You are on page 1of 181

PAGSUSULIT PANGWIKA

Ang pagsusulit ay ang sistematikong paraan ng pagsukat


ng kakayahan ng isang indibidwal (Brown, 1991). Ang
pagsusulit pangwika ay maaaring isagawa ng pasalita, pasulat,
kompyuter o isang silid kung saan ang kukuha ng pagsusulit ay
kinakailangang pisikal na gawin ang kanyang kaalaman at
kakayahan.

MGA KONSEPTO HINGGIL SA PAGSUSULIT PANGWIKA

Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga


guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto
pagkatapos ng isang pagtuturuan. Mahalaga ng pagsusulit
bilang bahagi ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa isang
mag-aaral sa wika, nagiging daan ito sa lubusang pagkatuto ng
wika. Natututo ang mga bata habang nag-aaral para sa
kanilang pagsusulit at pagkatapos na maiwasto ang kanilang
papel.

Samantala, ang pagsusulit pangwika ay maaaring


isagawa ng pasalita, pasulat, sa pamamagitan ng kompyuter o
sa isang silid-aralan kung saan ang kukuha ng pagsusulit ay
kinakailangang pisikal na gawin ang kanyang kaalaman at
kakayahan.

ANO NGA BA ANG PAGSUSULIT PANGWIKA?

Ang pagsusulit pangwika ay isang instrumento o paraan


upang makalap ang mga partikular na uri ng impormasyon,
karaniwang mga impormasyong may kaugnayan sa kakayahang
pangwika ng mga mag-aaral. Ang mga pagsusulit pangwika ay
may iba’t ibang pormat, haba, uri ng atem, panukan sa
pagbibigay ng puntos at midya. (John Norris, 2000)

Ayon kina Bachman at Palmer, ang pagsusulit pangwika


ay nagbibigay ng sukat na maaaring makapagbigay ng
interpritasyon bilang isang indicator ng kakayahan sa wika ng
isang mag-aaral.

Ang pagsusulit at ebalwasyong pangwika, ayon ina


Fulcher at Davidson (2007) ay iang mahalagang yugto sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng wika dahil tumutulong ito
sa pagmomonitor ng edukasyunal na pag-unlad ng mga ,ag-
aaral at upang i-ebalweyt ang kalidad ng isang sistemang pang-
edukasyon.

Ang pagsusulit pangwika ay isang pagsasanay at pag-


aaral ng pagtataya sa kakayahan ng isang indibidwal sa
epektibong pagamit ng isaang indibidwal ng isang partikular na
wika. (Priscilla Allen, University of Washington)

Ang pagsusulit pangwika ay tumutukoy sa kahit na


anong uri ng pagsusulit na naglalayong mailarawan ang
kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral sa isang wika.
Halimbawa, ang oral na interbyu, mga gawaing sinusubok ang
kakayahan sa pakikinig o ang malayang pagsulat ng
komposisyon.

Kahulugan ng Pagsusulit Pangwika

1. Ito ay ang pagsusulit na sumusukat sa kakayahang


aplikasyon at kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa wika.

2. Ito ay ang pagsusulit n isinasagawa upang mangolekta ng


impormasyon at humusga sa kakayahan ng mag- aaral kung
paano ito gagamitin.

3. Ang pagsusulit pangwika ay grupo ng mga tanong na


sumusukat sa tiyak na topiko o kakayahan sa wika; ito ay
ginawa upang ilahad sa isa o maraming mag- aaral sa isang
nakatakdang oras o araw.

4. Ito rin ay ang paraan upang determinahin kung tutuloy pa sa


susunod na talakayan o uulitin ang ginawang talakayan,
natutunan ng mag- aaral at ang kahusayan ng guro sa
pagtuturo ng wika.
5. Ito rin ay ang paraan upang bigyan ng grado ang isang mag-
aaral.

Kahalagahan ng Pagsusulit Pangwika

1. Nagbibigay ng gabay sa pagpaplano, pagpapatupad at


pagpapayaman ng paraan ng pagtuturo ng wika at ang mga
kagamitang pampagtuturo gagamitin.

2. Nakakamonitora ng pag- unlad ng kakayahan at kaalaman


ng magaaral tungkol sa wika.

3. Nakatutulong upang hikayatin ang mga mag- aaral na


matuto dahil sa kaalaman tungkol sa resulta, kaalaman
tungkol sa matagumpay na pagtatapos ng itinakdang gawain,
magandang grado at mga papuri.

4. Sumusukat sa resulta ng pagtuturo.

5. Nagbibigay ng impormasyon sa mga magulang kung ano ang


lagay ng kanilang mga anak sa paaralan.

Layunin ng Pagsusulit Pangwika

Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsusulit ay pabago-bago


batay na din sa sitwasyon. Sa pagpili ng mga pagsusulit
pangwika na angkop sa iyong layunin sa pagtuturo, tanungin
ang sarili ng mga sumusunod:

1. Bakit ako mahgsasagawa ng pagsusulit pangwika?


2. Nais ko bang malaman ang katayuan ng aking mga mag-
aaral sa kanilang kasanayan sa paggamit ng wika?
Ang pagsusulit pangwika ay isang gawaing psychometric na
sa tradisyunal nitong konteksto ay nagsasaalang-alang ng
produksyon, development at pag-aanalisa ng pagsusulit. Subalit
ang mga bagong pananaw nito ay kritikal at ethical ang naging
dahilan ng mas pagbiigay ng halaga sa pagsusulit panwika. Ang
layunin nito ay upang matukoy ang kakayahan at kaalaman ng
isang mag-aaral sa isang wika at upang maikumpara ang
abilidad nito sa iba pa.
Ang naturang kakayahan ay maaaring may iba’t ibang
uri, achievement, proficiency o aptitude. Ang mga pagsusulit ay
binuuo ng mga tiyak na gawain kung saan nalalaman ang
kakayahan sa wika ng isang mag-aaral.

1. Nagpapaalam sa guro ng naging pag- unlad ng kaalaman sa


wika ng mag- aaral.

2. Nagpapaalam sa mga mag- aaral ng inunlad ng kanilang


kaalaman sa wika.

3. Nagpapaalam sa mga magulang at ibang mga guro ng


inunlad ng kaalaman at kakayahan sa paggamit wika ng mga
mag- aaral.

4. Nagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Gamit ng Pagsusulit Pangwika

1. Sa Pagkatuto
Ang pagsusulit pangwika ay ginagamit uoang masukat
ang kakayahan ng isang mag-aaral, matuklasan kung
gaano karami o kaliit ang kanyang natutunan, matukoy
ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral at upang
mabigyan sila ng mptibasyon sa pagkatuto.

2. Sa Pagtuturo
Ang pagsusulit pangwika ay tumitiyak sa epektibong
pagtuturo at paunlarin pa ang kalidad ng pagtuturo ng
isang guro upang matamo ang feedback tungkol sa
pagkatuto ng mga mag-aaral.

3. Sa Pananaliksik
Ang pagsusulit pangwika ay may mahalagang papel sa
lahat ng pangunahin at inilalapat na mga pananaliksik
na may kaugnayan sa kalikasan ng kaalaman sa wik,
pagproseso nito, akwisisyon ng wika at pagtuturo ng
wika.
May mga tiyak na gamit naman ang pagsusulit pangwika
na nakakabenepisyo sa guro at sa mga mag-aaral. Ito ay ang
mga sumusunod:

Ayon kay Eisner (1993):

1. Pagsukat ng kalagayan ng edukasyon


Ang gamit ng pagsusulit ay nagbibigay pokus hindi
sa kakayahan ng mag- aaral bilang indibidwal kundi sa
kalagayan ng edukasyon sa bansa.
2. Pagbibigay pokus sa pag- aaral
Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagtuturo sa
mga mag- aaral na pag- aaralan o magpakabihasa sa mga
espisipikong sangay o larangan na itinakda ng paaralan.

3. Pagbibigay impormasyon sa guro


Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagbibigay
impormasyon sa mga guro tungkol sa kalidad ng kanilang
pagtuturo.

4. Pagkamit ng itinakdang layunin


Ang paggamit ng pagsusulit ay
nakakapagdetermina kung nakamit ba ang itinakbang
malaman ng mga magaaral o ang layunin sa pagtuturo ng
asignatura.
5. Pagpupuri sa kakayahan ng mag- aaral
Ang paggamit ng pagsusulit upang puriin o
punahin ang kakayahan ng isang magaaral.

Ang Gamit ng Pagsusulit Pangwika sa mga mag- aaral

1. Nagbibigay konsentrasyon sa atensyon ng mga mag- aaral sa


mga espisipikong bahagi o topiko ng asignatura.

2. Nagbibigay ng kinakailangang impormasyon tungkol sa


kakayahan ng mag- aaral.

3. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral kung saan dapat


ituon ang pansin upang mahasa ang kaalaman at kakayahan.
4. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag- aaral upang
mahasa o sanayin ang kanilang kakayahan sa paggamit ng
wika.

5. Nagbibigay impormasyon sa mga mag- aaral tungkol sa pag-


unlad ng kanilang kaalaman at kakayahan.

Pagsusulit vs. Pagsubok

Ano ang pagsusulit?

 Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga


guro upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkakatuto
pagkatapos ng isang pagtuturuan.
 Ang pagsusulit ay sistematikong paraan ng pagsukat ng
kakayahan ng isang indibidwal. (Brown, 1991)

Ang mga salitang pagsubok at pagsusulit ay may


kaugnayan sa isa’t isa. Ang pagsubok ay isang maikling uri ng
pagsusulit na kinakailangang mabigyan ng mabilisang
pagtugon. Samantala, ang pagsusulit naman ay isang
eksaminasyon na sumusunod sa mga procedure o pamamaraan
na nangangailangan ng karampatang panahon.

Pagsubok

Ang pagsubok ay kadalasang iang maikling pagsusulit na


walang malaking epekto sa grado ng isang mag-aaral. Sa
katunayan, ang ibang mga guroa ay hindi ginagamit ang puntos
sa mga pagsubok sa pagdedetermina ng grado ng isang mag-
aaaral. Halimbawa, ang pagsusulit ay may 40 aytem
samantalang ang pagsubok naman ay nasa lima o sasampu
lamang.

Pagsusulit

Ang pagsusulit ay mga istandartd na teknik sa pagtataya


na ginagamit upoang matukoy ang grado ng isang mag-aaral.
Hindi tulad ng mga pagsubok, ang puntis na nakukuha ng
isang mag-aaral sa mga pagsusulit ay may impak sa kanyang
pinal na grado. Kung ang pagsubok ay sumasaklaw lamang sa
maikling pagkakaunawa ng mga aralin, ang pagsusulit naman
ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng kurso, isang buong yunit
o binubuo ng iilang mga kabanata. Sa kadahilanang ito, ang
pagsusulit ay mas mahaba sa pagsubok.

Hindi masyadong malaki ang kaibahan ng pagsusulit


(test) sa pagsubok (quiz) dahil pareho lamang ang dalawa na
sumusukat sa kakayahan (kalakasan at kahinaan) ng mga
mag-aaral at sa kalidad ng pagtuturo ng guro. Bagaman halos
magkapareha ang dalawa ay may kaibahan naman ito, ang
pagsusulit ay isinasagawa pagkatapos o bago ang isang
malawak na aspekto ng isang asignatura samantalang ag
pagsubok naman ay isinasagawa sa loob ng maikling oras at
may konting bilang ng tanong kaysa sa pagsusulit at nakatuon
lamang sa mas maliit at ispisipikong bahagi ng aspekto ng
asignaturang itinuturo. Ito ay kadalasang isinasagawa
pagkatapos ng pagtuturo ng isang topiko.

PAGSUSULIT PAGSUBOK

 mahaba ang  maikling


panahon na - parehong panahon lamang
iginugugol sumusukat sa ang kailangan
 mas malawak kakayahan at
 bahagi lamng ng
ang saklaw kahinaan ng
malawak na
isang magaaral.
 mas maraming topiko
bilang ng - sinusukat ang  -kaunti ang
katanungan kalidad ng bilang ng
guro sa katanungan
 isnasagawa
pagkatapos ng pagtuturo.
 isinasagawa
malawak na
pagkatapos ng
topiko
isang topiko
 maaring i-record
o hindi
Pagsusulit at Pagtuturo: Kaugnayan ng Pagsusulit sa
Pagtuturo

Ang pagsusulit ay nakapokus sa pagtataya ng produkto


ng pagkatuto at sumusukat sa dating natutuhan ng mga mag-
aaral, samantalang ang Pagtuturo ay nakatuon sa epektibong
pagbibigay ng patnubay sa mga mag-aaral upang
pagtagumpayan ang mga proseso sa pagkatuto.

Ang pagsusulit ay may malaking kaugnayan sa


pagtuturo. Ang pagsusulit ay binuo at isinagawa upang
masukat ang natutunan ng isang mag-aaral sa pagtuturo ng
kanyang guro. Ang pagsusulit ang siyang nagpapasya kung
kalidad ba ang ginawang pagtuturo ng guro, kung may
natutunan ba ang mga mag-aaral saitinuro, ilang porsyento ng
itinuro ang tumatatak sa mga magaaral.Ipagpapatuloy ba sa
sususnod na topiko ang itinuro at kung uulitin ba ang
ginawang paguturo. Maaaring sabihing nakadetermina sa
pagsusulit ang gagawin o ituturo ng isang guro sa kanyang mga
mag- aaral.

Sa pagtuturo ang pangunahing target ng mga guro ay


matiyak na may magaganap na pagkatuto at ginagamit niya ang
pagsusulit upang mapag-ibayo ang kanyang pagtuturo.

Ang pagbibigay ng pagsusulit ay isang matipid na paraan


sa pag-alam kung anong pagkatuto ang tagalay ng mga mag-
aaral ngunit maraming bagay rin lalo na iyong mahahalagang
aspekto ng wika na kailangan sa pakikipagtalastasan. Sa
pagtuturo kailangang laging isaisip ang realidad ng pagkatuto
at ang mga sitwasyong paglalapatan ng mga kasanayan at
wikang natutunan.

Pagsusulit at Ebalwasyon

PAGSUSULIT EBALWASYON

Kadalasang inaanunsyo upang Kadalasang hindi inaanunsyo


makapaghanda ang mga mag- dahil ang layunin ay impormal
aaral sa pagsusulit na mabatid ang pag-unlad ng
mga mag-aaral

Kadalasang sumusukat sa Ang layunin ay malaamn kung


natutunan ng mga mag-aaral ano ang kinakailangan ng a
sa isang yunit ng instruksyon mag-aaral (mga paksang
kailangang muling talakayin o
pagpapalawak sa talakayan)

Ay dinesenyo upang Kadalasang impormal at hindi


magresulta sa pagkuha ng isinasaalang-alang ang grado o
grado o puntos sa pagsusulit putos

Nagaganap sa iisang panahon Ay kadalasang ginaganap at


at lugar pinagpapatuloy (ongoing and
continuous)

Ang karaniwang pormat at Maaaring magamit ang mga


multiple choice, tamang sagot rubriks at minsan ay discrete
at iba pang paraan upang
subukin ang mga mag-aaral

Kadalasang hindi Kadalasang contextualized


contextualized

Ang pagsusulit ay may malaking ugnayan sa ebalwasyon.


Ayon kay Oriondo at Antonio (2004), pagsusulit ay isang paraan
upang matamo ang mga impormasyon na kinakailangan sa
ebalwasyon. Binanggit rin ni Badayos(2008), sa kanyang aklat
na ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro
upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng
isang pagtuturuan. Ito ay maaring pormal kung itinatakda at
may proctor na namamahala sa pagsusulit. Ang ebalwasyon
naman ay paraan ng pagmamarka at paghuhusga ng kaalaman,
kakayahan, pagsusulit, pagsubok, pag- uulat at gawa ng isang
mag- aaral.

Ito ang ilan sa mga dapat tandaan sa ebalwasyon:

1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag- aaral


bago magbigay ng panuto para sa pagsusulit.

2. Ipaliwanag sa mga mag- aaral kung paanong ang ugali sa


trabaho, gawain at oras ng pagpapasa ng mga gawain ay
huhusgahan o mamarkahan/ eebalwahin.

3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang


basehan ng pagbibigay ng marka.

4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan ng


na kasali sa ebalwasyon.

5. Huwag babaan ang marka ng isang mag- aaral o apektuhan


ang ebalwasyon ng isang mag- aaral dahil sa pagiging huli sa
oras ng klase, unang impresyon sa isang mag- aaral, damdamin
at kawalang modo.

6. Iwasan ang may kinikilingan, dapat irebisa ang mga


ebidensiya.

PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT PANGWIKA

Mahalaga sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ang


pagsasagawa ng pagsusulit. Sa pamamagitan nito ay mababatid
ng guro ang kaalaman ng kanyang mag-aaral maging ang
pagiging epektibo ng kanyang pagtuturo. Dahil dito,
kinakailangang ang isang pagsusulit ay maaayos at mahusay
ang pagkakagawa nang sa gayon ay makamit nito ang mga
layunin kung bakit nga ba nagsasagawa ng pagsusulit.

Ang pagsusulit pangwika ay mahalaga sa isang mag-aaral


sa wika dahil sa pamamagitan nito ay malalaman ng isang mag-
aaral ang kanyang kaalaman hinggil sa target na wika. Ang
mahusay na pagkagagawa ng ng pagsusulit pangwika ay
pumupukaw sa interes ng pag-aaral ng isang mag-aaral sa
wika.

Mahalaga rin ito para sa mga guro dahil nalalaman ng


guro ang kabisaan ng kanyang pagtuturo, ang kaangkupan ng
kanyang aralin sa antas ng pag-unawa ng kanyang mga mag-
aaral at malalaman niya ang kasanayang kinakailangan niyang
bigyang diin at anu-anong mga aralin ang kinakailanagng
matalakay muli nang sa gayon ay magiging mas mahusay ang
kanyang paraan ng pagtuturo.

KATANGIAN NG PAGSUSULIT PANGWIKA

Ang pagsusulit pangwika ay nagtatakda o nagsusukat ng


kakayahan at kaalaman ng isang indibidwal sa isang particular
na wika. (Bachman at Palmer, 1996). Sa paghahanda ng
pagsusulit pangwika ay kinakailangang isaalang-alang ang iba’t
ibang tuntunin sa ng paggawa ng pagsusulit, ang katangian ng
pagsusulit pangwika, mga batayan nito at iba pa. Narito ang
ilang mga katangian ng pagsusulit pangwika:

1. Ang isang mahusay na pagsusulit pangwika ay


nagtataglay ng mga tuntunin upang maging
makabuluhan ang gagawing pagsusulit.

Ito ang pinakamahalagang katangiang kinakailangang


taglayin ng isang pagsusulit pangwika. Kinakailangang
masagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

a. Paano nagiging makabuluhan ang isang


pagsusulit?
b. Paano natin malalaman na ang isang pagsusulit ay
magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang bago
pa isagawa ang isang pagsusulit?
c. Naging makabuluhan baa ng pagsusulit matapos
itong isainagawa?
Mga kailangang isaalang alang sa isasagawang pagsusulit
pangwika ayon kina Bachman at Palmer (1996):

a. Reliability
b. Valid (construct validity)
c. Authenticity
d. Practicality
e. Interactiveness

Tumutukoy sa antas nang pakikilahok ng


mga mag-aaral na nagtataglay ng kani-kanilang
katangian at abilidad na sagutan ang isang
pagsusulit o isagawa ang isang gawain o aktibidad.

f. Impact

Isinasaalang alang ang impak ng isang


pagsusulit hindi lamang sa mga mag-aaral o guro
kundi maging ng lipunan at mga tagapamahala ng
paaralan.

Impak ng pagsusulit pangwika sa mga mag-


aaral:
- ang pagkuha ng pagsusulit at ang
paghahanda para dito
-ang Ifeedback na kanilang natanggap batay
sa resulta ng pagsusulit
-ang paghihinuha ng kung ano ang dapat
nilang gawin sa susunod na pagsusulit batay
sa resulta ng kasalukuyang pagsusulit

Impak ng pagsusulit pangwika sa mga


guro:
-makatutulong upang lalo pang mapaunlad
ng mga guro ang pagsusulit na isinagawa
2. Isinasaalang-alang ang kung ano ang dapat na
matutunan ng mga mag-aaral sa wika batay sa
inaasahang resulta na nakasaad sa syllabus ng
asignaturang pangwika.

Sa pamamagitan ng pagsusulit pangwika ay


magkakaroon ng batayan ang isang guro kung maaari na
ba siyang magpatuloy sa susunod na paksa ng talakayan
o kung kinakailangan niya bang muling talakayin ang
paksang napapaloob sa isinagawang pagsusulit.

