You are on page 1of 255

The Journal of

Contemporary
Philippine Literature

The University of the Philippines Press


Diliman, Quezon City
4: The Journal of Contemporary Philippine Literature
©2010 by UP Institute of Creative Writing
All rights reserved.
No copies can be made in part or in whole without prior written
permission from the author and the publisher.

ISSN: 1908-8795

Jun Cruz Reyes


EDITOR-IN-CHIEF

Conchitina Cruz
Romulo P. Baquiran Jr.
ASSOCIATE EDITORS

Vladimeir Gonzales
EDITORIAL ASSISTANT

Pancho Villanueva
COVER DESIGN

Alvin E. Mancilla
BOOK DESIGN

Eva Garcia Cadiz


PRODUCTION MANAGER

Gémino H. Abad
Amelia Lapeña-Bonifacio
Bienvenido L. Lumbera
ADVISERS

Virgilio S. Almario
Jose Y. Dalisay, Jr.
Ricardo M. de Ungria
Jose Neil C. Garcia
Cristina Pantoja Hidalgo
Victor Emmanuel D. Nadera Jr.
Charlson Ong
Jun Cruz Reyes
Rolando B. Tolentino
FELLOWS

Romulo P. Baquiran Jr.


Conchitina Cruz
Mario I. Miclat
ASSOCIATES
N ILALAMAN

I NTRODUKSIYON vii

M AIKLING K UWENTO /S HORT S TORY



Into Ashes All My Lust
E XIE A BOLA 1

Pangulong Paquito 15
M IXKAELA V ILLALON

Ay! Kablentong 32
M ARIO I GNACIO M ICLAT


T ULA /P OETRY

A Letter and Other Poems 48


A NDREW A LBERT T Y
A Letter 48
A ‘postrophe 49
April, Already April 50
Forwarding a Message 51
Super Robot Romance 52
With This Closure Comes Clearance 53
Tatlong Tula 55
M ARLON H ACLA
Sa Unang Araw ng Pagkaligaw 55
Sayaw sa Ikapitong Araw ng Pagkaligaw 59
Sayaw sa Ikaapatnapung Araw ng Pagkaligaw 63

inventory 67
A NNE L AGAMAYO

Ang Hindi Inaasahan 73


J ASON T ABINAS
Kumusta 73
Kumusta 74
Ang Hindi Inaasahan 74
Ang Hindi Inaasahan 75
Tapon-Tingin 75
Troika 76
Ars Poetica 76

S ANAYSAY /N ONFICTION

SM Stop-Drop and Shop! 77
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

Singkaw 86
C HUCKBERRY P ASCUAL

Salimpusa 100
K RISTIAN S ENDON C ORDERO
L ATHALAIN

Rarefied Heights, Restoration, and 120


the Rhythm Method:
Some Analyses on the Mastery of Form
in Francisco V. Coching’s El Indio
A DAM D AVID

Sa Paraiso ng mga Katha ni Efren R. Abueg 131


R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Noong Minsang Ako’y Bata 175
sa Isang Nayon sa Gunita
E DGAR B. M ARANAN

Amelia Lapeña-Bonifacio: 219


Teacher, Artist, and Humanitarian
C ARLA M. P ACIS

(Un)dead Writing: Isa na Namang Taon 229
ng Pagsusulat
V LADIMEIR B. G ONZALES

T ALA SA MGA K ONTRIBYUTOR 234

M GA P ATNUGOT 238

I NTRODUKSYON

Introduksiyon
Jun Cruz Reyes

D
ahil isa sa mandato ng UP Institute of Creative Writing (ICW)
ang pagpapalawak at pangunguna sa panitikan ng Pilipinas
sa loob man o sa labas ng unibersidad, minarapat naming
alamin at lamanin sa journal na ito kung ano na ang bago sa panitikan
sa loob at labas ng Maynila, kung ano na ang ginagawa ng mga batang
manunulat at pati na rin sa kung ano na ang bagong trabaho ng mga
establisadong manunulat. Isang anyo rin ito ng pangungumusta na
siya namang laman ng taunang workshop ng ICW sa Baguio para sa
tinatawag na mid-carreer writers, silang hindi na bagito pero hindi
pa rin naman matatanda sa larangan. Kumusta na ang kasalukuyang
panulat? Anong laman? Anong anyo?
Lagi tayong naghahanap ng bago—sa balita, sa teknolohiya at
maging sa panitikan—pero parang sa pagkain din, na hindi natin
nagugustuhang lahat ang bagong lasa. Ang hinahanap nating bago
ay ’yung may kakaibang timpla, ’yung naiiba pero kilala pa rin ng
dila natin; ’yung nga, naiiba sa pangkaraniwan at kung maaari’y
’yung masustansiya. Parang sa uso rin, palagi tayong nag-a-update.
May bago, may jologs, may retro, at may classic. O parang sa damit
pangkasal, something old, something borrowed, something new.
Ganoon daw sumusulong ang sibilisasyon, nasa kontribusyon ng mga
bago; kahit pa sabihin ni Shakespeare na “there’s nothing new under
the sun,” na masasabi naman talagang walang bagong-bago kundi
mayroon lamang mga amalgamasyon at hybridity na lumalabas pero
may tradisyong pinagmulan, na nag-umpisa rin sa kung saan. Hindi

vii
rin namin hinahanap ’yung bago na kasi’y bago lang, na para bang
komoditi lang ang literatura.
At ano ang bago sa pagsusulat ngayon? Sandamakmak ang
maituturing na bago sa panahon ng post-modernity na walang
iginagalang na canon at sinasang-ayunang estruktura. Ang dating
kilalang tula ay iniaarte na bilang performance poetry, tulad ng ginagawa
ni Vim Nadera. Ang lirika naman sa rap ay halos patula na, o kaya’y
naging spoken word na, na ginagawa naman ni Lourd de Veyra, may
lyrics pero walang melody. Ang melody ay nasa akompanya at wala sa
kumakanta. Ang kuwento’y malayong-malayo na rin. Kung noo’y iisa
lamang iyon, ngayo’y nag-iba, depende sa tinatarget na mambabasa
ng manunulat. May kuwentong pambata, pang-young adult, erotica,
fantastic etc., etc. Dati rin, ang speculative fiction ay nangangahulugan
lamang ng mga kuwentong paano kung ganito kaya ang nangyari (na
hindi nga iyon ang nangyari), na ngayo’y mas nakabase pa sa anyo ng
kuwento, na parang idinedeklarang paano kaya kung kuwento na ring
matatawag ang mala-kuwentong ito? E di kuwento na rin, sabi kasi
ng awtor. Ang mas pinaka-exciting ay ang nonfiction, na hindi na ang
dating personal-impormal-na-sanaysay lamang kundi malanobela/
kuwento na rin ang anyo at pamamaraan ng pagkakasulat.
Sa bilang ng mga isinumiteng manuskrito nakasalalay ang sagot
sa aming plano at tanong. Ika nga’y kung ano ang input, iyon din
ang output. Higit 170 ang manuskritong natanggap namin. Sampu
lamang ang magagamit, ang iba’y solicited pa tulad ng mga interbyu sa
lathalain. Kung bakit ganito lamang ang magagamit? Iyon lang kasi ang
abot ng pinagkasiyang badyet. Para maraming mahikayat na sumali,
dahil iilan lang naman ang literary journal sa Pilipinas, minarapat
naming magbigay ng kaukulang premyong cash (hindi bayad) sa
mapipili at ginawang refereed na rin para matiyak na laging mataas
ang pamantayan, na para na ring pagkuha ng mga hurado sa kontes.

viii
I NTRODUKSYON

Sayang, gustuhin man namin, maraming hindi naisama sa isyung ito.


At para pa rin mabuo ang plano sa paghahanap ng bago, tiniyak na
ang lupon ng mga editor ay nagbabasa sa Filipino at Ingles at malay
pa sa ibang kontemporaneong genre bukod sa espesyalidad nilang
genre. Ganito rin ang pamantayang ginamit sa pagpili ng mga reader.
Hangga’t maaari, ginawa naming balanse ang komposisyon mula edad,
personal na diskuro, pati na ang gender nila.
Wala siyempreng perpektong journal. Depende ang mapipili sa
bilang ng pagpipilian at sa panlasa na rin ng namimili. Gayunpaman
masasabing maraming bago lalo na sa estilo. Ganito ang lumabas sa
paghahanap sa konsolidadong obserbasyon ng editorial staff. Unahin
natin ang maikling kuwento. Ang kuwentong “Into Ashes All My
Lust” ni Exie Abola ay waring hinango sa journal ng mga babae sa
buhay ng isang nagkakaedad na yuppie sa corporate Makati (ala Sex
in the City). Pinaksa niya sa eleganteng prosa ang inseguridad ng isang
may takot sa intimacy dahil sa kanyang walang katapusang emotional
death (thanatos). Kaya ang bida’y tumatanda na’t lahat pero hindi pa
rin nagma-mature emotionally. Hindi naman niya kinagagalitan ang
tauhang problematiko, sa halip ay naghahanap ito ng pang-unawa.
Kumbaga’y inilalayo niya ang kanyang tauhan sa maraming stereotype
sa paglalarawan sa isang lalaki. Sa kuwentong “Pangulong Paquito”
naman ng batang manunulat na si Mixkaela Villalon, gumawa siya ng
isang political satire na kakaiba. Malayo ito sa maraming kuwentong
taas-kamao kapag nagpapakaprogresibo. Ito’y isang modernong
alamat o ang retelling ng pinagmulan di umano ng kantang pambatang
“Tong, tong, tong/Pakitong-kitong…” na ang talagang tinatalakay
ay ang kasinungalingan ng mga politikong trapo lalo na sa panahon
ng kampanya sa eleksiyon. At ang talagang bago sa kuwento ay ang
“Ay! Kablentong” ni Mario Ignacio Miclat. (Yes, may sense of humor
siya afterall, hindi na nakakaiyak ang akda nya.) May elemento ng

ix
pantastiko/speculative ang kanyang akda. Nakakatawa at witty ang
hinabi niyang mundo na kilala lamang natin sa pangalan pero hindi
ang talagang nagaganap doon. Gayumpama’y nasasakyan natin dahil
pamilyar ito sa atin. Kaya nang itinaaas niya ang hamon sa istorya,
nakasusunod pa rin tayo kahit pa sabihing sandamakmak na gulo ang
doo’y naghahari mula sa larangang domestiko hanggang sa pambansa
at maging sa global rin. Sa madaling salita, ganito po kami sa Pilipinas
ngayon.
Tingnan naman natin ang bago sa tula. Pansinin agad na sila’y pawang
kabataan, kaya maasahan na agad ang hilig sa eksperimentasyon.
Mga personal na tula ang nilalaman ng “A letter and Other Poems” ni
Andrew Albert Ty. Laman nito’y ang communication gap ng dalawang
nagmamahalan na may estilong stylistics na minsa’y e.e. cummings
naman ang anyo. Kapag hindi masabi ang gustong sabihin, kailangan
na iyong isulat, hindi basta sulat kundi isang malamang tula. Ang
“Tatlong Tula” naman ni Marlon Hacla ay prosang tula na isinulat sa
tradisyon ni Baudelaire. Kritisismo ito sa modernong pamumuhay na
may absurdistang imahen sa realidad ng ika-21 siglo. Ang “Inventory”
ni Anne Lagamayo ay nasa anyo ng isang travelogue pero hindi
naman umuusad. Nasa isip lamang ng makata ang mga paglalakbay.
Itinutuloy nito ang kasalukuyang gawi, ang urban confessional college
poem bilang hilig ng maraming kontemporaneong makata ng Maynila,
na nagmamapa ng siyudad sa pamamagitan ng pagmamapa sa sariling
buhay. “Ang Hindi Inaasahan” ni Jason Tabinas ay maituturing na
isang postmodernong bugtong gamit ang Filipino (hindi Tagalog).
Pinaglalaruan nito ang lohika sa tunog tulad sa mga sinaunang bugtong
at sawikain, pero sa makabagong rendisyon. Mapagbiro ang tula. Di
mo matiyak kung inaano ka na ng makata, pero ika’y natutuwa.
Sa nonfiction, mas maraming bago. Tulad ng kinagawian sa mga
postmodernong akda, ang maasahan dito ay ang hindi inaasahan.

x
I NTRODUKSYON

Bahala na kung saan mauuwi ang kuwentuhan. Walang canon,


basta natatawa ang mambabasa kung paano nilalait ng awtor ang
kanyang sarili, karanasan kaya o paligid, gayong seryoso naman ang
paksa. Witty 'ika nga. Tingnan natin ang “SM Stop-Drop and Shop”
ni Christine Marie Lim Magpile, na ang pamagat ay parody ng SM
Mall. Dito’y binuhay niya ang mundo ng kanilang tindahan sa kanto
pati na ang mga bumibili rito, tumatambay, at mga nagdaraan lang
na napapansin ng awtor. Malaking tindahan ito kung ikukumpara sa
ordinaryong “sari-sari store,” pero malayong-malayo sa mall at kahit
sa isang mini grocery. Kahit maraming paninda, hindi ito isang botika,
karinderia, at lalong hindi palengke. Bagama’t ang tindahan ang
mundo ng sanaysay, ang natutuhan ng mambabasa ay ang iba’t ibang
klase ng tao sa labas nito, mamimili man o hindi. Mas seryoso naman
ang tangka ng dalawang sumunod na nonfiction, pero ganoon pa rin,
nakakatuwang basahin, dahil kakaiba. Ang “Singkaw” ni Chuckberry
Pascual at ang "Salimpusa" ni Kristian Sendon Cordero ay parehong
pumaksa sa epekto ng baligtad na diaspora, ibig sabihi’y ang naging
buhay, hindi ng umalis kundi ng naiwang pamilya ng mga OFW na
nagresulta ng pamilyang dysfunctional. Sa ang “Singkaw,” ipinakita
ang magkakaugnay na buhay (singkaw) ng dating normal na pamilya
hanggang sa dumating ang mga problema. Nahagip din nito ang
pagkasingkaw ng karaniwang Pilipino sa krisis ekonomiko at ang
tipikal na pagre-reformat ng mga gender roles sa pamilya ng OFW.
Ang bago dito’y ang pormasyon ng bagong alyansa sa pagitan ng mag-
ama, na umiiwas sa estereotipong paglalarawan ng macho at bakla. At
ang talagang kakaiba sa koleksiyong ito ay ang “Salimpusa” ni Sendon
Kordero na mas mukhang mahabang maikling kuwento kaysa isang
sanaysay. Nagawang pag-isahin ng nonfiction na ito ang kapalaran ng
tao at ng pusa, mula sa larong bata ng awtor hanggang sa larong buhay
ng matatanda. Dito, parallel lamang ang buhay ng tao at pusa magmula

xi
sa dumi, pakikipagtalik, at maging sa kamatayan.
May mga regular na lathalain din. Nirebyu ni Adam David ang
halaga ng komiks sa debate ng high art versus low art, sa akda ni
Francisco V. Coching sa kanyang “Rarefied Heights, Restoration, and
the Rythm Method: Some Analyses on the Mastery of Form of Francisco
V. Coching’s El Indio.”
Naririto rin ang ilang interbyu sa mga muhon sa panitikan. Munting
layon nito’y ang makapag-ambag sa pagtatala ng kasaysayang
panliteratura para sa kapakanan ng mga mga mananaliksik at mga
estudyanteng interesado sa larangang ito. Ang nadiskubre namin, ang
inaakalang madaling gawin ay hindi pala. Matapos maitalaga ang
magsasagawa ng interbyu, di agad iyon maipasa, kasi’y kailangan pang
rebisahin muna ang ininterbyu. Resulta, walang datos na ika nga’y
earthshaking na lumabas. Gayumpaman, napakahalaga ng mga datos
na nasagap sa interbyu ni Romulo P. Baquiran Jr. kay Efren Abueg, isa sa
haligi at panandang bato, sa pangkat ng noo’y mga batang manunulat,
na tinawag na mga “Agos sa Disyerto” ni Pambansang Alagad ng
Sining, Bienvenido Lumbera. Ganito rin ang nangyari sa interbyu
ni Carla M. Pacis kay Amelia Lapena-Bonifacio, ang itinuturing na
pangunahing tagapagpundar ng tanghalang pambata at kuwentong
pambata sa kontemporaneong Pilipinas, sa kanyang “Amelia Lapeña-
Bonifacio: Teacher, Artist, and Humanitarian.” Paano nga ba isusulat
ang buhay ng mga monumento? Mukhang mas madali itong gawin
kung ang manunulat mismo ang siyang mag-iinterbyu sa sarili niya,
na ang resulta’y isang memoir, na siya namang ginawa ni Edgar B.
Maranan sa kanyang “Noong Minsang Ako’y Bata sa isang Nayon sa
Gunita.”
May isa pa kaming idinagdag sa Likhaan 4, ito’y ang “(Un)dead
writing na Namang Taon ng Pagsulat” na tinipon at inayos ni Vladimeir
B. Gonzales. Mga pangyayari ito noong nakaraang taon na may

xii
I NTRODUKSYON

kinalaman sa larangan ng panitikan ng bansa. Nasa anyo ito ng isang


year-ender. Mahalaga rin ito sa pagtitipon ng tala para sa pagbubuo ng
kasaysayang panliteratura ng bansa.
Pansinin na walang ibang genre dito maliban sa mga nabanggit
na. Mahaba ang script ng pelikulang indie at wala ring natatanging
graphic story na isinumite kung kaya’t kulang ang nasagap na bago.
Kung gayon, ang bago ay luma pa rin? Sa dulo, bilang pagsusuma,
hindi basta bago at magandang gamit lamang ng wika ang mahalaga.
Hinahanap din ang mga kahulugan, tago man o hayag, na dinamitan
lamang ng wika. Laman pa rin nito ang pagsasabansa ng karanasang
Filipino. Dito, sa sulok na ito ng mundo, sa panahong ito. Ito lamang
ang aming nakayanan. Ang mahalaga’y buhay at masigla pa rin ang
panitikan.
Panghuli, gusto kong pasalamatan ang bumubuo ng staff, sina
Conchitina Cruz at Romulo Baquiran, Jr., ang aking mga coeditor,
si Vladimeir Gonzales, ang editorial staff at si Eva Cadiz ang aming
production manager. Naging madali, masaya, at kapaki-pakinabang
ang pagsasamang ito. Salamat din kay Pancho Villanueva sa kanyang
pabalat dahil nahuli niya ang hinihingi kong estado ng panitikan sa
maraming wika at ang hirap pa rin sa pagsasabi ng isip, hindi sa bibig
kundi sa panulat. Nasapul din ni Alvin Mancilla sa layout ang gusto ko,
’yung simpleng-simple lang hangga’t maaari. Salamat din sa mga blind
reader na siyang kumimpirma sa mga napiling akda. Higit sa lahat,
salamat sa mga nagpadala ng akda. Sayang at hindi nagamit ang iba sa
kadahilanang nabanggit na. Sana’y patuloy kayong magsulat at huwag
magsawang magpadala ng inyong mga obra sa amin sa mga susunod
pang isyu. Nasa inyo ang kinabukasan ng panitikan ng bansa. Higit sa
lahat, kinikilala ng editorial staff ang nagpasimuno sa paglalabas ng
taunang journal na ito, si Dr. Jose Y. Dalisay ang kasalukuyan Director
ng ICW.

xiii
E XIE A BOLA

Exie Abola

Into Ashes All My Lust

P
atty was the first. She was assistant manager in the travel agency
on the first floor. We sat at the same table in the dark basement
canteen one noontime when the place was full, and the two
of us strangers ended up sitting together. She was tall and thin, even
willowy, a pretty chinita with limp hair, pale skin, and a small mouth
with very pink lips. When we emerged from that smelly dungeon, we
sniffed our clothes at the same time and laughed, and I said, "I wonder
what you smell like when you don’t smell of food." In the middle of
the afternoons, I would meet her sometimes at Bean & Brew in the next
building. A few times, after I’d put in a long day, we would bump into
each other as I left the elevator and have coffee. Those after-work stops
became more frequent, two or three times a week, as if we’d rehearsed
them. They turned into short drives to her apartment in Pasay, and
at first it was quick and awkward, clothes pulled off and thrown to
the floor, then groping and kissing and fondling, then thrusting and
moaning, then, having caught my breath and gotten dressed, I drove
home to Mandaluyong.

1
* * *
Anna worked down the street from my office. There was a
supermarket in the building where she worked, and I’d wait for her
at the noisy and brightly-lit food court, right beside the supermarket
bakery. Even today the whiff of baking bread takes me back to that time
two decades ago when I would stand there eating a cheese roll while
glancing at the stairwell where she would descend, her black pumps
appearing first, then the gray herringbone skirt and white short-sleeved
blouse, her ID clipped at the chest. In her small room in a cramped
apartment she shared with two younger sisters, we would eat the rest
of the cheese rolls then, fingers still sticky, take it from there. She knew
I was married and didn’t seem to mind. Once she stopped me, as I took
my clothes off, from removing my ring. That got me going, and I let my
hand roam all over her back, her leg, her breasts, letting the sharp edge
of the ring leave tiny scratches on her skin.
* * *
It’s a wonder to me now not how easily it happened, although that
itself surprises me, but how tortured I was about it when it did. The
throbbing in my head as I drove home, trying my damnedest not to
crash the Lancer into the buses careening on EDSA in the evening traffic.
Trying out excuses in my mind—long meetings, late client calls, extra
work because of someone sick—latching onto one, hoping to God Vicky
would believe it. She didn’t suspect, I think, not for a long time. As I
worked myself up higher in the office ladder, she naturally assumed
that I would spend longer hours at work. Which was true, really. But
maybe she had seen it coming, had known I would fall into someone
else’s arms because I was already sliding out of hers.
* * *
Clara worked in an adjacent cubicle. Once when I glanced over the
low partition I caught her looking straight at me, and she quickly averted
her eyes. In the narrow corridor outside leading to the restrooms, I made

2
E XIE A BOLA

as if I didn’t see her coming out, crowded her in the passageway for a
second, and brushed my open hand against her bottom. I felt her stiffen
and walked on without looking back. At dinner two nights later, she let
me put my hand on her inner thigh just below her skirt. Later that night,
I no longer had to worry about her skirt.
* * *
Becky, one of our marketing supervisors, giggled too much after two
beers, sounding as if the fizz was going back up. Friday nights a handful
of us went over to the billiards place a few buildings away, where the
beer was affordable and the barbecue was good. The others took turns at
Rotation, but she and I would only watch then beg off early. She giggled
too as I undressed her, especially if I took my sweet time unclasping
her bra from behind, brushing my hand against her shoulder blade and
breathing on her nape. The bra fell and I replaced the cups with my
hands, the giggling stopped, and I pressed my hardening body against
her.
* * *
Vicky and I managed to stay together almost a decade, probably
because we had Mila, but we spent less and less time together.
Eventually we stopped pretending still being interested in each other.
I cleared out the spare bedroom on the second floor and turned it into
my study where I would retreat after a quick dinner (if I was home early
enough), put on a jazz record, and fall into my books. Vicky stayed in
the living room, her briefcase open on the coffee table, and pored over
legal documents with a pencil in hand for hours. When Mila peeked
into my room I would send her downstairs to bug her mother.
It was easier, exhilarating even, getting into bed with another woman
after Vicky and I separated, after we had decided to “see other people,
try out other things,” and in the days and weeks and months after I
tried and tried and tried.
* * *

3
When I stepped out of our house for good—shouting, suitcases—I
went straight to Winnie’s apartment. She worked for one of our
suppliers, and when she made her presentation to me, the writers, and
the sales team, explaining the intricacies of their new product line, she
would glance at me not-so-furtively. It was all part of her act, but I gave
her my card with my pager number on it, and later that week we were
in a motel off Makati Avenue making obscene noises the whole night.
* * *
For a while, well-meaning friends kept inviting me to parties and
other gatherings, wanting me to meet new people. Rissa and I met at
an officemate’s birthday party. Full-bosomed Rissa, her luscious breasts
against narrow shoulders and delicate neck. When we watched movies,
it didn’t matter what Bruce Willis or Julia Roberts did up on the screen,
I spent half the time staring at her chest. In bed she liked to sit on top of
me, then bend over and let those globes of succulent, exotic fruit dangle
over my eager mouth.
* * *
When you’re younger, you feel as if you expend so much energy,
make such an effort, before a girl even gives you a chance. So many
hours talking before she’ll agree to meet for coffee or a drink, then after
a few more times of that it’s dinner or a movie, and only after several
of those does she agree to go to bed with you, if she even agrees. Now
that I’m older it’s easier somehow. Maybe it’s because I don’t look like a
restless and desperate teenager. Or that I look like I can pay for dinner
and buy her a nice dress. Or that I’m not hung up on finding the right
girl or looking for a partner for life. Often I just have to say “Hello” or
“Hi, I’m Gerry” before I see a flicker of interest in her eye. And maybe I
don’t look too bad. But to help things along I finally got into an exercise
routine, which I did when I left Vicky. I’ve been going to a gym ever
since.
* * *

4
E XIE A BOLA

Mariles said I looked like Lloyd Samartino, of all people. She was
our receptionist. When I got to her place, a tiny one on Remedios, the
TV was on, tuned in some celebrity talk show or melodrama. When I
turned it off, she stood and complained, and I said, "Why watch TV
when you’ve got the real thing in your room?" She laughed and went
for my shirt. I grabbed her blouse first and pulled it off her. I pulled a
bra cup down to expose a small but pert breast and softly pinched the
attentive nipple. She squirmed. When I took it between my tongue and
teeth, she let out a sharp gasp.
I saw a picture of the actor in the paper one day, and I chuckled and
thought, yeah, I guess I do look a little like him, though I would never
be caught dead watching his shows.
* * *
Soon after I started seeing her my boss, Esther Parohinog, VP for
Communication, called me into her office one day.
“Yes, Miss P?” I said, as I sat across from her.
“I’ve heard from a few people that you’ve been seeing Mariles.”
I said nothing.
“We don’t have rules against office romances, Gerry,” she said,
looking austere but motherly in her cream blazer, her hair in a bun.
“But it’s not a good idea to be involved with someone who works in the
same place you do. It can get complicated. Do you understand me?”
I nodded, not sure I did.
“I would prefer that you stop. But if you won’t, then please, be
discreet.”
“Discreet,” I said, nodding more vigorously.
“Don’t be seen together here.”
“Okay.”
“We in PR and communications should of all people be keen on
keeping up appearances, right?”
I nodded again.

5
“And Gerry,” she said, leaning closer, “the receptionist? You do want
to go far in this firm, don’t you?” She leaned back again. “I’m retiring in
two years, you know, and the board is aware of how well you’ve been
doing.”
After that I ignored Mariles at work, going out of my way to avoid
her, answering her curtly when she spoke to me. Once as I stepped
out of the building late in the afternoon, she was there on the curb of
Pasong Tamo waiting for a jeepney. She saw me before I could go back
in. She gave me a look both pleading and defeated. A few weeks later,
there was a new girl behind her desk, someone older, dark and plump
and terribly efficient.
* * *
When we had guests at the firm, the job of keeping them company
fell to Clara, now my assistant. Usually they were men, and Clara, whose
fashion signature was a short, tight skirt above her long, stockinged
legs, the better to distract from her chest flat as a board, had no trouble
keeping their eyes on her. One time we had a visit from a group made
up entirely of women, and Clara stuck her head in my office to ask
me to join her. “Why me?” I asked. “Because,” she said, fluttering her
lashes, “they’ll respond to a handsome guy,” and I thought I heard a
hint of bitterness in her voice.
* * *
Celine I met at a bar in a Roxas Boulevard hotel. She recognized me
because I sometimes took clients there, encouraging the men to ogle the
pretty waitresses, an act which somehow made them more amiable at
the negotiating table. The night I was alone I took a whiff of her scent—
something citrusy—as she bent over to put my cuba libre on the table.
I asked her what it was and if I could buy her more of it. When she got
off work at two in the morning I was waiting just off the lobby entrance,
where I said I would be. On the drive to my condo, she unzipped me
and put a hand inside my boxers. In the basement parking three floors

6
E XIE A BOLA

below the street I pushed her against the warm hood, pulled her panties
down from under her skirt, and took her from behind. In the dim
corridor on the seventeenth floor, I pushed her again, her back against
the wall this time, and hitched her skirt up.
Once, Celine wasn’t at the bar. So I chatted up Nilda, shorter and
darker with a fuller figure and a tight behind. On the drive I put my hand
under her skirt, and she obliged by reclining the seat and spreading her
legs. When she was spread-eagled on my bed later and I put my mouth
where my fingers had been, she moaned even louder.
The next time I was at the bar Celine refused to talk to me, wouldn’t
even look at me. Nilda’s smile was all milk and honey, which I lapped
from that mouth of hers all night.
* * *
After a while I got used to pretending to be an uncle. If someone saw
us together and asked, I could say it without laughing, without even
thinking it was funny. And I dressed the part anyway, in my barong or
coat and tie. Even when I took them out weekends to go shopping at the
new malls springing up in the Ortigas area, I made sure to dress nattily,
a button-down shirt plus slacks or designer jeans at least.
* * *
As Pauline and I shot the breeze while drinking the beer and
eating the sandwiches room service brought in, she revealed that she
had gone to the same Pasig high school my daughter went to. I asked
her which batch she was, and if she knew Mila Villaraza. Mila was
engaged and would be married in a year, at twenty-three. This girl I
met at the gym, whose coltish legs descended from snug black cycling
shorts, whose small round breasts I had crushed in my hands, whose
thigh I had traced the contours of with my tongue, whose backside I
had slapped, inside whom I had shot my load, was Mila’s high school
classmate. In a parallel universe, there is a hotel room just like this one
in which a man twice Mila’s age has just ejaculated inside her. I thought

7
of putting Pauline in a taxi right then, but I didn’t. She asked why I
wanted to know. I said she was the daughter of an officemate, that’s
all.
* * *
Francine was the only one who got me thinking long-term again.
I met her as I checked out of a Makati hotel. She was checking in. I
was lucky to bump into her, she said, because she traveled around
Asia constantly. In fact, she had just arrived from Bangkok. With her
long wavy hair tied behind her, she had a boyish face, but when we
went up to her room after dinner and drinks, she unclasped it and let
it fall all around her shoulders like a tamed beast. In the morning, I
offered, without really thinking about it, to take her to the company’s
Boracay cottage only we VPs and the president could use. Even more
surprisingly, she accepted.
She looked fabulous in her red two-piece, which in resplendent
sunshine made her skin seem even more lustrous. We walked the
beaches for hours that weekend, and I liked to trail her by several
feet, taking in the sight of her, the wide shoulders that gave her torso
a swimmer’s taper, the athletic poise, the slim waist, the full but taut
legs like a dancer’s. She had been on the track team in college, she said.
I asked her to stand against the bedside lamp and take off her bathing
suit, which she did, very slowly. She straddled me on the chair. She got
down on her knees on the bed, and I knelt behind her. I flipped her onto
her back and gripped her ankles high above her, then pulled out and
sprayed her belly and thighs.
We saw each other almost every night for a month, and when we
weren’t in bed we talked about jazz (I loved Miles Davis, she adored
Thelonius Monk), discussed books (I laughed at her sci-fi, she made
fun of my crime thrillers), watched videos (I joked that she could love a
movie only if it had subtitles). Then she disappeared on another of her
trips, this time to check on their Taipei operation. She thanked me for

8
E XIE A BOLA

the wonderful time.


For a year I emailed her, but her replies were short and vague and
noncommittal. She had no idea when she would be back. Then I saw
her at a mall in Pasig, her belly protruding from under a loose dress, her
arm around a man’s. Before I realized it was her, our eyes met. I thought
of crossing the shiny floor and introducing myself to him, tell him how
much I had loved fucking the beautiful and pregnant woman beside
him, did he know that she and I had spent one glorious month fucking
the days and nights away. But she averted her eyes quickly and pulled
him away before I could move. I don’t know how long I stood there,
watching them walk farther and farther. Then I wheeled around to see
display windows, the elegantly clothed mannequins crowding around
me, their faces radiant in shafts of stunning light frozen in expressions
of glazed happiness, and I wondered if any of them were willing to
come down and take my arm and walk with me even for just the rest of
the afternoon.
* * *
“I can’t believe how great you look, Dad,” Mila said at the reception.
I opened my suit jacket, looked down at a flat belly, and said, “I’m still
at my college weight after all these years.” Which was true. I had spent
more and more time on treadmills, lifting weights, burning every trace
of fat that might show on my waist, something that got harder and
harder to do, but I was up to the task.
I went to her wedding alone. Vicky brought Robert, with Mila’s
permission. It took no little effort not to gloat that I was in the best
shape of my life and that Vicky, despite draping yards and yards of
lavender fabric over herself, despite the boyfriend many years her
senior—practically geriatric—looked every bit her age. As I sat at the
presidential table in the Shangri-la’s cavernous ballroom, stealing
furtive looks at the woman I had shared a marriage with, with whom
I had produced this happy young girl beside me, the thought finally

9
formed in my mind: I left her because I had tired of her body. Its secrets,
so tantalizing before discovery, turned utterly banal. It slowly lost its
shape and firmness, its glow faded, and she refused to do anything about
it. Hidden underneath the layers of lavender was a body exhausted of
mystery.
* * *
Sharie might have been the best, ever. She was certainly the
wildest. When I entered her condo—she refused to meet me anywhere
else—she went right at it. The lights already turned low, she threw
off whatever flimsy thing she was wearing and charged at me in the
short hallway. She unzipped my pants and pulled them down then
knelt on the parquet floor and made slow love to my penis with her
wet lips and tongue. Here I was, barely in the door, and this beautiful
woman, all lithe and lissome, was on her knees pleasuring me as if
I deserved every ounce of joy that surged through my grateful body.
That was just the start of a long evening. We fucked on the couch, on
the dining table, on the carpet. She went up to the window overlooking
the highway and bent over, her face to the glass, an invitation to take
her from behind, and I gladly accepted, thrusting hard as I could. She
would moan and beg, as if nothing in the world gave her as much
delight. When I said I was about to come, she flipped around and let
me drizzle the warm fluid on her breasts. Then we lay together for a
while, and talked and drank and smoked, then started all over.
Once we slept for just an hour or two and were awakened by the
dawn. She had left the curtains parted, and the darkness in the small
room turned a milky blue. She got up from the bed and went over and
knelt on the couch, facing the clear balcony doors that opened to the
glimmering sky over Manila Bay, her ass raised to me. She gave me a
sidelong look, her eyes fluttering sleep away, and said, “Come here and
fuck me,” and with my mind still spinning from the lack of sleep, I went

10
E XIE A BOLA

over and fucked the life out of her.


Early one evening, I dropped by unannounced. I heard faint noises
from inside her room. I knocked. She opened the door, surprised to see
me. Her lips were damp, and she had only a towel around her. We said
nothing, and I thought I saw someone in the shadows behind her. I
turned on my heel and left, imagining a man in the room with his pants
around his ankles, Sharie putting her lips around his penis and kissing
it tenderly, saying it was the best cock she had ever tasted. I walked up
and down Roxas Boulevard for a few hours, breathing deeply of the
stench of Manila Bay.
* * *
I took Aimee to a posh resort in Palawan the month I turned fifty.
A fresh graduate and management trainee at a large department
store—I met her when I tagged along to inspect the retail outlets of our
distributors—she spent most of the weekend sunbathing or watching
TV in our room when we weren’t in bed. She was a tad heavy-bottomed
and pear-shaped, but from the waist up she looked like a cover girl,
her skin fair and clear and smooth, her breasts perfect as they strained
against the triangles of her bikini top. She never got in the water but lay
in a lounge chair texting on her phone or snapping photos of herself
with her tiny digital camera. Even when we had sex she seemed to be
posing. I told her not to take any pictures of me.
When we walked together she clung to me like a fond niece, but I
found that I had little to say to her. When she was in the room napping or
watching TV, I sat at the bar with my Raymond Chandler and chatted up
the lady bartender. Back in Manila she insisted on going to the new and
expensive restaurants in Greenbelt, but I had lost my interest in eating out.
New restaurants spring up every day with all sorts of cuisines and dishes to
tempt you, and I used to enjoy trying them out, but I was starting to find
them all the same.

11
* * *
Millie, short for Millicent, looked awfully cute in a uniform. I
instructed her to take it off slowly, the Mary Janes, the lacy white socks,
the white blouse with the seal stitched onto the pocket, as I sat on the
couch gazing at her. She knew not to remove the checkered skirt or the
red tie. She knew I liked to grab and pull on them. A few times I asked
her to keep all of it on. I bent her over, reached up under her skirt, and
pulled down her panties. I gazed at the long, glorious legs delicately
varnished with the breath of angels. I liked having her on top of me as
I sat on the couch. She unbuttoned her blouse and shrugged it off, took
off her bra then fed one small fragrant breast to me, then another. When
I was ready to burst I pulled down on her skirt, her arms, her tie, her
thin white body, impaling her more deeply, then I embraced her tightly
as I shuddered and exploded. She said with a grin that she was the only
one in her barkada with a boyfriend.
I had gone on leave after meeting her, feigning burnout, and spent
days and nights thinking of her. She liberally sprinkled abbreviations
and dropped entire syllables in her text messages, to my frustration,
when she let me know what time she was off, what time she would be
picked up. I came down from my condo and walked the three blocks
to the convenience store near the school. If there was time we went
in and I bought her a sundae or a sandwich and soft drink, and we
brought these with us. She was refreshingly easy to please. A few times
I bought her something more expensive, like an iPod that she asked
for, or colorful rain boots, one pair black with bright multicolored dots,
another pink with white flowers, that I found online at Amazon. After
we were done—I made it a point never to take more than an hour—I
walked her back, but not all the way. She often forgot to say goodbye.
Then after a while she didn’t respond to my texts anymore. I waited
by the Ministop before class ended, but she disappeared into a blue van,
where two grim-faced men sat in front, without even looking my way.

12
E XIE A BOLA

Every day for a week I waited, and the last afternoon I went into the
Ministop and ate sandwiches, greasy chicken, and sundaes until it was
dark out and my stomach hurt. That night a text arrived: stay away from
my daughter you sick bastard or i will kill you.

* * *
I went back to work right after and moved condos again, this time
to one along South Super Highway, a three-minute drive from work,
so sometimes late at night I take my CR-V down further south, driving
aimlessly, killing time. The place is large, almost two-hundred square,
tastefully designed and furnished—walls in cream and beige, dark
wood furniture with russet fabric—by someone who works on our
showrooms and stores. It’s my reward for spending more than two
decades with the company, moving up, not rocking the boat, so that
I can keep living the way I want.
Lately I’ve found it hard falling asleep, so I get up and put on some
Miles Davis or Bill Evans or Monk, who sound great through the
Wharfedale speakers. Or I pick up the latest Dennis Lehane, or choose a
volume from my complete Elmore Leonard. But I lose interest quickly.
More often than not I just sit up in bed, thinking. That’s when they
come to me. All of them. Their faces and the clear lines of their bodies,
their fields of skin in uncertain light, their softness under my touch.
The scent, the feel of their hair on my face. They drift in and out of my
mind, sending soft tremors down my hands, my sides, my thighs. My
nose grows keen, sensing them near. Sometimes, between sleeping and
waking I twist under the sheets expecting to encounter in the rustle of
the linens a slim leg, a pale hip, a tiny hand I can take and pull to my
chest, my belly, my groin. My body tenses and eases, succumbing to
memories of intimacy and rapture, warm skin, gentle breath. Sometimes
I wonder if these memories are real or if I have conjured them, filled in
the gaps or overwritten the less memorable parts.
In the mornings I go to the mirror, see the face now in its sixth

13
decade of existence. I still see the youth trapped in there somewhere,
the one who fretted at the bad skin, the crooked teeth, the thought that
no girl would want to have anything to do with him. The cheeks that
haven’t fallen completely slack, the hair still thick and dark (though
touched now with patches of silver), the brown eyes that Vicky said first
enchanted her. (“My little brown-eyed baby,” she would coo.) But my
skin is losing its luster. Tendrils of crow’s feet, the incipient wrinkles on
the forehead. The softening lines of my torso, the skin loosening from
the bones, despite the hours I’ve spent lifting weights and pulling at
cable machines, despite the many miles I’ve jogged on treadmills. After
the trying, the doubled and redoubled effort, the body, still clawing and
scratching, winds up on the wrong end of the fight anyway.
I return to the empty bed and know it will be occupied again.
Someone out there I haven’t found yet will be willing to open herself up
to this man, who it must honestly be said is still in many ways desirable.
But there are fewer things to cling to now as I think of what has fallen
away. And I’ve been allowed, in a way, a kind of liberation. A purity of
intention settles over me. It’s become clear what I want. I marvel at the
fire that burns in my loins, how strong it still is, after all these years.
I’ve stopped hoping for love or acceptance or accomplishment, and in
a way I’m happy, or at least clearheaded. I face what’s left of my time
expecting only this solitary pleasure, this pure bursting forth of bliss,
this coming, coming into the moment, coming alive, though honestly,
I also dread the day, the inevitable day, when it too will be taken away
from me and arrayed, as if under a display case for all the world to see,
with all the other artifacts of this one venial life.

14
M IXKAELA V ILLALON

Mixkaela Villalon

Pangulong Paquito

M
insan, may isang lalaki. Paquito ang kanyang pangalan.
Napakalaki ng kanyang ambisyon. Hindi ito masukat sa
anumang paraan na alam ng tao. Pangarap ni Paquito na
maging pangulo ng kanyang bayan.
Ang bayang Pilipinas ang bayan ni Paquito. Ngunit hindi ito ang
Pilipinas na kilala natin. Ibang Pilipinas ito.
Ito ang kailangang maintindihan: maraming Pilipinas sa iba’t
ibang daigdig, sa iba’t ibang uniberso, sa iba’t ibang panahon at lunan.
May Pilipinas kung saan ang lahat ng kalsada ay gawa sa diyamante,
mayroon pang Pilipinas kung saan nagkakaintindihan lamang ang
mga tao sa pamamagitan ng kanta. May Pilipinas na biniyayaan ng
napakaraming likas na yaman ngunit naghihirap ang mga naninirahan
dito, at Pilipinas kung saan masaya ang lahat kahit kalbo na ang mga
gubat at tuyot na ang mga dagat. Maraming Pilipinas.
Sa Pilipinas na bayan ni Paquito, maaaring maging pangulo ang kahit
sino. Walang eleksiyon dito. Napipili ang pangulo sa pamamagitan ng
pangako.

15
Napakahalaga ng pangako para sa bayang ito.
Mayroong mahigit pitong libong isla sa Pilipinas, at 22 isla ang
lumulubog sa dagat kasabay ng paglitaw ng buwan. Sa 22 lumulubog
na isla ipinatatapon ang mga tao na hindi marunong tumupad ng
pangako. Ito ang kanilang kaparusahan. Sa umaga lamang sila maaaring
matulog. Pagdating ng gabi at alon, abala sila sa paglalakbay sa tubig
upang hindi malunod. Bawal silang lumangoy papunta sa mga islang
hindi nilalamon ng dagat.
“Ang hindi marunong tumupad ng pangako, walang katiyakan sa
lupang tinutuntungan,” wika ng matatanda. Ito ang batas ng bayan.
* * *
Hindi ipinanganak na sinungaling si Paquito. Tama ang pagpapalaki
sa kanya ng kanyang mga magulang. Tinuruan siya ng magagandang
asal at mabuting pakikitungo sa kapuwa-tao, pero likas na pilyo si
Paquito. Likas na pilyo ang mga Filipino. Maging ang mga diyos at
diyosa ng Pilipinas ay pilyo, kung kaya hiniwa-hiwalay nila ang mga
nilikhang isla sa bayang ito. Kaya rin manaka-naka ang pagbagyo,
paglindol, at pagsabog ng bulkan. Mahilig kasing magbiruan ang mga
Pilipino, at kung minsan, binibiro din ng mga diyos ang tao.
Likas na mapagbiro ang mga tao sa Pilipinas. Iisa lang ang batas
dito tungkol sa biruan. “Biruin na ang lasing, huwag lang ang bagong
gising,” wika ng matatanda. Ito ang batas. Ang kaparusahan para sa
sinumang bibiro sa bagong gising ay ang pagkalabog ng kapitbahay sa
madaling araw. Sapat nang pagpapahirap ang isang buwang ginugulat
ang ulirat. Pagkatapos ng isang buwang udlot na tulog, inaasahang
natutuhan na ang leksiyon hinggil sa pagbibiro.
Balikan nating muli si Paquito at ang kanyang malaking ambisyon.
Isang araw, nagpunta si Paquito sa Palengke ng Pilipinas, kung
saan pinakamarami ang tao. Maingay dito, magulo. Dito ang pulso ng
bayan. Ito ang buhay na ekonomiya.

16
M IXKAELA V ILLALON

Masigla ang kalakalan sa palengkeng ito, ngunit walang nagpapalitan


ng pera. Walang pera sa Pilipinas na ito, pero wala ring mahirap o
kapus-palad. Sa palengkeng ito, ang lahat ay nabibili sa pamamagitan
ng pangako.
Halimbawa:
Ikakasal si Jakob sa kanyang mahal sa susunod na linggo. Nais
niyang bigyan ang sinisinta ng isang bagay na magsisilbing simbolo
ng kanilang pag-ibig. Nagpunta siya sa palengke upang maghanap ng
regalo.
“Ako si Jakob. Ano iyan?” tanong ni Jakob nang may nakita siyang
bagay na gustong bilhin.
“Ako si Kayo. Ito ay isang kabibeng nahanap ko sa tabing-dagat
habang hinihintay ang asawa kong bumalik mula sa laot,” pakilala ng
babae. “Nagustuhan ko ang kulay nito kaya inisnis ko at ginawang
singsing. Gusto mo ba nito?” alok ni Kayo kay Jakob.
“Gusto ko,” sagot ni Jakob.
“Anong gagawin mo rito?” tanong ni Kayo. “Kung sisirain mo
ang aking likha, o pagtatawanan, o gagamitin sa masama, hindi ko ito
ibibigay sa 'yo.”
“Pangako, hindi ko gagawin ang mga ‘yan,” sabi ni Jakob. “Nais
kong ibigay ang singsing na iyan sa aking minamahal. Ikakasal kami sa
susunod na linggo.”
Ngumiti si Kayo dahil katanggap-tanggap sa kanya ang dahilan ni
Jakob. “Sa ’yo na itong singsing kung may maibibigay kang katumbas
ng aking nilikha.”
“Wala akong dala ngayon maliban sa suot kong damit at sapatos.
Pero bukas makalawa, makatatanggap ako ng isang sako ng mais.
Ipinangako sa akin ng kapatid ko,” paliwanag ni Jakob. “Kung ibibigay
mo sa akin ang singsing na gawa mo, ipinapangako kong hahatian kita
sa matatanggap kong mais.”

17
“Mangingisda ang asawa ko,” sabi ni Kayo. “Matagal na rin kaming
hindi nakakakain ng mais.” Ibinigay niya kay Jakob ang singsing.
“Maligayang pagbati sa iyo at sa iyong sinisinta, kaibigang Jakob.
Aasahan ko ang mais bukas makalawa,” sabi ni Kayo.
Nagkamayan sila at naghiwalay ng landas.
* * *
Ganito ang kalakaran sa palengke ng Pilipinas. Araw-araw, libo-
libong tao ang nanunumpa at nangangako dito. Lahat ay may panatang
tuparin ang kani-kanilang mga pangako kung ayaw nilang mapatapon
sa mga islang nawawala.
Habang patuloy ang kalakaran sa Palengke, pumili si Paquito ng
magandang lugar sa pusod nito. Sa lugar na ito, nagsimula siyang
magtayo ng entablado. Malaki ang entablado, mataas. Gumamit
si Paquito ng kahoy, lubid, pako, at martilyo. Maghapon niyang
pinaghirapan ito hanggang sa magawa ang entablado.
Nang matapos ang entablado, inakyat ito ni Paquito. Mula sa kanyang
kinatatayuan, nakita niya ang lawak at dami ng mga kababayan niyang
nasa Palengke.
“Bayan ko, bayan ko,” pahayag ni Paquito mula sa kanyang
entablado. Sumanib sa hangin ang kanyang boses, tinangay ng bugso
at ipinaabot sa lahat ng kayang makinig. “Gusto kong maging pangulo
ninyo. Magtiwala kayo sa akin. Ipaubaya sa akin ang pamumuno sa
Pilipinas, at ipinapangako ko na hindi kayo magsisisi.”
Umiling-iling ang mga nakikinig. Ang iba sa kanila ay natawa.
“Hindi ganyan kadali maging pangulo, Paquito,” sabi ng isa niyang
kababayan. “Napakalawak ng iyong pangako. Ang huling pangulo
ay nangako ng pagsikat ng araw sa bawat umaga, at paglubog nito sa
bawat gabi. Hindi pa siya nabibigo sa kanyang pangako, kaya nananatili
siyang pangulo.”
“Ang pangulong nauna sa kanya ay nangako ng ulan sa tag-ulan,
at init sa tag-init,” sabi ng isa pang taumbayan. “Natanggal siya sa

18
M IXKAELA V ILLALON

kanyang pagkapangulo nang dumating ang taon na walang bumuhos


na ulan. Natuyot ang mga ani. Ipinatapon ang pangulong iyon sa mga
nawawalang isla.”
“Bago pa iyon ay ang pangulong nangako ng maraming araw ng
bakasyon,” sambit ng isa pang Pilipino. “Naalala ninyo ba siya?”
“Itanim sa lupa ang pangulong iyon,” sumpa ng isa pa. “Walang
naidulot sa atin ang kanyang pangako.”
Nagkamot ng ulo si Paquito habang nagdiskusyon ang kanyang mga
kababayan. Kailangan ni Paquito ng pangakong hindi mapapantayan.
Gustong-gusto niyang maging pangulo.
“Ipinapangako ko sa inyo, aking mga kababayan,” pahayag muli
ni Paquito. “Kung tatanghalin ninyo ako bilang pangulo, wala nang
babangungutin pa sa Pilipinas, magpakailanman.”
Dumura sa lupa ang ilang matatanda. Ang iba naman ay nagmura.
“Bawiin mo ang iyong pangako, Paquito,” payo ng mga siyentista ng
bayan. “Hindi mo iyan matutupad. Wala sa kapangyarihan mo ang
pananaginip ng tao.”
“Mag-isip ka nga, Paquito,” sambit ng mga babae ng bayan.
“Sakaling bangungutin ang isa sa amin mamayang gabi, bukas na
bukas ay ipapatapon ka sa mga nawawalang isla. Kailangan namin ng
pangulo na pinag-iisipan ang sasabihin bago magbuka ng bibig.”
“Binabawi ko,” dagling sinabi ni Paquito. Ayaw niyang matapon sa
mga nawawalang isla. Ngunit nauubusan na siya ng maipapangako
at gustong-gusto niyang maging pangulo ng Pilipinas. “Bayan ko,
ipinapangako ko, kung tatanggapin ninyo akong pangulo ng Pilipinas,
sasayawan ko kayo ng nakatutuwang sayaw araw-araw. Ngunguya ako
ng bubog, kakain ng apoy. Ipapasok ko ang aking ulo sa bibig ng leon
hanggang sa bilang na sampu. Pangako. Kahit ano, para lang matuwa
kayo.”
Malakas ang tawanan sa buong Palengke. Dumadagundong ang
halakhak ng lahat ng nakarinig. Akala ni Paquito na nawili na niya

19
ang kanyang mga kababayan, ngunit hindi pa rin sila kumbinsido na
karapat-dapat si Paquito na maging susunod na pangulo.
“Kababayang Paquito,” sabi ng mga batang Pilipino na nakikinig.
Maging silang mga musmos ay kasama sa usapan sapagkat bayan din
nila ang bayang ito. Ang anumang binhi na itatanim sa lupa ngayon
ay gubat nila paglaki. “Nagkakamali ka yata. Ang kailangan namin ay
pangulo at hindi payaso. Mag-isip ka pa ng ibang pangako.”
“Wala na akong maisip!” hiyaw ni Paquito. Hindi siya ang
pinakamatalino sa bayang ito, pero malaki ang kanyang ambisyon.
“Paano ko malalaman kung anong pangako ang magugustuhan ninyo?”
Naupo si Paquito sa isang sulok at nagmukmok.
Natahimik ang bayan, nag-isip. Mula sa pinakamatanda hanggang sa
pinakabata, nagmuni-muni. Naantala ang kalakaran sa Palengke dahil
mahalagang usapin itong pinag-iisipan nila, at ang bawat mamamayan
ay may responsabilidad na tuunan ng pansin kung paano malalaman
ang problema ng kanilang bayan.
Matapos ang ilang minutong katahimikan, sa wakas may nagsalita.
“Itanong mo kaya sa amin kung ano ang kailangan namin?” mungkahi
ng mga magsasaka ng bayan.
Natakot si Paquito nang marinig ang boses ng magsasaka.
Magaspang ito, namamalat. Para bang nanggagaling mula sa malalim
na lungib. Tila matagal nang hindi nagagamit, o hindi napakikinggan.
Lalong nasindak si Paquito nang masipat ang mukha ng nagsalita.
Malalim ang mata ng mga magsasaka, matindi kung tumitig. Hindi
makatingin nang diretso si Paquito sa mga ito. Natatakot siyang makita
ang sariling nakasalamin sa mga mata nila.
“Tama,” sabi ni Paquito. “Aalamin ko ang kailangan ng aking mga
kababayan. Kapag kilala ko na ang aking bayan, ang kanyang hangarin
at hinaing, babalik ako sa entabladong ito at mangangako muli. Babalik
ako rito upang maging pangulo ng bayan ko.” Bumaba si Paquito mula
sa entablado. Nagpatuloy ang ingay, buhay, at kalakaran sa Palengke.

20
M IXKAELA V ILLALON

Tatlong araw si Paquito sa Palengke, nakikinig sa mga usap-usapan


ng kanyang mga kapwa-Filipino. Pinakinggan niya ang kanilang mga
kuwento. Nakausap niya ang mga tao. Isa-isa niyang inalam ang mga
pangangailangan ng kanyang mga kababayan.
Pagkatapos ng tatlong araw, inakyat muli ni Paquito ang kanyang
entablado. Abot-tenga ang kanyang ngiti. “Bayan ko, bayan ko,”
deklara ni Paquito. Muli, nakinig ang mga Pilipino sapagkat dinala ng
hangin ang mga salita ni Paquito hanggang sa pinakamalalayong sulok
ng Palengke. “Nais kong maging pangulo ninyo. Magtiwala kayo sa
akin. Pangangalagaan ko ang Pilipinas.”
“Ano ang maipapangako mo sakaling tanghalin ka naming pangulo,
Paquito?” tanong ng isang matanda.
“Nangangako ako,” sabi ni Paquito. “Kung inyong mamarapatin,
kapag ako ay naging pangulo, pangako kong magkakaroon ng bubong
sa ibabaw ng bawat ulo ng bawat Filipino. Aking mga kaibigan, kung
tatanggapin ninyo ang aking hangarin, pangako kong may kanin sa
bawat pinggan. Bayan ko, kapag ako na ang pangulo ninyo, ang
sinumang tatapak sa loob ng pamamahay ko ay aking pakikinggan.”
Nagdiskusyon ng mga taumbayan tungkol sa narinig nilang
mga pangako ni Paquito. Para silang mga bubuyog na may pinag-
aawayan. Pinagtalunan ng mga tao kung kaya ni Paquitong tuparin
ang kanyang mga pangako, dahil totoo nga na ang mga nabanggit niya
ang kailangan ng Pilipinas: tirahan para sa lahat, pagkain para sa lahat,
at ang pagkakataong mapakinggan ng pinuno ang mga problema ng
karaniwang mamamayan.
“Katanggap-tanggap para sa amin ang iyong mga pangako,” wika
ng matatanda ng bayan. “Ano ang maipapangako mo, Paquito, kung
hindi mo matupad ang iyong mga pangako?”
“Tamaan sana ng kidlat ang bahay ko, aking kababayan,” sumpa
ni Paquito. “Mangitim pa lalo ang aking balat at mukha sa kahihiyan
kung hindi ko matupad ang aking mga pangako. Umurong sana ang

21
tubo ng aking mga daliri at hindi ko na magamit muli ang aking mga
kamay. Gumapang sana ako sa aking tiyan habambuhay.”
“Pangako ba 'yan, kababayang Paquito?” tanong ng mga bata.
“Peksman,” sagot nito.
At sa araw na iyon, nakamit ni Paquito ang kanyang ambisyon na
maging pangulo ng bayan niyang Pilipinas.
Lumipas ang panahon.
Maayos ang daloy ng buhay sa Pilipinas na pinamumunuan ni
Pangulong Paquito. Sa umaga, sinusuroy niya ang mga palayan,
kinakamusta ang mga magsasakang nagbubungkal ng lupa. Sa tanghali,
binibisita niya ang mga paaralan kung saan hinuhubog ang talino ng
mga batang Filipino. Sa hapon, dumadaan si Pangulong Paquito sa
Palengke upang makinig sa usap-usapan at pulso ng bayan. Pagdating
naman ng gabi, sa gubat at kabundukan nagpupunta si Paquito upang
pakinggan ang mga puno, ang bato, ang bulong ng batis. Maging ang
mga damo sa kanyang paanan at ang hangin na humahalik sa kanyang
tenga ay kailangang pakinggan ni Paquito, sapagkat ang mga ito ay
parte rin ng bayang Pilipinas.
“Pangulong Paquito,” sabi ng isang babae minsan nang mapadaan
ang pangulo sa Palengke. “Kailan ninyo tutuparin ang una ninyong
pangako?”
Nagkamot ng ulo si Paquito. Hindi siya likas na masama, ngunit
hindi pala ganoon kadali tumupad ng mga pangako ng pangulo. Ninais
niya sanang ipagpaliban ang pagtupad sa mga pangako niya. “Malapit
na,” sagot niya sa babae.
“Ngunit malapit na rin ang panahon ng tag-ulan,” wika ng isang
lalaki. “Kakailanganin namin ng matitirahan upang hindi magkasakit
ang aming mga anak, at kailangan namin ng imbakan ng ani para hindi
mabulok ng tubig ang palay.”
“Kapag hindi mo matupad ang iyong pangako, Pangulong
Paquito…” banta ng matatanda sa Palengke.

