Professional Documents
Culture Documents
*Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na
simbulo.
*Proseso at Katangian
I. Pag-unawang Literal
1. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.
2. Pagkuha ng mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin
3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa.
4. Pagkilala (recognizing) - mga informasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng binasa.
a) Detalye o nilalaman ng kwento
(pangalan ng mga tauhan,panahon,pook)
b) Pangunahing Kaisipan ng talata
(malaking bahagi ng kwento)
c) Paghahambing (Comparison)
pakakapareho o pagkakaiba (mga tauhan,panahon,pook)
d) Sanhi at Bunga (Cause and Effect)
dahilan ng:(mga tiyak ng pangyayari, kilos sa loob ng seleksyon)
e) Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)
malinaw sa mga pangungusap ang makakatulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao.
5. Paggunita (Recalling)-Makagawa sa sariling pangungusap at maipaliwanag na mabuti ang mga
sinasabi sa loob ng kwento.
6. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization)
a) Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying)
1) tao
2) bagay
3) pook
4) pangyayari
b) Pagbabalangkas (Outlining)
1) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng:
2) Tuwirang pagpapahayag
3) Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda
c) Paglalagom (Summarizing)
1) Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa mga
pahayag sa loob ng akda.
d) Pagsasama-sama (Synthesizing)
1) Pagsasama-sama ng mga informasyon o ideyang nangaling sa ibat’t ibang pananaliksik.
V.Pagpapahalaga (Appreciation)
1. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.
2. Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento.
3. Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin ng mga tauhan sa
kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap.
4. Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila o
kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may akda sa kanyang:
a. mabisang pagpapahayag
b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan
5. Pagdama sa nilalaman ng seleksyon.
Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa:
a. interes
b. kagalakan
c. pagkainip
d. pagkatakot
e. pagkayamot
f. pagkagalit
g. pagkasuklam
h. kalungkutan
i. iba pa
Damhin
Upang matupad ang ating layunin sa pagbabasa, kailangangs malaman at sundin ang mga
dimensyon sa pagbabasa. Ang pagpapahalaga sa gawaing ito ay magbibigay sa atin ng magaang na
pakiramdam at damhin ang ating nabasang akda.Ito man ay pangkaalaman o panlibangan na gawain,
matitiyak na magugustuhan natin ang ating mga binasa. Makakapaglaan pa ng kaunting oras sa
paginitindi sa mga akda dahil ang mga dimesyong ito ay nagsisilbing teknik sa pagkuha ng
impormasyon sa akda.
Katulad ng aplikasyon,isa sa mga dimesyon sa pagbasa,naiiugnay ang sariling karanasan sa
akdang nabasa. Nagsisilbi itong tulong sa buhay ng mambabasa upang matiyak na magkakaroon ng
bunga ang kanyang nabasa at di lamang makapagtataas ng kaalaman kundi makakatulong din sa
pagpapadali ng kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Maiuugnay ang anumang kanyang nabasa
sa pagtiyak sa katotohanan ng buhay.
Sa kabuuan, bigyang halaga ang pag-alam sa dimesyon o panukatan sa pagbasa dahil ang
bawat baitang ng dimesyong ito ay maghahatid sa atin sa makabuluhang pamumuhay.Maisasaayos
ang mga pagkakamali at mapupunan ng ang pangngailang pangkaalaman ng bawat mambabasa.