3. Ang mahusay na pagsusulit ay may positibong epekto


sa pagkatuto at nagdudulot ng mas mahusay na
paraan ng pagtuturo ng target na wika

Matukoy kung aling bahagi ng diskusyon ang hindi


gaanong maintindihan at mahirap na maunawaan ng
mga mag-aaral. Sa paraang ito ay makakabuo ang guro
ng paraan kung paano ituturo ang isang paksa sa isang
paraan na lalo itong maintindihan ng mga mag-aaral o
magsagawa ng mga aktibidad upang maiwasto ang mga di
tumpak na pagkakaintindi ng mga mag-aaral.

4. Ang pagsusulit ay isang instrumento upang mabatid


ng mga guro kung saang bahagi ng pagtuturo ng wika
nahihirapan ang mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng resulta ng pagsusulit pangwika


ay mahihinuha ng guro kung saang bahagi ng kanyang
itinuturo ang hindi madaling naunawaan o mahirap para
sa isang mag-aaral o ng buong klase. Bilang resulta ay
maaaring magsagawa ang guro ng karagdagang mga
gawain o pagtatama sa mga kamalian upang
maintindihan ng mga mag-aaral ng lubusan ang isang
particular na paksa.

5. Inihanda ang pagsusulit pangwika sa layuning matuto


ang mga mag-aaral mula sa kanilang kahinaan.
Sa pamamagitan ng pagsusulit pangwika ay
malalaman ng guro kung ano o ano-ano ang kahinaan ng
kanyang mga mag-aaral. Kaugnay nito, mahihinuha niya
kung aling mga kagamitan sa pagtuturo at anong mga
gawain ang kailangan niyang gamitin batay sa resulta ng
mga pagsusulit na nagpapakita ng kahinaan at
kakayahan ng kanyang mga mag-aaral.

6. Sinusukat ng pagsusulit pangwika ang kakayahan ng


mga mag-aaral.

Gamit ang pagsusulit pangwika ay masusukat ng


mga guro kung hanggang saan ang natutunan ng mga
mag-aaral o kung gaano ba nila naintindihan ang isang
paksa.

7. Ang isang pagsusulit na naihanda ng maayos ay isang


daan upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang
kakayahan na magsagawa ng mga language task.

Kung maayos na ginawa ang isang pagsusulit


pangwika ay maayos din na maipapakita ng mga mag-
aaral ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng
matagumpay na pagsagot sa mga katanungan o
pangangailangang kinakailangan nilang gawin sa isang
language task.

8. Ang epektibong pagsusulit ay nabatay sa paksang


itinuturo (instruksyon)
a. Ano ang nais kong matutunan ng aking mag-aaral?
b. Ano ang maaari nilang maggawa upang maipakita
na natutunan nila ang paksang aking itinuro?

Halimbawa:

Pagsasagawa ng mga mag-aaral ng isang


gawaing may kinalaman sa retorika. Ang mga mag-
aaral ay inatasan na gumawa ng isang sanaysay gamit
ang mga tuntunin na itinuro ng guro sa retorika. Kung
naintindihan ng mga mag-aaral ang mga tuntunin ay
magiging wasto ang pagkakabuo nila ng sanaysay
(gramatika, paggamit ng mga salita at kabuuang anyo
ng sanaysay) at kung hindi naman ay makikita ng
guro ang mga pagkakamali sa kanilang sanaysay na
ipinasa.

9. Ang mahusay na pagsusulit pangwika ay hindi lamang


nakasentro sa kaalaman ng mga mag-aaral sa
gramatika at bukabularyo kundi ito rin ay maging
daan upang masukat ng mga guro ang kakayahan ng
m
g
a

m
a
g
-
a
a
ral na gamitin ang mga kaalamang ito sa aktwal na
komunikasyon.

Halimbawa:

Maging sa bansang Hapon ay isinaalang-alang din


ang kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang
kanilang wika sa aktwal na komunikasyon.

Maging sa Pilipinas ay mahalaga na isaalang-alang


ang katangiang ito sapagkat upang ang isang pagsusulit
pangwika ay maging makabuluhan ay kinakailangang
magamit rin nila ang mga kaalamang natutunan sa mga
gawaing pang-araw araw.

10. Nakadisenyo upang maging isang maghalagang


kagamitang pampagtuturo na makatutulong sa mga
guro na iangkop ang kanilang estilo o estratihiya ng
pagtuturo sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral.
Hindi lamang isang paraan ng pageevalweyt ng mga
puntos o scores ang pagsusulit pangwika kundi ito rin ay
isang mahalagang instrumento na magbibigay ng ideya sa
guro kung anong mga estilo ba ng dapat niyang gamitin
batay sa mga katangian ng mag-aaral

11. Ang pagsusulit pangwika ay daan upang lalo


pang maintindihan ng mga mag-aaral ang layunin ng
isang paksa, gamit ng mga materyal sa pagtuturo at
intensyon ng isang gawaing isinasagawa.

Kinakailangang malaman ng mga mag-aaral ang


layunin ng isang paksa upang maayos silang magabayan
kung ano nga ba ang kinakailangan at mahahalagang
kaalaman na kinakailangan nilang matutunan. Ang
kaalaman din nila sa gamit ng mga instriuksyunal na
kagamitan ay mahalaga upang nagamit nila ito ng angkop
at mas epektibo.

BATAYANG SIMULAIN SA PAGSUSULIT PANGWIKA

1. Pagsusulit Pangwika sa makabuluhang Pakikipaghatiran


(Communicative Test)
2. Pagsusulit Pangwika sa mga bagay na kinapapalooban ng
suliranin sa pagkatoto.
3. Ang sangkap at kasanayan sa wika ang dapat subukin sa
tunay na pakikipag-usap o pakikipaghatiran.
4. Subukin ang mga kahirapan, isa-isa lamang.
5. Subukin lamang ang naituro ng puspusan.
6. Hindi lamang ang batayang simulain ang isaalang-alang
gayon din ang pamantayan sa pagpapahalaga sa
pagsusulit.

Mga Simulain Sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit


Pangwika
1. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula
ang mga estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba
pang dadalawa lamang ang pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa
mga estudyante subalit nagdudulot ng kinalabasang di naman
mapapaniwalaan.

2. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng


pagsasanay o pagsususlit nang sa gayo'y masukat di-lamang
ang kanilang kaalaman kundi pati na ang kakayahang
umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

3. Sikaping maghanda ng susi sa pagwawasto bago ibigay ang


pagsasanay o pagsususlit. Itoy isang paraan upang lalong
makatiyak sa kawastuan ng sagot sa bawat tanong. Habang
inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto ,may
pagkakataon siyang makita ang mumunting kamalian, o mga
bagay-bagay na maaring makalito sa mga bata.

4. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong.


Karaniwan nang ang ganitong kasagutan ay bunga ng mga
obhektibong tanong. ang pasanaysay na pagsusulit ay hindi
nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-
paniwala ang marka o iskor sa mga pagsususlit na pasanaysay
sapagkat ito'y nababatay o nasasalig sa kondisyon ng
tagapagwasto.

5. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay


naangkop sa kakayahan ng nakararami. Kapag lubhang
mahirap ang tanong at ni isa'y walang maksagot masasabing
hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat
sukatin nito.Kailangang may sapat itong kahirapan upang
maipamalas ng mahihinang bata ang kanilang natutuhan at
maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang kakayahan.

6. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong.


Ang kaisipang napapaloob ay kailangang maliwanag na
mailalahad upang maunawaan ng mga bata ang hinihing ng
bawat tanong.
7. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa
isipan ng mga estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan
na kung di man masaklaw ng pagsusulit ay hindi rin magiging
kawalan para sa mga bata

GABAY SA PAGBUBUO NG PAGSUSULIT PANGWIKA

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito


nang buong katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais
sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.

1. Pagplano ng pagsusulit

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.


-Upang masukat ang natutunan ng mga mag-
aaral sa ginawang pagtuturo ng guro o kung
may natutunan ba ang mag-aaral sa itinuro.
-Upang matiyak kung taglay na ng mga mag-
aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-
requisite skills) o upang malaman ang
kaalaman at mga bahagi ang kailangang
linangin sa mga mag-aaral.
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng
pagsusulit.
-Kaalaman (Knowledge)
-Komprehensyon (Comprehension)
-Paglalapat (Application)
-Pagsusuri (Analysis)
-Pagbubuod (Synthesis)
-Pagtataya (Evaluation)

c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral


objectives) batay sa mga kasanayan at kakayahang
susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon.
Makikita sa talahanayan ang kabuuang saklaw ng
pagsusulit.
Ang Talahanayan ng Ispisipikasyon ay isang plano
sa pagsusulit kung anong topiko o konsepto ang ilalagay
sa pagsusulit. Isa itong matrix na kung saan ay may mga
espisipikong topiko o kasanayan at ang layunin nito'y
nakabatay sa Bloom's taxonomy. Tinatawag din itong:
blueprint sa pagsusulit, test grid o content validity chart.

e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na


gagamitin.
Halimbawa:
 True or False Test o Pagsusulit na Tama o
Mali- isang uring papalit na pagsusulit na
dalawa lamang ang pamimilian ng
gumaganap. Pinakapayak at
pinakamarami ang anyo ay ang wasto-
mali at oo- hindi. Tiyak na nag- aanyaya
sa paghuhula
 Error Recognition Test o Pagtukoy sa
Mali- isang uri ng pagsusulit na
integratibo sapagkat sinusubok nito ang
pangkalahatang kasanayan sa wika.
 Multiple Choice Test o Uring Papili- ay
nabibilang sa uring pakilala binubuong
pahayag na diganap at sinusundan ng
mula sa tatlo hanggang limang
kasagutan.Isang sagot lamang ang pipiliin
na siyang pamuno sa pangungusap.
 Completion Test o Pagsusulit na
Pagpupuno sa Patlang- ay ang pagpupuno
ng mga nawawalang salita o lipon ng mga
salita sa isang pangungusap o talata
 Cloze Test- isang uri ng pagsusulit na
binubuo ng isa o higit pang talata na may
puwang para sa mga kinaltas na salita
 Pagsusulit-C- sa pang uri ng cloze test.
Iniiwang buo ang unang pangungusap ng
teksto. Simula sa ikalawang pangungusap,
tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang
ilang titik. (Depende sa haba ng salita ang
bilang ng letrang kakaltasin.) Ang pag-
iwang buo sa una at huling pangungusap
ay magsisilbing gabay sa pagsagot ng mga
mag-aral.

2. Paghahanda ng Pagsusulit

a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng


ispesipikasyon bilang patnubay hinggil sa kung ilang
aytem ang bubuuin para sa bawat kasanayang
susukatin.

b. Suriin ang aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa


isa o dalawang kaguro ang mga aytem. Magagamit ang
mga sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng aytem.

1. Sinubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na


kasanayang kasama sa talahanayan?
2. Akma ba sa sinusubok na kasanayan ang bawat
uri ng aytem sa pagsususlit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng
bawat aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig
ang aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem
para sa mga kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distractor o joker ba ay sadyang mabuti
at maayos ang pagkabalanse at hindi
magtutunton sa wastong sagot?
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat
layunin o kasanayan sa talahanayan ng
ispesipikasyon.
8. Hind ba kakikitaan ng regular na pardon ang
pagahahanay ng mga wastong sagot?

c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.


1. Pagsama-samahin ang mga aytem na
magkakauri.
2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng
kahirapan. Ilahad muna ang madadaling aytem
bago ang mga mahihirap na aytem.

d. Ihanda ang mga panuto.


Panuto ay ang tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos
na gawain. Makatutulong sa maayos, mabilis, at
wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa
ibinigay na panuto.

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at


maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga
sumusunod na impormasyon:

a. Ang layunin ng pagsususlit.


b. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng
pagsusulit.
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik
lamang ba ng tamang sagot ang isusulat o
sisipiin ba sa sagutang papel ang sagot?

Halimbawa:

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti


ang mga pahayag na nakaitalisado.
Kilalanin kung anong uri ng tayutay ang
mga ito. Isulat ang sagot sa patlang.
Sagutan lamang ito sa loob ng isang (1)
oras.

2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang


kabuuan ng pagsusulit, kailangang magkaroon
ng isang pangkalahatang panuto at may mga
tiyak na panuto para sa bawat partikular na uri
ng pagsusulit.
3 Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel.

4 Pagpapahalaga ng pagsusulit.
Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang
pagkamabisa ng mga aytem.
1. Kahirapan ng aytem (index of difficulty) - ang
porsyento ng mga estudyante na nakakuha ng
tamang aytem
2. Kakayahanag magtangi (discrimatory power) -
ang pagkakalayo ng mga nakakuha ng mataas
at ng mababa.
3. Pagkamabisa ng bawat distractor

5 Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.


Kapag mababa ang marka o kinalabasan ng pagsusulit,
maaaring uulitin ng guro ang topiko upang maintindihan ng
lubusan ng mga mag-aaral ang mga hindi nila naintindihan at
kapag naman katamtaman o mataas ang nakuha nilang marka
ay maaari nang ipagpatuloy ng guro ang susunod na topiko.
Ang pagsusulit ay ang sistematikong paraan ng pagsukat
ng kakayahan ng isang indibidwal(Brown, 1991). Ang
pagsusulit pangwika ay maaaring isagawa ng pasalita, pasulat,
kompyuter o isang silid kung saan ang kukuha ng pagsusulit ay
kinakailangang pisikal na gawin ang kanyang kaalaman at
kakayahan.

Katangian ng Pagsusulit Pangwika:

1. Pagkamabisa/ Pagkabalido (validity)- Kung talagang


sinusukat ng pagsusulit ang nais mong sukatin.

a. Criterion validity- pagsukat sa dapat na sukatin.

b. Content validity- kahusayan sa paggamit ng


kalayaan ng lawak ng paksa sa paggawa ng
konklusyon.

c. Construct validity- antas ng paggamit ng mga


batayang theoritikal sa paggawa ng pagsusulit.

Mga Katangiang Sinusukat (Castaneto at Abad):

1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang


mga bagay na hangad sukatin.
2.Ang mga bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat
nito.
3.Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw
nito ay isang paraan ng pagiging mabisa ng
pagsusulit.
4.Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.
5.Hindi sapat na ang pagsusulit ay sumusukat lamang sa
kaalamang natamo ng mga estudyante kundi pati
na ang pang-unawa at paggamit sa kaalamang ito.

6.Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga


estudyante.
7.Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit
ang gagamitin.

8.Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa


layunin, paksa at kakayahan ng mga mag- aaral.

2. Mapanghahawakan (reability)- ang pagsusulit ay


mapagkakatiwalaan kung ito’y may kaugnay sa katatagan
sa isang antas ng mag-aaral.

3. Pagiging praktikal (practicality)- hindi magugot sa


salapi at panahon: maling ibigay, iwasto at bigyan ng
interpretasyon ang iskor.

Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman,


kakayahan at pag-unawa ng kanyang mga estudyante. Ang
pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang
pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa
kakanyahan ng isang estudyante, malaki rin itong basihan
kung naging maayos ba o hindi ang ginawang pagtuturo ng
guro.
Mahalaga ang pagsusulit sa isang mag-aaral ng wika
dahil: Una, ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay
naktutulong upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ang
isang bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit
nagkakaroon ng katuparan ang mga pagsisikap ng isang
estudyante sa kanyan pag-aara. Ikalawa,nagiging daan din
ang pagsusulit sa lubusang pagkauto ng wika.
Para sa mga Guro, mahalaga rin ang pagsusulit. Ito‘y
nagbibigay tugun sa mga sumusunod: ―Naging mabisa ba ang
pagtuturo?‖, ―Angkop ba ang aking aralin sa aking mga
estudyante?‖, ―Aling mga kasanayan ang dapat Bigyang diin?‖
at ―Alin ang kailangang ituro muli?
Ang Paghahanda ng Pagsusulit (Badayos, 1999)

Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito


nang buong katapatan ang mga kasanayan at kabatirang nais
sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.

1. Pagplano ng pagsusulit

a. Tiyakan ang layunin ng pagsusulit.


b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng
pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral
objectives) batay sa mga kasanayan at kakayahang
susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa
talahanayan ang kabuuang saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

2. Paghahanda ng Pagsusulit

A. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng


ispesipikasyon bilang patnubay hinggil sa kung ilang
aytem ang bubuuin para sa bawat kasanayang susukatin.

B. Suriin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri


sa isa o dalawang kaguro ang mga aytem. Magagamit ang
sumusunod na mga tanong sa pagsusuri ng mga aytem.

1. Sinusubok ba ng bawat aytem ang isang tiyak na


kasanayang kasama sa talahanayan?
2. Akma ba sa sinusubok na kasanan ang bawat uri ng
aytem sa pagsusulit?
3. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat
aytem?
4. Wala bang mga di-kailangang salita o pahiwatig ang
aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa
mga kukuha ng pagsusulit?
6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti at
maayos ang pagkabalanse at hindi magtutunton sa
wastong sagot?
7. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin
o kasanayan sa talahanayan ng ispesipikasyon.
8. Hindi ba kakikitan ng regular na padron ang
paghahanay ng mga wastong sagot?

C. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.


2. Isayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan.
Ilahad muna ang madadaling aytem bago ang mahihirap
na aytem.

D. Ihanda ang mga panuto.

1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli. Ito


ay dapat magbigay ng mga sumusunod na impormasyon:
a. Ang layunin ng pagsusulit.
b . Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit .
c. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng
tamang sagot ang isusulat o sisipiin ba sa sagutang papel
ang sagot?
2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng
pagsusulit, kailangang magkaroon ng isang
pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para
sa bawat partikular na uri ng pagsusulit.

3. Pagbibigay ng pagsusulit at pagwawasto ng mga papel

4. Pagpapahalaga ng pagsusulit

Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang


pagkamabisa ng mga aytem
1. Kahirapan ng aytem (index of difficulty)
2. Kakayahang magtangi(discriminatory power)
3. Pagkamabisa ng bawat distraktor

5. Pagbibigay ng kahulugan sa kinalabasan ng pagsusulit.


VALIDITY

Ang kakayahan magbigay ng batayan ng isang pagsusulit


at maghinuha ng interpretasyon na nakabase sa ibinigay na
pagsusulit.

Pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro


ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang
criterion-referenced test. May kinalaman ang validity sa layunin
ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng
pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng
pagtuturo. May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng
mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng
mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit
(usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol
(variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang
tinataya.

Mga katangiang sinusukat (Castaneto at Abad):

1. Mabisa ang isang pagsusulit kung sinusukat nito ang


mga bagay na hangad sukatin.
2. Ang mg bagay na karaniwang itinuro na ang sinusukat
nito.
3. Ang maingat na pagsasaayos ng mga nilalamang saklaw
nito ay isang paraan ng pagiging mabisa ng pagsusulit.
4. Kailangang ikinalat ang mga tanong nang maayos.
5. Hindi sapat na ang pagsusulit ay sumusukat lamang sa
mga kaalamang natamo ng mga estudyante kundi pati na
ang pang-unawa at paggamit sa mga kaalamang ito.
6. Nararapat na iangkop ang kakayahan ng mga estudyante.
7. Hindi makatarungang isang set lamang ng pagsusulit ang
gagamitin
8. Ang pagkamabisa ng pagsusulit ay nakasalig sa layunin,
paksa at kakayahan ng mga estudyante.

Mga Uri ng Validity

1. Criterion-Related Validity- sinusukat nito ang


kahusayan ng indibidwal batay sa criterion.

2. Content Validity- pinagtutuunan ang domeyn o


kasanayan at personalidad. Nasusukat dito ang bunga ng
pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at
kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang
layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri
ng mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa
pagsusulit.

Ginagamitan ito ng Item Analysis upang masukat


kung ilan ang nakauunawa sa mga aralin na sakop ng
pagsusulit.

3. Face Validity- ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung


katanggap-tanggap sa gagamit nito.
4. Predictive Validity- sa Predictive Validity, kinokonsidera
ang katanungan na, “paano makatutulong ang isang
pagsusulit lalo na sa resulta nito, upang mabatid ang
magiging buhay sa hinaharap ng isang baguhan o
beterano?”

5. Construct Validity- ang pagiinterpreta ng resulta ng


pagsusulit bilang instrumento upang masukat ang
abilidad at kakayahan na nais na masukat. Ang isang
pagsusulit ay balido kung ito ay makabuluhan at may
angkop na interpretrasyon batay sa mga puntos na
resulta ng mga pagsusulit. Sa pagiinterpreta ng mga
puntos sa isang pagsusulit pangwika bilang indikasyon
ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral,
kinakailangang masagot ang katanungang: “To what
extent can we justify these interpretations?”

RELIABILITY

Mapanghahawakan ang isang pagsusulit kung konsistent


ang mag-aaral sa kanyang ranggo tuwing bibigyan ng
pagsusulit na may katulad na nilalaman. Sa kasong ito
masasabing ang pagsusulit ay mayroong konsistensi sa
pagsukat sa mga aytem na sinuri.

