You are on page 1of 7

1.

Maikling talambuhay ng sumulat

Jerrold Viacrucis Tarog born May 30, 1977) is a Filipino film director, producer,
writer,score composer , and editor.
Tarog was born in Manila and raised in laguna. For his higher education, he studied at
the University of the Phillippines Diliman, to pursue a degree in music composition, during
which time he also became interested in filmmaking. After graduation, he landed
opportunities as a film composer, and eventually went on to direct a short film in 2006.
Tarog's first feature film was Confessional (2007), a mockumentary independent film which is
the first installment in his Camera trilogy, followed by the drama film Mangatyanan (2009)
and the romantic drama film Sana Dati (2013), respectively. He has also directed segments in
the twelfth, thirteenth, and fifteenth installments of the Shake, Rattle &
Roll horror anthology series. His commercial success was in Heneral Luna (2015),
a biographical epic about the leadership of General Antonio Luna during the Philippine-
American War. Two years later, he directed the psychological thriller film Bliss. Tarog's
sequel to Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral, is scheduled for a 2018 release.

2.Ipaliwanag ang kakahulugan ng pamagat


Siguro kaya heneral luna ang pamagat na napili nila ito ay tumatalakay kay luna na kung
gaano niya ka gusto na ipagtanggol ang pilipinas sa amerekano at kung paano niya tinaya
ang kanyang buhay para sa ating bayan. Pinapakita ding dito na kung paano pinamunuaan
niya ang bansa na may tapang at paniningdigang.
3. Panahon ng sulatin
Ito ay sinulat o ginawa noong taon October 30,2015

III. Batay sa napiling katha, sumulat ng pagsusuri kaugnay ng mga sumusunod:

1.Kaugnayan sa kasaysayan ng pilipinas.


Ayon sa nabasa ko at na panuod ay simula palang dati ay pinag lalaban na natin ang kalayaan
ng pilipinas laban sa mga sumasakop sa ating bansa. katulad nalang ng ginawa ng ating
heneral luna sobrang tapang para labanan ang mga amerikano upang mapag tagumpayan
ang kalayaan natin na kahit sa kabila ng lahat ay kaya niyang itaya ang kanyang buhay
kasama na din ng mga sundalo na nagtaya ng buhay nila mapagtanggol lang ang ating bansa
laban sa kanila tunay nga kasiyasiyang ang ginawa nila kaya ng dahil sa kanila ay baka di natin
nakuha ang kalayaan na natatamo natin ngayon.

2. Kaugnayan sa kasaysayan ng lahi


Dito naman ay Meron ako nakitang dalawang pag lalarawan para sa lahi unahin na natin dito yun
katulad ng ginawa ni heneral luna na pinuntahan niya ang iba't ibang lugar para sumama sa kanya
para sa gagawin pag huhukay at dito ay naging isa ang ibat ibang klaseng ng tao para sa gagawin
paghuhukay para sa pinaglalaban ng pilipinas noong mga panahon yung at ang ikalawa naman ay ang
pag kakaroon nila ng pulong na meron silang iba't ibang pinaniniwalaan at ng dahil doon ay di sila
nag kakasundo sa gusto nilang gawin para sa bansa. Kaya ng dahil doon ay hindi nila alam kung ano
ang gagawin tangi kung ano ang gusto nilang gawin ay yun ang gagawin nila kaya bandang huli ay di
nagiging matagumpay ang mga desisiyon ng lahat ng dahil doon. mapapatunayan ko din yun sa
ngayon kasi hanggan ngayon din naman ay ang ating lahi ay di pa din isa sa lahat ng bagay dahil sa
kanya kanyang pinaniniwalaan.

3. Kaugnayan sa mga karunungang bayan.


Dito naman ay namulat ang mga pilipino noong mga panahon yun sa kaalaman na hindi mag
tiwala sa mga taong na kapaligid at kailangan nilang maging handa sa lahat ng bagay dahil
hindi nila alm kung may kalaban o wala dito din nila sigiro natutunan na ipagtanggol ang
kanilang sarili at pamilya nila.
4. Kaugnayan sa pananalig sa diyos.
Dito din nasubok ang kanilang pananalig sa ating panginoon habang nakikipag digma sila na
kahit sa kabila ng lahat na akala nila matatalo na sila pero nananalig at nag dadasal pa din sila
upang gabayan at mapag tagumpayan ang kanilang laban sa ibang lahi at pinasadiyos na nila
ang kanilang buhay dahil hindi nila alam kung mabubuhay o mamamatay sila habang
nakikipagdigma.

