Professional Documents
Culture Documents
Panimulang Pagtataya Unang Markahan Docx Grade 8
Panimulang Pagtataya Unang Markahan Docx Grade 8
____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang
akdang pampanitikan?
a.Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na
pamumuhay
____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa
pangyayari
a. makatotohanan b posibleng magana c. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7.
“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang
mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam,
matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.”
Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“
Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay
aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang
nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng
pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan.
Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz.
Halaw sa Alamat ng Bubuyog
____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat
ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan
mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
a.Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase.
b.Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral.
c.Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d.Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan.
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na
iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi .
Ano ang dapat mong gawin?
a.Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper .
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito .
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video .
_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay
para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa
pangungusap?
a.siya b. namatay c.malayo d. pag-asam
_____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang
binibigyang- turing ng salitang tanghali?
a.palatuntunan b.. pawisan c.nagsipagdalo d. nag-umpisa
1
1809 Herrera st. Poblacion
Lungsod ng Makati
Ika- 7 ng Disyembre, 201
Mahal kong Kaibigan,
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng
Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong
umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t
ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong
tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.
Hanggang sa muli.
Ang iyong kaibigan,
Noreen
Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10.
_____8. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko
dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang
gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang
aking mga mahal sa buhay .” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a.Pasko b.. sa bahay c.mahal sa buhay d. tawagan
-------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa
dagat?
a. duplo b.. pamanhikan c.. karagatan d. Huego de Prenda
-------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo
sa palad ng sinomang nahatulan parusahan?
a.Balagtasan b.. karagatan c.Batutian d. duplo
_____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa
mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu.
a.tula b.. dula c.sanaysay d. maikling kuwento
____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – suporta sa pangunahing
ideya?
a.nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b.madalas na itinatanong sa pagsusulit
c.nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
d.susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya
2
_____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran?
a. may ina, ama, at mga anak b. may masaganang pamumuhay
c. nakatira sa maayos na bahay d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
_____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
22.Tungkol saan ang salawikaing, “ Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”?
a.pakikipagkaibigan b.. pagkakaisa c..pakikipagkapwa d. pakikisama
23.Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
a.Nagbibigay- tulong ang mga ito sa pag-unawa sa mga halimbawa.
b.Nagbibigay-linaw ang mga ito sa kabuuan ng mga ideya.
c.Nagbibigay- daan ang mga ito upang matandaan ang mga detalye.
d.Nagbibigay-impormasyon ang mga ito upang lubusang makilala at maunawaan ang pangunahing
ideya
24.“Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka
sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. May problemang hinaharap ang nagsasalita.
b. Isang musmos na nangungulila sa pagmamahal ng kanyang ina.
c. Nararamdaman niya ang suliraning pampamilya.
d. Binabalikan niya ang mga pangyayari.
26.Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang - masaya siyang nag-aayos ng
kanyang mga paninda ngunit walang ano-ano’y dumilim kaya nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot
siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kanyang kikitain.Alin sa mga pahayag ang pangungusap na
walang paksa?
a.Maagang gumising si Carlos b.. Masayang Masaya siya. c.Uulan na naman. d. Nalungkot siya.
27.“Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salita ng may salungguhit?
a.pagdadalamhati b.pagkakaalipin c.paghihirap d.pagtitiis
Basahin at sagutin ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. Pagkatapos, piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot.
“Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Ako’y wala ginagawang
masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong
nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga
naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa
naman ako dahil may isa sa inyo ditto ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang
nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong
nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko
lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako baling-araw, sa tamang
panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka
39. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa
panitikan?
a. Likhang sining ng mga manunulat b. Obra ng mga manunulat
c. Lakas ng manunulat d. Buhay ng manunulat
4
41.. Kung ikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano ang iyong gagawin sa nararamdaman
mong katahimikan sa inyong tahanan?
a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam.
b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako.
c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari.
d.Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako.
42.“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw”,
ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito?
a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin.
c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa. d. Malungkot ang paligid.
44. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain
b. magiging sikat na mamamayan
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili
45..Ang panitikan sa Panahon ng Hapon ay binigyang halaga na makapagsulat sa Wikang Pilipino ang mga
manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat at dahil sa kahirapan ng buhay sa
panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang Tanaga at Haiku. Aling
pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari?
a.binigyang halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino b.ingat na ingat sila sa paksang isusulat
c.dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon d.lumaganap ang Tanaga at Haiku
46..Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang
pamilya. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a.mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari b.masama ang pagkakaroon ng buong pamilya
c.nagpapakita ng katotohanan d.opinion lamang ng iba
47..Maikli ang pagkakasulat dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapon ngunit nagiging gabay ng buhay.
Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag?
a.karunungang bayan b.tanaga at haiku c.bugtong d.tula
48.. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang Masaya siya na nag-aayos ng
kaniyang mga paninda ngunit walang ano-ano’y dumilim kaya’t nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot
siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kanyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang pangungusap na
walang paksa?
a.Maagang gumising. B.Uulan na naman. C.Masayang Masaya siya. D.Nalungkot siya.
49. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod ng isang tula. Anong elemento
ng tula ang tinutukoy sa pahayag?
a. sukat b. aliw-iw c.tugma d.indayog