Uri ng Reliability:

1. Test-retest reliability – isang uri ng pagsukat ng


reliability na kung saan ay magbibigay ang guro ng
parehong pagsusulit nang dalawang beses sa parehong
grupo ng mag-aaral tandaan na ang pagbigay ng una at
huling pagsusulit ay di dapat ibigay sa parehong araw at
oras.

2. Parallel forms reliability – upang masiguro na hindi na


lang basta aasa ang mga estudyante sa kanilang
memorya o natatandaan na sagot ay iibahin ang paraan
ng pagbibigay ng pre-test at post-test. Iibahin ito sa
pamamagitan ng pag-iba ng katanungan o uri ng
pagsusulit na gagamitin, subalit kailangan na pareho ang
paksang gagamitin o saklaw ng pag-aaral na ipapaloob sa
gagawing pagsusulit. Ibibigay ang dalawang set ng
pagsusulit na ito sa parehong grupo ng mag-aaral.
3. Inter-rater reliability- isang uri ng pagsukat ng
natutunan o kakayahan na kung saan ang mga hurado o
kritiko ang siyang magbibigay ng desisyon o iskor kung
pasado ba o hindi ang kanilang inoobserbahan na output
ng mag-aaral.

PRACTICALITY

Hindi magugol sa salapi at panahon; medaling ibigay,


iwasto at bigyan ng interpretasyon ang iskor. Ang haba ng
pagsusulit ay angkop sa haba ng oras na inilaan.

Nahahati sa tatlong uri ang mga resources na kinakailan


sa paggawa ng pagsusulit:
a. Human resources- ang gagawa ng pagsusulit,
ang kukuha ng pagsusulit
b. Material resources- mga kagamitan na
kinakailangan sa pagsasagawa ng pagsusulit
c. Time- ang haba ng panahon na iginugol upang
ihanda ang pagsusulit. Kinakailangang ang haba
ng pagsusulit ay angkop sa haba ng oras na
inilaan.

Isang proseso upang malaman ang kakayan ng


estudyante sa isang aytem sa pagsusulit. Ito'y kailangan para
malaman kung madali o mahirap ba ang katanungan o kung
dapat ba itong panatilihin o palitan. Sa paghahanda ng
pagsusulit, nilalayong makakuha ng average difficulty.

Ang item analysis ay gumagamit ng estatistika at dalubhasang


paghahatol upang i-ebalweyt ang isang pagsusulit batay sa
kalidad ng isanf ayem, set ng mga aytem o ang kabuuang set ng
mga aytem, maging ang kaugnayan ng isang aytem sa iba,
sinusuri nito ang performance ng isang aytem. Ginagamit ang
impormasyong ito para paunlarin ang isang aytem at ang
kalidad ng isang pagsusulit.
Pagkatapos na maisagawa at mabigyan ng puntos ang isang
pagsusulit, mahalaga na sukatin ang pagighing epektio nito.
Ginagawa ito sa pamamagitan n pag-aaral kung paano tugunan
ng isang mag-aaral ang bawat aytem.
Ang item analysis ay nagbibigay ng impormasyon sa mga
sumusunod:

1. Ang kahirapan ng isang aytem


2. Ang discriminating power ng isang aytem
3. Ang pagiging epektibo ng isang aytem

Ang impormasyon mula sa item analysis ay magbibigay


ng kaalaman sa mga guro kung ang isang aytem ba ay
napakahirap o napakadali. Sinasabi nito kung paano nito
dinidiscriminate ang high at low achievers sa pagsusulit. At
sinasabi nto kung ang mga opsyon ba ay maaayos na
nagagamit.

Hakbang sa Paggawa ng Item Analysis:

1. Ayusin ang mga score mula sa pinakamataas hanggang sa


pinakamababa.

2. Ihiwalay ang top 27% at buttom 27%.

Hal: 55 na mga estudyante

55×.27=14.85 o 15

Upper 27%

Frequency Proportion (12/15)

Q1 12 0.80

Q2 5 0.33

Q3 15 1.00
Q4 13 0.87

Q5 14 0.93

Lower 27 %

Frequency Proportion (9/15)

Q1 9 0.60

Q2 3 0.20

Q3 14 0.93

Q4 4 0.27

Q5 10 0.67

Index of Item Difficulty Index of Discrimination


Df= (Pu+Pl)/2 Ds= Pu-Pl

Item Index of Difficulty Index of Decisio


s Discrimination n
Frequenci Interpretati Freq Interpretation
es on .
Q1 .70 Easy .20 Non- Reject
discriminatin
g
Q2 .27 Difficult .13 Non- Reject
discriminatin
g
Q3 .97 Very easy .07 Questionable Reject
Item
Q4 .57 Moderately .60 Very Reject
difficult discriminatin
g
Q5 .80 Easy .27 Moderately Revise
discriminatin d
ng

Index of Difficulty- ang porsyento ng mga estudyante na


nakakuha ng tamang aytem.

Interpretasyonng Difficulty Index:

0.00-0.20 –Very Difficult


0.21- 0.40- Difficult
0.41-0.60- Moderately Difficult
0.61- 0.80- Easy
0.81- 1.00- Very Easy

Index of Discrimination- makikita dito ang pagkakalayo ng


mga nakakuha ng mataas at ng mababa.

Interpretasyong Index of Discrimination

00.0-0.10- Questionable Item


0.11-0.20- Non-Discriminating
0.21-0.30- Moderately Discriminating
0.31- 0.40- Discriminating
0.41-1.00- Very Discriminating
Desisyon (Abubakar Arsaad, 2004)

Difficulty Discrimination Item Category Remarks


Level Level
Very Questionable Very poor Rejected
Difficult Not discriminating Poor Rejected
0.00-0.20 Moderately Poor Rejected
Discriminating Poor Rejected
Discriminating Very poor Rejected
Very
Discriminating

Difficult Questionable Very Poor Rejected


0.21-0.40 Not discriminating Poor Rejected
Moderately Fair Retained
Discriminating Good Retained
Discriminating Very Poor Rejected
Very
Discriminating

Moderately Questionable Poor Rejected


Difficult Not discriminating Reasonably Revised
0.41-0.60 Moderately good Retained
Discriminating Good Retained
Discriminating Very Good Rejected
Very Poor
Discriminating

Easy Questionable Very Poor Rejected


0.61-0.80 Not discriminating Poor Rejected
Moderately ReasonablyGood Revised
Discriminating ReasonablyGood Revised
Discriminating Very Poor Reject
Very
Discriminating

Very Easy Questionable Very poor Reject


0.81-1.00 Not discriminating Poor Reject
Moderately Poor Reject
Discriminating Poor Reject
Discriminating Very Poor Reject
Very
Discriminating

Iterpretasyon ng Difficulty Index:

.00-.20= Mahirap

Index of Discrimination - makikita dito ang pagkakalayo ng


mga nakakuha ng mataas at ng mababa.
DESISYON
Ang Talahanayan ng Ispesipikasyon ay isang plano sa
pagsusulit kung anong paksa o konsepto ang ilalagay sa
pagsusulit. Isa itong matrix na kung saan ay may mga
ispesipikong paksa o kasanayan at ang layunin nito'y
nakabatay sa Bloom's taxonomy. Tinatawag din itong blueprint
sa pagsusulit, test grid o content validity chart.

Ang Talahanayan ng Ispesipikasyon (Table of


Specification ) o TOS ay isa ring kagamitan para ilarawan ang
mga aytem sa isinasagawang pagsusulit ; ang nilalaman nito at
ang lawak ng pagkatuto. Nakapagbibigay rin ito ng kahandaan
sa gumagawa ng pagsusulit upang matiyak na ang kasanayan
ay nakatuon sa layunin ng pagkatuto.

Kahalagahan ng Talahanayan ng Ispesipikasyon sa


Pagsusulit:

1. Magbigay halaga sa mga paksang nilaanan ng maraming oras


at paksang mahalaga.

2. Humahango sa aytem ng pagsusulit sa layunin ng pag-aaral.


3. Hindi nakakaligtaan ang isang paksa.

Hakbang sa paggawa ng Talahanayan ng Ispesipikasyon:

1. Isulat ang mga paksang kasali sa gagawing pagsusulit.


2. Alamin ang layuning nakabase sa Bloom's taxonomy.
3. Alamin ang porsyento ng alokasyon ng mga aytem sa bawat
paksa.

Paghahanda ng Talahanayan ng Ispesipikasyon

1. Pagpili ng inaasahang bunga ng pagkakatuto. Kilalanin


ang mga layuning kailangan para masagutan ang pagsusulit
nang tama. Nakapaloob sa talaan ng layuning pampagtuturo
ang iba’t ibang inaasahang bunga ng pagkakatuto sa bahagi
ng kaalaman, kasanayang intelektwal o mga abilidad,
kabuuang kasanayan , pag- aasal , interes at ang
pagpapahalaga.

2. Gumawa ng balangkas sa paksang isasali sa pagsusulit.


Ang haba ng pagsusulit ay nakadepende sa mga paksang
natalakay na at ang oras na kakailangan sa pagsagot.

3. Magpasya kung ilang bilang ang ilalaan sa bawat paksa.


Gamitin ang pormulang ito upang malaman kung ilang
aytem ang gagawin sa bawat paksang natalakay na sa
pagsusulit upang ang bawat bilang ng aytem sa bawat paksa
ay naangkop sa bilang ng mga sesyon.
# Of Class Sessions X Desired Total # Of Items
𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬 =
Total Number Of Class Sessions

4. Gumawa ng tsart.

5. Buuin ang mga aytem sa pagsusulit. Ang isang guro ay


dapat palaging sinusunod ang mga simulain sa paggawa ng
mga aytem sa pagsusulit. Ang bawat aytem sa pagsusulit ay
kinakailangang nakaugnay sa layunin ng pagkatuto.

Iba’t ibang Format ng Talahanayan ng


Ispesipikasyon

a. Format 1 ng Talahanayan ng Ispesipikasyon ( TOS )

Tiyak na Antas ng Uri ng Aytem Kabuuang


Layunin Kabatiran Pagsusulit (Item Puntos
(Specific (Cognitive (Type of Number) (Total
Objectives ) Level ) Test ) Points)
Natutukoy Kaalaman Pagsusulit Aytem 1, 3 points
ang mga (Knowledge) na may 2, 3
pangngalang Pagpipilian
Pantangi. (Multiple
choice )
Tiyak na Layunin – nakatukoy ito sa inaasahang
bunga ng pagkatuto na nakasaad sa mga tiyak na
layuning pampagututuro na siyang nakapaloob sa isang
partikular na paksa sa pagsusulit.

Antas ng Kabatiran – napatungkol ito sa mga


kasanayang intelektwal o abilidad na masagot nang tama
ang pagsusulit gamit ang Bloom’s Taxonomy. Minsan
tayong nakasandig dito upang matugunan ang
pangangailangan sa kaalaman ng mga aytem sa
pagsusulit.

Uri ng Aytem ng Pagsusulit –kinikilala ang ilang


uri o anong uri ng pagsusulit ang nakapaloob sa isang
aytem ng pagsusulit.

Aytem Number- tumutukoy sa bilang ng/ng mga


katanungan na makikita sa pagsusulit.

Kabuuang puntos- paglalagom sa kabuuang


puntos na ginawa sa isang partikular na pagsusulit.

Ang nasa ibaba ay ang mga halimbawa kung paano


i- compute ang bilang ng aytem sa bawat paksa.

Bilang ng aytem sa paksang Pangngalang Pantangi: 3

Bilang ng sesyong tinalakay ang paksa (Number of class


session discussing the topic): 3
Ninanais na bilang ng aytem (Desired number of items):
10

Total number of class session for the unit: 10


# Of Class Sessions X Desired Total # Of Items
𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬 =
Total Number Of Class Sessions

3 X 10
𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬 =
10
30
𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐨𝐟 𝐢𝐭𝐞𝐦𝐬 =
10

Bilang ng aytem para sa paksang Pangngalang Pantangi =


3

Halimbawa ng pagsusulit sa Format 1:

A. Panuto: Bawat pangungusap sa ibaba ay nahahati sa apat


na bahagi : A, B, C, D. Tukuyin ang mali sa pangungusap.
Titik lamang ang isulat.

1. Maagang gumising si pedro at umigib siya ng tubig.


A B C

2. Ang mag-anak na Cruz ay magbabakasyon sa


A B
probinsya ng saranggani sa susunod na Linggo.
C D
3. Gumamit ng wikang filipino si Pangulong Aquino sa
A B C
kanyang State of the Nation Address o SONA.
D

b. Format 2 of Table of Specification (One-way Table of


Specification)
Number Numbe Test
Content of class r of Cognitive level item
session items K-C A HOTS Distribution

Pangngalan 2 4 K 1-4

Panghalip 1 2 C 5- 6
Pang- abay 2 4 A 7-10

Pang- uri 3 6 A 11-16

Pandiwa 2 4 K 17- 20

Total 10 20

c. Format 3 of Table of Specification (two-way table of


specification)

Talahanayan ng Ispesipikasyon
MGA KASANAYAN/ BAHAGDA BILAN KINALALAGYA
NILALAMAN N G NG N NG AYTEM
AYTE
M
A. PAGSASALITA 10% 8
1. Natutukoy ang angkop 5% 4 1- 4
na salita ayonsa diin
nito.
2. Natutukoy ang mga 5% 4 4-8
salitang pares-minimal
B. BALARILA 65% 52
1. Ang pangungusap 5% 4 9-12
-Nakapagsunod- sunod
ang lipon ng mga
salita upang makabuo
ng isang mahusay na
pangungusap
2. Mga bahagi ng 5% 4 13- 16
pangungusap-
Natutukoy ang
simuno at panaguri sa
pangungusap
3. Ayos ng 5% 4 17-20
Pangungusap
- Nakakabuo ng
karaniwang ayos at di-
karaniwang ayos na
pangungusap
4. Uri ng pangungusap 8% 7 21-27
- Natutukoy ang uri ng
pangungusap sa pangu-
ngusap
5. Kayarian ng 5% 4 28-31
pangungu-sap- Nakikilala
ang mga pangungusap
ayon sa kayarian nito.
6. Ang mga Pangngalan- 32% 25 32-56
Natutukoy ang Cloze
pangngalan sa loob Test
ngtalata
7. Kaanyuan ng 5% 4 57-60
Pangngalan- Natutukoy
ang kayarian
ngpangngalan
C. PAGBASA 10% 8
1.Talasalitaan- 4% 3 61-63
Natutu-koy ang mga
kahulugan
namatatalinghagang
salita.
2. Pag-unawa sa sele- 6% 5 64- 68
ksyon
- Natutukoy ang mga
detalye sabinasang
akda
D. PAGSUSULAT 15% 12
1. Nakapagbaybay 5% 4 69-72
nang wasto ng
mgamalalaking
titik na salita
2. Pagsulat ng liham- 10% 8 73- 80
pangkaibigan
- Naisasaayos ang
pagkakasunod-
sunodng mga bahagi
ng liham-
pangkaibigan
KABUUAN: 100% 80 1- 80

I - A. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salita


na gagamitin sa pangungusap.

1. (Basa, Basá) ang kanyang sapatos nang pumasok siya sa


bahay.

2. (Hamon, Hamon) ang paboritong kainin ni Ben tuwing pasko.

3. Dahil sa paninigarilyo nasira ang kanyang (baga, baga).

4. Kay gandang pagmasdan mga (tala, tala) sa kalangitan.

I – B. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay


pares-minimal o hindi. Isulat

lamang ang titik “P” kung ito ay pares-minimal at titik “H”


naman kung hindi. Isulat ito sa

nakalaang patlang bago ang bilang.


_____5.pala, bala

_____6.baba, baka

_____7.gulay, kulay

_____8.daga, baga

II – A. Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na lipon ng mga


salita upang makabuo ng mabisang pangungusap. Isulat muli
sa nakalaang patlang ang wastong pangungusap.

9. ang pawis mo pahirin mo nga sa katawan.


=______________________________________________________________
_.

10. sa ilong punasin mo ang sipon.


=______________________________________________________________
_.

11. ang pinggan pagkatapos mong gamitin linisin mo.


=______________________________________________________________
_.

12. kung talagang magaling subukin mo ang anak mo.


=______________________________________________________________
_.

II – B. Panuto: Tukuyin kung ito ay simuno o panaguri ang


bahaging may salungguhit sa pangungusap.

____________13.Mahiyain si Joeven.

____________14.Totoong matalino rin si Kim.

____________15.Mga huwarang mag-aaral sina Kim at Ameer.


____________16.Maipagkakapuri ng sinumang magulang ang
mabuting anak.

II– C. Panuto: Kung ang pangungusap ay nasa karaniwang


ayos, gawin itong di-karaniwangayos. Kung ang pangungusap
ay nasa di-karaniwang ayos, gawin itong karaniwang ayos.
Isulatang sagot sa nakalaang patlang.

17. Mapapalad ang mga taong nagmamahal


=______________________________________________________________
_.

18. Si Normina ay pinapaliwanagan ng kanyang ina.


=______________________________________________________________
_.

19. Tumanggi si Vida sa mga bigay ni Danilo.


=______________________________________________________________
_.

20. Ang turingan ng magkapatid ay kahili-hili.


=______________________________________________________________
_.

II – D. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap at


bantasan ng angkop ang hulingsalita sa pangungusap.

____________21-22. Kahit bata pa, kailangan nang malinang sa


kanya ang katatagan ng loob

____________23-24. Ano ang ibig sabihin nito

_______________25-26. Maganda, napakaganda


_______________27.Pakinggan mo siya.

II – E. Panuto: Tukuyin kung Payak o Tambalan ang


sumusunod na pangungusap.

____________28. Bawat tao ay may pantay-pantay na karapatan.

____________29. Tumulong tayo sa iba at tayo ang makadarama


ng kaganapan ng layunin.

____________30. Higit na mabuti ang nagbibigay kaysa


tumatanggap.

____________31. Mahalaga ang may layunin sa buhay at ito ay


dapat na makamit.

III – A. Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang bawat


patlang upang mabuo ang kaisipan ng talata. (25pts)

Ang pagmamagandang-loob sa mga 32.___________ ay isa


ring matandang 33._________ sa 34.____________. Sa
pamamagitan ng pagbibigayan ng mga 35.__________at iba pang
bagay, ang mga magkakalapit bahay ay nagpapahayag ng
kagandahang-loob, kungang isang 36.___________ ay nagluto ng
pagkaing di-pangkaraniwan, tulad ng
37.________,38.________39.________40.__________,at iba pa, ang
mga kapitbahay aypinadadalhan ng mga lutong iyan at ang
kagandahang-loob ay ginaganti sa 41._____ ding iyon osa
kinabukasan. Sa mga 42.______ na ang pangingisda ay siyang
pangunahing 43._____________, karaniwang ginagawa na kapag
ang isang 44.______________ ay nakahuling marami at
45._____________, binibigyan ang mga kapitbahay. Kung may
manggaling sa malayong 46._____________ at marami siyang
mga uwing pagkain o iba pang 47._______, angmga kapitbahay
ay pinadadalhan ng mga 48.___________. Ito ay isang ugaling
napakainam at kahit saan mang 49._______ ay di ikahihiyang
ipahayag at ipagmalaki.Sa pagmamagandang-loob, 50.________
at 51. ___________ sa dulong 52.______________ ang mga
53.____________, kaya’t di-dapat nating payagang mawala ang
magagandang-loob, 54.__________ na nagpuputong sa ating
bansa ng 55.__________ng 56._______________.

III – B. Panuto: Ibigay ang angkop na kayarian ng pangngalan.


Isulat sa nakalaang patlang namakikita sa talahanayan

Isip Isipan Isip- isip 57. __________

Bahay Bahayan Bahay- bahay 58. __________

Basag 59. __________ Basag- basag 60.__________

IV – A. Panuto: Piliin sa mga salitang nasa ibaba ng mga


pangungusap ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan.

61. Maganda ang pagsasamahannina Andy at Butsoy.

a. Matatag

b. Magkaanib

c. Turingan

62. Hindi nagtagal at dumating si butsoy nahumihingal at


tumatahol.

a. Pagod

b. Umungol
c. Hingalo

63. Sa paghabol niya sa kilyawan nahulog siya sa isang malalim


na hukay.

a. Butas

b. Lunga

c. Balon

IV – B. Panuto: Pagkatapos basahin at unawain ang talatang


BUTSOY. Tukuyin kung anong lebel o antas ng pagbasa ang
sumusunod na pahayag na makikita sa ibaba.