5. Kaugnayan sa paglalarawan sa kalalakihang at kababahiang mga pilipino.


kaugnay naman sa mga lalaki noong mga panahon iyong ay sila ang natagurian na taga
pagtanggol ng mga pilipino dahil sila ang kasama ni heneral luna na makipag laban tunay nga
matapang sila dahil hindi sila naging makasarili lalo na si heneral luna dahil mas pinili niyang
panindigan ang katungkulan niya bilang heneral kesa sa pag ibig niya kakaiba ang mga
pinamalas nila na tapang para sa bansa. Sa mga babae naman ay sila ang nag silbing taga
gamot sa mga sundalong nasusugatan. Noong mga panahon iyong ay pawang meron
pagkakasundo sundo ang mga pilipino dahil sa kanilang pinamalas na pag tutulungan sa isa't
isa para sa bayan.

6. Kaugnayan sa usaping pang- kasarian.


kaugnay dito siempre hindi maiiwasan na magkakaiba sila ng pananaw sa kanilang ginagawa
dahil siempre ang mga babae ay malalambot ang puso samangtalang ang mga lalaki ay
matitigas kaya doon nalang ay malaki na ang pagkakaiba nila.

7. Kaugnayan sa usaping pampamilya at panglipunan.


kaugnay naman dito ay nakita ko kung gaano siya ka mahal ng kanyang ina si heneral luna at
kung gaano kasaya ang kanilang pamilya pero simula ng umalis siya para mag aral at doon
namulat ang kanyang kaisipan sa pilipinas pero sa kabila ng pag sasalita ng kanyang nanay sa
kanya ay di niya ito kayang sundin na tumigil na bilang heneral kaya pinagpatuloy niya parin
ang kanyang tungkulin sa bansa sa kabila ng pagsuway niya sa kanyang ina dahil tungkulin
daw niya ito para sa lipunan kaya dito ay nakita ko kung gaano talaga niya ka mahal ang
kanyang tungkulin sa pamilya niya at sa bayan.

9.Kaugnayan sa kakayahan ng bawat tao na ipaunawa ang sariling kaisipan at


maunawaan ang kasisipan ng iba.
Para sakin, satingin ko ang makikita natin ditto ay tayo ay palaging pumipili ng mga lider na
may makasarili na interes. Sa pelikula, nakita natin kung paano dumating si Pangulong
Aguinaldo na walang kawangis sa mga makabayang Antonio Luna. Makikita natin ang mga
tao na hindi makintab o mga mahigpit na nagmamasid sa batas ay bihira makuha ng mas
mataas na posisyon.

Makikita din natin dito ang crab mentality ng mga Pilipino. Sa pelikula ay makikita natin kung
paano ang mga makapangyarihan ng pinuno ay maaring mali ang pagkagamit. Selos, banta
sa personal na pagsulong ng mga resulta sa lumiliit na kalidad ng mga lider. Kung ang isang
tao na tulad ni Heneral Luna ay lumilikha ng isang mahusay na track recod, gumawi ng
masunurin sa batas na inuutos siya na maari lamang siya makakuha ng isang balangkas ng
magbagsak sa trono mula sa mga tao. Hindi sila nakakakuha ng anumang paraan ng pag-
promote, makakatanggap lamang sila ng mga banta sa buhay.
Linalangin natin ang isang kultura ng non-intellecturals. Kasaysayang ay hindi gaanong
nabigyan, sa katotohanan ay sinasabi, sa aking kaalaman tungkol kay Antonio Luna ay halos
sa tabi ng walang bago panonood ng pelikula. Si Heneral Luna ay pinagtitibay na ang mga
kakulangan ng malalim na pag-unawa ng mga Pilipino, kaya yan ang dahilan kung bakit ang
kanyang mga plano bilang Heneral ay nabigo walang iisang tao na naunawaan siya, kahit
din ang Pangulo.
Tayo, mga Pilipino, ay ang ating sariling mga kaaway. Sa pelikula, sino ang lumaban sa mga
utos ni Heneral Luna? Mga Pilipinong regionalists na ang kanilang minamalasakit lamang ay
ang kanilang mga rehiyon ng pinagmula na dapat binabagsakan ng mga puri (mga sundalong
Kawit.)

12. Napulot na mensahe at impluwensiya para sa sarili at sa propesyong


kinuha.

