman.

SA DEDICATION, MINSAN SA MGA ACCOUNT NG OFFICIAL CHARACTER AKO KUKUHA AT


SA GROUP. ITO ANG MGA OFFICIAL ACCOUNT NILA:

Piper: piperthepopular@gmail.com

Hailey: haileyfortalejoalonzo@gmail.com

Tamara: iamtamarasartori@gmail.com

Nate: natedavisscott@gmail.com

Warren: warrenseungevans@gmail.com

Hunter: Wala siyang account. Ayaw tanggapin ng FB pangalan niya na


Hunter. :))

=================

Chapter 5: Another Dilemma

Hailey’s POV

I used to love Mondays. Used to. And now I hate it. Gusto kong pumapasok
sa school pero ngayon ayoko na. Damn. Sinabi ko ba talaga ‘yun. Pero
seryoso. Bukod sa kwarto ko kung saan ako nakakapagbasa ng taimtim at sa
library na bahay ng mga libro, ang classroom ang isa sa pinakapaborito
kong lugar. Kaya lang magbuhat ng maging kaklase ko sila Piper, I despise
classrooms.

Bakit? Kasi nandun sila at ayoko sa kanila. Ganoon lang kasimple.

Kaya lang kahit gaano ko kaayaw pumunta sa classroom ngayon, inagahan ko


pa rin ang pagpasok para lang hintayin si Tamara. Kahit naiirita ako sa
trip niya sa buhay, kailangan ko pa rin siya sa grupo ko. Bukod sa
matalino siya, gusto ko rin siyang maisama sa grupo dahil sa ego ko. I
don’t want to lose again. Tama na ang isang beses.

Pagkarating ko sa classroom, inabutan ko na si Tamara na nakaupo sa upuan


niya at nakatulala lang. Mukhang hindi naman pala ako maghihintay.

“Good morning,” masayang bati ko sa kanya kahit na sa loob loob ko,


naiirita pa rin ako.

Sa halip na batiin din niya ako ay tumingin lang siya saglit at tumango.
No good morning huh? Rude. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ‘yun
at baka mabadtrip lang siya. Ayawan niya pa ang grupo ko. Konting
kaplastikan lang naman.. kaya ko pa ‘to.

“Kamusta weekend mo?” Tulad kanina, hindi na naman niya ako sinagot.
Hindi ko alam kung pipi ba ‘to o bingi. Pwede rin parehas. Nagmumukha
akong ewan dito para naman akong walang kausap. “Pamilyar ka na ba sa
school? May friends ka na ba dito? Kung wala pa – “

“Stop. Alam ko na kung saan papunta 'to. Ayoko, okay? Ayoko sabing sumali
sa grupo grupong ganyan. Hindi ba matalino ka? Bakit hindi mo
maintindihan ‘yun?”

Bwisit na babae ‘to. Kwinekwestyon niya ba ang utak ko? May problema ba
‘to sa buhay at ganito ang ugali niya? Ako na nga ‘tong nagmamagandang
loob (kahit labag sa loob ko) na nakikipagkaibigan sa kanya tapos siya pa
‘tong nagagalit.

“Good morning!” sigaw ng kakarating lang na si Piper. Napatingin ako sa


kanya at ganun din siya pero inirapan niya ako at ganun din ang ginawa ko
sa kanya. Para sa leader ng popular parang masyado siyang maaga ngayon?
Ano na ang nangyari sa motto niya sa buhay na late entrance at early
exit? “Tamara, good morning!” And now I know why.
Lumapit siya kay Tamara kaya lumayo na ako. Bukod sa nakakainis ‘yung
bagong babae, baka makapitan ako ng kaartehan ni Piper.

“How’s your weekend?” Natanong ko na ‘yan sa kanya. Hindi na ‘yan


effective. Tulad ng nasa isip ko, hindi siya sumagot. “Do you have friend
na ba? If ever wala pa, baka gusto mong sumabay na lang sa amin mamayang
lunch?”

“Hindi na.”

“I insist.”

“Nope.”

“Really, I insist.”

“Ayoko.”

“Don’t be shy. My girls don’t bite naman.”

“Ayoko sabi. Gusto kong mag-isa. Kaya kung pwede lang, huwag mo ng ipilit
kasi ayoko nga. Anong parte ng 'ayoko' ang hindi mo maintindihan?” Inis
na sabi niya.

Kung hindi lang ginawa sa akin ni Tamara kanina ang ginawa niyang
pambabara kay Piper baka pinagtawanan ko na 'tong si Piper e. Kaya lang
wala. Ganun din nangyari sa akin.

Nakarating na rin ng room si Warren ilang minuto lang matapos sagutin ni


Tamara si Piper. Halata naman na ang rason niya. Ganoon din.

"Hi, Tamara." Bati niya at napairap na lang ako. Ginawa na namin ni Piper
'yan."Gusto mong -- "

"Huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Kung nagbabalak ka rin ipilit sa
akin 'yang grupo mo, magtigil ka." Ang taray naman nito. Kainis.
Mukhang nabadtrip si Warren kaya inilagay na lang niya ang bag niya sa
upuan niya saka dinala ang bola at lumabas ng room. Of course.
Basketball.

Inilabas ko na lang ang libro ko para magbasa. Nasayang lang ang pagpasok
ko ng maaga.

***

Nag-aayos ako ng files sa office ng prefect of discipline nang dumating


ang head doon. Hindi ako student assistant. Nagvolunteer lang ako dahil
dagdag siya sa record ko at para na rin makaalis ako sa classroom na yun
at maging excused. Homeroom lang naman.

"Good afternoon, ma'am."

Tinanguan niya lang ako at babalik na sana ako sa ginagawa ko nang may
kumatok at pumasok sa office at umupo. "Good afternoon, ma'am." Si
Nathan.

Ilang saglit lang ay sumunod na si Piper at ganun din ang ginawa niya.
Saka sumunod na dumating si Warren. Parang alam ko na kung bakit nandito
sila. Meeting na naman. That rule. Ugh.

"Nasa classroom niyo ba si Hunter?" Tanong nung head.

"Opo."

"Alam niya bang pinapatawag ko kayo?"

"Nasabihan naman po kami."


"Hay. That kid." Bulong nung head saka tumayo, "Sandali lang at may
susunduin lang ako. "Paalam niya at lumabas na ng office.

"Pa-VIP ang gago." Sabi ni Warren pero halatang yung sarili lang niya ang
kinakausap niya.

Umupo na rin ako malapit sa kanila pero hindi mismo katabi. Mahirap na.

"Meeting na naman. Astig."

"Shut up, Nate. This isn't cool, okay? Damn that girl. She's making
everything complicated."

"Hindi kaya Pipes. Exciting nga e."

"Ugh." Sabay palo ni Piper sa upuan niya at lumingon kay Warren, "Hey!
Jock!"

Tumingin sa kanya si Warren saka siya kinunutan ng noo, "Our game is


still on. She'll become a member of my group. Understood?"

Napangisi si Warren sa kanya, "Asa. Ka. Pa."

Bago pa siya makasagot ay sumingit na lang ako basta sa usapan nila.


Bastos na kung bastos pero huwag nila akong maliitin. Hindi lang sila ang
magkalaban dito. "She'll be in my group."

"What? That's a good joke." Kunyaring natatawang sagot ni Piper. She's


really underestimating me. "She will be a member of the Populars."

"Sa Jocks siya mapupunta." Palag ni Warren.


"Jock? Really? Babae tapos jock? Adik ka ba?" Tanong ko sa kanya pero
sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Pwede kaming gumawa ng subgroup kung papayag siyang sumali sa amin."

"Subgroup? Ha. Ngayon pa lang nasisigurado ko na na walang subgroup na


manyayari. Feeling ka rin."

"Shut up both of you. Sa akin siya sasali. Deal with it. I don't even
know why I'm talking to the both you. Just shut up."

Siya nagsimula simula tapos siya magpapatigil. Bwisit.

"Para sa kaalaman niyong tatlo, hindi siya sasali sa kahit na anong


grupo."

Sinamaan namin ng tingin ang nagsalitang si Nathan dahil sa pang-aasar


niya. Hindi ko rin alam ang trip nito sa buhay at lagi niyang pinipilit
‘yan. Nginitian lang niya kami pero yung ngiti niya halata namang nang-
iinis lang.

Bago pa sumabog ang office na 'to, dumating na ulit ang head kasama si
Hunter.

Nang makaupo sila ay agad niyang hinarap si Hunter, "Mr. Gueverra, akala
ko ba nagkaintindihan na tayo na hindi ka matutulog habang nagklaklase?
Bakit inabutan kitang natutulog?" Hindi sumagot si Hunter at bored lang
na nakasandal sa upuan niya."Mr. Guevarra, I'm talking to you."

"Homeroom lang 'yun." Bored na sagot niya.

Napasapo na lang sa noo niya ang head namin. Sakit talaga sa ulo ang
Hunter na 'to. Wait. No. Actually, lahat sila sakit sa ulo. "Parte ng
grade 'yun. Umayos ka Mr. Guevarra kung gusto mo ng makaalis sa lugar na
'to. Pero kung gusto mong umulit, sige lang ipagpatuloy mo lang 'yan."
Ahead sa amin ng isang taon si Hunter. Graduate na dapat siya last year
kaya lang nung last quarter na, hindi na siya pumasok. Bigla na lang
nawala tapos bigla na lang din bumalik.

Matapos pagsabihan si Hunter ay kami naman ang pinagsabihan niya sa issue


tungkol kay Tamara. Ilang araw na namin siya kinukumbinsi. Ilang araw na
rin naaapapakan pride namin kakatanggi niya pero wala pa rin. Nakakatawa
na lang na kinukuha naman siya sa grupo dahil sa mga pride namin pero
isinasangla rin naman namin ang pride na sa proseso ng pagpilit sa kanya.
Ironic.

At ngayon, dalawa.. dalawang araw na lang at matatapos na ang palugit sa


amin.

Nagkatinginan kaming apat at sa tinginan na 'yun pa lang.. alam ko na na


iisa ang naiisip namin. This is one of those rare moments. After school
meeting.

Bumalik na kami sa room ng hindi nagpapansinan of course. Last subject


naman na ang homeroom kaya hindi na kailangan pang maghintay ng matagal
para mag-uwian.

"You may go." Sabi ng teacher namin pero hindi ako tumayo.

Patayo na sana si Tamara pero tumabi sa kanya si Nate at hinawakan ang


bag niya kaya hindi siya makatayo.

"Bitaw." Utos niya pero parang walang naririnig si Nathan. Good. Sa ayos
nila ngayon hindi naman siguro makakarate ni Tamara si Nathan at hindi
siya makakaalis.

Konti na lang din ang tao sa room at bukod sa aming leaders, dalawa o
tatlo na lang ata ang estudyanteng natitira.
Narinig ko ang pagkaluskos ng upuan ni Hunter at doon pa lang, alam ko na
na wala siyang balak sumali sa usapan. Umalis siya kung gusto niya basta
kapag naparusahan kami, damay pa rin siya.

Kaya lang hindi pa man din siya nakakalayo ay may nagbalibag na ng bola
sa kanya at tumama 'yun sa ulo niya.

"What the fuck!" Galit na galit na lingon niya kay Warren.

"Sorry.. not sorry."

"Problema mo?!"

"Bakit, aayusin mo?"

"Are you messing with me?"

"Ano sa tingin mo?"

"You're messing with the wrong guy, pal."

"Should I be sca -- "

"Shut up! Shut up!" Just when things are getting exciting, Piper will
just suddenly appear. Of course. She doesn't want anyone to steal away
her spotlight. "This isn't about you so shut the hell up. Kung gusto
niyong magpatayan, edi magpatayan kayo for all I care. But don't do that
here. Not here. Not now."

"Ano bang mga problema niyo sa buhay at pati ako dinadamay niyo?"

Kung batuhin ko kaya ng sapatos sa ulo ang babaeng 'to at baka sakaling
maalog ang utak niya at maisip niya na siya ang problema. Kami pa
pagbibintangan. Bwisit.
"Mamili ka ng grupo mo." Sagot ko sa kanya.

"Gusto niyong pumili ako ng grupo? Wow. Big deal ba talaga 'yun? Ang
luwag ng mga turnilyo niyo sa utak."

"Mamili ka. Hindi pwedeng bigla ka na lang papasok sa eskwelahan na 'to


at guguluhin ang mga nakasanayan namin dahil lang sa ayaw mong sundin ang
sinusunod namin. Hindi kami ang bago dito. Ikaw. Kaya huwag mong asahan
na kami ang mag-adjust para sa'yo."

"Ayoko."

Stubborn. Napapikit na lang ako at pilit kinakalma ang sarili ko.


Nakakaubos ng pasensya ang babaeng 'to.

"Follow the rule." Utos sa kanya ni Warren.

Tiningnan siya ng nakakaloko ni Tamara saka ito tumawa. Mad woman. "Was
that supposed to be a joke? You want me to follow the rule? Ayoko. I
won't follow something I don't even understand."

"Hindi mo naiintindihan kasi ayaw mong intindihin."

"Enlighten me then."

"Listen. Listen carefully," huminga siya ng malalim at nagsalita ulit,


"You know the basic about the rule. Di lang yun para masabing may grupo
ka. Nabuo ang rule dahil sa experiment. Ten years ago, sobrang gulo sa
Kingdom High. May mga nagsisigawan sa tabi-tabi. May ilan na
nagkakasakitan. Ang mga naghahariharian sa school noon, mga dakilang
bully at ang mga tahimik na pala aral ang main target nila. Parang may
World War III. Hindi na nagkaroon ng peace sa lugar na 'to."

"So?"

"So may nakaisip na gumawa ng rule. Hatiin sa grupo ang mga estudyante at
huwag silang hayaan na makipag-usap sa ibang grupo. Ang mga
magkakaparehas ng interes ang pinagsama sama para maiwasan ang gulo.
Bawal din mag-usap hindi dahil sa trip lang kundi para protektahan ang
mga nerds at ordinaries sa pangbubully."

Parang namaliit na naman kami doon ha. Para ipagtanggol ang grupo ko,
sumingit na ako sa pagkwekwento, "Pero dati yun. Kasi ngayon hindi na
underdog ang nerds. Ang bawat grupo ay nagkakaroon ng leaders para
maisaayos ang grupo niya. Hanggang hindi grumagraduate ang leader na
napili nila, hindi siya pwedeng palitan."

"Ano ngayon ang konek niyang kwento niyo sa pagpili ko ng grupo?"

"Kailangan mong pumili ng grupo para hindi malabag ang rule. At kung
hindi ka pipili hanggang biyernes, mapaparusahan kami." Sabi sa kanya ni
Nathan.

"You mean kaya niyo ko pinipilit ay para hindi kayo maparusahan? Ha."

"Hindi. Hindi naman kita pinipilit ha. Kung ako ikaw hindi naman ako
pipili ng grupo. Pakialam ko sa parusa?" Damn you, Nathan. Bad influence.

"Exactly. Kaya wala na akong pakialam kung maparusahan kayo o hindi basta
hindi magbabago ang isip ko." Saka siya tumayo at lalabas na sana ng
harangan siya ni Piper.

Taas na ang dalawang kilay niya at halatang iritang irita na.

"I'm super close to losing my shit, woman. You think you're so great. Do
you enjoy being chased that much? May nalalaman ka pang enlighten me
enlighten me at pinagthrowback mo pa sila with that oh-so-boring story
tapos sa bandang dulo you still chose not to follow the rule. Wow. You
must be nuts. Look.. if you think you could just ditch the rule just
because you wanted to, then I'm telling you, you can't. You'll choose a
group this Friday whether you like it or not." And with that, Piper made
her dramatic exit.
***

Matapos ng araw na ‘yun, wala ng pilitan na naganap kay Tamara.


Nagmumukha na lang kaming tanga e. Kaya lang, pipili pa rin siya sa ayaw
at sa gusto niya.

Then Friday came. Ang pinakaaabangang na araw ng mga leaders. Or not.


Buong araw ata naming binibigyan ng masamang tingin si Tamara para
makaramdam man lang siya. Sana naintindihan niya ang mensahe namin. Kasi
naman.. para sa isang matalinong tao, siya lang ata ang hindi masyadong
gumagamit ng utak niya at bira lang ng bira. Kainis.

Nang matapos ang klase, sa ikatlong pagkakataon, ay naiwan na naman


kaming anim sa room para malaman ang desisyon ni Tamara at para na rin
mapaghandaan kung mapaparusahan man kami o hindi.

“So, what’s your decision?” tanong sa kanya ni Piper.

“Tanong lang. Kung wala akong piliing grupo, anong rule ang susundin ko?”

Hindi ko alam kung curious ba talaga siya o sadyang nang-iinis lang. Pero
kahit na ano man ang agenda niya, nakakainis pa rin siya.

“Wala kang rule pero parang wala ka rin sa school na ‘to. Walang papansin
sa ‘yo at magiging mag-isa ka lang sa buong taon mo dito.” Sagot ko naman
sa kanya.

“I don’t mind being alone. I’m better off alone anyway.”

“Mamili ka na.”

“Tanong ulit. Kung sakaling may piliin akong grupo, obligado ba akong
kausapin ang mga members ng grupong ‘yun?”

Nakita ko ang pag-irap ni Piper sa kanya, “No. If you want to be alone,


then you’ll be alone. At least may grupo ka. That’s what matters.”
“Fine. Pipili na ako.”

“It’s about time.”

“I want to be a part of the Ordinaries.”

“What?!” sabay sabay na sigaw naming mga leaders pwera kay Hunter na
natutulog lang sa likod.

“Sabi ko sa Ordinaries ako.”

Kung sino pa ang hindi nag-effort makuha siya, ayun pa ang pipiliin niya?
Seryoso? Maluwag na ata ang turnilyo ng babaeng ‘to.

“It is settled then. Mas feel ko pa na piliin mo ‘yang Ordinaries kaysa


sa ibang grupo sa tabi-tabi.” Pagpaparinig ni Piper.

“Ditto.” Sagot ko naman. Feeling niya siya lang ha.

“Makaalis na. Pipili rin pala pinahaba pa.” patayo na sana si Warren pero
napahinto siya nang marinig ang sagot ni Nathan sa sinabi ni Tamara.

“Hindi kita tatanggapin sa grupo ko. May karapatan akong gawin ‘yun dahil
ako ang leader. Sorry.”

“Tangina, anong kalokohan ‘yan?!” sigaw sa kanya ni Warren pero


nagbingibinigihan lang si Nath.

Kung tutuusin, may karapatan naman talaga siyang huwag tanggapin si


Tamara kaya lang bago ‘to. Ngayon lang siya hindi tumanggap sa grupo
niya.
“May karapatan siyang gawin ‘yun. Choose a second group Tamara.” Utos ko
sa kanya.

“Ayoko. Pinapili niyo ako ng grupo at pumili naman ako. Kung hindi ako sa
Ordinaries pupunta, wala akong pipiliin.”

Seriously? Ayos na e. Wala na dapat parusa pero ayan na naman at may


panibagong problema. We’re running out of time. Kailangan mamili ni
Tamara ng pangalawang grupo, o kailangang mapilit si Nathan na tanggapin
si Tamara sa grupo niya. Badtrip talaga.

=================

Chapter 6: The Punishment

Piper's POV

"Nate! Accept her in your group. I don't want to be punished for a damn
lame reason. Huwag ka ngang stubborn. And since when ka pa nagreject ng
member to be a part of your group. This is the first. Are you insane or
something?"

"Sabi nga nila laging may first time sa lahat ng bagay. At ito ang first
time ko sa pangrereject, Pipes. Ang astig nga sa pakiramdam nun e. Ang
tanggihan ang taong pinag-aagawan ng karamihan. Astig di ba?" Nagawa pa
niyang magpatawa ha? He's really crazy.

"Stop this madness, Nate. Ano ba. You're so makulit. It's not that hard
to acknowledge her in your group. Just accept her para mag-stop na ang
problema nating 'to. Just please accept her." I even used the word
please. Sana mapansin niya.
"You know I love you, Pipes, and you're my bestfriend but sorry. My
decision is final. Alam mong simula pa lang hindi ko na siya ginustong
masali sa grupo ko. Napag-usapan na natin 'to."

Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang desididong desidido na talaga siya.


Kung ganun lang naman, I don't think there's still something I could do.

"Okay. I'll just hope the others made Tamara choose a second group."

"No hard feelings? Hindi ka galit sa akin?" Paninigurado pa niya.

"Nope. I told you before that I'll accept your decisions. We're still
bestfriends don't worry."

I failed my mission but it's not nice to force Nate to accept something
he doesn't want to accept. It is his right to choose who will be a member
of his group. It is not nice to take away that right from him.

I glanced at the other side of the room and hoped that they made Tamara
change her mind. Kinakausap siya ni Hailey and I must say I'm quite
surprised na hindi pa sila nagsisigawan. Pareparehas matigas ang ulo
namin at laging nagclaclash ang ideas namin. Kaya laging nagkakagulo.

Nang tumayo na si Hailey, sign na yun na tapos na silang mag-usap.

"Ano na?" Inis na tanong ni Warren na nakaupo lang sa teacher's table


habang pinapaikot ang bola sa daliri niya.

"Hindi pa rin nagbabago desisyon ko. Ayoko pa rin siyang tanggapin sa


grupo ko." Sagot ni Nate sa kanya.

"Badtrip."
Napatingin ako kay Tamara at nagkibit-balikat siya nang tingnan ako.
"Mukhang wala na kayong magagawa kundi maghanda na lang sa parusa niyo
kasi hindi rin nagbago ang isip ko."

I knew it. Hello punishment it is.

***

Nanlulumo kaming pumunta sa office ng Prefect of Discipline minus Hunter


who we left sleeping sa classroom. Mukhang mahimbing naman siya kaya we
decided not to wake him up. Ha! Just kidding. First and foremost, it’s
not a unanimous decision. It just happened that we had the same idea to
walkout of the room after we heard Tamara and Nate’s decisions. Secondly,
we decided not to wake him up not because he seems so mahimbing but
because we just don’t care.

“Ano ba?! Bakit ba kailangan kasama pa ako?!”

I’m damn tired of this girl’s rants. Kanina pa ‘to ha. This is all her
fault anyway. If she already picked in the first place, sana simula
palang settled na ang lahat. She has no right to object. Desisyon niya
ang magmatigas. Edi siya ang magsabi sa head ng desisyon niya. Who does
she think she is? Lahat na lang iaasa sa amin? Lazy bitch.

“Uuwi na sabi ako! Ano ba!”

“Shut up! You’re so ingay. Pwede bang tumahimik ka muna before I


introduce that earsplitting mouth of yours to my Jimmy Choo heels.”

"Ano ba kasing gagawin ko dun?!"

Before I could give her an answer,Hailey answers her, "Prefect of


disicpline di ba? Baka matutulog ka dun?"
"Ha. Ha. Katawa grabe. Bakit ba kasi ako -- "

"Tumahimik ka na lang." Seryosong sabi ni Warren.

"Paano ako tatahimik kung -- "

"Huwag mo ng pasakitin mga ulo nila, Tamara. Huwag ka na rin mag-object


kasi nandito na tayo." Sabi ni Nate at saka kumatok at binuksanang pinto
ng office.

Inabutan namin na nag-aayos na ng gamit ang head. Naghahanda na siya para


umuwi at kami na lang panigurado ang hinihintay niya.

"Ano na ang desisyon mo Ms. Sartori?"

"Gusto ko po sa Ordinaries."

"Mission accomplished leaders. Mukhang wala kayong parusa at talagang sa


dulo pa ng taon mabubuksan ang dalawang rooms para sa charity." If they
want to open that rooms earlier, then why don’t they hire someone para
ayusin ang rooms. Why do they need to count on us and our “supposed-to-
be” punishment anyways?

We all turned our head to Nate na nagtaas ng kamay niya as if magrerecite


lang. "Ma'am, sorry po pero hindi ko po siya tinanggap sa grupo ko."

It's pretty obvious that the head was shocked because of Nate's
statement, "Why?"

"As a leader, ma'am, gusto kong maging maayos ang grupo ko. Gusto ko yung
mga mapupunta dun ay yung mga pasok talaga sa pangalan na ordinary. Hindi
po pasok si Tamara dun. Regional quiz bee champion, black-belter sa
Taekwondo, varsity. Hindi po ayun ang ordinaryo. Kaya lang other than my
group, wala na po siyang gustong salihan kaya wala po siyang grupo."
Napag-isip si ma'am sa sinabi ni Nate at napabuntong hininga na lang siya
nang marealize siguro na tama lang talaga si Nate at sadyang si Tamara
ang matigas ang ulo.

"If that's the case, then I'll accept it. Ms. Sartori will be the only
student in Kingdom High who won't be joining any groups. But still, you
should follow the rule, Ms. Sartori." Tingnan niyang mabuti si Tamara,
"Bawal kang makipag-usap sa kahit na kanino na hindi mo kagrupo at dahil
wala lang kagrupo, wala kang pwedeng makausap na kahit na sinong
estudyante except may group activity kayo sa anumang subjects."

"Yes po, ma'am."

"Oras na maisipan mong mamili na ng grupo, pwede ka pa rin dumiretsyo sa


akin para sabihin kung saan ang gusto mo at makakasali ka pa rin dun
kapag tinanggap ka ng leader ng grupong 'yun. Are we clear?"

"Opo, ma'am."

Inalis niya ang tingin kay Tamara at tiningnan naman kami isa isa. She
then noticed that there's someone missing, "Nasaan na naman si Mr.
Guevarra? Hindi ba siya kasama nung nagdedesisyon kayo?"

Wala ni isa ang sumagot sa tanong ng head. He was there naman kaya lang
he's sleeping lang naman.

"Sumasakit ulo kay Hunter. I should give him extra work for this."

Extra work because she thought Hunter isn't attending our meetings? That
would be good. But parang it doesn't sound fair. Technically, umaattend
naman siya kahit hindi siya nakikisali sa usapan. He almost left on our
second meeting. Almost. So come to think of it, sa tatlong beses na
nagtalo talo ang mga leaders sa bagay na 'to, lagi naman siyang nandoon.
"Instead na maghati hati kayo sa pag-aayos sa dalawang rooms, isa na lang
ang paghahati-hatian niyo. Habang ang isang buong room ay si Mr. Guevarra
na ang mag-aayos."

Napatingin ako sa mga kasama ko. Mukhang wala ni isa ang may balak
magsalita. Maski ako ayoko. But for sure, my conscience won't let me
sleep if I won't say something about this. I think it's better to do the
right thing even you're against it. Right is still right and wrong is
still wrong.

"Excuse me, ma'am. I think it isn't necessary to give Hunter an extra


work. Umaattend po siya kapag nag-uusap usap kami. He was there din po
kanina. He fell asleep po at iniwan namin siya sa room."I said.

"If that's the case, edi hati hati ulit kayo sa dalawang classroom. Meet
me tomorrow, 9pm. Bukas ang simula ng parusa niyo."

My eyes grew wide. Tomorrow? As in tomorrow na? My God! That's so sudden.


Is this for real?

"Ms. Sartori, you'll be joining them. Ikaw ang nagmatigas huwag mamili ng
second choice kaya may parusa ka rin."

"What? But.. but -- "

"No but's. Final na 'to."

Ha! Kung akala niyang safe siya, then, akala niya lang 'yun. This seems
fair. Actually if there's someone who should get punished here siya naman
talaga yun. Nadamay lang kami.
"You may go now. Ah! Mr. Scott. Pakigising si Mr. Guevarra. Wala ng
estudyante bukod sa inyo ang nandito. Baka masaraduhan pa siyadito."

"Yes, ma'am."

***

“Ang aga mo naman nagising? 7am pa lang ha? Aalis ka ba?” tanong ni Dad
nang bumaba ako para samahan siyang magbreakfast.

“You should sleep more, dad. Rest. Super hard-working mo na. What’s there
to lose kung magrerest ka naman ng kaunti?”

Nagising kasi ako kaninang madaling araw to get some water sa kitchen. I
saw him still awake facing his laptop. It is weekend and he’s still busy
on his work.

He smiled and ruffles my hair, “Sige na. Hindi na ako magtratrabaho


ngayong weekend. Where do you want to go? Wait. Aalis ka nga ba pala?”

I smiled sheepishly, “Opo.”

“Saan punta mo?”

“Uhh. Hindi ko po alam?”

“Ha?”

“E kasi po.. we we’re punished by pod’s head. Kaya magkikita kita po kami
sa school ngayon to do some stuff.”

“Bakit kayo naparusahan?”

“We broke some rules? But it’s not super big deal naman po. Minor lang.”

“What kind of punishment?”


“Uhh.. For charity?”

What kind of answer was that Piper? Ugh. Ano bang mga sinasabi ko?

Thankfully, dad didn’t push the topic anymore.

Nag-ayos na ako after ng talk and breakfast with dad. I didn’t have to
exert too much effort din naman because I’m naturally pretty. There’s no
need to make paganda rin naman because sila sila lang ang makakasama
ko. A powder is enough.

“Piper, hinahanap ka na ni Nate sa baba.” Tawag ni Mommy sa akin.

What is he doing here? I should go downstairs na to know the answer.

“Good morning, Pipes!” Energetic Nate as ever.

“What are you doing here?” bulong ko sa kanya.

“Sabay tayong pupunta sa school. Kaya tara na.” hinila na lang niya ako
basta basta saka sumigaw, “Tita, tito! Alis na po kami ni Piper! Ba-bye!”

Nang makalabas na kami ay huminto ako saka siya tiningnan ng masama,


“What was that about? Bakit sabay tayo? Eh di nalaman ng mga – “

“Kung tungkol sa rule ‘to, sigurado naman akong hindi na problema kung
sabay tayong pupunta dun. Hindi ba nga, originally, sa school lang nag-
eexist ang rule. Weekdays lang. Ang mga estudyante lang naman ang
nagdesisyon na ituloy ang rule hanggang sa labas ng school.”
“So anong tingin mo sa mga kasama nating naparusahan? Hindi estudsyante?
Malalaman nila.”

“Na magkaibigan tayo? Sus! Ano naman. Hindi pa ba nila alam ‘yun? Kung
nakakalimutan mo, si Hailey at Warren ang kasama natin. Dati nating
kaibigan ‘yun. Kaya alam naman nilang bestfriend kita. Si Tamara naman
walang pakialam sa rule kaya wala rin ‘yung pakialam sa mundo. Si
Hunter.. hindi ba nakita na nga niya tayong nag-uusap noon? Narinig na
niya at alam niyang magkaibigan tayo. Nagsumbong ba siya? Hindi naman di
ba? Ano? May reklamo ka pa?”

Sa haba ng sinabi niya ano pa ba ang pwede kong ireklamo dun? Wala naman
na ata.

“It’s settled then. Tara na.”

Actually, I kinda miss walking with him. Yung lakad na mahaba. Hindi
‘yung lakad na hanggang sa kapitbahay lang. We used to do that noong
bakasyon. Ever since nagstart ang school year, hindi na ulit namin ‘to
nagagawa.

Nang makarating kami sa school, napahinto na lang kami parehas na


makitang lock ang gate.

“Mukhang sa labas tayo maghihintayan.”

One by one, nagdatingan na rin ang iba. Si Tamara ang nauna kasunod si
Hailey. Tapos ay si Warren at ang head ng POD. Isang tao na lang ang wala
pa. Is he even going anyway? I bet not.

“Ma’am, saan po ‘yung aayusin namin?” tanong ni Hailey.


BInigay niya sa amin ang address at nang palakad na kami at nagbabalak ng
umalis, bigla na lang niya kaming pinahinto. What na naman?

“Kulang pa kayo.”

“Ma’am, I don’t think Hunter will – “ napahinto ako sa sinasabi ko nang


makita si Hunter na naglalakad papunta sa amin.

“He must attend. Nag-usap na kami tungkol dito. Kung gusto niyang
makagraduate, kailangan niyang matapos ang parusa niyong lahat.”

***

Nagbyahe kaming anim ng walang imikan. Pwera sa amin ni Nate of course.


Basta ‘yung iba sumusunod lang sa pinupuntahan ng iba. Medyo matagal din
bago kami makarating sa address na binigay ni ma’am. Dulo kung dulo.

My eyes grew wide when I saw the place of the rooms. Seriously it’s
almost like a deserted place. Vacant lot lang ang katabi niya.

“What if may cannibal dito?” bulong ko kay Nate.

Nagulat na lang ako ng mag hysterical siya kakatawa, “Adik ka ba?


Cannibal ka dyan? OA naman nito. May mga bahay naman kaya. Ayun o.” turo
niya sa mga bahay na magkakatabi sa di kalayuan. Hindi ko naman kasi
napansin ‘yun kanina.

Lumapit na kami sa dalawang rooms. The outer appearance of the room is


okay. Pintura lang halos ang kulang. We went inside at nanlumo ako nang
makita na prang binagyo ang loob. Ang daming kalat sa loob. Parang
warehouse. Medyo malaki pa ‘yung rooms tapos ang daming dirt. There’s
spider’s web pa sa gilid gilid. ‘Yung window sa likod, butas. ‘Yung
supposed-to-be color green na blackboard walang kulay. Yung chairs patong
patong.

Kaya ba talaga naming ayusin ‘to?


“Mukhang mas matatagalan kaysa sa inaasahan ang paglilinis natin ng mga
rooms na ‘to.” Manghang sabi ni Hailey.

And after felt like forever, ngayon na lang ulit ako sumagot sa ng matino
sa sinabi inya, "Goodluck sa atin."

=================

Chapter 7: Attention seeker

Piper's POV

Oh my God. If we're going to clean these rooms.. then I'll get dirty. I
didn't bring any spare clothes with me pa naman. I thought minor cleaning
lang. But I was wrong. Obviously.

"Uy, ayos ka lang ba? Tulala ka masyado." Pagbunggo ni Nate sa braso ko.

I nodded as my response kasi for sure sasabihan na naman niya akong


mababaw.

Wala pa ni isa sa amin ang nagsisimulang maglinis. Si Hailey tinitingnan


lang 'yung room. As if she's checking every corner. Si Hunter naman nasa
labas and I don't even know what he is doing. Si Warren nakaupo lang sa
may malapit sa pinto at nakasandal habang may nakalagay na earphone sa
tenga niya. Si Tamara hawak ang phone niya at parang patext text lang. Or
maybe she's surfing the net. I don't know. I don't care. Habang si Nate,
ito dinadaldal lang ako at nagkwekwento ng kung anu-ano.

"Si liit nga pala, di pa ba mag-aaral 'yun?"

"Duh. He can't talk straight pa nga e. He is too young."

"Sorry naman di ba?"

"Whatever. Ikaw, ayaw mo na magkaroon ng kapatid?"

"Kahit ano. Para na rin naman akong may kapatid dahil sa mga pinsan ko."
"Sabagay. May apat ka nga palang pinsan ano? Mas matanda sa 'yo yung isa
at mas bata 'yung tatlo. Infairness sa isa mong pinsan, he's cute."

"Crush mo?" Tukso niya sa akin.

"Nah. He's too cocky. Yabang e."

"Sakto lang kaya. Hindi naman -- "

Naputol ang sasabihin ni Nate nang biglang nagsalita si Warren, "Wala


tayong matatapos sa ginagawa nating 'to. Baka pwede na tayong gumalaw
galaw."

Hindi kami sumagot sa kanya pero mga nagsitayuan naman. We may hate each
other's guts but we know naman na he has a point.

"Nathan, ayusin mo 'yung bintana. Ako sa pinto. Tamara, Hailey at Piper,


kayo ang maglinis ng room. Tanggalin niyo 'yung mga alikabok. Magwalis
walis -- "

"Teka lang. Sinong bumoto sa 'yo para maging in charge? Bakit utos ka ng
utos?" Pagpapatahimik sa kanya ni Hailey.

"Walang kikilos kung walang magpapakilos. Hindi naman mahirap ang gagawin
niyo kaya -- "

"Wow. Parang ang hirap naman ng gagawin mo."

"Sige, palit tayo. Ako ang gagawa ng gagawin mo, ikaw ang magbuhat ng
nasirang pinto at magkabit nun pabalik." That made Hailey shut up. Warren
has a point. Again.

Palabas na sana si Warren nang magsalita ulit si Hailey, "Sige. Ako ang
gagawa sa pinto."

Nagkibit-balikat si Warren at tumango, "Edi ikaw."

Hailey seems hesitant. So what's the point in volunteering if di naman


pala niya kaya. She is really weird.

"Maglinis ka na lang. Ako na sa pinto." Sagot ni Nate nang mapansin din


niya ang pananahimik ni Hailey.

"Ayoko nga sabing maglinis. Bakit kayo ang may kailangan gumawa ng -- "
"Kung ayaw mong maglinis edi ikaw na lang sa bintana."

Mga nagtinginan at nagpakiramdaman lang kami kung anu-ano talaga ang


gagawin. Stubborn people. Ugh.

I sigh, "So ano? Pakiramdaman na lang tayo dito? Wala tayong mapapala
dito. Let's stick to the first plan. Warren on the door. Nate on the
window. While the three of us will do the cleaning."

"Si Hunter pa." Sabi ni Nate.

Oo nga pala. "He'll fix the other door or window. Go! Do your thing!"

"Wait. Ilabas muna 'yung mga upuan. Hindi makakapaglinis ng nandyan


'yan." Suggestion ni Tamara.

"No. Itransfer sa kabilang room na lang. Para hindi na natin ipasok


pabalik mamaya." Sagot naman ni Hailey. She's right.

Kumuha na ng mga upuan yung iba para ilipat sa kabilang room nang utusan
ako ni Nate na tawagin si Hunter. Why does he always have to be pa-VIP?

I went outside and searched for him. Nasa may likod siya at nakasandal sa
may isang tree dun. Lumapit ako only to find him.. smoking? Smoking?!
What the hell.

Nang makapunta na ako sa pwesto niya ay hinila ko yung cigarette, threw


it on the ground and stepped on it to put out the fire.

"What the. Problema mo?!"

"Why are you smoking?! You're polluting the place! At isa pa you should
be helping us!"

"Peste naman o!" Inis niyang tayo at saka ako nilagpasan.

Fourth year highschool pa lang siya tapos ginagawang breakfast ang


cigarette. Oh,wait. Dapat nga pala college na siya. Pero ang lakas siguro
niya sa cigar. His parents aren't scolding him about this I guess. But
ugh. Ang baho ng usok kanina.

***
When we finished transferring the chairs we were about to do our tasks na
when I noticed something.

"Uhh. How are we going to do our tasks? Do we have materials ba?"

"Bwisit. Sana sinabi agad nila na walang gamit. Badtrip." Bulong ni


Tamara sa tabi tabi.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Nate pero wala ni isa ang nakasagot.

"May mga basahan naman. Magpunas na lang." Suggestion ni Warren.

"Why are we going to wipe the dust pa e marurumihan din naman 'yun when
you'll start fixing the things needed to be fixed."

"Bumili na lang tayong mga gamit."

"Pera mo?"

Ano ba yan?! Bakit ba kasi hindi man lang inayos ang mga gagamitin namin
bago kami parusahan ng ganito. Dagdag pahirap lang.

"Tatawagan ko lang ang head." Of course. May number ng head si Hailey.

After their tiny chit chat, humarap na sa amin si Hailey, "Bumili raw
tayo ng materials. Makikipagkita siya sa atin sa bayan para ibigay ang
pambili."

Grabe naman. Kami na maglilinis, kami pa bibili. Ang OA na ng parusang


'to ha.

We have no other choice but to follow the head when all I really want is
to go home, take a bath and sleep. It's still noon but it feels like my
energy is so drained already.

We're in the jeep when I felt my head throbbing. Sumandal ako at pumikit
hoping to lessen the pain. It helps a bit at least.

"Pipes, ayos ka lang?" Dinig kong tanong ni Nate pero hindi ko magawang
sumagot. I can't speak. Feeling ko kasi once magsalita ako masusuka lang
ako. I can't nod. Lalo lang akong mahihilo. "Namumutla ka. Hala. Teka
lang. Anong gagawin ko?"
Ramdam ko ang pagpaypay niya sa akin gamit ang kamay niya. Mainit din
kasi sa jeepney so maybe that's a factor why I'm feeling this kind of
headache. Kaya lang wala rin. Nahihilo pa rin ako.

"Here," napatingin ako sa inaabot ni Warren sa akin na bote ng tubig,


"Inumin mo na lang. Hindi ko pa iniinuman 'yan kung magrereklamo ka."

Wala na rin naman akong time para magreklamo. I took the bottle and
drink. "Thanks." I murmured after drinking. Sumandal ako sa balikat ni
Nate at pumikit and I can feel his arm on my shoulder.

"Gamitin mo sa kanya," dinig kong sabi ni Tamara but I don't know what
she's talking about. Bigla ko na lang naramdaman na may hangin na. So I
guess Tamara lent me her fan.

"Attention seeker," bulong ni Hailey pero halatang pinaparinig naman niya


'yun sa amin.

Damn her. If it weren't for my headache hindi naman ako hihingi ng


atensyon nila. I never want to have a headache. Ang hirap at ang sakit
kaya.

"Shut up," Warren's voice. Seriously? Pinapagtanggol niya ba ako?

"Whatever." A pause. "Look. Ayokong may makakita sa ating magkakasama


kaya maghihiwahiwalay tayo kapag naiabot na sa atin 'yung pangbili. Ito
ang mga bibilin niyo," dumilat ako at nakitang nag-aabot siya ng papel.
Aabutan niya sana ako pero si Nate na ang kumuha ng iaabot niya dapat,
"Magkita kita tayo sa may sakayan after one and half hour."

Walang sumagot ni isa sa amin kay Hailey. It seems like she planned
everything naman na so no use din. Sana lang she asked for our consent.

"Hindi ako bibili. Kayo na lang. Nahihilo si Piper. Sasamahan ko na lang


– "

Hindi natuloy ang protesta ni Nate nang magsalita si Hunter, "Hindi ako
bibili." Saka niya initsya ang papel na pinulot naman ni Tamara.

"Bwisit," inis na sabi ni Hailey, "Nathan, bumili ka. Iwan mo na lang


'yan dito." Turo ni Hailey sa akin tapos ay kay Hunter. Iwan ako kay
Hunter? Paano kung patayin ako niyan?

"Ang daya! Mamaya kung mapano pa 'tong si Pipes diyan e. Sa akin na lang
maiiwan 'to."

"No objections."
Masakit ang ulo ko kaya hindi ko magawang magprotest. If I know sinasadya
lang niya na si Hunter ang makasama ko to torture me some more. Ugh.

Ilang minuto pa ang nakalipas at kahit papaano ay nawala wala na ang


sakit ng ulo ko. Nakarating na rin kami sa bayan at nameet ang head. At
ito na nga. Dumating na ang pinakakinakatakutan ko sa lahat.
Maghihiwahiwalay na kami.

"Okay lang naman siguro na mag-isa na lang ako. I can make it on my own."
Sabi ko kay Nate pero he just shook his head.

"Mas ayos na na may kasama ka. Baka mamaya bigla ka na lang magcollapse
dyan. Maglunch na lang kayo. Sige na. See you later, Pipes!"

When Nate left, I glanced at Hunter who's standing beside me. Napatingin
tingin din ako sa paligid. There are too many people. Baka mamaya makita
kaming magkasama ng isa sa nakakakilala sa amin. What should I do?

Naglakad na si Hunter at sumunod naman ako sa kanya pero I made sure that
there's a gap between us. Para hindi masyadong halata.

Nakayuko akong naglalakad nang bigla na lang akong mabunggo at mapahinto,


"What?" tanong ko sa kanya when he stops walking. Humarap siya sa akin,
took off his cap and made me wear it. After niyang gawin 'yun naglakad na
naman siya. That's pretty weird huh. But I guess better na 'to para medyo
tago 'yung mukha ko. Ibinaba ko pa ang cap and sumunod na sa kanya.

He stopped walking and looks at the karenderya at our side.

"Nagugutom na ko. Hindi ka naman kumakain sa ganito kaya bahala ka na sa


buhay mo."

Wow. How nice naman niya. Napakaconsiderate talaga. Bwisit siya!

I'm so pissed at him but I'm so hungry na rin kaya I followed him. And
who the hell does he thinks he is? He doesn't know me kaya he doesn't
know where and what I eat. Hindi siya pwedeng bumase sa mga naririnig
lang niya. Na vegetarian ang lahat ng members ng Populars. Na sa high-
class restaurant lang kami kumakain. Na hindi kami mahilig sa food na
macalories. Duh.

First, favorite ko ang meat. Hindi ako vegetarian. Second, kumakain ako
sa mga fastfood, sa karenderya o kahit sa mga turo-turo sa tabi. Madalas
kaya kaming kumain ng kwek-kwek ni Nate tuwing summer. I prefer dirty ice
cream din kaysa sa mga branded na ice cream. Third, I love nuts,
chocolates, pasta or whatever food with high calories. I eat like a pig.
I eat what I want. I eat where I like. Lagi na lang kasi akong
sinasabihan na mukha akong picky sa food when I'm not.

Lumapit ako sa mga nakalagay na food and I chose what foods to eat. Nang
ibigay na sa akin 'yun nung tagabantay, I searched for a place to sit
kaya lang since it's noon, every seats are occupied. Except for one.
'Yung sa table ni Hunter. Maybe people are too scared of his black aura
kaya hindi siya tinatabihan. But I'm not. And since I've got no other
choice, umupo ako sa tabi niya.

"Kakain ka dito?" he asks. Surprised is clearly in his voice.

"Isn't it obvious?"

"You've got to be kidding me."

"We are not close so why would I? Just shut up and eat."

After eating, we stayed there for a bit. I'm so bored so I decided to ask
him questions.

"Bakit hindi ka nakagraduate last year?"

"Alam mo sagot dyan." Oo nga naman. Kalat naman na sa school 'yun na hind
siya umattend nung last quarter na.

"Bakit hindi ka na umattend nun?"

"None of your fucking business."

"Bakit ganyan ka? Para kang laging meron?"

"Shut up."

"Napakamaiinitin ng ulo mo." Hindi na siya sumagot at tiningnan lang ako


ng masama, "Bakit lagi ka rin natutulog sa classroom? Not that I'm
looking ha. It's just that our teachers are always noticing and scolding
you."

Silent treatment, eh? He should feel glad I'm talking to him pa nga.

"Bakit ka nga pala nagcicigarette? You're too young for that. Do your
parents know about that?"
"Shut your fucking mouth," He angrily said then left.

Pikon naman. Parang nagtatanong lang.

I didn't follow him and just sit there until I felt like leaving.
Naningin-ningin muna ako bago pumuntang sakayan. Nate was there already
when I arrived. He was the first one to arrive, I guess.

"Okay ka na?"

"Yup. Nagutom lang siguro ako. I only ate cereal for breakfast kasi."

"At least okay ka na. Ano nga palang trip mo at nakasumbrero ka pa?"

"Hunter lent me his cap."

"Nasaan na nga pala 'yun?"

"He left."

"I knew we can't count on him."

"Not really. It's pretty much my fault actually. I asked too many
questions so he got pissed and left."

Napailing na lang siya sa akin at nagkwentuhan kami hanggang sa


makarating na si Warren, Hailey at Tamara. Hinahanap na nila si Hunter
but I'm oh so sure that he will not come anymore. Nakita naman na siya ng
head kaninang umaga and nung tanghali kaya malakas na ang loob niyang
umalis.

We waited for another ten minutes but noong hindi pa rin siya dumarating,
umalis na kami at bumalik sa parusa.

This is officially the start. More hell days will come.

=================

Chapter 8: Deadline
Tamara’s POV

Ilang linggo na kaming naglilinis pero parang wala kaming natatapos.


Isang araw na nga lang ang nakalaan para sa punishment namin tapos ‘yung
isang araw na ‘yun hindi pa namin magamit gamit ng maayos.

Hanggang ngayon wala pa rin kakulay kulay ‘yung mga dingding. Hindi pa
rin nakaayos ang ibang bintana. Bungi bungi pa rin ‘yung pinaka salamin
nun. Hindi pa rin kulay green ‘yung blackboard tapos ‘yung pinto sira pa
rin ang doorknob.

Paano naman kasi, madalas late dumarating ‘yung iba. Tapos na ang
tanghalian saka pa lang sila darating. Kung anu-anong issue sa buhay. May
pagod sa practice, may napuyat sa pagbabasa, may masakit ang ulo, may
pupuntahan o may pinuntahan, may na-late ng gising. Grabe. Lahat na nga
ata ng pwedeng idahilan naidahilan na nila. Tapos kapag darating naman
sila dito ng hapon, mag-aaway away lang. May mga mag-aalisan. May mga
maiiwan pero hindi para maglinis kundi para tumambay lang.

‘Yung isang bintana pa lang ata ang naayos pati ‘yung isang pinto. Saka
‘yung pagtatanggal ng alikabok. Bukod dun, wala na. Ano ba kasi ‘tong
gulong napasok pasok ko? Bakit ba hindi pa ako pumili pili ng grupo?
Hindi ko alam kung anong mga pag-iinarte ang ginagawa ng limang ‘to at
parang mga galit na galit sa isa’t isa. They took the rule too seriously.
Dapat pala hindi na lang ako lumipat ng eskwelahan.

Tiningnan ko ang orasan ko. 1pm. 1pm na pero wala pa ni isa sa kanila ang
nandito. Grabe! Grabe talaga. Nagpataan na nga ako at hindi agad umalis
sa bahay tapos ganito pa rin pala. Kamusta naman ‘yun? Baka tapos na ang
buong school year wala pa rin kaming nagagawa. Isang classroom pa lang
‘to. Paano pa ‘yung isa? Bwisit ang mga ‘yun. Kung ayaw nilang gumawa,
pwes ako gagawa.

“Palibhasa mga laging nasusunod ang gusto. Wala ng mga ginawang matino.
Kairita,” para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang
nagpupunas ng board.

Lumapit din ako at chineck ang mga bintana. Papalitan lang naman ‘yung
mga glass. Kaya ko na ‘to..
Nasa pangatlong bintana na ako nang may magsalita sa likod ko, “Ikaw pa
lang?” Tumalikod ako at nakita si Nathan at Piper sa likod ko. At least
may dumating kahit dalawa lang sa kanila.

“Hindi ba halata?”

“Where are the others?” tanong ni Piper.

“Tanungin mo sila para malaman mo.”

“Paano ko tatanungin kung wala naman sila dito?”

“Exactly.”

“You don’t have to be such a bitch every time, you know.”

“Whatever.”

Hindi niya ako pwedeng sisihin na mainit ang ulo ko. Aba! Kung siya kaya
ang mauna dito at maglinis mag-isa. Ewan ko na lang kung sasalubungin
niya pa with open arms ang mga darating pa.

Naglinis kaming tatlo ng tahimik. Wala naman akong pakialam sa


katahimikan. Kaya lang parang mga multo lang ‘tong mga kasama ko. Parang
wala rin. Parang kahit papaano mas okay na nag-aaway-away na lang sila.
At least may ingay. Kaya para kahit papaano ay magkaroon kahit katiting
na ingay, magpapatugtog na lang ako. Kaya lang nung hinanahanap ko ‘yung
earphone ko hindi ko makita.

Magpatugtog na lang kaya ako ng walang earphone. Hindi naman siguro sila
maiingayan. At ano nga bang pakialam ko kung magreklamo sila. Hindi naman
nila pag-aari ang lugar na ‘to kaya pwede akong magpatugtog ng kahit na
anong gusto ko.

Hinanap ko ang trip kong kanta saka iyon pinatugtog.

♫ What are you waiting for? What are you waiting for? ♫
Nagsisimula pa lang ang kanta ay bigla nang napalingon sa akin si Piper.
Huwag mong sabihing magagalit nga siya kasi nagpatugtog ako? Aba, grabe
naman.

“Oh my gosh! I love that song!” tuwang tuwa niyang sabi sa akin at bigla
na lang sumabay sa tugtog, “Are you waiting on a lightning strike? Are
you waiting for the perfect night? Are you waiting 'til the time is
right? What are you waiting for? Don't you wanna learn to deal with fear?
Don't you wanna take the wheel and steer? Don't you wait another minute
here? What are you waiting for?”

Nakatingin lang ako sa kanya na busy sa pag-aayos ng bintana at pagkanta.


Seryoso? Gusto niya ang mga ganitong klaseng kanta? Akala ko ‘yung mga
tipong Pretty Girls Rock o Material Girls ang gusto niya.

“She loves Nickelback,” sabi ni Nathan nang mapansin na parang na-weirdo-


han ako kay Piper.

“Hindi halata. Wala sa itsyura.”

“Bakit anong meron sa itsyura niya?”

Hindi pa ba halata? Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ang isang ‘to


o ano. Kahit sino naman ang tanungin mo alam na ang isasagot sa tanong na
‘yun.

"Queen bee. Maarte. Puro kantang sobrang sikat lang ang alam. 'Yung mga
sikat lang ang kilala. Pinanindigan ang pangalan ng grupo niya. Popular
nga di ba?"
Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo saka umiling, "Too
judgmental."

"Ano?!" Inis na tanong ko.

"Nakakainis. Bakit niyo ba siya hinuhusgahan base lang sa nakikita niyo?


Sikat siya, maganda siya. English o taglish siya kung magsalita. Kaya
masama ang tingin sa kanya. Kailan pa naging masama ang magsalita ng
ganun at maging sikat at maganda?"

"Bakit hindi ba totoo? Hindi ba halata na tama naman ang sinasabi ng mga
tao sa kanya. Ikaw ang lagi niyang kasama kaya malamang alam mo ‘yan."

"Mali. Maling mali kayo. Ako ang kasama niya kaya ako ang higit
nakakakilala sa kanya. She's so much more than what, you, people think.
Minsan hindi lahat ng nakikita niyo totoo."

"Who cares? She's a bitch. She's proving it everyday."

"Wala kang karapatan sabihan siyang -- "

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Piper, "Drop it, Nate. There
might be music but I can still hear the both of you. Don't worry. Alam mo
naman na na nasanay na akong masabihan ng bitch. And everytime they call
me a bitch, I just shrug it off. I knew that long ago. No need to remind
me." Ngumiti siya saka tumingin sa akin, "I never gave them any reason to
hate me. They are hating because they are creating their own little drama
and pure insecurity. Hate me all they want. I don't give a fuck."

I must admit, that made me speechless. She may be right. She might be
wrong. Wala pa naman akong nakikitang makakapagpabago ng tingin ko sa
kanya. She’s still the popular Piper I saw the first day of school.

Nagpatuloy kami sa paglilinis at tuluyan na ngang wala ni isa sa amin ang


nagsalita.
Halos isang oras na ata kaming nag-aayos ng bintana nang may dumating. Si
Warren. Halos alas tres na ha. Tss.

"Dumating ka pa. Wala rin namang pinagkaiba kung nandito ka o wala."

"Huwag mo kong simulan, Tamara. Kakarating ko lang."

"Exactly! Kakarating mo lang."

Hindi niya ako pinansin at ihinagis lang ang bag niya sa sahig saka umupo
katabi nun. Wow. Just wow.

"Ayos ha. Pagdating upo upo lang. Pumunta ka pa," sabi sa kanya ni
Nathan. Hindi palaaway ang isang 'to pero malamang mainit ang ulo dahil
sa sinabi ko tungkol kay Piper kanina kaya nagkaganito 'to.

"Baka pwedeng magpahinga ‘di ba. Pagod ako."

"Hanep ha! Kung sino pang hindi naglilinis siya pa 'tong pagod. Ano pang
joke mo?"

"Kapag hindi naglinis wala ng karapatang mapagod? Ha. Anong kalokohan


'yun? Galing ako sa practice at nagbyahe pa ako papunta dito. Malamang
mapapagod ako."

Baliw pala ang lalaking 'to e, "So utang na loob pa namin na nandito ka?
Wow ha. Kung nag-eexpect kang magpapasalamat pa kami, huwag na lang."
Sabay irap ko sa kanya.

"Maaga na nga akong umalis sa practice para dito tapos -- "

"Look, Warren. You should know your priorities. We were punished. So


dapat mong unahin ang punishment mo instead of playing basketball. Almost
everyday kang nagplaplay ng basketball, so baka pwedeng magbigay ka ng
one day for your punishment. Just one day."

"Ano bang problema niyong tatlo at ang iinit ng ulo niyo? Dumating na nga
ako nagagalit pa rin kayo. E yung dalawa nga -- "

Hindi niya naituloy ang sinasabi niya kasi biglang may dumating at
nagsalita, "Seriously? Kakarating ko lang tapos arguments niyo na pala
aabutan ko?" Si Hailey. Napairap na naman ako sa narinig ko. Siya pa ang
may lakas ng loob na magreklamo. Ano na bang nangyayari sa mundo?!

"Lakas ng loob magreklamo ha. Kakarating mo lang nga di ba? Nakakahiya


naman sa 'yo," sinamaan niya ako ng tingin. Para namang may magagawa
'yun.

"Buti nga nandito pa. At saka may karapatan naman siguro akong
magreklamo. Kasi kung tutuusin, kasalanan mo naman kung bakit nandito
tayo."

"Ako pa. Ako pa ang sisisihin mo ngayon?! Ayos ka rin ha!"

"Malamang. Sino ba ang hindi namili ng grupo?"

"What happened to your brain? Nakalimot na? For your information, namili
ako. Hindi lang ako tinanggap."

Narinig ko ang pagbagsak ni Nathan nang hawak niya, "Teka. Teka. Ano
ngayong pinapalabas mo? Na ako ang may kasalanan dito? Ayos ka rin ha."

"Oo. Bakit, sino pa ba?"

Napakamot siya sa ulo niya at napakunot ang noo niya, kaya lang bago pa
siya sumagot ay dinepensahan na siya ni Piper, “If there’s someone who
should be blamed, that’s you, Tamara. It’s your fault we’re here. Don’t
use that ‘namili naman ako ng grupo’ excuse. Namili ka but if I know
sinadya mong piliin ang grupong alam mong hindi ka naman kukunin.”

“Tatlo nga naman kaming kumukuha sa ‘yo pero iba ang pinili mo,” pati si
Warren ako na ang sinisisi. Grabe.

“Wait. So ngayon ako na ang may kasalanan? Edi sige, ako na. Ako na ang
may kasalanan kung bakit tayo naparusahan. Pero ginagawa ko ang parte ko
sa parusa na ‘to. Lagi na lang ako ang naghihintay sa inyo. Parang ako na
lang ang may gana gawin ang parusang ‘to.”

“Kasalanan mo naman ‘to kaya nakakahiya naman siguro sa amin kung ikaw pa
ang mawalan ng gana.”

“Ginagawa ko rin ang parte ko dito kaya nga nandito ako ngayon.”

"Kung sa simula pa lang wala ng pumayag sa pesteng rule na 'yan, edi sana
wala ng problema."

“Kung tinanggap mo na lang siya edi sana wala na tayong parusa.”

“Kung namili siya ng pangalawang grupo sana okay na.”

Wala na akong maintindihan. Lahat na sila nagsasagutan. Sabay sabay na


silang nagsasalita. Ganito ba talaga ang mga ‘to? Sa halip na umawat sa
gulo, nakikisali pa. May galit ba sila sa isa’t isa at parang OA naman na
nang pinanghuhugutan nila? Ano bang meron sa apat na ‘to? Idagdag pa
‘yung isang mukhang mamamatay tao.

"Interesting. Away ang aabutan ko sa surprise visit na 'to. Bangayan ng


bangayan ha. Ano na nga bang natapos niyo?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang head ng prefect of discipline. Kung
anong reaksyon ko, ayun din ang reaksyon nung apat na kasama ko. Surprise
visit nga.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya. Hindi ko nga alam
kung nagtatanong ba talaga siya o hindi. Sa dinamirami ng araw na
maisipan niyang magpunta dito, bakit ngayon pa?

Naglakad lakad siya at tiningnan ang room. Parang bawat sulok tinitingnan
niya ng mabuti.

“Bukod sa tinanggal niyo ang mga upuan dito at nawala ang alikabok, ano
pang nagawa niyo?” Hindi siya galit pero nakakatakot ang tono niya.
Sobrang seryoso. Parang mangagain ng tao.

Napatingin ako sa apat na kasama ko pero wala kaming mga nasabi at nagawa
kundi ang magpalitan lang ng tingin. Kanina ang dami nilang sinasabi ha.
Nasaan na napunta ang ingay kanina?

“I am so disappointed in all of you. Ayan ba ang mga leaders ng bawat


grupo? Paano kayo tatawaging mga pinuno kung simpleng bagay lang hindi
niyo pa magawa?” tiningnan niya kami isa isa at saglit siyang napapikit
at napahawak sa gilid ng noo niya, “Nasaan na naman si Hunter?”

Paano namin sasagutin ang tanong niya kung hindi rin namin alam ang
sagot?

“Sumasakit na talaga ang ulo ko sa batang ‘yun.” Sabi niya sa sarili niya
habang nakahawak pa rin sa gilid ng noo niya. “Magiging warning na ‘to sa
inyong lahat. Bantayan niyo si Hunter at oras na hindi ulit siya pumunta
dito, sabihin niyo agad sa akin para ako na ang gumawa ng aksyon.”

“Opo.”

“Magkakaroon na kayo ng deadline para sa parusang ‘to. By September dapat


tapos na kayo dito. Oras na hindi niyo matapos ang parusa sa itinakda
kong petsa, mahohold ang clearance niyo at ipapatawag ko ang mga magulang
niyo. Noong June pa ‘to. July na pero hindi pa rin kayo umaandar. Mahaba
na ang araw ng palugit ko sa inyo. Gawin niyo ang mga trabaho niyo.”
Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay umalis na rin siya at naiwan kaming mga
nakatahimik lang.

Ilang linggo na kaming nagpupunta dito pero wala pa sa 5% ang natatapos


namin. Kakayanin ba ‘to ng September? Mukhang malabo. Pero ayokong mahold
ang clearance ko. Kung ayaw nilang kumilos, kahit ako na lang tumapos
mag-isa ng parusang ‘to.

“Wala tayong matatapos kung palagi tayong nagsisisgawan at nagtuturuan,”


pambabasag ni Warren sa katahimikan.

“Sino bang nauna?” sagot sa kanya ni Nathan saka ito tiningnan ng masama.

“Pwede bang huwag kang – “

“Okay, stop.” Awat ni Hailey, “Alam kong pareparehas natin ayaw sa


presensya ng isa’t isa. Gawin na lang natin ang parusang ‘to nang matapos
na.”

“I don’t think we’ll be able to finish this punishment kung every


Saturday lang tayo nagpupunta dito tapos almost half-day pa palagi. From
now on, bawal na ang malate ng sobra. One hour would be enough. Don’t
make it two or more.”

Tumango naman kami sa sinabi ni Piper.

“Sa oras at sa lagay natin ngayon, mukhang hindi na rin natin magagawang
magpatuloy. Ipagpatuloy na lang natin ‘to sa isang linggo.” Sabi ni
Warren at umalis na.

Napatingin ako sa labas. Mukhang makulimlim. Uulan pa ata.

Hinanap ko sa bag ko ang payong ko pero sa kamalas-malasan, naiwan ko pa


ata. “Kainis. Nasaan na ba ‘yung payong?” bulong ko sa sarili ko. At
parang nang-iinis pa kasi bigla ko ng narinig ang patak ng ulan.
“Tara na, Pipes! Lumalakas na ang ulan,” napatingin ako sa labas at
nakita ko si Piper na tumatakbo palapit kay Nathan at inilalapit naman ni
Nathan ang payong niya sa kanya. Sa hindi kalayuan naman, nakita ko rin
si Hailey na may hawak na payong. Lahat sila meron. Kung hindi lang
mataas pride ko makikipayong ako sa kanila. Baka kasi mabasa ako ng sobra
at madamay ‘yung papel na nasa bag ko. Requirement kasi namin ‘yun sa
isang subject. Ipapasa ko pa naman ‘yun sa lunes. Kaya lang wala e.
Mataas ang pride ko. Hayaan ko na lang mabasa ang papel, gagawa na lang
ako ng bago.

Papatakbo na sana ako sa labas nang may mapansin akong bagay na nasa
gilid ng pinto. Teka. Hindi kaya..

Tiningnan ko ulit sila na medyo malayo layo na ang distansya sa akin at


saka tumingin sa gamit na nasa baba. Unconsciously, pinulot ko ‘yun at
napailing. Hindi man ito ang tipong gamit ko, pero pwede na rin ‘to.

At nang buksan ko ‘yun, ay tuluyan na akong lumabas at naglakad sa ilalim


ng ulan. This time, hindi na ako nababahala na masira ang requirement ko
o mabasa ang bag ko. Kasi ngayon, may gamit na akong pangsangga sa ulan.
May gamit na akong pink na payong. Mukhang mali ako. Mukhang maling
bumase lang sa mga naririnig ko. But I don't know. She may proved me
wrong this day, but I don't know what will happen the following days.

=================

Chapter 9: Vacation

Hailey’s POV

“Sabay sabay daw tayong magpunta sa bahay nila Nathan.” Napatingin ako
kay Warren na nasa may waiting shed pa pala hanggang ngayon. “Alam nila
ang sa punishment kaya alam nilang magkakasama tayo.”

“Whatever.”
Naghintay din ako ng dadaan na jeep sa waiting shed at napatingin kay
Nathan at Piper na parang magboyfriend at girlfriend lang na naglalakad
sa ilalim ng ulan. Automatic na napairap na lang ako sa kanila at nang
tingnan ko si Warren ay ganun din ang ginawa niya. Umirap.

“Nasaan ba kasi ‘yung payong mo? Ayan tuloy nabasa tayo pareho.”

“Basa lang naman ‘yan, Nate. As if nakakamatay ang mabasa ng rain. Duh.”

“Kahit na ba. Pwedeng makasakit ang ulan ha.”

“Stop complaining. We can’t undo the past.”

Para lang talagang bata ang dalawang ‘to. Nakakainis.

Nang mapansin nila na nandito kami ni Warren ay napatingin sila sa amin


pero agad ding binawi ang mga tingin nila. From my peripheral view,
nakita ko ang paglabas ni Nathan ng phone niya.

“Mukhang sa amin naman tayo ngayon, Pipes. Doon na raw tayo dumiretsyo.
Pero samahan muna kita sa inyo para magpalit ng damit. Basang basa na
tayo.”

Hanggang ngayon talaga close na close pa rin sila. Kaya lang kahit
bestfriends sila hindi pa rin sila nagpapansinan sa school. That must be
a weird feeling.

***

“Kamusta naman ang punishment niyo?” tanong ni Daddy sa amin habang


nagkakainan, “Sabi na anak e. May tinatago ka rin naman palang kalokohan.
I’m so proud of you.”
My daddy is such a child sometimes. Sa lahat ng tatay siya lang ata ang
tuwang tuwa na gumawa ng kalokohan ang anak niya at naparusahan. Normally
kasi magagalit ang mga tatay o kaya pagsasabihan ng maayos ang anak. Pero
siya.. proud pa kasi may ginawa akong mali.

“Nga pala.. baka gusto niyong magbakasyon tayong lahat?” suggestion ni


Tita Yannie. “Medyo matagal tagal na rin magbuhat nung nagbakasyon tayong
lahat ng magkakasama. Ano sa tingin niyo?”

“Ayos ‘yan. Para na rin makapagrelax naman tayo kahit papaano,” pagsang-
ayon ni Tito Ken.

“Next weekend?” tanong ni Tito Ice na tinanggihan naman ni Mommy, “Hindi


pwede. May client akong pupunta sa boutique next weekend. Iba na lang.”

“What? I-move mo na lang ‘yan, Sab.”

“Ipapamove ko pagpunta niya sa shop? Sige, tapos damay din na mapapamove


‘yung kasal niya. Ganun ba? Huwag na kasi. Favorite client ko ‘to e.
Nagpromise na ako sa kanya na susukatan ko na siya ng wedding dress ng
araw na ‘yun since ayun lang ang convenient sa aming dalawa.”

“Fine. Next next week na lang.”

“May importanteng meeting ako nun.”

“Next next next week?”

Tumango at nag-agree na ang lahat. Kaya lang may problema. Baka naman
gusto nila kaming tanungin kung ayos lang ba sa amin ang araw na ‘yun.

“May punishment pa kami, Pa. Bawal kami umalis ng ganung araw kasi may
deadline na po ang punishment namin.” Katwiran ni Nathan.

“Sige,” napatingin kami kay Tita Zoe na sumagot sa anak niya, “Sige
maiwan na lang kayo dito. Kami na lang aalis.” Saglit na natahimik ang
lahat sa sinabi ni Tita Zoe pero matapos lang ang ilang segundo ay
nagtanguan na rin sila. So payag sila sa ganung desisyon?

Ayos lang. Okay lang naman na maiwan akong mag-isa sa bahay. Madali naman
ng maghanda ng sarili kong pagkain. Tapos ilalock ko lang ‘yung mga pinto
para sa safety ko. Easy. Hindi rin naman ako maiinip kasi may mga nabili
akong bagong babasahing libro.

“Tama!” bilang palakpak ni Tito Xander, “Masyado na rin kayong naging


busy sa school at extra-curricular activities niyo at mukhang madalang na
kayong magsama-samang apat. Kaya para makapag catch-up kayo, magsasama-
sama kayo sa iisang bahay habang wala kami.”

“Tama. Tama. Para na rin hindi kami mag-alala sa inyo. At least alam
naming magkakasama kayo,” sang-ayon ni Tita Ayu.

“Po?!” sigaw ko kaya natahimik silang lahat at napatingin sa akin.

Ay, ano ba ‘yan, Hailey. Sana nai-zipper mo ang bibig mo. Kontrolin mo
nga lang ‘yang bunganga mo.

“May problema ba anak?” tanong sa akin ni Daddy kaya nginitian ko siya at


umiling, “Wala po. Wala po. Ano.. naexcite lang ako.” Sinungaling.

Nagplano na ng kung anu-ano ang mga magulang namin habang para kaming mga
naluging apat. Pareparehas naman namin ayaw ang idea na ‘to. Wait! Wala
naman sila so pwedeng hindi na kami magsama-samang apat kasi hindi naman
nila malalaman. Tama!

“The day bago kami umalis, kukunin niyo na lahat ng gamit na kailangan
niyo at lilipat niyo na ‘yun sa bahay na tutuluyan niyo. Para mai-lock na
namin ‘yung bahay at matanggal lahat ng nakasaksak na kurdon. Mahirap na
kung sa inyo namin iiwan ‘yun. Baka makalimutan niyo pa at
magkaproblema.”
Okay. Plan failed. Hindi pala pwede. Next next next week, please don’t
come too fast.

***

Nakaupo ako sa likod ng dulong shelves sa library habang nagbabasa nang


biglang may nalaglag na ulo sa gilid ko. Muntikan na akong mapasigaw kaya
lang sa sobrang gulat ko sumikip lang ang dibdib ko at walang lumabas na
salita sa bibig ko.

“Aray,” sabay kamot niya sa ulo. My goodness. Akala ko ulo lang ang
nahulog. May katawan pala. Bakit ba kasi nakatagilid ‘to?

“Nate?” bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay natawag ko na siya.

Humarap siya sa akin na parang nakapikit pa ang isang mata, “Nate na


ulit? Anong nangyari sa Nathan?” Damn it. Bakit nga ba Nate ang nasabi
ko? “Nabitin ang tulog ko. Kainis.”

“Bakit ba kasi dyan ka natutulog? Just so you know, hindi tulugan ang
library.” Iritang sabi ko sa kanya.

“Ah. Hindi ba tulugan? Kaya pala natutulog sila.” Saka niya tinuro ang
halos limang estudyanteng nakadukdok sa lamesa at mga nakapikit na kulang
na lang ay maghilik pa. “Nakakaantok. Grabe. Hindi na muna ulit ako
magvivideo games next time. Kaya lang hindi ko mapigilan.”

“Maingay na dito. Makaalis na nga.”

Naglalakad na ako palayo sa pwestong ‘yun nang tawagin niya ako, “Anong
nangyari noon? Bakit bigla – “
“Wala,” mabilis kong isinagot sa kanya bago pa man niya matapos ang
sasabihin niya.

Mabilis akong nagpunta sa may gawing pool ng school. Bihira kasi ang tao
dito kapag break. Maiksi lang kasi ang break kaya hindi nakakapagpractice
ang mga swimmers ng school. Time consuming lang. Umupo ako sa gilid at
nagsimulang magbasa.

“Ugh! Seriously?! Niloko lang siya tapos.. ano ba ‘yan.” Masyado na akong
nadala sa binabasa ko kaya hindi ko mapigilang sabihin ang mga naiisip ko
tungkol sa libro. Hindi rin naman ako mapagkakamalan na baliw kasi walang
nakakakita o nakakarinig sa akin.

“Ingay.” Or not. “Nagsasalita ka ba talagang mag-isa? Ang weird mo.”

Gustong gusto kong ibalibag kay Warren ang hawak kong libro kaya lang
hindi ko ginawa. Makokonsensya lang kasi ako. Baka kasi malukot ang ilang
pages ng libro.

“You should know. You know me. Alam mo kung kinakausap ko ang sarili ko o
hindi.” Seryoso, may diperensya na talaga ang bibig ko. Parang may
sariling utak.

“Do I?” sagot lang niya sa akin at umalis na.

Kainis. Bwisit siya. Hindi ko talaga maisip na naging bestfriend ko ang


taong ‘yan dati. Napakasama naman ng ugali niya. Kahit papaano mas swerte
pa rin si Piper kaysa sa akin. Palibhasa siya, si Nate.. I mean Nathan
ang naging guy bestfriend niya. Samantalang ako.. hindi si Nate.. Nathan.
Kairita.
Hindi ko na nagawang ituloy ‘yung binabasa ko dahil sa init ng ulo.
Bumalik na rin ako sa classroom dahil malapit na rin namang matapos ang
break.

***

“I’ll group you into three para sa project niyo to be passed on


September. But for now, class dismissed.”

Palabas na sana ako ng classroom nang sipain ni Tamara ang isang upuan
kaya naharang ‘yun sa akin. Gusto ko sana siyang sigawan kaya lang
masyado pang maraming tao sa classroom at hindi ko pwedeng kausapin si
Tamara sa harap nila. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hahakbang na
sana ulit ng iusod niya ang upuan na sinipa niya para maharangan na naman
ako.

Nang mapansin kong anim na lang kaming natitira dito ay kinausap ko na


siya, “What the hell is wrong – “

“Bawal tayong mag-usap kaya ginamit ko ang upuan pampigil sa ‘yo na


lumabas ng room. Kaya lang hindi ko naman inexpect na medyo may pagka-
slow ka at hindi mo magets ang ibig kong sabihin.”

“Ano na naman ba ‘to?” iritang tanong ko.

Tumayo si Tamara at pumunta sa harapan samantalang kaming limang leaders


na naiwan sa loob ay nakatingin lang sa kanya, “May deadline na tayo pero
wala pa tayong nagagawa. At sa mga ugali natin, sigurado akong wala
tayong matatapos. Wait,” itinaas niya pa ang kamay niya nang may
magtangkang magsalita na isa sa amin, “Bago niyo ako sisihin at sabihing
kasalanan ko ‘to, aaminin ko na. Sige na, kasalanan ko na. But on my
defense, why would I follow a stupid rule.”

“Sabi na hindi lang ako nakakaisip na walang kwenta ang rule na ‘yan -- “
“Wait nga ‘di ba. Ako muna sabi. May kanya kanya tayong choice. May free
will tayo. Kaya pinipili kong huwag sumali sa mga grupong ‘yan. Pinilit
niyo ako kaya namili naman ako. Pinili ko ang ordinaries hindi dahil sa
alam kong hindi ako pipiliin ni Nathan. Pinili ko ‘yun dahil ayun ang
pinakahinding hassle na grupo at pakiramdam ko ayun lang ang matino.”

“Totoo ‘yan. Chill lang kasi kami.”

“Naisip ko na rin na baka hindi niya ako tanggapin sa grupo niya kasi
ayaw na nga niyang sundin ang rule pero ano bang malay ko na baliw pala
ang taong ‘yan at tototohanin na hindi nga ako tanggapin.”

“Hindi ako baliw! Sinong – “

“Shut up!” sabay sabay na sigaw namin sa kanya. Kanina pa siya sabat ng
sabat. Kainis.

“Ang akin lang naman.. nandito na rin naman ‘to. Naparusahan na tayo.
Baka pwedeng gawin na lang natin ang parusa natin. Wala akong pakialam
kung sisihin niyo ako ng sisihin kaya lang pwede bang habang sinisisi
niyo ako, gumawa naman kayo. Wala rin akong pakialam kung parang laging
pasan niyo ang mundo at ang laki ng galit niyo sa isa’t isa. Be
professional naman. Hindi naman kailangang magplastikan kayo habang
ginagawa ang parusa. Pwede namang huwag na lang kayong magpansinan o
magbangayan habang ginagawa natin ang parusa. Kung gusto niyo..
pagkatapos ng parusa natin magpatayan kayo.”

Hindi ko naman pinangarap makipagpatayan sa kanila. Sayang lang naman sa


oras yun.

"I can't promise that. Actually, it depends upon the situation. If


someone pisses me off while we're doing the punishment, I won't just
stand there and let him.. or her." Sagot ni Piper.

"Ditto!" Sigaw ni Warren.

"Maski ako." Sagot ko.

"At least try. At ikaw naman Hunter, baka pwedeng umattend ka na.
Mahohold ang clearance natin at ipapatawag ang magulang kapag -- "
"I get it. Pwede ka ng manahimik." Feeling hari.

Sa bandang huli, napagdesisyunan namin na magkita kita na ng 9 am. At


this time, totoo na 'to. Bawal ang sobrang late. Every second counts. I
can't put my clearance and records on line.

Matapos nang usapan ay nagpasya na akong umuwi. Pero bago 'yun, narinig
ko pa ang pag-uusap ni Piper, Natahan at Tamara.

"Sa 'yo 'to, 'di ba? Sa 'yo ang payong na 'to. Salamat dito."

"Wait. Hindi ko 'to pinahiram sa 'yo on purpose. Ano.. I just left


it..yesterday. Yes."

"Woah, Pipes. Pinahiram mo pala siya ng payong kaya ikaw ang nakihati sa
akin at basang basa kahapon. Bait naman ng bestfriend ko."

"I did not! Naiwan ko lang 'yan kahapon siguro sa pagmamadali. I didn't
left it on purpose. Bahala nga kayo dyan!" Sigaw niya at saka lumabas ng
room.

Really. Pabida na naman siya. Gusto na naman niya ng atensyon nila. Arte
talaga. "Kunyari mabait." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa
hallway.

"Di pa rin nagbabago yang si Piper. She's really kind. We know that
already." Sagot ni Warren sa akin nang daanan niya ako at lagpasan. Pero
hindi pa siya nakakalayo ay nagsalita na naman siya, "Ikaw.. bakit ka
nagbago? Sana para ka pa ring si Piper na hindi nakalimutan ang dating
ikaw." With that, he finally left.

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Lahat na lang. Si Piper na naman..


=================

Chapter 10: Complicated

Piper's POV

"Bakit ka ba kasi ganyan?"

"What do you mean by 'ganyan'?"

"Nagpapanggap na walang pakialam kahit meron naman talaga."

I rolled my eyes and change the channel. He keeps on bugging me about the
umbrella thingy. He keeps on asking me why I'm hiding on a facade and why
I won't let others see the real me. E as if I'm hiding naman. This is me.
This is the real me naman talaga.

"Teka. Alam ko 'yang iniisip mo. Nasa sinapupunan ka pa lang ni Tita Ayu
at hindi pa ako marunong dumapa magkadugtong na bituka at utak natin kaya
alam ko 'yang nasa isip mo."

"Sige nga ano?"

"Na ayan ka talaga. Na ikaw 'yan. Alam ko na 'yun. Mali lang ang approach
ko. Dapat pala.. bakit hindi mo ipakita sa iba ang good side mo? Bakit
'yung pagiging maarte mo lang ang pinapakita mo?"

"My goodness, Nate. You keep on asking me that question for five
consecutive freaking days."

Seriously, monday pa niya nalaman 'yung ginawa kong act of kindness tapos
hanggang ngayon kinukulit niya pa rin ako. Friday na ha! Grabe lang ha.
How seldom do I do something good ba for him to make such fuss about
this?
"Gagawin ko pang six 'yan kung di mo ako sagutin."

"You don't know how to stop, do you?" Umiling siya saka ako nginitian,
"Fine. For you to shut up.. ayokong ipakita ang side na 'to because they
don't deserve to see this side. Mas ayos 'yung isang side na pinapakita
ko para pakitunguhan sila."

"Bakit kay Tamara? Bakit siya pinakitaan mo -- "

"I don't know, okay? I don't know. Maybe because wala akong magawa? Maybe
because I heard her nung sinabi niyang wala siyang payong and I realized
that we could share naman so why not give her mine."

Tumango tango siya saka ginulo ang buhok ko, "Ang cool siguro kung
magiging magkaibigan kayo ni Tamara, ano? Para may kaibigan ka ng babae."

"May friends naman akong girls."

"True friend. Yung kaibigan talaga turing sa 'yo. Hindi 'yung kapag
tumalikod ka kung anu-ano na sinasabi sa likuran mo."

A girl friend, huh. I used to have one. Too bad she left.

"Piper, Nate, mautusan ko nga lang kayo maggrocery. Hindi ako makaalis at
walang kasama 'tong si Jarvis." Utos ni Mommy sa amin. Inabutan niya ako
ng isang papel at ng pera, "Nandyan na lahat."

"Okay po, Mom."

"Ingat kayo on your way."


Dahil malapit lang naman ang supermarket sa subdivision, nagbike na lang
kami ni Nate at nilock 'yun sa may parking bago tuluyang pumasok sa
supermarket.

We were so busy scanning the displays and checking the list when I
accidentally bump into something.. or someone.

"Sor.." hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang tingnan ko kung sino ang
nakabunggo ko. "Hunter."

Napatingin ako sa bitbit niya. Canned goods, instant noodles, alcohol


and.. cigarette?

"Hey, seriously? Alcohol and cigarette?"

"Uy Pipes, huwag mo na lang pakialaman 'yan." Hawak ni Nate sa braso ko.

Nginisian lang kami ni Hunter at nilagpasan. Pero bigla na lang siyang


tinawag ni Nate, "Hoy Guevarra, pumunta ka bukas ha! Baka hindi ka na
naman magpunta lalo lang tayo magtagal." Hindi siya sinagot ni Hunter at
nagpatuloy lang sa paglalakad. He could at least say "okay". Tss.

Nagpatuloy kami sa pagpili ng mga pinapabili ni mommy at nang makumpleto


na ay balak ko na sanang magbayad kaya lang biglang inikot ni Nate ang
cart.

"Uy. Saan ka pupunta?"

"Tapos na tayo sa list ng mommy mo. Bili naman tayo ng sa atin."

"Your idea, your treat."


Nagpunta siya sa section ng junk foods at naglagay ng kung anu-anong
chichirya. After that, kumuha naman siya ng ice cream at saka pumila sa
may cashier. Hindi man lang ako tinanong kung ano pang gusto ko. I can't
blame him anyway. His treat kasi.

"Sa inyo mamaya ha."

"Ha?"

"Movie marathon. No chick flicks please." Just like any other guy, ayaw
niya ng chick flicks and romance. Kapag ako namimili ng movie na
papanuorin namin, lagi ganung genre pinapili ko just to piss him off. And
he knows that naman. "Marvel movies?" Tanong niya habang itinataas baba
pa ang kilay.

"Deal."

"Thor, I guess."

We were startled by a voice. Napatingin kami sa nakapila sa likod namin


only to find Warren holding a basket of Gatorade. Of course, Gatorade ang
inumin niya.

I raised an eyebrow at him which made him shook his head while smiling.
He seems amused huh.

“Favorite mo si Thor ‘di ba?” tanong pa niya.

“No. Iron Man.”

“Nah. Si Thor ang paborito mo.”

“Whatever.”
Hindi na ulit kami nagpansinan after nun. Nagkatinginan lang kami ni Nate
at parehas nagkibit-balikat. One moment parang hindi kami nag-eexist sa
mundo ng isa’t isa tapos ngayon bigla siyang makikipag-usap na parang
walang nangyari. Seriously?

Nang makapagbayad at makalabas ay inilagay namin sa basket ng bike lahat


ng pinamili namin at umuwi na.

Malapit na kami sa tapat ng bahay namin nang bigla kaming lagpasan ni


Warren palibhasa naka motor siya. Kaya lang bago siya lumiko at ipasok sa
bahay nila ang motorbike niya ay bigla niyang itinaas ang kamay niya at
kumaway sa amin.

That’s a wave. He waved.. I think.

“Anong problema nun?” tanong ni Nate. “Baka mamaya may binabalak ‘yung
hindi maganda.”

“Maybe he finally realized that what he did to us was wrong. Baka


nilalamon na ng guilt niya kaya nagkakaroon ng change of heart.” I kid.

“Ano nga kaya kung ganun ang nangyayari? Paano kung manghingi siya ng
patawad at sabihing gusto niya ulit bumalik tayo sa dati, anong gagawin
mo?” Ngumiti lang ako sa tanong niya at saka dinala sa loob ang mga
pinamili namin.

To be honest, I don’t know. I don’t know what I’ll do if one day he asks
for our forgiveness and tells us that he wants to be our friend again. I
mean.. he left us. He might do that again if ever we’ll accept him again.

Kung ako ganito ang nararamdaman ko.. paano pa kaya si Nate? They were
bestfriends din before.

Nilapag na namin ‘yung pinamili sa lamesa at nang mapansin kong wala doon
sila mommy at daddy, hinarap ko si Nate, “Ikaw.. anong gagawin mo if that
happens?”
He shrugged, “Hindi pa naman kasi nangyayari kaya hindi ko pa alam.
Pwedeng ngayon sabihin kong papatawarin at tatanggapin ko siya kaya lang
kapag nangyari na mismo ‘yung araw na ‘yun.. baka hindi ko rin magawa
‘yung sinasabi ko.”

Sabagay. Mahirap pangunahan ang mangyayari pa lang. No one knows what’s


going to happen.

***

I checked my watch. 8:20 am. Not bad. We still have 40 mins. before 9.
Hindi pa kami malelate ni Nate.

“Saan nga pala tayo magkikita-kita?” I stopped walking. Saan nga ba? Did
we talk about it ba before? I don’t know. I can’t remember.

Napahinto rin siya sa paglalakad at napakunot ang noo, “Napag-usapan ba


‘yun?”

“No?”

It’s either we’ll go to school and meet the other four or we’ll go
straight to the location. Paano nga ba? Kung didiretsyo kami sa location
while the others are waiting for us sa school, malamang kami ang mapag-
iinitan. Kung maghihintay naman kami sa school and sa location na mismo
pala ang meeting place, kami naman ang malelate. Either way.. talo kami
ni Nate.

But whatever! Who cares if they’ll get angry or what? They are always
angry anyway. What else is new?

“Let’s go straight sa location. It’s better to be early than to be late


while waiting for nothing.”
We waited for a jeep sa waiting shed. Come to think of it, nasasanay na
ako magcommute dahil dito kay Nate. It’s not that bad naman. Mas okay na
rin na magcommute na lang kaysa istorbohin ko pa si Dad or Mom na ihatid
kami. It’s their rest day. Wala rin naman kaming driver kasi ayaw nilang
mag-hire ng driver or maid.

We’re chatting nang may humintong sasakyan sa tapat namin. It’s Tita Sab.

“Tara na. Sabay na kayo sa amin ni Hailey. Idadaan ko siya sa school niyo
e.” alok ni Tita Sab. So sa school nga ang meeting place.

Hindi na rin kami tumanggi ni Nate at sumabay sa kanila. Buong car ride
ay nagkwentuhan lang kami ni Tita Sab about fashion. She’s describing her
new works kaya I’m so eager to listen din. I really love her works kasi
and from time to time, nagpupunta kami ni mom sa boutique niya to see her
new works. Parang girl bonding na rin.

“Nandito na tayo. Sabay sabay na kayong umuwi mamaya ha? Ingat, kids.”

“Bye, Ma.”

“Ingat po tita.”

“Bye tita.”

***

Materials, check. Piper, Nate, Tamara, Warren, Hailey and Hunter, check.
Classrooms, check.

For the first time nakumpleto rin ang lahat ng kailangan para sa parusa
na ‘to. Hindi man nasunod ang 9am namin palibhasa hinintay si Hunter ng
30 mins., at least nakumpleto na rin naman na. That’s better.
“Anong gagawin?” tanong ni Tamara.

Warren raises his hand and gives us our tasks, “Hunter, pakiaayos na
‘yung pinto kasama ang doorknob. Nate, sa may bintana na. Ako na bahala
sa isa pang pinto. Parang mali ang ginawa ko last time. Kayong mga
babae.. pintura.”

“Wait. What?!” sigaw ko sa kanya.

“Pintura. Kayo.”

“But that’s just so soon! Pintura agad?”

“Ano pa bang pwedeng gawin dito?”

“Wala na.”

“It’s settled then. Pintura.”

Defeated, I scanned the materials and stare at the paints. Hindi ko naman
pwedeng pairalin ang kaartehan ko ngayon dito at malamang lang sa gagawa
na naman ako ng gulo. Kaya lang hindi ko naman ineexpect na pintura pala
agad ang gagawin namin ngayon. I didn’t bring any spare clothes with me.
I guess I’ll just go home full of paint splattered on my shirt.

Ever since nagsimula kami sa punishment na ‘to, parang ngayon lang din
nagkaroon ng katahimikan. This is better than hearing non-stop arguments.

“Ano ba! Tingnan mo nga lang ‘yang ginagawa mo. Nakakatalsik ka ng


pintura ha!”
“Sinadya ko ba? Nakita mo bang tinapon ko sa ‘yo talaga ang pintura? At
pwede ba huwag ka ngang OA. Talsik lang ‘yan. Hindi ‘yan nakakamatay.”

“Kung ikaw kaya talsikan ko. Tingnan ko lang kung hindi ka rin magalit.”

“Kung sadyain mo, malamang magagalit ako. Sadya ‘yun e! Utak naman!”

So much for the so-called ‘silence’. Sabi na wala sa dictionary ng bawat


isang ‘to ang salitang kapayapaan e.

Nagpatuloy lang ako sa pagpintura ng blackboard habang patuloy na


nagsasagutan si Tamara at Hailey. Bahala sila sa buhay nila.

Napahinto sa sagutan ‘yung dalawa nang may mabasag.

“Shit! Ano ba ‘yan!” sigaw ni Hunter kay Nate na mukhang nakahulog na


isang glass sa may bintana sa katabi ng pinto na ginagawa ni Hunter.

“Problema mo?”

“Ayusin mo nga lang ‘yang ginagawa mo.”

“Masamang magkamali? Masamang makabasag? E sa nadulas sa kamay ko ‘yun e.


Tingin mo sasadyain ko?”

“Malay ko! Peste naman. Nakakabubog ka!” Ah. Kaya pala. Natalsikan siguro
siya nang glass kaya mainit ulo.

“Liit liit nyan! Parang karayom lang. Napakalayo sa bituka! Hindi mo


naman ikakamatay ‘yan.”

Sumabay pa ang akala kong natahamik na na sina Tamara at Hailey sa


sigawan nila Nate. Kaya lang sa totoo lang, wala akong pakialam sa alitan
nila Hailey. Mas nakakabother ‘yung kila Hunter at Nate. Parang any
moment papatay na ng tao ‘tong si Hunter. Nakayukom na ‘yung palad niya.
Oh my God! I know where this is going.

Itataas na sana niya ang kamay niya para suntukin si Nate nang mapasigaw
ako.

“Stop!”

“Tama na!”

Kasabay nang pagsigaw ko ang pagsigaw din ni Warren. I thought ito na ang
pinakamaayos na araw para sa amin but I was wrong. So wrong. This is
worse than our first day here. Magkakapisikalan na. Seriously what’s
wrong with this people?!

“Akala ko ba napag-usapan na natin ang tungkol dito?! Ano naman ‘to? Para
kayong mga bata kung mag-away.” Inis na sabi ni Warren, “Baka naman
pwedeng maging maayos tayo sa isa’t isa.”

“Let’s take a break,” I suggested and went outside the room.

Nagpunta ako sa may likod. Umupo ako sa may ilalim ng puno, sumandal saka
pumikit. This place is so peaceful. Walang masyadong noise except sa
tunog ng hangin at mga dahon ng puno. Tanghaling tapat pero hindi maaraw
kaya masarap tumambay dito. Malayo sa ingay ng mga bwisit na tao sa
bwisit na room na ‘yun.

“Are you okay?”

“Why are you here?” tanong ko kay Warren nang umupo siya sa tabi ko.

“Parehas ng rason mo.”


Silence. This is.. weird. Naalala ko na naman tuloy ‘yung usapan namin ni
Nate kahapon. Parang medyo nagiging nice na si Warren. Not that masama
siya nung magkakaaway kami. It’s just that he’s talking to us now. Before
kasi palaging silent treatment lang. Ngayon hindi na kahit papaano.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita nang si Hunter naman ang dumating sa
lugar namin at saka nahiga sa damuhan sa ilalim ng puno na nasa tapat
namin at parang natulog.

“Piper,” tawag ni Warren. What’s wrong with him?

“What?”

Hindi niya ako sinagot at sumandal lang sa may puno. Ilang minuto na ang
nakalipas nang magsalita ulit siya.

“Alam kong galit kayo ni Nathan. Hindi ko naman kayo masisisi. Kasalanan
ko rin naman na bigla na lang akong nawala.”

“Ano bang sinasabi – “

“Sorry for the disappointment. Sorry for disappointing the both of you.
Sorry for leaving you hanging.”

I was so shocked. He’s saying sorry. For real! Kaya lang.. if he’s sorry
for leaving us hanging, then why did he did that again? He left me
hanging again. I want to ask him so many questions kaya lang bigla na
lang siyang umalis after saying sorry. Is he really sorry?

“Ahh! Bwisit. Wala man lang explanations. Sorry lang? Sorry lang?
Kainis.”
“Manahamik ka nga.” Gising pa pala ‘tong devil na ‘to. Isa pa siyang
bwisit. “The ordinary, the jock and the popular. Interesting.” Nakahiga
man siya at nakatalikod sa akin, sigurado akong nakangisi ‘yan ngayon.
Tatlo lang naman ang ekspresyon na alam niyan e. First, poker face.
Second, death glare. Third, the infamous smirk.

“Manahimik ka nga dyan!” sigaw ko sa kanya at saka umalis sa lugar na


‘yun. Manahimik daw ako tapos siya naman pala ang dadaldal. Bwisit.

Hindi ko siya gets. Maski si Warren hindi ko rin gets. Boys are
complicated.

=================

Chapter 11: Fixing things

Warren’s POV

“Anong trip mo?”

Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tumingala ako para tingnan si Nate na


nakapamulsa sa harapan ko.

Anong trip ang sinasabi nito?

Sa halip na sumagot ay sumandal na lang ulit ako sa pader at pumikit.


Sanay naman siyang hindi ko siya kinakausap kaya ano ba naman kung hindi
ko sagutin ang tanong niya. Hindi naman niya dadamdamin ‘yun panigurado.
Kaya lang naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

“Ikaw, anong trip mo?” tanong ko sa kanya nang ginaya na rin niya ang
pwesto ko.
Kaya lang parang nang-aasar ang taong ‘to at hindi rin ako sinagot. Gaya
gaya masyado.

Tatayo na sana ako pero hindi ko naituloy dahil nagsalita siya.

“Bakit kapag kasama ko si Piper parang ang bait mo? Parang nagbabago ka.
Ah, teka. Mali pala. Parang bumabalik ka sa dati. Tapos kapag hindi naman
ganyan ka na ulit.”

“Anong ganyan?”

“Nakakabanas.”

Sinamaan ko siya nang tingin at saka bumalik sa pagkakasandal.


“Nakakabanas ka rin.”

“Sagutin mo tanong ko.”

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot sa
tanong niya. Hindi ko nga alam kung may sagot ba talaga. Sa mga nakalipas
na taon na hindi kami nagpapansinan, ngayon ko lang siguro narealize na
mali ang ginawa at ginagawa ko. Akala ko mas magandang paraan ang iwanan
silang dalawa kaya lang parang mas gumulo lang.

“Ano ba, Warren. Bakit – “

“Pakiramdam ko obligasyon ko ‘to. Siguro masyado ng naging matagal bago


ko naisip na..”

“Na ano?”
Ano ba ang tamang salita? “Tulad mo.. gusto ko rin siyang alagaan.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung
naiintindihan niya ba ang sinasabi ko.

“Gusto mo ba siya kaya gusto mo siyang alagaan?”

“I’ve always liked Piper.”

“Edi gusto mo nga?!”

Hindi ko sinagot ang pangalawang tanong niya, “Sa nangyari sa ating


lahat, alam kong siya ang pinakanasaktan. Sa dinamirami ng tao na nag-
alok maging kaibigan niya, tayong tatlo lang ang naging totoo sa kanya.”

“At iniwan niyo pa siya.”

Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. Kasi alam kong totoo ‘yun. “Sa
tingin ko isa ako sa dahilan kung bakit tayo nagkagulo-gulo. Gusto kong
bumawi sa inyo. Gusto kong bumalik sa inyo. Kaya lang kung gagawin ko
‘yun, pakiramdam ko si Hailey naman ang ilalaglag ko.”

“Si Hailey? Bakit? Ano ba talaga ang nangyari dati?”

“Kung bubuksan mo lang talaga ang mata mo makikita mo ang sagot sa tanong
mo. Sasabihin ko rin ang dahilan ko kaya lang kasi sa ngayon hindi niyo
maiintindihan kahit na sabihin ko man.”

Bago pa man ako may masabi pa tungkol sa nangyari dati, nagpasya na akong
tumayo at umalis. Kaya lang bago pa man din ako makaalis ay may pinahabol
pa siya.
“Running away won’t fix things. Gusto kong ayusin ang gulo kaya lang
hindi ko magagawa ‘yun kasi hindi ko naman alam ang mga detalye. Pero
ikaw, Warren, alam mo.”

Lumabas ako ng room at umupo lang sa tapat. Ang hirap pala kapag ako lang
ang nakakaalam ng ibang detalye. Kahit gusto kong sabihin hindi naman
pwede. Ayokong sa akin manggaling ang tungkol sa bagay na ‘yun kasi alam
kong hindi naman ako ang may karapatan magsalita.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko namimiss ang dating


pagkakaibigan namin. Kahit pagbali-baligtarin ko man ang mundo, alam ko
sa sarili ko na sila pa rin ang tinuturing kong mga matatalik kong
kaibigan. Kung babalik ako kila Piper, parang hindi naman maganda ‘yun.
Ewan ko. Ang gulo ko. Ang hirap na talagang intindihin nito. Maliit na
bagay lang dapat ‘to. Bigla na lang naging ganito kalaki ang gulo.

“Balik na! Tara na at magsimula na ulit!” sigaw ni Tamara.

Tulad kanina, ginawa na naman namin ang mga toka ng bawat isa. Ngayon nga
lang, may katahimikan na. Nang matapos ako ay tumulong ako sa mga babae
na magpintura. Kahit papaano may nararating na rin ang parusang ‘to.
Hindi parang dati na natatapos ang isang buong araw na nakatunganga at
nagbabangayan lang kami.

Sa gilid ko, napansin ko na parang nahihirapan si Tamara sa pagbubukas ng


isang lalagyan ng pintura kaya lumapit ako sa kanya at tinulungan siya.

Halata sa reaksyon niya na hindi niya inaasahan na tutulungan ko siya.


“Thanks.” bulong pa niya. Kung hindi niya inaasahan na tutulungan ko
siya, ako, hindi ko inaasahan na magpapasalamat siya.

Nagpunta siya sa may likuran at mag-isang nagpintura doon. Napatingin din


ako kay Piper at Hailey na tahimik na nagpipintura sa magkabilang gilid
ko. Nakakapanghinayang.
“Hindi ba tayo kakain? Nagugutom na ako.” reklamo ni Nathan. Sabagay oo
nga naman. Lagpas alas dose na rin pala.

“Anong kakainin natin? May dala ba kayo?”

Umiling sila sa tanong ko. Sabi na nga ba may kulang talaga e. Wala
kaming pagkain. Paano na ‘yan.

“May nakita akong karenderya sa may gawing kanto.” Salita ni Hailey at


lumabas na para siguro puntahan ang karenderyang sinasabi niya.

Dahil sa gutom kami ay sumunod na rin kami.

***

Mabilis lang na nagdadaan ang bawat araw. Basta kapag weekdays, parang
hindi pa rin kami magkakakilalang anim. Wala kaming pansinan at kahit
usapan man lang. Maski tingnan nga ang isa’t isa hindi namin magawa. Pero
kahit papaano mas okay na ‘yun. Kaysa naman ‘yung parang dati na lagi na
lang kami nagbabangayan.

Isang linggo na ang nakalipas magbuhat nang humingi ako ng sorry kay
Piper. Malamang naguluhan lang ‘yun sa ginawa ko. Nag-sorry tapos umalis.
Anong kalokohan ‘yun, Warren?

Ginagawa na naman namin ang parusa namin kaya magkakasama na naman kami.
At ito ako na parang tanga na pinapanuod si Nathan at Piper na
naghaharutan. Sayang lang. Nakakamiss sila.

“May gusto ka ba sa kanya?”


Nagulat na lang ako sa naging tanong ni Tamara. Umupo rin siya sa sahig
sa tabi ko at sumandal din sa pader. Kailan pa siya nagkaroon ng interes
sa buhay ng ibang tao?

“Hindi naman sa pagiging chismosa. Napansin ko lang kasi na kanina ka pa


nakatitig sa kanila.”

“Bakit mo tinatanong ‘yan?”

“Naiinip na ako. Wala akong magawa.”

“Bakit hindi ka bumalik sa pag-aayos ng – “

“Para saan pa ang break kung hindi ko gagamitin?” iritang tanong niya.
Ayos ha. Siya na lang nagtatanong at nangingialam sa buhay ng may buhay
tapos siya pa ‘tong naiinis.

Teka. Siguro pwede akong matulungan ng taong ‘to. Mukha kasing reasonable
siya. Kaya nga pinanindigan niya hanggang dulo ang hindi pagpili ng
grupo.. syempre bukod sa isang grupo.

“Pwedeng magtanong?”

“Ano bang ginagawa mo ngayon?” masungit na naman niyang sabi. I’ll take
that as a yes, I guess.

Yumuko ako at pinaglaruan ang sintas ng sapatos ko. Ah! Bahala na nga.

“Kunyari nakaupo ka sa pagitan ng dalawang lamesa. Sa isang lamesa may


magkatabi na dalawang bagay. Hawak mo na sila parehas pero bigla mong
ibinagsak sa magkabilang lamesa. Ngayon, gusto mong harapin ‘yung isang
bagay para ayusin ‘yun kasi medyo nasira mo. Kaya lang hindi mo magawa
kasi kapag ginawa mo, matatalikuran mo ‘yung isa at ayaw mo naman ‘yung
gawin. Ano ngayon ang gagawin mo?”

Kumunot ‘yung noo niya at halatang hindi naintindihan ang sinabi ko,
“Huwag na nga lang.”

Hindi niya ako sinagot at tumahimik na lang. Tinawag na rin kami ni


Hailey para bumalik sa pag-aayos. Lahat kami nagpipintura na. Sa likod
ako naassign kaya ayun ang pinagtuunan ko ng pansin. Tuloy tuloy lang ako
sa ginagawa ko nang magsalita si Tamara na gumagawa rin sa gilid ko.

“Kung gusto mong ayusin ‘yung dalawang bagay pero ayaw mong talikuran
‘yung isa, edi ilipat mo ‘yung bagay na matatalikuran mo sa isa pang
lamesa. Para magkatabi na sila nung bagay na gusto mong ayusin.” Hindi ko
naintindihan ang sinabi niya kaya bahagyang kumunot ang noo.

Nang mahalata niya ‘yun ay nagsalita na naman siya, “Kapag magulo ang
tanong, magulo rin ang sagot. Kung gusto mo ng maayos na sagot, magbigay
ka ng maayos ng tanong. Nahihiya ka ba kasi humihingi ka ng advice, o
nahihiya ka kasi nandito ang pinag-uusapan natin?

“Halata naman na may mga nangyari sa past niyo. Kung ano ‘yun, anong
malay ko at anong pakialam ko. Ang napansin ko lang.. mukhang magulo. At
mananatiling magulo ang isang bagay kung walang aayos.”

Sabagay. Tama siya. Isa ako sa may dahilan at pinanggalingan ng gulo kaya
sa tingin ko, ako rin ang dapat umayos nun. At alam ko na kung saan dapat
magsimula.

***

Nakatitig lang ako sa doorbell nila Hailey. Nakakatakot ata siyang


kausapin. Baka ihagis lang ako palabas nun ng bahay nila. Pero nandito na
rin lang naman ako, itutuloy ko na ‘to.
Pipindutin ko na sana ang doorbell nila pero ibinaba ko ulit ang kamay
ko. Para na akong tanga dito. Kabanas.

“Anong ginagawa mo diyan?” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Tito Ice
sa gilid ko.

“Ah.. ano po.. kakausapin ko lang po sana si Hailey.”

“Nag-away kayo?” malokong tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. Nagulat na lang
ulit ako nang bigla niyang pinindot ang doorbell saka naglakad papunta sa
bahay namin, “Manang mana ka sa mommy mo.” Ha? Bakit?

“Oh, Warren, ikaw pala. Ano, laro ba tayo?” tanong ni Tito Josh.

“Si Hailey po sana. Baka pwedeng dalawin.”

“Sige, pasok ka.”

Inaasahan kong papaupuin niya ako pero hindi niya ginawa. Sa halip
tinulak niya ako sa may hagdan, “Akyatin mo na lang sa kwarto niya.
Nakakatamad tawagin ang batang ‘yan. Hindi naman maririnig palibhasa
tutok sa libro niya.”

Napalunok na lang ako. Mukhang mas ligtas ako kung sa sala na lang kami
mag-uusap e. May makakakita at makakapigil pa kung sakaling maging
bayolente si Hailey. Kaya lang.. ah! Basta. Kaya ko ‘to.

Kinatok ko ‘yung pinto sa kwarto niya pero walang sumagot. Paulit-ulit ko


‘yung kinatok pero wala talaga kaya pumasok na lang ako basta basta.
Nakaupo siya sa kama niya habang may nakasaksak na earphone sa tenga niya
at nagbabasa. Hindi ba siya nalilito?
“What the hell?!” gulat na sigaw niya ng makita ako at ihinagis ang
earphone at libro sa kama. “Anong ginagawa mo dito?! Sinong nagpapasok sa
‘yo?!”

“Hailey, Warren! Okay lang ba kayo dyan?!” sigaw ni Tito Josh sa baba.

“Okay lang po, tito!” sigaw ko at tiningnan ng masama si Hailey, “Huwag


ka ngang maingay. Pinapasok ako ni Tito Josh.”

“Bakit ka ba nandito?” iritang tanong niya.

“We need to talk.”

“Ano bang ginagawa natin ngayon? Hindi ba tayo nag-uusap?”

“We need to talk about what happened few years ago.”

Napaiwas siya ng tingin, “Wala namang dapat pag-usapan. Hindi na


magandang balikan ang nakaraan.”

“Stop this fucking act, Hailey! Alam kong nahihirapan ka rin. Pwede bang
tigilan mo na ‘to.”

“Ano bang ginagawa ko? Lumayo na nga ako tapos – “

“Sinaktan natin sila sa pag-alis natin. Wala man lang tayong rason. Ni
hindi man lang – “

“Look, Warren. Hindi kita pinilit. Ni hindi ko nga sinabing layuan mo


sila. Ako, kusa akong lumayo. Pero wala akong sinabi na samahan mo ko sa
paglayo ko. Kasalanan ko nga siguro ang iwan silang dalawa. Pero hindi ko
na kasalanan kung pati ikaw, nang-iwan. Kasalanan mo ‘yun. Labas na ako
dyan.”

“Lumayo ako para sa ‘yo.”

Tumawa siya pero halatang peke saka ako tiningnan, “No, Warren. Hindi ka
lumayo para sa akin. Lumayo ka para sa sarili mo kasi hindi kaya ng
konsensya mo na samahan si Piper kasi ang akala mo, ikaw ang dahilan kung
bakit ko siya nilayuan. Pero hindi lang dahil sa ‘yo ‘to, Warren. Huwag
kang masyadong bumilib sa sarili mo. Hindi lang ‘to dahil sa ‘yo.

“Ano naman kung umamin ako sa ‘yo na gusto kita noon? Ano rin naman kung
hindi ka sumagot sa pag-amin ko? Ano rin naman ba kung nalaman kong si
Piper ang gusto mo? Dati na ‘yun, Warren. Dating dati na. Nakapag move on
na ako. Okay na ako sa buhay ko. Hindi na kita gusto. Sanay na rin ako na
wala si Piper at Nathan sa tabi ko. Ayos na ako sa ganito. Kaya bakit ko
pa babalikan ang nakaraan?”

Hindi siya nagsasabi ng totoo. Siguro nga hindi na niya ako gusto pero
hindi ako naniniwala na ayos na siya sa ganito. Hindi ako naniniwalang
masaya siya na wala si Piper at Nathan. Ito man ang gusto niyang
palabasin, alam kong hindi ito ang totoo niyang nararamdaman. Malungkot
siya. Lagi lang siyang mag-isa. Sinong sasaya dun?

Tama siya na nakokonsensya ako. Tama nga siguro siya na ginagawa ko lang
ang paglayo kila Piper para sa sarili ko. Pero gustong gusto ko na
talagang bumalik sa kanila ngayon. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko.
Kaya lang kaibigan ko rin si Hailey. Kung babalikan ko sila Piper, paano
naman siya?

“Kung gusto mong bumalik sa kanila, edi sige bumalik ka. Walang pumipigil
sa ‘yo. Gawin mo ang gusto mo.”

"Iyon ba talaga ang gusto mo?"

"Wala ka ng pakialam sa kung ano ang gusto o ayaw ko. Sino bang may
pakialam -- "

"We care for you, Hailey. We really do." sagot ko sa kanya at lumabas na.

=================

Chapter 12: I like you

Piper’s POV
“Who’s that?” Busy ako sa panunuod ng movie nang may kumatok sa kwarto
ko. Alin lang ‘yan sa parents ko, kay Jarvis or kay Nate.

“Si Tita Sab ‘to, Piper.”

“Ay. Ayan na po.”

I walk towards the door and opened it for her, “Yes po, Tita Sab?” She
smiled at me and entered my room. This is highly unusual. She rarely goes
inside my room.

Umupo siya sa chair katapat ng study table ko while I sat on my bed. Are
we going to talk about something important? Well.. obviously, yes. She
seems sad. I wonder what happened.

“Are you okay, tita?” She smiled sadly at me. She’s not the usual
energetic Tita Sab. “Is there a problem po?”

She let out a sigh, “May problema ba si Hailey?” Oh. She’s asking me
about Hailey. As much as I want to answer her question, I just can’t.
Hindi ko naman kasi alam. We barely talk. Heck, we don’t even talk at
all.

Does she really have a problem?

“Bakit niyo po natanong?”

“Sobrang tahimik niya kasi. Alam ko naman na may pagkatahimik talaga


‘yung batang ‘yun kaya lang kapag nasa bahay alam niyo namang nag-iingay
siya. I’m just worried because she hardly talks. Wala pa atang sampung
salita ang nasasabi niya magbuhat kahapon.”

“May nangyari po ba kahapon sa kanya?”


“Bukod sa dinalaw siya ni Warren sa bahay, hindi ko na alam. Nalulungkot
lang ako kasi alam kong may problema siya na ayaw niyang sabihin sa akin.
Parang unti-unti ng lumalayo ang anak ko sa akin. Sa tuwing lalapit ako
parang.. hindi ko na alam.”

Nagulat ako nang umiyak si Tita Sab sa harap ko. I don’t know what to do.
How do I comfort her? What should I do? Medyo nagpapanic na ako pero
hindi ko pinahalata sa kanya. Instead, huminga ako ng malalim at saglit
na pumikit, “I’ll help you, tita. Aalamin ko po ang problema niya at
sasabihin ko sa inyo.”

“Thank you, Piper. Thank you very much.”

***

Para akong baliw na naglalakad pabalik-balik sa tapat ng gymnasium. It’s


our break time already but it seems like walang planong kumain ang jocks.
They’re busy practicing. Even Warren.

Nang mapansin kong parang palabas na ang ilan sa members nila ay nagtago
na ako.

“’Di ka pa kakain, captain?”

“Sunod na ako. Mauna na kayo.”

Yes! Finally!

When I finally made sure that he’s the only person here, I silently walk
towards him. He’s so busy dribbling the ball that he haven’t notice my
presence. And when he does, the ball slipped away from his hands.
“Anong ginagawa – “

I turned my back from him before he could even finish his sentence when I
heard a noise. Looks like it’s not so safe to talk here after all.

“We need to talk. You. Me. After class. Pool side.”

Safe place naman siguro ‘yun. Kapag uwian wala ng nagpupunta sa side na
‘yun ng school.

After class, I waited for our classmates to go home before I went at the
pool side. Warren is already there when I arrived, sitting at the
bleachers.

Tiningnan ko muna ang left and right ko before ko siya puntahan. It


wouldn’t harm to be sure naman.

“Wala ng tao. Nag-uwian na,” sabi ni Warren nang mapansin na nandito na


ako, “Anong pag-uusapan natin?”

I rolled my eyes at him, “Can’t you wait? Bawal bang umupo muna?”
Napangiti siya sa sinabi ko pero di ko na lang pinansin at umupo sa tabi
niya. “Ayan, okay na. So..” How should I say this..

“Hmm?” nakangiti na naman niyang tanong.

“May pinag-usapan ba kayo ni Hailey na kakaiba nung nakaraang gabi?”


Unti-unting nawala ‘yung smile niya at tinitigan lang ako. Uhh. What did
I do?

“May sinabi ba siya?”

“Wala. As if we’re talking naman ‘di ba? Tita Sab is worried. Kinausap
niya ako at nagtanong kung bakit biglang naging super silent si Hailey
after you visited her.”

“Ah.” Patango-tango lang siya at saglit na natahimik.

After felt like 3 minutes or what, nagsalita na ulit siya, “Kinausap ko


kasi siya. Gusto ko kasing ayusin ang nangyari noon.” Naramdaman ko na
lang ang pagtitig niya sa akin, “Namimiss ko na kayo ni Nate. Namimiss na
kita.”

Mas pinili kong hindi sumagot sa sinabi niya. He’s good at words. Pero
he’s not doing anything naman. My dad always says that words without
action are useless. He said he’s sorry pero hindi niya naman ako binigyan
ng reason. Tapos ngayon he’ll say he misses me? Then what? Wala na. Na
naman.

“The other night.. I visited her to try to fix things.”

“It didn’t work out, right?”

“Yeah.”

Dead silence. Again.

“Why did you left?”


Hindi siya sumagot kaya ngumiti na lang ako, “It’s okay. I know you
wouldn’t – “

“I like you.” My eyes grew wide when I heard what he said. He likes me?
What?! “That’s the reason.”

Wait. I don’t get it. Tama ba ang narinig ko? Is he playing tricks on me?
Or late lang talaga siya magcelebrate ng April fools?

“That’s a good joke, Warren. I almost believe you.”

“Seryoso ako. I like you. Kahit noon pa.” Woah. Okay. Now this is
awkward.

Pero teka lang.. “You like me? And that’s the reason?”

“That’s my reason.”

“Teka teka. I don’t get it. Pwedeng pakiexplain ng maayos?”

Napabuntong hininga siya at napakamot sa ulo niya, “Hindi ko alam kung


dapat ako ang magsabi nito kaya lang hindi mo maiintindihan kung di ko
‘yun sasabihin.”

He’s right. Wala akong maintindihan.

“Few years ago.. umamin sa akin si Hailey na gusto niya ako.”


“Figures. I know her too well. Halata naman.”

“Hindi ko siya gusto tulad ng pagkagusto niya sa akin. At vinavalue ko


ang friendship namin. Ayoko siyang paasahin kaya lang wala akong nasabi.
Hanggang sa nalaman niya na gusto kita. Magbuhat nun, nagkagulo-gulo na
ang lahat. Isa sa rason ng paglayo niya ay dahil sa nalaman niya na ikaw
ang gusto ko. Pero alam kong may iba pa siyang rason.

“Hindi naman kaya ng konsensya ko na manatili sa grupo natin kahit na


alam kong isa ako sa rason kung bakit nawala ang isa. Kung bakit nawala
ang girl bestfriend mo. Kaya lumayo na lang din ako. But that was a
pretty bad move.”

“Really bad move.” Pailing-iling kong sagot.

“Sa halip na ayusin ko ang gusot, lalo ko lang nilukot. At lagi kong
pinagsisisihan ‘yun. Pinilit kong balewalain ‘yung nararamdaman kong
pagkamiss sa inyo kaya lang kapag nagsasama-sama ‘yung pamilya natin at
nakikita ko kayo ni Nathan.. naiisip ko na lang na dapat kasama niyo rin
ako. Na dapat kasama ko rin kayo. Pinagsisisihan ko talaga ang paglayo
ko. Sana mapatawad niyo pa ako.”

I don’t know what to feel. All this time ayun ang rason niya? Isa ako sa
rason? Hindi ko alam kung maaawa ako kay Hailey kasi ayun ang naisip
niyang paraan o maiinis kasi iniwan niya ako dahil dun. She was so hurt
that time kaya she chose to hurt me too. Sadya man o hindi.

Tapos ito namang si Warren.. hay nako. Shit happens when you grow up. But
who am I not to forgive him? He suffered long enough because he hadn’t
liked back the girl who liked him.

“You’re forgiven,” sabi ko sa kanya.

Gulat na gulat siyang napalingon sa akin pero unti-unti siyang ngumiti,


“Ibig sabihin ba nito kaibigan ko na ulit kayo?”

I smiled at him and nod, “You’re my friend, Warren. Hanggang ngayon. You
still are.” His smile grew wider and he hugs me all of a sudden.
Nang masiguro namin na wala na talagang mga tao, sabay kaming umuwi. I
texted dad not to pick me up kaya naglakad na lang kami ni Warren.

We were walking in a comfortable silence when I decided to break it,


“Does she still like you?”

“Hindi na raw. Matagal na rin naman ‘yun.”

“Do you still like me?”

Natawa siya saka ginulo ang buhok ko, “Straightforward. Yes, I still do.”

“Sorry.”

“Don’t feel sorry, Pipes. Nararamdaman ko naman ‘to. Hindi ko naman ‘to
pinipilit sa ‘yo. Phase lang ‘to. Lilipas din. Basta kaibigan pa rin
kita.”

We’re back to being friends. That’s what matters.

***

Tamara’s POV

Busy ako sa pagpipintura ng dingding ng sumigaw si Piper na break na raw.


Malapit na kaming matapos sa unang classroom. Achievement ‘to. Sabi na
kapag nagseryoso ang mga ‘to aandar din kami sa ginagawa namin. Mahaba pa
ang oras namin. Aabot talaga kami sa deadline na ibinigay ni ma’am.

Mabaho sa loob ng room dahil amoy pintura kaya lumabas na lang ako at
nagpunta sa madalas nilang tambayan kapag nagbrebreak. Ngayon lang ako
makakatambay sa ilalim ng mga punong ‘to. Nakakarelax naman pala talaga
dito.

Umupo ako at sumandal sa puno na katapat ng puno na sinasandalan ni


Warren, Piper at Nate. Si Hunter humiga na sa ilalim ng isa pang puno
samantalang si Hailey ay nakaupo sa medyo malayo sa aming puno. Minsan
naiisip ko na lang kung bakit parang nilalagyan niya ng distansya ang
sarili niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay natahimik na ‘yung tatlong nasa tapat


ko. Mukhang nakatulog na sila. Ako na nga lang ata ang gising. Maski si
Hailey na nasa malayo natutulog na.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumalik ako sa room para kunin ‘yung bote ng
tubig ko. Pagbalik ko sa may mga puno, nakaupo na si Nathan sa inuupuan
ko kanina at mukhang nag-iisip ng malalim.

