You are on page 1of 4

DUGONG NASAYANG

Marami tayong hindi alam kung pag-uusap ang nakaraan. Mga taong nag sakripisyo
upang makamit natin ang kaginhawaan at kalayaan ngayon.Sa pelikulang ito ni Heneral Luna
marami kang mga bagay na malalaman mga bagay na kapupulutan natin ng aral. Ilnang taon
na ang lumipas pero ating pag uugali ay hindi parin kumukupas, isa ito sa aming na obserba
sa pelikulang aming napanood , pag uugali nating hindi mabago-bago hanggang
ngayon.Pagiging makasarili, at pagkainggit sa ating kapwa nan i minsan ay hindi nakatulong
upang ipagtanggol an gating inang bayan . Bakit kailangan palagi nating iniisip na
malalamangan tayo na kung pwedi naman nating isiping pag intindi sa kapwa ang mas
magandang sandata. Bakit kailangan nating maging palaging mataas kung pwedi naman
maging mababa upang ang iba naman ay guminhawa. Hindi kailangan ng away at pagtatalo
tanging pag intindi sa isa’t-isa at pagiging mapagkumbaba ang tunay na susi nito.

Si Heneral Anthonio Luna ay isang magiting na sundalo ng bansang pilipinas, siya


ang Heneral na itinalaga ni Emelio Aguinaldo na lumaban sa mga Americano noong panahon
ng digmaan. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga sundalo sa ibat ibang parte
ng Luzon. Si Heneral Anthonio Luna ay napakabuting pinuno ng panahong iyon, binihisan
niya ng maayos ang kanyang mga sundalo at dinidisiplina niya ng maayos na siya namang
hindi na gustuhan ng mga miyembro ng gobyerno dahil sa tingin nila napakahambog nito.
Akala nila inaabuso ni Heneral Antonio Luna ang kanyang pagkakaroon ng mataas na
posisyon. Pero sa kabilang dulo mabuti ang hangarin nito marami siyang magandang plano
upang mapagtagumpayan ang pakikipaglaban sa panahong iyon. Marami kaming pag uugali
na na obserbahan kagaya nalang ng pagiging duwag ng ibang sundalo tulad nalang ng may
dalawang sundalo ang tumakbo sa kalagitnaan ng digmaan sapagkat nakita nila na marami
nang namamatay na katulad nilang sundalo. May parte din doon na nagawa pa talaga nilang
magbiro at tumawa kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyong kinalalagyan nila. Isa ito sa
mga pag uugali na hanggang ngayon ay nasa sistema parin natin.
Ang isa pang katangian na hanggang sa ngayo'y atin paring gawain ay ang pagiging tamad.
Noon pa man, tayong mga Pilipino ay tamad na, kahit ang mgs sundalo noon, paano pa kaya
ang mga nasa kasalukuyan? Hindi natin maiiwasan maging tamad ngunit dapat ay ito'y
nilulugar at hindi ipinapakita sa iba. Tayo ring mga Pilipino noon ay likas na masayahin at
palabiro, kahit na,may,problema ito'y ating tinatawanan lamang at,hindi nagpapadala. Iba iba
man ang ugali basta iisa lamang ang hangarin -- ang mapabuti ang ating bansang Pilipinas.
Marami kaming natutunan sa pelikulang ito at tanda pa namin ang linya ni Hen. Antonio
Luna na "Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ito ay ang ating
sarili." Base sa palabas mad pipiliin pa talaga ng ibang myembro ng gobyerno ang
katahimikan para hindi maapektuhan ang kanilang salapi at negosyo kaysa makiisa sa
pakikipag laban upang makamit ang ating kalayaan. Ang linyang iyon ay isa ring patama para
sa mga tao o sa gobyerno mismo ngayon, kasi hanggang ngayon ganito pa rin tayo. Mas
pipiliin natin ang mag paapi sa mga dayuhan na nagtatayo ng ibat ibang uri ng negosyo sa
ating bansa mag karoon lang ng magandang buhay, trabaho at para mapadali ang pagahon ng
ating buhay, ang ating pamilya. Ngunit, hindi natin na isip na hanggang ngayon alipin pa rin
tayo sa ating sariling bansa, hanggang ngayin ay hindi pa rin umuunlad ang bansang Pilipinas
dahil sa kulang tayo sa aksyon at plano para sa isat isa. Maari tayong maging duwag at maari
rin tayong maging bayani ng ating bansa kung tayo ay mag tutulungan. Maliban kay Hen.
Luna, si Apolinario Mabini rin ay may katagang sinabi na "Ipagdasal natin ang kalayaan,
ngunit paghandaan natin ang digmaan".