Pagkatapos kong mapanuod itong general luna ay tumulo ang aking luha dahil hindi siya
basta basta lang ang mga nangyari dati sa ating bansa at sa pang kasalukuyan. Nagsisimula
palang ay nakita ko na kung gaano katapang at kamahal ni general luna ang ating bansa sa
kong paano niya alam na gawin ang tama para maipagtanggol amg bansa. Siya ay kilala at
binangsagang heneral artikulo uno dahil sa kanya tapang at kayabangan na din siguro at
pagiging strikto niya. Pero akoy humahanga sa kanya sa lahat ng bagay dahil mas pinili
niyang maging heneral at itaya ang kanya buhay para sa bayan dahil, bihira lang gumagawa
noong bukod kay Dr.Jose Rizal at iilan pang naging bayani na kayang itaya ang buhay nila.
Dito na buksan ang aking isipan na kong gaano kahalaga ang bansa at kun gaano natin ito
pinapahalagaan at dapat ipinagmamalaki natin na walang sinoman o bansa na tatapak at
sasakop sa atin. Dito din nasagot ang tanong ko na ang problema nga ng mga pilipino ay
hindi tayo marunong makinig sa iba kaya nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at tayo mismo
na kapwa filipino ay nag aawa-away na dapat bagkakasundo lang at ang pagiging makasarili
natin dahil hindi natin iniisip ang iba dahil na sa atin ang mga utak na pag alam natin yun ang
tama sa sarili natin ay yun ang gagawin natin kaya tayo ay hindi nagiging isa. At itong palabas
na ito ay ang nagpabago sa aking kaisipan tungkol sa nakaraan na dapat ito ang ipalabas at
panuorin kesa sa ibang pinapanuod ngayon ng kabataan. Napaka daming aral ang napulot ko
dito isa na dito na mahalin ang ating bansa at ipagtanggol ito laban sa mga tumatap pak at
kumukutya dito dahil walang sinuman ang may karapatan gawin ito sa sarili natin bansa.
Kapwa nga nakakatuwa ito dahil ang mga nagtaya ng kanilang buhay para labana ang mga
ito na di masakop ang ating bansa. At sa huli ay naiisip ko na dapat kaming mga kabataan ay
mag aaral ng mabuti ng may mapuntahan naman ang mga ginawa na pag laban at sakripisyo
ng ating mga butihing bayani. Na ako bilang kabataan ay kaya kong itaya ang buhay ko para
sa bayan katulad ng kahanga-hangang ginawa ni Heneral Antonio Luna. tunay nga
nakakataba ng puso ang ginawa niya sa ating bayang para makuha lang ang kalayaan na
dapat sa ating ipinagmamalaki ko siya sa kanyang katapangan at kahusayan pamunuan ang
pilipas noong mga panahon iyong ito ay di makakalimutan ng taong bayan.

IV.Isama sa isusumite ang mga sumusunod:

