You are on page 1of 3

Epiko

ang epiko ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan o pakikipagsapalaran ng mga taong may
mahiwagang kapangyarihan .bagamat nalikha batay sa kababalaghan at hindi kapanipaniwala ito ay
kasalaminan pa rin ng mga kultura ng rehiyon pinagmulan nito na dapat ipagmalaki at pahalagahan

Ang epiko ay mula sa salitang griyegong "epos" na nangangahulungang salawikain o awit. ito ay isang
mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. hango sa pasalindilang tradisyon
tungkol sa mga pagyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. laYUNIN nitong pukawin ang
isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian mithiin
ng mga tauhan. Popular na tawag ang epikong bayan

Kasaysayang ng Epiko

Ang kasaysayan ng Epiko ay nagmula sa isang lalaking nagngangalang Kur na ginawang manunulat ng
mga Kastila dahil sa kanyang pagiging malikhain at matalino.

Lahat ng sinulat niya ay hindi alamat, pabula o anuman dahil dito, tinawag ni Kur na Epikus ang
kanyang nilikha pero sa kalaunan tinawag ng mga Espanyol itong Epiko na nangangahulugang
dakilang likha. Ang epiko ay mahabang salaysay na patula.
Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang
pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa
buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan.

Nagmula :
Ang epiko ay nanggaling sa karunungan ng ating mga ninuno.

May mga epikong walang tekstong orihinal, tulad ng hadiong ng Bikol, na bagamat siyang
pinakaunang naitala (bago pa taong 1867), ay nakasulat naman sa Kastila. Gayundin, ang Darangan
ng mga Maranao ay nasa Ingles, ang Indarapatra at Sulayman ng Magindanao ay nasa Ingles, at ang
bersyong ito’y pinag – aalinlangan pa ng kilalang iskolar na si E. Arsenio Manuel.

Uri ng Epiko

Epikong Sinauna

Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa taguring
Epikong Pambayani – na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagatataguyod ng isang
pambansang layunin o mothiin. Ito’y karaniwan nang may katangiang pangunahing tauhang nag –
aangkin ng mga katangiang kahima – himala at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa.
Ang tulang ito ay nagpasalin – salin sa bibig ng mga salinlahi at unti – unting nabuo sa mga anyo nito
ngayon. Ang Beowulf ng Inglatera, Siegfried ng Alemanya, Ibalon ng Pilipinas ay mga halimbawa ng
epikong sinauna.

Epikong Masining

Tinatawag din itong epikong makabago o epikong pampanitikan. Nakakahawig sa epikong pambayani,
nasusulat sa isang marangal na kabuuan at nahihinggil at tahakin ng isang lipi, lahi o bansa. Ngunit naiiba
sa pangyayaring ang akata sa isang pampanitikang panahon ay sumulat ng tulang may pagkakahawig sa
epikong pambayani. Ang epikong Iliad at Odyssey ni Homer, ang Paradise Lost ni Milton, ang Florante at
Laura ni F. Balagtas; Mutya ng Silangan ni Patricio Mariano, Malolos ni Benigno Ramos ay halimbawa ng
epikong masining.
Epikong Pakutya

Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at nalalayong na kutyain ang gawing
walang kabuluhan at pag – aaksaya lamang ng panahon ng tao. Halimbawa: “Ang Pangginggera” ni Lope
K. Santos.

Kwentong bayan

Ito ay pagsasalaysay ng mga katutubo sa kanilang paniniwalang lakas ng pisikal na kapaligiran at lakas ng
pananampalataya ng lumilimbag sa kanilang buhay at kapalaran.

Ang gawaing paniniwala ay kapangyarihang itinuturing na sagrado at totoong nagaganap sa lipunang


kanilang ginagalawan. Ito ay binubuo ng mga salaysay tungkol sa simula at pagkagunaw ng daigdig, ng
tao at kanilang kamatayan. Ng mga diyos at diyosa, ng mga pisikal na anyo ng lupa at langit at mga
katangian ng mga ibon at hayop. Umiikot ang mga kwento sa mga tauhang maaaring tao, hayop, mga
anito, mga bayani o mga diyos na kinikilala nila. Nabibilang ditto ang mga pabula, mga kwentong
engkantado, panlilinlang, kapilyuhan, katusuhan, katangahan.

Marami sa kwento ay naglalahad ng mga seremonyang may kinalaman sa mga pangangailangan ng mga
katutubo, mga saloobing tulad ng paglihing ng pagkakaroon ng anak, pagpapagaling sa maysakit,
pagkakasundo ng mga magkaaway na tribu, paglilibing ng patay, pagpapasalamat sa masaganang buhat
atbp.

 Ang kwentong bayan ay mga salaysay tungkol sa likhang isip ng mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan, kTULd ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang
hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong bayan ng isang pook o rehiyon ng isang
bansa o lupain.

Halimbawa ng Kuwentong bayan

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing
isa na siyang ulirang dalaga, laya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangarap
siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap ng gising.
Dahil ditto, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi namn nagalit si Maria bagkos pa
ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang – tuwa si Maria
! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa
kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag aalaga ang ginawa ni Maria.
Pinatuka at pinainum niya ang mga ito sa umga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng
pagpapainum ng gamut at pataba. At pinangarap ni maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya
ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat na inahing manok na
alaga ni Maria. Labindalwang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw – araw. At kinuwenta ni
Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
lingo. Kitang kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang
itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog.
Habang nasa daan ay nangarap ng gising si maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.
Pagkatapos,bibili siya ng magandang tela,ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya
ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni maria ang paglakad ng pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang
umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang
sunung-sunong.

You might also like