64. Saan mamamasyal sina Andy at Butsoy?


_________________

65. Ano kaya ang mangyayari kay Andy kong hindi ito
nasaklolohan nang kaibigang aso?_______________

66. Kung ikaw si Andy hahabulin mo ba ang ibong


kilwayan? ______________

67. Tama bang habulin ni Andy ang ibong kilyawan at


tangkaing hulihin ito? _______________

68. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na wakasan ang


kuwento, sa anong paraan mo ito wawakasan?
_________________

V – A. Panuto: Tukuyin sa loob ng pangungusap ang maling


baybay na salita. Salungguhitan atisulat muli sa nakalaang
patlang ang wastong baybay ng salita.
69. Si Dr. Cruz ay nagtuturo ng wikang filipino.
=________________

70. Masaya ang tumira sa pilipinas. =______________

71. Si tina ang matalik kong kaibigan. =____________

72. Mamamasyal kami ngayong lingo sa boracay. =_____________

V – B. Panuto: Ayusin ang bawat bahagi ng liham-


pangkaibigan. Isulat ito muli ng wasto naayon sa
pagkakasunod ng mga salita. (8pts)

Sampalok, Maynila 947 M. dela Fuente Oktubre 10, 2011


Ang iyong pinsan, Mahalkong Arlette, Tina

Sinulatan kitang muling pagkat may mga ibabalita pa ako


sa iyo. Alam kong masyado kang naghahanda para sa inyong
eksamen kaya ako na lang ang sumulat sa iyo.

Siya nga pala, marami tayong dumating na mga kamag-


anak buhat sa probinsiya.Ang dami rin nilang dalang
pasalubong. Hinahanap ka nga nila sa akin. Sana sa taong
darating ay naririto ka sa pista ng aming bayan. Kumusta sa
inyong lahat.

Hinintay-hintay ka namin noong pista rito. Masaya ang


lahat pero lalo sanang Masaya kung kasama ka namin. Tulad
ng dati, nanood kami ng mga Palaro, nakinig kami ng mga
awitan at namasyal sa maraming panooran. Pagkahaba-haba
rin ng prusisyo! Parang di namababalik sa simbahan.
Nakatutulig ang mga paputok!
(2puntos
)
_________
_________
_________
_________
_________
_________
_________
_________

(1 puntos)

(3puntos)___________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
____________________

(2puntos)
_______________
_
Determining the Number of Test Items

Assessment Format Average Time to Answer


True-False 30 seconds
Multiple-choice 60 seconds
Multiple-choiceof higher level learning 90 seconds
objectives
Short answer 120 seconds
Completion 60 seconds
Matching 30 seconds per respond
Short essay 10-15 minutes
Extended essay 30 minutes
Visual image 30 seconds
Checklist for constructing Test Items

Oo Hindi

Ang aytem ba ay angkop bilang upang


sukatin ang layunin ng pagkatuto? (The
item is appropriate to measure a learning
objective)
Ang format ba ng aytem ay pinakamabisang
paraan ba ng pagsukat sa inaasahang
pagkatuto? (The item format is the most
effective means of measuring the desired
knowledge. )
Ang aytem ba ay malinaw at medaling
maunawaan ng mga mag- aaral ?(The item
is clearly worded and can be easily
understood by the target student
population.)
Ang aytem ba na nasa isang format ay
inihanay na magkasama? (The items of the
same format are group together.)
May iba’t iba bang uri ng aytem na
nakapaloob sa pagtatasa (There are various
item type included in the assessment).
May sapat bang oras ang mga mag- aaral sa
pagsagot sa lahat ng katanungan (The
students have enough time to answer all
test items)
Ang mga panuto ba ay tiyak at malinaw?
(The test instructions are
specific and clear)
Ang bilang ba ng mga katanungan ay
nakatuon bas a bawat layunin at naihanay
ba sa bigat ng halaga sa naturang layunin?
(The number of questions targeting each
objective matches the weight of importance
of that objective)
Ang pagwawasto ba ay maayos at malinaw
na naipaliwanag sa mga mag- aaral (The
scoring guidelines are discussed clearly and
available to students).
Ayon sa Dami ng Sinusukat na Kakayahan

A. Pagsusulit na Discrete Point

Sinusubok nito ang iisa lamang kakayahan sa bawat


aytem. Sa ganitong uri ng pagsusulit, ang wika ay nabubuo
dahil sa konteksto. Ang pagsusulit na discrete point ay dumaan
sa mga kritisismo dahil sa mga makabagong pananaw tungkol
sa wika maging sa layunin at komunikatibong kalikasan nito.

Mga halimbawa ng pagsusulit na discrete point:

a. Phoneme Recognition

b. Yes or No and True or False

c. Spelling

d. Word Completion

e. Grammar Items
f. Multiple Choice
g. Fill in the blanks
h. Word Changing Items
(Another type of item is one in which the test takers are
given a sentence and a word which they need to fit into the
sentence by changing the form of the word.)
i. Sentence Combining Exercises
(Sentence combining exercises can play a part in testing
grammar as well as its more traditional use as part of
composition testing and training.)
j. Transformation Items
(In this time of item, test takers are given a sentence and
the first few words of another sentence to change the original
sentence without changing the meaning.)
B. Pagsusulit na Integrative

Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika.


Nilalayon ng pagsusulit na integrative na masubok ang iba‘t-
ibang kakayahan ng isang indibidwal sa bawat aytem. Hindi
lamang iisang kakayahan ang masusubok sa bawat aytem,
kundi maaaring higit pa.
Nagkaroon ng ilang kritisismo laban sa pagsubok sa
“discrete point” lalo na sa makabagong kalakaran sa pagtanaw
sa mga yunit ng wika at sa pangkomunikasyong katangian at
layunin nito.
Ang karamihan sa kritisismo ay nanggaling kay John
Ollerr (1976), na nagsasabi na ang kakayahan ng pangwika ay
paggamit ng sama-samang kasanayang pangwika na hindi
maaaring paghiwa-hiwalayin at bigyang subok nang may
kasapatan.
Ang kakayahang pangkomunikasyon (communicative
competence) ay nangangailangan ng Integrasyon (pinagmulan
ng katawagang pagsubok na “intergratibo”) ng mga kasanayan
sa wika.
Nagtatangka itong tumaya sa kakayahan ng mag-aaral ng
wika nang sabay-sabay at mahigit sa isang kasanayan o
aspekto ng kasanayan.

Mga salik ng Intergratibong Pagsusulit:

Larangan ng Asignatura
Naglalaman ito ng asignaturang bibigyang subok at sa
kung anong antas ibibigay.

Mag-aaral/ Gumagamit ng Wika


Kinakailangang kilalaning mabuti ng magbibigay ng
pagsubok ang mga-aaral sa wika. Ito ay dapat magtaglay ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa pagkatao.

 Edad/ Gulang
 Kasarian
 Kapaligiran (bayan o pook na tinitirhan)
 Wikang pinag-aaralan, unang wika at iba pang mga
natutuhan

Layunin ng Pagsusulit
Tinitiyak dito ng titser o ng nagbibigay ng pagsusulit ang
dahilan ng pagbibigay ng pagsusulit.

Instrumento
 Midyum – pasalita, pasulat, atbp.

 Pamaraan – diyalogong nakalimbag na gagamitin nang


pasalita, na babasahin, na pakikinggan, atbp.
 Paraan ng paglilipat (channel) – harapan, nakalimbag,
telepono, naka-tape, atbp.

Mga halimbawa ng pagsusulit na integrative:

a. Cloze Test

b. Dictation

c. Translation

d. Essays

e. Oral Interview and Conversation

f. Reading

Uri ng mga pagsubok na Integratibo:

 Pagsubok sa pag-unawa sa napakinggan

Gumagamit dito ang titser ng isang sipi na maaaring


artikulo buhat sa libro, balita o kaya ay dayalogo na hindi pa
alam ng mag-aaral. Maaari rin namang gumamit ng tape
recoder ang titser sa halip na basahin niya nang aktwal. Ang
mga mag-aaral ay hindi hinahayaang sumulat ng ano man sa
napakinggan. Pagkatapos, magbibigay ng mga katanungan ang
titser na kung saan ang mga kasagutan ay makukuha mula sa
napakinggan.

 Pagsubok na Diktasyon
May talata na babasahin ang titser. Nasa sariling
pagpapasiya ng titser ang haba o iksi ng talata na iaangkop
niya sa kakayahan ng mag-aaral.
Ang unang pagbasa ay nasa karaniwang bilis na kung
saan ang mga mag-aaral ay walang gagawin kundi makinig
lamang at unawain ang binabasa sa kanya. Sa ikalawang
pagbasa, isusulat ng mag-aaral ang talata habang binabasa ng
titser. Walang pag-uulit na gagawin sa pagbasa habang
sumusulat ang mag-aaral.
Babasahing muli ang talata sa pangatlong pagkakataon
na nasa karaniwang bilis upang mabigyan ng pagkakataon ang
mag-aaral na maiwasto ang kanyang naisulat.

 Pagsubok na Dicto-Comp

Isang sipi ang babasahin nang apat (4) na ulit, ang


kabuuan nito ay pakikinggan at uunawain ng mag-aaral.
Kinakailangang sikaping tandaan ng mag-aaral ang mga
salita at kayariang ginamit sa sipi, at ang pagkasunud-sunod
ng pangungusap. Pagkatapos ng huling pagbasa, ipasulat sa
mag-aaral ang orihinal na sipi.
Maaaring gumamit ang mag-aaral ng sariling salita kung
may nalimutan siyang ibang salita o kaya ay magkaltas o mag-
alis nang hindi nababago ang orihinal na ideya o ang
pagkasunud-sunod ng mga ideya sa sipi.

 Pagbasa Dicto-Gloss

Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang di-


pagpapahintulot sa mag-aaral na sumulat ng ano mang salita
mula sa sipi para maging patnubay. Aasa lamang ang mag-
aaral sa kanyang napakinggan sa paggawa ng komposisyon.
 Pagsubok na Lecturette

Ang una at huling mga pangungusap ay buo o hindi


kinaltasan ng salita. Ang iba pang mga pangungusap ay
kinaltasan ng mga salita tuwing nth na linya – maaaring tuwing
ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo o ikasiyam ang nawawalang
salita sa kanyang sagutang papel.
Maaaring hindi ang tiyak o eksaktong salita ang maisulat
niya, subalit kinakailangan na magkasing-kahulugan ang
sinulat niya at ang nawawalang salita.
Babasahing muli ng titser ang sipi na kinakailangang
lalong maunawaan ng mag-aaral upang masagot niya ang mga
katanungang ibibigay batay sa sipi.

 Pagsubok sa Kasanayan sa Pag-unawa sa Binasa

Magbibigay ang titser ng kopya ng sipi sa mga-aaral


upang basahin. Kinakailangan na ang nasabing sipi ay hindi pa
nababasa ng mag-aaral. Bibigyan ng titser ang mag-aaral ng
sapat na oras sa pagbasa. Isusunod na ang pagbibigay ng mga
katanungan upang subukin kung nauunawaan ng mag-aaral
ang kanyang binasa.

 Pagsubok na Cloze
Ang pagsubok na ito ay sumusubok din sa pag-unawa sa
binasa, ngunit ang siping ibibigay sa mag-aaral ay may mga
salitang sadyang kinaltas. Tulad din sa Lecturette ang paraan
ng pagkakaltas – maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito,
ikawalo o ikasiyam depende sa kakayahan ng mag-aaral. Sa
ikalawang pagbasa, magsasagawa na ang mag-aaral ng
matalinong panghuhula kung ano ang kinaltas na salita na
isusulat niya sa kanyang sagutang papel.

 Pagsubok na Maze

Ang mga alternatibo o pagpipilian ay kinakailangang


umaayon sa ideya ng seleksyon. Ang isang alternatibo ay
kinakailangang magkasing-anyo ng tamang kasagutan,
samantalang ang isa pang alternatibong ay talagang kaiba ang
anyo.

 Pagsubok na Pagwawasto (Editing)

Bubuuin ang pagsubok na ito sa isang istem at apat na


alternatibong na pagpipilian. May isang nauunang
pangungusap (istem) na may kamalian. Maaaring ang kamalian
ay nasa pagbabaybay, ginamit ang malaking titik, kayarian o
wastong gamit ng salita.

 Pagsubok sa Pagkilala sa Mali

Binubuo ito ng apat na pangungusap na nakahanay mula


a hanggang b. Ang isa ay maaaring nagtataglay ng mga
kamalian na maaaring sa kayarian o di kaangkupan sa
pagkakataon. Maaari din naman ang mga pangungusap ay puro
tama.

 Pagpapakahulugan

Binubuo ang pagsubok na ito ng isang (1) istem at apat


(4) na alternatibo. Ang istem o nauunang pangungusap ay
tama. Walang gagawin ang mag-aaral kundi piliin ang sa apat
(4) na alternatibo ang may pinakamalapit na kahulugan ng
istem.

Ang mga sumusunod ay kabilang pa rin sa uri ng pagsubok na


Intergratibo:

 White noise (pasulat)

May mga salitang hindi kinakailangan sa loob ng talata


ng hahanapin ng mag-aaral; mga gamit ng pangungusap.

 Pagsagot ng tanong
Maaaring pagpili ng wastong sagot, pagsagot sa mga
taong tungkol sa isang larawan, atbp.

 Oral na interbyu
Pagsagot sa tanong tungkol sa isang larawan o kalagayan
sa tunay na buhay.

 Pagsasalaysay
Maaaring karanasan o maikling kuwento.

 Pagsasaling-wika
Maaaring artikulong nakasulat sa Ingles o ibang
katutubong wika na ipasasalin sa Pilipino.

Ayon sa Layunin ng Pagsusulit

A. Diagnostic Test

Ang pagsusulit na ito ay ibinibigay bago simulan ang


pagtuturo ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay na
ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan (pre-
requisite skills).
Ito ay ginagamit upang malaman ang kaalaman at mga
bahagi ng kailangan linangin sa mga mag-aaral sa isang
partikular na asignatura. Nagbibigay ito ng mga detalyadong
datos na tumutulong sa mga guro upang makabuo ng
pamamaraang nararapat tungo sa mabisang pagkatoto ng mga
mag-aaral.

Katangian ng isang Diangnostic Test

1. Sinusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa isang


partikular na asignutara.

2. Binubuo ng sapat na bilang ng mga tanong na


makakapagbigay ng makatwiran at tamang datos sa kasanayan
at kaalaman ng mag-aaral.
3. Inilalahad ng malinaw kung ano ang sinusukat ng
pagsusulit.

4. Hindi masyadong kumplikado o hindi nangangailangan ng


mahabang oras.

Mga Layunin ng Diagnostic Test:

1. Para alamin ang kaalaman at kahinaan sa kasanayan ng


mga mag-aaral.

2. Para magbigay ng impormasyon sa mga guro tungkol sa


kaalaman o prior knowledge ng mga estudyante.

3. Para magbigay ng puna o komentaryo sa mga kumuha ng


pagsusulit at rekomendasyon para sa mas mabisang paraan ng
pagkatoto.

Gamit ng Diagnostic Test

1. Sinusukat ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral na


sumagot sa isang partikular na asignatura.
2. Ginagamit ito ng guro upang alamin ang lakas at kahinaan
ng kanyang mag-aaral sa kanyang ituturong leksyon. Sa
pamamagitan ng diagnostic test nababatid ng guro kung ano
nalalaman ng mga estudyante at kung ano pa ang dapat nilang
malaman.
3. Ginagamit ang diagnostic test upang ipakita sa mag-aaral
ang pag-unlad ng kanyang pagkatoto.

Ang epektibong gamit ng datos mula sa resulta ng


Diagnostic test:

 Sinisigurado na ang pamamaraan ng pagtuturo ay


napupunan ang kahinaan ng estudyante.
 Naiiwasang sayangin ang oras estudyante sa pagtuon sa
mga paksang hindi nakakatulong sa kanyang pagkatoto.
 Nababawasan ang posibilidad na ang isang estudyante
ay mabigo sa isang gawain.
B. Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan

Ang Proficiency Test o Pagsusulit sa Kakayahan ay


naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang
wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na
taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong pagsusulit
ay hindi ibinabatay sa nilalaman o mga layunin ng mga
kursong pangwika na maaaring napag-aralan na ng taong
kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang
espisipikasyon ng mga gawaing dapat na maisagawa ng isang
kukuha ng pagsusulit para sabihing may kakayahan siya sa
wika.
Ipinakilalani Jim Cummins (1979) ang mga akronim na
BICS at CALP bilang pagtataya sa pagkakaiba ng pagkatuto o
katatasan sa wika sa pangkaraniwang sitwasyong
pangkomunikatibo at sa akademikong antas. Ayon sa pag-aaral
ni Cummins, may mga mag-aaral na bagama‘t masasabing
matatas sa pakikipag-usap o may tinatawag na basic fluency
ngunit batay sa mga pagsusulit ay nagpapakita ng mababang
antas sa akademikong gawain at sa kanilang kakayahang mag-
isip o sikolohikal na pagtaya (psychological assessments).
Tunghayan ang dalawang aytem mula sa instrumento kung
saan nahirapan angmga estudyante:

1. Iyon ang tawag sa kanya ng balana.

a. sinuman b. masa
c. mayayaman d. anuman

Ang tamang sagot ay a. sinuman. Ibig sabihin ng


balana ay lahat ng tao kaya kung susuriin hindi masa
ang sagot dahiltumutukoy lamang ito sa mga taong nasa
nakabababang antas sa lipunan at hindi naman
mayayaman dahil sila naman ang nakatataas sa lipunan
kung antas ng ekonomiya ang pag-uusapan at lalong
hindi anuman dahil tumutukoy lamang ito sa bagay. Sa
pagsusuri, pagbubuod at pagtataya ng pinakatamang
sagot ang sinuman ang tumutukoy sa lahat ng tao
maging anumang antas sa lipunan. Kaya masasabing
hindi nakaabot sa mas malalim na pag-iisip ang mga
estudyante sa unang bilang pa lamang ng aytem sa
pagsusulit dahil 28% lamang ang nakakuha nito nang
tama.

2. May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib.


a. mahinang tinig b.di mawari
c. malamig na pakiramdam d. kaba

Ang tamang sagot ay a. mahinang tinig.


Karaniwang iniuugnay sa kaning lamig ang salitang
―bahaw.‖ Subalit sa pangungusap kasunod ito ng
salitang―alingawngaw‖ na maiuugnay sa tunog. Kung
gayon hindi maaaring di mawari, malamig na
pakiramdam at kaba dahil pawang mga damdamin ito at
walang kinalaman sa tunog. Ang di mawari ay maaaring
kaugnay sa pag-iisip din ngunit wala pa ring kinalaman
sa tunog na kaugnay naman ng salitang alingangaw.
Masasabing idyomatiko ang pangungusap na isa pa ring
paraan ng pagpapakahulugan sa salita sa linggwistika at
ang pagsusuri at pagtataya ay nasa antas ng CALP. Sa
item analysis, 13% lamang ng respondente ang nakakuha
nito nang tama. Ang mga aytem sa mga bahagi ng
wastong gamit, ponolohiya at morpolohiya ay
nangangailangan lamang ng batayang kaalaman sa wika
kung gayon ay nasa antas ng BICS lamang subalit
maaaring hindi nagkaroon ng pag-alala sa dating
kaalaman kung kaya‘t mababa rin ang bilang ng mga
estudyanteng nakakuha nito nang tama maliban sa
bahaging ponolohiya kung saan lahat ng aytem ay madali
sa mga respondente.

C. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Achievement test

Ang pagsusulit na ito ay isang uri ng pagsusulit na batay


sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa silabus ng guro.
Ito ay isang pagsusulit na pangwakas. Nilalayon nito na
malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-
aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na
panahon.
Ang pagsusulit sa natamong kabatiran o achievement test
ay may itinatakdang pamantayan at layunin nitong masukat
ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa mga aralin
tulad ng Ingles, Filipino, Matematika, Siyensiya, Araling
Panlipunan. Sinusukat ang kakayahan ng isang indibidwal sa
kanyang kaalaman sa isang partikular na bagay. Nakapokus
ang achievement test sa kung gaano kalaki o kalawak ang ang
nalalaman ng mag-aaral sa isang espisipikong paksa o
asignatura.
Ang pagsusulit na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral
upang masukat ang kanilang kasalukuyang kaalaman sa isang
partikular na aralin. Sa pamamagitan rin nito ay nasusukat ang
epektibo ng pagkatuto ng estudyante at pagtuturo ng isang
guro.
Sa pagbibigay ng pagsusulit na ito, bawat mag-aaral ay
binibigyan ng pare-parehong pagsusulit o mga katanungan at
pare-parehong oras na gugugulin dito. Ang magiging iskor ng
mag-aaral ay ikokompara sa iba pa niyang mga kapwa mag-
aaral na kumuha ng pagsusulit.
Ang resulta ng pagsusulit ng mag-aaral ay sumasalamin
sa pagiging epektibo at kalidad ng kanilang Edukasyon. Ang
magiging resulta ay magsisilbing gabay upang mapabuti ang
kalidad ng edukasyon at mabigyan ng karampatang atensyon
ang mga mag-aaral. Gagamitin ang resulta sa pagsuri kung
naging epektibo ang mga paaralan sa pagtuturo ng mga
kasanayang itinakda ng kagawaran.
Ang pinaka-komon na porma ng achievement test ay ang
standardized test, sinusukat nila ang kaalaman ng estudyante
base sa paghahambing sa malaking bahagi ng populasyon ng
mga mag-aaral. Tinataya ng pagsusulit na ito kung anong mga
kaalaman ang natamo ng mga mag-aaral.