Dahil sa ako naman ang nauna sa pwesto na ‘yun, umupo na rin ako katabi
siya. Akala ko tulog na siya. Hindi pa rin pala.

“Ang saya,” hindi siya ‘yung energetic na masaya talaga pero kung ibabase
sa ngiti niya, halatang masaya naman siya.

“Kasi okay na kayo ni Warren?”

“Bakit mo alam?” gulat na tanong niya.

Napakibit-balikat ako at uminom. Saglit kaming natahimik na parehas nang


basagin ko ang katahimikan, “Magkakaibigan ba kayo dati?”

“Oo. Hanggang ngayon naman.”

“Weh? Siguro kayo ni Warren at Piper magkaibigan hanggang ngayon.. pero


si Hailey.. hindi halata. Ang layo kasi niya sa inyo.”
“Kay Hailey.. hindi ko alam kung kaibigan pa ang turing niya sa amin.
Pero kaibigan man niya kami o hindi.. para sa akin, kaibigan ko pa rin
siya.”

“Medyo refereshing makita kayong tatlo nila Warren na okay. Kahit papaano
nabawasan na ang gustong magpatayan sa harap ko.”

Pinagtawanan niya ako kahit hindi naman ako nagsabi ng kahit na anong
nakakatawa. May tama rin talaga sa ulo ang taong ‘to.

“Mas maganda siguro kung pati si Hailey bumalik na sa amin.”

“Baka naliligaw.”

“Ha?”

“Baka naliligaw kaya hindi makabalik. Salubungin mo siya para tuluyan na


siyang makabalik.”

“Ano?”

Napakslow naman nito. Kainis.

Napairap ako at nagsalita ulit, “Magpakita ka rin ng effort o sign na


gusto mong bumalik siya. Pwedeng sa pinapalabas niya, ayaw na niyang
bumalik sa inyo. Pero anong malay mo.. deep inside hinihintay lang niyang
pabalikin niyo siya.”

“Para kasing may malaking wall na nakaharang sa kanya.”

“Kung may nakikita kang pader na naghaharang sa inyo, edi tibagin mo.
Kung hindi mo naman kayang tibagin, kahit akyatin mo na lang. Basta
makarating ka sa kanya.”
Diretsyo lang ang tingin ko pero ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Ginulo niya ang buhok ko kaya hinila ko ang kamay niya saka iyon inilagay
sa likod niya.

“Aray. Aray. Bitaw na. Sorry na.”

I let him go and push him a bit. Serves him right. Para alam niya ang
dapat niyang iasta.

“Grabe. Napakabayolente mo naman.”

“Wala ka lang karapatan hawakan ako.”

“Paano pa kita hahawakan niyan e halos baliin mo na ang kamay ko?”

“At ulitin mo pa ‘yun tutuluyan ko na ang pagbali sa kamay mo.”

“Grabe talaga ‘to! Sige na, hindi na!”

Hindi ko na lang ulit siya pinansin at sumandal sa may puno. Nakapikit na


ako nang mahina niyang binunggo ang balikat ko. Hindi ko siya pinansin.
Bahala siya.

“I like you, Tamara.” Kahit nakapikit ay tinaasan ko pa rin siya ng


kilay. Lasing ba ‘to o nakahithit?

“As a person ha. Baka mamaya nagfifeeling ka na diyan. Mabait ka kasi.


Para kang si Piper. Kunyari hindi mabait. Nagtataray at nagsusungit pero
sa totoo lang may tinatago rin palang bait.”

“Shut up. You don’t know me.”


“Pero minsan nangingibabaw lang talaga katarayan mo. Seryosong tanong
lang.. marunong ka bang ngumiti?”

“Go away,” iritable kong tanong sa kanya. Tumayo siya habang tatawa-tawa
pa at pumunta sa pwesto niya katabi sila Piper. Ang ingay niya masyado.

***

Hailey’s POV

Pag-uwing pag-uwi ay inabutan ko na na nakalock ang bahay. Wala naman


akong dalang spare key kaya naisipan ko na lang hintayin makauwi sila
Dad. Hindi naman siguro sila matatagalan.

Pero sandali lang.. oo nga pala! Ngayon na ba sila aalis?

Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Dad. After ilang ring ay


sinagot din naman niya agad ‘yun.

“Dad!”

“Yes, baby?”

“Dad naman! Ngayon ba kayo aalis?”

“Oo. Di ba napag-usapan na natin ‘to?”

“Yes! Three weeks ago. Sa dinner pa sa bahay nila Nathan. Hindi niyo na
ulit ‘to inopen sa akin.”

“Ipapaalala dapat namin ‘to sa ‘yo nung nakakaraang araw kaya lang ayaw
mo naman kaming kausapin.”

“Ano ng gagawin ko? Matutulog na lang ako sa labas nito? Hindi ako
kakain? Hindi ako magpapalit ng damit?”
“Doon kayo kila Nate matutulog. ‘Yung mga gamit mo, inilagay na ng mommy
mo sa bag mo at inilipat na doon kanina bago kami umalis. Kumpleto na
‘yan. Napagsabihan na rin naman sila Nathan. Kaya niyo na ‘yan. Sige na,
baby, at mag-gru-groupie na kami dito. Papakita ko na lang sa ‘yo
pictures namin pag-uwi. Ingat ha! Bye!”

What? Binabaan ako? At groupie? Ah, ewan! Mas okay pa kung sa bahay na
lang namin nag-stay lahat e. Bakit kila Nathan pa? Paano na lang ako
pupunta dun ngayon? Baka mamaya hindi lang ako papasukin nun. Nakakainis
talaga. Ano bang ginawa ko para maparusahan ng ganito?

Napabuntong-hininga ako at umupo sa harap ng bahay namin. Hindi ko talaga


alam kung anong gagawin ko. Dito na lang kaya ako matulog? O kaya
makitulog na lang ako sa ibang –

“Tara na,” napatingala ako ng marinig ang boses ni Nathan. Ngumiti siya
sa akin at iniabot ang kamay niya, “Tara na sa amin. Ikaw na lang ang
hinihintay.”

Hindi ko tinanggap ang kamay niya at tumayo mag-isa. Naglakad kami ng


tahimik hanggang sa makarating sa tapat ng bahay nila. Kaya lang bago pa
man din kami pumasok ay humarap siya sa akin at pinigilan ako sa
pagpasok.

“Bakit ka ba nagalit sa amin? Teka.. galit ka nga ba sa amin?”

“Ha?”

“Bakit ka umalis noon?”

“Hindi mo pa rin alam?” napangisi ako nang umiling siya, “Akala ko alam
niyo ng lahat. Tinanggap niyo ba si Warren ulit kahit hindi niyo alam ang
dahilan niya?”
Saglit siyang nag-isip at napakamot sa ulo niya, “Tinanong ko na siya
dati pa pero hindi raw siya ang pwedeng magsalita. Ewan ko ba. Basta.
Tapos nung lunes ng gabi pinuntahan na lang ako ni Piper at nagpasama
papunta kila Warren. Sinabi rin ni Warren na gusto na niya kaming maging
kaibigan ulit kaya tinanggap ko siya. Alam ko man ang naging rason niya o
hindi.”

“Too nice.”

“Ikaw.. ayaw mo bang maging – “

“Just shut up, Nathan. Gagawin ko ang gusto ko. Mukha namang okay na kayo
kaya ano bang pakialam mo sa kung ano pang gusto ko? Huwag niyo na lang
akong guluhin. Ngayon.. pwede na ba tayong pumasok sa loob?”

Hindi ko na siya hinintay at nilagpasan na para pasukin ang bahay nila.


Inabutan ko sa sala si Warren na nanunuod pero hindi ko siya tiningnan at
humarap sa nakasunod sa aking si Nathan, “Nasaan ang gamit ko?” Tinuro
niya ang bag na nakapatong sa sofa.

Dahil sa ayokong magsalita, hindi na ako nagpaalam kay Nathan na pupunta


ako sa kusina nila para uminom ng tubig. Kanina pa ako nauuhaw.

Kaya lang pagdating ko sa kusina, inabutan ko si Piper na nasa tapat ng


ref nila at kumukuha rin ng tubig. Hindi ko na lang siya pinansin at
kumuha ng baso saka siya hinintay matapos sa pagsasalin.

Nagulat na lang ako nang iabot niya sa akin ng pitsel ng tubig pero
nagpanggap akong walang nakikita at saka binuksan ang ref dahilan para
mapaurong siya at kumuha ng panibagong pitsel. I don’t know what I’m
doing. Ang alam ko lang naiinis ako.

Tuloy tuloy kong ininom ang baso ng tubig nang marinig ko ang hakbang
niya palayo sa kusina. Kaya lang bago pa siya tuluyang makalayo ay may
sinabi siya. Isang salita lang. Isang salita na naging dahilan para
mapahigpit ang hawak ko sa baso.

“Sorry.”

=================
Chapter 13: Creating walls and burning bridges

Piper’s POV

I stayed there standing for another five minutes. Honestly, I’m quite
hoping that she’ll say something like.. ‘I want us to be friends again’
or something like that. I know her ever since we were born. She’s kind.
Actually, she’s the kindest among us four. And despite her tough attitude
now, I know deep down inside, she’s still the same Hailey I got along
with. She’s still my friend Hailey. She’s still our Hailey.

“Pipes! Tinatawagan ka ni Tita Ayu!” I immediately went to the living


room to take the call.

Before I press the answer button, I went at the front lawn. Para mas
tahimik.

“Hello, mom?”

“Piper! Okay lang ba kayo dyan? Kaya niyo ba sarili niyo?”

“We’re grownups na po,” I answered while chuckling.

My mom keeps on talking and talking while I just keep on saying yes and
nodding even though I know she won’t see me.

“Anak, may nilagay nga pala ako sa bag mo. ‘Yung book set na binili ko
nung nagpunta ako one time sa bookstore. Sabi ni Sab ayan ‘yung matagal
ng hinahanap ni Hailey na libro. Pwedeng pakibigay naman sa kanya? Hindi
ko na kasi naiabot kasi nakaalis na kami.”
“Okay, Mom. I’ll give it to her. I’ll tell her it’s from you.”

“Thanks, Piper. I’m going to hung up already. Take care. Love you.”

“Have fun!”

Bumalik ako sa living room. Nandoon na ‘yung tatlo. Nag-uusap si Warren


at Nate while Hailey is just sitting there quietly. When I entered the
room, they look at me, but Hailey’s glaring at me. Have I done something
wrong?

“Anong sabi?” Nate asked referring to my mom.

“Nagtanong if we’re okay. I said yes.”

Ah! Baka makalimutan ko. ‘Yung book na pinapabigay kay Hailey.

“Anong gusto mong dinner Hailey?” I heard Nate asked.

“Where’s my room?”

Before I could give the book to her, Nate already showed her to her room.
Kaya I decided to sit beside Warren na lang. He nudged me and smiled,
“Magiging ayos din tayong lahat. Have faith in our friendship.” I just
smiled at him weakly and silently pray na sana tama siya. Na sana maging
maayos nga.

***

“Teka lang. Ano ‘yun?”


“Dito rin ang room ni Piper.”

Nagpanggap na tumatawa si Hailey saka inilipat ang tingin sa amin ni


Nate, “Kailan ka pa naging joker? Nagpapatawa ka’di ba?”

Nate shook his head, “Seryoso ako. Dito nga si Piper. Dalawa lang ang
guest room namin, Hailey. At ito ang may pinakamalaking kama sa dalawang
‘yun. Single bed lang ‘yung sa kabila.”

It’s already 10 pm and we’re here arguing about our setting. After kasi
nung dinner, umakyat na si Hailey sa room kaya naiwan kaming tatlo nila
Nate at Warren sa living room talking and playing cards. It’s until then
when I realized na nakatambak pa pala ‘yung stuff ko sa living room so I
asked Nate where I’ll sleep so I could put my things there.

Dinala ako ni Nate sa guest room kung saan matutulog si Hailey. And then
the argumentation began.

“Edi doon siya sa kabila. Or ako na lang ang pupunta sa kabila since siya
ang prinsesa dito kaya mas okay sa kanya na may malaking kama. Easy.
Problem solved.”

Medyo nag-init na ang tenga ko sa narinig ko. Princess? Seriously? I may


act like a diva most of the time but I don’t intend to be treated like a
royalty.

“Sige, doon ang isa sa inyo. Si Warren saan? Dito sa kwartong ‘to? Sino
katabi niya? Ikaw? O si Piper?”

“Para saan pa ang kwarto mo? Oh, wait. I like your last idea. Sige,
maganda ‘yan. Si Warren at si Piper ang pagtabihin natin. Now.. settled
na ba lahat? Lilipat na ba ako sa isang kwarto?” She stood up and took
her bag.
Malapit lapit na siyang makalabas ng kwarto nang harangan ko siya. I look
at her straight in the eyes. I know na may pinagdaraanan siya but this is
just too much. She’s too much.

“Nate, can you go out for a moment? We’ll just talk.”

“Pipes – “

“Go.”

Hailey look at Nate for a moment then look at me and smirked. She let go
of her bag and she sat on the bed when Nate is finally out of sight. She
crossed her arms and she’s staring at me blankly.

“What’s wrong with you?” She didn’t answer so I continued talking, “Do
you really hate me that much? What have I ever done to you? What made you
hate me so much?”

“Stop acting like you’re clueless.”

“I’m not pretending to be clueless. I’m lost, Hailey. You hate me so


much. It’s like you don’t even want to share the same air I breathe. Why,
Hailey? Why do you hate me – “

“It’s because you’re you! You’re Piper! You’re Piper the popular! You’re
Piper that everybody loves! You’re Piper that everyone wants to get along
with! You’re Piper that every girl wants to be! You’re Piper that every
boy wants to be with! You’re perfect in everyone’s eyes, Piper! And I
hate you for that! You could get everyone wrapped around your finger!
You’re getting so much attention while I’m always left behind. I’m just
like your shadow. You get everyone’s attention just by existing. Even the
attention of the people I like. They’re the only people left who I
thought could appreciate me, but then I realized that they like you
better than me. Of course. You’re always better than me. Warren, the guy
I liked, likes you. My – “

“So this all about Warren? Is it because you like him but he likes me? Oh
my God, Hailey! I never thought you could be that shallow. You threw away
our friendship just because the guy you like likes me? Are you for
real?!”
“It’s just not about Warren, Piper! He may be one of the reasons before
but it’s not all about him! The reason why I despise you is because..
it’s because..”

“Because? See. You ran out of reason, Hailey. The only reason is that – “

“I hate you because my mom loves you more than she loves me! I hate you
because she appreciates you more! I hate you because when you’re there,
you always made me feel so little. So little that even my own mother
turned her back from me just so she could face you! I am left with
nothing. You got everything while I’m left with nothing! You wouldn’t
understand how I feel because you’re not in my position.”

Her eyes are full of anger. I never saw her this angry.

“Lahat na lang kinuha mo. Lahat na lang na sa ‘yo na. Ang perpekto na ng
buhay mo. Sikat ka. Tinitingala ka ng lahat. Gusto kang maging kaibigan
ng lahat. Lahat na ng atensyon na sa ‘yo na. Gustong gusto ka ng mga
kaibigan ng mga magulang natin. May masaya kang pamilya. May magulang ka
na mahal na mahal ka. May bestfriend ka na loyal sa ‘yo. Ang daming taong
nagmamahal sa ‘yo. Wala kang kahati sa kahit na kaninong atensyon. Lahat
na sa ‘yo. Kaya lang Piper.. paano naman ako? Kinuha mo na lahat. Wala ka
ng tinira sa akin. Paano naman ako?” Napabalik siya sa pag-upo sa kama at
tinakpan ang mukha niya saka umiyak.

I shifted my gaze. She looks so devastated. I feel like crying but I’m
trying so hard not to because when I let my tears fall, I know it would
take forever before I could stop it from falling. I swallowed and closed
my eyes. I let out a deep sigh and sat at the bedside table. I composed
myself. And when she finally stopped from crying, she looks at me,
“Masaya ka na ba na nagkakaganito ako? Masaya ka na ba kasi – “

“I’m sorry. I’m sorry because that’s how you feel. But Hailey does it
ever occur to you that maybe I didn’t want all of these? Fine. I have a
confession to make. Alam mo ba kung bakit sobra kong sinusunod ang rule?
It’s because I like where I am. I’m on top. I thought that if I stay
where I am, the wound you left may somehow be healed. Kaya lang masyadong
malaki ang sugat na iniwan mo kaya hindi magawang pagalingin ng kahit na
ilang tao."
Tumingala ako so my tears won't fall then looked at her again, "You're so
unfair, Hailey. Nasasaktan ka kaya sinaktan mo rin ako. I was so hurt
when you left us. Wala akong pakialam kung hindi na ako popular as long
as nandyan kayo. Because you, guys, are my treasure. Kung sa tingin mo
I’m enjoying the attention.. then think twice. I'm surrounded by fake
people. Some wants to befriend me so that they could get something. You,
Nate and Warren are the only true friends I have. Pero iniwan niyo ko.
And nothing hurts more than knowing that the person who you trust the
most betray you. Siguro nga wala ako sa posisyon mo para malaman 'yang
nararamdaman mo pero isa lang ang sigurado ko. I'm sure that when I'm
going to experience what you experienced, I won't leave my friend. Kasi I
know how it feels to be left hanging. That hurts so fucking much.
Hailey.. sana naisip mo na di ko sila pinilit gustuhin ako. Hindi ko
intensyon na saktan ka sa kahit na anong paraan."

"That's the point Piper! Hindi mo sila pinilit and yet, ikaw pa rin ang
gusto nila. I'm always a loser compared to you."

I smiled bitterly, "Si Warren.. kaibigan lang ang turing ko sa kanya.


Alam mo ba.. when we finally fixed our friendship, he always tells me
that everything will be alright. That you'll come back to us. Kasi he has
faith in you. Just because he likes me in a different way doesn't mean
that he likes you any less. Si Tita Sab.. alam mo ba one night she
visited me and cried in front of me. Kasi pakiradam nya ang layo layo mo
na. I'm with Tita Sab most of the time kasi parehas kami ng hilig. Pero
kapag magkasama kami ikaw rin naman ang bukambibig nya. She always tells
me that sana you were with us. Na sana sa susunod na ayain ka niya sumama
ka na. Kasi lagi ka naman niyang inaaya pero lagi kang tumatanggi kasi
gusto mo kamong magbasa. She’s so proud of you. Do you know that?

"Si mommy.. kung di mo alam lagi ka rin nyang kwinekwento sa akin. Lagi
ka niyang pinupuri in front of me. You're the intelligent Hailey. The
deep Hailey. The honor Hailey. But I never felt any jealousy whenever she
does that. It's because I trust her and I believe in her. I believe in
her love for me.

"Alam mo ang difference natin, Hailey, when it comes to our family and
friends? Ako, I'm accepting the love they give because I'm willing to
love them in return. Ikaw.. tinatanggihan mo ang pagmamahal nila kasi
wala ka kayang ibigay na pagmamahal. Sabagay.. how could you love the
people around you when you don't even know how to love yourself? You
chose to create walls and burn bridges. But if only you'll see things
clearly.. maiisip at makikita mo na maswerte ka kasi may mga nagmamahal
sa'yo. May mga taong handa ka pa rin mahalin kahit ipagtulakan mo man
sila palayo. I hope you could see that."
I stand up and take my bag. I took the book my mom asked me to give her
and put it on the bed, "Mom told me to give this to you. Sabi niya you're
having a hard time searching for that book."

I went outside the room and saw Nate and Warren standing in front of the
door.

"Warren, kunin mo muna si Piper. Ako na lang muna ang bahala kay Hailey,"
Nate hugged me for a moment and whispers, "I'm so proud of you for not
crying in front of her. Mukhang may problema pa sa inyong tatlo kaya
icocomfort ko muna siya ha? I'll be back, Piper. I promise." Then he
kissed me on my head.

Nginitian ako ni Warren and spread his arms wide so he could give me a
hug. And when I can no longer hold back the tears, I started crying.

=================

Chapter 14: Never too late

Hailey’s POV

Kinuha ko ang mga librong inilapag ni Piper sa kama. Ayaw huminto nang
pag-agos ng luha ko. What have I done? Matagal ko ng alam na mali ang
ginagawa ko kaya lang hindi ko magawang tigilan. Umaapaw pa rin kasi
minsan ‘yung lungkot ko. Pati na rin ang takot na mag-isa. Sige, aaminin
ko na. Pati ang selos dahil na kay Piper ang lahat ng atensyon.
Pakiramdam ko kasi lagi na lang siya ang mahalaga sa lahat. ‘Yung parang
sa sobrang halaga niya, kahit mawala man ako walang malulungkot.. walang
makakapansin. Kasi nandyan naman siya.

To avoid getting hurt, I pushed people away without knowing that it will
just hurt me more. Stupid, Hailey.

Iyak lang ako ng iyak ng mapansin kong nasa harapan ko na si Nathan.


Nginitian niya ako pero hindi ‘yung normal na ngiti niya. Nginitian niya
ako na parang nagsasabing ‘nandito ako para sa ‘yo’.
Walang sali-salita, niyakap lang niya ako at tinapik.

***

The next morning, nang magising ako, pakiramdam ko sobrang bigat ng mata
ko. Wala akong kasama sa kwarto unlike nung original na plano.

Hindi ko alam kung paano ako lalabas ng kwarto. Hindi ko kasi alam kung
anong mangyayari pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto na ‘to. Hindi ko
alam kung anong sasalubong sa akin. Kung sinong sasalubong sa akin.

Ilang minuto na akong nakatulala nang biglang tumunog ang phone ko.
Bumungad sa akin ang pangalan ng mommy ko nang kuhanin ko ‘yun at iharap
sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

“Hello, Hailey!” Ang energetic ng boses niya. Sana ako rin.

“Bakit po?”

“Kamusta kayo diyan? Ayos lang ba kayo?”

“Opo.”

“Nakatulog ka ba ng maayos? Baka mamaya namamahay ka? Naalala ko pa noong


bata ka, nung natulog tayo sa grandparents po. Hindi ka nakatulog
magdamag noon palibhasa hindi ka sanay sa ibang kwarto,” tumatawa siya sa
sarili niyang kwento pero hindi ko magawang sabayan ang energy niya.

“Ayos lang.”

“Nagbreakfast ka na ba? Nako, dapat kumain ka ha.”

“Opo.”

“Anong gusto mong uwi? Mamimili kami maya-maya bago bumalik dyan. May
ipapabili ka ba?”

“Wala po.”
“O sige. Kami na lang bahala ng daddy mo kung anong iuuwi sa ‘yo. Behave
kayo nila Nate dyan ha. ‘Yung lahat ng gamit mo nasa bag ha? Kung may
nakalimutan ako -- “

“Yes. Yes. Okay na po. No need to remind me everything. Malaki na po


ako.”

Natahimik sandali ang nasa kabilang linya. Pero ilang sandali lang ay
nagsalita na ulit ang mommy ko, “Ah.. oo nga pala. Malaki ka na. Sorry
anak. Sige. Mag-ingat ka na lang dyan ha?”

“Bye po,” sagot ko sa kanya saka inend ang tawag.

Inilagay ko ulit sa bedside table ang phone ko at saka lumabas na ng


kwarto. Nagdirediretsyo ako sa kusina at inabutan ko roon si Nathan na
nagluluto. Malamang tinuruan siya ni Tita Zoe kung paano magluto.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong niya nang makita ako.

Tinaguan ko siya bilang sagot. Naalala ko.. kagabi, siya nga pala ang
nag-comfort sa akin kaya pakiramdam ko obligado akong magpasalamat.

“Salamat sa pagcomfort sa akin.”

“Wala ‘yun.”

“Bakit ako ang nilapitan mo kahit na si Piper ang bestfriend mo?”

Saglit siyang napalingon sa akin at ibinalik ang tingin sa niluluto niya,


“Kaibigan din kasi kita.”
“Dati. Kaibigan mo ako dati. We stopped being friends a long time ago.
Kung sino pa ang totoong kaibigan mo, siya pa ang hindi mo nilapitan.”

Napabuntong hiniga siya, “Hindi dahil sa hindi na kaibigan ang tingin mo


sa akin, ibig sabihin hindi na rin kaibigan ang tingin ko sa ‘yo. Hindi
ganun ‘yun, Hailey. Kung tingin mo, hindi na kita kaibigan.. para sa
akin, kaibigan pa rin kita. Kaibigan ka pa rin namin. Ikaw ang nilapitan
ko kasi mas kailangan mo nang kaibigan.”

“Hindi ko kailangan,” mahinang sagot ko sa kanya. Alam kong narinig niya


ako pero hindi na lang siya sumagot.

Nang maayos na niya lahat ng kakainin namin sa almusal, bumaba na rin si


Warren para samahan kami. Tumingin tingin siya sa paligid at alam ko na
kung ano ang nasa isip niya. Nasaan si Piper. Masyado siyang halata. Kaya
lang napatingin din siya sa akin at nagulat na lang ako ng ngitian niya
ako at hindi na nagtanong kung nasaan ang hinahanap niya, “Good morning.”

Kumain kaming tatlo ng sobrang tahimik. Hindi na rin ako naiilang


palibhasa sanay naman na ako sa ganitong eksena. Ilang taon na rin naman
naming ginagawa ‘to. Ngayon pa ba ako maiilang? Kaya lang, natapos kaming
kumain nang hindi dumarating si Piper. Siguro natutulog pa siya. Anong
oras na? Buhay prinsesa.

Huhugasan ko na sana ang pinagkainan ko nang harangan ako ni Nathan at


akuin ang dala ko. Hindi na rin naman ako nagpapilit at ibinigay iyon sa
kanya.

Paakyat na sana ako sa kwarto nang marinig ko ang tanong ni Warren.


Mahina lang ‘yung boses niya at halatang ayaw niyang iparinig ‘yun pero
ang akala ata niya wala na ako dito kaya kahit hindi man sadya ay narinig
ko siya.

“Natutulog pa ba?”
“Hindi. Pagkagising niya kanina nagpaalam siya na pupunta siya sa isang
kaibigan niya.” Nagawa pang maglakwatsya. Tss. Ayan ba ang sinasabi niya
kagabi na kaming tatlo lang ang kaibigan niya?

***

Buong maghapon hindi bumalik si Piper. Nakabalik na rin ang mga magulang
namin sa overnight vacation nila pero wala pa rin siya.

Pag-uwi ko, sinalubong agad ako ng magulang ko ng yakap. Agad naglabas ng


mga uwi si mommy. Kung anu-ano ang ipinapakita niya pero hindi ako
interesado kaya nagpaalam na lang ako na aakyat na ako. Hindi ko na
hinintay ang sagot nilang dalawa at umakyat na sa kwarto ko.

Nagpakalunod ako sa pagbabasa ng libro nang may kumatok sa kwarto ko. Ang
akala ko ay si mommy lang ‘yun kaya hindi na ako sumagot. Alam ko naman
na papasok na lang siya bigla. Kaya lang nakailang katok pa kaya lumapit
na ako at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok na ‘yun.

Napailing na lang ako nang sinalubong ako ni daddy na parang ewan kung
makangiti sa labas ng kwarto ko.

“Bakit hindi ka na lang po agad pumasok?”

“Mas trip kong kumatok lang e,” natatawa niyang sagot. “Nabanggit nga
pala sa amin ni Tita Ayu mo na nakita na niya ‘yung librong hinahanap mo.
Natanggap mo ba?”

Itinuro ko ‘yung mga librong nakapatong sa desk ko, “There.”

“Nagpasalamat ka na ba sa kanya?”

“Hindi pa po.”

“Aba, pumunta ka kaya doon at magpasalamat.”


Kung pupunta ako doon.. paano na lang kung nakabalik na pala si Piper?
Paano kung magkita kami sa bahay nila? Parang napaka-awkward naman nun.

“Pwede po bang pakisabi na lang?”

Medyo nanliit ang mata ni daddy at parang saglit na nag-isip. Umiling


siya at sinagot ako, “That’s rude, Hailey. Magpapasalamat ka lang kasi
binigyan ka niyan. Anong mahirap gawin dun?”

Napabuntong hininga ako at tumango saka lumipat sa kabilang bahay.

Habang naglalakad papunta doon, pinilit kong pabagalin ang lakad ko. Para
lang akong baliw sa ginagawa ko. Alam ko naman na kahit gaano kabagal ang
paglakad na gawin ko, makakarating at makakarating ako sa pupuntahan ko.

Mabigat man sa loob ko, pinindot ko pa rin ang doorbell nila. Laking
pasasalamat ko na lang nang si Tito Ken ang lumabas para pagbuksan ako.

“O, may kailangan ka ba Hailey?”

“Si Tita Ayu po?”

“Ah, nasa may kusina. Tara, pasok ka.”

Nakiramdam ako kung nandito si Piper at nang hindi ko siya makita sa


kahit na anong nilakaran ko, parang nabunutan na ako ng tinik at medyo
gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano.

Nilalaro ni Tita Ayu si Jarvis nang abutan ko siya. Bahagya akong umubo
para mapansin niyang nandito ako at nang marinig niya ‘yun ay napatingin
siya at ngumiti, “Hi, Hailey!”
“Hi po. Uhh. Ano.. Thank you po sa books na binigay niyo. Matagal ko na
po kasing hinahanap ‘yun pero hindi ko po matapatan na mayroong stock.
Kaya po salamat.”

“Wala ‘yun. Binasa ko nga ‘yung description niya at mukhang maganda ‘yung
kwento. Magaling ka talagang pumili ng mga libro.”

“Ah,” bahagya akong tumawa at saka siya nginitian, “Lahat naman po ng


kwento maganda. Lahat naman po kasi pinaghirapan isulat. Kaya ayun ang
mas nagpapaganda sa bawat libro.”

Tumango-tango siya, “Matalino talaga ang batang ‘to. Hindi ka talaga


nagmana sa mga magulang mo,” biro pa niya na nagpatawa sa akin. Umupo ako
sa tapat niya at nagkwentuhan pa kami habang tahimik na kumakain si
Jarvis sa tabi ng mommy niya.

Nalibang na ako sa pinag-uusapan namin nang biglang dumating si Piper.


Nagulat siya nang makita ako sa bahay nila. Expected na rin naman ‘yun.
Sinong hindi magugulat kung makikita niya ‘yung taong kasagutan niya
kagabi sa sarili niyang pamamahay?

Lumapit siya kay Tita Ayu at humalik sa pisngi nito, “Saan ka


nanggaling?”

“Sa kaibigan ko lang po.” Sagot niya pa habang ginugulo at nginingitian


si Jarvis.

“Nagdaan lang nga pala dito si Hailey at nagpathank you sa libro.”

“Ah.. sige po, Ma. Akyat na po ako para makapagpalit na ng damit.” Umalis
siya nang hindi man lang ako nililingon. As if I care.

“Babasahin ko nga rin pala ‘yung librong binigay ko sa ‘yo.” Nakangiting


sabi ni Tita Ayu. “Kaya lang malamang ko ba mauunang basahin ni Piper
‘yun kaysa sa akin.”

“Po?!”
Nagbabasa si Piper ng mga libro? Pwera biro ba ‘to? Parang hindi naman
kapani-paniwala. Kailan pa siya nahilig? E halos sumuka na nga siya kapag
nagpapasama ako sa kanya dati sa library? Kesyo ang boring daw tapos
ngayon malalaman laman ko na nagbabasa na siya? Anong nangyari?

“Buti na nga lang at naimpluwensiyahan mong magbasa ‘yang si Piper.


Maliit pa lang ‘yan pinipilit ko na ‘yang magbasa pero ayaw talaga at mas
natutuwang maglaro. Hanggang noong naghighschool kayo, bigla na lang
akong inaya sa bookstore at namili ng mga libro.” Natatawa pa siya at
napapailing na parang naaalala ‘yung pangyayaring ‘yun, “Sobrang excited
ni Piper noon. Pag-uwing pag-uwi namin nagbasa na agad. Akala ko naman
para sa school project nila ‘yun. Pero nung tinanong ko siya hindi naman
daw. Sabi niya nagbabasa siya kasi mahilig ka raw magbasa. Gusto raw niya
na may mapag-usapan pa kayo kaya pinasok niya ang hilig mo. Buti nga at
nahilig siya kaya ngayon puno na ‘yung bookshelf niya.”

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nagkwekwento si Tita Ayu. Hindi ko


alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na parang
natatakot na parang ewan. Hindi ko maintindihan.

“K..kailan pa po siya nahilig magbasa? A..anong year po kami?”

“Nung mid first year niyo ‘yun. Kapag nakakatapos siya ng libro sobrang
tuwang tuwa at magbabasa na ng panibago. ‘Yung mga favorite mo nga ang
una niyang binasa. Kaya laking pasasalamat ko sa impluwensya mo sa anak
ko. Masaya ako na ikaw ang kaibigan niya.” Nagpatuloy pa sa pagsasalita
si Tita Ayu pero parang wala ng pumapasok sa tenga ko. Paulit ulit na
lang narerehistro sa utak ko ang mga nauna niyang sinabi.

Wala sa sarili akong tumayo at nagpaalam sa kanya. Idinahilan ko na lang


na may gagawin pa ako kahit hindi naman ‘yun totoo.

Bago ako tuluyang makapasok sa bahay namin ay napatingin pa ako sa


bintana ni Piper. Nakabukas ang ilaw nun. Naisip ko na lang tuloy..
nagbabasa kaya siya ngayon?
***

Ala-una na ng madaling araw nang magising ako at naghanap ng tubig. Kaya


kahit tinatamad akong bumaba ay ginawa ko pa rin. Mas okay na ‘yun kaysa
ma-dehydrate pa ako.

Inabutan ko si Daddy na nagkakape sa may dining at mukhang tutok na tutok


sa laptop niya.

“Work, dad?”

Lumingon siya sa akin at tumango, “Kabayaran sa bakasyon na ginawa ko.”


Isa siyang sports agent kaya kung anu-ano ang ginagawa niya at kung sinu-
sino ang kinakausap niya. Pero minsan mukha rin naman siyang hindi
nagtratrabaho palibhasa mahal niya ang pinasukan niyang industriya.

“Bakit nga pala bumangon ka pa?”

“Thirsty,” sagot ko sa kanya.

“Inaantok ka na ba?” tanong niya pagkatapos kong uminom.

“Medyo nawala na po. Bakit po?”

Isinara niya ang laptop niya saka humarap sa akin at tumango sa direksyon
nung silyang katapat niya, “Let’s talk.” Uh-oh. Mukhang seryoso siya. Ano
ba ang mga kasalanang ginawa ko ngayon buwan?

I am lost in my own thoughts when he speaks again, “What’s the problem?”

“P..po?”
“Hindi ikaw ang usual na Hailey. Halatang may bumabagabag sa ‘yo. Matagal
ko na napapansin na para kang may problema kaya lang habang dumadaan ang
mga araw parang mas nag-iiba ka. Ayos ka lang ba, anak?”

“I’m okay.”

“Anak kita. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo o hindi.” Masyadong


seryoso ang boses niya kaya hindi ko alam kung paano sasagot sa kanya.
Yes, I’m lying. I’m not okay. Kaya lang paano ko sasabihin sa kanya ‘yung
tungkol kila Piper?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, “Is it about your friends?” My


eyes grew wide. He knew? “Napansin ko lang na hindi ka na nakikipag-
interact sa kanila. Kung may problema ka, okay lang sabihin mo sa akin.
I’m your father, Hailey.”

Pinaglaruan ko ang kamay ko at yumuko. Iniisip ko kung paano ko ba


sasabihin ang lahat kay daddy kaya lang parang wala namang tamang paraan.

“Just speak, Hailey.”

So I did. Nagsalita ako. Kwinento ko ang lahat ng nararamdaman ko. Sinabi


ko na natigil kami sa pagiging magkaibigan noong first year kami hanggang
sa naging sagutan namin ni Piper kagabi.

Buong oras na kwinekwentuhan ko siya ay nakatahimik lang siya. Hindi ko


alam kung anong tumatakbo sa isip niya and that scares me more.

Matapos kong magkwento ay nakatahimik pa rin siya at pagkalipas siguro ng


dalawang minuto- which is like the most dreadful two minutes of my life-
ay nagsalita na siya, “I see. Madalas kaming magsama ni Warren dahil
siguro parehas kaming mahilig sa sports. At least two times a week kung
maglaro kami ng basketball. Ngayon na lang medyo nabawasan dahil sa
parusa niyo. Madalas din kaming magkakwentuhan dahil sa parehas kami ng
pinapanuod at dumadayo pa ako madalas sa bahay nila para kasama siyang
manuod.” Hindi ko maintindihan kung bakit niya kwinekwento sa akin ang
bagay na ‘to. Bakit naipasok sila ni Warren sa usapan.
“Nagselos ka ba kay Warren kasi mas madalas ko siyang kasama kaysa sa
‘yo?”

“Ha? Hindi po? Bakit po?”

Ngumiti siya sa akin at umiling, “Hmm. Mas madalas kaming magkasama ni


Warren kaya sa magkasama ang mommy mo at si Piper. Nagsasama lang sila
para bumisita sa boutique ng mommy mo at leace twice a month. A month,
anak. Not week. Ngayon.. bakit mas nagseselos ka kay Piper kaysa kay
Warren?”

“It’s different. Lalaki ka. Babae kami. Besides, ikaw naman po, gumagawa
ka ng way para makausap ako. Nag-uusap naman tayo at nakikipagbiruan ka
sa akin. Unlike mom. She’s not trying.”

Saglit na napapikit si daddy at huminga ng malalim, “Hindi mo pwedeng


idahilan na magkaiba kami ng gender. Parehas ka naming anak at parehas mo
kaming magulang kaya walang pagkakaiba ‘yun. Isa pa.. kung hindi mo
alam.. sinusubukan niya, Hailey. Hindi mo lang makita kasi ayaw mong
tingnan. Lumalapit siya, tinutulak mo siya palayo. Nakikita ko ‘yun. Sa
tuwing magkasama kami tapos hindi ka namin kasama todo alala siya sa ‘yo.
Kahapon.. gusto ka niyang tawagan every hour kasi first time niyang
matulog nang hindi ka kasama pero pinigilan ko lang siya kasi baka
magalit ka and that one time.. one time.. na tinawagan ka niya, what did
you do?

“Mahal kita, anak kaya lang hindi na tama ‘to. Kung ang makaka-close ba
ng mommy mo ay si Nate o si Warren ganyan pa rin kaya ang reaskyon mo?
Nag-aalala ako sa ‘yo kaya sinasabi ko ang mga bagay na ‘to. Just open
your eyes at makikita mong marami kaming nagmamahal sa ‘yo. Huwag mong
ikumpara ang sarili mo kay Piper kasi magkaiba kayo. At huwag mo rin
pagdudahan ang pagmamahal sa ‘yo ng mommy mo kasi mahal ka niya higit pa
sa pagmamahal na binibigay niya kahit kanino. Baka kahit sa akin man.”

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko hanggang sa nagtuloy-


tuloy na ‘to. Aaminin ko.. alam kong totoo ang sinasabi ni daddy kaya
lang ayaw kong tanggapin sa sarili ko ‘yun palibhasa masyado akong
nainggit at nasilaw kay Piper. Kaya maski ang mommy ko naitulak ko na
palayo.
Nagsisisi ako na kanina nung tinawagan niya ako bago sila umuwi, parang
pinipilit ko pang patayin agad ang call. Masyado akong busy sa
insecurities ko at sarili ko lang ang iniisip ko kaya hindi ko na
nagawang isipin ang nararamdaman ng mommy ko. She loves me. She does.
Mahal niya ako kahit palagi ko siyang tinatalikuran. Mahal niya ako kahit
palagi ko siyang tinatakbuhan. Anong ginawa ko?

Iyak lang ako ng iyak nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Daddy.
Tama sila. Mali ako. Ano na ang gagawin ko?

“It’s never too late to make things right,” bulong niya.

=================

Chapter 15: Reaching out

Piper’s POV

“Piper!”

Sandaling nanlaki ang mata ko nang marinig ang tumawag sa akin. Hindi ko
man hinaharap kung sino ang tumawag, alam ko na na si Nate ‘yun. We’ve
been friends since forever kaya I know everything about him. Well.. not
everything pala. I’m just exaggerating .. almost everything lang.

I immediately went inside dad’s car and told him to start driving
already. It’s obvious that he’s confuse why I’m rushing him but he still
obliged

Napatingin ako sa may side mirror, and there, I saw Nate’s reflection.
Nakatayo lang siya sa may gitna ng daan looking at dad’s car. I felt bad.
Kaya lang.. I don’t know what to do anymore. I just need to stay away
from them for awhile until I can finally sort things out.

“Nag-away ba kayo?”
I’m planning to deny it but there’s no use since my dad knows me well.
Kaya tumango na lang ako.

“Gusto mong ikwento?”

“I’m a bad friend, dad.”

“Sa pag-iwan kay Nate sa gitna ng daan at hindi pagpansin sa kanya?


Well.. hindi nga maganda ‘yun pero hindi ka naman masamang kaibigan dahil
lang dun.”

“No, dad. I’m a bad friend. I’m a really bad friend. Iniwan ko si Nate
ngayon. He doesn’t deserve to have a bestfriend like me. Inaagawan ko pa
ng atensyon si Hailey. Hindi ko rin magawang pantayan ‘yung binibigay ni
Warren na atensyon sa akin. I’m selfish, Dad. Hindi ko sila iniisip.
Sarili ko lang iniisip ko. Magiging mas maayos lang sila kung hindi nila
ako kaibigan because I’m not a good friend.”

Ihininto ni dad ang kotse sa gilid ng kalsada at saka ako hinarap,


“You’re not a bad friend, Piper. Kung masama kang kaibigan, tingin mo ba
magiging bestfriend pa rin kayo ni Nate hanggang ngayon? Bibigyan ka ba
ni Warren ng atensyon? Iisipin mo ba ang nararamdaman ni Hailey? Kung
masama kang kaibigan, hindi mo sila iisipin ngayon.”

“You’re just saying that because I’m your daughter.”

He chuckled and ruffled my hair, “Sinasabi ko lang ang nakikita ko.


Siguro kung sa tingin mo may nagawa kang hindi maganda, then learn from
it. But it doesn’t mean that you’re a bad friend already. Friendship
isn’t measured by the mistakes you and your friends made. It’s normal to
be and do wrong once in a while. What matters most is that you learn from
those mistakes. Pagkatapos ng problema niyo.. mas lalong titibay ang
pagsasamahan niyo. Basta wala lang dapat bumitaw ni isa sa pagkakaibigan
niyo.”
***

The whole day, Nate and Warren are trying to talk to me pero hindi ‘yung
usap na sa personal talaga since bawal ‘yun. They are secretly passing me
notes asking me if may problem ba ako but hindi ko sila sinasagot. I
think nakapagbigay sila sa akin ng more than 10 notes. Iniipit nila sa
notebook or books ko, nilalagay nila sa locker ko or kapag dadaan sa
pwesto ko, kunyari hahawak lang sa armchair ko pero mag-iiwan talaga sila
ng maliit na paper.

I’m trying to distance myself from them para mag reach out sila kay
Hailey kaya lang it seems that I’m just making everything worse. It’s
like kahit ano namang gawin ko magpapalala lang ng sitwasyon. I don’t
know where to put myself anymore.

“Ugh. If only classmate kita, you’ll see how annoying those nerds are.
Every minute ata silang ask ng ask ng questions sa instructor. So
annoying. Oh. Wait. Oo nga pala. Baka your experience is mas malala since
‘yung leader nila ‘yung classmate mo. That must be torture,” irap pa ni
Elle, one of the members of Populars, as if sobrang nandidiri siya sa
existence ng nerds.

“She’s just quiet sa class. Nagsasalita lang siya kapag nagpaparticipate


sa discussions. She’s not annoying. She’s kind of cool actually.”

Elle made her shocked face. ‘Yung nanlaki ‘yung eyes niya while her mouth
is forming an “O” and nakatapat ‘yung hand niya sa mouth niya.

“Are you seriously defending that nerd? Oh my God! Are you okay? Maybe
you’re sick lang, ano? Yeah, you’re just sick. You should go home na.
Talk to ya later na lang, girl. Ciao!” she gave me a beso and left.

Nagpunta ako sa likod ng school and sat underneath a tree. I don’t want
to go home yet. Malakas kasi ang feeling ko na Nate or Warren will talk
to me at home.
“What am I doing?” I started talking to myself, “I’m stealing attention
from her then ngayon I’m avoiding Nate and Warren. Ahhh. Why does it have
to be this hard? Am I supposed to choose? I don’t want to leave them. I
don’t want to stop being their friend. But what should I do?” I let out
a deep sigh and closed my eyes.

As of now, this is what I really need. Peace

My eyes are close for I don’t know how long. At nang buksan ko ‘yun halos
atakihin na ata ako. Hunter is sitting across me and staring at me with
his usual blank expression. Sinubukan kong labanan ang pakikipagtitigan
niya. I even look daggers at him but it’s no use.

“What?” I asked, irritated. “What are you staring at?!”

“Ikaw na umistorbo sa tulog ko, ikaw pa ‘tong galit,” inis na sagot niya.

“Are you always sleeping at a place like this ba?”

Medyo similar kasi ang place na ‘to sa may madalas naming tambayan kapag
ginagawa naming ‘yung punishment. It’s like he’s so comfortable sleeping
in a place like this. I can’t blame him naman since ang relaxing talaga
dito.

“Are you always talking to yourself at a place like this?”

I rolled my eyes at him. As if naman narinig na niya ako before na


kinakausap ko ang sarili ko. Ha! Or.. maybe he already did? And wait. He
heard?!

“Oo. Narinig ko.” Woah. “You’re speaking your mind.”


“Why are you always sleeping?” I asked out of curiosity.

“Why are you being nosy?”

“No, I’m not!”

Hindi na siya sumagot at lumipat sa kabilang side ng puno. Maybe he’ll


sleep again. It’s almost 5 already. Hindi ba siya masasaraduhan ng
school?

I know ayaw niyang istorbohin ko siya but I still did. Nagpunta ako sa
tapat niya, “Why are you still sleeping? You’ll be locked up here.” I
waited for him to answer me or at least move, but he didn’t. Lumapit ako
at kinalabit siya, “Hey. Tulog ka na agad?”

“Tss. Sinong makakatulog sa ingay mo?” pagsusungit niya saka ako iniwan.
Bwisit. Ako na tumulong ako pa masama.

Umuwi na rin ako after ilang minutes and when I arrived home, I proved
myself right. Nasa bahay nga si Warren at Nate.

“Saan ka galing?” they asked in unison.

“Dyan lang. Why are you here?”

“May problema ka ba?”

“Wala naman.”

“Tingin mo maniniwala ako?” seryosong tanong ni Nate. Lumapit siya sa


akin and slightly tilt his head saka ako nginitian, “Lumalayo ka ba dahil
sa nangyari sa inyo ni Hailey? Teka, huwag ka ng sumagot. Oo ang sagot
dyan. Halata naman. Huwag ka ng lumayo. Maaayos din ang lahat ng ‘to.
Walang iwanan.”
“Wala ng iwanan,” nakangiting dagdag ni Warren.

Tiningnan ko silang dalawa at hindi ko na napansin na napaluha na pala


ako kung hindi pa punasan ni Nate ang luha ko. Sobrang swerte ko to have
them as my friend.

***

Hailey’s POV

“Nakausap mo na?” Dad asked.

Umiling ako bilang pagsagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko


kakausapin ang mommy ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Nakakahiya kasi. Nakakahiya ako. Nakakahiya ang ugali ko. Nakakahiya ang
inaasal ko.

“Wala na siyang ginagawa o. Nanunuod na lang.”

“Teka lang, dad. Kinakabahan pa po ako.”

“Hindi ka naman niya kakainin.”

Huminga ako ng malalim at naglakad papunta kay mommy. Nilingon ko pa si


daddy na nakathumbs up sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at nagpanggap na nanunuod din. Ilang sugundo pa


ang lumipas nang magpasya akong magsalita.
“Sorry, mom.” Diretsyo lang sa TV ang tingin ko pero naramdaman at nakita
ko sa peripheral view ko ang agad niyang paglingon sa akin.

Bago pa man siya makasagot at bago pa man ako iwanan ng lakas ng loob ko
ay dinugtungan ko na ang sinasabi ko, “Sorry po kasi ganito ako. Sorry po
kung pinagdududahan ko ang pagmamahal niyo. Sorry kung lagi akong
nagrereklamo na hindi niyo naman ako napapansin pero ako itong
pinagtutulakan kayo palayo. Sorry po kung nadisappoint ko kayo sa ugali
ko.” Napayuko ako at nagsimula ng magbagsakan ang luha ko.

Iyak lang ako ng iyak ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ng mommy ko.

“No, Hailey. Sorry. Sorry kasi malamang ako ang nagkulang sa ‘yo kaya
ganyan ang naramdaman mo. Pero, anak, huwag na huwag mong iisipin na
hindi kita mahal o mas may mahal ako kaysa sa ‘yo. Kasi hindi ‘yun totoo.
Syempre mahal kita. Siguro hindi ko man ‘yun palaging naipapakita pero
believe me, ikaw ang pinakamahal ko. And I’m not disappointed, Hailey. In
fact proud nga ako sa ‘yo e. Kasi marunong kang humingi ng tawad.”

Nang bitawan niya ako ay nagpunas na ako ng luha ko at ngumiti sa kanya.


No further explanations. Ganoon lang, ayos na. Naintindihan niya agad
ako. Siguro kasi siya ang mommy ko.

Hindi man niya ako tinatanong ay kwinento ko pa rin ang lahat ng


naramdaman ko at lahat ng mga nangyari noong mga nakaraang taon. Ngayon
kasi, nagpasya ako na mas maging open sa mga magulang ko. Hahayaan ko
silang pumasok sa buhay ko at tatanggapin ko na ang pagmamahal na
binibigay nila. Alam ko na ang mali ko at ayoko ng ulitin ‘yun.

“Hay. I miss my baby.” She said and hugged me again.


Nagbitaw kami nang may marinig kaming pumapalakpak sa gilid. Si daddy.
Lumapit siya sa amin at nakisali sa yakapan, “Cute cute naman ng mag-ina
ko.”

***

“Gusto mong magshopping, mommy?”

Napatigil sa paghihiwa ang mommy ko at tumingin sa akin. Parang nagulat


siya na ako ang nagyaya sa kanya. Gusto ko rin naman kasing makasama siya
kaya ayos lang sa akin ang magshopping kasama siya.

Isa pa, hindi naman pwedeng dahil sa nakapag-usap na kami ay wala na


akong gagawin. Dapat ipakita ko pa rin sa kanya na gusto ko siyang
makasama. Narealize ko kasi noon na lagi akong nagrereklamo na ayaw niya
akong makasama e ako itong hindi naman gumagawa ng paraan para makasama
siya. Hindi naman dapat na siya lang ang lagging nagrereach out. Dapat
magtagpo kami sa gitna kaya dapat pati ako magreach out sa kanya.

“Sige. Bukas? Ay teka. May punishment nga pala kayo. After ng punishment
niyo?”

“Sige po.”

“Daan tayong bookstore?”

Napangiti ako sa suggestion niya at agad na tumango.

“Nag-usap na nga ba pala kayo ni Piper?”


Umiling ako. Ilang araw na ang pinaglagpas ko pero hindi ko pa rin siya
kinakausap. Magkikita at magkakasama na naman kami bukas pero hindi ko pa
rin nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin.

“It’s okay. Kung hindi ka pa handa, huwag muna.”

“Bukas.. bukas po. Kakausapin ko na siya. Mom.. sa tingin mo, tatanggapin


niya pa kaya ulit ako bilang kaibigan niya?”

“If you’re really sorry.. makikita naman niya ‘yun at maiintindihan ka


niya. Pero kung hindi ka man niya agad agad matanggap, huwag ka muna
susuko. I’m sure na magiging maayos din naman ang lahat. Nakita ko ang
naging samahan niyo ni Piper habang lumalaki kayo. That kind of
friendship is for keeps. “

Nang hindi ako sumagot ay nginitian niya ako. Masyado sigurong halata na
natatakot at kinakabahan ako, “She’s your friend, right?”

“I told them hindi na kaibigan tingin ko sa kanila,” I admit.

“Pero hindi ibig sabihin nun na hindi na rin kaibigan ang tingin niya
sa’yo. And if she’s really your friend, she’ll give you a second chance.
Matagalan man o hindi. Kapag nagkamali ang isang kaibigan, hindi dapat
iyon maging dahilan para makalimutan ng isa pang kaibigan ang lahat ng
tamang nagawa niya,” sagot niya at bumalik na sa pagluluto.

This is final. Bukas, kakausapin ko na talaga siya. Kakausapin ko na


sila. Kasi namimiss ko na sila. Namimiss ko na ang mga kaibigan ko.

***
#TTWTR or #TheTroublewiththeRule na official hashtag para mabasa ko
tweets niyo o kahit imention niyo nalang ako. Kada chapter magfafollow
ako ng isa na super aliw ang tweet. Twitter user lang 'to ha. Hindi naman
mandatory magtweet don't worry. :) Tatanggaling ko na sa title ang Teen
Clash 3 kasi naliligaw ang ibang readers. Akala kila Ice lang 'to. Kaya
para iwas confusin tatanggalin ko na lang.

P.S. Happy Birthday Piper! Hahaha.

=================

Chapter 16: Second, third, fourth, fifth

Hailey’s POV

“Ready?”

Napatingin ako sa may pintuan. Nakatayo doon si mommy at nakangiti ng


sobrang laki. Ang saya niya samantalang ako parang ewan na pabalik balik
ng lakad. Baka nga nahilo na siya sa pagpanuod lang sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang gusto kong sabihin. Hindi ko
alam kung paano ko gagawin ang gusto kong gawin. Damn. Ni hindi ko nga
alam kung ano ang gusto kong gawin at sabihin. Basta ang alam ko lang,
gusto ko ng matapos ‘to. Gusto ko ng matanggal ang lahat ng dinadala ko
sa dibdib ko. Gusto ko ng bumalik sa mga kaibigan ko.

“Ano, hilo ka na ba?” natatawang tanong ni mommy.

Napayuko ako at pabagsak na umupo sa kama, “Kinakabahan ako, mommy. Paano


kung hindi maging maayos ‘yung pag-uusap namin?”

“Akala ko ba napag-usapan na natin ‘to? Basta sabihin mo lang ‘yung


totoong nararamdaman mo para malaman niya. Magsorry ka lang ng magsorry
at ipakita mo rin na nagsisisi ka na hanggang sa mapatawad ka nila.”
“Nakakahiya po kasi. Lalo na na alam kong ako ang mali.”

“Alam mo naman palang ikaw ang mali, kaya mas lalong wala kang karapatan
magreklamo. Deal with the consequences of your actions,” biglang sulpot
ni daddy na ngayon ay nakatayo na rin sa may pintuan. “Kaya mo ‘yan.”

I can’t help but smile by how supportive my parents are. Magbuhat nang
sabihin ko sa kanila ang nararamdaman ko naging sobrang ganda na ng
pagsasamahan namin. Tama nga si Piper. Kapag tinanggap at sinuklian mo
ang pagmamahal nila sa ‘yo, mas magiging maganda at masaya ang lahat.

I wanted my life to change, and it did because I took a step to actually


change it. Kung gusto mo naman kasi talaga ng pagbabago, dapat simulan mo
ang pagbabago sa sarili mo.

Ihinatid ako ni daddy at mommy sa school kung saan kami magkikita-kita.


Nandoon na silang lahat ng makarating ako.

“Sorry for waiting.”

Napatingin sa akin si Warren, Nathan at Tamara samantalang nakayuko lang


si Piper at walang pakialam na nakatingin sa malayo si Hunter. Nginitian
ako ni Warren at tinanguan ako ni Tamara.

“Ayos lang. Hindi naman kami matagal naghintay,” sagot naman ni Nathan
saka ako tinapik sa balikat at naglakad na papunta sa sakayan. Nakasunod
na rin ang iba sa kanya kaya sumunod na rin ako.

***
Patapos na kami sa unang classroom. Konting polish na lang at linis ng
mga kalat, okay na.

Nang makaramdam na ng gutom ang iba ay nag-aya na silang kumain sa may


karenderya sa kanto. Nagpahuli ako sa paglalakad at nakasabayan ko si
Tamara.

Sa tingin ko dapat din akong humingi ng tawad sa kanya. Inaway ko rin


kasi siya. Sabagay.. sino ba ang hindi ko inaway sa kanila? Lahat naman
sila inaway ko because I was a bitch. Pero alam ko na talaga ang
pagkakamali ko at ayoko ng ulitin ‘yun. Masyadong malaking gulo ang
nagagawa ko.

“Hey,” tawag ko sa kanya nang makatapat ko na siya.

Saglit lang siyang tumingin sa akin at tumingin na ulit ng diretsyo sa


daan. Ewan ko pero hindi ako na-offend sa pagdeadma niya sa akin. Siguro
kasi aminin ko man o hindi, sa ilang buwan na paglilinis namin dito,
nakasanayan ko na ang ugali niya. ‘Yung walang masamang ibig sabihin
kahit hindi ka man niya pansinin kasi alam mong ginagawa naman niya ‘yun
sa lahat.

“Alam kong bwisit na bwisit ka sa akin. Bitch kasi ako. Pero gusto ko
lang sanang humingi ng sorry sa lahat ng ginawa kong hindi maganda sa
‘yo. Sa mga pambabara at pambwibwisit. Sorry.”

Malapit na kami sa karenderya na kakainan namin pero hindi pa rin siya


sumasagot. Well.. I can’t blame her. Parang noong isang araw lang
magkasabunutan na kami dahil lang sa tumalsik na pintura tapos ngayon
bigla akong hihingi ng sorry.

Kaya lang.. just when I thought na hindi na talaga siya magsasalita ay


bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin, “Hindi bwisit na
bwisit. Bwisit lang. Ginawa ko rin naman sa ‘yo ang mga ginawa mo sa akin
kaya quits lang.”

Naglakad na ulit siya at naiwan akong nakatayo pero ilang hakbang pa ay


huminto siya at tumingin sa akin, “Sorry rin. And thank you.. thank you
for saying that you’re sorry.”
Napangiti na lang ako sa narinig ko. That went well. One down. More to
go.

Busy ang lahat sa pagpipintura. Napatingin ako sa nagpipintura sa gilid


ko na si Hunter. Napatingin din ako sa pintura sa ilalim niya. Ubos na
pala. Kaya kumuha ako ng panibago at inilagay sa gilid niya.

Alam kong alam niyang may nilagay ako sa gilid niya pero ni hindi man
lang siya lumingon. Napahinga na lang ako ng malalim at pilit na
nilakasan ang loob ko.

“Ano.. kung mayroon man akong nagawang hindi maganda sa ‘yo, gusto ko
lang sanang mag-sorry.”

Tiningnan lang niya ako sandali at bumalik na sa pagpipintura. Wala man


lang imik. Napakibit-balikat na lang ako sa ginawa niya. Siguro wala lang
talaga siyang pakialam. Okay lang din kasi wala namang kinakausap ‘yan.

“Pahinga muna tayo, guys.” Sigaw ni Nathan.

Kapag ganitong break time, sa likod ang punta nila. Sinamantala ko na ang
pagkakataon na ‘to at nang makita na naglalakad sa likod si Nathan ay
agad ko na siyang tinawag, “Can we talk?”

“Sige,” sagot niya at saka humarap kila Piper at nagkibit-balikat na


lang.

Naiwan kami sa labas ng room at nakaupo sa may sahig, “Anong pag-uusapan


natin?”
Napalunok ako at saka nagsalita, “Galit ka ba sa akin?”

Nagulat ako nang tumawa siya ng malakas at pinapadyak padyak pa niya ang
paa niya kahit nakasalampak na kami sa sahig. Hindi ko ineexpect ang
ganitong klaseng reaksyon. Hindi naman ako nagjoke.

“What’s so funny?”

Napahinto siya sa pagtawa at tinikom ang bibig niya. Parang kinakalma


niya ang sarili niya.

“Sorry, akala ko nagpapatawa ka. Nakakatawa kasi ‘yang joke mo,” at tulad
kanina ay tumawa na naman siya.

“Ha?”

“Ay, slow.” Hindi ko alam kung slow lang ba talaga ako o sadyang magulo
lang siyang kausap.

“Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit?”

“Kasi – “

“Kasi medyo suplada ka noong nakakaraan at napaka warfreak mo? Sus. Ano
pa bang bago?” Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumawa na naman
siya, “Joke lang. Pero totoo na hindi talaga ako galit.”

“Nakwento na ba sa ‘yo ni Piper o ni Warren kung bakit ako umalis?”

“Hindi. Hindi na kailangan. Intense kaya ng sigawan niyo nung isang


linggo. Dinig na dinig ko sa labas. Hindi ko lang naintindihan kung bakit
kailangan mo kaming layuan dahil doon kasi sa tingin ko hindi naman
makakatulong ang paglayo. O siguro sadyang hindi ko lang naiintindihan
ang nararamdaman mo kasi wala ako sa posisyon mo.”

“No. Tama ka. Hindi nakatulong sa akin ang paglayo. Mas lalo lang ‘yun
nagpagulo sa sitwasyon. Maling mali ako sa ginawa kong ‘yun. Dahil doon,
sa halip na sumaya ako mas lalo lang akong nalungkot,” napayuko ako dahil
nahihiya ako sa kanya, “Hindi tama na iwanan ko ang mga kaibigan ko dahil
lang sa inggit at selos. Sorry, Nathan. Sorry.”

Napatingala ako nang makita ko ang kamay niya na naka-extend sa akin,


“Ayan lang naman ang hinihintay namin. Ikaw lang naman ang hinihintay
namin. So.. friend mo na ulit kami?”

Napangiti ako sa sinabi niya at saka tinanggap ang nakalahad niyang


kamay, “Friends.”

Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko, “You’re back, Hails. Pwede
bang humingi ng pabor?”

“Sige ba. Ano ‘yun?”

“Nate na lang ulit ang itawag mo sa akin.”

“Ayun lang pala e. Oo naman. Nate.”

Lumayo na ulit siya sa akin at saka sumandal sa pader na napinturahan na


namin noong nakaraang linggo pa, “Gusto mo tawagin ko na sila para
makausap mo?”

“Hindi ko ata kaya nang sabay silang dalawa. Nahihiya ako e.”

“Sige. Tawagin ko na lang muna si Warren para makapag-usap kayo.”

“Teka. Teka. Ngayon na?”

“Ano, bukas na lang ba?”

Nakakahiya kasi sa kanya. Umamin na nga akong may gusto ako sa kanya dati
tapos nagalit pa ako sa kanya. Kaya lang kung hindi ko siya kakausapin
ngayon.. baka mahirapan na naman akong matulog mamayang gabi. Ang hirap
kasing matulog kapag alam mong may dapat kang gawin na hindi mo pa
nagagawa.

“Okay na ngayon. Sige, pakitawag. Thank you.”

“Okidoks! Goodluck. Magiging okay rin lahat ‘to. Sigurado ako.”

Habang hinihintay ko si Warren, naubos ko na ata ang kuko sa kamay ko.


Nakakanerbyos pala ‘to.

Ayan kasi, Hailey.. magmamaganda-ganda ka diyan tapos gaganyan ganyan ka


ngayon.

“Gusto mo raw akong makausap?” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses
ni Warren. Parang mas lalo akong kinabahan. Nakakahiya talaga ako.

Umupo siya sa tabi ko at sumandal din sa pader, “Bakit mo ko pinatawag?”

“A..ah. Kasi.. ano..” napakamot ako sa ulo ko at tumingin sa kabilang


side ko kung saan hindi siya nakaupo, “Umayos ka nga lang, Hailey.”

“Okay ka lang?”

“Teka lang. Hihintayin ko lang huminahon sarili ko.”

Napailing siya at natawa ng mahina, “Okay. Take your time.”

Nanatili kaming nakaupo at parehas na tahimik. Nag-iisip ako ng sasabihin


ko kaya lang kung pipilitin kong kabisaduhin lang ang gusto kong sabihin
sa isip ko, baka magmukhang hindi sincere ang sinasabi ko. Ayoko naman ng
ganun.

Bahala na si Batman.

Huminga ako ng malalim ay saka siya tiningnan, “Alam ko na mali ang


ginawa ko sa ‘yo. Alam ko rin na naipit ka pa sa sitwasyon dahil lang sa
ginawa ko. Sorry for causing such trouble. Wala ka namang ginawang mali
to deserve that kind of treatment from me. I’m just narrow-minded and
insecure. Kaya tuloy ganun ang naging reaksyon ko nang malaman na iba ang
gusto ng gusto ko. Tapos si Piper pa ang gusto mo. Kung sino pa ang
pinagseselosan ko sa mommy ko. Nagpatong patong kaya naging ganun ako.
Sorry, Warren ha? Sorry talaga na nadamay ka pa sa kagagahan ko. Maling
mali talaga ako sa nagawa kong ‘yun. Sobrang pinagsisisihan ko ang ginawa
ko.”

“Sorry rin ha? Kasi alam mo na.. hindi ko nagawang suklian ‘yung
nararamdaman mo. Sorry rin kasi sa halip na gumawa ako ng paraan para
magkaayos tayong lahat dumagdag pa ako sa gulo sa paglayo ko. Masaya ako
kasi bumalik na ang Hailey na kilala ko. ‘Yung Hailey na alam kapag
nagkakamali siya at nagagawang matutuo sa pagkakamali na ‘yun.”

“I learned the hard way though. Sinayang ko ‘yung tatlong taon na dapat
magkakasama tayo.”

“Ako rin naman e. Pero handa akong bayaran ang tatlong taon na nasayang.
Sasama ka ba sa akin sa pagbabayad sa tatlong taon na ‘yun?”

Napangiti ako sa kanya at tumango. Nakakamiss din talaga ang mga ‘to.
Nakakapanghinayang na sinayang ko ang tatlong taon na dapat magkasama
kami dahil lang sa insecurities ko. Kaya tulad nga ng sinabi niya.. handa
akong pagbayaran ang nasayang na tatlong taon.

“Bestfriend pa rin ba kita?” Bestfriend ko sila kaya lang siya kasi ang
pinakabestfriend ko sa kanilang tatlo palibhasa mas close din si Nate kay
Piper.

“Pag-iisipan ko,” seryosong sagot niya pero dahil nga sa kilala ko siya,
alam kong nagbibiro lang siya. Pabiro ko siyang tinulak na nagpatawa
naman sa kanya, “Oo naman. Bestfriend pa rin kita.”

“May sasabihin pa nga pala ako.”


“Ano?”

“Kung gusto mo si Piper, okay lang kung gagawa ka ng move para makuha
siya. Okay lang sa akin kahit hindi mo naman talaga kailangan ng
permission ko. Kaya lang alam ko kasing inaalala mo ang nararamdaman ko.
Huwag ka ng mag-alala. Okay na ako. Nakamove on na ako sa ‘yo. Gusto na
lang kita bilang bestfriend ngayon.”

Natawa siya sa sinabi ko at kinurot ang pisngi ko, “Nagbalik na talaga


ang dating Hailey. Nawala na ang mataray na ikaw ha. Ikaw na ikaw na
talaga ‘yan.”

“Seryoso kaya ako.”

Nginitian niya ako pero alam ko ‘yung ngiti niyang ‘yun. Ni hindi man
lang umabot sa mata. Hindi sincere.

“I confessed. Kaya lang wala pa man din, alam ko na na kaibigan lang


tingin niya sa akin.” Kaya naman pala. Mukhang gustong gusto pa naman
niya si Piper. Napagdaanan ko na ‘to e. Masakit. Pero mukhang mas
nasasaktan siya kasi mukhang mas seryoso ang nararamdaman niya, “Lilipas
din ‘tong nararamdaman ko.”

“Magugulat ka na lang paggising mo isang araw wala na lahat ng sakit.


Wala na lahat ng lungkot. Wala na lahat ng nararamdaman mo para sa
kanya.”

“Aba. Saan mo napupulot ang mga ganyang words?” biro niya.

Natawa ako saka siya binelatan, “Been there. Done that. Ano.. kailangan
mo ba ng kainuman? Sasabihan ko na si Tito Xander at Daddy.”
“Baliw.”

***

Hindi ko na nagawang kausapin si Piper matapos kong makausap si Warren.


Pabalik na rin kasi ang lahat sa paglilinis. Kapag natapos na kami at
bago umuwi, sisiguraduhin kong makakausap ko na siya.

Panay tingin lang sa relo ko ang ginagawa ko habang naglilinis kami. Para
kasing gusto kong bumilis na bumagal ang oras. Bumilis para makapag-usap
na kami at magawa ko nang mabitawan ang mga mabibigat na dinadala ko sa
puso ko. Bumagal naman dahil kinakabahan ko. Ewan ko ba. Basta, ang gulo
ko.

“Uy. Tulala ka pa diyan. Wala ka bang balak umuwi?”

Napatingin ako sa paligid ko. Lahat pala sila naghahanda na para umuwi
samantalang ako hawak ko pa rin ‘yung brush.

So I guess this is it.

“Uwi na tayo?” tanong ni Piper kay Nate.

“Ha? Ah, teka lang.” Kinapa kapa ni Nate ang bulsa niya at mukha siyang
natataranta. “Hala, Pipes. Pinatago ko ba sa ‘yo wallet ko?”

“No. Why?”

“Wala na sa bulsa ko.”

“Huh? Check your bag kaya. Baka it’s there.”


Tulad ng sinabi ni Piper, tiningnan nga ni Nate sa bag niya kung nandoon
‘yung wallet niya.

“Wala rin dito. Patulong naman o.”

“Saan saan ka ba nagpunta? Baka naiwan mo dun,” singit ni Warren sa


usapan nung dalawa.

“Nandito lang naman ako nagpunta. Saka doon sa karenderya.”

“Maybe you left it at home?”

“Hindi. Nakapagbayad pa ko ng pagkain kanina e.”

“Ganito na lang. Balikan mo ‘yung karenderya. Baka naiwan mo dun. Ako


naman maghahanap dito sa mga room saka sa paligid nito. Ikaw, Piper,
pumunta ka sa may likod. Baka kasi nalaglag niya doon nung nakatambay
kanina.”

“Okay,” sagot ni Piper at nagpunta na sa likod.

Tutulong na sana ako sa paghahanap nang makita kong napailing si Nate, “I


felt bad. Ayoko pa namang nagsisinungaling kay Piper.”

“Magpaliwanag na lang tayo mamaya,” sabi ni Warren saka tumingin sa akin,


“Puntahan mo na siya sa likod.”

What?

So.. nagpanggap lang silang nawawala ang wallet ni Nate para papuntahin
si Piper sa likod at makapag-usap kami?

Ang bait talaga nila.


“Thank you.”

Nang magpunta ako sa likod ay nakasalampak na si Piper at mukhang seryoso


sa paghahanap ng wallet ni Nate.

“Hindi mo makikita ‘yan dyan.”

Napahinto siya at saka ako nilingon. I smiled at her and shrugged, “You
can’t find something that’s not missing.”

“Huh?”

“Hindi nawawala ang wallet ni Nate. Nasa kanya pa rin ang wallet niya.”

“They’re teasing me again. Ugh.” Dinig kong bulong niya saka siya tumayo
at paalis na sana.

“Teka lang. Nagsinungaling sila para makausap kita. Kaya please. Pwede ba
tayong mag-usap?”

Saglit na nakatayo lang siya sa pwesto niya at hindi kumikibo at


gumagalaw pero bigla niya akong hinarap at tinanguan.

“Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa nagawa ko at saka dahil sa


nainggit ako sa ‘yo. Sorry dahil kung anu-anong masasakit na salita ang
sinabi ko sa ‘yo. Wala ka naman talagang kasalanan e. Lahat ng ‘to
kasalanan ko. Kasi lagi akong naiinggit sa ‘yo. Iniisip ko lagi na
sobrang perpekto na ng buhay mo. Masyado ako naging busy kakatingin sa
buhay mo kaya nakalimutan ko na ‘yung buhay ko. Nakalimutan ko ng
pahalagahan ang kung ano ang meron ako.”

Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko magawang basahin ang kung ano
ang nasa isip niya kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagsasalita ko,
“Tama ka, mali ako. I took for granted everything I have because I like
what you have. Selfish ako e. Gusto ko meron ako kung ano ang meron ka.
And that’s so wrong. So wrong. Niloloko ko lang ang sarili ko sa pag-
iisip na gusto mo lang agawin ang mayroon ako. Kasi simula pa lang naman
talaga alam ko na kung bakit mahal na mahal ka ng mga taong sobrang
malapit sa ‘yo. Kasi hindi ka talaga mahirap mahalin.”

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko, “Kasi selfless ka at handa mo rin


sila mahalin. Hindi ka natatakot tumanggap kasi hindi ka rin takot
magbigay. Sorry, Piper. Sorry at nadamay ka pa sa kakitiran ng utak ko.
Pasensya ka na at sinaktan kita. Sorry. Sorry.” Pinunasan ko ang luha ko
at yumuko. Kaya lang sa pagyuko ko hindi pa rin maawat ang pagpatak ng
luha ko.

“Alam mo, Hailey, you’re lucky because there are tons of people who love
you. Sana ngayon nakikita mo na sila and you learn how to treasure them.
Hindi naman kasi lahat pinagpala kagaya mo. Kaya bago ka mainggit sa
buhay ng ibang tao, sana maisip mo na baka may mga taong naiinggit din sa
buhay mo.”

Tiningnan ko siya at nakatingin din siya ng seryoso sa akin, “Sorry rin


kasi hindi ko agad napansin ‘yung feelings mo.”

“No, Piper.. this is my fault. I’m really sorry. Sana mapatawad mo ko.”

Nginitian niya ako kaya nakaramdam ako ng saya, “Second chances are rare.
But friends give their friends second chances. And third.. and fourth..
and fifth and so on. Kahit naman kasi pigilan natin, we will still make
mistakes. Basta, just don’t make the same mistake twice. That’s
foolishness already.”
“Ibig mo bang sabihin.. kaibigan na ulit kita?”

Lumapit siya sa akin at saka ako niyakap, “I never stopped being your
friend."

=================

Chapter 17: Fantastic Four

Hailey's POV

"Ayos ha. Magkasama na ulit kayong dalawa."

Nagbitaw kami ni Piper at saka napatingin sa dalawang lalaking nakatayo


sa gilid namin. Si Nate at Warren. Parehas naglalakihan ang ngiti nung
dalawa. Siguro 'yung smile nila nagmimirror din naman sa smile namin ni
Piper.

"Pasali," sabi ni Nate at saka sila lumapit sa aming dalawa ni Piper at


yumakap.

"Ouch. Let go. Masikip. Go away."

"Ang saya mo na siguro ngayon, ano?" biro ni Nate kay Piper saka kinurot
ang magkabilang pisngi nito.

Pinalo naman siya ni Piper at saka tiningnan ng masama, "You lied. Nag-
effort pa man din ako to look for your wallet tapos hindi naman pala 'yun
nawawala."

"Busted," bulong ni Warren sa isang tabi at mukhang nagpipigil ng tawa.

"I can explain."

Nang makita ang naging reaksyon ni Nate, parehas na kami ni Warren na


nag-ihit ng tawa.

"Dapat lang."
"Suggestion niya 'yun," hila ni Nate kay Warren saka ito inakbayan.

"Hoy, huwag kang sinungaling. Ikaw nag-suggest nun nakisama lang ako."

"Ah! So kasama ka pala dito, Warren."

"Busted," panggagaya ni Nate sa sinabi ni Warren kanina. "Takbo!" sigaw


niya saka sila naghabulang tatlo na parang mga bata.

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan dahil sa ginagawa ngayon nung


tatlo. Ganitong ganito rin kami noong bata. Masayang naghahabulan na
parang walang mga pinoproblema. Nakakamiss talaga sila. Sobrang saya ko
ngayon na hindi ko na sila kailangan pang tiisin ulit at pwede ko na sila
ulit makasama at makatawanan.

Kung alam ko lang na ganito kasaya ang magiging kapalit ng paghingi ko ng


tawad, sana noon ko pa 'to ginawa.

"Hailey! Tara na! Uuwi na tayo!" sigaw ni Piper nang matapos na silang
maghabulan.

Napangiti ulit ako saka tumakbo papunta sa kanilang tatlo na nakatingin


lang sa akin at naghihintay.

***

Bumaba kaming apat sa may supermarket sa labas ng subdivision. Plano


namin na mag-sleepover kila Piper para manuod ng movies. Matagal na rin
kasi naming hindi nagagawa 'yun kaya naisipan bigla nilang magkaayaan.
Kaya ngayon ay bibili kami ng mga pagkain para mamaya.

"My gosh, I missed this. For the past years kami lang ni Nate 'yung
nanunuod. And now kasama na ulit kayong dalawa," excited na kwento ni
Piper.

"Oo nga ang dami ko na tuloy hindi napanuod na films niyan kasi wala
akong kasama. Ang boring kaya manuod mag-isa."

"So I guess mas mapapadalas ang panunuod natin ng movies ngayon?"

"Dapat lang. Para mapanuod ko na 'yung lahat ng napanuod niyo ni Nate.


Ang dami kaya nun."

Napatigil kami sa pag-uusap ni Piper nang mapahinto siya dahil nabunggo


siya sa likod ni Warren.
"Si Tamara ba 'yun?" turo niya sa babaeng nasa may kabilang kalsada.

"Is she from here?"

"Parang hindi naman. Tara na nga."

"Sigawan mo. Tawagin mo."

Sumunod naman si Warren sa utos ni Piper, "Tamara!" sigaw niya saka ito
kinawayan.

Ginaya namin ang ginawa ni Warren. Itinaas lang ni Tamara ang kamay niya
sa amin at tumango saka na siya sumakay sa jeep na nagdaan.

"She's nice," nakangiting sabi ni Piper habang nakatingin pa rin sa


papalayong jeep.

"She is/Oo nga," sabay sabay na sabi naming tatlo nila Nate at Warren
kaya bigla na lang kaming nagtawanan.

Papasok na sana kami sa supermarket nang may bumusina sa amin. Sila Tito
Ice?

Lumapit kami sa may bintana at binati 'yung parents ni Nate.

"Saan punta niyo?"

"May bibilhin lang kami, Ma."

"Ah, okay. Pagkatapos niyo diyan dumiretsyo kayo sa bahay nila Hailey ha.
Doon tayo magdidinner ngayon."

"Okay po. Sunod na lang kami."

"Ingat, kids. Bilisan niyo na diyan," pahabol pa ni Tito Ice saka sila
umalis ni Tita Zoe.

Sa amin pala ang dinner ngayon. Ngayon lang ata magdidinner 'yung family
naming apat na naging excited ako. Dati kasi, pinakaayokong araw kapag
nagkakaroon ng dinner ang mga pamilya namin.
Ayoko kasing makaharap 'yung tatlo at magpanggap na okay kami sa harap
nilang lahat. Nakakapagod 'yun. Buti na lang ngayon tapos na ang
pagpapanggap. Masaya na ulit.

"Mamili na kayo ng pagkain. Kami na ang bahala sa inumin pati sa ice


cream," sabi ni Nate at saka hinila si Warren palayo sa amin.

"Anong chips kukinin natin?"

"Kahit ano na lang diyan."

"Uy, ayun! Look. Sa taas. Masarap 'yun, right? Let's buy that."

Pinipilit niyang abutin 'yung junk food pero hindi niya magawa. Nasa
pinakataas kasi. Pinausad ko siya ng kaunti at sinubukang talunin 'yung
pagkain para makuha ko pero wala pa rin.

"Hintayin na lang natin 'yung dalawa para ipakuha sa kanila."

"Let me try again," pilit ni Piper saka tinalon talon 'yung pagkain.
Natatawa na ako sa ginagawa niya pero sobrang pursigido niya at ayaw pang
paawat sa pagkuha. "Paano mabibili 'to if it's placed on the highest
part?" reklamo niya at tumalon na naman.

Napatigil siya sa pagtalon at parang bwisit na bwisit na habang ako ay


nag-eenjoy pa rin sa pagtawa.

"So happy, eh?" irap niya sa akin pero hindi ko pa rin talaga mapigilan
ang pagtawa ko. "Ah!" sigaw niya at saka naglakad palayo sa akin.

"Oy! Saan punta mo?"

Hindi niya ako pinansin hanggang sa mapahinto siya sa tabi nung isang
lalaking nakasumbrero.

"I knew it was you," turo niya sa lalaki saka na lang siya bigla hinila
palapit sa tinatayuan ko. "Kindly reach that."

Nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung sino ang hatak hatak niya.
Si Hunter. The leader of the rebel. Teka. Close ba sila? Imposible naman
siguro. Paano.. itong si Hunter mukhang hindi naman nausuhang
makipaginteract sa mga tao.

Napatingin ako kay Hunter na halos patayin na si Piper sa sobrang sama ng


tingin niya sa kanya samatanlang itong si Piper mukhang hindi man lang
kinikilabutan. Kung ako nga na hindi naman tinitingnan natatakot, siya pa
kaya?

"What?" iritang tanong niya saka pa tinaasan ng kilay.

"Tabi," iritableng utos naman nitong isa na sinunod naman ni Piper saka
kinuha 'yung pinapaabot niya at inabot 'yun kay Piper.

"Thanks. Bye bye," paalam sa kanya ni Piper saka ako hinila paalis sa
lugar na 'yun.

What the hell just happened?

"Close kayo?"

"As if. Kulang na lang bugbugin ako ng lalaking 'yun sa sobrang sama
makatingin, ano."

"Akala ko.. kanina.. bakit.."

"Look, Hails. I've got no choice. I don't like to wait for Warren or Nate
'cause who knows kung makakabalik din ba sila agad. I saw him naman
nearby so I took the chance and asked for a favour."

"Hindi ka ba natatakot sa kanya?"

"Hindi na."

Pinatigil na niya ako kakatanong at pinapili na lang ulit ng kakainin.

Nang mabili na naming lahat ng gusto namin at makita ulit si Nate at


Warren, ay nagbayad na kami at saka umuwi sa bahay nila Piper para iwan
ang lahat ng gamit at sumunod ay sa bahay namin para sa dinner.

Habang nagdidinner at habang busy ang mga magulang namin sa


pagkwekwentuhan at pagtatawanan ay nagtabi-tabi kaming apat at
nagkwentuhan din.

Marami kaming dapat balikan na nangyari noong mga panahong hindi kami
magkakasama kaya kung saan saan na napunta ang kwentuhan namin.

"Balita ko nga biglang nahilig sa pagbabasa si Piper para raw makapag-


usap kayo tungkol sa mga libro," tukso ni Warren kay Piper at tinusok
tusok pa 'to sa tagiliran niya kaya pinagpapalo siya ni Piper.
"Shut up. At least I'm reading. Ikaw ba nagbabasa?"

"Hindi. Nagbabasketball."

"Si basketball. Alam mo hindi ka magkakagirlfriend kakalaro mo ng


basketball. Parang mas girlfriend mo pa nga ang bola e," pang-aasar ko
naman kay Warren.

Biglang umubo si Nate pero halatang pilit lang ang ubo niya at nangunguha
lang ng atensyon.

"Iluwa mo muna kaya 'yan," biro ko sa kanya kaya pinagtawanan siya nung
dalawa.

"Hoo. Nako, Hailey. Baka nagpaparinig ka lang kay Warren. Gusto mo bang
mag-apply na girlfriend niyan?"

Kung dati nila ako bibiruin ng ganito siguro mahihiya pa ako o


masasaktan. Kaya lang iba na ngayon e. Sa halip na mainis ay tinawanan ko
na lang ang sinabi ni Nate at sinakyan ang trip niya, "Pwede ba?"

"Ayun o!" sigaw ni Nate kaya nagsimula na naman ang tawanan namin.

"Baliw ka, Nate! Pero seryoso, nakamove on na ako diyan kay Warren. 'Di
ba?" tango ko pa sa kanya at itinaas ko pa ang kamay ko saka siya
nakipag-apir.

"Ano ba 'yan. Wala ng thrill."

"Thrill your face," sabay palo ni Piper sa ulo ni Nate.

"Teka nga pala. Nagkaroon ba kayo ng lovelife noong mga panahong hindi
tayo nagpapansinan?"

Napatingin ako kay Warren na bigla na lang tumawa. Anong nakakatawa?


Baliw na talaga 'to.

"Apat, pero triny ko lang naman noon mag-girlfriend."

Hala. Experiment, ganun? Nagkatinginan kaming tatlo nila Nate at Piper


saka nagtawanan. Hindi ko alam kung bakit kami tumatawa basta bigla ko na
lang hindi napigilan ang tawa ko nung nakatinginan ko 'yung dalawa.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Warren sa aming tatlo.


"I don't really know. Why are we laughing, anyway?"

Nagkibit-balikat kami ni Nate kay Piper, "Sa totoo lang hindi ko rin
alam." And another laughing session begins.

Nang mahimasmasan na kami ay pinakwento na namin kay Warren kung ano ang
nangyari sa apat na exes niya.

Napag-alaman namin na 'yung una niyang girlfriend, galing pa sa ibang


school. Mayroon silang common friend. Naging close sila kasi madalas
silang magkita kapag nagpupunta si Warren sa bahay nung common friend
nila para maglaro ng basketball. Hanggang sa ayun, naging sila pero wala
pa raw tatlong buwan ay naghiwalay na rin sila.

Ganoon din daw ang nangyari sa pangalawa at pangatlong girlfriend niya.


Hindi rin nagtatagal tapos naghihiwalay na.

"E 'yung pang-apat?"

"Cheerleader siya sa school. Madalas ko siya makita tuwing practice. E


'di ba kadalasan sa tuwing game season ang last na umuuwi ay 'yung
players pati 'yung mga cheerleaders. Kaya ayun."

"Cheerleader sa Kingdom High? So part siya ng Populars? She belongs to my


group, yet he interacted with you and naging kayo pa. What about the
rule?"

Uh-oh. Mukhang bistado 'tong si Warren.

Napatikom ako ng bibig para mapigilan ang pagtawa ko nang makita ang
naging reaksyon ni Warren. Para siyang gulat sa sinabi niya na nagpapanic
deep inside.

"Oo nga. Paano nangyari 'yun? Aha! Rule breaker 'to!" turo pa sa kanya ni
Nate.

"Okay. Okay. Huwag na lang kayong maingay ha. Pero kasi nagkakaroon ng
interaction ang jocks sa mga cheerleaders kahit na sa popular sila
kasali. Mahirap din kasing hindi magpansinan kapag nasa iisang lugar lang
kayo tapos madalas mo pa silang kasama. Kaya kapag after school at may
practice, parang nawawala na sa amin ang rule. Bumabalik na lang kapag
marami ng tao. Isa rin 'yun sa dahilan kung bakit naghiwalay kami nung
second girlfriend ko."

Nangako naman kaming tatlo na hindi namin ipagsasabi 'yung secret ng


jocks at ng ibang populars. Besides, kapag nalaman ng iba 'yun, baka
magkagulo lang sa school. At least ngayon, peaceful talaga at nagawa ang
goal ng rule.

"Sabi mo kanina, isa ang rule sa dahilan kung bakit naghiwalay kayo nung
recent girlfriend mo. Ibig sabihin ba may iba pang rason?"

Napatingin si Warren kay Nate na nagtanong saka sumunod na tiningnan si


Piper at saka tumingin ulit kay Nate, "Meron. Sinusubukan ko lang naman
maggirlfriend para matuon 'yung atensyon ko sa iba at makalimot. Kaya
lang wala e."

Napatahimik kami dahil sa sinabi ni Warren. Alam na namin kung bakit.


Alam na rin naming kung ano ang sinasabi niyang makalimot. Mukhang
malakas talaga ang tama niya kay Piper. Ginawa na niya lahat para
makalimutan siya pero wala pa rin.

Tulad kanina ay umubo na naman si Nate at saka tinapik si Warren, "Ayos


lang 'yan, p're. Baka kapag nagtagal mawala rin 'yan. Bata pa naman tayo.
Lilipas din 'yan."

Inilipat na lang din ni Nate sa akin ang usapan para mawala kahit paano
ang atmosphere na hindi maganda.

"I'm in a relationship with my books and I'm hopelessly in love with a


fictional character."

Pinagtawanan nila ako sa naging sagot ko and I'm happy dahil kahit
papaano ay umayos na ulit 'yung atmosphere.

Tulad ko, hindi pa rin pala nagkakaroon ng boyfriend si Piper pero


according kay Nate ay maraming umaaligid sa kanya kaya lang hindi niya
pinapayagang manligaw.

Si Nate naman, nagkaroon daw siya ng isang girlfriend pero hindi galing
sa Kingdom High kaya lang hindi rin nagtagal 'yung relationship nila.
'Yun nga lang, mas nagtagal naman daw 'yung kanya kaysa kay Warren.

"It's good that you four finally made up. Balik na ang fantastic four
namin."

Napatingin kami sa parents namin na pinapanuod pala kami.

But wait. Made up? Ibig sabihin ba nito alam nila na nagkaaway-away kami
noon pa? O baka ikwinento lang ni mommy kila Tita Zoe ang tungkol sa pag-
aaway namin nito lang?

"You knew?" tanong ni Piper.


"Para saan pa na lola ni Nate ang principal ng Kingdom High kung hindi
namin malalaman ang nangyayari doon? At isa pa, alam namin na hindi kayo
ayos. Ang dalas kaya natin magdinner tapos hindi naman kayo
nagpapansinan. Magpansinan man kayo pilit na pilit pa."

"Sabi ko kay lola huwag sabihin e," bulong ni Nate pero narinig din naman
ng mga magulang namin kaya nagtawanan sila.

"Malakas 'tong mama mo sa lola mo e," natatawang sabi ni Tito Ice kay
Nate.

Mukhang wala talaga kaming maitatago sa mga magulang namin.

***

First time naming papasok sa Kingdom High ever since magkaayos kami.

Hindi kami nagsabay sabay syempre pero nagkita-kita kami sa labas ng mga
bahay namin bago pumasok sa school.

Buong araw na nasa school kami, nagpapalitan lang kami ng mga tingin. At
kung walang nakakakita ay nagpapalitan din kami ng ngiti.

May mga pagkakataon na gusto ko silang lapitan para makakwentuhan kaya


lang hindi naman pwede. Kailangan pa namin maghintay hanggang mag-uwian
bago kami makapag-usap usap.

Wala e. Kailangan talaga naming sundin ang rule. Matagal na kasi siyang
rule dito sa Kingdom High kaya hindi na naming pwedeng labagin. Kung
tutuusin din naman.. maayos naman 'yung rule at namemaintain nun 'yung
peacefulness sa Kingdom High. Kaunting buwan na lang naman at matatapos
na kami sa pag-aaral at wala na rin kaming kailangang sundin na rule.
Kaya kaunting tiis na lang.

Ang mahirap lang naman sa rule na 'to ay kapag may mga kaibigan ka na
nakabilang sa iba pang grupo. Kausapin mo lang sila mapaparusahan ka na.
Kaya wala kang magagawa kundi tingnan na lang 'yung mga kaibigan mo at
tiisin na hindi sila pansinin maghapon. And that's it. That's the trouble
with the rule.

=================

Chapter 18: Question and Answer


Nate's POV

Salita ng salita ang teacher namin pero hindi ko siya magawang pakinggan.
Antok na antok ako. Kulang na lang lagyan ko ng toothpick ang mata ko
para mapigilan ang pagpikit nito.

"The belief that the universe is expanding is based in part upon


observations of electromagnetic waves emitted by stars in distant
galaxies. Furthermore, specific information about stars within galaxies
can be determined by application of the Doppler effect."

Dopple? Ano raw? Ano bang sinasabi nitong teacher namin?

"Mr. Scott." Ano ba 'tong pinag-aaralan namin? Magagamit ba 'to sa pang-


araw-araw na pamumuhay?

"Mr. Scott." Bakit kailangan pa naming aralin ang mga ganitong klaseng
lesson?

"Mr. Scott." Itanong ko kaya minsan kay Papa kung ano sa mga pinag-aralan
niya ang nagagamit niya pa rin hanggang ngayon.

"Nathan. Nathan."

Tiningnan ko ang kagrupo ko na sumisipa sa upuan ko, "Bakit?"

"Tawag ka ni ma'am."
Napalunok ako sa sinabi niya. Mukhang alam ko na ang kasunod nito.

"Are you paying attention, Mr. Scott?"

"N.. Y.. yes, ma'am."

"Okay. Define Doppler Effect."

"Uhh. Doppler effect.. it is.. it is.. it is the effect of the doppler?"

Biglang nagtawanan ang mga kaklase ko sa naging sagot ko. Napatingin ako
sa ka-row ko na si Piper na pailing-iling ngayon at nakalagay pa ang
kamay sa mukha.

Ano bang magagawa ko e hindi ko naman alam ang sagot. Ano ba kasi 'yun?

"Silence, class. Silence." Napatahamik naman ang mga kaklase ko sa utos


ng teacher namin, "It's not funny, Mr. Scott. Remain standing. And pay
attention."

Dahil sa kalokohan ko, ayan tuloy at hindi ako pinaupo ng teacher namin.

Bakit ba kasi umabsent absent pa 'yang si Hunter? Ako tuloy


napagdidiskitahan ng teacher namin sa halip na siya.

Ilang minuto na akong nakatayo nang mapatingin ako sa wall clock. Wala
pang three minutes ay matatapos na ang klase. Napansin ng teacher namin
ang pagtingin ko doon kaya nginitian ko na lang siya kahit medyo kabado
ako kasi baka pagalitan na naman ako.
"Bago ko kayo idismiss, ipapaala ko lang na malapit na ang entrance exam
sa iba't ibang universities. Kung gusto niyong makapasok sa dream school
niyo, mag-aral kayong mabuti." Niligpit na niya ang gamit niya at paalis
na sana ng tumigil pa siya saka ako pinagsabihan, "Marami kang bagsak na
quizzes, Mr. Scott. Mali. Lahat ng naging quiz mo bagsak. You'll fail my
subject kapag pati ang periodical exam ay maibagsak mo. Mag-aral ng
mabuti."

***

Sinubukan kong pag-aralan ang lesson namin kaya lang kahit anong pilit ko
ay ayaw pumasok ng mga 'yun sa utak ko.

Sa sobrang inis ko ay padabog kong ibinagsak ang libro ko at nagpatuloy


na lang sa pagkain.

Siguro mali lang talaga ang lugar na pinag-aaralan ko. Sa dining. Kaya
mas natutuon ang atensyon ko sa ibang bagay, lalo na sa mga pagkain,
kaysa sa libro.

"Bago 'yan ha? Nag-aaral ka talaga?"

Napatingin ako kay mama na parang pinipigilan ang pagtawa sa naging


reaksyon ko.

"Hindi ko nga po maintindihan 'to. Nababanas na ko."

“Ano ba ‘yan?”

“Physics. Paturo nga, Ma.”

Bigla namang dumating si Papa at sumingit sa eksena, “Wala kang mapapala


sa Mama mo. Nangongopya lang ‘yan noong highschool kami.”
“Kapal nito. Ikaw kaya nangongopya noon.”

“Hindi. Ikaw ang nabatas noon ‘di ba? Pinatawag ka pa nga sa guidance e.”

“Kasalanan niyo kaya ‘yun! Hindi kaya kami ang nangongopya noon!”

Pasimple akong umalis sa may dining nang nagsimula na silang magturuan


kung sino nga ba ang nangongopya talaga. Mas lalo lang akong walang
maiintindihan sa inaaral ko kung nag-iingay naman ang magulang ko.

Periodical exam na next week at kailangan ko na rin mag-apply at magtake


ng exams sa mga university.

Huwag na nga! Sa weekend na lang ako mag-aaral.

***

Naglelecture ng kung anu-ano ang teacher namin sa history nang bigla


niyang tawagin ang ilan sa mga kaklase ko.

“Lahat ng tinawag ko, medyo alanganin ang grades niyo sa akin. Magsipag-
aral nga kayo ng mabuti. Lalo na ikaw, Mr. Evans, panay ka lang laro ng
basketball diyan. Kung binibigyan mo ng karangalan ang eskelahan natin,
isipin mo rin naman na bigyan ng karangalan ang magulang ko. Kaya mag-
aral ka ng mas mabuti.”

Astig ha. Mukhang marami rami ang mga tagilid sa mga subject namin
ngayong quarter. Kung kalian graduating saka mga nagkaganito. Ayos.

Nang matapos na ang klase at makauwi na ako sa amin, dumiretsyo ako sa


kwarto ko para sana matulog. Kaya lang wala pang tatlong minuto magbuhat
nung makahiga ako ay narinig ko na lang bigla ang pagbukas ng pinto ng
kwarto ko.

Kapag may pumasok sa kwarto ko na hindi man lang mag-aabalang kumatok,


alin lang ‘yun kay Mama o kaya kay Piper.

“What are you doing?”

“What do you think?” sarkastiko kong tanong sa kanya.

Hinila niya ang paa ko kaya nausad ako ng kaunti, “Don’t sleep!”

“Bakit na naman? Antok na antok na ko, Pipes. Ano ba ‘yun?”

“We’ll study together. Get up!”

“Ayaw.”

“Don’t be so makulit naman. You might fail, Nate. Sige ka, baka you won’t
graduate if ganyan ka ng ganyan.”

“Wala rin namang papasok sa utak ko. Kanina pa ako inaantok sa school pa
lang. Hayaan mo na akong matulog. Maawa ka naman sa akin,” pagpapaawa ko
pa sa kanya.

“No.”

Napabuntong hininga na lang ako at saka umupo at hinarap siya.


Pinapameywangan niya ako at tinataasan ng kilay.

“Ganito na lang. Bukas na lang tayo magreview. Para rin hindi ko agad
makalimutan ‘yung aaralin natin kapag nag-exam tayo. Ayan, okay na ba?”
Mukhang napaisip siya sa sinabi ko at maya maya ay ngumiti siya at
tinanguan ako, “Then tomorrow it is.” Finally. Makakatulog na ako.

***

Piper’s POV

“Bukas? E ’di ba may parusa tayo?”

“I know. But we can work on our punishment naman some other time. We got
more weeks to do that kaya let’s study muna. It seems like Warren and
Nate needs to study harder din naman kasi they both have a failing mark.”

“If that’s the case, then fine. Mag-aral na lang tayo bukas.”

I ended the call and sleep so that I could get enough rest. Tomorrow,
we’re going to face a battle.

***

The following day, when we finally arrived at the location, Tamara was
already there sitting at the corner.

When she saw us, tumayo na siya para pumasok sa room. We managed to
finish one room na kaya isa na lang. She went inside the messy room. I
guess iniisip niya na maglilinis kami. I wasn’t able to inform her kasi
since wala naman akong contact sa kanya.

For here to be aware, I asked all of them to grab a chair and sit there
while I stand in front of the room.

“It’s not unknown naman to everyone of you that this coming week will be
our periodical exam. There are so many subject and we only have limited
time para magreview. Sa kakaunting time pa na ‘yun, may isang day doon
for our punishment. So nabawasan na naman time natin. So.. I decided na
this day we’ll study together instead of working on our punishment. Who’s
with me?”

I smiled at them hoping that they will raise they hand, but
unfortunately, si Hailey lang ang nagtaas ng kamay.

“Kung ganun pala e ‘di sana hindi na lang ako nagpunta dito. Nagsayang
lang ako ng oras,” sabi ni Tamara.

“Hindi rin. Mas okay kasi na mag-aral tayo ng magkakasama. Kasi syempre
may ibang lessons tayong hindi nagegets. Kung may kasama tayong kaklase,
pwedeng maturuan niya tayo about sa topic na ‘yun. Pwede rin maitest ang
mga naintindihan na natin after nito. Like may magtatanong sa harap tapos
sasagutin ng iba. Tulong tulong kumbaga.”

Tamara seems to be hesitant at first but after a while she shrugged, “Ano
pa nga ba magagawa ko? Nandito na rin naman ako.”

“Good. How about you two?” I faced Nate and Warren, “Why – “

“Nakakatamad mag-aral, Pipes. Pwede ng ipagpabukas ‘yan,” sagot ni Nate.


Bwisit siya. He was the one who told me na ngayon mag-aaral tapos he’ll
refuse just because he don’t feel like studying. Anong klase 'yun?

“Then go home,” iritang sabi ko sa kanya at saka humila ng upuan para


lumapit kay Hailey at Tamara. “Tayo na lang mag-review.”

Inaayos ko na ang dala kong books nang may maghila ng upuan at tumabi sa
akin. Si Warren, “Hindi ko naman sinabi na hindi ako kasali. Kailangan ko
rin talagang mag-aral at baka hindi ako payagang maglaro kapag bumagsak
ako kahit sa isang subject lang.”
“Nahihirapan ka sa History ‘di ba?” tanong ni Tamara sa kanya.

“Oo. Banas kasi. Napakaraming petsa. Saka nakaraan na ‘yun.. bakit


kailangan pang balikan?”

“Minsan kailangan mong balikan ang nakaraan para malaman ang kahalagahan
ng kasalukuyan.”

Napatingin kami kay Hailey na seryosong nagsalita. Napatikom ako ng bibig


kasi kaunti na lang ay matatawa na ako sa sinabi niya. Alam ko naman na
walang nakakatawa kaya lang parang masyadong seryoso at malalim.

“Hashtag hugot?” Dagdag pa niya kaya tuluyan na akong natawa na sinundan


naman ni Warren. Si Tamara ay ngumiti lang ng bahagya at pailing-iling.

Sinubukan naming daldalin si Tamara kaya lang masyado siyang tahimik.


Isang tanong, isang sagot ang nangyayari. Kaya nang magsawa na kami sa
pagdaldal sa kanya ay nag-aya na siyang magreview.

Magsisimula na sana kami kaya lang biglang lumapit sa akin si Nate at


nangalabit.

"Pipes, galit ka?"

Actually I'm not angry. I'm just pissed. And I'm also worried. He might
fail Physics if he'll continue being so tamad.

Many kids want to study but they can't due to financial problems while
here he is.. given the opportunity to study in a good school but refuses
to work harder for his grades due to his laziness. That's so not cool.
"Pipes," hindi ko ulit sya pinansin kaya lumapit siya kay Warren, "P're,
galit ba?" I heard him whispered.

"Tamad mo kasi, gago."

Lumapit ulit sya sa akin at nangalabit, "Pipes, mag-aaral na ko.


Promise."

“Pinky promise?”

“Pink promise.”

“O, tama na ‘yan. Tama na ‘yan. Bati na kayo. Mag-aral na tayo,” eksena
ni Warren at saka tumayo at hinila si Nate.

“May nagseselos,” dinig kong bulong ni Nate pero hindi ko na lang


pinansin.

Napailing na lang sa amin si Tamara at nagsalita, “Anong subject uunahin


natin?” she asked using her monotone voice.

I glanced at Hailey but she just shrugged. Kaya ‘yung dalawang lalaki na
lang ang tiningnan ko.

“Physics.” Sagot ni Nate

“History.” Sagot naman ni Warren.

“Madaya ‘to. Physics muna. Babagsak na ako doon.”

“Ikaw lang ba? Babagsak na rin kaya ako sa History.”

“Mas mahirap intindihan ang Physics. Kailangan pa talagang taimtim na


palaisipan. E ayang History pwede naman ‘yang kabisaduhin lang.”
“Mahirap pala ‘yang Physics e ‘di ayan na lang ang ihuli. Bakit mo
uunahin ‘yan kung mahirap. Ano gusto mo, simula pa lang tuyo na agad utak
natin?”

Palit palit ang tingin ko sa dalawang nagbabangayan. They look like a


kid. Are they seriously fighting over this petty thing? Just because of a
subject?

Kaya lang I noticed Nate. I know him too well. Parang he just wants to
piss Warren. Ganito na talaga ‘tong si Nate ever since. He’s really such
a kid.

“Ano ba ‘yan? Para kayong mga bata,” suway ni Tamara sa kanila,


“Nasasayang lang ‘yung oras ko kakapanuod sa pagtatalo niyo.”

“Tamara..” tawag sa kanya ni Nate, “bakit laging mainit ulo mo?”

“Pakialam mo?”

“Nagtatanong lang naman.”

“Para matigil, ganito na lang. Solo solo tayo ng review. May magtuturo sa
inyo Warren at Nate," pagsingit ni Hailey.

“Paturo,” sabay na sabi nila sa akin.

After that, they started arguing again. I’m just watching those two when
Hunter suddenly enters the room. That moment, parang may bulb na umilaw
sa ibabaw ng ulo ko.

“Sorry, boys, I’ll teach Hunter instead,” saka ko tinuro si Hunter na


parang ewan lang na nakatingin sa aming lima. “Hailey, who will you
choose para turuan? Is it Nate? Or Warren?”

“I like Physics better so I’ll teach Nate.”


“That means Tamara will tutor Warren. Okay, we’re settled. Game na.” I
told them.

Lumapit ako kay Hunter, “We’ll be studying instead of cleaning.


Periodical exam na kaya we need to study. Where should we stay to study?
Doon sa.. oh. Wait. I know na. Let’s go sa may mga trees.”

He doesn’t want to follow me kaya hinila ko na lang siya.

Nang makarating kami sa may mga puno, I immediately take my things out.

“What subject do you want to study first?”

“Hindi naman ako pumayag mag-aral.”

“But you have to. You might fail if you don’t.”

“I won’t.”

Napatingin ako sa kanya kasi parang siguradong sigurado siya na hindi


siya babagsak.

“How sure are you? Ilang teachers na ba natin ang nagsabing malapit ka
nang bumagsak? Ang dami na kaya.”

He smirked and sat beside me, “Let’s see. Sige, magreview tayo.” Papayag
din pala pinahaba pa usapan.

I was about to give him my book in History because I’m sure na wala
siyang dala but bigla siyang sumandal sa may puno and crosses his arms.
“What are you doing?”

“Akala ko ba magrereview tayo? Magtanong ka na,” bored na sagot niya.

“Hindi mo pa nababasa ‘to kaya paanong – “

“Ask.”

I rolled my eyes at him and ask him a question.

“Which country had the Philippines as its colony for more than 300
years?”

“Spain.”

“Who arrived in Cebu in 1565 to establish the first Spanish settlement in


the Philippines?”

“Miguel Lopez de Legazpi.”

“Who founded the Socialist Party of the Philippines in 1929, which merged
with the older Communist Party of the Philippines in 1939?”

“Pedro Abad Santos.”

“Who’s the first woman to top the Philippine Bar Examination?”

“Tecla San Andres Ziga.”

“Who’s the first woman member of the Katipunan?”

“Marina Dizon.”

“When did the Philippines become independent?”

“July 4, 1946.”
I keep on asking him questions and he keeps on answering the right
answers. This is unbelievable. Siguro isa or dalawa lang ang namali niya
sa napakaraming questions na ibinato ko sa kanya. He’s a freaking genius.
Kaya bakit naging alanganin ang grade niya?

“You’re matalino. Bakit ka binigyan ng warning na babagsak ka?”

“I don’t take quizzes.”

“What? Why? Wait, huh? How did that happen?”

“Huwag ka na ngang matanong,” pagsusungit niya.

Kaya lang I can’t stop myself from wondering how the hell he had a
warning when in reality he’s so wise.

“Bakit nga kasi? Dali na, sabihin mo na. I won’t be able to concentrate
if – “

“Nosy.”

“I know and I don’t care. Kaya bakit nga?”

Napakunot ang noo niya nang tumingin sa akin at umiling, “Paano ako
magquiquiz kung palagi naman akong tulog sa klase?”

“Every quiz ka bang tulog? There are times naman siguro na gising ka.”

“Meron. Hindi rin ako nagsasagot kapag may quiz.”


“Why?”

Parang nainis na siya sa kakatanong ko kaya sumandal na lang at pumikit.


Lagi talagang tulog ‘to. Siguro kasi every night nagpaparty siya. Or
nangbubugbog.

“Hey, why?”

“Magtigil ka nga.”

“Bakit muna?”

“Pakialam mo?”

“Curious ako e. So.. why?”

Nang i-open niya ang mata niya, sinamaan niya ako ng tingin. As in super
sama. I think this is the most frightening stare he ever threw at me, but
I just decided to smile at him and ask, “Why?” He’s eyebrows creases.

He shook his head, “Wala akong papel.”

Nang marinig ko ang sagot niya, parang nagloading ‘yung utak ko. Hindi ba
parang ang babaw ng rason na ‘yun.

“Papel? What? Why didn’t you ask your seatmate to give you one?”

“Ayoko lang.”

“Why don’t you buy then?”

“Ayoko rin.”
This guy is really weird. He does anything he pleases.

“Tapos ka na ba kakatanong?” he asks sarcastically.

“Yah. I guess. It seems like alam mo naman pala ang sagot sa tanong ko.”

“Ako naman.”

“Huh?”

“Hindi ka ba natatakot sa akin?" He asked.

That's a really weird question.

=================

Chapter 19: Hunter the Rebel

Piper’s POV

“Hindi ka ba natatakot sa akin?”

I raised my eyebrow at him. Scared? Bakit naman?


“Multo ka ba?” I asked.

He looks so confused for a second, “Pick up line ba ‘yan?” Nandidiri


niyang tanong.

“Eww. As if. So kadiri,” parang nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.


That’s so gross. Like totally gross. Why would I do something like that?
Duh. “I mean, why would I be scared? Nakakatakot ka ba? No, you’re not.
Unless you’re a ghost or a flying cockroach then yes, nakakatakot ka. But
hindi ka naman ganun ‘di ba?”

“Weird mo,” poker face niyang sabi.

I’m not weird. Siya ang weird. Out of the blue, mag-aask siya ng stupid
question.

“What are we going to do next?” Wala na rin naman use kahit i-review ko
pa siya kasi it seems like he knows everything na.

“Matutulog,” sagot niya at humiga na sa damuhan.

Si tulog! Si tulog! Wala ng ibang alam gawin kundi matulog!

To piss him, I pushed him over and over again. He keeps on sleeping kasi.

“Don’t sleep. Don’t sleep. Don’t sleep.”

“Ano ba!”
Napaupo ako sa damuhan nang bigla siyang umupo at tingnan ako ng masama.
I stick out my tongue at him, “You can’t sleep.”

“Ang gulo mo kasi!”

“Bakit ba kasi tulog ka ng tulog?”

“Wala kang paki! Umalis ka nga diyan.”

“No, I won’t move. Not until sabihin mo sa akin kung bakit lagi kang
inaantok.”

“Huwag ka ngang pakialamera.”

“Pinapakialaman ba kita? Hindi naman ha. I’m just asking.”

“E ‘di huwag kang chismosa! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!”

“Magreview na lang tayo kahit alam mo na lahat.”

Inis na inis siyang napakamot sa ulo niya, “Look, pagod ako. Kailangan
kong matulog. Kung ikaw nagagawa mong magkaroon ng maayos na tulog, pwes
ako hindi. Kaya tigilan mo ako at hayaan mo akong matulog.”

I was about to speak but decided against it. Okay. Fine. I won’t push
myself on someone who doesn’t want to talk to me.

Nagreview ako ng ibang subjects na hindi ko pa nababasa at nang


makaramdam ako ng pagod, napasandal na lang ako sa puno at nakinig sa
music. I was so lost in the music na hindi ko na napansin na I’m slowly
drifting to sleep.

***

Hunter's POV
Tangina naman. Sakit sa ulo ng maikling tulog. Pasakit talaga kapag
Sabado e. Bakit ba kasi ang daming arte ng eskwelahan na 'yun. Sa halip
na nagpapahinga sa bahay naoobliga pang maglinis ng classroom na hindi ko
naman mapapakinabangan. Badtrip. Kung di ko lang talaga kailangan
makagraduate di ako mag-aabala sa pesteng parusa na ‘to e.

Pagtayo ko, muntik na akong mauntog sa babaeng maingay. Kita mo 'to.


Kanina nag-iinarte at ayaw akong patulugin tapos ngayon siya 'tong
matutulog tulog. Peste, gulo!

"Piper!"

Sumulpot na parang kabute 'yung basketball player at umupo sa tapat nung


babaeng maingay. Parang tanga na nakatitig sa pagmumukha nung babae.
Halata masyado. Kunsonada niya nga 'to.

"Hoy! Pinahirapan mo ba 'to?"

Sinasabi ng gagong 'to?

"Siguro hindi ka nakikipagcooperate sa kanya kaya nakatulog na siya sa


sobrang pagod."

Tangina. Imbento ang siraulo. Dumada na lang siya diyan. Bahala siya sa
buhay niya.
“Huh? Warren? Why are you here? Tapos na kayo mag-reveiw?” tanong niya
nang magising.

“Oo. Sumasakit na utak ko e. Kailangan muna ng break. At saka lunch na


kaya. Wala ba kayong balak kumain?”

“Oh, jeez. Oo nga. Kaya pala I’m starting to feel hungry na. I haven’t
eaten breakfast pa naman.”

“Tara,” inalalayan niya pang tumayo itong isa.

Hihilahin na sana nung basketball player ‘yung maingay na babae kaya lang
ay yumuko ito at inilahad ang kamay sa akin.

Gagawin ko sa kamay niya? Tss.

“Let’s eat. Come on,” nginitian niya pa ako at mas inilapit ang kamay
niya sa pagmumukha ko.

Mukha bang kailangan ko pa ng tulong niya? Mukha bang hindi ko kaya mag-
isa? Abot abot pa ng kamay. Banas.

“Marunong ako tumayo.”

“Sungit. Siya na nga lang inaaya,” bulong niya pa saka ako inirapan,
“Tara na nga, Warren. Let’s leave that guy. He can do everything on his
own naman na.”

Napailing na lang ako sa inasal niya. Pikon pala.


***

Matapos kumain ay bumalik kami sa pagrereview. Nakatambay na naman kaming


dalawa nung maingay sa ilalim ng mg puno kaya lang tahimik na siya
ngayon. Buti na lang.

Matutulog na sana ako para sa siesta ko nang bigla niyang ibalibag ang
libro niya saka parang naging batang bwisit na bwisit. Ilang sandali lang
ay pinulot din niya iyon at binasa na naman.

“Damn it. I can’t get this item right.”

Sinasagutan na naman niya ang kung ano man kaya lang bigla niyang nilukot
at binilog ang papel saka tinapon. Pagkatapon ay tumayo at tumakbo rin
siya para pulutin ‘yung papel at saka siya bumalik, umupo at inilagay sa
gilid niya ang papel, “Ayan ha, pinulot ko ulit. I’ll throw this away
later,” ako ang kinakausap niya pero sa libro siya nakatingin. Bastos.

Nagfofocus siya sa pagsagot nang dahan dahan kong kinuha ‘yung papel na
tinapon niya kanina. Nakasulat doon ‘yung problem na kanina pa ata niya
sinasagutan.

“Ugh! So frustrating!”

“Akin na ballpen mo.”

“What?”

“Ballpen,” iniabot niya sa akin ang ballpen at sinimulan ko nang sagutan


‘yung kanina niya pa pilit sinasagutan.

Nang makuha ko na ang sagot ay saka ko itinapon sa kanya ang papel.


Tinitigan niya ‘yun nang may nanlalaking mata, “Woah. How did you get
this?”

Hindi ko siya pinansin at sumandal na sa puno. Sinagutan ko na nga tapos


magpapaturo pa siya? Swerte niya. Asa pa!
“Hey. How did you get this?”

“Uy, paano?”

“Teach me!”

Tangina nakakabanas na. Ang ingay ingay talaga ng babaeng ‘to. Hindi ko
na nga pinapansin daldal pa ng daldal. Manigas siya diyan!

“Uy, paano ba ‘to?”

“Teach me, please.”

“Teach me, Hunter, please. Please, Hunter. Please. Please.”

“Oo na! Oo na! Manahimik ka na pwede?!”

“Pwede naman. Go.”

Tinuro ko sa kanya ang tamang formula at equation. Ayos na rin dahil


kahit papaano ay mabilis ang pick-up ng babaeng ‘to. Hindi ko na
kailangan pang ulitin ang pagpapaliwanag ko.

“Pipes! Pipes!” sigaw nung may tama sa ulo na lalaki na madalas kasama
nitong maingay na ‘to habang papalapit sa amin.

“Tapos na kayo?” tanong niya pa.


“Hindi pa. May hindi kami masagutan. Tinanong ko na rin kay Tamara at
Hailey pero wala talaga. Hindi na ako nagtanong kay Warren, hindi naman
niya masasagot.”

“Hoy, Scott! Masyado mo kong minamaliit!”

Tangina naman. May kasama na nga akong isang maingay na babae dito
madadagdagan pa ng dalawang maingay na lalaki. Sinabit pa ‘tong dalawang
babae na palaging sabukot ang mukha. Tangina, ‘yung siesta ko. Wala na!

“Kaya mo ba?!”

Nang tingnan nung basketball player ‘yung papel, ibinalik lang din niya
‘yun sa mukhang baliw. Hindi rin naman pala kayang sagutan nagmamaangas
pa. Tss.

“Ano? Hindi mo naman pala kaya. Magyayabang e!”

“Quit it, boys. Pakita niyo na lang kay Piper baka sakaling masagutan
niya,” utos nung nerd. “Try mo nga, Piper. Sakit sa ulo. Hindi ko
masagutan. May namamali.”

Inabot nila ‘yung papel sa maingay na babae. Bigla niyang napalo ‘yung
papel na iniabot sa kaniya, “This! Ito rin ‘yung hindi ko masagutan
kanina. Hunter solved this kanina.”

“Nice joke,” sabay tawa nung dalawang lalaki.

Tss. Sarap bangasan ng mga ‘to.


“I’m serious kaya. Huy, Hunter, teach them nga.”

“Turuan mo silang mag-isa,” sagot ko lang sa kaniya saka siya tinalikuran


at nahiga.

Matutulog ako. Wala akong pakialam kung mag-aral sila o hindi.

***

Piper’s POV

I really don’t get this guy. He keeps on sleeping. It’s like all he wants
to do in life is to sleep. He’s a freaking genius yet he doesn’t show it.
One moment he’ll be nice, the next thing you know it, he’ll be rude. He’s
freaking complicated.

“There you go. That’s how you solve this.”

“Ayos ha. Talino ng bestfriend ko.”

“I told you.. Hunter solved that. Not me.”

“Seryoso ka ba diyan?” Hailey asked.

Napatango ako, “I swear on all my bags and shoes and clothes, Hunter
solved that.”
“Ang hirap maniwala,” naiiling sa sagot ni Warren.

“Then don’t. Basta he taught me the right equation.”

“Why would he do that? Knowing him.. it’s not in his nature to help or
teach someone.”

“Maybe you really don’t know him. Looks can be deceiving. There’s so much
more than what the naked eyes could see.”

They decided to end the conversation about Hunter. Parang it’s rude din
naman kasi na he’s sleeping beside us while we’re talking about him.

Nagreview na lang ulit kami, but this time, lima na kami.

“Gutom na ako,” reklamo ni Nate.

“E ‘di bumili ka ng pagkain mo,” kontra sa kaniya ni Nate. Kanina pa


‘tong dalawang ‘to. Nang-iinis na naman si Warren kaya kinokontra na
naman ‘tong si Nate.

But me too. Gutom na ako, “I’m hungry na rin.”

“Tara, Nate. Bili na tayo.”

Napatingin sa akin si Hailey at parang nagpipigil ng tawa kaya I shrugged


na lang.

Sa bandang huli, both of them decided to buy food for all of us. Even for
Hunter who’s sleeping. My friends are really nice.
“Saang school ka nanggaling before ka magtransfer sa Kingdom High,” I
asked Tamara just to start a conversation.

“Sa malapit sa amin,” she shrugged.

“Bakit ka lumipat?”

“Wala lang.”

Ang hirap niyang kausap in all fairness. Parang she doesn’t like to
continue the conversation kasi. Napatingin ako kay Hailey and gave her a
sign na makipagkwentuhan kay Tamara.

“Kamusta naman buhay sa Kingdom High?”