22
M IXKAELA V ILLALON

“Alam ko, alam ko. Sa mga islang nawawala ang bagsak ko,”
balisang sagot ni Paquito. Tila wala na siyang lusot ngayon. Kailangan
nang tuparin ang pangako. “Bigyan ninyo ako ng dalawang araw,
mga kapatid. Magkakaroon ng bubong sa ibabaw ng bawat ulo bago
dumating ang tag-ulan.” Lumikas si Paquito mula sa Palengke para
mag-plano.
Dalawang araw ang dumaan. Tinupad ni Paquito ang kanyang
pangako.
Sa loob ng dalawang magdamag na iyon, nagtayo si Paquito ng
mga bubong para sa bawat pamilyang Pilipino gamit ang pinagtagpi-
tagping dahon ng nipa. Ikinabit niya ang mga bubungang nipa sa apat
na kawayang nakatukod sa lupa. Wala siyang ginawang pader ni sahig
dahil hindi naman niya ipinangako ang mga iyon. Simpleng bubungan
lamang para sa bawat mamamayan niya.
“Ano iyan?” dismayadong tanong ng mga kababayan ni Pangulong
Paquito nang makita ang mga ginawa niyang bubungang nipa.
“Bubong,” masayang sagot ni Paquito. “Sa ibabaw ng bawat ulo.”
Naupo siya sa lupa sa ilalim ng nilikha niyang bubungang nipa upang
ipakita kung paano ito gagamitin.
“Hindi ito tirahan,” malungkot na sabi ng mga binata. Sinuri nila
ang mga kawayang nakatukod lamang sa mababaw na lupa.
“Wala akong ipinangakong tirahan,” paliwanag ni Pangulong
Paquito. “Nangako ako ng bubong, heto ang inyong bubong.”
“Tatangayin ito ng bagyo,” sabi ng mga babae.
Nagkamot ng ulo si Pangulong Paquito. “Wala akong magagawa
doon. Hindi kayo masaya sa aking likha, pero tinupad ko ang aking
pangako. Ako ay pangulong iisa ang salita. Hindi ninyo ako matatanggal
sa posisyon, ni maipapatapon sa mga islang nawawala. Kung ayaw
ninyo ng mga bubungang ginawa ko para sa inyo, lumikha kayo ng
bago. Basta tinupad ko ang aking unang pangako. Ako’y uuwi na sa
aking tirahan dahil parating na ang ulan,” paalam ni Paquito. Iniwan

23
ng Pangulo ang mga kababayan niya roon.
Dumating ng buong bagsik ang panahon ng tag-ulan sa bayang
Pilipinas. Komportable si Paquito sa kanyang tirahan, habang sa labas
ng kanyang bahay, tinangay ng bagyo ang marami sa kanyang mga
ginawang bubungang nipa. Maraming mag-anak ang naligo sa walang
humpay na ulan. Ang mga bubungang hindi natangay ng hangin ay
wala ring silbi, sapagkat walang pader na depensa laban sa bagyo. May
bubong man ang mga tao, basang-basa pa rin sila. Nagkasakit ang mga
bata. Nabulok ang mga ani.
Minura ng mga tao ang pangalan ni Paquito, ngunit hanggang doon
lang ang kaya nilang gawin. Mahina man ang mga bubungang ginawa
ni Paquito, tinupad pa rin niya ang kanyang pangako. Wala siyang
batas na nilabag. Kaya nanatili si Paquito bilang pangulo ng bayang
Pilipinas.
Nang matapos ang panahon ng tag-ulan, nanumbalik ang takbo ng
karaniwang araw ni Pangulong Paquito. Nagpunta siya sa mga palayan
at mga paaralan, sa Palengke at mga bundok, ngunit hindi na kasing
init ang pagtanggap ng mga tao sa kanya.
Minsan, nang nasa Palengke si Pangulong Paquito, may lumapit
na isang bata. “Pangulong Paquito, kalian mo tutuparin ang ikalawa
mong pangako? Ang kanin sa bawat pinggan. Nagugutom na kaming
mga mamamayan mo.”
Nabalisa si Pangulong Paquito dahil napansin niyang nakikinig
ang taumbayan sa usapan nila ng bata. “Malapit na,” sagot ni Paquito.
“Tutuparin ko ang sinabi ko, pangako.”
“Kailan pa?” tanong ng matatanda. “Parating na ang panahon ng
taggutom, at nasira ng bagyo ang aming mga ani.”
“Hindi naman masisira iyon kung mayroon tayong tamang lugar na
imbakan ng ani noong panahon ng tag-ulan,” sabi ng mga taumbayan
na may tanim na galit kay Pangulong Paquito.

24
M IXKAELA V ILLALON

“Bayan ko, bayan ko,” sabi ni Pangulong Paquito. “Magtiwala


kayo sa akin. Ako ang inyong pangulo, hindi ba? Tutuparin ko ang
aking pangako, tulad ng pagtupad ko sa nauna. Wala kayong dapat
ikabahala,” sabi ni Paquito na nakangisi dahil mayroon na naman
siyang plano.
* * *
Ilang buwan ang lumipas at dumating ang panahon ng taggutom.
Tinupad ni Paquito ang kanyang ikalawang pangako.
Nasira ng ulan ang ani ng mga tao, kaya kaunting sako ng bigas na
lang ang natira sa panahon ng tag-gutom. Nangako si Paquito ng kanin
sa bawat pinggan. Kung hindi niya ito tutuparin, ipatatapon siya sa
mga islang nawawala.
“Ano yan?” dismayadong tanong ng taumbayan nang makita ang
nakahanda sa hapagkainan.
“Kanin,” sabi ni Pangulong Paquito. “Sa bawat pinggan, tulad ng
ipinangako ko.” Sa bawat pinggan na nakahanda, may tigtatlong butil
ng kanin.
“Kulang pa sa isang subo ito,” sabi ng mga bata. “Paano kami mag-
aaral sa paaralan kung iyan lang ang kakainin namin araw-araw?”
“Paano kami magtatrabaho sa palayan kung kumakalam ang
sikmura?” tanong ng mga magsasaka.
“Paano kami papalaot para mangisda kung wala kaming lakas mag-
sagwan?” tanong ng mga mangingisda.
“Puro kayo reklamo,” sambit ni Pangulong Paquito. “Tinupad ko
ang pangako ko. Heto ang kanin sa bawat pinggan, nakikita ninyo.”
“Hindi mapapawi ng katiting na kanin na iyan ang gutom namin,”
sabi ng mga babae ng bayan.
“Wala akong ipinangakong ganoon,” sabi ni Pangulong Paquito.
“Hindi ko ipinangakong mawawala ang gutom sa Pilipinas. Ang sabi
ko ay kanin, at heto ang kanin. Kung ayaw ninyo nito, huwag ninyong
kainin. Basta ako, iisa ang salita. Tumutupad sa pangako. Hindi

25
ninyo ako maipapatapon sa nawawalang mga isla ni mapatalsik sa
pagkapangulo. Ako pa rin ang pangulo ng bayan ko. Ngayon, ako’y
uuwi na para maghapunan. Magandang gabi sa inyong lahat,” sabi ni
Pangulong Paquito at nilisan niya ang lugar na iyon.
* * *
Dumating ang panahon ng taggutom sa bayang Pilipinas. Sapat ang
pagkain ni Pangulong Paquito sa kanyang tirahan, habang sa labas nito,
ramdam ng lupa ang kolektibong atungal ng sikmura ng taumbayan.
Umiiyak sa gutom ang mga sanggol at maliliit na bata. Sa palayan
at karagatan, lumalagok ng hangin at tubig ang mga magsasaka’t
mangingisda para lang magkalaman ang tiyan. Ang kababaihan ay
humabi ng mga kuwento’t kanta, para mabaling sa iba ang atensiyon
at hindi maisip ang pagkalam ng sikmura. At araw-araw, nakahanda
sa hapag-kainan ng mga mamamayan ang palatandaan ng pagtupad
ni Pangulong Paquito sa kanyang pangako: tigtatlong butil ng kanin sa
bawat pinggan. Tila insulto sa mga gutom na mamamayan.
Dahil walang makain, tanging usap-usapan ang hapunan ng mga
Pilipino.
“Kailangan matanggal sa pagkapangulo si Paquito,” wika ng mga
lalaki ng bayan.
“Paano pa?” tanong ng matatanda. “Tinupad niya ang kanyang mga
pangako. Wala siyang batas na nilabag. Mahalagang sumunod tayo sa
sarili nating batas. Hindi tayo mga barbaro tulad ng mga nabubuhay sa
nawawalang mga isla.”
“Tayo’y minamangmang,” malungkot na wika ng kababaihan.
“Inuunggoy ng sarili nating kababayan.”
“Kausapin natin nang maayos ang Pangulo,” mungkahi ng mga
bata. “Hindi ba ang sabi ni Pangulong Paquito, pakikinggan niya
ang sinumang lumapit sa kanya? Magpunta tayo sa kanyang bahay.
Kausapin natin ang ating kababayan.”
Nagtungo ang ilang mamamayan sa bahay ni Pangulong Paquito

26
M IXKAELA V ILLALON

upang kausapin siya. Nang makarating doon, nagulat sila sa nakita.


“Ano iyan?” dismayadong tanong ng mga tao, namamanghang
nakatingin sa bahay ni Paquito.
“Pader,” natutuwang sagot ni Paquito mula sa balkonahe ng
kanyang bahay. “Napakataas na mga pader, mga dalawampung dipa
ang taas, nakapalibot sa buong pamamahay ko. Sinabuyan pa ng langis
ng niyog para imposibleng akyatin.”
“Pangulong Paquito,” sigaw ng mga tao sa baba ng kanyang bahay.
“Kailangan mo kaming pakinggan. Nais lang naming makipag-usap.”
Tinakpan ni Pangulong Paquito ang kanyang mga tenga. “Mali
kayo, mga kababayan. Hindi ko kayo kailangang pakinggan. Umalis
na kayo riyan dahil maingay kayo, at ayoko ng ingay. “
“Ngunit, Pangulong Paquito,” sigaw ng mga mamamayan.
“Nangako kang pakikinggan mo kami!”
“Ipinangako kong pakikinggan ko ang sinumang tumapak sa loob
ng pamamahay ko,” paalala ni Paquito. “Tutuparin ko ang pangakong
iyon. Pero ito ay kung may makatatapak sa loob ng bahay ko. Kaya
ako nagtayo ng matataas na pader sa paligid ng aking bahay. Ako’y
pangulo na iisa ang salita. Ngayon, umalis na kayong lahat. Imposibleng
maakyat ninyo ang aking mga bakod. Sinasayang ninyo lang ang oras
ko,” sabi ni Pangulong Paquito bago pumasok ng kanyang bahay. At
kahit na ano pang sigaw ng taumbayan ay hindi makatagos sa matataas
at makakapal na pader na nakapaligid sa bahay ni Paquito.
Kumalat sa buong Pilipinas ang balita ng ginawang pagtaboy ni
Pangulong Paquito sa mga naghangad makapasok sa bahay niya. Ito
ang usap-usapan sa Palengke ng bayan. Itong huling ginawa ni Paquito,
kasama ng pagtupad niya sa dalawang naunang pangako, ay itinuring
hindi katanggap-tanggap ng mga tao sa bayang Pilipinas. Mainit ang
talakayan. Sa unang pagkakataon, ang ingay sa Palengke ay walang
kinalaman sa kalakalan. Pagkagat ng hapon, kumonti ang mga tao sa
Palengke. Lumipat ang lahat sa labas ng bahay ni Paquito.

27
“Bakit kayo nandiyan?” sigaw ni Paquito mula sa kanyang
balkonahe. Ang kanyang balkonahe ay katulad ng entabladong itinayo
niya noong siya’y nangangampanyang maging pangulo. Mula sa
kanyang kinatatayuan, nakikita niya ang dami at lawak ng tao sa labas
ng kanyang mga pader. At ang boses niya ay sumasanib sa hangin,
tinatangay ng bugso para marinig ng mga tao sa baba. “Wala ba kayong
mga trabaho?”
“Nais ka naming kausapin, Pangulo,” sagot ng mga binata sa labas
ng pader ng bahay ni Paquito. “Bumaba ka nang marinig mo ang aming
boses.”
“Ayaw kong bumaba,” sagot ni Paquito. “Natatakot ako. Napakarami
ninyo at iisa lang ako. Sasaktan ninyo ako.”
“Walang dapat ikatakot ang taong walang sala, Pangulong Paquito,”
sabi ng matatanda ng bayan. “Kung naniniwala ka sa iyong puso na
wala kang ginawang mali, bababa ka sa iyong bahay at makikipagkita sa
amin. Kami ay iyong mga kababayan. Nais ka lang namin kausapin.”
Ngunit nakaramdam ng matinding takot si Paquito sapagkat alam
niyang gumawa siya ng mali sa kanyang mga kapuwa. “Hindi ako
bababa,” sagot niya sa mga kababayan niya sa labas ng kanyang bahay.
“Wala akong sala. Tinupad ko ang mga pangako ko. Wala akong nilabag
na batas. Ako ay pangulo na iisa ang salita. Hindi ninyo mababawi sa
akin ito. Hindi ninyo ako maipapatapon sa nawawalang mga isla.”
Malakas ang boses ni Paquito. Sumanib ito sa hangin. Ipinaabot
ng bugso sa pinakamalalayong sulok ng bayan. Hindi lamang ang
tao ang nakarinig, kundi pati ang mga puno at bato. Si Paquito ang
bulong-bulungan ng batis, ang lawiswis ng damo. Umabot hanggang
sa pandinig ng pilyong mga diyos at diyosa ng bayan ang pinagsasabi
ni Paquito.
“Mapagbiro ang isang ito,” wika ng mga engkanto at lamang-lupa,
silang mga hindi nakikita at nagtatago sa likod ng mga anino. “Mahusay
magpaikot ng salita.”

28
M IXKAELA V ILLALON

“Mapagbiro rin naman tayo,” wika ng mga diyos at diyosa ng bayan.


“Narinig natin ang mga salita ng Pangulo ng mga tao ng bayan natin.
Narinig nating manggaling sa sarili niyang bibig ang kanyang sumpa.
Halika, biruin natin ang Pangulong ito,” hagikgik nila.
Balikan natin si Pangulong Paquito, nakatayo sa balkonahe ng
bahay niyang pinalilibutan ng matataas na pader. Nakapalibot naman
sa kanyang pader ang mga taumbayan, kinakalampag ang bakod ni
Paquito, nananawagang bumaba ang pangulo at makipag-usap sa
kanila. Sa puntong iyon, naisipan ng mga diyos at diyosa ng bayan na
biruin ang pangulo gamit ang sarili niyang pangako.
Hiniwa ng kidlat ang kalangitan ng bayang Pilipinas. Hinataw
nito ng malakas ang mga pader na nakapalibot sa bahay ni Pangulong
Paquito. Bumagsak ang mga pader, naging abo at buhangin ang
semento. Tinangay ito ng hangin sa malalayong dalampasigan.
Sumugod paloob ng bahay ni Paquito ang mga taumbayan. Sa takot
niya, nagtago sa isang sulok si Paquito. Hindi niya makuhang tumingin
sa mga mata ng mga taong niloko niya. Nahihiya siyang makaharap
ang kanyang mga kababayan. Sa kanyang kahihiyan, nangitim ang
ang balat at mukha ni Paquito. Tinakpan ng kanyang mga kamay
ang kanyang mukha, ngunit umuurong ang tubo ng mga daliri niya.
Nararamdaman ni Paquito na lumiliit siya, dumadapa sa lupa. Hindi
siya makagalaw maliban sa paggapang sa kanyang tiyan.
“Ano iyan?” nagtatakang tanong ng mga Pilipino nang makita ang
nangyari sa kanilang pangulo.
“Ako ito,” sagot ni Paquito. “Ako ang pangulo ninyo. Iisa ang aking
salita. Tinupad ko ang aking mga pangako.”
“Nilinlang mo kami, Paquito,” wika ng matatanda ng bayan. “Dahil
doon, ipapatapon ka namin sa mga nawawalang isla. Hindi ka na
maaaring bumalik sa mga lupaing ito magpakailanman.”
Itinapon ng mga tao si Paquito sa dagat. Lumangoy si Paquito
patungo sa mga nawawalang isla. Doon, ikinuwento niya sa mga

29
taong hindi marunong tumupad ng pangako ang nangyari sa kanya.
“Maniwala kayo sa akin, mga kababayan,” sabi ni Paquito. “Ako ay
pangulo pa rin ng bayan nating Pilipinas. Tinupad ko ang aking mga
pangako. Wala akong nilabag na batas.”
“Naniniwala kami sa iyong kuwento, Pangulong Paquito,” sabi ng
matatanda ng mga nawawalang isla. “Kaya nga hindi ka maaaring
manatili sa aming mga isla. Ang mga ito ay para lamang sa mga hindi
tumutupad ng pangako. Tinupad mo ang mga pangako mo. Hindi ka
maaaring manirahan dito.” Itinaboy nila si Paquito sa dagat.
“Hindi ito makatarungan!” hiyaw ni Paquito. Hanggang dagat
at dalampasigan lamang siya maaaring pumunta dahil itinaboy siya
ng kanyang mga mamamayan. “Tinupad ko ang lahat ng aking mga
pangako. Wala akong nilabag na batas. Ako pa rin ang pangulo ng
bayang ito.” Itinaas niya sa langit ang kanyang mga kamay na walang
daliri at sumigaw. “Gusto ninyo ng pangako? Heto ang pangako ko.
Ipinapangako ko, aking mga kababayan, na magbabalik ako balang-
araw. Babalik ako at babawiin ko ang kinuha ninyo mula sa akin. Ako
ang pangulo ng bayang ito. Tinutupad ko ang pangako ko. Iisa ang
aking salita. “
Sumanib sa hangin ang boses ni Paquito. Tinangay ng bugso ang
kanyang mga salita.
* * *
Narinig ng mga tao ang huling sumpa ni Paquito. Narinig nila ang
pangako niyang pagbabalik.
“Hindi maaaring bumalik sa mga lupaing ito si Paquito,” wika ng
matatanda ng bayan. “Manloloko siya ng kapuwa. Kapag nakita ninyo
siya, kailangan siyang hulihin agad. Babasagin natin ang kanyang
mga buto. Kakainin natin ang kanyang laman. Ito ang kanyang
kaparusahan.”
Ibinigay sa mga bata ng bayan ang tungkulin na libutin ang mga
tabing-dagat araw-araw. Ito ang desisyon ng matatanda dahil magaan

30
M IXKAELA V ILLALON

pa ang mga responsabilidad ng mga bata. Pagkatapos ng pag-aaral sa


eskuwela, kailangan magtungo ang mga bata sa mga dalampasigan.
Doon, maaari silang maglaro. Habang naglalaro, binabantayan din
nila ang dagat. Kapag nakita nila si Paquito, inatasan ang mga bata na
hulihin siya at ipagbigay-alam sa mga nakatatanda ng bayan. Tulong-
tulong ang mga tao upang siguraduhing hindi maulit ang ginawang
panloloko ni Paquito.
Araw-araw nagtutungo ang mga bata ng bayang Pilipinas sa mga
dalampasigan. Doon sila naglalaro. Doon sila kumakanta. Sumasanib
sa hangin ang boses ng mga bata. Tinatangay ng bugso para marinig ng
lahat:

Tong, tong, tong, tong


Paquito-quitong alimango
sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap mahuli
Sapagkat nangangagat.

31
Mario Ignacio Miclat

Ay! Kablentong

I
pinanganak ako sa dagat noong mag-umpisang umihip ang
amihan. Nakita kong nagtatalunan ang malalaking isda.
“Pating!” sigaw ko mula sa kubyerta ng barko. Akala ko, basta
malaking isda, puwede nang tawaging pating.
“Hindi ‘yun pating.” Kinorek ako ni Mama. “Butanding ang tawag
d’un sa mga higanteng isdang ‘yon.”
Nahilo si Mama sa katitingin sa along nilalabasan ng sari-saring
isda. Ito ang pinakamahaba niyang pagbibiyahe mula sa bayan niyang
Marikina. Pumasok siya sa cabin. Lumakad ako patungong gilid ng
kubyerta para mas makita ko nang malapitan ang mga butanding.
Malakas ang hangin sa gilid ng barko. Hinihipan akong pataas. Pilit kong
inabót ang nakalundong kadena. Ang sarap ng feeling nang lumutang
ang aking paa. Para akong nasa sinapupunan muli ni Mama.
Hinablot ako ng kapitan ng barko, sabay sigaw. “Gardemit! Children
must always be accompanied by adults.”
May mga hanggahan na di dapat puntahán. Ayan tuloy, na-hostage
ako ni Kamlon.
32
M ARIO I GNACIO M ICLAT

* * *
Dumaong ang barko sa pantalan ng Ozamiz City. Pagbaba, naupo
ako sa talaksan ng mga maleta. Gutom na gutom ako. Ang tagal
dumating ni Papa.
“Alam naman ng Papa mo na itong araw na ito ang datíng natin,
di ba?” Tanong ni Mama kay Kuya. “Akala ko umarkila na siya ng
carromata. Late pa nga ng isang oras ang datíng ng sinakyan nating
MV Perla. Pero hindi naman nagpa-almorzar.”
Interna si Mama sa San Juan de Dios sa Intramuros noong peace time.
Kahit Ingles na ang medium of instruction nila doon, madreng Kastila
pa rin ang karamihan sa kanilang maestra. Nasanay siyang tukuying
almusal ang pananghalian. Registered nurse and midwife siya ngayon.
Ayaw niya akong pasusuhin sa harap ng maraming tao. Binigyan niya
ng beinte sentimos si Kuya para bumili ng makakain. Kahit prutas daw.
Naramdaman kong tinubuan ako ng ngipin.
Dalawang buwig ng saging ang akay ni Kuya pagbalik. Paindak-
indak pa sila sa saliw ng You are my Sunshine. Iyon ang kantang paulit-
ulit na pinatutugtog sa barko.
Nagbow sa harap ko ang dalawang buwig. Si Kuya, itinuro ang
butó sa kanyang siko, pumalakpak ng isang beses, itinuro ang kanyang
hintuturo, sabay sabi. “Buto, pak, one!”
Iyon ang una kong natutuhan sa Mindanao. Mura ang saging, may
dagdag pang butong pakwan.
Dumating si Papa, sakay ng van. Ngayon ko lang siya nakita. Pero
alam kong siya na nga si Papa dahil hinalikan siya at niyakap ng
lumuluhang si Mama. Naluha rin ako sa gutom. Pero lumuha nang mas
malakas si Mama nang mapansin ang tatak na nakasulat sa tagiliran
ng van: Smoke TYCOON Cigarettes. Sumunod sa MV Perla, iyon ang
pangalawa kong natutunang basahin.

33
Tumawag si Papa ng kargador na magsasakay ng mga maleta namin
sa van. Tinawid ng van ang Iligan Bay papuntang Tubod, Lanao. Isang
butanding ang nakipaghabulan sa amin. Sa lakas ng alon na nalikha
niyon, muntik nang tumaob ang van. Ayaw ni Papa magpatalo. Baka
daw maging palamuting spot na lamang kami sa balat ni Butanding.
Pinalipad niya ang sasakyan. Lumipad din si Butanding. Nang
mapatapat ang dambuhalang isda sa bintana ng van, nag-eyeball to
eyeball kami. Nahati ito sa dalawa at pumasok sa aking mga mata.
Walang nakapansin na nakapasok sa katawan ko si Butanding. Lalo
akong náluhâ.
“Gutom ka pa?” tanong ni Kuya. “Iyak ka nang iyak, e.”
Inabot niya sa akin ang isang buwig ng saging. Kumain ako nang
kumain. Nag-indakan sila sa loob ng tiyan ko. Lumusog ako. Or to
be apolitically correct, tumaba ako bigla. Para na akong butanding sa
taba.
Nakarating din kami sa bahay. Malapit sa plaza, tabi ng kumbento.
Malaki pala ang itinayong bahay ni Papa sa gitna ng kabayanan. Hindi
raw sa gusto niyang málapít sa simbahan. Hindi nga niya kinakausap
ang paring kapitbahay, e. Ang sabi lang niya, nagmamalaki, “Location,
location, location.”
Nang maiakyat na sa bahay ang mga maleta, doon lang ako napansin
ni Papa. Aniya, “So this is our newborn baby!”
Pinisil niya ang ilong kong hindi kasintangos ng sa kanya. Hudyo
kasi ang kanyang lolo. “Bakit ang taba-taba mo, hijo? Para kang
butanding.”
* * *
Anak ng may-ari ng pabrika ng softdrinks sa Zambales si Papa. Fresa
Zambaleña (Strawberries of Zambales) ang pangalan ng softdrinks
nila bago magkagiyera. Sila nga daw ang kauna-unahang nagkaroon
ng Model-T Ford sa probinsiya. Mayaman si Papa! Pero naglayas siya

34
M ARIO I GNACIO M ICLAT

nang muling mag-asawa si Lolo pagkamatay ni Lola. Ang dati nilang


mayordoma ang magiging madrasta niya. For him, that was not a good
idea. Para kay Lolo naman, sino na ang makakatulong niya sa pag-
aasikaso ng pabrika?
Puna ni Papa, “Kung katulong pala ang gusto n’yo, ba’t di na lang
n’yo siya i-demote. Tipid pa.”
“Simberguwensa!” sabi ng madrasta na dating mayordoma. “Kahit
na upos ng sigarilyo, wala kang mamamana.”
Nag-stowaway si Papa sa barko papuntang Amerika. Natuto siyang
magtanim ng pinya sa Hawaii, mag-ani ng strawberry sa LA, magdelata
ng salmon sa Alaska, mag-asawa ng Amerikana, magbalik-Philippines
nang mapagod na siya. Labinlimang taóng singkad na siya sa Amerika
nang mabalitaan niyang sasakupin ng Hapon ang Filipinas. Katwiran
niya, gusto niyang makaranas ng labanán. Pero ang talagang gustong
gusto niya, kahit diyahe niyang aminin, ay ang muling matikman ang
Fresa Zambaleña. Walang binatbat ang strawberry sa Los Angeles,
California.
“I shall return,” pangako ni Papa sa asawa niyang Amerikana. Iyon
e dahil sa hindi pa niya nakikilala si Mama.
* * *
Pagdating sa Filipinas, namimiss man ang Fresa, di maatim ng
amor propio ni Papa na bumalik sa Zambales. Tumuloy siya sa Gumaca,
nakitira sa bahay ng naging matalik niyang kaibigan sa Amerika. E sa
bahay ding iyon nangangasera si Mama. Pagkapasá kasi niya sa nursing
board, sa puericulture center sa lalawigan ng Tayabas siya idinestino ng
gobyerno.
Isa sa masusugid na manliligaw ni Mama ang mayor. Sa katunayan
nga, magkakaanak na sila. (Ang bilis ni Mayor!) Papaano kung totoo
ang tsismis na darating na ang mga Hapon? Papaano kung ayaw pa ring
pumayag ng mga magulang ni Mayor na si Mama ang mamanugangin

35
nila.
Pagkakitang pagkakita ni Papa kay Mama, napako na ang mata niya
sa kariktan niya’t ganda. Ilang beses na siyang nanghiram ng martilyo
para bunutin ang pako pero wala ring nangyari. Napamahal siya talaga.
Nakalimutan na niya ang asawang Amerikana.
Kinausap ni Papa ang pari para ikasal sila nang lihim ni Mama.
Pumayag ang pari. Gaya ng kinagawian, ipinaskil niya sa harap ng
simbahan ang listahan ng mga ikakasal.
Naglalaba si Mama sa tabing ilog, tinutulungan ng nobyong si Papa,
nang lumusob ang mga kapitbahay nila, mga kaibigan, kasamahan sa
puericulture center, pasyente, tindera sa palengke, at kung sino-sino
pa. Nabasa nila ang paskil sa simbahan tungkol sa lihim na kasal.
Kinongratuleyt nila sina Mama at Papa. Pero blowout ang talagang
hinihingi nila.
“Ay! Kablentong.” sabi ni Mama. Papaano/Magkano kung
pakakainin ang buong baryo? Mauubos ang lahat ng dolyares ni Papa.
Pakana siguro iyon ni Mayor para mabangkarote si Papa.
Tampong-tampo si Papa sa pari. Ayaw na niya itong kausapin uli.
Si Tikbalang na lang ang kinasundo niya. Humawak siya sa buhok ni
Tikbalang. Bumakay sa likod niya si Mama. Lumundag ang halimaw.
Hinabol sila ni Mayor, nagmamakaawa.
“Ibalik mo ang anak natin!” Sigaw niya kay Mama.
Nakalambitin sa buhok ni Tikbalang sina Papa. Sa isang iglap, nasa
Quiapo na sila. Nagpakasal sina Papa at Mama sa harap ng Itim na
Nazareno habang binobomba ng mga Hapon ang Clark, Subic, John
Hay, at Pearl Harbor.
Siningil si Papa ni Tikbalang sa presyong doble ng gagastahin niya
sana kung nagpahanda na lang siya sa buong Gumaca. Doble bangkarote,
walang nagawa si Papa kundi isama si Mama pabalik sa Zambales.
Habang bumababa sa kalesa, nadulas si Mama. Dinugo siya. Itinakbo

36
M ARIO I GNACIO M ICLAT

siya ni Papa sa sana’y dating bahay nila. Noon lang niya napansin na
bakante na ang lote nila. At ang pabrika ng Fresa Zambaleña? Upos na
lamang ang natira. Nakunan si Mama sa labí ng dating pabrika. Walang
nagawa ang dalawa kundi ang lumuha.
Ipinasiya ni Mama at ni Papa na bumalik sa Maynila. Tumuloy sila
kina Mama sa Marikina. Nagmano si Papa sa Tatay ni Mama nang
ipakilala siya dito.
“Ganyan ba talaga ang mga Ilokano, nagmamano kahit kanino?”
Tanong ng Lolo.
“Taga-Zambales po ako.” Sabi ni Papa.
“Ilokano?”
“Hindi po. Zambal po.”
“Oo nga, Ilokano. Ganyan ba kayo, nagmamano kahit kanino?”
“Di po kayo kahit sino. Biyenan ko po kayo.”
Ay! Kablentong. Halos mahimatay si Lolo.
Sa Marikina ipinanganak si Kuya. Liberation na. At least, kumpiyansa
ako ngayon na buong-buo kong kapatid kay Papa si Kuya. Singkit ang
mata niya.
* * *
May pangalawa akong natutuhan sa Mindanao. Magiging
immigrants kami dito. Graduate ng BSE sa UP ang kuya ni Mama, BSE
Ed. naman ang asawa. Ipinasiya nilang mag-pioneer sa Mindanao at
magtayo dito ng eskuwelahan. Sa primary lang sana sila mag-uumpisa,
pero itinuloy na nila nang buong elementary. Marami kasing gustong
magpaenrol. Di nagtagal, umabot na rin sila hanggang high school. Mga
pioneer na taga-Visayas at Luzon ang nag-apply na maging teacher.
Pioneers’ Institute ang ipinangalan nila sa eskuwelahan. Pioneer
kasi ang pangalan ng kuya ni Mama.
Nang lumaon, niyaya ni Uncle Pioneer sina Mama at Papa na
pumarito na rin sa Mindanao mula sa Marikina. Makakatulong si

37
Mama sa larangang medikal. Pagdating nga namin dito, si Mama na
ang nagpatakbo ng Health Center. Wala pa kasing naa-appoint na
doktor. Ang daming pasyente ni Mama. Hindi siya nagdi-discriminate.
Que Lumad. Que Muslim. Que Kristiyano. Ginamot nga niya minsan
kahit iyong manananggal na nasabuyan ng asin ang ibabang baywang.
Ginagamot din niya ang mga biktima at kahit kampon pa mismo ni
Kamlon. Ay! Kablentong.
Sa totoo lang, bago kami nag-alsa balutang lahat galing Luzon, nauna
muna si Papa sa Tubod. Bumili siya ng lupa. Utang kay Uncle Pioneer.
Nasa masukal na gubat ang lupa. Ano nga raw e, “Halos naghihirap
ang kay Febong silang/dumalaw sa loob na lubhang masukal.”
Kuwento pa ni Mama, habang ako’y nasa tiyan pa,
Malalaking kahoy ang inihahandog
Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot
… Tanang mga baging na namimilipit
Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik.1
Hinawan ni Papa ang malalaking kahoy. Iyon ang gagawin niyang
bahay namin. Minsang may pasan siyang troso patungong bayan, naka-
robe siya at may putong na koronang tinik, may nakasalubong siya.
Iyon ang may-ari ng Chua’s for Everything: Lumber & Nails Including.
Binili ni Chua ang troso niyang pasan-pasan.
“Sipak ka,” sabi ni Chua. “Kung ikaw magtatlabaho sa akyin, gawin
kitang distlibutol ng isa ko pa bisnis.”
Ngumiti lang si Papa. Ayaw niyang maging distributor ng Tycoon
Cigarettes. Ni hindi nga siya naninigarilyo e. Pero bumalik pa rin siya
kay Chua. May hila-hilang troso. Naulit pa ito. Paulit-ulit, paulit-ulit,
paulit-ulit muli.
Sa pinagbilhan niya ng mga troso, nabayaran na ni Papa ang utang
niya kay Uncle Pioneer. Ang natirang kahoy, ipinanggawa niya ng

1 Sa mga hindi nakatatanda, sipi ito sa Florante at Laura ni Balagtas, bersiyon ni Apolinario Mabini.

38
M ARIO I GNACIO M ICLAT

bahay namin. Handa na siyang tawagin kami. Dito, dito sa Tubod,


Lanao, magbubuhay Amerika ang kanyang pamilya.
Si Kuya, nang unang makita ang bahay na itinayo ni Papa,
napabulahaw ng kanta. “Dito ba? Dito ba? Diito baa? Ooh, dito ba ang
dapat kong kalagyan na ‘sang sulok kong hiram sa ilalim ng araw?”

Ang lupang hinawan ay pinatamnan ni Papa ng strawberry at


pinyang Hawaii sa mga Maranao. Sa unang anihan pa lamang, nasarapan
na ang mga Maranao sa banyagang prutas. Madalas, inuubos nila ang
kanilang suweldo sa pagbili ng strawberry at pinyang Hawaii. Sa araw-
araw na ginawa ni Allah, iyon na lang ang kinakain nila. Samantala,
kulang na ang kanilang suweldo para makabili ng iba pang pang-araw-
araw na pangangailangan.
May naisip si Gorondato Hadi, ang tradisyonal na puno ng kanilang
barangay. Di ba siya lang ang binayaran ni Papa nang ipagbili niya ang
lupa ng kanilang angkan? Bakit hindi nabayaran ang kapatid niyang si
Nawabi? Pinapunta niya ang kapatid niya kay Papa para singilin ang
kanyang parte.
“Oh, is that so?” Tanong ni Papa, nagkakamot ng ulo. Binayaran
niya si Nawabi. Dali-dali namang bumili ang huli ng paborito niyang
strawberry at pinyang Hawaii.
Kanta niya: “Today while the blossom still clings to the vine, I’ll taste
your strawberry and drink pinya wine.”
Pinakain ni Nawabi ang buong barangay. Blowout daw. Nakita ni
Potri ang biglang pagyaman ng nakatatandang kapatid na lalaki. Siya
man daw, kahit babae, ay kapatid din ni Gorondato Hadi.
Sinabunutan ni Papa ang sarili, saka binayaran din si Potri. Muli,
nagsaya ang buong barangay sa libreng sariwang strawberry at pinyang
Hawaii, blowout ni Potri. Nanonood lamang si Kamlon, ang kapatid
nila sa labas. Puwede sanang maging pormal na asawa ng kanilang

39
ama ang ina ni Kamlon kung pumayag lang magpaconvert. E ayaw.
“Waitaminit,” sabi ni Papa kay Potri. “Kung magpapabayad kayo
nang magpapabayad, e di wala na akong ibabayad. Malulugi ang
taniman, wala na kayong makakaing strawberry at pinyang Hawaii.”
Nalungkot ang angkan ni Gorondato Hadi. Ang sabi ni Papa,
“Let’s have a deal. Magtanim na muna kayo nang magtanim para sa
akin. Kapag kumita tayo, magbibigay ako ng pera sa itatayo ninyong
kooperatiba.”
At nagsipág nga ang angkan ni Gorondato Hadi. Nagkaroon ng
masaganang ani. Di naglaon, nag-umpisa nang magsawà ang mga
Maranao sa kákakain ng sariwang strawberry at pinyang Hawaii.
Problema ito.
“Papaano mababayaran ang di pa nababayarang mga pinsan,
mga pamangkin, mga biyenan, at mga manugang namin?” tanong ni
Gorondato Hadi. Nanonood lamang si Kamlon. Hindi siya nababanggit
sa lahat ng mga dapat bayaran.
“Unfair ito,” bulong ni Kamlon sa sarili, pinapilandit sa pagitan ng
mga ngipin ang lura na pinapula ng nganga.
Sabi ni Papa kina Gorondato Hadi, “Bakit hindi natin idelata ang
pinyang Hawaii at gumawa tayo ng strawberry jam?”
Bida na naman si Papa. May bias ‘ata ang pagkukuwento niya kay
Mama ng background na mga pangyayari bago kami dumating sa
Tubod, a.
Anyway, nagtayo si Papa ng pabrika ng delatang pineapple at
strawberry jam. Inexpand niya ito kalaunan at nagdelata na rin ng
salmon mula sa Iligan Bay. Nababalitaan niya kasi si Pilimon.
Si Pilimon! Si Pilimon, namancing sa caragatan.
Nacacuha, nacacuha, ng ysdang walang batasan.
Guibaluguia, guibaluguia, sa mercadong guba.

40
M ARIO I GNACIO M ICLAT

Paliton duha cinco, culang pang ipanuba!2


Hindi ba daw mas mabuting magtrabaho si Pilimon sa pabrika ng
salmon kesa mamansing mag-isa? Maraming tulad ni Pilimon.
Nagpalakpakan ang lahat, nag-awitan, “May bukas din ang umaga…”
Inis na inis si Kamlon kapag may nakikitang mga taong
nagkakatuwaan. Gusto niya, ilag sa kanya ang tao. Ipinasiya niyang
maging kilabot na tulisan.
Tumayo si Kamlon sa harap ng mga nagkakatuwaan. Nahinto ang
tawanan. Nagsalita siya. “Noon pang unang panahon, sa atin na ang
lupaing ito! Sa atin na ang dagat sa malapit! Pawis at dugo ang ibinuwis
dito ng ating mga ninuno!”
“Hindi totoo iyan!” Sabi ng kababata niyang si Sadik. “Madawag
dati ang lupang ito. Pinababayaan lamang natin. Hinawan ni…”
Bang! Binaril ni Kamlon si Sadik sa ulo. Tumili ang mga babae.
Nagtiim-bagang ang karamihan sa mga lalaki. Ang ilan ay nanatiling
nakayuko.
Umanib sa pangkat ni Kamlon ang nangakayuko. Tinawag niya
ang kanyang pangkat sa kakila-kilabot na pangalang Petak Tundok
(Pangkat Yuko).
Sumigaw si Kamlon, taas ang kamao: “Ipaglaban ang ating ancestral
domain!”
“Ano iyon?” Bulong ni Potri kay Nawabi.
Si Papa, ayaw masangkot sa gulo. Pumayag siya sa idea ni Chua na
huwag na munang asikasuhin ang pabrika ng delata at ang taniman
ng strawberry at pinyang Hawaii. Saka na lang daw. Sa madaling sabi,
naging distributor din si Papa ng Tycoon Cigarettes. Kaya pala siya
náhulí sa pagsundo sa amin, kinailangan niya munang kunin kay Chua
ang van. Naiyak si Mama dahil hindi niya inaasahan na ganito ang
sitwasyon naming daratnan.

2 Lumang bersiyon ng popular na folk song.

41
* * *
Masaya naman ang naging buhay namin sa Tubod. Distributor nga
si Papa ng Tycoon Cigarettes, nurse naman sa health center si Mama.
Isang dapithapong tumalilis ako ng bahay at nagpuntang mag-isa sa
plaza, narinig ko ang tsismis.
“Maganda'ng partnersip ng mag-asawang iyan. Pag natisiko ka sa
Tycoon, dun sa narses ka magpainíksiyun,” sabi ng nagkokomentaryong
Maranao, sabay tapon sa akin ng mga balat ng binusang mani. Hindi
na ako umangal. Buti na itong mapagkamalang bariles na basurahan
kaysa mabisto nilang ako ang anak ng kanilang pinag-uusapan.
May isa pa akong natutuhan sa Mindanao. Madaling sabihing
“our Muslim brothers,” mahirap unawain pag natatapunan ka na ng
pinagkainan. Buti na lang nakaalis ako nang hindi nila napapansin.
Madilim na. Tumawid ako ng daan. Sarado na ang botika nina Cuneta.
Naglakad ako sa direksiyon nina Quibranza. Nasa harap ako ng bahay
ng mga Ignacio nang may nasalubong akong dalawang mamang
nakayuko. Bigla akong sinukluban ng sako.
Ay! Kablentong. Kinidnap nila ako. Dinala ako sa taniman ng
strawberry at pinyang Hawaii. Ito na pala ngayon ang kuta ni Kamlon.
Sabi na nga ba ni Papa, may mga lugar na hindi dapat pinupuntahan.
Sa pakikinig ko ng tsismis sa plaza, na-Petak Tundok ako.
Sigaw ng kidnapper, “Gapos ka diyan, hangga’t hindi nagbabayad
ang Papa mo!”
Sa gitna ng taniman, isang alaala ng dating gubat ang iniwan ni
Papa: ang punong higerang daho’y kulay pupas; dito ako ginapos na
kahabag-habag, isang pinag-usig ng masamang palad.
Naiwang mag-isa, naaawa sa sarili, naalala ko sina Papa, Mama at
Kuya. Napahiyaw ako:
Sa loob at labas, ng bayan kong sawi
kaliluha’y siyang nangyayaring hari,

42
M ARIO I GNACIO M ICLAT

kagalinga’t bait ay nalulugami


ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
Mandi’y walang nakarinig sa akin. May nakapansin na kaya na
nawawala ako? Papaano kung magdatingan dito ang mga h’yena’t
tigre, mga s’yerpe’t basilisko? Papaano kung iakusa ako ni Balagtas ng
infringement ng kanyang intellectual property rights?
Ang abang uyamín ng dalita’t sákit
ang dalawang mata’y bukal ang kaparis.
sa luhang nanatak, at tinangis-tangis,
ganito’y damdamin ng may awang dibdib.
Sa pagpatak ng mayamang luha mula sa aking mga mata, naalala ko
si Butanding. Tinawag ko siya, “Butanding! Lumabas ka sa aking mga
mata.”
At lumabas nga si Butanding, kahit walang tumugtog na full
orchestra. Una, dalawang kalahati siya. Tapos, naging isa, kahit walang
paring nagkakasal sa isa’t isa.
“Butanding,” sabi ko, “kalagan mo ako.”
Sagot niya, “Tangê, wala akong kamay, ‘no?”
“Oo nga, ano? At hindi nakakakagat ang ngipin mo.”
“Teka, saan ba kita dapat kalagan?”
Noon ko lamang napansin. Bigla pala akong nangayayat pagkalabas
ni Butanding. Alpás na ako sa gapos! Nagsisigaw ako sa tuwa. “Yipee!
Yahoo! Igugelmo! Halika, Butanding, tumakas na tayo sa lugar na ito.”
Kung bakit ito namang si Butanding, hindi nakikipagdiwang sa
akin, hindi kumikibo, tulala. May naramdaman akong malamig na tubo
na itinutok sa tig-isa kong sintido. Dulo ng baril! Na-Petak Tundok na
naman ako. Sa pagkakataong ito, si Kamlon na ang kaharap ko.
“Hoy, binata!” singhal niya. “Saan mo dinala ang bida ng kuwentong
ito?”
“Ako po ‘yon,” sagot ko.

43
“Hangal! Nagmamaang-maangan ka pa? Saan mo dinala ang batang
bariles?”
Ano ang isasagot ko? Hindi lamang sa regular na ang lagay ng
katawan ko, binata na ako.
“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo inilalabas ang pakay ko,”
patuloy ni Kamlon. Nagtitigan kami. Matagal. Siya ang unang napagod.
Naghanap ng mauupuan. Inupuan niya si Butanding.
“Yak!” napasigaw si Kamlon sa gulat. “Ano’ng puno ‘to? Mamasa-
masa na, madulas pa.”
Sasagot na sana si Butanding. Bigla akong sumabad, “Aamin na po!
Aamin na po! Gutom na gutom na po kasi ako, kaya ako nangayayat.
Talaga po namang hindi na ako bata, e. Baby face lang dati.”
Ikinulong ako ni Kamlon sa malaking hawla. Di ko maalala
kung pinakain niya ako o hindi. Ang natatandaan ko, nakatulog ako
at nakagising, nasa loob pa rin ng hawla. Gabi pa rin, o gabi na uli.
May narinig akong tila mga ugong. Sumilip ako sa paligid ng hawla.
Naghihilik pala ang mga guwardiya. Tinawag ko si Butanding. Wala
siya.
“Diyata!” naisip ko. “Iniwan akong mag-isa.”
Umihip ang hanging amihan, ang dati kong kaibigan. Nagsumbong ako
sa kanya. Isinumbong ko si Butanding. Sagot ng amihan, “May dapat
ka pang matututunan dito sa Mindanao. Pag may problema, walang
problema kung magsasama-sama.”
“Ganyan nga po ang naiisip ko, e. Kaya gusto ko sanang narito si
Butanding. Marami siyang kaibigang isda, di po ba? Oorganisahin
niya sila. Paparito sila. Titiyempuhan namin si Kamlon at ang kanyang
barkada. Makakalaya ako!”
Sagot ng amihan, “Sa tagal ng inyong pinagsamahan, hindi kaya
iniisip mo pa lang, naiisip na ni Butanding?”
Walang ano-ano, dumating si Butanding. Nakalimutan ko, marunong

44
M ARIO I GNACIO M ICLAT

nga pala siyang lumipad. Bumaba siya mula langit. Ang kaso, sa tagal
niya sa loob ng katawan ko, nalito na siya kung sino ang dati niyang
kakilala at sino ang kakilala ko. Ako naman mismo, hindi ko sigurado
kung sino ang talaga kong kakilala at sino ang sinabat ko lamang sa
usapan ng matatanda.
“Surprise!” sigaw ni Butanding. Nagtalunan mula sa kanyang
likod ang kapitan ng MV Perla, ang may-ari ng Chua’s for Everything:
Lumber and Nails Including, ang ibabang bahagi ng manananggal, si
Pilimon at si Uncle Pioneer. Naroon din si Kuya na may kasayaw na
dalawang buwig ng saging.
Bulong ko kay Butanding, “Ba’t ang dami-dami mong isinama?”
Sagot niya, “Buti nga, hindi na pumayag ang Itim na Nazareno. Busy
daw siya.”
Maya-maya, bumaba din si Tikbalang sa himpapawid. Akala ko,
solo flight siya. Nakahawak pala sa kanyang buhok ang asawang
Amerikana ni Daddy, bakay-bakay ang pari at mayor ng Gumaca.
Patakbo akong nilapitan ng mayor ng Gumaca, sabay sabi, “Anak ko!”
“Aba, hindi po, ha?” sagot ko.
Sabi naman ng Amerikana, “Where’s your mom? I must see your mom!
She took away your Dad from me!”
“Bah, not po, huh?” sagot ko.
Sabi ni Tikbalang sa kanila, “O, naihatid ko na kayo dito. Akina ang
bayad n’yo.” Iniabot niya ang bill.
“Ba’t doble ng pinag-usapan natin?” tanong ni Mayor.
“Ang layo pala nito, e. Dapat mabawi ko ang panggasolina pabalik,”
sagot ni Tikbalang.
“Demonyo ka!” sabi ni Mayor.
“Halimaw po,” ang sagot.
Walang kaabog-abog, dumating din sina Gorondato Hadi, Nawabi,
Potri, at ang kanilang mga pinsan, mga pamangkin, mga biyenan, at

45
mga manugang.
“Mga Kasama!” sigaw ni Mayor. “Nagsasama-sama tayo dito
ngayon upang magkaisa. At nagkakaisa tayo upang magsama-sama.
Kaya nga ba sa susunod na halalan…”
Naku! Nakalimutan na yata na kaya sila tinawag ni Butanding na
pumarito ay para iligtas ako. Wala mang makaisip na pawalan ako sa
hawla.
“I beg your pardon,” sabi ni Uncle Pioneer. “Naririto tayo ngayon
bilang practicum ng mga natutunan natin sa paaralan. Mayroon ditong
sanggol…”
Napatingin si Uncle Pioneer sa loob ng hawla. “ Aba, bata…
teka muna binata na pala… At may traces din pala ng Papa niya na
mestisuhin. Ba’t ngayon ko lang napansin?”
“Uncle!” sabi ko. “Pumayat na po ako. Asan po sila Papa at
Mama?”
“Hindi na muna makakasama. Kabadong-kabado ang Mama mo.
Hayun, nagrorosaryo. Sigurado niyang makakauwi ka na. Ipagluluto
ka daw ng almusal. Nagdedeliver naman ng Tycoon cigarettes ang
iyong Papa.”
Sumalangsang si Chua, “Lapat mabawi natin lupa ke Kamlon!”
“Andito ako,” sagot ni Kamlon. Nabigla ang lahat. “Mula pa noong
panahon ng aking mga ninuno, sa akin na ang lupaing ito.”
“Sinungaling!” sabi ni Chua. “Una ako sa ‘yo lito.”
Bang! Binaril siya ni Kamlon sa ulo. Tumili ang asawang Amerikana
ni Papa. Siya lang ang babae dito, puwera na lang kung bibilangin
ang ibabang bahagi ng manananggal. Hindi naman ito puwedeng
sumigaw. Binendisyunan ng pari ng Gumaca ang Intsik. Yumuko ang
lahat. Humalakhak si Kamlon. “Kampon ko na kayong lahat!”
Itinaas ng mga datihang kampon ni Kamlon ang kanilang mga
baril.

46
M ARIO I GNACIO M ICLAT
“Taksil! Papalitan mo na kami?!” sigaw nila nang nakatingala.
Bigla, sinipa ni Tikbalang ang M16 na hawak ng dating kampon #1.
Pinulot iyon ni Mayor at hinataw si Tikbalang. Kinagat ng Amerikana
sa kamay ang Mayor, namumuwalan sa pagsasabi, “How could I return
to America, then?”
Pumutok ang baril na hawak ni Mayor. Nahagingan ang kapitan
ng MV Perla. Kumuha ng bato ang kapitan at ipinukol kay Kamlon.
Tinamaan ang dati nitong kampon #2 na may hawak na kris. Hawak-
hawak ng isang kamay ang bukol sa ulo, iwinasiwas ng isa pang kamay
ang patalim. Nang málapít kay Butanding, iniambang sasaksakin si
Butanding sa noo. Nag-split ulo si Butanding. Sa gulat, nabitawan ni
kampon #2 ang kanyang kris at tumama sa paa ni kampon #3. Nagalit
si kampon #3 at sinaksak si kampon #2. Binigyan ito ng extreme unction
ng pari ng Gumaca. Pinukpok ni kampon #4 ang pari sa ulo. “Hindi mo
ba alam, hindi Katoliko iyan?”
Nainis ang pari, bumunot ng pinya sa koronang dahon at ibinato
kahit kanino. Ang tamaan ang magalit. Kumuha rin ng pinya ang
isang buwig ng saging at nambato na rin ng kung sino. Nakibato na
rin si Kuya. Papalakpak muna siya saka ituturo ang hintuturo bago
mambato.
“Parang pakwan kung tumama!” Pagmamalaki niya. Napansin
kong mas matanda na ako kay Kuya.
Si Amerikana, dumakot ng strawberry at pinagbabato iyon kung
kani-kanino. Nagmistulang dugo ang napipisang strawberry. Patakbu-
takbo ang ibabang bahagi ng katawan ng manananggal, sa tingin
ko’y hinahanap ang Mama kong nurse. Nakipagbatuhan na rin sina
Gorondato Hadi, Nawabi, at Potri. Naghanap ng tuba si Pilimon.
Hala! Sige, batuhan sila nang batuhan ng pinya at strawberry.
Naisama na rin sa batuhan ang mga saging na nakalas sa kani-kanilang
buwig at pilíng. Dumanak ng katas ng strawberry, sabaw ng pinya,
lamukot ng saging, dugo ng mga sugatan. Nasa loob pa rin ako ng
hawla.
Ay! Kablentong. Dito na nagsimula ang gulo.
47
Andrew Albert Ty

A Letter and Other Poems


A Letter

can change the way you writhe


and sign the check you use to pray
for the previous month’s futilities
***

while reading Plato’s Timaeus, you

fall
asleep,
fall
back to the womb

where you dream of Charo


gyrating
alone on a boat
for the forever- lonely—

so easy for those like her who find performing easy; a piece of fake
for them for whom the air unstills and fills with sounds of slapping
as phantom palms come out and play along the borders of the riven
***

(the what?)
the river (oh) a river (go on) any river (yes?) can go
back and mul ti ply its elf: rivers
go into
be come
re verse:

(does waking reverse sleep?
does it?
does it?)

Your eyes open. You awake. You rise from the bed. You accept from the sun the sensation of morning:
a trace memory of loss. Light fails to fill the emptied spaces, falls flat against the books on your selves.
The silence offers no clues to the mysteries you suspect lie waiting in the gains and losses of the word.

48
A NDREW A LBERT T Y

A ‘Postrophe

i say

i have a
‘postrophe

because, you might say

i had a cat
‘astrophe

yes, you might say

my life has
taken a turn
for the verse

yes, you might say

i have contracted something


possessed it or been
possessed by it

but i should say

plurality is debatable
at least
in some contexts

though i must say

i often wish for


so many more:

not “apostrophe s's”


but apostrophes
without an apostrophe

like raindrops on paper

you might say

like the paper’s raindrops

you should say


49
April, Already April

and there’s a stray Christmas ball,


also asleep, right beside your head.
You might have forgotten
to pack it with the tiny tree
that once kept its place, standing guard
in the only free corner of the room
over there, blocking the closet door,
so I could only grab some clothes after
moving the tree a foot away from
where we placed it and then opening
the door an inch, enough for my hand
to slip through, feel its way to a towel and
a shirt and some boxers and some shorts,
my hand pivoting at the wrist to reach in
without looking. And then I move back
the tree, back to where it stood, where it was
meant to be, where it used to be, now that it’s
April, already April,
and the heat is getting to you and to me,
and I sometimes wonder how a tiny tree
could shade us from the searing gaze
of summer days. It need not hide us; for that,
this little room suffices. I ask only one thing:
permit me to return the little tree,
to allow it again to annex precious space
for no purpose but the ornamental. Let me
perform once more the repeated ritual
of moving it back and forth whenever I
feel the need to change. Holding the tree,
cradling its lightness and respecting
its need to be handled delicately, help
me rediscover the weight of its presence.
So easy to take the small for granted,
to fail to see how size can increase with
the accumulation of attachments in place.
Here, for one, a silver ball overlooked
as it fell that day we finally needed to
pack up its tree. This ball now finds its space:

asleep beside you.

50
A NDREW A LBERT T Y

Forwarding a Message

How must we pronounce you now?


Could our tongues be trained again
To learn by touch and by feel
The lost art of translation?

You: final piece fixed in place.


They don’t call this a puzzle
For nothing for nothing now
Can ever untwist our tongues

And free our lips from the freeze


That surrounds this empty house.
You’ve reached it, as we all must,
But too soon. You’ve outpaced us.

How can we catch up with fact


When our hearts and minds reveal
To our eyes—all too open,
Hoping to see, one last time—

You: stay still, so we can reach


You at the place they have named
Your last domain. Don’t worry:
We’re not here to take you back—

But only because we can’t,


Only because you won’t go.
If we learn to speak of you,
Would you hear us over there?

Would the sound carry to you,


Cleaving through air grown too still?
Could we pronounce you how we
Still hope to? Are we allowed?

From here to the farther side,


Can you hear how loud we call?

51
Super Robot Romance

If ever two were one, then surely we


were not so much wedded as welded:
for our marriage is a Giant Robot
standing tall. You and I, we truly scrape
the sky; we sweep, upon the surface of
earth we scorched, the charred remains
we made of this week’s invading hordes.

We’re sorry we nearly leveled the city,


the very city we vowed to save and
which we did save. With power,
with grace, we bowled a perfect
strike with the spiny near-spherical
battleship from Gamma Draconis VI.

We bowled it and knocked over


the buildings downtown. The people
must have been bowled over too,
knocked out of their senses by the
metallic sforzando of carnage and mayhem.

Perhaps they were swept as well by the


force of the question that blazed like the
Hyperprotonic Fist Cannon we used to
hammer against Panbrellian Deflectors:

“What is the Giant Robot?” A metaphor:


the metal for the meta-force inside us,
rising above, going beyond the two of us.

As for the threat of the alien, I know only this:


We would have doomed the world, if we had

refused to fuse, remained unrealized, unforged.

52
A NDREW A LBERT T Y

With This Closure Comes Clearance

(We are permitted


to say this aloud:)

This is the end

and with this

closure comes clearance.

(can you misread the signs?)

“Expect the unexpect-


-orated.”

“Press the reject and


give me the tape.”

“Take the plunge(r);


down the drain.”

(see and ye shall find)

in emptiness lies eloquence

in clarity is safe passage

clear the obstruction

ascertain the path

all you need is

one step beyond

followed by another

through a door opened

by a key we insist must exist

53
(if it doesn’t?)

Knock knock. Please


open
up.

54
M ARLON H ACLA

Marlon Hacla

Tatlong Tula

Sayaw Sa Unang Araw Ng Pagkaligaw

1
Sa bibig ng dalampasigan, namumulaklak ang amihan sa iyong
buhok. Kay sakit nitong matinding pagnanasang dinadampian
ng lungkot. Binitawan ng isang binibini ang kanyang kamison:
nagtangkang liparin ng isang puting multo ang buwan at pagdaka’y
bumagsak sa sarili nitong repleksiyon. Binibistay ang mga palay sa
bahay-kubo. Umuwi na ang asawang nangisda buong gabi at sa ilalim
ng palda ng kanyang minamahal nakatulog.

2
O ang tahimik na katanungan sa iyong mga mata. O ang lambak
na pinuno mo ng estatuwa. O ang kontinenteng itong inikot mo
upang gawan ng mapa. O ang ligalig ng mga araw at ang luwalhati
ng ibinasbas na tubig mula sa sapa. O ang espasyo sa ating pagitan
na naglalaho at nagbabalik nang paulit-ulit. O ang katawan mong
namatay at patuloy kong binubuhay sa gunita.

55
3
May nagbibilot ng papel sa harap ng salamin at ikinumpas ang
kamay para sa salamangka. Kumalat ang gamot mula sa botelya.
Nabanggit sa likod ng abaniko ang mga sumpa at dahan-dahang
nalalaglag ang mga gintong dahon sa pag-akyat mo sa hagdan
papunta sa kinatatayuan ng larawan ng iyong pamilya. Ito ang mukha
mong iginuhit ng balisong sa dingding. Ito ang nangitim na tanso sa
krimsong gabi. Narito ang sanga upang isulat nang isandaang beses
ang pangalan mo sa tubig. Nanginginig ang manipis at mahaba mong
damit. Sabihin mo sa akin na ang mga bagong baril ay hindi ginawa
sa sarili kong bayan. Naroroon lamang ang aking kapatid sa maliit na
bahay na hindi ko na makita. Ang tinapay ay kasing puti ng damit ng
birheng nasasakdal sa dambana. Pagkatapos, papatayin ba natin ang
bawat isa?

4
Patay ang direksiyon pakanluran. Ang paggiling, pagyanig, ang ruta
ng mga pagano sa kaligtasan. Isang henerasyon ng mga sawi. May
nag-iisang kalapating paikot-ikot sa kalabuan ng mga alon. Isang
manghuhula ang naglalahad ng mga hindi tiyak na pangyayari.
May paraisong hindi pa natin nabibisita. Kay bilis ng takbo ng tren
at iginuguhit ng ulan ang kanyang mukha sa salamin ng bintana.
Tigmak ang tanaw sa sulyap at pamamaalam. May madreng basang-
basa at naglalakad sa parang. Nakakipkip ang kontrabando sa bulsa
ng bata at kinukumbinse ang sarili na hindi niya ito ibibigay kahit
pa pagbantaan siyang papatayin ang ina niyang kasalukuyang
nananaginip tungkol sa isang lupaing hindi na nila maaaninag.
Tumayo sa araw at namnamin ang ating kabanalan. Hinahalikan ng
mga damuhan ang ating talampakan. Ang karera ng mga kabayo ay
walang katapusan. Wala itong pahintulot mula sa may-ari ng daan.

56
M ARLON H ACLA

Hindi ito makadaragdag kailanman sa pag-unawa natin sa mga


nagawa nating kamunduhan.

5
Tingnan mo ang mga baka. Pakinggan mo ang kanilang pagsamo.
Pinipilas sa ating pagmumuni-muni ang repleksiyon ng lawa. May
mga kaluskos sa tangway at tila inihalo sa mga halaman ang mga
halinghing mo sa kuwarto. Hindi maaaring sabihin ang pangalan ng
bagay na ito. Nagbabalatkayo. May labi ng isang tanglaw na hindi na
ipinasok sapagkat sinusukol na natin ang kailanman. Ano ang palugit
para sa nabubuwal? Tanong ng huklubang nangangaral. Ilang mga
karaniwang pagpapahiwatig ang kailangan upang ang huling libong
taon ay matapos na. Kahit na nabuhol na parang laso ang mga ruta.
Unti-unti mong ibigay ang iyong atensiyon. Saksihan ang dalita ng
bawat isa.

6
Sa kalye, may nagdarasal. Hindi marinig ang pagbigkas. Ano ang
tono ng salmo ng paglimot? Ano ang mga salitang isasaliw natin sa
arpeggio? Bakante ang mga tala. Matiwasay ang mga ngiti sa mga
mukha. Sa pag-aaral ng anyo ng katotohanan, nakadamit ng putik at
damo ang ating mga itsura. Ilang mata sa malayo ang nakatanaw sa
nakalipas. Ang kinalalabasan ng ating mga panalangin ay kadalasang
nababaligtad. Naglalayag papunta sa mga patay na hindi malinaw
kung saan nagpunta. Isang kaisipan ng mga anghel at ng mga tupa.
Isang disyerto kung saan kumapal ang isang puno upang bigyan
ka ng dahilan upang tulugan ang iyong paglalakad. Ang lahat ng
araw na inaawitan ng isang makinilya. Binuksan ang likod ng isang
sasakyan at hinayaang dumaloy ang mga balita. Matigil nawa ang
ating pagdurusa.