1.Buod lamang kun nobela ang napili


Noong 1898, so probinsya ng Bulacan si Pangulo Emilio Aguinalo, kasama and kanyang
punong Ministro Apolinario Mabini at and kanyang kabinet ay nag dedebate sa isyu ng
kinaroroonan ng mga Amerikano sa Pilipinas. Si Felipe Buencamino at Pedro Paterno ay
sumusoporta sa okupasyon ng mga Amerikan, habang si Heneral Antonio Luna at Heneral
Jose Alejandrino ay gusto lamang ang kalayaan ng Pilipinas. Tinanong ni Heneral luna sa
kabinet na ipahintulot and pre-emptive pagwelga habang ang mga Amerikano ay hindi pa
nakakadalop ng mga tropa nila. Pero si Aguinaldo ay sinigurado sa kanyang kabinet na
nagpangako ang mga Amerikano ay makakatulong sa kalayaan ng Pilipinas mula sa
kapangyarihan ng mga Espanyol. Kaso, and mga Amerikano ay humimasok sa mga lungsok
ng Manila, na nagpapahiwatig ng posibleng digmaan laban sa mga Pilipino.
Si Luna at and kanyang pinagkakatiwalaang mga kasundalo Heneral Jose Alejandrino,
Koronel Francisco Paco Roman, Kapitan Eduardo Rusca, Kapitan Jose Bernal, at si Koronel
Manuel Bernal ay sumakay sa bapor ng nakakapagod na kampanya laban sa paghimasok
ng mga puwersa ng Estados Unidos. Sa panahon ng napakalabis na gera laban sa hukbo ng
mga Amerikano na minamumunuan ni Heneral Arthur MacArthur Jr. at Heneral Elwell Otis,
humingi ng mga dagdag ng mga kagamitan si Heneral Luna kay Kawi Battalion, subalit, ang
kanyang kumander si Kapitan Perdro Janolino ay tumatanggi sa hinihinling dahil ang utos ay
hindi galing kay PAngulo Aguinaldo mismo. Si Heneral Luna ay pagalit na pumunta sa kampo
ni Janolino, pinahiya siya sa harap ng kanyang mga tauhan, at paalisin ang battalion dahil sa
katigasan ng ulo. Si Luna nagtipon ng hukbo ng 4,000 na kawal sa pamamagitan ng
pagpahayag ng kanyang ubod ng sama Artikulong Una, na naglalahad na kung sino ang
tatanggi sa mga kanyang utos ay pupugutin ang ulo na walang benepisyo ng isang pagsubok
sa isang military na hukuman. Nirekluta din niya si Tenyente Garcia matapos niyang Makita
ang kanyang mga kasanayan sa pagbaril, at ginawa siyang kumander ng kanyang piniling
pangkat ng mga sharpshooters
Habang ang digmaan ay gumaganap, Si Buencamino at si Paterno ay ipinapahiwatig ang
kanilang suporta sa isang panukala sa pamamagitan ng Amerikano para sa pagsarili ng
Pilipinas. Galig na galit si Heneral Luna dahil dito, inutusan niya arestuhin sila. Ang kampanya
ni Heneral luna ay pinahina ni Heneral Tomas Mascardo, na sumasalangsang sa sunod ni
Heneral Luna para sa dagdag ng mga kawal sinasabi na susundin lamang niya ang mga
direktang utos ng Pangulo. Habang ang dalawang Heneral ay mag-aaway sa Pampanga, and
mga Amerikano ay patuloy sumulong habang ang ibang Pilipinong Heneral tulad ni Gregorio
del Pilar ay nagretiro sa hilagan. Si Luna ay binisita sila Aguinaldo at Mabini para talakasan
ang kanilang pagbibitiw, kahit na sila Buencamino at Paterno ay pinalaya na. Si Aguinaldo ay
tumatangging tanggapin ang kanyang pagbibitiw, ngunit sumang-ayon siya na kay Heneral
Luna magtatag ng isang punong himpilan para sa Philippine Army sa hilaga.

Maya maya, si Luna ay ipinatawa ng isang telegram sa headquarters ng Pangulo sa


Cabanatuan. Subalit, ang kanyang mga pisyal ay kahina-hinala, Si Heneral Luna ay pumunta
sa Cabanatuan kasama lamang niya sila Roman at Rusca. Karamihan ng mga sundalo na
natitira sa headquarters sa ilalim ng kautusan ni Aguinaldo, na may pagubbukod sa ilang mga
element ng Kawit batalyon. Nadiskubre ni Luna sa pagkadating niya na si Aguinaldo ay
nakaalis na at ang natitira nalang sa opisina ay si Buencamino lamang. Habang sila ay nag
uusap na may mga mainit na salita, may isang barilan na narinig sa labas. Binestiga ni Heneral
Luna ito at natagpuan niya si Kapitan Janolino at ang kanyang mga tauhan na at inatake siya.
Si Heneral Luna ay ibinaril at sinaksak ng paulit-ulit hanggang sa namatay siya. Namatay ay
namatay din, habang si Rusca ay nasugatan at sumuko sa sundalo ng mga Kawit. Karamihan
sa mga natitirang tapat na opisyal ni Luna ay naaresto, habang ang ilan ay namatay, pati rin
ang magkapatid na Bernal.
Iniutos ni Aguinaldo, si Heneral Luna at si Roman ay nalibing na may buong militar na
karangalan sa pamamagitan ng mga Kawit batalyon yung mga tauhan na pumatay
sakanila. Si Mabini, kung sino ang kabilang sa mga nagluluksa, napansin ang isang madugong
palataw sa isa sa mga sundalo; gayunpaman, ang Kawit batalyon ay pinawalang-sala mula
noon.

Habang ang pahayagan ng mga Amerikano ay mabilis sisihin si Aguinaldo para sa


pagkamatay ni Luna, Si Aguinaldo ay tumatanggi sa kanyang paglahok sa pagpatay; Kinikilala
niya si Antonio Luna bilang kanyang pinaka-makinang at pinaka-may kakayahan
pagkalahatan. Si MacArthur at si Otis ay kinikilala si Luna bilang isang karapat-dapat kaaway,
tinatawanan ang mga katotohanan na ang mga Pilipino ang pumatay sa tanging tunay na
kanilang heneral.

Sa kalagitnaan ng credits scene, si General Gregorio del Pilar ay naghahanda na upang


masakop ang retiro ni Aguinaldo sa hilaga. Tinipon niya ang natitirang tauhan ni Luna at
inutusan ang kanyang katulong para pumili ng 60 sa mga ito.

You might also like