You are on page 1of 3

Pagtukoy sa damdamin ng teksto

Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at


pananaw ng manunulat sa pagsulat ng teksto o akda. Sinasadya man o hindi, mababakas
ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat. Matutukoy ang mga ito sa
pamamagitan ng mga salitang ginamit niya sa teksto.

Damdamin (emotion) – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa teksto. Ito ay


maaaring tuwa, lungkot, galit, poot, takot, paghanga, pag-ibig o humaling, pagnanais,
pagkagulat, pagtataka, pag-asa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, pagkainis,
pagkayamot, at iba pang emosyon o damdamin.

Tono (tone) – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. May mga
may-akda na nagagawang magaan ang paglalahad sa isang seryosong paksa. Ang tono ay
maaaring mapagbiro o mapanudyo, masaya o malungkot, seryoso at satiriko.

Layunin (objective) – tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o
awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat, mang-impluwensiya,
mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay ng impormasyon, magbahagi ng
isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng kabutihang asal at iba pa. ang isang teksto ay
maaaring may dalawa o higit pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.

Pananaw (point of view) – ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag na


pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng manunulat sa kanyang akda.
Gayunman, sa pagtalakay ng anomang akda o teksto, ito ang sumasagot sa tanong na
“Sino ang nagsusulat o nagkukuwento?”

Sa pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad at ng


pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad. Ang pananaw na
gagamitin sa teksto o akda ay nakadaragdag ng kawilihan sa pag-unawa nito.

Ang pananaw ng awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga panghalip na ginamit sa


teksto.

Unang panauhang pananaw – ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami
Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo, ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo,
ninyo
Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila, kanila

Halimbawang Teksto

ANG PILIPINONG DAYUHAN SA SARILING BANSA


ni Dr. Nestor C. de Guzman

Saan nga ba sa mundo makakakita ng isang dayuhan sa sariling bansa? Meron ba? Nais
kong ibahagi sa inyo kapwa ko Pinoy ang isang simpleng artikulo. Simple pero parang
mahirap gawin ng karamihan sa atin, pero kung kakayanin, baka sakaling magawa. Hindi
ito makukuha sa puro daldalan lang or walang kabuluhang pagtatalo, kumilos tayo, ngayon
na.

Madalas mangibang bansa ang mga Pilipino. Natural, kahit papaano, mag-iiba ang kanilang
ikikilos. Sa ibang bansa, kapag sila ay nagkasala, pinarusahan sila ayon sa batas. Sa
Pilipinas, kapag nagkasala ang Pinoy, ayaw niyang maparusahan kasi sabi niya mali raw
ang bataw. Ang galling mangatwiran. Lalo na kung ang batas ay hindi positibo sa kanila.

Sa ibang bansa, pinag-aaralan muna ng Pinoy ang mga batas bago siya pumunta roon,
kasi takot siyang magkamali.

Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy, sorry kasi hindi raw niya alam na labag sa batas
iyon. Kasi naman, hindi nga inaalam, at kahit alam na, kunwari hindi batid lalo na kung
nahuli.

Sa ibang bansa, kahit gaano katas ang bilihin at tax sa USA okey lang, katuwiran natin
doble kayod na lang. samantalang sa Pilipinas, kahit tripling kayod pa…ayaw magbayad ng
tax. Pero ang lakas nilang ipagsigawan ang dapat gawin sa gobyerno sa kanila.

Sa Pilipinas, mahilig ka sa last day para magbayad ng tax minsan dinadaya mo pa o kaya
hindi ka nagbabayad. Rally ka kaagad kapag tumaas ang pasahe at bilihin, imbes na
magsipag, mas gusto natin ang nagkukwentuhan lang sa munisipyo o kahit sa alinmang
tanggapan.

Sa Singapore, kapag nahuli kang nagkalat o nagtapon ng basura sa hindi tamang lugar,
magbabayad ka ng 500 Singapore dollars. Sabi ng Pinoy, okey lang kasi lumabag ako sa
batas. Korek! Saka wala sila sa sariling bansa.

Sa Pilipinas, kapag nagkamali ang Pinoy katulad ng ganito, sabi ng Pinoy, ang lupit naman
ni Bayani Fernando, mali naman ang pinaiiral niyang batas eh, akala mo kung sino siya.
Ayun nag-rally na ang Pinoy, gustong patalsikin si Bayani Fernando kahit na alam niyang
mali siya.

Sa ibang bansa, hindi maidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit saan o itapon man lang,
takot silang mahuli at maparusahan.

Sa Pilipinas, taos-puso pang idinidikit ng mga Pinoy ang bubblegum kahit saan, at madalas
ay sa mga ilalim pa ng upuan o mesa. Tingnan mo ang kinauupuan mo ngayon o kaya ay
damhin ng iyong palad, baka may makapa kang bubblegum ngayon. Kapag sila ay nahuli,
sasabihin pa “TRIP LANG.”

Sa ibang bansa, bawal manigarilyo sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Ang mga
Pinoy, sagrado ang pagsunod sa ganitong batas.

Sa Pilipinas, nakadikit na nga sa loob ng sasakyan ang “Bawal Manigarilyo” ang drayber ng
sasakyan ang walang hinto sa kakahithit ng sigarilyo. Parang naisip ko tuloy, maraming
drayber ang hindi tumuntong ng Grade 1 at hindi marunong magbasa.
Sa ibang bansa, kapag nakita ka ng drayber na lilipat sa tamang daan, kusa silang hihinto
at padadaanin ka. Madidismaya nga lamang sila kapag hindi ka naman tumawid. Kaya
kung wala kang balak tumawid, huwag kang lalapit sa tamang daanan dahil ganoon kabait
ang mga drayber sa ibang bansa, pagbibigyan ka kahit nagmamadali sila.

Sa Pilipinas, maraming tangang drayber o parang lahat yata ay may LBM, kasi
nagmamadali, kahit may lumilipat na, mabilis pa rin ang pagtakbo ng mga sasakyan, hindi
man hihinto kung hindi mo pa sila bibigyan ng senyales ng paghinto. Minsan, nakatawid
kana sa kalahating daan, kailangan mo pang hintayin ang paghinto sa kabilang daan.

Naalala ko tuloy noong isang araw, kailangan ko pang pumunta sa tamang tawiran para
doon tumawid. Pinagtawanan ako ng aking mga kasama at sabi “bakit ka pa pumunta doon
ang layo, pwede naming tumawid dito wala namang sasakyan.” Ang sagot ko sa kanila
“kakaunti na nga lamang kaming sumusunod sa tama, mababawasan pa kami.”

Bilang pagwawakas, alam kong marami sa inyo ang natatawa sa mga binanggit ko, marami
sa inyo ang nakapag-reflect at marahil ay tinamaan kahit kaunti lamang. Mamaya,
babaguhin ang sarili dahil may epekto pa ang mga sinabi ko. Pero ang tanong ko lang,
hanggang kalian ang pagbabago? Bukas? Sa buong linggo? Isang buwan? Isang taon? O
ngayon lang?

Bakit ang Pinoy, puwedeng maging law abiding citizen sa ibang bansa nang walang angal pero sa sarili
nating baying Pilipinas na sinasabi ninyong mahal natin, eh hindi natin magawa, BAKIIITTTTT?

You might also like