57
7
Ano ang nangyari sa pagsubok nating maging mamamayan ng ibang
mundo? Kay bigat dalahin ang musika at tula ng totoong karunungan.
May misteryo ang mga gawa-gawa nating kuwento. Tila may nais
tuldukan. Tulad ng pagsagpang ng isang halimaw. Tulad ng pag-iwan
sa katawan.

8
Sa katapusan, matututuhan natin ang lahat, kahit na ang kamatayan.
Ito ang gabi ng apoy at paghihintay. Suwagin sa pagtulog sa banig
ang ating mga bagabag. Sa paliwanag mo, ito ay tulad ng isang
sandaling pagkadulas sa kasalanan. Haplit ng pagbagsak, pag-iwan,
at pagkabalisa. Para sa mga araw na wala tayong makain kundi mga
hilaw na prutas. Ang lasa ng dugo sa ating dila. Isa ba itong paraan
upang ipahayag ang iyong presensiya? Ngayon, napipilitan tayong
pumikit dahil sa ningas. May nagpapahayag ng bagong misteryo.
Ilayo sa leeg niya ang kutsilyo. Hayaang sabihin niya ang panata.
Sabihin mong kailanman, wala nang sisila sa sinumang naririto.

9
Isang namimilog na pakpak. Mula sa tanawin, dumadating ang
mga tao pasan ang isang santo sa kanilang balikat. Sa isang
sugalan, may tumataya, gamit ang kanyang tandang, para sa isang
silid sa kalangitan. May nanghihimasok sa pagitan ng mga binti.
Namumuti na ang buhok ng iyong minamahal. Siyam na raang taon
na ang nakalilipas. Umiikot sa simbahan ang gulong ng kapalaran
at kasalukuyang ikinakasal sa iyo ang katahimikan. Samantala,
nananalanta sa ibayong lupain ang salot at digmaan.

58
M ARLON H ACLA

10
Nakatayo sa linya ang mga dayuhan. Katapusan ang ipapangalan
natin sa panahong ito. Kumuha ng maliit na sanga at silipin ang
saloobin ng mga puno. Ang uhaw na pakikipag-ugnayan sa pagitan
ng mga napapagal. Mula sa kakoponya ng mga ibon, mula sa
pagbibilang ng mga talulot, biglaan ang pagsara ng pinto. Dinagdagan
ang lilim at bumubuntunghininga ang lupa. Handa ba tayong
ipaliwanag ang lahat ng ating naiwala? Namimighati ang pag-ikot ng
isang ulupong sa katawan ng iyong asawa. Ipinapanganak ang hinala
na nagpapanggap lamang tayo sa kainipan. Kinikilabutan sa ilalantad
ng susunod na kabanata.

Sayaw Sa Ikapitong Araw Ng Pagkaligaw

1
Nagpunta ako sa gumawa ng siyudad. Pinasumpa sa pamamagitan
ng mga pinilas na testimonya tungkol sa nangyaring sakuna. Sisikapin
kong matandaan kung ano ang nasabing masama. Tungkol sa sisne
at signet. Akala ko, ako’y naririnig mo sa isang dueto. Pagsamahin
ang dalawa nating nakaraan sa kasalukuyan. Gawin natin itong lugar
ng kapanganakan ng ating kaligayahan. Tatawagin kita tulad ng
pagtawag sa pangalan ng isang naulila. Sumagot ka at awitan mo ako
nang awitan.

2
Binabago ka ng dilim tulad ng pag-iingay ng maliliit na palaka sa
tag-ulan. Higit sa ilog at luad. Tila hiyas ang iyong pangalan. Nasa
loob tayo ng isang silid, gumagawa ng liyab. Natatastas sa hangin

59
ang iyong hininga. Nag-aagaw-dilim ang iyong hugis sa bawat oras
at kay tigas pa rin ng iyong puso. Hindi ako magbibigay-daan sa iyo
upang makipagtalo sa dapat nating hilingin. Nakasabit ang babala
sa bakal na pinto. Isang tudling na abo. Huli na upang bawiin ang
mga kasinungalingan. Huli na at hindi na ito tulad ng dati. Sa bulkan,
pakiramdaman ang matatalim na pagkakahulog ng init. Iniuulat ng
aking mga mata ang kulay ng langit. Ibinibigay ko sa iyo lahat. Gawin
mo kung ano ang maaari.

3
Tiyak na ito ang daan. Minarkahan ng mga asul na numero ang
paligid. Nakakandado ang mga veranda. Minsan silang nag-away-
away, minsan silang lumago at nanagana. Ang hangin ay tapat sa
kanilang panalangin. May mga sanggol na umiiyak sa pag-ulan
ng mga bala sa mga kabahayan. Nanonood ang mga multo ng
kababaihan sa mga patlang ng bakuran. May naghihilamos gamit ang
liwanag ng buwan.

4
Mang-akit. Gayahin ang isang orkidyas. Maaari mong marinig ang
tunog ng singsing sa kasal. Ting ting. Isang libong patong tumatawid
sa daan. Isipin ang iba’t ibang uri ng pagbuwag. Tulad ng guhong
itinatapon sa dagat. Tunawin natin ang lahat sa tubig at asin. Hayaang
maging maliliit na kristal.

5
Siya ay kakaiba na sa simula. Isang bagong sukat. Isang bagay na
ginawa sa paningin. Perspektibang ganap na lampas sa isip. Ang
blangko. Ang bituin na magtuturo sa atin sa hilaga. Kahit na ang
kanyang pangalan ay nag-iwan sa kanya ng katanungan. Ngunit siya

60
M ARLON H ACLA

ay naliligo sa ilang makalupang ilaw. Isang mainam ngunit walang


kulay na ginawa ng kanyang laman. Katawang walang sangkap at
walang isip. Pagkatapos ay nasira ang lahat ng bagay. Galit na galit.
Tapos na. Sumakabilang-buhay na walang sustansiya. Tulad ng
kanyang sarili. Isang kabibe. Ito ba ang kamatayan? At ang tanong
na ito ay humihingal, humihingal, at humihingal pa. Tila kulang ang
ating nakita.

6
Para sa mga bagong agnostiko, nakadaragdag sa paghihirap ang
nakalipas na paniniwala. May isang salita para sa mga ito. Paano
iinumin ang kintab na galing sa mga bituin? Siya ay dapat magising.
Siya ay dapat ilantad at alisan ng sunod-sunod na kabiguan upang
mahanap ang kanyang sarili. Muli. May dalang durog na bato ang
mga darating. Kaya siya ay dapat na magsimulang muli. Kung siya
ay magsisimula, ilang ulit? Kamakailan lamang, ang buhay ay hindi
malinaw. Kinang ng ginto at pilak at ng mga bakal. Ang mga darating
ay may dalang apuradong pakpak. At ang mga anghel sa itaas, hindi
tayo higit sa mga ito. Ngunit higit sa milyon-milyong buwan at araw.

7
Lumulundag ang puso ko para sa mga nagbabagong-buhay na puta.
Ang inilagay mong mensahe sa lobo ay dinadala na sa mga ulap.
May nag-uusisa sa distansiya natin sa grasya. Malaki itong suliranin
tulad ng mga sayaw na ipinataw bilang parusa sa pabalang nating
pananalita. Paano natin malalaman ang ibig sabihin ng habang-
panahon kung hindi man lang natin maipaliwanag ang maghapon.
Ang sinasabi mo ay ginagaya na ng loro. Mas malakas pa ang
hagikgik natin sa halakhak ng demonyo.

61
8
Bumalik ang binata sa baryo nang nag-iisa. Nalalasing ka na ba
sa sonatang ito? Ang lahat ay kabaliwan na para sa akin, marahil,
hanggang tanggapin mo ang mga kabaliwan kong ito. Sa bubungan,
may mga kuliling sa leeg ang mga pusang nagtatalik. Sino ang
magtatahi ng mga napunit na damit? Kung hindi naaayon ang iyong
suot, hindi ka papapasukin sa langit.

9
Tulad ka ng isang alitaptap na pinakawalan sa gitna ng dagat. Puno
na ang listahan ng mga bagay na hindi na mapapakinabangan.
Pahiran mo ng asukal ang iyong katawan, humiga ka, at hintayin ang
magliligtas sa iyo sa pagkawasak. May nagpapahiwatig sa balkonahe.
Oras na upang maghanda tayo sa pagdating ng hukuman. Walang
takot sa pag-ibig. Ang sakdal na pag-ibig ay nagpapalayas ng takot.
Sapagkat ang takot ay may kaparusahan. At ang natatakot ay hindi pa
pinasasakdal sa pag-ibig.

10
Nananalamin ang himpapawid. May kinuha ang sula-sula sa
repleksiyon ng langit. Gusto ko sanang umuwi upang pakawalan ang
mga langay-langayan at kalapati. Gusto ko sanang hipuin mo ang
aking mukha habang sinasambit ang mga litanya ng pananabik. Sa iyo
na bumibilang ng aking buhok, may ahas-dagat na kumagat sa aking
paa. Kay ganda ng lahat ng iyong nilikha.

62
M ARLON H ACLA

Sayaw Sa Ikaapatnapung Araw Ng Pagkaligaw

1
Nababalot ang kanyang ulo ng mga ugat ng herba buena. Nananahan
sa kanyang dibdib ang mayang simbahan na walang masilungan.
Bakasin sa mapa ang lungsod na ipinangalan sa Golgotha. Naroon
tayo, kinakalap ang mga nalimutang salita para sa ligaya. Dilaw na
dilaw ang bulaklak ng lagikway sa plorera. Nagbago na ba ang mga
sangkap ng isang maligayang mundo? Halika, pindutin mo ang buton
ng aking mga nasa. Atake ito sa puso tulad ng pagbagsak ng isang
bomba. Kumakaway sa parke ang iyong ama upang sabihing tapos na
ang oras ng paglalaro. Itinarak ang ilaw sa kanang mata at nakita ang
hubog ng wakas. Wala na kaming ibang nais kundi ang mapalaya.

2
Nababaluktot sa pamamagitan ng hininga. Mga talulot tayo sa Abril.
Mga labing burdado ng halik. Namumulaklak ang mga halaman
para sa kuwaresma at maaga ang lambingan ng mga tinik. Pasyon ng
mga palaka. Hawak ang mga sulo, may prusisyon ang mga alitaptap.
Kakaiba ang init ng buwang ito. Gaya ng bagong putok na armas.
Haplusin mo ang biyulin at hipuin na parang sugat. Tila dadapo ang
lawin ng wakas sa iyong balikat.

3
Nakawala ang ritmo at hindi na ito masundan. Isang lumang
kuwento. Ilatag mo ang sarong at pangalanan natin ang mga
konstelasyon. Sa dulo ng hanggahan, dumadaan ang hangin sa iyong
mukha. Mahusay ang iyong pananalita. Maaari mo bang kausapin ang
Diyos? Itanong mo kung saang hardin tayo muling magsisimula.

63
4
Panoorin ang ibang bersiyon ng aking sarili sa iyo. May nagbabalik ng
asukal sa garapon. Mula sa kama, lumalabas sa bintana ang higanteng
apoy. Inilabas ko ang aking mga binti upang ipahaplos sa iyo. Ito ang
mga araw na kailangan ng isang tao na tutugis sa mga kriminal na
napapanood natin sa telebisyon. Hindi ba iniwan ka sa daang-bakal na
ito? Isang pitsel na arnibal. Kahubdan mo at kahubdan ko sa gabing
umuugong ang mga batuhan. Pumipintig ang orasan. Takluban natin
ang buwan. May mga ibong naliligaw at nakikinig sa bakuran.

5
Lumikha ng isang bagay at tawagin mo itong tukso. Sa silid na
ito, iisa lamang ang upuan. Wala nang mga bintana. Tanging ikaw
at ako. Ang bestida mong lampas tuhod. Ang mga kamay mong
nakaposas sa aking batok. Sa labas, nakahilera ang mga bahay at
naghihintay ng paglampas ng ipuipo. Walang bibig ang mga halaman
at sa halip na pagsigaw, mumunting pag-ugoy at pagwagayway ng
mga dahon. May lilim sa ilalim ng iyong mga mata. Ilabas ang mga
kabayo sa kuwadra. Ikinakasal ang mga tikbalang. Isulat ang mga
pangyayaring ito sa isang estola. Tila tumatakbo ang mga daliri mo
sa bisig ko. Pinapawisan ang iyong noo at sinisingil ako ng tingin ng
iyong dibdib. Sasakupin kita. Hanapin sa diksiyonaryo ang pahina ng
salitang kalupitan at saka punitin nang pinong-pino. Ideklara mong
apokripal ang pag-ibig ko. Iguguhit kita nang hubo’t hubad at saka
kukulayan ng ginto.

6
Paikot-ikot sa bilangguang kuwadrado. Isulat bilang maliliit na
patpat ang mga araw sa kuwaderno. Hanapin ang landas pabalik sa
tahanang itinakwil mo. Ang sinulid na nagpapikit sa iyong sugat.

64
M ARLON H ACLA

Ang sugat na hindi mo alam kung saan nagtatago. Lakbayin ng hipo


ang sinulid na naglabas-masok sa balat mo. May alakdang nahinto sa
iyong likod. Kumikiwal ang mga uod sa banig ng asin at humuhuni
ang pipit sa balikat ng maestro. Pagod na ang mga instrumento sa
paglalang ng mga hugis na kakatawan sa mga kalungkutan mo.

7
Ipaliwanag mo sa akin ang pag-ibig at ang dalamhati ng Diyos.
Dumadaloy ang buhangin at dumudulog sa isang gabing duguan ang
maghapon. Isang nasirang memorya ang agila sa langit. Itinitiklop ng
isang lalaki ang kanyang mga daliri at nakuyom ng kamatayan ang
tutubi. Dumadaloy mula sa bibig ng kalaguyo ang lason. Ang mga
ulap ay naghuhugis sanggol. Ito ang tinatawag na pagmamahal at
ang sugat na ito ang pagtataksil. Patay na ang mga waling-waling at
tanging mga luad na paso ang naririto. Hoo hoo hoo. Dum dum dum.
Awitin mo sa Diyos ang aking pagtatanggol.

8
Ang pagkibot ng balikat bilang senyas ng pagdating ng diktador.
Nahulog sa pulang karpet ang telepono. Tila mga ligaw na langgam
ang tumpok-tumpok na titik sa libro. Ito ay yugto sa kasaysayan kung
saan nakasubo ang isang rosas sa iyong bibig at pinapanood ang
pagdating at pagdaan sa iyong katawan ng daan-daang palaso. Unang
parentesis: sepia ang isang larawan kung saan may bitbit kang armas.
Nakayakap sa iyong dibdib ang sinturon ng bala. Para sa rebolusyon.
Ikalawang parentesis: sa unang gabi ng engkuwentro, naghihingalo ka
at nagpakita ang bisyon ng iyong minamahal na nag-iigib ng tubig sa
balon ng kasalanan.

65
9
Bakit, sa tingin mo, ka namin inaaresto? Bumitaw ang tasa sa iyong
kamay, kumalat ang tsaa sa sahig, umagos sa silong, at nagbalik sa
daigdig. Nanghihina ang mga bombilya at animo’y binabasbasan
tayo ng karbon at dilim. Heto ang silya. Ibibigay ko sa iyo ang
buong magdamag upang ibuhos ang salaysay sa makinilya. Tila mga
mumunting gusali ang mga tambak ng papel. Sunod-sunod ang
pagbagsak ng mga eroplano sa silid. Higit pa ang kailangang boltahe.
Sa maselang bahagi ng katawan, kalikutin ang pinagmumulan ng
sakit. Mahalimuyak ang mga pangako ng propeta. Eksakto ang
paglabas ng mga huling salita. Simulan ang iyong pag-amin. Siya ay
dapat nang magising. Nangangailangan ng lagda ang mga prosa ng
pagbitay sa plasa ng mga hari. Ito ang larawan niya noong siya ay
binaril. Nakahilera ang mga kabaong sa bangin. Pagpalain nawa ng
Diyos ang binubuo nating Babel.

10
Mahal na Araw. Kulog at kidlat. Ngayon, ikaw ang tubig. Bukas,
ikaw ang pagsiklab. Ibilang mo ako sa mga anghel. Hintayin mo ako
hanggang maaari. May nagpagulong ng bato sa libingan. Ibilang mo
ako sa mga nadulas sa hagdan noong kumalat sa daan ang amoy ng
pukyutan. Lumalapit kami. Wala na kaming sandalyas at damit. Ikubli
nawa ang aming mga sala ng aming mga papuri.

66
A NNE L AGAMAYO

Anne Lagamayo

inventory

ongpin

Things about this place my grandmother remembers for me: skirting


through narrow side streets at six in the morning; going in and out
of crowded corner stores to see pale pearls through frosted glass; the
heady smell of incense at the temple, red candles as thick as my foot,
perhaps even two feet combined; me, at six, clutching her wrist in one
hand and a crusty hopia in another, long gone cold.

As for me, the only vivid memory is spinning on my father's office


chair, feet barely reaching the floor. There is the squeak where chair
meets rusted hinges, the simultaneous ringing of telephones, the air
cold and metallic on my cheeks, the inventory of pipes and screws
racing past the periphery.

67
ortigas

My mother often recounts the time she was asked to see my grade
school Chinese teacher. I was eleven, she says sometimes, ten in other
versions, and eight, once, at a family gathering. Eight years old, my
mother laughs, and her teacher shows me an essay about the time the entire
family went to Qinghangdao to swim at the Great Lake of China.

There are no Great Lakes, only a Wall, and sometimes I still imagine
my teacher squinting at maps of China, trying to find the city that,
once a year, hacks a child into small pieces to offer to the gods.

Stop lying, she demanded, tell me a real story.

I have a long inventory of invented places. Sometimes I drown my


teacher in the lake; at other times, the lake eats her whole. It is, after
all, home to the only living species of piranhas in Asia. The feel of
small sharp teeth slicing through her corneas, ripping tufts of her wiry
black hair—these must feel real enough, and unimaginary.

vienna

It is the only café near our hostel that is open so early in the morning.
You ask me questions while you eat: What is the man on the counter
asking the waitress? When's our call time? Are we performing at St. Peter’s
Church today? Would you split a chocolate cake with me? Why aren’t you
eating?

68
A NNE L AGAMAYO

Is Liza coming in today? 8:00. No, the day after tomorrow. That would
be hell on my throat—but oh okay. I'm not eating because when we
walked in I saw that the waitress had written Kalbfleisch (Herz, Lungen) 
on the menu board in pink and blue chalk. I would've warned you but
I was curious to see how your face would look like when your teeth
sink into the valves and tear off the chambers; if the walls would burst
into a dozen different flavors on your tongue or if the ragout would
accidentally start beating on your palate. I'm not hungry.

rome

But we're short an alto, I whisper.

It'll be okay, you whisper back, winking. We'll wing it.

You smile warmly at the gathering crowd and move to conduct the
tenors into the first opening bars of "Pater Noster." I shiver at the chill
of the piazza and close my eyes at my cue.

After the applause dies down, you walk to Eiz and tell her, groaning, I
went off key at nobis debita nostra.

She shakes her head emphatically. No, no, you were fine. You were fine.

ohio

Aku, we're told to call him, and he drives race cars for a living. In a
certain kind of lighting, at a precise angle, I see semblances of my

69
mother. My brother disagrees. Go-kart racing in the snow is not as
dangerous as it looks like. The secret of the turn is to stay close to the
corner, Aku tells me, winking. There must be moments when you step
on the brake and see your death when you spin instead of stop, I insist
later. Aku laughs, Of course, always, nearly every day. Later. Before that,
my hands frozen inside gloves on the steering wheel, the finish line
four mouthfuls of cold wind away; my brother twelve behind.

divisoria

It must have been the shoes—the low-cut lavender suede boots, gold
gladiator sandals, cyan blue studded slingbacks—that took me away
from you. What is it about this black hole of a place that takes precious
things away. When I look up the back of your head in front of me is
gone. When I turn around to try and find you, my bag disappears on
the counter.

You might find me later in the food court, shaping cities on a plate of
crust and the insides of an apple pie. I lost my slingbacks, my phone, I
say, and you. I could replace the two, but the slingbacks were below bargain
price and irreplaceable.

baguio

The last time you felt this cold, you tell me, you were in New York.
I ask you what it was like. I'd never been to the States before. You
make wild gestures with your hands, describing buildings with their

70
A NNE L AGAMAYO

frosted window panes. Sometimes, I confess, warming my hands in


your jacket pockets, I almost never want to see the actual models for
imagined replicas. You don’t mean that, you say, laughing, just wait
’til you see Paris. You should come visit—

My brother calls me from the second floor. What are you doing out there?
We're about to open presents. 

Coming! I reply, looking at the place where you were and burying my
fingers deeper in my sweater.

rome

They insist on hearing us sing at the Santa Maria Maggiore. Eiz


suggests Kyrie eleison, even though we're short an alto. You're flat, I
tell her after the applause dies down; You're a bitch, she replies.

tokyo (stopover)

Bee, above the drone of the last call for flight 5367 for Bangkok, asks,
If we never leave the airport, can I still tell my friends I've already been to
Japan?

Of course, I answer, You can tell them anything. You can invent people. You
can even say you stood at the main avenue of Ueno Park and felt the cherry
blossoms fall on your hair.

71
Won’t that be lying? he asks, a frown creasing his smooth forehead.

Yes, my mother interjects. Don’t listen to your sister, she could win awards
for lying.

We went at the end of March, I tell him later on the plane, fitting his
small hand in mine, and they lit the trees at night. You thought at first
that it was Papa who placed his hand on your head, but really it was raining
blossoms and the petals were tangled in your hair.

paris

I do not know how you hear about our two-day stopover, but you call
anyway to offer a tour. It's been five months. You must know the city
like the back of your hand. This is where we eat for breakfast, you say,
pointing to a small café. You tell me things like this, and what you
study for your Middle Ages French class, this funny soda commercial
about a boy, a cab, and the Louvre, the best place to view the Tour
Eiffel at night, what to say to an insistent bus conductor when he
comes to collect your ticket: Désolée, j'ai le coeur du veau. Tout ce que
j'entends, c'est ce battement. (I'm sorry, I have the heart of veal. All that I
hear is this beating.)

It must have been like this or else we never leave the hotel, eating
tasteless pain au chocolat at a bakery nearby, and the most I see of you
is a passing glimpse of what could be your side profile in what may or
may not be your street, what may or may not be your city.

72
J ASON T ABINAS

Jason Tabinas

Ang Hindi Inaasahan

Kumusta

Gusto mong malaman ang hindi mo tiyak

Na gustong malaman. Mabuti naman,

Gusto kong malaman mo. Hindi ko tiyak

Ang kalagayan. Hindi mo gustong pangunahan

Ang gusto kong ipaalam. Hindi ko masasabi

Na hindi mabuti kahit hindi mabuti—

Pagkaraan ng tantiyahan at mga alinlangan,


Maaari nang simulan ang mabuting usapan.

73
Kumusta

Heto, mabuti naman, sagot ko sa nagtanong

Sa umpukan. Muli, ang pagtatanong

Na tatawa-tawa kong sinagot: Heto,

Mabuti naman. Pagkaraan, may alinlangan

Sa katahimikan. Ibinalik ko ang tanong

Sa nagtanong. Heto, mabuti naman, sabi niya.

At bigla’t sabay-sabay kaming nagtawanan

Sa umpukan. Mabuti nga naman.

Ang Hindi Inaasahan

Ang pintuan ng banyo, ilang beses araw-araw mabilis

Kong binubuksan. Nang isang beses, binuksan ko

Nang bigla, ang mga mata nanlaking bigla sa pagsulyap-

Ikot-tapon-tingin sa loob. Ang mga paang naipasok bigla

Umurong palabas. Ang mundo, tila umikot-bumaliktad

Bigla. Ang pintuan sa kanan hindi na tama. Nang lumabas

Ang babae at lalaki, nagbalik ang mundo kong nawala.

74
J ASON T ABINAS

Ang Hindi Inaasahan

Pinipihitan ko ang hawakan ng pinto. Ang gaan

Ng hawakang tila nawala sa hangin. Ang pinihitan,

Umikot nang kusa. Sa isip may nawala tila bago

Bigla dito sa harap ko ang pagbukas ng pinto.

Sa ikli ng sandali, ang pagkabigla dala hanggang

Sa inaasahan. Nang tumambad, ang nagbukas bigla

Sa harap ko nabigla. Sabay urong ng mga hakbang.

Tapon-tingin

Ang salubungan ng mga tingin biglaang

Nasisimulan mula sa malayo. Ang mukha,

Paunti-unting nababalangkas. Papalapit,

Ibinababa ang tingin sa lupa. Kung kailan

Isang pitik na lang ang sandali, ang muling

Pag-angat ng mukha. Kung kailan hindi na

Maaari ang muling pagtingin, itinatapon—

Ang tingin, ang nasa, alangan, mawawari.

75
Troika

May mga matang nakatitig sa mapuputi at mahahabang binti

At bilugang puwit. May mga matang humahagod sa makinis

Na mukha at kalamnan ng braso’t dibdib. May mga matang

Nakapako sa bumubukol na harap ng pantalon ng nakatitig.

Kinilala ng lalaki ang alindog ng babaeng pumukaw sa lalaki

Sa likod. Ang lalaki sa likod, sinundan ang tingin ng babaeng

Napangiti nang ibaling ng kaharap na lalaki ang tingin sa likod.

Ars Poetica

Ang mahalaga, nahuhulog

Ang mga salita sa tamang kinahuhulugan. Tumitigil

At nagdadahan-dahan kung may

Pag-aalinlangan sa mga taludtod. Nagdurugtong-dugtong

Sa anumang paraan basahin

Ang mga linya. Nakapag-iisa kung kailangang

Mag-isa.

76
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

Christine Marie Lim Magpile

SM Stop-Drop and Shop!

H
ilig kong pumasyal sa Mayon. (Hindi ito ang bayan sa
Albay na malapit sa bulkan kundi ang kalye sa Lungsod
Quezon.) Sa totoo lang, wala namang magandang tanawin
dito katulad sa Bicol. Ang makikita mo lang ay kalsadang daanan ng
malalaking sasakyan, mga itinatayong gusali at ilang lumang bahay.
Pero, pumupunta pa rin ako rito dahil ako’y nalilibang na tumambay
sa aming tindahan.
Hindi naman kalakihan ang aming tindahan. Ngunit hindi rin naman
ito talagang maliit kagaya ng isang sari-sari store. Tama lamang ang laki;
parang grocery store. Pero kapag naiisip ko ang pangalan ng tindahan
naming, “The New Mayon Market” (Ehem, promotion!) ay nanliliit ako
lalo na kung ihahambing mo ito sa SM Supermarket at Rustan’s Super
Store (Wala nga namang panama ang “new” sa nakakabit na “super!”)
Pero marami pa rin ang bumibili sa aming tindahan. Tindahan
kasi namin ang pinakamalapit. Siyempre (economic) friendly sa
neighborhood. Walang hassle sa trapik dahil kayang lakarin. Malaking
katipiran pa sa gasolina at pamasahe.
Dahil halos lahat ng paninda ay mayroon kami at bukas rin ng beinte

77
kuwatro oras, madaling makatatakbo (ng saklolo) sakaling magkaroon
ng “emergency situation” sa bahay. Halimbawa: Nais ng naglilihi mong
misis na kumain ng dilis with de-latang mais. Kaso alas-onse na ng
gabi.
Isa pang kagandahan ng aming tindahan ay ang pagbebenta namin
ng tingi. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi na kayang bumili ng tao ng
isang buo. Nagtitinda kami ng tinging papel. Tatlong piso ang isang
set ng sampung pirasong papel. Nagtitinda rin kami ng pira-pirasong
biskuwit (pero hindi naman iyong dinurog-durog), tinging mantika,
pati na rin nga palito ng posporo at hibla ng sinulid.
Ang karaniwang laman ng aming tindahan ay iyong madalas
bilhin ng mga tao tulad ng sigarilyo, softdrinks, sabon, shampoo, suka,
mantika, itlog, sardinas, at noodles. Nagtitinda rin kami ng tissue,
bolpen, sobre, at pandikit dahil madalas itong kailanganin ng tao.
Ngunit hindi lahat ng hinahanap ng mga tao ay itinitinda namin
tulad ng gamot dahil sa botika talaga ang bilihan noon. Wala rin kaming
tindang sandwich o kaya’y isang tasang kape at platitong pansit. Hindi
naman kasi kami karinderya. Akala kasi ng iba, may tinda kaming
meryenda. Kapag may handaan kasi sa amin, may ilang bisita na sa
tindahan na pumupuwesto dahil medyo masikip sa loob ng bahay.
Hindi rin kami nagtitinda ng alak at beer kahit na malakas ito. Ayaw
kasi ng lolo ko na maging tambayan ng mga lasenggero ang aming
tindahan. Doon din kasi ang bahay ng aking Lolo. Sa taas sila nakatira
at ang tindahan naman ay nasa baba.
Hindi rin kami nagtitinda ng mga gulay, prutas, isda at karne
dahil sa palengke mabibili ito. Pero nagtitinda rin kami kahit paano
ng pansahog tulad ng sibuyas, bawang, patatas, at kamatis pati
pampalasa gaya ng asin, asukal, at paminta. Minsan, may isa talagang
makulit na mamimiling naghahanap ng ampalaya at labanos. Mabuti at
kapapamalengke lang ng Lolo ko. Napilitan tuloy si Lolo na ibenta ang

78
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

kaniyang pinamili na kalalagay niya lang sa refrigerator.


Pangkaraniwan na sa mga tindahang tulad namin ang pagtitinda
ng bigas at gasul. Mayroon kaming iba’t ibang uri ng bigas—mabato,
malagkit, wagwag at dinorado. (Note to Customer: Ang puting bigas lang
ang magandang isaing.) Nagtitinda rin kami ng iba’t ibang tatak ng gas—
Shellane, M-Gas at Starflame. (Note to Customer: Katulad ng sardinas, pare-
pareho lang ang laman nito.) Libre pa namin itong ihahatid hanggang sa
kusina ng mamimili (kasama na rito ang pag-check at pag-install) basta
ba itatawag lang. Maaari ring itext. Iyon nga lang, ang maghahatid ay
de-padyak. Medyo may kabagalan rin ang maghahatid lalo na kung
lubak-lubak ang kalsadang dadaanan. Pero magagarantiyahan naming
maihahatid naman iyon sa loob ng isang araw.
May kondisyon nga pala ang tindahan namin sa paghahatid: Kung
may aso, dapat kasing laki lang ng chihuahua at dapat bungalow lang
ang bahay. Muntik na kasi dating makagat ng aso ang Tiyo ko dahil
nakawala pala iyong pitbull at doberman. May nagpahatid rin dati sa
twelfth floor ng isang condominium. Sabi ng kostumer, magbibigay
siya ng malaking tip, iyon pala, sira kasi ang elevator.
Isa pa sa nagugustuhan ng mga suki namin ay nagpapautang kami.
Inililista namin ang pangalan nila at iyong inutang na paninda. Sa araw
ng suweldo ang bayaran.
Kaya rin siguro maraming bumibili sa aming tindahan ay dahil
hindi kamahalan ang mga paninda namin. May iba kasing tindahan na
doble kung magdagdag ng presyo. Kaunti lamang kaming magpatong
sa presyo ng halaga. Ang katwiran ni Lolo, ang barya-baryang tubo ay
kita rin.
Isa pang gusto ng aming mga mamimili ay parating bago ang paninda
namin. Hindi kalawangin, amoy amag at mukhang pagmamay-ari ni
Tutankhamen o nahukay sa lupa.
Dahil sa kakaibang karisma at pamamaraan ng pagtitinda ng mga

79
tiyo ko habang nagbabantay, maraming bumibili sa amin. Sa tuwing
may bumibili, parati silang nakangiti at palakaibigan. Ganito nga
iyong isa kong tiyo kapag may bumibili, “Ano ba ang atin pare?” “O,
isang suka para kay Miss Beautiful.” “Nanay, sige po ingat po kayo.”
“O, boy, hinay-hinay sa pagkain ng kendi.” Maalaga at maasikaso sila
sa kostumer.
Sa tinagal-tagal ko sa pagbabantay ng aming tindahan, nalaman
kong may iba’t ibang uri pala ng mamimili. Mayroong mga mamimili
na hindi mo mawari kung saksakan ng kuripot o nagtitipid lang ba.
“Miss, ano ang pinakamura ninyong sardinas? Iyan ba ‘yung sardinas
na with 10 grams more? Sige, tama na siguro iyong isang sardinas.
Malaki naman ang lata kaya kakasya sa apat na tao.”
Mayroon namang mga mamimili na ubod ng arte. “Miss, puwedeng
papalitan itong pera ko nang puro coins? (Minsan, papel naman!)
“Gusto ko ‘yung puro bago!” (Bakit kaya walang may gusto ng puro
luma?) “Puwede bang pakidoble ‘yung plastik baka kasi mabutas?”
(Bakit wala kayang nagsasabi kung puwede bang huwag na lang ilagay
sa plastik dahil bibitbitin na lang nila?)
May isa pang uri ng kaartehan sa mga mamimili. Iyon bang tipong,
“ Miss wala na ba kayong ibang shampoo kundi Rejoice?” Tapos, isa-isa
niyang ipapalabas kung anong shampoo pa ang tinda. Paghihintayin
ka pa habang pinag-iisipan kung bibili na lang ng ibang tatak. Pero sa
huli, lilipat rin naman pala ng ibang tindahan. (Punyemas! “Wag siyang
magkakamaling dumaan muli sa aming tindahan dahil sisiguraduhin
kong basag ang makapal niyang mukha.)
Kung tutuusin, pare-pareho lang naman ang mga produktong iyan!
Sa pangalan lang nagkaiba. Mas sikat at guwapo lang ang modelong
kinuha ng isang kompanya. Sardinas din iyon ano? Matutunaw din
iyan sa tiyan mo! Kahit ba naman Palmolive ang bilhin mo kung hindi
ka naman magsusuklay ay wala ring bisa. With wings o walang wings,

80
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

doon mo rin ilalagay iyon at itatapon din pagkatapos.


Sa pagbabantay ko sa tindahan, nakikilatis ko na rin ang katayuan
sa buhay ng mamimili. Ang mayabang este mayamang kostumer ay
nakaporma, mamahalin ang suot at nakaalahas. Bukod doon, English-
speaking pa at nakakotse rin (Wow, Mercedez, kahapon Jaguar ah!)
Madalas, may kasamang alalay na tagabitbit. Bago at malulutong na
pera ang inaabot galing sa makapal niyang imported wallet. Tinatanong
ng mayamang kostumer kung tumatanggap ba ng credit o atm card ang
tindahan. Karamihan sa mga pinamili niya ay mga branded products.
Kung baga sa toothpaste, Colgate at hindi Crust (fake version ng Crest).
Kung baga sa tsokolate, M&M’s at Hershey’s at hindi Nips o Chocnut.
Kung de lata naman ay corn beef at luncheon meat at hindi sardinas.
Kahon-kahon ang kaniyang pinamimili at hindi lang basta pasupot-
supot.
Mahirap lamang ang bumibili kung halos lukot at mapunit na ang
perang iniabot sa iyo. Iyon bang tipong parang nasabugan ng asido
ang mukha ng mga bayani dahil hindi mo na sila makilala. Tapos, puro
scotch tape pa ang gilid. Hiráp siyang kumuha ng pera sa wallet at
ingat na ingat itong ilabas. Minsan, wala pa ngang wallet at kung saang
supot lang ito nakalagay. Itatanong pa niya sa iyo kung may sukli pa ba
siya at kung mayroon, bibilangin pa. Minsan, titingin pa siya sa sahig at
maghahanap ng mga nahulog na pera na maaari niyang maibulsa.
Mahilig siyang magbayad ng barya, puro ba tigpipiso. (Salamat
naman at di tigbebente-singko.) Noodles ang madalas niyang bilihin.
Pero, hindi iyong nasa cup kundi iyon bang nakaplastik na tiglilimang
piso. Pagdating sa de lata, sardinas ang madalas niyang bilhin. Hakone
ang tatak at hindi Century tuna. Pagdating sa tsitsirya, “generic” tulad
ng Chippy o Boy Bawang at iba pang hindi kilalang tatak ng junk food na
nuno ng alat. Madalas, nakatsinelas o sando lang (daster kapag babae)
ang suot niya kapag bibili. Minsan pa nga, iyong mga siga ay walang

81
pang-itaas kung bumili.
Bawat mamimili ay may kani-kaniyang trip. May isa kaming
kostumer na ipinalalagay sa plastik ang softdrink. Hindi iyon iinom
ng nasa bote o lata. Iyong isa naman, ayaw uminom ng malamig na
softdrink. May isa naman kaming suki na Skyflakes at juice ang agahan,
tanghalian at hapunan. (Pero, mukhang hindi naman siya nagdidiyeta.)
Mas gusto ng isa naming kostumer ang Halls kaysa sa Maxx dahil mas
maanghang daw ito. Iyong isa naman, Dynamite candy ang gusto dahil
kinokolekta niya raw ang wrapper nito.
Bawat kostumer pala ay may kani-kaniyang kuwento. Madalas
kasing ginagawang tambayan o tagpuan (at maging taguan) ang aming
tindahan. Halos matanggal ang tainga ng tinedyer naming kostumer
dahil sa pingot ng kaniyang nanay. Nakita kasi niya ang kaniyang
anak na naninigarilyo. Pagkatapos, naglitanya ang butihin niyang ina
sa kasamaang dulot ng paninigarilyo (Pero, minsan nakita ko silang
magkasama sa drug store at bumili ng condom.)
Ilang mga magulang na rin ba ang nagtanong-tanong sa amin
kung nakita ba namin ang kanilang anak na may kasamang dyowa o
naglalakwatsa? (Bakit kaya walang anak na nagtatanong kung ano ang
nakikita naming ginagawa ng magulang nila? Naku, pihadong marami
kaming maitsitsika.)
Mayroon ding mga di-malilimutang eksena sa aming tindahan.
Nariyan ang mala-action movie na insidente. May dalawang lalaking
nagtangkang holdapin ang aming tindahan. Naglabas ng patalim
ang isang mama. Ang isa naman, akmang may huhuguting mahaba
sa tagiliran. Buti, listo ang Lolo ko. Nakuha niya agad ang kaniyang
shotgun na nakatago sa ilalim ng kaha. Buti, nakatawag ng tanod ang
mga kapitbahay. Ayon, kinuyog ang dalawang holdaper.
Mayroon ding drama. Nakakakonsensiya talaga ang mga humihingi

82
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

ng abuloy o limos dahil may namatayan, nasunugan, at walang


pamasahe pauwi. Nakakaawa naman ang mga walang muwang na
pusang nasagasaan. (Buti naman at wala pang tao.)
Siyempre, mayroon ding thriller/adventure katulad ng mga
sasakyang nagbanggaan. Kalimita’y sa amin nagtatanong kung sino ba
ang may kasalanan. Ilang habulan na ba ang nakita ko: May habulan ng
isnatser at ng mga taong may dalang tipak ng bato; may habulan rin ng
mga batang naglalaro. Ang aso at pusa pati daga ay nakikisama rin sa
habulan. (Sana, sa susunod, ibon naman para maiba-iba.)
Mayroon din ngang pang-Funniest Home Video. Ilang beses ko
nang napagpalit-palit ang pinamili ng mga kostumer. Nakakalito kasi
minsan. May mga magkakamukha kahit hindi naman sila magkamag-
anak. (Hmmm, baka anak sa labas o clone?) Iyong iba naman ay may
pagkakapareho tulad ng pagiging ngongo (walang halong biro), bungal,
kirat, at may tatlong ilong (Joke!)
Ilang ahente at maglalako na ang nagpunta sa aming tindahan upang
mag-alok ng kung ano-anong hindi mo malamang produkto. Nariyang
alukin ka ng floor mop na puwede ring gamitin sa kisame at dingding;
sabong napakabula kahit walang tubig; plantsang hindi nakakapaso at
iba pa.
Maraming tao na rin ang nagtanong sa amin ng direksiyon kung
saan papuntang Bulacan, Afghanistan o Mars. (Biro lang ang dalawang
huli!) May ilan ring nagpupunta sa amin at nagtatanong kung maaari
ba kaming kuning isponsor sa advertisement. (Whoah, parang ang laki
ng tindahan namin!)
Kapag wala pang bumibili, paborito kong sumagot ng crossword
puzzle habang nagbabantay. Naging bihasa na nga ako rito. Nakakatapos
ako ng dalawampung crossword puzzle sa isang upuan lang. Dati,
nanonood ako ng telebisyon o kaya’y nakikinig ng radyo. Pero itinigil
ko na ito. Nagmumukha kasi akong may sayad kapag nakita ako ng

83
kostumer na umiiyak o tumatawa nang mag-isa. Nadadala rin ako
minsan ng tugtugin sa radyo kaya napapaindak ako nang wala sa
oras. May mga pagkakataong hindi ko gustong magbantay sa aming
tindahan. Ayaw kong magbantay kapag masyadong maraming bumibili
dahil masikip at maingay. Naaabala nila ako sa pagsagot ng crossword
puzzle. Pero siyempre, madalas, mas gusto kong maraming bumibili
dahil malakas ang kita. At ayaw ko rin namang magbantay kapag
kakaunti lamang ang bumibili dahil nakakabato at nakakabagot.
Kung marami akong pagsusulit o takdang-aralin, walang sinuman ang
makakahila sa akin sa pagbabantay ng tindahan. Malulugi ang aming
tindahan kapag pinagbantay ako ng pagod. Baka maubos ko kasi ang
laman ng tindahan sa kakatsibog.
Ang pinakagusto ko sa lahat ng karanasan ko sa tindahan, ay kapag
bumibili ang crush ko. (Ha’ay, Dear Joe…) Kapag bibili siya, gusto kong
ako ang nasa kaha. Ayoko ng tipong tagaabot ng paninda dahil “wa-
poise.” Masaya ring magbantay sa tindahan kapag panahon ng Pasko,
piyesta, at eleksiyon. Marami kasing nagbibigay ng kung ano-ano:
kalendaryo, sticker, pagkain, at pera. At nakakaaliw makakita ng mga
ati-atihan, parada, sagala, at welga.
Marami akong naging realisasyon sa pagbabantay ko sa tindahan.
Dati-rati, marami ka pang mabibili sa isandaang piso. (Mga limang
nagpuputukang supot ang puwedeng mabitbit.) Ngayon, ang isang
libong piso ay kulang pa. (Pambili lang ito ng dalawang prepaid na
load sa cellphone na kakasya lamang sa palad at liparin ng hangin.)
Kahit na maglagay pa ang tindahan ng commercial sa TV o ad sa
diyaryo, malulugi’t malulugi pa rin ang negosyo kung walang perang
pambili ang mga tao sa lugar na iyon. (O kaya, wala naman talagang
tao roon dahil liblib.)
Ang mahalaga lang pala sa napag-aralan ko sa matematika ay

84
C HRISTINE M ARIE L IM M AGPILE

bumilang at alamin kung magdadagdag, magbabawas, magmu-


multiply, at magdi-divide. Hindi ko naman nagagamit ang mga
pamatay na cosine, algebra, at logarithm sa pagkuwenta kung kumikita
o nalulugi ba ang aming tindahan.
Bukod sa kasipagan, ang katapatan ay mahalagang puhunan sa
tindahan. Maaari ka kasing matuksong kumupit ng pera o takaming
kumain. Dapat masayahin at bibo ang tumatao sa tindahan. (Pihadong
babalik ang kostumer kasi maaalala niya ang tinderang magiliw kahit
nabagsakan siya sa paa ng isang kahang softdrinks.)
Nalaman kong hindi naman talaga kinakailangang kumuha
ng kursong Commerce o Business sa kolehiyo para magkaroon ng
negosyong tindahan. Ang Lolo ko nga hindi naman nakatapos ng
elementarya pero may tatlo na siyang tindahan.
Mayroon bang “secret formula” upang makapagnegosyo at
makapagpatayo ng sariling tindahan? Ang sabi ng lolo ko: “Iyan ay
matutuklasan mo sa iyong mga karanasan sa tindahan.”
Ano pang hinihintay, pumunta na sa aming tindahan! (Uy, plugging
uli!) Libre pa ang makipaghuntahan at makipagkaibigan. (Wow,
hanep sa marketing strategy. May bargain pa!) Pero, bago muna
makipagkuwentuhan, dapat ka munang bumili. (Siyempre, malamang!
Dahil kung tatambay ka lang, pihadong patay ka sa aking Lolo!)
Ang pamagat ay hindi isang paid advertisement ni Henry Sy. Kung
“Shoemart” at “Super Market” ang SM ni Henry SY, ang ibig sabihin
ng SM namin ay, “Store Mayon” (dahil ito’y nasa kalye ng Mayon.)
Nangangahulugan rin itong “Super Mura” (hindi “Sobrang Mahal”)
kaya, you can “Save More.” Sa kasalukuyan, pang “Suki Market” muna
ang aming tindahan. Pero, balang araw, magpapatalbugan ang lolo ko
at si Henry Sy sa pagkakaroon ng “Super Mall.”

85
Chuckberry Pascual

Singkaw

H
indi pa ako naghihilamos at nagmumumog nang umupo
sa harapan ng computer. Binuksan ko at muling binasa ang
ilang kuwento ni Scheherazade na tapos ko nang paikliin.
Nasa kuwento na ako ng kabayong gawa sa kamagong nang may
kumatok sa pinto. Nakasimangot kong inabot ang seradura at saka
pinihit.
Ang Tatay ko pala. “Anak, hindi ko na kaya.” Nakangiwi siya
habang hinihimas-himas ang puwitan.
“Sige, ‘Tay. Pupunta na tayo ng ospital.”
Umiika-ika pa lang palayo ang Tatay, nagkuwenta na ako ng
pera at panahon. May nakatabi akong P12,000, padala ng Nanay ko
para ipambayad sa pension. Bukod pa roon, may nakatago akong
limandaan. Panggastos para sa paghahanap ng trabaho sa susunod na
linggo. Magkakaroon lamang ako ulit ng pera kapag naipasa ko na ang
manuskrito ng abridged na 1001 Nights.

86
C HUCKBERRY P ASCUAL

Sa madaling salita, wala akong pera at panahon para sa mga bagay


na hindi nakaplano. Pero ano ba ang dapat sabihin sa magulang na
dumaraing dahil masakit ang puwit? Sorry, ‘Tay, bahala ka na lang
muna sa puwit mo?
Mabigat ang dibdib ko nang patayin ang computer. Pumunta ako
sa kusina. Nandoon ang Lola at Tiyahin ko. Gaya ng dati, abala ang
Lola. Siya ang nagluluto ng mga pagkain para sa karinderya namin.
Noong umagang iyon, naghihiwa siya ng murang sibuyas. Ang Tiyahin
ko naman, naghuhugas ng mga pinagkainan kagabi.
Umupo ako sa harapan ng Lola at nagtimpla ng kape.
“Pupunta kami ni Tatay sa ospital,” sabi ko sa hangin.
“Kawawa naman ang Tatay mo,” sabi ng Lola. Hindi siya nag-angat
ng mata.
“Humanap na kayo ng magmamaneho,” sabad ng Tiyahin ko.
Kausap naman niya ang lababo.
Oo nga pala, isip ko. Ang Tatay ko kasi ang driver ng pamilya—
ang ibig kong sabihin sa pamilya, kaming lahat na magkakamag-anak
na nakatira sa iisang bahay: ang Lolo at Lola ko na mga magulang ng
Tatay ko, ang mga kapatid niya, kaming mga anak nila. (Kailan lang,
nanganak ang isa sa aking mga pinsan. Apat na henerasyon na kaming
magkakapiling sa iisang bahay.) At ngayong namamaga ang puwit
ng family driver, kailangang maghanap ng pansamantalang kapalit.
Kahit pa malamang kaysa hindi, isa lang naman sa mga pinsan kong
tambay na nakatira sa compound ang mahihila ko para ura-uradang
magmamaneho, mag-aabot pa rin ako ng pera. Wala pa sa ospital, may
gastos na kaagad. Ang panggasolina pa pala. Batas sa bahay na kung
sino ang gagamit ng sasakyan, dapat magpagasolina.
“Ano ba naman ito? Ngayon pa nangyari, kung kailan walang-wala
akong pera,” sabi ko ulit sa hangin.
Lagaslas ng tubig sa gripo at paulit-ulit na halik ng kutsilyo sa
sangkalan ang narinig kong sagot.
87
Mahigit isang linggo nang inirereklamo ng Tatay ang puwit niya.
Noong una, tinitiis lang niya ang kirot. Dati pa naman siyang may
almoranas, kaya inisip ng Tatay na iyon lang ang dahilan. Mawawala
rin paglipas ng ilang araw.
Pero hindi ganoon ang nangyari. Nag-umpisang mamaga ang
kaliwang pisngi ng puwit niya, kaya pumunta siya sa isang ospital sa
Kalookan. Nang sabihin niya sa doktor ang nararamdaman, agad daw
nitong sinabi, “Kailangan nang operahan yan.”
“Mukhang” may fistula raw siya sa puwit—butas na dulot ng
matinding pag-iri sa tuwing dudumi. Sa lagay daw ng puwit ng Tatay,
nagkaroon na ng abscess ang fistula niya. Ibig sabihin, nagnanaknak na.
Kapag hinayaan, baka kumalat ang impeksiyon.
Hindi pumayag ang Tatay na agad magpaopera. Ang katwiran niya,
ni hindi man lang muna siya ineksamen. Mukhang namemera lang daw
ang may kasungitang doktor. Ayaw niyang magpakalikot ng puwit sa
taong mukha ng parating galit. Kaya nagpareseta lang siya ng gamot.
Isang araw lang ang itinagal ng ginhawang idinulot ng gamot.
Pagkatapos, hindi na nakatulong sa karinderya ang Tatay. Hindi na niya
kinayang magbuhat ng mga kaldero. Halos hindi na rin siya makatulog
sa kirot. Kaya nang sabihin ng Tatay kong hindi na niya kaya, alam
kong hindi na talaga uubra ang pangungumbinsi kong hintayin muna
niya ang pagtalab ng mga gamot na inireseta.
Sa ibang ospital kami pumunta. Pangalawang opinyon ang dahilan
ng Tatay, pero siyempre, kasama na rin doon ang pagkabuwisit niya sa
unang doktor na kinonsulta. Habang nasa sasakyan, dama ko na ang
tindi ng kanyang kaba. Noon ko lang siya nakitang ganoon: namumutla
at panay ang himas sa tumatahip na dibdib.
Nanibago ako. Kilala ko kasi siya bilang tigasin. Walang sinasanto
kapag mainit ang ulo, lalo na kapag nakainom. Sa katunayan, mararahas
na eksena ang mga pinakamatingkad na alaala ko sa Tatay.

88
C HUCKBERRY P ASCUAL

Gaya noong anim na taon ako. Huling gabi bago lumipad patungong
Japan bilang entertainer ang Nanay, naglasing ang Tatay. Ayaw niyang
pumayag na umalis ang asawa. Pero wala na siyang magagawa dahil
nakapirma na ang Nanay sa kontrata. Inilihim talaga ang paglalakad
ng mga papel dahil alam na hindi siya papayagan. Sinabi lang ang
totoo noong aalis na siya kinabukasan. Mainit ang naging pagtatalo
nila, hanggang sa tinutukan siya ng baril sa mukha ng bana. Nasa isang
sulok lang ako noon ng kuwarto, katabi ang isang pinsan. Nagtago
kaming dalawa sa ilalim ng kulambo.
“Sige, iputok mo! Patayin mo ako!” sigaw ng Nanay. Nanginginig
ang baba niya sa takot pero hindi siya umaalis sa harapan ng Tatay ko.
Pinaputok nga ng Tatay ang baril. Hindi sa mukha, kundi sa tapat ng
kaliwang tainga niya.
Wala akong nakitang reaksiyon sa Nanay ko pagkatapos ng putok.
Naluha lang siya nang bahagya pero hindi siya natinag.
Matanda na ako nang sabihin sa akin ng Nanay, sa isa sa maraming
usapan namin sa telepono, na gusto niyang umiyak pagkatapos
pumutok ng baril. Pero hindi niya ginawa, dahil gusto niyang ipakita
sa Tatay na paninindigan niya ang desisyong pumunta ng Japan. Dahil
kung hindi raw siya pupunta ng Japan, hindi raw ako makakapag-
aral sa magandang paaralan. Nakaasa lang kasi sila noon sa mga Lola
at isa lang ako sa maraming apo. Kaya kahit ang pakiramdaman ng
Nanay ko, may nandutdot ng ballpen sa loob ng tainga niya, hindi siya
umiyak.
Ang insidenteng iyon ang sinabi ng Nanay kong bumuo sa desisyon
niyang makipaghiwalay. Maliban pa sa dahilang nagsawa na siyang
makisama sa partido ng kanyang bana, gusto pa raw niyang mabuhay
nang matagal. Baka sa susunod ay sa dibdib na niya ang tama ng bala,
sa halip na sa dingding. Sa kasalukuyan, may iba na siyang pamilya sa
Japan. Pero sinusustentuhan pa rin niya ako.

89
At heto nga, pera niya ang nakaambang gastusin para sa pagsakit
ng puwit ng minsang nanutok sa kanya ng baril. Mahigpit ang hawak
ko sa sobreng may nakasulat na For my pension and a little something for
you. Love, Nanay.
“Meron ba kayong lalaking doktor diyan? Nakakahiya naman ho
kasi,” sabi ng Tatay ko sa kausap naming babaeng intern. Nasa screening
area na kami ng Emergency Room.
Umalis ang babaeng intern. Pagbalik niya, may kasama na siyang
lalaking doktor. Mukhang bata pa. Nanonood ako ng serye sa telebisyon
na tungkol sa buhay ng mga batang doktor, kung paano silang
nagsisikap sumagip ng buhay, pero iba ang damdamin ko sa tuwing
batang doktor ang nakakaharap sa ospital. Wala akong tiwala. Hinding-
hindi ako papayag na batang doktor ang gumalaw sa katawan ng Tatay
ko—nakatatak sa isip ko ang posibilidad ng maling diagnosis, naiwang
bulak sa loob ng katawan, naimpeksiyong sugat dahil hindi tama ang
pagkakatahi at kung ano-anong mga senaryong ipinagpapalagay kong
idudulot ng kabataan ng isang doktor.
Sinabi ng Tatay ang nararamdaman niya sa batang doktor. Tatango-
tango ito habang nagsusulat sa papel. Maya-maya, nag-angat ng ulo.
“Mukhang fistula nga ho 'yan. Kailangan na hong operahan talaga.”
“Tingnan n'yo muna,” sabad ko.
“Pasok ho tayo sa loob,” sabi ng batang doktor.
Itinuro kami ng batang doktor sa isang kamang napapalibutan ng
mga berdeng kurtina. Pinaupo ko doon ang Tatay.
“Paano kung operahan ako ngayon?” himig-bata niyang tanong.
“E di ooperahan ka,” sagot ko. Ayaw kong magpahalatang
kinakabahan na rin.
“Anak, ngayon lang ako naospital.”
“E, wala ka naman pala,” biro ko. “Nagkaroon ako ng appendicitis
noong Grade Five, inoperahan ako. Ilang araw lang, nakalakad na ako.

90
C HUCKBERRY P ASCUAL

Kaya mo yan.”
Naputol ang pag-uusap namin dahil may dumating na ikalawang
doktor. May edad na ang isang ito. Napanatag ako nang kaunti nang
sabihin niyang siya ang titingin sa puwit ng Tatay.
Ilang sandali lang ang itinagal nila sa likod ng kurtinang berde.
Lumabas ang matandang doktor, kinausap ang batang doktor. Lumapit
sa akin ang batang doktor. May iniabot na form. Magbayad na raw ako,
dahil ooperahan na si Tatay.
Nasa Admitting Section ako nang maalala ang anekdotang
ikinuwento sa akin ng isang kaibigan tungkol sa paborito kong guro.
Nagkasakit ang ama niya at naospital. Nang malaman daw ng guro
namin kung magkano ang sinisingil ng ospital, muntik na raw itong
bumulalas (o napabulalas nga yata) ng “Ito ay ospital, hindi ito isang
hotel!”
Sa Admitting Section, tumambad sa akin ang halaga ng mga kuwarto.
Muntik na rin akong mapabulalas, gaya ng aking guro. Pero hindi naman
iyon uubra para bumaba ang singil, kaya nakipagtawaran na lang ako
sa clerk. Dahil kulang-kulang na dalawang libo ang halaga ng isang
private room at walang available na ward, na nagkakahalaga lamang
ng limang daan isang araw, napilitan akong makipagkompromiso.
Semi-private ang kinuha kong kuwarto para sa Tatay.
Matapos magbayad ng depositong limang libo, pumunta muna
ako sa pinsan kong nagmaneho para abutan siya ng pang-agahan at
pauwiin. Nakiusap na lang akong bumalik siya sa bahay at kausapin
ang Lola ko, para maipadala ang mga gamit na kailangan namin sa
pananatili ng Tatay sa ospital. Pagkuwa'y dumiretso na ako sa room
445A at doon naghintay.
Isang matandang babae ang kahati namin sa kuwarto. Pagkatapos
makipagngitian sa kanya at sa bantay, umupo ako sa gilid ng kama
para kay Tatay at nagbasa. Hindi ako lumalabas ng bahay nang walang

91
baong libro. Noong araw na iyon, bago umalis ng bahay, dinampot ko
ang librong pinakahuling binili, ang Me Talk Pretty One Day ni David
Sedaris.
Tawa ako nang tawa habang binabasa ang You Can’t Kill The Rooster.
Tungkol iyon sa relasyon ng kapatid na lalaki ni Sedaris sa kanilang
ama. Palamura ang anak, parang bandido umasta, pero kasundo ng
amang kabaligtaran ang ugali, dahil napakapino at diplomatikong
magsalita at kumilos.
Nakita ko ang relasyon namin ni Tatay. Magkaibang-kaiba kami.
Astang bad boy siya, astang biniboy ako. Pero sa kung anong dahilan,
mas madalas kaysa hindi, magkasundo naman kami. Kahit marahas ang
imahen niya sa akin dati, unti-unting nabago iyon nang magkaedad ako.
Isang araw, nagising na lang akong natatawa ako sa mga biro niyang
pa-macho. Siya naman, natatawa rin sa mga uri ng biro ko. Hindi lang
minsan ko siyang narinig na ginamit ang salitang chaka.
Nang mapatingin ako sa kabilang kama, sinimangutan ako ng
bantay ng matandang babae. Hindi yata niya gustong may tumatawa
sa loob ng kuwarto habang hinuhugasan niya ang puwit ng kanyang
pasyente.
Hindi nagtagal, ipinasok ng isang orderly ang naka-stretcher na si
Tatay. Groge pa siya sa pampatulog, pero panay na ang salita. Parang
batang kagagaling lang sa karnabal. Katatapos lang niyang sumakay
sa isang nakakatakot na ride at maniwala man ako o hindi, nakaligtas
siya!
Ikinuwento ng Tatay kung paano siyang hinubuan ng mga babaeng
nurse habang naghahagikgikan ang mga ito. Ikinuwento niya kung
gaano siya kabilis nakatulog matapos sabihin ng isang nurse o doktor
(hindi na niya nasiguro) ng “Patutulugin na kita, ha.” Ikinuwento niya
kung gaano kabait ang doktor na nag-opera sa kanya, iyong matanda
kanina.