Ito ang maganda sa ating mga Pilipino, kahit na aning mangyari nasa puso't isipan pa rin
natin ang Panginoong Diyos, naaalala pa rin nating manampalataya at manalangin sa Kanya
kahit na anong mangyari sa ating buhay, kahit anong mangyari nasa kalooban na natin ang
pagiging maka-Diyos. Isa sa tumatak sa aming sarili ay yung salita ni Heneral Luna na
"Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili?" Masakit isipin na ganito ang ating kapwa Pilipino,
sila'y makasarili, na kahit nanganganib na ang buhay ngs kapwa Pilipino o ang ating bansa ay
kanilang sarili lamang ang iniisip. Kung pwede lamang ibalik ang nakaraan ay marami
kaming naririto na handang ipagtanggol ang ating bansang minamahal.

Huwag sana nating kalimutan ang kasaysayan, ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay
para sa ating kalayaan at higit sa lahat, ang mga bayaning walang takot na hinarap ang mga
dayuhang mananakop upang ipagtanggol at ipaglaban an gating kalayaan. Lagi sana anting
alalahanin ang kanilang mga ginawa para sa ating inang bayan. Pahalagahan natin ito at
ipagmalaki sa buong mundo. Pasalamatan natin sila sa lahat ng kanilang naitulong at nagawa
para sa hinaharap dahil kung hindi dahil sa kanila wal atayo ngayon sa kung ano man an
gating kalagayan sa buhay ngayon.

Base sa palabas ay ang mga kawani ng gobyerno ay hindi nagkakaisa. Puro negosyo
at salapi lamang ang kanilang pinapahalagahan imbis na magtutulong-tulongay sila-sila pa
mismo ang nag-aaway away, paano na lamang uunlad ang ating ekonomiya kung sa sariling
bayan natin mismo tayo ay nagpapa-alipin. Ayon sa sinabi ni Heneral Luna, “Mayroon
tayong mas malaki na kaaway kaysa mga Amerikano, yun ang ating sarili.” Base sa sinabi
niya mas higit nating kaaway ang ating sarili dahil tayo-tayo lamang ang nag dedesisyon,
maaari tayo’y maging duwag at maaari din tayong maging bayani kung tayo ay mag
tutulungan upang mabwi an gating bayan laban sa mga Amerikano. “Ang tunay na anak ng
kalayaan ay hindi pumapayag na nagpapagapos ng parang aso sa mga dayuhan.” – Heneral
Antonio Luna.

Ang natutunan namin sa pinanood ng pelikula, tayong mga Pilipino ay dapat na


magka-isa upang mapabuti an gating bansa. Ayon sa palabas na pinanood naming, si Heneral
Antonio Luna ay isang magating at matapang na sundalo ng ating baya. Gagawin niya ang
lahat maipaglaban lang ang ating bayan laban sa mga Amerikano a gusting sumakop sa ating
bansa. Ngunit ang paniniwala ng Heneral ay mapabuti lang an gating bayan kung magiging
disiplinado lahat ng mga sundalo sa pamamagitan ng dahas na kanyang ipinapakita. Mahalin
natin ang sariling bayan sapagkat ito ang ating sinilangan.

“HINAHANGAD NG PILIPINAS ANG KASARINGLAN AT PANANATILIIN KONG


BUHAY ANG HADHIKAIN NG ATING BAYAN HANGGANG SA KATAPUSAN. MAS
MAGANDANG MAMATAY SA DIGMAAN KEYSA TANGGAPIN ANG PAMUMUNO
NG MGA DAYUHAN. KUNG PANAGINIP LAMANG ANG UMASA SA PAG-UNLAD,
PANAGINIP TAYO HANGGANG SA KAMATAYAN. HINDI MAG TATAGAL PARA SA
PAG-IBIG NG ISANG BAYAN, WARIÝ DALANG LIHIM NA MENSAHE, DINAGIT
TAYO NG ISANG NAKAKUBLING KAMAY AT TINAPON NA PARANG MGA DAYON
SA GITNA NG SIGWA. HINDI MAGTATAGAL TAYO’Y MAGIGING ALIPUYONG
ALIKABOK NA LAMANG.”

HENERAL ANTONIO LUNA


Republic of the Philippines
Leyte Normal University
Tacloban City

Activity in

READING IN PHILIPPINE HISTORY


(Thought Paper)

Submitted to: MR. PAUL CIPRES

Submitted by:
Sano, Jaz Mher
Silvano, Gifford
Vitor, Aira Charish
Tobis, Neil

You might also like