I almost laugh when I heard Hailey’s question.

“Ayos lang.”

“May friends ka na ba doon?”

Tamara raised an eyebrow at Hailey. Even I did the same. When Hailey
finally realizes the question she just asked her, she automatically slaps
her forehead.

“Sorry, wrong choice of question. Ang hirap mo naman kasing kausapin.


Isang tanong, isang sagot. Tahimik ka ba talaga?”

“Oo.”
“You’re so mysterious. “ I told her.

“Tingin mo?”

“Yah. But of course I won’t force you to open up to us since we’re not
that close. Kaya I’ll try to be closer to you para eventually, makapag
open up ka na.”

“Right. Gusto ko ‘yan ideya mo, Pipes. I’ll do the same,” Hailey said.

Napakunot ng noo si Tamara sa amin, “I don’t get it.”

“Ang alin?” sabay na tanong namin ni Hailey.

“Weeks ago, halos magpatayan na kayong dalawa sa harapan ko. Ngayon


naman, parang matalik na magkaibigan na kayo kung magturingan.”

Napatingin ako kay Hailey at tinanguan ko siya para siya na ang


magkwento.

“Magkaibagan na kami magbuhat noong pinanganak kami. Nasira lang ‘yung


pagkakaibigan na ‘yun dahil sa katigasan ng ulo ko pati sa sobrang taas
ng pride ko. Kaya lang syempre, naayos na rin naman ‘yun kaya ito..
bestfriends na ulit kami.”

Kwinento pa namin kay Tamara ang ibang nangyari sa amin minus the
personal stuff. It seems like she’s more comfortable na ngayon kaysa
kanina. She’s still not telling stories about herself but at least she’s
listening to what we’re trying to tell her.

Hanggang sa dumating ‘yung dalawang boys ay nagkwekwentuhan pa rin kami.


Naawa rin ako kay Hunter so I tried to wake him up. He did naman kaya
lang he didn’t participate in our kwentuhan.

***

“Dad, are you hungry?” I asked daddy when I saw him watching TV.

“Kanina hindi. Pero ngayong tinanong mo na, oo.”

“Let’s eat. Nagtingin ako sa ref, kaya lang wala namang cooked food na
doon.”

Dad checked the wall clock then looks at me, “It’s 1am already, Pipes.
Saan ka kukuha ng pagkain? Are you going to cook?”

“Nah. Let’s eat outside.”

Parang nagdalawang isip pa siya but I did my best paawa face kaya pumayag
din si daddy.

“Magsulat ka ng memo sa mommy mo at idikit mo sa ref. Baka mamaya


magising ‘yun habang nasa labas tayo.”

We searched for a place to eat and we found a 24/7 pizza house. We


decided to eat there kaya I know my tummy will be very happy.

I took a seat while dad orders. He knew naman na what I like kaya I don’t
need to remind him anymore.
“Maghintay na lang daw saglit. Iseserve na rin nila ‘yung food.”

“Okay, dad.”

Nagkwentuhan kami ni daddy while waiting for the food. I told him to make
kwento ulit their barkada’s love stories.

I don’t know but ever since I was a little kid until now, I never get
tired listening to their love stories. It’s dream-like yet realistic.
Tapos everyone of them went through a different kind of challenges but
they managed to overcome it all. Saka every time nagkaroon ng problem ang
isa sa kanila, never silang nag-iwanan. Naghiwalay sila tapos mga
nagkabalikan. It’s like a fairytale.

Nasa part pa lang siya kung saan niya unang narinig ‘yung voice ni mommy
nang dumating na ‘yung order.

Parang nagkaroon ng heart shape ‘yung eyes ko nang makita ‘yung pizza. I
was about to ask for a hot sauce doon sa nagserve sa amin kaya lang I was
so shocked when I saw who served us.

“Hunter?”

Since I was facing the other side kanina, mukhang pati siya ay nagulat
nang makita ako. Hmm. Another facial expression, huh. Hunter’s shocked
face. This is new.

=================

Chapter 20: Curiosity

Warren’s POV
Nakakabanas! Ang sakit sa ulo ng sunod sunod na exam. Pero ayos na rin
naman ngayon. Huling araw na namin sa pagsagot ng mga exams. Ilang araw
na lang intrams na. Yeah!

“Time’s up! Ipasa niyo na ang mga papel niyo.”

Ipinasa ko na ang papel ko at nag-unat. Ito na! Sa wakas! Kalayaan!

“Captain, pinapatawag tayo ni coach,” tawag sa akin ng isa sa teammate


ko.

Tapos na rin naman ang exam at umalis na ang teacher namin kaya agad
akong lumabas para puntahan si coach. Ano kayang meron at biglaang
nagpatawag itong si coach?

Halos kumpleto na ang teammates ko nang makarating ako sa may locker room
pero wala pa si coach. Binungaran agad nila ako ng high-five at mga
pagbati.

“May sinabi na ba bakit nagpapatawag?”

“Wala pa nga, captain e. Pero malamang tungkol sa darating na intrams


‘yan.”

“Baka hahatiin na naman tayo sa apat na grupo para maglaro?”

“Baka naman magpapapasok ulit ng team galing ibang school para ipalaban
sa atin?”

“Baka – “
Natigil ang panghuhula naming ng biglang dumating si coach.

“Coach, bakit niyo po kami ipinatawag?”

“Sa darating na intrams, magkakaroon ng kaunting pagbabago. Kaunti lang


naman.”

“Ano po ‘yun, coach?”

“Lalaban kayo sa ibang grupo.”

Napakunot ‘yung noo ko sa isinagot ni coach. Malamang lalaban kami sa


ibang grupo. Saan ka nakakitang nagbabasketball na iisang team lang ang
naglalaro at walang kalaban? Ano ‘yun, pasahan lang ng bola tapos shoot
agad. Walang agawan palibhasa lahat magkakakampi. Gaguhan lang?

“Idadagdag ko sa magiging laro sa intrams ang game niyo sa PE.”

“Teka, coach. Isasama niyo na sa percentage sa grade namin ‘yung


basketball this intrams? Paano naman ‘yung mga babae? Magkaiba kami ng
magiging criteria?” tanong ng isa sa grupo ko. Sabagay, may punto siya. E
estudyante naman niya ang buong fourth year sa PE.

“Nag-iisip ka ba? Basketball lang ba ang sports sa intrams? May iba pa


ha.” May punto rin pala ‘tong si coach.

“Oo na nga po. Sorry na.”

Pagkatapos noon ay pinabalik na rin niya kami sa kanya kanyang klase.


***

“Unfair naman ata ‘yun! Hindi naman lahat physically fit na parang kayo.
Bakit naman magiging factor din ‘yun para sa grades?” reklamo ni Hailey.

“Physical education nga, Hails. Ano ba. At isa pa, hindi naman siguro
unfair ‘yun. Bakit naman kami. Narinig mo ba kaming nagsabi na unfair
kapag nagtetake tayo ng exams?”

“Bakit niyo naman sasabihin ‘yun e part ‘yun ng pag-aaral?”

“Pero hindi naman lahat kasing talino mo. Kung ibabase lang sa resulta ng
exam ang grades, e di dapat unfair din para sa amin ‘yun? Ang ginagawa mo
ang unfair. Hindi patas sa ‘yo ang isang bagay kapag dehado ka sa tingin
mo, pero kapag alam mong nag-eexcel ka sa bagay na ‘yun biglang patas na?
Ano kaya ‘yun?”

Nagpatuloy pa sa pagtatalo si Hailey at Nate dahil naikwento ko sa kanila


‘yung sinabi ni coach. Ayaw na ayaw pa naman ni Hailey na napapagod siya.
Kulong kasi sa bahay kaya ayan.. tamad na tamad sa mga physical exercises
o kaya sa sports.

“Hindi mo ba aawatin?” siko ko kay Piper na pinapanuod lang ‘yung


dalawang nagsasagutan.

“Nah. Waste of energy. Hindi naman sila papapigil for sure.”

“Ikaw, wala ka bang reklamo sa terms ni coach?”

“None naman. May advantage kayo, yes, but who cares? Diyan kayo magaling
so I don’t see anything wrong if you, guys, score the highest on PE. I
can play volleyball din naman so walang problem sa akin ‘yun.”

“Anong – “

“Hey! What if we train Hailey?”


Napangiti na lang ako sa kanya at tumango. Para siyang bata na pumalakpak
at ngumiti ng sobrang lapad.

With that kind of attitude, how am I supposed to move on from you, Piper?
F*ck whoever invented friendzone.

***

Sa klase, nang maibalik na ang mga papel namin sa exam ay nagsimula na


rin ang mga teacher namin sa pagtuturo. Walang patawad. Sinasagad ata
talaga kami ngayong linggo. Konting tiis na lang.. konti na lang talaga
at makakapag-enjoy na kami sa darating na intrams.

“Okay, nakinig ba kayong lahat sa discussion?” tanong ng teacher namin.

Kung pwede lang sumagot ng ‘syempre po hindi’ baka naisagot ko na ‘yan.

“Para malaman kung sino ang nakinig, may surprise quiz ako para sa inyo.
Get one whole sheet of paper.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng teacher namin. Seryoso ba siya? After


exam, quiz na agad? Walang patawad! Nasaan na ba ang katarungan?!

“Pengeng papel,” kalabit ko sa kagrupo kong nasa unahan.

“Ma’am! Excuse me lang po. Naiwan ko po’yung paper ko sa shelf sa likod.


I’ll just get it lang po,” paalam ni Piper at tinanguan naman siya ng
teacher namin.
Hindi ko alam kung bakit pinanuod ko siyang maglakad hanggang sa likod.
Nandoon nga ang papel niya. Kaya lang bigla siyang pumunit ng ilang
piraso ng papel at tumingin tingin sa paligid. Naglakad ulit siya pero
napansin ko ang pagsipa niya sa upuan ng natutulog na si Hunter at
pasimpleng paglaglag niya ng papel. Walang nakapansin na iba naming
kaklase sa ginawa niya palibhasa ay mag-isa lang si Hunter na nakaupo sa
likod dahil ayaw niya ng may katabi at ayaw rin siyang makatabi ng kahit
na sino.

Pero teka lang. Sinadya ba ni Piper na bigyan ng papel si Hunter? Kung


oo.. bakit niya gagawin ‘yun? Para saan? Kailan pa sila naging close at
umabot na sa puntong mag-aabala pa siyang tulungan si Hunter?

Gusto ko sanang itanong ang lahat ng ‘yun kay Piper kaya lang hindi ko
naman siya pwedeng kausapin dito sa loob ng school. Kaya maghihintay na
lang ako na mag-uwian para mapuntahan ko siya sa kanila.

“Captain, practice daw pagkatapos ng klase.”

“Sige.”

Bago mag-uwian ay nasabi na ni coach ang balak para sa intrams. Syempre


maraming nagreklamo kaya lang ano ba ang magagawa nila? Hindi naman sila
ang batas.

Nagpractice na rin kami matapos ‘yun. Ilang oras kaming nasa gym at nang
matapos ang practice ay dumiretsyo ako sa bahay nila Piper. Hindi ko alam
kung bakit ginagawa kong big deal ang pagbibigay niya ng papel kaya lang
hindi ko naman macontrol ‘yung sarili kong alamin ang dahilan.

Kaya lang malas ata talaga ngayon e. Nag-grocery pala si Piper kasama si
Tita Ayu. Kaya malamang ay ipagpapabukas ko na ang pagtatanong. Tutal
naman magkikita kami bukas para sa parusa na hindi na namin natapos
tapos.

***

Humahanap ako ng tyempo para kausapin si Piper habang naglilinis kami ng


classroom kaya lang kung hindi nakagitgit sa kaniya si Nate ay
kakwentuhan niya si Hailey o ‘di kaya ay kinakausap niya si Tamara. Ayoko
naman kasing magtanong kay Piper sa harap nila.

“Tamara,” tawag ko dito nang makatabi ko siya habang nag-aayos ng


bintana.

Hindi niya ako sinagot pero alam kong nakikinig siya. Napatingin ulit ako
kay Piper na nakikipagharutan kay Nate at Hailey at saka kay Hunter na
nag-aayos ng pinto.

“Kung hindi ka ba close sa isang tao, mag-aabala ka pang gisingin siya


dahil magkakaroon ng quiz at pasimple mo pa siyang bibigyan ng papel?
Isusugal mo ba na mahuling nilalabag ang rule para sa taong hindi naman
sobrang lapit sa ‘yo?”

Napatigil si Tamara sa ginagawa niya at saka ako tiningnan kaya lang ang
neutral lang ng tingin niya, “Problema mo?”

“Curious lang naman. Ano? Gagawin mo ba ‘yun?”

Inirapan lang niya ako at bumalik na sa ginagawa niya.

Ang sungit naman nito. Parang nagtatanong lang. Ayos pa kung sabihin
niyang hindi niya alam o wala siyang pakialam e. Kaya lang hindi niya
lang ako pinansin. Ano ba’yan!

Bumalik na lang ulit ako sa ginagawa ko at nanatili kaming tahimik


pareho. Kaya lang, pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita rin siya,
“Hindi. Bakit ako gagawa ng ganung bagay sa taong hindi naman malapit sa
akin? Magsasayang lang ako ng panahon.”

Napatango na lang ako. Ganoon din kasi ang iniisip ko.


Tss. Nakakabanas talaga. Ano ba ‘tong iniisip ko? Magtigil ka nga lang,
Warren! Sadyang mabait lang si Piper. Isa pa, ano bang pakialam mo?

Bandang alas tres na ng hapon, habang nagpapahinga kami sa classroom ay


biglang nag-aya si Piper maglaro ng volleyball. Nagdala siya ng bola para
na rin daw makapaghanda na silang mga babae sa intrams.

“Game, guys. Come on.”

“Pero hindi naman ako marunong niyan,” reklamo ni Hailey.

“Kaya nga we’ll play. For you to learn. Magsanay ka na ngayon so you
won’t make a fool out of yourself sa intrams.”

“But – “

“This is for you, Hails. Is it okay for you to pull down your grade in PE
just because you don’t know how to play volleyball?”

“Fine. Let’s do this.”

“Uy, Tamara, sasali ka rin ha. Practice na ‘to.”

Pumayag naman si Tamara kaya nagpunta kami sa may likod para doon
maglaro. Malawak kasi ‘yung lugar. Inabutan din namin doon si Hunter na
natutulog sa ilalim ng puno kung saan siya palaging nakapwesto.

“Oy, Guevarra! Sali ka!” sigaw ni Nate kay Hunter pero hindi siya sinagot
nito. Lalapitan pa sana niya si Hunter kaya lang ay pinigilan siya ni
Piper.

“Ano.. let him sleep. Tayo na lang maglaro.”

“Pero hindi balance. 2 on 3?”


“I won’t play na lang. Ako na lang – “

“Sumali ka na. Ako na lang ang mag-iiskor sa inyo,” sabi ko kay Piper.

Sila naman ang maglalaro ng volleyball at hindi ako. Kaya mas mahalagang
makapaglaro silang tatlo kaysa sa amin ni Nate.

Nagkakatuwaan na sila sa paglalaro at kahit papaano ay nakakatama na ng


bola si Hailey. Tulad naman ni Piper, marunong din palang maglaro itong
si Tamara. Magaling nga pala 'to siya sa sports.

Hanggang sa napalakas ang tira ni Nate sa bola kaya dumiretsyo ‘yun sa


pwesto ni Hunter at tinamaan sa tagiliran.

Nagising siya at saka tumingin ng sobrang sama sa direksyon namin.

“Kailangan ko na bang ihanda ang huling habilin ko?” tanong ni Nate.


Nagawa pang magbiro ng gago.

Mukhang patayo na si Hunter kaya lang ay biglang tumakbo si Piper papunta


sa kaniya at saka siya kinausap. Hindi namin naririnig ang usapan nila
pero halata namang pinapaliwanag ni Piper ang nangyari. Ilang segundo
lang din ay kinuha na niya ang bola at saka iniwan si Hunter.

“Let’s move a little bit, guys. Baka matamaan na naman ‘yung maiintin
‘yung ulo na lalaki.”

“Anong sinabi mo sa kanya? Anong pinag-usapan niyo?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman. I just said sorry. That’s all. Tara na.”


Sumunod na ang iba pero ako ay naiwan lang na nakatingin sa kaniya at
saka napatingin kay Hunter.

“Do I smell jealousy?” tanong ni Tamara at saka ako dinaanan.

Selos? Kanino? Kay Piper at Hunter? Ha. Curious lang naman. Isa pa..
Anong karapatan kong magselos? Kaibigan lang naman niya ako.

=================

Chapter 21: Matter of timing

Hailey’s POV

“Do I smell jealousy?”

Narinig ko nang itanong ni Tamara kay Warren ‘yun. Napangiwi na lang ako.
Gusto ko sanang lumapit para tapikin siya at sabihin na, I’ve been there,
Warren. Believe me, I’ve been there. Kaya lang parang ang awkward naman
kung gagawin ko ‘yun. Baka instead na mapagaan ko loob niya, mas
mapabigat ko lang.

Para tuloy nawala sa mood si Warren habang naglalaro kami ng volleyball


dahil sa sinabi ni Tamara.

E kaya nga lang pala.. bakit siya magiging super affected? Akala ko ba
tanggap na niyang hanggang kaibigan na lang siya? Kung ganito ang
nagiging reaksyon niya, then obviously hindi niya pa tanggap at in denial
lang talaga siya kasi ang totoo.. he wishes for something.. more. More
than what Piper could offer.

“Hails.. anong problema niyang kaibigan mo?” tanong sa akin ni Nate


habang naglalakad kami pauwi sa subdivision.

“Ha? Anong problema?”

“Tinatanong ko nga, ‘di ba?”

“Ha?”

Napakamot na sa ulo si Nate, “Ano kakong problema niyang si Warren? Bigla


bigla na lang naging ganiyan. Kanina naman okay pa siya tapos bigla na
lang nawala sa mood. Masakit ba tiyan?”

“I noticed that, too. Is he okay? Is he having some problems or


something? Maybe we could help?” dagdag pa ni Piper.

Ako lang ba talaga ang nakakahalata na nagseselos si Warren kay Hunter


dahil sa binibigyan siya ng atensyon ni Piper? On the other hand, hindi
ko naman mapapansin ‘yun kung hindi ko narinig ‘yung sinabi ni Tamara.

Kahit na gusto kong sabihin kay Nate at Pipes ang bagay na ‘yun, sa
tingin ko mas tama na manahimik na lang. Hindi ko pa naman nakakausap si
Warren tungkol doon at nakukumpirma na nagseselos nga siya. Isa pa, hindi
naman ako ang nasa tamang posisyon para sabihin o ipagkalat ‘yun.

Kaya para makaiwas sa pagsisinungaling ay nagkibit balikat na lang ako.


Mas okay na ‘yun kaysa magsinungaling ako at sabihin na wala akong
kaalam-alam kahit na ang totoo, meron naman kahit papaano.

***
Busy ako sa pagbabasa ng libro sa kwarto ko nang biglang pumasok si
mommy.

“Pupunta lang kami ni daddy mo kila Tito Xander mo sandali.”

“Ano pong gagawin niyo dun?”

“Wala lang. Diyan ka lang ba muna o sasama ka?”

“Magbabasa na lang po muna ako dito.”

“Okay. I’ll lock the gate ha? Dalhin na lang namin ‘yung keys. May spare
ka naman.”

Wait. Warren.

Baka ito na ‘yung time para makausap ko siya. Mukha kasing didibdibin
lang nun ‘yung selos niya at hindi magsasalita. Ganoon naman siya palagi.
Baka kailangan niya ng kaibigan pero nahihiya lang mag-open kasi una,
kami ni Nate, friends din with Piper; pangalawa, hindi niya pwedeng i-
open ang topic na ‘to sa ibang jocks kasi malalaman nila ‘yung secret
namin.

Agad kong sinarado ‘yung libro ko, na nakalimutan ko nang iipit ‘yung
bookmark para malaman kung saan ba ako nahinto, at sumunod kila mommy.

“Mommy! Sama ako!”

“O, akala ko ba magbabasa ka?”

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako at pumunta na kila Tito Xander.


Nang makarating doon ay nagmano ako sa kanila ni Tita Yannie at hinanap
si Warren.

“Nasa likod ata. Nagbabasketball.”

“Sige po. Puntahan ko po muna,” paalam ko kay Tita Yannie at saka humarap
kay mommy, “Mommy, daddy, patawag na lang kapag uuwi na.”

“Okay.”

Inabutan ko si Warren na nagbabasketball sa likod nila. Mukhang serysong


seryoso siya sa pagshoot ng bola sa ring. Kapag sumablay, tatakbo agad
siya para i-rebound ang bola. Kapag naman pasok, tatakbo pa rin siya para
pulutin ‘yun at i-shoot na naman. Paulit-ulit lang ‘yung ginagawa niya.
Takbo, shoot, takbo, rebound, takbo, pulot. Hindi ba siya napapagod?

Ilang minuto na rin ako nakaupo sa gilid niya pero mukhang hindi niya ako
napapansin. Masyadong nakatuon ang atensyon niya sa bola para magawa pang
pansinin na may iba pa siyang tao na kasama.

Nang sumablay na naman ang bola at i-shoot niya ‘yun, sumablay na naman
ito. Sinubukan niya ulit i-shoot pero sablay na naman. Nabwisit na rin
ata siya kaya sa bandang dulo ay ihinagis na niya ang bola at saka
bahagyang yumuko at humawak sa tuhod niya habang naghahabol ng hininga.

Umupo pa siya sa sahig at mukhang walang balak tumayo agad kaya pumasok
na lang ako ng bahay nila para ikuha siya ng tubig.

“Isama mo na ‘tong bimpo,” biglang sulpot ni Tita Yannie at inabot sa


akin ang bimpo. “He seems to have a problem. Wala na naman sa mood ‘yan
kanina pag-uwi niyo. Alam mo ba kung anong nangyari?”

Tulad kanina, naisip ko na wala talaga ako sa lugar para pangunahan si


Warren kaya nginitian ko na lang si Tita Yannie, “Susubukan ko po siyang
kausapin.”

Tinapik niya ako sa balikat at nginitian, “I’m glad you’re there for
him.”
Binalikan ko si Warren na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig pero
ngayon ay lumapit na ako at inabot sa kanya ‘yung tubig at tuwalya.

Mukhang nagulat siya sa biglang pagdating ko pero tinanggap pa rin ‘yung


tubig at tuwalya na inalok ko, “Thank you. Kanina ka pa ba diyan?”

“Hmm. Medyo. Kung tatanungin mo kung gaano na katagal.. hindi ko alam


‘yung exact time basta nakita ko ‘yung pagshoot mo ng pagshoot ng bola
pati na rin ‘yung paghagis mo dun.”

“You saw that, too, huh.”

“Well, yeah.”

Uminom lang siya at nanahimik ulit. Masyadong halata na may bumabagabag


sa lalaking ‘to. Kaya to make him speak, I took the initiative and asked.

“Anong problema?”

Mukhang nagulat siya sa biglaang tanong ko kaya agad napatingin sa akin.


Magsasalita pa lang sana siya pero alam ko na na denial lang ang lalabas
sa bibig niya kaya bago pa man niya gawin ‘yun ay itinaas ko na ang kamay
ko at ihinarap sa kanya, “You’re too obvious. Ano? Sasabihin mo na ba?”

Hindi siya nagsalita. Hindi siya sumagot.

If he won’t talk.. then I, too, won’t talk. Magkabingihan kami dito sa


sobrang katahimikan. Sanay naman na ako.
After felt like hours, which of course inexaggerate ko lang, nagsalita na
rin siya. Hindi na ata kinaya ang katahimikan.

“Paano mo nagawa ‘yun?”

“Ang alin?”

“Mag move on?”

Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yung tanong niya. Hindi ko rin naman
kasi alam kung paano ko ginawa ‘yun. Ang alam ko lang kasi, isang araw,
paggising ko wala na akong nararamdaman. Wala na ‘yung sakit. Wala na
‘yung pakiramdam. Wala na.

Paano nga ba mag move on?

“Ah. Sorry. Ano ba ‘yan. Bakit ba tinanong ko pa ‘yun. Sorry ha,” sabi pa
niya sabay kamot sa batok niya.

Kilala ko na ‘tong lalaking ‘to. Alam ko naman kung ano ang iniisip niya.
Siguro ang tingin niya medyo awkward na sa akin pa siya nagtanong since
siya ang dahilan kung bakit ko ginawa ang mag move on.

“Alam mo, Warren, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa ‘yun. I just
woke up one day feeling numb. Numb from all the weird feelings you’re
giving me. How did that happen? That’s what I don’t know. Inisip ko na
lang na siguro hindi kasi talaga meant to be kaya nawala rin ‘yung
nararamdaman ko. Isa pa, ang bata ko pa kaya noon. Ah, ewan.”

“Sana ako rin magising isang araw na wala ng nararamdaman.”


Hindi ko alam kung gusto niya bang marinig ko ang sinabi niya o hindi.
Ang hina kasi ng boses niya na halos ibulong na lang niya bawat salita.

“I see, you haven’t moved on from Piper yet, huh.”

Silence. Kapag ito na talaga ang topic nawawala na siya. Kaya lang hindi
naman ata maganda na solohin na lang niya ‘yung nararamdaman niya. Para
saan pa at naging friends kami kung hindi siya mag-oopen-up sa akin?

“Medyo obvious ka, p’re. Ewan ko nga lang ba kung bakit hindi ‘yun
napapansin ng iba. Pero alam nila na may malalim kang iniisip. Si Tamara,
si Nate, ‘yung parents mo, even si Piper napansin ‘yun.”

Dead silence again. Para na akong nakikipag-usap sa hangin nito. But I


won’t give up until magsalita na siya.

“Bahala ka.. kapag kinimkim mo lang ‘yan at sinarili mo baka kapag


nailabas mo ‘yan ang baho na niyan,” I kid kaya lang wala pa rin epekto.

Kung anu-ano pa ang sinabi ko pero wala talaga siyang sinabi pabalik.
Huling baraha ko na ‘to. Diretsyahan na. Wala ng pasikot-sikot pa..

“Nagseselos ka ba kay Hunter?”

There you go. Mabilis pa sa alas quatro ay lumingin siya sa akin na may
nanlalaking mata.
“Hindi ha. Bakit naman? At bakit pumasok sa usapan si Hunter? Anong dapat
ipagselos sa kaniya e ni wala nga ‘yung pakialam sa mundo,” mabilis
niyang sabi.

“Sus! Defensive naman nito masyado. Isang tanong, isang sagot lang dapat
pero binomba mo ko niyang mga non-sense remarks mo. Huwag ka na ngang
mag-deny. Sa akin ka pag nagsinungaling. Para namang maitatago mo pa
‘yan.”

Natahimik na naman siya at saka napahiga sa may sahig. Ipinatong niya ang
ulo sa braso at saka tumitig sa langit.

“Halata ba masyado?”

“Sa totoo lang, narinig ko lang kay Tamara ‘yun kanina. So, totoo nga.
Nagseselos ka?”

Napangisi siya at napapikit, “Yeah. Kahit na alam kong hindi naman


dapat.”

“Baliw ka ba? Anong nakain mo at sa sobrang dami ng pupwedeng pagselosan


e si Hunter pa? Pwede namang si Nate since siya ang pinakaclose ni
Piper.”

“Lalaki kasi ako. Alam ko kung gusto ng kapwa ko lalaki ang isang babae.
Siguro nga sobrang close ni Nate at Piper na aakalain mong sila na. Kaya
lang kaibigan lang talaga e. Wala kang makikita na may nangyayaring
lagpas pa sa pagkakaibigan.”

“Ang ibig mong sabihin, si Hunter, sa tingin mo, may gusto kay Piper?”
Umiling siya at tinakpan ‘yung mukha niya gamit ang braso niya. Saglit
siyang natahimik at saka ulit ginawang unan ‘yung braso niya, “Wala ngang
pakialam sa mundo si Hunter. Mahirap basahin ‘yung lalaking ‘yun.”

“So.. bakit ka nagseselos sa kaniya?”

Bigla siyang umupo at saka nilamutak ‘yung pagmumukha niya. Mukhang inis
na inis na siya at konti na lang sasabog na.

“Ayun nga ang ikinaiinis ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos sa
kanilang dalawa. Ni hindi nga sila close pero.. peste, hindi ko alam.”

Natahimik kami parehas. Neither of us is talking. That must be hard.


Mahirap na hindi mo maintindihan kung bakit mo nararamdaman ‘yung
nararamdaman mo.

I tapped Warren’s back, “May mga bagay talaga sigurong hindi natin kayang
ipaliwanag. Ganiyan din siguro talaga ang feelings ng tao. Magulo. Bigla
ka na lang makakaramdam ng kung anu-ano. Ang masaklap pa, hindi mo alam
kung bakit mo ba talaga nararamdaman ‘yung kung ano man ‘yun. But it is a
matter of timing. Darating ‘yung tamang panahon at maiintindihan mo rin
‘yung mga bagay na gumugulo sa ‘yo ngayon. Sa oras na ‘yun, tatawanan mo
na lang ang sarili mo kasi ‘yung akala mong kumplikado, simple lang pala.
Ikaw lang pala talaga ang magulo.”

Napatingin siya sa akin at saka ngumiti. Tinapik niya ako sa likod


katulad nang ginawa ko sa kaniya kanina. At this time, ngumiti na siya.
‘Yung totoong ngiti.

“I’m glad you’re here, Hails. I’m glad you’re back. I’m glad we’re back.
I’m glad we’re friends again.”

Pabiro ko siyang sinuntok sa balikat niya, “Tama na drama. Nagugutom ako.


Try mong mang-alok ng pagkain sa bisita mo.”
“Kailangan ka pa bang alukin? Kaibigan kita kaya dapat ikaw ang nagdadala
ng pagkain sa akin,” sagot niya at tumayo.

Inalok niya ‘yung kamay niya para tulungan akong tumayo na tinanggap ko
naman, “Nakakahiya naman pala sa ‘yo at wala akong dala.”

Tinawanan niya ang pagiging sarcastic ko at ginulo ang buhok ko, “Sige na
nga. Dahil sa dinamayan mo ako sa kadramahan ko, sagot ko ang pagkain
mo.”

“Buti naman at tinablan ka ng hiya.”

“Sinong nagsabi sa ‘yong tinablan ako ng hiya? Para sa kaalaman mo,


susugod tayo kila Nate para makikain. Kaya i-text mo na si Piper na
lumabas ng bahay nila para doon na tayo magkita kita sa labas ng gate
nila Nate.”

“Nako, ‘yung mga ganyang galawan ha. Alam ko ‘yan. Gusto mo lang atang
makasama si Piper. Sasama pa ba talaga ako?” biro ko sa kaniya kaya
sinamaan niya ako ng tingin na alam ko namang biro lang din. “Joke lang
naman. Ang sabi ko talaga, tara na kila Nate at nagugutom na ako.”

***

Si Hailey 'yung nasa multimedia. Gutom na. Haha.

=================

Chapter 22: Tamara Sartori

Nate's POV
"Nate! Nate! Nate!"

"Ma! Ma! Ma!"

Kanina pa kasi panay sigaw si mama si baba. Hindi ko naman magawang iwan
'tong nilalaro ko. Baka mamatay. Sayang naman at malapit ko na ma-beat
record ko.

Ayan na! Konti na lang, mabibeat na. Ha!

"Yo, dude!"

Nanlaki ang mata ko nang humarang si Warren sa may TV. Wala.. wala na.
Wala na. Pinaghirapan ko 'yun tapos biglang may haharang lang. Wala na!

"Pakain nga. Gutom na kami."

Ilang linggo akong naghirap para lang ma-beat ang record ko tapos kung
kailan malapit ko nang magawa saka may biglang iistorbo.

"Hoy! Pakain!"

Sinamaan ko ng tingin si Warren na hanggang ngayon ay nakatayo sa harapan


ko.

"O? Problema mo? Para kang namatayan diyan sa itsyura -- "

"Peste ka! Namatay nga! Namatay nga ako sa nilalaro ko!"

Tumalikod siya para tingnan ang TV at saka tumingin sa akin at nagkibit


balikat, "Ano bang malay -- " Bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya
ay ibinato ko na sa kanya 'yung tsinelas ko.

"Aray!"

"Peste ka. Pinaghirapan ko kaya 'yun!"

"I didn't know, dude. Chill." Natatawa pa niyang sabi.

Ibabalibag ko pa sana 'yung kapares na tsinelas nang may magsalita sa


gilid namin, "Para naman kayong bata. Umayos nga!" Awat ni Hailey.
Nandoon pala sila ni Piper at parang nagpipigil pa ng tawa.
"Ang hirap kaya lagpasan ng record ko tapos may haharang lang!"

"Hindi ko nga sabi alam," natatawang sabi ni Warren.

"Bakit ba kasi humarang ka?!"

"Makikikain nga sabi ako."

"Magtiis ka ngayon ng gutom!"

"Hoy! Huwag kang madaya!"

"Awat na nga!" Natigil kami dahil sa pagsigaw ni Hailey, "Hindi naman


sinasadya ni Warren, Nate. At ikaw naman kasi Warren, huwag kang basta
basta eepal lang."

Magsasalita pa sana ako kaya lang narinig ko ang pag-ihit ni Piper ng


tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya at nag peace sign
pero halata namang nagpipigil.

Hinawakan ako sa balikat ni Warren kaya napalingon ako sa kanya, "I'm


starving, dude. Ihanda mo na kami ng pagkain."

"Silang dalawa lang. Magtiis ka."

***

"Hey," umupo ako sa tabi ni Tamara na nagpapahinga sa may gilid.

Siya lang kasi mag-isa kawawa naman. Si Hails at Pipes nasa may likod. Si
Hunter man nandoon at malamang tulog. Si Warren naman bumili ng pagkain.

"Wala ka sa likod?"

"Anong katangahang tanong 'yan?"

Masyado namang straightforward ang taong 'to.

"Wala ka nga sabi ko."

Ayan. Tahimik na naman. Napakatahimik ng taong 'to. Buti napagtyatyagaan


siya ng mga kaibigan niya kahit sobra niyang tahimik. Teka.. may kaibigan
nga ba siya?
"May kaibigan ka ba?" Bago ko man mapigil 'tong bibig ko, nakapagtanong
na ako.

Sinamaan niya ako ng tingin at hindi sumagot. Sabi ko nga e. Hindi na rin
bago 'to.

"Dati."

"Ha?"

"Dati, may mga kaibigan ako."

"Ngayon, wala na? Anong nangyari?"

"Nagising ako."

Adik ba ang babaeng 'to?

"Nagising ako at narealize ko na hindi pala kaibigan ang turing nila sa


akin. Kilala lang nila ako kapag wala silang maintindihan sa isang
subject. Kilala lang nila ako kapag kailangan ng mauutangan. Kilala lang
nila ako kapag may kailangan. Kaya noong hindi ko na sila nagawang
turuan.. hindi ko na sila nagawang pautangin.. hindi na rin nila ako
kilala."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Masyado kasi siyang


seryoso. Kapag nagsalita ako baka mabadtrip lang 'to lalo.

"Ganoon naman talaga siguro sa mundo. Makakahanap ka ng mga taong


makakapal ang mukha na katabi mo kapag kailangan ka pero kapag ikaw na
ang nangangailangan, mawawala na. Ganoon din naman ang mga tao. Nandiyan
lang kapag may kailangan sa 'yo. Selfish kasi. Hindi na rin
nakakapagtaka. Syempre uunahin nila ang sarili nila."

Mukhang may pinanghuhugutan 'to. Mas lalo tuloy nakakacurious.

"Ang lalim mo masyado."

Tiningnan niya ako with her blank face at saka tumayo at nag-unat,
"Mababaw ka lang. Diyan ka na."

"Hoy, saan ka pupunta?"


"Sa likod."

***

Tamara's POV

Habang papunta sa may likod ay may biglang umakbay sa akin. Alam ko naman
na kung sino 'to. 'Yung mababaw na Nathan na masyadong masayahin at
walang problema sa mundo.

Siniko ko siya ng malakas sa tagiliran niya kaya napabitaw siya.

"What was that for?"

"Huwag ka ngang umakbay. Close ba tayo?"

"Kapag nakaakbay ako, close tayo."

"Joke ba 'yan? Tatawa na ba ako?"

Mukha siyang tanga na dahan dahan ngumiti. Mukha siyang manyak na may
binabalak na hindi maganda.

"Marunong ka bang tumawa? Sige nga. Sample." Bwisit. Sa halip na tawanan


siya ay napairap na lang ako. "Sabi na nga ba. Kung ngumiti nga hindi mo
magawa. Tumawa pa kaya."

"Layuan mo nga lang ako."

"Ang moody mo. Kanina nakikipag-usap ka tapos ngayon nagsusungit ka na.


Lahat ba talaga ng babae magulo?"

Malamang magsusungit ako. Nangbwibwisit kaya siya. Anong gusto niya?


Magtatalon talon ako dito sa tuwa.

Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa likod.


Umupo ako sa isang puno na hindi tinatambayan ng kahit sino sa kanila
tapos si Nathan naman ay tumabi doon kila Piper at Hailey.

Nang dumating si Warren ay umupo siya sa tabi nung tatlo. Mukhang okay na
okay na sila. Siguro nangyari 'yun kasi totoo talaga silang
magkakaibigan. Ako kaya.. kailan makakahanap ng totoong kaibigan? Ah! Ano
ba 'yang naiisip ko. Pakialam ko sa mga ganyang pagkakaibigan? Bahala
sila sa mga buhay nila.
Nagpapatugtog ako sa phone ko at nakapikit nang may maramdaman akong
tumabi sa akin. Nang idilat ko ang mata ko, napairap na langa ko nang
makita sila Piper, Hailey, Nathan at Warren na nakaupo sa gilid ko.

"Problema - "

"Let's be friends," nakangiting sabi ni Piper.

"Anong - "

"Mukha ka namang mabait na tao. Nahihiya ka lang siguro," sabi naman ni


Hailey.

"Hindi - "

"Alam mo, kaya naman naming pagtiisan 'yang ugali mo. Kung 'yung ugali
nga naming apat napagtiisan namin."

Medyo nakakaoffend ata ang sinasabi nitong Warren na 'to.

"E kung - "

"Awat na Tamara. Makulit kami. Hindi ka namin titigilan. Huwag ka na


ngang mahiya. Magiging friends na tayo sa ayaw at sa gusto mo."

Sinamaan ko nang tingin ang nagsalitang si Nathan. Alam ko naman na sa


kaniya nanggaling ang ideyang makipagkaibigan sa akin. Malamang ko ba
naaawa lang siya. Hindi ko kailangan ng pagkakaibgan na nabuo lang sa
awa. Kaya ko na ang sarili ko.

Bahala sila kung ano ang gusto nilang gawin. Basta hindi ako sasakay sa
mga trip nila.

"Tawagin niyo si Hunter," turo pa ni Nathan sa likod niya. Nakatalikod


kasi siya kung saan man nakapwesto si Hunter.

"Tulog."

"Tulog pero mulat ang mata at nagyoyosi? Ano 'yun?"

"Cigarette. Yuck," sabi ni Piper.


Napatingin sa kaniya si Nathan at saka siya kinalabit, "Tawagin mo. Hindi
ka naman takot diyan di ba? Ikaw lang din naman kinakausap niyan kaya
ikaw na tumawag."

Magproprotesta pa sana si Piper pero pinigilan na siya ni Nathan. Kaya


nanlulumong tumayo si Piper at pinuntahan si Hunter. Hinila niya 'yung
sigarilyo at saka tinapon at inapakan. Halatang nagalit si Hunter sa
ginawa ni Piper pero maya maya ay tinapakan siya ni Piper sa paa.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at saka napatingin sa mga


nakatabi sa akin. S Nathan na natatawa habang pinapanuod si Piper at
Hunter. Si Warren na umiwas ng tingin sa dalawa at si Hailey na tumingin
kay Warren matapos tingnan si Piper at Hunter. Maya maya ay ginulo ni
Hailey ang buhok ni Warren at pabirong sinuntok.

Napangisi ako sa pinapanuod ko at napasandal sa may puno.

"Baliw ka ba? Ngisi ngisi mo diyan?" bulong sa akin ni Nate.

"Hindi ka ba nag-eenjoy sa nakikita mo?"

"Ha?"

Muli akong napatingin kay Hunter at Piper na mukhang papalapit na dito at


kay Hailey at Warren na nag-uusap.

"Someone obviously likes someone who likes someone that likes someone
else who doesn't give a damn."

"Ano? Bakit ang gulo? Ano 'yun? Sino?! Someone? Anyone?"

"That's the question.. who is who? Which is which?"

"Ha?"

"Sabi ko papalapit na si Piper at Hunter."

Napatingin si Nathan kay Piper at Hunter tapos ay ibinalik ang tingin sa


akin. Napatingin din siya kay Hailey at Warren saka ibinalik ang tingin
sa akin. Napakibit balikat na lang ako sa kaniya. Ang slow niya masyado.

***

"Make sure to pass your registration for the entrance exams."


Entrance exam. College. Course.

Ah! Nakakabaliw.

Umuwi ako sa amin na puro 'yung entrance exam lang ang nasa isip ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"O, Tamara, nandiyan ka na pala. Kamusta araw mo sa school?"

Nagmano ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Okay lang po."

"Parang hindi ka okay base sa boses mo ha?"

Napabuntong hininga ako at nagpangalumbaba, "E kasi po malapit na raw ang


entrance exam para sa college."

Tiningnan ko ang nanay ko na napahinto sandali sa paghihiwa, "Nako.


Malapit na ba 'yun? Saang eskwelahan mo ba gustong mag-aral?"

"'Nay, hindi naman na mahalaga kung saan ko gusto. Mahihirapanlang tayo


sa pambayad para sa college ko. Ang balak ko po sana, huminto muna sa
pag-aaral pagka-graduate ko nitong highschool tapos maghanap ng trabaho
at mag-ipon para sa college."

"Hindi naman ako papayag diyan, anak. Hindi ka pwedeng maghinto. May
trabaho naman ang tatay mo at kung minsan ay nakakaraket din naman ako
kaya nababayaran din ako. May extra naman akong kita kaya makakapag-aral
ka pa."

"'Nay, okay lang po, ano. Masyado na kayong subsob ni Tatay sa trabaho.
Pinapag-aral niyo pa rin 'yung dalawang batang kapatid ko kaya tama na na
sila ang makinabang. Mabuti na nga lang at may nagpaaral sa akin sa
magandang eskwelahan hanggang sa matapos ako ngayong taon. Kapag
swinerte, pwedeng may magsponsor sa akin at makakuha ako ng scholarship.
Kapag hindi, may mga susunod na taon pa naman po."

"Tamara, gusto kong makatapos ka. Gusto kong maging maginhawa ang buhay
mo. Gusto ko, pagdating ng panahon, masagana ang buhay mo."

"Makakapagtapos naman ako, 'Nay. May posibilidad lang na matagalan pero


makakatapos ako. Better late than never, 'di ba po? 'Yung dalawa na lang
po muna ang isipin niyo. Ako na po ang bahala sa college ko."

"Anak.."
"Sige po, 'Nay. Magpapalit muna ako ng damit."

Bakit ba kasi nasabi sabi ko pa kay Nanay na malapit na ang kuhanan ng


exam? Paniguradong mag-aalala na naman 'yan sa pera. Gusto niya makapag-
exam ako kaya lang ayoko namang pagurin pa sila ni Tatay para sa extrang
trabaho. Palagi na nga lang silang pagod. Ayoko naman na sa sobrang pagod
nila, baka magkasakit pa sila. Huwag naman sana.

Inabutan ko 'yung bunso kong kapatid na nagbibilang ng barya sa kama


namin. Magkakatabi kasi kaming tatlong magkakapatid sa iisang kama.

"Ipon mo?"

Napatigil siya at napatingin sa akin. Tumango siya at inayos ulit ang mga
barya.

"Dapat hindi mo muna binibilang."

"Gagamitin ko sana para sa project namin. Kaya lang kapos, ate. Ayoko
naman na manghingi kila Tatay."

"Magkano ang kulang?"

"Isang daan pa, ate."

Kinuha ko sa bulsa ko ang natira sa baon ko at inabot sa kaniya, "Ayan.


Huwag mo na lang banggitin kila Nanay."

"Sige. Thanks."

May kaya kami dati kaya lang minalas. Bilog talaga ang mundo. 'Yung
dating nasa taas, pwedeng mapunta sa ibaba.

Ngayon naman, hindi kami 'yung sagad sa hirap pero hindi kami mayaman.
Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Nakakabili rin naman kami
kahit papaano ng mga pangangailangan namin. Kaya lang hindi na namin
magawang bumili ng iba pang bagay na gustuhin namin. Paminsan minsan ay
nahihirapan din sa pagpapaaral sa amin ang magulang ko. Palibhasa
pahirapan sa tuition fee, dadagdag pa 'yung school projects at allowance.

Swerte na lang talaga na may nagpapaaral sa akin kaya kahit papaano ay


nababawasan ang binabayaran at iniintindi ng magulang ko. Oras na may
mahanap na naman ako na pwedeng magtustos sa tuition fee ko sa college,
mag-aaral talaga ako ng mabuti at sasabayan ko 'yun ng part-time job.
Darating din ang panahon na magiging sobrang ginhawa namin. 'Yung hindi
na mapapagod ang magulang ko at hindi na sila mahihirapan sa pag-iintindi
sa mga pangangailangan namin. Basta. Darating kami sa panahon na 'yun.

=================

Chapter 23: Spy

Tamara’s POV

Nakatambay ako sa may bleachers nang may tumabi sa akin. Si Nathan. Gusto
ko sana sabihing nasa school kami kaya wala siyang karapatan na makipag-
interact sa akin kaya lang hindi naman niya ako kinakausap kaya
basically, wala siyang nilalabag na rule. Hindi naman siguro siya ganoong
katanga para makipag-usap sa akin at ipahamak ang sarili niya.

“Hoy, Tamara.” Okay. Ang tanga nga pala talaga niya.

Bakit niya pa ako kakausapin? Kung dahil ‘to sa naaawa siya sa akin kasi
wala akong nakakausap sa abnormal na eskwelahan na ‘to, pwes , hindi ko
kailangan ng awa niya.

Lumayo ako ng konti sa kaniya kaya lang may lahi talaga siya ng
pagkamakulit kaya tumabi pa.

“Bakit ba?” irita kong tanong.

“Highblood naman agad nito. May dalaw ka ba at ganyan ka?”

Kung makakapatay lang ang tingin, malamang ko ba patay na siya. Wala man
lang pasintabi. Bwisit. Maghanap siyang kausap niya.
“May sasabihin lang naman ako.”

“Uy, sumagot ka kaya. Tanungin mo ako kung ano.”

“Hala, nabingi na.”

“Uy, Tamara, tanungin mo na kung ano ‘yung sasabihin ko. Baka matapos na
‘yung break time na hindi ko pa rin nasasabi ‘yung sasabihin ko.”

“Hey. Are you here? Sagot sagot naman diyan.”

Napabuntong hininga ako at saka siya tiningnan ng masama, “What the hell
is wrong with you? Bakit mo ba ako kinakausap? Wala tayo sa parehas na
grupo. Pinapahamak mo lang – “

“Concern?”

“Pinapahamak mo lang ako. Huwag kang feeling.”

“Feeling ka rin. Concern ka ba kako sa sasabihin ng ibang tao, ng school,


ng students, ng rule.”

Inirapan ko siya at nagsalita, “Humahaba na. Ano ng sasabihin mo? Sabihin


mo na para lumayas ka na sa harapan ko.”

“Mamaya. After class magkita-kita raw tayo sa rooms na ginagawa natin.”

“Bakit?”

“Sabi kasi nila Hailey, malapit na raw ang mga entrance exam kaya
kailangan ng matapos ‘yung punishment natin at nang makapagfocus na sa
exam. Sige, ayun lang. Bye!”
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ‘yun. Ilang minuto lang din ay
umalis na ako at nagpunta sa classroom. Mahirap na baka abutan pa ako ng
time.

Malapit na ako sa room nang may humarang sa aking dalawang babae. Luwag
luwag ng daan gigitgit-gitgit pa. Umiwas ako at hahakbang na sana ulit
kaya lang humarang na naman sila. Problema ng mga ‘to?

“Rule-breaker,” sabi nung isa.

“We saw you kanina. You’re with Nate. You’re talking to him.”

“O, tapos?” sagot sa kanila.

Sinamaan nila ako ng tingin at nagpameywang, “Are you plotting on


something? Are you trying to convince one of the leaders to mess with the
rule?”

“First, you did not make pili on any groups. Second, you’re talking to
someone who’s not even in your group, because duh, you don’t even have a
group. Third, the one you’re making kausap is a leader. The teachers
should know this para maparusahan ka.”

“Right. And para you can’t continue whatever you’re planning to do. Stop
messing with the rule. Everything was perfect before you came so don’t
ruin anything.”

Ang sakit sa ulo. Hindi ko alam kung nakahithit ba ang mga ‘to o ano.
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kasi sa totoo lang, gustong gusto
ko ng saktan ‘tong dalawang ‘to kaya lang hindi naman ako pwedeng gumawa
ng ganoong klase ng gulo at baka magkaroon pa ng problema sa scholarship
ko.
Pumikit ako sandali at huminga ng malalim saka sila tiningnan, “Unang-
una, wala akong plinaplano. Pangalawa, wala kayong pakialam kung wala
akong grupo. Pangatlo, kung nakipag-usap ako kay Nathan na hindi ko naman
kagrupo at nagbabalak kayong isumbong ako, edi dapat isumbong ko rin kayo
kasi kinausap niyo ako. Para quits tayo. Pang-apat, sobrang boring ba ng
mga buhay niyo kaya mas pinipili niyong papgpyestahan ako? At pang-lima,
ang arte niyo.”

Halata sa mukha nila na nagulat sila. Paano nakabukas ‘yung bibig nila at
nakatakip pa ang kamay sa bibig nila. Napaka-OA.

“Whatever,” sagot ng isa nang makabawi na sa pagkagulat niya, “I’m


serious. I’ll tell the teachers about this and you’ll be punished.”

“Suit yourself,” mapang-inis kong sagot.

Magsasalita pa sana ulit siya nang may magsalita sa likod niya. Si Nathan
na naman. Kasalanan niya ‘to kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako
ngayon e. Tapos bigla na namang lilitaw basta.

“Kinausap ko siya kanina kasi magkagrupo kami sa isang project. Sa


pagkakatanda ko, may exception naman ‘yung rule. Kapag magkagrupo kayo sa
isang subject, pwede kang makipag-usap. Pwede kang makipag-usap basta
para lang sa academics purposes.”

“But – “

“Ibig sabihin, lusot kami sa parusa kahit magsumbong kayo. E kayo.. paano
kayo lulusot sa pakikipag-usap sa amin? Hindi naman usapang academics
‘tong ginagawa natin.”

“You’re still talking – “

“Ah! Oo nga. Kinakausap namin kayo ngayon e hindi naman ‘to usapang
academics. Paano kaya ‘to? Hmm. Ah! Alam ko na. Sasabihin ko na lang ang
totoo na kinausap namin kayo for self-defense dahil tinethreat niyo kami.
Siguro naman pwede na ’yun?”

“Y..you.. Ugh! Whatever! Pakialam ko sa inyo!” sigaw ng kung sino man ‘to
saka tumalikod at umalis. Sinundan naman siya ng mga kasama niya.
Hay. Puro salita. Wala naman pala. Those girls.. feeling nila nasa isang
highschool movie kami. Makapangbully lang. Grabe. Wala bang normal sa
eskwelahan na ‘to?

‘Yung katabi ko naman mukhang nagpipigil ng tawa dahil sa naging reaksyon


ng mga kumausap sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatikom siya
lalo, “Kasalanan mo ‘to,” inis kong sabi sa kaniya saka umalis at iniwan
siyang mag-isa.

***

“Game ba kayo sa plano?”

Nireplay ko ulit sa utak ko lahat ng sinabi ni Hailey. But to sum it all,


ang gusto niya, after class ay lagi kaming pumunta dito para matapos na
agad. So 5 afternoons until night tapos weekend? Wow. I’m not superwoman.

“May practice kami minsan ng basketball,” taas kamay na reklamo ni


Warren.

“Wala namang game anytime soon sa pagkakaalam ko.”

“E kahit na nga ba.”

Napabuntong hininga si Hailey at umupo sa sahig kagaya namin,


“Nagsasuggest lang naman ako. Okay lang kung mag-disagree kayo. No hard
feelings. Ang akin lang, gusto ko ng matapos ‘tong parusa para wala na
tayong iniintindi.”

“Sa tingin ko hindi kaya ‘yang everyday after class,” opinyon ko. “Hindi
ba parang sobrang hassle naman ng ganoon? Mula paggising mo ng umaga,
pagpasok sa school, paggawa ng assignments, projects, requirements, tapos
byahe pa punta sa school, minsan may co-curricular activities pa..
magagawa pa bang isingit diyan ang paglilinis dito? Siguro posible, oo.
Kaya lang kung magpapakamatay ka lang sa sobrang pagod.”
Natahimik sila sa sinabi ko at parang mga nag-iisip. Ilang sandali lang
ay itinaas na ni Piper ang kamay niya na parang nagpapaalam para
magsalita. Tinanguan naman siya ng iba.

“I love you, Hails, and I understand your point. But.. Tamara has a
point, too. Super hassle nga kapag araw-araw after class gagawin natin
‘yun.”

“Ano kayang magandang gawin?”

“Sa darating na dalawang linggo, half-day lang tayo kapag Friday ‘di ba?
Edi idagdag na lang natin ‘yun sa oras,” sabi ni Nathan at nagpatuloy
pa, “Kalahating araw ng Friday at weekends. I-lessen ang break kasi sa
totoo lang, pansin ko mas marami pa ang break at kwentuhan natin.”

Sa bandang huli ay nagsipayag kami sa sinabi ni Nathan. Hindi na rin


masama.

Nang magdesisyon na kaming umuwi bigla akong nakatanggap ng text sa


nagpapaaral sa akin.

Hi, Tamara. Are you free today? Pwede ba tayong magkita. Ibibigay ko na
sana ‘yung tuition mo for this quarter. Sa same place.

I texted her, okay at nagpunta na sa restaurant na pinagkikitaan namin.

Nang makarating ako doon, nakita ko na agad siya. Nginitian niya ako at
pinaupo sa katapat niyang upuan.

“How’s school?”
“Okay naman po.”

“Malapit na raw ang entrance exam niyo for college? Saan mo balak mag-
aral?”

Ito na namang usapan na ‘to. Hindi na ata mawawala ang usapang college
kahit saan ako pumunta at kahit na sino pa ang kausap ko ha.

Unconsciously, napalunok ako, “Hindi ko pa po sigurado kung hihinto muna


ako para magtrabaho.”

“Ha? Nako, sayang naman kung ihihinto mo ang pag-aaral mo. Ang talino mo
kaya tapos maabilidad pa. Ah! Alam ko na. I’ll support you. Ako magpapa-
aral sa’yo.”

“Po?!” nanlaki ang mata ko sa alok niya. She’s too nice. Kaya lang
nakakahiya na rin kasi siya na ang nagpapaaral sa akin ngayon. Ayoko
namang isipin niya na nilulubos ko ‘yung kabaitan niya.

Tumanggi ako pero pinipilit niya pa rin ako. Kaya lang hindi ako
nagpaawat sa pagtanggi. Hanggang sa napapayag ko na siya na huwag na
lang. Bukas pa rin naman daw ang offer kung sakaling magbago ang isip ko.
She’s like an angel.

“Kamusta nga pala ‘yung apat? Ayos na ayos na talaga? Hindi na nag-aaway
o ano man?”

“Hindi naman po. Mag-away man biru-biruan lang. Halatang close na close
sila.”

“Buti naman at okay na talaga ang mga ‘yun. You know what, Tamara, I like
you. I like you to be their friend. Mabait ka at mukhang marami kang
matuturong maganda sa apat na ‘yun. You should be their friend.”
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. I should be their friend? Bakit ako
makikipag-kaibigan sa kanila? Dahil inutos lang din sa akin? I’m like a
spy. How could they trust me?

“Anyway, ito na nga pala ‘yung pang tuition mo this quarter.”

Kinuha ko ang inabot niya sa akin. Magpapasalamat pa lang sana ako nang
may magsalita sa gilid namin.

“Ma?” Si Nathan. Kasama sila Hailey, Warren at Piper. “Tamara?” gulat


niyang tanong nang makitang ako ang kausap ng mama niya.

“Nate! Why are you here?” gulat din na tanong ng mama niya. Si Tita Zoe.

Napakunot ang noo ni Nathan, “Kakain kami? Ma, why are you here? With
her? Magkakilala kayo?”

“Uhh – “

“What’s in that envelope?”

Nagpalitan kami ng tingin ni Tita Zoe. Napahinga siya ng malalim at


saglit na yumuko, “Money, Nate.”

“Bakit mo siya binibigyan ng pera?”

“Pinapag-aral ko siya.”
Kung kanina ay mukhang naguguluhan si Nathan, ngayon naman ay napangiti
na siya, “Wow. Ikaw ang nagpapaaral sa kanya? Cool. Kaya lang teka..
bakit mo siya pinapag-aral? Paano kayo nagkakilala?”

Napatingin ulit sa akin si Tita Zoe at tinanguan ko siya, “Sorry, kids.


Kaya lang nagkaroon kami ng kasunduan na pag-aaralin ko siya sa Kingdom
High. Nasabi ko na rin sa kaniya bago pa man siya pumasok ang about sa
rule at sinabihan ko siyang huwag pipili ng grupo.”

“Bakit po?” nagtatakang tanong ni Hailey.

“Alam ko na nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan. Alam ko rin na


hindi kayo okay at nagplaplastikan lang kapag kaharap niyo kami. Ayoko
namang maging magkakaaway lang talaga kayo kaya naisipan kong gumawa ng
move. I wanted you guys to be punished dahil hindi pumili ng grupo si
Tamara. In that way, mapipilitan kayong makipag-interact sa isa’t isa at
masosolve niyo ang problema. It happened.”

Napailing si Nathan sa sinabi ng mama niya. Napatingin naman sa kaniya


ang tatlo at halatang nag-aalala. I never expected him to react like
this. Anyone.. anyone but him.

“Wow. Job well done.” Nakangiti niyang sabi pero alam naman naming lahat
na peke ang ngiting ‘yun. Napailing ulit siya at saka umalis.

“We’ll go ahead, Tita Zoe. Tamara.” Paalam ni Piper at hinabol si Nathan.


Ganoon din ang ginawa ni Hailey at Warren.

Napatingin naman ako kay Tita Zoe na ngayon ay nakapatong ang dalawang
siko sa lamesa habang nakatakip sa mukha niya ang kamay niya.

“Tita..”
“Masama ang loob niya. Alam ko. Masama ang loob niya.”

***

Days passed. Hindi naman nagbago si Nathan kapag nasa school. Kahit
papaano ineexpect kong mag-iiba siya siguro kasi sumama ang loob niya sa
mama niya. Buti na lang din at hindi naman pala.

“So..” Napahinto ako sa pagpipintura nang tumabi sa akin si Hailey at


Piper. “Are you a spy or something?”

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano nga ba ako. Ano nga ba ang papel ko
dito? Kasi medyo magulo.

“Sino ka ba talaga?” tanong ni Hailey.

“I’m someone who’s been paid to spy on you. The four of you.”

“Lahat ba ng ginawa mo parte lang ng pangspy sa amin? Lahat ba ‘yun arte


lang? Lahat ng payo mo. Lahat ng words of wisdom mo?”

“Oo.”

Natahimik silang dalawa at tiningnan lang ako. Tapos bigla na lang


ngumiti si Piper at napailing. Napatingin naman sa kaniya si Hailey tapos
ay napangiti rin. May bagay silang naiintindihan kahit hindi sila nag-
uusap. Tinginan at action pa lang nila, alam na nila ang iniisip ng isa’t
isa.

“I’ve always adored you for being so real,” nakangiting sabi ni Piper,
“but you just lied.”
“Oo. Sinungaling talaga ako. Simula pa lang sinungaling ako.”

“Another lie.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.


Napailing si Hailey na katabi niya at saka siya tinapik, “Weird ba kung
sasabihin namin na kahit hindi tayo madalas mag-usap, kilala ka na namin?
Hindi man namin alam ang background mo.. alam namin ‘yung ugali mo.”

“I don’t know how it happened. Basta Hailey and I know that we know you.
You’re saying that everything is just an act, but it’s not. We know it’s
not a lie. You’re true, Tamara. You’ve always been true. You speak your
mind. You say what you want. You get angry. You’re not pretending,
Tamara. We know that.”

“Siguro nga inutusan ka ni Tita Zoe para pagbatiin kami. Kaya lang sa
ginawa mong pagbabati sa amin.. sa simpleng pagbibigay mo ng mga payo
lalo na doon sa dalawa, alam naming mabuti ka talagang tao.”

“We still want you to be our friend, Tamara. Inutusan ka man ni Tita Zoe
o hindi.”

“Pwede ka bang makipagkaibigan sa amin?”

I’m beyond speechless sa naririnig ko sa dalawang ‘to. Hindi ako naging


mabait sa kanila. Kaya lang bakit? Bakit gusto pa rin nila akong maging
kaibigan? At bakit.. bakit parang gusto ko rin silang maging kaibigan?

=================

Chapter 24: Something new

Tamara’s POV
Napailing ako sa naisip ko. Kakaibiganin ko sila? Nakakatakot.
Nakakatakot na. Ayoko na ulit maranasan ‘yung nangyari dati. Ayoko ng
masaktan kasi nawalan ako ng kaibigan. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng
makaramdam ng pagkamiss. Ayoko ng i-let down ng mga tao na handa kong
ipaglaban. Nakakapagod na ‘yun. Nakakapagod na nakakatakot.

“We’re not pushing you or anything. We just want to let you know that
you’re not alone, Tamara. We’re here for you.”

“Ginagawa niyo ba ‘to dahil naaawa kayo sa akin?”

Napakunot ang noo ni Hailey dahil sa naging tanong ko. “Hindi. Bakit
naman kami maaawa sa’yo?”

“Kasi mahirap lang ako. Kasi umaasa ako sa ibang tao para lang makapag-
aral.”

“Hindi ka nakakaawa, Tamara. Nakakabilib ka. Kasi gusto mo talagang


makapag-aral.”

“Kung hindi kayo naaawa sa akin, bakit niyo ako gustong maging kaibigan?
Wala namang akong ginawang mabuti sa inyo.”

Napabuntong hininga si Piper, “There are some questions that don’t


require answers. We just felt like we want you to be our friend. No whys,
no buts, no whatever. No explanation. It’s just like that. “

Napangiti ako habang umiiling sa narinig ko at saka umupo sa sahig.


Ginaya naman nilang dalawa ang ginawa ko. Nakatahimik lang kaming tatlo
nang basagin ko ang katahimikan. Nakakapagod na rin sarilinin ‘tong
dinaramdam ko.

“Maayos ang buhay ko dati. Hindi kami mayaman pero hindi kami
namromroblema sa pera. Si Tatay, nagtratrabaho. Si Nanay naman inaalagaan
lang kaming tatlo ng mga kapatid ko. May mga kaibigan ako. Kahit ganito
ako, ‘yung tahimik, seryoso, prangka, may mga kaibigan pa rin ako.
Hanggang isang araw nalaman na lang namin na tinanggal na sa trabaho si
Tatay. ‘Yung mga naipon naman nilang pera kapos sa amin.”

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga nangyaring ‘yun. I shook my
head at nagpatuloy sa pagkwento.

“First year highschool ako ng mangyari ‘yun. Pumapasok ako sa school ng


walang kapera-pera. Kinapalan ko ang mukha ko. Sinubukan kong manghiram
sa mga kaibigan ko kaya lang wala raw silang ipapahiram sa akin. Tiniis
ko ‘yun. Ilang araw akong ganoon hanggang sa nagblackout na lang ako
bigla. Ever since then pinapagdala na ako ng baon ni Nanay. Kung ano ang
kayang ipabaon na pagkain, pwede na. Sa sobrang hirap, tumakas ako kila
Nanay noon. Nagtrabaho ako sa sari-sari store sa palengke kapag weekends
at kapag tapos ng klase. Dahil doon nangaunti ang oras ko. Instead na sa
bahay ko ginagawa ang assignments ko, sa school ko na ‘yun ginagawa. Kaya
hindi ko na natuturuan o napapakopya ang mga kaibigan ko. Kasi maski ako
naghahabol lang para makatapos sa requirements. Hanggang isang araw..”

Napahinto at napatikom ako. May nagbabadya nang tumulo na luha pero


pinigilan ko. Lumunok ako at nagpatuloy sa pagkwento, “Hanggang isang
araw napansin ko na napapalayo na ako sa mga kaibigan. Noong una sinisi
ko ang sarili ko kasi ako ang nawalan ng oras sa kanila. Ako ang hindi na
nakakatulong sa requirements nila. Hindi ko na sila napapakopya. Hindi ko
na rin sila napapautang. Lumapit ako sa kanila para humingi ng sorry.
Sabi nila okay lang. Kaya ang akala ko okay lang talaga. Kaya lang hindi
pala.”

Hindi ko na napigilan at napaluha na ako. Hinawakan ako sa kamay ni Piper


at hinimas naman ako sa likod ni Hailey. Ipinagpatuloy ko pa rin ang
pagkwento ko.

“May mga bagay silang naiintindihan na hindi ko maintindihan. Minsan


magtitinginan na lang sila tapos tatawa. Sobrang na-out of place ako.
Kaya lang syempre tiniis ko pa rin. Wala rin naman kasi akong magagawa.
Sumasama pa rin ako sa kanila kasi gusto ko silang makasama. Kasi
kaibigan ko sila. Kasi mahal ko sila. Iniiwan nila ako kapag break time o
uwian. Kapag may groupings magkakagrupo sila. Kapag kulang lang ng isa
saka lang nila ako isasama. Lagi silang magkakasama. Bigla na lang akong
nawala sa eksena. Hanggang sa narinig ko noong pinag-uusapan nila ako. Na
hindi na raw ako nahihiya kasi sama pa rin ako ng sama sa kanila. Na
hindi raw ako makaramdam. Na wala naman na raw silang mapapala sa akin.
Awang awa ako sa sarili ko. Sobra.”
Itinakip ko ang kamay ko sa mata ko at saka umiyak. Ilang sandali pa ay
nagsalita ulit ako, “Kaya sabi ko noon.. ayoko na. Nakakapagod na rin
ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw naman akong tanggapin. Ayoko
ng makipagkaibigan kahit kanino kasi kapag iniwan ka nila, sobrang sakit
pala. Kapag wala ka ng kayang ibigay sa kanila itatapon ka na lang nila
basta. Natatakot na akong maranasan ‘yung ganoong klase ng sakit at
kahihiyan. Ayoko na.”

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap sa


akin ng dalawa. Alam kong pinapagaan lang nila ‘yung nararamdaman ko kaya
lang mas lalo lang akong naiyak.

Ilang minuto na ang lumipas nang maging maayos na ulit ako. Hindi nila
ako iniwan. Nakatabi pa rin sila sa akin. Walang nagsasalita ni isa sa
amin hanggang sa bigla na lang hinawakan ulit ni Hailey ang kamay ko.
Napatingin ako sa kaniya kaya nginitian niya ako.

“Ang tapang mo. Seryoso. Alam mo, kawalan naman nila ‘yun kung hindi ka
na nila ginawang kaibigan. At least maaga pa lang alam mo na ‘yung
totoong kulay nila. Nalaman mo man sa masakit na paraan, at least nalaman
mo pa rin. Kaysa lokohin ka lang nila ng lokohin. Kahit papaano wala na
sila sa buhay mo ngayon. Hindi ka na nila ulit kayang saktan. You’re
strong. Huwag mong hayaang makulong ang sarili mo sa nangyari sa’yo
noon.”

Sa kabilang kamay ko naman, humawak din si Piper, “Please forget those


good for nothing people. They aren’t worth your tears. And please don’t
be scared. Don’t be scared to open your heart again for new friends. New
but true friends. We can’t promise you that we won’t hurt you. We can
only guarantee you that we won’t hurt you intentionally.”

I can’t bring myself to say anything. Kaya sa bandang huli ay nginitian


ko na lang silang dalawa. Kung ano man ang hindi ko magawang sabihin,
sana nagawa ko na lang ipakita.

***

Nag-uusap-usap kami nila Hailey at Piper nang madaanan kami ni Nathan.


Binabawi ko na ang sinabi ko dati na hindi naman siya nag-iba. Kasi nag-
iba siya ng pakikitungo sa akin. Kapag kasi ginagawa namin ‘yung parusa,
kinukulit niya ako o di kaya ay kinakausap man lang. Kaya lang hindi niya
ako pinansin ngayon. Dinadaan-daanan niya lang ako. Kung nasaan din ako,
lalayo siya sa akin. Kanina ko pa napapansin ‘yun.

“Nate,” tawag sa kaniya ni Piper, “Tara here.”

“Maya na lang. Inaantok ako e. Dadaldalin mo lang ako kapag nandyan ako,”
sagot niya kay Piper saka pa siya nag tongue-out at umalis.

“K. Whatevs.”

Nagsasalita pa si Piper nang magsalita rin ako, “Galit ba sa ‘kin ‘yun?”

Nagkatinginan sila ni Hailey nang marinig ang tanong ko. Napakamot sa ulo
si Hailey at napatango naman si Piper sa side niya.

“Kausapin mo na lang siya. Baka mali masagot namin e.”

Pinuntahan ko si Nathan sa may likod. Mukha namang totoo na matutulog


siya kasi nakasandal at nakapikit siya sa puno.

Umupo ako sa tapat niya at saka siya kinalabit. Napadilat siya at


napakunot ang noo nang makita ako pero hindi nagsalita. Napahinga ako ng
malalim saka siya tiningnan ulit, “Alam ko mali ang ginawa ko. Alam ko
rin na galit ka. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ko. Pero sana sabihin
mo na lang kung galit ka nga.”

Tiningnan niya ako sandali saka napatingin sa malayo, “Hindi naman sa


galit."

"E ano?"
Saglit siyang napapikit at napabuntong hininga saka ako tiningnan,
"Naiinis lang ako. I hate it when my parents try to manipulate someone
just to fix something. Alam ko naman na gusto lang nilang ayusin ‘yung
bagay na magulo. Kaya lang ayoko ng paraan na ginagawa nila. Siguro nga
effective kaya lang mali.

"People are meant to be appreciated, and not to be used. Used in any way
- be it for the better good or not. May iba namang options. May iba
namang paraan. Hindi na kailangan pang paglaruan ang ibang tao. Wala
namang may karapatan na gumamit ng kahit na sino."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig ko sa kanya. Noong


una, ang akala ko parang ang babaw lang ng dahilan niya para mainis.
Hindi naman sila nasaktan sa ginawa ng mama niya. Naayos pa nga e. Kaya
lang mali pala ako. Hindi pala. May punto siya. Pero, naiintindihan ko
rin naman ang magulang niya.

Bilang magulang, alam kong alam nila na may problema. Alam din nila
syempre na nasasaktan na nga 'yung apat. Kaya gusto nilang maayos na
lahat. Para hindi na rin sila masaktan.

"Parang ang saklap naman 'di ba kapag ganoon?"

"Ewan. Ayan ang sa tingin mo pero iba ang tingin ko.”

“Ha?”

“Siguro nga mali ang paraan na ginawa ng magulang mo. Kaya lang kung para
rin naman sa inyo ‘yun, sa tingin ko ayos lang din naman. Maayos naman
ang kinahinatnan. Isa pa, hindi naman nila ako ginamit. Sabihin na lang
natin na kailangan namin ang isa’t isa pero mas kailangan ko sila.
Matalino ang magulang mo. Maparaan. Hindi sila papasok sa isang sitwasyon
na alam nilang may mapapahamak na kahit na sino.”

“Maybe you’re right, but maybe I’m right, too.”

“Tama ka. Totoo. Tama rin ako. Magkaiba lang ang pananaw natin sa bagay
bagay pero parehas lang tayong tama.”

Natahimik na naman siya at napasandal sa puno. Hindi ako sanay na seryoso


ang taong ‘to. Nakakapanibago.
“Kakausapin ko sila. Sasabihin ko sa kanila ‘yung mga sinabi ko sa’yo.
Sigurado rin ako na sasabihin nila ang katwiran nila. Sa ganun baka
sakaling maintindihan ko nga kung bakit ganoon ‘yung paraan na ginagawa
nila.”

“Alam mo, sobrang thankful ako sa parents mo. Kasi pinapag-aral nila ako
dahil lang sa hindi ako pumili ng grupo.”

“You deserve to go to school. You deserve to graduate.”

Hindi ako sumagot at nilaro lang ang damo. We were silent hanggang sa
tanungin niya ako, “Magkaibigan na ba tayo?” Sa tanong niyang ‘yan,
ramdam ko na ang pagbalik ng dating Nathan. Medyo mapangloko na ang tono
niya.

“Kapag sinabi kong hindi pa?”

“Hindi ako maniniwala. Kaibigan mo na ako.”

“Alam mo naman na pala.”

Pabiro niya akong itinulak kaya pinalo ko siya saka kunyaring binali ang
kamay. Napasigaw naman siya kaya napailing ako at binitawan siya,
“Mapanakit ako kahit kaninong tao. Kung ikakatwiran mo na kaibigan na
kita kaya pwede mo ng gawin ‘yung gusto mo.. asa ka pa.”

“Grabe. Sadista. ‘Yung kanang kamay ko pa talaga ‘yung gusto mong baliin.
Pwede naman ‘yung kaliwa. Mas nagagamit ko ang kanan ko,” pagmamaktol
niya habang iniikot ikot ang kamay niya. Para siyang bata.
Napailing at napangiti na lang ako saka nagbunot ulit ng damo. Ilang
segundo pa ang lumipas nang magsalita ulit siya.

“You smiled.”

Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Hindi


mapang-inis o mapang-asar na ngiti. ‘Yung ngiting totoo.

Big deal ba talaga ang pagngiti ko?

***

Kaunti na lang at matatapos na ang parusa namin. Isang balikan na lang


okay na. Malinis na. Tapos na.

Nagmamadaling umalis si Hunter kaya naiwan kaming lima. Nasanay na ako sa


presensya nila. After long years, ngayon na lang ulit ako naging masaya
talaga. ‘Yung masaya dahil sa kaibigan. Siguro sasabihin ng mga ‘to na
hindi naman halatang masaya ako kasi hindi naman ako ngumingiti o ano,
pero totoong masaya ako.

Naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep habang nagtatawanan. Well,


sila lang talaga ang tumatawa pero nangingiti naman ako kahit papaano.
Paano kasi panay ang joke ni Warren at Nate. Kung anu-ano ang mga
pinagsasabi.

Nahinto lang kami sa tawanan nang may huminto sa tapat namin na sasakyan.

“Anong trip niyan?” tanong ni Warren na hindi na namin nasagot.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at may bumaba na babae. Mahaba ang buhok,
maputi, makapal ang make-up. Pamilyar.
“Well, hello there, Pipes. Are you with them? So.. friends mo ba sila or
whatever?” Mapang-inis na tanong niya.

Ah! Alam ko na. Kilala ko nga ‘tong babaeng ‘to. Siya ‘yung nagthreathen
sa amin ni Nathan. Siya ‘yung magsusumbong dapat.

“Oh, am I wrong ba? You’re not friends with them? You’re not answering
kasi.” Maarte niyang tanong.

Napatingin ako kay Piper at nakita ko ang pag-irap niya, “Yes, Elle.
They’re my friends. Got a problem with that?”

Napangiti ‘yung babae na tinawag ni Piper na Elle at saka tumalikod,


“Ciao,” paalam pa niya at saka tuluyang sumakay ng kotse.

Anong problema nun?

=================

Chapter 25: Save paper

Piper's POV

I'm half awake. I was so busy watching movies yesterday that I wasn't
able to check the time. Before I knew it, 3am na pala.

Isinandal ko ang ulo ko sa desk. I'm trying to sleep since we still have
a few more minutes before the class starts. Kaya lang with the noise
around, I doubt that I'll be able to sleep. Hopeless, I just decided to
roam around the room. Baka sakaling mawala ang antok ko this way.
I kept on walking when a paper landed in front of me. Curious, I picked
it up only to read a question with Nate's handwriting. Yeah, I know him
too well kaya maski handwriting niya kabisado ko na. It's messy and
barely readable.

Problema mo?

Tumingin ako sa gawi niya and mouthed the words 'I'm sleepy'. Napangiti
lang siya and looked away. I, too, did the same before anyone could see
us interacting. I took another step when I was hit in the head. Another
paper. Napairap ako kasi medyo nakakainis ang mabato ng papel.

I picked it up and read what's written. Unlike kanina, hindi messy ang
handwriting. Maganda. Neat. This is Hailey's handwriting. Sure ako.

'Yung eyebags mo. Sobra kung kamaway ngayon. Hahaha. Ano na namang
pinagpuyatan mo?

I took the pen in my pocket to answer Hailey's question.

Movie marathon. I'm so sleepy. Once makauwi talaga tayo I'll sleep
immediately.

Dumaan ako sa pwesto niya saka binitawan ang papel. She'll pick it up. I
know.

Nang nasa tapat ako ng front door, saktong papasok na ang jocks. I
pretend that I did not to see them at nagtuloy lang sa pag-ikot nang may
bumulong sa akin.

"Anong nangyari sa 'yo? Puyat?" Nagmamadaling tanong ni Warren.

Tinalikuran ko siya at saka tumango. He got it na for sure.

It's quite tiring and I think I look like a fool for wandering around the
room kaya I decided to sit na lang ulit. I was about to reach my place
when Hailey threw the crumpled paper again. I picked it up and went back
to my sit.

Pinapatanong ni Tamara kung wala ka bang orasan sa kwarto mo at hindi mo


namalayan kung anong oras na? Isa pa, schooldays nangmomovie marathon ka.
Mga trip mo talaga.
Napatingin ako sa dalawa. Nagpapasahan pala ng papel. Pasimple pa. Hay,
this set-up is hard din pala.

I decided not to answer them since aksayado sa papel. May mga taong
walang papel kaya dapat hindi lang 'to basta aksayahin.

"Hey there, Pipes!"

I mentally rolled my eyes when I saw Elle entering our room. She's nice
dati. She's even my.. how do you call this.. my.. assistant leader, I
guess? Kahit hindi naman necessary magkaroon ng ganoon. We've been
friends ever since naging magkagroup kami kaya lang noong naging hindi na
kami magklase this year, she changed. I'm not stupid, kaya alam ko na she
wants to be in my place. She wants to be the leader of the Populars. Alam
ko rin na kinaibigan niya lang ako para mas sumikat siya. But I didn't
complain. Ang akala ko kasi magbabago siya, pero hindi pala. She's
getting worse. Lagi niyang pinagtatawanan ang kung sino man na mas mababa
sa kaniya. I'm at fault, too, kasi hindi ko naman siya sinusuway.

"What's that?" She pointed the paper I'm holding.

"Ah. This? Scratch paper. I was trying to solve a Math problem."

"Oh, okay. I thought it was something like secret message between you
and.. you know who," she said then laugh.

Tiningnan ko lang siya ng seryoso at nang mapansin niya 'yun ay pabiro


niya akong pinalo, "Just kidding. Hey, I'll go ahead na. Dinalaw lang
talaga kita here 'cause I miss hanging out with you na. Sige, ciao."

I think she's up to something, but I shook that thought out of my head.

***

I'm at the canteen eating with some of the Populars. They were talking
about random things like make-up, dresses, shoes or movies, but I can't
bring myself to join the conversation. Maybe because I'm sleepy.

"Pipes," someone called.

I nodded and smiled at her, one of my groupmates, "Hey, Lara. What's up?"

"Okay ka lang? Parang ang tahimik mo ngayon?"

"I'm just sleepy. I slept late last night."


"Hulaan ko, movie?"

I nod at her. Lara is one of my groupmates who aren't fame-obsessed. She


belongs to the Populars because her bestfriend is here, too. She's girly
like us, yes, but she's not super arte. In fact, ang simple lang niya.

Napansin ko ang pagtahimik niya and parang hindi siya mapakali.

"What's wrong?" I asked.

"Gusto talaga kita as our leader. Ang fair mo kasi at totoo."

"Uhh. Thanks? Why are you saying this?"

She shook her head and smile, "Gusto ko lang."

I was about to say that she's acting weird, but the warning bell rang.
Kaya instead, bumalik na lang kami ng classroom.

***

"So baduy," Elle said then laugh.

I rolled my eyes at her and I don't care if she saw it or not. She's
being extra mean lately. She's really getting on my nerves already.

We're at the school garden kasi at may nagdaan na hindi namin ka-group.
Bigla na lang niyang sinabihan ng baduy. I don't know why she said that.
I don't think the girl is baduy. I mean, she's just wearing our school
uniform, white socks, block shoes and ID. As for her hair, it's straight
and isn't ponytailed.

Another girl passed by. She's just like the first girl, but her hair is
braided.

"Braid? Seriously? What is she, an elementary student?" Tumawa na naman


siya tapos 'yung iba nakigaya pa.

I can't take this anymore.

I looked her and smile. She saw me smiling. Nagtaka siya at nagtanong
kung bakit. I shrugged and look at the girl with the braided hair,
"Nothing. It's just funny that you make fun of her hair. But.. your hair
was braided like that yesterday, right?"
The girls laugh at my remark. Habang siya, she looks like she's about to
burst in anger. Namumula pa.

Natahimik siya after that. I thought she finally shut her mouth for good,
but I was wrong. Kasi kung anu-ano na naman ang sinabi niya. Some are
below the belt already kaya hindi na lang ako nakinig sa mga sinasabi
niya at nakipagkwentuhan sa iba.

I'm busy chatting with others kaya lang biglang lumakas 'yung boses niya
kaya it's quite impossible not to hear her rants.

"You know what, girls, we're definitely the most awesome group here. I
mean.. ang weird lang ng other groups."

Her statement brought laughter and agreements.

"I don't get those people. They are so weird. Lalo na their leaders and
the new girl. They're the weirdest. Siguro witch 'yung new girl kaya
super na lang kung makalayo sa tao. She's so tahimik pa. She's so
mysterious. Maybe she's just trying to hide her secret. The leader of the
jocks naman.. he's attractive. Really really attractive, but he's so
focused on basketball. Alam niyo ba, konti na nga lang, I'll think that
he's gay na. Kunyari basketball ang binibigyan ng focus, but in reality,
'yung players pala."

Others are laughing and saying that maybe Elle is right. While here I am,
trying to calm myself.

"'Yung leader naman ng rebels.. he's so scary. I won't be shocked anymore


once I saw his name on the front page of the newspaper for killing
someone."

I closed my eyes hoping that I could compose myself before I could say
something bad.

"Tapos 'yung leader ng nerd. Eww lang. She's so weird. Always carrying a
book with her. Always making pabida sa teachers. Always pretending to be
nice. If I know, nasa loob ang kulo nung girl na 'yun. Malay niyo she's
just pretending to be so studious, but in reality, she's a flirt pala.
Baka she's just hiding behind her glasses."

I gripped my skirt and try to vent out my anger there. But Elle just
doesn't know how and when to shut up.

"'Yung leader naman ng ordinaries.. he's definitely the weirdest among


the weirdest. He's cute sana kaya lang parang he's mentally unstable.
He's so cheerful. Maybe it's because he's taking pills to remain stable?
Wait. No one's friend with them naman 'di ba? Baka mamaya isumbong niyo
ko sa mga 'yun. Baka kulamin ako nung new girl tapos ipasugod ako sa boys
ng jock. Baka akitin ni nerd ang boyfriend ko tapos sugurin ako nung
crazy ordinary. Or worst, baka the rebel might kill me."

This time, all of my groupmates are laughing already. But I'm so full of
it. I know she's really provoking me. She's saying those things because
she knows they're my friend.

Hindi ko na napigilan kaya napatayo ako at sinamaan ng tingin si Elle,


"Shut your filthy mouth!"

Everyone was so shock, but I don't care anymore. Below the belt na si
Elle.

"You don't know them, okay? Maybe you're just insecure. 'Yung new girl na
sinasabi mo, I know you're just jealous of her because she can stand on
her own. She's tough and she doesn't need to be in the spotlight to be
happy. 'Yung gay at crazy naman.. if I know you've been dumped kaya ang
bitter mo. About that killer you're talking about, let's cut the crap
out, Elle. We know you've been fantasizing about him ever since, and you
tried to flirt with him but he doesn't give a crap. And about the nerd..
you're saying that she's a flirt? Come on, we know too well that that's
far from possible. She's pretty even though she wears glasses or not, and
boys wants to be with her kaya lang she's too busy focusing in her
studies because she has a goal in life."

I grab my things and was about to walk out, but I stopped and glares at
her, "One more thing. Stop joking. Magtigil ka nga lang sa pagsabi na
baka akitin ng kung sino man ang boyfriend mo. Wake up. Wala ka namang
boyfriend." With that, I finally left.

=================

Chapter 26: Another punishment

Piper’s POV

It’s already been days since I've said harsh words to Elle. At times I
think I, too, crossed the line. But every time I remember all the things
she said to my friends, sorry, but I don’t feel sorry for her. She
deserves to hear those things anyway. The way she treats people is just
too much.
Ever since that day, hindi na niya ako kinakausap. Not that I miss her or
what. Is it mean to say that I feel better because she’s not talking to
me na? I’d rather choose that kaysa sa kinakausap niya nga ako, but I
know nagpapanggap lang siya maging nice.

I’m not the nicest person either. Kaya before I could do something really
awful, mas maayos pa nga na lumayo na siya sa akin.

“Simula pa lang ng bagong quarter pero ipapaalam ko na sa inyo ang


project niyo sa homeroom.”

Gusto kong magreklamo kaya lang ayoko namang i-disrespect ang teacher
namin. Kaya lang project? Project sa homeroom? Come on!

“Gagawa kayo ng presentation. Slideshow, role playing, video, scrapbook,


kahit anong gusto niyo. Ang topic, simple lang. What is the meaning of
happiness? I’ll divide the class into groups with five members each.”

Kung kani-kanino tumingin ‘yung teacher namin until her eyes landed on
me. She smiled; not the real smile but it’s not a smirk or what. I don’t
know what’s behind that smile but it gave me the creeps.

“To make everything more exciting, each groups will consists of one
member per group.”

Someone from the class raised her hand, “Paano po? Group of five pero ang
isang grupo ay magkakaroon ng isang member kada grupo? Paano po ‘yun?”
tanong niya.

My teacher smiled again, “Ang ibig kong sabihin, sa isang grupo, may tig-
iisang myembro ng bawat grupo. Grupo katulad ng Populars, Nerds, Jocks,
Ordinaries at Rebels,” she then told the class who will be groupmates.
Almost everyone is called already but my name isn’t mentioned yet. She
keeps on calling names until she stops.

“Halos lahat kayo natawag na. At konti na lang ang hindi pa. Siguro
ngayon sa mga hindi ko pa natatawag, alam niyo na kung sino ang kagrupo
niyo,” I didn’t get her. “This is really exciting.”

Mukhang tuwang-tuwa ang teacher namin sa nangyayari. Siya kasi ‘yung tipo
na nag-eenjoy talaga kapag nahihirapan ang mga estudyante niya. Sadist?
Yeah.

“For the final group, ang magkakagrupo ay sila Nathan, Hailey, Hunter,
Warren at Piper. Also known as the leaders.” Nagsimula na ang whispers
and murmurs sa mga magkakagrupo. I know they want to object but as if
they could do something about it.

My teacher is really enjoying this. She obviously doesn’t have a single


clue that we’re actually friends. Though I don’t know if Hunter is
already our friend. He’s distant kasi. Siguro kasi he’s busy sa part-
time. But whatever. I actually prefer na sila ang kagrupo ko. It means
more bonding moments with my real friends.

“And!” she caught everyone’s attention again, “Hindi naman pwedeng mag-
isa lang si Tamara. Kaya kahit wala siyang grupo, isasama ko siya sa isa
sa inyo. Well it’s quite obvious already kung kanino ko siya ipapasok.
Tamara, you may join the last group. The leaders.”

Now that’s better. This is going to be so fun.

***
“Super kainis talaga. Ang laki laki ng daan pero binunggo ako ng isa sa
mga nerd. If I know baka sinadya lang niya ‘yun.”

Here we go again. Endless rants ng mga groupmates ko. They became extra
whiny lately. I wouldn’t be shocked if magreklamo pa sila kapag tinabihan
sila ng ibang members ng ibang groups. I’m wondering.. ‘yung ibang grupo
kaya ganoon din ang tingin sa amin? Kinaiinisan?

Ha. I bet, oo. Ang arte kaya namin. Feeling laging nasa taas.

“Baka hindi ka lang nakita. You know naman. Ang labo kaya ng mga mata
nila,” someone from my group said.

“Not all of them,” I answered and continue eating.

Naramdaman ko na nakatinigin sila sa akin kaya tumingin din ako sa


kanila, “Why? Is there something wrong?”

“Nagiging protective ka na sa mga ibang grupo lately.”

“Maybe because nagiging extra mean kayo sa ibang group lately.”

And that made them shut up. Nagkwentuhan na lang ulit sila about the
usual things na pinag-uusapan nila.

“It’s because of Elle.” I looked at Lara who sat beside me. She shrugged,
“Lagi siyang nagsasabi ng kung anu-ano sa ibang grupo. Ang mga tao pa
naman kung ano ang marinig sa iba ginagaya na. Kaya ayan, ginaya na
siya.”

“I just hope they realize na mali sila.”


We talked pa until the bell finally rings.

***

“How do you define happiness?”

Paano nga ba? Ano ba ang definition ng happiness? Parang ang dali lang
gawin ng project namin na ‘to. Parang super easy lang. Kaya lang “parang”
lang. In reality, it’s hard. It’s hard to define happiness. What is
happiness? What is real happiness?

“Kapag tumatawa ka, happiness na ‘yun,” malokong sagot ni Nate.

Warren threw a pillow at him. Hailey pinched him. Tamara rolled her eyes
at him. Hunter did nothing. I just stared at Nate.

We decided to make plans earlier. It’s better than to cram. Kaya we all
decided na magpunta na lang sa amin para makapag plan.

“May mga tumatawa kahit hindi sila masaya,” Warren said.

“Yeah. The great pretenders,” Hailey agreed.

Warren’s eyebrows almost touched, “Hindi. ‘Yung mga baliw. Ikaw ha. Lalim
nun.”

This time, it was Warren’s turn to be hit by a pillow.


“Search niyo sa Google,” Tamara suggested. “Marami namang definition ng
happiness doon.”

“Kung bibigyan natin ng definition ang happiness, hindi tayo pwedeng


umasa kay Google. Kasi ayun ang definition ng ibang tao sa happiness.
Hindi natin.”

“True,” pagsang-ayon ko kay Hailey, “To know the real meaning of


happiness, dapat tayo mismo ang mag-define nun. We can’t let others
define that for us. Hindi pareparehas ang meaning ng happiness. For
instance.. Warren, for you basketball is happiness. But for Hailey who
isn’t as athletic as you, hindi happiness ang basketball.”

They think about it. They were quiet for a while until Nate speaks,
“Guevarra, uso magsalita. Subukan mo minsan.” All heads turned to look at
Hunter.

He sighed but didn’t answer. I check the wall clock. It’s almost 6pm. I
think he needs to go already. He’ll work pa nga pala.

“Hey. Do you need to go – “

I was cut off by him, “Day-off.”

Oh. Okay, then. Sabagay. He wouldn’t be here in the first place kung may
work siya.

“Anong pinag-uusapan niyo?” tanong ni Warren.

“Hindi naman kami nag-uusap,” I lied.

“Whatever you say.”


“Hunter, ano ang happiness para sa ‘yo?” tanong ni Tamara sa kaniya.

Hinihintay namin ang pagsagot niya kaya lang ilang seconds na hindi pa
rin siya nagsasalita. Ginulo niya ang buhok niya saka sumandal sa sofa.

He shrugged.

“Ang tagal namin naghintay ng sagot tapos kibit-balikat lang pala,”


Hailey said.

“Sige, ganito na lang. Kung anong unang pumasok sa isip niyo, ayun na ang
sabihin niyo. Bawal mag-isip. Una si Hailey tapos si Piper tapos si
Tamara, si Warren, ako at last si Hunter. Three seconds lang ang allotted
time para sumagot. Okay?”

We all nodded.

“Anong gusto niyong matanggap na regalo? Go, ikaw Hailey.”

“Books.”

“Bags.”

“Cash.”

“Basketball shoes.”

“Pagkain.”

Napatingin na naman kaming lahat kay Hunter. Hindi na naman sumagot.


“Hoy, Guevarra. Three seconds lang. Huwag ka ngang madaya,” Nate said.

Hunter sighs, “Nothing.”

“Anong sagot ‘yun?”

“Wala ka talagang gustong matanggap na regalo?”

“Weh?”

“May ganoon naman talagang tao. Hayaan niyo na.”

Kung anu-ano na ang sinasabi nila. Kinukulit na nila si Hunter. Before I


could even stop myself, nakapagsalita na ako. “How about a rest?” That
made them all shut their mouth.

I made a nervous laugh, “Ano.. kasi ‘di ba he likes to sleep so I assumed


na ayun pa rin ‘yung gusto niya.”

“Oo nga, ano,” Nate agrees.

I saw Hunter smirked at me, “Yeah. I like that.”

I was about to say something when our doorbell rang. Warren volunteered
to open the door. When he came back, bigla na lang akong napairap. It was
Elle. Elle is here. What does she wants?
“Hi!” she walks toward me and gave me beso. She saw Hailey and the rest
of the gang. Nagkunwari pa siyang nagulat. “Oh. You have.. visitors.”

“Yes.”

“I just decided to stop by. But I think medyo busy kayo ng visitors mo.
I’ll go na lang.”

We pretend we didn’t saw Elle today. Nag-plan na lang ulit kami.

Ang sabi ni Nate kung ano raw ang sagot sa tanong niya kanina, ayun daw
ang definition namin ng happiness. But that’s too shallow. Halos lahat
bagay lang. He asked us what gift we want to receive. Hindi naman ‘yun na
ang happiness for us.

We’re having a hard time defining happiness kaya we skipped that part.
Nag-plan na lang kami kung ano ang gagawin namin na presentation. We all
voted na gumawa ng video. We’ll make lines and stuff. We’ll role played
and someone will shoot the whole thing. We all voted din na si Hunter na
lang ang mag-video. He didn’t argue. Of course he’ll like it better na
nasa likod lang siya ng camera kaysa nasa harap.

And that’s how the day ends.

***

The class ended and I was about to gather my things when someone came.
Almost everyone are heading outside the room na when Lara just barge in.

“May pinapakitang pictures si Elle sa Populars. Picture mo kasama ‘yung


ibang leaders pati ‘yung bago.”

“Ah. She must’ve took that yesterday noong nagpunta siya sa amin at
inabutan niyo ‘yung lima na nandoon.”

“Why are they there? Friends mo ba sila?”

“Bestfriends. Childhood friend ko rin kasi sila Hailey, Warren at Nate.”


She looks so shocked. “Wow.”

“Yeah, wow.”

“Ang cute. Bestfriends pala ang leaders. Kaya lang parang ang hirap
gumalaw sa school dahil sa rule. Highschool is so much fun when you spend
it with friends. Nakakapanghinayang naman na hindi kayo naging
magkakasama.”

“Outside naman sa school we’re together kaya it’s okay. Anyway, nasaan
sila Elle? I should confront her, I think.”

Lara took me to where Elle and the other Populars are staying. When Elle
saw me, she smirked and took her phone away from someone.

“Look who’s finally here. You’re not with your friends?” she asked
sarcastically.

“Clearly, I’m not.” Since I can’t consider her being my friend.

All eyes are staring at me. I told Lara to sit na lang beside her
bestfriend.

“Guess what. I just showed your pictures with your so-call friends sa
kanila.”

“Oh, really? Can you send me those pictures? Para maipost ko naman sa
Instagram.”
She rolled her eyes at me, “Do you know that you just broke the rule?”

“Piper, ikaw ang leader namin. Sa ating lahat, dapat ikaw ang
pinakasumusunod sa rule.”

“That’s not how a Popular act, Pipes. Why did you befriend those people?”

“Tayo ang nasa pinakataas ng hierarchy sa mga groups dito sa Kingdom


High. Don’t put our names into shame dahil lang sa you broke the rule.”

“Ibababa mo ba ang grupo natin at ipapantay sa grupo nila? Wow.”

My groupmates kept talking and talking. They keep on telling me to stop


interacting with the other leaders and don’t put our group into shame.
They say that other groups will make fun of us when they found out that
their leader broke the rule.

Their ranting stops when Lara stands up to defend me, “Hindi naman niya
nilabag ang rule. Nakipag-interact ba siya sa loob ng school? Hindi
naman. Obvious naman sa picture na nasa bahay sila. In case nakakalimutan
niyo, nag-eexist lang ang rule sa loob ng school. How could someone break
a non-existing rule?”

“But!” Elle caught everyone’s attention, “it’s clearly shown in the


picture na nag-eenjoy silang magkakasama. They’re smiling. Parang wala
ngang tension o. Sa tingin niyo ba in a short period of time magiging
magaan agad ang loob nila sa isa’t isa?”

Everyone murmured and that seems to satisfy Elle. She looks at me again
and smiled. Wicked smile.

“They’ve been friends ever since, I guess. If you’ll based it din sa mga
reactions ni Piper whenever we’re saying something bad sa ibang groups,
halatang she’s protecting them. In or out the school, it doesn’t matter
anymore. Kasi if she’s friend with them, we’re not sure if she’s
interacting with them secretly. You’ll never know. It’s hard to ignore
your friends.”

“But – “ it seems like Lara will defend me again kaya I gave her a sign
na huwag na lang. Baka mapag-initan din siya.

Lumapit sa akin si Elle at pinagdikit pa ang dalawang kamay as if she


just decided something, “Since we don’t have a proof naman na you broke
the rule, hindi ka namin pwedeng isumbong. That would also give a bad
reputation sa group natin. Kaya we decided to punish you na lang.”

Another punishment for me, eh? I couldn’t care less.

“We’re overthrowing you as the leader of the Populars. From now on, you
don’t have any say na sa Populars. Magiging ordinaryong member ka na
lang. We finally decided this, Pipes. Sorry, but majority wins.”

Obvious na obvious na she’s enjoying this. She’s even smirking at me. She
planned the whole thing huh? Good for her. May alam naman pala siyang
gawin bukod magpaganda.

I smiled sweetly at her to piss her off, “That was fun. Mukhang napag-
usapan niyo na nga lahat while I’m away. Nice.”

I look at Elle and pouted, “Aww. Little Elle finally got what she wants.
I’m so proud of you. But wait. I think you said earlier that it’s hard to
ignore friends, right? How’d you know? Have you ever treated someone as
your real friend?”

She was about to speak when I stopped her. Itinapat ko ang kamay ko sa
mukha niya to prevent her from talking.

“Kanina.. almost all of you keep on saying that a real popular won’t do
that, a popular won’t do this. Tell me, then. What should a popular do?
How should a popular act? Should they keep on belittling members from
other group? To be popular, should they be mean?”
I looked at the other members but they just looked away. They can’t
answer my question.

I shook my head, “If that’s what a Popular should do, then I’m really
ashamed to be a member of this group. You’re pushing yourself up by
pulling someone down. Aren’t you ashamed of yourselves? I guess, not.
Kasi for most of you, fame and popularity is everything.”

They were silent for a moment, but Elle speaks up, “Are you done with
your speech? Kahit na anong sabihin mo, it won’t erase the fact na
tinanggal ka na namin sa pagiging leader. Kaya if you think that we’ll
change our mind just because of your sweet, little speech, huwag ka ng
umasa. You’re not the leader any more, Piper. You’re just a member.”

I smile and shook my head, “Does it look like I care kung maging leader
man ako or hindi? I don’t give a crap. Overthrow me, I don’t care.”

She smirked at me, “Whatever. As the new leader of the Populars, I’ll be
imposing – “

“Save your speech, Elle. Wala na akong pakialam. From now on hindi niyo
na ako kagrupo kaya this will be the last time na maririnig ko ang mga
non-sense views and opinions niyo. I quit.”

=================

Chapter 27: Groupless

Tamara's POV

Naglalakad ako sa may hallway papasok ng classroom nang may makasabay


akong dalawang babae. Nakakairita pa. Ang aga aga nagchichismisan agad.
"You know, what she did is so brave. Yet so stupid."

"More like stupid, girl. Ayun na kaya. She's admired and she's
experiencing so much fame. Then all of sudden biglang magiging ganoon
desisyon niya. It's foolish, right?"

"I know! Parang naghirap siyang kunin ang isang bagay tapos nang makuha
na niya bigla niyang bibitawan. Sinong matinong tao ang maghihirap just
to give up?"

Wala talaga silang magawang matino bukod sa pagfiestahan ang buhay ng


kung sino.

Naiinis na akong pakinggan ang pinagkwekwentuhan nila kaya binilisan ko


na ang paglalakad ko.

Nang makapasok ako sa room ay saktong palabas si Hailey.

"Good morning," bulong niya.

Tumango ako bilang sagot. Mahirap na kung may makakita pa sa aming dalawa
na nag-uusap. Baka magkaroon na naman kami ng panibagong parusa. And
that's the least thing I want right now.

Tinitingnan ko ang mga tao sa classroom. Kanya kanya ng mga trip sa


buhay. Wala pa ang mga jocks dahil panigurado ay mga nasa court 'yun. Ang
mga ordinaries naman ay nasa gilid at mga nagtatawanan. Nasa gitna kasi
nila si Nate at mukhang nagjojoke. Ang Nerds naman, iba sa kanila ay mga
nag-uusap. Ang iba naman ay nasa kaniya kaniyang upuan at nagbabasa. Ang
rebels, karamihan wala pa. 'Yung mga nandito naman kung hindi natutulog,
hawak lang ang phone habang nakataas pa ang paa. Ang populars naman ay
nagchichismisan sa harap. Ang iba ay naglalagay ng nail polish o nag-
aayos ng buhok. Everything seems normal. Not until I saw Piper.

Usually, makikita ko siyang nakikipag-interact sa ibang groupmates niya


or nakaupo sa may teacher's desk. Pero ngayon she's alone. Nakaupo lang
sa pwesto niya.
What's up with her?

Plano ko sanang abutan siya ng paper na may message kaya lang bigla nang
dumating ang teacher namin.

Nang matapos na ang lahat ng subject namin para sa umaga, hinintay kong
lumabas muna ang lahat para hindi ako makikipaggitgitan sa kanila
palabas.

Sa dulo, nakita ko si Piper na mag-isa papalabas. Hindi ulit tulad ng


dati na nauuna siya kasama ang mga kagrupo niya.

Dahil sa wala na rin namang tao, mabilis akong tumayo at naglakad para
abutan siya saka siya hinila.

"Oh. Hey. What's wrong?" tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa kaniya dahil parang mali na ako ang tinatanong
niya. Dahil dapat siya ang tinatanong ko.

"May mali talaga."

"Anong mali?"

"Ikaw, anong tingin mong mali?"

Napaiwas siya ng tingin sa akin at ayun na ang nagsilbing confirmation


ko. May mali nga.
"Nag-away kayo ng ilan sa groupmates mo and they're isolating you?"

"No," napakagat pa siya sa labi niya. Nagsisinungaling siya. Sigurado


ako.

"Alam kong bago palang nang maging magkaibigan tayo at hindi ako kasing
close nila Hailey sa'yo. Kaya siguro ayaw mong sabihin."

I didn't mean what I've said. Reversed psychology lang. Sana gumana.

"Uy, it's not like that. I may have known them longer but I trust you as
much as I trust them."

Hindi ako sumagot at nagpanggap na lalabas na pero hinawakan niya ako sa


braso at nagsalita, "We're groupmates." Groupmates?

Hinayaan kong mag sink in ang sinabi niya pero hindi ko maintindihan.
Paanong naging?

"You're groupless. So am I."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. Naspeechless ako sandali sa


narinig ko at nang makabawi ay niliitan ko siya ng tingin. Baka
nanggugoodtime lang 'to.

"What? Do I look like I'm joking?"

"Oo."
Napabuntong hininga siya, "First, you knew something's wrong. That's why
you tried to talk to me even we're at school. Second, do you think I'll
still be here if I'm just joking?" Sabagay. May punto siya.

"Alam na ba nila?"

Umiling siya, "Please don't tell the others about this. Lalo na kay Nate.
Knowing him, once malaman niya, I know he'll do the same. Ayoko naman
mangyari 'yun. I don't want the rule to be fucked up. It's enough na
dalawa na lang tayong walang group.

“Imposible ‘yan, Piper. Malalaman at malalaman nila na umalis ka na sa


grupo mo. Kung ako nga nalaman ko. Medyo halata. Instead na kasama mo ang
ibang kagrupo mo, ngayon mag-isa ka na lang.”

“Malaking gulo if ever they’ll leave their group.”

“Sana naisip mo ‘yan bago ka umalis ng grupo ‘di ba?”

Sinamaan niya ako ng tingin at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.


Sinasabi ko lang naman ang opinyon ko.

“Bakit ka nga pala umalis?”

“Can I eat first? I’m so hungry na kaya.”

“Sabay na ako.”

“What?!”
Again, tinaasan ko siya ng kilay. Kung magsasama kami, wala naman akong
lalabagin na rule. Wala na rin siya. Nainform naman ako na bawal makipag-
usap sa ibang grupo pero hindi sa ibang wala rin kagrupo.

“Nate and others will know if – “

“Ang akala ko dati wala kang pakialam sa sinasabi ng iba? Ano na bang
nangyari?”

“I don’t care what they think. I don’t care what they say. Kaya lang I
care about sa action na gagawin nila Hailey once malaman nila na I don’t
belong to any group anymore.”

“Sus. Malaki na ang mga ‘yun. Choice naman nila kung ano ang gusto nilang
gawin. Kung gusto ni Nate na – “

“Naks. You call him Nate na rin ha.”

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nagpatuloy, “Kung gusto niya na


umalis ng grupo niya, choice na niya ‘yun. Kung gusto ni Hailey na umalis
na rin, choice din niya ‘yun. Kung gusto rin ni Warren na umalis, choice
din niya ‘yun. Kung si Hunter, gustong manatili sa grupo niya, choice din
niya ‘yun. Hindi mo naman sila pipilitin. Pilitin mo man sila, sila pa
rin ang pipili ng desisyon.”

“But – “

“Isa pa, medyo nakakainip na rin ‘yung palagi ka lang mag-isa. Ngayon
naman kahit papaano may kasama na ako.”

Tiningnan niya ako ng nakakaloko at nagtataas baba pa ng kilay, “Uy. You


admitted it. You want some company.”
“Shut up,” sabi ko lang sa kaniya at hinila na siya papunta sa may
cafeteria.

Nang makarating kami sa cafeteria, ramdam na ramdam ko na ang tingin ng


mga tao. Hindi pa mga nakuntento at mga nagbubulungan pa. Sobrang big
deal na magkasama kami ngayon ni Piper?

“I wanna laugh,” bulong niya at itinikom ang bibig.

Napailing ako sa iniisip niya at napangisi, “Ang OA din ng mga estudyente


sa school na ‘to, ano?”

“I was number one when it comes to ka-OAan. But I guess someone is more
OA than me,” sabi niya at saka tumango sa direksyon ng mga dati niyang
kasama. “Elle. That fake bitch.”

“Ano nga nangyari? Bakit ka umalis?”

“Can we order first and look for a table?” she said sarcastically.

Nang makaorder na kami, natanggap na ang pagkain namin, nagbayad,


naghanap ng lamesa, ipinatong sa lamesa ang pagkain at umupo, tinanong ko
ulit siya, “Ano na ulit ang nangyari? Baka pwede ng masabi kasi okay na
lahat.”

“I’ll take a bite first.”

Grabeng pa-suspense na talaga ‘to. Naglolokohan na lang ata kami ni


Piper.
“Okay. Ito na.. I don’t know what really happened. Basta my ex groupmates
are being so mean lately. They are starting to act like the mean girls.
Nilalait nila ‘yung ibang groups, but since our friends are there, I’m
defending those groups. They didn’t take it nicely, I guess. Tapos that
one time na nakita tayo ni Elle sa house namin, she took a picture of us
pala and she showed it to my ex groupmates. They overreacted. I’m sure
it’s because Elle brainwashed them. So Elle told me na they’ll remove me
as their group leader. Kaya ayun, I decided to quit na lang din.”

Okay? Umalis siya sa grupo niya dahil hindi na siya leader?

“I know that look. It’s not like that. Umalis ako kasi I can’t stand them
anymore. Yes, Populars are on top. Kaya lang nakakainis. They’re on top
so they think that they should look down on others. And that’s wrong.
Wala naman tayo sa movie. This is real life. You don’t have the right to
be mean just because you’re popular. Alam ko rin naman na hindi lahat ng
members ng Populars are mean. Some are just pressured to be mean just to
stay in the group.”

“Mali naman ang ganoon. Parang para lang manatili ka sa isang grupo
magpapanggap ka ng ibang tao.”

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan ni Piper. Muntik pa ngang lumapit sa amin


si Nate pero bago pa man niya magawa ‘yun, umiling na si Piper sa kaniya.

Dahil nakakausap ko si Piper, narealize ko na mali talaga ako sa pag


sterotype sa kanila. Dahil sa sila ang sikat ang akala ko dati sila ‘yung
mga mahilig magmataas. Sila ‘yung “kontrabida”. Kaya lang mali pa. Hindi
naman pala dapat nilalahat. Ang ugali ng isang miyembro ng isang grupo ay
hindi ugali ng buong grupo mismo. Iba-iba ang mga tao.

***

Patulog na ako nang makatanggap ako ng text galing kay Hailey.


Anong nangyari? Bakit magkasama kayo ni Piper kanina? Nalaman ko na
nagquit siya pero noong tinanong ko sa kaniya kanina kung bakit sabi niya
hayaan ko na lang ‘yun. Sure ako na alam mo.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang nangyari? Kaya lang kung si Piper nga
hindi sinabi, ako pa kaya? Anong karapatan ko para sabihin ang rason ng
ibang tao? Mali naman kapag ganoon.

Wala ako sa posisyon para sabihin ang rason niya. Maghintay ka na lang ng
kaunti pang oras. Baka sabihin din niya sa ‘yo ang dahilan. Sabihin man
niya o hindi, isipin mo na lang na ayaw lang niyang mag-alala kayo sa
kaniya. Kasi matapang at malakas naman siya. Alam niya ang ginagawa niya.

Sinend ko na ang reply ko sa kaniya kaya lang ilang segundo na ayaw pa


rin mag-send. Saka ko lang naalala na wala pala akong load. Kaya ibinalik
ko na lang ang phone sa gilid ko. Mas ayos na rin ‘to. At least may rason
ako kapag tinanong niya bakit hindi ko sinagot ang tanong niya.

***

Hindi ko alam kung tama ban a ganito ang isipin ko pero kahit papaano
masaya ako na umalis na si Piper sa grupo niya. Kasi ngayon may
nakakasama na ako. Ang selfish pakinggan pero.. ay ewan.

Nakatambay kami sa likod ng campus at nagkwekwentuhan nang biglang


dumating si Nate. Sinamaan niya kami ng tingin at saka umupo sa tabi
namin.

Wala namang tao dito kaya safe lang siguro na mag-usap-usap kami.

“Bakit ang daya niyo?” sabi pa niya.


Nagkatinginan lang kami ni Piper at nagkibit-balikat ako sa kaniya.

“Pipes. Anong nangyari?”

Tumango ako kay Piper. Hindi naman pwedeng hindi niya sabihin sa iba na
umalis na siya sa grupo niya. Napabuntong hininga siya at kwinento kay
Nate lahat ng nangyari.

Matapos niyang magkwento ay saglit na natahimik kaming tatlo. Hanggang sa


bigla na lang nagsalita si Nate, “Ang daya mo.”

“Ha?”

“Simula pa lang sinasabi ko na na labagin na lang natin ang rule pero


pinigilan mo ko. Ngayon naman ikaw pala ang unang lalabag sa ating
dalawa.”

“I didn’t. Umalis ako. That’s different.”

“Naiinggit ako. Aalis na rin ako.”

Bago pa magsalita si Piper ay itinaas ko na ang kamay ko para pigilan


siya, “Choice niya ‘yun. Di ba napag-usapan na natin ‘to?”

“Masaya naman masama sa Ordinaries. Nagkaroon na rin naman ako ng mga


kaibigan doon. Kaya lang simula palang naman ayoko na talaga sa rule rule
na ‘yan.”

“Parang nakakulong, ‘di ba? Parang pinpilit mong maging ibang tao para
lang magtagal sa grupo.”

“Parang namimili ka lang din ng taong pwedeng maging kaibigan mo. Kapag
magkaiba kayo, hindi pwede. Masyadong biased.”
Sino ba naman kasi ang gumawa ng ganitong klase ng rule? Ang unfair
masyado.

“Aalis na ako sa grupo ko ha,” paalam pa ulit ni Nate kay Piper.

Napabuntong hininga si Piper at tinanguan siya, “If that’s what you want,
then it’s fine.”

Hindi na sumabay si Nate sa amin pabalik ng room. May pupuntahan pa raw


siya kaya naiwan kaming dalawa ni Piper.

Sa hallway, makakasalubong naming ‘yung Elle na mukhang tuwang tuwa sa


nakikita niya.

“Oh. What a nice view naman, girls. Our former leader is groupless na.
Kaya she’s with a weird girl. But it’s fine naman since bagay silang
magkasama. Both patapon.”

Pinipigilan ko ang sarili kong sagutin ang malditang bruha na ‘to. Akala
mo kung sinong magaling. Pailalim naman kung gumalaw. Famous wanna-be
masyado.

Nang mapatingin ako kay Piper, medyo naweirdohan ako na makita siyang
nakangiti at parang hindi man lang naapektuhan sa pang-iinsulto ng
bruhildang Elle na ‘to.

“Okay lang sa ‘yo?”


“Yeah. She’s pathetic. She looks like a fool kasi hindi naman siya
papansinin ng inaaway niya.” May point.

Mukhang magpaparinig pa si Elle pero natigil siya nang may umakbay sa


aming dalawa ni Piper. Si Nate, “Oks na. Wala na rin akong grupo. Astig
‘di ba?”

=================

Chapter 28: Stay or Quit

Nate's POV

Nang magpaalam ako kay Pipes at Tamara, dumiretsyo na ako papunta sa


Prefect of Discipline at nagrequest na aalis na ako ng grupo.

"Sigurado ka na ba, Mr. Scott?"

"Yes, ma'am."

"Alam mo na ang mangyayari oras na umalis ka ng grupo."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Mawawalan po ako ng grupo. Hindi ko na


pwedeng kausapin ang mga kagrupo ko at tanging ang katulad kong walang
grupo na lang ang pwede. Kung maisipin ko man na bumalik sa grupo ko,
dapat tanggapin ako ng magiging bago nilang leader. Kapag hindi ako
tinanggap, kahit anong gawin ko, hindi na ako makakabalik. Parehas lang
din sa iba pang groups."

Mukha naman siyang nasatisfy sa sagot ko at tumango.

Napabuntong hininga siya at pinalabas na ako. Now I'm groupless.

Kakaiba talaga sa pakiramdam. Parang kinikiliti ang buong pagkatao ko. Sa


wakas nakawala na ako sa mga bwisit na grupo grupong 'to.

Gustong tumalon talon habang naglalakad papuntang classroom kaya lang


para naman akong magiging tanga at baliw nu'n. Kaya naglakad na lang ako
ng nakangiti. Malapit na ako sa room nang makita ko sila Pipes at mukhang
nakasalubong nila si Elle. Malamang ko ba nagparinig na naman ang mapap-
Elle na 'to. Trip na trip niya ang bestfriend ko. Konti na lang iisipin
kong tibo 'to eh.
Papunta na sana ako sa kanila kaya lang ay napahinto ako nang batiin ako
ng dati kong kagrupo.

"Hi, Nate. Sama ka ba mamaya? Nag-aayang manuod ng sine ang iba."

Ang tanga ko. Bakit hindi muna ako nagpaalam sa mga 'to bago ako umalis?
Masyadong padalos dalos. Anong problema mo sa buhay, Nate? Bukod sa gwapo
ka, tanga ka pa. Hay buhay.

Wala na akong magagawa, nangyari na. Kaya nginitian ko ang dati kong
kagrupo, "Yo, dude. I'm groupless. Sorry hindi na ako nagpaalam at sorry
kinakausap kita ngayon. Magsusulat na lang ako tapos ibibigay ko isa sa
inyo mamaya para mag-explain. Ge, una na ko."

***

"Are you out of your mind? That's so impulsive, Nate. Yes, I know that
you'll quit. But parang napikit lang kami sandali and the next we know
you're groupless na rin."

"Hindi ba parang medyo OA naman 'yung napikit lang kayo sandali? Mas
matagal naman 'yun doon."

Sinamaan ako ng tingin ni Piper pero nginitian ko lang siya.

"Nag-iisip ka ba?" tanong ni Tamara.

"Oo naman."

"E bakit hindi ka nagpaalam sa mga kagrupo mo bago ka umalis?"

"Ahh.. minsan nakakalimutan ko rin mag-isip?"

Tulad ni Pipes, sinamaan din ako ng tingin ni Tamara. Nakakatuwa naman


pala. Damang dama ko ang pag-welcome nila sa akin ha. Tinanggap nila ako
with open arms.

"We're just worried about your group, Nate. This is too abrupt.
Everything's perfect naman sa group mo tapos biglang you're out of the
group na. Paano na sila?"

Magsasalita palang sana ako pero pinatahimik ulit ako ni Pipes, "My case
is different from yours."
"Sorry na. Nakalimutan ko talaga. Gwapo lang ako. Hindi ako ganu'n
katalino."

Kung masama na ang tingin nila sa akin kanina, posible pa palang mas
sumama pa ang tingin na 'yun. Itong mga 'to ayaw talaga pumayag na gwapo
ako. Medyo nakakasakit na sila ha.

"Gumawa naman ako ng letter kanina habang nagklaklase. Ibibigay ko sa


kanila 'to mamaya bago mag-uwian."

"You'll talk to them?"

"Hindi. E 'di naparusahan kami parepareho. Saka para saan pa ang sulat
kung kakausapin ko lang din pala sila? Ilalapag ko lang sa lamesa ng isa
sa kanila 'to. Ito, basahin niyo 'yung letter. Tingnan niyo kung okay
na."

Inabot ko sa kanila ang sulat at agad naman nila 'yung binasa.

Hi groupmates (Joke. Ex groupmates),

Alam niyo, may nagawa akong katangahan. Nakalimutan kong magpaalam sa


inyo bago ako umalis ng grupo. Nakalimutan kong sabihin.. huwag pala
kayong mabibigla kaya lang mukhang huli na para sabihin ko 'yun. Sana rin
huwag niyo isipin na naiinis ako sa inyo kaya ako umalis ng grupo. Pero
dahil nasabi ko 'yun, baka bigla niyong maisip na ayun nga ang dahilan.
Hindi ganun 'yun. Kaya chill lang kayo. Kasi chill lang ako.

Masaya kayong kasama. Alam niyo naman na sa lahat ng grupo dito, tayo ang
pinakcool. Kaya lang ngayon na wala na ako sa Ordinaries, baka mahigitan
na kayo ng iba.

Umalis ako kasi.. drum roll please. De joke, ito na talaga. Umalis ako
kasi ayokong malimitihan at tawagin lang na ordinary dahil ayun ang grupo
ko. Gets niyo ba? Kung oo, ayos. Kung hindi, basahin mo lang ng basahin
ang sinabi ko hanggang maintindihan mo. Basta ayun.