92
C HUCKBERRY P ASCUAL

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Natigil lang ang Tatay nang


pumasok ang matandang doktor. Kinumusta nito ang Tatay, binigyan
ng reseta, ipinaliwanag ang ginawang operasyon. Makakauwi na raw
kami kinabukasan, pero kailangan pang bumalik matapos ang isang
linggo. Hindi kasi sigurado kung muling maiimpeksiyon ang fistula.
Kung malapit daw sa daanan ng dumi ang tahi, kailangan daw operahan
ulit. Pagkatapos ng litanya, umalis rin kaagad ang matandang doktor.
Kinabukasan, makalipas ang halos P15,000, nakabalik na kami ng
bahay. Matapos akayin ang Tatay sa kuwarto, pumunta ako sa kusina.
Nandoon ang Lola. Naghahalo siya ng lugaw.
“Kumusta na ang tatay mo?” tanong niya.
“Maayos naman. Babalik kami sa isang linggo.”
“Mabuti naman.”
“Nag-aalala ako sa pera,” sabi ko.
“Bakit?”
“Pera ng Nanay ang ginastos ko. Hindi ko alam kung paano kong
mapapalitan. Panigurado, magagalit sa akin 'yon, kapag nalaman
niyang ginastos ko lang kay Papa ang pambayad niya sa pension.”
“Ako na lang,” sabi ng Lola ko. “Ako na lang ang magbabalik ng
pera, apo. Uutang ako sa Bumbay. May kumakain naman sa ating
Bumbay. Uutang ako sa kanya.”
Ilang sandali ang lumipas bago ko napansing sumisinghot na pala
ang Lola habang naghahalo ng lugaw. Saka ko lang naalalang ako rin
pala ang nagdala sa kanya sa ospital noong nakaraang taon, noong
madulas siya sa hagdanan. Isinugod ko siya noon sa Emergency Room
dahil hindi siya makalakad sa pagkabugbog ng balakang.
Alam kong hindi naman niya kayang magbayad ng P12,000 mula sa
kita ng karinderya namin. Sa pang-araw-araw lang na gastusin, minsan
ay hindi pa nakakasapat ang kita sa pagbebenta ng lugaw at kanin-
ulam. Hindi lang minsan na kumain kami ng tig-iisang binating itlog sa
hapunan.
93
Hindi naman dapat ganito ang nangyari. Hindi naman kami dating
kinakapos sa pera. Dati, ang mga negosyong itinatag ng isa kong
Tiyuhin ang pinagkukuhanan ng pera ng buong pamilya. Mayroon
kaming patahian ng damit, Internet café at karinderya. Pero sa kung
anong dahilan, halos sabay-sabay na humina ang mga negosyo.
Noong simula ng pagbagsak ng mga negosyo, ayaw pang aminin ng
Lola sa aming magpipinsan. Nagulat na lang kaming lahat, dahil isang
araw, nagluto siya ng magarbong ulam. Nagluto siya ng mechado,
iyong lutong pang-fiesta: lumalangoy sa sarsa at napapalamnan ng
taba ng baboy ang binilog na karne ng baka. Nang sumunod na araw,
nagluto siya ng kare-kare at special na bagoong na alamang. Pagkatapos,
nagluto naman siya ng paksiw na lechon. Sumunod ang sinigang na
baboy, piniritong sugpo, relyenong pusit. Sa tuwing tinatanong namin
siya kung ano ang okasyon, ang isinasagot lang niya, “Hindi tayo
magugutom. Tingnan ninyo, ang sasarap ng mga pagkain natin.”
Pero pagkaraan ng araw ng relyenong pusit, nagkulong na sa kuwarto
ang Lola. Ilang araw siyang hindi nagpakita sa amin. Pumupuslit lang
siya mula sa kuwarto para magsaing ng kanin at magprito ng itlog.
Dahil hindi na niyang kayang tustusan ang pagkukunwari, para bang
napahiya ang Lola sa aming lahat.
Noon lang namin nalaman na nagkandalugi-lugi na pala ang mga
negosyo. Halos wala nang mga order na damit sa patahian. Matapos
ang dalawang insidente ng panghoholdap, isasara na rin ang Internet
café. Mula noon, hindi na ito nakabawi. Patuloy ang bayad ng malaking
bill sa koryente pero halos wala nang kostumer. At dalawang buwan na
ang nakalipas mula nang tumigil ang Lola ko sa pagtitinda ng kanin-
ulam. Ang akala namin noong una ay nagretiro na siya. Iyon pala ay
dahil hindi na gumugulong ang puhunan. Masyado nang mahaba ang
listahan ng mga pautang na paiyakan naman ang paniningil.
Mula noon, sumapit na kami sa kasalukuyang lagay: mayamang

94
C HUCKBERRY P ASCUAL

mahirap. Mukha kaming may kaya dahil may kalakihan ang bahay
namin: tatlong palapag, marmol ang sahig, puno ng mga gamit na
antigo. Mayroon pa rin kaming dalawang sasakyan. Mamahalin
ang mga gamit namin: cellphone, iPod, DVD component, personal
computer. Pero ang perang kailangan para mapanatili ang ganitong
klase ng pamumuhay ay wala na. Madalas, napag-aawayan pa ang
simpleng pagpapagasolina ng sasakyan, ang pagtotoka ng pagbili ng
mineral water, pati na ang paggamit ng computer at aircon. Sa pagkain,
mayroon na kaming paborito kapag talagang kakaunti ang pera: itlog
na lumalangoy sa miswa.
Nag-aral kaming lahat na mamaluktot alinsunod sa biglang
umigsing kumot. Nagtulong-tulong kaming magkakasambahay para
maitawid ang bawat araw. Dahil nakadepende ang trabaho ng mga
Tiyuhin at Tiyahin ko sa mga negosyo, kasabay silang nawalan ng
pera sa pagbagsak ng mga ito. Kahit nahihiya sa maaaring sabihin ng
mga kapitbahay (ipinagkalat kasi ng Lola na “magreretiro” na siya at
mamamahinga na lang), napilitan ang Lola kong muling damputin ang
sandok niya at muling buksan ang karinderya. Tumutulong na lang
doon ang mga anak niya, kasama ang Tatay.
Patuloy rin sa pagtatrabaho ang Lolo ko bilang abogado. Pero hindi
naman ganoon kalaki ang kita niya. Dahil masyado siyang mabait sa
mga kliyente, madalas ay hindi pera ang ibinabayad sa kanya. Nariyang
kilo-kilong longganisa o prutas ang iuwi ng Lolo. Minsang nakita ng
isang kliyenteng dentista ang mga nabubulok na niyang ngipin, nag-
alok itong jacket sa ngipin na lang ang ibayad. Kaya isang gabi, umuwi
ang Lolo na pang-itaas na ngipin lang ang may jacket. Bulok pa rin ang
nasa ibaba. Iyon lang ang inabot ng attorney’s fee niya. Nang makita
ang mga ngipin ng kanyang bana, nagpuyos sa galit ang Lola. Pero
wala rin siyang nagawa at wala na rin kaming sinabi. Alam naming
kailangan na rin talagang ayusin ang mga ngipin ni Lolo. Wala nga lang

95
kaming pantustos. Kaya mabuti na rin iyong kahit kalahati, naipaayos
niya.
Bilang panganay sa magpipinsan, isa ako sa mga inaasahan. Nag-
aabot naman ako sa Lola. Hindi ko minamasama ang pakikibahagi
sa responsabilidad. Ang katwiran ko, tulong-tulong akong pinalaki
ng mga kamag-anak ko. Panahon naman para ako ang tumulong sa
kanila.
Pero aaminin kong may pangamba ako sa nakaambang posibilidad
na bilang nag-iisang apo/pamangkin/anak na hindi naman mag-
aasawa (iyon lamang uri na may basbas ng estado ang tinutukoy ko
rito, siyempre), hindi malayong mag-isa kong akuin ang singkaw ng
pagtataguyod sa buong pamilya sa lalong madaling panahon.
Nasa liyebo sitenta na ang edad ng lolo at lola. Bata pa ang karamihan
sa mga pinsan ko. Gaya ko noon, hiwalay rin ang mga magulang nila, at
mga matatanda namin ang umakong magpalaki. Ang pinsan namang
sumunod sa akin, bumuo na ng sariling pamilya. Kahit kasukob pa
rin namin siya sa iisang bubong, hindi na rin namin siya puwedeng
obligahin pa. O iyon ang nais iparating sa akin ng nanay niya, ang
tiyahin ko, nang minsang maningil ako ng pambayad sa tubig.
“Bibili pa iyon ng gatas,” sabi niya.
Ang pangarap ko ay maging guro at manunulat. Inalagaan ko ang
pangarap na ito, kahit unang taon ko pa lang sa kolehiyo, nagbigay
na ng babala ang isang guro: “Walang kita sa pagiging manunulat.
At huwag sasama ang loob kung hindi mababasa ang mga akda nyo.
Kahit sariling nanay n'yo, hindi babasahin ang mga 'yan. Malamang,
ipambalot lang 'yan ng tuyo.”
Tanyag na makata ang guro kong iyon. Noong una, sumama ang loob
ko sa sinabi niya. Sa loob-loob ko, bakit siya pang dapat na magbigay
ng lakas ng loob ang siyang unang kumikitil sa mga pangarap namin?
Pero lumipas ang panahon, at napagtanto kong nagsabi lang ng totoo

96
C HUCKBERRY P ASCUAL

ang guro kong makata. Wala ngang makaintindi kung bakit gusto kong
magturo ng panitikan. Wala ring makaintindi kung bakit gusto ko pang
mag-aral ng masterado at lalo na, magsulat.
“Tatanda ka nang walang pinagkatandaan,” sabi ng isang Tiyuhin
ko, matapos niyang ipamukha sa akin kung gaano kamali ang mga
desisyon ko sa buhay. Sana man lang daw, nag-aral akong gumawa ng
pattern ng damit para kumita ng kahit sangkapat ng tinatamasa niya sa
patahian namin ng damit.
Ngayong bumagsak na ang mga negosyo, hindi ko kakayanin
ang singkaw kung magiging guro lamang ako at manunulat. Ang
parating sinasabi sa akin ng mga tao sa paligid, magtrabaho na lang
daw ako sa ibang bansa. Kung ano naman ang gagawin ko roon bilang
isang nagtapos ng pag-aaral sa panitikan, parating malabo ang sagot:
“Maraming trabaho doon.”
Pangunahin sa mga nangungumbinsi ang sarili kong Nanay. Sa
tuwing mag-uusap kami sa telepono, hindi niya nakakalimutang
ipaalala sa akin na mabilis ang takbo ng panahon. Baka hindi ko raw
mamalayan ang pagdating ng araw na pagsisisihan ko ang aking mga
desisyon.
Materyalistiko ang kanyang estilo sa pangungumbinsi. Mabibili
ko raw ang lahat ng mga librong gusto ko kapag nasa ibang bansa.
Mas madali raw umorder sa amazon.com. Pagdating naman daw sa
suweldo, makakapagpadala na raw ako sa buong pamilya, mayroon
pang maiiwan para sa pag-iipon. (Kung isang araw, sabihin niya sa
aking maraming guwapong dayuhan na maaaring magkagusto sa akin
at maaari ko silang pakasalan, hindi na ako magtataka.)
“Kaya ko namang gawin iyon dito sa Pilipinas,” sagot ko. “Hindi ko
naman gusto ng marangyang pamumuhay.” Minsan, bilang pang-inis
din sa kanya, idadagdag ko pang kung ako ang masusunod, ang gusto
ko ay magbasa na lang at magsulat habambuhay. Hindi naman mabibili
ng salapi ang kaalaman.
97
Isang araw, sa kainitan ng debate namin, biglang sinabi ng Nanay
ko, “Kapag nagkasakit ang Lola mo at wala kang pera, iiyak ka na
lang. Hindi mo magugustuhan ang pakiramdam. Hindi uubra ang
‘simple-simpleng pamumuhay’ na nalalaman mo. Magsisimula ka ring
maghangad.”
Ipinagwalang-bahala ko lang iyon. Ang sabi ko, magagawan ng
paraan ang lahat. Kaya nagtrabaho muna ako bilang freelance na
manunulat habang nag-aaral ng masterado. Ang anumang paghihirap
sa kasalukuyan ay matutubos lahat, kapag nakapagsimula na akong
magturo sa kolehiyo at magsulat ng mga akdang makakapagbunsod ng
pagbabago sa lipunan, kung hindi man sa buhay ng mga mambabasa.
Matatag ang paniniwala ko na hindi lamang materyal na mga
konsiderasyon ang dapat ipagsaalang-alang sa pag-iral. Mababa man
ang maging suweldo ko sa pagiging guro (at sa kasalukuyan bilang
isang freelance writer), hindi man mabasa ng nakararami ang mga
akdang isusulat (at isinulat) ko, batid kong makikinabang kahit paano
ang mga susunod na henerasyon sa aking ambag sa kultura.
Hanggang sa nagkasakit nga ang Tatay ko. At kung hindi dahil
sa pera ng Nanay kong nagtatrabaho sa ibang bansa, hindi ko siya
maipapagamot. Nayanig ang lahat ng paniniwala ko.
“Mag-abroad ka na kasi,” sabi niya nang ibalita ko ang nangyari sa
Tatay. Saglit lang siyang nagbunganga nang malamang nagastos ko ang
pambayad niya sa pension plan. Sinabi ko namang ipangungutang ko
muna, tutal ay mababayaran naman kaagad kapag nakuha ko na ang
komisyon sa mga tinanggap na writing project.
Hindi ko maitatangging may mga sandaling dumudulas ang
pagtangan ko sa prinsipyo. Hindi ko mapapakain ng mga pahayag
tungkol sa pag-aambag sa kultura ang pamilya ko. Hindi ko masasabi
sa Tatay kong mas higit na makabuluhan ang intindihin ang mundo

98
C HUCKBERRY P ASCUAL

sang-ayon sa lente ng post-estrukturalismo habang dumaraing siya sa


sakit ng puwit. Si fistula ang kakilala niya, hindi si Foucault.
Nang balikan ko ang pagtatrabaho sa 1001 Nights, nainggit ako
sa mundo ni Scheherazade. Sana, nandoon din ako sa mundong
iyon. Kung saan tinutumbasan ng mga bara ng ginto, ng mataas na
pagtingin at sa ibang pagkakataon, tulad ng nangyari sa alipin ni Ja’afar,
nakapagliligtas pa ng buhay ang pagsasalaysay ng mga kagila-gilalas
na kuwento. Dahil kung ganoon ang sitwasyon, ikinuwento ko na lang
sana sa matandang doktor bilang kapalit ng P5,000 bayad sa kanyang
serbisyo ang "Tata Selo" ni Rogelio Sikat. O kaya, ipinaliwanag ko na
lang sana sa clerk sa Admitting Section ang halaga ng mito ni Nora
Aunor sa masang Pilipino para binigyan niya ako ng libreng kuwarto.
Ilang araw na lang, babalik na kami ng Tatay sa ospital. Malalaman
na namin kung ooperahan siya ulit. May nakalaan na akong panggastos,
pero hindi ko na kakayanin ang ipagamot siya ulit sa pribadong ospital.
Babalikan na lang namin ang matandang doktor para manghingi
ng referral sa ibang doktor, iyong nagtatrabaho sa pampublikong
pagamutan.
Hindi ko na isinasara ang posibilidad na magtrabaho sa ibang bansa.
Pero hindi ko pa rin papatayin ang pangarap na mabuhay sa pagiging
guro at lalo na, sa pagiging manunulat. Kahit ano ang mangyari, kahit
saang lupalop man ako dalhin ng hangin, magtagumpay man akong
maiahon ang pamilya namin o hindi, patuloy akong magsusulat. Hindi
man para sagipin ang aking pamilya, para man lang sagipin ang aking
sarili.
Magkaiba man kami ng mundong kinalalagyan, katulad ni
Scheherazade, alam kong ililigtas ako ng aking pagkukuwento mula sa
pagkamatay sa bigat ng aking singkaw.

99
Kristian Sendon Cordero

Salimpusa

B
inuksan ko ang araw sa pagsalubong sa mga bago naming
magiging kasambahay at ito ang apat na bagong kuting ng
beteranang pusang si Mystica, ang pinakamatandang pusa
ng aking Nanay. Una sa 25 mga pusakal (pusang kalye) na inampon
niya simula nang magtrabaho ang Tatay sa Amerika bilang isang sikyu
sa isang barko na nagdadala ng mga turista sa mga isla at dagat ng
Bahamas at Caribbean. Kung tutuusin mas matanda pa si Mystica sa
akin dahil una itong napulot ng Nanay sa isang basurahan sa may
malapit na kainan ng Intsik, tatlong buwan bago ako ipanganak.
Iniligtas daw ng Nanay sa tiyak ng kamatayan ang gusgusing pusa
na balitang ginagawang siopao kasama ng mga palakang bukid na
pinapakyaw naman ng mga mamimili lalo na ng mga magpapadyak
at mga magtataho. Simula raw nang mapulot ng Nanay si Mystica ay
unti-unti na ring pumasok ang suwerte sa aming bahay. Una na rito ang
pag-abroad ng Tatay na sinundan naman ng maayos na panganganak
sa akin na kanyang unico hijo at ang pagkakaroon namin ng segunda
manong bahay na binili ng Nanay sa kaibigan niyang Bombay na
nalugi sa payb siks simula nang maging itong Born Again Christian.

100
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

Ang pinakahuling balita ng Nanay na nasagap tungkol sa mga Bombay


ay bumalik na lamang ito sa India bilang isang misyonero ng kanyang
bagong relihiyon at napatay sa isang rally doon.
Kinagisnan ko na si Mystica sa bahay namin simula pagkabata
hanggang ngayon na nasa 3rd year hay-iskul na ako. Mystica ang
ipinangalan sa kanya dahil taglay niya ang mga misteryosong katangian
na di raw pangkaraniwan sa mga tulad nitong pusakal. Parang siyang
isang sphinx, kulay kahel ang likod na bahagi at ang mga paa at ang
isang mata ay kakulay ng uwak, samantalang pinaghalong kulay asul
at berde naman ang isang mata. Parang mga dyolen. Mahahaba rin ang
mga sungot ni Mystica na pinutulan ko minsan na ikinagalit naman ni
Nanay. ‘Yon ang una kong kurot mula sa ina ko.
Kakambal ko nang maituturing si Mystica dahil sabay kaming
pinalaki sa loob ng bahay. Kahati ko siya sa gatas ng kalabaw na nang
unang ipinainom sa akin ay halos itae ko na raw pati ang bituka ko at
siyempre hati rin kami ng atensiyon ng Nanay ko na maagang nag-
asawa bago pa ito matapos ng kolehiyo.
Sabay na nililinis ng Nanay at ng dalawa ko pang ate ang dumi
namin ng pusa ngunit higit na mabaho raw ang kay Mystica na parang
tae ng demonyo at parang tae ng Tatay ko na sabi ng Nanay ay hindi
marunong magsara ng kasilyas kapag tumatae. Takot daw kasi ang
Tatay sa maliliit na lugar dahil para siyang ikinakahon. Hindi ko
alam kong paano kaya ang buhay niya sa barko sa gitna ng dagat na
mistulang isang posporong palutang-lutang sa kawalan o kung paano
ang buhay ng mga kasamahan niya sa trabaho sakaling ganito pa rin
ang kanyang ugali sa pagdudumi.
Maliban sa amoy demonyong tae ni Mystica, madalas ring umihi ito
kung saan-saang sulok ng aming segunda manong bahay. Ngunit ang
paborito nitong lugar ay ang altar ng Mahal na Poon ng Nazareno ng
Capalongga. May mga sandaling sabay kaming pinapagalitan ng aming

101
mga tagalinis na kasambahay: ako sa pag-ihi ko sa banig na umaabot
kahit noong nasa Grade 3 na ako at si Mystica na parang tao rin kung
ituring lalo na ng aking Nanay. Minsan, sinabi niya na si Mystica ay
isang agimat, parang ang Poon ng Capalongga na napulot niya rin lang
daw sa basurahan nang itapon ito ng mga kasamahan ng Bombay na
naging Born Again.
Mahilig magtatakbo, mangulit at mamulot ng kung ano-anong
makikita sa paligid itong si Mystica na parang laging isip-bata kahit
ilang ulit na itong nanganak. Hinahabol nito minsan ang kanyang
anino o kung hindi man ang mga daga o insektong naliligaw sa bahay.
Pumupulot ito sa paa ni Nanay, lumingkis na parang ahas, kung gusto
nang kumain.
Kung meron mang mortal na kalaban ang pusa— ‘yon ang dalawa
kong kapatid na babae na madalas na nagpapalitan at nagtatalo sa
pagpupunpon ng aming mga dumi kung kaya madalas daw silang
bulyawan noon ng Nanay. Minsan nagsuntukan pa nga raw ang
dalawa kong kapatid sa pagtatalo kung sino at kaninong pinagtaehan
ang lilinisin. Marahil ito ang dahilan kung bakit tila asiwa sa akin ang
dalawa kong ate dahil taglay ko ang alaala ng paglinis ng tae ng tao
at ng pusa. Laging kasumpa-sumpa ang tae ni Mystica na habang
tumatanda ito ay lalong bumabaho. Bago ako tumungtong sa paaralan,
inuutusan na rin akong maglinis noon ng tae ng kakambal kong pusa.
Natigil lamang ang pag-utos sa akin ng paglinis ng tae ng lalo pang
dumaraming pusa nang sabihin ng albularyo kay Nanay na maaari
kong ikamatay sakaling makalanghap ako ng balahibo ng mga hayop
at umakyat ito sa aking ulo. Hindi niya man magawang itaboy ang
masuwerteng alaga, pinagbawalan na lamang ako ni Nanay na hawakan
ito. Minsan parang ayoko na tuloy na huminga noon sa bahay upang
hindi ko malanghap ang nagliliparang balahibo ng pusa na sa paglipas
ng panahon ay lalong dumami nang dumami.

102
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

Halos pagpapaluin naman ng lugtong ang Ate Sharon nang makita


ng Nanay na ginugusgos ng ate ang nguso ni Mystica sa sarili nitong
tae. Hindi na raw siya naawa sa hayop. Paliwanag naman ng panganay
kong kapatid na kaya niya lang ginawa ‘yon para magtanda na ang
pusa na hindi na tumae sa loob ng bahay. Ngunit walang paliwanag
na tinatanggap ang Nanay pagdating sa kanyang mga pusa. Parang
mas maiintindihan pa ng Nanay kung bakit ang daming bagsak ni Ate
Sharon sa grades nito kaysa ang maging malupit ang isang tao laban sa
mga pusa niya. Palihim na nagsumbong ang Ate Sharon sa Tatay nang
minsang tumawag ito sa bahay at wala si Nanay. Iyak nang iyak ang
kapatid ko na ipinangalan sa megastar dahil kasabay na nabuntis ni
Nanay ang nasabing artista. Nang sunod na tawag ng Tatay, ang pusa
na ang pinag-awayan ng mag-asawa at siyempre ang madalas na ring
pagka-delayed ng alote dahil kalati ng buong suweldo ng Tatay ay
ipinapadala pa rin sa aming lola sa Pampanga.
Dahil lumaki kami sa Bikol, sa poder ng Nanay, kung kaya masasabi
kong mas malapit ang loob ko sa kampo niya. Nang mamatay ang lolo
ko sa Pampanga, ni hindi ko magawang umiyak dahil wala naman
akong matandaang nakakaiyak na tagpo na puwedeng alalahanin.
Naluha na lang ako kahit papano nang mangiyak-ngiyak na rin ang
aking mga kapatid nang malaman ang balita. Iyak pusa na lang ang
ginawa ko–‘yong iyak na walang luha, ‘yong maiiyak ka na lang dahil
hindi ka naiiyak.
Si Mystica rin ang dahilan ng malaking pilat sa gawing kanan ng
aking mukha dahil niluksuhan ako nito sa duyan para habulin ang
isang alipato na nakapasok sa loob ng bahay nang minsang magsiga ng
napakaraming papel ang kapitbahay naming manunulat daw sa isang
diyaryo sa Naga. Galit na galit daw na pinalo ng Nanay sa ulo ang
pusa na akala mo’y matatanggal na ang lahat ng balahibo nito. Mabuti
na lamang at hindi nito kinagat ang Nanay, kuwento sa akin ni Ate

103
Cheche. Ito ang una’t huling pagpalo ng Nanay kay Mystica na labis na
ikinatuwa ng dalawa kong kapatid hindi dahil napalo si Mystica kundi
parang natauhan na raw ang Nanay namin. Halos isang Linggong
nawala noon si Mystica at hindi naman ito hinanap ng Nanay kahit
na kapansin-pansin na lagi niyang iniiwang bukas ang bintana sa may
kusina sa pagbabaka-sakaling bumalik na ang alagang pusa.
Bumalik si Mystica matapos maupos ang ilang kandila sa harapan
ng aso ni San Roque at ni San Antonio de Padua na sinindihan ng
Nanay para sa muling pagbalik ng kanyang alaga. At sa pagbabalik ni
Mystica, isang milagro ang itinanghal ng aking Nanay. Bagong pusa na
raw si Mystica mula nang bumalik ito dahil hindi na nito pinansin ang
mga nagtatakbuhang daga, naging matimpi at mapagmasid na lamang
ito sa loob ng bahay, naging misteryoso, naging totoo na sa pangalan
niyang Mystica.
Tahimik na lamang itong umuupo sa may bintana na parang
pinagmamasdan ang lahat ng bagay na nangyayari sa kanyang paligid.
Umaalis na lamang ito sa kanyang puwesto para kumain sa kusina
kung saan sinanay siyang gamitin ang sariling pinggan na isang
lumang pulang tupperware. Simula noon madalas nang sabihin ng
Nanay sa kanyang mga kumare na may sariling isip na ang pusang
si Mystica. Para siyang isang bayani na nagkaroon ng isang gabing
karanasan ng pagpurga ng mga pagnanasa na likas sa pusa: makulit,
malikot, panakaw kung kumuha ng pagkain, dumudumi kahit saan,
namemeste tuwing gabi, lahat ito ay parang naituwid ni Mystica sa
paningin ng Nanay—maliban siyempre sa regular na pakikipagtalik
at pagdadalang-pusa. Ngunit maipagmamalaki pa rin ang hayop
dahil natuto na rin daw itong umihi at tumae sa labas ng bahay at may
isang gabing ginising kami lahat ng Nanay nang mapansin nitong
tumae ng dugo ang pusa. Kahit na umuulan nang pagkalakas-lakas,
inutusan niya pa rin ang Ate Sharon na bumili ng diatabs na hindi

104
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

naman tumalab kaya kinaumagahan bago dumating ang nagtitinda ng


pandesal ay pumila na kaagad ang Nanay kay Dok Dakuko na siyang
kaisa-isang beterinaryo sa bayan na madalas ring takbuhan maging
ng mga taong walang-wala talagang ipambabayad sa espesyalista.
Madalas na makita nga sa klinik ng doktor sa hayop ang mga katutubo
sa bundok ng Asog para magpakagamot. Bulung-bulongan din ng
ilang manang sa merkado na ang katawan daw ng mga katutubo ay
hawig na hawig sa kalabaw at may isang asyendero rin na nagkalat ng
balita na may maliliit na buntot pa daw ang mga katutubo katulad sa
unggoy. Una daw itong pinuputol ng mga albularyong katutubo bago
ang pusod ng bagong ipanganak na sanggol. Tanging si Dok Dakuko
lamang ang talagang nagmamalasakit sa kanila na balitang anak din ng
isang katutubo na nabuntisan ng isang misyonerong Mormon. Kulot
ang buhok at makapal ang labi ng doktor na namana niya sa kanyang
nanay at mangasul-ngasul naman ang mata nito, parang ang kabilang
mata ni Mystica.
Matapos ang mabusising pagsusuri kay Mystica, binigyan ito ng
dalawang iniksiyon. May mga reseta pang ibinigay at nagbayad ang
Nanay ng isang daan. Maganda raw ang sulat-kamay ng doktor sa hayop,
kuwento ni Ate Sharon. Sa doktor sa hayop dinala rin ako ng Nanay
upang magpatuli. German cut. Bakasyon noon, bago ako mag-grade
6. Gusto ko sanang sumama na lang sa mga kaibigan kong sina Ken at
Bryan ngunit ayaw ng Nanay sa kung sinong tambay ako magpabinyag
dahil baka raw ako matulad sa aking Tatay na madalas niyang sabihing
may mali sa pagkakatuli nito. Parang walang ulong kabute raw ang
ari ng tatay, pabiro ng Nanay sa kanyang mga kumareng mga asawa
rin ng mga mandaragat sa abroad. Dahil paulit-ulit ang mga ganitong
kuwentong tila pang-iinsulto na kay Tatay, hindi na namin pinapansin
si Nanay sa tuwing maririnig namin ang ganitong mga pasaring at kung
masamang biro man ito, malamang ay sapat na itong dahilan upang

105
isang buwan na lamang kung manirahan ang Tatay sa amin sa tuwing
bababa ito ng barko kada dalawang taon. Umaalis si Tatay bago ko pa
maisaulo ang kanyang itsura. Mas sanay akong titigan ang kanyang
retrato sa sala. Sa totoo nga lang, tila mas marami ang pagkakataong
nag-usap kami ng retrato ng Tatay kaysa ng mga pagkakataong sabay
kaming nanonood ng telebisyon sa sala.
Nang tuliin ako, sampung beses nang nanganak si Mystica. Dalawa
sa isang taon kung magluwal ito ng mga kuting at nakasiping na nga
niya ang ilan sa kanyang mga anak na pusa. Ina siya ng kanyang mga
apo hanggang sa talampakan. Madalas na apat ang kuting na iniluluwal
ni Mystica na minsang tinayaan sa huweteng ng Nanay. Nanalo siya ng
limang daan na hindi naman naulit, kahit na naging tila ritwal na ang
panganganak ng dalawang pares ng beteranang pusa. Alam naming
magbubuntis na ito dahil madalas na itong wala sa bintana at gabi na
kung umuwi. Tawag ito ng kalikasan at unang nangangati, nag-iinit
marahil ang paa ng pusa. May mga pangyayaring sabay sila ng Nanay
kung umuwi matapos na makipaglamay ng limang gabing sunod-
sunod sa kabilang baryo ang Nanay. Patay noon ang dating barangay
tanod na madalas kong makita sa bahay noon sa tuwing papasok na sa
eskuwelahan ang dalawa kong ate.
Sa halip na ipatapon ang mga nagiging anak ni Mystica, inaampon
ito ng Nanay dahil na rin sa paniniwalang malas ang manakit ng hayop.
Kaya pinagawan niya ito ng isang malaking kulungan sa likod ng aming
bahay. Si Mystica lamang ang puwedeng gumala sa bahay. May ilang
pusang nakatakas sa kulungan, ang iba nama’y namatay samantalang
ang iba’y ipinamigay na lamang ng Nanay matapos ang katakot-takot
na bilin na kulang na lang ang adoption papers para sa mga kapatid ni
Garfield. Sa dinami-dami ng pusa ng Nanay, halos nagamit na niyang
pangalan ang 12 alagad ni Hesus, buwan, politikong ibinoto at lahat
ng kanyang paboritong artista. Ilan sa mga ito sina Nora na kulay itim

106
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

at may tagik na puti sa may kaliwang mata, na naging ina rin ng isang
pusang pinangalanan niyang Matet; si Vilma na madalas na tumambay
sa kapitbahay; si Lorna na kulay kahel ang buong katawan, si Goma na
naging karelasyon ni Dawn na nabuhusan minsan ng mainit na tubig ni
Ate Cheche (sinadya siguro); si Daboy na muntik nang malason dahil sa
betsin; si Osang na pinasakan ko minsan ng baterya sa puwit na kapatid
naman ni Juday na bigla na lamang nawala at ang hinala ng Nanay ay
nanakaw ng mga batang ”nagka-catnap” para ipagbili at gawing siopao
sa isang tindahan sa bayan; si Erap na purong puti ang balahibong mas
higit na hawig sa baboy; si Gloria na parating may muta at si Miriam
na nasagasaan ng traysikel matapos itong makapuslit sa kulungan.
Halos dumikit ang balahibo ni Miriam sa aspalto at mabilis na natuyo
ang dugo nito dahil sa matinding sikat ng araw na umabot pati sa loob
ng ulo ng Nanay. Magdamag na hindi kami nakatulog dahil sa ingay
ng Nanay. Dinamdam niya ang pagkamatay ni Miriam (na binoto niya
noon kaysa kina Mitra at Ramos) na naging dahilan ng pag-ungkat
niya ng mga sama ng loob sa Tatay na parang isang mahabang listahan
ng mga utang, sa dalawa kong kapatid na wala nang ginawa kundi
magbabad sa telebisyon at kolektahin ang retrato ng mga batang artista
at sa akin na wala na raw ibang ibinigay kundi gastos dahil sa hika na
hindi na kayang magamot ng mga resetang herbal ni Dok Dakuko.
Laging bida kay Nanay ang kanyang mga pusa dahil nga ito ang
suwerte niya sa mga negosyong kanyang nasimulan upang pandagdag
sa aloteng ipinapadala ng Tatay. Lumaki akong tila walang ibang mukha
ang Tatay kundi ang isang retrato sa sala, kuha kay Tatay kasama ang
mga puti nitong amo at ang buwanang alote: ang P15,000 ipinapadala
niya sa amin. Kung minsan kapag malaki ang nabale ni Nanay sa
negosyo, pinapakawalan niya ang mga pusa sa bahay at pinapakain
ng dalawang buong karpa at turingan. Nadisiplina ng Nanay ang mga
pusa dahil hindi ito nag-aagawan o nag-aaway sa kanilang pagkain.

107
Mas madali raw na turuan ang mga pusa dahil wala silang mga partido
sa politika, relihiyon, at ideolohiya na maaaring gamitin ang kulay
ng balahibo bilang batayan ng pagiging angat ang isang pusa kaysa
ibang pusa. Hindi rin sila eksklusibo sa relasyong sexual. Walang mga
doktrina, walang mga plano. Parang nabuhay lamang ang mga pusa
para kumain, makipagtalik, mamatay.
Kagaya ni Mystica na parang tumatayong matriarch sa mga pusa
sa bahay, hindi rin pinapansin ng iba pang pusa ang mga naliligaw na
daga, kahit makapasok pa ito sa kulungan nila. Kapit sa patalim na yata
sa mga pusa namin ang pagkain ng daga, parang ‘yong sitwasyon na
kung walang-wala na talaga o kaya’y tuluyan nang nabaliw ang pusa
katulad ni Miriam na isang araw bago masagasaan ay lumamon ng
isang bubuli na nakita naming kasamang lumabas mula sa kanyang
nagkalasog-lasog na bituka nang mahagupit at madaanan ito ng isang
kulay asul na Honda Civic. Hit and run.
Kung tutuusin wala namang ibang pakinabang ang mga pusa sa
aming bahay maliban sa kasiyahan na naidudulot nito sa Nanay upang
mayroon naman siyang pagkaabalahan maliban sa pagtitinda ng
kung anu-anong imported na nakukuha niya sa kung kani-kaninong
kumare at kakilala. Nagtinda na siya ng longganisa at tosino, bra at
mga whitening soaps, vitamins at maging stimulations na galing Tsina.
Minsan pinainom ng Nanay si Mystica ng isang tableta upang suriin
kung talaga ngang epektibo ang mga gamot na ayon sa sabi-sabi ay
siyang iniinom ng isang negosyante na kilabot ng mga sales ladies niya.
Halos tatlong araw nawala si Mystica na umuwing buntis. Mula rin
noon ay may ilang mga lalaking pusa ang tila nagagawi o dumadalaw
talaga sa amin upang makipagtalik lamang kay Mystica.
Maliit daw ang ari ng pusang lalaki kaya kailangan nitong kagatin ang
pusang babae para madaling maisagawa ang sigwa ng pangangailangan.
Madalas kaming pestehin ng sunod-sunod na ngiyaw ng mga pusang

108
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

babae na parang tumututol, humihiyaw ng “Ayaw!” samantalang


ang mga lalaki naman ay sumisigaw ng “Bungaw!” o bayag sa amin.
Nang talagang marami na ang mga pusa sa bahay, nakumbinsi ng mga
kumare niya na ibigay na sa kanila ang ilang alagang pusa kahit na
alam naming labis na nahirapan ang Nanay. Kumuha siya ng kada isa
sa bawat henerasyon ng pusa para naman well represented 'ika nga ang
distribution. Sa isip ng Nanay baka daw maghihinanakit sa kanya ang
mga kaibigan ni Felix the Cat.
Bata pa lang ang Nanay ay mahilig na raw ito sa pusa. Kung totoong
ipinaglihi ang Nanay sa pusa ay wala naman itong ibang palatandaan
maliban sa mga kukong maingat niyang inaalagan: mga kukong parang
nakatikim na ng lahat na kulay ng bahaghari. Ngunit hindi lang naman
suwerte ang dala ng mga alagang pusa ng Nanay. Muntik na kaming
masunugan nang minsan brown out at nakabig ng pusang si Gloria
ang aming gasera at dumampi ang nagliliyab na mitsa sa bulaklaking
kurtina. Mabuti na lamang at napatay agad ang apoy.
Ilang taon rin kaming nasanay sa maraming balahibong pusa sa
bahay, mula sa sahig, sa dingding hanggang maging sa pag-alis namin
ng kulangot ay may balahibo ng pusang napapasama. Mula ito kay
Mystica at sa iba pang pusa. Subalit sa halip na tuluyang itigil ang
pag-aalaga sa kanila o kaya’y ikulong at sentensiyahan ng reclusion
perpetua, hinayaang gumala lamang ang mga ito paminsan-minsan
hanggang sa tuluyan na silang pakawalan sa hawla at kasabay naming
lumaki sa loob ng bahay.
May sa kisame natutulog, sa mga estante, sa kusina, sa lababo, sa
bintana. Kinalaunan ang kulungang ipinagawa ng Nanay ay tila naging
isang haunted house na lamang. May mga pusang halos nalampasan na
ang kanilang siyam na buhay sa tanda ng pagtira nila sa bahay. Ilan din
sa kanila ang napagtagumpayan ang ilang pagsubok at pagmamalupit
na gawa ng aking mga kapatid sa tuwing aalis ang Nanay. Pinakain ng

109
may betsin, buhay pa rin. Iniligaw sa may plaza, nakauwi pa rin at ang
labis naming ipinagtataka ay sa tuwing ihuhulog namin noon ang mga
pusa mula sa bubong (nakisangkot din ako) ay lagi itong bumabagsak
ng nakatayo sa lupa. Kaya kami na lang ang napagod at tinigilan ang
paglalaro sa kanila lalo na nang marinig naming paboritong alaga ng
mga aswang at mangkukulam ang pusa dahil maliban kay Nanay
meron ding isang emperyo ng pusa ang matandang si Manay Biset na
kinakatakutan naming lahat dahil balitang aswang daw ang matanda,
kung kaya hiniwalayan ito ng asawang naging rebelde noong panahon
ng mga Hapon.
Walang anak si Manay Biset at tanging ang buwanang pensiyon daw
ang ikinakabuhay nito at ang tindahan na hindi naman masyadong
nabibilhan dahil halos expired na ang lahat dito: pasong sigarilyo,
nilalanggam na noodles, maputlang ketsup, toyong kakulay ng
kalawang at kung anu-ano pa na hindi na rin niya inililigpit dahil kahit
ang mga magnanakaw ay hindi mangangahas na kunin ang kanyang
mga paninda. Niloko nga namin ni Ate Cheche minsan ang matanda
dahil kinukuha pa rin nito ang mga lumang barya na hindi na rin
ginagamit ngayon. Hindi naman namin kakainin ang mga paninda
ngunit tiyak na meron pa kaming sukli sa kanya. At ‘yon ang gagamitin
namin sa pagbili ng teks doon kay Ong To.
Mabaho rin ang silid ng matanda dahil sa kanyang malulusog
na pusa na pinagpipiyestahan ang mga dagang naliligaw doon. Sa
kanyang silid, malalanghap ang amoy ng nabubulok na daga, tae ng
pusa, na humalo sa matinding pangungulila. Sa kawalang ngayong
ko lamang naisip, kawalang nakita ko noon sa mga nakatambak na
diyaryo sa tabi ng kama, sa mga pusang katabing matulog ni Manay
Biset nang minsang bumili ako rito ng sardinas na ibinigay ko sa relief
project namin para sa mga nasalanta ng bagyo sa Pampanga.

110
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

Noong nakaraang taon, bigla na lamang natagpuan na nakabulagta sa


kama si Manay Biset, inatake sa altapresyon ang matanda. Nagkasundo
ang barangay na dalhin na ito sa Home for the Aged na pinapatakbo
ng mga madre ni Mother Teresa sa Lungsod ng Naga. Nagpupumiglas
at halos mangiyak-ngiyak ang matanda nang dinala siya sa kumbento.
Sa kabila ng ganitong eksena, hindi pa rin nakaligtas sa matinding
pagpapasaring ang matanda na hindi raw ito nakapasok sa lugar ng
mga madre dahil tiyak itong masusunog dahil sa aswang nga si Manay
Biset. Ito ang sabi ng isang kumare ng Nanay na siyang naglimas ng
mga paninda ng matanda na natagpuang patay sa isang imburnal dahil
tumakas siya sa kumbento at aksidenteng nahulog.
Nahulog at nabagok ang ulo ng matandang napag-alaman ng
buong baryo na isa pa lang comfort woman noong panahon ng Hapon
na siyang dahilan kaya iniwan ito ng asawang nakilala niya pagkatapos
ng digmaan. Hindi na rin nila nagawang magkaanak dahil na rin sa
malupit na karanasan na sinapit nito sa kamay ng mga Hapon. Noon
pa lamang namin narinig ang malungkot na kuwentong iyon at dahil
pinag-usapan na ng buong baryo, wala nang matukoy na bibig kung
saan nanggaling ang kuwentong ito. Ganoon naman daw sa isang
lugar katulad ng baryo namin, kailangan gumawa ng mga kuwento
upang masagot ang mga tanong na kami rin naman ang gumagawa. At
katulad ng lahat sa lugar na ito, hindi rin kami ligtas sa ganoong uri ng
mga usapan, ng mga tanong tungkol sa aming pamilya kasama na ang
mga pusa.
Nang araw na inilibing ang matanda, tanging ang mga kagawad
lamang kasama na si kapitan ng barangay at 151 pusa ang naghatid sa
labi ng matanda na pinaglamayan nang isang gabi sa ermita. Walang
asawa o kamag-anak na dumating kung kaya lalo pa raw na nag-iba
at higit na nakakatakot ang mukha ng bangkay habang nagtatagal ang
pagsugal at pag-inom ng mga nakilamay. Kung kaya inilibing ito kaagad

111
kinaumagahan sa isang burol na ginawang sementeryo ni Meyor para
sa kanyang proyektong libreng palibing.
Dahil ulila na ang mga pusa, kumuha ang Nanay ng mga bago
niyang ampon. Sampu ang bagong nakadagdag sa kanyang koleksiyon
samantalang ang iba nama’y hinayaan na lamang na gumala sa
kamposanto. May ilang nagsabing kumuha ng tig-iisa ang mga kagawad
at dalawa kay Kapitan dahil na rin sa takot na baka gambalain ng
multo ng matanda ang baryo sakaling pabayaan ng mga tagabaryo ang
kanyang mga pusa. Nang mamatay si Manay Biset, parang nagluksa rin
ang mga pusa namin. Hindi nila pinansin ang kanilang mga pagkain at
maaga silang pumosisyon sa kani-kanilang estasyon sa kani-kanilang
tulugan.
Habang lumalaon naman ay lalong nakagiliwan ng Nanay ang pag-
aalaga ng mga pusa. Meron na rin siyang mga binibiling magazine sa
segunda-manong bookstore tungkol sa mga pusa at iba pang hayop
na puwedeng alagaan ng tao. Minsan, pinaghandaan niyang bumili ng
isang mamahaling pusa na galing pang Egypt, imported, mga halos
aabutin ng P5,000 ngunit nagastos niya ito nang minsang natumba
at nangisay na lamang ang Ate Cheche sa kanilang klasrum matapos
kutyain na putok sa buho daw ang pangalawa kong kapatid. Isinugod
naman agad ng titser ang Ate Cheche sa ospital ng mga madre, na may
kamahalan ang singil, na sabi nga may natutuluyan na raw na mga
pasyente dahil kasing bilis ng pag-akyat ng mercury sa BP ang taas ng
presyo ng babayaran.
Kaya matapos na magsumbong kay Nanay ay lalo pa nitong
pinagalitan ang Ate Cheche na huwag daw magpapaniwala sa kung
ano-ano. Matapos ang ikalawang araw, pumatak na kaagad sa P4,000
ang babayaran sa ospital kahit na puros tinolang manok lang naman
at ginisang sayote ang pagkain, isang electric fan, isang kama at isang
doktor na sa Japan pa raw nagtapos ng medisina kung kaya mahal ang

112
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

bayad dito. Agad namang tumawag ang Nanay sa Tatay nang makailang
beses ngunit tila nilamon na ng Bermuda Triangle dahil hindi niya ito
nakontak.
Dahil halos hindi na rin umuwi ang Tatay sa amin, ang ibang pusa
na ang nagiging katabi ng Nanay sa pagtulog, merong nakaposisyon
sa kanyang ulo, sa may paa, at tig-dalawa sa kanyang tagiliran. Ang
bagong sampung pusa ay ikinulong muna. Himalang hindi siya inuubo
o kaya ay kinakati. Sa tagal na marahil ng panahon ay di na maaaring
atakihin ang Nanay ng hika na maaaring makuha sa balahibo ng pusa.
May mga pagkakataong nakita kong kinakausap ng Nanay ang mga
pusa. Doon niya sinasabi ang lahat ng kanyang mga hinanakit na parang
nakakaintindi ang mga kausap, na parang basahan ang mga balahibo
nito na kayang patuyuin ang kanyang pabugso-bugsong pagluha.
Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi naman talaga namin kinasanayan
ang Tatay sa bahay. Lumaki kaming mga pasalubong lamang niya ang
nagpapaalala sa kanya at ang nakadispley niyang isang retrato. Mas
sanay pa nga kaming hanapin ang mga pusa ni Nanay.
Lumaon, maliban sa mga pusa, kinagiliwan din ni Nanay ang pag-
aalaga sa iba pang hayop na naging negosyo niya na rin. Nag-alaga
siya ng baboy, gansa, pato, manok, aso, goldfish, pabo, at kung ano-
ano pang maaaring maging libangan at pagkakitaan. Pinagsama-sama
niya ang mga ito sa loob at labas ng aming bahay. Sa mga hayop na
ito, totoong nakakapagod ang mag-alaga ng baboy dahil halos bawat
hapon ay nandoon sa tangkal ang Nanay. Kumuha na rin kami ng
katulong upang siyang direktang mag-aalaga sa mga hayop ng Nanay.
Kababata ng Nanay ang nakuhang katulong, si Manoy Nestor,
matangkad, hindi palaimik at halos puti na ang lahat ng buhok na hindi
naman dahil sa katandaan kundi sadyang ganun lang daw ang taong
hindi gaanong nagsasalita. Parang bagong salta sa planeta.
Walang anak si Manoy Nestor sa kanyang asawa na nagtatarabaho

113
sa isang sanglaan sa bayan. All-around si Manoy Nestor at wala itong
tinatanggap na regular na sahod mula kay Nanay. Paekstra-ekstra ito
sa mga bahay-bahay dahil marunong ito sa pagkumpuni ng sira-sirang
mga gamit. Kumakayod din paminsan-minsan ng traysikel ni Manay
Abeng at higit sa lahat marunong din ito sa hayop kahit na hindi naman
siya beterinaryo katulad ni Dok Dakuko. Sabi ng Nanay, nakapagtapos
daw ng second year Bio si Manoy Nestor. Tumigil lang ito sa pag-aaral
dahil napagtripan ng isang titser na bading. Dahil hindi ito pinatulan
ni Manoy Nestor, katakot-takot na F ang nakuha niya sa kanyang class
cards.
Noong mga unang buwan ay lingguhan lamang kung dumalaw
si Manoy Nestor. Ngunit naging madalas ang pagbisita ng all-around
alalay ng Nanay nitong huling mga taon. Magaling talaga ito si Manoy
Nestor dahil nagawa nitong iligtas ang asong si Macgayver nang
minsang bigla na lamang bumula ang bibig nito. Ang suspetsa pinakain
ng tinapay na may betsin ang batik-batikang aso. Pinasuka nang
pinasuka ni Manoy Nestor ang alaga habang si Nanay naman ay abala
sa paghahanap ng kung anu-anong gamot, tabletas man o halaman na
ipinapakuha ni Manoy Nestor. Hindi lang si Macgayver ang iniligtas
niya, maging ang pagtatae ng mga pusa, pulgas ng mga aso, bulate
ng mga baboy ay nagagawa niyang bigyang-lunas. Bagay na labis na
ikinahulog ng loob ng Nanay. Hindi ko alam kung dati na nga silang
magkasintahan bago pa nakilala ni Nanay ang Tatay. Matapos ang ilang
buwan na pagtatrabaho ni Manoy Nestor sa amin, nasanay na kaming
parati siyang nasa bahay at kahit nga wala ang Nanay na madalas na
ring pumupunta ng Maynila para raw ayusin ang ilang dokumento sa
opisina ng Tatay na halos hindi na rin tumatawag o sumusulat sa amin.
Huling bakasyon niya ay noong unang anibersaryo ng aking pagtuli. Ni
hindi na niya tiningnan kung maayos ang pagkakatuli ko, gayong ang
mga kasama kong nagpatuli ay inalagaan daw ng kanilang mga ama

114
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

ang kanilang titi alalang-alala raw sa magiging sunod na lahi. Wala ako
o si Tatay ng dramang ganun na nagbabakasakali sa mga hinaharap, o
sa kakalabasan ng susunod na henerasyon. Wala akong pagtatantiya
sa kung ano ang magiging itsura ng mga susunod na pusa o anupang
hayop na mananahan sa bahay.
Huwebes ng gabi kung umalis si Nanay papuntang Maynila at
Lunes na nang madaling araw kung dumating. Matatagalan pa raw
bago "maayos" ang mga dokumento. Dokumentong magpapatunay
na minsan may isang pamilya, na kami’y iniluwal at buhay, na kami’y
mga karapatan at tungkulin. Ang mga ate ko nama’y nahilig sa kani-
kanyang mga kaibigan. Kung dati’y sa pusa at sa akin sila nag-aaway,
ngayon madalas silang mag-away dahil laging ipinagtatanggol ni Ate
Sharon ang Tatay laban kay Nanay na siya namang pinapangatawanan
ni Ate Cheche. Nang minsang nag-away ang dalawa isang Biyernes ng
gabi na wala kaming nakitang ulam sa ref, noon ko narinig na tahasang
sinabi ng Ate Sharon na may relasyon nga si Manoy Nestor at ang aming
Nanay. At kaya naman daw pumupunta ang Nanay sa Maynila ay
inaayos na nito ang dokumento ng paghihiwalay nila ni Tatay. Nagulat
ako sa sinabing iyon ng Ate, habang walang humpay na humagulhol si
Ate Cheche. Mabuti na lamang at hindi na ito nangisay. Matapos ang
kanilang away, dumating ang Nanay na wala si Ate Sharon. Parang
pusang hinanap ito ni Nanay. Tinulungan kami ni Manoy Nestor sa
paghahanap sa matanda kong kapatid hanggang sa makuha namin ito
sa bahay ni Carlo, ang basketbolista sa kabilang baryo na anak ng isang
kumare ni Nanay. Dalawang buwan nang buntis ang aking Ate.
Hindi naman nagpakita ng mala-bulkan na galit ang Nanay sa
nangyari sa Ate. Hindi niya ito sinumbatan ngunit hindi naman
niya kinausap na ng masinsinan matapos itong sunduin sa bahay ng
kasintahan. Parang paraan na rin ‘yon ng Nanay na sabihing walang
magsasalita o magrereklamo kung doon na rin sa bahay titira si Manoy

115
Nestor na lumipat sa amin nang sumunod na linggo matapos ang
pagsundo kay Ate Sharon. Ang paglilipat ni Manoy Nestor sa amin ang
mitsa ng muling mga bulong-bulungan ng mga kapitbahay. At kaya
rin madalas ding makitang nakikipag-away si Manoy Nestor sa asawa
niyang nasa sanglaan na minsan ko nang nakasalubong sa pagpunta
ko sa estasyon ng sikad-sikad. Tinitigan ako nito na parang pusang
may kagat na isdang-pang-ulam. Napayuko na lamang ako dahil tila
may mga hintuturo ang kanyang mata. Kumaripas ako ng takbo pauwi
sa amin at hinintay na lumubog ang araw sa aking kuwarto. Natulog
akong tila may mga naghahabulan na daga sa dibdib ko samantalang
sa kabilang kuwarto ay narinig ko ang mga iyak ng pusa, ni Nanay at
ni Manoy Nestor.
Gayumpaman, ginawa pa ring parang normal ang buhay sa bahay
maliban na lamang sa hindi na pag-imik ni Ate Cheche at ang paglobo
naman ng tiyan ng Ate Sharon na madalas ay doon na rin kay Carlo
natutulog. Tumigil muna siya sa pag-aaral sa kolehiyo samantalang
tumakbo naman ang buhay ko na para bagang isa sa mga pusa na
lamang: kain, tulog, aral, manood ng telebisyon, gumala kasama ang
mga kaibigan. Tila sa kabila ng lahat na nangyari ay tahimik ko na
lamang na pinagmamasdan ang mga bagay na nangyayari sa aking
mga kasambahay, sa aking pamilya. Inalis na rin ng Nanay ang retrato
ng Tatay at isinilid ito sa bodega, ang mga gamit naman ng Tatay ay
ibinenta niya sa kumareng may tindahan ng mga ukay-ukay. Parang
napupuno ng mga balahibo ang puso at ang alaala ko sa mga taong
nasa paligid ko. Pero ganun lang naman talaga dito sa bahay, may
aalis kagaya ng ilang pusa ng nanay, kagaya ng aking tatay na balitang
nakapangasawa ng isang Amerikana sa kanyang pinagtatrabahuhang
barko, ni Ate Sharon, na sa paglipas ng panahon ay lalong lumaki
ang tiyan na parang nalulon na nito ang isang globo at si Ate Cheche
na nahilig na lamang sa pagbibilang ng poste at mga basurahan na

116
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

ipinagawa ni Kapitan at nilagyan ng pangalan ng lahat ng politiko ng


buong baryo.
Nitong isang araw, nakita na lang namin si Ate Cheche sa puntod
ni Manay Biset na tila naghahanap ng maiiyakan, parang wala na kasi
siyang dahilan para maiyak pa lalo’t parang ipinaramdam ng Nanay
na kailangang tanggapin ang mga pangyayari sa bahay na katulad
lamang ng panganganak, paglalayas, at kamatayan ng kanyang mga
alagang pusa. Dinala siya ni Manoy Nestor sa isang albularyo dahil
baka raw sinapian na ng espiritu ni Manay Biset. Simula noong gabing
ipinagamot ang Ate Cheche ay parang naging isang ligaw na pusa na
lamang siya. Pinili na niyang magpahuli sa pagkain at minsan nabuksan
ko itong kinakamay at dinidila-dilaan ang isang lata ng sardinas na
walang laman. Lalo pa itong nagbago ng kilos nang alisin ng Nanay ang
retrato ng Tatay sa kanyang salamin dahil bagama't sinasabing ampon
sa pamilya, siya ang kamukhang-kamukha ni Tatay. Mula rin noon
kinatakutan niya ang tubig lalo na kung Martes at Biyernes, sinabi raw
sa kanya ng Mahal na Birhen na bawal ang paliligo sa mga araw bilang
paggunita sa mga misyonerong pinatay sa Mindanao. Hindi naman ito
pinansin ni Nanay dahil nalipasan daw na naman ng gutom ang ate at
kinulang ng bilad sa araw. Kung kaya pinagsabihan, (sinermonan niya
talaga ako) na huwag pababayaan ang aking kapatid.
Ngayong nanganak na muli si Mystica pinagmasdan ko ang mga
mata ng bagong kuting, mutain pa ang mga ito. Baka raw supot ang
nakatalik ni Mystica sabi naman ni Manoy Nestor, isang umaga habang
hinihigop ang kanyang kape. Natatandaan ko pa noon, minsan sa isang
huntahan ng mga matatanda sa kanto, narinig ko na kung gusto mo
raw makakita ng aswang ay maglagay ka lamang ng muta ng pusa sa
mata mo at umupo sa bao na may dalawang butas lamang. Ginawa
namin ito minsan ni Obet ang kalaro kong pumunta na ng Dubai dahil
doon na rin nakapangasawa ang kanyang nanay na Arabo, ngunit wala

117
naman kaming nakitang aswang ni Obet, hindi namin nakita si Manay
Biset.
Tuwang-tuwa naman ang Nanay sa muling panganganak ni Mystica,
sabik pa yata niyang inasam ang pagdating ng mga bagong pusa kaysa
sa kanyang apo. Tahimik si Mystica sa hinihigaan na telang may bahid
pa ng kanyang dugo. Pamilyar ang telang ito na ginawang basahan ng
Nanay kung saan nanganak ang pusa: isang lumang uniporme ng ate
kong nabuntis. Sumususo na ang mga bagong supling ni Mystica at tila
inaantok ang matandang pusa dahil papungay-pungay ang mata nito,
pipikit, didilat, hanggang sa marahil ay nabagot na ito at bumuhat mula
sa kanyang pagpapasuso. Parang mga prutas na ayaw pang bumitaw
sa sanga, ang mga kuting na unti-unting naglaglagan, napaknit sa
kanilang pagkakadikit sa mga suso ng inang pusa. Pumunta si Mystica
sa malapit sa refrigerator kung saan madalas siyang pinapakain ng
Nanay. Ininom ng inang pusa ang tinimplang gatas ng Nanay para sa
kanya.
Matapos makitang umiinom na si Mystica ng gatas at pagkakain
nila ng kanilang almusal, agad namang umalis ang Nanay at si Manoy
Nestor dahil may aayusin pa raw sila sa opisina ni Attorney San
Andres, ang ninong kong abogado at kaklase ng tatay noong hay-iskul.
Ipinagbilin sa akin ng Nanay na pakainin ang iba pang alagang pusa
lalong-lalo na raw ang bagong sampung pusa at si Mystica. Inihanda
ko ang mga tinik ng tinapa, ang natirang sopas, at malamig na kanin.
Nilagyan ko ito ng tubig at asin upang pampalasa at saka hinalo-halo
sa isang kaldero. Sinulyapan ko muli si Mystica, tulog na ang ilan sa
kanyang mga kuting, samantalang ang iba’y tila ngangapa pa rin sa
bagong liwanag, parang mga pawikang bumabalik muli sa dagat.
Naglilinis na ng kanyang balahibo si Mystica, nilalawayan nito ang
kanyang mga paa, ang dibdib at ang kanyang mga kuting na balang-araw
ay magiging katalik niya o kaaway o maglilihis lamang ang kanilang

118
K RISTIAN S ENDON C ORDERO

mga landas. May maglalayas, may masasagasaan, may hihingiin o


nanakawin, may pupulutin na lamang ito bigla at ipagpapalagay na
nawawala, may pupulutanin. Marahil kung totoong siyam ang buhay
ng mga pusa, walo rito ang maaaring salimpusa lamang sila o baka ang
lahat ng siyam na buhay ay pagsasalimpusa.
Sa labas, nagsisimula nang bumagsak ang isang napakalakas na
ulan. Nakatikom ang mga dahon ng akasya, marahil dahil sa lamig.
Ganito ang mga dahong ito kapag gumagabi na rin, lumalamig na ang
panahon. Nagsasara.
Lumabas ako upang maligo. Hindi ito ang unang ulan ng Mayo.
Hindi ko alam kung anong petsa na ngayon, kung anong araw itong
panganganak ng pusang si Mystica. Agad na nanuot ang tubig at lamig
sa aking katawan, tila isa akong malaking bulak na sinisipsip ang tubig
buhat sa langit. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa walang katao-taong
kalsada. Sinundan ko ang agos ng tubig sa imburnal at sumayaw-sayaw
sa daguso ng hangin na parang balahibong naghahanap ng kahit anong
laman na makakapitan.

119
Adam David

Rarefied Heights, Restoration,


and the Rhythm Method

I
always find it strange to be constantly continuously reminding
people that komix1 is art, that komix is lit, as being from a generation
and lineage that grew up around komix, it being art and lit was
already a done deal—moot and academic—even before I was born,

1 I’ve been putting off talking about this as I feel it needs its own essay, but for the sake of clarity

and just to show that I’m not (just) being cool about stuff: I use the term komix to describe
the contemporary manifestations of the form, i.e., more art art than pop art, thoroughly distant
if not wholly disconnected from the traditions of the original komiks, as elaborated on in a
certain book that I’ll be mentioning in the next footnote. One can make a decent case that I am
merely splitting hairs with this proposal, but for me it makes perfect sense: the urge to trace a
straight line from Tony Velasquez’s Kenkoy to Macoy’s Ang Maskot is obstacled by other factors
that come into play when considering texts–mainly production, mainly audience–that a straight
line between the two just isn’t possible. The disparity is big enough–besides production and
audience, there’s also intent and stylistics—that I feel the new stuff needs a new term, even if the
new stuff is actually repackaged old stuff, i.e., El Indio (the repackaging has already reframed it
in a more contemporary context), even if only just for the sake of pseudo-academic clarity. This
footnote is completely unsatisfactory, I know. Like I said: it needs its own essay.