Ang Standardized Achievement test ay kilala sa pagiging


maaasahan o mapanghahawakan (reliability) nito. Kompyuter
ang pangunahing ginagamit sa pagbibigay ng grado sa ganitong
uri ng pagsusulit kung kaya nagiging malimit ang
tsansa/chance na magkamali at nagbibigay rin ng patas na
sistema ng pagbibigay ng grado.

Ang Achievement Test ay maraming gamit:


1. Tayahin ang antas ng kagalingan/kakayahan.
2. Malaman ang mga kalakasan at kahinaan.
3. Makapagbibigay ng marka.
4. Makakuha ng sertipikasyon o promosyon.
5. Advanced Placement/College Credit Exam.
6. Pagsusuri sa Kurikulum.
7. Accountability.
8. Informational Purposes

Halimbawa ng Achievement sa Pormang Standardized:


National Achievement Test o NAT – ay isang taunang
pagsusulit na ibinibigay tuwing Marso upang tasahin ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pampublikong at pribadong
paaralan sa Pilipinas. Ang kaalaman at kasanayan ng mag-
aaral sa mababang paaralan ay sinusubok sa mga aralin tulad
ng Matematika, Ingles, Siyensiya, Filipino at HEKASI,
samantalang sinsusubok naman ang kaalaman at kakayahan
ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa mga aralin tulad
ng Matematika, Ingles, Siyensiya, Filipino at Araling
Panlipunan. Ang pagsusulit ay pinapangasiwaan ng
Department of Education’s National Education Testing and
Research Center (NETRC). Layunin ng mga resulta na gabayan
ang DepEd sa isinasagawa nitong pagpapabuti ng kalidad ng
edukasyon sa bansa at mabigyan ng karampatang atensyon ang
mga mag-aaral.

D. Aptitude Test

Ang pagsusulit na ito ay nagsasabi kung kakayaning


matutunan ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito
ang kakayahan o interes sa pag-aaral ng isang lawak (Badayos,
1999). Inaalam nito kung ano o hanggang saan ang
makakayanang matutuhan o malinang ng isang indibidwal.
Tinutulungan nitong mailabas ng isang indibidwal ang kanyang
natural na talent, kalakasan, at limitasyong taglay.
Ito ay ibinibigay upang mabatid kung ang isang mag-
aaral ay may kakayahan o kawilihan sa isang partikular na
kurso o career o bokasyon (Belvez, 2000).
Ang pagsusulit na ito ay dinesenyo upang malaman ang
kakayahang mangatwiran lohikal o ang kakayahang mag-isip.
Ito ay binubuo ng mga tanong na may pagpipilian (Multiple
Choice Question) at ang tipikal na oras na ito ay kinukuha at
tatlumpung minuto para sa tatlumpo o sobra pang katanungan.
Ang sinusukat sa kakayahang berbal ay ang kakayahan
nito sa ispeling, gramatika, makaintindi ng palasurian, at
sumunod sa mga panutong nakasaad.
Ang konsepto sa likod na pagsusulit na ito ay ang bawat
katanungan ay may iisang kasagutan lamang at kayang-kayang
sagutan ninuman.
Magkakaroon lamang ng pagkakaiba sa mga resulta ng
mga kumuha ay sa kung gaano kabilis o kabagal sinagutan ang
mga katanungan sa pagsusulit. Ito ang dahilan kung bakit ang
pagsusulit na ito ay inoorasan.
Ang pagsusulit ay maaaring binubuo ng mga sumusunod:
non-verbal reasoning test, verbal reasoning test,
numerical/mathematical ability, at mechanical reasoning.
Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit

A. Pagsusulit na Criterion-referenced

Ang pagsusulit na criterion-referenced ay may


itinatakdang pamantayan na dapat mapagtatagumpayan ng
eksameni. Kailangang makaabot ang mag-aaral sa
pamantayang ito upang masabing naipasa niya ang pagsusulit.

B. Pagsusulit na Norm-Referenced

Sa pagsusulit na norm referenced inihambing angbawat


mag-aaral. Ang resulta ng ganitong pagsusulit ang ginagamit na
batayan ng mga marka sa isang kurso. Ang pagsusulit sa
natamong kabatiran ay norm-referenced.

Halimbawa:
Tanong: Ano ang Wika ?

Sagot ng mga mag- Criterion-referenced Norm-referenced


aaral
Mag-aaral #1: Ang Ang sagot na ito ay Ang sagot na ito
wika ay isang likas TAMA. hindi kasingkaaya-
at makataong ayang sagot ni Mag-
pamamaraan ng aaral #2.
paghahatid ng mga
kaisipan,
damdamin at
mithiin.
Mag-aaral #2: Ang Ang sagot na ito ay Ang sagot na ito ay
wika ay TAMA. mas kaaya-aya di
masistemang tulad sa sagot ni
balangkas ng mag-aaral #3.
sinasalitang tunog
na isinasaayos sa
paraang
arbitraryo.
Mag-aaral #3: Ang Ang sagot na ito ay Ang sagot na ito ay
wika ay MALI. hindi kaaya-aya di
nangangahulugan tulad sa sagotni
ng kabuuang mag-aaral #2 at #3.
pagpapahalaga,
kaugalian,
pamantayan,
kaisipan at mga
simbolo na may
kaugnayan sa
lipunan

Ayon sa Kakayahang Sinusubok

Pakikinig
Ang pakikinig ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng
tatlong bagay: tinanggap na tunog, nauunawaan, natatandaan.

A. May iba‘t-ibang anyo ng pagsusulit sa pakikinig dahil


sa magiging napakahirap para sa isang mag-aaral ng
pangalawa o banyagang wika ang pakikinig sa mahabang
salaysay o usapan, maaaring ang mga pagsusulit sa
pakikinig para sa mga unang yugto ng pag-aaral ay
maikling pahayag o usapan na binubuo ng dalawa o
tatlong linya.

1. Paglalahad o Pahayag

2. Mga Tanong

Bagamat ang ganitong uri ng pagsusulit ay isang


pagtatangka na gayahin ang tunay na usapan, maaaring
sabihing artipisyal pa rin ang dating. Gayunpaman, magagamit
ang ganitong pagsusulit sa elementarya.

3. Maikling Usapan

B. Pagtukoy sa kayariang pambararila o leksikal

Pariringgan ang buong klase ng isang seleksyon at


ipatutukoy ang mga kayariang pambalarila o leksikal; na
nakapaloob dito. Maaaring maikling dayalog na babasahin
minsanan.
Bagamat binibigyang- pansin sa pakikinig ay mga
detalyeng panggramatika, ang aytem ay may konteksto.
Natututo ang mga mag-aaral na makita ang kahulugang
nagbubuhat sa konteksto at sa istruktura.

C. Pagtatala ng mga detalyeng semantiko

Makikinig ang buong klase sa isang seleksyon at ipagawa


ang alinman sa mga sumusunod:
● itatala ang ilang partikular na detalye
● bubuo ng isang talahanayan, graph, tsart, atb .; at

●bubuo ng isang dayagram o mapa ayon sa panutong ibinigay.

a. Mga tanong na Pang-unawa

Makikinig ang mga mag-aaral sa isang artikulo o


seleksyon at sasagutin ang mga tanong (tama o mali, pagbubuo;
o tanong na may pinagpipiliang sagot) tungkol sa nilalamn ng
artikulo o seleksyon batay sa hinuhang mabubuo nila.

b. Pagtukoy sa mga salik sosyolinggwistik

Makikinig ang mga mag-aaral ng isang pangungusap at


sasagutin ang ilang tanong na magpapatunay kung
nauunawaan nila ang kontekstong sosyolinggwistik.

Pagsasalita

Ang Pagsasalita ay naka-tinig na anyo ng komunikasyon


ng tao. Karaniwang ginagamit ang pagsasalita sa araw-araw na
pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng mga
posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais ipabatid o
ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang pagsasalita ay pagbibigay,
pagbabahagi ng verbal na paraan na ginagamit ang wika na
may wastong tunog, tamang gramatika upang malinaw na
maipahayag ang damdamin at kaisipan.
Ito ang kakayahan at kasanayan ng isang tao na
maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang
kausap.
Ito ang komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa
pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig mula sa
tagapagsalita. Ito ang kahusayan o kapangyarihan ng isip sa
pananalita na nangungusap o mga salita upang maipahayag
ang mga kuru-kuro.
Uri ng Gawi ng Pagsasalita

1.Ang Kumakatawan – kung saan ang mga nagsasalita ay may


kinalaman sa pag-iba ng mga antas patungo sa tamang
preposisyon na dapat nilang sinabi; panunumpa, paniniwala at
pag-uulat.

Halimbawa:

Ipinapangako ko na aking pagyayamanin lalo ang mga


naiwan ng aking mga magulang.

2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may


kinalaman sa paghimok sa mga tagapakinig na gumawa ng
kahit na ano; mag-utos, makiusap, makipagtalo.

Halimbawa:
Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka
nang magtanong ng ano pa man.

3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa


ng alinmang pag-iba sa mga antas patungo sa aksyon;
mangako, sumumpa o mga gawain.

Halimbawa:
Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong
ipagawa.

4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na


baguhin ang estado ng mga gawain sa pamamagitan ng
pagsasagawa katulad ng gawi ng pagsasalita.

Halimbawa:
Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinuman ang
lumabag sa aking batas ay magkakamit ng parusa.

5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala


ng kanyang pag-uugali; pagbati o paghingi ng paumanhin.
Halimbawa:
Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at
akin namang pinagbigyan.

Tatlong (3) Sangkap ng Gawi sa Pagsasalita

1.Lokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ito ay paglalarawan


kung ano ang sinasabi ng nagsasalita.

Halimbawa:
Si Ana ang pinakamagandang dilag sa nayon.

2. Ilokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – ang layunin ng gawi


ng pagsasalita sa pagbigkas ng pangungusap kabilang ang
paglalahad, pangangako, humihingi ng paumanhin. Ito ay
pagpapahayag ng kung ano ang nais gawin ng nagsasalita.

Halimbawa:
Pakikuha ang baso sa lamesa.

3. Perlokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita – bisa ng sinasabi


ng nagsasalita sa nakikinig o epekto ng sinasabi ng nagsasalita
sa nakikinig. Literal at Di-Literal na Gawi ng Pananalita Literal
o masasabi nating literal ang isang gawi ng pananalita kung sa
pangungusap ay gumagamit ng mga salitang may eksaktong
kahulugan o kung may tiyak na konteksto o kitang-kita o
lantad na ang nais iparating ng isang naglalarawan.

Halimbawa:
Nakakasama ng kalooban ang mga masasakit na salitang
kanyang binitawan. Di-literal o kung di kaagad mailalarawan
ang konteksto na nais ipahayag at nangangailangan pa ng
masusing pa-iisip o kung sa pangungusap ay gumagamit ng
mga matatalinghagang salita.

Pagsasalita
A. Monolog

Bibigyan ng guro ang mga mag- aaral ng dalawa o tatlong


paksang nakasulat sa mga kard. Ang bawat kard ay may
pamatnubay na tanong upang matulungan ang mag-aaral sa
pagbalangkas ng sasabihin.
Ang pagtataya ng monolog ay ibabase sa ilang
pamantayan o krayterya tulad ng daloy ng pagpapahayag, dami
ng impormasyon, kalinawan ng mensahe, kawastuhang
panlingwistika, bokabularyong ginagamit at iba pa. ang mga ito
ay gagamitin ng rating scale.

B. Pagsasatao (roleplaying)

Nagiging daan ito para sa paglinang ng kakayahan sa


pag- arte at preparasyon para sa malakihang pagtatanghal.
Maaaring dalawang tao ang makilahok. Bibigyan sila ng
sitwasyon at bahala silang magtanungan o mag- usap ayon sa
sitwasyon.
Katulad ng sa monolog, ang ebalwasyon ay gagamitin ng
krayterya gaya ng kaangkupan ng mga istrakturang ginamit,
bigat ng impormasyon, kalinawan ng ipinapahayag,atb.

C. Interbyu

Katulad din ito ng pagsasatao. Ang guro lamang ang


lumabas na palaging nagtatanong. Maaaring ang iskoring ng
interbyu ay parang sa discrete-point kung titingnang isa- isa
ang tugon sa bawat tanong. Kung ang titingnan ay ang
panglahatang kasanayan kailangang gumamit uli ng rating
scale.

D. Pagtatalo o Debate

Magandang paraan ito para sa pagpapahayag ng mga


sariling opinion. Bagay ito sa mga mag- aaral na may lubos
nang kasanayan sa wika. Maaari silang pumili ng kanilang
paksa at sariling posisyon sa isyung tatalakayin.
Pagbasa

Ang pagbasa ay isang pasibong gawain (passive) at


walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng mag-aaral at
teksto, o sa guro at kapwa mag-aaral. Nakatuon lamang pansin
sa pag-alam kung may natandaan ang mga mag-aaral sa mga
detalyeng tinalakay sa akda.sa mga mag-aaral nama‘y maaring
mabuo sa kanilang isipan na ang pagbasa ay pagsasaulo ng
mga tauhan, tagpuan, banghay at iba pang elemento ng akda.
Ang kabiguan o tagumpay ng mga mag-aaral sa pagbasa
ay repleksyon ng kanilang mga istratehiya; ang mga
istratehiyang ito ay repleksyon naman ng kanilang ganap na
pag-unawa kung ano ang pagbasa;
Sinabi ni Goodman (1967,1971,1973)na ang pagbasa ay
isang ―pysholingguistic guessing game‖ na kung saan ang
nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensaheo kaisipang
hango sa tekstong binabasa.
Kay Goodman, ang gawaiang ito ng pagbibigay kahulugan
ay issang patuloy na prosesong siklikal zbuhat sa teksto,
sariling paghahaka o paghula, pagtataya, pagpapatunay
pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan. Sa ganitong
pagpapakahulugan, hindi na kailangan pang basahing lahat
ang teksto upang maunawaan ito, lalo na kung higit na
magaling ang tagabasa sa paghula o pagbibigayng haka.kaya
nga, ang isang tagabasa na magaling sa pagbibigay ng tamang
prediksyon,ay nakababasa nang higit na mabilis kaysa iba dahil
hindi niya kailangang basahin nang isa-isa ang bawat salita.
Si Coady (1979) ay nagbiibigay ng elaborasyon sa
kaisipan ni Goodman sa pagbasa. Ayon kay Coady, para sa
lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating
kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.
Ilang Kabatiran sa mga Layunin at Proseso sa Pagbasa

1. Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na


kalakaran/konbersyon sa pagsulat.

2. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe ay ang


pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang teksto. Ang
pagpapatunog ng mga salita ay isang bahagi lamang ng proseso
sa pagbasa.

3. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wikakung


saan ito nasulat.

4. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol


sa daigdig, sa kultura, sa paksang tinatalakay, mga kalakaran
atb.)

5. Ang pagbasa ay isang prosesong pag-iisip.

6. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.

7. Ang pagbasa ay isang sistema ng pagtataguyod ng ating


buhay.

8. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan


(multiple skill) at iniangkop natin ang mga ito sa iba‘t-ibang uri
ng teksto upang matugunan ang ating mga layunin sa
pagbabasa.

9. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang


partikular nateksto para sa tamang pag-unawa nito sa isang
tiyak na pagkakataon.

10. Kailangang magkuro gn isang tao na ang pagbasa ay


makabuluhan at kawili-wili. Kung hindi, walang mangyayaring
pagbasa sa labas ng silid-aralin.

Iba’t-ibang Pananaw sa Proseso ng Pagbasa

Napakahalaga para sa guro ng pagbasa na magkaroon ng


isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. Ang mga
paniniwala o pananaw tungkol sa proseso ng pagbasa ay
mapapangkat sa tatlo:

1. Ang Teoryang “Bottom-Up”

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng ng


mga serye ng mga nakasulat na simbolo(stimulus) upang
maibigayang katumbas nitong tunog(tugon oresponse). Malinaw
na masisilip sa teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa
sintesis ng mga letra upang makabuo ng salita, ng mga salita sa
pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa makabuo nang
sapat na rami ng teksto na magbibigay-daan sa tagabasa upang
maunawaan kuna ano angisinulat ng awtor.
Ang isang tao na umaayon sa sa pananaw ng bottom-up
ay naniniwala na ang pagbasa ay ang ―pagkilala ng mga salita‖
---at ang teksto ang pinakamahalagang salik sa pagbasa.
Mapapansin din sa teoryang ito na ang pagpapakahulugan sa
binasa ay nasa huling yugto. Ang tagabasa ay itinuturing na
isang pasibogn partisipang sa proseso ng pagbasa at ang
tanging tungkulin ay maulit ang lahat ng mga detalye sa
binasang teksto. Tinatawa ito ni Smith (1983)na outside-in o
data driven ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula
sa mambabasa kundi sa teksto.

2. Ang Teoryang “Top-Down”

Binibigyang diin ng teoryang ―top-down‖ na ang pagbasa


ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating
kaalaman niya ang papapasimula ng pakilala niya sa teksto at
kun wala ito, hindi niya mabibigyang-kahulugan ang anumang
babasahin. Upang lubos namaunawaan ang pananaw na ito,
mahalagang alamin na ang nakalimbag na teksto ay
nagtataglay ng tatlong impormsyon:

 Impormasyong Semantika oimpormasyong


pangkahulugan na kasama rito ang pagpapakahulugan
na kasama rito ang pagpapakahulugan sa mga salita at
pangungusap.
 Impormasyong sintaktik o impormasyon sa istruktura ng
wika, ayimpormasyon tungkol sa pagkakaayos at
istruktura o kayarian ng wika.

 Impormasyong Grapho-phonic ay impormasyong tungkol


sa ugnayan ng mga letra(grapheme) at mga tunog
(phonemes) ng wika. Kasama rito ang impormasyon sa
pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan.

Sa kabuuan ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out


o conceptually driven sa dahilang ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.
Ito ay nagaganap kung ang mambabasa ay gimagamit ng
kanyang dating kaalaman st mga konsepto na nabuona sa
kanyang isipan batay sa kanyang karanasanat pananaw sa
paligid.

3. Teoryang Interaktib
Ang teoryang ―Interaktib‖ ay naniniwala na ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng aawtor at sa pag-unawa
nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman
sa wika at sariling konsepto o kaisipan.dito nagaganap ang
interaksyon ng mambabasa at awtor. Isang malaking
kontribusyon ng teoryang interektib sa pagtuturo ng pagbasa ay
ang pagbibigay diin nito sa pag-unawa bilang isang prosesoat
hindi isang produkto. Sa loob ng mahabang panahon,
tinatanaw natin ang komprehensyon bilang isang produkto. Sa
kasalukuyan , dahil ang pag-unawa ay tinatanaw bilang isang
proseso, ang tuon ng pagsusuri ng mga sagot sa pag-unawa ay
ang proseso. Kailangang alaminng guro kung paano nabuo ng
mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa mga tanong.

Pagsulat

Sinusubok ang kakayahan at kasanayan sa paggamit ng


bantas at wastong baybay ng mga salita.

Paghahandang Pasalita
Kailangang magkaroon ng sapat na kahandaan ang mag-
aaral bago pasulatin. Sa paghahandang pasalita ay
magkakaroon ang mga batang makapagpalitan ng kuro-kuro at
malinang ang maunlad na talasalitaang kakailanganin sa
pagsulat.

1. Paglikha ng sitwasyon sa pagsulat (Creating a writing


situation)

Walang mag-aaral na makakasulat ng magandang katha


kung walang nabubuong paksa sa kanyang kaisipan. Ang paksa
ay maaaring maging bunga ng liksyon o bunga na pag-iisip ng
mag-aaral na ginganyak ng guro sa tulong ng makabuluhang
larawan, aktwal na pagmamasid, o kaya‘y paglalakbay.
Maaaring ito‘y tungkol sa kawili-wiling tauhan sa kwentong
nabasa o napakinggan. Dili kaya ay tungkol sa isang kawili-wili
niyang karanasan o isang magandang insedente sa kanyang
buhay.

2. Pagpukaw at pagganyak sa kaisipan o ideya


(Stimulating ideas)

Ang mapamaraang pagtatanong ng guro ay mabisang paraan


ng pagganyak sa mga batang mag-isip ng mga bagay o ideya
hinggil sa paksang susulatin. Sikaping sa pagsagot ng bata sa
mag tanong ay makagamit sila ng talasalitaang kakailanganin
at makabuo ng balangkas na gagamitin.

