You are on page 1of 9

PASKO NA NAMAN MEDLEY

(All) Pasko na naman


Pasko na naman
Kaya kami ngayo’y naririto
Upang kayong lahat
Ay aming handugan
Ng iba’t ibang himig na pamasko

(Women) Ang pasko ay sumapit


Tayo ay mangagsi-awit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa’t isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay
(Men) Bagong taon ay magbagong
buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap
Upang makamtan natin
Ang kasaganahan

(Women) Tayo’y mangagsi-awit


Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral

(All) At magbuhat ngayon


kahi’t hindi pasko ay magbigayan
NAMAMASKO

(Women) Sa maybahay ang aming bati


Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging paskong lagi

(All) Ang sanhi po ng pagparito


Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensiya na kayo’t kami’y namamasko

ANG PASKO SUMAPIT NA NAMAN

(Men) Ang Pasko ay sumapit na naman


Kaya tayo ay dapat na magdiwang
Pagka’t ngayon ay araw ng pagsilang
Ni Hesus na di natin malilimutan
Halina tayo ay manalangin
Ng tayong lahat ay Kanyang pagpalain
(All) Ang Pasko ay ating pasayahin
Sa pagmamahalan natin

Ang kampana’y tuluyang nanggigising


Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-
asa

Ang kampana’y tuluyang nanggigising


Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo’y magkakaroon ng higit na pag-
asa
PASKO NG MADLA

(Women) May gayak ang lahat ng


tahanan
Masdan n’yo at nagpapaligsahan
May parol at ilaw bawa’t bintana
May sadyang naiiba ang ibang kulay
Kay ganda ng ayos ng simbahan
Ang lahat ay inaanyayahan

(All) Nang dahil sa pagsilang


Sa sanggol na siyang maghahari
Ng panghabang panahon

(Men) Ang pasko’y araw ng bigayan


Ang lahat ay nagmamahalan
Tuwing pasko ay lagi nang ganyan
May sigla, may galak ang bayan
MANO PO NINONG

(Women) Maligaya, maligayang


Pasko kayo’y bigyan

(Men) Masagana, masaganang


Bagong tao’y kamtan

(All) Ipagdiwang, ipagdiwang


Araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mabuhay na lagi sa kapayapaan

(Women) Mano po ninong, mano po


ninang
Narito kami ngayo’y
Humahalik sa inyong kamay

(Men) Salamat ninong, salamat ninang


Sa aginaldo po ninyong ibibigay
(All) Pasko na naman, pasko na naman
Kaya kami ngayo’y naririto
Upang kayong lahat ay aming
handugan
Ng iba’t ibang himig na pamasko
Maligaya, Maligaya
Maligayang pasko ---- sa inyong lahat

PASKO NA NAMAN/NOCHE BUENA

(All) Pasko na naman


O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Tayo ay magbigayan
Ngayon ay Pasko, tayo ay magmahalan
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli
Ang pag-ibig naghahari

(Men) Kay sigla ng gabi


Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang ate
Ng manok na tinola
Sa bahay ng kuya
Ay mayroong litsunan pa
Ang bawa’t tahanan
May handang iba’t iba

(Women) Tayo na giliw


Magsalo na tayo
Meron na tayong
Tinapay at keso
Di ba’t Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
(All) Pasko! Pasko! Pasko na namang
muli
Tanging araw nating pinakamimithi

Pasko! Pasko! Pasko na namang muli


Ang pag-ibig naghahari

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Meron na tayong
Tinapay at keso
Di ba’t Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
At bukas ay araw ng Pasko

You might also like