Isa pa, siguro naman may mga matatalik kayong kaibigan. Di ba gugustuhin
niyo rin silang makasama sa highschool life niyo? Kaya ito na.. pinipili
ko na samahan ang bestfriend ko at ang kaibigan ko. Siguro nga halos huli
na kasi ilang buwan na lang gagaraduate na tayo, pero wala na akong
pakialam. Basta kasama ko na sila. Ayos na ako du'n.

Sorry mga ex groupmates. I'm choosing our friendship over the rule.

See you around,


Nate

Tinginan na naman ako ng masama ni Pipes. Akala ko nga galit siya pero
unti-unti siyang napangiti at biglang yumakap sa akin.

"That's sweet, Nate. You're the best bestfriend."

"Kanina halos itapon mo ako pabalik sa grupo ko tapos ngayon bigla kang
mangyayakap. Ganiyan ba talaga kayong mga babae. Ang gulo ng takbo ng
utak."

Pinalo niya ako ng mahina at saka bumitaw.

Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Pwede ko ng kausapin ang bestfriend ko


kahit kailan ko gusto na hindi natatakot na baka maparusahan siya.

***

Nang mag-uwian, dumiretsyo kami sa bahay nila Hailey para sa project


namin sa homeroom.

"Alam niyo na ba ang definition ng happiness?" tanong ni Tamara.

"This is happiness," sagot ko sa kaniya.

"That doesn't make sense," sabi naman ni Pipes.

"It does."

Napahinto kaming tatlo sa pag-uusap nang mapansin namin na nakatahimik


lang 'yung tatlo. Kaya lang sanay naman na kami na tahimik si Hunter kaya
parang wala na rin namang bago sa kaniya. Kay Warren at Hailey lang
talaga.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Sinamaan ako ng tingin ni Hailey at inirapan. Quotang quota na ako sa


lahat ng masamang tingin na natatanggap ko ngayong araw. Anong problema
ng mga 'to sa akin?

"Kayo, okay lang kayo?" sarkastiko niyang sagot.


Napatingin ako kay Warren. Napailing siya at saka umayos ng upo, "Anong
ginagawa niyo?" tanong niya. "Wala ba talaga kayong balak magkwento? Ano
'to, magpapanggap na lang kami ni Hailey na walang nangyayari?"

"'Tol - "

"Medyo left out na kami, guys," dagdag pa ni Hailey.

Napabuntong hininga si Piper, "Sorry. It's my fault. We never meant for


you to feel that way. It's just that.. I don't know. Medyo magulo kasi.
Well, it's simple, but I just tend to make things complicated."

"Hindi namin gets."

"Okay.. well.. I left my group."

"Halata naman dahil nakakausap mo na si Tamara," seryosong sagot ni


Hailey. "Pero bakit?"

Ikwinento ulit ni Pipes ang lahat ng nangyari at mga sinabi ni Elle. Kung
ako sa kaniya nirecord na lang niya 'yung kwentong 'yun kasi pangatlong
beses na atang may nagpapakwento ng nangyaring 'yun sa kaniya.

"Epal talaga 'yung babaeng 'yun kahit kailan. Masyadong insecure."

"So.. ayun. I don't want you to know because I'm afraid na baka you'll do
the same. But since naenlighten na ako ni Nate and Tamara, okay lang if
you'll quit din. Actually, mas fun siya. Still, it's up to you if you'll
stay or you'll quit."

Tumayo si Hailey at saka lumapit kay Pipes at umakbay, "Kung nasaan kayo,
doon din ako. Wala naman akong reason para magstay sa group ko. I like
some of my groupmates kaya lang mas gusto kong kasama ang bestfriends ko.
Isa pa, pabor lang naman talaga ako sa rule dati kasi hindi pa naman tayo
okay that time."

"Ayos! Mukhang makukumpleto na tayo."

"Kaya lang, sa ginagawa nating 'to, ihanda niyo na lang ang sarili niyo
sa changes at consequences. Paniguradong may magbabago. Paniguradong may
hindi makakaintindi sa gagawin natin. Posible rin na magkaroon ng gulo."

Sus. Sigurado talagang may magbabago at magbabago. Simula pa lang naman


alam ko na 'yun. At sa tingin ko, magkakaroon talaga ng gulo. Sa pag-alis
namin, tatlo lang naman ang pwedeng mangyari.
Una, magalit at pagkaisahan kami ng iba't ibang grupo dahil sa nilabag
namin ang nakasanayan nila at pinili namin na baguhin ang nakagawian na.
Pangalawa, pwedeng may sumunod sa ginawa namin. Ang mga tao kasi takot
humakbang. Gusto pa minsan na may nagtutulak sa kanila. Madalang ang
gumagawa ng first step. Pero oras na may humakbang na na isa, may ilan
ang magsisisunuran. Pangatlo, pwedeng walang magbago.

Kaya lang mukhang imposible na walang magbabago. Ano 'yun, lokohan lang?

"Ikaw Hunter. Ano na gagawin mo?" Sa halip na sumagot nagkibit balikat


lang siya. "Wala kang balak umalis ng grupo?" tanong ko pa ulit sa
kaniya.

"May dahilan ba para umalis?" seryoso niyang sagot.. na patanong.

Sabagay oo nga naman. Ano nga ba ang pakialam ni Hunter sa nangyayari sa


paligid niya? May rule man o wala mukhang wala namang magiging bago sa
kaniya.

"Bakit parang laging meron 'tong si Hunter? Init ng ulo," bulong kay
Pipes kaya pinalo niya ako ng mahina.

"Ssh. He might hear you. Baka bugbugin ka niyan," biro niya.

Kaya lang mukhang narinig na niya kami. Kaya nang mapatingin siya sa amin
ay sabay na lang kaming nagpeace sign ni Pipes sa kaniya.

"Warren, ayos ka lang?"

Oo nga, ano. Kanina pa nakatahimik ang loko.

Nang marinig niya ang tanong ni Hailey, parang nagulat pa siya at saka
lang niya malamang narealize na may tao pa sa paligid niya.

"Ha?"

"Anong iniisip mo? Parang sobrang lalim."

Napaiwas siya ng tingin at saka umiling, "Wala. Hindi naman mahalaga."

"Hindi ka magaling magsinungaling."

Napakamot siya sa batok niya at parang nahihiyang tumingin sa amin.


"Ano.. parang.. ano.."

"Ano?"

"Parang hindi ko kayang umalis sa grupo ko."

=================

Chapter 29: Bestfriend

Hailey's POV

"Ano?" Pagpapaulit ko sa sinabi ni Warren.

"Parang ayokong umalis ng - "

"Okay. Okay. Tama naman pala ang dinig ko."

Napatingin ako kila Nate na mukhang hindi naman nagulat sa sinabi ni


Warren. Ineexpect na ba nila na ganito ang desisyon niya?

"It's okay. If you don't want to, that's your choice. We'll support you
pa rin."

Mukhang wala nga lang sa kanila. Mukha ngang ako lang ang nagulat.

Ilang minuto lang ata ang lumipas nang mabalik na ang topic sa project
namin sa homeroom. Parang walang nangyari. Parang walang naging usapan.
Parang walang nagpaiwan at parang walang mang-iiwan.

"Ang kulit niyo. Sabi na ngang ito ang happiness. Hindi niyo ba gets?
Okay lang ba kayo o dapat ko pang iexplain sa inyo?" Nagmamaktol na sabi
ni Nate na kulang na lang ay magtantrums sa harapan namin.

"Wala namang sense 'yang sinasabi mo, Nate." Pambabara ni Tamara sa


kaniya.

Happiness. What is happiness?

"Paano ka ba nagiging masaya? Paano mo nalalaman na masaya ka nga?" I


asked. Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Baka sakaling sila alam
nila.
Napatingin sila sa akin at parang mga nag-isip. A question that's so easy
to ask but too hard to answer.

"Nagiging masaya ako kapag masaya ang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung
paano ko nalalaman na masaya na ako. Kusa ko na lang kasi 'yun
mararamdaman," sagot ni Tamara.

"As for me, I'm happy whenever I'm with Daddy, Mommy and Jarvis. I'm
happy rin when I'm with you, guys. I agree with Tamara. Happiness is
something you'll just feel. It doesn't come with a warning. You just feel
it. Minsan nga malalaman mo lang na happy ka kapag tapos na. Kapag
nangyari na. You're too busy enjoying the moment kaya you don't pay much
attention to your feelings."

Nagtaas naman ng kamay si Nate matapos magsalita ni Piper. "Sabi sa


inyo.. this is happiness."

"You, Hunter, paano mo nalalaman na masaya ka?" tanong ko sa kaniya.

Hindi siya sumasagot kaya napatingin kami. Napakunot na lang ang noo ko
nang makita siyang nakasandal na sa upuan at nakapikit. Jusko naman.
Hanggang dito tulog pa rin?

"That was fast," amaze na sabi ni Nate. "Ayan ang happiness para sa
kaniya. Ang matulog. At nararamdaman niya na masaya siya kapag tulog at
nananaginip na siya."

"I doubt that," bulong ni Piper at nang mapansin niya na nakatingin kami
sa kaniya, she just smiled sheepishly.

Kilala ko 'tong babaeng 'to. Alam kong may alam 'to kay Hunter.
Napapansin ko rin na hindi siya takot kay Hunter. Not that he's really
scary or what. Para kasi kay Piper parang walang limit. Nu'ng utus-utusan
niya nga lang si Hunter nu'ng nasa supermarket kami akala mo ilang taon
na silang magkaibigan.

And speaking.. curious ako kung nagseselos pa si Warren sa kaniya? Ah,


ewan!

"Hoy, Pipes. Ikaw nga umamin lang sa amin. May secret affair ba kayo
nitong si Hunter?" tanong ni Nate.

Napatingin ako kung ano ang magiging reaksyon ni Warren. Tumingin siya
kay Piper pero hindi nagsalita. I guess he's still affected.

"Seriously? Are you on drugs? Nakita mo bang nagsama kaming dalawa or


nag-usap man lang for half an hour?"
"Hindi. Kaya nga secret affair 'di ba? Kung nakita ko edi hindi na
secret. Hay nako, Pipes."

"May point," tatango tangong sabi ni Tamara.

Napairap si Piper sa kaniya, "Wala."

Kung saan saan na naman napupunta ang usapan. Para ibalik sa naunang
topic, humarap ako kay Warren na ngayon ay nakatahimik lang.

"Ikaw, Warren?"

"Ha?" Gulat niyang tanong.

"Paano ka kako nagiging masaya at paano mo nalalaman na masaya ka na?"

Sandali siyang nag-isip pero sumagot din naman, "Masaya ako kapag gusto
ko ang ginagawa. Kapag kasama ko ang mga taong importante sa buhay ko.
Kapag walang problema. Masaya."

"Paano mo nalalaman?"

"Hindi ko rin alam."

This project is harder than it seems.

***

"Para saan 'tong meeting na 'to, Hailey?" tanong ng isa sa mga kagrupo
ko.

Today, sinabihan ko ang members ng Nerds na magmeeting kami dahil may


sasabihin akong mahalaga sa kanila. Kanina malakas pa ang loob ko. Ngayon
hindi na. Kapag pala kaharap ko na ang mga kakausapin ko, nakakatakot pa
rin pala.

"Uhh.."

Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Kulang na lang bilangin nila


ang paghinga ko.
"This is an awesome group," panimula ko na mas lalong nagpagulo sa mukha
ng mga kasama ko. "Kahit ilang beses pa ako papiliin ng grupo, ito ang
pipiliin ko. Kasi pakiramdam ko dito ako dapat. Dito ako belong."

"Ayos ka lang ba, Hailey?" tanong ng isa pa.

Tingnan ko sila at tumango, "Madalas akong pumili ng maling choice.


Mahina ako sa decision making kahit tingnan niyo pa ang result ng exam
natin tungkol doon. I've wasted almost four years of my life suffering
from a wrong choice. And for once.. alam kong tama ang gagawin ko. Tama
ang pipiliin ko."

"Ano ba 'yun, Hailey? Don't beat around the bush. Please be direct to the
point."

Huminga ako ng malalim at umayos ng upo. Nginitian ko sila at sinabing,


"Aalis na ako sa grupong 'to."

Pagkasabing pagkasabi ko nu'n ay lumakas ang usap usapan. Kaniya kaniyang


opinyon. Kaniya kaniyang reklamo. Base sa naging reaksyon nila, may ilan
ang mukhang tanggap ang desisyon ko. Karamihan naman sa kanila ay hindi
at sinasabing mali ang choice na pinili ko.

"Para saan pa ang speech mo kanina? Para saan pa at sinasabi mong


pipiliin mo ang Nerds kahit papiliin ka ulit ng grupo kung aalis ka lang
pala?"

"Oo nga. Ikaw ang leader namin tapos ikaw pa ang unang mang-iiwan."

"Hindi ang paglipat mo ng grupo ang naging issue dito, Hailey. It's about
you betraying us."

"Maling mali ka ng piniling choice. Tama ka sa sinabi mong palpak ka sa


decision making."

"Saan ka ngayon lilipat? Alin sa kanila? Ah, teka. Mahalaga pa ba na


malaman kung kanino sa mga 'yun? They're all good-for-nothing people."

Tinatanggap ko naman lahat ng sinasabi nila kasi may karapatan silang


magreact ng ganu'n. Kaya lang nang marinig ko ang huling nagsalita,
napatayo na ako dahilan para matigil ang mga salita.

"Magalit kayo sa akin, tatanggapin ko. Okay lang sa 'kin 'yun kasi alam
ko naman na mali ako. Na bigla ko na lang kayong iiwan sa ere na parang
wala tayong pinagsamahan. Gusto ko kayo bilang mga kagrupo kaya lang
aminin man natin o hindi, magkakasama lang tayo dito dahil pareparehas
tayo ng gusto. Ang magbasa, ang mag-aral o ano man. Kaya lang huwag niyo
naman pagsalitaan ang ibang grupo ng masama. H'wag niyong igeneralize ang
bawat grupo.

"Para sa kaalaman niyo, hindi ako lilipat sa kahit na anong grupo. I want
to be groupless. I need to be groupless. Kasi nandu'n ang mga kaibigan
ko. Kasi nandu'n ang mga taong mahal ko."

"Kaibigan? Sila Piper, Tamara at Nathan ba 'yang sinasabi mo? Of all


people ang mga 'yun pa? Kaibigan? Paano mo sila naging kaibigan? Ano,
gusto mo na rin maging maarte o gusto mo na rin maging baliw at weirdo?"

Napapikit ako trying to compose myself. Hindi na maganda ang mga sinasabi
nila. Lagpas na sila sa border line.

"Yes, kaibigan. Kaibigan ko sila kasi tanggap nila ako kahit na sino ako.
Kahit na hindi kami magkakaugali. Kahit na iba ang hilig ko kaysa sa
hilig nila. Kahit hindi nila masakyan ang trip ko. Ganu'n naman talaga
kapag kaibigan 'di ba? Matatanggap ka nila kahit na ano o sino ka pa.
Kahit na wala kayong common interest. Maarte? Baliw? Weird? Sige,
ipagpalagay na nating ganu'n sila. But they're so much more than that.
Syempre hindi niyo alam kasi hindi niyo naman sila kilala. Kasi ayaw niyo
naman silang kilalanin.

"Pero kahit ano man ang ugali nila, totoo sila. At kaibigan ko sila.
Mahal nila ako at mahal ko rin sila. Kaya sa mga nagsasabing mali na
naman ang choice na pinili ko.. kayo ang mali at hindi ako. Kasi for the
first time in my life, ngayon lang ako naging confident at happy sa
choice na pinili ko."

Kinuha ko na ang bag ko at palabas na sana nang may marinig na naman


akong magreklamo.

"Sooner or later you'll realize that you've made the wrong choice."

"I've heard enough. Wala ng magpapabago ng desisyon ko. Ah. Oo nga pala.
Kung hindi niyo alam, pinagtatanggol nila kayo sa ibang kagrupo nila
kapag may naririnig silang nagsasabi ng mga masasamang salita sa inyo.
But I guess they made the wrong choice para gawin 'yun. Kasi 'yung mga
taong dinedefend nila, jinujudge na pala sila bago pa man nila maging
kilala talaga."

I'm so disappointed sa groupmates ko. Oo, matalino sila, pero wala naman
silang karapatan mangmalait ng iba. They are educated. They are
intelligent. They are smart. They may be mannered. But they're
unreasonable. Sa sobrang katalinuhan at bilib sa sarili iniisip na agad
nila na sila lang ang may karapatan maging tama.

I like them kasi we have the same interest at nagkakaintindihan kami.


Kaya lang I love my bestfriends. Kahit na magkakaiba man kami.
***

Hinihintay ko si Warren sa kanila. Magbuhat kahapon nu'ng sabihin niya na


hindi siya aalis ng grupo, hindi pa kami nakakapag-usap ulit. Kahit sino
sa amin hindi pa rin siya nakakausap.

Okay lang kaya siya? Baka kasi mamaya may problema siya na hindi lang
sinasabi sa amin kasi nahihiya. Ganu'n naman kasi palagi si Warren. Hindi
nagsasalita at mas pinipili na sarilinin na lang ang mga iniisip niya.
Magsasalita lang siya kapag talagang hindi na niya kaya.

"Mamaya maya darating na rin 'yun. Nagpatulong lang sa kaniya si Yannie


na magbitbit ng pinamili," sabi ni Tito Xander na ngayon ay nanunuod ng
TV. "Sasamahan ko dapat siya kaya lang nagkusa na si Warren."

"Ayos lang, tito. Hihintayin ko na lang siya."

Sandali lang din naman akong naghintay kasi dumating na rin si Warren at
si Tita Yannie. Nagulat pa nga sila na inabutan nila ako sa sala.

"O, Hailey. Pinuntahan mo ba si Warren?" tanong ni Tita Yannie.

"Opo. Ano.. may itatanong lang po ako."

"Okay, pero dito ka na rin magdinner. Nandito ka na rin lang naman."

Tumango na lang ako at humarap kay Warren. Itinuro ko 'yung backyard nila
at nagpunta kami doon.

Umupo kami sa may bato-bato.

"Alam ko na kung bakit ka nandito. Kung tatanungin mo ako kung may


problema ako, wala naman."

Wala pa man din akong tinatanong may nakahanda na siyang sagot.

"Totoo?"

Tumango siya at napatahimik na naman kami. Kapag talaga itong taong 'to
ang kasama ko hindi ko alam kung ano ang tamang sasabihin.

"Galit ka ba sa 'kin?" tanong pa niya.


Malamang dahil 'to sa hindi siya umalis sa grupo niya.

Ngumiti ako at umiling, "Sa totoo lang nu'ng simula naguluhan ako kung
bakit ayaw mong umalis. Baka ayaw mo kaming kasama. Baka mas masaya ka
talaga sa Jocks. Baka sa sobrang tagal na hindi tayo naging okay, hindi
na ganu'n kalakas ang kapit namin sa 'yo to the point na aalis ka ng
grupo mo."

"Hailey.."

"But that's the thought of my selfish side. Hanggang sa naisip ko na lang


na siguro may problema ka. Siguro nahihirapan ka. Siguro naguguluhan ka.
Pero sinabi mo naman na wala kang problema. Syempre naniniwala ako sa
'yo. At hindi ako galit. Masyadong mababaw na rason 'yun para magalit."

"Promise?"

"Oo naman. Wala namang pilitan kung gusto mong umalis o hindi. Saka once
umalis ka sa group mo, hindi mo na rin marerepresent ang school sa
basketball. Kasi syempre wala ka na sa Jocks so wala ka na rin sa team.
Passion mo ang basketball. Doon ka masaya. Kaya huwag mong iwan 'yun."

"Kaya lang masaya rin akong kasama kayo. Gusto ko rin na makausap kayo sa
loob ng school kasi parang hindi kumpleto ang highschool life ko kapag
wala kayo. Kaya lang.."

"Look, Warren. Kapag may nakita kang bagay na nakakapagpasaya sa 'yo,


huwag mo nang talikuran. Kahit naman hindi ka umalis ng grupo mo kaibigan
mo pa rin kami. Tingnan mo, once umalis ka ng Jocks, makakausap mo kami
kaya lang hindi ka na makakapaglaro ng basketball sa school kasi wala ka
ng team. Pero kapag hindi ka umalis, makakapaglaro ka pa ng basketball at
makakausap mo pa rin naman kami outside the school. So obvious naman kung
ano ang mas okay na choice 'di ba?"

Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sa akin. Maya maya lang ay
napangiti at napailing siya saka ako inakbayan at inipit sa braso niya.

"Hay, Hails. What would I do without you? Ikaw talaga ang best bestfriend
ko."

I'm glad he's okay.

=================

Chapter 30: Badtrip


Hailey's POV

"Alam niyo may nakalimutan na tayong gawin."

Napatingin kami kay Nate na ngayon ay nguya lang ng nguya. Manong ubusin
muna niya 'yung kinakain niya bago magsalita. Wala namang nagmamadali sa
kaniya.

"'Yung classroom," walang emosyon na sabi ni Tamara at saka uminom.

Napapalo si Nate sa lamesa at itinaas ang kamay niya na para bang


nakikipag high five kay Tamara, "Nakuha mo!"

Ilang segundo na ay hindi pa rin siya inaapiran ni Tamara kaya siya na


mismo ang nakipag-apir sa sarili niya.

"Nakuha mo, Nate. You're awesome."

Napatikom ako ng bibig at pilit pinipigil ang tawa ko. Minsan talaga
parang baliw na 'tong si Nate. Sabi nila Tita Zoe malamang daw
napaglihian niya si Daddy kaya naging ganiyan si Nate. Maluwag ang
turnilyo.

“Kung sakaling nakalimutan niyo.. kung sakali lang naman.. may deadline
tayo diyan. At kung sakaling nakalimutan niyo ang date ngayon.. kung
sakali lang ulit ha.. sa isang linggo na ang deadline.”
“Kung sakaling hindi ka marunong tumantsya.. kung sakali lang din naman..
kayang matapos ang classroom na ‘yun ng tatlong oras,” sagot ni Tamara
kay Nate. “General cleaning at ibabalik na lang naman ang upuan. Madali
na ‘yun.”

“This Saturday?”

“Bukas.”

“Sabado na kaya bukas.”

“Oo nga. This Saturday. Bukas.”

Napailing ako sa usapan ni Tamara at Nate at napatingin kay Piper na


mukhang pigil na pigil ang tawa. Nang magkatinginan kaming dalawa ay
bigla na lang kaming natawa parehas. Masyadong magulo ang usapan ng
dalawang ‘to.

Napahinto lang ako sa pagtawa nang makita ko ang paparating na bruhilda.


Si Elle. Simula palang talaga hindi ko na gusto ‘to. Nu’ng una nga lang,
naiinis ako sa kaniya dahil close sila ni Piper at hindi pa kami okay ni
Piper noon. Pero nu’ng nagtagal, ayoko talaga sa kaniya kasi feeling
kontrabida siya sa isang movie.

Akala ko lalagpasan niya lang talaga kami pero bigla na lang siyang
nagsalita nang makalagpas na siya sa amin ng kaunti.

“There are some people na makakapal lang talaga ang mukha. ‘Yung hindi
naman na belong pero pinagsisiksikan pa rin ang mga sarili nila. If I
were them, babalik ako sa kaniya kaniyang groups nila. I’ll accept pa rin
naman ‘yung isa kapag bumalik siya. She could be our errand girl or
something. Right, girls? ”

Kahit nakatalikod ako sa kanila, ramdam ko ang tanguan nila. May ilan pa
na nagtatawanan.

Napairap ako at balak na sanang sumagot ni Tamara pero hindi natuloy nang
tumawa si Piper.
“Don’t mind her. She craves for attention. H’wag niyong bigyan. She’ll
get annoyed.”

“Pipes, ano bang ginawa mo sa bruhildang ‘yun at parang galit na galit sa


‘yo?” tanong ko sa kaniya.

Nagtaas ng kamay si Nate na parang magrerecite lang kaya tinanguan ko


siya. “Galit ata ‘yun sa lahat ng taong hindi sumusunod sa kaniya. Hindi
lang kay Pipes.”

“I don’t even know what her problem is. I thought she’ll stop bugging us
nu’ng umalis ako sa group. Obviously hindi pa rin pala.”

“Ganito kasi ‘yan..” Napatingin kaming tatlo kay Tamara at hinihintay ang
kasunod niyang sasabihin, “Si Elle, gustong maging reyna. Ang Kingdom
High ang feeling niyang kingdom niya talaga. Kaya lang hindi niya
magawang magreyna reynahan kasi may ibang reyna pa ang nasa trono. Si
Piper. Kaya she dethroned Piper using her brainwashing technique.
Magaling e. Kaya ngayon siya na ang reyna. Bilang reyna, gusto niyang
mapanatili ang nakagawian sa Kingdom niya. Gusto niyang manatili ang
rule. Kasi once mawala ang rule – “

“Mawawala na rin ang kapangyarihan niya?” dugtong ko sa sinabi ni Tamara.

Tumango naman siya at ngumiti, “Oras na mangyari ‘yun, para saan pa at


pinaalis niya sa pwesto si Piper? Dahil wala tayong group, especially
kayo na umalis ng grupo niyo considering na kayo ang leaders, may
possibility na may sumunod sa yapak natin. Kapag may sumunod na isa, may
susunod pa at susunod pa at susunod pa.”

“At oras na sumunod ang karamihan at mawala ang rule, mawawala rin si
Elle sa trono niya. Kapag nangyari ‘yun, ‘yung fame na dati niya pa
gustong makuha, tuluyan na ngang mawawala sa kaniya. Dahil oras na mawala
ang rule..”

“Pantay pantay na ang lahat,” sabay na sagot ni Nate at Piper.


Napatahimik kaming lahat at parang may kaniya kaniyang iniisip.

Kung mawawala ang rule.. mas maganda nga ‘yun para hindi na magfeeling
‘yung bruhilda. Kaya lang kaya ba mahandle ang students once mawala ang
rule?

“Mukhang maganda ‘yun,” sabi ni Nate at saka sumandal at nag-unat. “Kapag


wala na ang rule, pwedeng makausap ko na ulit ang ex-groupmates ko at
maipakilala sa inyo. Kapag nakilala na nila kayo malamang mag-iiba na ang
tingin nila sa inyo.”

“Tingin nila sa amin?” tanong ni Tamara. “Ano bang tingin nila sa amin?”

“Ikaw? Weird. Parang may sariling mundo. Parang kapag nadikit sila sa
‘yo, makakaranas sila ng karate moves mo. Na mas pipilin nila ang masikip
at mainit na lugar na wala ka, kaysa sa maluwag at malamig na lugar na
kasama ka. Ikaw naman Hailey, seryoso sa buhay. Masungit. Boring. Na mas
pipiliin nilang kausapin ang mga langgam kaysa sa ‘yo. Si Pipes naman
maarte. Walang laman ang bag bukod sa make-up, pabango, phone, wallet.
Baka maski ballpen hindi ka nagdadala. At ‘yung bag mo, baka parang utak
mo lang. Walang laman kundi pampaganda.”

Napatitig ako kay Nate hanggang sa tuluyan na ngang mag sink in ang lahat
ng sinabi niya.

“Wow.” Wala na akong masabi bukod sa wow.

“Ang harsh,” manghanga sagot ni Tamara.

“You could’ve lied, you know. You’re so honest,” sagot naman ni Piper
pero sa aming tatlo, siya ang mukhang pinakawalang pakialam sa narinig
kay Nate. “Honestly, I don’t mind what others think about me. They’ve
been judging me ever since and I knew it long ago. Sana lang dinahandahan
mo. These two here isn’t used to those kind of judgment.” Natatawa niya
pang sabi kay Nate.
Pero seryoso.. ganu’n ang tingin nila sa akin? Na mas okay pa kaysa sa
akin ang langgam? Wow. Just.. wow.

“Sorry. Mabuti na rin na alam niyo.”

Napabuntong hininga si Tamara at napasandal, “Thanks sa pagsabi. Ayan na


rin lang naman ang iniisip nila, wala na tayong magagawa. Hayaan na lang
natin.”

“I guess,” I agreed. Unti-unti akong napangiti at napailing. “I love


proving people wrong.”

***

Hunter’s POV

Tanginang buhay ‘to.

Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ‘yung bato na nasa harapan ko.

“Ouch.”

Napailing ako nang marinig ko ‘yung boses nu’ng babaeng maingay. Badtrip
na nga ako dito darating pa siya. Baka mas mabadtrip pa ako.

“Sorry ha,” sarkastiko niyang sabi.


Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Anong sorry sorry
pinagsasabi nito? Bahala nga siya sa buhay niya.

Kinapa ko ang bulsa ko at mukha namang may iilan pa akong barya. Bibili
na lang ako ng yosi. Kailangan ko ng yosi.

“Hey! Where are you going?” tanong niya.

Hindi ko siya pinansin pero tanong pa rin siya ng tanong. Dahil sa


nakakarindi na, sinamaan ko siya ng tingin at sumagot, “Yosi.”

Sobrang badtrip talaga. Kailangan ko ng yosi pampawala ng badtrip.

Nakakailang hakbang palang ako nang may biglang kumurot sa tagiliran ko.
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa babaeng maingay na ‘to.

“Ano ba?!” sigaw ko sa kaniya pero sa halip na matakot at umatras ay


sinamaan niya pa ako ng tingin. May tama ba sa ulo ang babaeng ‘to?

“Don’t smoke. You’ll pollute the place.”

Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretsyo pa rin. Polluted na ang


lugar na ‘to magyosi man ako o hindi. Polluted na ang lahat ng lugar dito
maski ang utak ng mga tao.

“Sungit. Sungit. Damn that rock. It’s so small pero nakakableed pa rin,”
bulong niya pa. “That jerk can’t even say sorry.”
Binalikan ko siya ng tingin at nakitang nakaupo na siya sa damuhan at
hinahawakan ang binti niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya
ay sinamaan niya ako ng bigla ng tingin. May sapi ba ‘to?

“What are you looking at?”

Napatingin ako sa binti niya kasi tinitingnan niya ‘yun kanina. Kaya
naman pala. May galos.

“Laki laki mo na nadadapa ka pa?”

“What? Sinong nadapa? You’re out of your mind. Diyan ka na nga.”

Binunggo niya pa ako at nilagpasan. Ano na namang problema nu’n? Ang gulo
talaga ng utak ng babaeng ‘yun minsan.

Ah.. Teka. Hindi kaya tumama sa kaniya ‘yung sinipa kong bato kanina?
Kaya ba siya .. Hay nako.

Nagpunta ako sa may tindahan at bumili. Pagbalik ko sa mga classroom,


nakaupo lang ‘yung lima sa sahig at mukhang mga nagkwekwentuhan.

Nagdirediretsyo ako sa babaeng maingay at hinagis sa kaniya ang binili


ko.

“What’s with you?” irita niyang tanong.


Sa halip na sumagot ay bumalik na lang ako sa likod ng classrooms. Sa may
mga puno.

Badtrip lang. Wala na akong yosi.

Matutulog sana ako kaya lang nagpuntahan ‘yung lima sa may lugar ko at
nag-ingay.

“Hoy, Hunter! Natapos na tayo at lahat dito sa parusa hindi mo pa rin


kami kinakausap. May galit ka ba sa amin?” tanong nu’ng lalaking maluwag
ang turnilyo.

Hindi ko siya sinagot at nahiga na lang sa may damuhan. Mukha namang wala
na rin silang balak manggulo at nagkwentuhan na lang sila sa isang tabi.

“I know you’re not sleeping. Thanks sa band-aid though it’s really your
fault why I got that bruise.”

Mukhang walang balak ang mundo na patulugin ako ngayon.

Wala na akong nagawa kaya naupo na lang ako at sumandal sa may puno.

“Wala akong balak magsorry.”

“I know.”

Umupo siya sa tabi ko pero hindi nagsalita.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng ‘to at palagi na lang akong
ginugulo at kinakausap. Oo, nalaman niyang nagpaparttime ako at
nagpanggap na wala na siyang alam pagkatapos. Ayun na ‘yun. Anong akala
niya, close na kami?

“Ano bang trip mo sa buhay?” tanong ko sa kaniya.

“None?” kibit balikat niyang sagot. “You’re a mystery, Hunter.”

“Am I?”

Hindi siya sumagot pero ilang segundo lang ay bigla siyang humarap sa
akin. Wala man lang pasintabi kaya nagulat ako ng kaunti.

“Why are you so irritated kanina?”

“Pakialam mo ba?”

“I’m a curious lady.”

“Obviously.”

“So bakit nga?”

Hindi ko siya pinanansin pero kinulit kulit niya pa rin ako at hinila ang
mangas ng damit ko. Sa sobrang kulit niya, wala na rin akong nagawa kundi
sabihin ang dahilan ko.

“Tinanggal ako sa trabaho. Now, shut up.”

That made her shut her mouth.


“Why are you even working?”

“Why are you even asking?”

“I told you curious akong tao,” sagot pa niya at saka ako tintigan at
tinaasan ng kilay. “You’re not poor. I can feel it.”

“Just shut up.”

“I can’t – “

Napahinto ang sinasabi niya nang lapitan kami nu’ng jock. “Hey, Pipes.
Bili kaming pagkain. Sama ka ba?” Masyadong halata ang lalaking ‘to.
Halatang may gusto dito sa isa.

“Okay,” sabi ng babaeng maingay.

Since badtrip ako sa pagkakatanggal sa akin sa trabaho at kailangan ko


nang kaunting entertainment, hinawakan ko sa may pulso ang babaeng
maingay at pinigilan sa pagtayo.

“Nag-uusap pa kami,” sabi ko sa jock at napangisi.

“Sasama na dapat siya kung hindi mo lang pinigilan.”

“Makakabili naman kayo kahit hindi niyo siya kasama.”

“Sinasama namin siya para makabili rin siya ng pagkain niya.”

“Kapag ba hindi siya sumama hindi niyo siya ibibili?”


“Ano bang problema mo?”

Mas lalo akong napangisi dahil halatang naiirita na ang isang ‘to.

“Ikaw, anong problema mo?”

Sinamaan niya ako ng tingin at kung akala niya magpapatalo ako sa kaniya,
asa pa siya.

“Uhh, guys.. I’ll – “

“Warren,” tawag nu’ng nerd pero hindi siya pinansin nu’ng jock.

“Bakit hindi ka makasagot?” tanong ko pa sa kaniya.

“Cut it out, guys.”

Naramdaman ko pa ang pagdating nu’ng bestfriend nitong maingay at ‘yung


isa pang tahimik.

“Anong nangyayari dito?”

Nginisian ko ‘yung jock at bahagyang itinagilid ang ulo ko, “Bakit


nagagalit ka? Big deal ba na hindi mo siya isama at hayaang maiwan dito
kasama ko?”
“Warren, tara na.” Hila nu’ng nerd sa kaniya. Sumunod naman sa kanila
‘yung isang babae.

Naiwan ako kasama ‘yung magbestfriend.

Napasandal ako sa may puno at nag-unat. Ang saya talagang manira ng araw
ng ibang tao.

“What the hell is wrong with you?” Inis na tanong niya at saka inis din
na umalis.

“Minsan ka na lang magsalita hindi pa nakakatuwa,” sabi ng bestfriend


niya at umalis din.

Now, badtrip na kaming lahat. Kasalanan ko pero wala akong pakialam.


Sanay naman na akong gumawa ng gulo.

=================

Chapter 31: I hate drama

Hunter's POV

"Stop. Huwag ka munang uuwi."

Kalahating oras na halos ang nakalipas magbuhat nang magsialisan at


magsibalikan sa classroom ang limang 'yun. Ngayon na nagbabalak akong
umalis at umuwi na, bigla namang susulpot 'tong babaeng humila kanina
du’n sa jock.

“Anong problema mo?” Kapag sinabi ko kayang nawalan ako ng trabaho dito
mabibigyan niya ba ako? Hindi naman kaya bakit ko pa sasabihin. "Hindi ko
alam kung ano ang trip mo. Kung badtrip ka, solohin mo na 'yang
kabadtripan mo. Hindi mo kailangang mandamay ng ibang tao. Minsan 'yang
katuwaan lang para sa 'yo, nakakasakit na sa ibang tao."

Hindi naman siya ‘yung bwinisit ko pero parang mas nabwisit pa siya kaysa
du’n sa isa. Masyado naman ata 'tong isang 'to kung protektahan 'yung
jock na 'yun.

"He likes her. Am I right?" Alam ko naman na ang sagot. Hindi ko alam
kung bakit tinanong ko pa.

"Lalaki ka. Alam kong alam mo ang sagot diyan."

"He likes her as much as you like him. Hmm. Drama?” I yawned. “Boring."

“You’re hopeless,” inis niyang sabi saka ako sinamaan ng tingin at


umalis.

Kasunod naman niyang dumating 'yung baguhang babae.

"Nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, ano?"

"Tingin mo?"

“Oo, nag-eenjoy ka.” Bakit nagtanong pa siya alam naman pala niya? "Alam
mo, hindi ka na namin maintindihan. Kung tutuusin, mababaw lang talaga
ang nagyari kanina. Lumalim lang kasi may feelings na na involved. Hindi
ka naman dense. Alam kong alam mo na may gusto siya kay Piper. Alam ko
rin na nanadya ka lang. Pwede bang huwag ka na lang magulo?"
“Nakaupo lang ako dito.” Nang-iins kong sagot.

Inirapan niya ako pero wala akong pakialam. Mas malaki ang problema ko
kaysa sa prinoproblema nila sa pesteng mga nararamdaman nila. Nawalan ako
ng trabaho. Simpleng problema pa ba 'yun?

Saan ako ngayon kukuha ng pambayad ko sa kung anu-ano? Badtrip talaga.

Napatingin ako sa likod nu’ng baguhang babae. Nandu'n 'yung bestfriend


nu’ng maingay. Lumapit siya sa amin at tinapik ‘yung baguhan.

“Kausapin mo nga lang ‘to at nakakairita na,” utos nu’ng baguhan.


Naiirita na pala siya edi ‘wag na niya akong kausapin. Simple simpleng
bagay ginagawang kumplikado.

Umupo sa tabi ko ‘yung maluwag ang turnilyo, “Anong – “

“Anong trip ko?”

“Hindi. Anong ginagawa mo? Bwisit panira ng linya ‘to,” sabi pa niya. “I
won’t beat around the bush. May gusto ka ba kay Piper?”

“Wala.” Hindi ko alam kung joke ba ‘yung tanong niya o ano.

“Bakit pinapagselos mo si Warren?”

“Badtrip ako,” kibit balikat kong sagot.

Naramdaman ko na tinitingnan ako nito ng masama pero wala akong pakialam.


“Akala ko ako lang ang may tama sa ulo dito. Ikaw rin pala. Mas malala ka
pa sa akin.”

Kung anu-ano ang sinasabi nito pero hindi na ako nakikinig. Nakakainip na
kaya tumayo na ako at umalis.

“Hoy! Hindi pa ako tapos!”

Nang madaan ako sa classroom, magkasama ‘yung dalawang ininis ko kanina.


Mukhang seryoso ang usapan nila at nakalayo ‘yung dalawang babae. Nang
tingnan ko ‘yung dalawang babae napansin ko na nakatingin ‘yung nerd du’n
sa jock.

Tss. I hate drama.

Nang matingin naman ako sa jock at nakita niya ako, sinamaan niya ako ng
tingin. Para namang may magagawa pa ‘yun. Tapos nang mapansin nu’ng
maingay ‘yung jock na nakatingin sa akin, napatingin din siya at saka ako
iniripan. Ang init ng ulo ng mga tao ngayon.

***

Naniningin ako ng pagkain sa supermarket kaya lang lahat parang may mga
patong na. Ganito kamahal na ba talaga ang mga pagkain noon?

Tangina lang. Mukhang babagsak na naman ako sa de lata o sa instant


noodles.

Napailing na lang ako at kumuha ng dalawang de lata at tatlong noodles


nang may makabunggo sa akin.
“Sorry,” sabi niya at saka pinalo ‘yung kasama niya. “Stop it, Nate.
You’re so gulo. Oo na. We’ll buy that kaya stop pushing me.”

Nang tingnan niya ako ay nanlaki ang mata niya. Ito na naman ‘yung
babaeng maingay kasama ‘yung bestfriend niya.

“What are you doing here?” inis niyang tanong.

Sasagot pa lang sana ako nang magsalita ‘yung bestfriend niya, “Seryoso,
Pipes? Tinatanong mo siya kung ano ang ginagawa niya sa supermarket?”

“I’m not talking to you. Kaya ‘wag mo akong barahin,” sabay irap niya sa
lalaking maluwag ang turnilyo. Hindi ko alam kung bakit pero napatikom
ako ng bibig kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Napatingin siya sa mga hawak ko at saka ako tinaasan ng kilay.

“Ano ‘yang mga binili mo?” tanong nu’ng bestfriend niya. Chismoso.

“Are you seriously asking him that question? Really, Nate?”

“Touché.”

Sandali akong tiningnan nu’ng babaeng maingay at ibinalik ang tingin sa


mga bibilhin ko. Pinanliitan niya ako ng mata at inirapan. Galit pa rin
hanggang ngayon ‘to?
Nilagpasan niya ako at tinawag ‘yung isa, “Come on, Nate. I’m hungry
na.”

“Ayan na. Mga babae talaga,” iiling iling niyang sabi. “Nga pala,
Guevarra, saan punta mo niyan? Uuwi na?”

Tumango ako bilang sagot.

“Dinner mo ba ‘yan?”

Tumango ulit ako.

“Sumama ka sa amin ni Pipes. Kakain kaming dinner sa bagong bukas na


kainan sa bayan.”

“Ayoko.”

“Hind ko naman tinatanong kung gusto o ayaw mo. Sumama ka lang at


magsorry ka kay Pipes.”

“Bakit ko gagawin ‘yun?”

“Kasi pinahirapan mo siya?”

Saang banda ko pinahirapan ‘yun? Pinagsasabi nito?


Kaya lang hindi ko alam kung bakit sumama pa rin ako sa kanilang dalawa.
Tangina paano ako magbabayad du’n? Baka paghugasin lang ako ng plato.

“Anong order niyo?” tanong nu’ng lalaki.

“Kahit ano,” sabay na sagot namin nitong maingay. Inirapan niya ako pero
hindi ko na lang siya pinansin.

“Libre na tayo dito. Kaibigan ng tita ko ang may ari. Nadala sa


kagwapuhan ko kaya – “

“Kaya shut up na lang,” suway sa kaniya nitong isa.

“Oo na. Teka lang, puntahan ko lang si Tita Marga.”

Kung pwede lang sigurong matulog dito sa kainan malamang ko ba natulog na


ako. Masyadong tahimik. Nakakainip.

Sa likod ng babaeng maingay, nakita kong kumakaway ‘yung baliw niyang


bestfriend at sinasabing magsorry ako.

Bakit ako magsosorry kung hindi ko naman gusto? Bakit din ako magsosorry
kung alam ko naman na pwedeng gawin ko pa ulit ‘yung pangbabadtrip na
ginawa ko kanina?

Ang salitang sorry, sinasabi lang ‘yan kapag nagsisisi ka na talaga at


sigurado kang hindi mo na gagawin ‘yung bagay na ikinahihingi mo ng
patawad. Kung gagawin mo lang naman ulit, ano pang silbi ng sorry mo?

Dumating na ang drinks namin pero wala pa rin ang pagkain. Naiinip na ako
kaya kinausap ko na lang ‘yung maingay.

“Hoy, pinahirapan daw kita.”


Hindi siya sumagot at nagpanggap na walang naririnig. O sadyang bingi
lang siya.

“Ano nga? Nabadtrip ka nga kanina?”

“That’s your objective naman ‘di ba? Badtrip ka so dapat badtrip din
kami. That gives you satisfaction.”

“Oo.”

Sinamaan na naman niya ako ng tingin at sinipa.

“Nagselos ba?”

“What’s it to you?”

“That’s my goal.”

“Yeah. Happy?”

“Satisfied.”

Napabuntong hininga niya at saka ako tiningnan, “He’s not used to seeing
me with other guys besides him and Nate. Maybe that’s the reason why he
got jealous.”

“Ayun lang ba? Baka mamaya type mo pala ako kaya nagseselos siya,” pang-
iinis ko.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Parang baliw. Tiningnan ko lang siya ng
nakakunot ang noo. Anong trip nito at tumatawa bigla?

“Problema mo?”

“Oh. Wait. You’re joking, right? That’s so funny,” sagot niya at


pinipigil pa ang tawa. Nang titigan ko lang siya ay bigla siyang nahinto
at napakunot ang noo. “You’re serious pala? Now, that’s funnier. I told
you nakakacurious ka because ang mysterious mo. But that doesn’t mean na
I like you.”

Sumandal siya sa upuan niya at nagcross ng arms, “Back to the topic,


don’t do that again kung pwede lang. He’s moving on kaya let him do that.
Don’t bring back the old wounds. I don’t want to see him hurt again kaya
– “

“Okay na. Ayokong makarinig ng bagong drama kaya tumahimik ka na lang.”

“Whatever.”

Iniikot ikot niya ang straw sa inumin niya nang bigla siyang nagsalita
habang nakayuko, “Wala ka ng trabaho ‘di ba? Those foods you bought
kanina.. ah, nevermind. Anyway.. do you want to work on dad’s company?”

“Ano namang gagawin ko du’n? Hindi pa nga ako college.”

“Sabagay. Alam mo, my dad and mom worked as a band at No Name when they
were still in highschool. Part-time lang din like you, but doon 2 or 3
hrs lang ang working hrs nila and three times a week lang. The
compensation is good din so.. you wanna try?”

“Ayoko. Wala akong banda.”

“You can go solo.”


“Ayoko.”

“Fine. Ah! Wait. I know na. They’re looking for part-timers nga pala sa
café nila Tita Cass. You wanna try?”

“Ayokong makapasok sa isang trabaho dahil lang sa may koneksyon ako.”

“Duh. As if. I won’t refer you ha. I’m suggesting lang para puntahan mo
‘yung place na ‘yun tapos it’s up to you na kung anong gagawin mo after.”

***

Sinubukan at pinuntahan ko ‘yung sinasabi nu’ng babaeng maingay. Nag-


apply ako dahil kailangan ko talaga ng trabaho ngayon at swerte naman na
sobrang kailangan pala talaga nila ng part-timer kaya nakapasok ako.

Ayos. Kahit papaano may pambayad na ako sa kung anu-ano.

Lunch break sa school at nagkakagulo na ang mga tao. Tinatamad akong


pumila kaya umubo lang ako at pinaraan na ako ng mga nasa unahan ko.

Ayos talaga kapag natatakot sa ‘yo ang mga tao sa paligid mo.

“I pity them.”

“Yeah. Para silang.. I don’t know. Out of place?”

“Tamang term naman ‘yan. Look, magkakasama sa iisang grupo ang iba tapos
silang apat nasa iisang table lang at walang pumapansin.”

“They’re stupid enough to leave their group kaya they should face the
consequences of their action.”

Magchichismisan na lang sa tabi ko pa. Bwisit.


Ang dami ko pang naririnig na mga nagbubulungan tungkol du’n sa apat na
walang grupo. Umalis na pala sila ng grupo nila. Ngayon ko lang nalaman.

“Pathetic,” bulong pa nu’ng babaeng mukhang ginawang coloring book ang


mukha. “Ang tapang din talaga ng mga ‘yan para mag-occupy pa ng table sa
canteen. As if welcome sila dito. So insensitive.”

Bumili ‘yung babae ng inumin at inabot sa isang kasamahan nito, “Hold


this. Once malapit na tayo sa kanila I’ll trip you and make sure na
matapon ‘yan kay Piper.”

“Paano kung hindi sa kaniya masakto?”

“I don’t care. Whatever. Kahit sino sa kanila.”

Anong akala ng mga taong ‘to? Nasa movie o teleserye sila? Mga babae
talaga daming alam sa buhay. Sasayangin pa 'yung inumin.

Kasunod kong naglalakad ‘yung dalawang babaeng nagbabalak ng kaartehan sa


buhay. Huminto ako sa tapat ng lamesa nu’ng apat na wala ng grupo at
humarap sa dalawang babae kanina. Napahinto silang dalawa at napatingin
sa akin.

Maglalakad na sana ulit silang dalawa at itatapon na ang inumin nang


magsalita ako.

“Tabi.” Napahinto na naman sila at gulat na gulat na humarap sa akin. OA


ng mga ‘to.

Umiling na lang ako at nakiupo sa apat na walang grupo.


“Bakit ka – “

Bago pa man makapagsalita ‘yung lalaking maluwag ang turnilyo ay humarap


na ako sa babaeng maingay at bumulong, "I got the job. Thanks, Piper."

=================

Chapter 32: Internal Battle

Chapter 32

Warren's POV

"And Warren Evans for three! Bam! Solid, Captain! Sana navideohan ko 'yun
kanina tapos ia-upload ko sa Youtube."

"Tigilan mo nga ako, Migs. Practice lang 'yun."

"Practice nga pero a practice game is still a game! Hindi mo kasi nakita
'yung ginawa mo, Captain!"

"Pabayaan mo na 'yan, Warren. Alam mo namang fanboy mo 'yang si Migs."

Naglalakad kami papuntang cafeteria habang nagbibiruan ang teammates ko


at inaalaska si Migs. Kulang na lang magdaganan sila sa gitna ng
corridor. I'm really glad to have teammates like them.

Malapit na kami sa cafeteria nang mapansin namin na halos lahat nang


nadadaanan namin, kahit anong grupo man, ay nagbubulungan. Ano na naman
ang bagong drama ng mga taong 'to?

"Ayos! May bagong issue na naman ata." Pinagdikit pa ng isa kong teammate
ang palad niya at kulang na lang ay kuminang ang mata niya.

"Huwag kang chismoso," batok naman sa kaniya ng isa. "Tara na lang sa


loob at gutom na gutom na ko."

Pagdating namin sa loob ay agad hinanap ng mata ko kung nasaan sila.


Automatic na 'to. Magbuhat nang umalis sila sa mga grupo nila at
magsamasama sa isang lamesa, lagi ko na lang silang hinahanap sa tuwing
break time o lunch. Titingnan ko lang sila sa kabilang lamesa tapos
maiinggit minsan kapag nagtatawanan na sila.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang lamesa nila. Apat. Apat lang sila
dati pero ngayon lima na.

"Hunter," bulong ko at napakunot ang noo.

"Ano 'yun, captain? May sinasabi ka ba?" tanong ni Migs pero napailing na
lang ako at pumila.

Nang makaupo na kami sa usual table namin, hindi ko mapigilan mapatingin


sa pwesto nila. Ewan. Ang gulo. Parang dapat nandoon ako pero tama lang
din naman na nandito ako sa pwesto ko ngayon. Hindi ko alam. Ewan.

Tapos ngayon dumagdag pa sa kanila si Hunter. Ako dapat ang nandu'n. Ako
ang kaibigan nila. Ako ang bestfriend nila. Pero bakit siya ang nasa
pwesto ko?

"Warren.."

"Hmm?"

"Tinatanong ka ni Migs."

"Ha?"

Pinangliitan niya ako ng mata kaya sinamaan ko siya ng tingin, "What?"

May sasabihin sana siya kaya lang tumunog na ang warning bell. Napatingin
ulit ako sa lamesa nila Nate at nakitang nagmamadali na silang umalis.
Nauna si Hunter at hindi man lang sila hinintay at sumunod na ang iba.

"Uy, captain. Bilisan mo na pagkain. Malelate na tayo."

Tulad nga ng sabi ng teammates ko, nagmadali na ako at nang matapos ay


pumunta agad sa classroom.

Inabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko pagdating ko. Nang tanungin
namin ang isa sa kateammate namin na naunang pumuntang classroom kung
bakit nagkakagulo ang classmates namin, sinabi lang niya na wala raw
teachers sa afternoon class kaya free kaming gawin ang gusto namin basta
huwag lang lumabas ng classroom.
Ilang minuto palang kaming nakakulong sa classroom nang nakaramdam na ako
ng pagkainip kaya tiningnan ko ang mga tao sa paligid.

Tulad ng dati, may kaniya kaniyang pinagkakaabalahan ang bawat grupo.


Kung iisipin mo parang wala namang nagbago magbuhat nu'ng umalis sila
Piper. Excpet lang siguro sa ngayon ay magkakasama sila.

Napatingin ako sa gawi nila at tulad kanina sa lunch, magkakasama na


naman sila.

Kahit bawal lumabas ay lumabas ako ng classroom. Nagpunta ako sa may


malapit sa pool at humiga sa bleachers. Ilang minuto lang nang may tumabi
sa akin. Si Tamara.

"Bawal lumabas 'di ba?" tanong niya pa.

Napangiti ako at napailing, "Bawal nga. Ikaw, bakit nandito ka?"

"I'm a rule breaker."

"I'm not."

"I know."

Wala na ulit sa amin ang nagsalita.

Kung ikukumpara sa iba, hindi kami masyadong close ni Tamara. Mas madalas
niya kasing nakakausap at nakakasama 'yung tatlo pero sa iilang beses na
nakakapag-usap kami, masasabi kong mabuti siyang tao.

"Am I doing the right thing?" bigla ko na lang naitanong.

"Do you think you're doing the right thing?"

"Hindi ko alam. Nakapag-usap na kami ni Hailey tungkol dito dati kaya


lang kapag kasi nakikita ko sila.. kayo.. na magkasama parang.. parang -
"

"Gusto mong nandoon ka rin."

Tumango ako nang siya na ang nagtapos ng sasabihin ko.

"So anong pumipigil sa 'yo para mapunta ka kung nasaan sila?"


"Basketball. Teammates. Loyalty."

"Hmm. Mahirap nga 'yan," tatango tango niyang sabi. "Pero ganu'n naman
talaga 'di ba?"

"Ang ano?"

"You can't have everything that you want. Pinili mo ang basketball 'di
ba? Ayun na ang choice mo. Pero hindi naman ibig sabihin nu'n na
tinalikuran mo na rin ang pagkakaibigan niyo nila Nate. Kaibigan mo pa
rin sila at kaibigan ka pa rin nila."

"Ewan ko. Magulo."

"Ikaw lang naman ang nagpapagulo," sabay tapik niya sa akin. "Minsan
talaga kailangan mong mamili."

Nang hindi na ako nagsalita ay tumayo na siya at nagpaalam, "Sige na.


Babalik na ako sa room. Bibili lang talaga dapat ako kaya lang nakita
kita dito e. Sige, una na ko."

Sumandal ako at tumingala. Ako nga lang. Ako nga lang ang nagpapagulo.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Migs na mukhang papunta rin sa canteen


kaya lang nang makita niya akong nakatambay mag-isa ay kumaway siya at
lumapit.

"Loner ka, captain."

Hindi ko siya sinagot at tiningnan lang ang tubig.

"May itatanong ako, captain, pero huwag kang magagalit ha."

"Ano?"

"Magpromise ka muna na hindi ka magagalit at hindi mo ko pagpupush-up-in


ng ilang daang beses."

"Ano nga 'yun?"

"Hindi ka naman nagpromise e."

"Kapag ako nainis mo, pag - "


"Joke lang. Magtatanong na nga," sabi niya sabay tawa. "Bakit palagi kang
nakatingin sa table nu'ng dating mga leaders kapag recess at lunch?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya pero nagtuloy tuloy lang siya.

"Sino ba ang type mo sa mga 'yun? Alam mo, captain, crush ko nga du'n
'yung transferee sa klase niyo. Ang cool niya kasi una pa lang hindi na
siya pumili ng grupo tapos ang ganda ganda niya pa. Maganda rin si Piper
kaya lang natatakot ako sa kaniya. Baka supladahan lang ako nu'n. Isa pa,
parang may iba raw sa kanila ni Hunter. Pinag-uusapan kasi kanina 'yun sa
classroom namin. Paano raw nagbubulungan daw sila kaninang lunch. Tapos
alam mo si Hailey, mukha naman siyang maganda basta tanggalin lang 'yung
salamin niya saka magsuklay lang siya. Ikaw, captain, sinong type mo
du'n?"

"Ang daldal mo," seryosong sabi ko sa kaniya.

Napakamot naman siya sa ulo niya at natawa, "Likas na 'to. Pero hindi mo
naman sinagot tanong ko. Bakit ka nga laging nakatingin sa kanila at sino
crush mo du'n?"

"H'wag kang pakialamero."

"Nagtatanong lang naman. Sungit mo naman, captain."

Hindi ko ulit siya pinansin at tumingin lang sa pool. Hindi na rin naman
siya nagsalita ulit pero hindi rin siya umaalis.

Napabuntong hininga ako kaya naramdaman kong napatingin siya sa akin.

"They're my bestfriends."

"Weh?"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napataas naman siya ng kamay, "Joke lang.
Pero seryoso? Bestfriend mo sila?"

"Yeah."

"Wow. Hanep. Posible pala 'yun. Teka. Kaya ba palagi kang nakatingin sa
kanila? Kasi minsan gusto mong lumipat sa table nila?"

"Yeah."
"Kaya pala! Bestfriend talaga kayong lahat?"

"Hindi. Kaming apat lang nila Piper, Hailey at Nate. Si Tamara bago lang
'yun pero tinuturing na rin na parte ng barkada."

"Si Hunter?"

Umiling lang ako bilang sagot.

"Pero.. kasama siya - ha?"

"We're not friends."

"Nandu'n din siya ha? Hindi naman kumakain sa cafeteria 'yun. Tapos
kanina kumain siya du'n. Nakaupo pa nga siya sa.." Napahinto siya at saka
tumango tango, "Ah. Gets ko na. Hindi mo siya kaibigan. Kaibigan niya
sila Piper."

Saglit ulit kaming natahimik hanggang sa nagsalita na naman siya, "Minsan


ba naisip mong umalis na lang din ng grupo?"

"Madalas," sagot ko na nagpatango sa kaniya. "Kaya lang ayoko kayong


iwan. Isa pa, masaya ako kapag nagbabasketball ako."

"Pero masaya ka rin kapag kasama mo sila."

"Oo."

"Ang hirap niyan, captain. Kung ako lang masusunod, okay lang sa akin na
wala ng rule. Kapag kasi ganu'n, pwedeng makausap mo 'yung mga kaibigan
mo nang hindi umaalis ng team. Isa pa, mukha naman silang mababait. Mukha
naman masaya sila. Saka ang galing nga e. Kasi nagawa nilang umalis ng
grupo nila at suwayin ang rule para lang makapagsamasama."

Napatango ako sa sinabi niya. Tama siya. Nagawang talikuran ng mga


kaibigan ko ang grupo nila para maging magkakasama. Pero ako.. hindi ko
magawa. Pakiramdamo ko tuloy iniiwan ko na naman sila sa pangalawang
pagkakataon.

"Saka kapag nawala ang rule, makakausap na natin ang ibang grupo at ibang
babae. Nakakabagot na sa grupo natin e. Puro lalaki. Kapag kumakausap
tayo ng babae patago pa. Hirap hirap kaya nu'n."

Napailing at natawa na lang ako sa sinabi ni Migs. Baliw talaga ang isang
'to. Ayun pala talaga ang goal niya. Makipag-isap sa mga babae.
***

Hailey's POV

"Kanina nasa may pool area si Warren. Nakahiga lang sa bleachers. Parang
may problema," sabi ni Tamara nang makabalik na siya galing sa cafeteria.

"Kinausap mo?" Piper asked.

"Oo. Nahihirapan ata siya sa sitwasyon niya. Gusto niyang sumama sa 'tin
kaya lang hindi niya siguro maiwan ang basketball."

"Hindi naman niya kailangan mamili. Last year na natin sa highschool.


Tama lang na piliin niya ang basketball. Tayo.. hindi naman tayo mawawala
sa kaniya. Pwede naman niya tayong balikan kahit kailan. Ang basketball..
pwedeng mawala at mahirap ng balikan. Lalo na na magcocollege na tayo,"
Nate said.

I see. Hindi pa rin talaga okay si Warren. Sana kasi hindi na niya
masyadong isipin na hindi niya kami nakakasama. After naman ng klase,
kapag nasa bahay na kami, magkakasama na rin kami. Iniistress lang niya
ang sarili niya. Magfocus na lang siya sa basketball at malapit na ang
game nila.

"Have you talked to him na?" Piper asked me.

Tumango ako. Kaya lang 'yung pag-uusap naman namin dati parang wala lang
din nangyari. He's still worrying.

"Maybe it's an internal battle na lang? He'll figure out what to do on


his own. Let's just make him feel na we're here for him. We're not going
anymore and we'll always support him no matter what."

Nang mag-uwian na ay pinauna ko na sila Piper umuwi. Dumiretsyo ako ng


mall para magpunta sa bookstore at bumili ng bagong libro. Natapos ko na
kasi 'yung librong binabasa ko at ayoko pang basahin 'yung ibang
nakatambak sa shelf ko.

Nang makalabas na ako sa bookstore ay may nakabunggo ako. At kung


minamalas ka nga naman.. sa dinamirami ng pwedeng makabunggo si Elle pa
at ang mga alagad niya.

"Oh. It's the nerd."


Napairap na lang ako at lalagpas na sana nang magsalita ulit siya. "Bakit
loner ka? Narealize na ba ng so-called friends mo that ang boring mo?"

"Baka kasi hindi lang ako kagaya mo na hindi kayang mabuhay ng walang
nakabuntot sa 'yo."

"Or maybe.. sadyang wala lang gustong sumama sa 'yo."

Nagtawanan ang mga kasama niya at magsasalita palang sana ako nang may
umakbay sa akin.

"I'm with her," Warren said.

Nanlaki ang mata ni Elle at saka siya tinuro, "This is against the - "

"The rule? Sige, magsumbong ka. Anong magagawa ng sumbong mo kung nasa
labas naman kami ng school?"

"How dare - "

"May respeto ako sa mga babae. Kaya kung kaya mo, umarte ka naman na
karapatdapat kang respetuhin," sabi pa ni Warren at saka ako hinila
palayo kila Elle.

=================

Chapter 33: Secret Affair

Hailey’s POV

“Losers,” pahabol ni Elle bago pa man kami makalayo.

“Anong ginawa mo at uminit na naman ang dugo nu’n?” tanong ni Warren.

Napakibit balikat ako kasi sa totoo lang, ano bang malay ko sa


nararamdaman ng babaeng ‘yun? Palagi naman siyang galit sa amin.
Paparating pa lang kami kahit hindi naman namin napapansin ang existence
niya magpapapansin na siya kaagad. Hindi ko alam kung anong trip nu’n.
“Umandar naman ang pagiging insecure siguro.”

“Nakakairita na nga siya. Konting konti na lang baka hindi na ako


makapagtimpi.”

He chuckled and tap my back, “Tiisin mo na lang. Ikaw naman ang mas
normal sa inyo. Huwag mo na lang ibaba ang sarili mo para pumantay sa
kaniya.”

“I’ll try. Nga pala, bakit ka nandito?”

“I followed you,” he joked. “Biro lang. Bumili ako ng bagong pambomba sa


bola. Nasira ‘yung akin.”

Tumango lang ako at naglakad na ulit. Sumunod naman siya at saka ako
pinigilan.

“Samahan mo naman akong kumain. Hindi pa ako nagmemeryenda magbuhat


kanina.”

“Libre mo ba?”

“Ang daya naman. Hindi ba – “

“Ah, okay. KKB pala. Nagtitipid ako kaya ikaw na – “

“Oo na. Oo na. Sige na. Libre ko na.”

“Saan tayo?”
Sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko siya kaya napangiti na lang
din siya at ginulo ang buhok ko. Dinala niya ako sa isang fastfood at
hindi na ako tinanong kung ano ang gusto ko. Pinahanap na lang niya ako
ng upuan at siya na ang umorder.

Nang makarating siya sa table namin napangiti na lang ako nang makita na
tama ang order niya. He picked my favorites.

“So,” napahinto siya sa pagkain nang magsalita ako. “Nasabi ni Tamara na


– “

“Yeah. Nakausap ko nga siya kanina.”

“Akala ko okay ka na. Napag-usapan na kasi natin ‘yun last time.”

“Okay naman na talaga. Kaya lang nu’ng nakita ko lang kayong magkakasama,
nainggit ako. Mukha kasing ang saya niyo kahit wala ako.”

Sa totoo lang hindi ko alam kung matatawa ako dito kay Warren or maaawa.

“Siguro ano lang.. mas okay kami sa sitwasyon namin ngayon kaysa noong
may kaniya kaniya pa kaming grupo. Gets mo ba? Hindi naman sa masaya kami
kasi wala ka. Masaya lang kami kasi nakawala na kami sa chains. We’re
free to do whatever we want to do na hindi iniintindi na may makakaalam
na magkakaibigan tayo.We’re happy because we’re free. Syempre, masaya rin
naman kami para sa ‘yo. Kasi sa tingin ko, free ka rin naman e. Kapag
nasa court ka, para kang lumilipad. And maybe that’s where you really
belong.”

“Hindi ba ako belong sa – “

“You belong with us, too, syempre. You have us both, Warren. Basketball
and friends. Wala kang sinukuan ni isa sa amin kaya huwag kang mag-
alala.”

Nakatitig siya sa pagkain niya at nilalaro ang fries niya. “I don’t


know,” he said.
Siguro nga tama ang sinabi ni Piper kanina. Internal battle na lang ang
nangyayari kay Warren. Ginawa na namin ang lahat ng pagpapaliwanag. Nasa
sa kaniya na lang ngayon kung ano na ang gagawin niya.

***

Nate’s POV

Nasa may canteen kaming apat nila Hailey, Tamara at Piper nang mapansin
ko na medyo tahimik sila. Kaya para makagawa kahit papaano ng ingay,
sinubukan kong magjoke.

“May joke ako,” sabi ko at itinaas pa ang kamay ko na parang nagrerecite.

“Walang nagtatanong,” sagot naman ni Tamara.

Badtrip naman. Hindi ko pa man din nababato ‘yung joke ko barado na


kaagad. Nasaan na naman ang hustisya?

“Bakit ba kasi ang tahimik niyo? Nakakainis na. Kulang na lang marinig ko
ang mga kuliglig.”

“Imposible ‘yang sinasabi mo. Masyadong maingay ang mga nakapaligid sa


‘tin.”

Expression lang naman ‘yun. Hindi ba tumatanggap ng biro ang mga ‘to
ngayon? Ang mga babae talaga sobrang gulo. Kunyari, kahapon masaya,
ngayon malungkot, kinabukasan galit, sa susunod na araw masaya ulit.
Gulo!
“May mga problema ba kayo?”

Naghintay ako nang naghintay nang naghintay pero walang sumagot ni isa sa
kanila.

“Wala. Wala akong problema. Ang saya talagang kausap ng sarili ko. Wohoo.
Yipee. Yehey!”

Kung anu-ano nang pagpapansin ang ginawa ko pero hindi pa rin ako
pinapansin ng mga ‘to. Nagmumukha na ata akong tanga dito.

Tinanggal ko ang lahat ng pagkain na nasa tray ko at inilayo ng kaunti.


Nang masigurong wala na ngang laman ‘yun ay kinuha ko ang tray at saka
ibinagsak sa lamesa. Sa sobrang sakit sa tenga ng ginawa ko ay nakuha ko
na rin ang atensyon ng tatlong babaeng kasama ko at may bonus pa. Pati ng
ibang mga estudyante. Nginitian ko sila at kinawayan. Ang ibang
ordinaries ay pasimpleng ngumiti sa akin samantalang napairap naman ang
nerds at ang populars. Hindi naman ako pinansin ng jocks at rebels.

“Huwag ka ngang gumawa ng eksena,” suway sa akin ni Hailey.

“Kung pinansin niyo ako kanina palang, edi sana hindi ko ginawa ‘yun.
Anong tingin niyo sa akin dito? Hangin?”

“Fine. Fine. Anong problema mo?”

Napakamot ako sa ulo ko. Medyo nakakafrustrate na ‘to ha. Partida na


bihira akong mafrustrate na tao. Ako pa ngayon.

“Ayan nga ang kanina ko pa tinatanong sa inyo. Anong problema niyo?”


Wala na namang sumagot sa kanila. Maghihintayan lang ang mga ‘to kaya
humarap na ako kay Hailey at tumango bilang signal na siya ang unang
sasagot sa tanong ko.

Napabuntong hininga siya, “Narealize ko lang na.. it’s not the same
without Warren. Mahirap din kasi na maipakita sa kaniya na masaya tayo
kahit wala siya.”

“Si Warren na naman. Ikaw nga, Hailey, umamin lang. Hindi ka pa ba – “

“Kung ano man ang sasabihin mo huwag mo na lang ituloy. As his friend,
malamang concern ako sa kaniya.”

“Sige, sabi mo.” Humarap naman ako kay Tamara at tinanong siya kung ano
ang problema niya.

Fieldrip daw ng kapatid niya sa isang isang linggo. Halata raw sa kapatid
niya na gusto niyang sumama kaya lang hindi naman niya magawang ipilit na
makasama siya kasi wala nga silang pambayad. Tapos kakailanganin pa ng
baon ng kapatid niya. Pocket money pa. Ayaw naman niyang ipagkait du’n na
makasama kasi isa sa best experience mo sa school ang makasama sa
fieldtrip.

“Nag-iisip ako kung saan pwedeng mag part-time job.”

“Papautangin na lang kita,” prisinta ko sa kaniya pero tumanggi siya.


“Kung ako sa ‘yo pumayag ka na. Kailangan na syempreng magbayad ng
kapatid mo. Kung magpapart-time ka, hindi mo naman agad makukuha ang
sweldo mo du’n.”

Bahagya siyang napaisip kaya nagprisinta na rin si Hailey at Piper na


hatian ako sa pambayad ni Tamara. Wala na rin siyang nagawa kaya pumayag
na siya.
“Pero babayaran ko agad ‘to sa inyo kaya kailangan ko maghanap ng part
time job.”

“Ah! Naalala ko nga pala. Kulang sa tauhan ‘yung cafe ni Tita Cass. Baka
pwedeng doon ka na lang mag-apply.”

“Oo nga pala. Doon pwede ka, Tamara. Ang cool pa ni Tita Cass kaya wala
kang – “

“She can’t.” Pagpigil ni Piper sa sinasabi ni Hailey. “I mean.. ano. I


visited there last time tapos wala ng opening for part-timers. But ano..
wait. I’ll ask him – I mean her. I’ll ask her. Kung pwede pa and if wala
na ngang slot, I know some place pa where you can apply. I’ll text you na
lang later.”

Napatingin ako kay Piper at pinanliitan ko siya ng mata. Nang makita niya
akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti lang siya at kumain ulit.

“Talaga? Thanks, guys.”

“Ikaw, anong problema mo?” tanong ko kay Piper.

Parang wala siyang narinig at kumain lang ng kumain. Sumiksik na ako sa


kaniya at saka inilayo ang pinggan niya, “Ano?”

“I’m eating. Stop it. Wala akong problem, okay? Is it bad to keep quiet
once in a while?”

Kilala ko ‘tong babaeng ‘to. Maloloko niya ang iba pero hindi ako. Kaya
lang mukhang wala nga siyang balak magsalita kaya hayaan ko na lang muna.

Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam si Hailey magpunta sa library.


Si Piper naman nagpaalam din muna na may pupuntahan siya. Nag-aya akong
sasamahan ko na lang siya pero sabi niya huwag na lang kaya sumama na
lang ako kay Tamara pabalik ng classroom.

Nilingon ko pa ‘yung dalawa bago tuluyang sumunod kay Tamara.

“May balak kang sundan?” Hindi ako sumagot kahit ang totoo, kating kati
ako sundan si Piper. Para kasing may tinatago. “Go, sundan mo na. Huwag
ka lang papahuli.”

Tulad nga ng sabi ni Tamara, hindi ko rin natiis at sinundan si Piper.


Nagpunta siya sa may greenhouse. Wala naman siyang ginagawa. Nakaupo
lang. Maya maya ay may inilabas siyang papel. Mukhang binasa niya ’yun
saka siya napabuntong hininga at itinupo ulit saka inilagay sa bulsa.

Lalapit na sana ako sa kaniya nang may biglang kumaluskos sa kabilang


side malapit sa kaniya.

“Who’s there?” tanong niya. “Sino sabi ‘yan?”

Tumayo siya at naglakad papalapit sa kung saan may kumaluskos. Pipigilan


ko sana siya kasi baka mamaya may ahas na pala dito pero bago pa ako
makalapit ay bigla na lang may bumangon.

“What are you doing here?”

Teka. Si Hunter? Wala talagang patawad ang isang ‘to. Kahit saan
natutulog.

“Istorbo.”
Hindi sumagot si Piper at bumalik lang sa may inuupuan niya kanina. Ilang
sandali lang ng pananahimik nang magsalita siya.

“Nagstart ka na ba?”

“Yesterday.”

“Panggabi ulit?”

“No choice. May klase.”

“Nga pala. Is it okay kung may ibang makaalam?”

Makaalam? Makaalam ng ano? May secret affair nga ba ang dalawang ‘to?
Joke lang nu’ng sinabi ko ‘yun dati. ‘Di kaya tinotoo na nila?

“May sinabihan ka?”

“No one. It’s just that someone needs a part – “

“Hindi ko naman solo ‘yun kaya wala akong karapatan pigilan kung sino ang
– “

Napatalon ako sa pinagtataguan ko nang may lumundag na palaka sa tabi ko.


Bwisit na palaka ‘to! Mukhang nahuli pa ako.

“Nate?” Ngumiti ako kay Piper at kumaway awkwardly. “Are you


eavesdropping?”
“Ha? Hindi ha. Nagkataon lang na naglalakad lakad ako tapos nadaan ako
dito. Nakita ko kayo tapos babatiin ko sana kayo kaya ayan na nga
lumundag pa ako papalapit sa inyo. Kaya ano.. hindi ako nakikinig sa
pinag-uusapan niyo.”

“You know you’re a terrible liar, right?”

Magpapalusot pa sana ulit ako nang dumating si Warren sa eksena.

“Kanina pa kita hinahanap,” sabi niya.

“Ako?” turo ko sa sarili ko.

Inilayo niya ang mukha ko sa kaniya, “Hindi ikaw.” Lumapit siya kay Piper
saka tumingin dito tapos ay kay Hunter, “Pwedeng iwan niyo muna kami?”

“Tss. Istorbo sa tulog mga ‘to,” bulong ni Hunter pero umalis naman.

Sumunod naman ako sa kaniya at bumalik na lang ng classroom. Inabutan


kong nagbabasa si Tamara kaya tumabi ako sa kaniya.

“Alam mo ang gulo ng mga tao,” sabi ko dito.

“Ikaw man magulo,” mabilis niyang sagot nang hindi man lang inaalis ang
tingin sa libro.

“Ang ayos ayos kong – “

“Alam mo, kapag nakita mong nagbabasa ang isang tao, ibig sabihin nu’n
wala siyang balak makipagkwentuhan sa ‘yo kaya manahimik ka na lang sa
isang tabi.”
Harsh naman masyado ng taong ‘to.

Magsasalita palang sana ulit ako para lang inisin siya nang dumating si
Hailey na mukhang inis na inis at basa ang palda.

“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong sa kaniya ni Tamara at inilapag ang


libro.

Nasaan na ngayon ang sinasabi niyang kapag nagbabasa siya bawal siyang
istorbohin?

“May napatid na freshman. May hawak siyang juice. Saktong makakasalubong


ko siya kaya dumiretsyo sa akin ‘yung inumin niya.”

“Wala ka bang naitabi na P.E. shirt at jogging pants sa locker mo?


Magpalit ka na lang kaya.”

“Hindi ko dala P.E. uniform ko.”

“Try mo ‘yung sa akin. Baka naman kasya ‘yun sa ‘yo.”

Palabas na si Tamara nang mapahinto siya sa tapat mismo ng pintuan ng


classroom. Mukhang may kakwentuhan siya. Malamang si Piper ‘yun. Siya
lang naman ang posibleng makausap ni Tamara. Ilang sandali lang ay
tumuloy na siya sa paglabas at napatahimik ang buong klase nang makita
kung sino ang pumasok.

Si Piper kasama si Warren.


=================

Chapter 34: Welcome to my life

Nate's POV

Ito na ba 'to? Groupless na rin ba si Warren? O namamalikmata lang talaga


ako? Kung sakaling umalis na nga siya ng grupo, paano na ang basketball?
Ang laking oportunidad naman ata ang tinalikuran niya para makasama lang
kami. Sayang 'yun. Sobrang sayang talaga 'yun.

Lumapit sa amin si Piper at umupo na sa pwesto niya. Napatingin siya kay


Hailey at tinuro 'yung damit niya.

"What happened?"

"Minalas lang kanina pero ayos na."

"I'll lend you my P.E. uniform."

"Don't worry. Kinuha na ni Tamara 'yung P.E. uniform niya tapos


magpapalit na rin ako. Ayos na."

"Pipes, magkasama ba kayo ni Warren bumalik dito ng room?" tanong ko sa


kaniya.

Napatingin siya kay Warren na ngayon ay nakaupo na sa pwesto niya. Hindi


siya dumiretsyo sa amin kaya posibleng hindi nga siya umalis ng grupo
niya. Isa pa, kinakausap naman niya ang groupmates niya. Kaya baka hindi
nga. Kaya lang nakita ko talaga 'yun e.

"Yeah," casual na sagot niya na parang normal lang na nangyayari ang


bagay na 'yun sa araw-araw.

"Hindi kayo - "

"We got caught. I think? We bumped into Elle din kasi on the way here.
Knowing her, super lakas ng radar niya when it comes to us. She's eyeing
us and hoping that we'll make a wrong move para time na niya to put us on
the line."

"Bakit kayo magkasama ni Warren?" tanong ni Hailey.


Tumingin sandali si Piper sa kaniya at saka nag-iwas ng tingin. Nagkibit-
balikat siya at sumandal sa upuan niya, "Wala lang."

"Bakit ka niya hinahanap kanina noong nasa may greenhouse tayo?" tanong
ko.

"We just feel like talking."

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko binibili ang sagot niya. Anong


tinatago nitong si Pipes?

Nginitian niya ako at saka itinaas ang dalawang kamay niya, "Okay, okay.
Hindi na. We were just talking about the rooms we cleaned last time. I
accidentally heard his conversation kasi with their coach. According sa
coach niya, ipapatawag daw tayo mamaya sa may POD to thank us for what
we've done. Punishment man or hindi. We plan on surprising you sana kasi
we managed to finish the task despite everything we've been through and
kahit hindi pa tayo friends ulit that time. But since you know me too
well and you know I'm hiding something from you, then I guess there's no
point to lie na rin."

"Wow! Talaga?! Edi magpaparty tayo mamaya?!"

Hinila ako ng dalawa kaya napaupo ulit ako sa upuan ko. Napatingin sa
akin ang mga kaklase ko kaya kinawayan ko silang lahat dahilan para
makatanggap na naman ako ng mga irap.

"It's not really a party. Simple celebration lang."

"Celebration para saan?" tanong ng kakarating lang na si Tamara kay


Piper.

"Celebration kasi nakarating ka na sa classroom sa wakas," biro ko sa


kaniya.

For the nth time, nakatanggap na naman ako ng irap. "Kausap?" tanong niya
sa akin at saka inabot ang paperbag kay Hailey at humarap kay Piper, "May
ano?"

"Celebration for our freedom. Freedom from the rule and freedom from the
punishment."

"Saan?"

"That's what we're trying to think about kanina. Kung saan tayo
magcecelebrate."
Natahimik ang mga kasama ko at mukhang nag-iisip kung saan kami pwedeng
magcelebrate. Napatingin naman ako sa gawi ni Warren. Nakikipagtawanan
lang sa mga jocks ang loko samantalang itong tatlo nahihirapan mag-isip
dito.

"Kahit saang fastfood?" suggest ni Hailey.

"Limited ang time natin kapag doon," kontra ko sa kaniya.

"KTV?" suggest naman ni Piper.

"Ganoon din. Limited din oras natin. Magbabayad tayo per hour." Kontra ko
ulit.

"Edi magbayad na lang tayo."

"Nagtitipid ako," sabi naman ni Tamara. Nagkatinginan kaming tatlo nila


Pipes at Hailey. Alam ko na iniisip ng mga 'to. Bago pa man kami
makapagsalita, umiling na si Tamara at nagcross ng arms, "Kapag kayo ang
nagbayad para sa akin hindi na lang ako sasama. Dumarami na utang ko sa
inyo."

"Libre na lang."

"Hindi. Ayoko."

Natahimik na naman ang tatlo kaya nagsulat ako sa isang papel.

Saan tayo mamaya?

Nilukot ko ang papel at saka ibinato kay Warren. Bull's eye! Sapol sa
ulo! Galing mo, poging Nate!

Napatingin sa direksyon namin ang mga jocks kaya tumingin ako kay Hailey,
"Hailey naman! Bakit hindi mo sinalo 'yung papel?"

"Ha?"

Pagtingin ko ulit sa mga jocks, hindi na sila nakatingin dito at bumalik


na sa sarili nilang mundo. Binabasa naman ni Warren ang binato ko sa
kaniya. Napatingin siya sa gawi namin at napakunot ang noo.

Hindi ko na inaasahang sasagot si Warren kaya nakipag-usap na lang ulit


ako sa tatlo.
Nagulat na lang kaming lahat, paglipas ng ilang minuto ay nakatayo na si
Warren sa harap naming apat.

"Anong sinasabi mong saan tayo - "

"We're talking about the celebration tonight. The one we talked about sa
greenhouse. Celebration after ng punishment. We're trying to think kasi
where to held the celebration."

"Kahit saang kainan?"

"Limited time and we can't spend too much din kasi since Tamara is trying
to save some money. We should do the same din siguro."

"Sabagay. Saan nga kaya maganda?"

"That's what we're trying to think about kanina pa."

"Ah!Alam ko na! Game ba kayo sa sleepover mamaya? Friday naman ngayon.


Walang pasok bukas. Wala kaming practice bukas. Wala na rin tayong
inaatupag na lilinisin. Teka. May mga lakad ba kayo bukas?"

"I don't have plans for tomorrow. How about you, guys?"

Tumingin sa amin sila Pipes at Warren. Nakatingin lang din kami sa dalawa
at pati ang buong klase ay nakatingin lang sa kanila. Ngayon lang din ata
nagsink in sa dalawa na nag-uusap sila. Sa loob ng Kingdom High. Sa gitna
ng classroom. Sa harap ng iba't ibang grupo. Ibig sabihin ba nito.. wala
na nga talagang grupo si Warren? Pero nakikipag-usap talaga siya kanina
sa iba niyang groupmates ha? Ano ba talaga? Ang gulo!

"Bakit kayo nag-uusap?" Nagtatakang tanong ni Hailey. "Warren, groupless


ka na rin ba?"

"Hindi."

Nanlaki ang mata ko sa naging sagot ni Warren.

"Hoy, anong kalokohan 'to? Hindi ka groupless tapos - "

"Chill, Hailey. Ayokong mamili ng isa sa dalawang importanteng bagay sa


buhay ko. I'm choosing both. May parusa ako sa pakikipag-usap sa inyo
pero ano naman? Pakialam ko sa mga parusa na 'yan."
Pumasok naman si Hunter sa room at umupo na rin sa pwesto niya. Sa
likuran lang namin. Pasandal na sana siya nang maisipan ko siyang
kausapin, "Hoy sama ka sa amin mamaya ha. Sleepover. Teka. Groupless ka
naman 'di ba? Okay lang kausapin ka?"

Ang natatandaan ko kasi nakiupo siya sa amin sa lunch pero wala naman
naging balita na umalis siya ng grupo niya. Baka parang si Warren lang
din 'to.

"Pakialam ko sa mga grupo?" Oo nga naman. Cool nga pala 'tong si Hunter
at wala siyang pakialam sa kahit na ano.

"Basta mamaya. After class." Nilingon ko 'yung apat at nagtanong ulit,


"Saan nga pala tayo magsleepover?"

"Sa inyo," sabay na sabay na sagot nila Pipes, Hailey at Warren.

Tumango lang si Hunter at saka dumukdok sa may armchair niya. Ano pa nga
ba ang bago? Tulog na naman ang loko.

"Settled?"

Tinanguan namin si Warren. Nagpaalam na siya at bumalik na sa grupo niya.


Nagbulong-bulungan na naman ang mga tao palibhasa nakakita na naman ang
mga 'to ng mapapag-usapan. Si Warren naman, mukhang walang naging
problema sa grupo niya kasi kinakausap pa rin siya ng mga 'yun at mukhang
wala silang pakialam kahit na sino pa ang kausapin ni Warren.

"Jocks are cool," sabi ni Hailey nang mapansin na hindi binig deal ng
jocks ang nangyari.

***

Piper's POV

Pumwesto kami sa may backyard nila Nate kung saan madalas kumain ang mga
pamilya namin. Nasa loob ng bahay sila Tito Ice at Tita Zoe at hinayaan
kaming gawin ang kahit na anong gusto namin huwag lang ang magbisyo at
gumawa ng hindi maganda.

Nagtulong tulong din kaming anim sa pag-aayos ng lamesa at mga pagkain na


niluto ng mga magulang namin.

Sa simpleng bagay na 'yun na-feel ko talaga 'yung happiness ng mga tao sa


paligid ko. My mom's right. Nothing beats the happiness you feel when
you're with the most important people in your life. Bukod sa family ko,
ang friends ko ang pinakaimportanteng tao sa life ko. We really made the
right choice sa pagcecelebrate. Kahit biglaan.

"Cheers para sa official na pagtatapos ng punishment natin." Itinaas pa


ni Warren ang softdrinks niya na nasa can at ganoon din kami saka
pinagbunggo bunggo iyon.

"Cheers para sa mga batang gagamit ng classroom na pininturahan natin."


Ngayon naman ay si Hailey ang nagtaas ng inumin niya at ginawa ulit namin
ang ginawa namin kanina.

"Cheers para sa freedom." Itinaas ni Tamara ang inumin niya at ganoon din
kami. Maski si Warren na hindi groupless ay nagkaroon na rin ng freedom
from the rule kasi pinili niyang panindigan ang dalawang choice. We're so
proud of him.

"Cheers dahil kumpleto tayo ngayon," sabi ko naman at nagcheers ulit


kami.

"Cheers dahil hindi nagpakaKJ si Hunter at sumama sa atin," sigaw ni Nate


kaya nagtawanan kami bukod syempre kay Hunter na poker face lang at kay
Tamara na napangisi lang. Hindi talaga tumatawa ang dalawang 'to.

Tumingin kaming lahat kay Hunter dahil hinihintay namin ang reason niya
to celebrate. Napakunot ang noo niya nang makitang nakatingin kaming
lahat sa kaniya. Napakibit balikat pa siya at itinaas ang inumin niya,
"Cheers."

Nagpalitan kaming lima ng tingin dahil sa sinabi ni Hunter.

"Pwede na 'yan," sagot ni Hailey kaya nagsigawan ulit kami ng 'cheers'.

The whole time nagkwentuhan lang kami. From time to time iniinis din nila
si Hunter kasi hindi talaga siya nagsasalita. Kaya lang isang death glare
lang niya sa kanila, matatahimik na agad ang lahat.

"Anong naisipan mo at sumama ka ata sa amin ngayon?" tanong ni Nate sa


kaniya.

Nagkibit-balikat lang siya at uminom ng softdrinks na hawak niya.

Saglit na umalis si Nate at pagbalik niya ay dala na niya ang dalawang


gitara ni Tito Ice na agad naming kinuha ni Warren. Sa aming
magkakabarkada, ako at si Warren lang ang marunong maggitara. Si Nate,
drums siya sanay. Si Hailey naman ay keyboards ang kaya.

"Tumutugtog ka ba?" tanong ni Nate kay Tamara.


Umiling siya bilang sagot, "Flute lang kaya ko. Required kasi noong
elementary kami."

"Ikaw, Hunter?" Nagkibit-balikat ulit siya bilang sagot.

"Pahiram," tango niya sa gitara na hawak ni Warren. Inabot naman niya


'yun sa kaniya at pinanuod na lang namin si Hunter nang bigla siyang
maggitara.

Napangiti ako ng marinig ang tinutugtog niya. We love this song. Madalas
naming tugtugin 'to ni Nate.

Habang seryoso siya sa ginagawa niya ay sumabay na ako sa kaniya sa


paggigitara gamit 'yung isa pang gitara ni Tito Ice.

Napatingin siya sa akin nang sabayan ko siya at napangisi.

Pagkatapos naman ng chorus ay bigla na lang kumanta si Nate.

♫ Do you wanna be somebody else? Are you sick of feeling so left out? Are
you desperate to find something more before your life is over? Are you
stuck inside a world you hate? Are you sick of everyone around? With
their big fake smiles and stupid lies while deep inside you're bleeding.

Sa kalagitnaan naman ng kanta ay sumabay na rin ang iba.

♫ No, you don't know what it's like when nothing feels all right. You
don't know what it's like to be like me. To be hurt, to feel lost, to be
left out in the dark. To be kicked when you're down, to feel like you've
been pushed around. To be on the edge of breaking down and no one's there
to save you. No, you don't know what it's like. Welcome to my life. ♫

"Mukhang nagkakatuwaan kayo dito ha?"

Natigil kami sa paggigitara at pagkanta nang may magsalita. Napatingin


kami sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

"Tita Cass!" Lumapit sa kaniya si Nate at saka siya bineso. Ganoon din
ang ginawa namin ni Warren at Hailey.
Napatingin siya kay Tamara at nginitian 'yun, "At sino naman 'tong bago
niyong magandang friend?"

"Uy, maganda ka raw, o," biro sa kaniya ni Nate kaya siniko siya ni
Tamara. Nakita naman 'yun ni Tita Cass kaya natawa siya at bineso si
Tamara.

"I like you already."

"Ako po si Tamara."

"I'm Cass. Pwede mo kong tawaging Tita Cass."

"Nice to meet you po, Tita Cass."

Nginitian ulit niya si Tamara at napatingin siya ngayon kay Hunter na may
hawak ng gitara.

"Hunter? Bakit nandito ka?"

Nanlaki ang mata ko nang maalala na nagtratrabaho nga pala si Hunter sa


cafe ni Tita Cass at hindi alam ni Tita Cass na ako ang nagsuggest kay
Hunter na mag-apply doon.

"Magkakilala po kayo?" tanong sa kaniya ni Nate.

"Yes," sagot ni Tita Cass at mukhang wala na siyang balak pang dugtungan
ang sinabi niya o sabihin man lang kung bakit o paano sila nagkakilala.
"Magkakakilala kayo? Hunter, kilala mo 'tong mga 'to?"

Tumango si Hunter bilang sagot.

"Paano kayo nagkakilala ng mga - "

"Siya." Naputol ang sinasabi ni Tita Cass nang biglang magsalita si


Hunter at itinuro ako.

Ako? Oo na. Ako na nag-suggest na magtrabaho siya doon.

Sasagot na sana ako at sasabihin na ako ang nagsabing mag-apply si Hunter


doon nang dugtungan pa ni Hunter ang sinasabi niya.
"Girlfriend ko siya."

***

Song title: Welcome to my life by Simple Plan

=================

Chapter 35: Two generations

Piper's POV

"Gago ka! Umayos ka," sigaw ni Warren kay Hunter at ihinagis ang can ng
softdrinks sa kaniya.

"Pipes! Totoo nga? May secret affair talaga kayo? Bakit hindi mo man lang
ako sinabihan? Para saan pa at bestfriend kita?" tanong naman ni Nate.

"Teka, alam mo ba na boyfriend mo siya?" pagsingit naman ni Tamara.

"Serious 'to? Bakit hindi mo kami nakwentuhan, Pipes?" reaksyon naman ni


Hailey.

"Joke time 'to 'di ba?"

"Totoo siguro."

"Kailan pa?"

"Paano nangyari?"

"Nagligawan ba kayo?"

"O baka walang ligawan. Sagot agad agad."

"Alam na ba ng magulang mo 'yan?"

"Kaya ba siya sumama sa 'tin ngayon tapos tumabi pa noong lunch?"


"Mabilis palang didiskarte 'tong si Hunter. Astig, Guevarra! Kapag ako
may natipuhan pahingi namang tips ha."

Ang dami ng nagsasalita. I can't understand them anymore. Parang naghalo-


halo na 'yung mga sinasabi nila. Parang umuulit na lang. Ang gulo na.
Sobra.

Kahit sobrang daming ingay ng mga taong nasa paligid namin I tried to
talk. "It's not true, guys. Calm down." No luck though. They haven't
heard me or they didn't listen. Inulit-ulit ko pa pero busy na sila sa
panghuhula kung kailan, paano at saan nagsimula ang relationship namin ni
Hunter that only him knows.

I glared at Hunter who seems to find everything amusing. Nang matingin


siya sa akin he just shrugged and pretend that nothing happened.

"Wala munang magsasalita sa inyo!" sigaw ni Tita Cass and that caught
their attention. Sa wakas! They stopped talking na.

Tinuro ako at si Hunter ni Ate Cass, "Follow me, you two."

"Tita Cass, dito niya na lang sila kausapin," Warren said.

"Sabi ko wala munang magsasalita 'di ba?"

"Pero - "

"Anong sabi ko, Warren?"

Inis na sumandal si Warren at hindi na nagsalita. Tumayo naman kami ni


Hunter at sumunod sa kaniya.

"Anong trip mo?" I whispered at him.

"Wala naman."

"Bwisit ka. Do you know that?"

"Wala sabing magsasalita," suway ulit ni Tita Cass.

When we were away from the others, Tita Cass stopped walking and faced
us.

"Obviously, hindi kayo."


"Definitely not a couple," I said shaking my head and my hands.

Nagpamewang siya at saka tinanguan si Hunter, "Bakit mo sinabing


girlfriend mo si Piper?"

"Boss, that's just - "

"Call me Tita Cass. Ang kulit."

"Boss - "

"Isa, Hunter."

Hunter 'tsked' and continue talking, "Technique lang 'yun. I gave them
something to talk about. I don't want them to find out that I'm a working
student."

Napakunot ang noo ni Tita Cass sa narinig. "But why? They're your
friends. You shouldn't keep anything from them."

"They're my classmates. Not my friends. My life is not an open book. I


don't want anyone to know what I've been doing or what's keeping me
busy."

"She knows." Tita Cass said referring to me.

Itinaas ko ang kamay ko as if asking for permission speak. "I knew he's
working by accident. I'm not really an exception." Napabuntong hininga na
lang si Tita Cass at sinabing bumalik na kami and Hunter's secret is safe
with her.

"You almost got caught, huh."

He shrugged.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila? It's not like you'll die naman
if malaman nila."

"Nakikinig ka ba kanina?"

"Uhh, yes? I was there. Duh."


Napakamot siya sa ulo niya, "Bakit tinatanong mo pa?"

"'My life is not an open book.' Do you think that answer makes sense?
No."

Hindi siya sumagot pero nang malapit na kami sa pwesto ng iba ay


nagsalita ulit siya dahilan para mapahinto ako sa paglakad.

"Thanks." Weh? Seryoso ba 'to?

"For?"

Instead of answering my question, nilagpasan lang niya ako at


nagdirediretsyo na.

When we got to our place, they bombarded us with questions again. I kept
on telling them that we're not together kaya lang they won't listen.

Don't expect to understand things kung hindi rin naman marunong makinig.
Itong mga 'to talaga o.

They stopped questioning lang when Tito Ice came followed by Tita Zoe
who's holding a bowl of chips.

"Pwedeng pasali?" tanong ni Tita Zoe.

We were about to answer when mommy and daddy came in the picture together
with Tita Sab, Tita Yannie, Tito Xander and Tito Josh.

"Pwedeng kami rin?"

The mommies are holding a bowl or plate of foods while the daddies are
holding bottle of beers.

"Hindi pwede sa inyo 'to. Hanggang juice lang kayo." Tito Josh said when
he saw us eyeing the bottle. It's not like I'm drinking naman. I bet
hindi rin umiinom si Hailey and Tamara. Nate haven't tried it yet din.
Sila Warren nakainom na and Hunter, of course.

Tita Zoe greeted Tamara. She introduced her to others na rin. They knew
na rin naman pala what Tita Zoe asked Tamara to do.

Mommy saw Hunter. Based on her look, it's like she's trying to figure out
kung sino si Hunter. Kaya lang hindi niya malamang maalala kung sino siya
kasi hindi naman talaga niya kilala.
"Who's this young gentleman?" tanong ni Mommy.

"Si Hunter po 'yan. Boyfrie - "

Bago pa man masabi ni Nate ang binabalak niyang sabihin ay inunahan ko na


siya, "Our classmate."

"Hi, I'm Ayu. Piper's mom."

"Pleased to meet you po."

Nagpakilala rin ang iba sa kaniya and they welcome him warmly. Silang
dalawa ni Tamara.

Mas naging maingay nang dumating ang parents namin. From time to time
iniinterview nila si Hunter at Tamara since ngayon lang nila nakita ang
mga 'to.

"Ice, Ice," tawag ni Tita Zoe sa asawa. "Naaalala ko si Hunter sa 'yo. I


mean noong highschool pa tayo."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Tita Yannie. "Ganiyan ka rin katahimik noon.


Hindi ka magsasalita hanggang walang kumakausap sa 'yo. Kapag naman
kinausap ka tatango, iiling o hindi ka lang sasagot. Ikaw na ikaw 'tong
isang 'to."

"Hanggang ngayon naman ganoon pa rin 'yang si Ice," singit ni Tito


Xander. "Lahat sinusungitan. Kaya takot sa 'yo minsan ibang mga kaibigan
ni Nate."

"Takot sa akin ibang kaibigan mo, Nate?" tanong ni Tito Ice kay Nate.

Napatigil naman siya sa pagkain at ngumiti ng malaki, "Yeah, Pa. 'Yung


iba lang naman. Kasi mukha ka raw seryoso. Pero crush ka ng ibang babae.
Hindi ko nga alam kung bakit ikaw pa crush nila e mas gwapo at bata naman
ako sa 'yo."

Hindi napigilan ng mga matatanda ang magtawanan sa sinabi ni Nate. Pati


kami nila Hailey at Warren ay natawa na rin.

"Mana sa 'yo pagdating sa kalokohan 'yang anak mo." Nangingiting sabi ni


Tito Ice kay Tita Zoe.

"Anak natin! Iba ka rin ha. Ang tanda mo na may charisma ka pa rin pala."
"Ibang mag-alaga asawa ko e."

"Ma, Pa, huwag dito please. Umay naman!"

Nagtawanan na naman ang mga tao dito.

"Ito namang si Nate, parang si Josh noong highschool kami." Natatawang


kwento ni Mommy sa kanila.

"Totoo! Kung makapagbato lang ng punchlines. Manang mana talaga 'tong si


Nate kay Josh. Kaya siguro ikaw ang pinanggigilan ni Zoe noong
pinagbubuntis niya si Nate." Kwento naman ni Tita Sab.

Tiningnan ng nakakaloko ni Tito Josh si Nate at inakbayan, "Swerte ka,


Nate, at sa akin ka nila kinukumpara. Masabihan palang na para kang ako,
malaking karangalan na 'yun sa parte mo."

Binalibag ni Daddy si Tito Josh ng can ng softfdrinks namin at nasalo


naman iyon agad ni Tito Josh, "Tigilan mo nga 'yang si Nate."

"I'm just telling the truth, Ken. Kaya lang mas gwapo ako sa kaniya."

"Parang hindi naman, daddy," biro ni Hailey sa daddy niya kaya tumayo si
Tito Josh at inipit si Hailey sa braso niya. "Joke lang. Joke lang."

"Ang cool lang talaga. Nakikita ko sa inyo 'yung barkada namin dati,"
Tita Sab said. "Ahh, highschool memories."

"Kulang lang sila ng dalawa," dagdag pa ni Tito Josh.

"Magrecruit pa kayo ng dalawang friend para eight na rin kayo."

"Bakit hindi mo isama si Elle?" tanong sa akin ni Daddy. "Friend mo 'yun


di ba, Pipes?"

Nagkapalitan kaming anim ng tingin. Sa reaksyon ni Nate at Hailey,


mukhang gustong gusto na nilang tumawa sa sinabi ni daddy. Friend? Si
Elle? That's what I've thought.

"No, Dad. Not Elle."

"May issue," inosenteng sabi ni Tita Sab.


The way I answered, it's obvious naman na siguro.

"Jamming na lang tayo!" sigaw ni Tito Xander at kinuha ang isang gitara.
Kinuha naman ni Tito Ice ang isa pa.

"Anong theme song ng barkada niyo?"

Theme song? May ganoon ba dapat?

"Uhh?"

"Wala?" tanong pa ulit ni Tita Yannie.

"'Yung atin na lang," suggest ni Tito Josh at nagsimula na ngang magstrum


si Tito Ice at Tito Xander.

Hanggang sa bigla na lang silang nagsikantahan.

Nanunuod lang kami sa ginagawa nila at napapangiti. Siguro ito ang theme
song ng barkada nila.

♫ You'll always have my shoulder when you cry. I'll never let go, never
say goodbye. You know... you can count on me like 1, 2, 3. I'll be there.
And I know when I need it, I can count on you like 4, 3, 2. And you'll be
there. 'Cause that's what friends are supposed to do. ♫

When we grow old, I want our friendship to be as strong as their


friendship. I want to be like them someday. I know we'll be like them.

***

It's almost midnight and I still can't fall asleep. Kung anu-ano na
ginawa ko kaya lang there's no use.

Bumangon na lang ako and decided to go to Tita Zoe's kitchen. I'll drink
milk. I wish it helps.

Umiinom ako and I almost spit my drink when I saw a shadow. Oh, God.
Whoever this is almost gave me a heart attack.

"Grabe. Akala ko kung sino ka. You scared me," I said when I saw Hunter.
"Gising ka pa?"

"Isn't it obvious?" sagot at irap ko sa kaniya. That's a question with


an obvious answer.

"Pilosopo."

Nakasandal ako sa may counter at sumandal naman siya sa pader sa tapat


ko. "Bakit ka bumaba?" I asked.

"Hindi ako makatulog. Maingay 'yung lalaking maluwag ang turnilyo."

I laughed when I realized he was talking about Nate. Maluwag ang


turnilyo. That's his name for him? I'll definitely tell Nate about this.

"You want?" Inangat ko ng kaunti ang baso ng gatas pero hindi ko naman
balak ibigay 'yun sa kaniya. Kaya lang iba ata ang pagkakaintindi niya
kaya kinuha niya 'yun at iinumin na sana nang pigilan ko siya. "That's
mine! I'll get - "

Hindi ko na tinuloy ang sinasabi ko nang inumin na niya 'yun. Too late,
Pipes. Too late. Kuha ka na lang ng sa 'yo.

"Why are you thanking me nga pala kanina?" I asked habang kumukuha ng new
milk.

"For keeping my secret. I don't even know why you're doing that."

"Because I want to? And maybe it's because alam kong you don't want
others to find it out. I'm not really the type of person who'll spread
news about someone. Kaya lang minsan, I can't help to tell chika rin to
some friends."

"Dapat na ba akong kabahan?" Maloko niyang tanong.

"I'll keep my promise, ano. Huwag kang kabahan."

We were quiet for a while when he broke the silence, "Hindi lang talaga
ako kumportable kapag may nakakaalam ng personal na bagay sa buhay ko."

"Why? Baka mawala ang title mo for being the most mysterious person sa
school?" I kid.
He snorted, "Pakialam ko doon. Kapag kasi may nakaalam, may kasunod na
'yun na tanong. Kung bakit ako nagtratrabaho at iba pang bullshits. Isa
pa, kapag may nakaalam ng kahit na anong personal sa akin, pakiramdam ko
papasok na rin 'yung taong 'yun sa buhay ko. At ayokong magpapasok ng
kahit na sino."

"I know your secret. May alam akong personal na bagay tungkol sa 'yo.
You're working at night, studying and sleeping at day. You're a natural
intelligent person. You don't even have to study to know the answers to
some questions. You don't take quizzes because you don't have paper and -
"

"Binibigyan mo ko ng papel, secretly."

"Fine. Nakakapagtake ka na ng quiz because I'm giving you paper secretly.


You're buying instant foods. You smoke. You cursed."

"Five times palang akong nag-smoke."

"Yeah, whatever. Anyway, I know those things about you that I bet only a
few people know," He raised his eyebrows as if wondering why I'm telling
him those things. I shrugged, "Some of it is personal information, right?
So, do you think I'm trying to enter your life because I know those
things about you? Ayon kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo kanina."

Tiningnan niya ako sandali at napailing na lang, "Got your point. Noong
nalaman mo, hindi mo naman ako kinulit para malaman kung bakit ko
ginagawa 'yun. Hindi mo rin pinagkalat. Tinago mo sa mga kaibigan mo,
tinago mo sa mga kakilala mo."

"It's not my business kaya wala naman akong right para sabihin sa iba."

"Ayan ang sagot sa tanong mo. Ayos lang na malaman mo kasi wala ka namang
balak pumasok sa buhay ko."

Point well taken.

Itinaas ko ang pinky finger ko, "Your secret will be our little secret.
It's safe with me as it's safe with Tita Cass."

"What are you doing?" Naguguluhan niyang tanong.

"Pinky promise 'yan. You can't break a pinky promise. Parang assurance na
rin sa part mo na hindi ko talaga ipagsasabi kahit kanino ang sikreto
mo."
Napailing siya pero nakipagpinky promise naman. Nang tingnan ko siya, I
was shocked to see him smiling. Not a smirk, but a smile. A sincere
smile. Woah. He smiled.

I was about to speak kaya lang tinalikuran na niya ako at mukhang babalik
na sa kwarto ni Nate.

Napakibit-balikat na lang ako at bumalik na lang sa pag-inom ng milk.

"I don't mind," he said. Nang tingnan ko siya, nakatalikod pa rin siya
pero huminto na sa paglakad.

"Huh?"

"I don't mind if you enter my life." He said and finally left.

***

#PiTerisSailing #BagalMoWarren HAHAHA.

If mag-tweet kayo ng feedback for this chapter, pwedeng pakilagay 'yung


title or ihashtag niyo na lang 'yung TTWTR kahit wala na rin palang
hashtag para di masabihan na nagpapatrend. Lol. Or imention niyo na lang
ako para private yung tweet niyo at tayong dalawa lang ang makakabasa
unless ma-RT ko. Haha. Thanks! <3

=================

Chapter 36: Sa ngayon..

Warren's POV

Para akong siraulong pabalik balik sa pwesto ko. Baka nga hilo na rin si
Nate kakapanuod sa ginagawa ko.

"May hindi mapakali." Mapanuksong tono niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at naupo ulit pero hindi rin ako nakatiis
kaya napatayo ulit ako at lumapit sa pinto saka bumalik sa inuupuan ko
kanina.
Ang gulo. Nakakabanas. I like her first. Kaya lang bakit siya napunta kay
Hunter?

"May kinakabahan." Ano bang problema ng lokong 'to? "May gustong


puntahan."

"Ano bang trip mo, Nate?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"May kasama akong pikon kasi hindi makamove on." Nang matingin ako sa
kaniya ay unti-unti siyang napangiti, "Rhyming, bro! I'm so cool!"

"Gago."

"Mabilis mapikon kasi hindi pa rin nakakamove on. Si Warren, hanggang


ngayon nasa friendzone pa rin. Kasi si Piper, boyfriend na si Hunter."

Ibinalabig ko sa kaniya ang unang bagay na nadampot ko. 'Yung nakapatong


na cd ng bandang gustong gusto niya.

"Siraulo ka! Kapag nagasgasan kahit dulo lang ng case nito sisiraan
talaga kita kay Piper para 'yung 1% chance mo sa kaniya maging 0 na,"
sagot niya at hinihimas himas pa ang cd. Wala ng pag-asa ang isang 'to.

"Sa tingin mo.. kailan pa naging sila? Nagliligawan na kaya sila noong
hindi pa umaalis ng grupo niya si Piper?"

"Aba, anong malay ko. Kanina ko nga lang nalaman na sila na, malamang
wala akong alam na details. Bakit hindi na lang silang dalawa ang
tanungin mo kung nilalamon ka na ng curiosity mo?"

"Tingin mo sasagot sila? Magkwekwento kaya 'yung dalawang – "

"Kulit naman! Sabi na ngang sila ang tanungin mo."

Tss. Hindi maaasahan 'tong si Nate, ha. Huwag na lang. Hindi ko na lang
aalamin. Sasabihin naman siguro nila 'yon ng kusa.

Kaya lang baka hindi ako makatulog ng maayos kung hindi ko aalamin. Fck
it. Tatanungin ko na nga.

Palabas pa lang sana ako ng kwarto ni Nate nang biglang pumasok si


Hunter.
"Tamang tama ang dating mo, Hunter. May itatanong sa 'yo si Warren."

Tinignan ako sandal ni Hunter at nilagpasan, "Hindi kami." Diretsyo


niyang sagot na parang alam na niya kung ano ang nasa isip ko.

"Weh?" tanong pa ulit ni Nate pero hindi siya pinansin ni Hunter at


humiga lang.

"Sabi mo kaya kanina – "

"Naniwala naman kayo?"

"Bakit hindi man lang sinabi ni Piper na hindi naman pala kayo?"

"Sinabi niya."

"Bakit hindi ko narinig?"

"Hindi mo pinakinggan."

Tanong pa ng tanong si Nate sa kaniya pero hindi na ako nakinig at


tuluyang lumabas.

Hindi naman pala sila. Kaya lang ano ba ang mag-iiba kung sila na o hindi
pa? Parang ganoon pa rin naman.

Nagpunta ako sa tapat ng pinto ng guest room kung saan natutulog sila
Piper. Kung kakausapin ko siya, ano naman ang sasabihin ko sa kaniya?
Huwag na lang. Isa pa baka tulog na rin 'yon. Past 12 midnight na.

Dumiretsyo ako sa kusina para uminom ng tubig at doon, nakita ko si


Piper. Nakaupo siya sa may dining at parang naglalaro lang sa phone niya.

Dito ata nanggaling si Hunter? Ibig sabihin.. tss. E ano naman, Warren?

Napatingin siya sa akin at ngumiti, "Bakit ka bumaba?"

"Kukuha lang ng tubig. Bakit gising ka pa?"

"I can't sleep lang. You?"

"May iniisip lang."


Tinaasan niya ako ng kilay sa naging sagot ko. Nginitian ko lang siya at
kumuha na ng tubig saka umupo sa tapat niya.

"May tatanong ako. Kayo ba ni – "

"Nope."

"May gusto ba siya sa 'yo?"

"Wala."

"Ikaw, gusto mo ba siya?"

Tinignan niya ako at napakunot ang noo niya. Umiling siya at saka ulit
ako tinaasan ng kilay, "More than a friend? No."

"Sa future, tingin mo magugustuhan mo siya?"

"Are we on a talk show or what?" Natatawa niyang sagot.

"Ako, sa tingin mo, pwede mong magustuhan?"

Nahinto siya sa pagtawa at saka ako tiningnan ng seryoso. Halata sa mukha


niya na hindi niya alam ang sasabihin o isasagot sa tanong ko. Hindi ko
alam kung anong iniisip niya. Hindi ko kayang basahin ang nasa utak niya.

"Joke lang," dagdag ko pa at tumawa. Kaya lang hindi pa rin nabago ang
reaksyon niya. Pinanliitin niya pa ako ng mata.

"I know you, Warren. Ito, serious question lang, ha.. do you think you
still like me?"

"Oo," diretsyo kong sagot.

Napakamot siya sa ulo niya at napailing, "Minsan ba naisip mo na siguro


hindi mo na talaga ako gusto?"

"Pipes – "

"It's possible that you're just blinded by the idea of you liking me.
Parang nakasanayan na lang. No more feelings. Habit na lang."
"Anong sinasabi mo?"

"I love you, Warren because you're my friend. And ayokong matali ka sa
idea na gusto mo pa ako when in reality, hindi naman na talaga. Hindi
kita gustong pangunahan sa nararamdaman mo. Let's just say that I'm
exploring all the possibilities. Kasi by thinking na gusto mo pa ako,
there's a possibility na hindi mo mapansin 'yung taong para sa 'yo
talaga. But we're still young. Who knows what will happen next? The
future is a mystery. Pero isang bagay lang ang sigurado ako. When the
right person comes, you'll realize that what you're feeling now is
nothing compared to the feelings you'll feel for her."

"Let me, guess. Friendzone pa rin ako?"

She smiled at me, "Sorry, Warren. We're better off as friends kasi
talaga. Ayokong paasahin ka. Sa ngayon kasi, kaibigan lang talaga."

"Sa ngayon? Ibig sabihin ba sa future, posible?"

Tangina, Warren. Nafriendzone ka na nga pinipilit mo pa.

"We'll never know. Sabi nga nila, if two people are meant to be, destiny
will find a way for them to be together. Kung hindi naman, edi hindi
talaga."

Napatahimik na lang ako at napatitig sa basong hawak ko.

Hinarap ko nararamdaman ko pero bullshit lang. Olats talaga. Ayos na rin


siguro 'to. Kaysa naman patuloy akong umasa sa bagay na hindi naman pala
mangyayari. Dapat talaga sa basketball at pag-aaral na lang ako magfocus
e. Hindi pa ako masyadong masasaktan.

"Warren," bakas sa boses niya na naguiguilty siya. Kaya lang hindi naman
dapat siya maguilty. Sinabi lang naman niya ang nararamdaman niya. Naging
totoo lang siya.

"It's okay, Pipes. I'm okay. Huwag kang mag-alala. Walang magbabago sa
pagkakaibigan natin," I assured her.

***

Napangalumbaba ako sa may bleachers sa pool area. Lunch time ngayon kaya
walang tao dito bukod sa akin.

Nakakadepress din pala ang mabasted. Buhay!


"Captain!" Napatingin ako kay Migs na kumakaway habang tumatakbo
papalapit sa akin. "Ayos ha. Sana nagpatugtog ka na ng mga malungkot na
kanta para magmukha kang nasa music video."

Hindi ko siya pinansin at nagpangalumbaba ulit.

"Nako, mukhang seryoso 'yang problema mo ha? Anong ayos mo, captain?"

"Basted," sagot ko at napabuntong hininga.

Tinapik niya ako sa balikat, "Ayos lang 'yan, Captain. Bata ka pa naman."
Makapagsalita ang isang 'to e mas matanda pa nga ako sa kaniya ng isang
taon.

"Warren!" Napatingin kami ni Migs sa tumawag sa akin. Si Tamara. Kasama


niya si Hailey. Wala siya. Wala si Piper.

"Pwede na kayong mag-usap?" tanong sa akin ni Migs habang naglalakad


papalapit ang dalawa.

"Bawal pa pero ayos lang sa akin maparusahan kaya kakausapin ko sila."

"Astig!"

Nang makalapit na ang dalawa ay inabutan ako ni Hailey ng burger at juice


na nasa bote.

"Hinahanap ka namin kanina kaya lang hindi mo kasama ang jocks. Baka
hindi ka pa kumakain kaya bumili na kami ng pagkain mo."

"Thanks. Bakit niyo ako hinaha – "

"Hello. Ako si Migs." Nagulat kaming tatlo nang magsalita na lang bigla
si Migs.

Baliw ba ang isang 'to? Bakit kinakausap niya ang mga walang grupo?

Binatukan ko siya kaya napatingin siya agad sa akin at sinamaan ako ng


tingin. "Porque alam mong idol kita mananakit ka na lang basta? Grabe ka,
Captain."

"Gusto mo bang maparusahan at nakikipag-usap ka sa kanila? Paano na lang


kung may makakita?"
"Bakit ikaw nakikipag-usap?"

"Willing ako maparusahan."

"Ako rin naman."

"Willing ako kasi kaibigan ko sila. Ikaw, hindi mo naman sila kaibigan."

Mukhang napaisip siya sa sinabi ko at napakamot sa ulo niya. "Wala namang


tao kaya hayaan na lang natin."

"Lumayas ka na nga lang muna dito." Pagtataboy ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinakinggan at tumingin lang kila Hailey at Tamara, "Ako
si Migs."

"I'm Hailey."

"Kilala kita. Ikaw 'yung dating leader ng Nerds."

"Uhh, oo. Dati na 'yun."

"Cool!" Napangiti siya at napatingin naman kay Tamara, "Hi! Ikaw si


Tamara 'yung transferee ng section niyo."

Nagpoker face lang si Tamara sa kaniya pero nagpatuloy pa si Migs, "Ako


si Migs. Third year palang ako. Kasama ako sa Jocks. Crush kita kasi ang
cool mo. Ikaw ang unang hindi pumili ng grupo."

Napatingin sa akin si Tamara at bakas sa mukha niya na naweiweirduhan


siya kay Migs. Nagkibit balikat na lang ako.

"Ako.. hindi kita crush," sagot niya kay Migs.

Napatingin sa akin si Migs at umiling, "Dahil idol kita, Captain, kapag


basted ka, dapat basted din ako."

"Gago." Natatawa kong sagot sa kaniya. Siraulo rin talaga 'tong batang
'to.

Nagpaalam na siya sa amin at naiwan kaming tatlo. Umupo sa tabi ko 'yung


dalawa at kinain ko naman ang ibinigay nila.
"Hindi naman daw sila."

Sa sinasabi ni Hailey, malamang ko ba na si Piper at Hunter ang tinutukoy


niya.

"Alam naman naming affected ka sa nangyari," dagdag pa ni Tamara.

"Alam ko na. Nagkausap na kami nu'ng gabi."

Binalot kaming tatlo ng katahimikan.

"Umamin ulit ako sa kaniya," dagdag ko pa. "Kaya lang wala pa rin. Talo
talaga. Masakit pala."

Naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Hailey. Nang mapatingin ako sa


kaniya ay nakatingin lang siya ng diretsyo sa may pool.

Napabuntong hininga naman si Tamara sa kabilang gilid ko at nagsalita,


"Minsan kasi may mga bagay na kahit pilit mong ipaglaban, kung hindi
talaga, hindi talaga. Kaya lang hindi ibig sabihin nu'n ay natalo ka na.
You faced your feelings. You've been true to yourself. Doon pa lang, ang
tapang mo na. Doon pa lang, panalo ka na."

"Siguro nga. Kaya lang masakit pa rin."

"Mawawala rin naman ang sakit eventually. Mas ayos na nga 'yan. Nasaktan
ka kasi alam mong totoo 'yung nararamdaman mo. Nasaktan kasi sumubok ka.
Kaysa sa hindi ka nga sumubok, nasaktan ka pa."

Nanatili ulit kaming nakatahimik hanggang sa tumunog na ang warning bell.

"Tara na. Baka ma-late pa tayo," aya ko sa kanila.

Tatayo na dapat ako nang magsalita si Hailey. "Kung kayo talaga, kahit
hindi kayo magkatuluyan ngayon, magkakatuluyan kayo balang araw."

Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya sa akin. Tinapik niya ako at nauna
ng maglakad kaya naiwan kaming dalawa ni Tamara.

"Kung hindi naman kayo para sa isa't isa, paniguradong may isang tao na
nasa tabi lang at hinihintay ka." Sabi pa ni Tamara at tulad ng ginawa ni
Hailey ay tinapik ako at umalis na.

***
Warren Evans na 'yun tapos.. ganda mo Pipes! Lol. TTWTR na lang tayo,
guys. Nawindang ako sa tweets niyo. :))

=================

Chapter 37: Protective Friends

Warren's POV

It's weird. Alam kong tama naman ang sinasabi nila. Alam kong dapat mag
move on na lang ako. Kaya lang may mga bagay na madaling sabihin lalo na
kapag hindi ikaw ang nasasaktan.

Kung madali lang turuan ang puso na mag move on o magmahal ng taong mahal
ka, edi sana sa mundong ito walang nasasaktan, walang umiiyak, walang
nag-iisa. Sana lahat masaya. Kaya lang hindi kasi ganon 'yon.

Laging may masasaktan. Laging may iiyak. Laging may mag-iisa.

Hanggang sa dumating na ang araw na kaya na ulit ng puso niya na magmahal


ulit o kaya na ng puso niyang tanggapin na wala na talaga.

Tangina naman. Ano ba 'tong mga sinasabi ko?

"Ayos ka lang, bro?"