120
A DAM D AVID

but perhaps people always need reminding lest we forget, and so we


get books like Francisco V. Coching’s El Indio (Vibal Publishing, 2009),
quite possibly the one book of this millennium’s first decade that will
be universally loved and praised by komikeros and critics alike, although
for what reasons, exactly? Is it one of those books that we automatically
love and praise because it’s a classic, an artifact from what is generally
considered by most fans and practitioners as the Golden Age of Pinoy
Komix, drawn in that distinctly classic/al “Pinoy” style? Do we love
it and praise it because it’s komix that is quite obviously unabashedly
art and lit? Do we love it and praise it because of its inherent historical
value? And it definitely has historical value, as most komikeros
will see this book once again as impetus for a sermon on how much
contemporary komix are without a relevant sense of artistic history, and
unfortunately for most contemporary komix, the sermons will be right,
and right on the money.
Most contemporary komix are being produced with a mindset
teetering between historical vacuum and polybagged nostalgia: some
will champion Tony De Zuñiga for cocreating Black Orchid and Jonah
Hex, but will not have read or cared for any of those titles prior to
the assertion of said trivia, or will at least maybe know of Orchid and
Hex for their revisionist GenX/Y periods, i.e., not the De Zuñiga era,
which ought to be the relevant area of discussion; most will readily say
their opinion of Alex Niño and Nestor Redondo—that eternal push-
me-pull-you struggle between fantastic/impressionist and realist/
representational—but none will have seen or read any relevant Niño
or Redondo piece, will in fact be actually more informed with the
long-running Jack Kirby–Steve Ditko comparative analysis between
bombastic and paranoiac art.
How many people today have actually read a Mars Ravelo–Nestor
Redondo Darna komiks? Much acclaim has been given to the fact that

121
it was in komiks first before everything else, and yet most of what we
know of Darna today is based on the various and sundry movies and TV
shows and not on the actual komiks themselves, a fact that continues to
be downplayed by what passes for komix criticism here. How different
would our opinions be of Carlo Caparas if what we know of his art is
based on his komiks work—the true area of contention—and not on his
movies? How much of the actual Caparas Hate was actually informed
researched opinion of his art and wasn’t just arguably well-deserved ad
hominem bandwagoning?
And the situation is thus as the relevant texts have never been made
accessible, either for entertainment or scholarly perusal. Our opinions
and knowledge of these texts are actually founded on prefab hand-me-
downs from self-appointed vanguards of the industry—“industry” =
“not the art form”—than actual informed and considered ideas based
off of actual art appreciation, their fuel being our faith in the self-
appointed vanguards being more intellectually and morally considerate
about art than we are, but once we actually read them talk about art,
we are crestfallen to find that the self-appointed vanguards are far
more clueless about it than we are, their various rationales more self-
aggrandisement than art analyses.2
One of the more resounding names suggested as far more deserving
of a National Artist Award during the Caparas Fiasco was Coching’s,
2 This is a stone directly slung towards Randy Valiente’s and Fermin Salvador’s compilation of

komiks pseudo-scholarly work Komiks sa Paningin ng mga Tagakomiks (self-published, 2007). What
the editors did was scour the Internet for essays and articles on komiks written by the people
they deem to be komiks professionals and merely copy-pasted more or less everything they
found from the blogs and forums, typos and unsubstantiated claims and all, on to the book’s
pages. Among the claims made (by Valiente himself) is that all comic books that aren’t drawn
realistically anatomy-wise are books done by lesser artists and thus are lesser books, regardless of
their topics and narrative integrity and artistic intents, and our komiks, being drawn realistically
anatomy-wise, are done by better artists, and thus are better books than most in the world, if
not the very best in the world. This sort of logical analysis is basically run-of-the-mill in non-
academic (read: non-critical) essays on komiks, and it basically fed my decision to use komix
instead of komiks. And for clarity’s sake: I wasn’t looking for academic rigor in their essays; what
I was looking for was intellectual rigor, moral rigor; words and paragraphs employed to promote
actual thinking, thinking not burdened by the self-assigned task of self-legitimacy.

122
A DAM D AVID

and with the release of the El Indio album and the P2,000 hardcover
retrospective of his artworks both sequential and “fine,” we now get to
see, firsthand, exactly why Coching deserves such a place in the history
of art.
Komix as art and lit is always a slippery discussion for most people
invested in the definitions, to say the least: it is a medium that embraces
the Benjaminian notion of mechanical reproduction’s negation of art’s
aura of value—it is not art because it is mass-produced and ephemeral—
but at the same time it increases in value as an artifact as the years go
by, a value brought on by its ephemeral nature—it’s an artifact as not a
lot of it exists precisely because of its ephemeral origin—and so it goes.
My definition of art leans more towards an artisan’s understanding
of it, or a journeyman’s: it is something you work on—a job—its only
real concrete value dictated by its effectivity as a piece of communiqué,
and by the highly subjective yet paradoxically universal notion of
“beauty.” In my book, John Porcellino’s almost-abstractly minimalist
zen poem aspirations are to be regarded with the same awe and respect
as Philippe Druillet’s oppressively maximalist monstrosities as well as
Eddie Campbell’s realist humanist ink scrawls. In short, it’s a case-by-
case basis, the standards dictated by how effective it is in telling you
something.
Analyses of komix as art and lit are further compounded by the
latter-day occasion that komix, by and large, is a populist medium, much
more affected by audience appeal than critical assessment, by market
forces than artistic movements, and yet the artist demands a price and
respect worthy of his perceived artistic excellence—yet another slippery
notion—yet oftentimes refuses to let his art mean more than market and
authorial intent—yet another slippery notion.
And El Indio is a curious example of komix as art and lit. It is a thirty-
five-part serial of five-page bits from 1952, of a quasi-revenge-revolution

123
drama of the European bend, much like Alexandre Dumas’s The Count
of Monte Cristo, or like the legend of the Man in the Iron Mask (which
was the influence of yet another Dumas work, The Three Musketeers),
and thus, much like Jose Rizal’s Noli Me Tangere and El Filibusterismo;
considered a mongrel in Imperial Spain, Fernando exiles himself to the
Philippines where he finds the colonial situation to be so unbearable he
dons a vigilante persona he dubs “El Indio,” with matching pistols and
scarf and a legendary salakot he cribbed from an earlier vigilante called
“Sabas, the Barbarian,” who also happens to be <SPOILER> his long-
lost father.
The story is pure romantic adventure, chockful of swordfights and
gunfights and bullfights. Early in the book, Fernando as a boy breaks
a wild horse he captured himself in the countryside; midway into the
book, a more adult Fernando charters a ship to the Philippines steered by
a gruff-looking yet subservient captain with an eye patch; towards the
ending, yet another male masked vigilante is revealed to be none other
than <SPOILER> Fernando’s female romantic interest. Somewhere in
between, young sidekicks for the revolution are earned, one of whom
slaps a wild bull on the ass, while another is chased out of a coop by a
domesticated hen.
And I am glib about the plot in the light of the new millennium’s
day, as it is rather silly and old, “old” being “nothing new,” “nothing
new” being “by the numbers,” and that, ultimately, is just really okay.
The writing of the story itself is nothing special, nothing ahead of its
time, nothing particularly mind-blowing happens in the captions—even
while it was written rather obviously with a bookish bend in mind, it is
not quality lit: it is a generic adventure told in imitation “classical” tone,
ultimately as vapid and as compelling as Pirates of the Caribbean. What
is of interest to me here is how it seems that this story, from all komix
historian’s accounts, had actual mass appeal—even as far as having a

124
A DAM D AVID

movie based off of it a year after it originally concluded, starring no less


than Cesar Ramirez, Tita Muñoz, Nena Cardenas, and Eddie Garcia,
directed by National Artist Eddie Romero—and that fact is of interest as
it illustrates just how flimsy public opinion really is (local productions
of period pieces in mass media have proven to be generally problematic
nowadays, as not even Richard Gutierrez could keep people’s interest
on a recent Zorro TV serial), how komix writing almost always loses
out to komix art when it comes to standards of quality (only now do
we have actual komix that have more-than-decently talented writers,
i.e., Budjette Tan, Andrew Drilon, as opposed to our range and history
of high quality komix artists, i.e., Leinil Yu, Carlo Pagulayan, Philip
Tan, Roy Allan Martinez, Andrew Drilon (again), all the etc. etc. of the
past ten years or so, and its corollary thought how komix is truly a
collaborative medium of words and pictures working together, one’s
strengths supporting the other’s weaknesses, all in aid of telling a story,
and as such, El Indio pulls this stunt off quite admirably.
Despite its employment of words and pictures for narrative
purposes, komix is a medium with mechanisms that are closer to
music and poetry than painting and prose, the elements aware of each
other in their placement on the page and working in synch to evoke
a certain reaction, to tell a certain story, to make the characters move
from one action to the other, one turn hinging on the one preceding
it and at the same time anticipating the one next to it, all laid out as a
linear track of images albeit also happening all at once (all the words
and pictures are on the page, your eyes providing the machine to
make them “move”), the reading of it a process that operates more on
patterns and rhythms, movement and closure (panel one opens, panel
two closes) than the more linear (prose) or static (painting) media.
It’s hard not to look at Margarita’s page-38-and-39 dance sequence
without seeing her actually dancing her seduction dance with Fernando,

125
hard to read through it without hearing busy percussive beats of brass
and strings with her arms’ every snap and pose—and it’s because
every movement logically follows the one before it and anticipates the
ones next to it, like a particularly skillful nylon string guitar solo, or a
really smoothly executed enjambment—the smoothness brought about
by how the artist laid it on the page, which dives towards the book’s
primary strength, which is page design.
From chapter to page to panel to figure to every unassuming line
of ink, El Indio is executed with utterly baroque exuberance, with
enthusiasm approaching nothing less than florid vibrance. The art
style is, for the most part, realist and representational, having more in
common with Juan Luna and Rembrandt, albeit infused with dynamism
that approaches Kirby—again, these pictures aren’t mere paintings but
actual moving pictures in their own right, the movement not only merely
suggested by the McCloudian komix “closure” in the gutters, but by the
actual rendering of the drawings themselves, almost expressionistic. 3
It holds a particular place in visual communication that is strictly in
komix territory, communicating in ways only komix could, only rarely
seen at this level of maturity and complexity and artistic humility, even
(or maybe most especially) today.
When compared to contemporary komix’s present greats—Arnold
Arre, Gerry Alanguilan, and Carlo Vergara—Coching still comes out on
top as a true master of the form: Arre, while the better storyteller of the

3 I expanded on this germ in my essay on Cartooning in context with Manix Abrera’s 12 and

Macoy’s Ang Maskot, replacing “expressionistic” with “cartooning,” going to great lengths in
explaining just how cartooning works, how a single panel of komix can communicate a narrative
independent of all the other panels on the page. It’s not the most original piece of observation;
as I later found out, Douglas Wolk talks at length about it in Reading Comics (Da Capo Press,
2007). My own bit on it obliquely turned into a rebuttal of Scott McCloud’s proposal that comic
book narrative depends on an arc of communication that happens between at least two panels of
comics on page, thus discounting the possibility of the power of one, so to speak. He did some
semantic hand-wringing about this particular point yet opted to still discard it in favor of the
“McCloudian komix ‘closure,’” and although the resultant proposal was/is still very debatable, in
the end it proved to be a very very very wise and intelligent and lucid choice.

126
A DAM D AVID

three, only really has one visual tone, i.e., cute; Alanguilan, the closest
aesthetic kin to Coching today and whose style is given to a wider range,
still tends towards a more static (versus Coching’s more dynamic) figure
drawing, i.e., they look more like pictures caught in time than action in
sequence; and Vergara, the ideal compromise between Arre’s storytelling
and Alanguilan’s range, is still too limited by the superhero idiom, i.e.,
his books still look like Western superhero comic books even when
they’re not about superheroes.4 Rarely do they approach the level of the
emo-physio narratology of El Indio’s page 28, panel 3 (the beginning of
a bullfight, Fernando all dolled up as a matador posing with a sword,
his back to us, the large bull glowering in front of him, horns perked
to strike, over them a gathering storm, clouds like billows of smoke on
fire), or the chiaroscuric atmospheric drama of page 122 (a clandestine
meeting in the woods as a bonfire flickers and fades shifting shadows
across leaves and bark and sombreros and folded fabric and smooth-
skinned faces as the characters debate about love and the revolution), or
the French garden styling of each chapter’s splash page (by themselves
ornate period illustrations, widescreen dioramic vignettes, the reader’s
point of entry into the story, the characters caught in freeze frame from
the previous chapter’s cliffhanger, the story now ready to continue).
The development of such a mature idiom at such an early stage in
the art’s development is a curiosity: by 1952, we’d been doing komix for
thirty years, interrupted for five by World War 2, but by then it already
had various visual shorthands for pictographic storytelling, shorthands

4 When an earlier draft of this essay was published online, of all the conclusions and proposals

I asserted, my comparison of Coching’s mastery of the form to the three contemporary


komikeros’ earned the only comments to date, both of them—there were only two—berating
me for even imagining that such a comparison can even be remotely accurate, even accusing me
of being unfairly nostalgist for championing Coching over Arre, et al. I acknowledge that further
elucidation on a few tangential points would have been extremely helpful for the entire thing, but
these things had to be sacrificed due to the circumstances of production and the constraints of
the form, and I acknowledge that this essay is a lesser thing because of these sacrifices. But that
said, I still stand by these generalisations.

127
that wouldn’t function in media other than komix. Among its subtler
elements, El Indio features a very mature understanding of typography,
apparently courtesy of Luming Coching, Francisco Coching’s better
half, the letterer of the book: aside from its title logo, the book employs
nothing more than three variations of the same handwritten type,
the three being Normal, Bold, and Hollow, all variously encased in
emphatically hand-drawn Caption Boxes, Word and Shout Balloons,
and each is used deliberately and with conscious reason, dictated not
only by sound volume, i.e., faintest to loudest, but also by emotional
intensity and by the more spatial formalist concern of broadcasting
ambient noise in a medium that is basically mute.
The three variations of type exhibit quite the range. In pages 14 and
15 alone, half a dozen panels illustrate this flexibility: page 14, panel 1
has a ranch hand’s emboldened exclamatory “FERNANDO!!”—a firm
commanding shout tinged with some worry as Fernando, as a child,
balances himself on a fence with a handstand; page 14, panel 2 has a
hollowed disjointed exclamatory “YIYA!!”—a more carelessly playful
shout than the previous panel’s, as Fernando rides yet another ranch
hand as a mock horse; page 14, panel 3’s hollowed moderate “TSK ..
TSK .. ARYAAA!!” is a rehearsed command evoked by Fernando the
child pretending to be an adult, hoping to fool the (this time real and
domesticated) horse he’s riding. The Hollow Type Variation proves to
be the most flexible of the three, exhibiting much character and voice,
as in page 15, where it is used variably as a low ambient growl (an
unballooned “GRRRRRRR!!” rolling around a character’s head) and
as typical cinematic foley (a crisp “PAK!” as Fernando punches a boy
on the side of the head), and both work effectively in their differing
purposes, despite being virtually the same type.
This attention to the power of words and how they are rendered is

128
A DAM D AVID

seemingly a discipline that has lost its power at the advent of Adobe
Illustrator and various other font-making programs, which is ultimately
greatly sarcastic as these modern complex tools are all in aid of better
and simpler manipulation of words as objects, and as it gives us a
bountiful cornucopia of objectified type, it also increasingly separates
us from type’s ability to communicate clarity of thought.
The story of the publication of El Indio is also of interest: Coching’s
work was painstakingly digitally restored by Zara Macandili and Gerry
Alanguilan for years, cleaning and restoring each and every page, down
to each and every line of ink, scanned off of pages on loan from the
Coching Estate—and only copies of the pages, not even the originals
themselves, at that—all now collected and published for the first time
ever as one glossy volume, the first time such pages have been printed
since they first came out, pioneering in the Philippines the latest and
maybe final stage of the paradox of komix as art and lit. After years of
being a medium for the masses, and then becoming an elitist artifact
with prices for individual pages selling for upwards thousands of
pesos, now it returns to the realm of modern mechanical reproduction
and to popular culture, only now more academically inclined, where it
turns both into an elitist historical artifact and a populist commodity,
or at least as populist as far as mass appeal and price admission will
allow, which is not very far, which is still very elitist, as it ultimately
betrays the text’s origins and intent—popular entertainment—since
it is elevated by its current circumstance—glossy artifact selectively
reclaimed from the various lacunae of art history—and by our own
contemporary dilemmas—championing an underdog art beset with
historical denial and amnesia—as ultimately, El Indio will be read in the
context of our current komix production, our contemporary situation
and predicaments, and of course, comparisons will occur.
In its original incarnation, El Indio came out in five-page chunks every

129
two weeks, written and drawn and by one person, lettered by his wife,
all in its dramatically elaborate baroque two-color glory, for a year and
a half, with much grace and maturity and understanding of the form.
The funny thing about this is, this circumstance is not solely El Indio’s—
this book is only really the veritable tip of the iceberg: Coching alone
has a fifty-odd-strong bibliography; by 1952, the Philippines already
had five major separate—and competing—komix publishers, all having
at least four komix every week, each title having four or five serialized
stories.5 Granted, not everything would have reached El Indio’s formalist
heights, but each of these things, if not a major chunk of them, will have
made legit contributions to the form, each as valid as El Indio’s, will
have been of value for their comedic timing or aesthetic maturity or
generic exploration, and for the most part, these things are already lost
to us, either by calamity or neglect or ignorance, and ultimately, this is
the value of Francisco V. Coching’s newly albumized El Indio: it is not
sentimentality, or nostalgia, or the championing of one art style over the
other; it is about reclamation, restoration, and evolution. Ultimately, it
is about education.

Thanks to Mr. Gerry Alanguilan for the additional information regarding


actual production.

5 All this data I appropriated from the very same Valiente–Salvador book that I very much

belligerently beleaguered a few footnotes ago. Of course, now the book’s an authority! Funny
how these things go.

130
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Romulo P. Baquiran Jr.

Sa Paraiso ng mga Katha


ni Efren R. Abueg

I
sa sa mga kasapi ng bantog na grupong Mga Agos sa Disyerto ang
kuwentista at nobelistang si Efren R. Abueg (ERA). Mahigit kalahating
siglo nang produktibo sa larangan ng pagsulat, hanggang sa ngayo’y
mababasa pa ang kaniyang mga akda sa may 88-taong taong gulang na
lingguhang Liwayway. Nakapagsapelikula na rin siya ng ilan niyang nobela,
tulad ng “Mister Mo, Lover Boy Ko,” “Miss Dulce Amor, Ina” at “Binata
si Mister, Dalaga si Misis.” Matagal na naglingkod bilang iginagalang na
propesor sa De La Salle University at nang magretiro’y naging writer-in-
residence ng Cavite Studies Center, isang akademikong yunit ng De La Salle
University-Dasmariñas ukol sa riserts at pagsulat sa kasaysayan at kultura ng
lalawigan ng Cavite. Aktibo bilang organisador ng mga kabataang manunulat
sa mga kolehiyo at unibersidad sa Kamaynilaan mula pa sa panahon ng
pangwika at pampanitikang grupong KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa
at Panitik) at hanggang sa ngayon sa pagkatatag ng Cavite Young Writers
Association, Inc. Malaki ang naiambag ni Abueg sa pag-aangat ng kalidad ng

131
Si ERA sa rally ng Kongreso ng Wika noong 1971 laban sa Kumbensiyong Konstitusyonal
na nais alisin ang Pilipino bilang wikang pambansa.

makabagong kuwentong Filipino at matutunghayan ang husay ng kaniyang


mga akda sa mga koleksiyong Mga Agos sa Disyerto (1964), Bugso (1992),
at Ang Mangingisda, Mga Kuwento kay Jesus (1995). Ilan sa kaniyang
naisalibrong nobela ang Dilim sa Umaga (Liwayway, 1968), Isang Babae
sa Panahon ng Pagbabangon (1998), at Mga Kaluluwa sa Kumunoy
(UP Press, 2004). Kabilang sa kaniyang nakahanda-nang-ilibrong mga
nobelang serye sa iba’t ibang babasahin ang Huwag Mong Sakyan ang
Buhawi (Liwayway, 1984) at Mga Haliging Inaanay (Liwayway, 1986).
Nakapaglabas din siya ng dalawang libro ng kasaysayang pampanitikan, ang
Sila Noon: Oral na Kasaysayan ng 9 na Manunulat sa Tagalog (DLSU

132
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Press, 2001) at Sa Bagwis ng Sining: Mga Nangaunang Manunulat


ng Cavite (Cavite Studies Center, 2005). Nakapaglathala din siya ng mga
textbuk sa kasaysayang pampanitikan ng Pilipinas, ang Talindaw(1984) at
Tradisyon (1994); Noli Me Tangere at El Filibusterismo (Diwa, 2002)
at Ibong Adarna at Florante at Laura (Diwa,2002). Matutunghayan dito
ang dalawang panayam. Ang una ay isinagawa ni Romulo P. Baquiran Jr. sa
unang bahagi ng 2009 at ang ikalawa ay pinagsama-samang pagtugon sa mga
katanungan ng mga estudyante sa iba’t ibang pakikipagharap kay ERA .

Likhaan Journal: Saan po sa Cavite kayo isinilang? Paano po ang


buhay noong kabataan ninyo?

ERA (Efren R. Abueg): Sa Tanza, Cavite. Ipinanganak ako noong


1937. Nag-umpisa ang kamalayan ko sa mundong ito noong liberation.
Natatandaan ko ang mga eroplanong double body ng mga Amerikano.
Iniaakyat kaming magpipinsan ng mga tiyo namin sa mga punong
mangga para makapanood kami ng dogfight ng mga eroplanong
Hapon at Amerikano. Mga 1944 iyon. Parang bigla akong nagising
na may mundo palang ganito. May digmaan. Gutom. Karahasan. At
iyon ay sa gitna ng kinalakihan kong lugar na masasabing idyllic.
Kasi kung tinatanaw ko ang hilaga: Manila Bay. Kung silangan,
napakalawak na bukid. Kung kanluran, malaking ilog. Kung timog,
highway. Samakatwid, mayroon kaming ilog, dagat, bukid, at simbolo
ng sibilisasyon, highway. Naninirahan kami sa mga pitong ektaryang
bahayan, taniman ng mga gulay, mais, at mani. Sa mga lolo ko iyon. May
30 punong mangga. Basta nakamalayan ko lang may 30 kalabaw dahil
binibilang ng lolo ko iyon araw-araw. Nauso ang nakawan ng kalabaw
sa panahon ng taggutom pagkaraang sakupin ng Hapon ang Pilipinas.
May 15 puno ng kasuy, tatlong punong langka at may napakalaking
bahay na pawid, may limang bubong na dugtong-dugtong. Malaki iyon.

133
Saan ka makakakita ng setting na ganoon? Ang ilog, mga isang daang
metro lang ang layo sa amin. Doon ako natutong lumangoy. Ihahagis
ka ng nakakatanda sa iyo sa gitna ng ilog. Pagtatawanan ka pa habang
kakawag-kawag patabi sa pampang. Nakakarating kami sa highway at
dagat kahit bawal sa mga bata. Pangarap ko na noon pa makarating
sa dagat dahil may dalampasigang kulay abo. Ikinukuwento iyon sa
amin ng mga binata. Napakasarap mamasyal doon dahil napakalawak
at presko ang hangin. Tatlong kilometro ang haba ng baybayin doon.
Walang katao-tao. Minsan daw may namamasyal na mga maligno doon
kaya huwag paabot ng dapit-hapon. Ang bukid ang masarap pasyalan
kasi lalo na kapag tag-ulan dahil nakapanghuhuli ka ng palaka. Ang
ilog talagang napakagandang pasyalan dahil makapamamangka kapag
gabing maliwanag ang buwan. Naglulundagan ang mga isda. Lagi
kaming may kasamang matanda sa amin. Kapag kinatok ng sagwan
ang gilid ng bangka, maglulundagan ang mga isda. Magbabagsakan
ang mga iyan sa lunas (loob) ng bangka. Pero hindi namin basta
sinusunggaban ang isda. Kasi sobrang laki ng mga bangus. Kaunti pa
lang ang humuhuli ng mga isda. Hindi namin masunggaban ang mga
isdang lumulundag sa loob ng bangka. Tinatakot kami ng matatanda.
Mga tiyanak daw iyon. Ngunit sa bandang katapusan ng giyera, humirap
ang buhay. Naubos ang kabuhayan sa mga kanayunan. Nagkaroon ng
exodus ng tao mula sa mga lugar ng taggutom. Ang mga nasa siyudad
at bayan napasanayon. Naramdaman ko lang ang hirap ng buhay, lalo
na sa lungsod nang lumuwas ako para mag-aral sa Maynila.

LJ: Paano kayo napunta ng Maynila?

ERA: Minsan namiyesta kami sa Rosario, Cavite, hometown ng


mga Abueg. Doon, may isa akong auntie (pinsan ng nanay ko). Sabi
niya, doon na ako mag-aral sa Maynila. Taga-Caloocan pala siya.

134
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Aba, parang bombilyang nagliwanag ang mukha ko. Kasi noon, mula
nayon pangarap kong makapaghay-iskul sa sentro ng probinsiya,
Cavite City. Kaya nang mag-first year high school, pagmamalaki kong
sa Maynila na ako mag-aaral. Nagpa-enroll ako sa Arellano Public
High School (Manila North). Sinamahan ako siyempre ng auntie ko.
Nakakotse pa kami. Asawa siya ng major sa army. Maganda naman
ang sahod ng military personnel noong araw. Sa Arellano High School,
mayroong 33 sections. Hindi ako matanggap sa mga klase dahil ako’y
probinsiyano. May tinawagan ang auntie ko, isang konsehal yata sa
Maynila. Naisingit ako sa section 33. Ang lalaki na ng mga kaklase ko
first year pa lang. Pinagtatawanan ako dahil probinsiyano ako. Kasi
naman, ang pronunciation ko ng paá ay páa. Napakalaki naman pala ng
páa mo, sasabihin nila. Nang ako’y mag-second year, naging section 11
na ako. May barkada akong sumusulat sa school organ, ang sabi nila
sa akin, “Bakit di ka ba makasulat? Ang dali-daling sumulat.” Sabi ko,
“Nagbabasa lang ako ng Liwayway.” “Gayahin mo na lang ang nababasa
mo.” Pagkatapos inimbitahan nga ako sa Tambuli, ang school organ.
Ginawa akong news editor pagkaraan ng isang taon. Noon, nasa section
3 na ako. Ang kaso, tumakbo ako sa mga eleksiyon at naging officer ako
ng isa o dalawang organisasyong pang-eskuwelahan. Ayun, section 5
na lang nang magtapos ako.

LJ: Saan kayo nakapagtapos ng pag-aaral? Ano ang matitingkad na


karanasan ninyo kaugnay ng panulat?

ERA: Pagkatapos ko ng hay-iskul, una akong pumasok sa UE


(University of the East). Sabi noon ng aking auntie, pag-aaralin niya ako.
Ang problema nakakuha ng scholarship sa Westpoint ang asawa niya.
Naku, sasama sa States ang auntie ko. Mawawalan ako ng benefactor.
Pero sa loob-loob ko, ako naman ay malaki na, bakit naman ako aasa

135
pa sa kaniya. Saka natatandaan ko pa, inalok ang nanay ko noon na
ampunin ako dahil wala ngang anak ang auntie ko. Ako ayoko; ang
nanay ko ayaw din. Pero kung igigiit wala akong magagawa. Bata e.
Hindi natuloy ang pagsama ko (pag-ampon) sa auntie ko.
Mahigpit magdisiplina ang auntie ko. Napakahusay niyang mag-
manage ng pera. Talagang hindi ka puwedeng gumastos sa hindi mo
kailangan. Reader ako noon pa ng Liwayway. Grade six ako noon sa
Naic. Nanghihiram lang naman ako ng kopya nito. Nang ako’y narito
na sa Maynila naisip ko, lalo na nang fourth year na ako, na maglakad
ako pauwi para makaipon ng pambili ng paborito kong babasahin.
Tatlong beses isang linggo mula old Mapua hanggang sa 7th Avenue sa
Caloocan, naglalakad ako pauwi. Kasi hindi ako binibigyan ng auntie
ko ng pambili ng Liwayway (na 30 sentimos lang). Kung minsan naman,
hindi ako nagtatanghalian, nagtitiyaga ako sa matsakaw. Nakaraos ako
nang isang taon nang naglalakad pauwi para makabili ng Liwayway.
Noong ako’y nag-aral na sa UE, nahagip ko ba naman sa unang
semester puro math. Napakahirap. Accounting kasi. Nag-quit ako
noon. Ginawa kong dahilan sa nanay ko na aalis na naman ang auntie
ko. Di maghahanap na lang ako ng ibang eskuwelahan. Nagbakasyon
ako sa Imus sa isa ko pang auntie (kapatid ng nanay ko). Nakita ko
ang Imus Institute (I.I.). Second year ng pag-o-offer nila ng Associate
in Arts. Sabi ng auntie ko, “Ikaw ba ay babalik pa sa Maynila? Ano
naman ang gagawin mo doon ay wala naman ang tiya mo. Dito ka na
lang tumira sa Imus. Di ba may college d’yan? Mura lang ang tuition.
Puwede ka naman maghanap d’yan ng trabaho.” So doon ako sa
Imus nagpatuloy ng pag-aral. Naging Pilipino editor pa ako ng school
organ (The Mango). Nakatapos ako ng Associate in Arts pagkaraan ng
dalawang taong pagke-clerk sa I.I. Naging factor ito para makapasok
ako sa MLQ University (Manuel L. Quezon Educational Institution
noon) sa may R. Hidalgo, Quiapo. Problema naman, nakabarkada ko

136
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

ang mga macho sa fourth row ng aming klase (sa I.I.) Kapag ROTC na
di naman linggo-linggo, sasabihin ni Eddie Sapinoso, “Efren batsi na
tayo.” “Bakit?” “Manood na lang tayo ng sine.” Kaya noon nabansagan
kaming “Sine Gang (sa ROTC).” Kasi kung mawala kami, lahat kaming
pito. Doon lang naman kami nanonood sa mga sine surot sa Quiapo at
Clover sa Sta. Cruz. Mura lang ang bayad, 25 centavos. Kung minsan,
double program pa ang palabas.
Pagpasok ko sa MLQ University, nakapagtrabaho naman ako sa
isang brokerage company sa Juan Luna sa gawing Escolta. Minimum
lang ang pay ko. Ganito ang araw ko: Mula alas-6:00 n.u., dapat
nakasakay na ako sa mini bus mula Imus. Kung hindi, mahuhuli ako at
alas-8:00 n.u. pasok sa opisina. Sa Imus, madalang noon ang biyahe ng
sasakyan at matrapik pa pagdating ng Maynila. Otso oras ka siyempre sa
opisina, hanggang alas-5:00 n.h. Tapos 5:30 naman ang klase ko sa MLQ.
Sa Philam Life Insurance Company building umuupa ang brokerage
company namin. Isipin ang layo ng Juan Luna sa Quiapo. Sumakay
ka ng jeep, matatrapik ka. Mahuhuli sa klaseng 5:30 ng hapon. Kaya
pagdating ng alas-singko, handa na ako. Nananalaktak na ako diyan
sa Dasmariñas Street. Dumadaan ako minsan sa may Escolta paakyat
sa may Carriedo, Quiapo Church. MLQ. Wala pang underpass noon.
Tatawid ka sa kalye. Makikipagpatintero ka sa mga jeepney. Ganoon
ang routine ko. Nakaraos ako nang dalawang taon. Naka-graduate ako
ng Bachelor of Arts, major in Accounting despite ng hirap talaga sa
accounting. Noon naman, nagbabasa na ako ng Hemingway, Dreiser,
at Faulkner. Medyo colorful na ang buhay ko sa MLQ dahil nga Filipino
editor ako ng The Quezonian.
Sa pag-aaral sa MLQ University nagsimula ang pagiging matining
ng paksa at paraan ng pagsusulat naming Mga Agos. Hindi lamang dahil
doon kami nagkikita-kita para magpalitan ng kuro hinggil sa pagsulat.
Iba ang buhay sa Quiapo. Hindi lamang kahirapan ang makikita roon

137
kundi ang iba’t ibang aspekto ng pakikitunggali ng tao sa buhay. Tutal,
doon ko nasulat ang maraming katha kong binigyan ng komendasyon
ng mga institusyon ng panitikan.

LJ: Kilala kayong masipag na organisador ng samahang


pangmanunulat, anong mga grupo ang nasalihan ninyo?

ERA: Noong nasa graduate school ako dakong 1960 , naging presidente
ako ng KADIPAN (Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik). Inumpisahan
ito sa UST bilang Usbong at KADIPAN hanggang sa lumaganap sa mga
kolehiyo at unibersidad sa Kamaynilaan. Sa pagkatanda ko, itinatag
ito noong 1950 at ilan sa mga nagtatag nito sina Pablo N. Bautista,
Hilario Coronel at Ben Condino ng UST, Ponciano Peralta-Pineda at
Tomas C. Ongoco ng Manuel L. Quezon Educational Institution. Ilang
taon pagkaraan, naging pangulo nito si Oscar Suarez-Manalo, isang
makatang mambibigkas ng UP. May mga patimpalak pampanitikan ang
KADIPAN sa tatlong kategorya: maikling kuwento, tula, at sanaysay.
Naunang nanalo sa timpalak na ito sina Simplicio P. Bisa ng Far Eastern
University na kasunod ay nagtamo ng gantimpala sa Palanca Awards
at Domingo Landicho ng Golden Gate Colleges sa Batangas City. Bukod
sa patuloy na patimpalak ng KADIPAN, naging proyekto nito ang
pagtitipon ng mga akda sa isang antolohiya. Ito ang Mga Piling Akda ng
KADIPAN, unang antolohiya ng mga akda sa Pilipino sa mga kolehiyo
at unibersidad. Wala akong natatandaang katularing antolohiya ng mga
estudyanteng nagsusulat sa wikang Ingles. Sa halagang sanlibong piso,
nakapag-imprenta kami ng isang libong kopya ng libro na ang cover ay
ginawa ng tanyag na artist ngayong si Danny Dalena. Si Gobernador
Espino (kapanalig namin sa kampanya sa pagpapalaganap ng wikang
Pilipino) ng Nueva Vizcaya ang aming benefactor noon. Lubhang
naging malaki ang impluwensiya ng KADIPAN sa mga kabataang

138
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

manunulat sa Pilipino (tawag noon sa Filipino). Katulad rin ito ng


impluwensiya ng isa pang samahang pampanitikan noong kalagitnaan
ng 1930, ang KAPISANANG PANITIKAN. Naging paksa ito ng isang
riserts ko sa De La Salle University-Manila. Impormal na barkadahan
pala iyon ng mga manunulat. Walang constitution. Salamat naman at
after the war, binuhay nilang muli ang kapisanan. Sa ilang minutes
of the meeting, nabatid ko ang postwar members nito: sina Teodoro
Agoncillo, Alejandro G. Abadilla, Brigido Batungbakal, Gregorio Garcia,
atbp. Barkadahan nga lamang pero sapat na para magkaroon ng mga
pagbabago sa panitikan. Pinaghimagsikan nila ang parang nasa ivory
tower na postura ng matatandang manunulat at ang hindi pagbibigay
ng espasyo para malathala ang mga akda ng mga kabataan.

LJ: Paano naorganisa ang grupong Mga Agos sa Disyerto sa inyong


pangunguna?

ERA: Nagsimula ang grupong Mga Agos sa Disyerto nang literal na


ayaw nang papasukin sa Liwayway ang mga kabataang manunulat na
kinabibilangan nina Edgardo Reyes, Rogelio Sicat, Dominador Mirasol
at iba pa. Mangyari’y tinutuligsa ng mga kabataang manunulat sa
mga school newspaper at magasin ang mga nakatatandang manunulat
na sa tingin ng mga kabataan ay ayaw magbigay ng espasyo sa mga
bagong sumusulat sa kani-kanilang pinamamatnugutang babasahin.
Kaming lima, sina Edgardo M. Reyes, Rogelio L. Ordoñez, Rogelio
Sicat, Eduardo Bautista-Reyes at ako ay lumapit kay Teofilo Sauco,
editor ng lingguhang babasahing Bulaklak na karibal sa sirkulasyon ng
Liwayway at nagprisinta na magnobela. Pumayag ang editor na salit-
salit na magdugtungan kami linggo-linggo ng nobelang pinamagatan
naming Limang Suwail. Kung binasa o hindi man ang aming nobela, ang
hangad namin ay makaipon ng sanlibong piso para makapagpalibro

139
kaming lima ng isang antolohiya ng maiikling kuwento. Ako ang
napagkaisahang mamahala ng paglalabas ng nasabing antolohiya.
Kung makikita mo ang unang edisyon ng Mga Agos sa Disyerto, iba-
iba ang impresyon ng tinta sa mga pahina nito. May maputla, may
matingkad. At saka nalimbag lang, 900 kopya. Ipinamigay namin ang
karamihan at 300 lang ang naipagbili namin. Ako ang na-assign na
magbenta. Dala-dala ko ang 50 kopya sa Recto (Azcarraga pa noon).
Dahil nakahiligan ko nang mamili ng mga lumang libro sa Recto,
naisip kong doon din ibenta ang mga kopya ng Agos. Ginaygay ko
ang kalyeng iyon mula Hollywood Theater na malapit sa Avenida
hanggang sa Remar Theater na malapit sa FEU. Walang bumili kahit
isa. Tanong nila: “Ano ho ‘yan, second hand?” “Hindi.” “Textbook
ho iyan?” “Hindi.” Hanggang sa napadaan ako sa MCS Enterprises.
Nakalagay sa karatula : Filipiniana book distributor. Pasok naman ako.
May matandang lalaki na mga edad 65 taon na nakatanaw mula sa
second floor (mezzanine). Maputi na ang buhok. Bumaba nang makita
ako. Sabi ko sa kanya: “Ibinebenta ko ho.” “Ano ba ‘yan?” “Amin hong
anthology.” “O sige iakyat mo.” Nauna akong umakyat, sumunod
siya. Mabagal siyang umakyat. Tapos sabi niya sa assistant. “Buksan
mo nga kung ano ‘yan. Aba’y magkakano ba ‘yan.” Sinabi ko ang
presyo. “O sige bibilhin kong lahat ‘yan.” “Ho?” Nagulat ako nang
bigla-biglang siyang naglabas ng tseke. Siya pala si Mr. Marcelo C.
Sanchez na talagang kilalang distributor ng mga librong tungkol at
inimprenta sa Pilipinas .
Nakilala ang grupong Agos, salamat kay Dr. Bienvenido Lumbera
na nirebyu ang antolohiya namin noong 1967 sa makapal na librong
Brown Heritage ni Antonio Manuud. Itong libro ni Manuud ay
komprehensibong pag-aaral ng panitikan sa wikang Espanyol, Ingles,
Tagalog, at rehiyonal na mga wika. Ayon kay Lumbera, ang Agos kung
hindi man nakakalampas ay nakakapantay na sa maiikling kuwentong

140
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Ingles. Doon na-inspire ang grupo lalo na sina Edgardo Reyes at


Rogelio Sicat na mga trendsetter sa pagsulat. Noong 1969, nag-organisa
si Lumbera sa Ateneo ng lecture series. Naging tagapagsalita kami
nina Roger Mangahas, Amado V. Hernandez , at Genoveva Edroza
Matute. Bago dito, nagsalita ako sa UP ng paksang “Ang Sosyalismo
sa Nobelang Tagalog.” Mga 1967 o 1968 ito. Noong 1969, matindi
na ang aktibismo. Nagsimula na rin akong ma-involve. May isang
organisasyon, ang Bertrand Russel Foundation na nag-aaral tungkol
sa mga international movement ng mga lipunan. Presidente noon ng
organisasyon si Jose David Lapuz, tanyag ngayong Rizalista. Later nga
nalaman kong grupo ito ng mga aktibista at sangkot sa ideological
conflict dito sa Pilipinas. Sangkot dito ang luma at bagong partido
komunista sa Pilipinas. Nagtayo nga si Jose Ma. Sison ng Kabataang
Makabayan (KM). Kasama ako noon sa writers’ sector ng Movement
for Advancement of Nationalism (MAN) nina Renato Constantino at
Lorenzo Tañada. Kasama ako sa Congress nito bilang kinatawan ng
Kabataang Makabayan. Biglang nag-split ang MAN. Natuklasan ko na
lang sa sarili ko na di na kasama ang grupo ni Joma.
Ang antolohiyang Mga Agos sa Disyerto bilang tagabandila ng
realidad at pag-uusisa sa maseselan na mga usapin sa lipunan ay
nakaimpluwensiya sa paglago ng aktibismo ng mga kabataan noong
dekada sisenta at sitenta. Mula sa antolohiyang ito, isinilang ang isa
pang antolohiyang may katularing tema sa kanilang mga katha, ang
SIGWA. Kasama sa antolohiyang ito ang mga premyadong manunulat
ngayon tulad nina Ricky Lee, Fanny Garcia, E. San Juan, Jr., Edgardo
Maranan, Norma Miraflor, at Domingo Landicho.

LJ: Saang larangan pa kayo nasangkot kaugnay ng literatura?

141
Gabi ng Gawad Palanca, 1964. Mula sa kaliwa: Levy Balgos dela Cruz, Benjamin B. Pascual,
Carlos Palanca, Ben Ramos at Efren R. Abueg.

ERA: Noong 1969, naging columnist ako ng malalaking komiks


tulad ng Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks, Darna Komiks at Espesyal
Komiks. Binigyan ako ng tig-iisang pahinang kolum sa apat na komiks.
Ang dalawa, lumalabas nang twice a week. Ang laya-laya ko noon.
Tuwang-tuwa sa akin ang manager, palagay ko, nagamit niya ako
para magmukhang progresibo ang mga komiks-magasin. Pero nang
suspendihin noong 1971 ang writ of habeas corpus, sinuspende rin
ang mga kolum ko. Malaon, malalaman ko na inilista pala ako ng
intelligence bilang suspek na kalaban ng pamahalaan.
Nag-lie low ako dahil balita ko’y namomonitor ng military na
ginagawang babasahin ang mga kolum ko sa mga kanayunan.
Nagpatuloy ako ng pagtuturo sa PCC at sa MLQ University. At may
lumapit pa sa akin na taga-Cavite, si Fred Mendoza, isang mahilig din sa
mga sining, na nagtatrabaho pala kay Fred Elizalde. Inimbitahan akong
maging editor ng Bulaklak na humihina na ang sirkulasyon noon. Doon

142
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

ko nakuha ang politika ng editorship dahil natuto akong makibagay


sa pagbabasa ng mga bago o dati nang writers. Hindi ko nire-rewrite
ang mga kuwentong isinasabmit sa aking opisina. Isinosoli ko na
lamang na may punang hindi angkop sa mga patakaran ng magasing
aking pinamamatnugutan. Ayoko kasing maka-offend ng kapuwa ko
manunulat. Kasi, nakababasa ako ng 20 kuwento, halimbawa, ngunit
wala pa rin akong magustuhan. Siyempre hinahanap ko ang pattern
ng pagsulat namin sa Liwayway. Mga istoryang structured at makinis
ang lengguwahe. Laging may plot. Mahalaga iyan sa mga magasing
popular. Pero nang malaon, nag-resign din ako bilang editor ng Bulaklak.
Ayoko ng mga patakaran ng may-ari ng publikasyong ito.
Pagkaraang suspendihin ang writ of habeas corpus, contributor pa
rin ako ng mga kuwento sa Liwayway. Pero mula nang lumitaw ang
pangalan ko sa listahan ng military pagkaraang suspendihin ang writ
of habeas corpus, madalang na akong malathala. Minsan naghintay
ako ng tatlong linggo. Medyo nagtampo na ako. Hanggang sa kinausap
ako ni Gervacio Santiago, editor noon. Sabi niya, hindi na raw gaya
nang dati kung ako’y magsulat. Marami raw tungkol sa aktibismo sa
mga istorya ko. “May mga pahiwatig ng rebolusyon,” sabi pa niya.
Magpahinga daw muna ako. Sinabi pa niyang nagtuturo naman ako
kaya hindi naman magugutom. Hindi naman iyon ang problema. Gusto
ko talagang magsulat. Gusto ni Mang Basyong ang mga istorya ko, at
ayaw niyang lumihis ako sa mga dati kong isinusulat. Nang umalis
ako sa Liwayway, itinayo namin ni Dr. Nemesio Prudente ang Kilusang
Pilipino (KIPIL), tagasuporta sa kilusang pangwika. Nagrali kami laban
sa Constitutional Convention na gustong baguhin ang binabatikos na
maka-Tagalog na Wikang Pilipino. Ilang libo ang sumama sa rally.
Paboritong kuwento ko sa raling iyon ang ginawa ni Dr. Genoveva
Edroza Matute, kilalang edukador at nagkagantimpalang kuwentista
sa Palanca. Tumayo siya sa tapalodo ng isang jeepney at pinagmumura

143
ang laban-sa-wika na mga delegado sa Constitutional Convention.
Nagulat ako. Naku, talk of the university iyon.
Noong 1971, nagkaroon ng First Quarter Storm. Nagtuturo na rin
ako sa Philippine College of Commerce (PCC at PUP ngayon). May
malaking rali sa harap ng dating Kongreso sa may P. Burgos. Ako noon,
medyo masama ang katawan. Hindi ako sumama sa rali. Paglabas ko
mula kalye Lepanto na kinaroroonan ng PCC, tanaw kong may mga
lagablab sa Azcarraga (Recto). Nagsisigawan at nagtatakbuhan ang
mga kabataang estudyante papuntang Malakanyang. Binabanatan na
pala noon ang gate ng palasyo. May mga putukan. Nang marating
ko ang Remar Theater, malapit sa bookstore ni Marcelo Sanchez,
distributor ng Filipiniana books, talagang mayayanig ka. Kabi-kabila
ang pagsabog ng molotov bombs at pill boxes. Pagpasok ko naman
kinabukasan sa MLQU, magulo rin. Nagkukumpulan sa pag-uusap
ang mga estudyante. Pagpasok ko sa room ng Rizal course, iyon din
ang pinag-uusapan. Di ako makapag-lesson, pati na sa mga klase ko
sa PCC. Nabalitaan ko na sina Ninotchka Rosca, Vivencio Jose, at
iba pang mga lider ng KM ay pinagpapalo ng mga pulis at kawal ng
Philippine Constabulary sa harap ng Kongreso sa may P. Burgos. Sa
may Bonifacio Drive nagtakbuhan ang mga aktibista. Naisulat ko sa
Bulaklak ang isang nobela tungkol sa aktibismo, ang “Sugat sa Kanilang
Dibdib.” Magulo pa rin sa Kamaynilaan after that. Medyo hindi na
ako sumasama sa rali dahil nadiyaryo ang pangalan ko na kabilang
sa mga aktibistang nasa order of battle. Patuloy ako sa pagtuturo sa
PCC. Sa MLQU, parang dinadalangan na nila ang itinuturo kong mga
subject. Alam ko ang dahilan: sangkot ako sa activism. Kasi nga, after
the First Quarter Storm (FQS), nagkagulo rin sa MLQU. Nagkabasagan
ng mga bintanang salamin. May winasak na mga upuan. Ako nga ang
napagbintangang financier ng mga aktibista dahil napabalitang naglilibre
ako ng meryenda sa kalapit na mga restoran. Noon, napansin kong

144
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

hindi na ako binabati ng mga dating kaibigan, faculty, at administrador


ng unibersidad. Kilala ako noon, pati ang mga manunulat ng Agos na
nagbigay ng karangalan sa unibersidad dahil sa pananalo ng Palanca
Awards. Kapag nasalubong ako, halatang umiiwas sila, ayaw akong
kausapin. Tuloy pa rin ako sa pagtuturo sa MLQU, pero nababawasan
na ako ng load. Puro Rizal l na lang ang hina-handle kong subject.
Wala na akong subject na Philippine literature. Ibig kong mag-resign,
pero paano mo iiwan ang MLQU sa dami ng mga aktibistang gustong
makinig sa mga lektura ko? So tuloy ang punta ko sa mga sulok ng
gusali ng unibersidad para makipagdebate hinggil sa ideology. Noon,
may hidwaan na ang Soviet Union at China ni Mao Tse Tung.
Later, naging chair ako ng isang Department sa PCC noong 1971.
Presidente nga si Dr. Nemesio Prudente at dean namin si Dr. Dante
Simbulan. Napakabait nila sa mga aktibista. Di pa laganap ang
paggamit ng mga aktibistang estudyante ng mga pill box, mga molotov
bomb. Nakakaawa noon ang mga aktibista. Ang papayat nila, kaya
nagbabaon kami ng misis ko ng mga ulam at ang mga aktibistang iyan
ang nagsasaing sa annex building ng PCC. Noon, early 1972. Akala
ko, okey na ako sa mga aktibista. Ang mga loko, nagma-manufacture
pala ng pill box at molotov bomb sa opisina ng maraming student mass
organization. Natakot ako. Baka nagpapasok sila ng pulbura, naisip
namin. Baka sumabog na lamang ang lumang gusali ng PCC. Punta
agad ako kay Prudente. Si Dr. Prudente naman ay talagang malaki ang
simpatiya sa mga aktibista. Pero sa mga abuso ng mga aktibista, on
guard din siya. Pinaalis niya ang mga opisina ng mass organizations sa
main building.

LJ: Naging miyembro ba kayo ng progresibong grupo ng manunulat?

145
Ano ang naging bahagi nito sa buhay ninyo?

ERA: Naging miyembro ako ng PAKSA. Inimbita ako ni Dr. Lumbera,


siya ang chair. Tapos si Domingo Landicho. Nakalista ako sa military
bilang isa sa mga organizer ng PAKSA pero minimal lang naman ang
aking role doon. Idineklara ang martial law noong September 1972.
Maraming hinuli sa PCC. Inaasahan kong huhulihin din ako dahil sa
dami ng affiliation ko sa mga progresibong grupo at dahil din kasama
ako sa napalista nang suspendihin ang writ of habeas corpus. Pero di ako
napabilang sa mga dinakip at ibinilanggo. Una, naisip kong pumasok
sa opisina, baka kasuhan ako ng abandonment of office. Ikalawa, naisip
kong kapag nagtago ako, hahanapin ako. Tama pala ang hinuha ko.
Araw-araw, five days a week, pumapasok ako bilang chair ng isang
department sa PCC. Hindi nga ako hinuli.
By October may bumabang sulat mula sa Malakanyang kuno.
Tanggal kami sa lahat ng aming posisyon sa PCC. Saka lang di na ako
pumasok sa opisina. By January 1973 inimbitahan na ako sa Intellegence
Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp
Aguinaldo. Nakasabay ko pa si Dolphy sa gate ng ISAFP. Tiningnan
niya ako, pero hindi ko siya binati. Dati akong movie reporter noong
nag-uumpisa pa lang mag-artista sa Sampaguita Pictures si Dolphy.
Baka madamay pa kasi siya. Nahulihan yata ng baril. Marami naman
akong tagong mga dokumentong “bawal” sa martial law. Hindi ko
alam kung ano ang gagawin ko sa mga iyon. Ininterbiyu ako sa ISAFP.
Major ang nag-interview sa akin. Maghapon. “Kilala mo si Joma?”
“Oo naman,” sabi ko. Medyo bata sa akin ang major. “Kilala n’yo si
Jose Luneta? Member ng Pulitburo.” “Oo, kilala ko ‘yun.” Tapos si
Dr. Prudente. Si Sixto Carlos yata itinanong din sa akin. Marami pang
itinanong na mga tao sa akin, siguro merong 17. Sa palagay ko, dalawa
lang ang hindi ko nasagot dahil talagang hindi ko kilala. Nagtanong din

146
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

ako, “Ba’t n’yo ba ako inimbitahan dito? Ano ba’ng aking kasalanan?
Ako naman, nagsusulat lang. Nagtuturo. Siyempre maiiwasan ko ba
ang mga aktibista, ang mga kabataan.” Nagbukas ang major ng isang
steel cabinet. May inilabas na folder, tapos ipinakita sa akin. Nakita ko
ang mga kolum ko sa komiks at saka iba ko pang sinulat. At pati ang
mga kasulatan ukol sa itinayo kong organisasyon, iyong Katipunan ng
mga Manunulat sa Pilipinas ( KAMPI). Naroon ang pangalan nina Luis
Teodoro, Perfecto Terra, at Ninotchka Rosca. Pinakawalan ako nang
mga 5:05 n.h. Natatandaan ko dahil may wall clock doon. Bago ako
umalis, sinabi sa akin, “Kayo ho ay magrereport sa OCR, Office for Civil
Relations, diyan lang ho sa banda riyan. Tuwing Sabado ng umaga.”
“E bakit?” tanong ko. “‘Yun ho ang nakalagay dito.” Siyam na buwan
na nagreport ako sa OCR.

LJ: Napatigil ba kayo sa pakikilahok sa mga usaping panlipunan


dahil sa karanasang ganito?

ERA: Hindi. Bumaon sa psyche ko ang paghahangad na makatulong


kahit papaano sa paglutas ng mga usaping panlipunan. Hanggang
ngayon. Kasi, ang pamahalaan, lumilitaw na parang kalaban pa. May
mga taong nagpapatakbo ng pamahalaan, sila ang masisisi sa imahen at
kalagayan ng bansa noon at ngayon. Gayon din ang mga mamamayan.
Sarili lamang yata ang iniisip nila. Sinasabi ko noon sa isang taxi driver,
“Ano ba ang bansang ito? Wala. Kani-kaniya. Hindi na matuto ng
kooperasyon. Paano tayo uunlad n’yan? Gamitan man natin ng kung
ano-anong anyo ng pamahalaan, walang mangyayari.”
Kasi naisip ko noon ang pag-unlad ng ibang karatig na mga bansa.
Halimbawa, under dictatorship noon ang Korea at ang Malaysia.
Okey, hindi ganap ang kalayaan ng mga mamamayan doon, pero
di napakabigat ng poverty nila. Kapag masyadong mahirap ang tao,

147
marginalized o walang kuwenta sa kaniya ang kalayaan. Mananatili
na lamang na hanapbuhay nang hanapbuhay ang mga tao. Walang
halaga sa kanila ang iba pang problema sa lipunan. So ilaban natin ang
kalayaan, pero bigyang-diin natin ang paglutas sa poverty. Ituro natin
sa tao kung paano. Hindi iyong nagde-denounce lang tayo. Actually
maganda ang move na pumasok ang mga militante sa Batasan. At least
maririnig ang mga panukala nila. Pero palagay ko, mayroong dapat
gawin pagkaraan. Marahas na mga measure. Siguro para madisiplina
ang mga mamamayan. Hindi naman prolonged ang mararahas na
hakbang. Parang nagbabantang convulsion iyan. Pero pagkaraan
n’yan, magkakalinawan kung paano ang gagawin. Hindi naman
puwedeng lagi kang igting na igting. Ang rubber band kapag igting na
igting, nalalagot. Magiging creative ang mga mamamayan pagkatapos
na dumanas sila ng hirap. Mag-iisip ng ibang mga paraan, tulad ng
pakikiisa para sumulong ang kanyang buhay tungo sa pag-unlad.
Kaya dapat, nasa sentro rin ng convulsion ang mga manunulat. Laging
nagtatanong. Laging nag-uusisa. Ano ba ang maaari nating gawin sa
bansang ito?

LJ: Naranasan ba ninyo ang kahirapan? Nakita ba ito sa inyong mga


katha?

ERA: Noong mga 6 years old ako, nanghihingi kami ng isda sa mga
dumadaong na malalaking bangka. Nakita ko noon ang poverty.
Mahirap ang buhay sa kanayunan. Pumasok ito sa mga kuwento
ko. Noong nasa hay-iskul na ako sa Maynila, nakita ko naman ang
poverty sa kalunsuran. Taga-Arellano (Public) High School ako, doon
sa Teodora Alonzo St. Naalala ko si Andres Cristobal Cruz sa kuwento
niyang “Panahon ng Aking Pag-ibig.” At siyempre naman, ang kanyang
nobelang Ang Tundo Man May Langit Din. May tulay sa may Magdalena

148
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

papunta sa bahagi ng lungsod na simbolo ng pag-unlad at karangyaan.


(Tingnan ang pagpaksa ng karalitaan sa mga kuwento ni ERA sa ikalawang
bahagi ng panayam na ito —Editor).

LJ: Nagsulat kayo sa Liwayway at iba pang popular na mga babasahin.


Paano ba ang pagsulat sa mga gayong publikasyon?

ERA: Noong 1964, naging editor ng Liwayway si Gervacio Santiago.


Alam mo, mataimtim ang matandang iyan. Gusto ko ang personality
niya. Siya, hindi agad nagsasalita. Nag-iisip muna. Tingnan mo lang
siya, talagang papayapa ang kalooban mo. Hindi magaslaw magsulat.
Si Karasig magaslaw, mapaglaro. Si Celso Carunungan, mabuting
makitungo. Si Clodualdo del Mundo kalkulado ang kilos, parang
sinisiguro ang lahat. Hindi niya igigiit sa iyo ang gusto niya. Si Laudico
talagang estrikto. Sasabihin niya agad sa contributor, hindi puwede
ang kuwento mo sa Liwayway. Kay Mang Basyong nalaman ko ang
psychology ng editor. Sabi ko sa kaniya isang araw na makita kong
tambak sa mesa niya ang mga manuscripts. “Mang Basyong, binabasa
n’yo ho ba lahat ‘yan?” “Oo. Trabaho ko. Pero hindi ko nagustuhan ang
karamihan. Isasauli ko sa kanila.” Hindi niya basta nire-reject ang mga
kuwento ng contributors. Ipinaliliwanag niyang mabuti kung bakit
hindi maaaring ilathala ang mga iyon sa Liwayway.
Natuto ako kay Mang Basyong, tulad ng tawag ko sa kanya. May
nagustuhan siya sa isinabmit kong mga kuwento. Passable lang siguro,
kaya may mga puna siya roon. Dinibdib ko ang kaniyang mga puna.
Doon na nag-umpisa ang pagiging produktibo ko. Naisip ko nga,
hindi naman siguro napakasama ng mga istorya ko. May ibig namang
ipunto. Kahit ang mga title ko one word lang, tungkol sa pangalan ng
tao, pangalan ng punongkahoy, buhangin, mga ganoon. Nilalagyan ko
ng idea. Nagustuhan ni Mang Basyong. Siguro, sa loob ng isang taon,

149
ako lang ang kuwentista na may pinakaraming pamagat na iisang salita
lamang.
Noon naman ay hataw talaga ang pagbabasa ko. Nahumaling
naman ako sa French writers na si Albert Camus at mga kasama niyang
magkakauri ang paksa ng mga katha. Halimbawa, may istorya ako
tungkol sa isang pintor. May girlfriend siya, may alaga siyang dagang
kosta. Nakatira sa isang building sa Malate. Problema, maykaya nga
siya, pero ulila. Una, nilayasan siya ng girlfriend niya. Nilayasan siya
ng loyal niyang katulong. Ang natira na lang, ang paborito niyang
alaga, isang dagang kosta. Nag-deteriorate na siya mula noon. Hindi
na siya maka-create sa kaniyang mga canvass. Isang madaling
araw na umuwi siya, natuklasan niyang ang alaga niyang daga ay
nakikipaglampungan sa isang malaki at pangit na daga. Nagalit siya.
Ginilitan niya ng leeg ang dagang kosta. Tapos, nagpakamatay siya.
Alienation ng tao sa buhay. May isa pang istorya na nagustuhan si Dr.
Buenaventura Medina. Tungkol naman sa isang may kanser. Ang isang
writer sa kalapit na kuwarto, nalunod sa daing ng may kanser. Parang
ang mundo, dumaraing. Sa ending nagpakamatay ang may kanser.
Nai-publish ko iyan sa Bulaklak. Naipapasok ko sa mga babasahin
ang mga kuwentong may mensahe, di nakalilibang lagi. Tuwang-tuwa
na ako noon. Hindi naman mahalaga ang pera. Isa sa mga layunin ng
Liwayway, maka-entertain ang kuwento. Pinaniniwalaan ko iyon dahil
nabasa ko si William Somerset Maugham. Pumili siya ng ten world’s
best novels. Isa sa mga criteria niya: “Fiction must entertain.” Baka
hindi na basahin ang kuwento kung hindi entertaining. Ibigay natin
ang kaunting entertainment sa mga mambabasa. May akusasyon noon
na nagiging formula ang mga kuwento sa babasahing Tagalog. Pero ang
mahalaga diyan ang paraan ng pagsulat. Kapag sinunod ang ganoon,
talagang intindido at buhay ang istorya. Sinusunod ko ‘yan. Tulad
ng “Kamatayan ni Samuel,” ang kuwento kong nagwagi ng Unang

150
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Gantimpala, Palanca Awards (1967). Twenty years na sumakit ang ulo


ko sa kapapaliwanag hinggil sa kuwento. Iba ang estruktura at naratibo
ng kuwento. Magulo raw, di maintindihan sa una. Bakit daw ganoon
ang pagkakasulat? Babalik ka pa sa kasaysayan ng relasyon ng Amerika
at Pilipinas. Aabutin ka na ng one or two hours sa pagpapaliwanag.
Sa sining, simple lang ang approach ko. Una, paano maka-
communicate sa mga mambabasa? Ikalawa, paano ito mai-communicate
sa gusto mong paraan? At ikatlo paano mo ito mai-communicate na
di agad malilimutan o kaya makikipagtagalan sa panahon? Noong
una, ganoon ako. Paborito yata ako ng Liwayway editor na si Gervacio
Santiago. Laging approved sa kaniya ang maraming istorya ko. Siguro,
akma nga talaga sa mga patakaran ng Liwayway. Pero naiba ang mga
istorya noong sumama na ako sa aktibismo ng mga estudyante. Sabi
niya: “Efren, hindi muna natin ipa-publish ‘yan, ha. Sa iba muna tayo.”
“Oo, sige ho.” Alam ko na kung bakit. Inilalathala pa noon sa Liwayway
ang mga istoryang nire-romanticize ang activism. Halimbawa, isang
mayamang dalaga na na-involve sa activism. Di ba ika nga, work with
the people. Sa isa kong istorya, may anak-mayamang gusto sa bukid
magtrabaho. Ni-romanticize ko. Okey pa ito sa Liwayway. Para basahin,
kailangang i-romanticize para sa masa. Pero dapat tumigil na ako sa
paksang iyon ng pagsulat. Kaso dumating ang panahong kailangang
iwan na sa pagsulat ang revolutionary romanticism. Kailangan ang
hayagang pagkilos ng mga tauhan ng kuwento. Ayaw ng editoryal
ng Liwayway. Naririnig ko na sinasabi nila, “si Efren may ibang lakad.”
Na naiugnay ko ngayon, matagal ko nang iniisip, kay Jose Munsayac.
Estudyante namin siya noon sa MLQU. Ipinasok ko nga siyang
proofreader (sa Liwayway). Oo, noong panahon ng activism, naroon na
siya. Ako noon, talagang naghahanap ng mga idea ng mga istoryang
ganoon. Palagay ko doon nanggaling ang suspetsa ni Mr. Laudico
(editorial director) sa akin na ipinasok ko doon si Joey para mag-

151
organize ng welga. Pero hindi totoo iyon, iba ang layunin ko. Sumulat
lang ng mga istoryang tinatawag na namin noon na progresibo. Tungkol
sa welga sa Liwayway, may utak namang sarili si Munsayac, di ba? Di
ako ang instigador ng welga sa Liwayway. Pagkatapos noon, wala na
ako sa Liwayway.