3. Pag-aaral ng mga modelo (studying models)

Ang pagbibigay sa mga bata ng modelo na mapag-aaralan


ay isang malaking tulong sa pagbubuo ng mga hagap o
kaisipan. Isaalang-alang ang nilalaman, istilo at wika ng
modelo. Ito ba ay napapaloob sa kawilihan at kakayahan ng
mag-aaral? Ang paksa ba nito ay kawili-wili? Mahusay ba ang
pagkakabuo? May wastong gamit ban g wika? Wasto ba ang
anyo ng pagkasulat?

4. Paglinang nng talasalitaan (Development of the


vocabulary)

Nasa mayamang talasalitaan ng mga mag-aaral ang susi


ng kanilang mabisang pagpapahayag ng kaisipan. Nararapat
linangin sa mag-aaral ang maunlad na talasalitaan sa
pagsasalita at pagsulat.

5. Pagpili ng angkop na pamagat (Choosing a suitable title)

Sa pagbibigay ng pamagat sa katha ay bayaang ang mag-


aaral ang pumili. Papagbigyan ang klase ng kanilang
mungkahing pamagat, sa kathang nais niyang sulatin.
Ipagunita na ang isang pamagat ay dapat na maging maikli,
kawili-wili, gumigising na interes, kapana-panabik, hindi
palasak at hindi nagbubunyag ng wakas.

6. Pagbabalak at pagbabalangkas (Planning and outlining)

Sa pagsulat ng anumang uri ng sulatin ay kailangan ang


pagbabalak at pagbabalangkas. Maaaring gawin ng buong klase
ang paghahanda ng balangkas. Sa balangkas ay kailangang
maitala nila ang mga makahulugang hagap at kaisipan.

7. Pasalitang patatalakayan (Oral discussion)


Kailangang magkaroon ng pagtatalakayang impormal ang
klase ukol sa paksa upang makahagap ang mga mag-aaral sa
paksa at mabibigyan sila ng pagsasanay na sundin ang
kanilang balangkas na isinasaalang-alang ang ga katangian ng
mabuting paksa at paggamit ng mga angkop na pahayag.
8. Pamantayan sa pagsulat ng katha (Setting the standards
for writing)

Nagiging maingat ang mag-aaral sa nilalaman at


pagbubuo ng sulatin kung may mga nakatakdang pamantayang
kanilang susundin. Kailangang isaisip ng mag-aaral bilang
batayan sa pagbibigay-halaga sa gawain ang sumusunod na
tanong:
a. Malinaw ba ang kaisipan? Kung hindi, paano ito
mapalilinaw?

b. Maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng kaisipang inilahad?

c. Ang pangungusap ba sa bawat talata ay nagsasaad lamang


ng tungkol sa iisang bagay o paksa?

d. Kawili-wili ba ang pambungad na pangungusap?

e. Lahat ba ng pangungusap sa katha ay tumutulong sa


kabuuan ng komposisyon?

f. May magandang wakas ba ang mga komposisyon?

g. Wasto ba ang pagkakagamit ng mga bantas?

h. Wasto ba ang lahat ng baybay ng salita?

i. Wasto ba ng pagkakagamit ng malaking titik?

j. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel?

k. Maayos ba ang pagkakasulat ng komposisyon?

9. Pagsasanay sa mga sangkap na kakailanganin sa


komposisyon (Drills on items needed in the composition)

Nagiging mabisa ang mga gawaing pasulat kung


naglalaan ng guro ng sapat na panahon para sa pagsasanay sa
wikang kasangkot sa komposisyon. Maaaring magtala ang guro
ng mga karaniwang kamalian at maghahanda ng mga
pagsasanay batay doon.

Paghahanda ng Burador
1. Pagsulat ng burador (Writing the draft)

Bago sulatin ang burador, magandang gawin ang balikan


ang mga pamantayan sa komposisyon. Dapat isulat ng mga
mag-aaral ang burador sa paaralan upang mapatnubayan sila
ng guro. Sanayin ang mga mag-aaral na basahing mabuti ang
mga burador bago ito ibigay sa guro. Ito‘y makatutulong upang
makaugaliang basahin muna ang anumang isinulat bago ito
ibigay sa guro at mabasa ng ibang tao.

2. Pagpapabuti sa burador (Improving the draft)

Mabisang paraan sa pagpapabuti sa burador na isulat


ang isa sa mga sinulat ng mag-aaral at ipawasto at pagbutihin
ito ng buong klase. Maganda ring paraan ang pagpapalitan ng
burador ng mga mag-aaral pang maiwasto. Kailangan ang
pamamatnubay ng guro sa pagbibigay-halaga sa sinulat na
katha. Bigyan-diin ang pagbabantas, palabaybayan, aspekto ng
pandiwa, ang palugit at ang panlahat na porma ng
komposisyon.

3. Pagsulat na muli ng burador (Rewriting the draft)

Matapos na maiwasto ang burador, ito ay dapat na


muling sulatin ng mag-aaral. Kailangang mabatid nila kung
bakit sila namali sa unang burador at nang sa gayon ay hindi
na maulit ang pagkakamali. Ipaunawa rin na kung minsan ang
dahilan ng pagkakamali sa pagsulat ay ang kawalang-ingat at
hindi pag-uukol ng buong pansin sa isinusulat.

Pagsulat ng Pangwakas na Katha

Ang pagsulat sa pangwakas na katha ay dapat gawin sa


paaralan sa ilalim ng pamamatnubay ng guro. Bago sumulat,
ipagunita ang pamantayan sa pagsulat nang maayos, walang
mali at malinis na kathang sulatin o komposisyon.
Ang guro ay may kaparaanan sa pagtuturo ng pagsulat
para sa mga magsisiumula pa lamang sa gawaing pasulat.
Hindi natin mabibigla ang mga mag-aaral sa pagsulat ng
magaba agad o magandang-maganda na agad na sulatin.
Maaari natin silang pasulatin ng komposisyong supil.

Kontroladong Pagsulat

Ito‘y binubuo ng mga gawain sa pagsulat na naglalaan sa


mga mag-aaral ng iba‘t-ibang pagsanay sa pagsulat ng mga
pangungusap o talata na walang kamalian.
Ito ang unang hakbang tungo sa pagsulat ng
komposisyon at tinatayang makatutulong ng malaki para sa
mag-aaral na limitado ang kaalaman sa wika. Sa kontroladong
pagsulat, mas higit ang input ng titser kaysa sa mag-aaral.
1. Ang paggamit ng substitution table

Pinapabuo ng kommposisyon ang mga mag-aaral sa


tulong ng talahanayan ng mga salita at parirala na maaaring
pagsama-samahin.

2. Tumbasang Pagsulat (Parallel Writing)

Ang antas ng pagkontrol sa pagsulat ay maaring mapag-


iiba-iba sa pamamagitan ng tumbasang pagsulat. Sa
pinakamahabang antas maaaring ang isagawa lamang ng bata
ay ang pagpapalit ng mga salita (panggalan, panghalip atb.). Sa
mas mataas na antas ng pagkatuto, dapat ipaalam sa mga mag-
aaral na ang isang pagpapalit ay maaaring mangailangan ng iba
pang pagpapalit upang magkaroon ng kaisahan ang ipahahayag
na kaisipan.

3. Teknik na Tanong at Sagot

Ang teknik na ito‘y maaaring mamagitan mula sa kontrolado


hanggang malayang pagsulat. Sa puntong kontrolado, ang mga
mag-aaral ay bibigyan ng mga tala o di kaya‘y tekstong
babasahin, pagkatapos ay pasusulatin sila ng mga sagot para
sa isang serye ng mga tanong.

4. Pagpuno ng mga Puwang

Isang karaniwang teknik sa kontroladong pagpapasulat


ay ang pagpuno ng puwang. Ang mga salitang ipupuno sa
puwang ay batay sa mga aralin sa pagsulat o balarila na
natutuhan ng mga bata.

5. Padiktang Pagsulat
Ang teknik na padikta ay mahusay na gawain sa pagsulat
sapagkat mahahantad ang mga mag-aaral sa iba‘t ibang
halimbawa o modelo ng kayarian ng mga pangungusap at
maayos na pagbubuo ng teksto. Sa gawaing ito‘y nahahasa rin
ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbaybay at paggamit ng
iba‘t ibang bantas. Ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang sa
pagpili ng teksto para sa pagsulat na padikta ay ang mga
sumusunod:

1. Haba. Katamtaman lamang ang haba ng teksto at


kailangang kawili-wili at makabuluhan.

2. Antas ng Kahirapan. Ang talasalitaan at istilo ng


pagkakasulat ay nararapat na angkop sa lebel ng mga mag-
aaral.

3. Uri ng teksto. Upang maging makabuluhan ang


gawain, ang mga teksto ay dapat na kumakatawan sa mga
bagay na karaniwang idinidikta natin sa tunay na buhay gaya
ng memoramdum, liham pangangalakal, mga panuto, at iba pa.
4. Ang teksto. Kinakailangang may kaugnayan ang
tekstong gagamitin sa mga paksa o temang binabasa o
tinatalakay na sa klase.

Mga Hakbang sa Padiktang Pagsulat


1. Unang pagbasa. Basahin ang buong teksto sa normal na bilis
upang magkaroon ang mga mag-aaral ng kabuuang ideya
tungkol saan ang teksto.

2. Sa ikalawang pagbasa ng teksto, basahin ito nang may


wastong paglilipon ng mga salita/parirala sa normal na bilis,
huminto ng bahagya sa katapusan ng bawat lipon ng mga
salita/parirala upang maisulat ito ng mga mag-aaral. Ulitin
kung hinihiling ng klase upang tanawin ng mga bata na ang
padiktang pagsulat ay isang magiliw ng gawaing interaktibo, at
hindi pagsulat.

3. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na basahin ang


kanilang isinulat at hayaang iwasto ang mga kita-kitang
kamalian. Pagkatapos basahin muli ang buong teksto upang
maiwasto ng mga mag-aaral ang anumang pagkakamali.

4. Idikit sa pisara ang orihinal na teksto upang maiwasto ng


mga mag-aaral ang kanilang isinulat. Maaaring magpalitan ng
papel dahil minsan ay mahirap makita ang sariling mga
pagkakamali.

Tama o Mali (True or False Test)

Ito ay isang uring pagsusulit na payak o obhektibo


sapagkat mayroon lamang dalawang sagot na mapagpipilian. Sa
uri ng pagsusulit na ito ay nilalayong isykat ng guro ang lebel
ng kaalaman ng mag-aaral , maging angkanyang kakayahang
umunawa at aplikasyon.

Bagama’t madalas na nagagamit ang uri ng pagsusulit na


ito ay hindi naman lahat ang sumasang-ayon na epektibong
gamitin sa mga nasa mataas ng antas ng paaralan. Sinasabi
ring ito ay hindi ring gaanong maaasahan sapagkat:

1. Halos kalahating porsiyento ang posibilidad na makakuha


ng ktamang sagot ng dahil sa pagbabakasakali (tsamba)
lamang .
2. Kinakailangan pa ng maraming bilang ng mga tanong
upang matiyak lamang ang talagang kakayahan ng mag-
aaral.

 Advantages :

1. Aytem Sampling

2. Madaling Gawin

3. Madaling bigyan ng iskor

 Disadvantages:

1. Dumedepende lamang sa pagpapasya

2. Madalas panghuhula lamang ang pagsagot

 Mga uri ng pagsagot na maaring gamitin sa pagsusulit ng


tama o mali :

1. Simpleng TAMA o MALI


-ito ang uri ng pagsagot kung saan ay lalagyan lamang ng
tama ang bilang na may tamang sagot at mali ang bilang
na may maling sagot .

2. Modified TRUE or FALSE

- ito naman ay uri ng tama o mali kung saan ay


sasagutan ng tama ang bilang na may tamang sagot at mali ang
wala, tutukuyin ang salita o mga salitang naging dahilan ng
kamalian nito sabay sasalungguhitan.

Sa ibang aklat ito ang mga iba’t-ibang uri ng tama o mali:

A) TRUE or FALSE with Correction

– uri ng tama o maling lalagyan ng Tama ang bilang na


may tama ang pahayag at Mali naman sa bilang na maling
pahayag ,sabay hanap sa salita o mga salitang dahilan ng
pagiging mali nito at papalitan ng tamang sagot.

B) Cluster TRUE or FALSE


– uri ng tama o mali na sinsalungguhitan lamang ang T
kung ito ay tama at M naman kung ito ay mali.

C) TRUE or FALSE with Option

– uri ng tama o mali na inilalagay sa pagpipilian ang


tamang sagot kung ito ay mali.

Error Recognition Test

Ito ay isang uri ng aytem ng pagsusulit, sinusukat nito


ang kaalamang gramatikal at kakayahan sa pagsusulat ng mga-
aaral. Ito ay binubuo ng buong pangungusap, na may apat na
salungguhitang bahagi ay mali. Ang pagsusulit na pagtukoy sa
mali ay integratibo sapagkat sinusubok nito ang
pangkalahatang kasanayan ng Wika.

Nihae, Nur-Ihsaan ,Chiramance at Thanyapa (2014).


Ang pormal na pagtukoy sa mali ay madaling unawain,
nakakaya at nakakatipid ang mga guro sa paghahanda at
paglikha nito. Subalit Si Heaton (1990) hindi sang – ayon sa
paggamit ng teknik ng pagtukoy sa mali sa kadahilan na ang
emphasis nito ay nakatuonsa negatibong aspeto ng pagkatuto
ng wika, binigyan ito ni Geregly (2007) ng halimbawa.

Ang pamamaraan ng pagtukoy sa mali ay hindi ganoon


ka epektibo. Dahil maraming mag aaral naipinapalagay sa
bawat pangungusap ay mayroong mali. Bukod pa roon, ito’y
nangangailangan ng iba’t iba uri ng pagiisip at ang mag aaral ay
dapat ikonsidera ang bawat sagot na pagpipilian at isipin ang
iba’t iba ang kaalaman gramatikal upang makasagot ng tama.

Iba’t iba ang maaring anyo ng pagsusulit na ito. Hinahati


ang pangungusap sa apat na bahagi na may salungguhit at
nakasulat na titik sa ibaba. Halimbwa na lamang nito ay ang
mga sumusunod:

1. Kalikasan/ng wika/ ang pinagsama-samang/salita.

A B C D
 Nilagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng
pinaghating pangungusap.

2. Bilang isang Sistema ang wika ay walang konsistensi o


may sinusunod
A B C
D
na patern.
 Mga piling salita o parirala lamang sinasalungguhitan
sa pangngungusap.

3. Ang tambalan ay anyo ng pangungusap na


nagpapahayag ng
A B C
magkakaugnay na kaisipan.

 Ang mali sa pangngungusap ay maaring isang salita o


bahagi ng salita na wala.

4. Ang wika ay ginagamit para sa komunikasyon ng tao.

A B C D

 Maari ring magsama-sama ng mga pangungusap na


walang mali.

Ang pagbuo ng panuto ng Error Recognition Test. Kapag


ang pangungusap ay walang mali maaring ilahad sa panuto ang
isusulat na titik kung walang mali. Maari rin ang salitang
“Walang Mali” ay may katumbas na titik sa mga pagpipilian.

Pagsusulit na may Pinagpipilian o (Multiple Choice)

Ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot o multiple


choice ay binubuo ng dalawang bahagi: ang stem o bahagi ng
item na nagpapahayag ng suliranin at ang opsyon o mga
pamimiliang sagot. Isa sa mga opsyon ang tamang sagot, iyong
mga mali ay tinatawag na distraktor o joker. Sa paghahanda ng
mga opsyon, tiyakin ang alin man sa kanila ay aangkop na
idugtong sa stem.

Sa pagpili ng isa sa mga distraktors, tiyaking ito ay


sadyang balanse at hindi agad naglalahad ng sagot. Ang
multiple choice aytem ay maaring nasa anyong pangungusap na
hindi tapos, pangungusap na may puwang, pangungusap na
buo o pangungusap na nagtatanong gaya ng mga sumusunod:

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pahayag o katanungan.


Piliin ang kasagutan sa mga pagpipilian upang mapunan ang
mga puwang at mabigyan ng kasagutan ang mga tanong. Titik
lamang ang isulat.

A. PANGUNGUSAP NA HINDI TAPOS

1. Ibinaon ni Ulap ang sibat sa hagdanan nina Daragang


Magayon na sumisimbolo:

a. ng kanyang kagitingan c. ng pag-ibig at


pagpapakasal

b. ng kanyang galit d. ng kaligayahan

2. Kapag natatakpan ng mga ulap ang bulkan, pinaniniwalaan


ng mga matatanda na:

a. nag-aaway si Daragang Magayon at si Ulap c.


nakikipaglaban si Ulap

b. hinahalikan ni Ulap si Magayon d.


nakikipaglaban si Magayon

3. Isang araw sinundan ni Ulap si Magayon upang:

a. ihayag ang kanyang pag-ibig para sa dalaga

b.ipahayag ang kanyang galit para sa dalaga

c. ipahayag ang kanyang kagitingan


d. ipahayag ang kanyang kasinungalingan

4. Nadulas sa batuhan at nahulog sa malamig na Ilog si


Daragang Magayon ay sinagip siya ni Ulap, ito ang:

a. simula ng kanilang pag-aaway

b. simula ng kanilang pag-iibigan

c. simula ng kanilang pagkakaibigan

d. simula ng kanilang paghihiwalay.

5. Matapos ang labanan ay napaslang ang magkasintahang


Magayon at Ulap at inilibing sila ni Datu Makusug:

a. nang magkayakap c. nang magkalayo

b. nang magkahiwalay d. nang magkatabi

B. PANGUNGUSAP NA MAY PUWANG

1. Ibinaon ni Ulap ang sibat sa hagdanan nina Daragang


Magayon na sumisimbolo__________.

a. ng kanyang c. ng pag-ibig at
kagitingan pagpapakasal

b. ng kanyang galit d. ng kaligayahan

2. Kapag natatakpan ng mga ulap ang bulkan, pinaniniwalaan


ng mga matatanda na__________.

a. nag-aaway si Daragang Magayon at si Ulap

b. hinahalikan ni Ulap si Magayon

c. nakikipaglaban si Ulap

d. nakikipaglaban si Magayon

3. Isang araw sinundan ni Ulap si Magayon upang__________.

a. ihayag ang kanyang pag-ibig para sa dalaga


b.ipahayag ang kanyang galit para sa dalaga

c. ipahayag ang kanyang kagitingan

d. ipahayag ang kanyang kasinungalingan

4. Nadulas sa batuhan at nahulog sa malamig na Ilog si


Daragang Magayon at sinagip siya ni Ulap, ito ang__________.

a. simula ng kanilang pag-aaway

b. simula ng kanilang pag-iibigan

c. simula ng kanilang pagkakaibigan

d. simula ng kanilang paghihiwalay.

5. Matapos ang labanan ay napaslang ang magkasintahang


Magayon at Ulap at inilibing sila ni Datu Makusug__________.

a. nang magkayakap b. nang


magkahiwalay

c.nang magkalayo d. nang magkatabi

C. PANGUNGUSAP NA BUO

1. Nagtataingang- kawali ka na naman.

a. Nagpapatawa c. nagtutulungan

b. Nagpapaloko d. nagbibingi- bingihan

2. Ang ganda ng bansa ay mapang-akit sa mga turista.

a. mapanghikayat c. maganda

b. mapaknit d. magastos

3. Ang batang si Lucy ay masigasig sa kanyang pag-aaral.

a. maambisyon c. masipag

b. matiyaga d. masimbolo
4. Binihag ni Arman ang puso ng babaeng pihikan.

a. hinuli c. nakuha

c. naakit d. Nabihag

5. Nasibak sa puwesto ang mga pulis na nanloloko.

a. napaalis c. nagpasalamat

b. nabigyang parangal d. nagmalaki

D. PANGUNGUSAP NA NAGTATANONG

1. Ano ang kahulugan ng nagtatanging- kawali?

a. Nagtutulungan c. nagbibingi- bingihan

b. Nagpapatawa d. Nagpapaloko

2. Ano ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos?

a. Pang-angkop c. Pang-abay

b. Pandiwa d. Pangngalan

Mga Simulaing Dapat Isaalang-Alang Sa Pagbuo Ng


Pagsusulit Na May Pagpipliang Sagot

ANG STEM

 Ang pangunahing layunin ng aytem ay mailahad sa


kumukuha ng pagsusulit ang suliranin ng aytem. Dapat
maging maikli ngunit malinaw ang stem. Iwasan ang
paggamit ng maliligoy na mga salita.

Halimbawa:

1. May tindahan si Aling Nene. Kahapon napansin niyang


wala ng asukal sa tindahan. Kaya pumunta siya sa
palengke at ______ ng asukal.

Pinabuti:
__________ ng asukal si Aling Nene kahapon.

 Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga


salitang maaaring ilagay sa stem.