Napahinto ako sa paglalakad at pagdradrama nang biglang dumating si Nate.

"I will be."

"Alam mo, Warren, dalawa lang naman 'yan. Magaya ka kay Tito Ry at Tita
Cass, o magaya ka sa Mommy mo."

"Ha?"

"Sila Tita Cass, nagkasakitan din sila noon. Ilang ulit nabasted si Tito
Ry pero dahil mahal niya si Tita Cass, hindi siya sumuko. Pinaglaban niya
hanggang dulo 'yong nararamdaman niya kaya ang ending, masaya na sila at
may sariling pamilya."

Gusto bang iparating ni Nate na huwag akong susuko kahit ilang beses man
ako ireject ni Piper?

"Si Tita Yannie naman, noong highschool din sila, sobrang mahal daw niya
'yong ex niya. Tom ang name. Kaya lang nasaktan ang mommy mo, nakapagmove
on, nagmahal ng ibang tao. Your dad. Ngayon, kita mo naman na masaya na
sila."

Ngayon naman ang sinasabi niya ay magmove on na ako?

"Hindi kita pagsasabihan. Hindi ko sasabihing kalimutan mo si Pipes at


magustuhan mo si Hailey. Kasi – "

"Hailey?"
"Tanga lang, Warren? Suntukin kita diyan e. Oo, si Hailey. Huwag mo na
itanong kung bakit kasi kung itatanong mo at gusto mo pang i-explain ko
sa 'yo, baka masaktan lang kita sa sobrang pagka dense mo."

Magtatanong pa lang sana ako kahit sinabi niyang huwag na lang nang bigla
niya akong suntukin sa balikat, "Huwag nga sabing magtanong. Nagbabalak
ka pa ha. Balik sa sinasabi ko kanina, hindi ko sasabihin na maghanap ka
ng bagong magugustuhan. Kasi nararamdaman mo 'yan. Isa pa, mahirap talaga
'yan diktahan. Hindi ko rin naman irerecommend na ipagsiksikan mo ang
sarili mo kay Pipes. Sinasabi ko sa 'yo, masasaktan ka lang ulit."

"Mukhang wala talagang pag-asa ha. Dinidiscourage na ko ng bestfriend


niya."

"Babastedin ka ba naman niya kung meron?"

Bago kami makarating sa classroom ay may napansin kaming dalawang babae.


Parehas nakaupo sa sahig. Nang mas lumapit kami, nakita namin na si
Tamara at Hailey pala ang mga 'yon.

Tumakbo kami papunta sa kanilang dalawa.

"Bakit nakaupo kayo diyan?"

"Inabutan ko si Hailey na nakadapa kanina sa may sahig."

Umupo rin kami ni Nate. Hinawakan niya ang binti ni Hailey at napailing
nang makitang may sugat 'yon.

"Anong nangyari?" tanong pa niya.


Hindi makasagot si Hailey at nakapikit lang kaya napatingin ako kay
Tamara.

"Hindi ko rin alam. Nauna siyang umalis sa atin kanina di ba? Nang makita
ko siya nakadapa na siya."

Dumating naman si Piper at agad nakiupo nang makita ang sugat ni Hailey.

"What happened here, guys?"

"Hindi rin namin alam. Mag-isa lang siya kanina."

"The wound is bleeding. Let's bring her to the clinic. Para maiwas din sa
dust and infection 'yung wound niya."

Tiningnan ko si Nate at tinanguan para siya na lang ang magdala kay


Hailey sa clinic. Susunod na dapat si Piper sa kanila pero bago pa man
siya makaalis ay hinawakan ko na siya sa braso para mapigilan.

***

Hailey's POV

Gising ako pero parang hindi. Umiikot ang paningin ko at masakit ang
tuhod ko. Epekto malamang 'yon ng bola ng volleyball na tumama sa akin.
Bwisit naman kasi 'yung dalawang estudyante na naglalaro sa may hallway.
Daanan ng tao 'yun tapos doon pa naglalaro.
Sa lakas ng impact ng bola nadapa tuloy ako at tumama 'yung tuhod ko sa
may bato. Instant sugat.

"Ayos ka lang, Hails?" Nate asked.

Nakapikit akong tumango sa kaniya, "Masakit lang ulo ko."

"Ano bang nangyari?"

"Tinamaan ng bola sa ulo."

"Hayaan mo muna siyang magpahinga dito, Nate. I-excuse mo na rin siya sa


teacher niyo. Bibigyan kita ng excuse letter tapos ikaw na mag-abot sa
kanila ha?" sabi ni nurse.

"Pwedeng pahingi na rin po ng letter? Dito muna ako. Babantayan ko si


Hailey."

"Gusto mo lang huwag umattend ng klase, ano? Nagkukunyaring concern ka


lang."

Sandaling natahimik ang clinic at mukhang alam ko na ang nangyayari.


Kilala ko 'tong si Nate. Nag-iisip 'to ng alibi o kaya nginingitian niya
ang nurse palibhasa nabuking siya.

"Sabi na nga ba."

"Concern naman ako, nurse. Don't judge me. Kaya lang nakakatamad kasi
talagang pumasok."

"Magtigil. Pumasok ka."


Ayon lang ang narinig ko bago ako makatulog ng tuluyan.

***

Tamara's POV

Susunod dapat ako kila Hailey at Nate kaya lang napansin kong hindi
sumusunod sila Piper at Warren. Hindi naman sa pagiging chismosa, kaya
lang pakiramdam ko may mali.

Given na na gusto ni Warren si Piper at given na rin na hindi naman


malala ang sinapit ni Hailey. Sugat at hilo lang naman. Kaya lang as a
friend – bestfriend, mukha namang napakainsensitive ni Warren para unahin
ang paghahabol niya kay Piper kaysa sa pagdala sa bestfriend niya sa
clinic.

Nakita ko nang tanguan niya si Nate para siya ang magdala kay Hailey sa
clinic. Kung sakaling si Piper ang nasaktan, kahit nagalusan lang 'yan,
paniguradong todo ang pag-aalala na mangyayari kay Nate. Kasi ganoon
silang klase ng magbestfriend. I was expecting Warren to be like that
towards Hailey kaya lang mas inuna niya pa ang sarili niya. Or not? Ewan
ko.

Basta para makasiguro sa nangyayari, sinundan ko sila Piper at Warren.


Kahit nag-ring na ang bell, hindi ko na lang pinansin.

Pumasok sila sa may music room at buti na lang mabagal ang pagsara ng
pinto kaya nakasunod ako bago pa man 'yon tuluyang masara.

Umupo si Piper sa may tapat ng piano samantalang sumandal naman doon si


Warren. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nagkakailangan pa ba ang
dalawang 'to.

"Uhh.. how are you?" tanong ni Piper sa kaniya.


Halata sa mukha ni Warren na nagulat siya sa pagsasalita ni Piper.
Umiling siya pero nakangiti.

"Okay."

Liar. Halata namang hindi.

Magsasalita sana si Piper kaya lang ay hindi niya tinuloy ang kung ano
mang sasabihin niya. Kaya bumalik ulit sa katahimikan ang paligid.

Ako na talaga ang naiilang para sa kanila.

"Warren.. this is awkward."

Napatawa sa Warren sa sinabi ni Piper at tumango, "I agree. Ahh. Ayan,


game na. Back to normal na ulit tayo."

"You sure?"

"Yeah." Nginitian niya si Piper at inilahad pa ang kamay, "Friends."

Tinanggap 'yon ni Piper at ngumiti, "Bestfriends."

Improving si Warren. Hindi na siya friendzoned. Bestfriendzoned na. Nice.

"I know why we're here. Tingin mo – "


"Alam ko. Sino pa ba?"

Ano? Anong pinag-uusapan ng dalawang 'to?

"No doubt. She's the one behind this. First 'yung sa stain sa uniform.
Now 'yung sa wound. That's too much. Nananakit na siya just to get what
she wants."

"Iniisip ko lang. Ano kaya kung ibigay na natin 'yong gusto niyang
mangyari?"

"No way. Ayoko – "

Bago pa man matapos ni Piper ang sinasabi niya ay biglang bumukas ang
pinto. Nagkakamot pa ng mata niyang pumasok si Hunter sa music room. Una
niyang napansin si Warren at Piper na nasa may gitna ng music room.

"Hmm." Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya habang nakatingin sa


dalawa.

"Why are you here?" tanong sa kaniya ni Piper.

"I should be asking you the same thing," sagot niya.

"May importante kaming pinag-uusapan," sagot ni Warren.

Tumango si Hunter at tumuro sa gilid niya kung saan ako nagtatago.

"Akala ko naglalaro kayo ng taguan," seryoso niyang sabi at saka ako


itinuro.
Kung hindi lang masama ang manakit malamang ko ba nasaktan ko na 'tong si
Hunter. Bistado tuloy.

"Tamara? Anong ginagawa mo diyan?"

"Naglalaba," sabay irap ko kay Warren. Gusto pa niya atang ipagsigawan ko


na nangchichismis ako. Asa pa siya.

"Sinundan mo ba kami?"

"Malamang. Ano namang gagawin ko dito?"

"Bakit?"

Napabuntong hininga ako at saka tumayo at pinagpag ang uniform ko,


"Naiirita kasi ako sa 'yo."

Halatang nagulat sila Piper at Warren sa sinagot ko. Totoo naman kasi.
Naiirita ako kay Warren.

"Anong ginagawa ko sa 'yo?"

"Wala. Nakakainis lang na inuna mo pa ang feelings mo kaysa sa bestfriend


mo. Pwede namang ihinatid mo muna si Hailey sa clinic bago mo hinila si
Piper dito. Susunod din dapat si Piper kay Hailey kaya lang wala na
siyang nagawa kasi nga hinila mo na. Try mong huwag isipin ang sarili mo
kahit minsan lang. Subukan mong huwag magpakaselfish kahit isang araw
lang."

"Tamara!" sigaw ni Piper.

Okay, sige. Mukha ngang lumagpas ako sa limit ko kaya lang kasi
nakakainis lang. Ang selfish kasi. Kapag kailangan niya ng kaibigan kasi
may pinagdadaanan siya, isang kalabit lang niya kay Hailey, nandiyan agad
si Hailey para sa kaniya. Ano ba naman ang ihatid niya man lang si Hailey
sa clinic kasi malaki 'yong sugat niya? Ayon lang naman hindi niya pa
magawa. Lagi na lang siya, siya, siya.
"Below the belt na 'yan," suway sa akin ni Piper.

"No, Pipes. She's right. Selfish naman talaga ako. Dapat – "

"No, Warren! You're not selfish. Never ka naging selfish."

"Piper, paano naging hindi? Kaibigan mo sila ni Hailey, sana nakita mo


kung paano – "

"Sorry, Tamara, but you're clueless. Don't jump into conclusions. Think
before you speak. You don't know Warren's side. Have you asked him why he
dragged me here instead of bringing Hailey to the clinic? No."

Umupo ulit si Piper sa upuan sa tapat ng piano. Nakayuko naman si Warren


habang nakatayo sa gilid. Si Hunter ay naupo na sa may sahig at sumandal
sa may pader habang pinapanood kami.

"Last time, we got a note from Elle. She's asking – more like commanding
me to go back to my former group and ask Nate and Hailey to do the same.
Ngayon kasi some students want to take the step we took. Even 'yung ibang
Populars. And that made her angry. Habang may iba na groupless, pwedeng
gumaya rin ang ibang students sa atin. She doesn't want that to happen.
Ngayon pa lang siya naging leader. I heard na marami siyang rules na
nabago sa former group ko.

"Ngayon, since she's the leader, she can ask someone from our group to do
works for her. If they disobey, she has the right to punish them. The
moment she became the leader, she's asking some of the Populars to answer
her assignments, to buy her something, to give her what she wants. Some
became slaves. It's one of the reason why others want to leave the group
na rin kaya lang they don't have enough courage yet. When she heard about
that, she's asking me to go back to the group para tuluyan na ngang hindi
umalis ang ibang members sa group. Kapag kasi bumalik na kami sa groups
namin, wala ng susunod sa amin. Wala ng aalis ng groups. Mas malaki na
ulit ang sakop niyang students na aalilain."

Elle is such a bitch. Kaya lang ano naman ang koneksyon noon kay Warren e
hindi naman umalis ng grupo niya si Warren?
"Of course hindi ako pumayag. I'm still sane. Why would I go back to the
Populars if I'm happier being groupless? Kaya she threatened me. She used
Hailey against me since she thought that Hailey is weak. She will bully
Hailey with the help of the other Populars and Nerds until bumalik na ako
sa Populars at bumalik na rin sila Nate and Hailey sa group nila."

"Nerds? Paanong nasama ang Nerds? Paano rin sila nagtutulungan?"

"I guess they're talking outside the school? I don't know. Warren made a
research. Nalaman niya na Nerds are threatened kasi nga wala na sa group
nila si Hailey. She's the candidate for valedictorian. For so many years,
laging galing sa nerds ang honors kaya lang since wala na doon si Hailey,
they think na mawawala na sa kanila ang title. Mawawalan na ng glory ang
group nila. That's where they good at kasi, sa pag-aaral. Kung from other
group or sa walang group manggagaling ang magiging Top 1, parang nawala
na rin ang legacy ng group nila."

"So ano ang kinalaman ni Warren dito?"

Napabuntong hininga si Piper at nag-explain ulit, "He got a note rin from
Elle saying na kung aalis si Warren sa group niya, gagawin ni Elle ang
lahat para magdusa ang team ni Warren. Elle doesn't know how to play
fair. She can do anything para lang madisqualify ang team ni Warren sa
upcoming tournament. Sinabi rin ni Elle na pilitin kami ni Warren na
bumalik na sa group namin and threatened him by using Hailey, too. But of
course hindi kami pinilit ni Warren na bumalik sa group namin because he
knows this is where we want to be and he knows na ayaw rin naman ni
Hailey mangyari ang gusto ni Elle. Isa pa, sabi niya na if we go back to
our groups, wala ka na ulit makakasama."

Napalunok na lang ako sa narinig ko. Gaga ka talaga, Tamara. Lagi ko na


lang inuuna 'yung judgment ko sa ibang tao. Hindi na ako natuto.

"So ngayon, we're trying to find a solution for this problem. Hindi
pwedeng magsumbong kasi we don't have proof naman. Tayo rin ang talo.
Warren suggested for me to look after Hailey. Obviously, hindi ko nagawa.
And kahit he wants to be with us na talaga, he can't put his teammates on
the line. Kaya he chose na siya na lang ang maparusahan. Hindi siya
umalis ng grupo like what Elle told him pero sa kagustuhan na makasama
tayo at maprotektahan din si Hailey, kinakausap niya tayo kahit insde the
school in exchange for some punishments. He's not selfish, Tamara. He's
doing this for all of us. He's protecting Hailey. He cares for her more
than you think - more than he thinks."
Napatahimik kaming lahat. Sobra akong nakonsensya sa lahat ng sinabi at
inisip ko tungkol kay Warren. Ang tanga ko para sabihin 'yon. Hindi ko
muna inaalam ang kwento.

Napatingin ako kay Warren at napansin niya 'yon kaya tiningnan niya ako
at ngumiti. Lalo tuloy akong nakonsensya.

"Sorry, Warren. Sorry sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam. Sorry talaga.
Hindi ko – "

"It's okay, Tamara."

"Pero kasi – "

"Seryoso, ayos lang," he chuckled.

"We should tell Nate and Hailey about this. They should know," suggest ni
Piper na sinang-ayunan naman namin ni Nate.

"Babantayan ko rin si Hailey since siya ang target." Pagpriprisinta ko.

"Sige, every lunch break naman magkakasama kayo kaya marami kayong
pwedeng magbantay sa kaniya. After class, kami na lang ni Nate ang
bahala."

Itinaas ko ang kamay ko at nagsalita, "May practice ka that time 'di ba?
Hindi pwede 'yon. Before na lang kayo ni Nate magbantay. Ako na lang ang
after."

"Para naman kay Hailey kaya ayos lang."

"Hindi gugustuhin ni Hailey kung isasakripisyo mo ang practice niyo para


bantayan siya."
"Ako na lang after class," singit ni Piper. "Warren you have practice.
Tamara, you need to go home after that and out of the way pa. You're
looking for a part-time – "

"Sinong kasama mo? Paano kung maisipan ni Elle na i-corner kayo pauwi.
Sabi mo nga, marumi siya maglaro. Kahit ano gagawin niya para lang sa
power at popularity. Parehas kayong babae. Hindi pwede."

"I'll ask Nate to – "

"I'll go with her." Napatingin kaming tatlo kay Hunter na nakaupo pa rin
sa sahig pero nakahawak na sa braso ni Piper. Tumayo pa siya at inulit
ang sinabi, "I'll go with her."

Hindi ko alam kung tama ba kami ng rinig o ano? Si Hunter kasi 'to e.
Parang.. ewan ko ba!

"You don't have to – "

"I'll go with you. In return for all the things you've done for me. It's
no big deal."

"But – "

"Kapag naihatid ko na kayong dalawa sa inyo, ayos na. Malapit lang naman
'yon doon."

Napataas ang kilay ko sa pinag-uusapan ng dalawa. Malapit ang ano? At


anong "things you've done for me"?

"Malapit ang alin?" Parang si Warren na ang nagsabi ng kung ano ang nasa
utak ko.
Napangisi si Hunter, "Sorry, that's our little secret," sagot niya kay
Warren at saka humarap kay Piper at kumindat.

***

#HabaNgHairNiHailey #PiTersLittleSecret #NasaanKaNaNate :))))))))

Sa mga nagtatanong, no, hindi losyang si Hailey kaya hindi naman


kailangan ng make-over. :)

=================

Chapter 38: Kick out

Hailey's POV

"No."

Final na sagot ko na 'yon. Hindi ko na hinintay matapos mag-explain si


Warren.

Ako? Babantayan. Am I that weak for them to protect me? Kaya ko naman ang
sarili ko. Hindi naman ako sobrang hina tulad ng inaakala nila. Yes, I
get the fact na gusto nila akong protektahan. Kaya lang kaya ko naman ang
sarili ko. Bakit pa ako hahanap ng ibang tao na magproprotekta sa akin?

"Hailey, hindi - "

"Bakit? Bakit kailangan niyo akong protektahan? Dahil sa takot kayo na


mabully ako? O dahil ang tingin niyo mahina ako para magawang alagaan ang
sarili ko?"
Napabuntong hininga si Warren. Nagpangalumbaba si Piper. Samantalang si
Tamara ay patuloy na pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen habang si
Nate at Hunter ay nakaupo lang sa isang tabi.

"Hindi gano'n ang tingin namin. Si Hailey ka, kilala ka namin. Bakit
namin iisipin na mahina ka? Ilang taon.. kinaya mong ikaw lang. Hindi
sumagi sa isip ko na mahina ka."

"Ganoon naman pala. Bakit kailangan niyo pang gawin 'yang pagbabantay na
sinasabi niyo?"

"Kasi mahalaga ka sa amin at ayaw namin may mangyaring hindi maganda sa


'yo. Kaya gusto namin na - "

"Edi hindi nga kayo naniniwala na kaya kong ako lang."

Napahilamos sa mukha niya si Warren. Halatang naiinis na siya. Kung


ganoon ang nararamdaman niya, the feeling is mutual. Naiirita na rin ako.

Si Nate, being Nate, ay nagtaas ng kamay para magsalita.

"Kung ang sinasabi niyo ay nagbigay si Elle MapapElle ng letter, bakit


hindi niyo na lang sabihin o ibigay sa Prefect of Discipline ang sulat na
'yon? Kapag ginawa niyo 'yan, tapos ang problema. Under probation, or
better, kick out si Elle."

"Hindi pwede!" Sabay sabay na sagot namin sa kanya.

"We can't do that. Nasa atin ang burden of proof. You can't expect them
to kick her out or suspend her just because of a simple note."

"Wala namang pangalan ang sulat. Nagawa lang malaman nila Warren at Piper
na si Elle 'yon kasi siya ang nagpupumilit na huwag labagin ang rule.
Alam ni Piper ang handwriting ni Elle."

"Nagparinig din si Elle isang beses. Choice ko raw ang mangyayari sa


kaibigan at teammates ko."

"Yeah. Isipin mo ganito.. pinadalan mo ako ng death threat. Alam kong


sulat kamay mo 'yon. Alam kong may motibo ka. Nagparinig ka na rin sa
akin tungkol sa bagay na 'yon. Based sa mga 'yan, isusumbong kita sa
pulis. Iprepresent ko ang death threat at ituturo kita as the owner of
that threat. Using the evidence na meron ako, baka pagtawanan lang ako ng
mga pulis sa gagawin ko. Walang supporting evidence ang proof mo."
Napakunot ang noo ni Nate sa sinabi namin sa kaniya. Napakamot siya sa
ulo niya at sumandal, "Nagtatanong lang naman ako. Hindi marunong
magchill mga tao dito. Hunter, tayo na nga lang mag-usap."

"Ah, basta. Hindi ako papayag. I can handle myself."

"We're not asking for your permission, Hails. We're just informing you.
You can't stop us kahit anong gawin mo. Yes, we know na malakas ka and
that you can do everything by yourself. Kaya lang what if naglalakad kang
mag-isa tapos may bigla na lang maghulog ng pot sa ulo mo or whatever."

"Bola pa nga lang ng volleyball tinamaan ka na," dagdag ni Tamara sa


sinabi ni Piper. "Let's be real here. Mas ayos kung magkakasama tayo
hanggang sa maayos ang problema. Hindi biro ang bullying."

"Mas maayos talaga kung ma-kick out 'yang si Elle."

Umubo si Nate at itinaas pa ang paa sa upuan na nasa tabi niya, "Wala
namang masama kung susundin sila, Hails. Para namang walang magbabago.
Alam niyo, hindi ko nga alam kung bakit pinag-uusapan pa natin 'to.
Palagi naman tayong magkakasama. I can't see the difference."

Sabagay, may point din 'tong si Nate.

"You're right. So, paano? Pwede na ba tayong umuwi?"

***

Paglabas na paglabas ko pa lang ng bahay ay nakaabang na sa gate sila


Nate, Warren at Piper. Seryoso talaga sila sa pagbabantay sa akin.

"Good morning," bati nila.

Ihinatid kami ni Daddy sa school at since masyado kaming napaaga ay


nagkainipan at lumabas kami sa room. Papunta kami sa may greenhouse kaya
lang ay naharang kami ng isang teacher.

"Mr. Scott, Ms. Yu, tamang tama."

Nagkatinginan kaming apat dahil sa sinabi ng isa naming teacher, "I need
your help. Kayo ang mag-lead sa flag ceremony ngayon."

Halata sa mukha ng dalawa na gusto nilang tumanggi kaya lang wala na rin
naman silang magagawa. Kaya sa bandang huli ay napasunod na lang sila sa
teacher namin. Binilanan pa nila si Warren na bantayan akong mabuti
habang wala raw sila.
Dumiretsyo kami ni Warren sa may greenhouse. We were quiet for a bit
until he decided to speak.

"Hinatid pa ata ni Tamara 'yong kapatid niya sa school. Maaga kasi atang
umalis Papa niya."

Tumango ako sa sinabi niya. Tamara is a really nice daughter and sister.

"How are you feeling?" tanong niya pa. "'Yung sugat mo, ayos na ba?
Nakakaramdam ka pa ba ng hilo?"

"Okay lang, syempre. Ang layo naman nito sa bituka," biro ko sa kaniya.
"Ikaw, ayos na ba?"

Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko, "Wala naman akong sugat. Ikaw
ang meron, hindi ako."

Napangiti ako at itinuro 'yong puso niya. Mukha namang naintindihan niya
ang sinasabi ko kaya natawa siya at lumapit sa akin saka ako inakbayan at
ginulo ang buhok ko, "Ang corny no'n ha."

"Seryoso nga kasi. Kamusta 'yan? Buo pa ba?"

"Oo naman. Buong buo pa. Nagalusan lang pero buo pa. Isa pa, huwag mo
nang isipin 'yon. Huwag mo na akong isipin. Nag-iinarte lang talaga ako."

"Warren - "

"Hailey, seryoso nga. Ayos lang. Nandiyan naman kayo at kaibigan ko pa


rin siya. Anong hindi ayos do'n?"

"Hindi ayos kasi nga gusto mo siya kaya lang hindi ka niya gusto. Hindi
ayos 'yong ganoon 'di ba?"

Yumuko siya para tingnan ako pero agad din tumingin ng diretsyo sa harap
namin. Hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakaabay sa akin.

"Oo nga, gusto ko siya. Pwedeng hanggang dulo gusto ko siya, pero pwede
rin namang hindi 'di ba? Siguro may mga bagay lang talaga na dapat hindi
na pinipilit. Kung kami, kami talaga. Kung hindi, huwag na lang ipilit
pa."
Sudden change of heart? Anong nakain nitong si Warren? Kung ano man 'yon,
sana kainin niya pa ulit. Kasi ako ang naaawa kapag pinipilit niya sarili
niya sa taong hindi siya gusto sa paraang gusto niya.

Nag-usap pa kami sandali hanggang sa tumunog na ang warning bell kaya


nagpasya kaming bumalik na sa room.

Habang naglalakad pabalik ay tumatakbong lumapit sa amin si Migs. Huminto


siya sa tapat ni Warren at saka tiningnan ang paligid. Nang makasiguro
siyang wala masyadong makakakita sa kaniya ay humarap siya sa akin at
tumango bilang pagbati at saka ibinalik ang atensyon kay Warren.

"Captain! Bakit wala ka kanina? Hindi ka man lang daw nagpaalam kay
coach. Nagagalit tuloy ngayon."

"Anong sabi?"

Umubo si Migs at umayos ng tayo. Itinaas niya pa ang chin niya at


nagsalita habang nanglalaki ang boses, "Nasaan si Evans?! Halos
kalahating oras na siyang late! Alasais ang usapan, malapit ng mag ala
syete! Hindi man lang nagpasabi! Dahil diyan paparusahan ko siya!"

Napakamot sa ulo niya si Warren at bumalik na sa dating katauhan niya si


Migs.

"Fifty laps 'to mamaya malamang."

"Saan ka ba kasi nagpunta, Captain? Alam mo namang pinapatawag tayo


kaninang umaga. Bakit ba hindi ka sumipot?"

Pabirong sinuntok ni Warren si Migs sa braso, "Bumalik ka na lang sa


classroom niyo. Babalik na rin kami at baka ma-late pa."

Nang makaalis na si Migs ay sinamantala ko na ang pagkakataon para


itanong ang kung ano ang nasa isip ko.

"Sinadya mo bang hindi pumunta para samahan ako?"

Tiningnan lang niya ako sandali at nagpanggap na walang naririnig. Sa


ginawa niyang 'yon, alam ko na ang sagot. Oo, sinadya nga niya. Dahil
tuloy doon mapaparusahan pa siya.

"Huwag mo nang gawin ulit 'yon sa susunod, Warren. Mapaparusahan ka pa


dahil lang sa binantayan mo - "

"Walang kaso 'yon."


"Anong wala? Fifty laps kaya 'yon!"

"Hindi naman malaki ang tatakbuhin ko kaya mabilis lang 'yon."

Magsasalita pa sana ako pero itinapat na niya ang kamay niya sa mukha ko,
"Priority dapat ang safety ni bestfriend."

***

Papunta kami nila Piper, Nate, Tamara at Hunter sa bahay para ipagpatuloy
ang ginagawa naming project. Susunod na lang si Warren dahil nga sa may
parusa siya. Gusto niya pa sanang sumama sa amin kaya lang pinilit na
namin siya na huwag na lang. Baka kasi madagdagan pa ang parusa niya. Isa
pa, may mga kasama naman na ako kaya ayos lang.

"Thanks nga pala, Piper, sa pagrecommend sa akin sa resto ng Tita Marga


niyo. I got the job."

"It's nice to hear that. I'll visit you there sometimes."

Mula sa peripheral view ko ay nakita kong umusad ng kaunti si Hunter


palapit kay Piper, "Ayos connections mo ha. May nahanapan ka na - " Hindi
ko na nagawang marinig ang kasunod na sinabi niya. Basta bigla na lang
siyang hinampas ni Piper at lumayo na ulit siya sa kaniya.

"Baka naman pwedeng pasali sa usapan niyo kung hindi niyo mamasamain,"
sabi ni Nate.

Lumipat si Piper ng pwesto at saka tumabi kay Nate at kumapit sa braso


nito, "Don't mind him, bestfriend. Nga pala, uuwi ba sila ng sembreak?"

"Mga pinsan ko ba? Oo."

"Si Kuya Zane ba? Uuwi rin daw?" tanong ko.

Nagkibit-balikat ang dalawa, "No news."

Nang makarating kami sa bahay ay saktong kakahanda lang ng merienda ni


Mommy. Nasabi ko na kasi sa kanila na gagawa kami ng project dito.
Habang kumakain ay pinag-usapan na rin namin ang project namin about sa
happiness na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaandar.

"Nakuha niyo na ba ang sagot?" tanong ko sa kanila.

Umiling si Piper at Nate at hindi naman sumagot si Hunter. Napatingin ako


kay Tamara na mukhang nakakuha na ng sagot.

"Tamara?"

"Tingin ko nakuha ko na ang formula ng happiness ko."

"Ano?"

"Happy family. Alam ko hindi kami masyadong pinagpala kung pera o


material things ang usapan. Pero sagana ang pamilya ko sa happiness kasi
magkakasama kami. Kasi ayos naman kami. Kasi kumpleto kami. Para sa akin
ayon ang ibig sabihin ng happiness."

Nagulat ako nang makitang ngumiti siya. Bihira ko siyang makitang


nakangiti. Hindi man 'yong sobrang ngiti, pero ngumiti pa rin si Tamara.
Mukhang hindi nga maipagkakaila na ang pamilya niya ang happiness niya.

"My happiness is my family. Since kaibigan ko rin kayo.. kasama na kayo


sa pamilya ko. Wala na akong balak ulitin 'tong sasabihin ko.. pero
kasama kayo sa happiness ko."

We were quiet for a sec dahil sa sinabi ni Tamara. She's Tamara for
crying out loud! Oo nga at sobrang sweet niya sa pamilya pero hindi ako
sanay na ganito rin siya sa amin. I'm happy nagagawa niyang ilabas ang
feelings niya sa amin.

"Aba, Tamara, ikaw ba talaga 'yan?" biro sa kaniya ni Nate.

"Shut up."

"Huwag mo kong sabihin ng shut up. Baka nakakalimutan mo, kasama ako sa
happiness mo." Parang ewan 'tong si Nate na tinataas baba pa ang kilay.

Mukhang manyak.

"Baka nakakalimutan mo na hindi naman ako nagnamedrop. Huwag kang mag-


assume na kasama ka."
Nagkatinginan kami ni Piper at saka sabay na natawa sa isinagot ni Tamara
kay Nate.

"You're no match for Tamara." Pang-iinis ni Piper kay Nate.

Napasibi na lang si Nate at saka tumabi sa akin saka ako ginitgit. "Ang
sama nila."

Sa gitna ng tawanan naming ay dumating na si Warren na mukhang hingal na


hingal at may dala pang ice cream.

"What did I missed?" tanong niya at umupo sa extrang chair sa tabi ni


Tamara.

"Tamara's definition of happiness pati na rin ang pambabara niya kay


Nate," sagot ko.

"You're no match for Tamara."

"Ayan mismo ang sinabi ni Pipes! Si Hailey na lang talaga kakampi ko


dito. Pati si Hunter!" reklamo ni Nate.

Napatingin kami kay Hunter na tiningnan lang sandali si Nate at tumingin


sa wall clock namin. Tumingin siya kay Pipes at tinanguan siya saka
umalis ng hindi man lang nagsasalita.

"Anong nangyari do'n?"

"He said he has to go."

Tumayo si Nate at umupo sa inuupuan kanina ni Hunter - sa tabi ni Piper.


"Parang hindi ko naman nakitang bumukas bibig niya para magsalita. Kayo
ba, nakita niyo ba 'yon?"

Umiling kami sa naging tanong ni Nate.

"Unless may nakikita siyang hindi natin nakikita," dagdag pa ni Tamara.

"Tinginan lang nagkakaintindihan na?"

"Shut up, you, guys. Balik na lang tayo sa definition ng happiness."

Nako, ito talagang si Piper. Mukhang close na close na talaga si Hunter.


Ayaw pang magsalita. One of these days.. one of these days.
"Hindi ko pa kayang i-define," sabi ko sa kanila.

"Same here."

"Same with Pipes and Hails."

So I guess si Tamara palang talaga ang may kayang i-define ang happiness.

"Ako, alam ko na ang definition ng happiness."

Napatingin kami kay Warren na ngayon ay kumakain na ng ice cream.

"Ano?"

"Maraming definition 'yon."

"Like?"

"Happiness is seeing the one you like smiling even if you're not the
reason behind that smile."

Nakita ko ang pagsulyap niya kay Piper. Obviously, he's talking about
her.

"Happiness is spending some time with a person who is fun to be with. No


dramas. No problems. No worries. Pure laughter." This time, he's
obviously referring to Nate.

"Happiness is when you meet someone who'll inspire you because of his or
her belief in life and someone who is willing to listen to you when times
get tough." Napatingin siya kay Tamara.

"Happiness is when you protect that very important person because the
last thing you want in your life is to see her getting hurt."

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Sa sinabi niya, aaminin ko natouch


ako. Parang may nagliparan na paru-paro sa tiyan ko. Hahayaan ko na sana
'yon kaya lang naalala ko, hindi lang naman ako ang nagcocontribute si
happiness niya. It's no big deal. Lahat kami kasama sa happiness niya.
=================

Chapter 39: A mystery

Nate's POV

"Kung ano man 'yang pinag-iisipan mo huwag mo nang ituloy."

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama at saka siya tiningnan. Hindi ko


alam kung ako ba ang kausap nito o may ibang elemento siyang hindi ko
nakikita.

"Kapag nag-iisip kang ganiyan medyo nakakatakot, anak."

"Wow. Thank you, Ma. Thank you talaga. Nakakatouch ka."

Natawa siya at inilapag ang magazine na hawak niya saka ako ginitgit sa
sofa at niyakap.

"Anong problema?"

"Wala po."

"Sige. Ano na lang ang binabalak mong gawing problema?"

"Ma!"

Natawa na naman siya at bumitaw na. "Ano nga ang pinag-iisipan mo ng


mabuti?"

Sandali akong natahimik at pinilit hanapan ng sagot ang tanong ko. Kaya
lang kahit anong pilit kong paghahanap ng sagot, hindi ko magawa.

"Ano ang happiness para sa 'yo, Ma?"

"Kayo ang happiness ko. Ikaw pati 'yong Papa mo. Family natin. Pati
grandparents mo at iba pang relatives. Pati sila Tita Yannie mo, Tita
Sab, Tita Ayu at mga tito mo. Pati na rin 'yang mga kababata mo. Kayong
lahat happiness ko. Mas nangingibabaw nga lang kayo ng Papa mo."
Hindi man lang siya huminto para mag-isip. Dirediretsyo lang siya sa
pagsasalita. Halatang sigurado siya sa naging sagot niya. Alam na alam
talaga niya.

"Paano 'yon? Paano mo po nalaman na ayon ang happiness mo? Paano mo po


nalaman ang definition ng happiness?"

"Alam ko lang. Alam mo, Nate, maraming definition 'yang happiness.


Pwedeng maiba rin 'yan as time goes by. Kung ano ang nakakapagpasaya sa
'yo ngayon, ayon ang definition sa 'yo ng happiness for now. Pwedeng
maiba pa 'yan. Kung gusto mong malaman ang definition niyan, tingnan mo
mamaya bago ka matulog."

"Ha? Paano po 'yon?"

"Kung ano ang pumasok sa isip mo mamaya at makapagpangiti sa 'yo, baka


ayon ang nagpapasaya sa 'yo. Kung ano ang bagay na magpapaexcite sa 'yo
para bumangon kinabukasan, baka ayon ang happiness mo."

Ganoon nga ba 'yon? Paano kapag wala akong naisip? Ibig sabihin walang
nagpapasaya sa akin? Ibig sabihin hindi ako masaya? Ah! Bahala na. Ang
simple ng buhay bakit ba ginagawa kong kumplikado?

"Phone mo nag-riring," turo ni Mama sa phone ko.

Bumungad ang pangalan ni Piper doon kaya sinagot ko.

"Nate! Are you free? Let's go somewhere."

"Saan?"

"Sa clubhouse. I'll call them after. Bring your guitar. Let's jam!"

Mukhang nasa mood 'tong si Pipes ha.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa clubhouse. Nandoon na si


Warren. Sumunod na dumating si Hailey tapos ay si Piper saka si Tamara.
Hindi ko na tinanong kung nasaan si Hunter.

"Anong naisipan mo at nag-aya ka dito?" tanong ko kay Piper.

"I just want to hang out. Sige, uwi ka na lang kung ayaw mo," biro niya
at saka nagbelat.
Ginulo ko ang buhok niya at saka siya inipit sa braso ko. Panay hampas
naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Ano, no match ka sa muscles ko."

"Muscles? What? Where?"

"Aba – "

"Nah, stop talking. Anyway, let's just jam."

Kinuha niya ang gitara ko at nagsimula nang tumugtog. Sinabayan naman


namin ng kanta ang tugtog niya.

Dalawang oras na kaming patugtog tugtog, pakanta kanta at pakain kain.


Masaya kapag ganito lang. Masaya kasi masaya lang.

"Ah!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Pipes.

"Problema mo?"

"You know what, guys.. I think the question shouldn't be 'Ano ang
happiness para sa 'yo.' I think it should be 'Paano ka nagiging masaya'
or 'Paano mo nalalaman na masaya ka?'. It's not a matter of what, but a
matter of how."

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko naintindihan. Kainis.

"Alam ko na," sabi ni Hailey dahilan para mapatingin ako sa kaniya.


"Hindi siya mismong definition, pero ito lang talaga ang pakiramdam kong
sagot sa tanong sa project natin. Marami ang nagsasabi na magiging masaya
ka lang kapag kontento ka na. Kaya lang hindi ako sang-ayon doon."

"Ha? Bakit?"

"You're happy not because you are contented. You're contented because
you're happy."

Ha? Ano raw? "Anong pinagkaiba ng dalawang 'yon?" tanong ko pa.

Napailing siya at ngumiti, "Nate, hindi lahat ng sagot ihahain sa 'yo.


Alam mo ang sagot ayaw mo lang isipin ng mabuti."
"I, too, figured out the meaning of happiness." Nakangiting sabi ni
Pipes. "I am happy whenever I make the people I love smile or whenever I
give them happiness. It just makes me happy to think that I am somebody's
reason to smile – that I am somebody's happiness."

Sa mga taong nandito ngayon, iba-iba ang naging definition nila ng


happiness. Ako kaya? Paano ko masasagot ang tanong na 'yon?

***

Piper's POV

I woke up earlier than usual so I got to school earlier than usual, too.

When I got there, may iilan ng mga tao ang nakatambay sa corridor. May
mga tao na rin sa classroom namin. I place my bag sa chair ko. Kinuha ko
'yong book na hindi ko natapos basahin kagabi at saka lumabas ng room.

Nagpunta ako sa may likod. My favorite place since hindi populated. I can
sleep here without worrying na may mag-iinterrupt sa akin or what. I'm
not sleepy though. I just want some peace while I'm reading.

Umupo at sumandal ako sa isang tree and started reading.

I finished reading the story when I heard some noise. So my initial


reaction was to look in front of me. And there, I saw Hunter. Sitting
habang nakasandal sa trunk. Nakacross ang arms niya and he's staring at
me.

"Oh, it's you."

Itinagilid lang niya ng bahagya ang ulo niya pero hindi nagsalita. Are we
back on "I won't talk to you because I don't want to" stage? This guy is
so confusing. Whatever. Magbabasa na lang ulit ako.

"Stop staring," inis na sabi ko. "Why are you here anyway? Maghanap ka na
lang ng ibang place para tumitig kung kanino. Can't you see I'm reading
here?"

"I was here first."

"Nah, you're not – "

"Natutulog ako sa gilid ng punong 'to. Naririnig ko ang paglipat mo ng


pages kaya nagising ako."
He's not the type na nagsisinungaling at nagbibiro. Mukhang siya nga ang
nauna. I interrupted his sleep then. My bad.

"Love story?"

"Ha?"

Tumango siya sa direksyon ng libro ko. "Oh. This? No. Bakit naman that
genre agad ang – "

"Ang tipo mo mukhang hindi mahilig magbasa ng libro. Kung magbabasa man,
'yong ganoong genre lang ang – "

"Woah there," I interrupted him at itinaas ko pa ang librong hawak ko for


him to see it clearly. "This is not romance. Yes, nagbabasa rin ako ng
romance as well ibang genres just so you know. Just because I look like
this doesn't mean na wala na akong alam gawin – "

Napahinto ako sa pagsasalita when I heard him chuckled. "What's so


funny?"

"I was just kidding. Akala ko talaga love story 'yang binabasa mo pero
hindi totoong mukhang ayon lang ang genre na binabasa mo."

"Jerk."

"Tungkol saan 'yan?"

Napatingin ako sa libro saka sa kaniya. "About giving one more day para
makasama mo ang taong nawala na. It's a mother-son story actually."

Pinag-iisipan ko pa if I should tell him more. Kaya lang I can't contain


my feels sa book na 'to.

"You can go your whole life collecting days, and none will outweigh the
one you wish you had back. That's a quote from the book. Alam mo kasi,
people don't realize the value of a moment until it becomes a memory.
Minsan hindi natin binibigyan ng importance ang isang tao. We take them
for granted because we believe that no one can take them away from us.
Kaya when the time comes na kunin siya sa 'yo, masasaktan ka. Kasi you
don't expect for it happen. You thought you have forever, but you don't.
And you know what's worse? It's that you're willing to trade everything
just to have one more moment with that person, but you just can't. Kasi
everything is not enough. Kasi what you want is next to impossible. Kasi
you can't bring back someone who's gone forever."
Grabe. Naaalala ko na naman 'yong story. I might end up crying again pero
hindi pwede.

"But guess what. The protagonist here had another day. He was given
another chance."

Napangiti na naman ako nang maalala ko 'yon. He was given another day and
it's up to him kung paano niya gagamitin ang new chance na 'yon. It's up
to him if he'll make his mother feels like she's important or not.

"Gusto mo talaga 'yang binabasa mo ha."

"It's just so touching. It's worth reading."

Tiningnan ko ulit ang libro at napangiti.

"You never fail to amaze me."

"Huh?"

"Dati sinabi mo na isa akong misteryo. Alam mo bang ganoon ka rin? You're
also a mystery."

Me? A mystery? Never in my life naisip ko na misteryosa ako. Maarte ako,


yes, but I don't think I'm a mystery.

"Let's try to solve each other." dagdag pa niya.

"You're harder to solve kaya."

"I could say the same for you."

I just shrug it off and asked him, "'Yong project nga pala natin about
happiness. May answer ka na ba?"

"I don't – "

"It's okay. If wala pa, maybe you'll find the answer one of these days,"
I said and smiled at him.

Napakamot siya sa ulo niya at napabuntong hininga, "Fine. May sagot naman
talaga ako."
"Really?"

"Yeah. Happiness is everywhere. It's up to you if you'll let happiness


come in your life or not. Hindi naman nawawala 'yon. Ang pagiging masaya,
nakasalalay sa 'yo mismo. Kung pipiliin mong maging masaya, magiging
masaya ka. Kung ayaw mo, edi magbubulaglagan ka lang."

"Naks. You're getting deep ha."

Napangisi siya sa sinabi ko at umiling. "

***

Nate's POV

"Nate! Bilisan mo! Kanina pa sila naghihintay sa 'yo. Malapit na kayong


ma-late!"

Magigiba na bahay namin sa kakasigaw ni Mama. Kaya bago pa mangyari 'yon


at tumakbo na ako.

Nagpaalam na ako at saka lumabas para i-meet 'yong tatlo. Teka, tatlo?
Nasaan si Piper.

"Kung ano ang iniaga ng gising ng bestfriend mo, ayon ang ini-late mo."

"Good morning din sa 'yo, Hailey. Nasa school na ba siya?"

"Mga one hour ago siguro."

Wow, that early huh.

"Bakit ka ba na-late ng gising?" tanong ni Warren.

"Late din kasi ako natulog." Napapalakpak ako nang maala kong nahanap ko
na ang sagot. "May sagot na ako!"

"Kakasagot mo lang."

"Hindi tungkol doon. 'Yong tungkol sa happiness."


Pinitik ako ni Hailey at sinamaan ng tingin, "Hulaan ko, nalate ka ng
tulog kasi iniisip mo sagot diyan." Napakamot na lang ako sa batok ko
bilang sagot sa kaniya.

"Ano na?" tanong naman ni Tamara.

"Walang sagot. Maraming sagot."

"Kami ba pinagloloko mo?"

"Hindi! Ayon nga kasi. Walang tamang sagot. Marami kasing pwedeng sagot.
Walang particular na sagot doon. Iba-iba kasi ang pwedeng maging rason
noon. Para sa doktor, sumasaya siya kapag nakakagamot siya. Para sa
teacher, masaya siya kapag nagtuturo siya. Para sa chef, masaya siya
kapag nagluluto siya. Para sa writer, masaya siya kapag nagsusulat siya.
Iba-iba ang dahilan ng tao kasi iba-iba rin ang gusto nila. Para sa akin
naman, iba-iba rin ang rason ko."

Halata namang naiintindihan nila ang sinasabi ko kaya nagpatuloy pa ako.

"Ngayon, pwedeng masaya ako kasi hindi tayo male-late. Mamaya, masaya ako
kasi recess na o kaya lunch o kaya dismissal. Bukas, masaya ako kasi
makikita ko ulit kayo. Simple lang naman ang sagot. Nagiging masaya ang
isang tao kasi masaya lang siya. Pero kung iisipin mong mabuti, lahat ng
rason natin kapag pinagsama-sama, iisa lang ang pupuntahan. Iisa lang ang
magiging dahilan. Masaya tayo kasi buhay tayo. Masaya tayo kasi pinipili
natin maging masaya."

"Alam mo, minsan may nasasabi ka rin palang matino, ano?" biro ni Warren
kaya nagtaas baba ako ng kilay.

Ngayon, masaya ako kasi may sagot na ako.

Nang makarating kami sa school ay inabutan namin na nagtatakbuhan ang


ibang estudyante papuntang likod ng school. Wala naman sana akong balak
maki-usyoso kung anong pinagkakaguluhan nila kaya lang may narinig ako sa
nagdadaan.

"Rebels daw tapos may nakigulong iba."

"Nandoon nga rin daw si Piper."

Napatingin ako kila Warren at saka tumakbo papunta sa may likod ng


school.
=================

Chapter 40: Riot

Nate's POV

Nakapaikot ang mga estudyante at mukhang may nangyayari sa gitna. Kaya


kahit sobrang sikip ay nakigitgit kaming apat. Kung sinu-sino na ang
natutulak ko makadaan lang.

Nang makarating kami sa harap ng mga nakikiusyoso, nakita ko si Piper at


Hunter pati ang isang lalaki sa gitna.

"Gago ka ba?" sabi ng isang rebel.

"Magsorry ka," inis na sabi ni Hunter.

"Bakit ba pinagpipilitan mo? Nabunggo ko siya, nalaglag ko libro niya,


nasira ko ibang pahina at naapakan kita kaya natapon ko ang hawak kong
inumin sa 'yo. Ano naman?"

"Are you nuts? Ano naman? You ask us ano naman? What if gawin namin lahat
ng 'yon sa 'yo then we'll ask you, ano naman? Matutuwa ka ba? Just say
sorry. It isn't a big deal. Nag-iinarte ka lang. Kung nag-sorry ka na
simula pa lang then we're done here."

Minsan talaga hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa pagiging


palaban nitong si Piper eh. Lalaki 'tong inaaway niya. Liit liit niya
kapag pinatulan siya nito baka masaktan lang siya.

"It's you who's making a big deal out of this, Pipes. Pwede namang
palagpasin nalang pero ayaw mo. Sabagay, you always want to get into
trouble. Feeling mo kasi forever bida ka. Feeling mo you're so important.
News flash, girl. Feeling mo lang 'yon. The world doesn't revolve around
you."

Masyado talagang mapapel 'tong si Elle. Kung hindi lang talaga 'to babae.

"Oh, you're here pala. I haven't noticed you, hindi kasi importante
existence mo. Anyway, since you're badly craving for my attention,
bibigay ko sa 'yo 'yon." She smiled sweetly at her pero halatang iba ang
nasa utak niya. "Stay out of this, bitch. We're not even talking to you.
Feeling mo na naman kasali ka? No, you're not. We don't need you here.
Get a life. Hindi 'yong nakikisali ka sa ibang gulo. Get lost."

"Bitch."

Sasampalin niya si Piper kaya lang masyadong mabilis ang pangyayari kaya
nakita ko na lang si Hailey na nasa harap ni Piper at hawak ang kamay ni
Elle.

"You don't even have the right to talk or touch any of us. Ikaw 'tong
sumasamba sa rule and you yourself just broke it."

"You're a nobody. Lumayas ka nga dito. Hindi ka naman - "

"I'm her bestfriend. No one messes with my bestfriend."

"Oh, really? Matatakot na ba dapat ako? Ooooh. So scary." Tumawa pa siya


at mas lumapit kay Hailey, "Don't act so heroic and all. Admit it,
loser.. nagtatago ka lang sa likod ng mga kaibigan mo kasi hindi mo kaya
ng ikaw lang."

"Ikaw ba ang pinag-uusapan natin dito? Huwag mo namang patamaan ang


sarili mo." Napangisi si Hailey at saka tinaasan ng kilay si Elle, "Ikaw
ang nagpapakabayani sa pagprotekta sa rule na sinasamba mo. Ikaw ang
talunan kaya gumawa ka ng paraan para mapabalik kami sa kaniya kaniya
naming grupo. Ikaw ang nagtatago sa likod ng grupo mo kasi hindi mo
kayang mag-isa. Kapag wala ka sa grupo mo, wala ka. Ay, teka lang. Ganoon
ka pa rin nga pala 'di ba? You're just a nobody acting so high and
mighty."

"What the - "

May pumunta ulit sa gitna na isang babae. Kung hindi ako nagkakamali,
siya ang pumalit na leader ng Nerds.

"Sayang ka, Hailey. Tinatapon mo ang future mo para sa mga taong 'yan?"
tiningnan niya si Piper at Hunter na parang nandidiri. "May ginawa ba
kaming hindi maganda para umalis ka sa grupo? Or are you just really dumb
to choose them over us? Para kang pumili ng bato kahit diamonds na ang
mga nasa harap mo."

"Excuse me. You? A diamond?" Tumawa si Pipes at tumingin sa myembro ng


Nerd. "That's the funniest joke ever. Why are you so bitter ba? So what
kung umalis siya sa Nerds. It's not like you'll die naman because of
that."

Walang nasabi ang babae at inayos lang ang suot niyang salamin.
Samantalang 'yong lalaking kausap ni Hunter ay mukhang aalis na sana
dahil may bagong away na nabubuo pero hinarangan siya ni Hunter. Sa
ginawa niya ay may lumapit at lumagay sa likod niya na dalawa pang
lalaki. Dalawang rebel din ata.

Three versus one? Lugi naman ata si Guevarra do'n.

Sorry Mama. Sorry Papa. Pero may papasukan talaga akong riot ngayon.
Hindi ko pwedeng talikuran ang mga kaibigan ko.

Lumapit ako kay Hunter at sumunod naman sa akin si Warren. Napangisi ang
isang rebel sa ginawa namin. Nag-eenjoy nga pala ang mga 'to kapag may
away.

"May back-up." Nang-iinis na sabi ng lalaki.

"Parang siya wala," bulong ko pa pero narinig niya kaya sinamaan niya ako
ng tingin.

"Nakikita mo ba ang gulong ginawa mo, Pipes?" tanong na naman ni Elle.

"Don't say my name. You disgust me."

Lumapit pa 'yong isang member ng Populars na kanang kamay ni Elle at


tinaasan ng kilay si Piper, "You know what.. I used to regret it na
pinaalis ka namin sa grupo. Kaya lang mukhang we made the right choice
para gawin 'yon. Dumi ka lang sa grupo namin."

Nakita ko ang paglapit ni Tamara kila Piper. Itinagilid niya ang ulo niya
habang nakatingin sa kakarating lang na member ng Populars.

"Pinaalis? May problema ka ba sa grammar? Hindi mo siya pinaalis. Kusa


siyang umalis."

"You, you're the reason behind all this non-sense. Kung hindi ka lang
lumipat - "

"Can't get over it? Tagal na niyan. Move on," depensa ni Piper kay
Tamara.

"Gano'n talaga siguro kapag sobrang boring ng buhay niya. Hahanap siya ng
butas sa buhay ng ibang tao. Baka wala siyang mahanap sa atin kaya ayon
ang pilit niyang binabalikan." Lumingon si Tamara kay Elle, "Alam mo, sa
ginagawa mo, magmumukha ka lang desperada sa atensyon. May buhay ka naman
'di ba? Bakit hindi na lang ayon ang pagkaabalahan mo kaysa guluhin mo
ang buhay ng ibang tao?"

Nagulat ang mga tao nang biglang sampalin ni Elle si Tamara. Maski kami
hindi namin inaasahan 'yon. Mabilis masyado. Gaganti sana si Tamara kaya
lang bago pa man niya makasampal ay nakailag na si Elle at hinawakan na
ng isa pang Popular ang kamay niya.

"Aww. Are you gonna cry, Tamara? 'Wag mo na subukang gumanti. Wala maski
isa sa inyo ang may right to touch me. You can't - "

Bigla na lang pumunta sa harapan si Piper at sinampal si Elle. Nagkibit


balikat pa siya dito, "Oops. I just did."

"Damn you!"

Doon na nagsimulang magsampalan at magsabunutan ang mga babae. Lalapit na


sana ako para pigilan sila nang marinig ko ang sinabi ng mga rebel.

"Bitches."

Kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Walang kahit na sino ang may karapatan
para sabihan ng ganiyan ang mga kaibigan ko.

Susuntukin ko na sana ang nagsabing 'yon kaya lang nauna si Warren. May
humarang namang isa at bigla akong sinuntok kaya gumanti ako. Wala na
akong pakialam basta nakikipagbugbugan na lang ako.

Sa gilid ko, bigla na lang may napahigang isang lalaki. 'Yung unang
lalaki na naging dahilan ng gulo na 'to. Bigla ko na lang din nakita
'yong kalaban ko na nakahiga na sa sahig. Dumating kasi si Hunter at
sinuntok 'yon. Si Warren naman ay nagpunas ng gilid ng labi niya dahil
nagkasugat 'yon pero tumba na rin ang kalaban niya.

Napatingin naman ako sa side nila Piper. Nagsasabunutan si Elle at Piper


pati si Hailey at 'yong Nerd. Si Tamara naman ay bigla na lang sinide
kick ang side kick ni Elle kaya napahiga siya habang hawak ang tiyan
niya.

Tumakbo ako papalapit sa kanila at ganoon din si Warren at Hunter.

Hinila ko si Elle papalayo kay Piper habang hinila naman ni Hunter si


Piper palayo kay Elle. Si Warren naman ay hinila palayo 'yong isang Nerd
kay Hailey.

Gulo ang mga buhok nila pero puro scratches si Elle si leeg at braso.
Halos masira naman ang damit ng kaaway ni Hailey.
"I'll sue you! I'll sue all of you!" sigaw ni Elle.

"You're really stupid." Umiiling na sagot ni Pipes habang inaayos ang


buhok niya.

"You'll pay for - "

"Go to my office."

Napahinto kaming lahat at parang nakalimutan ko nang huminga nang marinig


ko ang boses ng head ng Prefect of Discipline.

"Now."

***

"Any act of violence is strictly prohibited in this school."

Napalunok ako sa sinabi ng head ng POD. Masyadong seryoso ang boses niya
at mukhang, ah teka, mali.. paniguradong mapaparusahan na naman kami.

"Nabasa niyo ba ang student's handbook?"

Tumango kaming lahat sa naging tanong niya kahit sa totoo lang, hindi ko
naman talaga binasa 'yon. Pero nasa matinong kaisipin pa naman ako para
malaman na hindi tinotolerate ng Kingdom High ang pakikipagbugbugan sa
loob ng school.

"Nabasa niyo naman pala. Alam niyong bawal. Bakit ginawa niyo pa rin?"

"Th..they did it first. Nanahimik po kami sa gilid. Bigla na lang po


akong - "

"Excuse me?" Hindi makapaniwala si Piper sa naririnig niya kay Elle. "Oh
my God, Elle. Are you serious? Nananahimik? So, ano? Maghuhugas kamay ka
ngayon?"

"T..totoo naman!"

Napabuntong hininga ang head ng POD at tumayo. "Siguraduhin niyo lang na


walang gumagawa ng kwento dito. Oras na malaman ko kung sino ang
nagsisinungaling sa inyo.."
"Actually, he did it first." Pagturo ng isang Nerd sa rebel na nakabunggo
kila Piper. Natakot malamang 'to kaya napaamin na.

Kwinento niya ang buong pangyayari magmula sa pagkakabunggo no'ng isang


rebel, pagtatalo-talo nila, pag-epal ni Elle sa eksena, pagdepensa ni
Hailey kay Piper, pagpasok niya sa eksena, pati na rin ang pagback-up
namin kay Hunter, pagsali ni Tamara at ang pagsingit no'ng sidekick ni
Elle hanggang sa pagsasabunutan nila at pagbubugbugan namin.

"Is she telling the truth?" Tumango ulit kaming lahat pwera kay Elle.
"Nagsasabi ba siya ng totoo?" tanong ulit niya pero kay Elle na lang.

"Y..yes."

Umupo ulit ang head at sumandal sa upuan niya.

"We don't tolerate this kind of attitude. I'm so disappointed in all of


you. Kayo pa man din ang seniors sa school na 'to tapos kayo pa ang
magpapakita ng gan'yang klaseng action. Ayan ba ang gusto niyong tuluran
ng mga mas nakakabata sa inyo? Simpleng bagay na pwedeng daanin sa maayos
na usapan, bakit pinaabot niyo pa sa bugbugan?" Napabuntong hininga siya
at napailing. "Sumasakit ulo ko sa inyo."

May kinuha siyang mga papel sa lamesa niya at saka hiningi ang mga ID
namin. Matapos niyang magsulat ay binigyan niya kami isa-isa ng mga
papel.

"Tatlong araw. Lahat kayo suspended ng tatlong araw."

Lagot.

=================

Chapter 41: First aid

Piper's POV
I quite figure it out already. Three days suspension for all of us.

"Tatlong araw kayong suspended dahil sa ginawa niyong pakikipag-away. Sa


Friday, kailangan kayong mag-community service para naman sa paglabag
niyo sa rule. Ang mga ID niyo kunin niyo dito sa Lunes bago pumasok.
Kailangan ko rin ng pirma ng mga magulang o guardians niyo diyan sa
papel na ibingay ko. Kapag walang pirma, hindi pa rin kayo pwedeng
pumasok. Oras na makatatlong strike na kayo, be ready for expulsion."

Oooh. Lagot. Hindi lang pala three days. Almost a week pa pala.

"Pumunta na kayo sa clinic at gamutin ang mga sugat niyo. You may go."

***

Wala naman akong wound sa ginawa kong cat fight. Luckily, Elle is just so
weak. I have few scratches though, but in less than a day or so mawawala
rin 'to.

"Dahan dahan naman," reklamo ni Nate as I was treating his wound.

"Thank you, guys. For backing us up there. You made things easier and.."
Tinikom ko ang bibig ko when I remember the scene kanina. "funnier," I
added.

They were silent for a second but they burst into laughter din.

"Para tayong nasa action movie." Natatawang sabi ni Hailey.

"'Yung mga sumbatan at barahan niyo kanina. The best!" dagdag pa ni Nate.

"Para kayong mga gangster," sabi naman ni Warren.

"Pinakagusto ko pa rin 'yong nagmamaganda pa si Elle na walang hahawak sa


kaniya tapos bigla na lang siyang sinampal ni Piper." Nakangising kwento
naman ni Tamara.

Hindi kami makamove on sa nangyari kanina kaya halos kabagin na kami


kakatawa. Buti na lang wala dito sa clinic sila Elle at 'yong mga
nakaaway namin 'cause if ever they're here, we're not laughing like
idiots right now.

"Ang sakit ng ulo ko. Parang natanggal anit ko," reklamo ni Hailey na
nagpatawa ulit sa amin. "Seriously, guys, ang sakit ng sabunot sa akin.
Parang lahat ng galit sa akin no'ng ex-kamember ko na 'yon ibinuhos niya
sa sabunot na ginawa niya."

"Tawa tayo ng tawa ngayon. Panigurado naman pag-uwi natin lagot tayo sa
mga magulang natin," sabi ni Nate.

Napailing si Hailey habang kinakamot ang ulo niya, "For sure papagalitan
ako ni Mommy. Si Daddy.. baka tapikin pa ko no'n sa balikat at sabihing
I'm so proud of you, Hailey."

Warren chuckled, "Naiimagine ko nga. Pero under naman si Tito Josh kay
Tita Sab kaya paniguradong mangingibabaw pa rin ang pangaral ni Tita
Sab."

"Ssh. Huwag na huwag mong paparinig kay Daddy 'yan. Magagalit 'yon. Baka
hindi na ikaw ang maging paborito niya sa barkada natin."

"Woah." Nanlalaking mata na pagsingit ni Nate, "Si Warren paborito ni


Tito Josh? Akala ko ako?"

"OMG. You're so assumero, Nate. It's quite obvious he likes Warren better
than you. They're both sporty kaya. While you, on the other hand, prefers
to sleep and lay in your bed instead of doing anything that requires
energy and strength."

Pinanliitan ako ng mata ni Nate at saka ako inakbayan na parang


sinasakal, "Iniisip ko talaga kung paano kita naging bestfriend? Sige na.
Si Warren na paborito ni Tito Josh. Ako naman paborito ni Tita Ayu."

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya and pats his head, "Sorry to break it
to you but Hailey's her favorite."

"Seryoso?!"

"Yup, seriously."

Natawa kami sa naging reaction ni Nate. It seems like nabagsakan siya ng


langit at lupa.

"Huwag kang mag-alala, Nate, ikaw naman paborita ng Mama ko."

Nate almost jumps from his seat when he heard Warren, but syempre before
he could do that ay pinigilan na namin siya.
"I have a game plan, guys." All head turned to Warren. "Sama-sama tayong
magdinner mamaya para kapag sinabi natin sa kanila na nasuspend tayo, mas
malaki ang chance na hindi nila tayo pagalitan ng sobra."

"Gusto ko 'yan," Hailey agreed. "Because there are eight of them,


maghahalo halo ang opinion nilang lahat kaya instead na mafocus ang
atensyon nila sa kalokohan natin, mas mabibigyan pansin nila ang opinyon
ng iba pang parents."

"It's not like Tito Ice will join them sa pag-iingay. So techinically,
seven na lang ang magagalit sa atin."

Napangisi si Nate at itinaas pa ang paa sa isang upuan sa unahan niya.


Like a boss. "Mas ayos na sabay sabay silang pito na magalit sa atin
kaysa mapagalit natin ang Papa ko. Oras na magsalita 'yon, paniguradong
tatahimik silang pito."

"Seryoso? Nakakatakot nga 'yong Papa mo pero mukhang mas nakakatakot pa


pala siya sa inakala ko," Tamara said.

"Nakakatakot lang naman 'yon kapag may ginawa kang mali. Kung wala, he's
cool."

Nag-agree kaming lahat sa sinabi ni Nate about Tito Ice. But then I
remember.. paano si Tamara?

Seems like magkakonekta ang mind namin ni Nate and he voiced out my
thoughts, "Ikaw, paano ka?" he asked her.

"Sasabihin ko lang na suspended ako. Magagalit sila sa una pero mawawala


rin naman 'yon."

"Sasamahan ka namin. Para mapaliwanag din naman 'yong nangyari," prisinta


ni Warren.

"Oo nga. Para fair. May kasama ka rin."

She was about to object kaya lang before she could even do that ay
sinuportahan na namin ni Hailey ang plano ng boys. In the end, we all
agree na samahan si Tamara sa kanila. Saka it's time to meet her parents
na rin. We've been friends for months already kaya I think it's better na
makilala kami ng parents niya and vice versa.

"Nasaan si Guevarra?" tanong ni Nate.

Oo nga, ano. He's not here. He didn't enter the clinic din ata. He's
probably sleeping somewhere.
"May sugat pa 'yon 'di ba?" Hailey asked.

We shrugged.

"Dapat magamot 'yon," sabi naman ni Tamara.

"Yeah."

The moment na sumagot ako, lahat sila tumingin sa akin as if I did


something wrong. Wait, wala naman akong ginawa, right?

Tumayo si Warren at kinuha ang first aid kit na ginamit sa kaniya kanina
ni Hailey at inabot sa akin. I was about to ask kung bakit niya 'yon
binibigay nang siya na ang sumagot before I could even ask the question.

"Mukhang hindi naman 'yon pupunta sa clinic. Ikaw na lang gumamot sa


kaniya. Mukha namang sa 'yo lang din siya kumportable."

"But.."

"Sige na, Pipes. Kawawa naman si Guevarra," dagdag pa ni Nate.

Why do I feel like they're trying to make me feel bad kasi hindi
magagamot ang sugat ni Hunter?

I didn't argue na lang at kinuha ang kit na inabot ni Warren.

"It's not like sa akin lang siya kumportable," I said. "Siguro naging
gano'n lang kasi I'm the only person who made an effort para kulitin
siya. But if you'll try, for sure naman magiging kumportable din siya sa
inyo. Sometimes you just have to try. Sige na. I'll look for him na."

While walking sa corridor, iniisip ko kung saan ba siya naglalagi.


Obviously out of the choices na ang classroom. Possible na nasa library
siya at natutulog. Or sa may pool side. Or sa may rooftop. Or sa canteen
at kumakain. Or sa greenhouse since fresh ang air do'n. Wait.. fresh
air.. ah! I know na. He's at the back of the school building. Everytime
nagpupunta ako doon, he's always there. Sleeping sa tabi ng puno. There's
a greater possibility na nadoon siya kaysa sa mga places na naisip ko
noong una.

And I proved myself right when I saw him sleeping sa usual tree na
tinutulugan niya.
Grabe. Hindi pa nga niya nalilinis at nagagamot ang sagot niya tapos
matutulog na lang siya basta.

I shook my head at lumapit sa kaniya. He's using his arm as a pillow, for
sure mamamanhid 'to later. He's used to it na rin naman so, whatever.

Sinimulan kong gamutin ang sugat niya near his lips and I can't help but
notice na for a smoker, red pa rin ang lips niya, ha.

Busy ako sa paggamot ng sugat niya when he woke up. Mukhang nagulat siya
to see me and tatayo na sana siya when I told him na huwag na muna.

"Don't move. Matatapos na." Thankfully, obedient naman siya. "Usually 'di
ba kapag smoker ka medyo maputla 'yong lips dapat. Bakit 'yong – "

"Sinabi ko na dati na tatlo o apat na beses pa lang ata ako nagyoyosi.


Hindi ko pa inuubos 'yon."

"So you're not a smoker? Bakit ka nagyoyosi?" I asked and umupo ako
beside him.

Umupo na rin siya at diniinan ang pagkakadikit ng band-aid, "Bakit ba


tinatanong mo pa?"

"Just because. You don't have to answer naman if you don't want to."

And because he is Hunter, hindi nga siya sumagot. Nice. Really nice.

Iiwan ko na sana siya at babalik na kila Nate since we're not talking din
naman and ibabalik ko pa 'tong kit when I saw a crumpled paper sa tabi
niya. Siya 'tong nagcocomplain na wala siyang paper tapos mukhang siya pa
'tong nanglulukat lang ng papel.

Dahil sa nosy side ko, kinuha ko ang paper and inopen. 'Yon 'yong papel
na binigay sa amin kanina. We're supposed to ask our parents to sign
this.

"You should keep this, right? And ask your parents to – "

"They can't sign that. And even if they can, I know they won't."

"Why?"

And again, silence took over us. I was about to leave.. again.. when he
started to speak.
"I don't live with them. I ran away from home, if you could even call it
a home, almost a year ago."

"Wh.. How.. I mean.. But.."

He chuckled and ruffled my hair, "Matagal na 'yon. Huwag kang maawa sa


akin."

"Ngayon I know na why you're working so hard. Don't worry, hindi rin ako
naaawa sa 'yo. I'm impressed, actually. You're working para mabuhay at
makapag-aral."

"Hindi mo itatanong kung bakit ako umalis?"

"Nah. That's private na. I know my boundaries. But if you need someone to
talk to, we're here lang naman for you."

Inayos ko 'yong crumpled paper. I tried to fix it kaya lang it's hopeless
na.

"Paano ka papasok sa lunes? You should ask someone to sign this 'di ba?
Paano 'yan?"

He shrugged. Seems like he don't know what to do rin. Hmm. Alibi. Yes, he
could make some alibi.

"Kunyari your parents are out of town. Tapos ask someone to sign this for
you. But since it's super lukot na, ask for another copy na lang sa POD."

"Ako na lang pipirma."

"You could ask Tita Cass to sign that for you. If you want, pwedeng
sabihin mo rin sa kaniya na naglayas ka sa inyo and kailangan mong
pumasok sa school sa monday. She's nice naman kaa for sure she'll help
you."

"I'll try. Thanks, Piper."

"Huh? For what?"

"For being nice to me."


Tiningnan ko siya ng nakakaloko and made face, "I'm nice lang talaga
kahit kanino."

Napangisi siya at umiling, "Whatever you say."

***

Tamara's POV

Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok ng bahay namin. Pagdating ko


ay sinalubong agad ako ng dalawa kong kapatid ng yakap.

"Aww. They're so cute. Kasing laki lang nila si Jarvis."

"Kapatid ni Piper," sabi ni Warren kahit hindi naman ako nagtatanong.

"Sino sila, ate?" tanong ni Tracy, ang sumunod sa akin.

"Kaibigan ko. Nasaan si Nanay?"

Pagtanong na pagtanong ko ay biglang lumabas si Nanay sa kusina. Kurtina


lang ang naghaharang sa kusina at sala namin kaya baka narinig niya nang
hanapin ko siya.

"O, may mga bisita pala tayo." Natutuwa niyang sabi nang makita 'yong
apat.

Lumapit ako sa kaniya at nagmano. Ganoon din ang ginawa ng apat kaya doon
palang, nakita ko na na natuwa siya sa kanila. Pinakilala ko rin 'yong
apat kay Nanay.

"Hindi rin po sila magtatagal, Nay. Kasi magdidilim na rin."

"Ngayon ka lang ulit nagdala ng mga kaibigan dito. Buti naman at may
ipinakilala ka na sa akin."

"Ano kasi, Nay, may sasabihin po ako."

Kumuha si Nanay ng isang upuan mula sa kusina at saka umupo sa harap


namin, "Ano 'yon?" tanong pa niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Tatay.


"Aba, may mga bisita ata tayo ngayon, ha."

"Mga kaibigan nitong si Tamara."

"Kay gaganda at kay gwagwapong mga bata naman nito."

"Salamat po," tuwang tuwa na pasasalamat ni Nathan kay Tatay. Feel na


feel talaga nitong gwapo siya.

Sinabi ni Nanay na may importante raw akong sasabihin kaya maski si Tatay
ay sumama muna sa amin. Sa sobrang sikip ng bahay namin nasakop na namin
lahat ng space sa may sala.

"Sobrang importante ba niyan at dala mo pa ang buong kaibigan mo?" tanong


ni Tatay.

"O..opo."

"Ano ba 'yon?"

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Siguradong mapapagalitan ako sa


ginawa kong 'to. Nagpapakahirap silang magtrabaho tapos magpapasuspend
lang pala ako.

Hindi ko magawang magsalita. Nakailang lunok na ako at nasasama ata doon


'yong mga salitang dapat sasabihin ko.

"Mapapagalitan ako," bulong ko na mukhang narinig ni Nathan kaya


napatingin siya sa akin.

Nakita ko ang pag-iling niya at pag-upo ng diretsyo, "Mr. and Mrs.


Sartori, kapag may ginawa po bang kalokohan si Tamara papagalitan niyo
siya?"

"Depende sa kung anong ginawa niya," sagot ni Tatay.

Napatingin ako kay Nathan at pinanlakihan siya ng mata pero hindi niya
ako pinansin.

"Kung sakali po bang uuwi siya at sasabihin niyang nakick out siya,
magagalit kayo?"

"Ha? Bakit, nakick out ka ba, anak?" tanong sa akin ni Nanay pero umiling
ako.
"Kung sakali po bang nagtanan siya o umuwi ng lasing, gumagamit ng bawal
na gamot o nabuntis, magagalit po ba kayo sa kaniya?"

"Oo naman. Teka, kaya mo ba tinatanong ang mga bagay na 'yan kasi.."

"Hindi po, Nay," sagot ko.

Kinurot ko sa tagiliran si Nathan pero nginitian niya lang ako at


kinausap na ulit sila Nanay, "Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po
ginawa ni Tamara lahat ng tinanong ko kaya safe naman po. Tinitingnan ko
lang naman po kung magagalit kayo."

Mukhang nakahinga na ng maluwag ang mga magulang ko at magsasalita na


sana si Tatay nang unahan siya ni Nathan.

"Hindi po siya nagtanan. Hindi po siya lasing. Hindi po siya gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot. Hindi po siya buntis. Hindi rin po siya nakick
out. Suspended lang po siya sa school."

"HA?" gulat na tanong ni Nanay.

"Suspended po siya pero sana po huwag niyo po siyang pagalitan. Mas ayos
naman na po 'yon 'di ba? Kaysa naman po gawin niya 'yong mga una kong
nasabi."

Napatingin ako sa naging reaksyon ng magulang ko. Napapikit si Nanay at


seryosong nakatingin si Tatay kay Nathan.

Hala. Lagot na.

Magsosorry na lang talaga ako sa kanila oras na ihagis sila palabas ni


Tatay.

=================

Chapter 42: Thank you

Nate's POV
Minsan talaga medyo naniniwala na ako kapag sinasabi nila sa akin na may
tama raw ako sa ulo. Siguro nga may turnilyo ako sa ulo na maluwag o ang
mas malala, baka natanggal na.

Napalunok na lang ako nang mapag-isip-isip ko lahat ng mga pinagsasabi ko


sa harap ng magulang ni Tamara. Nakakabanas naman! Bakit ba kasi delayed
minsan ang utak ko sa pagproseso ng mga bagay? Parang ang bobo ko. Tsk.

Tama nga sila. Hindi pwedeng makuha ng isang tao ang lahat sa buhay. Kaya
siguro medyo mahina ang utak ko kasi kung magiging matalino ako, sobrang
perfect ko na. Unfair naman sa iba.

"Tay, ano po – "

Natigil sa pagsasalita si Tamara nang tumawa ng malakas ang tatay niya.


Para na ngang hindi siya makahinga sa ginagawa niya. Ang nanay naman niya
ay tumatawa na rin pero hindi kasing grabe ng tawa ng tatay niya.

Nagkapalitan kaming lima ng tingin. "Uhh, bakit tumatawa sila?" bulong sa


akin ni Hailey.

"Hindi ko alam. Tumawa na lang din tayo," sagot ko sa kaniya at nakitawa


sa magulang ni Tamara.

May pagkauto-uto rin naman ang apat na 'to kaya sinunod nga ang payo ko
na tumawa. Nang tumigil na ang tatay ni Tamara ay tumigil na rin kami.

"Ano nga ulit pangalan mo, hijo?" tanong niya sa akin.

"Nate po."

"Nate," tatango tango niyang sabi at humarap kay Tamara. "Gusto ko ang
kaibigan mong 'to."
"Para siyang tatay mo, Tamara. Joker," dagdag pa ng nanay niya.

Hay. Buti naman at hindi rin pala sila nakaligtas sa charms ko.

Ikwinento nila Piper at Hailey sa kanila ang dahilan kung bakit suspended
kami. Hindi sila natuwa pero hindi rin naman sila nagalit. Pinagsabihan
nila kami na sa susunod, huwag nang sumabak sa gulo.

Ang astig lang ng magulang niya. Kung anu-ano na rin ang ikwinento nila
sa amin. Gusto pa ng tatay niya na sa kanila kumain kahit nakakahiya raw
ang ulam nila, na hindi naman talaga nakakahiya kasi naaamoy ko 'yong
luto ng nanay niya at gustong gusto kong makikain, pero tumanggi kami
kasi gagabihin kami. Suspended na nga, gabi pa umuwi. Lagot kami lalo
kapag gano'n.

***

"You're what?" tanong ni Tita Yannie.

Napatigil sa pag-aayos ng pinagkainan namin sila Mama at napatigil sa


pagkwekwentuhan sila Papa. Binalot kami ng sobrang katahimikan at
naririnig ko na ang mga kuliglig. Sinabi ni Warren na suspended kaming
apat pagkatapos namin magsikain.

"Suspended po kami ng tatlong araw," ulit ni Warren sa sinabi niya.

Napalunok ako nang bumalik silang lahat sa mga upuan nila kanina.
Napatingin ako sa tatlong kasama ko. Nakayuko si Hailey habang hindi
naman makatingin sa mga magulang namin si Pipes. Si Warren naman ay
napalunok samantalang ako ay parang maiihi na sa kaba.

"Teka lang. Teka lang. Tama ba dinig ko? Suspended kayo? Suspended talaga
kayo?" tanong ni Tita Ayu.
"Opo, Tita. Tatlong araw po at kailangan namin magcommunity service ng
isang araw. Bukod po 'yon," sagot ni Warren.

"Bro, isa isa lang naman. Bakit mo pinagsabay-sabay baka lalong magalit
mga 'yan?" bulong ko sa kaniya.

"Ayos na 'yon. Para isang bagsakan lang ang sermon."

"Nate, Warren, mamaya na kayo magbulungan," utos ni Tito Xander kaya


napaayos ako ng upo.

Halata sa mga mommy at mama namin ang pagkadismaya sa nangyari. Tinanong


kami ni Tito Ken kung ano ang nangyari kaya kwinento namin lahat ng
nangyar. Mula simula hanggang dulo. Walang mintis. Dirediretsyo.

"Ginawa niyo 'yon?"

"Yes. They just defended me po kaya po sana huwag niyo silang pagalitan."

"Pero ginawa nila 'yon dahil sa 'yon ang gusto nilang gawin, Pipes."

Napatikom na lang si Piper at hindi na nagbalak pang sumagot.

"Nakipagsabunutan ka, anak?" tanong ni Tito Josh kay Hailey. Tumango


naman siya kaya napangiti si Tito Josh. "You make – "

"Huwag mo ng ituloy kung ano man ang balak mong sabihin," banta ni Tita
Sab kaya napatigil si Tito Josh.

Napabuntong hininga si Mama, "Sinabi niyo palang na gusto niyong


magdinner together, alam na namin na may problema. Monday night kasi
ngayon. Halata rin sa mukha niyong dalawang lalaki na napaaway kayo.
Hindi ko lang inexpect na pati ang mga babae ay kasama sa away niyo. I'm
so disappointed. Akala ko pa naman magtatapos kayong lahat na malilinis
ang records."

"No wifi. No gadgets. No allowance. Grounded. I need you to give me back


your weekly allowance, Piper," utos ni Tita Ayu.

"But – "

"No but's."

Tumango naman ang mga mommies namin at wala na akong ibang nagawa kung
hindi ang mapalunok. Kakayanin ko ba ang tatlong araw na 'yon? Baka
mabaliw ako.

Hinihingi na rin ni Mama 'yong binigay niyang baon sa akin at ganoon din
ang ginagawa nila Tita Sab at Tita Yannie.

"Teka lang, Ayu. I think that's too much," kontra ni Tito Ken. Opo, Tito
Ken! Go, Tito Ken!

"Oo nga," dagdag pa ni Tito Xander at tumingin kay Tita Yannie. "Ma,
kawawa naman si Warren kapag na-grounded."

"No, Da. They have to pay for the consequences of their action. Nakipag-
away sila. Hindi maganda 'yon."

"Pero nakipag-away din kayo sa amin noong nasa ganyang edad tayo,"
depensa ni Tito Josh sa amin.

Oo nga naman! Nakipag-away nga pala sila dati. Hindi ko makakalimutan


'yon. Ilang beses nila nakwento sa amin 'yong pangyayaring 'yon. Si Mama
pa nga ang nagsimula ng pakikipagbugbugan noon eh. Wala naman akong
natatandaan na nagrounded sila noon. Aba, unfair 'yon!
"Magkaiba naman 'yon, Josh. Nakipag-away kami noon for a reason."

"Ganoon din sila, Zoe. Nakipag-away sila dahil may dahilan."

"Magkaiba 'yon."

"Hindi magkaiba 'yon, Sab. Parehas lang 'yon."

"Hindi 'yon parehas, Ken. Noong nakipag-away kami sa inyo, dahil 'yon sa
dinedepensahan lang namin ang mga girls."

"Still sounds the same to me. Dinedepensahan lang nila ang kaibigan
nila."

"Dinepensahan namin ang girls noon gamit ang pakikipagbugbugan kasi


binully niyo physically ang ibang babae. May binuhusan ng juice, if I'm
not mistaken. This time may nabully ba physically?"

"Sinong may alam? Doon din naman ang bagsak no'n. Inunahan lang nila."

"Paano kung wala naman pala talaga silang balak makipagbugbugan? Na they
started it?"

Palipat lipat na kami ng tingin sa mga magulang namin. Para silang


nagdedebate. May comments bawat sides. Nawala 'yong takot at kaba ko
dahil sa pagtatalo nila. Gusto ko sana silang tawanan ngayon kaya lang
baka lalo akong malagot.

"I told you may ganitong mangyayari," bulong ni Hailey sa amin kaya
nagpigil kami ng tawa.

Umubo si Papa dahilan para mapatahimik kaming lahat. Yumuko ako at


nagsalita ng mahina, "Sinabi ko rin sa inyo na oras magsalita si Papa,
taob silang pito. Partida, hindi pa 'yan nagsasalita ha."
"Maingay na masyado."

"Ice -- "

Itinaas ni Papa ang daliri niya kaya napatigil sa pagsasalita si Tito


Josh.

"Ako muna. Kapag tapos ko, saka kayo magsipagsalita," seryosong sabi niya
at wala namang kumontra. "Lahat tama pero lahat din mali. Josh, Ken,
Xander, tama kayo na ginawa na natin 'to noon. Tayo pa ang magkakaaway.
Pero nangyari 'yon dahil kasalanan ko at may nasaktan o napahiya ako
physically. Ladies, tama rin kayo sa pagdedepensa sa sarili niyo at sa
pagdidisiplina sa mga bata. Kaya lang hindi ba parang masyado nga naman
ang parusang gusto niyo? Kids, tama kayo na protektahan ang kaibigan niyo
at ipaglaban ang sa tingin niyo ay tama. Pero ilagay niyo sa lugar at
huwag ng paabutin sa pisikilan ang bagay na madadaan naman sa matinong
usapan.

"Kung para sa parusa, uulitin ko, grabe ang sinuggest niyo ladies. Hindi
ba pwedeng pagaananin man lang 'yan? May parusa na sila sa eswelahan at
dapat nga na bilang magulang, disiplinahin din natin sila pero 'yong tama
lang. Ano sa tingin mo, Zoe? Anong dapat nating gawin kay Nate?"

Kung bilib at bilib lang naman, bilib talaga ako kay Papa kasi nagagawa
niyang ayusin ang gulo. Kaya lang mas bilib ako kay Mama kasi nasa kanya
pa rin ang huling salita.

Lahat kami ay napatingin kay Mama. Napabuntong hininga siya at saka alo
tiningnan sandali at ibinalik ang tingin sa iba.

"Tama si Ice. Sige, hindi ko na kukinin ang allowance mo, Nate. Ang
gadgets, hindi ko na rin icoconfiscate. Pwera sa xbox mo. Pwede kang
lumabas pero may curfew. 6pm ang pinakalate. For three weeks. Pero.. oras
na maulit 'tong nangyari, asahan mo na doble pa sa dapat ay unang parusa
sa 'yo ang gagawin ko."

"Opo, Mama."
"Kayo," nilingon niya ang iba pang magulang. "nasa sa inyo na rinnang
desisyon kung ano ang gusto niyong gawin sa mga anak niyo. Basta para kay
Nate, ito ang tingin kong ayos sa kaniya."

Sa bandang huli ay naging iisa rin ang desisyon ng mga magulang namin.

Hindi na rin kami kumontra. Like what they said, we should take
responsibility for the mess we'vd made. We deserve this punishment after
all.

***

Warren's POV

"And.. we're done," anunsyo ni Hailey sabay sara ng laptop niya.


"Congrats, guys."

"Wow. We really did it. Within a day, we managed to finish this happiness
project."

"May silbi pa rin ang suspension na ipinataw sa atin."

"Now, we can do whatever we want to do. It's still early pa naman."

Sumigaw si Nate habang hawak hawak ang isang dvd, "Movie time!" Nagsalang
siya ng horror movie at umupo sa sahig pagkatapos. Katabi niya si Hailey
sa kaliwa niya samantalang si Piper naman ang nasa kanan niya at katabi
ni Piper si Hunter sa gilid niya. Nakaupo naman si Tamara sa solo na
upuan sa dulo ni Hailey at ako ay humiga sa sofa nila at pumikit.

Sayang ang sofa kung hindi magagamit.

Nagsalita ng mahina si Hailey pero dahil sa katapat ko lang siya ay


narinig ko ang sinabi niya, "Matutulog, huh. You're still scared."
Pagdilat ko ay nakatalikod siya sa akin pero alam ko na ako ang
sinasabihan niya, "Sino nagsabing takot ako?"

"Idedeny pa ba? Alam na alam ko na, 'no. Bata palang tayo takot ka na sa
multo at sa mga horror films."

"Hindi naman. Tingnan mo, kaya kong panoorin 'to "

"Sige na lang," natatawa niyang sagot.

Pakiramdam ko hinahamon talaga ako nito eh. Kaya kahit antok na antok ako
hindi ako natulog para lang mapanood 'to.

Nasa kalagitnaan palang ng movie ay napapakapit na ako sa upuan ko. Kapag


may mga nakakagulat ay napapamura ako. Tawa naman ng tawa si Hailey na
nasa unahan ko.

Nang may biglang lumitaw na multo sa salamin, hindi ko na naman napigilan


mapamura, "Tangina naman. Magsesepilyo na lang kasi napakaOA pa kung
makayuko. Kaya nagugulat eh."

"Chill, Warren. Normal na 'yon sa mga movies. Walang bago. Expected na.
Hindi na nakakagulat."

"Anong hindi. Nakakagulat pa rin. Ayon nga ang purpose no'n eh. Ang
manggulat."

"Duwag ka lang talaga."

"Hindi nga – "

Napahinto ako sa pagsasalita nang humarap sa akin si Nate at nakakunot


ang noo. Ano na naman ginawa ko?
"Umamin ka na lang kasi na nakakatakot ka. Nakakadistract ka sa
panunood."

"Yabang nito. Akala mo siya matapang. Hindi ka lang naman natatakot


palibahasa nakagitna ka sa kanilang apat."

Napatawa si Piper at Hailey sa sinabi ko at sumang-ayon. Kung titingnan


naman kasi talaga, siya 'yong nasa pinakagitna.

"Yabang pa, ha, pero kung makagitgit sa mga katabi kala mo hindi na
nausuhan ng space," dagdag pa ni Tamara kaya mas natawa 'yong dalawa.

"You're both scared naman kaya huwag na kayong mag-away," panggagatong pa


ni Piper.

"Agree. Duwag kayong dalawa. Case closed. Huwag na kayong magsalita ulit.
Manood na lang tayo."

Pinagtulungan na nila kaming tatlo kaya wala na rin kaming nasabi ni


Nate. Hindi naman kami mananalo sa mga babaeng 'to. Mapapahaba lang namin
ang argument pero ang bagsak no'n, sila pa rin ang panalo.

Tama rin naman ang desisyon ko na huwag na lang kumontra. Palibhasa sa


tingin ko tama sila. Duwag na kung duwag pero hayop. Nakakatakot 'tong
isinalang ni Nate, eh.

"Shit. Damn this movie. It's scary," bulong ko nang magulat na naman ako.

Napailing si Hailey at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sahig at


pinaayos ako nang upo saka umupo sa tabi ko.

"Kung inadmit mo lang noong simula palang na takot ka, edi simula pa lang
din tinabihan na kita para mabawasan 'yong takot mo. Pinapairal pa kasi
ang ego. Takot naman ayaw pang aminin."
Sa halip na sumagot, hindi na lang ako nagsalita. Tama naman kasi siya.
Bakit ko pa dedepensahan ang sarili ko kung alam ko naman na mali na ako?

***

Hunter's POV

"Walang work?" tanong sa akin ni Piper. "Kaninang hapon ka pa nandito."

Nakaupo kami sa may damuhan sa bakuran ng Nerd. Pagkatapos namin manood


ng nakaantok at nakakabagot na movie, bigla na lang nag-aya 'yong mga
isip batang mga 'to na lumabas para kunyari magpipicnic. Daming alam.

"Parang sinasabi mo indirectly na umalis na ako dito."

Sinamaan niya ako ng tingin at saka nang-irap, "I'm just asking."

"Day off ko ngayon."

"Hey, I'm just wondering.. 'di ba sabi mo na you ran away from home? Do
you live alone? Or you're living kasama ng iba mong relatives?"

Tiningnan ko lang siya at hindi pinansin. Mukha namang hindi siya na-
offend sa hindi ko pagsagot sa tanong niya. Maingay ang isang 'to at
matanong. Pero alam niya kung kailan tatahimik at magsasalita. Kaya rin
niyang magtago ng sikreto ng ibang tao na para bang sa kaniya 'yong
sikretong 'yon.

Medyo malaki na rin naman ang utang na loob ko sa kaniya kaya wala
sigurong masama kung may malaman pa siyang ibang bagay tungkol sa akin.

"Mag-isa lang ako."

Kahit hindi ko siya tinitingnan, naramdaman ko 'yong mabilis na pagtingin


niya sa akin na parang nagulat siya at nagsalita ako.

Cute.

"Oh. Then you know mga gawaing bahay?"

"Hindi."

"What? Then who cleans your house? Who makes your food? Or washes the
dishes and the laundry?"

"Nagnakaw ako sa account ng magulang ko para bayaran 'yong tuition fee


ko."

"Ha?"

"Bayad na ako sa fee ko sa school. Nagtratrabaho ako para naman sa


pagkain at pangsarili kong gamit."

"Wow."

Napangisi ako sa naging reaksyon niya. Malamang masamang tao na ang


tingin sa akin nito o katumbas ng gano'n. Nagnakaw ako sa magulang ko at
ang akala niya, nagtratrabaho ako para makapag-aral at magsipag. Ngayon
siguro alam na niya na nagtratrabaho ako para sa pangsarili kong
kapakanan.
"Now I get it. You're working para may payment ka sa rent. Para makabili
ka ng foods mo and since you don't know how to cook, para na rin kumain
sa kainan kung saan man. Of course you're paying din for electricity and
water tapos para rin sa laundry since you don't know how to do that. At
that young age ang independent mo na. Siguro karamihan ng kasing age mo
wouldn't survive in that kind of situation knowing na nanggaling ka pa sa
well-off na family. It's obvious naman."

What? Seryoso ba siya? Hindi ba siya mandidiri man lang o magagalit sa


akin?

"Nagnakaw ako ng pera sa magulang ko," pag-uulit ko pa dahil baka hindi


niya narinig ang parting 'yon.

"Ginawa mo lang naman 'yon kasi you want to continue your study. You
could steal larger amount pero mukhang hindi mo naman ginawa kasi you're
working para sa needs mo. Nagnakaw ka lang kasi kailangan mo."

"Sinasabi mo ba na tama ang magnakaw?"

Umiling siya at saka ako inirapan. "It's just that kita sa 'yo ang want
mo para makapag-aral. Education is important for you and that's
admirable."

Nginitian niya ako at parang may kumiliti sa akin dahil sa ginawa niya,
"Knowing you, alam ko naman na papalitan mo kung ano man ang kinuha mo.
It's not pagnanakaw. Siguro it's more like panghihiram."

Unbelievable.

"Okay na, Pipes!"


Napatingin kami sa papalapit sa amin. 'Yong maluwag ang turnilyo.

"Nagpaalam na ko. Nakila Hailey lang naman daw tayo kaya wala munang
curfew."

"Nice," sagot ni Piper sa kaniya at nakipag-apir.

Saglit lang at nagdatingnan na rin 'yong iba dala 'yong mga pagkain at
may gitara pa.

Nagkwekwentuhan sila at kumakain naman ako. Nang mapansin kong walang


gumagamit ng gitara ay kinuha ko 'yon. Dinaladala tapos hindi naman pala
gagamitin. Sayang.

Nang nag-strum ako ng intro ng isang kanta bilang humarap sa akin si


Piper.

"That's a nice song. I don't know the lyrics though. Kabisado mo?"

Nginisian ko lang siya at nagpatuloy, ♫ Been thinking about all the days
you were right by my side. Been thinking about how you never left me
behind. And all of the things that you said to help me ease my mind. So
I'll be there when you call. Pick you up when you fall. And if you ever
get lonely, I'll be there in a heartbeat. ♫

"Wow. You have a very calm voice."

"Pasali naman kami!"

Lumapit sa amin 'yong bestfriend ni Piper at sumunod naman ang iba.


Tumigil na ako sa pagkanta pero hindi sa pag-strum.
"Warren, madalas mo 'tong tugtugin 'di ba? Sample!" sigaw pa niya.

Napailing 'yong basketball player pero kinuha ang isa pang gitara at
sinabayan ako sa pagtugtog at saka siya kumanta, ♫ Been travelling this
road for so long. We're still going strong 'cause without you here I'd be
nothing. Nothing at all. Even when times are bad you believed in me and
now I'm standing tall. And I just wanna thank you for sticking through it
all. ♫

***

Nate's POV

♫ This song is for you. For everything we've been through. It's been so
long overdue.. I just wanna say thank you. ♫

Pagkatapos na pagkatapos kumanta ni Warren, nakita ko ang pagsulyap niya


kay Piper at kay Hailey. Samantalang ito namang si Guevarra, kung hindi
lang siguro maganda ang anggulo ko ngayon, baka hindi ko nakita 'yong
ginawa niyang pagsabay sa thank you ni Warren at sumulyap pa kay Pipes.

Halimaw mga 'to.

Ano ngayon kami ni Tamara dito? Props? Dagdag audience impact? Bwisit
'tong mga 'to.

***

Song title: Thank you by Jason Chen


=================

Chapter 43: Pikon

Hailey's POV

Sinugod ko si Nate sa bahay nila para magpasamang kumain. Game naman siya
kaya isang ayaan lang nakaalis agad kami.

"Libre mo 'to, ha."

Napapairap na lang talaga ako dito kay Nate. Ang yayaman yaman naman
niya. Hindi naman siya nauubusan ng pera. Kaya lang di ko gets kung bakit
sobrang kuripot niya. Wala namang kuripot sa pamilya nila.

"Kalalaking tao nagpapalibre."

"Nananahimik kasi ako sa amin tapos bigla kang mag-aaya."

"Sige, umuwi ka na."

"Sige. Ingat ka na lang," sagot naman niya.

Magpapakipot lang 'tong lalaking 'to. Babalik 'to for sure. In 3, 2, 1..

"Hindi mo ba ako pipigilan? Pilitin mo kaya akong samahan ka?"

Hindi ko talaga alam kung maiirita ako o matatawa sa lalaking 'to?

"Arte mo, Nate."

"Iisipin ko na lang na walang nangyari. Tara na."

Baliw talaga.

Nagpunta kami sa resto ng bestfriend ng tita ni Nate. Favorite ko talaga


ang mga pasta nila dito. Saktong sakto sa cravings ko.

Pumwesto kami sa isang table at naghintay ng lalapit para kuhanin ang


order namin.
"Tammy!" sigaw ni Nate kaya napatingin sa amin ang ibang customers.

Sinipa ko ang paa niya at tiningnan ng masama, "Wow, Nate. Hindi


nahihiya? Sisigaw lang talaga sa public place? Tubuan ka naman ng hiya.
Please lang."

"Sorry naman," sarkastikong sagot niya. "Dito pala nagtratrabaho si


Tammy?"

"Ha? Sinong Tammy?"

"Tamara," nakangiti niyang sagot na para bang sobrang naaaliw.

Since when nagkaroon ng nickname si Tamara? Pauso talaga 'tong si Nate.


Lahat na lang binigyan ng nickname. Hails, Pipes, Guevarra. Tapos Tammy
naman ngayon.

"What's up with you and giving nicknames? Si Warren na lang ang hindi mo
binibigyan ng nickname, ha."

"Sinubukan ko na. Triny ko ang Evans kaya lang minsan si Tito Xander ang
humaharap. Kaya iniba ko. Ginawa kong Wars kaya lang minsan kapag
tinatawag ko siya tapos naririnig ng ibang tao ang sama ng tingin sa akin
ng ibang tao. Akala ata naghahamon ako ng gera."

Oh, so that's explain it. Gets ko na kung bakit wala si Warren.

"Okay, fine. Kumain na lang tayo kasi seryoso gutom na ko."

Hinintay namin na may lumapit at kumuha ng order namin. Saktong si Tamara


naman ang kumuha.

Tinanong namin siya kung gaano na siya katagal dito. Ito kasing babaeng
'to kapag hindi mo tinanong, hindi magsasalita.

One week na rin pala siyang nagtratrabaho at si Piper ang tumulong sa


kaniya sa pag-aayos. Malakas kasi ang charm ni Piper kaya madali niyang
maipapasok si Tamara dito. Magaling din kasi ang persuasive skill niya.
Bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya. Parang siya 'yong anak ni
Aphrodite na demigod.

"Thanks, Tammy," pahabol ni Nate nang makuha na ni Tamara ang orders


namin.

"Kadiri. Huwag mo kong tawagin niyan," inis na sagot ni Tamara sa kaniya.


"Sungit mo naman. Reklamo kita kay Tita Marga, eh. Respect the
customers," lalong pang-iinis pa nitong isa.

"Respect my name. Respect begets respect. Bwisit 'to. Makalayas na nga,"


irap sa kaniya ni Tamara.

Natulala na lang si Nate at hindi na nakasagot hanggang sa makaalis si


Tamara. Hindi ko na mapigilan ang mapatawa sa naging reaksyon niya.

"Ano.. supalpal ka, 'no?"

Napailing siya. "Anong ibig sabihin ng begets?"

"Bwisit ka talaga." Tawa lang ang isinagot niya

Habang naghihintay ng order, kung anu-ano ang dinadaldal niya. Minsan di


ko na gets pero since ako ang nag-aya sa kaniya dito, dapat lang
pagtiyagaan ko siya.

"Oo nga pala.. Nasaan sila Warren at Pipes? Bakit di natin sila sinama?"

"Wala - "

"Nako. Nako. Parang alam ko na 'to. Sinadya mong hindi sila isama kasi
gusto mo akong masolo. May crush ka sa akin, ano."

"You're delusional." Napasimangot siya sa sinabi ko. "Nagpasama si Tita


Ayu kay Piper tapos si Warren may practice."

Tiningnan niya ako ng nakakaloko at biglang ngumisi, "Paano kung


magkasama pala silang dalawa? Paano kung nag-date?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Nang-iinis na lang 'to, eh.

"Ano naman masama?"

Tinitigan niya pa ako at parang nakakaloko na kaya sinamaan ko na siya ng


tingin.

"Weh? Walang katiting na selos?"


"Nate, sabi ko na nga di ba.. tapos na ko sa stage na 'yan. Bestfriend ko
silang dalawa. Kahit mag-date sila, okay lang."

Okay nga lang ba talaga?

Napailing ako sa naririnig kong tanong sa utak ko. Bwisit 'to, ha.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ganoon ata tawag diyan? Naririnig ko


'yang sinasabi nila Mama."

"Huh?"

"Wala. Pero joke lang 'yon. Kasama nga ni Tita Ayu si Pipes. Katext ko."

Malakas talaga trip ni Nate. Hay, nako. Sa susunod hindi na siya ang
isasama ko.

Sa sobrang lakas ng trip niya, kada dadaan si Tamara ay iniinis niya.


Siguro 'yong mga pang-iinis niya na 'yon 'yong way niya para maipakita na
close or kumportable na siya sa isang tao.

Dumaan na rin kami ni Warren at Pipes sa pang-iinis ni Nate. Normal na


talaga sa kaniya 'to.

"Huwag mang maingay, tingnan natin kung mali mali 'to," bulong niya at
itinuro ang papalapit na si Tamara.

"Tigilan mo na nga si Tamara. Nagtratrabaho 'yong tao ginugulo mo."

"Last na 'to. Promise."

Nakatalikod si Nate at palapit na ng palapit si Tamara. Tumingin ulit si


Nate at tumalikod kaagad. Kinuha ni Tamara at inilagay sa tray 'yong mga
pinagkain ng nasa kabilang table.

"Tagal."

Lumagpas na siya sa amin kaya habang nakatalikod siya ay ginulat siya ni


Nate at hinawakan sa balikat. Nagulat si Tamara kaya nag-slide ang tray
sa kamay niya.

"Shit, Nathan!"

"Hala. Sorry."
Nagpulot 'yong dalawa at tinulungan ko sila.

"Ako na," inis na sabi ni Tamara.

"Tulungan ka na - "

"Ako na nga kasi sabi."

"Tammy - "

"Ang kulit mo naman, Nathan! Sabi ngang ako na lang! Mamaya mapagalitan
pa ako lalo dahil sa 'yo! Ako na nga lang. Ako na lang. Saka huwag mo nga
akong tawaging Tammy. Hindi naman 'yan ang pangalan ko.."

"Tinutulungan lang naman kita, eh."

"Kasalanan mo naman kasi 'to. Nanahimik ako dito tapos nanggugulo ka."

"I said I was sorry."

Nag-aaway na ba talaga 'to?

"Maaayos ba 'tong mga nabasag dahil sa sorry mo?"

Sinamaan ng tingin ni Tamara si Nate at ganoon din si Nate kay Tamara.


Geez, these two. Unlike sa ibang asaran nila mukhang napikon na nga
silang dalawa.

"Guys, chill lang kayo parehas. Walang mangyayari kung papairalin niyo
init ng mga ulo niyo."

"Sa kaniya mo sabihin 'yan," inis na sagot ni Nate at saka hininga na ang
bill namin sa ibang server.

Sa sobrang inis niya pati 'yong kinain ko binayaran na niya. Kanina lang
nagpapalibre siya tapos ngayon..

"Tara na, Hailey."

"But si - "
"Sige na, Hailey," sabi sa akin ni Tamara at saka siya tumayo dala 'yong
mga nabasag.

Bakit ang init ng mga ulo nila?

***

Nang makauwi kami ay nakasalubong namin si Warren na mukhang kakauwi lang


din. Papasok na sana siya sa bahay nila nang makita niya kami ni Nate.
Lumapit siya sa amin at saka kami binati pero tinanguan lang siya ni Nate
at tumuloy sa bahay nila.

"Anong nangyari do'n? Magkaaway kayo?"

"Hindi. Sila ni Tamara."

"Ha? Anong nangyari?"

Kwinento ko sa kaniya lahat ng nangyari magbuhat sa pagdating namin sa


resto at pagtawag ni Nate kay Tamara ng Tammy. Pati na rin 'yong
pangungulit ni Nate hanggang sa may nabasag na nga na mga gamit at ang
naging sagutan ng dalawa.

"Ang init ng ulo nilang dalawa. Akala ko nga magkakaroon na naman ng


gulo."

Napailing si Warren at tumawa, "Mas suplada si Tamara kanina. Baka


napikon lang naman sa mga hirit ni Nate. Si Nate kaya siguro gano'n dahil
na lang sa ego or baka napikon na rin sa mga sinabi ni Tamara sa kaniya."

"Ang kulit kasi ni Nate ayaw paawat. Ang harsh naman ng naging approach
ni Tamara."

"Magiging ayos din ang dalawang 'yan. Konting araw lang balik na sila sa
dati."

"I hope so. Nga pala, kamusta practice?"

Nag-unat siya at umupo sa may harap ng bahay namin. Tumabi ako sa kaniya
at inilahad niya ang kamay niya.

"Gagawin ko diyan?"

"Pakimasahe naman, please. Nangawit ako kanina."


Inirapan ko siya pero kinuha ko pa rin ang kamay niya saka 'yon minasahe
kahit hindi ako marunong.

"Malapit na tournament. Isa't kalahating buwan na lang."

"Goodluck. Kayang kaya mo naman 'yan."

"Namin."

Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya at parang proud na proud sa hindi


ko malamang dahilan.

"Hindi ko kaya ng ako lang. Kaya ko kasi nandiyan ang teammates ko.
Teamwork ang kailangan namin."

Napangiti ako at nakikita ko siyang masaya.

"Alam mo.. hanggang ngayon bilib pa rin ako kasi hindi mo tinalikuran ang
teammates mo."

"Mahalaga para sa akin ang loyalty. Kaya ayokong talikuran sila. Gusto
kong maging loyal sa kania."

"Naks. Loyalty."

Natawa siya at nagkamot ng batok na halatang nahihiya, "Believe it or not


naging loyal din ako sa friendship natin apat kahit noong mga panahong -
"

"I know. Sa sobrang loyal mo sa akin hindi mo sila kinausap kahit gusto
mo. Sa sobrang loyal mo kay Nate never ka nagsalitang hindi maganda laban
sa kaniya at ex groupmates niya. Sa sobrang loyal mo kay Piper, after all
those years, hindi ka sumuko."

"Thanks. Kasi nakita mo ang mga bagay na 'yan."

"Your loyalty is admirable, Warren. Kaya swerte kami to have you as our
friend pati na rin ang teammates mo to have you as their friend and most
especially, their leader."

Nginitian niya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.

"Speaking of leader. I heard isa sa leader ng student government ng


university nila si Kuya Zane."
"Ayon nga rin ang pagkakaalam ko."

"Kailan kaya 'yon magpapakita dito?"

"Tanong natin kila - "

"Haileeeey!! Ala-sais na!! Pasok na!"

"Sige na. Sumisigaw na si Tita Sab. Pasok na rin ako sa amin bago pa
sumigaw si Mommy. Bukas na lang, Hails. Bye!"

"Bye. Ingat."

Wait. What? Ayan lang naman siya sa kapit-bahay. Kung makasabi lang ng
ingat. Way to go, Hailey Alonzo.

=================

Chapter 44: Busted

Piper's POV

Someone's in a bad mood, Hailey texted me. I wonder who and why.

I'm too lazy to type kaya I decided to Factime her.

"Who? What happened?"

"Nate. Nagkaroon sila ng sagutan ni Tamara."

"Maybe he went overboard and pissed Tamara."

"Yup. Kaya napagsalitaan siya ng hindi maganda ni Tamara. Hindi siya


nagsasalita habang pauwi kami. And guess what.. nalibre niya ako ng di
oras sa pagkainis niya."

I laugh at the thought of Nate paying for Hailey's part. That's so not
him. Being his bestfriend, ako lang ang nagagawang magpalibre sa kaniya.
And whenever he's in a bad mood or in a rush, napapagastos na rin siya
without him making it a big deal.

"Sometimes, I'm happy kapag naiinis siya. At least nababawasan


pagkakuripot -- I mean, frugal, as he says -- niya. So, tell me the
details."

The whole time na nagkwekwento si Hailey, tango lang ako ng tango. When I
can't help it, natatawa na rin ako. My guy bestfriend is such a kid
sometimes.

"Must be because of his ego kaya nagkaganoon si Nate. All he wanted to do


is to have fun kaya lang lumagpas siya sa limit kaya nakapikon siya at
napikon na rin siya. I'll talk to him."

"Parehas kayo ng sinabi ni Warren."

"Really? I don't know. Ayon kasi ang first thought na pumasok sa isip
ko."

"I haven't thought of it that way. Akala ko lang na-offend siya dahil sa
sinabi ni Tamara. Lagpas ang usapan ng ego."

"That may be possible rin. Who knows what he's thinking. Magulo rin naman
'yang si Nate."

I heard on the other line Tita Sab's voice. She's shouting Hailey's name
and asking her to help her with something.

"Pipes -"

"I heard her," I said and laugh. "Sige na. Talk to you next time. I'll
talk to Nate muna."

"Okay. Bye."

When we ended the video call, nagpunta ako sa may veranda ng room ko.
Magkatapat ang room namin ni Nate kaya kinuha ko 'yong maliliit na stones
na nasa may pot and throws it at Nate's window.

I could have called him, instead, duh. Why am I doing this?

I was about to go inside my room and call him when I heard a click. He
must be opening his window kaya huminto ako at humarap ulit sa bintana
niya. And I was right. Nakasilip nga sa bintana si Nate.
"Anong -- "

"I heard something happened," ngisi ko sa kaniya.

Napasimangot siya sa akin at nagkamot ng batok, "Si Hailey nagsabi, ano?"

I shrugged. Mukhang nahihiya siya kaya realization hit me.

"You're not badtrip, are you?"

Pilit 'yong smile niya. Hindi 'yong pilit na naiinis, but pilit na
nahihiya.

"Mga 5 seconds lang siguro."

"And the remaining minutes or hours, nahihiya ka na lang. Right?"

Napakamot na naman siya sa batok niya and that confirms it.

"Nate. Nate. Nate. What made you think kasi na she'll tolerate your
kakulitan. And take note, habang nagtratrabaho siya. She's serious about
working kaya because she really wants to help her family. Inisin mo na
siya anytime huwag lang kapag nagwowork siya."

"Nalaman ko na nga 'yan kanina. Halatang iritang irita siya. Nabadtrip


ako syempre sa sinabi niya kasi tinutulungan ko na nga siyang magligpit
kahit customer ako tapos sisigawan lang niya ako at sasabihan ng hindi
maganda."

"But? I know may karugtong 'yang gusto mong sabihin."

"But I realized that everything is my fault. Hindi ko dapat siya kinulit


kasi nagtratrabaho siya. Wala sa lugar, eh."

I smiled at him. I'm so proud sa kaniya kasi he knows and he admits kung
mali siya. And he knows kung anong fault niya.

"Kaya lang, bakit naman parang ang OA ng reaksyon niya? Inis na inis,
eh." Pagsimangot ulit niya.

"Maybe she hates your existence?"


Lalo siyang napasimangot kaya I ended up laughing, "Joke lang. Hate is a
big word. Baka ano lang.. she's going through something? Or.. maybe
sadyang nakakainis lang ang ginawa mo kasi she's working and stuff tapos
nanggugulo ka. And! Do you know na bawas sa employee na nakabasag ang mga
nabasag niya? Cut sa sweldo niya 'yon."

"Ang dami namang rason niyan. Paano ko malalaman kung alin rason niya
diyan?"

"I-assume mo na lang na all of the above ang answer."

He frowned, "It's not nice to assume things. It might lead to


misunderstandings."

"Well, yeah. You've got a point there."

"Gusto kong mag-sorry. Kaya lang kung magsosorry ako, gusto ko alam ko
ang ikinasosorry ko. Hindi maganda kung magsosorry lang ako dahil sa
tingin ko kailangan kong gawin 'yon. Kahit hindi ko alam kung bakit."

"Ask her, then."

"Dyahe."

"Eh di find someone who's same case sa kaniya and ask that person kung
ano ang ikaiinis niya."

"People have different personality and different ways on how they'll


react to things, you know."

"Then wala ka ng choice. Ask her yourself. To stop complicating things,


the best thing you could do is to ask her what's wrong - what made her
mad. After that, saka ka magsorry. At least alam mo na 'yong reason mo
for saying sorry 'di ba? Hindi sorry na labas sa ilong."

Napanguso siya pero napatango rin, "Sige. Magsosorry ako kapag nag-
community service na tayo. Kasalanan ko naman."

"Don't blame yourself. Yes, you've made a mistake but at least you know
that what you did was wrong and you're willing to correct it."

"Hindi ko talaga alam gagawin ko kung wala ka," he chuckled.

"I know you can't live without me. Para saan pa at ako ang super
bestfriend mo."
***

"Piper? Nate?"

We stopped walking nang may tumawag sa amin. Nang tingnan namin 'yon,
Nate and I shouted in unison.

"Ate Keila!/Kuya Kean!"

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba school hours pa ngayon?"

Nagkatinginan kami ni Nate and we both smiled sheepishly. Napangiti si


Kuya Kean dahil sa ginawa namin, "Astig! Cutting kayo, ano? Ano 'yan
date?"

Nagkatinginan ulit kami ni Nate and we both laughed to death. Me and


Nate? On a date? I can't imagine.

"Baliw ba ang mga 'to, babe? O sinasaniban lang ng masamang elemento? Ano
sa tingin mo, gagamitin ko na ba 'yong relo at magtratransform na ako
para mapuksa ang - "

"Magitigil ka nga, Kean. Alien ka talaga. Mukhang mas may tama ka pa sa


ulo kaysa sa dalawang 'to."

"Nagsusuggest lang naman."

When I caught some air na ulit, I composed myself.

"We're not dating. We're just bestfriends. No more. No less. We're here
kasi.. ano. We were caught on some fight. Kaya they suspended us."

"Ah," Kuya Kean answered.

"We want to eat something cold din. Kaya we're looking for a place to eat
sana. Do you have any suggestions?"

"Ah," Kuya Kean said.. again.

Napakunot ang noo ko and I saw Ate Keila elbowed him. "Wala ka na bang
iba pang kayang sabihin?"
"Meron naman sana. Ayon ay kung may naintindihan ako sa sinabi niya. Eh
wala naman. Nakakadugo na ng ilong, nakakadugo pa ng utak," Kuya Kean
stated.

Inirapan siya ni Ate Keila kaya lumapit na lang si Kuya Kean kay Nate at
ipinakita 'yong watch na binigay ni Nate last time sa kaniya. I overheard
din something about him transforming into aliens and stuff I don't even
understand.

"They're weird," bulong ko kay Ate Keila.

"Sinabi mo pa. Nga pala, may sinuggest sa akin 'yong kakilala ko na


masarap na café around the area. Gusto niyong i-try? Tara?"

"Sure!"

We decided to walk hanggang sa sinasabi ni Ate Keila. We were so busy


chatting kaya hindi ko na napansin kung saan kami pumupunta. Hanggang sa
napahinto na lang ako nang makita kung ano ang café na sinasabi niya.
It's Tita Cass' café. So it means na he's here.

But please sana he's not here.

Super excited si Nate nang makita niya kung nasaan kami and he almost
push us habang papasok sa loob.

I was trying to search for Hunter since he's working here, but luckily,
wala siya. I excused myself sa kanila and told them na I need to go sa
restroom, but instead going there, I asked some staffs if they saw
Hunter.

"Nasa may likod po, Ma'am Piper."

I asked a piece of paper and a pen. Sinulat ko na I'm here sa café and
I'm with Nate and that I never intended to go here in the first place
kaya lang wala na akong nagawa. And it's better kung nasa may likod lang
siya until lumabas kami ng café para hindi malaman ni Nate na he's
working here.

After I wrote all of it, I asked one of the staffs to give it to Hunter.

Nang makabalik na ako sa table namin, there are foods na. It looks like
they're talking about something din.

"Bukod kasi sa mga kaibigan ko, ito lang talaga ang unang beses na may
napikon sa kakulitan ko. Kaya hindi ko alam kung paano talaga
magsosorry." Oh. This is about Tamara pala.
Uminom si Kuya Kean ng frappe na binili niya at saka 'yon binagsak harder
than normal, "Dali dali naman niyan. Lapitan mo siya, kalabitin mo tapos
sabihin mo.. sorry. Eh di tapos usapan."

"Anong klase 'yan? Ganito.. Just make her feel that you're sincere with
every words you say. You mean what you say and you say what you mean.
Hindi pilit. Hindi parang obligado. Kusang loob."

"Nahawa ka na ata sa pag-eenglish ni Piper, ha?" Pagsingit ni Kuya Kean.


"Nako, babe. Siguraduhin mo lang na ngayon lang 'yan, ha. Mahirap na.
Baka mabaliw pa ako kapag kausap ka."

Kung anu-ano ang tinuturo ni Kuya Kean kay Nate and Nate looks like
genuinely happy sa mga naririnig niya. Parang he found an older brother
na kagaya niya ang takbo ng utak kaya he's happy.

As for me and Ate Keila, we're talking about random things. Sometimes she
asks for my opinions about certain topics. Parang I found an older sister
in her na rin.

After almost an hour, Ate Keila and Kuya Kean decided na umalis na. I was
about to ask Nate na umalis na rin kaya lang he's so makulit at ayaw
umalis.

I had no choice kaya sinamahan ko na lang siya mag-stay.

"Maaga pa naman 'di ba? Try nga natin papuntahin sila Hailey at Warren
dito. Baka sakaling pwede na sila."

He was about to type on his phone na kaya lang mas mahirap kung marami
kami dito. Higher ang chance na may makakita kay Hunter kaya my hand
moved on its own.

Bigla ko na lang kinuha ang phone ni Nate and I accidentally bumped the
server sa left ko. Natapon 'yong frappe sa akin. Some of it ay napunta sa
shirt and shorts ko. May mga talsik din sa face ko and even sa left part
ng hair ko. Pati na rin sa left arm ko.

Dang! I'm a mess.

"Hala. Anong nangyari sa 'yo, Pipes?" Tumayo si Nate at nagmamadaling


lumapit sa akin.

He kneel sa right side ko, the one that's clean and walang frappe. He
searched for his handkerchief sa pocket niya since ubos na ang tissue sa
table.
As for the server, she keeps on saying sorry even though none of it was
her fault. I asked her to get me some tissue nalang.

"May talsik ang phone mo," I told Nate pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Pakialam ko diyan? Talsik lang 'yon, hindi pa sira. Ikaw nga 'tong
naligo sa frappe. Bwisit naman, nasaan na ba 'yong panyo ko?" Parang
nagpapanic siya while searching for his handkerchief.

I tried to lighten up the mood, "At least frappe lang 'tong natapon sa
akin. It could have been worse. A coffee or something hot. Burn pa abot
ko no'n"

Hindi naman niya ako pinansin and it looks like he'd given up searching
for his panyo.

He leans closer and hahawakan na sana ako sa mukha when I felt someone's
palm on my face. But the thing is, hindi iyon kay Nate.

Napatingala ako and I saw Hunter in front of me. He's holding my face and
trying to wipe away some frappe.

"Tanggalin muna natin 'to saka ka pumunta sa restroom."

"Guevarra?! Anong ginagawa mo dito?! Bakit ka - "

Hindi niya pinansin si Nate. He took his bimpo then he held my arms saka
niya pinunasan 'yong ibang tumalsik sa arms ko.

I look like a kid. He looks like my babysitter.

"O," abot niya sa akin ng bimpo niya. "Maglinis ka na sa restroom."

Tumango ako at nagpunta na nga lang sa restroom.

Hindi naman mainit ang tumapon sa akin, but why do I feel like my face is
burning?

I dismissed the question na lang and splashed water sa face ko. I


sprinkled water on my arms din. I'm trying to clean my shirt and shorts
din kaya lang wala na akong choice but basain ang part ng natapunan.
It's easier to make an alibi as to why my shirt is wet rather than
explaining why I'm covered with frappe.

Once I'm done, wala na si Hunter sa may table. Si Nate na lang ang
nandoon and the server na nabunggo ko.

"Sorry kung nabunggo kita. You're cleaning tuloy the mess I made."

"Ayos lang po, Ma'am Piper. Pasensya na po at natapon ko sa inyo ang - "

"Fault ko naman 'yon. No need to say sorry."

Nang tingnan ko si Nate, his arms are crossed at mukhang he's craving for
some answers.

"I know you want to say something. Go ahead."

