You are on page 1of 5

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng agsinaturang Filipino 416, Pagbasa sa ibat-
ibang disiplina; Nais naming humingi ng pahintulot, na ma-aprubahan ang sulating pananaliksik
na pinamagatang “Limitadong saklaw sa paggamit ng wikang Pilipino sa kursong AMT” ay
inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSAMT 4-8 na binubuo nila;

Bering, Akosi Julian Salvador


Gumaru, Sir Kevin Dane L.
Gumaru, Kervin Dave Nga Pala L.
Nicolas, Idol John Cedric R.
Ramos, Master John Marc C.
Reyes, Boss Maynard Lord P.

Tinanggap sa ngalan ng PHILSCA ng Villamor Air Base, Lungsod ng Pasay. Bilang sa


pangangailangan sa Filipino 416, Pagbasa sa ibat-ibang uri ng disiplina. Ang mga sulating
pananaliksik na ito ay ginawa bilang isang proyekto at requirements sa Filipino.
.
Maraming salamat po sa inyong konsidersyon.

______________________
Arlene TUNGAW AGIK
(Guro sa Filipino)
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan,
at sa iba pang mga nagging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at
kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpayan ang pag-aaral na ito.

Sa aming minamahal na guro at tagapayo sa asignaturang Filipino na si TUNGAW na gumabay,


tumulong, sumuporta, umalalay sa amin habang isinasagawa ang pananaliksik at lalong-lalo na sa
pagbabahagi ng mga kaalaman patungkol sa aming pananaliksik.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang mga oras upang makilahok sa pagsagot nang tapat
sakanilang mga kwestyuner at sarbey.

Sa mga aming kapwa mag-aaral na tumulong at nagbigay impormasyon upang maisagawa an


gaming pananaliksik

Sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at


maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay kaalaman ng aming pananaliksik. Sa pagdinig sa mga
panalangin lalong-lalo na sa mga panahong pinanghihinaan kami ng loob na matapos ito sa tamang
panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po sainyong lahat.


TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

[KABANATA I. “KALIGIRAN SA PANANALIKSIK”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. MGA SULIRANIN

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

E. SAKLAW AT LIMITASYON

KABANATA II. “MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL”

KABANATA III “PAMAMARAAN”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABATA IV “PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA V “PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON”

A. BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
A. INTRODUKSYON

Ang paksa ng mga mananaliksik ay tumatalakay sa limitadong katayuan ng paggamit ng Wikang


Filipino sa kursong AMT. Ipapakita dito kung bakit naisasangtabi ang wikang Filipino at mas nabibigyang-
halaga ang Wikang Ingles sa industriya ng abyasyon. Ilalahad din dito ang epekto ng wikang Ingles sa
mga mag-aaral, guro, at sa mga nakapaloob sa nasabing kurso.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ipaalam sa madla kung kung gaano kahalaga ang wikang
Filipino sa kursong AMT. Nais din ng mga mananaliksik na ipagbigay-alam sa mga mambabasa ang
katayuan ng Wikang Filipino sa industriya ng abyasyon sa kasalukuyang panahon.

C. MGA SULIRANIN

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa hindi lamang ng mga estudyante


kundi maging ng ibang mga guro upang malaman nila ang katayuan ng Wikang Filipino sa industriya ng
abyasyon. Maipapakita dito ang epekto ng Wikang Ingles sa mga mag-aaral sa kursong AMT pagdating sa
larangan na kanilang napili.

Sa mga guro, makakatulong ito upang mai-angkop nila ang paraan ng kanilang pagtuturo sa mga
mag-aaral at upang mapili nila ng tama ang mga salitang kanilang gagamitin sa paraang nakabatay sa
kung paano ginagamit ang Wikang Filipino sa nasabing industriya.

Sa mga mag-aaral, makakatulong ito upang malaman nilang dapat nilang palawigin ang kanilang
bokubolaryo sa parehong Wikang Filipino at Wikang Ingles. Sa Wikang Pilipino dahil hindi sa lahat ng
oras sa Wikang Ingles ang ginagamit na paraan ng pakikipag-komunikasyon. Sa wikang Ingles naman,
dahil karamihan ng mga manwal sa pagkukumpuni ng eroplano ay nakasaad sa wikang ito.

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw at limitado lamang sa mga sumusunod na mga tao: Mga
guro, estudyante na nag-aral at mga nakapagtapos ng kursong AMT at mga propesyunal na mekaniko ng
eroplano.

You might also like