LJ: Nagsulat din kayo para sa pelikulang Filipino. Paano kayo


napunta diyan?

ERA: Dalawang taong mahigit na nawala ako sa Liwayway. Noong


bumalik ako, 1974 na. Doon ako nag-umpisa ng pagsulat ng mga
istoryang pampelikula. Simple story, love story. Halimbawa, story
ng isang estudyante na nagre-research lang. Sa isang kompanya,
nagustuhan siya ng isang elderly executive. Nagkaroon sila ng romantic
affair. Ayun, ni-revive ko lang ang May-December affair. Noon iyon
nakita ni Ishmael Bernal, ginawa niyang bold. “Ito ang mag-uumpisa
ng bold na disente,” sabi niya. Ito iyong Mister Mo, Lover Boy Ko. Naku,
pasakit iyon. Di babayaran nga raw ako. Eight thousand lang yata ang
ibinayad sa akin. Imagine nabigyan na nga ng bonus ang iba dahil box
office hit nga ang pelikula ko, tapos di pa ako bayad. Ininstallment pa.
Pero nang ipelikula nila ang Miss Dulce Amor, Ina, talagang nabuwisit
ako. Ganoon din ang nangyari. Ayoko na. Three years or four years
after, nagkita kami ni Jesse Ejercito sa Alabang Country Club. Meron
kaming affair doon ng aking mga kapatid. Tinitingnan niya ako.
Lumapit pagkatapos, sabi sa akin, “Alam ko, hindi mo na ako bibigyan
ng istorya.” Basta ba maganda ang usapan, sabi ko naman. Si Joseph
Estrada ay nakilala ko naman sa opisina nila sa Escolta. Sa building din
na iyon may opisina rin si Fernando Poe Jr., istambay ako roon. Gusto
kong tao iyang si FPJ. Patawa-tawa lang. Malakas uminom, pero may
kontrol. Nasa Imus pa ako, sinadya niya ako. Pinasulat niya sa akin ang

152
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Nagsasalita si ERA tungkol sa pelikulang Miss Dulce Amor, Ina (1975). Mula sa kaliwa sina
Amy Austria at Lorna Tolentino. Nasa kanan si Direktor Manuel "Fyke" Cinco.

buhay ni Adan de las Marias, ang kilabot ng Dadiangas. Octopus Gang


daw ang title ng gagawing pelikula. Aba, big break sa akin. Imagine,
si FPJ ang bida sa una kong pelikula! Pero pagkaraan ng ilang linggo,
nang nasulat ko na’t nabayaran na niya ako sa story ko, bumalik siya sa
Imus. Gentleman talaga siya. Sinadya niya uli ako para sabihing hindi
siya puwede na bida sa Octopus Gang. Si Paquito Diaz na lang daw ang
gaganap na bida. Okey lang sa akin si Paquito Diaz. Pero iba si FPJ.
Papaakyat ang kasikatan niya noon. Madadamay ako sa pagsikat niya.
Ilang taon pagkaraan ng Octopus Gang, nasa opisina naman ako ng
FPJ Productions. Siguro dahil nasa Liwayway ang nobela kong “Binata
si Mister, Dalaga si Misis”. Nag-try ako na sumulat ng comedy type.
Nagustuhan ni Susan Roces ang nobela. Sa opisina, sabi niya, “Punta ka
na lang sa bahay.” Ibig niyang magkausap kami ni Ronnie Poe. Tatlong
beses akong dumalaw sa kaniya. Sa pangatlong beses, sabi niya. “Naku,
Mang Efren, sori ho. Alam mo gustong-gusto ko hong mag-partner
kami ni Ronnie sa istorya ninyo. Pero ayaw niyang mag-deliver ng
mahabang dialogue.” Aba, after one week, tumawag si Joseph Estrada,
pinapupunta ako sa San Juan. Nagustuhan ang istorya ko. Takbo naman
ako sa San Juan. Sabi niya, akin na lang ang istorya mo. Umoo naman

153
ako nang walang usapan tungkol sa bayad. Alkalde siya noon. Isang
buwan pagkaraan, nabasa ko sa tabloid , ipepelikula raw ni Joseph ang
nobela ko. Wala pa nga kaming usapan tungkol sa pera. Nabuwisit
ako. Ayun, may baltik din ako kung minsan. Gumawa ako ng bagong
sinopsis. May tinawagan ako. Sabi sa akin, “Dalhin mo ang istorya
mo sa Emperor Films.” Ang Emperor Films, nasa Cinerama sa Recto.
Naroon ang producer. Nasa loob. Tinawag ako. Gumawa siya ng tseke.
Pinablicize bigla ng Emperor. Naku, pinatawag ako ni Joseph sa opisina
niya sa Municipal Hall ng San Juan. Di ako sumipot. Sa loob-loob ko
“Ano, loko, teritoryo niya ‘yon. Kung gusto niya punta siya sa Cavite.”
Hindi na ako nakipagkita kay Erap noon kasi naisip ko na naman ang
ginawa nila sa akin sa “Mister Mo” at saka sa “Dulce Amor.” Hindi na
ako binigyan ng bonus, parang inapi ka pa. Kaya parang simbolo ako
ng maliliit na inapi sa pelikula. Siguro, naisip ko, tulad din ng mga
tagahawak lang ng kamera. Doon natapos ang career ko sa pelikula.

LJ: Hindi na kayo nagsulat sa kanila (sa pelikula)?

ERA: Hindi na. Kaya noong ako’y nasa De La Salle University na


(1979), may nobela ako sa Liwayway. Puwedeng gawing pelikula.
Inimbitahan ako. Sabi ko, “Punta na lang kayo dito sa canteen sa
university. Pakakainin ko kayo dito ng tanghalian. Dito na lang natin
pag-usapan.” Ayun, bumitaw sila. Ito pang istorya. After so many years
tumawag si Lualhati Bautista. “Efren, di ka ba tinawagan ni Jesse.”
“Bakit?” “Kasi ire-remake ‘yung Mister Mo, Lover Boy Ko.” Nabasa ko
nga. Hindi naman tumatawag. Alangan namang ako ang pumunta
sa kaniya. Ano ako, hahabulin ko ba iyon? O, ano ang ginawa nila?
Ginawa nilang Mister Mo, Lover Ko ang title. Inalis nila ang “Boy.” Iyon
ang key word doon. Ninakawan ako. Sabi ko na lang, “Makakarma rin
sila.” Tingnan mo kung ano ang nangyari kay Joseph Estrada.

154
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

LJ: Nang magretiro kayo sa matagal ding pagtuturo sa De La Salle


University, ano ang inyong pinagkaabalahan?

ERA: Nang ako’y mag-retire, sabi ni Brother Andrew Gonzalez,


naging presidente ng De La Salle University-Manila “What will you do
when you retire?” Sabi ko, wala, I’ll just write. Sabi niya: “Why not
help those people in Cavite.” Ibig niyang sabihin, doon sa De La Salle
University-Dasmariñas. Bigla akong pinawisan. Naisip ko na 23 years
ako sa DLSU-Manila, pero wala akong naisulat ni isang letra tungkol sa
Cavite, ang aking probinsiya. Na-guilty ako. Naging interesado ako sa
alok ni Brother Andrew na “tumulong” ako sa DLSU-Dasmariñas. Na-
appoint ako na writer-in-residence doon. Five years.
May Cavite Studies Center doon. Research-writing unit iyon ng
unibersidad. Focus ng trabaho, history. Pagdating ko doon, sabi sa
akin ni Dr. Emmanuel Calairo, direktor ng unit: “Sir, umpisahan na
natin ang culture.” Sabi ko linya ko literature. Nakita ko, maraming
libro tungkol sa Cavite at history. Sa halip na ako ang makatulong, ako
pa ang natulungan ng Cavite Studies Center. Marami akong natutuhan
tungkol sa Cavite. Napahalagahan ko ang pangangailangang pag-aralan
ang iba’t ibang aspekto ng buhay sa Cavite. Nakasulat ako ng isang
libro tungkol sa mga nangaunang manunulat ng Cavite. Hindi ko pa
nakukumpleto, kahit tapos na ang term ko bilang writer-in-residence,
ang Diksyonaryong Bilinggwal ng Tagalog-Cavite.
Naisipan ko, magpa-literary workshop. Inimbitahan ko si Dr. Bien
Lumbera, si Ricky Lee, at Jimmuel Naval (PhD na ngayon). May mga
batang nagsabi, “Sir, gumawa tayo ng organization.” Napakarami ko
nang dinaanan na organisasyon, nahirapan ako. Ang hirap kapag ang
nagsasalita ang mga bata. Hindi ka na makatanggi. Mag-elect muna
kayo ng preparatory committee, sabi ko. Mga July iyon. Nabuo nga.

155
By September nagpamiting na, iniskedyul ang general assembly. Buti
naman, tumulong ang Cavite Studies Center. Nabuo ang Cavite Young
Writers Association. Anim na taon na ang samahang iyon ng mga
kabataang manunulat. Pinamatagal na presidente nito si Ronald Verzo,
documentary filmmaker at makata sa Ingles.

LJ: Ano pa ang maaasahan sa inyong panulat?

ERA: Kung rerebyuhin mo ang karera ng mga manunulat, may certain


point lang silang pupuntahan. After that, magde-deteriorate na. Habang
tumatagal, struggle iyan. Tumitigil silang magsulat para raw mapanatili
ang kanilang husay noon. Tumigil si Andres Cristobal Cruz. Si Adrian
Cristobal napunta sa journalism. Maraming tumigil. Kaya hindi mo na
sila tatanungin. Mayroon na silang nagawa. Kaya nga kung napansin
mo, ang mga katulad namin, si Rio, sumusuporta sa kabataan. Kasi sa
kabataan, may mangyayari pa. At maging bahagi ng tradisyon. Kasi
parang ang kabayo kapag dumating na hindi na nakakahila ng kalesa,
bakit pa isisingkaw?
Pero ako, nagsusulat pa rin sa Liwayway, mga nobelang serye na
puwedeng ilibro. Kung ano man ang pangunahing paksa ng aking mga
nobela, sinasangkapan ko ng mga pambansang isyu tulad ng mga base
militar, human rights, environmental protection at kapalaran ng mga
inang naiwang mag-isa ng mga OFW na mga anak. Hangga’t binibigyan
ako ng espasyo sa aking mga akda, patuloy akong magsusulat.

LJ: Sa mga kabataan, ano ang nakikita ninyong tunguhin sa kanilang


panulat?

ERA: Sa mga kabataang una kong nakilala, makikita mo ang tunguhin


ng kanilang panulat. Si Rolando B. Tolentino, originally sa Malate

156
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

iyan (literary journal ng De La Salle University-Manila). May mga


kasabayan siya na bumitiw na sa pagsusulat. Mahuhusay din sumulat
ang mga iyon, pero naiiba si Tolentino. Sa umpisa pa lang nakita ko
ang lalim niya. May mga sinasabi siya na hindi mo maiisip agad. Post-
modern. Kultural. Effortless siya kung sumulat, pero maglalaan ka ng
best effort mo para mapahalagahan ang kaniyang mga sinulat. May
mga hahalukayin pa siya sa psyche ng Filipino kaugnay ng cultural
implications sa ating lipunan.
May isa pang kabataang manunulat sa De La Salle University-
Manila noong Director ako ng Student Publications Office roon (1984-
86), si Gerry Torres. Patag, tahimik lang siya. Sasabihin lang niya kapag
pinuri mo, “Hindi naman ho ako ganyan kahusay.” Sa nobela niyang
Kulay Rosas Ang Pag-ibig, huling-huli niya ang mga frustration ng mga
gay. Sa kani-kanilang paraan at estilo, masisinsay mo sa panulat ni
Torres na magtatagal pa ang pagkalkal ng mga kabataan sa katauhang
iba ng mga kalalakihan, tulad din ng feminismo na naging pundasyon
na rin ng panulat ng kabataang kababaihan.
Ang pagdami ng literary journal sa mga unibersidad sa Pilipinas,
sa lungsod man o sa probinsiya, isang indikasyon ng nagpupuyos pang
panitik ng mga kabataang manunulat ay patunay na buhay ang print
literature vs visual literature . Ang blog at websites ay mga “nakatagong
babasahin” na binubuksan para sa higit na pagpapahalaga sa malawak
na mga paksa mula sa personal na taguan ng mga sentimyento sa
kasalukuyan hanggang sa lantad na pagpapahayag ng mga kaloobang
kinasisidlan ng tuwa, poot, kabiguan at tagumpay kaugnay ng
nagbabagong lipunan.
Walang pagkaligaw ang panulat ng kabataan.

* * *

157
Ang sumusunod ay mula sa pakikipanayam ng mga undegraduate student
na sina Ferdinand F. Vera (Ateneo de Manila), Leni Tolentino (UP), Brenda
Romero (Perpetual Help College of Rizal, Las Piñas) at Joyce Valencia Castro
(UP). May kinuha rin sa mga tesis nina Flocerpina G. Eroa (MLQ University,
1979) at Alodia S. Torrefranca (Negros Occidental University Recolletos,
1993), Lungsod ng Bacolod.

Sinasabi ng iba na kung babasahin ang mga popular ninyong akda


ay hindi kayo iisiping galing sa uring maralita.

Dalawa ang mga bukal na pinaghanguan ng aking akda: ang mga


galing sa karanasan at obserbasyon ko, at ang nakuha ko sa pagbabasa.
Dahil marami ang naniniwala na ang mga katha ay hango sa tunay na
buhay, nalilito sila sa pinagmulan ko. Marami kasi akong sinulat na
maiikling kuwento na tungkol sa mga maykaya. Akala nila’y mula ako
sa angkan ng mayayaman.

Kasi naman ay kakaunti ang nababasang mga kuwento ninyo tungkol


sa kahirapan ng pamumuhay sa mga una ninyong isinulat. Paano ba
ninyo ipaliliwanag ang mga bagay na iyon?

Sa umpisa pa lamang ng pagkukuwento ko sa Liwayway, tungkol


agad sa karalitaan ang aking paksa. Ang una kong kuwentong pang-
estudyante, “Dinurog ang Pamahiin” (Liwayway, Hulyo 12, 1954) ay
hinggil sa paghamon ng isang mangingisda sa bagyong darating na
sinimbolo ng Kubo ni Baro (higanteng ulap na korteng bahay). Sa
isinabmit kong orihinal na manuskrito sa editor na si Jose Domingo
Karasig, pinatay ko ang mangingisda sa bandang huli—no way na
mabuhay siya sa tindi ng dumating na bagyo. Pero may patakaran
noon ang Liwayway na dapat magkaroon ng happy ending ang kuwento,
kaya hayun, walang malay-taong dinampot pa sa dalampisan ang

158
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

mangingisda pagsapit ng umaga.


Sa maikling kuwentong “Alon” (magasin ng Bagong Buhay, Marso 27,
1955), ang inisyasyon ng isang kabataang dukha para maghanapbuhay
sa pamamagitan ng pangingisda sa malawak at mapanganib na dagat
ay muling naglararawan ng karalitaan. Inulit ko pa ito sa “Luksong-
Tinik” (Liwayway, Mayo 30, 1955) na pumaksa sa pagtutol ng isang
misis na makisama uli sa humiwalay sa asawa kahit nagdidildil ito
ng asin. At ang karalitaan sa kanayunan ay inilipat ko sa kalunsuran
sa “Maynila” (magasin ng Bagong Buhay, Oktubre 23, 1955) nang ang
pangunahing tauhang si Pepe ay nagpagala-gala sa “maliit na kalye,”
sa pagitan ng mga “tagpi-tagping barungbarong” sa walang silbing
paghahanap ng kaniyang nobyang si Chita na sumama sa isang
mayamang negosyante.
Pero ang survival sa pagsulat sa mga babasahing tulad ng Liwayway
at Bulaklak noong 1950s at 1960s ay itinakda ng novelty (naiiba) upang
makaakit ng mambabasa. At ano pa ba ang naiiba kundi ang buhay-
mayayaman? Sa lipunang Filipino, ang tinitingala at minomodelo ng
mga dukha ay mga maykaya, ang mga sukdol-langit ang yaman at
kapangyarihan. Hindi habang panahong susukat si ERA ng tungkol
sa dinadaluyong sa gutom na sikmura at mga bubong at pansol na
tumutulo sa kahit anong dalang na patak ng ulan.

Kung gayon, sumunod kayo sa editorial policies ng mga magasin


popular?

Ganoon na nga. Basta ang importante sa akin noon, malathala,


huwag maputol ang pagsasanay sa pagsulat, makausap kahit pasaglit-
saglit ang mga “dakila” sa panitikan na tulad nina Nemesio Caravana,
Jose Domingo Karasig, Augustin Fabian, Adriano P. Laudico, Jose
Esperanza Cruz, Susana de Guzman, at Fausto Galauran. Isa pa,
mukhang gusto akong isingkaw, wika nga sa grupo nina Pablo N.

159
Bautista, Hilario Coronel, Virgilio Blones, Tomas Ongco at Ponciano
B.P. Pineda – sila ang mga sikat na campus writer na bigla na lamang
kinuha ng Liwayway para maging staff member o contributor pagkaraang
banggain nila ang ‘monopolista sa ekslubistang” pagkakahawak ng
matatandang tinali, wika nga sa Panitikang Tagalog. Isang malaking
karangalan, siyempre, na mapalapit man lamang sa kanila at mahawa
kahit katiting ng kanilang pagkahenyo sa pagsulat.

Paano nga ba kayo nag-umpisang sumulat? Ano ho ba ang


pinakabinhi?

Parang walang binhi. Siguro, isang ligaw na binhi, kung mayroon


man. Kasi, wala akong alam na kamag-anak na nagsulat bago ako
umentra sa panitikan. Nito lamang 1986 nabatid ko na may isang Tomas
Abueg na nagsulat daw sa Tagumpay at iba pang babasahing popular
noong 1927. Kailangan ko pang mai-research ito. (Ngayon, nadiskubre
ko nang may linya ng manunulat sa angkan ng mga Abueg, pero iba
nang paksa ito. May iba nang Abueg na nagwagi ng Palanca Awards).
Noong nasa hay-iskul ako (Arellano High School, 1951-1954), third-
year, pinagtabi-tabi sa isa naming klase ang lalaki at babae para mag-
behave daw kami. Natatandaan ko na may nakatabi akong matangkad
na tin-edyer, Nina Foz yata ang pangalan. Tunaw ako sa kahihiyan dahil
tisay at American size ang aking katabi. Pinagtuksuhan ako at dakong
Enero, 1953 sinulsulan akong sumulat ng isang tulang pandedikasyon
sa Valentine’s Day. Ganito ang aking nabuo:

Sa higaan, napabangon, hinawakan ang panitik


Lumiham sa isang musmos, na may gatas pa sa bibig
Nang dumating sa tahanan itong liham ng paghibik
Hindi man lamang binasa, pinagpunit-punit.

160
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Nailabas ito sa Tambuli (opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral


sa Arellano High School) noong Pebrero, 1953. Natuwa ako hindi
dahil sa naipaabot ko sa aking katabi ang dedikasyong iyon kundi sa
pagkaunawa ko sa “nalathala ako.” Marunong pala akong tumula.
Isang tangka pa lamang, lumusot ako.

Kung sa tula kayo nag-umpisa, bakit higit kayong kilala ngayon


bilang prose writer?

Pagka-publish ng tulang iyon ay sumulat pa ako ng maraming tula,


pero hindi ko ibinigay sa editorial ng Tambuli. Parang may kulang. Itinago
ko ang mga iyon at nagsulat naman ako ng mga balita dahil kumuha
ako sa optional subject: Journalism. Pamalit iyon sa kinatatakutan
kong mga subjects: algebra o geometry. Nagpasikat ako sa Journalism
Class ko. Nang fourth year na ako, napili akong maging news editor.
May hawak na akong espasyo sa diyaryo. Parang nagkaroon ako ng
malaking awtoridad. Nagsimula akong sumulat ng mga tula tungkol sa
mga bayani—isang paglayo sa mga paksa ng tula ko: kamatayan, pag-
ibig, pag-uusisa sa mga bathala, kalikasan. May timpalak sa pagsulat
taon-taon at isinali ko ang mga tula tungkol kina Rizal, Bonifacio,
Jacinto. Kung ilang beses akong nagwagi. Hindi na ako nagkasiya sa
tula; tinangka ko ang prosa–maikling kuwento, na maikling-maikli nga
dahil sa kakulangan ng espasyo. Natuwa na naman ako. Nakakasulat
ako nang mas mahaba kaysa sa tula. Nang taong iyon, naging bisitang
mananalumpati ng Kapulungan ng Inang Wika (samahang pangwika)
ng Arellano High School si Pablo N. Bautista, noo’y tanyag nang
kuwentista at tagasulat ng talambuhay ni President Ramon Magsaysay.
Impressed ako sa kanyang mga sinabi tungkol sa oportunidad ng
kabataan sa pagsulat. Bukas na paanyaya ang ipinaabot niya sa aming
lahat na magbigay ng mga istorya sa Liwayway.
Dahil siguro’y nag-umpisa ako sa tula, naisipan kong mga tula muna
161
ang ilathala ko sa Liwayway. Inggit na ako noon sa pagsulat at pagbigkas
ng tula ni Oscar Suarez-Manalo, isang makata na galing din sa Tambuli
(malaon, naging estudyante sa UP). Ibig kong sumunod sa kanyang mga
yapak, wika nga. Dito ako nadisgrasya. Ang napag-abutan ko pala ng
may isang dosena kong tula ay si Virgilio C. Blones, isang undergraduate
ng Liberal Arts sa UP, pero kanang-kamay ng manedyer ng Liwayway
at kilalang campus writer na kinuha agad na regular staff member ng
Liwayway. Pagkaraan ng dalawang linggo, pinabalikan sa akin ang mga
tula ko sa ikaapat na palapag ng Roces Bldg, sa Commandante St., Sta.
Cruz, Maynila. Naghintay ako sa unang palapag na kinaroroonan ng
reception room. Pagkakita sa akin ni Blones ay inihataw niya (ibinaba
lang daw, sabi niya) sa ibabaw ng mesa ang nakatiklop kong mga papel
ng tula, karugtong ang seryosong pananalitang sobra ang anghang: “O,
eto kalimutan mo na ang pagtula!”
Narindi ako. Dinampot ko ang mga papel ng mga tula na parang
lasog-lasog na katawan sa aking tingin. Yuko-ulong lumabas ako sa
gusali at tumindig sa tabi ng poste ng karatula ng kalye sa harap ng
isang kapihan ng Intsik. Tulala pa rin ako dahil sa “lupit” ng mga sinabi
ni Blones. May nagtatawanan sa kapihan ng Intsik at nang mapalingon
ako, nakita ko si Pablo N. Bautista. At sa bugso ng kaapihan ko’y
napalapit ako sa kaniya at naibulalas ko ang dinanas ko kay Blones.
Napatawa lamang si Bautista. Sinabi niyang kalimutan ko na ang mga
pagtula dahil “walang pera diyan.” “Magkuwento ka,” dugtong pa
niya. Pagbalik ko ng sumunod na linggo, dala-dala ko sa Liwayway ang
una kong kuwentong “Dinurog ang Pamahiin.”

Successful ba kayo agad? Sabi ninyo ay nalathala agad ang una


ninyong kuwento? Hindi ba kayo nakatikim ng rejection slips?

162
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Pinakagat lamang yata ako. Inilathala agad ng Liwayway ang


“Dinurog ng Pamahiin.” Isinunod ang “Baril-Barilan” (Hulyo 19, 1954).
“Kandila” (Oktubre 18, 1954) at ang unang kuwento ko sa propesyonal
na mga pahina, “Luksong-Tinik” (Mayo 30, 1955). Nang masundan ang
kuwentong iyon ay Hulyo 9, 1956 at Nobyembre 1956. Ang dalawang
huling kuwento ay walang pamagat sapagkat kasama sa gimik na
ang mambabasa ang magpapadala ng mga titulo. Mula Mayo 30, 1955
hanggang sa malathala ang dalawang kuwentong walang pamagat,
hindi iisang dosenang kuwento ang naisulat ko, isinumite sa Liwayway,
ngunit ibinalik sa akin. Hindi ko itinapon ang mga iyon. Itinago ko,
ewan ko kung bakit. Basta ginusto ko lang itago (upang rebisahin ko at
ipalathala pagkaraan ng may limang taon). Nasisiraan na ako ng loob
dahil madalang pa sa kuwaresma ang labas ng mga kuwento ko sa
Liwayway (na pinakaprestihiyo noon) nang ilathala ang Aliwan, kapatid
na babasahing Liwayway. Si Jose Esperanza Cruz ang unang editor nito.
Doon ako binigyan ng malaking break.

Mukhang mabilis na kayong sumulat noon. Sino ba ang talagang


nakaimpluwensiya sa inyo?

Kabataan kasi at desidido, kaya mabilis akong sumulat. Ang unang


nakaimpluwensiya sa akin ay si F.T. Palgraves, sa kanyang aklat na
The Golden Treasury na inedit naman ni Oscar Williams. Ito kasi ang
unang librong nadampot ko sa book shelves ng uncle ko na isang major
sa engineering corps ng Philippine Army. Mahina na ang binding,
pero dinikitan ko ng glue. Doon nagmula ang idea ko sa pagtula.
Minsan, naisama ako ng auntie ko sa Philippine Education Company
sa Castillejos, Quiapo. Nakita ko ang “Ako’y Isang Tinig,” koleksiyon
ng mga kuwento at sanaysay ni Genoveva Edroza. Inungutan ko ang
aking auntie na bilhin ang librong iyon. Pumayag naman siya. Uno

163
singkuwenta ang halaga ng libro. Isang gabi ko lang binasa iyon.
Napuruhan ako ng kaniyang “Kuwento ni Mabuti” isang kuwentong
nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca Awards noong 1951. May
isang linya roon na nakabalisa sa akin: Yaon lamang nakaranas ng mga
lihim ng kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim ng kaligayahan.
Hanggang sa ngayon (1983), malinaw, di-makatkat sa utak ko ang
sa akin ay lubhang emosyonal na linya sa lahat ng mga kuwento ni
Edroza.

Marami kayong emosyonal na kuwento at nobela, sinasabi ng inyong


mga kontemporaneo. Sentimental daw ang inyong prosa.

Sa period ng apprenticeship ko, ganyan ang tendensiya.


Naimpluwensiyahan nga ako ni Edroza. Ang totoo, sinabi ko sa
isang interview na “nagkaroon ng tinig sa aking isip ang kanyang
mga katha, tulad ng payapa, ngunit malinaw na tinig ng “Kuwento
ni Mabuti” sa linyang iyon. Hindi makatkat sa isipan ko ang linyang
iyon kaya nang sulatin ko ang “Ang Paghihintay” (Aliwan, Enero 15,
1958), hindi ko namalayan na ang modelo ko ay ang “Puti ang Kulay
ng Pananalig” (Ako’y Isang Tinig, p.63) ni Edroza. Inulit ko ang
emosyonal na pagdadala ng kuwento sa “Bathala” (Aliwan, Hunyo 18,
1958) at sa “Ang Paghihiwalay” (Aliwan, Setyemre 3, 1958). Sinasabi
ng mga mamababasang sumulat sa akin na “naging akin na ang
estilo sa pagdadala ng emosyon ni Edroza” nang sulatin ko na ang
“Huling Liham” (Liwayway, Hunyo 6, 1960). Ngunit para sa akin, ang
madamdaming pagdadala ng kuwento, likas at matipid, ay natamo ko
sa “Huling Kundiman” (Liwayway, Disyembre 4, 1967).

Wala nang iba pang mangangathang Filipino ang nakaimpluwensiya
sa inyo?

164
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Sa porma marahil marami. Sina Bautista, Coronel, Pineda, Ongco, at


maging si Teodoro Agoncillo. Pero ang kontribusyon nila sa akin ay parang
mga haplos ng pinsel sa canvass. Ang kabuuan ng mga kontribusyon
nila ang lumikha sa akin bilang “ako,” ang mangangatha. Si Edroza ang
nagtulak sa akin na tumuloy sa pagsulat dahil sa makapangyarihang
pagdadala niya ng damdamin; ang pangkat nina Bautista, iba pa ang
humubog sa akin bilang may kasanayang manunulat ngayon. Binasa
ko rin sina Pedro Dandan, Buenaventura Medina, Jr., Macario Pineda,
Elpidio Kapulong, Fernando L. Samonte, Mabini Rey Centeno na mga
manunulat na tunay na “panitikero.” Ganyan ang pagsasanay ko: ang
modelo ko’y mga kabataang manunulat na nagmula sa kampus at
nakakaintindi ng sining ng pagsusulat. Kaya sabi nila, kahit si ERA ay
palaki ng Liwayway, hindi siya binatak nito na pababa gaya ng nangyari
sa maraming manunulat. Sa halip, iniangat ko raw ang uri ng tinatawag
nilang popular writing.

Ano ba ang kahulugan ng “popular writing” sa inyo?

Siguro, kailangan nating magbalik sa tradisyong pasalita para


maintindihan natin ang popular writing. Noon, sa mga etnikong grupo,
popular ang mga epiko at mga awiting-bayan dahil sangkap ang mga
ito ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Nagpasalin-salin
ang mga tipong iyan ng panitikan hanggang sa maidokumento noong
panahon ng mga Espanyol. Dinala rito ng mga Espanyol ang korido
(metrical tale) at tinanggap agad ito ng sambayanan. Maraming Filipino
ang sumulat ng korido upang gawing aliwan ng madla. Nang dalhin ng
mga Amerikano ang mga bagong tipo ng panitikan, tulad ng maikling
kuwento at nobela, ang nilaman ng mga ito ay banghay, paksa at tema
ng korido. Kadalasan, hindi repleksiyon ng araw-araw na realistikong
pamumuhay ng sambayanan ang nilalaman ng mga ito, eskapista, at

165
nagbibigay pa ng ilusyon o huwad na mga pag-asa. Iyan ang tinawag
na popular writing dahil tinanggap ng nakararaming mamayan. Iyan
ang nakapamayani sa mga popular na babasahin tulad ng Liwayway
(itinatag, 1922), Tagumpay (1927), Bulaklak (1949) at Sampaguita (1949).
Hindi naman nangangahulugang wala nang makabuluhang akdang
nailathala sa mga babasahing iyan. Nariyan ang mga nobela ni Lazaro
Francisco, Brigido Batungbakal, Macario Pineda, Jose A. Gonzales,
Fausto Galauran, Gervacio Santiago, at Jose Esperanza Cruz.
May monopolista sa paglalathala ang mga manunulat na sumunod
sa genre ng korido mula sa liberasyon hanggang buong panahon ng
1950. Nitong mga unang taon ng 1960, binalya nang binalya ng mga
kabataang manunulat na tulad nina Tomas Ongco, Ponciano B.P.
Pineda, Hilario Coronel, Virgilio Blones, Manuel J. Ocampo, Elpidio
Kapulong, at Fernando Samonte ang monopolista at eksklusibistang
paghawak ng matatandang tinali sa mga babasahing iyan. Bumigay ang
establisimyento ng mga iyan at sa umawang na pinto ay pumuwesto,
hindi lamang ang mga luminyang manunulat na binanggit sa itaas
kundi ang sumunod na pangkat na kinabibilangan nina Edgardo Reyes,
Rogelio Sicat, Ave Perez Jacob, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez,
at atbp. Instrumental sa pagbabagong ito sina Agustin C. Fabian (noo’y
general manager ng Liwayway Publications) at Teofilo Sauco, editor
ng Bulaklak dahil sa kanilang malayong pagtanaw sa larangan ng
panitikan. Masasabi ring may impluwensiya kay Fabian sina Celso Al.
Carunungan (bagong dating mula Amerika), Andres Cristobal Cruz
(manunulat sa wikang Ingles na sumubok sa Pilipino), at Virgilio Blones
(paboritong kanang kamay ni Fabian.)
Para sa akin, ang popular na panitikan ay sumabit na mabuti
sa tradisyon ng korido at nang husgahan naman ng mga kritiko ay
tinimbang sa pamantayan ng kritisismong Kanluran. Ang pagkritiko
naman sa ganyang paraan ay lumikha ng isang façade na ang panitikan
sa Tagalog (noo’y hindi pa nagre-reinkarnasyon sa Pilipino) ay malayo

166
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

sa likuran ng panitikang Filipino sa wikang Ingles.

Parang nababanggit sa mga write-up tungkol sa mga manunulat ng


“Mga Agos sa Disyerto” na mahigpit ninyong tinutulan ang paratang
na ito (nasa itaas) ng mga manunulat sa wikang Ingles. Ano ho ba
ang katotohanan tungkol dito?

Totoong sukdol-langit ang pagtutol namin sa paratang na malayong-


malayo ang panitikan sa wikang Tagalog sa panitikang nagsusulat
sa wikang Ingles. Kasi naman, si Ave Perez Jacob, na kasama naming
manunulat sa MLQ Educational Institution (University na ngayon) ay
biglang nagdeklara na iaabandono na niya ang pagsulat sa Tagalog sa
isang sulat niya sa Sunday Times Magazine (July 14, 1963). Sabi niya:
“…after being published several times in Tagalog magazines I grew
quickly disillusioned with the people I met. So many Tagalog writers
are writing for money rather than the enrichment of Tagalog literature.
I think Pilipino is a language in search of genuine writers: right now it
is a veritable desert and it seems it will remain so a long a time. Thus I
write in English.”
Nasaktan ako sa parang pagtalikod sa amin ni Ave Perez Jacob, kaya
sinagot ko ang sulat sa Sunday Times (August 4, 1963). Sabi ko: “I regret
to hear from your contributor, Ave Perez Jacob that he deserted Tagalog
literature because he was disillusioned with the people he met in the
field. He said Pilipino is a language in search of ‘genuine writers’ and
yet he turned his back on it. Does one abandon a house merely because
it is not so clean? Why does Jacob not help in cleaning it and change his
attitude from that of a ‘literary deserter’?”
May katotohanan ang paratang ni Ave at ng iba pa tungkol sa
maraming manunulat sa Tagalog. Ang sinasabi namin sa grupo
ng  Mga Agos  ay ang nakikita lamang ng mga kritiko ay ang mga
kathang nasa popular na babasahin lamang. Hindi nila nakikita ang

167
“ginto,” ang hindi pa nahuhukay sa mga bundok o ang mga akda ng
kabataang nalathala sa mga peryodiko at magasin sa kampus at sa mga
mumunting babasahing tulad ng Silangan (editor, Federiko Sebastian).
Ang pag-atakeng ito sa panitikan sa wikang Tagalog ang nagpaapoy sa
mga mangangatha ng Mga Agos upang umiba ng direksiyon.

Nag-aral ba kayo ng literature at creative writing? Bakit ang kinuha


ninyong kurso ay komersiyo?

Sumulat muna ako, bago nagbasa, at “nag-aral” ng panitikan at


pagsulat. Kasi nga, naitulak agad ako sa mga pahina ng Liwayway,
Bulaklak, Bagong Buhay, at isa pang buwanang magasing Bikol na
pinamamatnugutan ni Victor Toledo Marcos. Nakinig ako ng mga
panayam nina Agoncillo, Pineda, Abadilla, at iba pang haligi ng
panitikang Tagalog. Uneven nga ang pagkatuto ko sa pagsusulat kasi’y
pinag-aral ako ng komersiyo para makakuha ng mataas-ang-suweldong-
hanapbuhay. Habang nakikipagbuno ako sa balance sheets at mga
ledger ay nakikipagkilitian ako sa literature. Dumating ang panahong
kailangan ko nang mamili: nakakuha na ako ng BSC. Tinalikuran ko
ang accounting at nag-staff member ako ng Aliwan. Sa panahon ding
ito natuklasan ko ang mga manunulat na sina Hemingway, Fitzgerald,
Steinbeck, Dreiser, Faulkner, Anderson, at mga nobelistang Europeo na
sina Emile Zola, Iganizzio Sillone, Fyodor Dostoevsky, Nikolai Gogol,
at Leo Tolstoy. Ito’y pagkaraang wala na akong makatas kina Guy de
Maupassant at O. Henry.

Sa mga manunulat na Amerikano, sino ang nagustuhan ninyo?

Si Hemingway. Kasi, ang damdamin sa mga nobela niyang tulad


ng “The Sun Also Rises”, “For Whom the Bell Tolls”, at sa kuwento

168
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

niyang “The Snows of Kilimanjaro” ay higit pa sa dating ng damdamin


sa mga katha ni Edroza. Ginaya ko siya. Nang sulatin ko ang “Liwanag
sa Gubat” (Aliwan, Marso 5, 1958), ang naiisip ko ay si El Sordo, isang
magiting na tauhan sa “For Whom the Bell Tolls” na nasa ituktok ng
bundok na nalalatagan ng niyebe. Natutuwa siya sa halip na matakot sa
pagsapit ng kamatayan dahil matatapos na sa kanya ang lahat. Ngunit
kinamumuhian din niya ang kamatayan nang mga sandaling iyon
sapagkat mapuputol na rin ang gunita ng magandang kulay ng buhay.
Sa “Liwanag ng Gubat,” ang pagsalubong ng pangunahing tauhan sa
kamatayan ay buong katuwaan sapagkat ang gunita sa kanyang buhay
ay malagim, masakit, masaklap.
Mula naman sa “The Snows of Kilimanjaro” ang “Ang Sadya”
(Liwayway, Mayo 30, 1960), isang kuwento tungkol sa pagkakaroon ng
gangrena ng asawa ng pangunahing tauhan sa isang gubat na malayo
sa kalunsuran. Ayaw nang gumaling, gusto na niyang sumugba sa
kamatayan tulad ng tigre na tumigas sa yelo sa bundok Kilimanjaro,
na ewan kung bakit umakyat sa tuktok ng bundok upang mamatay
lamang. Ngunit ang higit na malakas ang impluwensiya sa akin ay ang
“For Whom the Bell Tolls” na pinaghanguan ng nobela kong “Dugo sa
Kayumangging Lupa” (Liwayway, Pebrero 22, 1965-Hulyo 12, 1965). Ang
huling tindig ni Dante, pangunahing tauhan sa bundok na daraanan ng
mga umuurong na Haponesa ay duplikado ng huling tindig ni Robert
Jordan sa “For Whom the Bell Tolls” pagkaraang pasabugin ang tulay na
daraanan naman ng mga pasistang hukbong sasalakay sa mga loyalista
at Komunista.
Pero tinalikuran ko rin si Hemingway. Kailangang humiwalay
sa umbilical cord ng impluwensiya niya. Ayoko maging copycat.
Nag-develop ako ng sariling estilo at pilosopiya at mga paksang
nakapaghahamon sa aking diwa.

169
Sino ang lubhang nakaimpluwensiya sa inyo manunulat gayong
maraming iba pang manunulat na inyong binasa ?

Tulad ni Edroza, napuruhan lamang ako ni Hemingway. Pero ito’y


noong panahong naghahanap nga ako ng “aking sarili” sa panitikan.
Ang totoo, ang mga manunulat ng 1910-1940 sa Estados Unidos ay
pumukaw sa mapagsuri kong pagtingin sa lipunan. Ganoon din siguro
ang nangyari kina Edgardo Reyes, Rogelio Sicat, Dominador Mirasol at
Rogelio Ordoñez.
Malayo na sa akin sina William Dean Howells ("The Rise of Sir
Lapham"), Samuel Longhorne Clemens o Mark twain ("Tom Sawyer,"
"Huckleberry Finn"), Henry James ("The American") at maging si Frank
Norris ("The Octopus"). Pagkaraan kay Hemingway, binasa ko ang
“lost generation” na sinasabi sa An American Tragedy (naisapelikula sa
pamagat na “A Place in the Sun” na ang bida’y sina Elizabeth Taylor at
Montgomery Cliff). Hindi ko pa alam na ekstensiyon ang mga nobela
niya ng naturalismo nina Zola at Dostoevsky. Doon ko nakita ang
kapangitan ng buhay–ang kasamaang nakakubli sa katauhan ng isang
kaakit-akit na binata sa “An American Tragedy” at sa pangunahing
karakter sa “Crime and Punishment.” Mula sa pagkaunawang ito,
tiningnan ko rin ang lipunan at tao–ang “madidilim na bahagi” ng
kanilang kalooban at naisulat ko ang mga kuwentong “Patuloy ang
mga Hudas” (Aliwan, Abril 1, 1959)), “Ang Pulubi,” (Aliwan, Oktubre 2,
1957), at “Titis” (Aliwan, Agosto 14, 1957).
Fascinated naman ako kay Fitzgerald sa kaniyang “The Great Gatsby,”
“This Side of Paradise,” at “Tender is the Night”–sa paglalarawan niya
ng buhay–mayaman na magagamit ko sa pagsulat ng mga akdang
popular. Ngunit ang mga katha rin niya ang nagpamulat sa akin ng
pagitan ng mga dukha at ng mga mayaman sa lipunang Pilipino.
Ang dalawang agos ng impluwensiya nina Hemingway, Dreiser at
Fitzgerald–ang isa’y hinggil sa kapangitan ng buhay at ikalawa’y

170
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

kagandahan nito kahit dekadente, ang nagpunla ng kahandaan para sa


pagsipot ng “panitikan” ng grupong Mga Agos sa Disyerto.
Ang kahandaan para sa bagong pamamaraan at nilalaman ng
pagsulat ay pinatibay pa ng mga pagbasa kina Faulkner at Steinbeck,
lalo na ang huli na nagpakita ng karukhaan at kaapihan ng masang
Amerikano—sa panahong ang lupain sa labas ng mga lungsod ng
Amerika ay sinusunggaban ng makapangyarihang mga tao na kasabwat
ng mga nasa poder ng pamahalaan—sa The Grapes of Wrath.
May misteryoso wari sa mga akda ni William Faulkner na nakaakit,
ngunit nakalito rin sa akin. Parang may walang katapusang bukal ng
imahinasyon na nagmula sa kaniya sa paglalarawan niya ng South, ng
mga Negro at mga Puti, ng lihim na likaw ng mga pagkatao ng mga ito,
ng mga matandang bahay, at ng kung anong mga kasamaang nakakubli
roon. Parang sinasabi ni Faulkner na may mga dambuhala sa kaniyang
paligid, na sa ganoong lugar ay hindi dapat isilang at lumaki ang isang
tao. Ganyan ang pagkakaintindi ko kay Faulkner. Kinatakutan ko ang
kaniyang mga paksa at tema at hindi ko siya naisangkap sa aking mga
katha.
Tiningnan ko rin si Steinbeck sa karahasan sa kaniyang mga
nobela na parang bahagi ng ritwal ng mga pagano sa isang panahong
primitibo na humahangga sa sadismo. Pinag-ugnay at pinaghambing
ko ang pang-akit nila ni Faulkner sa abnormalidad at nagkaroon ako
ng kongklusyon na pinaghihimagsikan nila kapuwa ang balangkas
ng lipunang itinayo ng kapitalismo. Ang balangkas nito’y nakaapekto
sa daigdig ng mga tauhan nina Faulkner at Steinbeck at ang bagong
balangkas na ito ay kanilang itinatatwa. Ngunit nang isulat ni Steinbeck
ang The Grapes of Wrath ay inilarawan niya ang pagbiktima sa masang
Amerikano ng mga may-ari ng lupa, ang kawalan ng hustisya, ang
di-pagkakapantay-pantay ng mga uri sa lipunan. Hanggang sa iba pa
niyang nobela ay nagkaroon siya ng palagay na kailangang hubugin ng

171
mga api ang lipunang gagawing huwaran ng mga ito.
Ang ganitong pagkaunawa ko kay Steinbeck ang nagpatatag ng
kamalayan ko sa “social commitment.” Ang mga isinulat ni Steinbeck
ay nakita ko rin sa mga larawan ng paligid sa ating bansa. Bakit hindi
ito isinulat? Bakit hindi ito binubusisi? Panahon na upang talikuran ang
eskapismong panitikan.

Pagkaraan ba ng pagbabasa ninyo sa mga binanggit ninyong


manunulat na Amerikano sumunod ang pagkakabuklod ng mga
manunulat ng “Mga Agos sa Disyerto”?

Hindi naman alam ng grupo kung ano-ano ang kanilang


pinagbabasa. Basta kani-kaniyang basa at kani-kaniyang sulat. Pero
may pagkakatulad sa persepsiyon ang mga manunulat ng Mga Agos.
Kasi ang kaligiran ng Quiapo, mula estero sa R. Hidalgo hanggang plasa
ng Sebastian ay larawan ng karalitaan, karumihan, panganib (may mga
rambulan, kadalasan), at krimen. Ang kaligirang ito ang nag-ugnay, sa
tingin ko sa grupong Mga Agos. Sumulat kami sa pahina ng MLQEI
The Quezonian at dahil wala kaming sinusunod na patakarang editoryal
tulad ng ginagawa ng Liwayway noon ay sumulat lamang kami nang
sumulat at ang impluwensiya ng mga manunulat na Amerikano ay
binigyan namin ng ekspresyon sa paglalarawan ng aming kaligiran.
Sa The Quezonian nalathala ang aking “Mapanglaw ang Mukha ng
Buwan“ (Hunyo 23, 1959), “Mabangis na Lungsod“ (Hunyo 20, 1961), at
“Sa Bagong Paraiso“ (Hunyo 6, 1963). Ang “Mabangis na Lungsod“ ang
kontribusyon ko sa paglalarawan ng kaligiran sa Quaipo, sa partikular
ang simbahan ng Quaipo sa Plaza Miranda. Dito ko ibinunyag ang
sindikato ng mga pulubi at ang pagwalang-bahala ng lipunan sa mga
biktima nito.

172
R OMULO P. B AQUIRAN J R.

Paano ho nabuklod ang mga manunulat ng “Mga Agos“?

Marahil ay handa na talaga ang pagbubuklod. Bukod sa sina


Edgardo Reyes, Rogelio Sicat, Rogelio Ordoñez, at ako ay nag-aaral
sa MLQEI (habang nagtatrabaho ako sa isang brokerage company
sa Escolta), si Eduardo Bautista Reyes naman ay padalaw-dalaw sa
amin sa eskuwelahan mula sa kaniyang opisina sa kalye Dasmariñas,
Binondo na kinaroroonan ng kanilang opisina sa insurance. Kung
minsan, kung kaming apat ay walang pera, pinagkakaisahan naming
puntahan si Eddie Reyes (lagi siyang mapera) at sa harap ng goto,
beer, coke, at kung ano-anong pulutan na kaya niyang ihain, mag-
uusap-usap kami tungkol sa panitikan at paglalathala. Nagkataong
sa aming mga tirade sa Liwayway (may kimkim yatang sama ng loob
sina Edgardo Reyes, Ordoñez at Sikat kay Liwayway Arceo) na-banned
kami sa premises ng publikasyong iyon. Hindi kami pinapapasok
sa Liwayway, kahit dumalaw sa mga kakilalang staff member doon.
Lumapit kami sa Bulaklak, na noo’y humihina na ang sirkulasyon (dahil
umano’y ginagamit sa ibang negosyo ang tubo nito). Kinausap naming
si Teofilo Sauco, ang editor at nakumbinse naming pagnobelahin kami
nang dugtungan—kaming lima!
Ang naging pamagat ng nobela’y “Limang Suwail” (Bulaklak,
Enero 23, 1963 hanggang Oktubre 23, 1963). Ako ang nag-umpisa ng
nobela at si Ordoñez ang nagwakas dito. Nagkasundo kaming ang
kikitain ng nobela ay hindi namin gagastusin, kahit isang kusing niyon
at pupuhunanin namin sa paglalabas ng isang antolohiya ng mga
nagkagantimpala (o pinakamahusay) naming mga kuwento. Isang
deklarasyon iyon ng aming sagot sa mga nagsasabing “isang disyerto
ang panitikan sa wikang Pilipino.”
Disyembre, 1963 nang simulan ang typesetting ng mga kuwento
namin sa isang mayabang, ngunit kapos sa puhunang imprenta
(Asia-Pacific) sa may kanto sa San Andres at Taft Avenue. Pagkaraang

173
makapagbigay kami ng halos kalahati ng halaga ng libro, ang
typesetting ay natigil at sa buong 1964 ay kinonsumi kami ng may-ari
na hindi namin makausap-usap. Lumipat ng ibang address ang Asia-
Pacific at naiwan sa typesetter ang mga tingga. May balance na hindi
pa nababayaran kaya binayaran namin at hinakot naming lima ang
tingga at dinala sa San Juan, Rizal. Doon inabot ng 1965 ang antolohiya
at nailabas din ng kakarag-karag na Minerva ni Dr. Panganiban.

Ano naman ho ang reaksiyon ng mga literati sa paglabas ng “Mga


Agos sa Disyerto”?

Kasaysayan na iyan. Basahin ang kritisismo ni Dr. Bienvenido


Lumbera, ang write-up ni Pablo Glorioso ng Surian ng Wikang
Pambansa at ng kung sino-sino pang kritiko.

Kung gayon, sa paglabas ng “Mga Agos,“ kinilala na ang mga


manunulat sa wikang Pilipino?

Hindi lamang kinilala, kundi hinulaang lalampasan ang ginawa ng


mga manunulat sa wikang katutubo ang mga mangangathang Filipino
sa wikang Ingles. Naganap iyan sapagkat nagkaroon ng aktibismo ng
mga kabataan at inilunsad ang rebolusyong kultural na humantong
sa paglalantad ng mga sakit na umiiral sa lipunan. Mga kabataang
manunulat ang humingi na buwagin, gibain ang bulok na sistema, at
magtayo ng bago.

174
E DGAR B. M ARANAN

Edgar B. Maranan

Noong Minsang Ako’y Bata sa


Isang Nayon Sa Gunita

Tayo’y nabubuhay, tayo’y nagsasalaysay. Ang mga yumao ay


patuloy na nabubuhay sa pagsasalaysay natin ng kanilang mga
kuwento. Ang nakaraan ay nagiging bahagi ng ating kasalukuyan,
samakatwid ay ng ating kinabukasan. Bilang mga indibidwal
at isang lipunan, kumikilos tayo sa panahon at bumubuo ng
isang makahulugang kasaysayan ng tao. Ang pagiging tao ay
pag-iisip at pagdama; paglilimi sa nakaraan at pangangarap ng
kinabukasan. Tayo’y dumaranas; binibigyang-tinig natin ang
karanasan; ang iba’y nililimi ito at binibigyan ito ng bagong anyo.
Ang bagong anyong ito ang nakakaimpluwensiya at humuhubog
sa kung paano dadanasin ng susunod na salinlahi ang sarili
nilang mga buhay. Kaya mahalaga ang kasaysayan.
– Gerda Lerner, Why History Matters

175
1. Ang batang may tatlong púsod at pugad
Alas-singko at magbubukang-liwayway. Kasabay ng unang
pagtilaok ng manok, tulad ng nakagawian ng kaamahan sa aming
nayon, inubos ng aking ama ang isang magasin ng 45, anunsiyo sa
daigdig na sumilang na ako. Sumirit sa langit ang mga tingga.
Noong gabing nakaraan, maaaring may gumuguhit na bulalakaw sa
langit. Bahagi ito ng aking mga alaala ng aking nayon. Sa aking paglaki,
walang gabi sa aming nayon na di kakikitaan ng bulalakaw ang sakdal-
dilim na kalawakan, at lalo silang maliyab sa tingin palibhasa’y walang
ilaw sa buong nayon maliban sa andap ng gasera sa mga bahay-bahay.
Di lamang tulad ng anino sa lupa ng ibong lumilipad sa langit ang
buhay ng tao, tulad na nasasaad sa lumang Talmud—para din itong
pansamantalang liwanag na lumilitaw sa walang-hanggang dilim ng
kalawakan. Sa paglaki ko, maririnig ko sa matatanda na lumilitaw ang
ganitong katatakhan sa kalawakan sapagkat “umiipot ang mga bituin”,
at malalaman ko rin sa aking ina na noong bata pa ako’y gustong-
gusto kong marinig mula sa kanya ang kundimang may pamagat na
"Bulalakaw," inaawit-awit ko pa raw ito kahit hindi ko nauunawaan
ang ibig sabihin at pamali-mali pa ang pagbigkas ko ng mga titik.
Buyayakaw, ayun, bliklang kisap, blikla ying nawaya, ayoko ya ng ganung
yiwanak.
Sa aking paglaki, hindi magiging parang bulalakaw lamang
ang aking pagkahumaling sa mga kababalaghan, katatakhan, at
katotohanan ng buhay at kalikasan—mahihilig ako sa astronomiya ng
kalawakan at agham ng kapaligiran bago ko pa man matuklasan ang
mga hiwaga ng pakikipagrelasyon, ang rubdob ng pakikisangkot sa
mga usaping panlipunan, at ang pakikipamuhay at pakikipagtalik sa
musa ng panitikan. Higit sa lahat, matututuhan kong magpahalaga sa
nakaraan.

176
E DGAR B. M ARANAN

Isinilang akong madilim na madilim pa ang madaling araw sa nayon


ng Cupang, isang maliit na tuldok sa mapa ng Pilipinas, sa bandang
kanluran ng lalawigang Batangas, sa amang tubong nayon at sa inang
tubong Malabon na noo’y matao nang kanugnog o arabál ng Maynila,
kaya’t sa aking kamuraan ay magpapalipat-lipat ako sa kanayunan
at kalunsuran, nilalanghap ang magkaiba nilang hangin at kultura,
nalalasahan ang magkaiba nilang kaugalian at pagkain, nalilibang sa
magkaiba nilang aliwan at tanawin. Isinilang ako sa ilalim ng malabay
na punong mangga, sa isang kubong walang silid at ang sahig ay mga
biyas ng kawayan, at ang tahanang ito ay nakatirik sa isang ulilang
burol na nasa gitna ng ilaya at ibaba—magkaibang direksiyon anaki’y
ng buhay, ang isa’y pabalik sa Maynila (at patungong banda pa roon
sa bulubunduking hilagang Luzon, na titirhan ko nang pinakamatagal
magmula sa gulang na apat na taon) at ang isa nama’y patungong aplaya,
sa pinakalunduyan ng Batangas na marahil ay siyang pinagmulan ng
aking mga ninuno.
Ngunit magkatulad lamang para sa akin ang pamamasyal sa ilaya
at sa ibaba, sapagkat sa magkabilang direksiyon ay marami pa rin
kaming kamag-anak na nangaiwan nang kami ay lumikas patungong
bulubundukin sa hilaga ilang taon pagkatapos ng giyera, mga kamag-
anak na kay sarap balik-balikan at dalaw-dalawin taun-taon, tuwing
bakasyon ng mga mag-aaral, kay sarap kakuwentuhan sapagkat alam
mong kasabay noon ay pakakainin ka ng pinakamabangong sinaing
na bigas na kinanda (anong panama ng mga wagwag at sinandomeng
ngayon?) na may kasamang mamula-mulang kibal, na sasabayan ng
kapapangat na tulingan o tambakol, at masusustansiyang gulay tulad ng
dahon at bunga ng malunggay, kalabasa, patola at bagó, at pagkatapos
ay susundan ng minatamis na irok, o kaya’y makakilig-butong halo-
halong pinakalalangit-langit lalo na kung tag-araw.

177
Bagamat isinilang ako sa tahimik, di-bukambibig na nayon ng
Cupang na isa lamang sa mga nayon ng makasaysayang bayan ng
Bauan, lumaki ako sa lamig ng malayong lungsod ng Baguio sa ituktok
ng hilagang bulubunduking rehiyon ng Kordilyera, at bumabalik
lamang sa sinilangang nayon tuwing bakasyon sa kasagsagan ng tag-
araw, sa Abril at Mayo.
Sunod ang aking layaw sa aking mga pinsang taganayon,
ipinagmamalaki nila akong bunsong kamag-anak na nagbibigay-
karangalan sa angkan sa pamamagitan ng kanyang mga medalyang
ginto sa paaralang pinatatakbo ng mga misyonerong Belhiko sa
Kordilerya at iba pang lugar sa Hilagang Luzon. Ako lamang ang
pinsan na kapag nagkasama-sama na kami sa mababang dulang na
siyang hapag-kainan ay siyang tanging hinahainan ng piniritong itlog
na sariwa pa mula sa kaisai-isang pugad ng manok sa silong ng bahay.
Kung minsa’y maiisipan nila akong biruin, at kunwa’y may ituturong
bagay sa malayo at pagtingin ko uli sa dulang ay wala na ang piniritong
itlog, naitago na pansamantala sa ilalim nito, at palilitawin lamang
kapag ako’y nasa bingit na ng pagngalngal at pagdarabog.
Ngunit sila rin ang mangangalaga sa akin habang ako’y
nagbabakasyon, kundi man sa mga tiyanak sa looban, kapre sa puno
ng lukban, at tikbalang sa bubungan, ay sa anumang kapahamakang
maaaring danasin ng isang batang di-sanay sa buhay sa nayon. Madalas
ay isinasama nila ako sa luwas, na pinagsasakahan nila ng kapirasong
lupang natatamnan sa palay, at sa paulit-ulit kong pagsama ay papayag
na rin silang sumakay ako sa likod ng bakang humihila ng araro, o
kapag panahong dapat bungkalin ang lupa ay pinapayagan nila akong
maupo sa kawayang kalmot na may matutulis at malalaking tinik na
humihiwa sa kayumangging-pulang lupa, biglang paghahanda nito sa
itatanim na mga punla.