"Bakit nandito si Guevarra? Nagtratrabaho ba siya dito? Kung oo, bakit


siya nagtratrabaho? Ikaw ba nagsuggest sa kaniya ng lugar na 'to? Matagal
mo na bang alam na nandito siya? Kaya ba kanina mo pa ako niyayaya umalis
kasi nandito siya at baka malaman ko 'yon? Prinoprotekta -- "

"Woah. Woah. Woah. Easy. One by one lang."

"Sige. Bakit na lang -- "

He was cut off nang may umupo sa vacant chair namin. Si Hunter.
Nakacasual na damit na siya. Maybe tapos na ang work niya?

"Nagtratrabaho ako dito kasi wala akong pera. Alam niya. Ayos na ba? Kung
oo, pwedeng umuwi ka na? Hihiramin ko muna si Piper."

"Anong hihiramin? Uuwi na kami ni Piper at mukha siyang basang sisiw."

Hunter took off the jacket he's wearing and put it on my shoulder, "Suot
mo muna 'yan," he told me and faced Nate again. "Okay na?"

He didn't wait for his answer. Instead, hinawakan niya ako sa may wrist
ko, kinuha ang bag ko and sinama na ako palabas ng cafe.

Where are we going? More importantly, what's with him?


***Note: Most of you familiar naman na kay Kean and Keila. Kung hindi
naman, sila ang characters ng Destined by blue_maiden. :)#TTWTR ulit
tayo. Lemme know your thoughts sa chapter ng PiTer/PiNat. Haha

=================

Chapter 45: Shooting Star

Piper's POV

"Where are we going?" I asked but he didn't even bother to stop and look
at me.

Nagtuloy tuloy lang siya. He's still carrying my bag. And yes, siguro it
is somehow chivalrous. Kaya lang whenever I'm looking at his hand holding
my wrist and dragging me to some place, nabubura 'yong thought ko about
him being courteous.

"Are you going to kidnap me or something?"

That made him stop. He faced me, "Oo. Manghihingi ako ng ransom sa
magulang mo. May pagkakataon ka pang tumakas habang marami-rami pang tao
ang pwedeng magligtas sa 'yo."

His face is so serious and there's nothing new about that naman. Hinila
ko ang kamay ko and raised an eyebrow at him, "Funny. Ha. Ha. Ha. Ayan,
natawa na ako. So will you answer my question na ba? Truthfully, ha."

"Who said I was joking?"

"Me. Don't even try to defend yourself or make another excuse. Now,
answer me. Saan tayo pupunta?"

Hindi na naman niya ako sinagot. He's just looking at me with a funny
look.

"Fine," I told him and snatched my bag away from him. "Umalis ka mag-isa
mo."
"Piper," he called before I could even take a step. "Jacket ko."

I rolled my eyes at him. I was about to take his jacket off when he moved
closer and stopped me from taking it off. He even fixed it and took my
bag away from me again.

"Doon sa may likod ng dalawang rooms na nilinis at pininturahan natin


dati."

"Sasagot din naman pala," I whispered. "Why are we going there?"

"Pwedeng huwag ka na lang magtanong?"

Hihilahilahin niya ako to some place I don't even know.. of course I'll
be curious and ask questions. That's given already. Obviously, he doesn't
know that.

Fine, then. I'll shut up. I won't talk to him. I won't say anything.

Sumakay kami sa jeep and I took my bag from him na. I checked my phone
and saw 5 messages from Nate. On the first three messages, he just asked
me where we are going. Sa fourth message naman, he told me to go home
safely. He's not worrying naman daw because alam niya na si Hunter naman
ang kasama ko. I'm quite touched. Really. But then I've read his last
message. He's asking me tons of questions like why do I know na Hunter
needs a job, why did I help him to find one and the likes. He's such a
nosy guy.

"Makikisuyo ng bayad. Dalawa. Diretsyo," I heard Hunter said.

Naglabas ako ng money and sinubukan kong ibigay 'yon sa kaniya as a


payment on my behalf kaya lang he refused to accept it since he was the
one who drag me here naman daw.

When we reached our destination, he's not dragging nor holding my bag for
me anymore. We're just walking side by side quietly. Hindi na ako
nagtanong 'cause I know hindi naman siya sasagot.

Nagpunta kami sa place where I first saw him smoking. We sat under the
same tree. Neither of us is talking. Parang patatagan 'to. Whoever speaks
first loses.

"Gusto kong mag-yosi "

Yaaay! I won! Pero wait lang. Yosi? That's bad for someone's health.
Kulit!
Sinamaan ko siya nang tingin.

"Gusto ko lang naman. Hindi ko sinabing gagawin ko."

After that, binalot na naman kami ng katahimikan. Nagforward ako ng


konti. Nakaindian seat ako habang nagbubunot ng grass.

After I don't know how long, naramdaman ko na lang na nakasandal na ang


ulo ni Hunter sa likod ko.

Wait.. he's more silent than usual. Ang lata rin niya. He also wants some
cigarette. I think he has a problem, hasn't he?

I was about to ask him what's wrong when he said, "Five minutes. Just
give me five minutes." So, I gave him what he wanted. Five minutes. But I
don't really care if he asks for more. Mukha naman siyang may problema.

Naeenjoy ko ang silence nang umayos na siya ng upo, "Thanks." Bumalik na


rin ako sa place ko kanina - beside him.

"Anong problema?" He let out a deep sigh. "It's okay if hindi mo


sasabihin. Baka maging uncomfortable ka lang. But I want you to know that
I'm willing to listen. So if you need someone to - "

"Tinawagan ako ng mama ko."

Oh. Family matters.

"Pinapabalik niya ako sa bahay nila pero asa pa siya."

"Uhh. If it's not too much to ask.. but why.. uhm. I.. "

"Bakit ako naglayas?" He chuckled at ginulo ang buhok ko. "You can ask me
anything, Piper. If it's you I don't mind."

My heart fluttered a bit because of what he said. Damn. This heart-


fluttering moment is confusing me. But I should put whatever this is
aside and listen to his story muna.

"Maniniwala ka bang mabait ako noon at palagi akong nasa top?" tanong
niya.
I know it's a rhetorical question. But, oo. Oo, naniniwala ako. He's a
good boy then, he's a good guy now. Siguro he's just acting tough and I
don't know why.

"Noong nag highschool ako, ang sigawan ng magulang ko ang alarm clock ko.
Kapag gabi naman hindi na sila nagtatalo. Syempre parehas kasi silang
wala sa bahay. Overtime siguro o kung saan mang lupalop naglalagi.
Madalas ako lang mag-isa."

Seryoso lang ang voice niya, but I could feel the sadness in it.

"Ilang taon silang nagtalo hanggang hindi na kinaya ni papa at gusto na


kaming layasan. Sumasama ako sa kaniya kasi mas gusto ko siyang kasama.
Kasi gusto ko habang tumatanda ako nandiyan siya. Kasi idol ko siya. Kaya
lang ayaw raw niya. Ayaw raw niya sa akin. Sabagay, hindi ko rin naman
siya masisisi. Ka-ayaw-ayaw naman talaga ako," he chuckled but I know
he's hurting.

He's sad. Dama ko ang sakit sa pagkwekwento niya. Parang pati ako
nasasaktan para sa kaniya.

"Pagkatapos ng isang buwan, lumipat kami ni mama ng bahay. Lumipat kami


sa bahay ng ipinalit niyang lalaki kay papa. Tangina. Isang buwan lang
may bago agad?! Tapos nalaman ko na may anak 'yong lalaki. Tatlong taon
lang ang tanda ko sa kaniya. At alam mo kung ano ang nakakainis?"

Napailing siya at nangingiti. "Anak ni mama 'yon sa kabit niya. Ang tagal
na niya palang niloloko si papa. Kaya nagrebelde ako. Away dito, gulo
doon. Umuuwi akong marumi at may dugo. Lagi lang ganoon. Hanggang napuno
na sila. Pinapalayas na ako sa bahay. Bumili raw sila ng condo, doon na
lang daw ako. Tutustusan daw nila financial needs ko huwag lang ako mag-
stay sa kanila."

He's so angry. Halata. Sobra.

"Ang rason nila kasi raw bad influence ako doon sa anak nila. Hindi raw
maganda na makita niyang may kapatid siyang kagaya ko." Napailing na
naman siya, "Eh tarantado pala sila. Ako naninira lang ng mukha. Sila
pamilya ang sinira nila. Mas matindi sila! Kaya naglayas ako, bahala
sila. Huminto ako sa pag-aaral kahit graduating na ako. Nagtrabaho ako.
Kaya lang naisip ko na gusto kong may marating. Hindi pwedeng masira lang
ang buhay ko dahil sa galit ko sa kanila. Kaya patago akong bumalik sa
bahay nila para magnakaw pang tuition. Babayaran ko rin naman sila hindi
nga lang ngayon."

So that explains it. Kung bakit nagstop siya kahit graduating na. Kung
bakit naglayas and kung bakit he's living alone.
"Tapos ngayon, papabalikin nila ako doon? Ha. Asa pa sila. Huwag na
lang." He threw the stone that he saw on the ground. "Nakakatangina
talaga."

I don't know what to say. I don't know if I should say anything. Gusto
kong pagaanin ang loob niya kaya lang I'm afraid I might say the wrong
words. Instead of lifting him up, baka mas mapasama ko lang loob niya.

Napahinga siya ng malalim and my hand moved on its own. I gently tapped
his head na para bang bata. Napatingin siya sa akin, looking confused
dahil sa ginagawa ko. But instead of saying anything, nginitian ko na
lang siya.

My mom once told me.. Kung natatakot kang magsalita dahil baka may masabi
kang mali, idaan mo na lang sa gawa ang gusto mong sabihin hanggang sa
maparamdam mo sa taong 'yon ang gusto mong iparating.

I want to make him feel that I'm here, I'm willing to listen. Sana nagawa
kong iparating sa kaniya 'yon.

Nakahiga kami sa may damuhan for I don't know how long. We're talking
about random stuff tapos matatahimik kami tapos mag-uusap ulit. We're
losing track of time.

Hanggang sa magdilim na at maglitawan na ang stars.

"Never pa ako nakakita ng shooting star," I said.

"Bakit, gusto mo bang mag-wish?"

"Not really. I just want to see one. I don't really believe kasi na
magkakatotoo 'yung wish mo just because of a star. Bakit, ikaw ba?
Naniniwala ka ba na nagkakatotoo ang wishes sa stars?"

"Hindi ko alam."

We were quiet ulit until may nakita akong shooting star.

"Woah. You saw that?! You saw that?!"

I was so happy to see a shooting star and for a second I thought I had my
own world. When I looked at Hunter, our eyes met. He's staring at me
intently and he's smiling.

"What?" I asked him.


Naging serious ang face niya, but he's still staring at me. I was about
to ask him again what's wrong or what's with him when he said something.

"I think I like you."

My heart started to beat faster and slower at the same time if that's
even possible. He thinks he what?

Hindi ako makapagsalita. I don't know what to say. Ang ginawa ko lang is
to look at his eyes as he looks at mine. It's like I'm glued. I don't
know. Bago 'to sa akin.

Our bubbles burst when we heard a ringing. My phone.

"Uhm, I.. uhh. Wait," I said and answered the phone, "Hello?"

"Baka nakakalimutan mo kung anong oras na, miss? Hindi ba may curfew ka?
Nasaan ka na? Aba, Piper, hindi namin ginawa ang curfew mo para lang
suwayin."

"Sorry, mom. Nakalimutan ko pa."

"Umuwi ka na."

"Yes po."

I let out a deep sigh and put my phone back in my bag. Tumayo si Hunter
and offered his hand to me, "Tara na. Ihahatid na kita."

***

Nate's POV

Balak ko sanang sundan 'yong dalawa kasi iniwan nila akong mag-isa at
marami pa akong tanong na hindi nasasagot kaya lang mukhang hindi
papaistorbo si Guevarra. Mukhang gustong solohin si Pipes, eh. Tipo
siguro niya 'yon. Mukha namang matino si Guevarra. Kaya kung sakaling
liligawan niya bestfriend ko, approved naman sa akin.

Dahil iniwan nga nila ako, nagpalaboy laboy na lang akong mag-isa.
Hanggang sa makarating ako sa resto ni Tita Marga.
Ayoko pa sanang pumunta dito at gusto ko sanang mag-sorry kay Tamara
bukas o sa mga susunod na araw pa. Kaya lang, kung pwede ko naman gawin
ngayon, bakit ipapagpabukas ko pa?

Huminga ako ng malalim at pumasok na nga sa resto. Hindi ko agad siya


nakita sa mga nagseserve kaya nagtanong ako sa isa sa staff kung nasaan
si Tamara.

"Baka po nag-aayos na ng gamit. Tapos na kasi duty niya. Maya-maya lang


po lalabas na 'yon."

"Salamat," sagot ko sa staff at umupo muna sa isang tabi.

Malapit na ang curfew ko kaya tinext ko sila Papa at Mama.

Hi, parents. Baka po lumagpas ako sa curfew ko. Bago po kayo magalit,
gusto ko lang ipaalam na may gagawin lang akong matino. Ikakaproud niyo
po 'to, peksman. Magsosorry lang ako kasi may ginawa akong hindi maganda.
Kapag hindi po kayo nagreply within 2 minutes, ibig sabihin pumapayag
kayo na lumagpas ako ng curfew at walang sermon pag-uwi ko.

And send.

Binantayan ko talaga ang orasan kaya napangiti ako nang makadalawang


minuto na. Bigla rin naman akong may natanggap na message galing kay
Mama.

Saan ka na naman pupunta at ano na naman 'yang ginawa mo?

Lagpas ka na po ng two minutes, Ma. Maya na lang pag-uwi ko :P, reply ko


sa kaniya.

Nakita ko na rin si Tamara na papalabas na ng staff room. Mukha ngang


pauwi na siya pero nang makita niya ako ay napahinto siya. Nginitian ko
siya at lumapit sa kaniya, "May sasabihin lang - "

"Sa labas," sagot niya at hindi man lang hinintay na matapos ko ang
sinasabi ko. Galit pa rin ba 'to?

Nang makalabas kami ay tumayo lang muna kami sa may parking. Hindi siya
nagsasalita kaya napakamot na lang ako sa batok ko. Ako ang nagpunta dito
para kausapin siya kaya dapat ako na ang maunang magsalita.

"Sorry/Sorry," sabay na sabi namin.

"Ha?" tanong ko sa kaniya.


Umiling siya at tinuro ako, "Ikaw, ano 'yon?"

"Sorry. Kasi kinulit pa kita kahapon kaya nakabasag ka pa. Kaltas pa sa


sweldo mo 'yon. Kung hindi kita kinulit sana buo pa 'yong sweldo mo."

"Hindi naman ako nakaltasan. Nakita naman ni boss ang nangyari."

Mas nakakagaan sa pakiramdam na nakapagsorry ako at nalaman ko na hindi


naman pala nabawasan ang sweldo niya.

"Sorry rin kung sinigawan kita kahapon."

"Pinapatawad na kita," sagot ko sa kaniya saka ko siya tinawanan kaya


napailing naman siya. Hindi talaga tumatawa 'to. "Okay na tayo?"

Tumango siya bilang sagot. Umupo ako sa may bato sa gilid at ganoon din
siya.

"Dahil okay na tayo, pwede bang malaman kung bakit doble ang
pagkamaiinitin ng ulo mo kahapon?"

Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan pero sumagot din, "Ayoko lang
talaga na may nanggugulo sa akin kapag nagtratrabaho ako. Nakakahiya kasi
sa Tita Marga niyo. Pinasok na nga lang ako ni Piper diyan, eh. Hindi
dapat ako makigulo sa mga customer."

"Ayos lang naman 'yon kay Tita Marga."

"Oo nga pero dyahe pa rin."

"May isa pa akong tanong."

"Last na 'yan."

"Promise," sabay taas ko pa ng kamay. "Bakit pakiramdam ko inis ka sa


akin?"

Hindi niya ako tiningnan at hindi rin siya sumagot agad. Napabuntong
hininga siya at nagpangalumbaba, "Hindi naman sa inis. Makulit ka lang
kasi kaya madalas kitang matarayan. Isa pa, medyo naiinggit kasi ako sa
'yo."

"Sa akin? Naiinggit ka? Bakit naman?"


Nakayuko siya at pinaglaruan niya ang mga maliliit na bato, "Ang saya mo
kasi palagi. Parang wala kang problema. At kahit meron man, dinadaan mo
sa tawa. Masyado kang optimistic. Nagagawa mo rin i-express lahat ng
nararamdaman mo. Gusto ko rin maging ganiyan."

"Hindi ka naman pessimist sa paningin namin, ha? Lagi ka ngang may


solusyon sa mga problema. Siguro ano nga lang.. hindi ka pala express sa
mga nararamdaman mo. Pero naiintindihan naman namin 'yon kasi nga 'yong
sa nakaraan mo."

"Pakiramdam ko tuloy hindi ako masayang maging kaibigan kasi ganito ako."

Binunggo ko ang balikat niya gamit ang balikat ko, "Hindi. Cool mo kaya.
Masaya kaming kaibigan ka kahit na ano pa man 'yang ugali mo. Si Tamara
ka, eh. Swerte nga namin na naging kaibigan ka namin kaya huwag mong
isipin 'yan."

Tiningnan niya ako na parang nagtatanong kung ginugoodtime ko lang ba


siya o ano.

"Seryoso. Peksman. Swerte kami kasi pinapasok mo kami sa buhay mo. Marami
kaming natututunan nang dahil sa 'yo."

Nanlaki ang mata ko nang ngumiti siya pero hindi na lang ako nagsalita.
Baka mabwisit pa ulit 'to sa akin.

"Thank you, Nathan."

"It's Nate."

"Salamat, Nate," sagot niya at ngumiti ulit.

=================

Chapter 46: Best Bestfriend

Warren's POV
Parang binalibag ang buong katawan ko. Ang sakit. Nakakapagod.
Nakakapagod ang practice namin. Pero ayos lang kasi masaya naman. Kapag
kasi nasa loob na ako ng court iba na ang pakiramdam kaya wala na akong
pakialam kahit na sakitan man ako ng katawan pagkatapos. Worth it naman
ang lahat kaya ayos lang.

Nang makauwi ako ay ibinagsak ko agad ang bag na dala ko at humilata sa


may sofa. Ah. Ayan. Kahit papaano mas nakakarelax 'to.

"Kanina ka pa?" tanong sa akin ni mama at saka kinuha ang bag ko.
"Ginamit mo na ba lahat 'to? Ilalagay ko na sa laundry?"

"Opo. Thank you, Ma."

Pumikit ako at handa na umidlip nang bumalik si Mama, "Hinahanap ka nga


pala ni Hailey kanina."

"Bakit daw po?"

"Baka naghahanap ng kasama? Nagpunta raw kasi siyang bookstore kanina


tapos nang bumalik siya dito, hinanap niya kayo nila Nate at Piper pero
wala ni isa sa inyo ang nandito."

"Naiinip lang po siguro 'yon," sagot ko kay Mama.

Bumalik na siya sa ginagawa niya. Umupo naman ako at nag-unat. Inikot


ikot ko ang braso ko pati na rin ang paa ko. Tinanggal ko ang medyas ko
at saka iyon inilagay sa mga lalabhan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makita niya akong palabas.

"Puntahan ko lang po si Hailey."

Tumango naman si Mama at saka sumenyas na parang pinapalayas ako ng


bahay.

Nagpunta ako sa bahay nila pero ang sabi ni Tita Sab ay nag-ikot-ikot
lang si Hailey sa may subdivision. Kaya kinuha ko ang bike ko saka
nagpunta sa unang lugar na naisip ko kung saan posibleng nandoon din
siya. Sa may playground sa gilid ng clubhouse.

Hindi nga ako nagkamali. Nandito nga si Hailey. Nakaupo siya sa swing at
nakayuko habang hawak ang isang libro. Hindi naman siguro siya nagbabasa
habang nagswiswing? Parang nakakahilo kung gagawin niya 'yon. Pero sabi
nga nila, may mga weird na paraan ng pagbabasa ang mga readers. Baka isa
na 'to sa sinasabi nilang kakaibang paraan.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa bakanteng swing. Napansin lang niya na
nandoon ako nang tumunog na 'yung bakal sa inupuan ko.

"Warren," gulat niyang sabi kaya nginitian ko na lang siya. "Bakit ka


nandito?"

"Nagpunta ka raw sa amin sabi ni Mama. Wala ka rin daw kasing kasama.
Kawawa ka naman, ano? Ang loner mo?"

Nag make-face siya at saka ako inirapan, "Naiinip lang ako. For your
information, hindi ako mag-isa. Kasama ko 'to, o." Itinaas at ipinakita
niya ang libro niya sa akin.

Weird talaga nito. Weird.. but cute.

"May mga imaginary friends ka nga pala," biro ko sa kaniya kaya


nakatanggap na naman ako ng death glare niya.

"Oo. Oo, friends ko 'tong mga fictional characters na 'to sa isip ko."

"Nabaliw na nga."

"Ang sama nito. In case hindi mo alam, may mga readers talagang nag-iisip
na bestfriend nila ang isang fictional character. You know why? Kasi
minsan sobrang perfect na ng mga characters na 'yon at maiisip mo na lang
na ang cool siguro kung may makikilala kang kagaya nila sa totoong buhay.
But since wala namang kagaya nila sa real life, iisipin mo na lang na
'yung character na 'yon mismo ang kaibigan mo. Hindi sila makakapunta sa
reality kaya ikaw na lang ang tatalon sa fantasy."

Nakangiti siya habang nagkwekwento. Parang sobrang damang dama niya 'yung
sinasabi niya. Para siyang nasa loob ng isang happy bubble.

"Ah. Mukhang mas masaya ka pala na maging kaibigan 'yang mga nasa libro,
ano? Mukhang mas okay silang maging bestfriend. Kaya iiwanan mo ang
realidad para lang pumunta diyan sa - "

"Grabe 'to," kunot noong sagot niya sa akin. Pinilit ko na hindi matawa
sa naging reaksyon niya. Kunyari seryoso ako. Kunyari naiinggit talaga
ako. "Seryoso ba 'to?"

Hindi ko siya sinagot at nag-swing lang.

"Huy, Warren! Hindi nga?"


"Parang ayon ang labas ng sinasabi mo, eh. Mas pipiliin mong magpunta sa
mundo nila kasi perfect sila at masarap maging kaibigan. Parang sinabi mo
na rin na okay lang sa 'yo na iwanan ang mga kaibigan mo dito makapunta
lang sa mundo nila."

Nanlaki ang mata niya at sa totoo lang, gusto ko ng matawa pero hangga't
kaya ko pang pigilan, pipigilan ko pa rin.

"Wala naman akong sinabi na willing akong iwan ang mga kaibigan ko dito
para sa mga fictional characters. Syempre minsan nakakatempt 'yon kaya
lang mas pipiliin ko pa rin kayo. Kasi kayo ang totoo. At saka ano ba,
Warren. Pagkatapos ba talaga ng lahat ng pinagdaanan natin ngayon mo pa -
"

Napahinto siya sa pagsasalita at saka ako tiningnan ng masama, "Ang sama


mo. Nang-goo-goodtime ka na naman, eh."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko nang marealize niya na binibiro ko


lang siya. Lumapit siya sa akin at saka hinawakan 'yung bakal sa swing
para huminto 'yon at saka ako pinagpapalo gamit ang libro na dala niya.

Nang maging okay na siya ay bumalik na siya sa bakanteng swing at saka


tiningnan 'yung librong pinamalo niya, "Bwisit ka! Tingnan mo tuloy.
Nalukot na 'tong libro ko dahil sa 'yo."

"Sino ba nagsabing ipalo mo sa akin 'yan?" biro ko sa kaniya.

Sa totoo lang, sobra sobra ang pasasalamat ko dahil naging bestfriend ko


'tong si Hailey. Siya na ang best sa pinakabest. Sobra sobra na 'yan, ha.

Noong bata pa lang kami madalas kami na ang magkakampi. Sanggang dikit
nga sabi nila. Siya pa ang laging tumutulong sa akin kapag may problema
ako. Kesyo may hindi ako maintindihan sa klase, o kaya nabitin ako sa
pagkain ko, o sa tuwing natatakot ako na mapagalitan nila mama kapag may
nagagawa akong hindi maganda. Hindi niya ako iniiwan. Lagi 'yang nasa
likod.

Pero hanggang ngayon naman ganoon pa rin si Hailey. Noong nagkaroon ako
ng problema sa pagpili sa kanila at sa mga kagrupo ko, siya ang nandiyan
para pagaanin ang loob ko. Maski kapag nasasaktan ako dahil kay Piper
hindi niya pa rin ako iniiwan.

Sobrang swerte ko talaga sa kaniya. Sana hanggang dulo hindi siya magsawa
na maging bestfriend ko.

"Hailey," tawag ko sa kaniya. "Salamat, ha?"

"Ha? Para saan?"


"Salamat kasi bestfriend kita.. bestfriend pa rin kita kahit ang dami ng
nangyari."

Tumango siya at saka ako nginitian, "Kahit ano para sa bestfriend ko."

Nagkwekwentuhan pa kaming dalawa nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan.


Hanggang sa unti-unti na nga itong lumalakas.

"Hala. Hala. Tara na."

Wala kaming dala parehas na payong. Tanging bike ko lang ang nandito.
Mababasa 'tong si Hailey. Ano ba ang pwedeng ipanabing sa kaniya?

Tumatakbo na siya papunta sa may bike ko at tinatawag ako. Sumunod ako sa


kaniya at tinanggal ang hoodie na suot ko saka ko 'yon ipinangtabing sa
kaniya.

"Okay lang, Warren. Suotin mo na lang 'to. Galing ka pa sa practice 'di


ba? Baka - "

"Sumakay ka na lang sa bike. Gamitin mo na 'yan. Baka mabasa ka pa pati


'yang librong hawak mo."

"Pero - "

"Dali, Hails. Mababasa ka pa."

Umangkas naman na siya agad sa bike kaya nagmadali na ako para maihatid
ko agad siya sa kanila.

***

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm. May community service nga pala kami
ngayon. Last na 'to. Pagkatapos talaga nito magpapahinga na ako. Ang
bigat pa rin ng katawan ko. Malamang dahil 'to sa bugbog sa practice.

Naligo at kumain lang ako saka nagpunta sa bahay nila Nate. Ihahatid na
kasi kami ni Tito Ice sa street na natapat sa amin para linisin.
Magrereklamo pa sana ako sa parusang 'to kaya lang sabi ni Papa normal na
raw 'tong ganitong klase ng parusa. Para lang daw kaming nag-e-NSTP. Ang
kaibahan lang, parusa talaga 'tong sa amin.

Kumakati ang lalamunan ko kaya hindi ko mapigilan ang mapaubo. Pinapalo


naman ng katabi kong si Hailey ang likod ko.
"Ayos ka lang?"

Nag-thumbs up ako bilang sagot at nagsimula nang maglinis.

Habang naglilinis, hindi ko mapigilan mapansin 'tong mga kasama ko.


Pakiramdam ko may bago pero hindi ko alam kung ano.

Nagtutulungan si Nate at Tamara sa paglilinis sa isang tabi. Hinahawakan


ni Nate 'yung trash bag at tinatapon naman ni Tamara doon 'yung mga
naipon niyang kalat. Nang malinis na nilang dalawa 'yung isang side,
itinaas ni Nate ang kamay niya at ang lawak pa ng ngiti niya. Sa pwesto
ko naman ay napansin ko ang pag-apir ni Tamara sa kaniya.

Ayos, ha. Magkasundo na pala ang dalawang 'to. Mukhang ayos na sila.

Sa gilid naman nila ay nagwawalis si Hunter at Piper. Huminto si Piper


para punasan 'yung noo niya at nang makita 'yun ni Hunter ay nilapitan
niya si Pipes saka pinahiram ng bimpo niya. Tinanggal din niya 'yung
sumbrerong suot ni Piper na humaharang na sa mukha niya at saka 'yon
inayos ni Hunter.

"Warren, o."

Natigil ako sa pagtingin sa kanila nang lapitan ako ni Hailey at abutan


ng isang bote ng tubig. Tinanggap ko naman 'yon at umupo sa gilid ng
kalsada para magpahinga. Hindi rin nagtagal at tumabi sa amin ni Hailey
'yung iba.

"Masama ba pakiramdam mo?"

"Hindi naman. Ayos lang."

Tiningnan niya lang ako at halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko pero


hindi ko na lang pinansin at nakipagkwentuhan kila Nate.

Ilang sandali pa ay natigil ang masayang kwentuhan namin nang may


dumating. Si Elle kasama 'yung side kick niya.

"Wow. Like.. wow. Are you slacking ba? Don't tell me hinihintay niya pa
ako before kayo kumilos? Seriously?"

Nagkatinginan kami ni Piper at natawa na lang ako nang nagmake-face siya


saka umirap kay Elle.
"Hay. These good for nothing - "

"Okay! Uwian na!" sigaw ni Hailey at saka tumayo.

Sumunod naman kami sa kaniya pero huminto rin sa tapat ni Elle.

"It's a good thing dumating ka na my dearest Elle. And just so you know,
kanina pa kami naglilinis dito," sabi sa kaniya ni Piper.

"And in case hindi mo napapansin, kayo na lang din ng alalay mo ang wala
pa dito. Pati 'yung ibang rebels," gatong naman ni Tamara.

Inabot ni Nate kay Elle ang hawak niyang trash bag, "Ayan, ha. Nilinis na
namin karamihan ng kalat dito. Konting konti na lang lilinisin niyo."

Paalis na sana kami ng subdivision nang humirit pa si Elle, "You can't


leave us here! Once malaman 'to ng - "

"Actually pinadala ako ni miss dito para i-check ang gagawin niyo. Kanina
pa sila naglilinis at ang dami na nang nalinis nila. Kayo na lang talaga
ang kulang," depensa sa amin ng secretary ng nasa Prefect of Discipline.

"But - "

"Goodluck, Elle!" Pahabol pa ni Piper saka siya kinawayan.

Nagtatawanan kaming umalis sa lugar na 'yon. Ayan. Sa wakas tapos na ang


parusa. Pwede na ulit kaming pumasok sa school. Pwede na rin akong
magpahinga sa ngayon.

"Uuwi na ba tayo? Tara muna. Gala tayo," aya ni Nate at sumang-ayon naman
ang lahat.

Kaya lang parang mas tumitindi ang ubo ko at napansin na nga 'yon ni
Hailey, "Hindi ka ata okay, eh?" Sasagot pa lang sana ako pero hinawakan
na niya ang magkabilang pisngi ko pati na rin ang noo ko. "I knew it. May
lagnat ka."

"Ano ka ba, Hailey. Ayos lang - "

"May lagnat si Warren? Sige, huwag na tayong tumuloy - "

"Isa ka pa, Nate. Ayos nga lang sabi - "


"Shut up, Warren. You're sick. Baka mas lumala 'yan if - "

"Tumuloy na kayo!" sigaw ni Hailey kaya napatahimik kaming lahat. "Sige


na. Tumuloy na kayo. Ako na lang ang bahala kay Warren since nagkasakit
naman siya dahil sa akin."

Mukhang nag-aalangan pa ang iba na umalis pero pinagtulakan ko na sila


palayo. Pati nga si Hailey sinasama ko na sa kanila pero ayaw niya
talaga. Ayoko naman kasing maging kontra sa pag-eenjoy nila.

"Ang kulit mo, Warren. Kung aalis kaming lahat tapos iiwan ka naming uuwi
mag-isa, sa tingin mo ba matatahimik kami? Lalo na ako. Malamang
nagkasakit ka kasi galing ka sa practice kahapon tapos nagpaulan ka pa.
Mas inalala mo pa kasi ako."

"Hailey - "

"Okay na, Warren. Huwag ka ng kumontra. Ngayon hayaan mo naman ako na


mag-alala para sa 'yo."

***

Next update: August 22 (Saturday) OR August 23 (Sunday)

=================

Chapter 47: Cheesecake

Nate's POV

"Guess what," salubong sa akin ni Piper nang buksan ko ang video call
niya. Para pa siyang nag-aadik na nagtataas baba ng kilay.

"Tinatamad ako manghula."

Sumimangot siya at saka ako inirapan pero bigla rin ngumiti. Konti na
lang talaga iisipin kong adik 'tong bestfriend ko. Hindi ko maintindihan
kung naiinis ba o ano.

"Hailey took care of Warren." Magsasalita pa sana ako pero tinaas niya
ang kamay niya para patahimikin ako. "I saw her kanina. It seems like
kakagaling lang niya sa house nila Warren. Isn't it sweet?"
"Anong sweet doon? Bestfriend niya 'yon malamang aalagaan niya."

Sinamaan na naman niya ako ng tingin at umirap. Grabe. Bilib ako sa


mabilis na pagpapalit niya ng emosyon. Astig.

"That's not the point," irap na naman niya. Hindi ba 'to napapagod?
"Ikaw! Would you do the same if I'm sick?"

"Kung ubo at sipon lang naman, hindi na kailangan. Itutulog mo lang 'yon
ayos na eh."

"Same here. So that's the point. Do you get it now?"

Anong point sinasabi nito? Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Piper.


Ang gulo kausap.

"Seriously?" taas kilay niyang tanong. Umiling siya at saka napahawak sa


noo niya, "Hay. I don't really understand kung paano kita naging
bestfriend."

"Are you saying something?"

"Wala. Let's just sleep na lang kako. Night, Nate-y Nate! Mwa!"

"Goodnight, Pipes."

***

Nang medyo kumulimlim na ay lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Piper na


nakaupo lang sa harap ng bahay nila habang nagbabasa at kumakain.

Tinawag ko siya at nang mapansin niya ako ay inilapag niya ang libro niya
at ipinatong sa lamesa. Dinala naman niya ang platitong hawak niya at
saka lumabas ng gate nila.

"Saan punta?" tanong niya at kumain ulit.

"Uhh.. dito na lang?" Tumango lang siya at nakatingin pa rin sa pagkain


niya. "Pahingi nga."

Bastos kasi. Kain ng kain tapos ayaw alokin 'yung nasa harap niya.

"Nah. Hindi pwede," sagot niya at saka ulit kumain.


Sabi ko nga. Kapag talaga cheesecake ang kinakain nito umaandar ang
pagkadamot niya.

Sinubukan kong agawin 'yung pagkain niya pero itataas ko pa lang ang
kamay ko nakalayo na siya at hindi nagpaawat sa pagkain. Grabe ang
kadamutan. Umaapaw.

Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok sa bahay nila.

Inabutan ko si Tita Ayu na nasa sala habang pinapakain ng meryenda si


Jarvis. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong binati at kinamusta.

"Si Piper ba hanap mo? Nasa labas siya, ha? Hindi mo napansin?"

"Nakita ko po pero hindi po siya ang pinunta ko dito."

"Ano 'yon?"

"May cheesecake pa po ba kayo? Ayaw mamigay ni Pipes."

Natawa si Tita Ayu sa naging tanong ko kaya napakunot ang noo namin ni
Jarvis sa naging reaksyon niya. Hindi naman ako nagjoke.

"Sige, sandali lang. Kukuha kita."

"Thanks, tita," masayang sabi ko sa kaniya at saka ko tinanguan si


Jarvis. "Hello, liit."

Tiningnan niya lang ako at bumalik na sa pagkain. Hindi man lang sumagot.
Manang mana 'to sa kapatid niya.

Nang maibigay sa akin ni Tita Ayu ang pagkain ay agad ko 'yong


sinunggaban. At pagkatapos ay hinugasan ko ang pinangkainan ko kahit
pinipigilan ako ni Tita Ayu.

May natitirang hiya pa naman ako sa katawan.

Nang lumabas ako ay nasa may labas pa rin si Pipes at nakaupo sa may
damuhan sa harap ng bahay nila.

"I knew it. Hihingi ka."


"Mang-inggit ka ba naman. Malamang hihingi ako."

Natawa siya at saka ako binelatan. Parang may naalala na naman siyang
nakakatuwang bagay kaya kuminang ang mata niya at saka ako pinalo.

Bakit 'yung mga babae kailangan pa minsan mamalo kapag may naaalalang
nakakatuwa o ano? Kung kami kayang lalaki ang mamalo. Pero joke lang.

"Nga pala, you didn't make kwento what happened between you and Tamara
last time. Bigla na lang okay na ulit kayo. So.. what happened nga?"

"Ikaw ang may utang sa akin na kwento. Anong meron sa inyo ni Hunter?
Nililigawan ka na ba no'n?"

"No. You tell me first. After no'n, saka ko sasabihin sa 'yo nangyari."

"Deal."

Kwinento ko sa kaniya ang ginawa ko matapos nila akong iwan ni Hunter


hanggang sa nagkwentuhan kami ni Tamara tungkol sa kung anu-ano.

Napapangiti siya sa kwento ko at parang napasimangot nang mabanggit ko na


pakiramdam ni Tamara ay hindi siya masayang maging kaibigan.

"She's awesome kaya. Who wouldn't want her as a friend? Parang wala
naman. Pero you know what.. I think you should bond with her more. You're
so fun to be with kasi. Parang if she'll get closer to you, masasalin
'yung positive energy mo sa kaniya."

"E 'di ako naman nawalan," biro ko sa kaniya.

"Shut up. Sige, mahahawaan mo na lang. Kaya you should bond with her
more."

"Gagawin ko naman talaga 'yan kasi nakakatuwa rin siyang kasama."

"Kahit binabara ka niya?"

"Kahit binabara niya ako."

Nginitian ako ni Pipes at saka tinapik tapik, "Nice, Nate."

"Ikaw? May ano sa inyo ni Hunter?"


Nagkibit-balikat siya at kwinento kung paano niya nalaman na
nagtratrabaho si Hunter. Aksidente lang daw na nalaman niya 'yon at wala
naman daw siyang karapatan ipagkalatan ang nalaman niya kaya sinikreto na
lang niya hanggang sa puntong parang sikreto na rin niya ang sikreto ni
Hunter.

"Bakit daw siya nagtratrabaho?"

"It's not my story to tell."

Alam niya nga ang sagot ayaw niya lang sabihin. At ayos lang naman sa
akin 'yon.

"Umamin na ba sa 'yo si Guevarra?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at saka umarte ulit ng normal. Parang
wala lang sa kaniya, e halata namang nagulat siya sa tanong. Ayos talaga
'to.

Magsasalita sana siya pero itinikom ulit niya ang bibig niya. Hanggang sa
naulit ulit at naulit pa. Halatang hindi niya alam sasabihin niya.

Pero dahil kilala ko 'to kasi nga bestfriend ko siya.. alam ko na ang
sagot. I'm so great.

"Alam ko na sagot. Okay na. Pwede ka na huminga," biro ko sa kaniya at


saka ko siya pinagtawanan. Ako ang nagbiro, ako ang tumawa. Ayos.

"Whatever," sagot niya. "Ah! Guess what!"

Uy. Halata naman 'tong si Pipes. Iniiba ang topic. Pero dahil kagabi pa
siya sa guess what guess what niya.. sige na. Pagbibigyan ko na.
Manghuhula na ako.

Magsasalita pa lang sana ako nang itaas niya ang kamay niya para pigilan
ako, "Okay, nevermind. I know na you're not going to try."

Judgmental!

"Anyway.. I was about to visit Warren kasi kanina. Papunta na sana ako sa
room niya kaya lang Tito Xander told me na in demand si Warren. First daw
si Hailey, and then ako. Tapos.. tapos.. until now, Hailey's still with
Warren."

Pinagpapalo na naman niya ako at mukhang kinikilig pa. Nakainom ba 'to?


"Hindi ko gets."

Napahinto siya at saka ako tiningnan na parang nagtatanong kung seryoso


ba ako. Kaya tiningnan ko rin siya na nagsasabing 'oo, seryoso ako'.

"What I'm trying to say is - "

Napahinto siya nang mapatingin siya sa gawi nila Warren. Nagaya naman ako
sa kaniya at tumingin din. Parang ewan na nakatayo si Hailey sa tapat ng
bahay nila Warren. Wala naman siyang ginagawa. Nakatayo lang talaga.
Konti na lang mapagkakamalan na siyang mannequin doon.

Kaya lang bigla na lang siyang umiling-iling at saka niya pinalo ang
pisngi niya.

Isa pa 'to. Para rin 'tong may tama. Teka. Hindi kaya nag-inuman sila ni
Piper kanina o kaya kagabi?

"What's with her? Tara, lapitan natin."

Lalapit na sana kami pero sabay kaming napahinto nang maglakad si Hailey.
Nakayuko siya at dirediretsyong naglalakad.

"May sanib ba 'tong si Hails?" bulong ko kay Pipes at inilingan niya ako.

Dahan dahan kaming lumapit sa kaniya at saka namin siya ginulat.


Napatalon siya ng kaunti at napahawak sa puso niya. Nang makita niyang
pinagtatawanan na namin siya ni Pipes ay agad niya kaming pinagpapalo.

"Kasi naman," inis na sabi niya sa amin.

Anong problema ng mga kaibigan ko ngayong araw? Ang lalabo.

"Anong nangyari sa 'yo at para kang sinaniban?"

"Wala."

"Anong wala? Tingin mo maniniwala kami ni Pipes diyan sa wala mo?"

Napabuntong hininga si Hailey at saka kami nilagpasan. Umupo siya sa may


inuupuan namin kanina ni Pipes at sumunod kami sa kaniya.
"This isn't good. This isn't good."

Nagkapalitan kami ng tingin ni Pipes dahil sa inaasal at sinasabi nitong


si Hailey. Anong hindi good? Gulo pala.

"What are you talking about?"

"Pwede ba tayong mag-sleepover?" tanong ni Hails kay Pipes.

Kahit parang naguguluhan ay tumango na lang siya.

***

Tinawagan ng dalawa si Tamara at pinasama sa sleepover para raw mas


masaya. Nasa may kwarto kami ni Pipes at nag-uusap ng kung anu-ano.
Hanggang sa inopen na nga ni Pipes ang tungkol sa nangyari kanina kay
Hailey.

"What's with you kanina? Parang you're problematic?"

Napatahimik si Hailey at huminga ng malalim pagkatapos ay kinuha niya ang


unan ni Pipes at niyakap.

"May problema nga ako."

"Ano?" tanong ni Tamara.

"Kasi inaalagaan ko kanina si Warren. Nagkasakit kasi siya last time


noong naulanan kami. Medyo kasalanan ko rin kasi mas pinili niyang mabasa
kaysa sa akin. Nakonsensya ako kaya inalagaan ko."

"I think I know where this is going. Go on."

"Tapos.. ano.. natutulog siya noong hapon. May lagnat pa rin siya kaya
kumuha ako ng bimpo para ilagay sa noo niya. Tapos unconsciously,
napatitig ako sa kaniya."

Napangisi si Tamara at pigil na pigil naman ang ngiti ni Pipes.

"Then I realized something.." Pumikit si Hailey at mas hinigpitan ang


pagyakap sa unan, "I think I still like him."
Nagulat ako nang biglang tumili si Pipes at pinagpapalo ako ng unan.
Napailing naman si Tamara pero mukhang nangingiti na rin samantalang
namumula naman si Hailey.

Bigla na lang din kumanta si Piper, "'Cause it's 12:51.. and I thought my
feelings were gone. But I'm lying on my bed, thinking of you again."

"Obvious naman. Ngayon mo lang napansin?" tanong naman ni Tamara sa


kaniya.

"Hindi naman obvious," depensa ko kay Hailey.

"Slow ka lang kaya hindi mo napansin."

"Ngayon lang din naman napansin ni Hailey, ha? Eh 'di slow din siya?"

"Magkaiba 'yon."

"Parehas lang naman."

"Magkaiba nga!"

"Paano naging iba 'yon?"

"Kasi siya ang nakakaramdam. Madalas kasi kung sino pa ang nakakaramdam,
siya pa ang mas huling nakakaalam ng nararamdaman niya."

Napakurap ako sa sinabi niya. Kailan pa naging expert 'tong si Tamara sa


ganitong bagay?

"Uy, ikaw ha. Umamin ka nga. Based on experience ba 'yan?"

"Tingin mo may oras pa ako sa mga ganoong klase ng bagay?" irap niya sa
akin. Sinaniban ata 'to ni Pipes.

"Cut it out, you two. Wait nga. This is a girl's night out. Why are you
here, Nate?"

Nginitian ko lang sila at nagpa-cute pero halatang hindi umepekto dahil


sa mga naging reaksyon nila. Parang mga nandidiri. Grabe 'tong mga 'to
para pandirihan ang napakagwapo kong mukha.

"Dito na lang muna - "


"Hindi pwede. Uwi na, Nate."

"Pero - "

"One.."

"Fine. Fine. Uuwi na."

Sungit ng mga 'to.

Lumabas na ako ng kwarto ni Pipes pero ilang segundo lang ay bumalik ulit
ako at sumilip sa may pinto.

"Papaalisin niyo na talaga ako? Hindi niyo ko ako mamimiss?"

"Hindi!" sabay sabay na sigaw nila sa akin.

Hindi man lang nagsinungaling ang mga 'to. Sana plinastic man lang nila
ako kahit ilang segundo.

"Harsh. Sige na. Goodnight, girls!"

"Goodnight!"

Bitin naman ako sa inpormasyon. Ang daya talaga nila.

Ah! Alam ko na. Pasimple ko na lang bubuksan bintana ng kwarto ni Pipes.


Baka sakaling marinig ko usapan nila.

Ang talino mo talaga, Nate! Ang pogi mo pa! Woo!

***

We'll be having a booksigning on August 30 sa Raffles, Makati (10-12pm).


I'm with blue_maiden, iamkitin, kwentonijhingness, yamyam28,
marielicious, simplychummy, sielalstreim and onneechan. Hope to see you
there. :)

Next update: Thursday or FridayKung may itatanong ka sa isa sa kanila,


ano ang itatanong mo and kanino? I'll tweet the answers. Point of view
nila. Haha.
=================

Chapter 48: Weird people

Warren's POV

Buong buhay ko parang ngayon lang ako naexcite pumasok sa school. Ganoon
siguro talaga kapag nasuspend ka. First time 'to kaya ngayon ko lang
nalaman.

Kaya lang sa sobrang pagka-excite ko, peste, nakalimutan kong mag-alarm


kagabi.

"Ma, bakit hindi mo ko ginising?!" tanong ko pagbaba na pagbaba ko.

Petiks na petiks sila ni Papa samantalang ako nagmamadali na huwag lang


ma-late.

"Kinakatok namin kwarto mo. Hindi ka naman sumasagot. Maaga-aga pa naman,


kumain ka muna."

"Doon na lang po. Kapag na-late ako baka hindi ko pa makuha ID ko sa


POD."

"Hindi ka ba sasabay?" tanong ni Papa na hanggang ngayon ay kumakain pa


rin. Mukhang wala pa siyang balak umalis sa pwesto niya kaya umiling na
ako. "Ingat!"

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at tumakbo palabas ng bahay.


Nakahinga ako ng maluwag nang makita sila Nate at Piper na nasa may labas
ng bahay nila Nate. Ayos 'to! Kung malate man ako, hindi lang ako
mapapagalitan. Tatlo kami.

"Sino hinihintay niyo?" Nagulat silang dalawa sa biglaang pagsulpot ko.


"Si Hailey?"

"Hindi. Si Papa. Sasabay kami sa kaniya pagpasok para mabilis. Hindi pa


hassle. Sumabay ka na rin."

"Sasabay naman talaga ako. Si Hailey ba?"


Halos mapatalon ako nang biglang tinusok ni Piper ang tagiliran ko,"Yii.
You're looking for her, ha. For your information, sabi ni Tita Sab, she
went to school na kanina pa."

Sabagay. Anong oras na nga naman. Hindi naman madalas ma-late 'yon.
Punctual 'yun.

Kung sweswertehin ka nga naman, hindi kami na-late at nakuha namin agad
ang ID namin. May oras pa kami para tumambay at makipagkulitan. Pero bago
'yon ay dumaan muna kami sa canteen para bumili ng pagkain.

Pagpasok ko ng room, binati agad ako ng teammates ko at pinagtatapik sa


likod at ginantihan ko naman sila.

Nang makita ko si Hailey na nakaupo sa pwesto niya at nagbabasa ng libro,


agad akong umupo sa katabi niyang upuan na pagmamay-ari ni Piper saka ko
siya inakbayan na mukhang ikinagulat niya. Dahil sa naging reaksyon niya,
hindi ko napigilan na guluhin ang buhok niya.

"Hindi kita nakita kahapon, ha? Akala ko naman tuloy tuloy pag-aalaga mo
sa 'kin," biro ko sa kaniya.

Si Nate naman ay ubo ng ubo kaya napatingin na kami sa kaniya ni Hailey.


Tumingin din siya sa amin at ngumiti ng pagkalaki-laki, "Kati ng
lalamunan ko. Baka ginagapangan na ng langgam sa loob."

Bigla namang siyang pinalo ni Piper ng bag kaya napakamot siya sa ulo
niya at saka ulit kami nginitian, "Joke lang. Baka nahawa lang ako sa ubo
mo, Warren. Ah. Teka. Hindi naman ako pwedeng mahawa. Hindi naman ako ang
nag-alaga sa 'yo noong may sakit ka."

"Ha?"

"Hindi naman - " Hindi natuloy ni Nate ang sinasabi niya nang pinakain ni
Piper sa kaniya 'yung hawak niyang sandwich.

"You're hungry, right? Ayan. You should eat."

Ang gulo ng mga 'to.

Nabalik ang atensyon ko kay Hailey nang tanggalin niya ang pagkakaakbay
ko sa kaniya at saka ako nginitian, "Malapit na mag-start ang klase kaya
pupunta na ako sa CR."

Ha? Parang.. magulo?


Nang matapos na ang morning class at mag-lunch na, sa halip na sumabay
ako sa mga kagrupo ko na madalas ko namang ginagawa, kila Nate na lang
ako sumabay. Dinudumog na 'yung side para sa mga lunch at mukhang patayan
bago pa makarating sa harapan.

"Okay, guys. Disperse!" sigaw niya at nag-uunahan sila nila Piper sa


pagpunta sa side ng lunch.

Nagkanya-kanya na nga sila. Nang lumingon ako sa likod ko, si Hailey na


lang ang nandoon. Nakakunot ang noo niya at parang hindi alam ang gagawin
makagitgit lang.

"Baka nahimatay na tayo sa gutom bago pa man tayo makabili ng pagkain.


Kainis. Gutom na ako," reklamo niya sa akin.

"Ano bang bibilin mo?"

"Kahit anong may rice," buntong hininga niya. "Tara na nga. Baka
madagdagan pa 'tong mga nakikipagpatayan para sa mga pagkain."

"No. Maghanap ka na lang ng lamesa. Ako na bahala sa pagkain."

"Ang dami kaya - "

"Go," saka ko siya tinulak ng sobrang hina lang at naghanda na akong


makipagsapalaran.

Hindi rin naman nagtagal at nakakuha na ako ng lunch naming at nagbayad.


Sakto rin na nakasabay ko sa pagbayad sila Nate.

Sabay sabay na rin kaming naghanap kay Hailey at nang makita naman siya
ay agad kaming nakiupo para kumain.

"Magkano 'to?"

"H'wag na. Treat ko." Magsasalita pa sana siya kaya kinontra ko na,
"Deserve mo naman 'yan kapalit nang pag-aalaga mo sa akin noong Sabado.
Kulang pa nga 'yan kung tutuusin."

Nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Maybe this time, it'll be loving they'll find. Maybe now they can be
more than just friends. She's back in his life and it feels so right.
Maybe this time.. love won't end. ♫ Aray! Sino ba 'yang naninipa?!"
Napatigil sa pagla-live concert si Nate at tiningnan kaming lahat ng
masama. Pero maya-maya lang ay napatikom siya at inakbayan si Piper na
hindi naman natinag sa pagkain.

"Ikaw, ha. Naninipa ka, Pipes."

"Ha? I didn't - " Napakunot siya ng noo at tumango, "Ah, yes. Sorry. My
bad."

"Kain na lang ulit tayo."

Weird talaga ng mga tao ngayon.

***

Nagprapractice kami ng basketball nang mapansin ko na paparating sila


Piper kasama ang iba. Kinawayan ko agad sila pagdating nila. Sanay na rin
naman ang mga kagrupo ko kaya hindi na nila ako pinapakialaman.

Nang pagkatapos ng second quarter ay tumakbo ako papalapit sa kanila.

"O, tubig," abot sa akin ni Hailey ng isang bote ng mineral water. "Hindi
ka ba mabibinat? Sumasabak ka agad sa practice kakagaling mo lang sa
sakit."

"Strong ata 'to."

"Ah. Kaya pala nagkasakit ka noong nakaraan. Wow, ha," sabi pa niya at
inabutan ako ng bimpo. Girl scout ba 'to?

"Thanks. Pero 'di ba sabi ko sa 'yo babawi ako sa pag-aalaga mo sa akin


noong sabado? Sa ginagawa mo parang mas mahirap ng bumawi, ha. Hanggang
ngayon inaalagaan mo pa rin ako."

"Nagrereklamo ka? Sige, ititigil ko na."

Inaagaw niya ang bimpo at bote ng tubig pero hindi ko 'yun binalik sa
kaniya.

"Hindi ako nagrereklamo, ha." Depensa ko at saka ginulo ang buhok niya.

***

Hunter's POV
"Uy," tawag sa akin ni Piper nang umupo ako sa tabi niya.

Bigla namang sumingit 'yung bestfriend ni Piper at gumitgit sa pagitan


namin. Ngumiti pa siya sa akin. Tangina, nakakakilabot.

"Usap tayo, Guevarra."

Makaasta 'to akala mo close kami.

"Pipes, tawag ka ni Tammy," sabi nitong epal kong katabi.

Nang makaalis si Piper ay ginitgit pa ako nitong bestfriend niya. "Tsk."


Nang marinig niya 'yon ay umusad na siya palayo sa akin. Lalayo rin naman
pala eh.

"Gusto mo ba si Piper?" Wala akong obligasyon para sagutin ang tanong


niya kaya hindi ko na lang siya pinansin. "Nice talking to you. Pero
alam ko na sagot doon. Akala mo ha! Napilit ko kaya si Pipes na sabihin
sa akin na umamin ka na. Ano.. nililigawan mo ba?"

Tulad kanina, hindi ko ulit siya pinansin. Chismoso ang lintik.

"Hoy, Guevarra. Para namang wala tayong pinagsamahan niyan. Sabihin mo


na."

"Guevarra, huwag ka ng mahiya."

"Guevarra. Yoohoo!"

"Tangina naman," inis na sabi ko sa kaniya kaya natahimik siya at lumayo


ulit ng kaunti. "Hindi ko nililigawan. Manahimik ka na."

"Highblood naman nito para nagtatanong lang." Tumalikod siya sa akin,


"Pipes! Ikaw na nga kumausap dito kay Guevarra. Hindi ata sanay makipag-
usap sa mas gwapo sa kaniya."

"What is he talking about?" Tanong sa akin ni Piper nang umupo na ulit


siya sa tabi ko.

"Malay ko sa kaibigan mong 'yun. May problema ba 'yun sa utak?"

Pinalo niya ako at sinamaan ng tingin, "That's not nice, Hunter. He's
still my bestfriend kahit ganiyan siya."
"Nagbibiro lang naman."

"Weh? Since when ka pa natuto mag-joke?"

"Nito lang."

Tiningnan lang niya ako sandali at nagkwento na naman ng kung anu-ano.


Tungkol sa binabasa niya, tungkol sa napanood niya, tungkol sa
napapakinggan niyang kanta. Basta random lang pero mukhang enjoy na enjoy
naman siya habang nagkwekwento.

"May nagmomoment?" dinig naming sabi ng kaibigan ni Piper na lagi niyang


kwinkwento na mahilig magbasa ng libro.

"No one else comes close to you. No one makes me feel the way you do.
You're so special girl to me. And you'll always be, eternally. Every time
I hold you near, you always say the words I love to hear. Girl with just
a touch, you can do so much. No one else comes close. ♫"

Pagkatapos kumanta nitong bestfriend ni Piper ay tumingin siya sa amin at


ngumisi. Problema nito?

"I'm starving," reklamo ni Piper. "Guys, do you want to - "

"Tara. Kain tayo," aya ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya at tumayo, "We're going to eat somewhere, guys. Do you
want to come?"

"Busog pa kami," sagot ng bestfriend niya kaya umalis na kami.

Nasa labas na kami ng campus at papara na sana ako ng jeep para makapunta
kami sa isang fastfood nang nagdirediretsyo lang siya ng lakad.

"Saan ka pupunta?" habol ko sa kaniya.

"There," turo niya sa mga nakahilerang tindahan sa tabi. "I'm craving for
streetfoods."

Napangisi ako sa gusto niyang kainin at saka ko siya hinila papunta sa


isang tindahan. Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Walang kaarte-arte.
Napapangiti ako sa mga kinukuha niyang pagkain. May dala na siyang
dalawang cup na punong puno ng fishball, squidball at kikiam. Nagtuturo
pa siya ng isaw pero dahil hindi naman na niya kayang hawakan ang lahat
ng 'yon kaya babalikan na lang daw niya.

Umupo kami sa isang tabi at kumain.

"Buti pinapayagan ka ng magulang mong kumain ng ganyan?" tanong ko sa


kaniya.

"It's not wrong to eat streetfoods naman. And alam mo ba, my dad was the
one who thought me to eat these foods. It's not nice daw kasi to be picky
sa foods. They used to say.. kung anong nakahain sa 'yong pagkain, ayon
ang kainin mo."

"Your parents are admirable."

"Hmm? What makes you say that?"

"Mayaman ka kasi. Pero ang ganda ng pagpapalaki sa 'yo ng magulang mo.


Walang kaarte-arte. Hindi ka mapili. Kung maraming tao ang kagaya mo, ang
saya lang siguro dito sa mundo."

Nginitian niya ako kaya hindi ko napigilan ang ngumiti rin. Tangina,
nakakahawa talaga ngiti nito.

"Pero masaya pa rin naman dito sa mundo kasi.."

"Kasi ano?"

"Kasi masaya lang."

Nangingiti siya habang umiiling, "Thanks pala.. For seeing me that way.
It means a lot. Really."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa naubos na 'yung kinakain namin.


Magdidilim na rin kaya hinatid ko na siya sa kanila.

Habang naglalakad kami sa subdivision nila ay nagtanong siya.

"Hey. Can I ask you something? I hope you don't mind." Tumango ako bilang
sagot. "It's.. uhh.. about you and your parents. Ano.. don't you want to
talk to them again or at least see them?"

"Para saan pa?"


"I don't know.. siguro to fix something that's broken."

"Wala naman ng magagawa."

"But they're still your parents and you're still their child. Naniniwala
pa rin ako na there's a huge chance na mafix niyo problems niyo. But that
will only be possible if both sides are willing to - " Napabuntong
hininga siya at hindi na tinuloy ang sinasabi niya nang mapansin niya
siguro na ayoko ng pinupuntahan ng usapan.

Hindi pa rin talaga ako kumportable kapag usapan tungkol sa pamilya.


Hanggang ngayon, galit pa rin ako sa kanila.

Nakarating kami sa kanila pero hindi pa rin kami nag-uusap ulit.

"O, nandiyan ka na pala, Piper," bati sa kaniya ng mommy niya na lumabas


sa bahay na katabi nila at mukhang papasok na sa bahay nila. "Pati pala
ikaw, Hunter. Hinatid mo ba 'tong anak ko?"

"Good evening po. Opo, hinatid ko lang siya."

"Salamat sa paghatid sa kaniya. Tara, pasok ka. Dito ka na kumain."

"Salamat na lang po pero may trabaho pa po ako."

"Working student? Aba, masipag na bata 'to ha."

"Kailangan lang po."

"Very good," thumbs up niya sa akin. "Sige, pasok na ako, ha. Ingat
pagpunta ng trabaho, Hunter."

"Salamat po."

Pumasok na 'yung mommy niya at sumunod na rin si Piper sa kaniya.


Hinintay ko munang makapasok siya sa bahay nila bago ako umalis sa tapat
ng gate. Nang makapasok na siya ay tumalikod na ako.

Hindi pa man din ako nakakalayo nang marinig ko ang boses niya, "Hunter!"
Lumapit siya sa akin. "Sorry.. about sa topic awhile ago. I know it made
you uncomfortable. Sorry talaga for being inconsiderate."
Nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya, "Ayos lang. Sige na, pumasok
ka na sa inyo."

"Okay. Ingat on your way to work," sabi pa niya at kumaway saka tumakbo
pabalik sa kanila.

Bago pa man siya makapasok sa gate ay tinawag ko siya, "Piper!" Huminto


naman siya at lumingon sa akin. "Masaya pa rin tumira dito sa mundo kahit
bihira ang kagaya mo. Kasi ikaw mismo ang nakilala ko."

***Sorry sa delay. Yung questions last chapter, sinagot ko na last week


pa yung iba sa Twitter. :)

=================

Chapter 49: Tammy

Tamara's POV

"Wala ka pa bang balak umuwi? Kanina ka pa nakaupo diyan. Naglalaro ka


lang naman ng bote ng tubig."

"Nagcoconcentrate ako. Huwag kang maingay. Tuloy mo lang 'yang ginagawa


mo."

Anong concentrate sinasabi nito? Hinahagis lang naman niya 'yung bote
tapos tinitingnan niya kung tatayo pagbagsak. Nag-iingay lang ang isang
'to eh.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng essay para sa assignment namin sa isang


subject. Kaya lang sobrang nadidistract ako sa tunog kapag bumabagsak ang
plastic bottle sa sahig. Hindi ko na napigilan kaya pinalo ko ang lamesa
at hinarap si Nate.

"Pwede bang huwag ka muna mag-ingay? Ako ang naiistorbo niyang pag-iingay
mo, eh. Ako ang nagcoconcentrate sa pagsulat dito tapos ikaw naglalaro
lang diyan. Kunsiderasyon naman."

Tiningnan niya ako sandali at inilapag ang bote sa tabi niya, "Ayan,
tuloy mo na," sagot niya at nag peace sign.
Hindi na ako nakipag-away o nagreklamo. Ayoko ng pahabain pa 'tong usapan
na 'to kasi kailangan ko na talagang umuwi at gustong gusto ko nang
humiga at magpahinga.

Hindi rin naman nagtagal at natapos ko na ang ginagawa ko. Nang


mapatingin ako kay Nate na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig,
mukhang nag-eenjoy naman siya. Nakaearphone siya at parang baliw na nag
hehead bang.

Iniligpit ko ang gamit ko at mukhang napansin niya naman 'yun kaya tumayo
na siya at lumapit sa akin.

"Tapos ka na?" Tumango ako bilang sagot. "Uwi na tayo."

"Hinintay mo lang ba ako?"

"Hindi ba halata? Ano ba 'yan, Tammy."

Hindi ko na naman mapigilan ang mapairap nang marinig ang tawag niya sa
akin. Binigyan pa ko ng bagong pangalan nito. Kainis.

"Bakit ba kasi naghintay ka pa? Sana sumabay ka na lang sa iba umuwi. Edi
sana nakauwi ka na sa inyo 'di ba?"

Naglakad na kami palabas ng room. Napakamot siya sa ulo niya.

"Ayoko kasing istorbohin 'yung mga 'yun. Supportive na kaibigan ata ako,"
proud na proud niyang sagot.

Hmm. Kung sabagay. Napapansin ko nga lately kapag uwian madalas magkasama
si Piper at Hunter. Tapos si Warren naman madalas si Hailey ang kasama.
Kaya nga siguro panay buntot nitong si Nate sa akin noong mga
nakakaaraang araw. Wala kasing masamahan umuwi. Kawawa rin naman kung
tutuusin.

"Kung pakiramdam mo naiiwan ka na nila, sabihin mo. Kung na-o-OP ka na sa


kanila kasi sila ang madalas na magkakasama, ipaalam mo. Wala namang
mawawala sa 'yo kung gagawin mo 'yan."

Napahinto siya sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto rin. Tiningnan


niya lang ako at maya maya lang ay humagalpak na sa pagtawa. Ano namang
problema ng taong 'to? Nababaliw na naman.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglakad. Maiwan siya diyan. Nababaliw


na. Tumatawa na lang mag-isa basta basta.
"Hoy! Iniwan na nga nila ako, iiwan mo rin ba ako?" Hindi ko siya
pinansin dahil halata naman na iniinis lang niya ako. "Sorry na. Natawa
lang kasi ako sa 'yo. Seryoso ka masyado. Hindi ko naman kasi naisip na
naiiwan ako. Pag-uwi ko sa bahay kami kami rin naman ang magkakasama. At
isa pa, kasama naman kita. Isang barkada tayo 'di ba? Kung may sariling
mundo si Piper at Hunter pati na rin si Warren at Hailey, may sarili rin
naman tayong mundo."

Ano na naman sinasabi nito? "Mag-isa ka sa mundo mo," sagot ko sa kaniya


na tinawanan lang niya.

Nag-aabang ako ng jeep nang biglang umulan. Kung swineswerte ka nga


naman, naiwan ko sa bahay 'yung payong ko dahil inayos ko ang bag ko
kanina.

Bigla naman may nagpayong sa akin. Si Nate. Nginitian niya ako nang
pagkalaki-laki, "Laging handa 'to. Sinabi kanina sa balita na maulan
ngayon. Nasaan 'yung payong mo?"

"Naiwan ko."

"Hatid na lang kita sa inyo." Magrereklamo pa sana ako pero hinila na


niya ako pasakay ng jeep. "Hindi naman malayo ang bahay niyo sa amin kaya
oks lang."

"Hassle pa. Umuwi ka na - "

"Lakas ng ulan. Wala akong marinig."

Fine, then. Dagdag utang na loob 'to, Tamara. Dagdag na utang na loob.
Pero ayos na rin 'to kaysa maligo ako sa ulan tapos magkasakit ako.
Magagastusan lang kami pambili ng gamot tapos hindi pa ako makakapasok sa
school. Sayang ang binabayaran na tuition fee ni Tita Zoe. Hindi rin ako
makakapasok sa trabaho kasi baka magkalat lang ako ng virus doon. Sayang
ang sweldo. Bawi na lang ako sa susunod.

Nang makababa kami sa jeep ay naglakad kami para makaabot sa bahay.

"Baka maputikan 'yang sapatos mo. Medyo maputik daan dito kapag umuulan."

"Ayos lang. Natatanggal naman ang putik."

Hands down talaga ako sa magulang ni Nate pati na rin nu'ng iba. Sobrang
ganda ng pagpapalaki nila sa mga anak nila. Kahit mayaman, puro walang
arte. Hindi mapili, hindi maselan. Hindi rin sinanay sa mga luho. Astig
talaga.
***

Pagdating sa amin, pinatuloy ko muna si Nate kasi medyo nakakahiya rin


kung papauwiin ko lang siya agad. Baka isipin niya na wala akong utang na
loob. Nakita rin naman siya nila nanay kaya pinapasok na rin siya.

Humihina na ang ulan.

"Nadalaw ka ata, hijo?" tanong ni nanay.

"Hinatid ko lang po si Tamara. Gentleman po kasi ako."

Natawa si nanay pati si tatay sa sinagot ni Nate pero maya maya lang ay
napaubo na naman si tatay. Tatlong araw na rin siyang ganito. Panay ang
ubo tapos nilalagnat pa.

"Hindi ka pa rin po okay, 'tay?" tanong ko sa kaniya at nagmano.

"Konting ubo lang."

"Nilalagnat ka pa rin po. Magpacheck-up na po kaya kayo."

"Huwag na. Sayang lang ang pera."

Lagi na lang ito ang dinadahilan nila. Sayang ang pera. Ang pera naman
napapalitan at kinikita.

"'Nay, pagsabihan niyo naman po si tatay na magpatingin na."

"Kanina ko pa sinasabihan 'yan pero ayaw naman makinig."

Napabuntong hininga na lang ako. Pipilitin ko pa sana siya nang bigla na


lang sumingit si Nate at nagmano sa mga magulang ko. Humarap din siya kay
tatay at kinausap 'to.

"Tito, tama po si Tammy. Dapat po magpacheck-up na kayo. Mabuti na po na


maaga pa lang maresetahan na kayo ng gamot. Kapag po ganiyang bago bago
pa lang ang ubo, medyo mura mura pa 'yung gamot na irereseta ng doktor.
Kapag po nagtagal at lumala pa 'yan, baka mas lalo lang kayong
mamahalan."

Napangiti si tatay at tinapik sa balikat si Nate. "Hindi - " Bago pa man


matapos magsalita si tatay ay sumabat ulit si Nate, "Nako, tito. Huwag
niyo sabihing takot kayo sa injection kaya ayaw niyo magpacheck-up. Huwag
po kayong mag-alala, hindi po kayo iinjectionan doon."
Natawa ang magulang ko sa sinabi ni Nate at maski ang dalawa kong kapatid
ay tumawa rin na akala mo naiintindihan nila ang pinag-uusapan. Hindi ko
tuloy mapigilan ang ngumiti.

"Malakas ata ako, Nathan. Hindi ako takot sa injection," sagot ni tatay
at umubo pa ulit. Humarap naman siya kay nanay at inaya ito, "Tara na nga
at samahan mo akong magpacheck-up. Papatunayan ko lang dito kay Nathan na
malakas pa ako," biro pa niya.

Nagbihis at nagpalit na ng damit ang magulang ko. Binilinan ako ni nanay


na ako na muna ang bahala sa bahay at sa mga kakainin namin para sa
hapunan. Sinabihan ko na rin sila na sa karenderya na lang kumain para
hindi sila gutumin. Nang makapagbilin na kami parehas sa isa't isa ay
umalis na sila. Buti na lang din at wala na masyadong ulan. Ambon na
lang.

Si Nate naman ay nakaupo sa may sala at nakikipaglaro kay Tristan, bunso


kong kapatid. Pinapauwi ko na siya dahil baka mas lalo lang siyang
gabihin pero nagpumilit siya na mag-stay muna.

"Isa pa, Tammy, sinabihan ka ng magulang mo na pakainin ako. Nakakahiya


naman kung malaman nila na hindi ako dito kumain. Kaya dito ako
maghahapunan. 'Di ba mga bata?" sabi pa niya at hinarap ang mga kapatid
ko at nakipag-apir.

Itong mga kapatid ko naman mukhang tuwang tuwa pa. Nagsama-sama ang mga
bata at isip bata.

Iniwan ko sila at nagpalit muna ako ng damit saka nagsaing. Habang


nagsasaing ay nilapitan ako ni Nate at tinanong kung ano ang ginagawa ko.

"Hindi ba halata? Tawag dito, nagsasaing. Kapag sinabing nagsasaing, ibig


sabihin, nagluluto ka ng kanin. Ito," turo ko sa nasa kaldero. "tawag
dito, bigas. Kapag naluto 'yan, kanin na ang tawag diyan." Pang-iinis ko
sa kaniya.

"Hanep ka rin, ano? Alam ko naman 'yan. Tabi ka diyan, ako ang
magtutuloy."

"Hindi 'to parang pagsasaing sa rice cooker. Ako na."

Kaya lang sobrang kulit niya kaya sa dulo ay hinayaan ko na lang. Nu'ng
una medyo ayos pa eh. Kaya lang pinatuluan na lang niya ng tubig basta
'yung kaldero at saka sinalang sa may kalan.

"Mali 'yan! Tabi ka nga, baka wala tayong makain na kanin sa ginagawa mo.
Iba na lang gawin mo. Hiwain mo na lang 'tong sibuyas."
Mukha namang natuwa siya na may inutos ako sa kaniya kaya agad siyang
umalis sa may lababo at naghiwa ng sibuyas.

Nang matapos ako ay pinuntahan ko siya at tiningnan ang ginagawa niya.


Gusto ko sana siyang pagtawanan kasi sobrang liit ng hiwa niya at once
niluto 'to, wala nang matitira. Kaya lang mukha namang sinusubukan talaga
niya kaya ayos na rin.

Nang matapos siya at naluto ko na ang kakainin namin, tinanong ng mga


kapatid ko kung bakit walang sibuyas 'yung corned beef. Tinuro ko si Nate
at dinepensahan naman niya ang sarili niya sabi pa niya, para sa baguhan,
ang galing na raw niya.

Sige na lang. Ayos na. At least nag-effort siya.

Matapos kumain ay tumakbo na sa kwarto namin 'yung dalawa kong kapatid


para maglaro. Naiwan kami ni Nate sa kusina at tinulungan niya akong mag-
urong.

"Ako gagawa. Turuan mo na lang ako."

At dahil mukha gusto talaga niyang matutuo, tinuruan ko na nga lang siya
kung paano mag-urong.

"Sa susunod turuan mo naman ako magluto. Pinagtatawanan ako ng mga


kapatid mo, eh."

"Huwag mong sabihing babalik ka pa dito?"

Napahinto siya sa paghuhugas at saka ako sinamaan ng tingin, "Damang dama


ko na sobrang welcome ako dito," sarkastiko niyang sabi.

Natawa ako ng mahina sa naging reaksyon niya kaya napahinto na naman siya
sa ginagawa niya at saka ako tiningnan ulit.

"Marunong ka palang tumawa?"

Kinurot ko siya dahil sa sinabi niya. Anong akala nito sa akin? Robot?
Malamang tumatawa ako.

"lam mo dapat madalas kang tumawa. Kung pakiramdam mo lang naman may
nakakatawa. Huwag kang tatawa ng walang dahilan. Magmumukha kang baliw
kapag ganoon."
"Wow ha. Salamat sa payo mo. Malaking tulong 'yan."

Nagpatuloy na ulit siya sa paghugas ng pinggan habang ako naman ang


naglalagay ng mga 'yon sa isang tabi para matuyo.

"Pero seryoso. Mukha kasing takot ka magpakita ng emosyon. Madalas wala


kang reaksyon. Kung ganoon ka kasi madalas, mahihirapan 'yung mga tao sa
paligid mo na alamin ang nararamdaman mo. Mahihirapan ka rin."

"Hindi naman nila kailangan malaman kung ano nararamdaman ko."

"Kailangan. Para mas maintindihan ka. Hindi naman masama magpakita ng


emosyon. Masarap nga sa feeling 'yung ganoon. Hindi mo kailangan itago
'yung nararamdaman mo kaya parang ang gaan gaan palagi sa dibdib. Chill
chill na lang kumbaga."

Natahimik kami sandali nang maisipan kong magtanong sa kaniya, "Nate..


bakit ang bait niyo sa akin? Bakit ang bait mo sa akin?"

Nagkibit-balikat siya at nagpunas na ng kamay, "Ganito naman talaga ako."

"Bakit lagi mo kong tinutulungan? Tapos ngayon nandito ka pa sa amin at


tinutulungan pa rin ako?"

Mukhang nag-isip siya sandali na bihira niyang gawin sa buhay niya at


nagkibit-balikat na naman, "Oo nga, ano? Hindi ko rin alam," sagot niya
at tumawa.

"Bakit tinatanong mo 'yan, Tammy? Bakit curious ka?" tanong niya pa at


tiningnan ako ng nakakaloko. Feeling din 'to. Bahala siya sa buhay niya.

Inirapan ko siya na naging dahilan para matawa siya.

Pero sa totoo lang.. ang bait niya. He's not so bad after all.

=================

Chapter 50: Hindi ko sinasadya

Hailey's POV
"So.. how are you and Warren?"

Nasa may clubhouse kami ni Piper dahil wala naman kaming gagawin sa
bahay. Wala rin naman kaming ginagawa dito pero mahangin kasi sa side na
'to ng subdivision kaya mas okay na dito na lang muna kami.

"Lately, nagiging closer kayo," dagdag pa niya.

"Ewan. Baka feeling mo lang 'yun kasi nalaman mo 'yung feelings ko para
sa kaniya. Kaya pati mga simpleng bagay napapansin mo na."

"That makes sense," tango niya pa. "Ikaw? What do you think? Are you
getting closer or nagfifeeling lang ako? If there's someone who knew
better, ikaw 'yon."

I wish. Kaya lang ang hirap timbangin lalo na at bestfriend ko siya.


Close kami, given na 'yon. Kaya lang lately kasi parang.. ewan. Parang
may iba. May kakaiba. Siguro nga nagiging mas close na kami. Siguro nga
may chance na.. ah, hindi. Hindi. Papaasahin ko na naman sarili ko. Huwag
na lang.

Hindi na lang ako aasa. Hindi na lang ako magbibigay ng malisya sa mga
ginagawa niya. Kaya lang gusto ko siya. Dahil do'n, may mga bagay na
kahit wala namang meaning para sa kaniya pero bibigyan ko ng meaning.
Kasi nga gusto ko. Kasi nga aasa pa rin ako. Kasi nga may malisya pa rin
sa parte ko.

Bwisit naman. Gulo.

"Magulo. Hindi ko na alam. Susunod na lang ako sa agos."

Tinapik ako ni Piper at saka nginitian, "Liking someone is a magical


feeling. It's like a fairytale, or better than that actually. You get
butterflies just thinking about that person. Your mood lightens up just
because you saw that one guy." Lumawak pa ang ngiti niya at saka tumingin
sa malayo. "You know that feeling? You're happy just knowing that you're
about to see him, talk to him, touch him, stand or sit next to him. If
you focus on that feeling, even when you get hurt in the end..
everything's still worth it."

"Alam na alam mo ha. Based on experience ba 'to?"

Nawala 'yung ngiti at saka ulit ako tiningnan at nagpatay malisya.


Obvious masyado.
"You're lucky he likes you." Halata sa mukha niya ang gulat kasi alam ko
na gusto siya ni Hunter. Bago pa man niya maitanong ang gusto niyang
itanong ay sumagot na ako, "Halata naman. Kung si Nate nga nahalata.
Isipin mo.. si Nate na 'yon, ha?"

Natawa siya sa sinabi ko at sakto naman na dumating si Nate at umakbay sa


aming dalawa ni Piper, "Narinig ko pangalan ko. Pinag-uusapan niyo ko?"

"Oo. Binabackstab ka namin."

Hinila niya ang magkabilang pisngi ko, "Sige. Kunyari naniniwala ako."
Napabitaw lang siya nang paluin siya ni Piper.

"Saan ka nagpunta kagabi? Hinahanap ka sa amin ni Tita Zoe. Gabi na pero


wala ka pa sa inyo."

"Nagpakagentleman ako. Hinatid ko si Tammy kasi walang payong. Lakas pa


naman ng ulan kagabi."

"Buti naman at - "

"Ah! Alam niyo ba may sakit 'yung tatay niya. Pero ubo lang naman. Baka
natrangkaso o ano. O kaya dala ng over fatigue. Sobrang sipag kasi.
Manang mana si Tammy sa kaniya."

Minsan hindi ko maisip kung bakit kung sino pa ang masipag sila pa 'tong
kinakapos sa pera. Kung sino 'yung mga nakaupo lang o walang ginagawa,
sila pa 'tong mga sagana. Matanong nga minsan kila Tito Ken.

"That's true. She's so hardworking and - "

"Tapos hanep! Parang si wonderwoman. Hindi ko nga alam kung nausuhan pa


'yun ng tulog. Pagkagaling sa school, diretsyo work na siya. Kung wala
naman siyang trabaho mag-aayos pa siya sa bahay nila. Tumutulong sa
gawaing bahay. Todo aral pa rin para maimaintain 'yung grade niya. Tulog
na lang niya ang pahinga. Bihira pa."

"Someday naman everything will pay off. Kasi nga - "

"Diretsyo saing nga 'yun kagabi. Hindi ba nakakapasma kapag gano'n? Next
time sabi ni Tammy tuturuan niya akong magluto. Maghiwa kasi ako kagabi
kaya lang nilait ng mga kapatid niya. Hindi naman kasi ako naghihiwa sa
amin."

Napatulala na lang ako sa mga kwento ni Nate. Grabe. Sunod sunod. Parang
tatlong taong hindi nakapagkwento. Sobrang nag-eenjoy. Hindi na kami
pinasingit ni Pipes. Nakakaloka.
Napatingin ako kay Piper at ganoon din siya sa akin. Napatikom siya at
parang pinipigilan ngumiti. Sa ginawa niyang 'yon, gets ko na. Mukhang
aliw na aliw nga 'tong si Nate kay Tamara. Mukhang mas nagiging close pa
ang dalawa.

"Tapos no'ng - "

"Tammy. Tammy. Ikaw, Nate, ha. Don't tell me you're starting to have a
crush on Tamara," sasagot sana si Nate pero hindi siya pinatuloy ni
Piper. "I can't blame you rin naman. Kasi 'di ba she's beautiful, smart,
kind, loving, hardworking and so much more."

"Sige lang. Lagyan niyo lang ng malisya. Natutuwa lang naman. Crush
agad?"

"In denial," pakantang sagot ni Piper.

"Hindi rin. Ikaw nga diyan lagi mong kasama si Hunter. Hanggang sa uwian.
Hinahatid ka pa madalas sa inyo. Sa school naman ikaw lang madalas
kausapin. Tapos umamin pa siyang - "

"Okay, stop. This isn't about me. Ako ang nanunukso. Don't turn the
tables."

Nagpatuloy sa pagtatalo ang dalawa. Parehas nag-iinisan pero wala naman


ni isa sa kanila ang naiinis. Hindi na siguro 'to matatapos unless may
magutom sa kanila at mag-ayang kumain.

Tumunog ang phone at nakita ko sa screen ang pag-aalarm ko. Okay. Time
na.

"Guys, may game sila Warren ngayon. Kalaban 'yung school malapit sa
munisipyo. Sasama ba kayong manood o iiwan ko na kaya diyan para mag-
inisan?"

Tumayo naman silang dalawa kaagad at sabay na sinabing sasama sila. Para
raw moral support kay Warren.

Palabas na kami ng subdivision nang hiramin ni Nate ang phone ni Piper.


Inabutan naman niya 'yon at nagpaalam na bibili lang sandali ng candy.

Habang hinihintay naman siya sa gilid ay tumunog ang phone ni Piper. May
message malamang. Napatingin ako kay Nate at sa phone ni Piper. Binuksan
na lang basta ni Nate 'yung message kahit hindi naman sa kaniya.
"Hindi ka nausuhan ng privacy, ano?"

"Napindot ko lang. Hindi ko sinasadya." Alibi nito. Kainis. "Nasa inyo ka


lang? text ni Hunter kay Pipes o."

"Uulitin ko.. hindi ka nausuhan ng privacy?"

"Nabasa ko lang. Hindi ko sinasadya."

Napairap ako sa naging sagot niya. Nang tingnan ko ulilt siya, nagtatype
na siya at nirereplyan si Hunter. Pinapapunta niya sa game ni Warren.
Hindi siya nagpakilala kaya malamang iisipin ni Hunter na si Piper ang
nagpapunta sa kaniya.

"Grabe ka! Bakit mo pinapunta sa game? Buti sana kung nagpakilala ka.
Mamaya akalain niya si Piper nag-invite sa kaniya."

"Natype ko lang. Hindi ko sinasadya," inosenteng ngiti niya sa akin.


"Teka. Bakit mo binabasa 'yung reply ko? Hindi ka ba nausuhan ng
privacy?"

"Ang laki kasi ng screen. Hindi ko naman sinasadya."

Napahinto kaming dalawa sa naging sagot ko. Maya maya lang ay sabay na
kaming nag-ihit ng tawa. Hindi ko alam kung bakit ayon ang sinagot ko.
Hindi ko rin sinasadya.

Nang bumalik si Piper ay sinumbong ko ang ginawa ni Nate. Hindi nagpatalo


si Piper sa kaniya kaya kinuha niya ang phone ni Nate. Hindi naman siya
nahirapan kasi nasa back pocket lang ni Nate ang phone niya. Tinext niya
si Tamara at pinapunta rin sa game ni Warren.

***

Kapag talaga nasa loob na ng court si Warren parang nag-iibang tao na


siya. Sobrang seryoso. Sobrang tutok sa ginagawa niya.

Isa 'to sa mga bagay na gusto ko sa kaniya. He's determined. Alam niya
ang gusto niyang mangyari at pinipilit niyang makuha ang goal niya. And I
know na hindi 'yon ang manalo. Though parte na rin 'yon. Pero knowing
Warren, ang goal niya ay ang magsaya at ibigay ang lahat ng makakaya niya
para sa laro. Bonus na lang kung manalo sila o hindi. Basta masaya siya
sa ginagawa niya.

Hindi naman ang resulta ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang mga ginawa mo
bago mo makita o makuha ang resulta. Ayan ang paniniwala niya.
Pagkashoot niya ng bola ay napatingin siya sa gawi namin. Seryoso lang
'yung mukha niya. Hindi man lang siya ngumiti o tumango.

"Hi, Guevara," dinig kong sigaw ni Nate kaya napatingin ako sa gawi nila.
Umupo si Hunter sa tabi ni Piper. Siguro dahil doon kaya ganoon ang
naging reaksyon ni Warren. Nandito na kasi si Hunter. Sa halip na nasa
kaniya ang atensyon ni Piper, mahahati pa. Nagseselos siya. Siguro nga
ganoon.

Bago matapos ang second quarter, with 1 minute and 30 second left,
nakashoot ng three points si Warren. Napasigaw kami at nagcheer sa
kaniya. Humarap siya sa direksyon namin at saka kumaway at sumaludo.

"May kinakawayan," seryosong sabi ni Tamara na medyo kani-kanina pa rin


nakarating.

"May sinasaluduhan," dagdag naman ni Nate.

Sabay sabay silang tumingin sa akin at puro mga naka slow motion pa.
Kainis ang mga 'to ha.

"That shot is for you raw kasi, Hailey," tukso naman ni Piper na
ginatungan pa lalo ng iba. Ang lakas ng trip ng mga 'to. Ako na naman ang
nakita.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagconcentrate sa panonood at pag-


cheer. Nang matapos na ang second quarter ay tumakbo papunta sa side
namin si Warren.

Inabot ko sa kaniya 'yung tubig na binili ko kanina pati na rin 'yung


towel na dinala ko bago pa man kami magpuntang clubhouse ni Piper. Pawis
na pawis siya kaya habang umiinom siya ay ako na ang nagpunas ng pawis
niya.

"Chill chill lang, Warren. Huwag masyado bigay todo sa game. Baka
magkasakit ka na naman," paalala ko sa kaniya.

"Hindi 'yan. Malakas na ata 'to," sabay flex pa niya ng braso niya.
Feeling malaki ang muscle. Hindi naman.

"Captain! Mamaya na ligaw! Tara na," sigaw ni Migs at tumakbo papalapit


sa amin saka hinila si Warren.

"Siraulo. Ligaw mo mukha mo."


Hindi naman siya pinansin ni Migs. Binitiwan din niya si Warren at
lumapit sa amin, "Maraming salamat sa suporta. Sigaw niyo rin naman
pangalan ko mga ate at kuya. Para ganahan," biro pa niya kaya hinila na
siya ni Warren palayo sa amin.

"May toyo rin talaga 'yung teammate na 'yun ni Warren," turo ni Nate kay
Migs. "Pinapasigaw pangalan niya e hindi naman siya naglalaro. Nakabangko
lang naman. Ano 'yon, sisigaw natin pangalan niya para pagbutihan niya
pag-upo sa gilid? Loko talaga."

Natawa kami sa naging reaksyon ni Nate pero saglit lang din at bumalik na
sila sa pagtukso sa akin kay Warren. Hahayaan ko na lang sila kasi habang
pinipigilan, mas lalo lang nanunukso mga 'to.

Nang matapos ang laro, na naipanalo naman ng school namin, tumakbo ulit
si Warren papunta sa pwesto namin. Nag-aya siyang kumain pero hindi sila
sumama.

Sabi ni Piper, pinapauwi siya ng maaga sa kanila. Si Tamara naman ay


ganoon din ang sinabi kasi wala raw bantay 'yung mga kapatid niya. Sabi
naman ni Nate ay ayaw kaming kasama ni Hunter kaya hindi siya sasama.
Tapos siya naman ay mag-aaral daw para sa quiz sa lunes.

Sinong maniniwala sa mga dahilan ng mga 'to? Masyadong mga halata.

"Tayo na lang, Hailey?" aya sa akin ni Warren.

"Uy. Kayo na lang daw, Hailey, o," tukso ni Nate sa akin kaya sinamaan ko
siya ng tingin. "Kayo na lang daw ang kumain sa labas. Samahan mo na si
Warren. Kawawa naman. Pagod at gutom 'yan galing sa laro."

Hindi na nga ako nakatutol at sinamahan ko na si Warren.

Halata ngang gutom na gutom siya kasi ang dami niyang inorder at hindi
siya maistorbo sa pagkain. Hindi na ako magugulat kung mabulunan siya
dahil sa ginagawa niya.

"Congrats sa game."

Napahinto siya sa pagkain at nginitian ako, "Thank you."

"Halata kanina na nag-eenjoy ka."

"Talaga?" tanong niya at sumandal sa upuan. "Siguro kasi masaya talaga


ang ginagawa ko. Last tournament ko na 'to as a highschool student. Alam
mo 'yun.. parang ang bilis. Basta. Dahil doon, gusto kong mag-uwi ng
trophy para sa Kingdom High. Gusto kong mag-iwan ng trophy bago pa man
tayo grumaduate. Ang saya lang kasi kapag ganoon."

"Kapag ano?"

"Kapag pakiramdam mo may nacontribute ka sa school mo. Na may mga tao


kang napasaya dahil sa pagkapanalo mo. Na may mga taong proud sa nagawa
mo. Ang fulfilling lang. Ang sayang isipin na minsan sa buhay mo may
nagawa ka namang tama."

"Anong drama 'yan, Warren?" biro ko sa kaniya kasi masyado na siyang


seryoso. Kapag talaga basketball ang usapan.. nako.

"Sorry naman. Lakas ng impact ng basketball sa akin, eh."

"I know. At naniniwala naman ako na iuuwi mo 'yung trophy."

Natahimik siya at tiningnan ako na parang nagtatanong kung bakit ko


nasabi 'yun. Nginitian ko siya at sumandal din ako gaya niya.

"Kasi naniniwala ako sa kakayahan mo. At for a passion like that?"

Tinawanan niya ako at nagpatuloy ulit siya sa pagkain. Sandali kaming


natahimik pero after ilang segundo lang ay binasag niya ang katahimikan.

"You're my # 1 supporter, Hailey. And I'm glad that it's you and not
anybody else."

***

Piper's POV

I know that Hailey knows we set her up. She's smart. Plus, we're obvious
so nahalata niya 'yan for sure. She can't say no rin naman and why would
she say no?

I hope things will get better for the two of them. I hope Hailey's
feelings will reach him. Bakit ba kasi pinaglihi sa bato 'tong si Warren?
He's so dense.

"Ayan. Kumpleto na ba?"

Inayos ni Nate at Tamara ang ingredients at saka ko 'yun chineck. Napag-


isipan kasi naming gumawa ng cupcakes for Tamara's sister. Birthday kasi
niya bukas.
"Yes. All set."

"Marunong ka talaga niyan?" Hunter asked.

"Yup."

"Mayroon ka bang hindi kayang gawin?"

"Of course. I'm not perfect, you know."

He nodded at stared down at the ingredients, "It's okay. I prefer real


than perfect." Napatingin ako sa kaniya. He smirked at my reaction. I
pinched his waist which made him laugh.

"Marunong ka ba nito?" I heard Nate asked Tamara.

She shook his head and she looks so clueless. So cute.

"Hindi ko nga alam tawag sa mga nilabas niyong gamit."

"Turuan kita." Wait, what? Nate will teach Tamara? Oh goodness. As if he


knows how to make cupcakes. "Ganito.." Nate opened the box of flour. He
took the spoon and stared at it. Obviously, he doesn't know what to do.

"Ano, aandar ba ang baking lesson natin o makikipag eye-to-eye ka na lang


sa spoon?" Tamara asked. They seem so close na talaga ha.

Nate scratched his head and looked at my direction, asking for help,
"Pipes, ano gagawin?"

I shook my head and I heard Hunter snickered.

"Nagpapalakas ka pa ha. You don't even know what you're doing naman
pala."

I gathered the ingredients and I told them the steps on how to make
cupcakes. It looks like super focus naman silang lahat and they're
following what I'm doing.

When we finally filled the baking cup, I asked Tamara to make the
frostings and Nate helps her.
I'm cleaning some of our mess and sinasara ko na 'yung box ng flour kaya
lang it accidentally slipped from my hand. Instead malinis, nadumihan ko
lang lalo 'yung place.

"What a mess," I grunted. Hunter, who is helping me in cleaning, taps my


shoulder and said it's okay.

Ang laki ng box and super konti lang ang nagamit namin. Mas marami pa ang
naspill ko. Nakakahinayang lang.

Kaya lang I can't do something about it na rin naman so nilinis ko na


lang.

"May ano ka.." My eyebrows creased sa sinabi ni Hunter. May ano? "Your
hair."

"What?"

He shook his head and moved closer. Hinawakan niya 'yung hair ko and
parang may tinatanggal siyang something. Maybe it's the flour.

"Ang tamis," Nate said while looking at us. Ayan na naman. Manunukso na
naman 'to. "Sobrang sweet," he smiled playfully kaya sinamaan ko siya ng
tingin. "Nitong frosting. Ang tamis nito. Anong akala mo?"

I rolled my eyes at him. Lumapit si Nate while laughing. Pumagitna siya


sa amin ni Hunter and it looks like he's cleaning the mess I made din.
Kaya lang all of a sudden, hinipan niya 'yung flour and inulit pa niya
until sa mismong face ko at ni Hunter hinipan ni Nate ang flour.

"Harina fight," he shouted and threw flour at us.

I can't help but to attack him din kasi if not, maliligo talaga kami sa
harina. Maski si Hunter, he started throwing flour at Nate na rin. A
minute or so, nag-stop din kami and we can't help but laugh at our faces.

"Ayos, Guevarra, tumatawa ka pala."

Hunter smirked at him, "Tagal na."

"Ayos ha. Nakipaglaro na, tumawa na, sumagot pa. Pipes, good influence ka
talaga kay Hunter. Kaya meant to be kayong dalawa, eh."

My eyes met with Hunter's and I felt myself blushed. "Shut up," we said
in unison.
"Sabay pa. Iba na 'yan, ha." Pang-iinis niya pa.

He was about to make frostings na ulit when he realized that Tamara


didn't join the harina fight. Tiningnan niya kami and with that one look,
I know what he's thinking na. Kumuha kami ng flour and we walk towards
Tamara na sobrang serious sa ginagawa niya.

Nate signalled us and we all threw our flour kay Tamara. She was shocked
at first but when she finally recovered, she glared at us. For a moment I
thought she was really angry kaya lang bigla na lang din siyang gumanti
and the second round of harina fight began.

When we're done, Tamara went to the comfort room and Nate offered to get
towels for us. Para makapaglinis kami.

Naiwan kami ni Hunter and I can't help but laugh when I saw his face. I
mean.. for someone as serious as Hunter.. parang ang laking joke to see
him na naliligo sa harina. "You're face.. so maputi," I said in between
laughs.

When I finally recovered, my hand moved on its own. Pinunasan ko si


Hunter and I tried na alisin ang ibang harina sa face niya. He stared at
me and smiled. I felt butterflies in my stomach kaya lang as much as
possible, hindi ko 'yun pinahalata.

Kaya lang when he touched my cheek at tinanggal din ang harina sa face
ko, I can't help but blushed. His smile grew wider. He likes what he's
seeing. It's obvious. Pinagtritripan ako nito ha.

Pinalo ko siya sa noo kaya he laughed pero he's still trying na tanggalin
'yung flour sa cheeks ko using his both hands.

I don't know, but I'm so caught up in the moment and I don't exactly know
what was happening. Parang I've been pulled out from reality and binalik
lang ako doon when I heard Nate.

He coughed. Nakasandal siya sa frame ng door while holding a towel at


nakatingin sa amin ni Hunter. He's smiling wildly and inabot sa akin ang
towel.

"Huwag naman sana masyadong matamis 'yung ginawa nating cupcakes. Mukhang
nasobrahan ng supply ng asukal dito eh," he said and winked at me and
Hunter. "Sige. Alis muna ulit ako. Tuloy niya na 'yang moment niyo,"

***
For those who are asking nasa MIBF po ako ng Sept 19 (an hour or two) for
Tina's meet up and on Sept. 20 for 3rd Annual Wattpad Meet up which will
be held in SMX Convention, MOA.

=================

Chapter 51: Crazy

Nate's Point of View

"Thank you talaga sa cupcakes."

Napatingin ako kay Tamara na ngayon ay kumakain na.

Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon. As usual. Hindi na rin naman
bago 'to. Kasama ni Warren 'yung mga kagrupo niya. Malamang nasa may
court ang mga 'yun o kaya minimeeting ng coach nila. Ewan ko ba. Buti na
lang talaga wala ako sa grupong 'yun. Masyadong mga busy.

Si Guevarra naman malamang nagsosolo na naman. Hindi na ata mawawala sa


kaniya 'yun. Kailangan talaga minsan ng taong 'yun ng "alone time". Kahit
na parang palagi naman siyang alone.

Si Hails at Pipes naman, magkasama. CR lang daw sila sandali. Ang sandali
nila inabot na ng 20 minutes. Ang ibang babae talaga hindi ata nausuhan
ng orasan. Kapag sinabing 5 minutes, 30 minutes talaga ang ibig sabihin.
Kapag sinabing sandali, matagal talaga ang ibig sabihin. Hay nako.

Maregaluhan nga sila minsan ng orasan. Pero yung mumurahin lang.


Estudyante palang ako. Wala pa akong pangbili ng branded.
"Uy. Narinig mo ba ako? Badtrip 'to. Minsan lang ako magpasalamat hindi
pa ako pinansin."

"Narinig ko. Excited ka naman kasi. Sandali lang, may iniisip pa eh,"
biro ko sa kaniya. "Walang anuman. Ayos ka rin ha. Nagpapasalamat ka na
ngayon."

"Nagpapasalamat naman ako kapag kailangan magpasalamat."

"Dapat lang. Tulad nga nang sinabi ko sa 'yo, matuto kang i-express - "

" - ang nararamdaman ko. Oo na. Naintindihan ko. Kaya nga sinusubukan ko
na, 'di ba?"

Tinapik ko ang ulo niya. Inaasahan ko na papaluin niya ang kamay ko dahil
parang ginagawa ko siyang aso pero hindi naman niya ginawa 'yon.
Tiningnan ko lang siya kaya napatingin din siya sa akin at tinaasan ako
ng kilay na parang alam na ang iniisip ko.

"Hinahabaan ko ang pasensya ko kaya huwag kang magulo. Hindi talaga kita
papaluin pero kapag ako nainis na talaga, baka hindi na ako
makapagpigil."

Okay na sana. Pero hindi pa rin. Palpak pa rin.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil gutom na talaga ako at kung hindi
ako kakain ng marami, baka makain ko na pati ang mga tao dito. Kaya lang
badtrip pa rin. Nagbayad ako ng maayos pero kakarampot lang ang pagkain
na nakalagay sa pinggan ko.

Tiningnan ko ang lugar kung saan bumibili ng pagkain at marami pa rin ang
nakikidigma doon hanggang ngayon para lang makakain. Ayoko naman
makipagdigmaan sa kanila. Tinatamad ako.
"Tammy, kung sakaling ayaw mo nang kumain at busog ka na sabihin mo lang
sa akin para ako na uubos niyang pagkain mo. Sayang naman."

Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ang mga mandirigmang estudyante


na nakikipagsapalaran para lang makabili ng pagkain.

"Gutom ka pa, ano?"

Hindi pa man din ako nakakasagot nang maglagay na siya ng pagkain sa


pinggan ko.

"Hindi ko rin naman mauubos. Sayang lang 'to."

Nagulat ako nang himayin niya pa ang manok para sa akin. Ang galing ko
naman atang adviser. Ang bilis matuto nitong si Tamara.

"Bakit?" tanong niya nang mapansin na nakatitig ako sa ginagawa niya.


Nang marealize niya ang ginagawa niya ay inilayo na niya ang kutsra't
tinidor niya sa pinggan ko. "Sorry. Nasanay lang ako kasi ganyan ako sa
mga kapatid ko."

"Ayos lang 'yan, Tammy. Improving ka naman. Ipagpatuloy mo lang 'yan.


Kung iisipin mo siguro na kami 'yung pamilya mo hindi ka maiilang na
gumawa ng mga sweet na bagay."

At masyado talagang fast learner 'tong estudyante ko. Sinabi ko lang na


isipin niya na kami ang pamilya niya naging ayos na nga siya.
Una, pinaghimay niya ako. Pangalawa, nang masamid ako lumapit agad siya
sa akin para bigyan ako ng tubig. Pangatlo, bigla na lang niyang
tinanggal 'yung kanin na sumabit sa buhok ko.

Ang galing ko talagang magbigay ng payo. Naiaapply niya na kaagad. At


ayos din siya ha. Mukhang ang sweet nga niya sa pamilya niya. Sana laging
ganto 'tong si Tammy. Para mauso ang kapayapaan sa aming dalawa.

***

"Nate, bili ka nga ng snacks sa baba."

Makapag-utos 'tong si Hailey akala mo binabayaran niya ako para maging


utusan. Asa!

Hindi ko siya pinansin. Siguro naman naiintindihan na niya ang ibig


sabihin nu'n.

"Nate."

"Nate, please."

"Nate, dali na. Kaunti na lang matatapos na recess natin."

"Nate, pakibili naman ako ng pagkain sa babae. Please. May tinatapos lang
akong seatwork kanina."

Mapaos man siya kakapabili sa akin hindi ako - "Nate, pogi ka naman eh.
Dali na."

"Ano ba bibilin? Akin na pambili, bilis."


Binigay na niya sa akin ang pambili at sinabi ang gusto niya. Dumiretsyo
ako sa canteen at inabutan ko doon si Pipes at Tamara. Parehas kumakain
at mukhang nagtatawanan pa.

Tumabi ako kay Pipes at tinanguan si Tamara saka nag thumbs up. Mukha
namang nagets niya 'yon kaya napathumbs up din siya.

"Thumbs up for what?"

Tinaasan-baba kilay ko lang si Pipes at umalis na ulit sa pwesto nila.


"Why did the both of you did that?" As much as I want to stay with the
two of them, hindi pwede. Kawawa naman kasi si Hails kung hindi agad ako
makabili at makabalik sa room.

Sinabihan pa naman niya akong gwapo.

Nang makabalik ako sa room at naiabot ko na ang binili ko para kay Hails,
sumunod na rin na dumating sila Tamara at Pipes. Lumapit sila sa amin at
nakiusyoso sa ginagawa ni Hails.

"You're not yet done?" tanong ni Pipes at sinilip ang papel ni Hails.
Hindi ko rin gets 'tong bestfriend ko. Sinilip na nga niya 'yung papel
eh. Dapat alam na niya na hindi pa tapos. "That's kinda nerve-wrecking,
Hails. You don't have to answer that part sabi naman. Besides, it's just
para sa homeroom."

"Well, yeah. Kaya lang alam ko na kaya ko pang pigain utak ko eh. Ayoko
naman iwan lang ng ganito 'to. Kung kaya ko pa naman, bakit ko
titigilan?" sagot ni Hails at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nagkatinginan na lang kami nila Pipes at Tamara dahil sa sinabi ni Hails.


Parang seatwork lang naman ang pinag-uusapan ang lalim na nang
pinanghuhugutan.
"Good morning, class." Napaayos kami sa inuupuan nang dumating ang next
teacher namin pero gumulo rin agad nang sabihin niya na may meeting ang
mga teachers kaya wala kaming klase. Nag-iwan siya ng homework pero dahil
masipag kami, siguradong walang gagawa no'n.

Bumilog kami nila Pipes at Tamara. Ayaw kasing paistorbo ni Hails tapos
si Warren naman kasama ang ibang jocks. Dumating na rin si Hunter na late
sana sa klase kaya lang dahil sa wala namang teacher ay nakaligtas siya.

Tinawag siya ni Pipes at nagpahila ng upuan para makisali sa bilog namin.


Bilang si Pipes ang nag-utos sa kaniya, sumunod naman siya. Under si
Guevarra, eh.

"This is boring."

"Oo nga. Wala man lang magawa."

"Music room?"

Nagkatinginan kaming apat at sabay sabay tumayo para magpuntang music


room. Wala naman sinabing bawal lumabas.

Inaya namin si Hails at susunod naman daw siya. Seryoso pa raw siya sa
ngayon sa ginagawa niya. Kung ako sa kaniya sumama na lang siya sa amin
sa music room. Kapag narinig niya boses ko paniguradong matatahimik utak
niya at makakapag-isip pa siya ng matino. Kaya lang ayaw niya. Siya
bahala.

Sa music room, pumwesto na kami sa tapat ng instruments na gagamitin


namin. Si Guevarra at Pipes sa gitara at umupo naman ako sa tapat ng
drums. Napatingin ako kay Tamara na umupo naman sa gilid.

"Diyan ka lang?"

"Hindi naman ako marunong tumugtog. Audience na lang ako dito," sagot
niya at nag thumbs up pa. Tinanguan ko siya at tinanong sila Pipes kung
anong tutugtugin.
Sa una nagtalo-talo pa kami pero may natuklasan kaming apat nang balikan
namin 'yung araw na first time kami nagsipag-jam. Pareparehas namin gusto
ang Simple Plan.

"Crazy!" sabay na sigaw namin ni Pipes.

Tiningnan namin si Hunter at mukha namang naintindihan na niya ang gusto


naming iparating ni Pipes. Umupo siya sa isang stool at inayos na ang
gitara.

Napatingin ulit ako kay Tamara na umiinom lang sa isang tabi at


hinihintay kaming magsimula, "Game na, guys?"

"Game!"

♫ Tell me what's wrong with society; when everywhere I look, I see young
girls dying to be on TV. They won't stop until they've reached their
dreams. Diet pills... surgery... photoshop pictures in magazines...
telling them how they should be. It doesn't make sense to me. Is
everybody going crazy? Is anybody gonna save me? Can anybody tell me
what's going on? Tell me what's going on. If you open your eyes you'll
see that something is wrong. Tell me what's wrong with society; when
everywhere I look, I see rich guys driving big SUVs, when kids are
starving in the streets. No one cares. No one likes to share. I guess
life's unfair.

"Wow," sabi ni Tamara ang pumalakpak.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya, "Nangati lalamunan ko sa


kantang 'yun."
"Gusto mo?" Inalok niya sa akin 'yung inumin niya kanina. Tinanggap ko
naman 'yun syempre. Bukod sa ayokong tanggihan ang pagiging mabait niya,
hindi pa ako gagastos pambili ng inumin. Ah, grabe. Lumalala na talaga
pagiging kuripot ko.

***

Warren's Point of View

Nang pumasok ako sa classroom, hindi ko inabutan na nandoon 'yung lima.


Wala naman daw kasi ang mga teachers kaya baka tumambay sa kung saan man
ang mga 'yon.

Umupo na lang ako sa upuan ko at nakipagkulitan sa mga kagrupo ko.

Ilang sandali lang ay dumating na si Piper na may dala pang tubig.

"Saan kayo nakatambay?" tanong ko nang umupo siya sa may likod ng


inuupuan ko.

"Music room. We just played some songs."

"Babalik ka pa doon? Nandoon pa ba sila?"

"Nah. Nate and Tamara went sa canteen. Nagugutom kasi si Nate so he asked
someone to accompany him. Masakit na puson ko that's why I'm here. As for
Hunter, he wants to sleep so nagpunta siya sa clinic."

"Nasaan si Hailey? Hindi niya kasama doon?"

"She went there kanina pero saglit lang. She'll stay raw kasi sa
library."
Tiningnan niya ako at pinangliitan ng mata. "You're covered with sweat,
Warren. Magpunas ka naman. You'll catch a cold again dahil diyan."

"Nakalimutan ko kasi magdala ng bimpo."

Nginitian niya ako ng nakakaloko at hindi ko alam kung bakit ganoon


siyang makangiti. Kinuha niya ang bag ni Hailey at may hinanap doon.
Naglabas siya ng bimpo at inabot sa akin 'yun saka ibinalik ang bag ni
Hailey sa upuan niya.

"Baka magalit si Hailey kapag pinakailaman natin gamit niya."

"Nah. I doubt it."

Pinilit niya pa rin inaabot sa akin ang bimpo kaya tinanggap ko na lang.

"Warren, when was the last time you brought a towel dito sa school?"

"Last week? Last last week? Ewan ko na. Bakit?"

"Have you ever wondered na baka kaya you stopped bringing towel kasi
someone's bringing towel for you?" Nginitian niya ulit ako nang
nakakaloko at nagtaas baba pa ng kilay, "Someone named Hailey? Kaya sure
ako na hindi siya magagalit na kinuha natin 'yang towel na 'yan. Because
it's yours naman talaga to begin with."

Now that she mentioned it.. oo nga ano? Nasanay na ako na si Hailey ang
nagdadala ng bimpo pati na rin ng tubig sa tuwing kinakailangan ko ang
mga 'yun. Kaya rin siguro parang may kulang kanina habang naglalaro kami.
Wala kasi doon si Hailey.
"You're lucky to have Hailey in your life, you know?"

"Yeah. I know."

"Good. Kaya give her more importance. Be there when she needs you. Not
because I told you, but because you want to."

"Lagi naman akong nasa tabi niya basta kailanganin niya lang ako. I
always got her back."

Nakatingin lang ulit sa akin si Piper at nakangiti. Ang weird naman nito
ngayon. Ano bang meron?

"I know," sagot niya at saka ako tinapik sa balikat.

***

"Ice cream tayo, guys!"

"Gusto ko ng smoothie."

"Nah. Cheesecake, people! Cheesecake!"

"Okay na ako sa fastfood."

"Ako nga okay na sa turo turo."

"Nagtitipid nga pala ako. Fishball na lang."

"Fishball and kikiam and squidball."


Sabay sabay na kaming mga nagsasalita. Ewan ko na kung sinu-sino ang
nagsusuggest ng kung anu-ano. Pero nagkasundo naman kaming anim na bumili
na lang sa turo turo sa labas para hindi masyadong magastos.

"Mukhang may lakad, ha?"

Napahinto kami nang may magsalita sa harap namin. Napatingin sa akin si


Hailey at ngumiti saka ibinalik ang tingin sa nagsalita.

"Kuya Zane! Welcome back!" sigaw ni Piper at saka tumakbo palapit sa


kaniya at yumakap. Sumunod na rin naman si Hailey at pati na rin si Nate.
Naiwan kami nila Tamara at Hunter na nakatingin lang sa kanilang apat.

"Sino 'yun?" tanong ni Tamara.

"Si Kuya Zane," sagot ko. "My brother."

***

Next update: Tuesday OR Wednesday

ANNOUNCEMENT: Malapit na pong matapos ang book 1 ng TTWTR. 12-15 chapters


na lang siguro. Tatapusin ko na siya by November siguro. PERO!! Pero may
book 2 pa 'to. Level up na tayo sa book 2. Konti na lang ang pa-cute. :D

=================

Chapter 52: Almost perfect guy


Hailey's Point of View

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Kuya Zane. Nandito siya


mismo. In flesh. It's been a while since umuwi siya dito.

Grabe. Sobrang idol ko 'tong si Kuya Zane. He's almost perfect at hindi
ko alam kung paano niya nagagawa 'yun.

Kasama siya sa dean's lister sa college nila. Ang balita ko pa nga ay


nakasali pa siya sa pageant ng college nila at nanalo siya. Sa itsyura ba
naman niyang 'yan hindi na rin nakakapagtaka. Gwapo kaya niya. Nanalo rin
siya at naging student body president ng buong campus nila. Patunay lang
na hindi lang siya matalino academically pero kaya niyang mamuno ng
gano'ng kalaking population ng students. Namana rin niya 'yung galing sa
pagtugtog ng gitara nila Tito Xander pati na rin ang pagkanta.

Grades, check! Looks, check! Brain and leadership, check! Talent, check!

Jusko. Ano pa ba ang kulang dito kay Kuya Zane? Almost perfect na. Wala
ka nang hihingin pa. Perfect package na kumbaga.

He's every girl's dream and every guy's friend.

"Long time no see, Kuya Zane! Mabuti naman at umuwi ka na rin dito.
Namiss mo kami, ano?" biro sa kaniya ni Nate.

"Oo naman. Ang tagal ko na kayong hindi nakita. Tumangkad ka, Nate."

Nag pogi sign si Nate. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yun eh ang
sabi sa kaniya, tumangkad siya. Tumangkad at hindi gwumapo o pumogi.
Weird.

"Ikaw, Hailey. Aba.. gumaganda ka lalo, ha? Blooming ka. May manliligaw
ba?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako
sanay tumanggap ng compliments. Hindi ko alam kung paano magrerespond sa
sinabi niya kaya ang tanging ginawa ko ay umiling at ngumiti.

"Look at you, Piper! Dalagang dalaga ka na. Ang ganda mo rin lalo ngayon.
May pinagpapagandahan ka ba?"

Bago pa man sumagot si Piper ay may umubo na sa likod namin. Si Hunter.


Katabi niya si Warren na katabi naman ni Tamara.

"Thanks, Kuya Zane. Anyway, I want you to meet our new friends." Hinila
ni Piper si Kuya Zane para lumapit kila Warren kaya napasunod kami ni
Nate. "Her name is Tamara and he is Hunter naman."

"Nice to meet you po," sagot ni Tamara samantalang tumango lang si Hunter
sa kanya.

Binati ni Kuya Zane si Warren pero napansin kong mukhang hindi naman
masyadong excited si Warren sa pagdating ng kapatid niya. Parang mas
natuwa pa kami kaysa sa kaniya. O baka sadyang pagod lang siya ngayong
araw.

"Bakit ka nga pala nasa school namin?" tanong ni Warren sa kanya.

"Susunduin dapat kita. Kaya lang mukhang may lakad kayo. Saan ba punta
niyo?"

"Kakain lang dyan sa gi -- "

"Kakain kayo? Pwedeng sumama? My treat."


Napapalakpak si Nate at agad lumapit kay Kuya Zane saka umakbay, "Ikaw
lang talaga hinihintay namin. Tara na sa kung saan mang fastfood."

Nagsisunuran kami sa sasakyan ni Kuya Zane kaya lang nang mapansin kong
hindi sumusunod si Warren ay napahinto ako.

"Warren? Tara na?"

"Akala ko ba streetfood ang gusto niyong kainin?"

"Kahit ano gusto kong kainin basta libre," sagot ni Nate at inaya na rin
si Warren sumakay ng sasakyan.

***

"Kailangan ko lang ng break sa school. Nakakastress na rin kasi minsan.


Kaya lang hanggang nandoon ako, hindi naman mawawala pagkastress ko."

"Nakadorm po kayo doon? Hindi nakakahomesick?" tanong ni Tamara.

"Nu'ng unang taon medyo mahirap kasi nasanay ako na nakatira kasama sila
Mama. Pero tatlong taon naman na akong nagdodorm kaya nakasanayan ko na
rin. Minsan nga lang namimiss ko pa rin umuwi sa amin."

Kung anu-ano pa ang itinanong nila kay Kuya Zane. Lalo na si Nate. Ang
daming tanong. Kamusta classes, mahirap ba ang mga subject, hindi ba
talaga sila nauusuhan ng tulog, umiinom na ba siya, nagyoyosi o
nagdradrugs, pumaparty ba siya every night. Kung anu-ano ang tanong ni
Nate na lahat naman sinasagot ni Kuya Zane kasi nga he's nice.

"Bakit hindi ko alam na may kapatid ka?" tanong ni Tamara kay Warren
habang busy pa rin sa pangungulit si Nate kay Kuya Zane.

"Nakalimutan ko na rin." Siniko ko si Warren dahil sa naging sagot niya.


"Masama na bang magbiro ngayon? Masyado kang seryoso, Hailey," tawa pa
niya at saka ulit humarap kay Tamara, "Hindi niyo naman ako tinanong kaya
hindi ko sinabi. Hindi rin naman ako palakwento."

"You know what, Tamara, Kuya Zane is just like... Jarvis. You'll never
know he exists not until you finally meet him."

May point din naman 'tong si Warren at Piper. Hindi nga rin pala namin
nababanggit si Kuya Zane sa mga usapan. Maski naman si Jarvis.

"It took you long enough to find out kasi college na siya. He doesn't
live here anymore. Though his home is here, he's not here din naman
madalas. Whenever he finds the time lang. But hindi mo rin naman siya
masisisi. He has so many responsibilities din naman kasi. Speaking of
responsibilities..." Humarap ulit si Piper kay Kuya Zane at nagtanong,
"Kuya, sa sobrang dami mong responsibilities, do you still find time to
date? Do you have a girlfriend, or kahit nililigawan man lang? Or are you
too busy to date?"

Lahat kami ay napatingin kay Kuya Zane dahil sa tanong ni Piper. Oo,
maski ako. Jusko, nakakacurious kayang malaman kung may babae na bang
nagpatibok ng puso ng isang Zane Evans - the almost perfect guy.

Natawa siya sa mga reaksyon namin at parang nag-eenjoy pa siya na bitinin


kami.

"When you finally found the right person, you'll never be too busy to
date. You'll find time for sure."

"Nakita mo ba ang right person?" tanong ni Nate.

"Paano mo ba malalaman na nakita mo na ang right person para sa 'yo? May


clues ba or signs?"

Walang nakasagot ng tanong niya kaya napangiti na lang si Kuya Zane at


hindi na umimik. Lahat kami ay ganoon din ang ginawa na para bang
hanggang ngayon ay iniisip pa rin kung ano ang tamang sagot sa tanong
niya.

Paano nga ba?

"Sa tingin ko..." Napatingin kami kay Nate nang magsalita ito. "Wala
namang sign o clue. Malalaman mo lang basta. Parang... magic."

"Magic," ulit ko sa sinabi niya.

Tumango lang si Kuya Zane at ngumiti.

"So... did you found her?"

"Sino?"

"The right girl?"

Hindi sumagot si Kuya Zane at ngumit lang ulit. Siguro ang ibig sabihin
ng ngiti na 'yun ay nakita na nga siya 'yung right girl para sa kaniya.
Sobrang nakakacurious kaya lang kung ayaw naman niyang sabihin, bakit
namin pipilitin? Eventually naman makikilala rin naman 'yan.

"Tara na. Uwi na tayo," aya sa amin ni Warren.

"Pero Warren, lubusin na natin 'tong libre ng kuya mo. Mamaya na tayo
umuwi," kontra naman sa kaniya ni Nate.

Napatingin si Piper sa labas at ibinalik ang tingin sa amin, "We should


go na nga. Malapit na mag-6,"
"Pipes - "

"Tama sila, Nate. Baka abutan pa ng dilim 'tong si Tamara at Hunter."

"Sige na nga."

"We're going na. Hindi ka na sasabay?" dinig kong tanong ni Piper kay
Hunter.

"Hindi na. Hintayin ko na lang kayo makaalis."

"No, it's better if you go first."

Parang nagtatalo pa ang dalawa kung sino ang unang aalis sa kanila. Hindi
ko alam kung nagtatalo na ba talaga sila o sadyang ayaw lang nila
maghiwalay pa kaya walang may gustong maunang umalis.

Kinalabit naman ako ni Warren at nag-aya nang lumabas. Nagpaalam naman si


Kuya Zane na mag-te-takeout para sa mga magulang namin kaya hinintay na
lang namin siya sa labas.

***

Nate's Point of View

Hindi ko alam kung ilang beses na ba ako pinagalitan ni Mama ngayong araw
dahil paikot-ikot ako dito sa amin. Siguro nakasampung ikot na ako sa
bahay namin at madadagdagan pa 'yun kasi sobrang naiinip talaga ako at
wala naman akong magawang matino.

"Nate, isang beses ko pang makita 'yang mukha mo sa lahat ng kanto ng


bahay natin, ipapaampon na talaga kita kila Ate Cass."
Tinabihan ko si Mama sa sala na ngayon ay busy sa laptop niya saka siya
ginitgit. "Ma, anong gagawin mo kapag wala kang magawa?"

"Maghahanap ng gagawin."

"Paano kapag wala kang mahanap na gawin?"

"Wala ka bang magawa? Bibigyan kita ng gagawin."