178
E DGAR B. M ARANAN

Matagtag ang pagsakay sa kalmot, lalo na para sa isang batang ang


katawan ay hindi bihasa sa gawaing-bukid, sa mga siit na bigla na
lamang susulpot mula sa lupa, at sa matinding tama ng araw, ngunit
lahat ng ito’y tiniis ko dahil sa isang di-maipaliwanag na pagkaakit sa
ritmo at amoy at mga imahen ng buhay sa parang, at katuwaan na rin
maging ang biglang paglitaw mula sa likuran ng baka at pagbagsak sa
nababasag na lupa ng mainit na tumpok, na sabi noon ng nakatatanda
sa akin ay lalong nagpapayaman sa lupang pinanggagalingan ng
ikinabubuhay ng tao.
Hindi masusupil, mapanghihina ng init ng tag-araw ang tuwa ng
isang batang nakasuot ng balanggot at tumatalbog-talbog sa ibabaw
ng kalmot, at kapag patanghali na’y lalong sumidisidhi ang pananabik
sapagkat pagtirik ng araw ay hudyat na ng pagpapahinga sa ilalim
ng malabay na puno sa gilid ng sakahan—alin sa mangga, akasya, o
sinigwelas—upang sa lilim ay pagsaluhan ang baon naming kanin at
sinaing na tulingan o pangat na dulong.
Samantala, sa Malabon, tiniis ko ang makapal na usok mula sa
tambutso ng isanlibong dyipni, ang sari-saring mga amoy—kanal at
imburnal, dumi ng tao’t aso sa mga pilapil na nakapagitan sa mga
palaisdaan, palengke ng isda at karne, ngunit sa kabila nito’y nalibang
naman ako dahil sa kabaitan ng mga kamag-anak at kaibigang di
malilimutan: ang Tiya Edie at Tiyo Berto, ang Tiyo Peping at Tiya Sioneng,
na aming tinutuluyan kapag nagbabakasyon kaming magkakapatid
pagkagaling sa Baguio, at bago o pagkatapos magbakasyon sa nayon
ng Cupang sa Batangas. Ang bahay ng mga Tiya Edie ay nararating
mula sa kalsadang Heneral Luna sa pamamagitan ng makipot na
Calle Herrera, na magkabila’y mga dikit-dikit na bahay, mayroong
malaki’t nakaririwasa ang nakatira, mayroong maliit na pag-aari ng
mga may munting kabuhayan, ngunit walang kaguluhan, walang
mahilig sa basag-ulo, at may ilang paborito akong bahay sa kalyeng

179
ito. Sa kanto, ang sari-sari ni Mang Zoilo, na antayan ng dyip, at laging
may nakalaang libreng pampalamig o pantawid-gutom. Susunod
ang bahay ng Lola Rosing, pinsan ng Lola Posta, na manghihilot at
mantatawas. Madalas akong nanonood sa kanyang paggagamot ng
mga taong may pilay at iba’t ibang kapansanan, mga naengkanto, at
namamalikmata ako sa pamumuo ng mga patak ng kandilang pula sa
isang palangganang puno ng tubig, at nahihirapan akong ipaliwanag
ang namumuong hugis roon (para bang Rorschach Test kumbaga sa
sikolohiya). Sasabihin niyang ’yun ang anyo ng taong kumulam sa
kanyang pasyente.
Sa banda pa roon ay ang bahay ng aking Ninong Tosong at Ninang
Juling, at ang kanilang mga anak na naging kalaro ko’t kapalagayang-
loob tuwing magbabakasyon ako sa Malabon. Sa Ninong Tosong ko
narinig ang maraming gintong aral ng buhay, para siyang pastor na
may payo sa lahat ng katanungan tungkol sa buhay, at sa bawat taong
lumapit o bumati man lamang sa kanya. Kinakapatid ko ang anak nilang
si Jovit, at isa sa pinakamaagang lungkot sa aking buhay ang kanyang
di-napapanahong kamatayan: kasama ang nobyo, nasa huling taon na
sila ng hay-iskul noon, ang kanilang sinasakyang kotse ay nasalpok ng
tren sa Calamba. Nadurog silang dalawa at ang lahat nilang pangarap
sa buhay. "Ikinasal" pa rin sa simbahan ng Malabon ang dalawang
bangkay na nasa magkahiwalay na kabaong, ngunit sa iisang puntod
lamang sila inilibing.
Lampas pa nang kaunti at papasók sa isang eskinita ay ang bahay
ng Lolo Peping na isang biyolinista at dalubhasa sa musikang klasikal.
Nang sabihin kong mahilig ako sa mga kanta ni Mario Lanza, natawa
lamang siya. "Iho, hindi lamang siya ang tenor sa mundo, meron pang
ibang magaling. Nadinig mo na si Gigli?" Maghapon akong nakaupo
roon, nakikinig sa kanyang mga antigong plakang di niya marahil
ipagpapalit sa ginto. Mas malapit sa bahay ng mga Tiya Edie ay ang

180
E DGAR B. M ARANAN

bahay naman ng mga Ingkong Ebo at ng mga anak nito na karamihan ay


matandang dalaga. Isang paraiso ang tingin ko sa bahay na ito, sapagkat
nasa kanila lahat ang mga pangunahing komiks noon. Dadaan ang mga
oras ay di ko namamalayan, sapagkat nasa daigdig ako nina Alfredo
Alcala, Nestor Redondo, Amado Castillo, Tony Velasquez, Francisco
V. Coching, Pablo Gomez, at kung sino-sino pang batikang kuwentista
at ilustrador ng pantasya at eskapismo, ng "kakaibang realidad." At
sa pinakadulo, ang magkalapit na mga bahay ng mga Tiya Edie at
nakababatang kapatid nitong si Tiyo Peping—himpilan, pahingahan,
tirahan, at laging may nakahandang masasarap na ulam—sinigang at
adobo, lahat ng klaseng lamandagat, lalo na ang paborito kong halabos
na tatampal.
At sa banda pa roon, ang mga palaisdaan ng Malabon, na
pinapasyalan namin upang panoorin ang naglulundagang isda, at
ang mga bangkang de-motor na yao’t dito, mula Letre hanggang
Look ng Maynila, nang buhay pa ang ilog at hindi pa natatabunan ng
"progresong" mausok at maingay, ng mga kongkretong sabdibisyon at
"parkeng memoryal" o libingan, at ng nagsisiksikang populasyon.
Ang katapusan ng Mayo ay pagtatapos na rin ng aking masayang
bakasyon sa Cupang at sa Malabon, at muli ay malungkot—bagama’t
pansamantalang pagkalungkot lamang—na sasakay kami sa Benguet
Auto Line, aakyat pabalik sa Baguio, ang aking naging tahanan sa
loob ng mahigit na 50 taon, isang malamig, tila Europa o Amerika na
pook di lamang dahil sa klima’t mga puno nito, ngunit dahil din sa
paaralang pinasukan ko, na pag-aari’t pinamatnugutan ng mga madre
at misyonerong Europeong siyang unang humubog sa aking murang
kaisipan. Malalim ang pagkakasuloy ng aking ugat sa lugar na ito,
palibhasa’y dito ko natikmang mabuhay nang ilang taon sa palengke,
hindi lamang nagtitinda kundi sa tindahan mismo nakatira, bago
kami nakaipon nang sapat upang makaupa ng maliit na apartment,

181
hanggang sa makausad-usad na sa kabuhayan at nagkaroon na kami
ng sariling bahay.
Dito sa bulubunduking lungsod ko rin unang naramdaman ang
aking malalim na simpatiya—hindi lamang simpatiya kung hindi
pakikiisa—sa mga katutubong sa aking paglaki’y sisikapin kong
alamin ang kasaysayan, ang kultura, ang kawalang-katarungan ng
pagtrato sa kanila, at ang pakikiisang ito ay madarama ko hindi lamang
sa Kordilyera, kundi maging sa mga dinalaw kong bundok sa Mindoro,
Palawan, at Mindanao, sa isang panahon ng aktibismo at adbokasiya.
Pagkatapos ng matagal ding pagkakawalay dahil sa pagtatrabaho ko
sa ibayong-dagat, nakabalik na rin ako sa wakas sa bayang sinilangan,
at nagbabalak na akong manirahan sa bulunduking lungsod na ito.
Ngunit sa pana-panahon ay lagi’t lagi kong babalikan ang Cupang
at Malabon, upang muling tuntunin ang nakaraan, sariwain ang mga
alaala ng aking mga lolo at lola at iba pang kamag-anak na namaalam
na, silang naging bahagi ng aking maagang kasiyahan, at pagkatuklas
din sa malulungkot na bahagi ng buhay.

2. Pagsabog at liwanag
Sa pagwawakas ng digmaan sa Pasipiko, nanumbalik ang
kapayapaan sa Cupang.
Ang pinakamatingkad na "alaala" ko ng aking pagiging sanggol—at
tiyak na ito’y hindi gunita kundi ang namuong impresyon sa aking utak
ng isang pangyayaring paulit-ulit kong maririnig at paminsan-minsa’y
mapapanaginipan (nang may palabok) habang ako’y lumalaki—ay
ang tila-katapusan-ng-mundong pagsambulat ng nakaimbak na mga
bombang Amerikano sa kanugnog naming nayon ng Asis.
Ang insidenteng ito ang yumanig nang husto sa aking ama, na noon—
bukod sa pamamasukan sa motor pool ng US Army sa kapitolyo—ay
sumasama sa ilang mga kababata sa pangangalap at pagsusupot sa

182
E DGAR B. M ARANAN

mga sakong abaka ng kulay-dilaw na pulburang nakukuha mula sa


mga bombang di sumabog at pinupukpok upang buksan ang mga ito at
alisan ng kanilang nakamamatay na karga. Nadekomisyon na ang mga
bombang ito, bagama’t delikado pa rin, at itinambak na lamang sa mga
depot na nakakalat sa probinsiya, at natatanuran ng mangilan-ngilang
sundalong Amerikano at Filipino. Ang mga nakasupot na pulbura ay
ibibiyahe naman ng pangkat ng aking ama sa Kabisayaan matapos
ipuslit sa pagmamanman ng mga konstable at MP, at lulan ng lantsa’y
ilalako nila ito sa mga maralitang mangingisda na naghahangad
mapalaki agad ang kanilang huli sa dagat.
Sa lakas ng pagsabog, narinig ito sa poblasyon ng Bauan at
hanggang sa kapitolyo ng probinsiya. Naroon ang aking ama noon
sa pinapasukang motor pool, at pagkarinig sa pagsabog ay dagling
sumakay sa isang trak na pampasahero, kasama ang ilan pang kaibigan
at kamag-anak na taga-Cupang, upang umuwi at alamin ang nangyari.
Napagpira-piraso nila ang buong pangyayari. Si Moises, na pinsang
buo niya, ay nakasakay sa isang 1,200-librang "aerial demolition
bomb," karaniwang inihuhulog mula sa mga dambuhalang eroplanong
pambomba. Pinupukpok nito ng martilyo at sinsil upang tanggalin ang
pinakaulo ng bomba at mabuksan ang imbakan nito ng pulbura, nang
maganap ang aksidente. Ang hindi na nila napag-alaman ay kung ano
talaga ang lumikha ng pagsabog—maaaring nagkamali ng pukpok, o
may naghagis ng sinding sigarilyo. Walang makapagkuwento sapagkat
lahat ng nasa tinggalan ng bomba ay nasawi nang sunod-sunod na
sumabog ang patong-patong na hilera ng mga bomba ng Amerikano, at
may pangingilabot pa rin ang aking ama nang minsan ay naikuwento
niya sa akin kung paano nila hinanap ang nagkahiwa-hiwalay na mga
bahagi ng katawan ng mga nasabugan, kung paano nila winalis at
inipon sa isang lalagyan ang mga natugnaw o nadurog na laman at
buto at pilas ng damit ng inakala nilang katawan ng dating Moises,

183
at kung saan-saang puno at dawag nila nakuha ang mga lasog-lasog
at putol-putol na mga kamay at paa at nangahiwalay na ulo ng mga
biktima ng aksidenteng iyon.
Noon nagpasya ang aking ama na huwag nang ituloy ang
pagnenegosyo ng pulbura sa malalayong pulo ng Kabisayaan—kay
raming napaasa, at nangasawi, sa mapanganib na hanapbuhay na iyon,
at naisip rin niyang baka naman sa bawal na paglalako ng pulbura
ay malagim din na wakas ang kanyang kasapitan. Buo na ang pasya,
at para bang paninikis ng tadhana sa mga taganayon, may isa pang
pagsabog na naganap, sa nayon ng Muzon sa bandang ilaya pagkaraan
ng ilang buwan, at tulad ng naunang insidente, ang buong tinggalan ng
bombang insendyari o panunog ay sumambulat, tangay sa hangin at sa
nakapaligid na parang ang nawarat na asero at nadurog ng katawan ng
tao, at nag-iwan pa ng isang dambuhalang hukay na pagkakasyahan
ng eskuwelahang malapit lamang sa pinangyarihan.
Maliban sa dalawang pagsabog na iyon, at ilang manaka-nakang
patayan o saksakan sanhi ng matatandang alitang humahantong sa
ubusan ng lahi na karaniwan na noon sa kanayunan, ang Cupang ay
bumalik sa pagiging tahimik at maaliwalas na lupain pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Silang mga nakatira doon sa buong
buhay nila, pati na yaong nagsilikas sa ibang panig ng Pilipinas subalit
bumabalik-balik para dumalaw sa mga naiwang kamag-anak—kagaya
naming nandayuhan sa Kordilyera ng hilagang Luzon—ay nagpatuloy
sa pagdiriwang ng taunang mga ritwal ng buhay-nayon, at iyon ang
masayang panahong aking nagisnan mula sa aking pagkabata hanggang
sa aking pagtanda.

3. Flores de Mayo
Lagi’y malakas na ulan sa buong kapuluan ang pagbati ng Hunyo.
Baha nga sa punong lungsod ng bansa, subalit nananariwa naman

184
E DGAR B. M ARANAN

ang sakahang bukid sa kanayunan. Kakatwang ang Flores de Mayo sa


Cupang ay hindi sa buwan ng Mayo kundi sa unang araw ng Hunyo,
gayumpama’y natigib pa rin ang aming Pista ng Mahal na Poon ng
kasayahan, kabanalan, at kabusugan, kahit kung minsan ay inuulan
ang aming prusisyon. Bisperas pa lamang ng pista ay naglipana na
sa buong nayon ang mga kabinataa’t kadalagahan, namumupol ng
mga rosas, rosal, tsampaka, kalatsutsi, kosmos, adelpa, bogambilya,
gumamela, at kung anu-ano pang bulaklak, na ipapalamuti sa mga
arko at karosang gagamitin sa dalawang prusisyon, at itutundos sa
mga biyas ng puno ng saging upang gamitin sa pag-aalay sa Birheng
Maria sa dalawang tuklong o kapilya ng Cupang.
Sa maraming bahay, nagkukuluan sa malalaking talyasi at kaldero
ang mga karneng baboy at baka at manok sa sari-saring sarsang
pinapula ng atsuwete, samantalang ang mga latang tatak Rizal na
dati’y kerosene ang laman ay pinaaapuyan na rin upang lutuin ang
malagkit na sumang bigas at kamoteng kahoy na walang kasinsarap
sa buong Pilipinas, habang ang sinumang mahahagilap na katulong sa
pagluluto ay nagbabayo na ng nilagang balinghoy, nagkukudkod ng
niyog at pumipiga ng katas ng ginadgad upang gumawa ng nilupak at
maruya.
Mayroon namang namamaraka ng serbesa sa bayan at isinisilid sa
mga sakong may bloke ng yelo at ipa ng palay at nakabaon sa lupa
upang pagpigingan sa mismong araw ng pista, sapagkat noon ay wala
pang mga refrigerator sa aming nayon, at bihi-bihira pa ang icebox.
Ilang araw bago sumapit ang kapistahan, datingan na ang mga taga-
Cupang na nangibang-bayan—mula sa iba’t ibang panig ng Luzon,
Kabisayaan, at Mindanao. (Ilang taon pa ang lilipas, at mayroon na ring
mangilan-ngilang mga OFWs na uuwi sa Cupang upang makipamista.)
Naroon na rin kaming magpipinsang taga-Baguio, di-alintana ang init
ng probinsiya dahil sa napipintong kasayahan at kabusugan ng mata at
tiyan.
185
Sapagkat halos nasa gitna ng nayon ang bahay, nalubos ang aming
kasiyahan sa pagkakaroon ng dalawang magkasunod na selebrasyon ng
pista sa ilaya’t sa ibabá. Sa unang araw, hapon pa lamang ay kagulo na
ang buong nayon para sa idaraos na prusisyon, na tutulak pagkagat ng
dilim. Halos lahat ng sumasama sa prusisyon ay may tangang kandilang
may kartong panahod ng mainit na patak nito. Lahat ay umaawit ng
Dios Te Salve o nagdarasal, habang buong paghangang minamalas
ang kanilang paboritong sagalang magara ang suot, naka-meykap, at
naiilawan ng mga sandaang-watt na bombilyang binibigyang-buhay
ng generator na hila-hila sa kariton. Bawat binibini’y maliwanag pa
sa bombilya ang ngiti, pakiramdam marahil ng bawat isa’y siya ang
pinakatampok na bituin ng gabi, gayong meron na ngang mutya ng
nayon sa katauhan ng mapalad na Reina Elena.
Nagwakas ang santakrusan sa tuklong na tigib na at napaliligiran
pa ng tao, halos ng buong nayon, na sabik makapanood ng Pag-
aalay sa Birheng Maria. Pagkatapos ng mga panalangin, may biglang
magpapasimuno sa pag-awit ng Halina’t tayo’y mag-alay ng bulaklak kay
Maria—isang paulit-ulit at nagpapatong-patong na linyang hindi na
yata matapos-tapos buong gabi, habang magkakatuwang na lumalapit
ang mga mag-aalay at kanilang mga konsorte sa altar, bitbit ang mga
tundos ng bulaklak sa paanan ng imahen ng Ina ng Diyos.
Ang pinakahuling pista at prusisyong nadaluhan ko ay halos
dalawampung taon na ang nakararaan. Isinama ko ang dalawa
kong anak na noon lamang makakapamista sa nayong sinilangan
ng kanilang tatay. Tuwang-tuwa sila sa pag-ilaw sa prusisyon, at
marami ang nakapansin marahil na sila mismo’y di malayong maging
sagala at konsorte kung sila’y naging tagaroon. Ako nama’y walang
sawa sa pagkuha ng mga retrato, at ang kasayahan ng prusisyon ay
nakapagpaalaala sa akin na noon, naging pangarap ko rin ang sana’y
kunin akong Constantino, ang munting emperador na nakasuot-

186
E DGAR B. M ARANAN

maharlikang-Kastila o guwardiya-ng-Papa-sa-Roma na may hawak


na espada habang sinasabayan ang kanyang inang si Reina Elena sa
kanilang mahabang paglalakbay sa Banal na Lupain upang hanapin
ang krus na kinapakuan ni Hesukristo…hanggang sila’y makarating
sa isang nayon sa Ikatlong Daigdig, upang salubungin ng mga arko at
banda, at ilawan ng mga kandila at bombilya, habang walang tigil ang
usalan ng sari-saring misteryo ng rosaryo.
Lalo na pa kapag nakabihis na ang mga dalagita’t dalagang nayon
bilang Reina Elena, Reina Mistica, Reina Justicia, Reina Sentenciada,
Divina Pastora, Reina Mora, Reina Abogada, Reina de las Flores,
Reina Banderada, pati na ang tagapamansag ng mga birtud na sina Fe,
Esperanza at Caridad, hindi mo maiaalis sa isang lalaki, kahit paslit
pa lamang, na usbungan ng kung anong damdamin habang nakatitig
sa mga mas matandang babaeng yaon na may kolorete ang pisngi,
makintab ang suot na hakab sa katawan, may korona at palamuting
alahas, may pulbos ang liig at dibdib, at kadalasan ay malalayong
pinsan pa ang mga dalaga’t dalaginding na ito na marahil ay hindi mo
na makikita uli sa buong buhay mo.
Nang ako’t ang dalawa kong anak ay nagbiyahe sa Cupang
upang dumalo sa pinakahuling pistang yaon bago ako naglakbay-
dagat, sumakay kami sa bus ng B.T.Co. na Ford patungong lungsod
ng Batangas, sa halip na Lemery, kaya’t hindi ako pamilyar sa rutang
aming dinaanan. Mula sa kapitolyo, sumakay kami ng dyip na dadaan
sa Cupang pa-Muzon hanggang Lemery. Sinisipat kong mabuti ang
hilera ng mga bahay, na sa pagkakatanda ko’y pinagmukhang matanda
ng araw at ulan, nakatagilid sa panay-panay na hampas ng hangin,
nisnis ang mga bubong na nipa o anahaw, kung yari sa kahoy ang
mga dingding ay bitak na o may nabubuong landas ng anay, baluktot
ang mga lumang haliging sintigas ng bato, kung kapis ang bintana’y
marusing na sa alikabok, samantalang namamayagpag naman ang

187
nagpapagaraang pula’t lila, kulay rosas at biyoleta, puti at kahel na
mga kulay ng matinik na bogambilya.
Hinahanap ko ang mumunting tindahang sari-sari na nasa silong ng
bahay o nasa mataas na lupa, mga templo ng tuwang mga barandilyang
bakal upang di mo kara-karakang madudukwang ang mga garapon ng
biskuwit, kendi at babolgam, pilipit at panutsa, habang nangaghilera
naman sa dingding ang mga de-latang ulam at palaman—sardinas at
pusit, mantekilya at matamis na bayabas—habang kaming mga paslit
ay kimkim ang ilang sentimos at nag-iisip kung saan aaksayahin ang
maliit naming yaman.
Nakalampas kami sapagkat wala na ang mga dating palatandaan.
Ang mga kubong ninuno ay nahalinhan na ng mga bagong-
gawang bahay—bunggalo o dalawang-palapag na tahanan—na
yari sa kongkreto, tisa, at de-kolor na aluminyong bubungan–ang
pinakamahalagang naipundar ng mga taganayong nangibang-bayan
at umuwing taglay ang pinagpuhunanang “katas ng Saudi” o “katas
ng Amerika.” Dagdag pa ang stainless na dyipning pampasahero’t
pangnegosyo o panggala’t panliwaliw ng bagong-ginhawang pamilya
ng bagong bayani ng Pilipinas—ang OCW (na di-naglao’y tinatawag
nang OFW). Isa lamang ang Cupang sa libo-libong mga nayon sa
Pilipinas na nilisan pansamantala ng mga kalalakihan at kababaihang
dumanas ng hirap at pagod at madalas ay pang-aabuso sa kamay ng
dayuhang amo, makapag-ipon lamang ng kitang dolyar na magiging
yamang-piso na dati’y sa pangarap lamang makikita, o kikitain.
Sa harap ng maraming bahay sa Cupang, kabit-kabit na anaki’y mga
medalya ng kagitingin ang mga pangalan at mga titulong nakamit ng
magkakapatid o magkakaanak, nakaukit sa kahoy o sa bronse: doktor,
dentista, inhinyero, abogado o abogada, akawntant, nars, medical
technologist—na ilang taon ding naglamay sa mga pamantasan ng
kapitolyo ng probinsiya o sa Kamaynilaan, mga napapag-aaral sa pawis

188
E DGAR B. M ARANAN

ng kanilang mga magulang o nagsakripisyong nakatatandang kapatid


na naglinang sa parang, nagtinda sa palengke, naglako sa malalayong
lugar—at ngayong mga propesyonal na ay nangag-alisan na patungong
mauunlad na sentro ng bansa o nangibang-bayan na, at manaka-naka
na lamang na makakadalaw sa nayong sinilangan, halimbawa’y kapag
pista ng pasasalamat sa mahal na Poon at Patron ng kanilang mga
ninuno.
Ang landas palabas ng Cupang ay hindi na lamang ang paahón
tungong ilaya o ang palusong tungong ibabá, kundi ang sanga-sangang
mga kalsadang sumasanib sa dambuhalang haywey patungo sa mga
pamayanan ng diasporang Filipino sa lahat halos ng kontinente ng
ating mundo, isang pagtakas at paglikas na sa malas ay wala nang
katapusan, habang mayroong maralita at mapangarapin na isinisilang
sa ating mga munting nayon.

4. Alaala ng mga yumao


Naunahan ang Mamay Anong at Lola Rosa ng panganay nilang
anak sa pagpapakabilang-buhay.
Si Kakang Angge ay naratay nang halos sampung taon sa isang
sulok ng bahay, manaka-naka’y humihiyaw sa sakit na dulot ng
karamdamang dumapo sa kanya­­—ayon sa matatanda’y dinapuan siya
ng tuberkulosis ng buto, baka kanser pa nga, at kahit kailan ay di man
lamang nadala sa isang ospital sa bayan, ilang taong tiniis ang sakit sa
katawan, hinahampas na lamang ng kawayang patpat ang mga bahagi
ng katawang kinapitan ng kirot, na para bang ang latay sa balat ay
makakapawi saglit sa kanyang nararamdaman.
Ang kinalalagyan ng kanyang kama ay siya pa namang dinadaanan
patungong kusina at komedor ng bahay, at noong kabataan ko’t ako’y
nagbabakasyon sa nayon ay naging katatakutan na ang pagbagtas sa
kapirasong agwat na iyon, sapagkat ang Kakang Angge ay simpayat

189
ng kalansay, at laging humihiyaw o kaya’y nagmumura, at hindi
na nakikilala ang mga taong nakapaligid sa kanya, maging ang
apat niyang anak na lalaking buong tiyaga at pagmamahal pa ring
halinhinan sa pag-aalaga sa kanya, pagdadala ng arinola’t paglilinis sa
kanya hanggang sa huling sandali ng kanyang malungkot na buhay.
Sa madalang na pagkakataong hindi siya tumutungayaw at minumura
ang langit sa kanyang kinasapitan, nakaupo siya sa gilid ng kama at
nakatanaw sa labas ng bintana, na para bang may inaantay na alam
niyang kahit kailan ay hindi na magbabalik. Sa gayong mga sandali ng
katahimikan nagagawa kong pumuslit sa kanyang likuran at tumungo
sa kusina, komedor o batalan.
May katigasan ng loob ang Kakang Angge. Bata-bata pa nang
mabiyuda sa unang asawa, nagpasiya siyang maglipat-nayon nang
magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa ibang lugar. Umalis
siya sa Cupang at nagtungo sa Tiaong sa kanugnog-probinsiyang
Tayabas, na di-kalaunan, noong 1946, ay pinangalanang Quezon. Doon
ay maaaring pumarti sa ani ang bawat tumulong sa gawaing-bukid,
at nilubos niya ang pagtatrabaho upang makapag-uwi ng kanyang
kabahagi sa palay na iiimbak na pagkain o kaya’y ipagbibili sa taganayon
upang may kaunting kitain. Sa isang pagdalo-dalo sa Tiaong, nakilala
niya si Ponso na siyang magiging ikalawang asawa pagkatapos ng
yumaong Tomas, ngunit pagkaraan lamang ng maigsing panahon ay
dinapuan siya ng matinding karamdaman at napilitan siyang umuwi
sa Cupang, hindi kasama ang asawang si Ponso, at sa susunod pang
sampung taon ay mala-impiyernong pagdurusa ang kanyang dinanas.
Wala nang hihigit pang siphayo kaysa sa maunahan sa hukay ng
anak, bagama’t kung iisipin ko ngayon ay maluwag na ring tinanggap
ng aking Mamay Anong at Lolang Rosa ang pagtatapos ng kalbaryo
ng kanilang panganay, at pantay lamang sa kanilang puso ang pighati
at paglaya. At tiyak kong sa puso nila’y nagpapasalamat na rin sila sa

190
E DGAR B. M ARANAN

Poong Maykapal—ang laging nasasambit ng aking lola—na sa kanyang


pamumudmod na awa sa sangkatauhan ay naanggihan na rin ng Diyos
ang Kakang Angge at pinalaya sa walang-pangalawang paghihirap,
kung bakit nga lang hindi Niya ito nabasbasan ng kalusugan ng
katawan at kaligayahan sa pag-ibig noong ito’y isa pang marilag na
nilalang at puno ng buhay.
Sa retratong kuha sa harap ng altar ng simbahan sa Bauan,
napapagitnaan ng Mamay Anong at Lolang Rosa ang kabaong ng
kanilang panganay na anak, ang una’y waring nasairan na ng hinagpis
at nakatanaw na lamang sa malayo, suot ang kupas nang mahabang-
manggas na barong kinalkal sa lumang baul na amoy kampor at
nakasapatos ng puting gomang Elpo—mga kasuotang inilalabas lamang
sa patay at piyesta—samantalang ang ikalawa’y tunay na larawan ng
Mater Dolorosang tampok sa kanyang mga kalmen, walang katinag-
tinag sa pagkakatitig sa benditadong salamin ng kanyang babaeng
anak na sinubok ng langit at hinaplit ng sákit at paghihirap.
Isang araw noong taong 1965, inilibing naman namin ang aking Mamay
Anong. "Amang Tanda" ang tawag sa kanya ng aking nakatatandang
mga pinsan, palibhasa’y hasa sila sa sinaunang wika ng Batangas, at
lumaking nagsasaka ng kapirasong lupa sa linang na kinalakhan din
ng kanilang mga ninunong magsasaka, mula sa mahabang daloy ng
kung ilang salinlahing nakasingkaw sa gawaing pambukid. Ang mga
alaala ko ng paglilibing na yaon sa lumang sementeryo ng Bauan ay
parang pelikula ng pinaghalong sepia at itim at puting mga gunita,
at ang larawang nabubuo ay mga abuhing punong-kahoy na payat at
baluktot, putlain o putikan ang mga puntod at ang iba’y malapit nang
matungkab at mabutasan, lumalatag ang mga abuhing alon ng ulap
na tumatakip sa pagkainit na araw sa katanghalian, papadilim na ang
langit, at ang mga naglilibing ay nakasuot ng mga damit na kakulay ng
nagluluksang lupa.

191
Sa tila-pelikulang-gunita na ito ng libing ng Mamay, ang di makatkat
na sandali ay ang paglalakad ko, katabi ng aking ama, sa likuran ng
makintab na karong itim, at pinapanood ko ang repleksiyon naming
mag-ama, kay liit, kay payat ko noon sa tabi ng aking matikas na
ama, at kami’y kapwa nakakintal sa nakasisilaw na likuran ng karong
makinang ang bakal at malungkot ang kurtina, at tinutunton namin
ang landas patungong huling hantungan ng isang mahal sa buhay.
Sasampung taon pa lamang ako noon, ngunit may pakiramdam na ako
ng kilabot sa dibdib. Ang kintab ng karo ay parang bolang kristal sa
aking mata, na sinasayawan ng madidilim, maiilap na mga hugis ng
darating.
Pagpasok sa sementeryo ng ililibing, ang “Ave Maria” ni Bach-Gounod
ay nagiging lalong makatindig-balahibo at nakapagpapalumbay, at
para bang ang musika ay nanggagaling sa isang korong nasa langit
samantalang alam ng lahat na pinapatugtog lamang ito ng isang
magaralgal na ponograpo sa loob ng karo. Lalong kumukulimlim ang
langit, nagdadalamhati ang kapaligiran, nangangalirang ang mga puno’t
damuhan, at ang larawan ng mga naiwan na nakapaligid sa kabaong sa
loob ng kapilya ng sementeryo—ang iba’y nakatitig sa pagmumulan ng
pagsabog ng flash, ang iba’y nakatuon ang paningin sa kuwadradong
salamin ng kabaong upang mandi’y pahabain pa ng ilang sandali ang
kanilang alaala ng yumaong mukha—ay magpapaalaala sa akin sa mga
darating pang taon ng mga larawang kuha ng isang Sebastian Salgado:
mga itim na belo, damit at laso, inalmirol na puting kamisadentro,
mugtong mga mata o patuloy na umaagos na luha at mga hapis na
mukha, at lahat ay handa nang maikintal sa isang retratong rekwerdo
ng ating mga huling sandali kapiling ang isang mahal sa buhay, na
habambuhay na lamang mananahan sa isang pahina ng ating album.
"Buháy na ninuno" ang una kong pagkamalay sa aking Mamay,
sapagkat bukod sa kanyang kulubot na balat na tadtad ng mga taling o

192
E DGAR B. M ARANAN

nunal, gurlis at pilat at mga buhok na tumutubo sa tainga’t mga bukol


sa katawan, mamasa-masang butas ng ilong, kulay abong mga mata
na laging ginigitawan ng muta sa isang sulok (o ng luha, sa sandali
ng pamamaalam), ay baluktot na ang kanyang katawan na mula
baywang hanggang ulo ay halos lalatag na yata sa lupang nilalakaran
niyang mabatong landas, masiit na agbang, o mainit na aspalto, sa
araw-araw niyang pagganap sa kanyang mga tungkulin: manguha ng
kumpay para sa baka, magsibak nang walang kapaguran gamit ang
palakol na halos ay simbigat niya at bago ibagsak sa mga piraso ng
kahoy o kawayan ay tila nakabitin nang matagal sa hangin sa bagal
ng kanyang ritmo, panatilihing maayos ang tambak ng mga palay at
kagamitang pambukid sa banlin sa ilalim ng bahay, kumpunihin ang
mga kasangkapang pambahay o pambukid, at kung ano-ano pang
masusumpungan niyang gawin sa bahay o sa looban.
Para sa akin, pinakamahalagang tungkulin niya ang taunang pag-
aayos ng luma kong traysikel na may tatak na Columbia, na sa tuwing
uuwi ako’y mukhang lalo pang giba kaysa noong sinundang taon,
marahil ay sa kahihiram ng ilang mga batang pininsan sa nayon, at
hanggang sa huling taon ng kanyang buhay, nagagawa pa rin niyang
libiran ng alambre ang nakakalas nang paborito kong laruan, upang
maituwid ang gulong nito sa harapan at ang hawakan, ang aking
sasakyan sa paglalakbay sa maraming pantasya ng kabataan, sa
pagkukunwang ito’y eroplanong sumisibad o tangkeng bumubulusok
sa kahabaan ng burol mula kubong sinilangan sa bandang ilaya pababa,
pabagtas sa silong ng sa tahanang-ninuno hanggang sa patag na looban
nito.
Dalawang taon matapos pumanaw ang Mamay, ang Tiya Diday
naman ang namayapa.
Sumunod sa panganay na si Kakang Angge, bida sa aming
magpipinsan ang Tiya Diday—palakuwento ng nakakatawa, palatawa,

193
palabiro, palagagad ng boses, asta, at kilos ng mga taong tampulan ng
pagpapatawa, mahilig magluto ng mga gulay at sabaw na pinakasapak
ang lasa sa lahat ng natikman na namin, at napakaganda ng disposisyon
sa buhay, gayong iisa lamang ang kanyang matang nakakakita. Kapag
umuuwi sa nayon ang mga kamag-anak mula kung saan-saang lupalop
ng Pilipinas, mapapadalas ang paghinto sa bahay ng suki niyang
tindera ng isdang may sunong na bilao sa ulo, upang mamakyaw ng
pinakasariwa, tigmak pa sa dugong tambakol at tulingan para sa mga
bakasyonista, o kaya’y matiyagang mamumupol ng mga talbos at ng
malunggay, manunungkit ng eksotikong bagó na nagpapalinamnam sa
anumang lutong gulay.
Tumandang dalaga ang Tiya Diday, at mula sa mga kuwentong
narinig ko, ni hindi man lamang yata sinimpan ng pagtingin sa kahit
sinong lalaki maging noong kanyang kabataan, at ang buong buhay
niya’y ginugol sa paglilingkod sa mga magulang at sa pagtulong sa
pag-aalaga ng kanyang maysakit na Ate Angge. Ang lihim niyang
hindi agad nabunyag sa aming bata ay ang pagdapo sa kanya ng
sakit na siyang nagpahirap sa kanya nang lubos sa mga huling taon
ng kanyang pananahan sa mundo, at ni hindi namin nabatid ang
kanyang paghihirap, sapagkat laging katuwaan lamang ang kanyang
ipinapakita sa aming mga pamangkin niya tuwing kami ay uuwi sa
Cupang pagdating ng tag-araw. Maiinit na halik sa pisngi at mahigpit
na yakap, at pagkatamis na ngiting pagsilay ay kasabay ng paglitaw
ng kanyang bahagyang nakautlaw na malalaking ngipin, na lalong
nagpasaya sa kanyang "pag-umis" o pagngiti.
Sa kanyang mga sandali ng pananahimik, pagkapananghali naming
lahat, habang tulog ang matatandang pinsan o kaya’y may lalakarin
sa ibaba o sa ilaya, at ako’y magbabasa na ng nahiram na komiks o
Liwayway sa kapitbahay, mauupo siya sa matigas na bangkitong kahoy,
mamimintana, mangangalumbaba, itataas ang isang paa sa bangkito

194
E DGAR B. M ARANAN

pati na ang paldang abot-sakong, at magsisimulang humuni ng isang


lumang himig, o umawit ng isang lumang kantang hindi ko alam,
o biglang magkukuwento tungkol sa mga taong naging bahagi ng
kanyang pagkabata (bagama’t wala nga akong natatandaang kuwento
ng pag-ibig). Nakatanaw—ang nag-iisa niyang mahusay na mata ay
nakatanaw—sa malayo, lagpas pa roon sa mga dahon ng kaymito,
lagpas pa roon sa matayog na kawayan sa silangan, at maya-maya’y
patuka-tukaki na ang kanyang ulo, marahil ay nasarapan sa ihip ng
hangin ng tag-araw, at mamaya lamang ay tulog na siya sa kanyang
pagkakaupo. Isang araw—nasa Baguio kami noon—nakatanggap kami
ng telegrama na nagsasabing malubhang-malubha na siya, at hindi ko
alam noon na araw na lamang pala ang binibilang. Umarkila ang mga
Itay ng bus, at kaming mga kamag-anak sa bundok ay nagsisibaba sa
Batangas nang wala sa panahon.
Unti-unti na siyang iginugupo—bagama’t kaming mga pamangkin
ay walang kamalay-malay—ng kanser sa bituka. Ilang taon na pala ang
kanyang kondisyon ng pagdurugo, nang hindi man lamang nabigyan ng
tamang pagsusuri ng doktor, sabihin pang karampatang paggagamot.
Nakahiga siya sa papag sa isang madilim na silid sa silong ng bahay,
napapaligiran ng natitirang mga kapatid, at kalunos-lunos ang kanyang
pagdaing sa tindi ng sakit na nararamdaman. Bakit ngayon ko lamang
naiisip kung bakit wala siya sa ospital nang sandaling iyon? Ganoon
nga ba kalala ang kanyang karamdaman at wala nang pag-asa? Ganoon
nga ba kami kadahop sa ipampapadoktor at ipagpapaospital ng isang
mahal na mahal sa buhay?
Kaming mga bata ay hindi pinahintulutang sumilip man lamang sa
silid, huwag nang sabihing makapagpaalam sa aming minumutyang
Tiya Diday, sa di malamang kadahilanan na naman. Kay raming mga
mahalagang pagkakataon sa buhay na binabawalang sumali ang mga
batang dapat ay lalong pinayayaman ang karanasan ng pag-unawa at

195
pakikidalamhati sa pinakamalungkot na sandali ng isang kapuwa. Sa
labas, kinikilabutan kami sapagkat pakiramdam namin ay mayroong
nagaganap na trahedya na malapit nang umabot sa kasukdulan, at
wala kaming magawa kundi makinig na lamang sa mga anasan, sa
impit na iyakan, at sa mahahabang pagdaing ng isang yumayao na nga
sa buhay ay pinaparusahan pa ng pinakamatinding kirot sa loob ng
kanyang matagal nang sumukong katawang-tao.
Tumataas-baba ang kanyang boses, kahambal-hambal sa
pananawagan sa kanyang ina sa lupa at Ina sa langit, paulit-ulit at
pahingal-hingal ang kanyang Ina ko po! Para kong nakikita ang aking
lola, ang aming inang tanda, malapit nang malagasan ng isa pang anak,
na nakaupo sa tabi niya sa gilid ng papag, pisil nang mahigpit ang palad
ng Tiya Diday upang hindi agad ito makahulagpos mula sa mundo.
Panay ang kanyang usal ng pinakamatinding panalangin sa tanang
buhay niya, mga panalanging sa malas ay hiráp na ring makarating
sa Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo, sa Birheng Mariang
Ina ng Awa at Laging Saklolo, at sa sanlibong mga santo at santang
nakahimpil sa lumang simbahan ng Bauan.
At dumating ang sandaling ang aking Lola Rosa naman ang
namaalam.
Nang siya’y aking mamalayan, siya’y mababa, may pagkahukot,
kulay pilak ang buhok na may kaunting hibla ng itim at abuhin,
nakapusod nang maliit sa likod na may bakal o sungay na paynetang
nakasuksok, laging suot ang baro’t sayang wari ko’y hindi na nagbabago,
o baka naman marami siyang pares nito, at ang sayang itim ay laging
sayad hanggang sakong, natutulog man siya o nagwawalis nang walang
kapaguran sa looban at sa paligid ng bahay. Ang kanyang kabuuan ay
nakapagpaala sa akin kay Lola Belay na nakalarawan sa matandang
kartun na "Buhay Pilipino" sa Liwayway, at magkawangis nga silang
tunay hanggang sa medyo patulis na baba pati na ang malaking butlig

196
E DGAR B. M ARANAN

doon, hanggang sa bahagyang nakalitaw na kamisola sa likuran.


Hindi ko siya nakitaan ng panghihina o pagkakasakit sa buong
panahong napapadalaw ako sa Cupang tuwing bakasyon. Walang tigil
sa pagkilos at paggawa ang aking Lola Rosa, tulad rin siya ng aking
Mamay—nasa looban at nagwawalis ng tuyong dahon at nagpapausok
ng mga puno upang mamunga ang mga ito, nagpapakain at nagpapaligo
sa patabaing baboy, pumapasok sa kulungan ng manok upang tingnan
kung nangitlog na ang inahin para sa aking almusal, hinihipan ang
apoy sa dapugan kapag nagluluto ng kanin at ulam, kasama ang Tiya
Diday, nag-aalaga sa maysakit na panganay na babaeng anak sa loob
ng maraming taon, at gumigising nang alas-kuwatro ng madaling
araw, walang palya sa buong buhay niya, upang manalangin sa Poong
Maykapal.
Gabi pa ang alas-kuwatro ng umaga, pusikit pa ang dilim.
Magigising na lamang ako sa makating banig kapag naramdaman
kung bumabangon na siya. Mapapamulat ako sandali ngunit hindi
ako kikilos, makikiramdam lamang at makikinig. Tatagal nang isang
oras ang kanyang pagdarasal, at sa pagtatapos noon ay muli akong
makakatulog. Naiilawan ang aming silid ng isang maliit na tinghoy,
at malamlam ang liwanag nito sa kanyang mukha habang umuusal
ng panalanging hindi na nagbago kahit isang kataga, at siyang naging
panimula ng bawat bagong araw sa kanyang buhay. Magsisimula
siya sa pag-aantanda, susundan ng ilang Ama Namin at Aba Ginoong
Maria bago usalin ang mahabang litanya sa Birheng Ina ng Diyos, at
hanggang sa aking paglaki’y tandang-tanda ko pa ang mga banal na
katawagan kay Santa Mariang Ina ng Awa na saulado ng aking lola—
Rosa Mistika, Tore ni David, Toreng Garing, Bahay ng Ginto, Kaban ng
Tipan, Pintuan ng Langit, Tala sa Umaga, hanggang makaabot sa mga
huling panalangin at sa unang pagtilaok ng manok sa pagbubukang-
liwayway.

197
Noong mga huling taon ng kanyang buhay, wala na siya sa Cupang
kundi sa Baguio, na kinaroroonan ng kanyang natitirang mga anak at
lahat ng apo. Matagal nang namayapa ang Mamay, wala na ang dalawa
sa tatlo niyang anak na babae, at sapagkat nag-iisa na lamang siya
sa bahay namin sa nayon, nagpasiya ang mga anak niyang iakyat na
lamang siya kung saan kami naroon, napakaginaw man para sa kanya.
Sa amin, parang yelo ang ulan, kung minsan ay buo-buo pa ngang
malamig na kristal na masakit din pag tama sa tao, di tulad sa Cupang
na nagtatalo ang init at lamig ng ulan, at pagpatak pa nito sa lupa ay
nagpapasingaw ng mabangong halimuyak ng mainit na lupa.
Sa Baguio, sapagkat nasa palengke lahat ang kanyang mga kamag-
anak at nagtitinda sa kani-kanyang puwesto nang walang araw na
lumiliban, naiiwan siyang mag-isa sa isang madilim at mahalumigmig
na bahay na yari sa semento at wala man lamang harding mapupupulan
ng bulaklak at mga halamang-tanim na mapipitasan ng kamatis at
sili, walang looban na maaari niyang galugarin buong araw upang
walisan ng tuyong dahon at ipot ng manok, walang punongkahoy
na masisigaan niya upang ito’y pamulaklakin at pabungahin, walang
parang sa kabila ng kawayanan na mapag-aanihan ng kamote at
mais, walang kural na tahanan ng patabaing baboy, walang punong
maaanihan ng malunggay, bagó, atis, kaymito, lukban, langka, mangga,
saging at bayabas, walang kapitbahay na kakuwentuhan o kakilalang
maya’t maya’y dumadaan upang mangumusta, magmano, makibalita,
magdala ng kakanin, magyaya sa padasal sa ilaya’t ibaba, wala na
siyang nakikitang kababata’t kapanahon na kung di nagsipanaw na ay
naiwan niya sa Cupang, at di na nga sila magkikita pa kahit kailan.
Ang bago niyang kapaligiran ay tigib ng di-nawawalang amoy ng
gasolina at arangkada ng mga sasakyang akyat–manaog sa kalsadang-
bundok, ang salitan ng malalakas na bagyo ng tag-ulan, sigid na lamig
ng Kapaskuhan, at ng tag-araw. Isang araw ay bigla silang dinapuan ng

198
E DGAR B. M ARANAN

malubhang sakit at ilang araw, pagkatapos ay linggo, na walang malay


sa ospital, kumikibot-kibot ang nakatiklop na talukap ng mata, normal
na humihingang parang natutulog lamang—paputok-putok pa nga
ang hanging lumalabas sa mga labi. Sa pag-asang nanunuot pa rin sa
nahihimlay niyang malay ang aming mga salita at halik, patuloy namin
siyang kinakausap at inaaliw at hinahagkan sa mga pisngi at noo at
kamay, ngunit maliban sa mainit-init niyang hininga at pintig ng puso’t
pulso, walang palatandaang siya pa rin ang lola naming may kislap sa
mata’t madalas na ngiti, at isang araw ay hinayaan na namin siyang
mamahinga.
Ganoon din marahil ang kalangitan nang siya’y aming ilibing sa
sementeryo ng Bauan, sa hantungan ng kanyang mga ninuno at mga
minahal sa buhay, katabi ng Mamay at ng kanyang dalawang anak na
babae. Tumatangis, tinawag-tawag namin ang kanyang pangalan—Ina,
Lola, Kakang Rosa—at sa aming pag-uwi upang ipagpatuloy ang higit
pang lalong lumungkot na buhay ay pagkukuwentuhanan namin ng
napakaraming mga pagkakataong kami’y nakalasap ng kanyang bait,
pagmamahal, at paglingap.
Hindi ko na nabalitaan, hanggang sa makauwi ako ilang buwan
matapos ang kanyang libing, ang pagkamatay ng Kuya Peping, isang
pinsan na parang matandang kapatid, kaya’t dinamdam kong lubos
ang kanyang pagpapatiwakal.
Nagpumilit siyang makahulagpos sa kahirapan at kapalaran ng
pagiging anak ng parang sa pamamagitan ng paglalako kung saan
may bibili ng damit sa malalayong bundok ng Kordilyera, sa pagtao sa
kanyang sariling tindahan sa palengke, at sa pag-aarimuhanang kumita
nang kaunti pa sa iba’t ibang paraan. Hanga din ako sa kanyang sipag
sa pag-aaral ng mga martial arts, tulad ng judo, jujitsu at karate, bago
pa man nauso ang mga ito sa buong Pilipinas. Bata pa siya’y kinakitaan
na siya ng paghahangad na makaahon, makaungos, makaasenso, at

199
marinig. Mahilig siya sa diskurso sa mga isyung palasak sa anumang
panahon, at marahil kung naging mayaman-yaman lamang ay
malamang na lumahok pa siya sa politika at tumakbo bilang konsehal
ng “pinong lungsod.”
Sa halip ay nagkasya na lamang siyang makipagbalitaktakan tungkol
sa politika, kausap ay mga kaibigang kasinggulang at nakakatanda.
Hindi matatawaran ang kanyang kasipagan. Bukod sa paglalako ng
mga kumot, damit, jacket, jeans, at kung ano-ano pang paninda sa maliit
niyang puwesto sa palengke ng Baguio at maging sa malalayong nayon
ng bulubunduking probinsiya, kasama ang mga kapuwa tinderong
may bitbit na mga balutan, nagtinda rin siya ng sweepstakes, at nang
lumaon ay dumadayo pa hanggang Maynila upang magtinda ng
matamis na patupat sa kung saan-saang kanto at hintuan ng sasakyan.
Nabuhay siyang masipag at marangal, kung bakit minalas na hindi na
talaga nagkaroon ng pagkakataong makaangat nang sapat. At may mga
pagkakataong ang kamalasan ay hatid ng mga halang ang kaluluwa’t
walang alam kundi salantain ang kapwa. Isang araw, maraming taon
na ang nakararaan, kumatok siya sa aking opisina sa Faculty Center ng
UP. Ipinakita sa akin ang laslas na bulsa sa kanyang likod.
“Nasalisihan ako," wika niya, sabay iling, at kahit hindi matatawaran
ang kanyang pagkabarako ay di niya mapigilang pamulahan ng mata.
“Pa’no gang buhay ito? Binibiktima ka ng kapwa mo mahirap!”
hinagpis niya.
“Kakaunti na ang pera ko’t pangkain ko lamang habang nasa
Maynila, nakuha pa sa akin ang pitaka ko,” dagdag pa niya, at ang
hinagpis ay waring nahahalinhan ng malalim na galit di lamang sa
slasher kundi maging sa mundo.
“Baka mayroon kang pantalong kakasiya sa akin?” tanong niya.
Nakapagpalaki siya ng tatlong anak, bagama’t paigting nang paigting
ang krisis sa kanilang buhay. Lumiit nang lumiit ang tindahang hawak

200
E DGAR B. M ARANAN

nila sa palengke, kumonti nang kumonti ang kanilang mga paninda.


Ngunit sa kabila nito’y sinikap pa rin niyang papagtapusin ng kolehiyo
ang mga anak, sa kabila ng tumitinding kahirapang maabot pa ang laon
nang pangarap na pag-asenso. Naghanap siya ng mauutangan upang
maging bagong puhunan. Wala siyang makuhanan, maging sa mga higit
na nakaaalwang mga kamag-anak. Pag-uwi ko noong Paskong iyon,
saka na lamang sinabi sa akin ang masaklap na balita: nagpakamatay
ang aking pinsan ilang buwan na pala ang nakalilipas.
Umuwi siya isang gabing madilim mula sa paghahanap ng
pagkakakitaan, umuwi sa isang tahanang mandi’y nanlamig na sa
kanyang patuloy na pagkabigo, sinalubong lamang ng lamig at dilim
at katahimikan. Dinatnan niyang anaki’y naghahamon at nag-aanyaya
ang huling solusyon sa krisis ng buhay, at sinunggaban niya ito. Matagal
din siyang pinahirapan ng muryatik bago napugto ang kanyang buhay.
Bumulwak ang bula sa kanyang bunganga habang siya’y nakadapa sa
sahig, namimilipit sa tindi ng sakit na dulot ng asidong sumusunog
at tumutupok sa kanyang lalamunan, sikmura at bituka, at wala nang
nakapagpahesus sa kanya nang tuluyan na siyang bawian ng hininga,
walang bendisyong nakapagpagaan sana sa kanyang pagtawid sa
kabilang buhay na malaya sa lahat ng utang at gutom, nagmamahalan
ang mga mag-anak sa kanilang pagkikitang muli, at tinatawanan lamang
ng mga kaluluwa ang pinagdaanang buhay bilang isang malaking biro
ng tadhana.
Ang pinakahuling pumanaw ay ang Tiyo Teryo, bunsong kapatid
ng aking ama.
Walang nagkulang sa pagpapayo sa kanya tungkol sa samang dulot
ng paninigarilyo, ngunit tulad ng ilang bilyong manghihitit sa daigdig,
di niya kayang itakwil ang pinakamurang panandaliang aliw sa buhay—
sampung minutong maginhawang paghigop ng usok at hanging may
lasa at lason, ilang sampung minuto bawat oras araw-araw sa loob ng

201
maraming taon, isang ritwal ng paghigop at pagbuga na naging kasing-
natural ng paghugot-pagbubuntong-hininga. Inakala ba niya—siya na
tigib ng saya at aliw sa buhay, mahusay makisalamuha sa kahit anong
pangkat ng tao (mga kapwa Batanggenyo o mga katutubong Igorot
ng bulubundukin)—na balang araw ay igugupo siya ng emphysema,
at ang magiging kasa-kasama saanman siya magpunta ay hindi mga
katoto’t kabiruan, kundi isang pampalawig ng buhay na tangke ng
oksiheno? Na yaong dating liksi ng kilos, gilas ng anyo, at kumpiyansa
sa sarili ay dadaigin ng panghihina’t pagkabilanggo sa kama ng ospital
at bahay? Ngunit kahit nakaratay na sa ICU—ang antiseptikong
silid na wari’y antayan patungo sa isang higit na malinis na walang-
hanggan, na minsan ay akin na ring kinalagyan—pinilit pa rin niyang
maging bahagi ng normal na inog ng buhay, nagkukuwento kahit di na
halos marinig ang boses, nagtatagubilin ng mga dapat gawin sa bahay,
ginugunita ang mga petsa at pangyayari at lahat ng ito’y isinusulat (o
halos ay ikinakahig ng mga daliring may pigil na bolpen) sa dilaw na
papel.
Binutasan ang kanyang lalamunan, na-tracheotomy, upang
paalwanin ang kanyang paghinga, at nahirapan na siyang magsalita
kahit pabulong. Halos palagian na ang panaklob sa kanyang mukha
upang tulungan ang pagpasok ng oksiheno at ang kanyang paghinga.
Dumating ang sandaling hirap na siya di lamang sa pag-anas kundi
maging sa pagsusulat sa dilaw na papel, at halos di na mabasa ang
nais niyang ipabatid. Di mo aakalaing ito rin ang matikas bagamat
may kapayatang Batanggenyo na nakapagtala ng marahil ay rekord
na bilis sa pagmamaneho mula Baguio hanggang Maynila, na nakuha
niya nang wala pa yatang tatlong oras sakay ng isang Volkswagen na
Beetle.
Dinalaw ko siya ilang araw bago ako bumalik sa aking trabaho sa ibang
bansa. Nilibang namin siya sa pagpapalitan ng kuwento’t alaala ng

202
E DGAR B. M ARANAN

mga kuwentong baryo at ng kanyang mga karanasan sa buhay. Tulad


ng aking ama bago tuluyang pinanlabuan ng memorya, maraming
natatandaan ang Tiyo Teryo sa kasaysayan—ang pinakamababang
temperaturang naitala sa Pilipinas (sa Baguio, noong 1961, anim na
antas Celsius) ay isa lamang sa napakaraming napadagdag sa kabatiran
ng kanyang mga tagabantay at dalaw. Kay rami sanang kuwentong
naibahagi niya sa akin tungkol sa aming nayon, sa mamay at sa Lola, at
sa kanyang sariling kabataan, kung naisipan ko lamang noong-noon pa
na siya’y pagtatanungin (na dapat ko ring ginawa sa aking mga tiyo at
tiya at mga nakatatandang pinsang sumakabilang-buhay na)! Huli na
ang lahat, gaya ng laging nangyayari.
Isang araw, habang nakaharap ako sa computer sa aking opisina sa
ibayong dagat, lumitaw sa iskrin ang napakalungkot na e-mail. Wala na
ang ang aming Tiyo Teryo, iniwan ang kanyang Manong Igo, ang aking
ama, na nagpapagaling pa sa karamdamang halos ay umutas sa kanya,
dahil nalulong sa mapanlinlang na sarap ng alak. At tulad ng lungkot
na dulot sa isang magulang ng pagpanaw ng kanyang anak, marahil,
sa kanyang naguguluhang isipang di pa nakakabuwelo mula sa istrok,
dinamdam din ng aking ama ang maagang pagpanaw ng kanyang
bunsong kapatid.

5. Simula ng isang dapithapon


Itay—isang kataga lamang sa iskrin ng aking computer, ang salitang
matagal ko nang kinatatakutang mabasa sa pinakapuno ng email.
Maigsi lamang ang mensahe sa katawan ng email: "Na-stroke ang Itay,
comatose sa ospital."
Ang unang pumasok sa isip ko ay ang eksenang iyon ilang dekada na
ang nakalipas—kaming dalawa’y naglalakad sa makintab na likod ng
sing-itim-ng-gabing karo, at naglaro sa aking panginorin ang larawang
ako ang amang may akay na bata habang tinutugpa ang landas papasok

203
sa huling hantungan, at ang aming repleksiyon ang nangingintab sa
likuran ng Cadillac. Naisip kong bigla ang araw na pinangangambahan
ko ay dumating na rin.
Sa mga sumunod pang mga email, nalaman kong napalabis
ang kanyang pag-inom ng whisky sa isang pulong ng Rotary at
natimbuwang na lamang at nawalan ng malay. Isinugod siya sa ospital
at doo’y natuklasang nagkaroon ng malaking bara ng namuong
dugong sanhi ng atake. Nang kritikal na ang kanyang lagay, isinakay
siya ng ambulansiya mula Baguio hanggang Philippine Heart Center
sa Maynila upang maoperahan at maibsan ang matinding presyon sa
kanyang utak, nilagyan ito ng isang tubong bakal, at bagama’t naging
normal ang daloy ng dugo ay di pa rin siya nagkakamalay. Tumawag
na ako sa isang ahente ng tiket, naghanda nang umuwi, at inihanda ko
na rin ang sarili para sa anumang daratnan ko.
Bagama’t sa buong panahon ng aking paglaki ay nasa likod ko ang
aking ama’t nagtuturo, nagtutulak na lalo ko pang pagbutihan ang pag-
aaral, magwagi sa mga timpalak, manguna sa aking mga kamag-aral,
magkamit ng mga medalya, hindi kami kailanman naging malapit sa
isa’t isa bilang magkaibigan o magkapalagayang-loob. Ang nagbigkis
sa amin ay ang relasyon sa pagitan ng awtoridad at tagasunod, ng
maestro at estudyante, ng tagahubog at tagasunod, ng direktor at aktor
sa tanghalan ng buhay, sapagkat siya’y maraming pangarap na sapagkat
di niya natupad para sa kanyang sarili ay hinangad niyang magkatotoo
para sa kanyang panganay na anak, bagay na ikinadiskaril ng ilang
sarili kong mga plano at pangarap, ngunit anumang sama ng loob ng
anak sa magulang ay dagling nalulusaw kapag ang iyong ama’y nasa
bingit na ng paglalaho. Wari ko pa’y hindi sinasabi sa akin ng aking mga
kapatid ang buong katotohanan: naghihingalo na kaya ang aming ama
at ako na lamang ang inaantay umuwi? O kaya’y paglapag ko sa NAIA
ay hindi sa ICU ng ospital ako dadalhin kundi sa isang punerarya?

204
E DGAR B. M ARANAN

Umid ang mga taon sa ating pagitan / para bang ako’y di sumilang
/ na mula sa iyo / mandi’y kabiguan ng tunay mong pangarap /
pagdating mo sa dulo / ng buhay, bagamat alam ko / minsan ako’y
isang nabubuong ulap / habang ikaw ay binatilyong nakalatag / sa
mainit na damo’t nangangarap / sipat ng paningin ang isang pangarap
/ na nagkakahugis sa langit / at kislap ako marahil sa iyong matang /
sumusuyod sa parang hanggang kabila ng dagat / hanggang sa ibayong
daigdig / ngunit ang namagitang mga taon / sa atin ay umid.
Sa terminal ng Heathrow sa London, nagawa ko pang sumulat ng
isang maigsing tula para sa aking ama. Sinisimulan ko na ang pagluluksa,
ang paglalamay, ang mahabang panimdim habambuhay…
Nasa ospital pa pala siya, bagama’t matatag na ang kondisyon.
Nakatulong ang tubong ipinasok sa kanyang ulo, at kapag nagkakamalay
ay nakakakilala naman ng mga nakapaligid sa kanya, naaalala ang
mga kaarawan ng mga nakapaligid, at sa pagdaraan pa ng mga araw
at buwan ay muling nakapaglakad nang may alalay, hirap manimbang,
at mahina ang boses sa pagsasalita, ngunit ang mahalaga’y nanumbalik
ang gamit ng kanyang isip, buhay na muli ang maraming sulok ng
kanyang memorya, at nagagawa niya uling tukuyin ang layo ng mga
planeta sa araw, ang mga bansa sa mundo at mga probinsiya sa Pilipinas
at ang mga kabesera nila, ang mga kabatiran sa kasaysayan at agham
na labis naming hinangaan noong aming kabataan.
At kapag ako na ang kanyang kausap, maaalala niya na noong ako’y
lumalaki at nagpupunyagi sa pag-aaral, siya ang aking tagapagturo,
tagasulong, tagatulak. Higit sa lahat, buhay pa siya, at nitong nakaraaang
ilang taon, kahit pabulusok na ang lakas ng katawan (dati’y nabubuhat
niya ang isang kabang bigas sa gulang na animnapu) at nagsisimula
nang magpinid ang mga bintana ng kanyang gunita, nakakapagpalitaw
pa rin siya ng mangilan-ngilang kuwento tungkol sa nayong aming
sinilangan, tungkol sa kanyang ama’t aking Mamay, at tungkol na rin

205
sa sarili kong kamusmusan.
Ang ikalawang buhay ng aking ama ay nagbukas sa akin ng isang
pintuan sa nakalipas.
Madalas ko noong mapaglimi kung ano kaya ang pagkatao ng
aking Mamay, na nagisnan ko na lamang na matandang-matanda na.
Ano kaya ang kanyang naging kabataan? Nakapag-aral kaya siyang
katulad ko? Ano ang mga hilig niya’t paborito, ano ang kanyang mga
nabasang libro, at may nasulat kaya siya, sapagkat kung totoong ang
pagiging manunulat ay namamana rin, siya kaya ang ninuno—bukod
sa aking ama—na pinagmanahan ko ng hilig sa pagsusulat? Paano niya
niligawan at napasagot ang aking lola, sumali ba siya noong Rebolusyon
laban sa mga Kastila, ilan kaya ang kanyang napatay na mga kaaway, at
pagkaraan, anong kabayanihan ang kanyang nagawa noong panahon
ng Hapon?
Minsan, noong ako’y estudyante pa sa kolehiyo, nagawa kong
interbiyuhin ang aking Mamay nang maisipan kong sumaglit sa Cupang
sa kalagitnaan ng semestre. Inusisa ko siya tungkol sa kanyang mga
ninuno at kanunununuan, kung hanggang saan niya maaalala ang mga
pangalan. At nagtagumpay naman akong pagurin siya at pasakitin ang
ulo sa maghapon kong pagtatanong. Nagawa niya—o pinilit ko siya—na
maalala ang pangalan maging ng kaniyang sariling Ama at Inang Tanda,
ibig sabihi’y ang mga magulang ng kanyang mga magulang, pati na
ang iba pang kamag-anak na nangawala na noon pa mang panahon ng
Kastila. Ang asul na kuwadernong pinagsulatan ko ng mga pangalang
iyon ang isa na yata sa pinakamahalagang kayamanan na napasaakin
sa buong buhay ko, ngunit sinamampalad itong maabo nang tupukin
ng malaking apoy ang palengke ng Baguio noong 1968, kasama na ang
aming tindahang pinaglagakan ko ng mutyang kuwadernong iyon.
Inusisa ko rin ang Mamay tungkol sa kanyang nakalipas, ang mga
alaala ng kanyang kabataan, ng kanyang pagbibinata, kung may alam

206
E DGAR B. M ARANAN

ba siya tungkol kina Rizal at Bonifacio at sa himagsikang Pilipino. May


mga tanong din akong may kinalaman sa isang paksang malaon ko nang
nakakahiligan, at ito ay ang panahon sa Pilipinas bago magkagiyera, ang
panahon ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas, ng pagsisimula
ng modernismo at makabagong kulturang kanluranin sa Pilipinas
pagkatapos ng matagal na pagkakabilanggo sa kabihasnang Kastila,
at sabik akong malaman kung ano ang naging hugis at palatandaan
nito sa isang probinsiyang tulad ng Batangas. Subalit wala akong
gaanong nakuhang impormasyon mula sa aking Mamay, maliban sa
ilang pangungusap tungkol sa pagkakasali niya sa isang engkuwentro
ng mga Katipunero at mga Kastila sa bayan ng Bauan, at ang tanging
natatandaan niya ay pagkadismaya sapagkat “napakabigat ng riple” na
hawak niya at di niya halos naiputok iyon. Di ko siya natanong tungkol
sa kanyang kaalaman at muwang sa mayaman, sinaunang sining at
panitikan ng kalinangang Batanggenyo, ngunit may isang kamag-anak
na nakabanggit sa akin minsan na ang aking Mamay at Lola Rosa ay
mga batikang mananayaw ng subli, na marami kaming kamag-anak
sa Aplaya, isang sityo sa Bauan malapit sa dagat, na mga bantog na
manunubli at naitampok pa nga sa aklat ni Linette Mirano tungkol sa
katutubong sayaw na ito ng Batangas.
Sa pagkukuwento ng aking ama pagkalabas niya sa ospital, kay
rami kong natutuhan tungkol sa Mamay na labis kong ikinatuwa, at sa
aking puso’y lalo ko siyang ipinagmalaki at sumumpa akong susulatin
ko ang kanyang buhay—ang buhay ng isang karaniwang magbubukid
na “maraming alam,” ayon sa Itay—upang mabasa ng kanyang mga
kababayan, at lalo na ng mga Filipinong may pagpapahalaga sa mga
sinaunang sining at kaalaman ng ating bayan. Ayon sa payak na
salaysay ng aking ama, bihasang-bihasa ang Mamay sa paglala ng
napakaraming uri ng buslo o basket, at lahat na yata ng uri ng tali’t lubid
na ginagamit sa bahay o sa komersiyo. Sa buong Cupang, at maging sa

207
mga kanugnog-nayon na inabot ng kanyang mga likha, nakilala siya
bilang isang dalubhasang manghahabi ng buslo mula sa kawayan at
tagalubid ng panali mula sa buli.
Nakagagawa siya ng balaong, isang metro ang taas, limang talampakan
ang lapad, na ginagawang imbakan ng palay, yari mula sa mga biyas ng
kawayang iisang milimetro ang nipis; ng baluyot, kawangis ng balaong
ngunit yari sa malambot na buri kaya’t maaaring itupi; ng takuyan,
isang talampakang parisukat sa sahig nito, at papakipot sa bunganga,
magkabila’y nilalagyan ng tayngang tuhugan ng taling pansabit o
pansinturon sa baywang, at naglululan ng mga suloy ng palay na inani
sa bukid; ng bilao, ang pamilyar na bilugang mababaw na tahipan ng
giniikan o pilian ng bigas, na binubuo ng napakasinsing mga hiwas ng
kinayas na kawayan; at ng bitsay, kamukha ng bilao ngunit di gaanong
masinsin at mayroon pa ngang maliliit na butas o pagitan upang salain
ang pinakamaliliit na ipa upang gawing pakain sa baboy. Sa paglulubid
naman ng panali, sinasabing siya ang pinakasanay sa bahaging iyon
ng Batangas. Mula sa pagkikinis ng mahahabang hibla’t pilas ng buli
hanggang sa pagtitirintas at pagsusugpong-sugpong ng mga ito sa kahit
anong habang naisin niya, mula sa ilang metrong panghila ng kalmot,
suyod, at araro at pang-igib sa balon, hanggang sa mahahabang ahas-
rolyong maaaring gamitin sa barko, mula sa mga payat na leteng na
panali hanggang sa matatabang lubid.
“Nagugulat ang makakita,” salaysay ni Itay kapag maganang-
magana siyang magkuwento, “kung paanong ang iyong Mamay ay
nakakagawa ng isang matibay na lubid na 30 metro ang haba, mula
sa mga hibla ng tigalawang-metrong buli, at naalaman ko rin kung
paano niya ginagawa—ang sekreto’y nasa maingat na pagdudugtong-
dugtong, pagbubuhol-buhol, at pagtitirintas ng maraming hibla
hanggang kumapal nang kumapal at humaba nang humaba.”
Nakakaukit rin ang Mamay ng araro mula sa matigas na kahoy,

208
E DGAR B. M ARANAN

at nakakagagawa siya ng suyod at kalmot gamit ang matatabang


taywanak na kawayan, na ang malalaking tusok ay sapat ang tigas
upang basagin ang lupa sa panimula ng paglilinang. Sasandali rin
niyang nalilikha ang payak na yatab na pamutol ng uhay sa panahon
ng anihan. At pinakamahirap sa lahat, maestro karpintero din pala ang
Mamay, na mag-isang nakakabuo ng isang maliit na kubo: siya na ang
naghuhukay ng tindigan ng haliging yari sa matandang puno, siya na
rin ang namumutol ng kawayang gagawing mga barakilan at suporta
sa loob ng bahay, o babasag sa mga sariwang kawayang kapag napitpit
ay maaari nang maging paladindingan, at siya na rin ang nangunguha
at naglalapat ng mga dahong nipa sa balangkas ng bubong, upang
pagkatapos ay kanyang lilibiran ang bawat hugpungan sa pamamagitan
ng maninipis na taling kawayan, sa halip na gumamit ng pako o
alambre, sapagkat siya’y isang maestro di lamang ng pagkakarpintero
kundi pati na rin ng masinop na paggamit ng kalikasan.
“Kung gugustuhin niya, nagkaroon sana ang Mamay mo ng
kaunting ipon, kung sumingil lamang siya nang husto sa mga pagawa
sa kanyang mga buslo at panali at iba pang gamit. Ala’y hindi! Madalas
ay di siya nasingil, namimigay na lamang, gayong pagkalaking hirap
at panahon ang kanyang iniukol sa kanyang trabaho. Kung tatanggap
man ng bayad ay kakaunting sentimos lamang, kahit na para doon sa
pinakamasinsing buslo na pambihira ang lambot at pino. Kapag walang
pambayad ang nangangailan, hindi na nasingil, at kapag may bahay na
kailangang itayo, siya pa ang boluntaryong natulong…”
Lalo na noong panahon ng digmaan at hirap sa pera ang tao, ang
isang pinagkakitaan nang kaunti ng Mamay ay ang pamumutol ng
mahusay na klaseng kawayan, na babayaran sa kanya ng piso o uno
otsenta. Puputulin niya ang mga ito, mga lima hanggang sampung metro
ang haba, at ang mga ito naman ay bubuhatin ng Itay at ng kanyang
mga kasamahan—tig-iisa sa balikat ang bawat isa—at magsisimula

209
silang maglakad sa madaling-araw patungong nayon ng Buli malapit
sa Lemery at Taal, at maglalakad pabalik sa Cupang nang maginhawa
na’t wala nang sunong na mabigat na kawayan. Isusubi o ibabayad sa
Mamay ang kanilang napagbilhan, kukuha lamang ng kaunti para sa
kanilang sarili.
Ang nagisnan kong Mamay ay hindi isang matikas na maestro
karpintero, kundi isang tahimik, hukot, malaki-ang-tayngang parang
"bukas na pinto ng kotse," ang mga paa’y parang dalawang malaking
ulo ng pinitpit na luyang natuyuan na ng putik, may kung anu-anong
butlig sa magagaspang na kamay, kulay-abo ang matang anaki’y laging
nagmumuta, tinutubuan ng buhok sa bungad ng taynga at sa butas ng
ilong na laging mamasa-masa, nakatayo ang ubaning buhok sa patulis
na ulong maraming nunal at pekas, at higit sa lahat, laging magiliw sa
akin at sa lahat ng apo, tila hindi nauupo upang magpahinga kundi
kilos nang kilos at gawa nang gawa gayong bahagya nang mailakad ang
mahuhuna nang tuhod, na luha ng galak ang salubong sa amin pagbaba
namin ng dyip na galing Muzon sa pagsisimula ng aming bakasyon,
at luluha uli nang mas masagana sa sandali ng aming pamamaalam
upang magbilang na naman ng isang taon bago uli magkita-kita.

6. Lagim, laro, at ligaya


Noong bata pa’y nakilala ako sa pagiging matalino sa kabila ng
aking pagiging atat.
Ito ang katawagang Batanggenyo para sa isang taong utal—nag-
uulit-ulit ng mga katagang bago mabigkas ay paghihirapan munang
maibubulalas, kasabay ng hiráp na paghinga at pananakit ng dibdib,
isang kondisyong medikal na umano’y may malalim na sikolohikal na
dahilan, at sa isang may ganitong kapansanan, maaari itong pag-ugatan
ng inseguridad, pagkamahiyain, pagkatiwalag sa kapwa, at kawalan
ng ambisyon at katuparan sa buhay. Mukhang pinalad akong mapaiba

210
E DGAR B. M ARANAN

sa mga kapwa ko at-at.


Mula kindergarten hanggang hay-iskul, bahagi na ng aking pang-
araw-araw na buhay ang pagiging utal, ngunit hindi naman ito naging
balakid upang ako ang manguna sa aking mga kaklase. Hindi ko alam
ang eksaktong petsa na nawala ang aking pag-aat-at, at kung ano ang
kagyat na dahilan, ngunit nawala ito isang araw noong ako’y nasa
ikatlo o ikapat na taon ng hay-iskul. Ngunit habang ako’y utal, laking
sindak ang inaabot ko tuwing uuwi ako ng Cupang kapag bakasyon,
sapagkat nag-aantay na ang aking mga palabirong pinsan upang ako’y
kaladkarin sa bahay na kinatakutan ko nang lubos, na parang bahay
yaon ng isang mangkukulam.
"Halika, Boy (ang aking palayaw), at pakakagatin ka namin sa puki
ni Ka Iláy, para mawala ’yang pag-aat-at mo!"
Mas malupit iyon kaysa sa pagtatago ng aking piniritong itlog sa ilalim
ng dulang. Hatak ako sa magkabilang kamay, buong pagkaseryosong
kakaladkarin ako nang ilang hakbang patungo sa bahay na yaon na buti
na lamang at kahit minsa’y di ko na nasilayan, pagkat bibitawan na ako
sa sandaling magngangalngal na ako. Isang posibleng maagang dahilan
ito ng sakit sa pusong gugupo sa akin paglipas pa ng maraming taon,
kung kaya’t hindi katawa-tawa ang ginagawa sa akin. Bale ba’y ni hindi
nawala ang pagkautal ko sa takot—uubra lamang ang ganitong biro sa
isang sinisinok—at baka nga lalo pang lumala. Sa aking imahinasyon,
isa siyang kulubot at huklubang salamangkerang kapalit ng pagkagat
sa kanyang birtud ay mapapawi kapagdaka ang aking kapansanan.
Hindi na naipaliwanag sa akin ng aking mga pinsan kung bakit
mawawala ang aking pag-aat-at sakali’t kumagat ako—sa kanilang
pakana. Matay kong isipin pagkaraan ng bawat insidente ng
pagkaladkad, kay raming maririkit na mutya sa nayon—bakit kay
Ka Iláy pa ako kakagat? Kung sabagay, sino naman kaya sa kanila
ang papayag, kahit kay raming nakatatandang dalaga o dalagita ang

211
madalas na magbiro sa bantog na batang matalino, “Aantayin ko ang
paglaki mo!” na makapagpapaumid naman ng aking dila, at ikaaantig
ng isang mahiwagang damdamin sa bata kong katawan at kaluluwa?
Para sa isang batang lungsod na nagbabakasyon sa nayon, ang pagdumi
ay isang balakid na kailangang harapin sa bawat araw na magdaan. Para
sa isang tagalungsod na tulad ko, isang bakasyonistang dumadalaw
sa nayong sinilangan, ang “pananalikod” lamang ang problemang
nakaharap ko. Madilim ang looban na kinaroroonan ng kubeta. Apat
ang dingding nitong walang bubong, at giba ang pintuan, kaya’t
malayang makapapasok ang anumang hayop na maaaring maligaw at
maakit sa pag-iri ng nahihintakutang bata.
Pinapayagan akong maglatag ng lumang diyaryo sa mas maliwanag
na bahagi ng looban malapit sa bahay, ngunit tanaw naman ng sinumang
mamimintanang kapitbahay, ng maglalakad o magagawi sa looban, at
isa pa’y noong buhay pa ito, laging nakabantay ang askal-nayong si
Spot, hihingal-hingal, nakalawit ang dila at handang sakmalin ang iyong
tumpok bago ka pa man makapagpunas ng puwit. Kaya’t napilitan
akong tumalungko sa ibabaw ng madilim, malalim, mabahong hukay,
nakatalungko sa dalawang pirasong kahoy na mukhang mahuna na,
kahit pa man suportado ng mga pahalang na kawayang lumulundo
kapag tinutuntungan.
Kapag ako’y nakaupo na roon, kakaba-kaba akong titingala sa
punong nakayungyong, hintakot na baka yaong napabalitang sawa na
nananahan doon ay biglang lumawit o lumaglag upang pumulupot
sa akin, at titingin din ako sa labas upang bantayan ang biglang
pagsulpot ng bayawak na namumutiktik sa kawayanan at madalas ay
bumababa upang manila ng manok, at pagtingin ko naman sa parang-
gabing hukay sa ilalim ko ay mapapangiwi ako pagkakita sa maliliit,
mapuputi, matatabang nagkislot-kislutang bulating nagpipilit lumabas
at makatapak ng lupa, samantalang naroon ding naghahagaran,

212
E DGAR B. M ARANAN

lalapit-lalayo, ang mapupulang hantik na anumang sandali’y maaaring


umakyat sa aking paa, binti, at buong katawan, at higit sa lahat, higit
sa lahat! ano kaya’t sa wakas ay bumigay ang mahunang tuntungan at
ako’y bumulusok sa dilim at lagim, sa balaho’t baho, sa isang kapalarang
wika nga’y simpait at simpakla ng kamatayan? Ay, buti pang malunod
sa pusod ng dagat!
Pagbuhos na ng mga unang ulan ng Abril at Mayo, kara-karakang
maghuhubad kaming mga bata at tatakbo sa ulanan, di alintana ang
tilamsik ng kidlat at dagundong ng kulog, sasamyuin ang singaw ng
lupa at aspaltong binasa ng dagling pagdilig ng mga ulap, panakbuhan
sa looban at damuhan, hanggang sa kalsada (bihirang-bihira pa noon
ang mga sasakyan), o kaya’y aakyat sa punong bayabas upang matuluan
naman ng ulan na lumalandas sa mga dahon at sanga, at kapag puno
na sa tubig na galing sa alulod ang aserong dram na imbakan ng ulan,
aakyatin ko ito upang kunwa’y nasa ilog o aplaya ako, at lalangoy
paikot kasama ang milyong mga kiti-kiti na binulabog ng ulan at paslit,
mapapasigaw muna sa biglang lukob ng lamig bago magpakasarap
sa paglubog at pagsinghap, at nasa gayong kasiyahan ako nang sa
dudungaw ang Tiya Diday upang ako’y sawayin at sigawan at balaan
ng parusa kapag di ako umahon kaagad sa aking lubluban.
Namumutol kami ng mga sanga ng matigas na kakawati upang
gawing tirador, ngunit kailanman ay di ko natutuhan—palibhasa’y
di naman ito ang aking nakamulatan--na magpalaglag ng ibon, tuko,
at anumang nilalang na nasa hangin, lupa o tubig, at nasiyahan na
lamang ako na asintahin ang mga kawayan o mga bungang-kahoy sa
looban at parang. Pinanood ko na lamang ang aking mga kababata sa
husay nilang manudla at kumitil ng mumunting bagay sa kalikasan,
palibhasa’y walang ibang libangan sa buhay, lunan at panahong
kanilang nagisnan.
Gayunman ay wala kaming ipinagkaiba kapag namamasyal na sa

213
linang at lumulusong kami sa madidilim na agbang—mga malalim,
pabulusok na landas na nagtatapos sa mga luma at natuyuang daluyan
ng matandang sapa o ilog, nayuyungyungan at nabububungan ng
dawag at punong halos ay di mapasok ng araw, at sa kabila nama’y
matarik, paakyat na landas na pabalik sa init at liwanag ng parang.
Mula umaga hanggang hapon, gagalugarin namin ang sukal at palanas,
aakyatin ang mga puno ng mangga, duhat, at sinigwelas, at pag-uwi’y
maghahanap ng minindal na suman, maruya, o nilupak.
Kapag dapithapon, maglalakad kaming pailaya o paibaba, sisinsay
o dadaan sa bahay ng mga kamag-anak at kakilala, iilag sa mga kabag
o mga paniking maliliit na mula pa sa malalayong bundok, at paglatag
ng gabi, kapag napagod na sa maghapong paglalaro’t paghahabulan,
mahihiga kami sa mainit-init pang aspalto ng makitid na haywey na wala
nang dumadaang sasakyan, at kung hindi ang buwan na makinang na
pilak sa kanyang kabilugan ay mga bulalakaw na matuling gumuguhit
sa pusikit na dilim ng kalawakan at ang mga bituing iba’t iba ang laki
at kinang ang pinagpipistahan ng aming mata, habang palitan kami ng
mga kuwentong may kinalaman sa aming mga pakikipagsapalaran sa
kararaang araw, o mga plano sa buhay pagdating na ng pasukan.
Sa paghihiwa-hiwalay naming magkakalaro, uuwi na ako sa
aming bahay upang kumain ng hapunan, o kung nakakain na bago
maglaro ay maghahanda na sa pagtulog, ngunit bago ito’y makikinig
muna sa mga kuwentong isasalaysay ng mga nakatatandang pinsan
o tiyuhin at tiyahin. Noong panahong nasa pinakalumang bahay pa
kami—bandang dekada ’50 pa at hindi pa nababago ang bahay naming
yari sa pawid at kawayan—kaming magkakapatid at mga batang
magpipinsan ay nakaupo sa kawayang sahig sa gitna ng kabahayang
naiilawan lamang ng mumunting gasera o tinghoy, at habang nakikinig
kami sa mga kuwento ng kapre, tikbalang at tiyanak na naglipana sa
mundo pagkagat ng dilim, doon sa looban at sa mga parang na di

214
E DGAR B. M ARANAN

sakop ng kabihasnan, ang maliliit naming katawan ay nagiging mga


dambuhalang aninong gumagalaw sa dingding ng bahay, na lalong
nagpapatingkad sa kilabot na umaaligid sa amin, hanggang magsawa
sa pagkukuwento ang matatanda at ang lahat ay abutan na ng antok,
maliban sa tinalaban ng matinding takot.
Sa nakatutustang init ng tag-araw at banas ng panahon tuwing Abril
at Mayo sa Cupang, mayroon kaming maaasahang pampalamig—ang
sorbetes ng Mamay Balás, pinsan ng aking Mamay, na matiyagang
nagtutulak ng kanyang karitong may lamang isa o dalawang garapinyera
ng malambot na sorbetes na kanyang ginawa sa silong ng kanyang
bahay sa ilaya. Kung minsa’y dalawang lasa ang lako niyang sorbetes,
banila at buko, at sa halagang singko o diyes sentimos ay puno na ang
tagayan, sartin o baso, at kapag gusto mong bumulos ay bibigyan ka ng
dagdag na halos ay puno uli, kaya’t napamahal siya sa mga paslit ng
Cupang, sa buong buhay ng paglalako niya ng sorbetes na sinlambot ng
kanyang puso, at kahit maraming taon na siyang namamayapa, kaming
mga bata noon ay hinding-hindi makalilimot hanggang sa aming
pagtanda, maging hanggang sa aming pagyao, sa kanyang kabaitan,
sa kanyang masayahing tinig, at sa kanyang masarap at pagkamura-
murang sorbetes na hindi na niya iniyaman kahit kailan.
Hanggang ngayo’y nababanggit pa rin ang kanyang pangalan sa
bawat usapan tungkol sa nakalipas na panahon sa Cupang, at ang
pangalan niya, sa wari ko, ay halos kasimbanal ng mga pangalan ng mga
santong patnubay sa buhay ng taganayon. Sa ganang akin, baka nga higit
pa siya sa santo, pagkat tuwirang nakatulong at nakapagpaginhawa
ang kanyang sorbetes sa mga banas at alumpihit na kaluluwa, sa gitna
ng kahirapan at kapayakan ng buhay sa aking nayon.

215
7. Isang kasalan
Noong “pistaym”—sa pagitan ng pananakop ng Amerikano
at paglusob ng Hapon sa kaawa-awang Pilipinas—may isang
Batanggenyong taga-Cupang na nag-ahente ng tabako sa Maynila.
Sa kanyang paglilibot sa mga bayan-bayang nakapaligid sa punong-
lungsod, nakarating siya sa Malabon, isang bayan sa probinsiya ng noon
ay Morong na di-kalaunan ay magiging Rizal, at doon niya nakilala,
niligawan at pinakasalan ang isang dalagang naakit sa kanyang pagka-
mestisuhin at pagkamagalang. Ang mag-asawang Florencio at Fausta
ay biniyayaan ng anim na anak, apat na babae at dalawang lalaki.
Sa kasamaang palad, maagang binawian ng buhay ang dalawang
pinakamatanda na kapwa babae. Nang pumanaw sila’y kasisimula pa
lamang ng giyera sa Pilipinas.
Nagpasiya ang mag-asawang ilikas ang pamilya mula sa
Kamaynilaan at iuwi muna sa lupa ni Florencio sa Cupang, sa isang
liblib na sulok ng parang na kung tawagin ay komun, sapagkat hati-hati
roon ang magkakaanak na kung di nagsasaka ng palay ay nagtatanim
ng gulay. Kinailangang huminto sa pag-aaral ang kanilang mga anak, at
naghanap na lamang sila ng kung anumang ikabubuhay sa probinsiya.
Sa tagal ng hindi pagkakatira ng lalaki sa kanyang lupa upang maglako
ng tabako sa Maynila, naging masukal iyon, nagtabal ang talahib at
tinubuan na ng maraming kawayan, talahib at dawag ang bahaging
maaaring pagtamnan ng palay o ng gulay, kaya’t mahabang panahon
din ang kanyang ginugol sa paghahawan ng sukal at pagpatay sa
nagkalat nilang mga ugat upang mapakinabangan ang lupa.
Mag-isa niyang hinawan at binungkal ang halos ay may isang
ektaryang taniman, at di naglaon ay nagsimula na siyang makaramdam
ng matinding pananakit ng dibdib. Ilang buwan niyang di ininda
ang kirot, hanggang isang araw ay matimbuwang na lamang siya
at mawalan ng malay. Di nagtagal at napugto na rin ang kanyang

216
E DGAR B. M ARANAN

hininga. Ang mga anak na nakatikim ng ilang buwan sa bago nilang


paaralang elementarya ay napilitang huminto na naman sa pag-aaral,
at sa murang gulang ay natutong maging mga mananahi at manlililip.
Tumanggap sila ng patrabaho mula sa mga taga-Cupang, na sumadya
pa sa kanilang liblib na tahanan sa parang para lamang magpatahi.
Ang pinakamatandang anak na babae ng Fausta, na katutuntong
lamang sa gulang na labing-anim, ay nakaakit ng maraming manliligaw
na binata’t binatilyo mula sa nayon at poblasyon, kabilang na ang aking
magiging ama. Sa lahat ng mga nanligaw sa aking ina, ang aking ama
ang tunay niyang nakapalagayang-loob, palibhasa’y kapwa sila mahilig
sa mga pinakausong kanta noong panahong iyon. Para nga daw hindi
panliligaw ang nangyari, sapagkat sa maghapong magkasama sila
kapag dumadalaw ang Itay ay magasin ng Song Hits ang kanilang
pinagsasaluhan.
Nakatunog naman ang ibang mga manliligaw na mukhang ang Itay
na ang napipisil ng dalagang nilalangit ng marami. Maliban sa isang
sanggano at sabungerong ang pangalan ay Lucio. Barako daw ito at
laging may dalang balisong, ngunit hindi siya inurungan ng Itay nang
sila’y magpandali sa wakas, at lalo pang tumingkad ang pagtingin
ng dalaga sa kanya nang siya’y masugatan ng patalim. Sa madaling
salita, pinagbawalan nang magpakita ng kahit anino ang sangganong
manliligaw, at tuluyan nang nagkaibigan ang aking magiging mga
magulang.
Habang naglalagablab ang digmaan sa buong Pilipinas, sa isang
payapang sulok ng Batangas ay matapat na nanilbihan ang matagumpay
na manliligaw sa pamilya ng kanyang napusuan, at ilang buwan
pagkatapos ng digmaan—talunan na ang mga Hapones na kay raming
pinatay sa Batangas, at nakabalik na ang mga Amerikanong nagbigay pa
ng trabaho sa aking ama—ikinasal ang dalaga’t binatang pinagbuklod
ng awit, sa lumang simbahan ng Bauan. Makaraan pa ang isang taon ay

217
lumitaw ako sa sangmaliwanag—o sa kadiliman ng daigdig, sapagkat
madaling-araw pa nga noon—at sa susunod pang mga taon at dekada
ay babalik-balikan ko ang nayong iyon na sinilangan ng aking mga
ninuno.
Ang maliligayang sandali ng aking kabataan ay hahanap-hanapin
ko kahit hanggang doon sa ibayong-dagat na pinagtapunan ko sa aking
sarili, hinahanap-hanap ko pa rin ngayong ako’y nakapagbalik-bayan
na, at alam kong hanggang sa aking pagtanda at pagdadapithapon ay
pagbubuntunang-hininga at haharapin ko pa rin ang mainit na ulan,
ang samyo ng nabasang lupa at damo, ang halimuyak ng mga uhay
ng palay, ang mga mabituing gabi ng aking sintang nayong sinilangan,
at kahit kailan ay hindi na mawawalay sa aking gunita ang mga titig
at himig ng isang awiting madalas ko noong marinig sa aking inang
mahal sa aming payak na kubo sa ilalim ng punong mangga, Bulalakaw,
hayun, biglang kislap, bigla ring nawala, ayoko nga ng ganyang liwanag.

218
C ARLA M. P ACIS

Carla M. Pacis

Amelia Lapeña-Bonifacio:
Teacher, Artist, and Humanitarian

I
first met Professor Emeritus Amelia Lapeña-Bonifacio at the
University of the Philippines (UP) Writer’s Workshop in 1995 in
Baguio of which she happened to be serving as Director. I had just
resigned from my job at a multinational institution where I had been
working for many years and was the oldest participant among about
twenty students from several universities in the Philippines. It was the
second of only two workshops that focused on children’s literature
since the workshops began with the creation of the Creative Writing
Center in 1986 by Ma'am Amel, together with National Artist Francisco
Arcellana and poet Alejandrino G. Hufana. This particular workshop
was special in that Ma’am Amel or MamBo, as she is fondly called
by students and colleagues alike, had invited a group of illustrators

219
Tita Amel and her family.

to illustrate our stories. It also turned out to be her last workshop as


director of the Creative Writing Center as she was retiring after thirty-six
years of teaching at the University. Retirement, however, couldn’t have
been further from the truth as Amel was promptly named University
Professor Emeritus by the UP Board of Regents and appointed to the
Board of Advisers of the present Institute of Creative Writing.

220
C ARLA M. P ACIS

Throughout her professional career, Amel remained a loving wife to


Manuel, to whom she has been married for fifty years; a proud mother
to only child Amihan and her husband Raymund Ramolete, and doting
grandmother to grandchildren Aina Ysabel and J. Rodolfo Manuel.
But what ultimately became the cornerstone of Amel’s life’s work was
founding and managing Teatrong Mulat, a children’s theatre troupe for
which she would write an impressive body of work of children’s stories
and plays.
What struck me most about Amel was the twinkle in her eye whenever
she would look up over her eyeglasses to look at you. One expected
magic to happen at any moment. To me, she was the perfect director to
conduct a workshop on children’s literature. Figuratively and literally,
she was Lola Basyang come to life. Amel’s grandmotherly mien, in
contrast to the intimidating and sometimes humorless demeanors of
the panelists, set most of us at ease and allowed for the workshops to
proceed without much drama. A year after the 1995 Writer’s Workshop, I
enrolled in the MA program in Creative Writing in UP and Amel became
one of my teachers. Soon after, I was invited to teach and consequently
became a fellow at the same Institute of Creative Writing that Amel had
founded. At each meeting, I would plant a kiss on Amel’s cheek in the
same way I would my mother. After all, I considered her to be one of
my literary mothers, as did many others.
An additional treat at this workshop was a puppet show staged by no
less than Amel’s own Teatrong Mulat. Workshop fellows and panelists
alike were treated to the puppet play Ang Paghuhukom, a humorous but
cautionary folktale common to many Asian countries. In the tradition
of the bunraku puppets of Japan, masked puppeteers dressed in black
expertly manipulated the wooden puppets like the silly Monkey King,
the largest of the puppets and the small but annoying fly in sight of
the audience. Puppet costumes were reminiscent of costumes worn by

221
Muslim royalty in Mindanao or Malaysia. However, the dialogue was
purely in Filipino. For many of us, this was the first time we had seen
such a puppet show. While puppetry is not a Filipino art form, it is for
most Asian countries like Indonesia, Malaysia, Thailand, Cambodia,
and Vietnam. Amel had successfully fused Asian puppetry, literature,
theatre, and culture into her plays and performances and in so doing
created our very own Philippine puppet tradition.
Amel’s attraction to the puppet theatre was sparked by an ASPAC
Fellowship to observe traditional theatre in Japan in 1973. “There was
a big celebration of Monzaemon Chikamatsu’s puppet theatre called
bunraku at the National Theatre in Tokyo,” she recalled. “I joined
busloads of schoolchildren but was invited to sit in the director’s
glassed-in third floor booth where I could observe everything, foremost
of which was the dancelike movement of the big puppets within the
grasp of sometimes as many as three puppeteers whose coordination in
moving the puppets was simply amazing. As each of Chikamatsu’s old
plays unravelled before my astonished eyes, sometimes misty with tears,
I fell completely and hopelessly in love with the most elegant puppet
theatre in the whole world and I secretly promised myself that I would
bring this beautiful theatre to our country for the Filipino children to
enjoy.” We all know what it means to fall completely and hopelessly in
love. And in Amel’s case, this was a love that was destined to last.
After the ASPAC Fellowship, Amel applied and received the Ford
Foundation Fellowship that allowed her to observe the traditional
theatres of Southeast Asia, in particular, the wayang golek and wayang
kulit theatres of Indonesia, Malaysia, and Thailand and the street operas
of Singapore. Another fellowship from the Toyota Foundation allowed
Amel to attend an international children’s theatre festival and observe
children’s theatre all over the world. As she immersed herself in all these
opportunities, she remembers, “I was making plans as a playwright,

222
C ARLA M. P ACIS

Tita Amel has synthesized the rich puppet traditions of Asia.

writing my plays for my own children’s theatre.”


Amel’s first play for children was a full length musical titled Abadeja,
Ang Ating Sinderela, with music by composer Felipe de Leon Jr. and
puppets by Rafael del Casals. Amel herself made the costumes and
wigs, her first attempt as a designer. She chose from among the many
different influences from Asian puppet theatre to cast and mold her
first production and never looked back. For Amel, the Western puppet
theatre as exemplified in, for example, Sesame Street, was never an
option. She could not imagine herself working with rag dolls and soft
puppets after all the beautiful Eastern theatre she had observed.
Even as her influences are Asian, there is no mistaking that her
plays are quintessentially Filipino. She says, “My stories are gentle and
humorously Filipino, the music Filipino, the puppets look Filipino.”
In fact, Amel invented the basic structure for the Filipino puppet—a
triangular body with the traditional soft strings for arms and leg
connections. Since Abadeja, she has produced dozens of plays, each one

223
propagating the literature and theatre forms of Asia and Philippines.
She has successfully synthesized the myriad and rich puppet traditions
of the region towards a form that is contemporary and Asian. With
Teatrong Mulat, Amel had found a way to connect us to our Asian
neighbors and to her first love—the theatre.
Amel grew up in a prewar Binondo that was bustling and vibrant,
where vaudeville stages, opera theatres, and movie houses flourished.
Her neighborhood was populated by artists—a painter who was
trained by Fabian dela Rosa, a comedian, and a family of musicians
who blocked off their street during weekends so they could practice
their band playing and baton twirling, providing the neighborhood
children with free entertainment. On some afternoons, her mother
would close their store early so the family could catch a vaudeville
show or a serial movie. Her mother was an avid fan of zarzuelas; as a
child, she would wait patiently by the door of the old Opera House for
couples without children. As soon as one passed by, she would hold on
lightly to the lady’s saya until she was in the theatre and had found a
seat. Her father, on the other hand, had a gift for storytelling. He would
sit in the center of a mat, with Amel and her siblings on each side of him
eagerly awaiting his story for the day. He would begin the storytelling
sessions by extending both his arms across his chest and say, “I picked
a string, this long,” and then he would hug all his children and bring
them down with him as he lay down. The first story of the night would
then begin. Her father would also bring Amel and her siblings to the
open field on Magdalena Street to watch the senaculo or the poetical
jousts where Amel eagerly lapped up all of the beautiful, florid words
and the spectacle of it all. Growing up in such a richly creative milieu,
how could Amel not have become anything but an artist? It was in a
similar milieu that her child Amihan grew up in and the same one Amel
continues to provide for her grandchildren Aina Ysabel and J. Rodolfo

224
C ARLA M. P ACIS

Manuel, who have been training and performing as puppeteers in


Teatrong Mulat.
With the breakout of World War II, all schools were closed and the
young Amel was free to do as she pleased. She spent her time reading
dime novels and the complete plays of William Shakespeare. “I used
to spend my time writing the family news on an old rickety typewriter
and filling our sidewalk with chalk drawings. When we evacuated to
Bulacan, I discovered a rich store of clay inside our L-shaped air raid
shelter and started molding heads of people. It was also in Bulacan
where a cousin, who owned a dress shop, taught me how to cut and
sew. Little did I know that all these were preparations for a life of
writing and designing for theatre.”
And a life that revolved around the theatre it was. It began with set
design. As a student at the Arellano North High School, she designed and
executed her first set for the play The Romancers. Later, at the University
of the Philippines, where she majored in English, she designed sets for
small university productions like Virginia Moreno’s Glass Altar and
a fraternity jazz concert. Her big break came when she was tasked to
design the sets for the International Dance Festival at the University
Theater that would require several set designs and changes for the
huge stage. For this work, she was awarded a Fulbright Smith Mundt
scholarship to the University of Wisconsin in Madison in 1956, where
she enrolled in an MA in Theater Arts. At the University of Wisconsin,
Amel was introduced and exposed to a larger world of art and theatre
that provided inspiration for her very first two plays—Sepang Loca
written in 1957 and Rooms in 1958 which were subsequently published
in the US. Both plays won prize money and more importantly, were
premiered at the UW Play Circle. She was additionally commissioned
to design the sets for Sepang Loca. It was, she recalls, “an unbelievable
beginning of my new life in theatre and I have not slackened my pace

225
in my work as a playwright-designer especially when I discovered
children’s theatre.”
Children’s theatre is unique in that, according to Amel, “it is a
gloriously, happy stage. One who hopes to work in children’s theatre
must remember that the child must be taught about love and joy, about
life and continuity, otherwise, you can just go up there and tell them life
is drab and worth nothing at all like what writers of horror and murder
films and theatre are doing. As a playwright for children, you must
be a painter with a palette of bright colors or a composer with music
sheets of happy notes.” Amel’s puppet troupe has traveled the world,
showcasing—not only Philippine—but Asian culture as well. But it is
not only culture that her puppets bring but also healing and renewal.
That “glorious, happy stage” has been setup in many different and
unlikely venues—auditoriums, classrooms, libraries, plazas—any place
where Teatrong Mulat could set up a stage and children were present. But
the most noteworthy of all were the thirty sites around the area affected
by the explosion of Mt. Pinatubo that covered several provinces in ash
and lahar and forced the evacuation of thousands of people including
Aetas to evacuation centers. Amel’s puppets cheered displaced children
and brought hope to thousands in the areas affected by the eruption.
According to Amel, “The Mt. Pinatubo experience is the summit of
Teatrong Mulat’s theatre performances not only because of its extent
and expanse but because it tried to reach thousands of children who
refused to talk and laugh after the awful, traumatic experience of dark
days and nights during and after the eruption.” Upon the request of a
fellow puppeteer, Malou Patalijug from the UP College of Medicine,
acting upon a request from the Department of Psychiatry to bring the
puppets to “break the trauma,” Amels’s determined band of puppeteers
drove through damaged roads in their sturdy and dependable Mulat
Urvan. They waded in shallow rivers under broken bridges and slept

226
C ARLA M. P ACIS

in partially destroyed hospitals. They were guided by eager and helpful


doctors to the “white ash-covered ground” which became their stage.
Amel recalls, “Children came in the hundreds, sat in front of our stage
and gradually, as the puppeteers moved the puppets and I told the story,
what we were praying for came true—the children were talking and
laughing! After the performances, some told us about their frightening
experiences. As we drove away from each site, the children ran after
us shouting, “Come back again, please!” This is truly a demonstration
of the power of storytelling to transform and to bring the audience to
an awareness. Her puppet troupe is after all called Teatrong Mulat and
according to Amel, “Our mission was to open the eyes of children to
many things, art and culture of Asia.”
Amel is also, without a doubt, the fairy godmother of modern
Philippine children’s literature. It was through her foresight, persistence,
and insistence that this type of literature was first offered as a subject
in both the undergraduate and graduate levels at the University of the
Philippines, the only university in the Philippines to do so, thus allowing
a new breed of writers for children to be nurtured and discovered.
Amel says, “I considered it a necessity if we are to develop our book
publication industry, which logically should begin with children’s
books. All I wanted was to attract young writers who wrote in English
and Filipino and who were willing to devote their talent and time to
writing for children.”
Amel’s work and passion for the puppet theatre has been recognized
both here and abroad. Dr. Krishen Jit, professor, director, and theater
critic from the University of Malay in Malaysia has dubbed her the
Grande Dame of Southeast Asian Children’s Theatre and has this to say
of Amel: “She is one of the few Southeast Asian theatre practicioners
who has transcended what I would call the age syndrome. Professor
Bonifacio has never laid down her burden in theatre, and she must

227
therefore be viewed as a shining example of a completely committed
theatre person dedicated to excellence and innovation.” UP Professor
Emeritus of Drama and director Tony Mabesa adds: “Awesome is her
passion, dedication, energy and creativity in the realm of puppet theatre.
In the ephemeral world of the theatre—we are blessed to have in our
midst . . . this dazzling artist of the theatre.” I have been personally
blessed to be able to consider Ma’am Amel as one of my mentors. With
this essay, I pay tribute to a great teacher and artist. Bravo, Ma’am Amel,
Bravo!

228
V LADIMEIR B. G ONZALES

Vladimeir B. Gonzales

(Un)dead Writing: Isa na


Namang Taon ng Pagsusulat

P
umasok ang 2009 nang may kaakibat na ilang paghihingalo.
Paghihingalo ng isang matagal nang naghihingalong sistema
ng burukrasya—“the Great Book Blockade of 2009” ayon sa
sanaysay ni Robert Hemley, isang manunulat para sa McSweeney’s at
personal na nakaranas nitong pagpataw ng tax sa mga imported na
libro sa Pilipinas. Paghihingalo ng kritisismo—hindi na nga papunta
sa “death” kundi sa “dearth” para sa iba, kung babasahin ang mga
online exchange—na nagpakitang-anyo sa pamamagitan ng serye
ng mga artikulong umiikot sa review ni Adam David ng librong
Ilustrado ni Miguel Syjuco, para sa Philippines Free Press. Posibleng
pinakamaingay na paghihingalo, posible rin namang hindi, ay ang
tinawag na “Kamatayan ng Pambansang Alagad ng Sining,” ang

229
patuloy na pagpapakita raw ng pang-aabuso sa kapangyarihan ni Gloria
Macapagal Arroyo sa pamamagitan ng hindi lamang pagdaragdag ng
mga pangalan sa listahan ng gawad, kundi ng paglalaglag sa pangalan
ng kandidatong nairekomenda na ng Committee on the National Arist
ng National Commission for Culture and the Arts.
Ito’y mga kuwento ng pakikipagsapalarang naglalaro sa mga harang
ng diskurso’t tsismis, mga pakikipagsapalarang napagkasunduan nang
itigil, ipinagpapatuloy sa ibang anyo, o namatay na sa alaala dahil sa
maraming dahilan. Nakausad na si David mula sa pagsusulat para sa Free
Press, at nakapagsulat na ng panibagong serye ng panayam kay Miguel
Syjuco (bukod sa mga panibagong serye ng kuwento’t kritisismo) sa
ibang publikasyon. Ipinaalis ni Arroyo ang dagdag na buwis para sa mga
imported na libro—posibleng isa sa mga kapiranggot na magandang
ambag ng kanyang termino sa sining at panitikan (na bahagi rin naman
ng kanyang trabaho bilang pangulo, kung bubusisiin); natabunan na
ng iba pang mga kaso ng midnight appointment at kung ano-ano pang
paglabag sa karapatang-pantao at pang-aabuso sa kapangyarihan ang
init ng isyu tungkol sa Pambansang Alagad ng Sining.
At sa gitna ng lahat ng ito, may malaking posibilidad na ang
lahat ng tunggaliang ito’y mga munting tunggalian, mga kuwentong
magdudulot ng napakaliit na antas ng kilig sa gunita, hindi katulad
halimbawa ng mga libro ni Stephanie Meyer, ang kanyang mga
nobelang may mga maganda’t guwapong bampira, at hindi lang
basta bampira, doktor na bampira pa. Ang aklat na kung tutuusin ay
ang posibleng pasimuno ng panawagan sa dagdag na bayad sa mga
inaangkat na libro sa Pilipinas.
Baka nga usapin ng tamang anggulo, ng tamang pagsisiyasat, ang
lahat ng pag-usbong at pagkawala ng buhay sa minsan ay parang
prestihiyoso, minsan ay parang walang kakuwenta-kuwentang mundo

230
V LADIMEIR B. G ONZALES

ng Panitikan ng Pilipinas. Mga bagong dugo sa pagkitil ng ilang


nakasanayang indikasyon ng buhay. Bagong espasyo para sa kritisismo,
halimbawa, sa anyo ng UST J. Elizalde Navarro Workshop for Criticism
and the Arts, katapat ng pag-aalis ng pondo ng NCCA sa Iligan
National Writers Workshop na nakabase sa Mindanao State University;
sa paglipas ng book blockade, ang pagsibol naman ng mga bagong
manunulat sa ikalawang Proyektong Ubod New Authors Series, mga
manunulat sa Tagalog, Ingles, Bikol, Waray, Hiligaynon; nasa parehong
direksiyon ang listahan ng mga nagwagi sa NCCA Writers’ Prize,
na habang tinutulaan ng nagwaging si Cles Rambaud ang kanyang
mga karanasan sa Iluko, ikinukuwento naman ni Mayette Bayuga
ang diskurso ng kapangyarihan na matutuldukan sa pagwawakas ng
mundo. Nagkaroon din ng puwang para sa mga manunulat ng mas
batang henerasyon, mga kasama sa panulat gaya nina Mikael Co,
Mark Cayanan, Reagan Maiquez, at nagpapatuloy ang pagkilala sa
speculative fiction at genre writing mula sa mga manunulat na kahanay
ni Dean Francis Alfar, sa nagdaang Carlos Palanca Memorial Awards at
Philippines Free Press Awards.
Patuloy na umuusbong ang mga online na publikasyon. Mula sa
mga Facebook-kritisismo nina J. Neil Garcia, Angelo Suarez, David,
Marne Kilates, Abdon Balde Jr. at iba pang mga manunulat na naakit ng
panibagong birtuwal na espasyo, patungo sa katatawanan-na-hinding
“manifesto ng mga tunay na lalake” ng tunaynalalake.blogspot.com, ang
muling pagbuhay sa The Philippine Online Chronicles (www.thepoc.net)
na may mga seksiyong tulad ng “Buhay Pinoy” at “Metakritiko” na
pinaaandar ng mga manunulat na gaya nina Carljoe Javier, Katrina
Macapagal, Ina Stuart Santiago, Conchitina Cruz, Exie Abola, at iba
pang mga kasamang manunulat na nakapaglimbag na rin sa mga
print-based na publikasyon. May malakas na representasyon ang
panulat mula sa rehiyon sa anyo ng mga publikasyong katulad ng

231
Kapulongan at Kulokabildo sa Cebu, Baguio Calligraphy at The Baguio We
Know, Davao Harvest, at ang paglulunsad ng mga aklat mula sa mga
Bikolanong manunulat gaya nina Kristian Cordero, Abdon Balde Jr.,
Luis Cabalquinto, at Merlinda Bobis.
Nitong nakaraang Disyembre, iginawad sa librong The El Bimbo
Variations ni David ang Madrigal Gonzalez First Book Awards. Isang
matamis na tagumpay ito para kay David, isang manunulat na
nagsusulong ng independent at alternative modes ng publikasyon.
Magkahalo ang reaksiyon ng mga kasamang manunulat sa ganitong
tagumpay, paano’y may implikasyon ito sa magiging posibleng
pagtingin sa independent publications kasabay ng mainstream na
pagkilala. Pero maraming posibilidad na nabubuksan ang pagwawagi,
posibilidad sa pagkilala ng ibang mga anyo gaya ng graphic novels
at online texts para sa mga susunod na gawad. At, ilang linggo bago
ihayag ang pagkapanalong ito, naging maingay ang balita ng pagpatay
sa lampas 50 Filipino sa Maguindanao. Kikilalanin ang pagpatay na
ito bilang “Ampatuan Massacre,” pagmamarka para sa pinuno ng
Maguindanao na itinuturong alyado ng pangulong sa mga oras na ito’y
naghahanda naman para sa kanyang pag-alis sa Malacañang at pag-
upo sa Kongreso.
Ilan sa mga koleksiyong nailathala bilang tugon/pagpoproseso/
imbestigasyon sa nangyaring masaker na ito: Duguang Lupa, chapbook
na kinolekta at inilimbag ng Kilometer 64 poetry collective; serye ng mga
sanaysay at tula tungkol sa Ampatuan Massacre na kinolekta ng High
Chair Press (www.highchair.com.ph) sa kanilang three-parter na ika-
12 isyu; ang Anthology of Rage na binuno ni Joel Salud, print-based at
book-length na antolohiya mula sa lampas isandaang manunulat, isang
pagtatangkang pagtahi-tahiin ang lohika ng pagpaslang, at ang mga
emosyong lumulutang o di-lumulutang mula rito.

232
V LADIMEIR B. G ONZALES

Sa pagitan ng mga publikasyong ito, umuusbong din ang mga


bagong hindi bagong interogasyon—para saan nga ba ang sining at
panitikan? Nagsusulat ba ang manunulat para sa kanyang sarili, sa
bayan, o sabay? May magbabasa ba ng mga piyesang ito na lampas
sa maliit na sirkulo nitong mga kasamang manunulat at kritiko?
Magpapatuloy, sana’y magpatuloy, ang ganitong mga interogasyon.
Dahil sa mga oras na tinitipa ko itong pagbabalik-tanaw sa mga
nakaraang pagpaslang at pagsilang, palapit na rin nang palapit ang
pagpapalabas ng last installment ng Twilight Saga: Eclipse. Sana’y sa
pagluwal ng bidang babae sa kanyang maputlang bampirang sanggol,
sana’y sariwa pa rin sa gunita ang mga nakaraang sugat ng bayan.
Sana’y patuloy na makaalala, sana’y patuloy na makipagtunggali sa
sakit ng pagkalimot, ng pagpapaubaya, ng kawalan ng malasakit o
pakialam, sa pamamagitan ng kani-kaniyang mga panulat.

233
T ALA SA MGA K ONTRIBYUTOR

Exie Abola

Isang premyadong manunulat ng kuwento at sanaysay si Exie. Siya ang


editor ng The POC Review, isang online magazine para sa panitikan, at
nagsusulat din para sa The Philippine Star. Nagtuturo siya ng Literature
and Writing sa Ateneo de Manila University. Inaasahang ililimbag ng
Ateneo de Manila University Press ang unang libro niyang Trafficking
in Nostalgia: Essays.

Kristian Sendon Cordero

Nakapaglathala na ng tatlong libro ng mga tula sa Bikol at Filipino si


Kristian. Tinatapos niya ngayon ang kanyang MA sa Panitikan sa Ateneo
de Manila University habang inihahanda ang kanyang ikaapat na aklat
ng mga tula, ang Kinalburong Lanob (Puting Dingding/ Whitewashed Wall),
na pinagkalooban ng NCCA Writers’ Prize noong 2007.  

Adam David

Nakatira si Adam sa Cubao, Quezon City. Siya’y isang zinester at


bookmaker simula pa noong 1999. Nagsusulat siya ng mga kritika
para sa The Philippine Online Chronicles, isang Pinoy culture webzine.
Regular na mababasa ang iba pa niyang proyekto sa Oblique Strategies,
na mapupuntahan sa http://wasaaak.blogspot.com

234
T ALA SA MGA K ONTRIBYUTOR AT MGA P ATNUGOT

Vladimeir Gonzales

Si Vlad ay guro ng Malikhaing Pagsulat, Panitikan, at Kulturang


Popular sa UP Diliman. Isa siyang kuwentista, blogger, at fan writer.
Ang pinakahuling libro niya ay ang A-Side/B-Side: Ang mga Piso sa
Jukebox ng Buhay Mo na inilimbag ng Milflores Publishing.

Marlon Hacla

Si Marlon ay isinilang at lumaki sa Taguig, at ngayo’y nakabase


sa Quezon City. Siya ay nagtapos ng BS Computer Science sa UP
Diliman at sa kasalukuyan ay abala sa ilang personal na proyekto sa
potograpiya.

Anne Lagamayo

Isang senior sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nailimbag na ang


kanyang mga akda sa The Literary Apprentice at Philippine Speculative
Fiction IV.

Christine Marie Lim Magpile

Nagtapos si Christine ng BS Education—History (cum laude) Sa


Unibersidad ng Santo Tomas. Nagwagi ang kaniyang mga tula,
kuwento, sanaysay, at kuwentong pambata sa USTETIKA awards.
Naigawad sa kanya ang 2007 Premio Ambahan na itinaguyod ng
DLSU-BNSCW, naging fellow din siya para sa Creative Non-Fiction sa
9th UST National Writing Workshop. Sa ngayon ay nagtuturo siya ng
mga kurso sa Agham Panlipunan habang binubuno ang kanyang MA
sa Counseling sa De La Salle University.

235
Edgar B. Maranan

Si Ed ay isang makata, mandudula, at tagakatha ng mga kuwento’t


sanaysay. Naging bahagi siya ng Carlos Palanca Memorial Awards
Hall of Fame noong 2000, para sa mga akdang naisulat niya sa Ingles
at Filipino. Ilan pa sa mga gawad na nakuha niya ay mula sa the
Cultural Center of the Philippines, Amado V. Hernandez Playwriting
Competition, Institute of National Language poetry competition,
Filamore Tabios Sr. Memorial Prize for Poetry, Philippines Free Press
Literary Awards, Philippine Graphic Nick Joaquin Literary Awards, at
Philippine Board on Books for Young People (PBBY)-Alfrredo Navarro
Salanga Writers Prize. Aktibong kasapi siya ng Baguio Writers Group.

Mario Ignacio Miclat

Isang kinikilalang eksperto sa China Studies at Philippine Studies ng


UP System si Mario. Ilan sa mga publikasyon niya ang Mga Kuwento
ng Kabayanihan (1988) at Pinoy Odyssey (1989, muling inilimbag noong
2005 bilang Pinoy Odyssey 2049). Nagwagi na ang kanyang mga akda
sa Asiaweek Short Story Competition (1984), Gawad CCP (1988), at Don
Carlos Palanca Memorial Awards (1986-1987).

Carla M. Pacis

Naging fellow si Carla ng 1995 UP Writers Workshop at naging fellow


ng Institute of Creative Writing mula 1998 hanggang 2005. Nagtapos
siya ng MA Creative Writing sa Unibersidad ng Pilipinas at kumukuha
naman ng PhD in Literature sa DLSU – Manila kung saan nagtuturo
rin siya ng mga kurso sa Humanidades at Malikhaing Pagsulat.
Aktibong kasapi siya ng KUTING (Kuwentista ng mga Tsikiting), isang
organisasyon ng mga manunulat para sa bata, at nakapaglimbag na ng
maraming libro para sa kabataan. Nagwagi na ng mga gawad ang ilan
sa mga librong ito.

236
T ALA SA MGA K ONTRIBYUTOR AT MGA P ATNUGOT

Chuckberry Pascual

Si Chuckberry ay nagtapos ng MA Araling Pilipino at kasalukuyang


kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman. Ang
kanyang mga kuwento at sanaysay ay nailimbag sa Philippine Collegian,
Philippine Studies, Ani, at Daluyan.

Jason Tabinas

Tumanggap si Jason ng Loyola Schools Award for the Arts - Creative


Writing (2008) nang magtapos sa Ateneo de Manila University. Naging
writing fellow siya sa mga palihan kabilang na ang 16th Iligan (2009);
13th Ateneo-Heights (2007); Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo
(2007); 5th Iyas (2005); at 2nd Juliana Arejola-Fajardo (2005). Nalathala
na ang kanyang mga tula sa High Chair, Ani: The Philippine Literary
Yearbook, Heights, at Matanglawin.

Andrew Albert Ty

Nagtuturo si Andrew ng Film at Media Studies sa Department of


Communication ng Ateneo de Manila University. Tinatapos din niya
ang MA Creative Writing sa UP Diliman.

Mixkaela Villalon

Si Mix ay nagtapos ng kursong BA Araling Pilipino sa Unibersidad ng


Pilipinas. Galing sa angkan ng mga piratang Sebwano ang nanay niya,
at nagmula naman sa tribu ng mga headhunter ng Ilocos ang tatay
niya. Kaya para sa ikababalanse ng cosmos, naisipan niyang magsulat.
Madalas siyang naliligaw sa mga sulok-sulok ng lungsod.

237
M GA P ATNUGOT

Jun Cruz Reyes

Art ang unang hilig ni Jun Cruz Reyes bago siya napunta sa
pagsusulat.
May apat na one-man show na siya at sampung libro. (Nasa press
pa ang huling dalawa.) Siyam sa mga ito'y premyado o binigyan ng
writing grant. Witty at satirical ang katangian ng kanyang mga obra na
tumatalakay sa mga isyu ng panahon. “Amang” ang tawag sa kanya ng
mga kabataang manunulat dahil sa tiyaga niyang magbigay ng libreng
workshop mula pa noong 1974. Marami sa kanila'y mga colleague na
niya sa ngayon. Malimit din siyang maimbitahang maging tagapagsalita,
panelist o judge sa mga gawaing may kinalaman sa pagsusulat sa loob
at labas ng Metro Manila.

Conchitina Cruz

Nagtuturo si Chingbee ng Malikhaing Pagsulat at Panitikan sa


Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nakatanggap na siya ng Fulbright
at Rockefeller Foundation grant, at nakapaglimbag na ng dalawang
libro ng mga tula, ang Dark Hours (UP Press, 2005), na nagawaran ng
National Book Award para sa Tula, at elsewhere leld and lingered (High
Chair, 2008).

238
Romulo P. Baquiran Jr.

Si Joey ay makata at guro ng Malikhaing Pagsulat sa UP Departamento


ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Kasapi siya ng LIRA, Katha, at
Oragon Poet’s Circle.

Naging editor na siya ng maraming libro, ilan sa mga ito ang Pablo
Neruda: Mga Piling Tula kasama ng Pambansang Alagad ng Sining na
si Virgilio Almario, at ang Kuwentong Siyudad kasama nina Rolando
B. Tolentino at Alwin Aguirre. Nakatrabaho na rin niya si Mario
Miclat at nailuwal ang koleksiyong Beauty for Ashes: Remembering
Maningning Miclat.

You might also like