Napalunok ako kasi parang alam ko na ang gustong ipagawa ni Mama.


Papaglinisin niya ako ng bahay panigurado. Mas okay naman na na mainip
ako kaysa mapagod.

Nginitian ko si Mama at umiling para tanggihan ang alok niya, "May naisip
na po pala ako. Punta lang muna ako sa kapitbahay. Sige, Ma. See you
later." Okay. Safe.

Sakto paglabas ko, nakita ko si Pipes na kakalabas lang din sa kanila.


Kinawayan niya ako nang makita niya at tumakbo para lumapit sa akin.

"I'm bored. Let's go somewhere."

"Bakit sa akin ka nagpapasa? Bakit hindi kay Hunter?"

"He's working. But kung ayaw mo, okay lang. I'll ask Hailey or Warren na
lang to come with me sa resto ni Tita Marga. Sige, maiwan ka na. Bye!"

Dahil sa hindi ako pinilit ni Pipes at iniwan nga niya talaga ako,
tumakbo ako para makasunod sa kaniya at saka siya inakbayan. Inip na inip
na ako kaya kailangan ko rin sumama sa kanila para malibang man lang
kahit papaano.
Inaya niya si Hailey na agad naman pumayag. Sunod kaming pumunta kila
Warren at inaya ang magkapatid.

"Gusto ko sanang sumama kaya lang," itinuro ni Kuya Zane ang mga papel na
nakakalat sa dining table nila. Sobrang busy niya naman talaga kaya
maiintindihan namin kung hindi siya sasama. Sayang nga lang kasi ibig
sabihin nito, siguradong KKB kami mamaya. Wala kasi 'yung mahilig
manlibre.

"Tara na, guys," aya ni Warren kaya nagpaalam na kami kila Tito Xander.

***

"Last time na nagpunta tayo dito, nag-away kayo ni Tamara, ha," tukso sa
akin ni Hails dahilan para pagtawanan nila ako.

Past is past na nga. Hindi na kaya kami madalas mag-away ni Tamara.


Mabait na kaya 'yun sa akin ngayon.

"Buti naman at nadaan kayo dito ngayon," bati sa amin ni Tamara bago niya
kuhanin ng orders namin.

"Syempre. Naisip namin na baka malungkot ka kasi isang araw mo kaming


hindi makikita. Kaya bago ka pa umiyak, dadalawin ka na namin."

"Anong kabaliwan na naman 'yan, Nate?"

"Deny pa."

Inirapan niya ako at saka kinuha ang orders namin.

Tulad dati, kada dadaan siya ay tutuksuhin ko siya. Ang kaibahan nga lang
sa dati at ngayon, dati lagi siyang nabubugnot at naiinis. Ngayon, hindi
na. Nakikiride na siya sa mga pangtritrip ko.
"You and Tamara seems close na, ha. Hindi lang close. Super close pa,"
bulong sa akin ni Pipes at kiniliti niya pa ako sa tagiliran dahilan para
mapatingin sa amin si Warren at Hails.

"Malamang. Lagi niyo kaya kaming iniiwan. Itong si Hails madalas kasama
si Warren. Kayo naman ni Hunter ganoon din. Kanino ako maiiwan? Syempre
kay Tammy. Syempre magiging close kami. Baka nga mas close na kami kaysa
sa mas close tayong apat eh," biro ko sa kanila pero sinamaan nila ako ng
tingin kaya binawi ko rin, "Joke lang."

Ang possessive naman ng mga 'to. Masyado naman nila akong mahal.

"Close din naman kami ni Tamara. Mas close kaya kaming girls."

"Yeah! I agree with Hailey. We're closer, ano."

Okay, binabawi ko na. Hindi pala sa akin sila possessive. Kay Tamara
pala.

Madilim na nang maisipan namin magsi-uwi. Pero dahil sa madilim na nga ay


naisipan ko na magpaiwan na lang para samahan si Tamara umuwi. Tutal kami
naman ang madalas magkasama ngayon, bakit hindi ko pa lubusin at
magpakagentleman? Late na at delikadong umuwi siya mag-isa kahit na
sabihin pa natin na magaling siyang mangarate.

"Okay lang na mauna na kayo?" tanong ko kay Pipes.

"Ikaw? Are you sure you'll stay?"

"Delikado na eh."

"Okay. Take care ha? See you later or tomorrow, Nate. Bye."
"Warren! Bantayan mo 'yang dalawa ha?!"

Itinaas ni Warren ang kamay niya saka sumaludo.

Nasa labas ako at hinihintay si Tamara. Hindi niya alam na ihahatid ko


siya kaya nagulat siya nang makita ako.

"Akala ko umuwi na kayo?"

"Ihahatid na kita. Gabi na."

Halatang nag-isip pa siya sandali pero pumayag din naman.

Nagulat ako nang i-pat niya ako sa ulo at ngitian. Astig ha. Nginitian
niya ako. At parang ginawang aso.

"Alam mo, ayos rin naman na nagpapakagentleman ka minsan. Nakakalakas ng


appeal mo 'yan."

Appeal? Malakas ba ang appeal ko? Napapansin niya ba na malakas ang


appeal? Akala ko ako lang nakakapansin. Napansin din pala niya. Buti
naman.

***

Next update: Saturday OR Sunday


=================

Chapter 53: Unsure feelings

Tamara's Point of View

"Mabait na bata 'yang si Nathan."

"Nakakatawa pa, Ate Tamara."

"Maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya."

"Sana nga lagi nang dumalaw dito si Kuya Nate."

Buti na lang nakauwi na si Nate. Kung sakaling narinig niya ang mga
papuri ng magulang at dalawa kong kapatid sa kaniya baka pumalakpak ang
tenga no'n sa tuwa. Hindi rin 'yun magdedeny panigurado. Sasabihin pa
niya na totoo lahat ng sinabi nila sa kaniya.

Pero kung tutuusin, totoo naman talaga.

Mabait si Nate kasi bukod sa maganda ang pagpapalaki sa kaniya, mabait


ang magulang niya, at sadyang mabait lang talaga siya. Kahit siguro hindi
maging mabait ang magulang niya magiging mabait pa rin siya. Kasi ganoon
siyang klase ng tao. Kasi nature na niya 'yun. Mabait pero medyo
overconfident nga lang.

Proud na proud sa sarili niya. Kaya lang wala namang naiinis sa


kayabangan niya. Mas madalas nga na natutuwa sa kaniya ang mga tao kapag
nagyayabang na siya. Kahit kasi totoo at seryoso ang sinasabi niya,
nagmumukhang joke sa way nang pag-deliver niya. Isa na 'yun sa charm
niya. Ang maging nakakatuwa without even trying.
Lately sobrang natutuwa ako sa kaniya. Naappreciate ko 'yung tulong na
ginagawa niya para mapalabas ako sa lungga ko at matutong ilabas ang
nararamdaman ko. Ayokong maging bato habambuhay kaya sobrang laking
tulong niya para mapalabas ang feelings ko.

Sobrang bait ni Nate at masaya ako na makilala siya pati na rin ang iba.
Masaya ako kasi kaibigan ko silang lahat. Hindi man kami swinerte sa
pera, bawing bawi naman ako pagdating sa kaibigan at pamilya.

***

"Tawa nga ako nang tawa kasi bigla na lang tumalon 'yung kapatid ko sa
kama. Siya ba naman liparan tapos dapuan ng ipis sa balikat. Sa sobrang
takot nga niya napaiyak na lang siya kaya lang kahit umiiyak na siya
hindi ko pa rin mapigilan matawa. Hindi naman masama 'yun, 'di ba?
Sadyang nakakatawa lang talaga ang naging reaksyon niya."

Kapag naaalala ko ang reaksyon ng kapatid ko hindi ko mapigilan ang


mapabungisngis. Parang ngayon... kaya lang napahinto rin ako nang
mapansin ko si Nate. Nakatunganga lang siya at parang nasa ibang mundo.

"Tapos tumakbo sila nanay papunta sa amin kasi akala nila kung ano na ang
nangyayari. Hindi nila alam may flying ipis lang naman pala."

Hinintay ko na mag-react si Nate sa kwento ko pero hindi pa rin siya


nagsalita at hindi pa rin siya natinag. Hindi ko nga alam kung kumukurap
pa ba siya. Ngayon sigurado na ako, hindi talaga siya nakikinig.

"Nate," tawag ko sa kaniya pero hindi pa rin siya sumagot. "Nate." This
time ay lumingon na siya sa akin pero parang tulala pa rin. "Nate, ayos
ka lang?"

Hindi na naman siya sumagot at nakatingin lang. Parang nandito siya


physically pero parang wala naman 'yung katinuan niya dito.
Pumalakpak ako sa tapat ng mukha niya na ikinagulat niya, "Oy! Ano 'yun?
Para saan 'yun?"

"Nawawala ka ba?"

"Pick up line ba 'yan?"

"Ha? Hindi! Seryosong tanong 'yan. Nawawala ka ba at parang wala ka naman


dito? Layo ng nililipad niyang isip mo."

"Ah, hindi. Siguro – "

Hinawakan ko siya si pisngi pati na rin sa noo niya para malaman kung may
lagnat ba siya kaya gano'n siya kumilos. Nang hawakan ko na ang noo niya
ay hinawakan niya ang kamay ko saka inilayo sa kaniya at binitawan. Ano
na namang trip nitong si Nate?

"Tsansing ka, Tammy. Ayos lang ako, 'no."

Halata namang hindi. Nagdedeny pa. Siya 'tong nagsabi na huwag ako
matakot maglabas ng emotions pero siya 'tong nagtatago. Hindi naman
ganito umarte si Nate. Hindi naman tahimik ang totoong Nate. Asa pa akong
manahimik ang totoong Nate.

"Alam kong may gumugulo sa isip mo, Nate. Kung ano man 'yan, hindi kita
pipilitin sabihin sa akin. Choice mo naman 'yan. Basta kapag kailangan mo
ng kausap, nandito lang naman ako."

Tumawa si Nate at saka ako tinapik, "Masyado kang seryoso, Tammy. Walang
gumugulo sa isip ko. Tara na lang, kain tayong kwek kwek. Pero KKB ha."
Lumabas na kami ng campus at nagpunta sa gilid gilid kasi doon nakapwesto
ang mga nagtitinda ng streetfoods. Mukha namang okay lang si Nate pero
sure pa rin akong may gumugulo sa kaniya.

Sandali lang din at nag-aya na akong umuwi para matapos ko na rin ang mga
homework at requirements namin ahead of time. May duty pa ako kinabukasan
baka mawalan ako ng time.

Hinatid lang ako ni Nate sa may sakayan ng jeep kasi baka masanay na nga
siyang hinahatid ako sa amin. Sayang lang sa pamasahe at pagod pa 'yun.

"Ayan na, Tammy. May paparating ng jeep."

Ang lamya talaga nito ngayon.

Kinalabit ko siya. Nang humarap siya sa akin ay niyakap ko siya at saka


ko tinapik ang likod niya. Bumitaw din naman ako agad kasi nakakahiya sa
mga tao. Baka isipin nila na may something kami nitong si Nate kahit na
friends lang naman talaga. Mahilig pa naman magbigay ng malisya ang ibang
tao sa mga bagay bagay.

"Basta nandito lang ako para pakinggan mga drama mo sa buhay. Bukas naman
palagi bahay namin para sa 'yo," sabi ko pa sa kaniya at nagpaalam saka
sumakay na ng jeep.

***

Piper's Point of View

I was about to sleep when I heard my phone rings. Nate is calling.


Sinagot ko ang call niya right away.
"What's up?"

"Matutulog ka na ba?"

Since he's my bestfriend, I know when something's bothering him. There's


something wrong with his voice kaya kahit I was about to sleep na talaga,
hindi ko na lang sinabi 'yun sa kaniya.

"No. Why? May problem ka ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang mang-istorbo."

Huh. As if I'll believe him. Bestfriend niya ako so he should know na


alam ko when he's telling the truth or lying. And this time, I'm sure
he's lying. Yes, he'll call just to bother me pero halata sa boses niya
na may iniisip siya.

"Let's talk pero sa may bintana. I'm hanging up."

I wore my slippers and nagpunta na sa may window na katapat ng room ni


Nate. I'm opening the window and he's there na.

"So.. anong problema mo?"

"Wala nga. Para kang si Tamara. Iniisip niyo na may problema ako kahit
wala naman."

"Because I know na meron naman talaga. So.. tell me. I'm your bestfriend,
Nate."
He didn't talk. It seems like he's still confuse if he's going to tell me
something or not.

"Okay.. magkwento ka na lang," I said just to lighten up the mood.

"Tungkol saan?"

"We haven't talk since yesterday night. What time ka nakauwi?"

"Around 7 lang naman."

I just realized something... it's been awhile since Nate and I went
somewhere together. Just the two of us. I kinda miss my bestfriend.
Nagkikita naman kami everyday but still...

"Nate," I called and he looked at me, "I'm sorry."

"Ha? Para saan?"

"I'm sorry for being a terrible bestfriend. It seems like I don't spend
so much time with you lately. Kaya ayan... I feel like may problem ka and
I wasn't there for you to cheer you up. Sorry, Nate."

He laugh and shook his head, "Hindi, ha. Ikaw pa rin ang best bestfriend
sa buong mundo. Alam ko naman na may mga pagkakataon na hindi ako ang
magiging madalas na kasama mo kasi... alam mo na. Parang may something
kayo ni Hunter. Pero kasi alam ko rin naman na darating ang panahon na
magagawa ko rin 'yun sa 'yo kahit hindi ko sinasadya. Kasi may kanya
kanya pa rin tayong buhay. Pero hindi naman ibig sabihin no'n hindi na
tayo magiging magbestfriend o magiging terrible bestfriend na tayo sa
isa't isa. Parte lang talaga ng buhay natin 'yun."

Yes, nakakatouch ang sinabi niya but I'm still bothered. He's getting
serious kaya I'm so sure na there's something wrong talaga.
"But Nate, kahit naman we spend less time with each other it doesn't
affect naman our friendship, 'di ba? Kasi I'm certain that except from my
family, you're one of the constant men in my life."

"Ganoon ka rin naman."

I smiled at him and he did the same.

"Wait.. so tell me again why are we so sentimental tonight?"

"Ikaw kasi nagsimula niyan. Kitang hindi nga ako sanay sa mga ganyang
usapan."

"I noticed lang naman kasi na we don't spend too much time together na.
I'm with Hunter most of the time, and you're with Tamara. Speaking of
Tamara – "

I was about to ask him if he's crushing on her kasi bukambibig niya si
Tamara kaya lang before I could even do that, he let out a deep sigh. I
guess that confirms something. This is about Tamara... or at least she's
part of his problem.

"Game... sabihin mo na. What's with Tamara at super ka na lang kung


makabuntong hininga?"

He let out a deep sigh... again. Napakamot siya sa ulo niya and it looks
like hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. But then bigla siyang
pumikit at umiling and dumilat again.
"Ang weird lang kasi, Pipes. Parang may kakaiba kaya lang hindi ko alam
kung ano. Kapag kasi nakikita ko siya ayos lang naman ako. Kaya lang
nitong mga nakakaraan, para na akong nakukuryente. Minsan tuloy natatakot
akong lumapit sa kaniya kasi baka makuryente na naman ako."

When I heard his problem, I can't help but smile. My bestfriend is so


cute. He had girlfriend or girlfriends na before pero he's still clueless
about this thing.

"Ito namang mata ko minsan palaging nakasunod sa kaniya. 'Yung bibig ko


bukambibig na rin siya. Pero kanina nang tabihan niya ako tapos kwentuhan
ng kung anu-ano parang nablangko 'yung utak ko. Lumutang na lang sa ere.
Natatakot na tuloy akong tabihan ulit si Tamara."

"You don't know why?"

"Hindi ko alam."

"Well... maybe because you're starting to feel something for her."

His eyes grew wide and he shook his head. "Hindi pa naman ako in love sa
kaniya."

"Who says something about love? Advance ka naman masyado."

"Ayon ang sabi mo."

"No. I told you na baka you're feeling something for her, but it doesn't
mean na love 'yun. You're crushing on her. You like her."

Napahinto siya and it looks like he's thinking if tama nga ang sinabi ko.
"You think?" he asked.

I smiled at him and nodded, "I know."

***

Next update: Tuesday

=================

Chapter 54: Hunter the Joker

Piper's Point of View

Nate asked me to go with him sa café ni Tita Cass. He's craving for a
cake daw kasi or anything basta sweet. Since lately naman we don't hang
out that much, pumayag na rin ako. I miss hanging out with my bestfriend
din naman kasi.

We're eating when Hunter sat beside me. Break time daw niya kaya he's
allowed to sit with us.

"Medyo tahimik 'yung bestfriend mo," he whispered when he noticed na


tinutusok tusok lang ni Nate 'yung cake. I feel bad for the cake, though.
Super kawawa.
I shrugged in response. I was hoping to hang out with my bestfriend kaya
lang it seems like his mind is elsewhere. And that's very unusual. It's
like he's with me physically, but mentally and emotionally? Nah. Siguro
pinag-iisipan niya 'yung conversation namin kagabi.

He's in denial pa kasi. All his life sanay siya to fool around and he
don't take things seriously. Even sa girls. He had girlfriends pero none
of it was serious kasi siguro he hasn't found someone na seseryosohin
niya.

"Okay lang ba siya?"

I smiled at Hunter for being curious. He's curious so maybe he's starting
to care kahit katiting lang. Unlike dati na wala talaga siyang pakialam.
At least ngayon he's changing... for the better.

"Give him his moment na lang."

He looked at Nate for a brief moment at saka ulit tumingin sa akin. We


talked about random things as usual. The more na nakakausap ko siya, the
more na mas nakikilala at nagugustuhan ko siya.

It's obvious naman na kahit sa iba that I like Hunter that's why there's
no need for me to deny it. I don't know why and I don't know when I
started to feel something for him. I like him. And as far as I know, he
likes me, too. That's all that matters.

"May joke ako.." His smile grew wide as he said it.

"Ano?"

"Narinig ko lang 'to kanina sa ibang staff. Don't judge."


I restrained myself from laughing kasi ang defensive niya masyado. Wala
pa man din siyang binibitawan na joke may nalalaman na siyang don't
judge, don't judge.

"Bakit hindi pwedeng magswimming ng sabay sabay ang mga kalbo?"

"I don't know. Why?"

"Kasi magmumukha silang mga nilulutong squidballs."

What? Hindi ko nagets. Bakit squidballs? Oooh! Kasi the pool represents
the pan, while the water represents the cooking oil. At 'yung mga kalbo,
sila 'yung squidball.

When everything finally sinks in, I laugh out loud. Super funny kasi
super corny. Sobra sobrang corny and I didn't even get it at first.
Hunter wasn't born to be a joker.

"Langhiya, napakacorny ng joke na 'yun. Ang tagal kong iniisip kung bakit
squidball," Nate said as he shook his head. "Ito namang si Pipes wala
naman nakakatawa, bakit tawa ka nang tawa?"

"Because it's not funny. And that's what made it funny."

"Magsama nga kayong dalawa, ang corny niyo."

"Hey, Hunter," I called, "next time please huwag ka na mag-joke."

Pinanliitan niya ako ng mata and I did the same kaya in the end, he just
laughs.

We're talking na again when Nate interrupted us by asking something weird


and... well, awkward.
"Guevarra, tanong lang. Paano mo nalaman na gusto mo si Pipes? Paano mo
naramdaman? Kailan mo sinabi? Saan? Bakit mo sinabi?"

I kicked him because of his question. Super personal naman na kasi ng


stuff na 'yun.

"That's a super weird question, Nate. Stop it."

Nate just let out a deep sigh and continued murdering his cake.

I was caught off guard when Hunter whispers. He's too close kaya my heart
starts to beat faster than its normal pace.

"Anong problema talaga niyang bestfriend mo? May nagugustuhan na ba


siyang babae?"

See! Nate is so obvious. He's so obvious that he has a crush on someone.


Even Hunter noticed it.

I smiled at Hunter and nod at Nate, "Ask him if you're curious." He


hesitated but still obliged.

"Nagkakainterest ka ba sa isang babae?" Hunter asked.

Kaya lang hindi nagbigay ng answer si Nate but Hunter seems to get it na.
Parang it's a confirmation na rin. Kasi if not, he'll say naman na hindi.
But hindi siya sumagot.. so.. that's it.
Nate changed the topic and nakisama na sa conversation namin ni Hunter.
He's teaching Hunter some jokes para raw next time, funny na 'yung joke
ni Hunter. To which I doubt na mauulit pa.

It's nice to see the two of them getting along just fine. Sana next time
maski sa iba maging close na rin si Hunter. He doesn't need to isolate
himself naman kasi sa iba. But siguro natrauma na talaga siya before kaya
ganyan.

Nate said something funny which made us laugh. But in the middle of our
laughter, I noticed Hunter's sudden change of mood. It looks like he's
staring at someone. Someone na kakapasok lang sa café. A woman. The woman
looks like 40 something na. But she's pretty. Really pretty and...
intimidating.

"Saan kayo nakatingin?" Nate asked. "Doon ba sa ale? Kilala niyo? Ay,
teka. Guevarra, mommy mo ba 'yan? Kamukha mo. Tara, Pipes, pakilala
tayo."

Nate was about to stand pero inunahan siya ni Hunter, "Balik na ko."
Mabilis siyang bumalik sa staff room while Nate and I stayed at our
place.

Maybe Nate is right. Maybe she's Hunter's mother. Kaya parang naiba rin
ang mood ni Hunter. Yeah, that's her mother.

***

Hunter's Point of View

Tangina! Bakit nandito 'yan? Anong ginagawa niya dito? Bakit nagpakita na
naman siya? Maayos na lahat kaya lang nakita ko na naman siya. Walanghiya
namang buhay 'to.
"Balik na ko." Paalam ko kila Piper at agad pumasok sa staff room bago pa
man ako makita ng mabait kong ina. Tangina talaga.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa trabaho para hindi ko na maisip ang
nakita ko kanina. Kaya lang paminsan minsan sumusulpot pa rin 'yung mukha
niya sa utak ko. Mukha namang ayos siya kaya sana sa susunod, hindi ko na
siya makita.

Buti na lang at kahit papaano hindi nakaapekto sa trabaho ko ang


pagkakita ko sa kaniya.

Pero tangina talaga. Ang dami daming pwedeng puntahan na café sa lugar na
'to pero ito pa talaga 'yung napili niya.

"Hunter, may problema?"

Napatingala ako mula sa kinauupuan ko nang tanungin ako ni Tita Cass.


Hindi naman niya alam ang nangyari sa amin ng magulang ko. Kaya para
hindi na rin siya maperwisyo at mag-alala, umiling na lang ako bilang
sagot.

Tiningnan niya pa ako na parang hindi naniniwala sa sinabi ko saka


umiling. Tinapik niya ako sa likod bago tuluyang umalis.

Matapos ang shift ko ay inayos ko ang gamit ko saka lumabas ng café.

Papunta na ako sa may sakayan ng tricycle nang may tumawag sa akin. Ang
magaling kong ina.

"Hunter. Hunter, pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy tuloy lang sa paglalakad. Ngayon


lang.. ngayon lang niya ako naisipan kausapin? After all this time?
Parang ang late naman na masyado.
"Hunter, please."

"Hunter, I'm sorry. Pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pakikitungo sa


'yo. Sana mapatawad mo ako."

Psh. Ganon lang 'yun? Kasi nag-sorry siya ineexpect niyang mapapatawad ko
na siya? Wow. Kung sana matatanggal ng sorry niya lahat ng sakit... pero
hindi, eh. Hindi naman nababawasan.

"Hunter, talk to me, please. Anak..."

Napahinto ako nang tawagin niya akong anak. Hinarap ko siya.

"Bago mo ako tawaging anak, sana inisip mo muna kung naging magulang ka
ba sa akin."

Hindi ko na hinintay na makasagot siya. Tumalikod na agad ako at sumakay


ng tricycle pauwi sa lugar ko.

Mag-isa lang ako sa bahay at oo nakakalungkot 'yun pero mas okay na 'to
kaysa may mga kasama nga ako sa bahay pero pinaparamdam naman nila sa
akin na sana hindi nila ako kasama. Malungkot na, masakit pa.

Sobrang naiinis ako.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin at iisipin kaya tinawagan ko agad
si Piper. Siya lang naman ang nag-tyaga na kilalanin ako. Siya lang naman
ang makakapagpagaan ng nararamdaman ko.
"Hello? Hunter?" sagot niya sa tawag ko.

"Hi."

Natahimik kaming dalawa. Wala ni isa ang nagsasalita. Makalipas ang ilang
segundo ay narinig ko ang pagbuntong hinga niya.

"You know I'm always here for you, right?" Sana. Sana lagi ka lang
nandiyan. Sana hindi ka matulad sa magulang ko. "What's wrong, Hunter?
I'll listen."

Hindi ko magawang magsalita. Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko


alam kung paano sisimulan ang mga gusto kong sabihin sa kaniya. Hindi ko
alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko sa nangyari kanina, sa
pagkikita namin ng magaling kong ina.

"This is about her, right? This is about your mother. Is this why bigla
ka na lang nawala sa mood kanina?"

Hindi ko ulit sinagot ang tanong niya. Hindi rin siya nagsalita ulit pero
hindi naman niya tinatapos ang call. Naririnig ko pa rin kahit paano ang
paghinga niya sa kabilang linya. Kahit hindi siya magsalita at kahit
hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko pa rin na nandiyan lang siya.

"I'll listen. I'll wait until you're ready to speak."


Tulad kanina ay binalot na naman kami ng katahamikan. Ilang minuto na ang
nakalipas nang makuha ko na ang lakas ng loob ko para magsalita. Si Piper
naman 'tong kausap ko. Alam ko magiging ayos din 'to.

"Galit na galit ako sa kaniya, Piper. Nakita ko siya kanina. Kinausap


niya ako kanina. Humingi siya ng sorry. Tinawag niya akong anak. Pero
hindi ako nakinig. Ang tagal na. Bakit ngayon lang niya ako pinuntahan?
Bakit text at tawag lang ang ibinagay niya sa akin dati? Gusto ko siyang
murahin kahit na alam kong hindi maganda 'yun kasi magulang ko pa rin
siya. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Ang dami kong gustong
isumbat. Kaya lang nang makita ko siya kanina, hindi ko rin nagawang
magsalita. Hindi ko rin kinayang sabihin lahat ng nararamdaman ko. Hindi
ko pa rin pala kaya na makita siya."

Huminga siya ng malalim at saka nagsalita, "There's a thin line between


hate and love. You hate her because you know deep inside, you love her.
You still care. Because she's your mother. Why don't you try to listen to
her explanation or to what she has to say?"

"Piper, alam mong hindi ko gagawin 'yan."

"But Hunter... I'm not saying this para sa kaniya. I'm suggesting this
kasi concern ako. I want you to finally let go of all the baggage na dala
mo. I'm scared na baka lamunin ka ng hatred mo towards her- towards them.
I want your heart to be at ease."

Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating pero hindi ako sang-ayon


do'n. Hindi ko pa rin makita ang dahilan para mag-usap kami. Hindi ko pa
rin makita ang sarili ko na pinapatawad siya, sila, dahil lang sa
nanghingi sila ng sorry.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Piper.

Iniba rin niya ang topic namin para pagaanin ang loob ko. Honestly, it
helps. Gumagaan ang pakiramdam ko just by talking to her.
Nang marinig ko ang paghikab niya, napatingin ako sa orasan at saka ko
lang napansin na late na rin pala.

"Sige na, Piper. Matulog ka na. Goodnight."

Hinihintay ko na sumagot siya pero hindi siya sumagot. Chineck ko pa ang


phone ko para masiguro na hindi pa niya ineend ang tawag ko. Siguro
nakatulog na siya. Napangiti na lang ako sa naiimagine ko. Si Piper na
natutulog habang ang hawak ang phone niya.

Cute.

I-e-end ko na sana ang call nang marinig ko ang boses niya, "Hunter."

"Akala ko nakatulog ka na."

"Hindi pa. I have something to say. Wait." Narinig ko ang paghinga niya
ng malalim. "Uhh, ano... I wish for your happiness. But... In order to be
truly happy, you have to let go of everything that causes you pain. You
have to allow yourself to be happy. I'm saying this because I care for
you. A lot. Please think about it. And I'm always here for you. I'm just
here. So... goodnight." She ended the call.

Goodnight, Piper. And thank you for being with me. Thank you for being
there.

***

Updated: Tuesday, 11:50 pm. Nakaabot pa. Haha.

Next: Saturday or Sunday. :)


=================

Chapter 55: Turn of events

Tamara's Point of View

Since day off ko ngayon, nakipagkita ako kila Piper sa clubhouse malapit
sa kanila. Nang makarating ako doon, nandoon na siya kasama si Warren at
Nate. Sa ilang buwan na magkakakilala kami, ineexpect ko na pagdating ko,
aabutan ko silang nag-iingay, nagdadaldalan, nagbabatuhan ng kung ano man
ang pwedeng ibato o kaya kahit mga nagkwekwentuhan man lang. Kaya lang
hindi 'yun ang inabutan ko.

Pagdating ko doon, nakaupo si Piper at nakapalumbaba. Katapat niya si


Warren na nakatahimik naman at nakapikit habang nakataas ang paa.
Samantalang si Nate ay nasa may railings at nakaupo sa may marble doon.

Kakaiba ang atmosphere sa lugar na 'to. Weird.

Nilapitan ko si Nate dahil siya ang pinakamalapit sa akin. "Lalim ata ng


iniisip natin. May ano?"

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. Umatras siya dahilan para
malaglag siya at dumiretsyo sa may halamanan.

"Nate! Anong nangyari sa 'yo?! Ayos ka lang ba?!"

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Para siyang
nakakita ng multo. Tumakbo ako palabas para puntahan siya. Nakasunod na
rin sa akin si Piper at Warren na parang kanina lang ay may mga sariling
mundo pa.

"What happened?" tanong ni Piper at inalok ang kamay niya kay Nate.
Tinanggap naman niya 'yun at tumayo.

"Off balance lang. Nagulat lang ako sa pagdating ni Tamara."

Masyado lang kasi silang tahimik kaya siguro nagulat nang makarinig ng
ingay.

Bumalik na rin kami sa loob pero parang ganoon pa rin ang atmosphere.
Mabigat pa rin. Hindi ko alam kung may mga problema ba ang mga 'to. Kung
meron man, ayos din at sabay sabay silang nagkaroon ng problema. Damayan
ba talaga?

"Hindi ba kayo nagugutom?" tanong ko sa kanila para man lang mabawasan


ang katahimikan.

"Not really, but I want to eat some junk foods," sagot naman ni Piper.
Samantalang si Warren ay umiling.

"Bibili ako. 'Yung malapit lang ba sa may entrance 'yung tindahan dito?"

"Nah. Mas may malapit doon. Nate will accompany you."

Mukha namang nagulat si Nate nang marinig ang pangalan niya at tinanong
pa kung bakit namin siya tinawag. Inutusan siya ni Piper na samahan ako
sa tindahan kahit na kaya ko naman. Huwag lang matatapatan na may aso.
Mahirap na.

Habang papunta kami sa tindahan, hindi pa rin umiimik si Nate. Kapag


nagtatanong ako isang salita lang 'yung sinasagot niya. Sobrang weird.
Sobrang layo niya sa normal na Nate.
"Nasaan nga pala si Hailey?"

"Wala, eh."

Ugh! Syempre wala! Itatanong ko ba kung nandito siya?

Ayaw niyang magsalita? Edi okay. Hindi na lang din ako magsasalita. Hindi
ko na papahirapan sarili ko bumuo ng conversation kasi mukhang imposible
naman 'yun sa ngayon.

Nang makabalik kami sa clubhouse, wala pa rin pagbabago. Ganoon pa rin


silang tatlo. May interaction naman na nagaganap pero siguro ilang
palitan lang ng sentences matatapos na ulit 'yung pag-uusap. Parang mga
lutang.

Hindi ko na kaya 'to. Sobra na silang tatlo.

Kinuha ko 'yung plastic na binigay sa amin ng tindera na lalagyan ng mga


pinamili namin. Hinipan ko 'yun saka ko pinaputok dahilan para magulat
silang tatlo.

"Parang wala naman akong kasama. Uuwi na lang kaya ako?" Napatingin
silang tatlo sa akin at parang biglang mga naguilty dahil sa sinabi ko.
"Joke lang. Nagbibiro lang ako," seryoso kong sabi.

Nagkatinginan silang tatlo at ilang segundo lang ang nakalipas ay mga


nagsitawanan sila. Jusko po. Nababaliw na nga ata sila. Kailangan ko na
bang umiwas bago pa nila ako mahawaan?
"Ayos ka rin, Tamara. Minsan ka na lang mag-joke palpak pa," banat ni
Warren na patuloy pa rin sa pagtawa.

Akala ko ba palpak? Bakit sila tumatawa?

"Teka nga. Nasaan ba si Hailey at Hunter?"

"Hailey's with Kuya Zane. He's asking kasi for some help."

"Si Hunter?"

"Nasa tra – " Hindi natuloy ang sinasabi ni Nate kasi bigla na lang
siyang sinubuan ni Piper ng pagkain. "Nasa tricycle papunta kung saan
man," dagdag pa ni Nate kahit punong puno na ang bibig niya ng pagkain.

"Ah. Pero anong problema niyong tatlo at kanina pa kayo mga tahimik?"

Natahimik na naman silang tatlo. Halatang ayaw sagutin ang tanong ko.
Tinap ko ang daliri ko sa lamesa para naman marealize nila na naghihintay
ako ng sagot. Umubo si Warren at inilagay ang dalawang kamay sa likod ng
ulo niya, "Inaantok lang ako. Kaya nakakatamad magsalita kanina."

Kinalabit ko naman si Nate para siya naman ang sumagot sa tanong ko pero
kakadikit pa lang ng daliri ko sa balikat niya nagmamadali na siyang
lumayo. Hindi naman marumi ang kamay ko. Wala rin naman akong
nakakahawang sakit.

Pinandidirihan ba ako ng isang 'to?

"Wala. Wala. Nagrerecharge lang ako ng energy." As if.

"Ikaw, Piper?"Paglilipat ko ng atensyon kay Piper bago pa man ako mainis


nitong si Nate.

"Well... I'm just thinking. Is it okay to meddle with the relationship


between a mother and her child? I mean, you're not really going to meddle
just for the sake of meddling. Parang you're just helping them na
magkabati kasi hindi sila okay and hindi sila nagpapansinan," sagot niya.

"I don't really know. Kasi mahirap kapag family matters na ang usapan.
Pero siguro kung wala ka namang balak na mas paglayuin sila at gusto mo
lang maging okay sila... siguro hindi naman mali 'yun? Pero mas maayos
kung may permiso ng isa."

Kinuha ni Nate ang chichirya na hawak ni Warren at nagsalita, "Alam niyo,


minsan hindi ko gets kung bakit kailangan pa manghingi ng payo ng isang
tao. Alam naman nila kung ano 'yung gusto nilang gawin."

Pumalakpak si Warren at sumang-ayon kay Nate. "Kapag naman hindi nila


gusto 'yung ipinayo sa kanila hindi naman nila susundin. Parang
nagpapagulo nga lang 'yun."

"Hindi naman masama manghingi ng payo. Gusto kasing marinig ng taong


humihingi ng payo na may sasang-ayon sa gusto nilang gawin. Pangboost
kasi 'yun. Isa pa, wala namang masama sa paghingi ng opinyon ng iba,"
katwiran ko sa dalawa.

"She's right. Just because people ask for some advice, doesn't mean that
they'll follow what that person said. If they don't like the advice, then
they won't follow it. But if they like it, then they'll follow it. They
just want to know the opinion of others. It's that simple. And Tamara...
Thanks for the advice."

Hinagis ni Nate kay Piper 'yung isang hindi bukas ng chichirya at


tumango, "Alam mo naman talaga gagawin mo 'di ba. Teka nga. Sino ba 'yang
papakialaman mo?"

"Someone who needs guidance towards the right path," biro ni Piper kaya
tianawanan lang namin siya.

***
Piper's Point of View

"Sure ka bang hindi galit sa akin si Nate?" Tamara asked as she clings to
my arm. We're going home na.

I want to laugh because of her question. Kung alam niya lang. Nate isn't
angry at her. He won't be angry at her. That's next to impossible. How
could he hold a grudge towards the girl he likes?

It's just that... Nate's way of handling things isn't good. Siguro kasi
he feels awkward now that he knows what he really feels. Kaya lang he
likes her lang naman. What's so wrong about that?

"Abnormal lang si Nate kaya he's acting that way," I said which made
Tamara chuckle.

I'm really proud of Nate. He managed to teach Tamara to show more


emotions. I love Tamara even more now that she started to react on
things. Unlike dati na poker face lang.

I felt a pair of hands on my other arm. It's Hailey's. "It's better


here."

"Iniinis ka na naman ng dalawa?"

"Oo. Siopao daw 'yung pisngi ko."

Tamara and I laugh because of what Hailey said. Paano naman kasi, Nate
and Warren keep on teasing her. That she has siopao face daw because of
her chubby cheeks. She's eating siopao kasi kaninang recess kaya ayan,
hindi na siya tinigilan ng dalawa.
When we reached the school's gate, a woman made me stop. She's the woman
I saw sa café the other day. She's Hunter's mom.

"Hi," she greeted as she approached me. "Kaibigan ka ni Hunter 'di ba?"

I felt the others staring at me. I don't know if magmamano ba ako sa


kaniya or what. I don't know how to greet her kaya I just nodded.

She asked me if I could spare some time at kausapin siya. It will be rude
to say no kaya pumayag na lang ako. I asked the others na mauna na lang
but they kept on saying na sasama sila sa akin. I know they're just
making sure of my safety since they don't really know Hunter's mom.

I excused myself from Hunter's mom and asked the others to follow me sa
isang gilid.

"I'll be fine," I assured them.

"Pipes, kilala mo ba personally 'yang babae? First time mo nga lang ata
siya makita, eh," Hailey said. "Hayaan mo na kaming sumama."

"Para safe lang," dagdag pa ni Tamara.

"I don't really know her personally but I know I'll be safe naman."

Warren put his arms on my shoulder, "Hindi pwede, Pipes. Sasamahan ka na


lang namin para sure. Kahit doon na lang kami sa likod niyo."

"I'm touched that you, guys, are concerned about me. But please, hayaan
niyo muna ako ngayon ng ako lang." I looked at Nate, "Please? I'll be
safe. Promise."
The other three are about to say something when Nate nods. He patted my
head and smiled, "Ingat." He dragged them para umuwi na but hindi pa man
din sila nakakalayo nang balikan ako ni Nate.

"Kung wala ka pa sa inyo ng alasyete, pupuntahan na kita, okay? Text mo


sa akin kung saan kayo pupunta. Kapag hindi ka nag-text, hindi kita
papansinin ng tatlong buwan." He said and waved goodbye.

The woman asked me to go with her sa isang café.

"Ako ang mommy ni Hunter," she said to break the awkward silence. I
figured that out already. "By any chance, nakwekwento ba niya ako sa
'yo?"

Yes. Yes, he talks about you. Kaya lang if I'll say that, baka she'll ask
me kung ano ang mga sinasabi ni Hunter. And I don't want to tell her
that. But I don't want to lie. Damn.

"Nakita ko kayo sa pinagtratrabahuhan niya. Bihira kong makita na may


nakakakwentuhan siya – na may kaibigan siya. Kaya nang makita kita,
naisip ko na lang... siguro may alam ka na kahit papaano sa buhay niya."

I want to say na bihira lang talaga niyang makikita na may kausap o


friend si Hunter. Why? Kasi she's not paying attention to him naman. Kaya
lang that would be rude and I don't know her side yet.

"What happened to him in the past caused him so much pain. At first, he's
aloof po. Yes, nasasama siya sa mga gulo but it doesn't mean na he
started it. I saw him na nakikipag-away twice but he's just defending
himself and the people around him. He's just po. Hindi po siya makikipag-
basag-ulo just because wala siyang magawa." I took a deep breath and
looked at her straight in the eyes. "Hunter is a nice guy po. He's smart.
He's kind. He's so much more than what you think of him. Please give him
more credit. After all, he's your son."
She covered her face with her hands. She's shaking. It looks like she's
crying. "I know. Nagsisisi ako sa lahat nang ginawa ko. Nagsisisi ako na
hindi ako naging ina sa kaniya. Nagsisisi ako na ngayon ko lang siya
pinunatahan, na hindi ko siya pinigilan umalis, na hindi ko siya
pinagtanggol. Sobrang nagsisisi ako."

I asked her the thing I'm most curious of. Why now? She could have done
this a few months ago. Hunter's been living by himself for the past few
months. She could have been concerned about him since then. Pero bakit
ngayon lang?

She took a deep breath and wiped away her tears. Kaya lang it's useless
din kasi the tears keep on falling from her eyes. It took her quite some
time to compose herself.

According to her, kapag nasa middle ka na ng life and death, you'll start
to regret the things you should've done but didn't do because of some
reasons. Just like what happened to her.

She's sick. Breast cancer. When the doctor told her she's sick, she
thought na iiwan na niya ang mundo and that scares her. She's scared not
because she's going to die. She's scared because she'll die na may
problema pa rin sa kanila ng anak niya.

"Mali... sobrang mali na ngayon ko lang ginagawa 'to. Sobrang mali na


ngayon lang ako nagsisi sa lahat ng mga kasalanan ko. Pero noong sinabi
sa akin ng doctor ang sakit ko, sa halip na maisip ko ang lahat ng mga
posibleng mangyari sa akin, mukha ni Hunter ang nakita ko. 'Yung mukha
niya bago siya umalis sa bahay namin. And that made me scared. Kasi
ayokong umalis sa mundo na ayon ang huling alaala ko sa kaniya.

"Oo, masama akong ina at hindi ko talaga kinakaproud 'yun. Pero sobra
sobra ang pagsisisi ko sa lahat ng nangyari. Gusto kong bumawi kay
Hunter. Gusto kong paghirapan ang lahat mapatawad lang niya ako. Kahit
hindi pa ngayon, kahit matagalan man. Mapatawad lang niya ako. Ayokong
dumating sa punto kung saan mag-agaw-buhay ako at makita ko na naman ang
mukha niya na puno ng sakit. Kasi masakit din para sa akin 'yun."
I can feel the sincerity. I can feel the pain. She's really repenting on
what she had done.

She told me that she wants to talk to Hunter. She tried, but hindi siya
pinansin ni Hunter. She can't blame him din daw since she's the reason
why Hunter acts that way. To that, I agree.

"Piper, hindi man kita kilala personally, pero alam ko na kaya mo akong
tulungan makausap siya. Nakita ko palang kayo dalawang magkasama noong
nakaraang araw, alam ko na iba ang impluwensya mo kay Hunter. Napapatawa
mo siya. Napapangiti mo siya. Special ka para sa kaniya. Kaya sana
matulungan mo akong kausapin siya. Ayoko nang makita siyang mag-isa."

I took a deep breath and nodded. Hunter's mom hugged me because of that.

Isinama ko siya sa café kung saan nagtratrabaho si Hunter. I don't know


if this is a good idea, but I'm only wishing for Hunter's happiness. He
won't be truly happy if he's still holding grudge against his parents. He
might get angry with me, but this is for his sake so... I should do this.

I texted Nate na pupunta ako sa café ni Tita Cass and he shouldn't worry
about me kasi like what I've said, I'm fine. We're fine.

I checked my watch. 6:30pm. It's his break time already. When I enter the
café, I saw him na papasok pa lang sa staff room. I called his name and
he smiled at me when he saw me.

"Anong ginagawa mo dito?" he asked while smiling.

"Can we talk? Outside?"

"Sure," he said. Still smiling. "Anong pag-uusapan natin at dinayo mo pa


talaga ako – "

Tumigil siya sa pagsasalita nang makita niya ang mommy niya.


"Hunter, can we talk?"

He held my hand. "Sa iba na lang tayo mag-usap kung pwede."

"Hear her out, Hunter."

He let go of my hand slowly as he looks at me, "Magkasama kayo?"

"Yes. I brought her here pero kasi – "

"This is bullshit."

He walked away. I keep on following him, calling out his name. Kaya lang
ang bilis niyang maglakad. I ran. I ran para makaabot sa kaniya. Luckily,
inabutan ko siya. I stopped in front of him, but when I saw the look on
his face, I shivered. He's furious.

"What the hell, Piper? Bakit mo siya dinala kung nasaan ako? Akala ko ba
naiintindihan mo ang sitwasyon ko? Akala ko ba kakampi kita? Bakit,
Piper?"

"Because I care for you, Hunter! I want you to free your heart from the
hatred and pain. I want you to be okay, to feel great, to be truly
happy."

He's trying to stay calm but he couldn't. Napakamot siya sa ulo niya.
"Piper, hindi ko kailangan ng pangingialam mo sa buhay ko. Buhay ko 'to.
Choice ko 'to. Ako ang pumili nito. Ineexpect mo ba na kapag nag-usap
kami magiging okay na lahat? Mapapatawad ko na siya?" Natawa siya nang
mahina and cursed silently, "Tangina."

"At least hear her out. Please. Para sa 'yo rin naman kaya ginagawa ko
'to."

"Don't tell me what to do. Huwag mo akong pakialaman."

I was taken aback by his answer. Huwag ko siyang pakialaman? Huwag ko


siyang pakialaman?! Wow. That stings.

"I.. I just want you to be happy kaya ko ginawa 'yun."

"Huwag ka na lang makialam. Please. Hindi mo naman kailangan mag-alala


para sa akin. Wala ka namang kinalaman doon. Huwag ka nang dumagdag."

I closed my eyes. What he said stings. He's so unfair. I can't help but
snapped, "Wala akong kinalaman? The moment you let me enter your life,
you gave me the license to worry about you. To feel something for you. To
care for you. And I'm doing all these things because I care for you. Was
that wrong? Well, sorry. Sorry for caring."

Namumula na siya. Namumula na siya sa sobrang inis. "Inuulit ko, hindi ko


kailangan ng pangingialam mo sa personal na buhay ko. Buhay ko 'to. Hindi
mo kailangan mag-alala para sa akin."

Why do you have to be so unfair, Hunter? Why do you have to say such
hurtful things? Why?

I look at the sky to stop myself from crying.

"How could I tell my heart to stop caring for you? Tell me how. My heart
wants you to be happy, to be free from all the burden of your past. If
you were me, you would also do the same thing, right? Mangingialam ka
rin. Kasi pinapasok mo na ako sa buhay mo at pinapasok na rin kita sa
buhay ko."

For a moment, his eyes showed pain and sadness. But he turned his back
away from me. He started to walk away. "Hunter," I called.

"Mukhang hindi mo alam ang pagkakaiba ng mga bagay. Hindi lahat ng


nakakapasok sa buhay ng isang tao, may karapatan nang makigulo. Ang
tanging may karapatan lang na manghimasok sa buhay ng iba, ay 'yung taong
hinayaan niyang pumasok hanggang sa puso niya."

"Hunter," I whispered.

"I let you enter my life, but not my heart." And he walked away.

I closed my eyes and smiled. He's right. He let me enter his life, not
his heart. He never told me he loves me. Ang sabi lang niya sa tingin
niya gusto niya ako. He's not even sure. And even if he is, it just means
that he likes me. And like is different from love. You can like someone
you never love.

Isn't this funny? I just care for him and it f*cked me up. The joke is on
me.

I'm so stupid. I'm so stupid to think he actually felt the same. I'm so
stupid to think I'm special. Kasi ako lang pala ang nag-iisip nu'n. Kasi
ako lang pala ang nagmamahal.

***

Next update: Tuesday. We're so close na sa ending ng book 1. 10 chapters


or less than 10 na lang.
=================

Chapter 56: Resbak

Nate's Point of View

Nakatambay ako sa terrace namin kasi hinihintay kong dumating si Pipes sa


kanila. Oo nga at 'yung kasama niya ay mukhang nanay ni Hunter pero hindi
pa rin maaalis sa akin ang mag-alala kasi hindi naman namin kilala sa
personal 'yun.

Tama ba ang desisyon ko na payagan siyang umalis mag-isa? Lagot ako nito
kay Tito Ken kapag may nangyaring hindi maganda sa bestfriend ko.

"Psst. Nate!"

Napatingin ako sa labas nang makita ko si Warren na kumakaway. Nasa tapat


siya ng gate namin kaya lumabas na lang ako para hindi kami magmukhang
tanga na nag-uusap ng gano'n kalayo kung pwede naman ng malapitan.

"Dumating na ba si Piper sa kanila?"

"Kanina pa nga ako nakatambay dito pero wala pa rin. Wala pa namang 7pm
kaya chill muna tayo."

Naghintay pa kami ni Warren sa labas in case dumating si Pipes. Habang


naghihintay ay lumabas si Hails sa kanila at tulad ng tanong ni Warren,
kinakamusta niya kung nakauwi na ba si Pipes. Habang naghihintay,
nakareceive ako ng text sa kaniya. Nasa may café daw siya ni Tita Cass.

Doon nagpapart-time si Hunter, ha. Baka magbabonding silang tatlo? Ayos,


ha. Belong na sa family nila Hunter si Pipes. Family bonding na ba 'to?

"Bakit mga nakatambay kayo sa labas?" tanong sa amin ni Kuya Zane.

"Wala ka na do'n," inis na sagot ni Warren kaya bigla siyang siniko ni


Hails.

"Anong problema mo Warren?"

Hindi siya sumagot at sinabi rin ni Kuya Zane na nagbibiro lang naman si
Warren. Nang itanong niya ulit kung ano ang ginagawa namin sa labas,
sinabi ko sa kaniya na hinihintay namin si Pipes. Sinabi ko na rin kay
Warren at Hails na huwag na mag-alala kasi na kila Tita Cass lang naman
siya.

Nang mag-7pm na, nagpasya na ako na puntahan na lang si Pipes sa café.


Ayon ang sinabi ko sa kaniya, kaya ayon ang gagawin ko. May paninindigan
ata ako.

"Sama ko," prisinta ni Warren nang sinabi kong pupuntahan ko na si Pipes.

Kung sasama siya, baka makita lang niya si Hunter. Baka malagot pa ako sa
dalawa kung sakaling malaman ng iba na nagtratrabaho si Hunter. Mahirap
na. Baka bugbugin ako ni Hunter at makatanggap ako ng unlimited irap kay
Pipes.

"Huwag na. Ako na lang."

"Ihatid na kita, Nate. Dalhin na natin sasakyan ko," alok naman ni Kuya
Zane.
Ibig sabihin noon, libre ang pamasahe ko at kumportable pa. Nice offer.

"Deal." Wala namang masama kung malaman niyang nagtratrabaho si Hunter.


Hindi naman sila madalas magkita. Once pa nga lang ata sila nagkikita.

"Hoy, anong kadayaan 'yan. Siya pwede tapos ako hindi?"

"Hayaan mo na, Warren. Umuwi ka na lang sa inyo. May sasakyan si Kuya


Zane. Mas convenient," katwiran naman ni Hails.

"Tss. Bahala nga kayo diyan."

Winalk-out-an kami ni Warren at pumasok sa bahay nila. Pero walk out pa


rin ba ang tawag kung pumasok siya sa loob? O walk in naman? Ang labo
lang.

Pinapasok na rin namin si Hails sa bahay nila at umalis na kami ni Kuya


Zane.

Habang nasa byahe, hindi ko na napigilan ang pagiging chismoso ko. Bigla
na lang umatake.

"May alitan ba kayo ni Warren?" tanong ko kay Kuya Zane.

Napangiti siya at umiling pero hindi 'yun iling na ibig sabihin ay


tumatanggi siya. Ay, basta! Magulo.

"Pakiramdam ko may kasalanan ako sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano."

"Hindi ko naiintindihan."
"Hindi na kasi kami kasing close ng dati. Kilala ko 'yang si Warren.
Hindi 'yan magbabago lang ng walang dahilan."

"Sabagay. Lagi nga namang ma dahilan si Warren. Noong ilang taon kaming
hindi nagpansinan kasi lumayo sila ni Hailey, may dahilan naman din bakit
niya ginawa 'yun." Kapag naalala ko 'yung mga panahong 'yun parang ang
tagal tagal na. Pero hindi naman talaga.

Napatingin sa akin sandali si Kuya Zane. Buti na lang sandali lang kasi
nagdra-drive siya. Ayoko ngang mabangga kami. "Hindi kayo nagpansinan
nila Warren? Ngayon ko lang nalaman 'yan, ha?" Nang sabihin ko sa kaniya
na tatlong taon kaming hindi nagpansinan, mas lalo pa siyang nagulat. Ano
ba naman 'tong si Kuya Zane. Huli sa balita.

Kwinento ko sa kaniya 'yung ibang nangyari bukod syempre sa main issue.


'Yung nagselos si Hails kay Pipes at 'yung nagkagusto si Hails kay Warren
at si Warren kay Pipes. May limit din ang pagiging chismoso ko. Hindi ko
na sasabihin 'yun. Itanong na lang niya sa kanila kapag sobrang na-
curious na siya.

"I didn't know."

"Ayos lang 'yan, Kuya Zane. Wala ka naman kasi dito kaya hindi mo talaga
malalaman," sagot ko sabay tapik sa balikat niya.

"Yeah. Wala ako."

Nang makarating kami sa café, nakita ko agad si Pipes na nakaupo lang sa


isang gilid sa labas ng café.

"Pipes!" Nang marinig niya ang boses ko ay agad siyang nagpunas ng mata.
Teka. Umiyak ba siya?

"Umiyak ka ba?"

"No."
"Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling."

Napapikit siya at nagtikom ng bibig saka umiling, "Let's not talk about
it. Not now. Thanks for being here though." Niyakap niya ako at doon ko
naramdaman na may problema talaga siya. Lumapit sa amin si Kuya Zane at
ginulo ang buhok ni Pipes. Nginitian niya ito kaya yumakap din si Pipes
sa kaniya. "Thanks for coming. It means a lot."

***

Isang linggo nang nananahimik lang si Pipes. Kapag tinatanong namin siya
kung may problema ba o kung masama ba ang pakiramdam niya lagi niyang
sasabihin na okay lang. Okay lang daw siya. Kahit hindi naman talaga.

Napansin ko rin na bihirang pumasok ngayon si Hunter. Dalawang beses lang


ata siya pumasok sa school. Noong isang araw at ngayon. Sa dalawang beses
na 'yun, wala siyang pinapansin. Hindi na rin naman bago 'yun pero kasi
maski si Pipes hindi niya pinansin. Malamang nag-away ang dalawang 'to.

Hala. Hindi kaya nag-break na sila kahit hindi pa man din nagiging sila?
Posible!

Nag-aalala na rin ako dito kay Pipes kaya hinila ko na siya papuntang
greenhouse para makapag-usap man lang kami. Tinatanong ko siya kung ano
ang problema. Sinasabi na naman niya na okay lang siya. Ayan na naman
'yang okay na 'yan.

Why can't people just be painfully honest and tell other people how they
feel? Hindi 'yung nakikipaghulaan.

"Time's up na, Pipes. Time's up na sa pagsasabi mong okay ka lang kahit


hindi naman talaga. Anong nangyari sa inyo ni Hunter nu'ng araw na
nagpunta kang café kasama ang mommy niya?"

"How did you know this is about him?"

"Kasi bestfriend mo ko. Kilala kita."


Sumandal siya sa may glass wall at pumikit. "All I want is to help. Kaya
lang he thought I was trying to meddle sa family affairs niya. He has
family issues which I can't tell you even though you're my bestfriend
kasi it's his secret, not mine. It seems like sumobra ako sa limit. Maybe
I pushed him to do something he doesn't want to do. He got mad. He's
furious, and he has all the right kasi sino nga ba naman ako para
mangialam? He told me to stay out of his business. But I care for him a
lot. How could I do that if I care too much?"

May pumatak ng luha sa mata niya. Tinamaan talaga 'tong bestfriend ko kay
Hunter. Hindi naman niya iiyakan 'yung tao kung hindi siya mahalaga.
Hindi rin naman siya masasaktan kung wala siyang pakialam.

"What hurts the most is knowing that what I thought was special is just a
lie. Nananahimik kasi ako dito. Why does he have to make me feel
special?"

Nang sabihin niya sa akin kung ano ang sinabi ni Hunter sa kaniya, hindi
ko na mapigilan ang mainis kay Hunter. Siraulo pala siya. Akala ko ba
gusto niya si Pipes? Akala ko ba ayos lang sa kaniyang pumasok si Pipes
sa buhay niya? Hinayaan niyang maging parte ng buhay niya tapos hindi
niya hahayaang makialam at mag-alala para sa kaniya? Ay, gaguhan.

At sa lahat ng pinagsamahan nila ni Pipes gano'n gano'n na lang 'yun?


Iiwanan na lang niya kasi pinakialaman siya? Ayos ha. Ayos sa pagkagago.

"Diyan ka lang, Pipes."

"Where are you going?"

Hindi ko na siya sinagot at hinanap si Hunter. Nang makasalubong ko si


Tamara tinanong ko siya kung nakita ba niya si Hunter. "Nasa may pool
area."
"Nate, what are you trying to do?" Habol ni Pipes sa akin.

"Pakisamahan muna si Pipes."

"Anong nangyayari?" tanong niya pa pero dumiretsyo na ako sa pool area.

Nakahiga si Hunter sa mga bleachers. Ayos din talaga. Nagawa pang matulog
ng lokong 'to. "Hunter!" Umupo siya nang marinig ang tawag ko. Lumapit
ako sa kaniya at saka ko siya sinuntok. Wala ng pasintabi. Diretsyahan
na.

"Tangina. Para saan 'yun?"

"Para 'yan kay Piper!"

Hinawakan niya ang gilid ng labi niya at sinamaan ako ng tingin, "Wala
kang alam sa nangyayari kaya huwag ka nang makigulo."

"Nate! Stop it. Just let it go. Come on," sabi ni Pipes nang makarating
na rin sa pool area.

"Tama ka, Pipes. Hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon ang siraulong


'to."

"Sinong siraulo?" inis na tanong niya.

"Ikaw. Sino pa ba?"

Napangisi siya pero bigla rin akong sinugod at sinuntok. Balak ko pa


sanang gumanti pero napigilan na ako ni Tamara at Piper.
"Wala kang alam. Anong karapatan mong sugurin ako dito?"

Humigpit ang hawak sa akin ni Pipes at umiling. Pero hindi ako


matatahimik hangga't hindi ko nasasabi kay Hunter ang inis ko sa kaniya.

"At ikaw, anong karapatan mo para paiyakin ang bestfriend ko?"

Natahimik siya sa sinabi ko at sandaling napatingin kay Piper. Mas


humigpit naman ang pagkakahawak sa akin ni Piper dahil sa sinabi ko. Alam
kong ayaw niyang malaman ni Hunter na umiyak siya dahil sa kaniya pero
dapat lang na malaman niya para naman makonsensya siya.

"Hindi ko alam ang nangyayari pero pwede bang umayos naman kayo. Sa
record niyo sa POD, malapit na kayo maging candidate for expulsion. Ang
tatanda niyo na. Alam niyo na ang tama at mali. Kung may problema kayo sa
isa't isa, pwede bang pag-usapan niyo na lang? Hindi niyo na kailangan
magpisikilan. Grow up!"

Pumagitna sa amin si Tamara at hinila si Pipes palayo sa amin ni Hunter.


Sumunod ako sa dalawa bago pa man magkaroon ng panibagong away sa pagitan
namin ni Hunter.

Hindi naman ako mapisikal na tao. Pero pinaiyak niya ang bestfriend ko.
Ibang usapan na 'yun.

"Anong eksena 'yon?" tanong ni Tamara nang medyo makalayo na kami sa pool
area.

"Naiinis lang ako. Masyadong paasa 'yung bwisit na 'yun."


"I'm at fault, too. Kasi umasa ako. But Nate... next time, please don't
be reckless. I appreciate that you want to protect me kaya lang I hate it
when people fight for my sake."

"Sorry, Pipes. Pero okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo ngayon?"

Nginitian niya ako pero ang lungkot ng ngiti niya, "Honestly, it still
stings. I never knew I like him this much. Kaya lang wala, eh. I
should've not meddled sa personal life niya. Because I don't have the
right. It's his life anyway."

"Pipes.."

"Kaya lang masakit pa rin. Kasi umasa ako. He made me feel special. I
thought I'm special. Hindi pala. I should've made things clear sooner
para hindi masyadong masakit."

Hindi maintindihan ni Tamara kung ano ang pinag-uusapan namin ni Pipes


kaya kwinento namin sa kaniya ang nangyari. Hindi pa rin namin sinabi sa
kaniya na nagpapart-time si Hunter pati na rin 'yung tungkol sa mommy
niya. 'Yung pagtatalo lang sa pagitan nila Piper at Hunter ang kwinento
namin. From time to time dinidepensahan din ni Pipes si Hunter.

Ganoon talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao. Kahit ginawan ka na ng
hindi maganda, ayaw mo pa rin na mapasama siya.

"Hindi ko kilala si Hunter. Wala akong alam sa buhay niya. Kung may isang
bagay lang akong alam sa kaniya, 'yun ay sigurado akong gusto ka niya."

"Sinabi niya sa 'yo?" tanong ko kay Tamara.

Sinamaan niya ako ng tingin at umiling, "Nakikita ko lang. Nakikita ko


kung paano niya tingnan si Piper. Ikaw lang ang taong nakakapagpatawa at
nakakapagpangiti sa kaniya. Alam mo 'yun? Parang... Kahit ayaw niyang
ngumiti basta ikaw ang kausap niya mapapangiti na lang siya. Kasi ikaw
'yan, eh. Kasi gusto ka niyang kausap. Baka nasabi lang niya 'yung mga
nasabi niya kasi galit siya. Kapag kasi nagagalit ang isang tao may mga
bagay silang nasasabi na hindi naman talaga nila gustong sabihin."
"Maybe. But ayoko na. Nakakapagod nang umasa."

***

Next update: Friday

=================

Chapter 57: Worse

Nate's Point of View

Nakatambay akong mag-isa sa may corridor nang may umupo sa tabi ko. Si
Tamara.

"Kamusta si Piper?"

"Hindi ba kayo ang kasama niya sa may canteen?"

"Oo. Hindi naman niya pinapakitang malungkot siya pero halata naman.
Hindi umaabot ng mata kapag tumatawa o ngumingiti siya eh."
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tamara. Nakakatuwa kasi nag-aalala
talaga siya para kay Piper. Binibigyan niya ng pansin. At least hindi
lang ako ang willing magbantay sa kaniya. Hindi lang ako nag-aalala para
sa bestfriend ko.

"First time kasi niyang magkagusto ng gano'n sa isang tao. Pinaramdam pa


ni Hunter na may kung ano man sila tapos biglang bibitawan lang niya.
Parang iniwan na lang sa ere at ibinagsak. Hindi man lang sinalo ng
gago."

"Baka nga kasi may rason siya. Lahat naman ng bagay may rason."

"Ang sabihin mo, paasa lang talaga siya. Ayon ang rason niya."

Kapag naaalala ko talaga 'yung ginawa at sinabi ni Hunter nababanas lang


ako. Bihira na nga lang magkagusto 'yung bestfriend ko nasaktan pa. Baka
tuloy matrauma 'tong si Pipes sa mga paasang lalaki.

Magpapakasweet kasi tapos bigla na lang sasabihin na walang pakialam si


Pipes, na huwag siyang pakialaman at na hindi siya umabot hanggang sa
puso niya. Hindi man niya sinabi directly na hindi niya mahal si Pipes,
parang implied na rin 'yun. Tapos iniwan pa sa kalsada gabing-gabi na.
Kahit na sabihin pa na malapit lang sila sa café, gabi pa rin nu'n.

Ano ba naman kung hinayaan na lang niya na si Pipes ang nag-walkout at


nag-inarte? Pero hindi eh! Siya ang nag-walkout. Kalalaking tao ang arte
arte.

"Pero 'di ba nga hindi naman sinabi ni Piper kung ano 'yung pinakadahilan
nang pag-aaway nila."

"Kasi nga prinoprotektahan niya si Guevarra," inis na sabi ko. "Galit nga
pala ako sa kaniya. Hinidi Guevarra, Hunter pala."
Tinapik tapik ako ni Tamara sa likod at saka nginitian, "Ang cool mo
kapag galit ka." Dapat na ba ako palaging magalit? "Pero mas ang cool ka
dahil sa pagiging overprotective sa bestfriend mo."

Kainis naman 'tong si Tamara. Naiinis nga ako kasi naaalala ko si Gueva -
Hunter pala - tapos bigla siyang gaganyan. Kainis naman.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at nag-unat saka sumandal sa pader,
"Ang hirap nga siguro kapag gano'n, ano?"

"Kapag ano?"

"Kapag nagkagusto ka sa isang tao. Kahit kasi hindi mo gustuhin


madedepende 'yung kaligayahan mo sa tao na 'yun. At oras na mawala siya o
layuan ka niya, parang nawala o nilayuan ka na rin ng kaligayahan mo."

Ang lalim naman nu'n.

"Kaya ako... hindi ko problema 'yung mga ganoong klase ng bagay. Kasi
wala naman akong gusto. Sakit lang sa ulo ang magkagusto sa isang tao.
Hindi ko bubuksan ang puso ko hanggang hindi ko pa nabibigyan ng
magandang buhay ang pamilya ko."

"Kahit para sa akin?"

Mukhang nagulat siya sa naging tanong ko. Maski ako nagulat sa sinabi ko.
Sinabi ko ba talaga 'yun? Bakit ko 'yun sinabi? Anong problema ko? Nathan
Scott, Nate, Pogi, manahimik ka naman minsan. Pakicontrol 'yang bibig mo.
Mapapahamak ka sa ginagawa mo eh.

"Seryoso ka ba sa tanong mong 'yan? Muntik na akong maniwala, ha."


Natatawa niyang sabi.
Nasabi ko na rin naman, papanindigan ko na. Ganoon ang tunay na lalaki,
may paninindigan. Hindi 'yung bigla na lang mang-iiwan.

"Seryoso ako. Maski sa akin, hindi mo ba magagawang buksan ang puso mo?"

Natawa ulit siya dahil malamang hindi na naman niya sineseryoso 'tong
sinasabi ko. Ayan ang mahirap kapag madalas kang mag-joke o magpatawa.
Mahihirapan silang seryosohin ka.

Pinilit kong ipakita na seryoso talaga ako kahit na siguro sa tingin niya
nagloloko lang ako. Pero nang hindi ko pa rin binawi ang sinabi ko kahit
ilang segundo na ang nakalipas, napatingin siya sa akin at parang
sinasabi niya na 'seryoso ka ba talaga'.

"Oo. Oo maski sa 'yo."

That's it, Nate. Hindi pa man din ako nanliligaw nabasted na agad. Ayos.

***

Nakatambay kaming dalawa ni Pipes sa labas ng bahay. Sobrang nanlulumo


ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa parang nireject na rin ako ni Tamara
o sadyang nakakahawa lang ang pagiging matamlay ni Pipes.

Tinatanong ako ni Pipes kung may problema ba ako kasi ang tamlay ko rin
pero sinabi ko sa kaniya na wala. Hindi naman sa gusto ko lang itago at
solohin mag-isa 'yung pagkakabasted sa akin. Pero parang ganoon na nga.

Isa pa, may problema rin si Pipes. Bakit ko pa idadagdag 'yung drama ko
sa buhay? Mabuti na na isa lang ang iniisip niya. Hindi 'yung pati sa
akin nag-aalala pa siya.
"Para kayong binagsakan ng langit at lupa."

Sabay kaming napatingin sa dalawang tao na nakatayo sa harap namin. Si


Hailey at Warren.

Nanggaling si Hails sa bahay nila Warren kasi tinutulungan niya si Kuya


Zane sa ibang responsibilities niya. Si Hails at Kuya Zane lang naman ang
magkakaintindihan kasi medyo parehas sila ng utak. Mas advanced nga lang
ang kay Kuya Zane.

"May problema ba kayo?" tanong nila at pinaggitnaan kami ni Pipes.

"Ako wala. Si Pipes meron. Kaya dinadamayan ko lang."

Napatingin sa akin si Pipes. Parang gusto niyang sabihin na alam niyang


may problema rin ako pero hindi niya 'yun sinabi at sa halip ay
nagbuntong hininga na lang.

Tinanong nila si Pipes kung ano ang nangyari. Hindi naman nagsasalita si
Pipes kaya ako na ang nagsalita para sa kaniya.

"Break na sila ni Hunter."

"Kayo ba?! Akala ko M.U. lang!" Gulat na tanong ni Hails.

"Don't believe him. We don't even have a thing," sabi ni Pipes at


napabuntong hininga pa.

Napatingin sa akin ang dalawa at parang tinatanong kung ano ang nangyari.
Ayaw sanang ipakwento ni Pipes kasi siguro sa tingin niya magmumukha na
namang masama si Hunter. Kaya lang masama naman talaga ang ginawa niya sa
paningin ko kaya kwinento ko pa rin sa dalawa ang nangyari.
"Gago," inis na sabi ni Warren. Lumapit siya kay Pipes at hinawakan 'yung
kamay niya, "Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Hails dahil sa ginawa ni Warren. Napatingin siya sa


kamay ni Warren na nakahawak kay Pipes at saka nag-iwas ulit ng tingin.
Uh-oh. Ang sarap batukan nitong si Warren para naman makaramdam.

"Oo naman. It's not yet the end of the world. It hurts, but I'm okay.
I'll get used to it. In time, the pain will fade away."

Ginulo ni Warren ang buhok ni Pipes saka umupo sa tabi ni Hails. "We're
just here for you. I'm just here."

***

Hailey's Point of View

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na natapos na raw si


Piper at Hunter. Nalulungkot ako para kay Piper. Halata kasing gusto niya
talaga si Hunter. Naniniwala rin naman ako na gusto siya ni Hunter kaya
lang baka may nangyaring iba kaya nagkaroon ng ending ang dalawa. Isa
pa... naguiguilty ako dahil nalulungkot ako kasi mukhang magkakapag-asa
'tong si Warren.

Mukhang malungkot si Warren kasi nasasaktan si Pipes pero mukhang masaya


rin siya kasi may pag-asa na. Parang double meaning pa nga 'yung 'I'm
just here' niya.

Ngayong wala na sa picture si Hunter, posibleng may pag-asa na si Warren.


At posibleng papaasahin na naman ni Warren ang sarili niya na pwede ng
maging sila. Besides, he never stopped liking Piper. Gusto pa rin niya si
Piper kahit alam niyang may something sila ni Hunter noon. Lalo na siguro
ngayon na wala ng istorbo. Mas malaki ang chance na ipursue niya si
Pipes. He will always like her. She will always have a special place in
his heart because she is his first love.

"Mukhang malungkot ka." Napatingin ako kay Kuya Zane na ngayon ay ibinaba
na ang mga hawak niyang papel kanina. Nakatingin siya sa akin at halata
sa mukha niya ang concern. "May problema ba?"

"Parang."

"Kada umuuwi ako dito madalas mo akong tinutulungan sa mga


responsibilities ko. Hayaan mo naman ako ang tumulong o makinig sa 'yo
ngayon."

Mahirap din naman na itago lang 'to. Fine. I'll tell him.

Ikwinento ko kay Kuya Zane 'yung mga nangyari dati. Kung paano ako umamin
kay Warren, kung paano niya sinabing si Piper ang gusto niya, kung paano
kami nagkasirang apat at kung paano ulit kami nabuo. Kwinento ko rin na
nabasted ni Piper si Warren at ako ang naging sandalan niya noong mga
panahong 'yun. At kung paano ako patuloy na nagkakagusto sa kaniya kahit
na alam kong may iba siyang gusto. Kahit alam kong wala ako sa posisyon
para magkwento, kwinento ko rin sa kaniya kung paano naging malabo si
Piper at Hunter.

Matapos kong magkwento ay napakunot ang noo niya. Naguluhan siguro sa mga
sinabi ko.

"Bakit wala akong kaalam-alam? Bakit hindi sinasabi ni Warren sa akin


'to?"

"No offense meant, Kuya, pero kasi wala ka naman dito. Madalas ka pang
busy. Paano magsasalita si Warren sa 'yo?"

Lalong napakunot ang noo niya sa sinabi ko at umiling.


"Ang gulo nga niyan. Nasa circle of friends niyo kasi ang mga involved."
Nginitian niya ako at saka hinawakan ang kamay ko. "Piper is a nice girl.
Kung gusto pa rin siya ni Warren at magustuhan niya rin si Warren, kahit
mahirap at masakit, dapat maging masaya ka na lang para sa kanila. Kasi
kaibigan mo sila."

Naiisip ko pa lang na magiging silang dalawa nasasaktan na ako. Ang sakit


lang isipin na magkaholding hands o magkayakap sila sa harap ko. Kaya
lang tama si Kuya Zane eh. Wala naman akong magagawa doon. Kasi hindi ko
naman kontrolado ang nararamdaman nilang dalawa. Hawak nila ang puso
nila.

"But don't forget it, Hailey... you're a nice girl, too. Hindi rin malabo
na magustuhan ka ni Warren. Hindi kita pinapaasa sa mga sinasabi ko. Ang
akin lang, oo nga at umamin ka sa kaniya at sinabi niyang may iba siyang
gusto. Pero ilang taon na ang nakalipas magbuhat nang mangyari 'yun.
Malay mo kapag umamin ka ulit ngayon iba na ang maging resulta nang
gagawin mo. Time changes everything. Even someone's heart."

"Ewan ko, Kuya Zane. Nakakapagod na rin kasing umasa at maghintay sa


wala. Kung gusto niya naman ako sasabihin niya 'yun. Hindi niya ako
papahulain sa nararamdaman niya. Nandito lang naman ako."

"Nareject na siya dati kaya baka nahihirapan siya."

"Nareject na rin ako dati. Nahihirapan din ako."

"Hailey..."

Natahimik kaming dalawa nang may umubo sa likuran naman. Si Warren.


Parang nalaglag 'yung puso ko sa sahig. Narinig niya ba ang pinag-uusapan
namin? Nalaman ba niya na gusto ko pa rin siya?

"Kanina ka pa diyan?" tanong ni Kuya Zane.

"Kakarating ko lang. Iinom lang sana ako." Naglakad siya papalapit sa may
ref. Pag-inom niya ay aalis na dapat siya pero huminto pa siya at humarap
ulit sa amin, "Gumagawa ba talaga kayo ng requirements? Bakit parang
hindi naman?" tanong niya pero hindi na kami hinintay makasagot at umalis
na palayo sa amin.

Napatingin ako sa kamay ni Kuya Zane at napatingin din siya doon. Binawa
ko ang kamay ko sa kaniya at napailing na lang siya habang nakangiti,
"You've grown up." Kaya lang parang hindi para sa akin ang sinabi niyang
'yun. Nakatingin pa rin siya sa pinanggalingan ni Warren.

***

"Nasaan si Nate?" tanong ko nang makaupo ako sa place namin nila Tamara.

Usually kapag naghihintayan sa pag-uwi, anim kaming nakaupo sa lugar na


'to. Pero nitong mga nakakaraang araw tatlo na lang kami. Minsan apat
kapag sumasabay si Warren. Parang ang daming nagbabago. Masyadong mabilis
lahat hindi ko na masundan.

Naiintindihan ko ang nangyari kay Piper at Hunter. Nakwento na ni Nate


'yun dati eh. Pero parang may problema rin si Nate at Tamara. O ako lang
ang nakakapansin no'n? Paano kasi hindi ko na sila makitang magkasama.
Hindi na rin bukambibig ni Nate si Tamara.

"Iniiwasan ba ako ni Nate?" O, see. Maski pala si Tamara napansin na


'yon. Pero teka... iniiwasan ba siya ni Nate? "Lately kasi hindi ko na
siya masyadong nakakasama at nakakausap. Hindi ko naman alam kung bakit
nagkakaganoon siya. Sana sabihin niya sa akin kung may problema kami para
alam ko naman kahit papaano."

Ibinagsak ni Piper ang chichiryang hawak niya at napahawak sa gilid ng


noo niya, "You know what the problem is? You shouldn't have been sweet to
him. You should've treated him the way you treated any other boys. You
shouldn't have been close to him when you don't have any plans on
catching him if he falls."

Hinawakan ni Piper ang parehas na gilid ng noo niya at huminga ng


malalim, "I'm sorry. Sumakit lang ulo ko. I'll go home first."
Something's not right.
Napatingin ako kay Tamara na mukhang hanggang ngayon ay gulat pa rin sa
sinabi sa kaniya ni Piper. Ibinaba rin niya ang hawak niyang pagkain saka
hinampas ang magkabilang pisngi, "Oh my God."

"Anong nangyayari, Tamara?"

"Seryoso ba talaga siya nang sinabi niya 'yon dati?" tanong niya sa
sarili niya. Obviously hindi niya sa akin tinatanong 'yan kasi wala akong
clue sa mga nangyayari.

Bago pa man ako makapagtanong ay dumating na si Warren. "Bakit kayong


dalawa lang nandito?"

"Nauna na si Piper. Kakaalis lang niya kapag hinabol mo baka abutan mo


pa."

"Ha? Pero wala kayong - "

"Mag-uusap pa kami ni Tamara. Isa pa, magkikita pa kami ni Kuya Zane para
sa - "

"Sige, una na ko. Habulin ko si Piper. Ingat kayo," paalam niya saka
tumakbo.

Kumaway ako kahit na hindi niya na 'yun nakita at saka hinarap si Tamara
na ngayon ay parang mas naguluhan sa nangyayari.

"Bakit mo ginawa 'yun? Mukha namang - "


"Huwag mo na pansinin 'yun. Ikaw... anong nangyari noong mga nakakaraang
araw?"

Mas okay na na pag-usapan namin ang nangyari sa kaniya kaysa ang nangyari
sa amin.

***

Tamara's Point of View

Sobrang naguguluhan na ako sa lahat ng nangyayari. Ang daming nagkalat na


problema. Kaya dapat lang na mabawasan na ang mga problemang 'yon kahit
isa man lang. Kaya habang lunch break pa ay tinawag ko si Piper para mag-
usap.

"Hey," awkward na tawag niya sa akin. "I'm sorry about what I said the
other day. It's just that Nate is my bestfriend and I don't want him to
get hurt. And you know naman my issue about that paasa stuff. Everything
is just stressing me out lately. You were there that time kasi kaya I put
the blame on you. I'm really sorry. I never meant those words I've said."

Napaiwas siya ng tingin sa akin at saka dahan dahan ulit tumingin, "Well,
maybe I meant some of it." Nginitian ko siya dahil sa pagiging honest
niya.

Naiintindihan ko naman kung saan siya nanggagaling. Kung ako rin naman
siguro magkaroon ng childhood friend/bestfriend, baka mainis din ako sa
taong nanakit sa kaibigan ko.

"Kaya kita tinawag dahil doon. Parang ang dami kasing problema ngayon.
Ayoko na makidagdag sa mga problema. Kaya habang maaga pa, gusto ko na na
maayos 'to."
"Me either."

Sumandal ako sa may pader at ganoon din ang ginawa niya. "Aaminin ko
noong una, akala ko joke lang. Naramdaman ko 'yung sincerity niya nang
tanungin niya ako kaya lang pilit kong inaalis sa utak ko na posibleng
totoo 'yung sinasabi niya. Kasi ayokong maging totoo 'yun.

"Kasi sobrang trinetreasure ko siya as a person. Kaya lang kasi sa ngayon


wala sa utak ko ang pumasok sa isang relasyon. Kasi hindi 'yun ang
priority ko. Ang pamilya ko ang priority ko. Isa pa, hindi pa ako handa.
May panahon naman para sa lahat ng bagay. Hindi pa nga lang ngayon ang
panahon para doon."

Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip niya.
Baka mamaya mas mainis siya sa akin. Huwag naman sana.

"I admire you, Tamara. Sobra. You know your priorities. You're focus on
your goal. Bihira na lang ang ganyan. I'm just sad for Nate kaya lang
it's not like he confessed directly naman 'di ba? Parang paramdam lang
though you know na ayon na nga 'yun. Pero I'm curious about one thing..."
Napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. 'Yung itsyura niya
parang nang-iinis na nanunukso na hindi ko maintindihan kasi ang gulo.
"Do you like him? Kahit katiting lang? Crush?"

He was there when no one else was. Sobrang kumportable ako sa kaniya.
Kumportable din akong lambingin siya kahit papaano. Gusto ko rin minsan
kapag nag-aaway kami. Gusto ko rin kapag nagkwekwentuhan lang kami. I
don't mind spending time with him. Masaya rin ako kasi gusto naman siya
ng pamilya ko.

Shoot. Ito ba ang tinatawag nilang crush?

"Did you just think of him?" tanong ni Piper. Nag-aalinlangan man ay


tumango ako. Lumawak ang ngiti niya sa ginawa ko, "Do you know you're
smiling kanina? After I asked you if he's your crush or something."
"Seryoso?"

Tumawa siya at saka ako niyakap, "I know na your answer." Bumitaw siya sa
akin pero hawak pa rin niya ang magkabila kong balikat. "I know na you're
not yet ready. But I still believe that the time will come when both of
you will be together not as a friend but more than that. No rush."

***

Matapos namin mag-usap ni Piper, nagpatulong ako sa kaniya para kausapin


si Nate. Iniiwasan niya pa rin ako hanggang ngayon kaya hindi ako
makakuha ng tyempo. Ang hirap naman kasi na isa sa pinakaclose na tao sa
buhay ko hindi ako pinapansin o naiilang sa akin. Ayokong mag-iwasan at
magkailangan kami.

Nasa may pool area ako. Ang sabi ni Piper kay Nate magkikita sila dito
pero ang totoo, kakausapin ko lang sana talaga siya. Kaya laking gulat
niya nang makita ako. Parang hindi niya alam kung tutuloy ba siya o aalis
na lang. At buti na lang, tumuloy siya.

"Ang tunay na lalaki, hindi umaatras," bulong niya sa sarili niya pero
narinig ko naman.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Hindi siya sumagot. Silence means yes.

"Unfair naman nito, Nate, eh. Bakit kailangan iwasan mo ako?"

"Malamang. Kasi nga gusto kita," inis na sagot niya. Nang marinig ko na
sabihin niya mismo na gusto niya ako parang may nagliparan na kung anu-
ano sa tiyan ko. Ngayon niya lang 'yun sinabi ng direktahan. Hindi man
lang ako nakapaghanda.
"Pero bakit naman kailangan mong umiwas dahil doon?"

Napakamot siya sa ulo niya at mukhang inis na inis na. Ilang beses pa
siyang huminga ng malalim bago ako hinarap, "Gusto kita, okay? Kaya lang
hindi mo ako gusto. Kaya nga iniiwasan kita kasi hindi mawawala
pagkagusto ko sa 'yo hanggang malapit ako sa 'yo. Kapag naman hindi na
kita gusto hindi na kita iiwasan eh. Kaya ibalato mo na muna sa akin 'to.
Hayaan mo munang umiwas ako." Tinalikuran niya ako at naglakad papalayo.
Bago pa man siya tuluyang makalayo ay may pahabol pa siya, "Ingat
pagbalik ng classroom."

Hay, Nathan Scott. Ano bang gagawin ko sa 'yo?

Nagpunta ako sa may classroom at naupo sa may pinakalikod. Wala pa dito


si Nate. Napayuko na lang ako at hinawakan ang gilid ng noo ko. Ang gulo
gulo na talaga.

"Nate!" Narinig kong sigaw ni Piper kaya napatingin ako sa kaniya.


Tumatakbo siya palabas ng room at saka binatukan si Nate nang abutan niya
'yun.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa unahan ko. Nandito pala


si Hunter. Ngayon ko lang napansin. Nakatingin siya sa labas at parang
may sinusundan ng tingin. Nang tingnan ko ang tinitingnan niya, napailing
na lang ako at napangiti.

Sabi na nga ba. Gusto talaga ni Hunter si Piper. Kasi kung hindi, bakit
ganito siya kung makatingin.

"Nasa 'yo na kasi, ipinagtabuyan mo pa. Kaya ngayon hanggang tingin ka na


lang."
Inalis niya ang tingin niya kay Piper at tumingin na lang sa may
blackboard. Hindi rin naman siya nag-react sa sinabi ko.

Isa, dalawa o tatlong minuto na ata ang lumipas nang magsalita siya,
"Parang ikaw. Ipinagtabuyan mo rin."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Alam ba niya? Narinig ba niya
pag-uusap namin ni Nate kanina? Akala ko kaming dalawa lang ang tao sa
pool area? Teka. Pool area... isa nga pala 'yon sa mga tambayan ni
Hunter. Narinig nga niya!

Lumabas ako at nagpunta ng C.R. Naghilamos ako at saka tiningnan ang


sarili ko sa salamin. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Hunter.
Ipinagtabuyan ko ba si Nate? Hindi naman. Sadyang hindi lang ako handa
magkagusto sa ibang tao.

"Maaayos din 'to. Maaayos din ang lahat ng 'to."

Pumikit ako sandali pero nang pagdilat ko, halos atakihin ako sa puso
nang makita si Elle sa likuran ko. Nandoon pala siya sa isang cubicle. Sa
dinamirami ng pwedeng kasabay siya pa.

Napairap na lang ako at lalabas na sana nang kausapin niya ako.

"Where are your friends? Did they abandon you na ba? Poor you." Wala
akong panahon sa kaartehan niya. "Wait, wait. I'll go first."

Arte talaga. Kairita. Edi mauna siya. Parang ayon lang naman.

Habang hinihintay ko siyang makalabas ng C.R., huminto pa siya sa tapat


ko at bumulong, "Watch out." Saka niya ako nginitian at tuluyan nang
umalis.

Utang na loob. Ang dami ng problema. Huwag na siyang makisama.


***

Next update: Tuesday

=================

Chapter 58: Prefect of Discipline

Warren's Point of View

Sa tuwing nagpupunta ako ngayong taon sa office ng prefect of discipline,


laging hindi maganda ang balitang nakukuha ko. Noong una, pinagsabihan
kami tungkol kay Tamara at sa pagpili niya ng grupo. Hindi magandang
balita 'yun noon kasi hindi pa naman kami magkakaayos nila Nate. Nu'ng
pangalawa naman, pinarusahan kami at pinaglinis ng dalawang classrooms.
Sa pangatlong punta ko naman, nasuspend kami kasi nasabit sa gulo

Ngayong nandito ako sa POD, wala pa man din silang sinasabi sa akin,
kinakabahan na ako. Ramdam ko naman na hindi magandang balita 'to.

Kating kati na ako magtanong kung anong ginawa kong mali ngayon pero
natatakot naman ako na baka mas mapagalitan pa ako dahil sa pagmamadali
ko.

"Nakatanggap kami ng reklamo mula sa isang estudyante." Ayan na nga ba


sinasabi ko. "Tungkol 'to sa ginagawa mo noong mga nakalipas na buwan."
Ano ba ginagawa ko? Nakatahimik na nga lang ako.

"Aware ka pa ba sa existence ng rule sa school na 'to?" tanong niya pa.


Tungkol ba 'to sa rule?

"Opo," sagot ko sa kaniya.

"Alam mo pa naman pala na may rule. At ang rule ay ginagawa para sundin,
hindi para labagin. Nitong mga nakakaraang buwan, may nagsumbong sa amin
na madalas ka raw makitang nakikipag-usap sa mga walang grupo. Madalas ka
pa raw sumama sa mga ito. Dahil dito, sinubaybayan namin ang kilos mo at
tama nga siya. Madalas kang sumama at makipag-usap sa iba. Kung alam mo
ang rule, bakit mo 'yun ginagawa?"

"Kasi po kaibigan ko sila." Lakas loob kong sagot.

Inayos niya ang salamin niya at napatango, "Pinatawag kita dito para
malaman mo na pwede ka nang makipag-usap sa mga kaibigan mo nang hindi
lumalabag sa rule." Parang hindi ko gusto ang susunod niyang sasabihin.
"As the head of the prefect of discipline, I'm kicking you out on your
group."

Anak ng tokwa! Seryoso ba 'to?!

"Pero miss, parang hindi naman po ata fair 'yun."

"Mr. Evans, the rule exists for a reason hence you need to follow it. But
you didn't. You broke it so many times. Pay the consequences of your
actions. I'm sorry but my decision is final. I'll give you a chance to
talk to your groupmates until this afternoon. After that, you need to
inform them that you're no longer a part of The Jocks. As for you coach,
we'll inform him about this. Do you have any questions?"

Napakarami kong tanong pero kahit naman itanong ko pa 'yun isa lang ang
kakabagsakan ng lahat ng 'to, sasabihin pa rin niyang hindi na ako parte
ng Jocks. Labo!
"I'll take your silence as a no. You may go."

Lumabas ako agad sa room na 'yun bago pa man ako may masabing hindi
maganda. Nakakatangina lang talaga.

Nang makalayo layo na ako sa room ng POD ay sinipa ko ang nakita kong
upuan na nasa may corridor. Nakakabanas talaga. Sobra. Tinanggal ako sa
grupo dahil lang doon? Anong klaseng rason 'yun?! Ang tagal kong hinintay
na madala sa championship ang school namin tapos biglang tatanggalin na
lang ako sa grupo. Huling taon ko pa naman din dito. Lahat nang
paghihirap ko sa practice mapupunta lang pala sa wala. Gaguhan.

Kinuha ko ang upuan na sinipa ko kanina at itinayo ulit saka inupuan. Ang
sakit sa ulo nito.

Hindi man lang ako binigyan ng choice. Pero kung sabagay... kung
papapiliin naman ako kung alin ang pipiliin ko, pipiliin ko sila Hailey.
I let them down before. I won't do it again.

Iisipin ko na lang na makakasama ko na ang mga bestfriends ko madalas.


Titingnan ko na lang ang brighter side.

Maghapon akong naghintay na matapos ang mga klase para makumpleto na ang
grupo ko – dati – sa may locker room. Nagpapalit na halos ang karamihan
ng jersey nila habang ako ay kinukuha na ang mga gamit ko sa locker.
Ngayon na wala na ako sa grupo, hindi naman na tama na nandito pa ang mga
gamit ko.

"May practice game tayo, Captain. Nakuha mo pang mag general cleaning,"
biro sa akin ni Migs at tinapik pa ang likuran ko.

Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang hirap sabihin sa kanila
na hindi na ako makakapaglaro kasi hindi na ako kasama sa grupo. Tanging
myembro lang ng mga jocks ang pwedeng sumali sa team. Hindi na ako
myembro, hindi na ako kasali sa team.
"Boys, pwedeng pumunta muna kayong lahat dito. May sasabihin lang akong
importante."

Naglapitan sila sa akin at pinalibutan ako, "Alam na namin 'yan, Captain.


Sasabihin mo lang naman na mag-enjoy lang kami sa paglalaro. Kasi win or
lose proud ka sa amin." Napangiti ako. Mamimiss kong sabihin 'yun sa
kanila.

"Win or lose, proud ako sa inyo. Lagi lang ako susuporta sa inyo. Sa loob
o labas man ng ring."

"Labas ng ring? Anong sinasabi mo, Captain?"

Nginitian ko ulit sila, "Sorry hindi ako naging maingat. Kanina pinatawag
ako sa POD. Napapadalas na raw ang interaction ko sa mga walang kagrupo.
Alam niyo naman sila pagdating sa rule... sobrang higpit. Kaya ayon...
tinanggal ako sa grupo. Hindi niyo na ako makakasama hanggang sa
championship pero naniniwala ako na kaya niyong dalhin ang team hanggang
doon."

"Captain..."

"Susuportahan ko pa rin kayo. Manonood pa rin ako ng game niyo. Kaya lang
habang nandito tayo sa loob ng school, hindi ko na kayo kakausapain at
sana ganoon din kayo sa akin. Huwag na natin hayaang may isa pang
matanggal sa grupo."

"Pero Captain... hindi namin kaya 'to kapag wala ka."

"Kaya niyo 'yan. Maniwala lang kayo na kaya niyo. Kasi ako naniniwala sa
inyo." Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na sa kanila. Tama na 'to. Hindi
ko na kailangan ng panibagong drama.
***

"I don't know what to say," sabi ni Piper sa akin nang sabihin ko sa
kanilang dalawa ni Nate na pinaalis na ako ng grupo.

"Dapat pala hindi ka na lang namin kinakausap kapag kinakausap mo kami.


Malay ba namin na aabot sa ganto," dagdag naman ni Nate.

Kung anu-anong comforting words ang sinasabi nila sa akin. Naaappreciate


ko naman na ginagawa nila 'yun para pagaanin lang ang loob ko kaya lang
masakit pa rin maisip na hindi na ako makakapaglaro.

"What's up, guys?" tanong ng bagong dating na si Hailey at umupo sa tabi


ni Piper. "May problema ba at ganiyan ang mga mukha niyo?"

"Meron. Tinanggal ng head ng POD si Warren sa Jocks."

"Seryoso?!" gulat na tanong niya. Tiningnan niya kami isa isa at halatang
naghihintay ng sasagot sa tanong niya. "Oh my God. Seryoso nga."

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, "Sobrang lungkot niyan, Warren.
Sobrang unfair naman." Napailing siya at saka ako pinalo sa likod. Hindi
lang palo na tapik. Palo na palo talaga. "You know what, hindi talaga
siya unfair. Kasalanan mo rin naman talaga kung tutuusin. Ang kulit kulit
mo kasi. Sabi na nga sa 'yo dati na okay lang naman na hindi mo kasi
kausapin sa loob ng school. No hard feelings. Kaya lang pasaway ka.
Kausap ka nang kausap. Ang kulit mo."

Nanlaki ang mata ni Piper at Nate sa sinasabi ni Hailey. At talagang


sinisisi niya pa ako sa halip na i-comfort.

"Ayan tuloy. Nakita mo nangyari sa 'yo. Wala ka na sa grupo niyo. Hindi


ka na makakapaglaro. Ikaw kasi. Paano na kami magchicheer niyan? Bibili
pa naman na sana ako ng materials para sa paggawa ng pang-cheer sa 'yo.
Pati na rin pompoms. Paano na 'yan? Wala na. Hindi na ako makakapag-
cheer. Hindi na matutupad ang pangarap kong maging cheerleader."
"Hails..." tawag sa kaniya ni Nate at hanggang ngayon ay parang hindi pa
rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Hailey.

Napatikom ako ng bibig kaya lang kahit anong pigil ko ay hindi ko


mapigilan matawa sa mga sinabi ni Hailey. Lahat nang sinabi niya mga
masasakit na katotohanan pero sobrang nakakatawa lang ang pagkakasabi
niya. Lalo na 'yung parte na sinabi niyang pangarap niyang maging
cheerleader. Sinong maniniwala sa kaniya?

"Why is he laughing?" dinig kong tanong ni Piper.

"Hindi ko rin alam," sagot naman ni Nate.

"Ano, ayos ka na?" tanong naman ni Hailey.

"Better. Thanks."

"Mga baliw," sabay na sabi ni Nate at Piper at nag-aya nang umuwi.

Kinabukasan, sumabay na ako kay Piper pumasok sa school. Tutal naman wala
na akong grupo, libreng libre na ako sa pagsama sa kanila.

Maaga kasing pumasok si Hailey at Nate dahil may meeting daw sila para sa
yearbook. Namana kasi ni Nate ang galing ng parents niya sa pagkuha ng
litrato kaya siya 'yung napili para sa random pictures ngayong taon.

Pagdating namin ng room parang may naramdaman ako na nakatingin sa amin


ni Piper. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at nagtama ang tingin namin
ni Hunter.

"Sama makatingin," bulong ko.

"Hmm?" tanong ni Piper at humarap sa akin.


"Ha? Wala. Tara na lang." Napatingin ulit ako sa pwesto ni Hunter. Hindi
na siya nakatingin sa amin pero halata ang inis sa mukha niya. Kasalanan
naman niya. Magdusa siya.

Ilang araw pa ay mas napapadalas na kaming dalawa lang ni Piper ang


magkasama. Masyadong busy si Nate at Hailey sa yearbook samantalang si
Tamara madalas umiwas sa amin. Kay Nate lang naman talaga siya iiwas pero
dahil close namin si Nate, nadadamay na rin kami.

Okay na rin 'to. Ilang taon ko rin ginusto na makasama ng sarilinan si


Piper. Kaya ngayon ayan na. Nangyayari na.

Kaya lang parang may hindi pa rin tama.

"Hindi pa kayo uuwi? Kayo na lang tao dito sa room, ha." tanong ni Hailey
nang balikan niya sa room 'yung bag niya.

"We'll wait for you and Nate."

"O sige. Balik na lang kami dito kapag tapos na."

Nagpaalam na si Hailey at tumatakbong lumabas.

Napatingin ako kay Piper. Nakangiti siya ngayon at nakatingin sa


pinanggalingan ni Hailey. Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumingon
sa akin.

"Hey, Warren, I want to ask you something."

"Ano 'yun?"

"Di ba you liked me? Have you ever wished na sana we could spend time
together na tayo lang dalawa? Parang ganito."

"Honestly? Yes. Bakit?"


"It's happening na, 'di ba? Tayo na ang madalas magkasama."

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Ang weird lang na tinatanong ako
ni Piper ng ganitong tanong. Ang weird lang din na sinasabi niya ang mga
sinasabi niya ngayon.

"You've wished for this – this exact moment, exact scenario. And now that
it's happening, I know that it's not what you've thought it would be.
Walang spark, right?"

"How did you – "

"Ask yourself why," sabi pa niya saka ako nginitian. "Don't make her wait
too long just because you know she will. People get tired, too. Not
everyone can wait forever."

***

Hunter's Point of View

Tangina, Hunter, umayos ka.

Hindi ka naiinis. Wala kang pakialam kahit makita mo man na may iba
siyang kasama. Kahit na lalaking bestfriend niya pa ang kasama niya o
kahit ang lalaking nagkagusto o may gusto pa rin sa kaniya. Wala kang
pakialam, Hunter. Wala kang pakialam.

Pero tangina pa rin talaga.

Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba kung anu-ano naiisip ko? Bakit


pakiramdam ko nagseselos ako?

Hindi naman ako dapat magselos. Hindi naman kami ni Piper. Isa pa gusto
ko lang naman siya. Gusto ko lang siya. Mabilis naman mawawala 'yun.
Hindi pa malalim. Kaya pang mawala.
"Ano ang kaya pang mawala?" Napatayo ako nang marinig ang boses ni Tita
Cass. Umupo siya sa tapat ko at nagpangalumbaba, "Anong binubulong mo?"

"Wala po."

"Tungkol ba 'to kay Piper at sa nararamdaman mo para sa kaniya?" Nagulat


ako at alam niya ang tungkol sa bagay na 'yun. "Don't underestimate me,
Hunter. Hindi mo alam kung ano ako noong college namin."

Kahit hindi ko naman talaga gustong ikwento sa kaniya ang mga bagay
bagay, naikwento ko na rin. Wala naman kasi akong mapapagsabihan. Ang
kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan ko at handang dumamay sa mga angst
ko sa buhay, ipinagtulakan ko pa palayo. Tarantado ako eh.

"Wait. So sinasabi mo na ipinagtutulakan mo si Piper palayo kasi


pakiramdam mo pinili niya ang side ng mommy mo kaysa sa 'yo? Ganoon ba
ang tingin mo kay Piper?"

Umiling ako, "Aaminin ko po na naiinis ako kasi napangunahan ako. Parang


pinipilit akong gawin ang bagay na ayaw ko naman talagang gawin. Kaya
lang alam kong ginawa lang niya 'yun para sa akin. At natakot ako. Kasi
naisip ko na kahit malaman kong pumanig siya sa.. doon sa nanay ko.. alam
ko na mapapatawad ko pa rin siya. Alam ko na kahit ano man ang gawin
niya, mapapatawad ko pa rin siya. Kahit hindi man siya humingi ng tawad.
Kasi... kasi..."

"Kasi mahal mo na." Hindi ako sumagot kay Tita Cass. Hindi. Hindi ko siya
mahal. Hindi pwede. "Kasi kahit isipin mo man na hindi mo siya mahal, may
parte ng utak mo na nagsasabing mahal mo siya. Anong kinakatakot mo?
Bakit pinipigilan mo?"

"Kasi lahat ng minamahal ko iniiwan lang ako. Masakit maiwan. Ayoko nang
maulit ulit 'yon. Kaya hanggang hindi pa ako iniiwanan, ako na lang ang
lalayo."

"Ikaw na lang ang mang-iiwan, ganoon ba?"


Masama man pakinggan pero oo. Ganoon nga. Una ang papa ko. Pangalawa ang
mama ko. Kung pati si Piper iiwan lang din ako, baka mabaliw na talaga
ako.

Buti na lang lumayo na rin siya sa akin matapos ko sabihin na huwag na


niya ako pakialaman. Buti na lang hindi na niya ako pinakialaman. Ito
naman ang hiniling ko. Ito ang gusto ko. Kaya lang bakit parang mali pa
rin?

"Hindi naman sila magkakatulad, Hunter. Hindi lahat nang nagmamahal,


nang-iiwan. May iba na handang samahan ka hanggang dulo. May iba na handa
kang sabayan sa paglalakad sa daan na napili mo. Huwag mong lokohin ang
sarili mo sa nararamdaman mo. Itanggi mo man 'yan, wala rin naman
mangyayari. Mahal mo na, eh."

Hindi. Hindi ko pa siya mahal. Hindi ko siya mahal. Hindi. Pero...

Tangina. Mahal ko nga ata. Mahal ko na nga talaga.

***

Sinubukan kong mag-relax kaya tumambay ako sa likod ng school para


matulog. Kaya lang mukhang kahit saan ako pumunta, ayaw akong lubayan ng
gulo.

"Pero... hindi naman talaga kita pwedeng pakopyahin. Mapapagalitan ako ng


teacher natin. Ayokong bumagsak," dinig kong sabi ng isa.

"Ayaw mong bumagsak, ha. Ito babagsak ka dito," dinig ko pang sabi ng isa
pa.
Sinilip ko ang mga nagsasalita. Isang payat na lalaki na may salamin at
tatlong lalaki. Sinuntok ng isa ang payat na lalaki at pinagtawanan.
Sandali lang ay sinuntok na rin ng isa pa 'yung lalaking payat. Mga
siraulo 'to. Makikipag-away na lang doon pa sa alam nilang walang laban.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at lumapit sa kanila. Tinanong ko sa


kanila kung ano ang problema pero sinabihan lang ako ng tatlong lalaki na
huwag mangialam.

Ngayong nakita ko sila sa malapitan, kilala ko pala ang tatlong 'to.


Myembro sila ng Rebels.

Tutulungan ko sanang tumayo 'yung payat na lalaki pero hindi pa man din
ako nakakalapit ay sinugod na ako ng tatlong lalaki. Wala na rin akong
nagawa kaya lumaban ako hanggang sa mapatumba ko silang lahat.

Badtrip na ako. Huwag na silang sumabay sa kabadtripan ko.

Kinabukasan, pagpasok ko sa school, sinalubong agad ako ng head ng POD.


Sa tuwing nakikita ko siya, may hindi magandang nangyayari sa akin.
Ihahanda ko na ang sarili ko sa hindi magandang balita.

Nagpunta kami sa may office at may inilabas siyang envelope. Sumenyas


siya na buksan ko 'yun kaya ginawa ko naman. Sa loob ng envelope, ang
daming pictures nang nangyaring bugbugan kahapon.

"Anong masasabi mo sa mga litratong 'yan?" tanong niya sa akin.

"Ang bilis madevelop. Kahapon lang 'to," sarkastiko kong sagot. Hindi ko
na rin susubukan depensahan ang sarili ko. Alam ko naman na kahit ano pa
ang sabihin ko, hindi siya maniniwala.

"Ilang beses mo nang ginawa 'to, Mr. Guevarra. Ilang beses ka na nabigyan
ng warning pero ilang beses mo pa rin kami sinusuway. Akala ko nagtino ka
na pero hindi pa rin pala. Major offense ang pakikipagbugbugan sa loob ng
campus. Quotang quota ka na."

Sinubukan ko naman ipaliwanag at depensahan ang sarili ko dati pero hindi


naman sila naniniwala sa akin at sinasabing gumagawa lang ako ng excuse.
Ngayon wala na akong pakialam. Quota man o hindi, bahala na sila. Hindi
rin naman nila ako papaniwalaan.

"Sino ang iba pang kasama sa gulong 'to?"


Sa mga pictures, puro 'yung nakaharap lang ako ang inilabas ng kung sino
man ang nagpadala nito. Hindi pinakita ang mukha ng mga nakaaway ko. Pati
'yung payat na lalaki hindi pinakita.

Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Tama na 'to. Hindi na ako
mandadamay ng ibang tao.

Napabuntong hininga ang head at kumuha ng papel at pinirmahan 'yun,


"Sorry, Mr. Geuvarra, but from this day onward, hindi ka na makakapasok
sa Kingdom High. You're expelled."

Sobrang unfair ng naging hatol niya. Kaya lang hindi na lang ako
magsasalita. Expelled na rin naman ako, wala na rin mababago.

***

Next update: Friday OR Saturday. Hanggang Chapter 65 na lang tayo. Lapit


naaa. :)

=================

Chapter 59: Glue

Nate's Point of View

"Hails, tingnan mo 'to. Dapat bang isama pa natin 'to sa yearbook? O i-


delete ko na lang?"

Kinuha niya sa akin ang camera ko at tiningnan 'yun.


"Ano bang dapat kong tingnan sa litrato na 'to? 'Yung mga member ng
Populars na masayang nagkakainan kasi alam nilang kinukuhanan sila ng
litrato o si Tamara na nasa gilid nila at kumakain ng sandwich?"

Sinamaan ko siya ng tingin at saka ko inagaw ang camera. Kung anu-ano


sinasabi nitong si Hails.

"Paano mo nalaman na alam ng Populars na kinukuhanan sila ng litrato?


Candid kaya 'yan."

"Populars ang pinag-uusapan natin dito, Nate. Nararamdaman nila kahit


sampung classroom man ang pagitan kapag may nakatapat na camera sa
kanila."

"Except for Pipes."

"Hindi naman na siya member ng Populars. Matagal na. Isa pa, bakit hindi
mo pinapansin 'yung isa ko pang tanong? 'Yung kumakain ng sandwich."

Lakas mang-asar nito. Kapag ito inasar ko paniguradong mabwibwisit 'to.

"May naexpel daw kahapon. Narinig ko lang na pinag-uusapan ng ibang


member ng Populars." Narinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan namin sa
yearbook committee.

"Sino raw?" tanong naman ng isa.

Dahil for school purpose naman 'tong ginagawa namin, pinayagan kaming mga
committee na mag-usap-usap pero kapag nasa loob lang ng office. Sa labas,
galit galit na ulit kami.
"Si Hunter daw. Hunter Guevarra."

Nabitawan ni Hails 'yung hawak niyang papel nang marinig na naexpel na si


Hunter. Buti na lang pala nakuha ko sa kaniya agad kanina ang camera ko.
Kung sakaling hindi, baka itong camera ko ang nabitawan niya.

Teka nga... hindi naman 'yung camera ko ang pinag-uusapan dito. Si


Hunter. Paanong nangyari 'yun?

Kahit naman inis ako sa kaniya, hindi ko naman gustong paalisin siya sa
school. Nagpapakahirap ang tao sa pagtratrabaho at kahit mahirap
pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtratrabaho tapos i-eexpel lang
siya? Unfair lang.

Tuluyan na talagang nabaliw ang ibang school personnel ng Kingdom High.


Maliban siyempre sa kamag-anak ko. Wala naman kaming lahi ng pagiging
baliw.

Kinalabit ko 'yung chismosang babae at nagtanong, "Bakit raw siya


napatawan ng expulsion?"

"Nahuli raw na nakikipagbugbugan sa likod ng school. Sabi ng iba badtrip


daw kasi si Hunter kaya naghanap ng paglalabasan ng galit. Sabi naman ng
iba nauna raw 'yung kabilang party. Pero alam mo kung ano ang
nakakagulat, inako ni Hunter lahat ng parusa. Hindi niya nilaglag ang mga
nakabugbugan niya. Akalain mong gagawin ni Hunter 'yun. Biruin mo... may
puso pala siya kahit papaano."

Napakachismosa ng babaeng 'to. Kung anu-ano na sinabi. Nanghusga pa.


Mabait naman si Hunter. Paasa lang.

Humarap ulit ako kay Hails na nakikinig din sa usapan ng iba, "Hails,
huwag mo muna babanggitin kahit kanino 'to, ha? Sa atin atin lang muna.
Kakausapin ko muna si Hunter."
"Wala na nga siya sa school 'di ba? Paano mo siya kakausapin?"

"Alam ko kung saan siya pwedeng makita."

Tiningnan niya ako na may halong pagtataka pero hindi na rin nagtanong.
Kahit din naman magtanong siya baka hindi rin ako sumagot. May sikreto pa
rin si Hunter na dapat kong pangalagaan. Kasi pinagkatiwalaan nila ako ni
Pipes doon.

***

Pagpasok ko sa café, nakita ko agad si Hunter sa gilid ng cashier.


Lumapit ako sa kaniya at nang makita niya ako, parang hindi na rin siya
nagtaka. Ewan ko kung inaasahan na niya makita ang gwapong magmumukha ko
dito o sadyang namaster lang niya ang hindi pagbibigay ng kahit na anong
emosyon.

"Pwede ka bang makausap?"

"Nagtratrabaho ako."

"It's okay, Hunter. Mag-break ka muna." Biglang sulpot ni Tita Cass sa


tabi ko. "Hi, Nate."

Wala nang nagawa si Hunter kung hindi ang tumango. Sumenyas siya sa isang
bakanteng lamesa kaya tinanguan ko naman siya. Nang magpunta na si Hunter
doon ay humarap ako kay Tita Cass at nagpasalamat. Ginantihan niya naman
ako ng ngiti at tapik sa likod.

Nakaupo na si Hunter at tinatap ang daliri niya sa lamesa na para bang


bagot na bagot kahit na hindi pa man din kami nagsisimulang mag-usap.
"Nabalitaan ko ang nangyari kahapon." Tumango lang siya bilang sagot.
Bastos talaga nito kung minsan. "Ano ba ang totoong nangyari?"

"Akala ko ba nabalitaan mo na?" sarkastiko niyang tanong.

"Hindi ba ang sabi ko nabalitaan ko ang nangyari kahapon. 'Yung


pagkakaexpelled mo. Hindi ko nabalitaan ang nangyari ng mga nakaraang
araw at dahilan kung bakit ka naexpelled."

Huwag niyang pipilosopohin ang taong mas pilosopo sa kaniya. Mapapahiya


lang siya.

Hindi siya nagsalita ulit. Ayan na nga ba sinasabi ko. Napahiya na nga
kaya tumahimik.

"Bakit hindi mo man lang dinepensahan ang sarili mo? Bakit inako mo pa
lahat ng kasalanan?"

"Hindi rin naman sila maniniwala sabihin ko man ang totoo. Kaysa
magsayang pa ako ng oras sa pagpapaliwanang, hindi na lang ako
magsasalita. Wala namang maniniwala."

Tumingin siya labas at tinigil na niya ang pag-tap ng daliri niya sa


lamesa. Sa pagkakasabi niya no'n parang unang beses akong nakaramdam ng
lungkot mula sa kaniya. Biruin mo 'yon, may iba pa pala siyang
nararamdaman. Tinatago lang niya talaga.

"Ako." Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Slow
naman nito. Hindi man lang na-gets. "Ako, naniniwalang ginawa mo lang
'yun kasi may dahilan. Pwedeng self-defense o may tinulungan ka lang na
ibang tao. Hindi mo gagawin 'yun kasi badtrip ka lang."

"Anong mapapala ko kung isang tao lang naman ang naniniwala sa akin?"

"Sino nagsabing isa lang? Sigurado ako kahit na hindi mo kinakausap sila
Hailey at Tamara, maniniwala pa rin sila sa 'yo. Si Warren din. Kahit na
sabihin man natin na parang may pader na nakapagitan sa inyong dalawa."
Napailing lang siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin
ng iling na 'yun. Iling dahil para sa kaniya wala pa rin mababago
maniwala man kami o iling dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

Totoo naman na naniniwala ako sa kaniya at sigurado talaga ako na ganoon


din si Hailey at Tamara. 'Yung kay Warren, medyo alanganin ako syempre
pero hindi ko na lang sasabihin sa kaniya. Sayang. Pangdagdag din sa
bilang 'yun.

"Si Pipes naniniwala sa 'yo. Hindi ka man magpaliwanag maniniwala pa rin


'yun na hindi ka makikipagbugbugan para lang sa wala. Kasi kilala ka
niya." Parang lumungkot ulit ang mukha niya nang mabanggit ko ang
pangalan ni Pipes. "Ayon naman ang mahalaga 'di ba? Ang maniwala sa 'yo
ang taong importante sa buhay mo. Kahit talikuran ka man ng lahat ng tao
sa mundo, basta manatili lang siyang naniniwala sa 'yo, alam kong
magiging sobra na ang saya mo."

Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung importante ba si Pipes sa kaniya.


Hinuhuli ko lang siya. Pero sa naging reaksyon niya ngayon, alam ko na.
Baka nga totoo ang sinasabi ni Tamara na may rason si Hunter kung bakit
itinulak niya palayo si Pipes.

Parang unti-unting bumabagsak 'yung pader na pilit niyang tinatayo.


Parang unti-unti kong nakikita ang emosyon niya pati na rin ang totoong
nararamdaman niya para sa bestfriend ko. Ngayon sigurado na ako. Mahal na
niya. Sadyang may pumipigil lang.

"Wala ka na ba talagang balak bumalik sa Kingdom High?" Pag-iiba ko ng


usapan.

"Expelled na ako. Hindi na ako makakabalik. Mag-eenroll na lang ako next


year sa ibang eskwelahan. Kahit naman gusto ko sa Kingdom High wala na
rin naman. Hindi na rin pwede. Tinalikuran ko na, eh."

"Pwede mo pa namang balikan kung gugustuhin mo. Hindi nga lang magiging
madali pero kahit paano posible."
***

Kinabukasan, habang naglalakad kami pauwi, ay hinila ni Hailey si Pipes


si Tamara para sumabay na sa amin pauwi. Wala na rin naman siyang
nagawa.

Napatingin sa akin si Hails at pinanlalakihan ako ng mata. Parang


sinasabi niya na sabihin ko na sa kanila ang nangari kay Hunter habang
kumpleto pa kami.

Himala na rin naman na hindi pa rin nila alam hanggang ngayon ang
nangyari kay Hunter. Kaya habang hindi pa nila naririnig sa iba, dapat
nga na kami na lang ang magsabi sa kanila.

"May sasabihin ako." Napahinto naman silang apat at lumingon sa akin.


"Huwag kayo mabibigla."

"Huwag ka na pa-suspense, Nate," utos ni Warren. Kung siya na lang kaya


magsalita. Mas marunong pa sa akin.

"Noong isang isang araw, nakipagbugbugan si Hunter. Umabot sa POD ang


balita. Ang dami na niyang violations kaya nagdecide na ang head ng POD
na i-expel si Hunter."

"Seryoso?!" gulat na tanong ni Tamara.

"Una ako. Ngayon naman si Hunter. May galit ba 'yung head ng POD sa
atin?"

Nagsabay-sabay na silang magsalita. Pati si Hails ay nakisabat na. Pero


sa lahat ng ingay na nanggagaling sa kanila, mas nangibabaw ang
katahimikan ni Pipes. Nakatingin lang siya sa sahig at parang hindi pa
nagsisink in sa kaniya ang sinabi ko.

"Pipes – " Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na si Piper at agad


sumakay ng taxi.
Bwisit na taxi 'yan. Bakit ba kasi may bakanteng taxi agad siyang nakita?

Hinabol namin siya pero hindi na namin naabutan. Nagpapanic na 'yung


tatlo kasi hindi nila alam kung saan pupunta si Pipes. May hula ako kung
saan siya pupunta pero oras na sundan ko siya, malamang susunod sa akin
'tong tatlo. At kapag nangyari 'yun, makikita nila si Hunter.

"Bahala na," bulong ko saka sinundan si Pipes.

Nang makarating kami sa café, inabutan ko si Pipes na sinusundan si


Hunter sa labas.

"Si Hunter? Bakit nandito siya?"

"Wait, working student si Hunter?"

"Working na lang. Hindi na student," sagot ko sa kanila.

"Kailan pa siya nagtratrabaho? Bakit kailangan niyang magtrabaho?"

"Ano bang nangyayari?"

Natigil sila sa pagtatanong nang marinig namin ang sigaw ni Pipes. "You
don't want to talk to me?! Fine. That's where you're good at naman in the
first place. Ang hindi pagpansin sa mga tao. I've always thought you're a
strong person because despite of everything you've been through, you can
still manage to stand. But I guess I was wrong. You're a coward, Hunter.
You keep on running away. You keep on hiding yourself. You keep on
pretending that everything will be okay if you don't acknowledge the
problem. Yes, you managed to stand up even when you already fell several
times. But it's not enough. You need to keep moving forward. You have to
take a step forward."

Lumapit na kami kay Pipes. Ngayon lang ko lang siya nakitang ganito
kagalit.
"You've worked so hard para mapatunayan ang sarili mo 'di ba? Nagtrabaho
ka kasi gusto mong gumanda ang buhay mo. But why are you throwing
everything away? You'll get nowhere dahil sa ganiyang ugali mo. You want
to prove them wrong? You can't, Hunter. Kasi ikaw mismo hindi naniniwala
sa sarili mo. You don't fight for yourself. You keep on running away. You
keep on pushing away those people who want to help and accept you. I'm
tired, Hunter. I'm tired caring for you. I'm tired chasing after you."

Pinunasan ni Pipes ang pisngi niya saka nilagpasan si Hunter. Si Hunter


naman ay naiwang nakatulala. Maski kaming apat, hindi namin alam ang
gagawin namin. Hindi ko inaasahan na ayon ang makikita ko.

Napatingin ulit ako kay Pipes at medyo nakakalayo na siya. Bago pa man
siyang tuluyang mawala ay susundan ko na sana siya kaya lang bigla na
lang gumalaw si Hunter sa pwesto niya.

Sobrang bilis ng pangyayari pero for the first time... Hunter chased
after Pipes.

"I'm sorry," dinig naming sabi niya. "Tama ka, mali ako. Kailangan kita,
Piper. Kailangan ko ng tulong mo." Humarap din siya sa amin, "Kailangan
ko ng tulong niyo."

Hindi nakatingin si Pipes kay Hunter pero hindi na rin naman siya umalis
sa kinatatayuan niya. Mukhang ito lang naman ang hinihintay niya. Ang
lumapit si Hunter. Ang kailanganin siya ni Hunter.

Napangiti ako at nilapitan ko silang dalawa saka inilahad ang kamay ko,
"I'm in."

Tiningnan ko ang iba at nagsisunuran sila sa pwesto namin. Ipinatong ni


Hails ang palad niya sa kamay ko at ganoon din ang ginawa ni Tamara at
Warren. Tiningnan ko si Hunter at ipinatong naman niya ang kamay niya sa
kamay ni Warren. Napatingin kaming lahat kay Pipes. Kinuha ko ang kamay
niya at inilagay sa ilalim ng kamay ko, "She's in."

Sa tinatagal tagal na panahon na nag-iiwasan kaming lahat at nagpatong-


patong ang problema namin sa isa't isa, ngayon ko lang masasabi na for
the first time, lahat kami nagkaisa.
***

"Saan ka ba kasi nakipagbugbugan?" tanong ko kay Hunter.

Kasalukuyan kaming nasa café ni Tita Cass at pilit inaayos ang gulo na
ginawa man ng kung sino.

"Sa likod ng school building. Doon ako madalas tumambay," sagot niya.
Hindi pa rin ako sanay na sinasagot niya ang mga tanong ko. Masasanay rin
naman siguro ako sa susunod.

"Anong nangyari? Eksaktong nangyari?" tanong naman ni Tamara.

Kwinento niya sa amin ang lahat ng nangyari. Mula sa pagtulog niya,


pagkakarinig ng mga may nangbubully, 'yung pagkita niya na may binubugbog
na payat na lalaki pati na rin ang pakikipagbugbugan niya sa mga ito.

"Ang kailangan natin malaman ay kung sino ang tinulungan mo. Pwedeng siya
magpatunay na tumulong ka lang naman," suggest ni Warren.

"Ewan ko pero sa pagkakadescribe ni Hunter doon sa lalaki, parang hindi


siya tetestigo kasi baka mabully lang siya ulit."

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Hails. Kasi may point siya.
Ipagpalagay man na maguilty siya, mukhang mas pipiliin niya pa rin ang
safety niya. Ewan ko pero parang ayon ang pakiramdam ko.

"We still need to find him. Let's explore all the possibilities. There's
no harm in trying."
Napatitig si Hunter kay Pipes pero itong bestfriend ko hindi man lang
magawang daanan ng tingin si Hunter. Pasaway din kasi 'tong si Hunter.
Pinatagal pa ang mga bagay bagay. Mainit na tuloy ulo ni Pipes sa kaniya.

"Kailan, anong oras at saan nangyari 'yan? Baka may mailala tayong tao na
nandoon noong mga panahong 'yan," agaw ni Hails sa atensyon naming lahat.

"Wednesday, 4:30pm, sa likod ng school bldg."

Natahimik si Hails sandali at napatingin. Hinila niya ang manggas ng


damit ko. Oras na lumuwag 'to kailangan niya akong ibili ng bago.

"Nate, parang nasa same area tayo ng panahon na 'yun."

"Talaga? Bakit tayo nandoon? May ano?"

"Ano ba. Hindi ba kasi pinipicture-an mo 'yung buong campus? Para sa


yearbook. Check mo nga 'yang camera mo pag-uwi mo. Tingnan mo lahat ng
pictures tapos ipakita mo kay Hunter. Baka sakaling makilala niya 'yung
tinulungan niya."

"'Yung binugbog mo Hunter? Hindi mo ba nakikilala?" tanong ni Warren.

"Kilala ko ang mga mukha nila."

"Edi sila na lang gawin nating testigo."

Nagulat na lang kami nang pinalo ni Hails si Warren sa likod. Medyo


malakas kaya napaaray siya. "Sila nga ang nambugbog 'di ba? Asa ka pang
tumestigo ang mga 'yun."
"Nagsusuggest lang naman."

"Wala rin naman akong balak na idamay pa ulit sila. Baka pati sila makick
out lang. Tama ng ako na lang." Ayos ha. Bait ni Guevarra.

Napabuntong hininga si Pipes. Ang lakas makahawa nang ginawa niya kaya
pati ako ay napabuntong hininga na lang din. Napatingin sa amin ang iba
at tinanong kung anong problema.

Ako wala akong problema. Ginagaya ko lang 'tong si Pipes. Si Pipes...


obvious naman may malalim na iniisip.

"It feels like everything is falling apart. It started when I left my


former group. Parang ang daming hindrances. Parang something's telling us
na we should've not left our groups. We should have stick to the rule.
Maybe what I did was a mistake. Kaya ngayon pati kayo nadadamay sa ginawa
ko."

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi niya. Huwag lang nilang sabihin na
agree sila dito kay Pipes kasi seryoso... babatukan ko ang sino man na
sumang-ayon kay Pipes.

Umubo ako at saka tinapik sa likod si Pipes. "Kailangan ka pa naging


pessimist? Tigilan mo nga 'yan, Pipes. Ano ba naman 'yang naiisip mo?
Isipin mo na lang, kung sakaling sumunod tayo sa rule, hindi tayo
magkakasama ngayon. Magiging loner si Tamm – si Tamara. Makukulong pa rin
tayo sa limitasyon na dala ng rule. Tama lang ang ginawa natin. Mukha
lang maraming harang kasi nga tama tayo. Panindigan na natin 'to. Ang
mahalaga naman ay magkakasama tayong lahat. Magiging okay din ang lahat.
Makakabalik si Guevarra sa Kingdom High. Makakapaglaro ulit si Warren sa
championship. Magiging mas close pa si Warren at Hails, magiging okay din
kayo ni Guevarra at magiging ayos din kami ni – " Sira na talaga ulo mo
Nate. "Basta magiging okay din ang lahat."

Kaya lang sa mga huling sinabi ko parang sa halip na maging okay, naging
awkward lang ang atmosphere. Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong
sarili ko. Napakagulo.
"Okay! Kain na tayo!" agaw ni Warren sa eksena.

Dahil sa nakarinig ang lahat ng magic word na 'kain', bumalik na ulit sa


normal ang lahat. By normal, ang ibig kong sabihin ay nagkakailangan pa
rin si Guevarra at Pipes, close pa rin si Warren at Hails pero parang
medyo may distansya na at iniiwasan ko pa rin si Tamara. Ayon. Ayon ang
normal.

"Hey, Nate," bulong ni Pipes habang busy ang iba sa pagkain. "Thank you
for being the glue that holds us all together."

Glue, huh? Kung glue ako... ako na ang pinakagwapong glue sa balat ng
lupa.

=================

Chapter 60: Solution

Warren's Point of View

Hinahanap ni Nate 'yung mga nakuhanan niya noong araw na may nakaaway si
Hunter. Sabi nila doon daw kami magsisimula – sa pag-alam kung sino ang
mga taong nandoon ng panahon na 'yun.

Hindi kami close ni Hunter. Hindi ko maalala kung ilang beses na kami
nag-usap o kung nag-usap na nga ba kami. Sa totoo lang hindi ko rin siya
gusto dati. Ayoko na kasama siya sa grupo. Siguro dahil 'yun dati kay
Piper. Kasi naiinis ako na magkasama sila.
Kaya lang sa tuwing naaalala ko kung paano niya sinamahan ang mga
kaibigan noong mga panahon na hindi ako sumasama sila kasi may grupo pa
ako, nadadagdagan ang respeto ko sa kaniya. Kaya nandito ako ngayon at
tinutulungan na makabalik siya sa Kingdom High.

Isa pa, hindi rin naman siya kasing sama ng akala ko. He's a good person.

"Ito. Ito," turo ni Nate sa camera niya. Ihinarap niya 'yun kay Hunter.
"Dito 'yun 'di ba? Tingnan tingnan mo lang 'yan."

Kinuha ni Hunter ang camera at seryosong tiningnan ang mga litrato.


Nakaabang sa kaniya sila Nate, Hailey at Tamara. Samantalang si Piper na
kanina pa tahimik ay nagbabasa lang. Nahilig din 'tong si Piper sa
pagbabasa. Kaya nagkakasundo sila lalo ngayon ni Hailey eh.

"Bakit hindi ka na lang sa inyo magbasa?" tanong ko sa kaniya pero hindi


niya ako sinagot. "Ano ba kasi 'yan at mukhang kinakaadikan mo? Ihinto mo
na 'yan. Magbasa ka na lang kapag nasa inyo ka na, huwag dito."

Pumikit siya at huminga ng malalim saka ibinaba ang libro, "Rule No. 1:
Don't disturb a person when he or she is reading. Rule No. 2: Don't tell
a reader to stop reading a book. You don't know our struggle. Rule No. 3:
Don't tell a reader where to read. We'll read where and when we want."

"Sungit naman nito."

"Not really. I'm just giving you tips. Para when the time comes na you
know... you and Hailey... alam mo na what to do."

"Anong you know? Hindi ko alam. At bakit napasok si Hailey sa usapan?"


Pumikit siya at huminga ng malalim saka hinawakan ulit ang libro, "I want
to slap you with my book right now, but I won't because I don't want my
book to get hurt."

Sinabi ko lang na hindi ko alam pero ang totoo alam ko talaga. Magbuhat
nang sinabi niya sa akin na tanungin ko ang sarili ko kung bakit walang
spark kapag magkasama kami kahit na ang tagal kong ginusto na masolo
siya, parang naguluhan ako. Ang labo lang. Gustong gusto ko siyang
makasama pero ng makasama ko na siya bigla na lang akong may hinahanap na
ibang presensya. Presensya ng taong laging nasa tabi ko. 'Yung laging
nandiyan kahit noong mga panahon na problema ako. At 'yung tao na hindi
nahihirapan pagaanin ang loob ko.

Sa makatuwid kahit na si Piper ang kasama ko, si Hailey ang hinahanap


hanap ko. Hindi kaya...

Naputol ang usapan namin ni Piper nang magsalita si Hunter. Nakita na


niya 'yung mukha ng lalaki na sinasabi niya. It turns out na nasa grupo
pala ng Nerd ang sinasabi ni Hunter at kilala siya ni Hailey. That's a
pretty nice lead.

"Ngayong alam na natin kung sino 'yan... ano na?" tanong ni Nate.

"Kakausapin natin siya," sagot naman ni Hailey.

"Ano na gagawin natin pagkatapos nu'n?"

Walang sumagot ni isa. Walang may alam kung ano ang gagawin pagkatapos.
Ano nga ba?

"Tanungin natin siya kung sino ang bumugbog sa kaniya o kaya kung ano ang
atraso niya sa mga 'yun. Pagkatapos, pakiusapan natin na i-defend man
lang si Hunter. Kasi pag-aaral na ang pinag-uusapan natin dito. Baka
naman madaan siya sa maayos na usapan," sagot ni Tamara.

Pumalakpak ako senyales na final na ang usapan. Ganoon na ang gagawin


namin.
***

Kinabukasan, bago magpasukan ay hinintay namin 'yung tinulungan ni Hunter


sa labas ng classroom niya. Kaya lang sa tuwing makikita namin siya,
parang nagmamadali siyang umalis. May pagkakataon pa nga na tinakbuhan
niya talaga kami. Para kaming nakipaghabulan sa kaniya pero bigla na lang
siyang nawala.

Natapos ang buong araw ng walang nangyari.

Nagpunta kami sa café ni Tita Cass para ireport kay Hunter ang nangyari.

"Sa inaasal nitong lalaking 'to parang malabo na tulungan niya tayo,"
inis na sabi ko sa kanila saka ko nilukot ang hawak kong papel at shinoot
sa basong walang laman.

"Mukha ngang umiiwas siya," dagdag pa ni Hailey.

Umupo si Tamara sa tabi ni Piper at nagtanong, "Bakit ba siya umiiwas?"

"Bakit ba umiiwas ang isang tao?"

"Kasi may gusto siya sa iniiwasan siya," sagot ni Nate dahilan para
samaan siya ng tingin ni Hunter, kurutin ni Hailey, irapan ni Piper at
batuhin ko ng papel. Si Tamara naman ay walang ginawa.

"He's avoiding us because he knows he did something wrong. Come to think


of it, he never defended, Hun.. him. He doesn't have any bruise o wound
din naman. Someone was there din to take photos of the fight as if he or
she is expecting it will really happen. What happened there's a set up."
Oo nga, ano? Baka nga sinadya 'to? Baka nga sinadya ng kung sino man ang
mapaalis si Hunter sa school. "And Warren... stop wasting papers."

Ibinalik ko ang papel sa bag ko kasi mukhang may problema si Piper sa


papel kaya lang pagtingin ko kay Hunter na nasa may gilid ko, nakita ko
siyang nakangiti. Sobrang liit lang na ngiti. Parang pigil pa nga.
Problema nito?

"Kailangan malaman natin kung sino ang nag set up kay Hunter. Pwedeng
ilan sa mga nakaaway niya dati. Basta ang mahalaga ay masumbong natin
sila sa head ng POD."

Napahinto ako sa sinabi ni Hailey. Sumbong. Sumbong... "Teka. Kung hindi


ako nagkakamali bago ako pinaalis sa grupo, ang sabi ng head ng POD sa
akin, may nagsumbong o nagsabi raw sa kaniya na lumalabag ako sa rule.
Dahil doon kaya nila napansin na lumalabag nga ako. Nangyari 'yun ilang
araw bago maexpel si Hunter. Hindi kaya..."

"Posibleng isa lang ang may kagagawan kung bakit ka natanggal sa grupo at
kung bakit nakick out si Hunter," dugtong ni Tamara sa sinabi ko.

Natahimik kaming lahat sa ideya na may nananadya talagang ipahamak kami.


Una, ako. Pangalawa si Hunter. Kung totoo man 'tong naiisip ko... sana
wala ng pangatlo pa.

"Hindi sa nangjujudge ako, ha. Pero sa tingin ko isa lang naman ang
gagawa nito. Ayaw ko man isipin na posible... pero kasi... 'di ba?"

"We get you, Hailey. I think we all know who's behind all of these."

"Ako hindi ko alam. Sino?" sagot ni Nate sa sinabi ni Piper. Napapalo na


lang si Piper sa ulo niya at umiling.

"Sa tingin ko..." Napatingin kami kay Hunter nang magsalita ito. "Mas
maayos kung malaman pa rin talaga natin kung totoo ang mga hinala natin.
Mabuti na ang sigurado."

"Anong hinala? Wala nga akong hinala. Ayaw niyo naman i-share," bulong ni
Nate pero narinig naman naming lahat. May pagkaslow din talaga 'to
madalas.
Para malaman ay naisipan ni Hailey na kakausapin niya 'yung nerd bukas sa
school. Magkagrupo naman sila dati kaya posibleng makipag-usap ito sa
kaniya. At kung marami ulit kaming makikipag-usap, baka matakot lang
'yung lalaki.

Pero hindi pwedeng siya lang. Sasamahan ko siya.

***

Medyo kanina pa namin sinusundan 'yung lalaki. Medyo mataas pa rin ang
defenses niya na parang ineexpect niya na bigla na lang kaming susulpot
sa tabi niya at kakausapin siya.

Makalipas ang ilang minutong patagong pagsunod namin sa kaniya, pumasok


siya sa CR ng boys. Pasimple akong sumunod sa kaniya at nang masiguro
kong walang ibang tao doon ay sinenyasan ko si Hailey na pumasok.

Nakatalikod 'yung lalaki kaya hindi niya kami napapansin ni Hailey.


Tumalikod din si Hailey dahil nga umiihi 'yung lalaki. Hinarangan ko rin
'yung mata niya ng kamay ko para ligtas.

Nang humarap ang lalaki ay laking gulat niya na makita ako lalong lalo na
si Hailey na nasa loob din ng CR.

"Bakit kayo nandito?"

"Tapos na siya? Pwede na ba akong humarap?"

Binitawan ko na si Hailey kaya humarap na siya sa lalaki. Pumikit pa siya


sandali at parang pinipigilan niya ang paghinga niya. Hindi ko rin naman
siya masisisi. Ang panghi kaya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Pakisagot na rin agad ang tanong ko.
Friname up niyo ba si Hunter?"
Nanlaki ang mata ng lalaki at umiling. Tinatanggi pa ng loko. Halata na
nga sa mukha niya na bistado na siya. "Sagot." Mahinahon pero seryosong
utos ko sa lalaki. Hindi ko siya gustong takutin pero mukhang kailangan
na.

"H.. hindi. W.. walang set up na nang.. nangyari." Unti-unti akong


lumapit sa kaniya. Seryoso ko siyang tinitingnan at umaasa na sana
matakot siya sa akin. Habang lumalapit ako ay umaatras siya. Parang
umeepekto naman kahit papaano ang pananakot ko.

"Hindi ka pa rin ba magsasalita?"

Napalunok siya at mas lumayo pa sa akin, "Oo na! Oo na. Set up lang
talaga. Lahat ng nangyari hindi totoo. Naglalakad ako pauwi ng araw na
'yun nang harangin ako ng isang babae. Umarte daw ako na parang
nabubully. Tumanggi ako pero lumabas 'yung dalawang rebels. Natakot ako
sa kanila kaya wala na rin akong nagawa. Sinabihan nila akong huwag
magsasalita kahit kanino. Natatakot ako na baka totohanin na nila ang
pangbubugbog kaya wala akong sinabihan. Kaya please... wag niyo sabihin
kahit kanino 'to."

"Bakit kailangan ka pa nilang paartehin? Bakit hindi na lang sila


dumiretsyo sa pakikipagbugbugan kay Hunter?"

"Kailangan nila ng witness kung sakaling ilaglag sila ni Hunter sa POD.


Aarte lang akong nabubully tapos oras na isumbong sila ni Hunter, gagawin
nila akong witness at babaligtarin ko ang sinabi ni Hunter. Sasabihin ko
na siya ang nagsimula at hindi 'yung dalawa. Gusto ko ng tahimik na buhay
dito sa Kingdom High kaya wala na akong nagawa. Parang awa niyo na 'wag
niyo sanang sabihin 'to kahit kanino. Kapag nalaman nilang sinabi ko sa
inyo ang totoo baka malagot ako."

"Fine," sagot ni Hailey at lumapit sa amin. "Isisikreto namin 'to pero


kailangan mo pang sagutin ang isang tanong namin. Sino ang nag-utos nito
sa 'yo? Si Elle ba?"

"Oo."
Wala talagang magawa na matino 'yung mapapel na 'yun. Kung hindi lang
'yun babae... nako.

Humarap sa akin si Hailey at sumenyas na umalis na kami. Nauna siyang


lumabas. Napatingin ulit ako sa lalaki at napailing, "Nakakaawa ka sana.
Kaya lang hindi mo naisip na may isang taong natanggal sa eskwelahan na
'to dahil sa pagtulong sa 'yo. Kung ako sa 'yo, minsan 'wag lang 'yung
takot ang pairalin mo. Matuto ka rin lumaban para sa sarili mo kahit sa
tingin mo hindi ka mananalo."

Paglabas ko ng C.R., nakita ko si Hailey na may kausap na isang nerd.


Nang umalis na 'yung nerd at tumingin si Hailey sa akin, naramdaman ko na
may problema. Parang kinakabahan siya.

"What's wrong?"

"Pinapatawag ako sa Prefect of Discipline."

Gusto kong magsalita pero wala akong masabi. Nararamdaman kong may hindi
magandang mangyayari.

Sinamahan ko siya sa POD at nang makita kong nakaupo rin si Elle doon at
nakangiti pa, nagsimulang kumulo ang dugo ko. Ano na naman ang ginawa ng
babaeng 'to?

"Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Sa last exam, nakakuha ka ng perfect score sa halos karamihan ng mga


subjects mo."

"Po?"

"Nag-aral ka ba talaga o may kopya ka ng mga sagot?"


Napakunot ang noo ni Hailey at parang hindi naiintindihan ang sinasabi sa
kaniya. Maski naman ako hindi ko maintindihan. Si Hailey magkakaroon ng
kopya ng mga sagot? Imposible. Todo aral 'yan kaya siya nakakaperfect.
Anong masama doon?

"Wala po akong kopya."

"Anong tawag mo dito?" tanong ng head at tinaas ang dalawang piraso ng


papel. Tinitigan ko ang mga 'yun at mukhang may mga nakasulat na kung
anu-ano sa mga papel na 'yun. "Kaya mo bang ipaliwanag kung paano napunta
sa locker mo at nakadikit pa sa ilalim ng desk mo."

"Wala po akong alam dyan. Hindi ko alam kung bakit may ganyan. Wala po
talaga akong – "

"Cheating is a major offense. I'm so disappointed, Ms. Alonzo. Sobrang


laki ng chance mo na maging valedictorian. Pero dahil sa ginawa mo...
tatanggalin ka as a candidate for valedictorian. Kailangan mong
mapatunayan na hindi ka nangdaya para maibalik ka namin as candidate."

Tangina, seryoso?! OA naman nito! Nagpakahirap ang tao mag-aral. Habang


'yung iba nagchichill at nag-eenjoy sa iba't ibang bagay, itong si Hailey
nag-aaral. Habang wala kaming pakialam sa maging resulta ng exams, itong
si Hailey natatakot na bumagsak. Nag-aral siyang mabuti para lang
mapagbintangan na nangongopya? Aba, malupet!

Hindi nagawang magsalita ni Hailey. Nang mapatingin ako kay Elle na


ngayon ay nakangisi, hindi ko na napigilan at tuluyan na ngang kumulo ang
dugo ko.

"Ikaw na naman ang may pakana nito, ano?"

"Me? Bakit ako nasali sa usapan?"

"Huwag ka na ngang mag-maang-maangan, ikaw ang may kasalanan nito. Aminin


mo na lang."

"Mr. Evans, siya lang ang nakakita ng papel. Wala siyang kinalaman dito."
"Hindi niyo po naiintindihan. Sinasadya niya ang lahat ng 'to. Wala naman
kasalanan si Hailey. Nag-aral lang siya ng mabuti. Masama na ba 'yun?"
Hinawakan ni Hailey ang braso ko at pinipigilan na akong magsalita pero
hindi pwedeng manahimik lang ako. "Elle! Ano ba! Sabihin mo na hindi
talaga kay Hailey ang answer sheet na 'yan."

Patuloy na tumatanggi si Elle. Patuloy akong pinipigilan ni Hailey.


Patuloy akong sinusuway ng head at patuloy pa rin ako sa pagdefend kay
Hailey. Napatigil lang ako ng isigaw na ng head ang pangalan ko.

"The two of you may go. As for you, Mr. Evans, you'll stay here. You're
not allowed to go anywhere until your parents arrive. Ipapatawag ko sila
at kailangan namin mapag-usapan ang pinakita mo ngayong araw."

Hindi rin nagtagal ay may dumating. Hindi nga lang 'yun ang mga magulang
ko. Si Kuya Zane. Siya ang dumating.

Ikwinento ng head ang lahat ng mga kalokohan ko ngayong taon. Pati na rin
ang pagkakatanggal ko sa group ay binanggit niya kay kuya. Hanggang sa
pagwawala ko dito. Bahala sila. Basta para sa akin hindi 'yun pagwawala.
Pinapaliwanag ko lang kung bakit tingin ko mali sila at ako ang tama.
Hindi nila alam kung paano mag-aral si Hailey. Hindi man lang siya
binigyan ng pagkakataon idefend ang sarili niya.

Pinauwi na ako ng head. Dinaanan ko lang ang bag ko sa classroom at


sumunod na kay kuya sa parking.

Habang nagdradrive pauwi, hindi natigil si kuya sa pagpapangaral sa akin.


Masama raw ang hindi sumunod sa rule. Masama raw ang pumatol sa babae.
Masama raw ang hindi sumunod sa nakakatanda. Lahat na lang masama. Lahat
na lang.

"Hindi mo dapat ginawa 'yun Warren. May mga bagay na dapat pag-isipan
munang mabuti bago gawin o sabihin. Oras na magawa at masabi mo na ang
isang bagay, hindi mo na pwedeng bawiin 'yun. Kung ako ang nasa posisyon
mo, hindi ko gagawin ang ginawa mo."
"Hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko," bulong ko. Mukhang narinig niya
pero hindi na lang siya nagsalita.

"Kung may problema ka, dapat sinabi mo sa akin. Dati naman nagkwekwento
ka. Ngayon hindi na. Ang daming nangyari sa 'yo na hindi ko alam. Parang
– "

"Parang hindi mo na ako kilala? Baka nga. Baka nga hindi mo na ako
kilala. Parang ikaw. Hindi na rin kita kilala."

Napatingin siya sandali sa akin at tumahimik. Napakunot ang noo niya at


parang may iniisip. "May nagawa ba ako sa 'yo, Warren? Magbuhat nang
bumalik ako dito at dumalaw dalaw ulit parang lagi kang inis sa akin."

"Kasi naiinis talaga ako sa 'yo."

"Bakit? Anong ginawa ko?"

Huminga ako ng malalim at nagdesisyon na sasabihin ko na ang sama ng loob


ko sa kaniya. "Kasi wala ka naman dito noong panahon na kailangan kita.
Nagkaroon ako ng problema sa mga bestfriend ko. Bata pa ako, hindi ko
alam ang gagawin. Ikaw, alam mo ang gagawin. Tinatawagan kita. Sinasabi
kong umuwi ka na. Pero anong sinasagot mo sa akin? Mamaya na tayo mag-
usap may ginagawa lang ako. Sobrang kailangan kita ng mga panahon na 'yun
pero hindi mo ko dinamayan. Bigla ka na lang nawala. Iniisip ko na baka
bumawi ka naman pero wala. Hanggang sa bihira na lang talaga kita makita
sa mga nakalipas na taon. At nawalan na ako ng pakialam sa 'yo kasi
tingin ko wala ka na rin naman pakialam sa akin.

"Tapos bigla ka na lang darating ng walang pasabi. Parang walang


nangyari. Parang close pa rin tayo kahit hindi naman na talaga. Iniwan mo
na nga ako noong kailangan kita, parang mas nang-inis ka pa. Sa tuwing
nandito ka, inaagaw mo ang mga kaibigan ko sa akin lalo na ang bestfriend
ko. Inaagaw mo si Hailey sa akin. Parang hindi ka pa kasi kuntento na
iniwan mo ko. Naisip mo siguro na dapat pati si Hailey iwan na lang din
ako."

"Warren... hindi ko alam na... hindi ko alam."


Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang sa labas ng bintana. Kahit
naman magpaliwanag pa siya wala na rin epekto. Wala pa rin siya noong
kailangang kailangan ko ng kapatid.

Gustong gusto ko na bumaba sa sasakyan. Kaya nakahinga ako ng maluwag


nang makita ko na ang bahay namin.

"Noong bata ako, idol kita. Gustong gusto ko maging katulad mo. Kaya lang
ngayon, ayoko na. Salamat na rin sa ginawa mo. Kasi narealize ko ang
kahalagahan ng loyalty."

***

"Sobrang nadepress ka ba dahil pinagalitan ka na naman?" tanong sa akin


ni Nate.

Umoo na lang ako sa tanong niya kahit na hindi naman talaga 'yun ang
totoong dahilan.

Nang mag-uwian ay dumiretsyo sila sa bahay namin at kinamusta ako.


Pinasunod rin nila si Hunter dito. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang
inaalala nila. Dapat itong si Hailey ang alalahanin nila.

"Kuya Zane! Tara, dito ka muna. Kwentuhan tayo."

Napatingin siya sa akin pero ibinaling ko sa iba ang tingin ko. Hindi ko
alam kung sumobra ba ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko alam
kung nasaktan ko na ba siya dahil sa mga salita ko. Ewan ko. Wala na lang
akong pakialam.

"May problema kayo 'di ba? Nasabi mo na ba sa kaniya ang problema mo?"
tanong sa akin ni Hailey.
"Bakit alam mo? May sinabi ba siya sa 'yo?"

Natawa siya at umiling, "Sira. Napansin ko lang. Iba ka kasi kapag


nandyan siya. Natatahimik ka. Parang nalulungkot ka pa." Medyo malayo
'yung apat sa amin at may kanya kanya silang pinagkakaabalahan kaya
mukhang hindi naman nila narinig ang pag-uusap namin. "Alam mo, Warren.
Kilalang kilala na kita. Iniisip mo pa lang ang gagawin mo, mararamdaman
mo palang 'yang mararamdaman mo, alam ko na. May hinanakit ka sa kapatid
mo. Kailan pa ba 'yan?"

"First year. Noong akala ko tuluyan nang nawala ang pagkakaibigan natin,
nawala na rin ang kapatid ko. Noong panahon kasi na 'yun sobrang
nasasaktan ako at gulong gulo ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko
naman sabihin kila Mama ang nangyari kasi mag-aalala rin sila. Naisip ko
na si kuya lang ang makakatulong sa akin pero nawala pa siya. Magbuhat
nang mag-college siya nawalan na siya ng oras sa akin. Para tuloy akong
nawalan ng kapatid."

"Ayan ba 'yung panahong umamin ako at lumayo sa grupo? Dahil ba doon kaya
ka nasaktan at naguluhan?"

Tumango ako bilang sagot sa kaniya. Napayuko naman siya at napabuntong


hininga, "I'm sorry, Warren. Ako pa pala ang pasimuno kung bakit kayo
nagkalayong magkapatid. Kung sana hindi na lang ako lumayo. Kung sana
hindi ko na lang kayo iniwasan noon siguro ayos pa kayo ng kapatid mo
ngayon. Una ko na ngang sinira ang pagkakaibigan natin nila Nate at Piper
tapos pati pala ang pagkakapatid niyo ni Kuya Zane naapektuhan dahil sa
ginawa ko."

"Wala ka namang kasalanan do'n. Hindi naman ikaw ang nagsabi sa kaniya na
huwag na magparamdam sa akin. Sarili niyang desisyon 'yun."

"Pero..."

Hinawakan ko ang kamay niya at saka 'yun pinisil, "Huwag ka ng makulit,


Hailey." Inilapit ko pa ang kamay niya sa akin at saka sinundan ang guhit
ng palad niya gamit ang hintuturo ko. "Naiinis din ako sa kaniya kasi
pakiramdam ko inaagaw ka niya sa akin." Mabilis kong bulong.

"Ha?"

Sasagot palang sana ako nang tawagin ni Nate ang pangalan namin ni
Hailey, "Mamaya na lambingan. Tara muna dito." Napabitaw ako sa kamay ni
Hailey at lumapit kila Nate. Sumunod naman siya sa akin.

"Nate has a proposal daw about this whole issue."

"Ano?"

"Kailangan natin pagalitin si Elle hanggang dumating sa puntong wala na


siyang magagawa kung hindi sumabog na lang at aminin niya ang lahat ng
mga ginawa niya kay Hunter at Hailey."

"May punto ka," pag-sang-ayon sa kaniya ni Tamara. "Kaya lang paano naman
ang problema ni Warren? Kahit naman umamin si Elle sa mga ginawa niya,
hindi pa rin mabubura nu'n ang fact na lumalabag talaga sa rule si
Warren."

"Tumpak, Tamm... Tamara." Napansin ko ang pag-irap ni Tamara nang tawagin


siya ni Nate ng Tamara at hindi Tammy. "Dito na papasok ang isa ko pang
suggestion."

"What is it?"

Ngumiti ng nakakaloko si Nate at tiningnan kami isa-isa. Tumawa pa siya


na para bang nababaliw pero tumigil din at ngumiti na lang talaga.

"Alam niyo naman na ang dahilan ng pagkakatanggal kay Warren sa grupo


pati na rin ang pinakapinahahalagaan ni Elle ay iisa. Ang rule."
"You mean..."

"Kailangan mawala ang rule.Kailangan natin mapatanggal ang rule."

=================

Chapter 61: First step

Nate's Point of View

Nakipag-usap ang iba sa head ng POD samantalang ako ay dumiretsyo na sa


bahay dahil sinasakitan ako ng tiyan. Tinext ko na rin si Hunter na
pumunta na sa amin kahit wala pa ang iba.

Paglabas ko ng C.R. at pagbaba ko sa kwarto ay nakita ko na nga si


Guevarra na nakaupo sa sala. Parang ineentertain siya ni Mama. Kung anu-
ano pa ang sinasabi ni Mama sa kaniya. Para raw siyang si Papa noong
kabataan nila.

"Baka may nawawala kayong anak, Ma," tukso ko sa kaniya kasi mukhang
tuwang tuwa siya kay Hunter. "O baka siya ang anak niyo at hindi ako kasi
mukhang siya ang nagmana kay Papa."

"Baka may anak sa ibang babae ang Papa mo," biro niya pabalik sa akin.
"Hindi mo namana ang katahimikan ng Papa mo kasi sa akin ka nagmana. Ang
namana mo sa Papa mo ay ang katigasan niya ng ulo at syempre ang pagsunod
sa bagay na sa tingin niyo ay tama."

"Pati kagwapuhan niya. Lumamang lang ako sa kaniya."

Nagpanggap na walang narinig si Mama at nagpaalam na sa amin ni


Gueavarra.
"Your mom's cool." Sobra. Swerte ko nga eh. "Nga pala. May itatanong ako
sa 'yo kung okay lang."

"Ayos lang. Ano ba 'yun?"

"Kamusta si Piper?"

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"Galit eh."

Malamang magagalit 'yun. Hindi naman kasi nag-effort 'tong si Guevarra


para mawala ang galit ni Pipes. Sa halip na amuhin sinabayan niya pa sa
hindi pakikipagpansinan.

"Gusto ko sanang lapitan kaya lang natatakot ako." Wow. Marunong siyang
matakot? "Tangina. Ngayon lang ako dinaga."

Gusto ko sana siyang pagtawanan kaya lang ang ipokitro ko naman kung
gagawin ko 'yun. Eh kung ako hindi pa rin naglalapit kay Tamara kasi
natatakot din ako.

"Alam mo, Guevarra, mabait 'yang si Pipes. Mabilis naman 'yan magpatawad.
Ewan ko nga lang sa 'yo kasi mukhang nasaktan talaga siya sa mga sinabi
mo. Pero kahit naman nasaktan 'yan, mapapatawad ka niyan. Kailangan mo
nga lang manghingi ng tawad at paghirapan."

Natahimik siya at nag-isip. Parang sobrang lalim ng iniisip niya kaya


hindi na niya napansin na nakarating na dito ang iba.

"Ayos lang ba 'yan?" tanong sa akin ni Warren ng makitang nakapikit si


Guevarra at nakasandal sa pader.
"Buhay pag-ibig niya hindi ayos," sagot ko saka pasimpleng tiningnan si
Pipes na mukhang nainis lang sa sinabi ko. "Pansinin mo na nga 'yan,
Pipes."

"Oo nga. Hindi ka ba naaawa sa tao? Nababaliw na ata kakaisip sa 'yo."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Warren. Tama ba ang narinig ko?
Sinasabihan niya si Pipes na pansinin si Guevarra? Parang itinutulak na
rin niya si Pipes kay Guevarra ng lagay na 'yun. Okay na sa kaniya?
Tanggap na niya? Wala na siyang pakialam sa bestfriend ko.

"Stop you, two. Ang lakas ng loob niyo pagsabihan ako about that stuff eh
kayo nga you're not acknowledging your feelings. You, Nate, you're
running away. You're afraid to get close to her kasi you know na hindi
siya mag-eentertain ng suitors. That's not nice. Iiwasan mo siya just
because hindi siya papayag magpaligaw. Ikaw naman, Warren. You don't
acknowledge your feelings for her. It's like you're waiting for her to do
the first move bago mo aminin sa sarili mo na you may feelings ka na for
her. Are you waiting for an assurance? I really don't get boys. Bahala
nga kayo diyan."

Pagtalikod niya ay nagkabungguan sila ni Guevarra. Hindi niya napansin na


nakalapit na pala sa amin 'tong si Guevarra. Ang haba pa naman ng sinabi
niya. Paniguradong may narinig si Guevarra doon kahit konti man lang.

"Can we talk?" tanong sa kaniya ni Guevarra.

"Guys! Game na. Pag-usapan na natin 'tong dapat natin pag-usapan."

Napatingin kami kay Tamara na magaling pipili ng timing. Nang mapansin


niya na iba ang mga reaksyon namin, doon niya narealize na mali ang pasok
niya sa eksena.
Babawiin niya sana ang sinabi niya nang maunahan siya ni Pipes magsalita.
"You heard her. Let's talk some other time," sagot ni Pipes at umupo sa
tabi ni Hails.

Pinalo namin ni Warren si Guevarra sa balikat at hinila papalapit sa mga


babae.

Nang mapansin kong sa tabi na lang ni Tamara ang bakanteng pwesto, sinipa
ko si Warren para pausarin kaya lang hindi naman siya sumunod. Walang
umusad maski isa sa kanila. Bahay namin 'to pero parang ako ang
nanglilimos ng space. Napakabuting mga kaibigan talaga.

Kahit medyo labag sa loob ko ay umupo ako katabi si Tamara.

"Okay. According sa kanila, hindi raw pwedeng ipatanggal ang rule ng


ganun lang. Wala raw tayong right to do that at maski sila. Ano ngayon
ang dapat nating gawin?"

Habang nagsasalita si Hailey ay ginigitgit ko pa rin si Warren at


pinipilit umusad kaya lang ayaw talaga niya.

"Piper, dito ka na lang. Mukhang diring diri 'tong isa na tabihan ako,"
iritang sabi ni Tamara at lumayo sa akin.

Natahimik sila dahil sa sinabi ni Tamara. Nakonsensya naman tuloy ako


bigla. Hinding hindi ko siya pandidirihan pero parang ayon nga ang
lumalabas dahil sa ginagawa ko. Palpak ka na naman Nate.

"Hindi niyo magagawa 'yang binabalak niyo." Napatingin kaming lahat kay
Papa na kakauwi lang galing sa trabaho pero mukhang kanina pa nakatambay
sa gilid ng pintuan. Lumapit siya kay Mama na mukhang kanina pa rin pala
nakaupo malapit sa amin. "Anong tingin mo, Zoe?"
"Malabo nga. Sobrang labo. Sa ayos nila ngayon, himala na lang na magawa
nila ang binabalak nila."

"Gusto niyong ipatanggal ang rule 'di ba?" tanong sa amin ni Papa.
"Labo."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. Bakit malabo? Bakit parang sinasabi
nilang imposible? Bakit kahit hindi pa man din kami nagsisimula nasasabi
na nila na hindi kami magtatagumpay? Anong nangyari sa supportive na mga
magulang ko?

"Hindi po ba noong panahon niyo, nagawa niyo naman ipatigil ang clash?
Parang ganito lang din naman 'yun, tita at tito. Sa inyo nga lang clash.
Sa amin, rule."

Natawa si Mama samantalang wala namang reaksyon si Papa sa sinabi ni


Warren.

"Sa kaso namin, madali naming nagawa 'yun kasi sila Ice lang din naman
ang nagcocontrol na clash. At alam niyo ba ang pinakamalaking pagkakaiba
ng ginagawa niyo sa ginawa namin?" Umiling kami sa tanong ni Mama.
"Nawala ang rule kasi ayos kami. Kasi magkakasundo na kami. Kayo kasi
parang hindi naman. Iisa nga kayong grupo pero parang watak watak naman.
Sa tingin niyo paano niyo maayos ang school niyo kung kayo nga mismo
hindi magkakasundo?"

Napatingin ako kay Tamara dahil sa sinabi ni Mama. Sakto naman na


napatingin din siya sa akin pero sandali lang ay nag-iwas na rin ng
tingin. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Mama. Sa ngayon malabo pa.

"Maghahanda na ako ng pagkain niyo," paalam ni Mama at bumalik na sa


kusina. Sumunod naman si Papa sa kaniya pero bago pa siya tuluyang mawala
sa paningin namin ay may sinabi siya. "Student's handbook."
Nang makaalis na sila Mama ay pinalo ni Hails ang coffee table namin at
saka kami tiningnan isa isa. "May point sila. Nakakapagod na
makipagpakiramdaman. Pwede bang ayusin niyo na ang problema niyo sa isa't
isa? Walang tatayo sa pwesto nila hangga't hindi sila nagkakaayos ng
kaalitan niya."

"But..."

"No buts. Game."

Hinihintay ko na may magsimula pero wala ni isa ang nagsalita sa amin.


Huminga ng malalim si Hails at saka tinakpan ng throw pillow ang mukha
niya. Nang alisin niya 'yun ay mukhang handa na siyang pagsabihan kami ng
kung anu-ano nang magsalita si Guevarra.

"Ako na." Napatingin kami sa kaniya at hinintay na dugtungan niya ang


sinabi niya. Tumingin siya kay Pipes. Medyo naiilang naman si Pipes sa
kaniya at hindi pa rin siya magawang tingnan. "I'm sorry, Piper. Alam
kong sumobra ako sa mga sinabi ko sa 'yo. Aaminin ko noong una nainis ako
kasi pakiramdam ko pinipilit mo akong gawin ang bagay na hindi ko naman
gusto. Naiintindihan ko na kung bakit mo ginawa 'yun. Makitid lang talaga
ang utak ko, inuuna ang galit."

Wala akong naiintindihan sa ibang sinasabi niya. Parang ang dami nilang
sikreto na hindi namin pwedeng malaman. Parang may sarili silang mundo.

"Sobrang pinagsisisihan ko talaga lahat ng nasabi ko sa 'yo." Nakatingin


pa rin siya kay Pipes at nang tingnan na siya nito ay parang kuminang ang
mata ni Guevarra kung posible man 'yun. "Ikaw lang naman ang kakampi ko."

Nabalot na naman kami ng katahimikan. Hinihintay ko na magsalita si Pipes


at sagutin man lang ang mga sinabi ni Guevarra.
"I'm sorry rin. I know I made a mistake. I have no right to do what I've
done."

"Tungkol sa sinabi kong 'yun, hindi ko talaga minimean 'yun. Pwede kang
mangialam. Ayos lang na - "

"No, Hunter. I should've not done that. This isn't about what you said.
I'm just telling you this because I realized my mistake. I should've not
meddle with your business kasi malalim 'yun eh. If it's about your
family, no one has the right to tell you what to do. Kasi iyo na 'yun.
Naiintindihan mo naman 'di ba?" Tumango si Guevarra. "I was hurt, and I
have to admit na it made a huge impact. But I'm still here for you. That
will never change. I'm still a friend. I got your back, Hunter." Nang
mabanggit ni Pipes ang salitang kaibigan, parang lumungkot si Guevarra.
Pero magkaibigan lang naman kasi sila talaga kahit noon pa man.

"Welcome to the friendzone, man!" bati ko sa kaniya kaya nakatanggap ako


ng masamang tingin mula sa kanilang lahat. Except for Tamara siguro kasi
siya rin naman, na-friendzone ako.

"Hindi naman siya na-friendzone, Nate. Huwag kang maghanap ng karamay. Di


ba, Piper?" depensa ni Warren kay Gueavarra.

Mukha namang nag-blush si Pipes sa tanong ni Warren pero hindi sumagot.


Gara. Hindi nga friendzone si Guevarra. Kami na lang ni Hails ang
magkaramay.

"Hoy, Nate. Ikaw? Wala ka bang balak makipag-ayos kung may problema ka sa
nandito?"

Napatingin ako kay Tamara at naalala ko na naman 'yung sinabi niya


kanina. Tingin niya pinandidirihan ko siya. Ilang araw o linggo na kaya
niya naisip na nandidiri ako sa kaniya?
"Hindi ako nandidiri sa 'yo. Kahit kailan hindi ako mandidiri sa 'yo."
Palakasan na ng loob 'to. Wala ng hiya hiya. "Naiilang lang akong lumapit
kasi nga nafriendzone mo ako."

"Hindi halatang hindi ka nandidiri."

"Seryoso. Promise! Hindi talaga."

"Mamatay?"

"Mamatay man. Naiilang lang talaga ako kasi nga gusto kita tapos ikaw,
hindi mo ako gusto. Pero ngayon sige, hindi na kita iiwasan. Mali rin
naman kasi na iwasan kita dahil sa rason kong 'yun. Magkaibigan pa rin
naman tayo. Saka gusto ko pa rin makita 'yung magulang at mga kapatid mo.
Baka namimiss na rin nila ako. Kaya dapat talagang hindi na kita iwasan."

Nangiti siya sa sinabi ko at umiling, "Baliw."

Pinagdikit ni Hails ang mga palad niya at pumalakpak. "Ayan. Mukhang okay
na tayo. At para mapatunayan na kumportable na tayo sa isa't isa...
kailangan lahat tayo mag-share ng isang sikreto. Lahat. Walang exempted
dito. Lahat."

Paikot ang pagsasabi namin ng mga sikreto. Magsisimula sa akin at huli


kay Warren. Kaya lang ano ba ang sikreto ko? Wala naman akong maisip.
Parang pati sa akin nagtatago ang sikreto ko.

Ah, alam ko na.

"Nagtampo ako ng kaunting kaunti noong napapadalas na magkasama si Hails


at Warren tapos si Guevarra at Pipes. Pero nawala rin naman agad kasi
naging close kami ni Tamara... ni Tammy." Pagshe-share ko at tumingin na
kay Pipes dahil siya na ang kasunod na magsasalita.

"I'm really annoyed with Tamara at first. Parang... woah. Who does she
think she is? But thinking about it... I'm happy na dumating ka. If it
wasn't for you we'll never be this close 'di ba? Hailey and Warren, I'm
sorry but I really ship the two of you. Hunter, I've always been curious
of you. Nate, I don't know if this is a secret but I don't tell you this
often... I'm really thankful to have you as my bestfriend."
Napangiti ako sa sinabi ni Pipes at saka ko siya inakbayan. Iba talaga
magpakilig 'tong bestfriend ko.

"Ang weird lang nito pero... Piper at Warren, nitong mga nakakaraang araw
sinubukan ko kayong paglapitin. Kaya madalas kay Nate, Tamara o Kuya Zane
ako sumasama. Sorry."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Hails pwera siguro kay Tammy.


Pinaulanan namin siya ng mga salitang seryoso, seryso ka ba, anong
problema mo, are you nuts, etc.

"Oh my God, Hailey. You're crazy."

"Kaya nga sorry na. Akala ko kasi wala ng pag-asa si Hunter at Piper
tapos... si Warren... 'di ba... basta."

"Sige na. Sige na. Next na," inis na sagot ni Warren at tumango kay
Tamara.

"Hindi ko talaga inaasahan na makakasundo ko kayo. Ang first impression


ko kasi sa inyo medyo hindi maganda. Si Hailey masungit. Si Piper maarte.
Si Warren mayabang. Si Hunter hindi matino. Si Nate may sapak sa ulo.
Ayon talaga una kong naisip ng makita ko kayo kaya sorry. Pero ngayon
hindi na talaga 'yan. Hindi talaga maganda na ibase ko ang mga ugali niyo
dahil lang sa naging grupo niyo o sa physical appearance niyo."

"Peksman ngayon hindi na?"

"Minsan na lang."

Sa halip na mainis ay natawa kami sa sinabi ni Tamara. Kasi minsan


nagiging ganoon naman talaga kami. Parte na ng katauhan namin 'yun at
hindi na 'yun mabubura.
"Ikaw, Hunter?"

"Pipilitin ko na maging close sa inyong lahat hanggang kaya ko." Close


naman na kaming dalawa sa paningin ko. "And Piper. Whatever we had
before, I want to have it again. I'll do my best to have it again."

Pinaulanan namin ng tuksuhan si Pipes na ngayon ay namumula na.

"Cut it out, guys. Magsheshare pa ng secret si Warren."

"Oo nga. Tama na. Namumula na silang dalawa," biro ko kaya pasimple akong
kinurot ni Pipes. "Ikaw, Warren. Anong sikreto mo?"

"I moved on." Mabilis niyang sagot. "Matagal na nga ata. Nito ko lang
napansin. Kaya huwag niyo na sanang isipin na gusto ko pa rin si Piper
hanggang ngayon kasi gusto ko na lang siya bilang kaibigan. Napag-usapan
na rin natin 'to 'di ba, Pipes?"

Tumango si Pipes at nakipag-apir kay Warren. Mukha ngang may alam ang
dalawa na hindi ko alam. Mukhang may pagkakaintindihan sila na hindi ko
alam. Kaya pala botong boto na 'tong si Warren kay Guevarra.

Napatingin ako kay Hails na ngayon ay mukhang hindi naniniwala sa sinabi


ni Warren. Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya makapaniwala o
sadyang pinipilit niyang huwag maniwala.

Ewan ko. Basta ngayon ang alam ko lang... kahit papaano parang mas naging
close ulit kaming lahat. Naayos na rin kahit papaano ang mga probema
namin sa isa't isa. Kahit may ibang bagay na hindi pa malinaw, alam naman
namin na darating ang tamang oras para maging maayos ang lahat.

Basta ang mahalaga ay maayos na kaming lahat.

Unang hakbang na 'to parasa amin. Kayang kaya namin pataubin 'yang rule
na 'yan. Konting hakbang pa.

***
4 chapters to go.

=================

Chapter 62: One more day

Nate's Point of View

"Your dad's a genius!"

On the way na ang kutsyara sa bibig ko nang biglang hilahin ni Pipes ang
kamay ko palayo. Kasama niya si Hails at Tammy na nakiupo rin naman sa
pwesto namin ni Warren. Ano na naman bang problema ng mga 'to? Pati
pagkain ko ginugulo.

"Hindi ba binanggit ni Tito Ice kahapon 'yung handbook? Naisip namin


basahin 'yun," sabi ni Hails at inagaw ang extrang sandwich ni Warren.
"Nakalagay sa isang section doon, may posibilidad na mawala ang rule.
Ayon ay kapag 65% ng high school students ang pumirma laban sa rule. Kaya
lang may time limit. Let's say nagstart tayo today, Friday. Hanggang next
Friday dapat makumpleto na natin ang signatures."

Sixty-five percent? Malaki laking bilang 'yun pero posible pa rin naman.
May pag-asa pa rin na mawala ang rule.

"Ilan ang highschool students dito?"


"Let's say that there are 100 students per year. So 100 * 4 = 400. 400
students. According to my calculation, 65% of 400 is 260."

"May 5 signs na galing sa atin. 255 na lang. Aba, malapit na tayo sa


target," biro ko sa kanila pero wala namang natawa.

Nagkasundo kaming lima na maghiwahiwalay para manguha ng pirma.


Magsasama-sama ang mga babae at kami naman ni Warren ang magsasama. Pero
sa ngayon, hindi ko muna iisipin ang pirma kasi gutom na ako. Kailangan
ko na kumain.

***

Ilang oras na kami naglilibot ni Warren pero wala namang pumapansin sa


amin. Kapag may kinakausap kami walang sumasagot. Para kaming nakikipag-
usap sa hangin.

"Nakakabanas mga 'to, ha. Sobra sobra ba talaga silang takot na mapaalis
sa grupo nila?" Kulang na lang ay lukutin ni Warren ang papel na
kakailanganin namin para sa pirma. Hindi niya pwedeng gawin 'yun kaya
'yung mukha na lang niya ang nalulukot.

"Ayaw magaya sa 'yo," biro ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng sobrang


samang tingin. Sobra sobrang sama. Akala ko magiging abo na ako dahil sa
tingin niyang 'yun

Mabuti na lang at dumating agad sila Pipes bago pa man din ako mapulbos
nitong si Warren. Saved by the bell! Woohoo!

"Wala kaming napapirma. Kayo ba?"

Itinaas ni Warren ang papel at nanlumo ang tatlo nang makita na wala rin
kaming nakuhang pirma.
"May bukas pa. May isang araw pa. Kaya pa 'yan." Pagpapalakas ko ng loob
nila. Kaya pa naman kasi talaga. Nagsisimula palang kami. Wala pa kaming
karapatan sumuko.

***

"Ilang araw na. Ilang araw na tayo nanlilimos ng pirma. Wala man lang
tayo nakuha kahit isa," reklamo ni Hails at ibinagsak ang papel saka
yumuko at idinikit ang ulo niya sa armchair. "Kahit isa man lang sana
pero wala pa rin."

Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Parang kailan lang sinabi ko sa


ka kanila na kaya pa, na may pag-asa pa. Ngayon hindi ko na sigurado kung
meron pa ba talaga. Thursday na. Isang araw na lang tapos na. Isang araw
na lang wala na kaming karapatan magpatanggal ng rule.

Hindi na namin mapapabalik sa Kingdom High si Guevarra. Hindi na namin


mapapanood na naglalaro sa championship si Warren. Hindi na namin
makikitang nagbibigay ng valedictorian speech si Hails.

Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari lahat ng 'yun. Hindi pa kami pwedeng
sumuko.

"Kung sakaling nandito si Hunter baka may pag-asa pang makakuha tayo ng
pirma. Sisindakin lang nu'n 'yung hinihingan natin. Instant signature."

"He's not like that, Warren. He plays fair."

Nakita ko ang pagsiko ni Hails kay Warren dahil sa sinabi nito.

Habang nagtatagal mas nanlulumo ang mga pagmumukha nitong mga kasama ko.
Hindi kami pwedeng maging ganito lang.
Tumayo ako at nagpunta sa harapan. Pinalo ko ang blackboard para maagaw
ang mga atensyon nila at umupo ako sa may teacher's table.

"May isang araw pa."

"Anong magagawa ng isang araw? Kung 'yung ilang araw nga natin wala
tayong napala. Isang araw pa kaya," reklamo ulit ni Hails at idinukdok na
naman ang ulo sa armchair.

Sinenyasan ko sila na paayusin si Hails kaya hinawakan ni Tammy ang mukha


ni Hails saka iyon ihinarap sa may blackboard.

"May punto naman siya, Nate," pagsasang-ayon ni Warren sa sinabi ni


Hails. "Wala na tayong oras. Hindi na tayo aabot. Isuko na lang natin
'to."

Nagulat kaming lahat nang paluin ni Tammy si Warren ng bag niya. Nagpunta
rin sa harapan si Tammy at nagpameywang. "Bakit ba kayo ganyan? May isang
araw pa nga naman tayo. Kapag sumuko na kayo ngayon, parang sinuko niyo
na rin ang basketball, ang pagiging valedictorian pati na rin ang pag-asa
ni Hunter makapag-aral ulit. Ang layo na natin. Ang dami na natin
dinaanan. Malapit na tayo sa dulo. Ngayon pa ba tayo susuko? Kung oo,
aba... nakakadisappoint naman kayo."

"They're right." Pagsang-ayon sa amin ni Pipes. "We still have a day. One
more day. Maraming pwedeng magawa ang isang araw. We should fight until
the end. Win or lose, magkakasama naman tayong lahat. That's all that
matters."

"Tuloy pa rin ako." Inilahad ko ang kamay ko. Ipinatong ni Tammy ang
kamay niya doon. Lumapit naman si Pipes sa amin at ipinatong ang kamay
niya kay Tammy.
Tumingin kami kay Warren at Hails at hinihintay na lumapit sila sa amin
para sabihin na tuloy ang laban. Ngumiti si Hails at napiling si Warren
saka lumapit sa amin at ipinatong ang mga kamay.

"Let's fight until the end. I'm proud of you, guys, no matter what."
Umakbay si Pipes sa akin at kay Hails kaya nauwi kaming lima sa group
hug.

Nasa kalagitnaan kami ng group hug nang may marinig kaming pumalakpak.
Napatingin kami sa may doorway at doon, nakasandal si Migs at nagpapaka-
cool. Pumapalakpak siya at nag-iinarte. Kunyari may naiiyak siya tapos
pupunasan niya 'yung invisible na iyak niya. May problema talaga sa utak
'to.

"Nakakatouch 'yun." Hindi naman halatang natatouch talaga siya.

Sinubukan namin kausapin at hingan ng pirma ang Jocks kaya lang nang
makita kami ng coach nila ay pinagbawalan kaming lumapit. Nawala na raw
si Warren sa grupo nila. Hindi na raw kakayanin ng team kapag may nawala
pang iba. Hindi na rin kami nagpumilit kasi naiintindihan naman siya.

"Nasaan na 'yung papel? Pipirma ako, Captain." Seryoso? Seryoso ba talaga


'to? Makakaisang pirma na rin ba kami sa wakas? Pero kung pipirma siya,
baka hindi siya makapaglaro.

"Migs, nagpapasalamat ako at gusto mong pumirma kaya lang ayaw na sana
namin lumapit sa team. Baka hindi ka pa makapaglaro dahil sa pagpirma."

Hindi kami pinansin ni Migs at nagdirediretsyo lang sa inuupuan namin


kanina. Nakita niya ang papel at pinirmahan na lang 'yun bigla. Pipigilan
sana siya ni Warren pero huli na.
"Susunugin ko 'yang papel na pinirmahan mo," sabi ni Warren at inagaw ang
papel.

"Chill lang naman, Captain. Ayos lang 'yan. Makakapaglaro ako panigurado.
Kasi kung pipigalan na maglaro lahat ng pumirma diyan... aba, wala ng
representative ang school natin. Dyahe naman 'yun 'di ba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Sumipol si Migs at ngumiti nang pagkalaki-laki. Pagsipol niya ay bigla na


lang may mga nagdatingan na iba pang Jocks. Parang buong basketball team
nila Warren nandito. Pati na rin 'yung ibang varsity.

"Captain! Pipirma kami para sa 'yo. Walang iwanan 'to!"

Nagsabay-sabay sa pagsasalita ang mga jocks at wala na akong marinig.


Medyo sumikip na rin ang classroom dahil sa pagdating nila.

Astig. Totoo talagang malaki pa ang pwedeng magawa ng isang araw. Ngayon
nga na wala pang isang oras parang nagkaroon na ng himala 'yung isang
araw pa kaya. Malaki pa talaga ang pag-asa namin. Yakang yaka pa 'to.

Habang nag-aagawan sa ballpen 'yung ibang Jocks ay nilapitan kami ni


Migs.

"Nadagdagan na ba ang pogi points ko sa 'yo, Tamara?"

Napaharang ako kay Migs dahil sa tanong niya. Inilayo ko ang pagmumukha
niya sa amin. Kahit na astig ang ginawa niya ngayon hindi ako
magdadalawang isip sipain siya palabas ng classroom na 'to oras na
pormahan niya 'tong si Tammy.

Ngayon ngang mag-isa lang ako wala akong pag-asa sa kaniya eh. Paano pa
kaya kapag nagkaroon pa ako ng karibal?
"Hindi ka na sisikatan ng umaga. Lumayo ka lang dito."

Natawa sila sa sinabi ko pati na rin si Migs. Nako, huwag lang siyang
tumatawa. Kapag nalaman kong seryoso siya at may gusto siya dito kay
Tammy ewan ko na lang.

"Migs, thank you sa inyo. Sobrang laking tulong nito." Pasasalamat ni


Hails sa kaniya.

"Ayos lang. Banas din naman ako sa rule na 'yan eh. Sayang nga lang at
hindi namin napilit lahat ng Jocks na pumirma. May natirang 5 o 10 na
hindi pumirma."

"Ano nga pala ang nangyari at naisipan niyo biglang pumirma?"

"Gusto naman talaga namin pumirma simula palang kaya lang iniisip din
namin si coach. Pero may dumating. May kumausap kay coach. Sabi pa nga
niya sana raw hayaan na lang kami ni coach na gawin ang gusto namin.
Huwag daw sana kaming kontrahin kasi parang kinokontra rin daw 'yung
kaligayahan namin. Nakonsensya ata si coach kaya pumayag."

Tiningnan ko si Warren at kahit hindi pa ako nagtatanong, mukhang


naintindihan na niya ang naiisip ko. Umiling siya at parang sinasabing
hindi niya alam kung sino ang kakausap kay coach.

"Kinausap nga rin niya kami. Nakiusap na sana huwag daw namin iwan si
captain ngayon na kailangang kailangan namin siya. Nagawa na raw kasi
niya 'yun dati at ayaw niyang maranasan ulit ni captain 'yun."

"Kuya," bulong ni Warren at parang hindi makapaniwala sa narinig niya kay


Migs. "Nandyan pa ba ang kumausap sa inyo?"

"Kanina pa umalis, captain."


"Salamat, kuya," bulong niya ulit pero narinig naman namin. Ayos si Kuya
Zane. Idol talaga.

Inabot ng isang jock sa amin ang papel at napangiti na lang kami na


makitang marami rami na rin kahit papaano ang pirma. 78 na. 73 galing sa
Jocks at 5 naman galing sa amin. Sobrang laking improvement na nito.

"Tutulong kami sa inyo sa pangunguha ng pirma. Bukas na ang huling araw


'di ba?" tanong ng isa sa kanila.

Sobrang bait talaga nitong mga kagrupo ni Warren. Kaya naman pala hindi
siya pumili noon. Hindi lang ang basketball ang ayaw niyang iwan dati.
Pati na rin ang mga teammates at mga kagrupo niya. Kung ganito ba naman
kasi ka-supportive ang grupo mo, hindi mo na talaga iiwan ang mga 'to.

Nasa kalagitnaan kami ng pagplaplano nang may kumatok sa room.

Ito 'yung lalaking hinahabol habol namin noong nakaraang linggo. Ito
'yung lalaking tinulungan ni Hunter.

"Saan pwedeng pumirma?" Nahihiya niyang tanong. Lumapit sa kaniya si


Hails at inabot ang papel na kakabigay pa lang ng Jocks.

"Thank you."

"Hindi. Salamat sa inyo. Dahil sa inyo kaya narealize ko na hindi lang


ako dapat magtago sa anino ko. Pasasalamat na rin 'to sa ginawang
pagtulong ni Hunter sa akin. Sasabihin ko na rin sa head ng POD ang
totoong nangyari noon. Kaya sana mapabalik na si Hunter."

Kapag talaga may ginawa kang mabuti sa kapwa mo, babalik at babalik sa
'yo ang ginawa mo. Dahil sa pagtulong ni Guevarra, ayan at handa na rin
siyang tulungan ng tinulungan niya. Kahit na siya naman ang dahilan kung
bakit napatalsik si Guevarra. Ah, basta. Ang punto dito, nagtulungan
sila.

79 signatures.

"Pwede pa bang pumirma?"

Napatingin kami sa babaeng nagsalita. Kung tatansyahin, may kasama siyang


humigit kumulang 25 na babae.

"Lara!" sigaw ni Pipes at tumakbo papalapit sa babae. Niyakap niya 'yung


babae at kulang na lang ay mapatalon sila sa sobrang tuwa. "Oh my God!
You're here. You're really here. And kayo rin, guys. Super thankful ako
sa inyo. Thank you talaga. It means so much."

Nag-usap pa sila at nagkwentuhan. Ilang minuto na ang lumipas nang


maisipan na ni Pipes na papirmahin 'yung mga bagong dati.

Habang pumipirma ay tinanong namin si Pipes kung sino ang mga 'yun.

"They're a part of my former group. Si Lara, siya 'yung naikwento ko sa


inyo before. She's the one who defended me when Elle was badmouthing me
sa ibang members. Lara is really nice. Swear."

Habang tinitingnan ko ang mga taong dumating at ang listahan na unti-unti


nang nadaragdagan, mas lalong tumataas ang pag-asa ko. Tama talaga na
hindi kami sumuko. Kasi kung sumuko kami, hindi namin makikita ang mga
taong handa kaming tulungan para lang mapanalo ang laban na 'to.
"Naniniwala na talaga akong malapit na mawala ang rule," sabi ni Hailey
habang pinapanood namin 'yung mga Jocks, ibang Populars at isang nerd na
nag-iinteract sa isa't isa.

"Nakakatuwang panoorin na nag-uusap-usap sila."

"Isang araw na lang makikita na natin ang mga estudyante na nakikipag-


usap sa kahit na sinong gusto nilang kausapin."

"One more day, guys. We'll make it."

Ngumiti ako at sumang-ayon sa mga sinasabi nila. "Bukas, mas magiging


masaya na sa Kingdom High. Bukas magiging malaya na ang lahat." Sana.

***

3 chapters to go :)

=================

Chapter 63: Last straw

Hailey's Point of View

Papunta ako kila Piper para kunin 'yung librong hinihiram ko nang makita
ko si Warren na nakaupo sa terrace nila at mukhang problemado sa phone
niya. Paano naman kasi parang nagtetext siya tapos ibaba niya 'yung
phone. Wala pang 5 seconds titingnan na naman niya at parang magtetext
tapos ibababa na naman. Hindi kaya may textmate na 'to?

Baka nakahanap siya ng ibang babae. Kaya siguro nitong mga nakakaraan
panay pagtutulak niya kay Piper at Hunter. Sabi pa niya naka move on na
siya. Hindi nga kaya may iba na siya.
Oo nga at tinutulungan ko siya dati kay Piper. Kasi si Piper 'yun eh.
Matagal na niyang gusto 'yun. Ngayon kung may iba na siyang gusto, may
iba na siyang babae... hindi ko alam. Naiisip ko palang parang gusto ko
nang sabunutan si Warren.

Hindi ko naman malalaman kung tama ba 'tong mga iniisip ko kung hindi ko
titingnan.

Pasimple kong binuksan 'yung maliit na gate nila at tahimik na pumasok.


Dahan dahan akong nagpunta sa likod niya. Kahit medyo malamok dito sa
halamanan wala akong pakialam. Kailangan makita ko 'tong tinetext ni
Warren.

Nakausap mo pala ang mga teammates ko kanina.

Ayon ang nakalagay sa phone niya pero hindi niya madugtungan. Kinausap
kanina? Teka. Sabi nga pala kanina ni Migs kinausap sila ni Kuya Zane.
Hindi kaya siya ang tinetext ni Warren?

"Tinetext mo si Kuya Zane?" tanong ko sa kaniya. Halata naman na nagulat


siya sa pagsasalita ko kasi kanina nakataas pa ang paa niya sa isang
upuan pero ngayon nasa sahig na.

Nilock niya agad ang phone niya at inilagay sa lamesa. "Ano bang ginagawa
mo diyan? Paano ka ba nakapasok?" Tinuro ko ang gate nila at nagpunta na
sa loob ng terrace saka umupo sa katapat niyang upuan.

"Ano na? Itutuloy mo ba 'yang message mo o hindi na? Aba, Warren,


magpasalamat ka naman sa kuya mo. Thursday ngayon. Umuwi pa 'yan dito
para lang makausap teammates at coach mo."
Kinuha niya ang phone niya at tiningnan na naman 'yung screen. Konti na
lang ipapakasal ko na 'to sa phone niya eh. Kung itetext niya, itext niya
na. Sa tuwing nagdadalawang isip siya nasasayang lang ang oras.

"Hindi ko alam sasabihin ko sa kaniya."

"Magpasalamat ka lang. Gets na niya 'yun."

Napahawak siya sa batok niya at kapag ganoon, halatang nahihiya siya.


Siguro iniisip niya pa rin hanggang ngayon 'yung ginawa niya. 'Yung
nagalit siya sa kapatid niya. May point naman siya kaya lang magkapatid
kasi sila. Kaya dapat hindi pinapalaki ang alitan. Kung may sama ng loob
sa isa, dapat sabihin na agad. Pero past is past naman na.

"Ayos lang, Warren. Kapatid mo 'yun. Matulungan ka lang nu'n okay na


siya. Magpasalamat ka lang masaya na 'yun. O baka naman galit ka pa rin
sa kaniya?"

Umiling siya at inilapag ulit ang phone niya, "Hindi ko nga alam kung
nagalit ba talaga ako o sadyang nagtampo lang. Hindi ko rin magawang
magpasalamat kasi 'di ba nga huling beses na magkausap kami inaway ko
siya."

"Kahit hindi ka pa nagsosorry napatawad ka na nu'n. Hindi naman niya


kakausapin yung coach at teammates mo kung hindi pa."

"Bakit parang kilalang kilala mo si kuya? Bakit parang close na close


kayo?"

"Kilala ko talaga at close talaga kami. Wala naman kasi akong kapatid.
Kay Kuya Zane, pakiramdam ko may kuya ako."

"Kuya lang?"
"Oo. Huwag kang mag-alala, kuya lang talaga. Hindi ka nu'n aagawan ng
posisyon as bestfriend ko."

Tinignan niya lang ako pero nang taasan ko siya ng kilay ay tumango siya.
Anong trip nito?

"Sige na. Itext mo na kapatid mo. Punta na ako kila Tita Ayu." Kinawayan
ko siya at lumabas na ng terrace nila. Hindi pa man din ako nakakalayo
nang may tumama sa ulo kong maliit na bato. Kasing liit lang ata ng kuko
ko o mas maliit pa doon.

Tumalikod ako at nakita si Warren na nakangiti sa akin. Ayos din 'to.


Pagkatapos ko siyang damayan babatuhin niya lang ako.

"Thank you! Hindi ko talaga alam kung paano na ako kung wala ka."

***

Warren's Point of View

Pagdating namin sa school ay agad may sumalubong sa amin na mga handang


magbigay ng pirma. Kahapon nakaabot kami ng 100 signs. 160 pa ang
kailangan namin.

Sobrang laking tulong ng teammates ko pati na rin ng ibang Populars at


'yung lalaking tinulungan ni Hunter. Dahil sa tulong nila ay nakakuha pa
ulit kami ng isang daan na pirma sa sobrang ikling oras. Astig lang
talaga.

Marami na ang pumirmang ordinaries at nerds pero kulang pa rin. Hindi


bale, may oras pa.
"Kailangan na raw natin magpunta sa auditorium."

Napatingin ako sa papel kung saan nakalagay ang mga pirma. Hindi pa rin
kami umaabot sa 260 pero pinapapunta na agad kami sa auditorium.

"Ayos lang, Warren," sabi ni Hailey sa akin at hinawakan ako sa likod.


"May oras pa."

"Pwede pa bang humabol ng pirma?"

Napatingin kaming lahat sa nasa may pintuan. Si Hunter na nakasuot ng


uniform ng Kingdom High. Paanong... nakabalik na ba siya?

"Guevarra!" sigaw ni Nate at tinapik siya sa likod. Lumapit ako sa dalawa


at hinampas din sa likod si Hunter. Maski sila Hailey at Tamara ay
nilapitan si Hunter at tinapik sa braso. Huling lumapit sa kaniya si
Piper at inilahad niya ang kamay niya dito, "It's nice to have you back
here sa Kingdom High, Hunter."

Nginitian siya ni Hunter at bigla na lang niyakap. Sandali nga lang kasi
hindi pa rin naman sila gaya ng dati. Namula si Pipes sa ginawa niya kaya
agad namin siyang pinagtawanan.

"Paano ka nakabalik?" tanong ko sa kaniya.

"Sinabi na raw nu'ng tinulungan ko 'yung totoo."


Ayos! Astig talaga.

***

Nagspispeech tungkol sa rule ang head ng Prefect of Discipline ngayon sa


harap ng mga estudyante ng Kingdom High. Nakaupo kami sa may pinakunahan.

Nang mapansin ko na hindi mapakali si Hailey at pinaglalaruan niya ang


kamay niya ay hinawakan ko 'yun para kahit papaano ay mawala ang nerbyos
niya.

Matapos ng speech ng head ay pinaakyat niya kaming anim sa stage para


ipaliwanag ang side namin at para masabi kung bakit namin gusto
ipatanggal ang rule. Nagbubulungan ang ibang estudyante pag-akyat namin
at hindi nakakatulong 'yun. Buti na lang ay sumigaw at nag-cheer sa amin
sila Migs at ang ibang mga pumirma sa pinaglalaban namin.

"Hindi namin pinaglalaban na mawala ang rule para lang sa wala. Hindi
namin ginagawa 'to kasi trip lang namin o kasi nanghihingi kami ng
karamay dahil wala kaming mga grupo. Walang pumilit sa iba na umalis ng
grupo. Pwera na lang siguro sa akin na sapilitan pinaalis dahil lang sa
rason na nakikipag-usap ako sa mga walang grupo. Bakit? Anong masama
kausapin ang mga kaibigan mo? May masama ba doon? Masama bang damayan mo
ang kaibigan mo? Sa pagkakaalam ko hindi naman masama 'yun. Nagiging
masama lang naman sa tingin niyo dahil sa rule na 'yan."

May ilan na sumang-ayon sa akin at may ilan na nanahimik lang. Ipinasa ko


kay Hailey ang mic. "Sabi nila ginawa raw ang rule para protektahan ang
mga nabubully at hindi sila maapi. Sabi rin nila dahil daw sa rule
makikita mo kung saan ka bagay, kung saan ka dapat magfocus at saan ka
dapat manatili. Kaya lang hindi naman ganoon kadali 'yun. Kasi dahil sa
rule nalilimatahan tayong makita kung saan talaga tayo dapat, kung saan
talaga tayo sasaya. Hindi rin nakakatulong ang rule sa mga nabubully.
Tingin niyo ba dahil sa rule wala ng nabubully? Meron pa rin. Hindi na
mawawala 'yan. Ang mahalaga ay dapat matutunan nilang ipaglaban ang
sarili nila. At 'yun ang hindi tinuturo ng rule. Kasi ang rule...
tinuturuan tayong magpakaplaying safe."
Nagbulungan na naman ang mga tao at mukhang marami na ang sumasang-ayon
sa amin. Mukhang maganda na ang kakalabasan ng nangyayari.

Kaya lang masyado pa palang maaga para magsalita.

Nagtaas ng kamay si Elle at nagsalita, "I think the rule teaches us


discipline which clearly you haven't learned. You're trying to poison
their minds and make it looks like na mali ang rule or masama ang
dinadala nito sa atin when in fact, admit it or not, mas maayos ang life
niyong lima dito sa Kingdom High because of the rule. You, Piper, you're
on top and you loved it when everyone loves you. Hailey, nakakapagfocus
ka pa sa studies mo and that's all that matters. Warren, you could still
play for the school's varsity. Nate, you could fool around and we don't
care. Hunter, nakikipag-away ka and it's fine. Kasi the rule's protecting
you. Kasi that's where you're supposed to be. Now na umalis kayo ng
groups, look at yourselves. You lose everything. Ngayon yung ibang
students dito... do you want to lose your comfortable lives like them?"

Kung marami ang sumasang-ayon sa amin kanina, mas marami ang sumang-ayon
sa kaniya ngayon.

"Ginugulo talaga ng Elle na 'to ang lahat," bulong ni Tamara sa amin.


Hiniram naman ni Pipes kay Hailey ang mic.

"No. We haven't lost everything. We still have each other. When I was in
the Populars, people expect me to just sit, boss around and just be
pretty. Kasi ayon na ang tingin ng tao sa Populars. Puro ganda, walang
utak, hindi sporty, walang leadership. Sa Nerd, they just study and read.
The Jocks are just sporty and full of themselves. Sa Rebels, basagulero.
And the ordinaries are the wallflowers. That's what people expect sa
groups. Eh what if I like to read as much as I want to take care of my
looks? Saan ako babagsak niyan? Because of the groups and the rule I have
to choose one and only one. I have to give up the other one kasi when I
choose to be popular, magagalit ang iba if I study hard because that's
not how a popular should act daw. When I choose to be a nerd, I'm not
allowed na magpaganda or maging maarte kasi may magagalit."

Tumayo ulit sa Elle at mukhang nagbabalak na naman magsalita pero hindi


na siya pinagsalita ni Piper, "Either way may magagalit. Kaya I decided
to do what I want. Why would I allow myself to be trapped by the rule
which limits me to do what I want instead of helping me to grow? Parang
in real life... Why would I allow society to tell me what to do just so I
can please them when I know that in the end, they always have something
to say? I won't let anyone tell me who I should be because no one knows
myself better than me. I want to take care of my looks, to read, to play
sports, to be a normal girl, to fight. Why would I pick one if I could
choose to do it all?"

Natahimik ang mga estudyante at inabot ni Pipes ang mic kay Nate.

"Kung hindi pa rin namin kayo makumbinsi at kung pumapayag pa rin kayo na
makulong sa kung ano ang ineexpect ng tao sa inyo dahil sa mga grupo
niyo, wala na kaming magagawa. Basta hindi kami babalik sa mga grupo
namin kahit anong mangyari. Basta ang alam ko... ako si Nate. Dating
leader ng Ordinaries. Ordinaryo lang at wala lang sa paningin ng iba.
Kahit ganoon ang tingin sa akin, masaya pa rin ako kasi ginagawa ko ang
gusto ko. Masaya pa rin ako kasi malaya ako."

Ibababa na dapat ni Nate ang mic pero inagaw 'yun ni Hunter.

"Bihira ko gawin 'to pero mukha ngang mas pipiliin niyo na huwag pumirma
at magpakulong sa rule at patuloy pa rin na magkakaroon ng groups. Dahil
diyan gusto ko sanang liwanagin sa iba na hindi kasing sama ng akala niyo
ang lahat ng rebels. Hindi dahil sa ganyan silang kumilos ay masamang tao
na sila. Naniniwala ako na mas may kakayanan pa silang tumulong at
magmalasakit sa kapwa kaysa sa ibang tao dito. Sana makita niyo rin
'yun."

Ibinaba na ni Hunter ang mic at humarap sa amin. Tinanguan niya kami


senyales na tapos na. Wala na. Wala na kaming magagawa kung hindi sila
pumirma. Wala na kaming magagawa kung hindi sila makumbinsi basta kami,
masaya kami.

Ipinasa na namin ang kulang na pirma sa head ng POD.

***
"Ginawa naman natin ang lahat. At least wala tayong pagsisisihan sa
bandang huli. Isa pa, magkakasama pa rin naman tayo 'di ba?" Pagpapalakas
ng loob ni Tamara sa amin.

Niyakap siya ni Hailey at Piper. Mukhang susunod si Nate sa pagyakap pero


hinawakan namin ni Hunter ang balikat niya para pigilan. Iistorbohin pa
'yung tatlo eh.

"Sayang lang na hindi natin napatanggal ang rule pero okay lang basta
sama-sama tayo. Wala nang iwanan 'to."

"And this is all because of you, Tamara. Thank you talaga for coming sa
Kingdom High. Without you baka hindi pa rin kami okay."

"Okay na. Okay na. Tama na. Kumain na lang tayo. Tara na canteen," aya ni
Nate at pumalakpak pa.

Bago pa man kami makalabas ay tumatakbong papasok sa room sila Migs at


ibang teammates ko, pati na rin sila Lara at ibang Populars kasama ang
lalaking tinulungan ni Hunter. Pinapapunta nila kami sa office ng POD.
Pinapatawag daw kami.

Ito na naman. Ano na naman kayang bad news ang matatanggap namin ngayon?

Nang makarating kami sa office ay pinaupo kami ng head ng POD. Hinihintay


ko na sabihin niya sa amin ang bad news nang iabot niya kay Nate ang
papel ng mga pirma.

"I always believe you can do it. And look, you just did. Isa o dalawa
lang ata ang hindi niyo napapirma."

"Paanong..."
"Nang matapos ang assembly ay dumiretsyo dito ang karamihan ng mga
estudyante at nagsabing pipirma sila para mawala ang rule. 65% lang ang
kailangan niyo pero sobra sobra ang nakuha niyo. I'm proud of you."

"Akala ko po ayaw niyong – "

"Ayaw kong ipatanggal ang rule? Hindi. Matagal ko na siyang gustong


mawala pero hindi ko naman 'yan pwedeng tanggalin na lang basta.
Kailangan masunod ang nakalagay sa handbook. Noong unang beses ko palang
kayo pinarusahan, sinabi ko na agad sa inyo na basahin niyo ang handbook.
Noong binigyan ko kayo ng suspension, tinanong ko kayo kung nabasa niyo
na ba ang handbook. Pinapanood ko lang kayong anim. Buti na lang at
nakatulong ang lahat ng parusang ginawa ko sa inyo para magawa niyo 'to.
You made me proud katulad ng mga magulang niyo."

"Our parents?"

"Teacher palang ako noon nang ipatanggal nila ang clash. Ganyan din ang
ginawa nila. Pinanindigan ang sa tingin nila ay tama."

Nag-uusap pa kami nang bumukas na lang ang pinto sa office at isinuka si


Elle. "Ma'am, this isn't possible. Natapos po ang assembly and they
didn't reach the – "

"Hindi pa tapos ang araw pero nakumpleto na ang pirma. Sumobra pa nga. My
decision is final, Elle. From today onwards, wala ng bisa ang rule. I
need to talk to you before the day ends. May ilang rebels ang nagsumbong
sa mga ginagawa mo."

"But – "

"For now, pwede na kayong mag-lunch."

Paglabas namin ay sinamaan kami ng tingin ni Elle. Sinisi niya kami dahil
sa pagkakawala ng rule. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit
galit na galit sa amin 'to.
"Nakakairita. Nakuha mo niyo na naman ang gusto niyo. Lagi na lang kayo
ang panalo."

"Why do you hate us so much, Elle?"

"Why? Tinatanong mo pa talaga kung bakit. I've always wanted to be a part


of the Populars. Gusto ko tingalain ng lahat pero hindi mo ako tinanggap
noon kasi sabi mo hindi ako pwede. Bakit? Kasi medyo mataba ako noon?
Nagpunta ako sa Nerds pagkatapos pero hindi rin ako tinanggap kasi hindi
raw mataas ang grades ko. Nagpunta rin ako sa Jocks at hindi rin ako
tinanggap kasi hindi ako pasado sa tryouts. Maski sa Rebel hindi ako
tinanggap kasi lampa raw ako. Saan niyo ko ibinagsak? Sa Ordinaries?
Ayokong maging ordinaryo lang kaya nag-diet at nag-work out kahit ang
bata bata ko pa makasama lang sa Populars. Ever since then nangako ako sa
sarili ko na gaganti ako sa inyong lahat. You don't know what I've been
through dahil sa pagtulak niyo sa akin palayo. Lagi akong mag-isa. Maski
magulang ko nadisappoint sa akin. And that's because of you. Ngayon naman
na nasa taas na ako kokontrahin niyo na naman. "

Hindi ko maalala na sumali siya sa amin pero baka nga iba pa ang itsyura
niya noon. Hindi ko alam kung mababaw ba ang dahilan o may punto rin siya
kaya siya galit sa amin. Siguro nga nahirapan siya noong panahon na wala
siyang grupo. Wala siyang kaibigan at napagalitan pa siya ng magulang
niya. Baka grabe ang expectations sa kaniya ng parents niya?

"Kung nagawa namin 'yan sa 'yo dati, hindi namin alam. Pero humihingi
kami ng patawad. Sana lang marealize mo na hindi tama ang gumanti. Kung
hindi ka natanggap sa mga grupo, sana nagsumikap ka hindi para makaganti
kundi para mapagbuti ang sarili mo." Paliwanag ni Hailey kay Elle.

"Nakakaawa ka sana," sabi naman ni Tamara sa kaniya. "Kaya lang


nagpakachoosy ka pa. Para sa kaalaman mo, hindi lahat ng nasa Ordinaries
puro mga ordinaryo lang talaga. Hindi mo alam lahat sila special sa
sarili nilang paraan. Just so you know, itong si Nate na dating nasa
Ordinaries... siya ang nakukuhanan namin ng lakas ng loob sa tuwing gusto
na namin isuko ang laban sa rule. Huwag mo naman sila maliitin."

Nag-walkout na naman si Elle dahil sa sinabi ni Tamara at kami naman ay


tinukso si Nate na mukhang tuwang tuwa dahil pinagtanggol ni Tamara ang
grupo niya pati na rin siya.

Ngayong wala na ang rule, ayos na ang lahat ng issue namin sa school. Ang
issue na lang sa isa't isa, sa pamilya at sa sarili namin ang dapat
naming ayusin. At kailangan na 'yun maayos sa lalong madaling panahon.
***

2 chapters to go. And sa nagtatanong... yes, may book 2.

P.S. Wala talagang speech si Tamara. Never naman kasi siya nagkaroon ng
grupo.

=================

Chapter 64: Worth it

Warren's Point of View

Parang may fiesta sa Kingdom High sa sobrang saya ng mga tao. Hindi ko
alam kung masaya ba sila dahil na-cancel ang ibang klase dahil sa
nangyari o sadyang natutuwa lang sila sa pagkawala ng rule. Kung ano man
ang rason nila ayos lang. Basta ako masaya dahil wala ng rule at libreng
libre na ang lahat makipagkaibigan sa kung sino man ang gusto nilang
kaibiganin.

Habang kumakain kaming anim sa canteen, nagdatingan ang mga teammates ko


– dati – at nakigulo sa amin. Dumating din ang ibang naging kaibigan nila
Piper, Hailey, Nate at maski ang ibang rebels para tapikin si Hunter. May
ilan din naman na bumati kay Tamara at nakipagkilala. Astig talaga kapag
pwede nang magsama-sama ang kahit na sino.

"Lara, right? Anong number mo? Text text tayo," dinig kong tanong ni Migs
sa kaibigan ni Piper. Halimaw talaga ang isang 'to. Parang kailan lang si
Tamara pa ang gusto tapos ngayon nanghihingi na ng number ng iba.
"Tamara, huwag kang mag-alala. We're just friends. Ikaw pa rin ang crush
ko."
Bago ko pa hilahin ang tenga niya palayo sa mga babae, si Nate na ang
gumawa nu'n para sa akin. Hinila niya si Migs palayo at nang makalayo na
sila ay iniwan na niya 'yun at bumalik sa amin.

Ilang sandali ay bumalik na naman si Migs pero bago pa man din siya
barahin ni Nate ay dinepensahan na niya ang sarili niya, "Tatawagin lang
kita, captain. Hindi ako mangunguha ng number, chill lang kayo."

Ano na naman kaya kailangan ng isang 'to?

"Ano ba ang napakaimportante mong sasabihin at kailangan pa natin lumayo


sa kanila?"

Nginitian niya ako ng nakakaloko at nagtaas baba pa ng kilay saka ako


inakbayan, "Gusto ko lang sabihin na tawag ka ni coach." Ayon lang naman
pala ang sasabihin niya sana sinabi na niya kanina pa.

Pupunta sana ako sa office niya pero pinigilan ako ni Migs at sinabing
nasa may court daw siya.

Nang makarating ako doon ay inabutan ko si coach na nag-dridribble.


Huminto siya nang makita ako at tinanguan. "Evans!"

"Pinatawag niyo raw po ako, coach."

"Nakita ko 'yung ginawa niyo kanina." Siguro 'yung nangyari sa auditorium


ang sinasabi niya. "Ayos."

Ihinagis niya sa akin ang bola at agad ko naman 'yung sinalo, "You make
me proud. Welcome back, Evans." Napangiti ako sa sinabi ni coach at
tumakbo ako palapit sa kaniya para yakapin siya.
"Thanks, coach!"

Bigla rin naman nagsulputan ang mga teammates ko at mga nagsisigawan pa


saka naki-grouphug sa amin ni coach. Nagpasabog pa ng confetti ang isa.
Kung saan niya nakuha 'yun, hindi ko alam. Binuhat pa nila ako at sigaw
ng sigaw sa pangalan ko. Nag-aadik na naman ang mga 'to.

Pero aaminin ko... masaya ako na makabalik sa team.

"Nice one, Warren!" Ibinaba ako ng teammates ko nang marinig ang sigaw ni
Nate.

Nilapitan ko ang lima at pinaulanan nila ako ng palo. Mali ata ang
desisyon kong lapitan sila.

"We're so happy for you!" Masayang sabi ni Piper at saka ginulo ang buhok
ko.

"Nga pala, may naghahanap sa 'yo." Tinuro ni Hailey ang likuran niya. Sa
may entrance, nandoon si Kuya Zane, nakasandal at nakatingin sa amin.
Nang mapatingin ako sa kaniya ay nginitian niya ako at kinawayan. Tumango
naman ako sa kaniya bilang pagbati. "Punta ka na doon, Warren."

Tulad ng sinabi ni Hailey ay nilapitan ko si kuya. Nginitian na naman


niya ako nang makalapit ako sa kaniya. "Good job, Warren." Inaya ko
siyang umupo sa bleachers at sumunod naman siya.

"Nang malaman ko kila Nate ang nangyari nagmadali agad akong pumunta
dito. Ang galing niyo. Ang galing mo. Sobra akong proud sa 'yo."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam ang tama
at dapat sabihin.

"Alam mo, Warren, masaya ako para sa 'yo at sobrang saya ko dahil sa mga
ginagawa mo. Sabi mo ako ang idol mo dati 'di ba? Masaya ako dahil hindi
ka naging kagaya ko. Kasi gusto at proud ako sa Warren na nakikita ko
ngayon. You've become a man. You've become the better version of you."

"Bakit hindi ka umuuwi noon?" diretsyahan kong tanong.

"Busy. Sobrang busy. Ang taas ng expectation sa akin ng mga tao. Sabi
nila almost perfect na ako pero ang totoo sobrang nahihirapan ako
ibalanse ang lahat ng bagay. Dahil sa ayokong madisappoint ang mga prof
ko, ang mga kaklase ko pati na rin ang magulang natin, pinilit ko ang
sarili kong gawin ang lahat ng bagay. Kahit sobrang hirap. Kaya nawalan
ako ng oras para sa sarili ko kasi mas pinili kong pasayahin at isipin
ang sinasabi sa akin ng ibang tao. Kaya lang sa ginawa kong 'yun, ikaw
naman ang nadisappoint ko."

"Hindi naman nag-eexpect ng malaki sila Mama at Papa. Basta masaya tayo
okay lang sa kanila."

"Alam ko. Sarili ko lang din naman ang kalaban ko."

Napatingin si kuya sa mga tao sa court. Sila Hailey, Piper at Tamara na


nagtatawanan sa isang tabi at sila Hunter at Nate na nag-uusap naman. Ang
mga teammates ko na nagtatakbuhan at kung minsan ay kinukulit sila Nate
pati na rin si coach na nakaupo pero pinagtatawanan ang mga teammates ko.

"Sobrang bilib ako sa ginawa mo. Ako ang mas matanda pero gusto kong
maging kagaya mo."

"Ha?"

"Gusto kong maging masaya dahil nagagawa ko ang gusto ko na hindi ko


inaalala ang sasabihin ng ibang tao. Ipinaglaban mo ang mga kaibigan mo
kahit nawala ka man sa team mo. Ipinaglaban mo ang nakakapagpasaya sa 'yo
kasi wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. That's admirable,
Warren. Someday I wanna be like you."
Sa pananalita niya mukhang may problema siya. Mukhang may hindi siya
pinaglaban dahil inisip niya ang sasabihin ng iba. Lagi kong iniisip na
iniwan niya ako noong kailangan ko siya, pero ito ako... hindi rin siya
dinadamayan kahit may problema siya. Ni hindi ko nga agad napansin na may
problema siya. Masyado kong inisip ang sarili ko, nakalimutan ko na
kamustahin ang kalagayan niya.

"Thank you, kuya." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. "Dahil sa
'yo kaya naging posible 'to. Dahil kinausap mo si coach pati na rin ang
teammates ko. Dahil 'to sa tulong mo."

Tumawa siya at tinapik ako, "Mali ka, Warren. Dahil 'to sa 'yo. Dahil
pinahalagaan mo sila kaya tinulungan ka nila." Tumayo na siya at kinuha
ang bag niya, "Sige, mauna na ako. May iniwan pa akong gawain sa
university. Ingat kayo dito at pagpatuloy mo lang ang ginagawa mo."

Tumango ako sa kaniya at naglakad na siya papalayo. Nakalabas na siya ng


court nang maisipan kong habulin siya bago pa man siya tuluyang makalayo.

"Kuya! Kapag kailangan mo ako, nandito lang ako."

Ngumiti at tumango siya, "Pag-uwi ko basketball tayo." Umoo ako sa


kaniya. "Nga pala. Nakalimutan kong sabihin. Habang nandiyan pa magsalita
ka na. Kapag nawala pa 'yan ewan ko na lang sa 'yo."

***

Hunter's Point of View


Mukha na ata akong siraulo. Kanina pa ako pabalik balik sa pintuan ng
staff room pati na rin sa locker ko.

Hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi sa akin ni Piper kanina bago ako
pumunta dito. May sakit daw ang mama ko. Siguro nga nagagalit ako sa
kaniya ngayon pero ayoko naman na magkasakit siya. Ayoko naman na mawala
siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Kanina pa tapos ang shift mo," tanong ni Tita Cass
na ngayon ay nakasilip sa may pinto.

"Uuwi na po."

Tumango siya at halatang may gusto pa siyang sabihin pero nag-aalangan


siya. "May, ano, naghahanap sa 'yo." Sa tono niya mukhang inaasahan niya
na hindi ako matutuwa kung sino ang bisita ko. Isa lang ang ibig sabihin
nito. Nandito na naman siya. Nandito na naman ang mama ko.

Ang dalas niyang nagpupunta dito. Paulit ulit kahit paulit ulit ko lang
din siyang hindi pinapansin.

"Ang mabigat, gumagaan kapag binibitiwan. Kung mabigat ang loob mo dahil
sa galit sa ibang tao, bakit hindi mo i-let go ang galit na 'yun? Hindi
mo kasi binitiwan ang galit mo noon kaya ang taong mahalaga sa 'yo ang
nabitawan mo," sabi pa ni Tita Cass.

Sa totoo lang kanina ko pa talaga pinag-iisipan na puntahan si mama sa


kanila. Ang gulo ng buhay ko pero ang daming tao ang tumutulong sa akin
para ayusin 'yun. Tulad din ng sabi ni Tita Cass dahil sa galit ko sa
kanila, pati si Piper nadamay. At sobrang pinagsisisihan ko 'yun.

Gusto kong tuluyan ng ayusin ang buhay ko. Ayoko na na puro galit lang
ang nararamdaman ko.
Paglabas ko ng staff room ay agad napatayo si mama. Lumapit ako sa kaniya
na mukhang ikinagulat niya. Parang gusto niya akong hawakan pero hindi
niya magawa.

"Anak... maraming salamat at pumayag ka na na makausap kita. Salamat


talaga."

"Ano po bang sasabihin niyo?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Gusto ko man bawiin 'yun pero hindi ko
magawang gumalaw. "Anak, uwi na tayo? Umuwi ka na sa bahay. Doon may
kasama ka. Doon hindi ka nag-iisa."

"Hindi po ba talaga?" sarkastiko kong tanong.

Mas humigpit ang hawak sa akin ni mama, "Patawarin mo ako, anak. Lahat ng
nagawa at hindi ko ginawa noon sobrang pinagsisihan ko na. Handa akong
pagbayaran lahat ng kasalanan ko sa 'yo hanggang dumating 'yung araw na
mapatawad mo ako." Nang mapatingin ako sa kaniya, halatang pinipigilan
niya ang pag-iyak.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong nararamdamang awa sa


kaniya. Kahit ang daming hindi magandang memorya ang meron ako tungkol sa
kaniya, siya pa rin naman ang mama ko.

Sa ilang beses na pagpunta niya dito kahit pinapagtabuyan ko siya, hindi


pa rin siya tumigil suyuin ako.

"May sakit ka raw?" Napabitaw siya sa akin dahil sa tanong ko.

"Paano mo nalaman? Hindi ko sana gustong sabi – "

"It doesn't matter. Nasaktan po ako sa lahat ng nangyari. Siguro marami


rin akong hindi alam kaya gano'n. Marami rin kasi kayong hindi sinasabi
sa akin ni Papa. Naappreciate ko ang pagpunta niyo dito araw-araw pero
hindi ako sasama sa inyo pag-uwi."

"Anak – "

"Sa totoo lang hindi ko alam kung galit pa rin ba ako sa inyo o sadyang
nasasaktan lang. Alin man doon, gusto kong malaman niyo na hanggang
ngayon ayon pa rin ang nararamdaman ko. Galit o nasasaktan. Humihingi po
kayo ng sorry at gusto kong mapatawad kayo kasi maski ako nabibigatan sa
nararamdaman ko. Gusto ko na kayong patawarin kaya lang habang may sakit
o galit pa rin akong nararamdaman, parang mali. Parang hindi totoo ang
pagpapatawad ko."

Tumango siya at hinawakan ulit ang kamay ko, "Naiintindihan ko.


Naiintindihan ko, anak."

"Sa ngayon pwede po bang hayaan ko munang mawala ang galit at sakit
hanggang sa magawa ko na talagang mapatawad kayo ng buong buo?"

May pumatak na luha sa mata niya, "Oo, anak. Maraming salamat. Maraming
maraming salamat. Babalik ako dito.Kahit araw-araw akong magpabalik balik
dito gagawin ko."

"Ayos lang na bumalik kayo. Hindi ko kayo pipigilan pero huwag niyo pong
araw-arawin. Baka po makalimutan niyong alagaan ang sarili niyo."

Napangiti siya sa sinabi ko at mas lalong napaiyak.

Sa ngayon ito lang ang kaya kong gawin para sa kaniya. Sa ngayon hanggang
dito lang muna. Aasa ako na darating ang araw at mawawala na lahat ng
hinanakit ko sa kaniya. Aasa ako na malapit nang dumating araw na
mapapatawad ko siya.
***

Nate's Point of View

"Ano pong gagawin niyo kapag may gusto kang babae pero 'yung babaeng
gusto mo ayaw naman sa 'yo?"

Nagkatinginan si mama at papa at parang nag-usap pa sila sa tingin.


Pinanlakihan ni mama ng mata si papa kaya napabuntong hininga na lang
siya at humarap sa akin. "Ayaw ba ng babae sa 'yo?" Kinurot ni mama si
papa dahil sa tanong niya.

"Sinabi ba niyang hindi ka niya gusto?" tanong ni mama.

"Hindi po. Pero parang ganoon na rin naman 'yun kasi sabi niya hindi siya
papasok sa isang relasyon."

"Hindi naman pala niya sinabi ng diretsyahan na ayaw niya sa 'yo, eh."

Hindi nga. Kaya lang parang ganoon na rin naman 'yun. Sa pagsabi pa lang
niya sa akin na hindi niya magagawang buksan ang puso niya para sa akin,
parang basted na rin ang lagay ko no'n.

"Sino ba 'yang nagugustuhan mo?"

"Si Tamara," mahina kong sagot.

Napatango si mama at napangiti, "She's a nice girl. Knowing her, mukhang


wala siyang balak magkaroon ng boyfriend. Family-oriented ng batang 'yun.
Uunahin muna niya ang pamilya niya pati na rin ang pag-aaral niya. I
admire her for that."
Napabuntong hininga ako at napayuko. Wala naman kasi akong laban kay
Tamara.

"Manligaw ka na lang, anak," dagdag pa ni mama. "Iparamdam mo na nandiyan


ka lang sa tabi niya."

"Hindi po kaya ako mapagod maghintay?"

"Kung ngayon pa lang sa tingin mo mapapagod ka na, huwag ka na lang


manligaw. Kasi kung gusto mo talaga siya magagawa mong maghintay."

Gusto ko talaga siya. Hindi ko naman iisipin ang bagay na 'to kung hindi
ko siya gusto, kung hindi siya mahalaga.

Tinapik ako ni Papa at ginulo niya ang buhok ko, "If you really like her,
then you should wait for her. Wait for her until she's ready to commit in
a relationship. Let her be your inspiration. Don't rush things, Nate.
You're young. Enjoy your youth. If the person you're waiting for is worth
it, then waiting doesn't seem so bad. Every second of waiting will be
worth it."

***

Next and last update for book 1: Monday (Nov. 23)

Kung may questions kayo regarding this book and characters (except sa
kung sino nagpoportray sa kanila), pakicomment na lang sa line na 'to.
Sasagutin ko ang ibang questions niyo sa dulo ng story para malinaw. :)

=================

Chapter 65: Growing up


Piper's Point of View

Everyone in the room's having fun. It's been a week since mawala ang
rule. Pasimple akong lumabas ng room to spend some alone time.

I was walking in the hallway when I saw Elle. The last time I saw her was
when she told us why she hates us so much. She was suspended because of
what she did. It's been a week since that time.

I don't plan to greet her or kahit pansinin lang siya. Kaya lang when she
stopped in front of me, napahinto na lang din ako.

"You seem happy now, huh." I didn't answer. "You know I always hated you,
right? Kaya nagplaplastikan lang tayo ever since."

I nodded, "Plinastic kita at first, but as time goes by, I learned to


treasure you as my friend. You were nice to me kahit na you're mean sa
iba. We were together for years. Hindi ko magagawang makipagplastikan ng
ganu'ng katagal. I once considered you a friend, Elle."

She smiled at me. Not that plastic or mocking smile. She smiled a genuine
smile. "You were a friend, too. Honestly, you're the most real friend I
had. Baka nga you're the only real friend I had. It's such a shame that
that friendship came to an end."

"I wish we could be friends again, Elle, but after everything that
happened, I think it's impossible for now."

"I think so, too. Who knows... maybe sa susunod. Years from now tapos
nagkita pa rin tayo, maybe we can still be friends."

I smiled at her and nodded, "Maybe."


After that interaction, nagpunta ako sa likod ng school. Humiga ako sa
damuhan and I enjoyed the silence. Medyo stressful ang nangyari noong mga
nakaraang linggo. I deserve na magrelax.

I closed my eyes and drifted to sleep.

When I woke up may katabi na ako. Si Hunter. He's sitting beside me, his
back on the tree. Umupo na rin ako and sumandal sa tree.

"You're finally awake." I nodded in response.

We're surrounded by silence. Weird but it's not an awkward silence. I


don't feel uncomfortable at all.

"Nakausap ko si Mama noong nakaraan. Nag-sorry siya. Sa ngayon hindi ko


siya kayang patawarin pero sinabi kong kapag nawala na ang hinanakit ko
sa kaniya, kaya ko na."

It's nice to know that he finally faced his mom. He didn't run away
again.

"Good to hear that."

"Tama ba ang ginawa ko?"

"I don't know. What do you think?"

"What do you think?"

"Is it important to know what I think?"

"You're important so it's important."


Okay. Now, I'm getting uncomfortable. Ayoko ng umasa. Ayoko nang paasahin
ang sarili ko. I want to stop myself from thinking that I'm special, that
I'm important.

"Please, Hunter, huwag mo na - "

"Sabi ko sa 'yo pinagsisisihan ko lahat ng sinabi ko sa 'yo. Totoo 'yun,


Piper. Nasabi ko 'yun kasi galit ako. Alam ko hindi iyon magandang
dahilan pero ayon lang talaga ang rason ko. You're important to me. Your
opinion matters to me. It may sound selfish but I want you to care for me
again. Okay lang makialam ka. Kung gusto mo pang pumunta ako ngayon sa
mama ko gagawin ko."

My heart starts beating so fast. Ayaw niyang bumalik sa normal pace niya.
My God, Hunter. Sabi ko hindi na ako aasa kaya lang sa ginagawa mo parang
ang hirap gawin nu'n.

"Ayokong umasa sa - "

"Hindi kita pinapaasa. Piper... You're always on my mind. I want to be


with you. Mababaliw na ako kakaisip sa 'yo. Mababaliw na ako sa tuwing
naiisip ko na may kasama kang iba. Nagsinungaling ako noong sinabi ko na
hindi kita hinayaang makaabot sa puso ko. Kasi magbuhat nang papasukin
kita sa buhay ko, alam ko na... ramdam ko na na sobra ang magiging halaga
mo."

He reached out for my hand. "I like you, Piper. I like you a lot."

Before I could even think about it, I blurted out my feelings, "I like
you, too." Napatingin siya sa akin. He's shocked. Ako rin. But I'm not
the type who hides what I feel.

When what I told him finally sinks in, he grinned. Humigpit ang hawak
niya sa kamay ko at sumandal siya sa balikat ko. He's playing with my
hands and he intertwined his fingers to mine.
"I'll court you. I'm courting you right now."

"This isn't courting."

"Then I'll court you later, but let's stay like this for a while."

Napangiti ako sa sinabi niya. Parehas kaming hindi pa handa sa isang


relationship ngayon. We're too young for that. We'll take our time to get
to know each other more. I'll wait until maging ayos na siya. I'll wait
hanggang sa mawala na 'yung hinanakit niya. I'll also wait for the time
na maging handa na ako. I'll wait for the day when I can finally tell
myself na I'm mature enough to enter a relationship.

For now, we'll be together not as friends, not as lovers, but as an


inspiration to each other.

***

Tamara's Point of View

Nagkatinginan kami ni Nate nang makita namin si Piper at Hunter sa may


likod ng school building. Nakasandal si Hunter sa balikat ni Piper at
nakasandal ang ulo ni Piper sa ulo ni Hunter. Holding hands pa sila at
kahit mga nakapikit ay halatang masaya silang dalawa.

Tahimik kaming umatras ni Nate para hindi maistorbo ang dalawa.

Hinahanap namin sila para ayain kumain kaya lang mukhang masaya na sila
sa kung nasaan man sila ngayon.

"Mukhang ayos na sila," sabi ko sa kaniya.

"Tayo na lang naman ang hindi pa."


Napatingin ako kay Nate dahil sa sinabi niya. Nginitian niya ako at nag-
peace sign kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako, Nathan."

"Highblood naman nito. Pero Tammy, hindi ka ba naiinggit sa kanila? Okay


na sila o," sabi pa niya kaya nilagpasan ko na lang siya at sinubukang
iwan. Kaya lang kahit naman iwan ko siya ang bilis niya masyadong
maglakad. Makakahabol at makakahabol siya.

"Magtigil ka sabi sa mga ganyang biro mo."

"Hindi naman ako nagbibiro."

"Tigilan mo ko."

Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ako sa braso at ihinarap sa


kaniya.

"Bakit ba sinasabi mong biro 'to? Kulit naman, Tammy. Seryoso nga sabi
ako. Gusto nga kita. Kahit itanong mo man sa magulang ko."

"Nate, napag-usapan na natin - "

"Alam ko. Kaya lang kahit naman sabihin mo 'yun hindi pa rin mawawala
pagkagusto ko sa 'yo. Anong akala mo sa nararamdaman ko, parang lamok
lang na kapag pinaalis mo, aalis naman? Kapag pinatay mo, mamatay agad?
Hindi lamok 'to."

Napabuntong hininga ako at tinanggal 'yung kamay niya na nakahawak sa


akin, "Sabi ko naman sa 'yo na hindi nga ako papasok sa relasyon.
Priority ko ang pamilya at ang pag-aaral. Wala akong balak sumali sa love
love na 'yan."
"Alam ko. Hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang malaman mo na kapag
nakagraduate na tayo ng highschool, liligawan na kita. Ilang buwan na
lang. Alam ko rin na hindi magiging madali 'yun kasi matagal tagal na
ligawan ang mangyayari pero alam ko naman na darating ang araw at
sasagutin mo rin ako."

Natawa ako sa sinabi niya dahil parang siguradong sigurado siya na


sasagutin ko siya balang araw. "Makukulitan ka sa akin kaya sasagutin mo
rin ako." Mukhang kahit ano naman ang sabihin ko sa kaniya hindi siya
makikinig. Kahit ilang beses ko siya i-reject hindi pa rin siya titigil.
Wala na akong magagawa sa isang 'to.

"Bahala ka nga. Gawin mo gusto mo."

"Yes! Sabi na makukulitan ka rin eh."

"Mamumuti buhok mo kakahintay sa akin," biro ko sa kaniya at nagpatuloy


na ulit sa paglakad.

Sumunod siya sa akin at umakbay, "You're worth the wait." Pinalo ko ang
kamay niya kaya tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to. Pero ano nga bang malay
ko... baka kapag handa na ako at nandiyan pa rin siya, baka kami rin pala
talagang dalawa.

Basta sa ngayon, pamilya at pag-aaral muna.

***

Hailey's Point of View


"Hi, kuya! Goodluck sa finals mo!"

Inagaw ko ang phone ni Warren para lang makapag-goodluck kay Kuya Zane.
Magkausap kasi ang dalawa at malay ko ba kung ano ang pinag-uusapan nila.
Basta medyo kanina pa sila magkausap at medyo naiinip na rin ako.

Si Piper kanina pa nawawala. Umalis nang hind nagpapaalam. Maski si


Hunter ganoon din. Si Tamara at Nate naman hinanap silang dalawa.
Nagugutom na ako pero wala pa rin nakakabalik sa kanilang apat.

"Hi, Hailey. Kamusta si Warren? Umaasenso ba?" Napakunot ang noo ko sa


sinasabi nitong nasa kabilang linya.

"Anong umaasenso?"

"Wala pa rin ba siyang sinasabi? Sabi niya kahapon sasabihin na niya,


ha?"

"Sasabihin ang alin?"

Hindi ko pa man din naririnig ang sagot ni Kuya Zane pero hinila na ni
Warren ang phone niya sa akin. Sinubukan ko pang agawin 'yun pero bigla
na lang siya nagbabye at ibinalik sa bulsa ang phone niya.

Pinanliitin ko siya ng mata at pilit hinuhuli kung may tinatago ba siya.

"Anong sinabi ni kuya?" tanong niya.

"Anong sasabihin mo sa akin?"

"Anong sinabi ni kuya?"

"Ano munang sasabihin mo sa akin?"


"Nevermind."

Lumayo siya sa akin at lumabas ng room. Halatang umiiwas. Kaya lang sorry
siya kasi umaandar ang pagkacurious ko. Sinundan ko siya at tinanong ulit
pero hindi siya sumasagot. At dahil mukhang ayaw naman talaga niyang
sabihin, ininis ko na lang siya at paulit ulit tinanong kung ano ang
sasabihin niya.

"Dali na, Warren. Ito naman parang iba pa. Ano nga 'yung sasabihin mo?"
Tinusok ko pa ang tagiliran niya. "Ano 'yun? Ha? Sabihin mo na."

Mukhang napipikon na siya pero hindi ko pa rin siya tinigilan. "Anong


sasabihin mo - "

"Sasabihin ko na gusto kita. Gusto kita, Hailey. Ayos na ba?"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Gusto niya ako? Gusto niya talaga
ako? Gusto na niya ako?

"Oops." Hindi pa man din lubusang pumapasok sa utak ko ang sinabi ni


Warren, nadistract na ako dahil sa boses ni Nate. Magkasama sila ni
Tamara at parang parehas na gulat. Inaya na ni Tamara si Nate umalis pero
ayaw nitong isa. "Maganda na ang nangyayari. Dito muna tayo."

"Nasabi ko na. Gusto kita." Bumalik ang atensyon ko kay Warren dahil sa
sinabi niya. "Walang halong biro. Seryoso ako. Gusto kita, Hailey. Hindi
ko alam kung kailan pero ang alam ko matagal na."

"Pero... kakamove on mo lang kay Piper, 'di ba?"


"Matagal na akong nakamove on sa kaniya hindi ko lang alam. Nagpakulong
lang ako sa idea na gusto ko pa rin siya kahit hindi naman na. Ang dalas
na si Piper ang kasama ko pero ikaw ang iniisip ko. Iniisip ko kung
nasaan ka ba, anong ginagawa mo, sinong kasama mo. Gusto kita, Hailey.
Sobra. Umabot pa sa puntong pinagselosan ko ang kapatid ko dahil sa 'yo."

"Kay Kuya Zane? Nagselos ka?"

Tumango siya at hindi ko na mapigilan ang matawa. Hindi ko alam kung ano
ang nakakatawa. Siguro nababaliw lang ako. Baka nga baliw na ako. Anong
gagawin ko? Gusto niya ako. Anong sasabihin ko? Gusto niya ako.

"Is this really happening?" tanong ko sa sarili ko. After ilang taon nang
pagtingin sa malayo, ilang taon nang paghihintay, ilang taon nang pag-
asang sa akin din siya titingin... ngayon ito na. Ngayon nangyari na.
Parang sasabog 'yung puso ko sa saya.

Lumapit pa si Warren at hinawakan ang magkabila kong kamay. Sobrang


bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.

"I like you so much, Hailey. I want to court you. I will court you."

Hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako. Napangiti siya at


mukhang hindi makapaniwala. "Talaga?!" Tumango ulit ako bilang sagot kaya
niyakap na niya ako. "I'm sorry if it took too long."

"Nakalipas na 'yan. Wala na tayong magagawa. Ang ngayon naman ang


mahalaga."

Binitiwan niya ako at nginitian, "Sobrang saya ko."


"Huwag ka muna maging masaya. Ang tagal ko atang naghirap noon dahil sa
'yo. Ngayon ikaw naman ang pahihirapan ko," biro ko sa kaniya.

"Anong nangyari sa 'Nakalipas na 'yan. Ang ngayon naman ang mahalaga'


mo?" tanong niya at tumawa. "Ayos lang. Handa ata 'to."

Pumalakpak si Nate at nagpanggap pa na may luhang tumutulo sa mata niya,


"Nakakatouch. Sobra. Pero nagugutom na ako. Tara na. Kain na tayo."

"Nasaan 'yung dalawa?"

Nginitian niya kami ng nakakaloko at nagtaas baba ng kilay.

Nang makarating kami sa may likod ng school building, agad namin nakita
ang sweet na sweet na sila Hunter at Piper. Ano kayang nangyari sa
dalawang 'to? Mukhang ayos na ayos na.

Kinalabit ni Nate si Warren at sumenyas sa dalawang natutulog. Mukha


namang nagets agad ni Warren si Nate kaya dahan dahan silang lumapit sa
dalawa. Nagbilang si Nate at bigla nilang ginulat si Hunter kaya pati si
Piper ay nagising.

Hindi ko napigilan ang matawa sa naging reaksyon ni Hunter pero mas grabe
ang tawa ng dalawang lalaki. Nakahiga na sila sa damuhan at kulang na
lang ay magpagulong gulong dahil sa sobrang saya.

"Mga siraulo ," banta ni Hunter at tiningnan ng masama sila Warren at


Nate. Napahinto naman sa pagtawa ang dalawa at bigla na lang tumakbo
palayo kay Hunter pero hinabol niya pa rin sila Nate.
Umupo kami ni Tamara sa tabi ni Piper at pareparehas na lang natawa dahil
sa inaasal ng tatlo.

"Parang mga bata."

"They look so happy... and free."

Sumang-ayon ako sa sinabi ng dalawa. Pero sa totoo lang, hindi lang naman
'yung tatlong lalaki ang masaya at malaya. Maski kaming tatlong babae
rin. Masaya, sobrang saya.

Ang dami naming pinagdaanan pero ito na kami ngayon.

Naging malabo ang relasyon namin sa isa't isa at kulang na lang ay


magsakitan kami noon pero ibang iba na kami ngayon.

Tama nga sila. Walang problemang hindi nasosolusyunan. Bata pa kami at


kung akala namin hindi na magagawang masolusyunan ang mga problema namin,
pwes nagkakamali kami. Kasi may solusyon pa rin. Basta dapat hindi lang
kami matakot mag-open up sa magulang, sa pamilya at sa mga kaibigan
namin. Kasi handa naman silang suportahan kami. Handa silang tumulong sa
problema. Kahit na sila pa mismo ang problema.

But it's all part of growing up. Ang maging magulo, ang masaktan, ang
madapa, ang umiyak at ang gustuhing sumuko. Ang mahalaga lang naman ay
ayusin ang magulo, ang matutong magpatawad pagkatapos masaktan, ang
tumayo kapag nadapa, ang ngumiti pagkatapos umiyak at ang magpatuloy
kahit gustuhin nang sumuko.

Kasi lagi naman may mga taong nandiyan para sa atin. May mga tao na handa
tayong samahan, handa tayong damayan. Huwag lang natin isarado ang sarili
natin para doon.

Basta ako... sobrang swerte ko na maging kaibigan ang limang 'to. Bukod
sa magulang ko, sila ang nagturo sa akin na huwag isarado ang sarili ko
sa ibang tao. At kahit na magkakaiba kaming lahat, nagkakasundo pa rin
naman kami sa isang bagay. Ayon ay handa kaming ipaglaban ang bagay na
alam naming tama at makakapagpasaya sa amin. Kahit buong mundo pa ang
kalaban namin ayos lang. Kasi nandito naman kami para sa isa't isa. We
got each other's back, sabi nga nila.
The end.

***

OPEN-ENDED? I KNOW. MAY BOOK 2 PA PO. "THE RELATIONSHIP CODE" ANG TITLE.
TO BE POSTED TOMORROW (NOVEMBER 24, 2015).

SA MGA NAGTANONG, IPOPOST KO AFTER NITO 'YUNG ANSWERS SA QUESTIONS NIYO


REGARDING THIS BOOK AND SA BOOK 2.

THANK YOU SO MUCH FOR READING!! :)

=================

More Info.

Q: Anong title ng book 2?

A: The Relationship Code

Q: Kailan ipopost ang book 2?

A: Ipopost ko ang prologue bukas (November 24) pero hindi ko pa agad


sisimulan. Susubukan ko siyang sumulan this year. (Yipee!) Para mabasa
mo, punta ka sa profile ko at icheck mo ang works ko or search mo ang The
Relationship Code. If may same title, check mo kung ako ang nagsulat.
Lol.

Q: Bakit mo binago ang title nito? Hindi ba Teen Clash 3?

A: Hindi ko siya binago. Tinanggalan ko lang. (Same lang ba 'yun?


Hahaha.) Dati, kasama sa title ang words na "Teen Clash 3". Tinanggal ko
lang 'yung words na 'yun kasi may ibang nagrereklamo na Teen Clash 3 ang
title pero hindi sila Ice ang bida. Kaya para iwas questions and
explanations, tinanggal ko na. Teen Clash New Generation na siya. (Though
may mga nagtatanong pa rin kung bakit hindi sila Ice ang bida.)
Q: Inspired ba 'to sa First Day High?

A: Hindi. Inspired to sa The Breakfast Club. Ganda ng movie na 'yun.


Makakarelate ang mga teens. :)

Q: Anong mangyayari sa book 2?

A: Papasok ang romance. (Ayan na ha.) Ilang years na rin ang lilipas.

Q: Nasaan na po sila *insert character's name from Teen Clash 1 and 2*?

A: Nasa bahay nila. Wala talaga sila dito kasi hindi nila story 'to.
Hindi man magandang pakinggan/basahin, pero irrelevant sila sa TTWTR. :)

Q: Bakit ayaw niyo ipaalam kung sino nagpoportray sa kanila?

A: Hassle kasi 'yung ibang gumagawa ng account. ('Yung iba lang.) Iniiba
kasi nila ang flow ng kwento at medyo nastrestress ako kasi ang daming
nagrereklamo. (P.S. May mga gumagawa pa rin ng account pero kung sino
lang ang friend ko, ayun lang ang official.)

Q: May side story ba si Zane?

A: Wala akong balak gumawa SA NGAYON. (Depende sa magulo kong isip kung
magbago.)

Q: Anong theme song nila?

A: Thank You by Jason Chen

Q: Mapapublish din ba 'to as a book?

A: Yes, yes.

Q: Naging sila ba?

A: Malalaman mo sa book 2. ;)

Q: May bagong characters ba sa book 2?

A: Meron. Matutuwa ba kayo o hindi? Ewan ko. Hahaha.


Q: May POV ba magulang nila sa book 2?

A: WALA. Wala talaga. Hindi na kasi nila story 'yun. Ang bastos naman
kung magkakaPOV sila. Aagawan pa nila ng eksena mga anak nila. Para
silang nanghiram ng diary ng iba tapos nagsulat ng sariling entry nila.

Q: Pwedeng pakilista kung may mga kapatid sila?

A: Naguluhan ba kayo sa paglabas ni Zane? Hahaha. (May hint naman na sa


mga naunang chapter kung sino siya. Hindi niyo lang napansin. :P ) Si
Hailey at Nate only child. Si Piper may bunsong kapatid (Jarvis. Lumabas
siya sa mga naunang chapters). Si Warren may kuya (Zane).

Q: Si Migs ba 'yung Migs na bata sa Wanted: Someone to Love?

A: Hindi. Kung siya 'yun, dapat mas matanda siya kila Warren. Kaya lang
hindi eh. 3rd yr palang 'yung Migs na nandito. Nakalimutan ko lang na may
napaggamitan na nga pala ako ng name na Migs kaya nagamit ko ulit. :)
(P.S. Ang galing mo. Naalala mo pa 'yun. Hahaha.)

Q: Bakit ang slow ng pacing ng story? Bakit hindi nakafocus sa lovelife?

A: Nabagalan ka lang siguro kasi hinihintay mo 'yung romance part.


Nilagay ko siya sa Teen Fiction at hindi sa Romance kasi wala akong balak
magpakilig or manakit ng sobra. Nakafocus kasi ako sa friendship nila
pati na rin sa angst nila sa buhay (which nararanasan ng most teenagers)
pati na rin kung paano sila nag-grow as a person. Isa pa, bata pa naman
sila. Sabi nga ni Ice, "Enjoy your youth."

Q: Anong pinopoint mo sa story?

A: Marami pero bibigyan kita ng iba. Like, una, wag mong ijudge ang isang
tao base lang sa nakikita at naririnig mo sa kaniya. (Like what most of
you did kay Piper, Hailey at Tamara. Pero napatawad na raw nila kayo.
Lol.) Pangalawa, don't be afraid to be different. Huwag kang matakot
humiwalay sa mga nakasanayan. Huwag ka rin matakot ipaglaban ang tingin
mong tama. Pangatlo, when you're young, pakiramdam mo ang daming pressure
ng life sa 'yo. Kung ayon ang nararamdaman mo, huwag kang mahiya lumapit
sa mga kaibigan at pamilya mo. Huwag kang mahiya makipagcommunicate sa
kanila.

'Yung ibang point ko, kayo na ang bahalang umalam. Kaya niyo 'yan.
Fighting! ~

'Yung ibang questions na hindi nasagot, check niyo 'yung mismong comment
niyo, doon ko rereplyan ang iba. 'Yung mga nasa in line comment lang ha.
Mahirap kasi makita 'yung iba pa.
THANK YOU SO MUCH SA LAHAT NANG NAGBASA NG THE TROUBLE WITH THE RULE.
THANK YOU NG SOBRA. :)

Love,Ai/iDangs

You might also like