Halimbawa:

1. Masaya silang nagkukwentuyan __________.

Sapagkat pinapanood ang araw

Bago pinanonood ang paglubog ng araw

Habang pinanonood ang paglubog ng araw

Kahit pinanonood ang paglubog ng araw

Pinabuti:

1. Masaya silang nagkukwentuhan _______ pinanonood ang


paglubog ng araw. (sapagkat /bago /habang /kahit )

ANG MGA OPSYON

 Hangga’t maari, gawing halos magkakasing haba ang mga


opsyon. Huwag gawing pinakamahaba o pinakamaiksi
ang wastong sagot. Kung hindi ito maiiwasan, may mga
pardon na maaaring sundin gaya ng inilahad sa ibaba.

A. ______ C. ______

B. ______ D.______

A. ______ C. ______

B. ______ D.______

A. ______ C. ______

B. ______ D.______
A. ______ C. ______

B. ______ D.______

A. ______

B. ______

C. ______

D._____
ANG MGA DISTRACTOR
 Ang mga distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga
sasagot ng pagsusulit. Dapat tanawin ng mga eksameni
na halos tamang lahat ang mga opsyon.
Halimbawa:
1. Ibinigay ang lahat _____ Juan kay Rosa.
a. ng b. ang c. ni
d. kay
 Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distraktor.
Halimbawa:
1. Kailangan ng __________ para makapasok sa paliparan ng
General Santos.
a.pahinuhod b.piyakan c. pahintulot
d.pagtaliwas
ANG TAMANG SAGOT
 Tiyaking isa lamang ang tamang sagot
 Pag-iba-ibahin ang position ng tamang sagot
 Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang
tamang sagot.

ANG BUONG AYTEM


 Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan
nito.
Halimbawa:
Layunin: Nagagamit ng wasto ang mga panghalip na panao.
1. Si Nena at si Pina ay magkaibigan. ______ ay magagaling
na manlalaro.
a. Siya b. Sina c. Sila d. Kami

 Ang distractor na Sina ay pwedeng palitan ng Ako.

 Iangkop ang bukabularyo at kayarian ng aytem sa mga


sasagot nito.
Halimbawa:

1. Napukaw ang kanyang damdamin sa napanood ng


pelikula.
a. Namulat b. Natuwa c. Nabighani
d. Nagdilim

Pagsusulit na pagpupuno sa patlang o Completion Test

Ito ay ang pagpupuno ng nawawalang salita o lipon ng


mga salita sa isang pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na
obhektibo na sa halip na pinapapipili ang mag-aaral sa wastong
sagot ay ipinabibigay ang tamang sagot.

Halimbawa:
Panuto: Punan ang patlang ng wastong anyo ng pandiwa na
nasa panaklong.
1. Kahapon ay ___________ (bigay) ako ni Tatay ng regalo.
2. Maliksing ___________ (akyat) ni Jaycee ang puno.
3. Kanina pa ako __________ (tapos) sa paglilinis ng bahay.
4. Noong isang araw ay _________ (punta) sila sa Singapore.
5. Bukas pa kami __________ (dating) sa bahay ni lola.

Cloze Test

Ito ay sumusukat ng pangkalahatang kasanayan sa


wika., gayon din sa kaalamang linggwistika at kaalaman sa
ugnayan ng salitang kinaltas at sa buong teksto.

Nilalagyan ng puwang ang bawat ikatlo o ikaapat na


salita o bawat regular na bilang ng salita. Sa uring basic type
ng cloze test ay maaaring fixed ratio o deletion o dli kaya ay ang
selected deletion.

Mga uri ng cloze test


1. Standard Cloze test- sa uring cloze test na ito, ang
pagtatanggal ng mga salita ay nakatakda. Ito ay sa pagtan
ng panlima at pansampung salita sa loob ng teksto.

Halimbawa:
Ang maikling katha ay may pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin. Ang mahalagang suliranin ay (1)
magkakaroon ng kalutasan. Sa (2) sa mahalagang
suliranin, magkakaroon (3) sagabal o hadlang. Sisikapin
(4) pangunahing tauhan mapagtagumpayan niya ang
suliranin.

2. Modified Cloze test- ang uri ng cloze test na ito ay


karaniwang nakatuon sa proseso ng isang mag-aaral sa
pamamagitan ng pagtuon ng sapat na atensyon sa mga
pagsusulit na may kinalaman sa gramatika at bokabularyo.
Kung ang pagsusulit cloze ay modified type sa bawat
bilang ang may mga opsyon na pagpipilian na isinusulat sa
ilalim ng talata gaya nito.

1. a) baka 2. a) pagbasa 3. a) ng 4.
a) ang
b) dapat b) pagkuha b) ang
b) ng
c) nais c) paglutas c) ba
c) din
d) puwede d) pagbuo d) pa
d) pa

3. Multiple Choice Cloze Test- ang cloze test na ito ay


magkatulad pa rin ng ibang uri ng cloze test ang pagkakaiba
lamang ay mayroon itong pagpipilian (Multiple Choice).

Halimbawa:
Ang maikling katha ay may pangunahing tauhan na may
mahalagang suliranin. Ang mahalagang suliranin ay 1. (dapat,
nais) magkakaroon ng kalutasan. Sa 2. (pagbuo, paglutas) sa
mahalagang suliranin, magkakaroon (4) ng, din sagabal o
hadlang. Sisikapin 3. (ang, ng) pangunahing tauhan
mapagtagumpayan niya ang suliranin.

Pagsusulit C
Ang pagsusulit C ay isang uri ng Cloze Test. Iniiwang buo
ang unang pangungusap sa teksto. Simula sa ikalawang
pangungusap, tuwing ikalawang salita ay kinakaltas ang ilang
titik. (Depende sa haba ng salita ang bilang ng letrang
kakaltasin).
Halimbawa:
Ang ba ko’y tanging ikaw,
Pilipinas kong ma ,
Ang puso ko at bu man
sa iyo’y ibi .
Tung ko’y gagam na lagi
kang pag ang la mo’y baban
Pilipinas kong hi .
- ang pagsasaling- wika ay ang paglilipat ng isang teksto sa
pinakamalapit na diwa mula sa panimulang wika papunta sa
tunguhang wika.

- ang pagsasaling- wika ay muling paglalahad sa


pinagsalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas
ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, batay sa
kahulugan at batay sa istilo.

- ang pagsusulit sa pagsasaling- wika ay sinasagawa


upang sukatin ang kaalaman ng mag- aaral sa dalawang
wikang kasangkot.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsaling-
wika

a. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.


b. Sapat na kaalaaman sa paksang isasalin.
c. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.

Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling- wika

a. Salita laban sa Diwa


b. Himig- orihinal laban sa Himig- salin
c. Estilo ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin
d. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring Baguhin”
e. “Tula- sa-Tula laban sa “Tula-sa-Prosa”

Mga Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula Ingles

1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na


gumagamit nito.
2. Bawat wika ay may kanya- kanyang natatanging
kakanyahan.
3. Ang isang salin ay maituturing na mabuting salin ay
kailangang tanggapin ng pinag- uukulang pangkat na
gagamit nito.
4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na
kasalukuyang ginagamit ng nakakarami.
5. Ang daglat at akronim, gayundin ang mga pormula na
masasabing estabilisado o unibersal na ang gamit ay
hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay
ng katumbas sa Filipino.
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap
na panumbas sa isang salita ng isinaling teksto, gamitin
ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa
talababa (footnote) sa iba bilang mga kahulugan.
7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga.
8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang
salita kapag ito’y naging bahagi na ng pangungusap. Ang
normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles ay
simuno + panaguri, samantalang sa Filipino, ang
itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap ay
panaguri + simuno.
9. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa
Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino
upang hind imaging pangit sa pandinig.
10. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling- wika
ngunit huwag kang paaalipin dito.

Ang Proseso ng Pagsasaling- wika

Ang mga sumusunod ay maaaring maging gabay sa


paggawa ng pagsusulit sa pagsasaling- wika.

Pagtutumbas

Sa prosesong ito, inihahanap ng tagapagsalin ng katapat


na salita/ pahayag sa isinasaling wika. Angkop na angkop ang
pagtutumbas na ito sa mga pagkakataong ang pagsasalin ay
nangangailangan lamang ng isang tapatan. Samakatwid, ang
pangngalan sa kanyang kapwa pangngalan sa pagsasaling-
wika, pandiwa sa kapwa pandiwa, pang- uri sa kapwa pang- uri
at iba pa.

Ang pamamaraang ito ay may eksipsyon. May mga


pagkakataong hindi lamang salita kundi parirala o
pangungusap batay sa kayarian. Makikitang totoo ito sa
pagsasalin ng mga mensaheng nasusulat sa Ingles. At
mahihinuha namang batay ito sa pagkakaiba ng kayariang
Ingles sa kayariang Filipino.

Halimbawa:

Ama- Father
Mamayan- citizen
mamaya- later
Panghihiram

Ang panghihiram ay isa sa mga simulating karaniwang


sinusunod sa pagsasaling- wika. Likas ito sa Pilipino sapul pa
nang pumasok sa katutubong wika ang Espanyol. Maraming
mga salita o katawagang banyaga ang malayang nakapasok sa
katutubong wika dahil ang mga ito ay wala sa angking
bukabolaryo.

Halimbawa:

Informal- Impormal

Television- Telebisyon

Computer- kompyuter

Script- iskrip

Pagsasaling pa- idyomatiko

Kabilang ditto ang mga ekspresyong nagkakaroon ng


particular na kahulugan dahil sa mga paniniwala, saloobin,
kaugalian, at iba pa ng isang lahi. Gayundin ang mga
ekspresyong nagkakaroon ng pagbabago sa kahulugan dahil sa
pag- iiba ng pang- angkop na ginagamit.

Halimbawa:

Hindi mahulugang karayom- crowded

Balat- sibuyas- sensitive

Pusong bato- heartless

Adapsyon

Ito ay ang pamagat o pagtanggap ng mga salitang isasalin


nang tuwiran at walang pagbabago sa baybay, kundi man
bilang kakabit ng mga katutubong panlapi. Gagamitin ito sa
mga pagkakataong kailangang- kailangan at hindi maiiwasan.

Halimbawa:

Sagisag Pang- Agham


Fe (iron)

H20 (water)

Sagisag Pananaliksik

et. Al

e.g

etc.

Salita Mula Sa Banyagang Wika

spaghetti

pizza

habeas corpus

Pagsasaling Pampanitikan

Ang kaselanan ng mga pagsasalin ng mga akdang


pampanitikan ang tinutukoy dito. Hindi lamang balarila,
aspetong pansamantala at iba pang sangkap ng literature ang
binibigyang konsiderasyon kundi maging ang pamamarila,
pamimili at pagsasama- sama ng mga istilo ng awtor. Ang
metapora ng isang makata ay lagi nang isang bagay na
nagpapahirap sa pagsasaling- wika.

Halimbawa:

Isalin sa Ingles ang “Kwento ni Mabuti”.

Sa paggawa ng pagsusulit sa pagsasaling wika tandaan ang


sumusunod:
a. Iwasan ang paggamit ng mga payak na salitang
may kaparehong baybay dahil maaari itong
magbigay ng kalituhan sa mga mag- aaral.

Halimbawa:

Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salita sa wikang Ingles.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bukas
2. Gabi
b. Kung gagamit man ng mga salitang may
kaparehong baybay, gamitin ito sa pangungusap
upang malaman ng mga mag- aaral ang kahulugan
ng salita

Halimbawa:

Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salitang may


salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Pupuntahan ko siya bukas.


2. Bukas ang pinto sa kabilang kwarto.
3. Malamig ang hangin ngayong gabi.
4. Hilig ni Nanay ang magtanim ng gabi.

PAPER- PENCIL TEST

 Papel at lapis ay instrumenting sumangguni sa isang


pangkalahatang grupo ng mga tool sa pagtataya kung
saan ay babasa ng mga tanong at tumugon sa
pamamagitan ng pagsulat.
 Uri ng pagtataya na kung saan ang sagot sa mga
katanungan ay isinusulat sa papel.

Apat na pangunahing hakbang sa pagbuo ng mga pagsusulit na


papel- at- lapis:

1. Naglilista ng mga paksa at gawain.


2. Ang pagtukoy sa mga tugon format, bilang ng mga
katanungan, ang limitasyon ng oras at antas ng
kahirapan.
3. Pagsulat ng mga tanong at pagbuo ng mga gabay sa
pagmamarka.
4. Nire- review ang mga tanong at may gabay sa
pagmamarka.

Dalawang uri ng Paper Pencil Test

1. Selected Response Items

Tama o Mali- ay isang uri ng aytem kung saan


tinutukoy ang mga salita, pangungusap o talasalitaan na
tama o mali.

Multiple Choice Items (Uring Papili)- ang


pagsusulit na may pinagpipiliang sagot ay binubuo ng
dalawang bahagi, ang stem o bahagi ng aytem na
nagpapahayag ng suliranin at ang opsyon o mga
pamimiliang sagot.

Matching Items (Ang pagtatapat- tapat)- ito ay mga


uring pagpili na pinapangkat- pangkat sa dalawang
hanay.

2. Constructed Response Items


Fill in the Blank Items (Uring Papuno)- ito ay
inaatasang magpuno sa nawawalang bahagi ng
magkasunod na bagay na ipinagsulit.

Completion and Short answer Items- ito ay


pagsusulit na obhektibo na sa halip na pinamimili ang
mag- aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang
sagot.

INTELLIGENCE QUOTIENT TEST O IQ TEST

 Ito ay isang pagsusulit na sinusukat ang kakayahang


pangkaisipan ng isang tao kumpara sa iba na may
kapareho niyang lebel o edad.

 Ang orihinal na kahulugan ng IQ sa pagsukat ng


katalinuhan ng isang bata ay: IQ is a ratio of the mental
age to the physical age multiplied by 100. Ang mental age
ay nakukuha batay sa average na resulta ng pagsusulit.

 Ito’y pagsusulit na hindi kinakailangan na paghandaan o


pag-aralan dahil hindi nito sinusukat ang dami ng
nalalaman ng isang tao kundi sinusukat nito ang
kabuuang pangkaisipang kakayahan ng tao sa pag-
unawa ng ideya kumpara sa ibang tao.

Uri ng IQ test

1. Verbal/ Berbal

 Ito ang uri ng IQ test na kung saan nasusukat ang


kakayahan ng isang tao na pag-aralan ang impormasyon
at lutasin ang mga problema gamit ang language-based
reasoning.

2. Non-verbal/ Di-berbal

 Ito naman ang uri ng IQ test na kung saan nasusukat


ang kakayahan ng isang tao na pag-aralan ang
impormasyon at lutasin ang problema gamit ang visual
and hands-on reasoning.

Mga kilalang IQ Tests

Stanford- Binet (SB)

 Ang pinakakilalang intelligence test na ginagamit sa mga


bata. Binubuo ito ng mga subtest na inayos batay sa edad
ng mga bata. Sinusukat ng Stanford- Binet ang limang
salik ng kakayahang pangkaisipan: fluid reasoning,
knowledge, visual- spatial processing, and working
memory.

Woodcock- Johnson Test

 Isang standardized na pamamaraan na sinusubok ang


pangkalahatang kakayahan ng intelektwal ng isang tao.

Wechsler Adult intelligence Scale (WAIS)

 Sinusukat nito ang katalinuhan ng mga taong may nasa


tamang edad na at ng mas matanda pa. Binubuo ng
malawak na subtests na pinangkat sa dalawang
kategorya: verbal at performance.

May iba’t-ibang bahagi ang IQ Test na kilala rin sa tawagna


General Mental Ability (GMA) at ito ay nahahati sa tatlong
bahagi:

1. Verbal Test
Halimbawa:
The words “inclusive” and “exclusive” have:
The same meaning
Different meaning
Are opposite in meaning
2. Numeric Test
Halimbawa:
If it takes 2 hours to drive to City A and the city is
120km away, what speed was the vehicle travelling at?

3. Diagramatic Test

DIKTO-KOMP

 Ang dikto-komp ay pinagsamang pagdikta at komposiyon.


 ito’y ginagamit upang sanayin ang mga mag-aaral sa
pagbuo ng isang tekstong idinikta.
 ito’y ginagamit upang mahimok ang mga mag-aaral na
gumamit ng tiyak na anyo ng mga pangungusap at upang
makabuo ng tiyak na uri ng teksto sa pagsulat-tulad ng
pagsasalaysay, palarawan, paghihikayat, eksposisyon at
pangangatwiran.

Ginagamit ang Dikto-Komp bilang paraan sa pagsukat sa


kakayahan ng estudyante na maalala ang mga pangunahing
ideya sa teksto sa paraang kronolohikal at lohikal na ayos at
bilang panukat rin sa pag-unawa.

Masusukat ng guro ang pagkaunawa ng mga mag-aaral


sa orihinal na teksto sa kung paano nila ito kayang isulat muli
ayon sa lohikal na ayos.

Mga hakbang sa Dikto-Komp:

1. Pumili ng isang teksto na nagtataglay ng mga kayariang


sintaktik na nais mong mapagsanayang gamitin ng mga
mag-aaral.
2. Basahin ang buong teksto sa karaniwang bilis sa
pagbasa.
Hayaang mapakinggan itong mabuti ng buong klase.
sa ikalawang pagbasa, sabihin sa klase na kailangan
nilang magtala ng mahahalagang salita o parirala.
3. Pagkatapos, hayaang magpares-pares ang mga mag-aaral
at ipabuo muli ang tekstong napakinggan sa tulong ng
mga itinalang salita at/o parirala.
4. Mula sa dalawahan, pagpangkat-pangkatin muli ang mga
mag-aaral (4-7 kasapi sa bawat pangkat) at hayaang
ilahad ng bawat kasapi ng pangkat ang binuong
komposisyon. Paghambing-hambingin ang mga binuong
komposisyon at pabuuin muli ang mga pangkat ng isang
pinal na komposisyon.
5. Ipakita ang orihinal na teksto nang buong-buo o di kaya’y
isa-isang ilahad ang mga pangungusap sa buong teksto.
Ipahambing ang binuong teksto sa orihinal.

Mga dapat ikonsidera ng mga guro:

a. Wika (Bokabolaryo at balarila)


b. Haba at kompleksidad (halimbawa, maikli at pamilyar na
kwento sa mga bata.)
c. Background knowledge at interes ng mag-aaral.
d. Hindi dapat magdikta o magsalita ng masyadong
mabagal. Ang nais ay hayaan ang mga estudyante na
magsulat ng mga importanteng salita mula sa teksto
upang maisulat nilang muli ito, hindi yaong kokopyahin
ang bawat salita. ipabatid sa mga estudyante na hindi mo
inaasahang isulat nila ang bawat salita sa teksto.

Ebalwasyon

 Nagawa ba ng mga estudyante na irekonstrak ang teksto


na naglalaman parin ng mga importanteng ideya?
 Nakikipagtalakayan ba ang mga estudyante sa kaklase
para sa tamang balarila at nilalaman?

Sa pagbibigay ng marka: maaaring gumamit ng mga


Rubrics upang maging basehan niya sa kung anong marka ang
kanyang ibibigay sa kanyang estudyante.

Advantage:
Nalilinang ang collaborative learning skills ng mga
estudyante dahil sa pagsasagawa ng dikto-komp ay isang
pangkatang gawain.

Disadvantage:

Maaaring maging tama ang isang estudyante dahil sa ito


nga ay pangkatang gawain kapag nagkakaroon sila ng ganitong
uri ng gawain ay dedepende lamang ang ibang mga estudyante
sa tatauong lider ng grupo at hindi na sila tutulong sa pagbuo
ng kanilang gawain. Nasa lider na ang lahat ng gawain

Halimbawa:

Miliminas

Ni Nilo Par Pamonag

I. Pakinggan ang sanaysay na “Miliminas” ni Nilo Par


Pamonag at unawain ang pangunahing ideya.

Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan


sa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng
malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng mga pulo ay binubuo
ng higit sa pitong libo at dalawang daang mga pulo.

Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng


nasabing kapuluan, ay katulad rin natin ang mga balat at
hitsura. Ang kanilang pananalita ay tulad rin sa atin. Ngunit
dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali
sila at pagsasalita na kabila rin sa atin.

Mik ang tawag sa kanilang pera. At ang tawag nila sa


isang taong mayroong isang milyon na mik, o sobra pa, ay
mikinaryo. Sa pagbibihis, malaki ang pagkakaiba natin sa
kanila. Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga
babae ay ang katumbas sa atin ngayon ng bathing suitat
kamiseta at korto para naman sa mga lalaki.
Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa
pagbibihis, may batas silang ipinapatupad na hulihin ang
sinumang magdaramit ng mahaba pa sa mini-skirt at micro-
mini-skirt.

Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng


kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito
ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng
kanilang Public Diservice Commission na equality before the
kilo.

Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may


ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang
kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not
overspeeding.

Mayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag


nanawasdak. Ang ahensyang ito ay may tatlong uri ng tubo.
Ang una ay nilalabasan ng malinis na tubig; ang ikalawa ay
nilalabasan ng maruming tubig; at ang ikatlo, walang tubig
kundi hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng
quatwasdak *, ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang
bayad, para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig,
para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman
naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga
mahirap at ito ay walang bayad.

Mayroon ding nagmomonopolyo ng koryente. Ito ang


Patay Electric Company. Tatlo rin ang ang uri ng serbisyo nito
sa publiko. Ito anglight service, brown out service at black out
service. Ang light service ay magbibigay ng ilaw sa araw at gabi.
Ang brown out service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo
kailangan at mawawala kung kailangan mo ng ilaw sa pagkain
ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng
pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong black out
service.

Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na


malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay
sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at
ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anu-ano ang siyang
umuukupa ng mga kuwartu-kuwarto na kung sa atin ngayon
ng mga bazaar sa mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari
ng mgabazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda
sa mga sidewalk.

Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa


serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga
resolution genuine na mga batas, at iba pa.

Upang mapagkatiwalaan ang mga mataas na opisyal ng


bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng
mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na
genuine, tulad nggenuine na resolutions, genuine na pera,
genuine na batas, at iba pa.

Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na super


blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga
bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng blusil na sigarilyo,
apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng
bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili nang patago at
tigkakaunti lamang dahil lagging hinuhuli ng mga alagad ng
katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang
kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang
batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng
katiwalian.

Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik.


Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at
pinapatawan ng salangillegal possession of genuine firearm.

Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang


ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga
buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa
pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na
tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga
buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal
na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa
pagpili ng isang outstanding buwaya of the year.
Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang
batasan na tinatawag na Circus of Miliminas. Ang isang batas
ay para sa mga mayaman at ang isa ay para sa mahirap.

Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero


malaki naman ang kanilang maaaring gastusing
representasyon.

Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong


relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang mga santo – ang mik (ang
pera mismo), angbuwaya, at si Santasa, isang taong may
sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas.
Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi
pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa
yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay
ng ano mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.

Ang mga malaking transaksyon ng pamahalaan ay


pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong
shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng
mga mesa ng mga opisyal na pamahalaan. Dahil dito ang mga
mesa ay matataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal
kapag sumusuot sila sa ilalim nito.

Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na


hues depaupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang
katotohanan. At isa pang nakakataka, ang ginuguwardyahan ay
ang mga walang kasalanan. Bakit ganoon ang pamamalakad ng
hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de
paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at
eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at
bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang
ihiwalay sa maraming mga nakalalayang masasamang tao.
Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga
kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay
tinatawag na VIP (Very Important Prisoner).

Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal,


ibang-iba sa atin. Simula pa ng kampanya magkakaharap ng
entablado ng magkakakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng
putik. Sa atin ngayon angmudslinging ay pasaring lamang sa
mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa.
Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura,
mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi
matutupad, dahil kung hindi niya ito gagawin ay pawawalan ng
bisa ang kanyang kandidatura ng Komisyon ng Kalokohan, ang
ahensya na namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin
ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na
nila pinag-iisipan. Ang iniisip nila ay ang naipon na bala ng
mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at
may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag
na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota.

Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi


natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at
eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala
sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila
nang maligaya kasama siSantasa, ang kanilang paboritong
santo.

Ang eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay


masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan rito
kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit
nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito
ang tawag nila sa kanilang mga henyo) na nakabuo ng isang
tableta na kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang
babae ng tinatawag na instant baby, na ipinagbubuntis sa loob
lamang ng dalawampu’t apat na oras.

Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa


Miliminas. Patuloy din ang pag-iral ng mga bayang kontento na
sa klase ng pamamalakad dito na sa ngayong panahon ay
masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki
pa ng mga mataas ang katungkulan sa pamahalaan ang
pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang
bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila
ang magigitng na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa
bibig ng nakaraang administrasyon. At sino ang kanilang
pinatutungkulan? Ang pinatutungkulan nila ng mga papuri ay
ang mga ismagler, mga namomorsiyento, mga kickback artist,
mga mayaman na nang-aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw
ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso
sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak
(piskal) na hindi tumitingin sa kislap ng espada ng katarungan,
at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng
pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga
walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng
bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa
pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng
yaman.

Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon ay


masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya
dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi
lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe,
ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho.

May ilang kabataan na malawak ang pag-iisip na


tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang
kaibhan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang
kanilang prinsipyo ay humihingi ng isang klase ng pag-
uugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong
simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit nang
lumaon ay dumami na ang dumadalo sa kanilang pulong,
bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang
pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na
tinawag nilang dungis ng lipunan.

Ang simpatiya ng mga mahirap ay nakuha ng mga


kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at nang
lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila ang naging dahilan ng
pagkagalit ng mga mayaman at ng mga may katungkulan.
Sumiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong
kapauluan ng Miliminas.

Bilang parusa sa kanila ng kanilang diyos na si Santasa,


dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na
paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa
kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging
dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

II. Pakinggang muli ang kwento at isulat ang key words sa


kahon sa ibaba.

MILIMINAS

Key words
Panimula
Katawan
Wakas

III. Magpares-pares upang buuing muli ang kwento sa


pamamagitan ng mga naitalang salita.
IV. Isulat sa ibaba ang kwentong nabuo gamit ang mga
naitalang key words.

________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pagsusulit na Idinikta o Dictation Test

Sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, talasalitaan,


sa kayarian at maaari frin sa pagbaybay at wastong paggamit
ng malaking titik at ng bantas.
Ang Pagsusulit na Idinikta o Dictation Test ay isang
halimbawa ng “integrative test” na kung saan ay sinusubok nito
ang pangkalahatang kasanayan sa wika ngb isang tao.

Dalawang uri ng pagsususlit na idinikta:

Standard Dictation

Sa “standard dictation”, isinusulat ng mga mag-aaral ang


buong talatang ididikta.

Partial Dictation

Sa “partial dictation”, ang mag-aaral ay binigyan ng sipi


ng talatang ididikta. pero ito ay may kaltas na parirala o
pangungusap. Pupunan lamang ang mga puwang upang mabuo
ang talata.

DIRECT & INDIRECT TEST

Pangunahing saligan ng Pamaraang Direct ang Series


Method ni Gouin at nanalig din ito sa kaisipang ang pagkatuto
ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng pag-aangkin
ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng
wika, walang pagsasalin sa pagitan ng una at ikalawang wika at
halos walang pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila.

Narito ang lagom ng mga simulain sa pamaraang Direct


(Richard at Rogers 1986:9-10).
a. Ang pagkaklase ay nagaganap na target na wika lamang
ang ginagamit.
b. Mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap
ang itinuturo.
c. Ang mga kasanayang pasalita ay nililinang sa
pamamagitan pasalitang tanong at sagot sa pagitan ng guro
at mag-aaral.
d. Itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang
pabuod.
e. Ang mga bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng
pagmomodelo at pagsasanay.
f. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa
pamamagitan ng mga tunay na bagay at mga larawan
samatalang ang mga abstraktong bokabularyo at itinuturo
sa pag-uugnay ng mga ideya.
g. Parehong binibigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita
at pakikinig.
h. Binibigyang-diin din ang wastong pagbigkas at balarila.

Sinasabing sa pamamagitan ng Direct Test ang isang mag-


aaral ay sinusubok sa isang partikular na kakahayan. Ito ay
isang Performance Test. Halimbawa, kung gusto mong malaman
na ang isang mag-aaral ay marunong gumawa ng isang pang-
akademikong sanaysay, hayaan mong gumawa siya. Kung sa
pagsasalita naman, ang pakikilahok ng mga mag-aaaral sa oral
na talakayan sa klase.

Halimbawa:

Ang paksang tinatalakay ay tungkol sa intonasyon.

Gawain: Basahin nang may wastong intonasyon ang


sumusunod na usapan.

“May sakit ka ba, Kuya?”


Samantalang ang Indirect Test ay isang uri ng
pagsusukat ng kaalaman ng isang mag-aaral sa isang
partikular na paksain. Ang pukos ay ang kaalaman ng isang
mag-aaral hindi sa aktwal na paggamit nito o ang kanyang
performance sa wika. Hindi nito sinusukat ng direkta ang
kakayahan ng mag-aaral sa kawastuan sa pagbigkas ng salita
na sumusubok sa pasalitang pamamaraan lamang.

Halimbawa: Panuto: Bilugan ang tamang sagot.


1 Saan nagpalutang-lutang si Nemo?
A. Sa lawa C. Sa hangin
B. Sa dagat D. Sa Ilog

Ang dalawang uri ng pagsusulit ay hindi nagkakalayo sa


isa’t isa kaya’t maaring ipagsanib ang dalawa upang lubusang
mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral.

Kalakasan:

Direct Test:

Natutukoy ang mga tiyak na kaalaman ng mga mag-aaral


at lalo pa ito mahahasa at mapagtuonan ng pansin.

Indirect Test:

Nagagamit ng mabuti ang kaalaman ng mag-aaral


patungkol sa mga gramatika o sa kanilang wika at mas lalo pa
itong napapalawak,

Kahinaan:

Direct Test:

Dahil wala itong tuntunin na sinusunod at hindi rin


tinitignankung paano ginagamit ng mabuti ang mga salita kung
minsan ay nawawala sa pokus ang magaaral sa kanyang dapat
gawin o tukuyin.

Indirect test:

Epektibo lamang ito sa may mga sapat na kaalaman sa


gramatika o wika.

FORMATIVE TEST O PAMATNUBAY NA PAGSUSULIT

Unang nakilala sa larangan ng pagtuturo ang salitang


formative sa isang bukod tanging sanaysay ni Michael Scriven
tungkol sa ‘educational evaluation’ na kung saan kaniyang
binigyan ng paghahambing ang summative evaluation at
formative evaluation.

Ginagamit ng guro upang magkaroon ng partisipasyon


ang mga mag-aaral. Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit
o quiz sa katapusan ng aralin bawat araw. Ang mga quiz ay
may lima hanggang sampung aytem lamang at nilalayong
sukatin ang pagkatuto sa kasanayang itinuro sa loob ng
apatnapung minuto o isang oras. Ito ang tinatawag na
panubaybay na pagsusulit (formative test). ). Isang test itong
nasa low-stake sapagkat ito ay ‘non-graded’ na uri ng
pagsusulit.

Layunin ng Pagsusulit

Layunin ng formative test na imonitor ang pagkatuto na


mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng mga agarang
feedback sa kasalukuyang talakayan na siyang magagamit ng
mga guro upang sukatin ang pagiging epektibo ng paraang
ginamit nila sa pagtuturo at ng mga mag-aaral upang iimprove
ang antas ng kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga katanungang may kinalaman sa isang aralin.(Atkin,
Black at Coffey,2001):

1. Where am I going?
Makapagbubuo ang mga mag-aaral ng mga ‘learning
targets’.

2. Where am I now?
Matukoy ng mga mag-aaral ang mga paksang araling
kailangan pang pagtuunan ng pansin sa susunod na
talakayan.

3. How can I close the gap?


Magbibigay ng kaukulang feedback at ma-assess ng
mga mag-aaral ang sarili kung may pagbabago ba? At kung
mayroon ba silang natutuhan sa aralin. Ang palagiang pag-
oobserba, pagbibigay ng pagsusulit ay nagiging daan ng
isang guro upang malaman ang kapasidad ng isang mag-
aaral at kakayahan.

Kalakasan:

1. Dahil ang test na ito ay non-graded, mawawala sa isip ng


mga bata ang kabalisaan at pangamba na hindi sila
makakasagot ng tama.
2. Nagsisilbi itong praktis o tulong sa mga mag-aaral upang
hindi na lubos mahirapan sa pagkuha ng lagumang
pagsusulit.
3. Natutugunan kaagad ng mga guro ang mga
pangaingailangan sa pag-aaral ng mga magaaral dahil sa
agarang feedback mula sa test at di na niya kailangang
maghintay pa ng resulta ng lagumang pagsusulit upang
matugunan ito.
Kahinaan:

1. Nasasakripisyo ang ilang oras na ginugugol para sa test


na maaari sanang ilaan para sa talakayan.
2. Ang takot ng guro na baka hindi niya kaagad matatapos
ang kaniyang aralin.
3. Kailangang magmadali ang guro sa pagtalakay ng aralin
upang makapagbigay ng formative test bago matapos ang
oras ng pagklase.
4. Dahil non-graded ang test maaaring hindi seryosohin ng
mag-aaral ang test na makaaapekto sa magiging feedback
ng test.
Kabutihang naidudulot sa mga guro:

1. Nasusukat ang hanganan ng kamalayan ng isang mag-


aaral.
2. Natutukoy ang dapat rebisahin o baguhin sa
estratehiyang kanyang pagtuturo.
3. Nakakagawa ng angkop na aktibidades.
4. Napapabatid sa mag-aaral ang kanilang kasalukuyang
progresso.
GRAMMAR (BALARILA) AND VOCABULARY (TALASALITAAN)
TEST

Ang balarila ay tumutukoy sa pagsulat o pananalitang


inihahambing sa wastong gamit. Ito ay pag-aaral hinggil sa wika
na kinabibilangan ng mga sumusunod: ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, at etimolohiya o palaugatan
ng mga salita.

Grammar test ang tawag sa pagsusulit na sumusukat sa


kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa balarila. Ang kaalaman
nila sa pagbuo ng mga pangungusap, wastong balangkas, pag-
aayos at paggamit ng mga salita upang maging makabuluhan
ang pangungusap.

Ang talasalitaan ay tawag sa mga salitang alam ng isang


partikular na tao o grupo.

Apat na uri ng bokabularyo:

 Reading Vocabulary – lahat ng mga salitang nakikilala ng


isang tao habang siya ay nagbabasa. Sinasabing ito ang
pinakamalawak na uri ng bokabularyo na maaaring
taglayin ng isang indibidwal sapagkat mabilis na
dumarami ang nalalaman niyang salita kapag nagbabasa
kaysa sa pakikinig.
 Listening Vocabulary – lahat ng mga salitang nakikilala ng
isang tao sa kanyang pakikinig. Sa tulong ng mga tono at
ang nilalaman o paksa, madaling madaragdagan ang mga
nalalamang salita ng isang tao.
 Speaking Vocabulary – lahat ng mga salitang nagagamit
ng isang tao sa pakikipagtalastasan.
 Writing Vocabulary – lahat ng mga salitang ginagamit
niya sa pagsusulat ng mga pormal na sanaysay at
sulatin, maging sa pagkukumento sa social networking
sites.

Mga istratehiya sa paglinang ng talasalitaan:


 Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) –
nauunawaan ang mga salita sa pamamagitan ng mga
bahagi nito:
- Salitang-ugat
- Panlapi
- Pagkakabuo ng salita
 Paggamit ng palatandaang nagbibigay kahulugan
(context clues)
1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita
na napapaloob din sa pangungusap
Halimbawa:
Masarap mamuhay sa bansang may
kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa
pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan


ng salita.
Halimbawa:
Matapang man siyang tingnan, mahina
naman ang kanyang kalooban.

3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita


Halimbawa:
Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang
marubdob o matinding pagnanasa na
magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan – nakikilala


ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan
ng pag-alala sa mga naging karanasan
Halimbawa:
Dahil sa bahang dala ng bagyo, inilikas sa
ligtas na lugar ang mga tao sa aming baryo.

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita – dito


nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari
o sitwasyon na kaugnay nito.
Halimbawa:
Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya
laban sa lumalaganap na kilusan ng mga
pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang
moral at sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa


Halimbawa:
Naranasan niya ang matinding kahirapan
noong siya ay bata pa. Salat na salat silang mag-
anak sa pagkain, damit, at maayos na tirahan.
Mula siya sa isang maralitang pamilya.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa:
Halimbawa:
Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan,
nakawan, awayan kung ang mga mamamayan
ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal
sa kapwa.

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng


salita.
Halimbawa:
Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay
isang kathang tuluyan na naglalahad ng
kaalaman, kuru-kuro, at damdamin ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan
Halimbawa:
Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga
mata niya at sa nagbabagong pangangatawan,
sa balat niyang manilaw-nilaw at
pinamumutukan ng maraming tigyawat. Ang
mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na
sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o


damdamin
Halimbawa:
Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay
nakipag-unahan sa aking mga hakbang. At ang
aking agam-agam ay napawi nang makita ko
siya sa sala.

 Pag-uugnayan ng mga salita (Word Association)


1. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng
kahulugan ng pangunang salita. (clustering)
Halimbawa:
Ano-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit
sa salitang tingnan?

silipin

lingunin sulyapin

TINGNAN

masdan tanawin

2. Pagkilala ng pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas


o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining)). May
mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na
nais ipahayag.
Halimbawa:
Hindi maaaring sabihing nagalit ka kung
naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga
salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag
o ayon sa haba ng panahon.
Damdamin: inis, yamot, suklam, galit
Panahon: noon, kamakalawa, ngayon, mamaya,
bukas, sa isang buwan

3. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit


o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mga
salitang ginagamit sa mga di-pormal na kalagayan o sa
pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang iba pang salita na itinatawag sa kasama
ay maaaring pangkatin ayon sa paggamit sa
sitwasyon na maaaring:

PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL

Kapanalig kabagang kaibigan

Kaanib abay kasama

Katoto utol kaakbay

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o


paksa (classification)
Halimbawa:
Panlasa – mapait, matamis, maanghang,
matabang
Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad,
dahan-dahan

5. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o


ideya (association or word network). Ang mga salitang
nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa
karanasan o nakaraang kaalaman.
KAPAYAPAAN:
Marunong magpatawad ng kapwa
Walang awayan
Walang kudeta
Tahimik ang paligid
Ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa
loob
Kontento ang mamamayan
6. Ipahanap ang maliliit na salitang matatagpuan sa loob
ng isang mahabang salita (magkasunod na titik lamang)
Halimbawa:
Talangsanggunian (tala, lasa, asa, alas,
sangguni, talas, talasan)

7. Pagpupuno ng titik. Ipasulat sa mga mag-aaral ang


nawawalang titik sa puwang upang makabuo ng
salitang kaugnay ang kahulugan.
Halimbawa:
_ _ _ t a o – maraming tao
_ _ _ _ t a o – panig o kampi sa tao
_ _ _ t a o – para sa tao

Mga pagsusulit sa Balarila:

1. Wastong Gamit
Piliin ang titik ng salitang angkop sa patlang
1) Ang pagkakalat o pagtatapon sa kung
saan-saan ay ______ batas.
a. sang-ayon c. laban sa
b. hinggil sa d. labag sa
2. ______ G. at Gng. Reyes, matagal na nilang
pinag-iipunan ang pagtustos sa pag-aaral mo
sa kolehiyo.
a. Ayon sa c. Ayon kina
b. Ayon kay d. Sang-ayon kina
3. ______ ni Emilio Jacinto ang artilya na
naglalaman ng adhikain ng katipunan.
a. Winika b. Isinabi
b. Sinulatan c. Nalaman
4. Huwag mong ______ ang sino mang nasa
kapangyarihan kung nais mo lamang
makakuha ng pabor.
a. abutin c. kunin
b. abutan d. kunan
5. _____ mo ang mabibigat na dalahin ng Inay.
a. Abutan c. Kunin
b. Tanawin d. Kunan

Mga pagsusulit sa Talasalitaan:

Piliin ang mga salitang kasing-kahulugan ng salitang


nakapahilig.

1. Ang pag-eensayo ng banda ay nakabubulahaw.


a. Nakakainis c. nakatutuwa
b. Nakagugulo d. nakababahala

2. Dapat kang magkamal ng salapi sa mabuting paraan.


a. Magmana c. mag-ipon
b. Magnakaw d. maghanda

3. Madaling nababalino sa lihis na gawain ang mga


kabataang laki sa lansangan.
a. Natutuwa c. nagaganyak
b. Namamalik-mata d. nakakaiwas

4. Iwasang sumugba sa alanganin.


a. Lumusong c. lumayo
b. Tumigil d. lumapit

5. Patang-pata siya nang marating ang tuktok ng


bundok apo.
a. Pagod na pagod c. masayang-masaya
b. Masiglang-masigla d. hinayang na
hinayang

LECTURETTE AT MASTERY TEST


Lecturette

Ang lecturette ay isang uri ng pagsubok sa pakikinig.


Dalawang ulit na babasahin ng guro ang talata at aalisin ang
ilan sa mga salita. Ang pagsusulit na ito ay gagawin lamang sa
loob ng sampu hanggang dalawampung segundo.

Halimbawa:

Si Magdalena ay kaibigan ni ___________ na ina ni


___________. Pareho silang nangarap ng __________ ngunit
pareho rin silang nabigo.

Dahil sa pagkabaliw ni Magdalena sa produktong


__________ ay sumakit ang tiyan nito. Kaya simula noon ay
naniwala na siya sa sinabi ni Mike tungkol sa parang
produktong iniangkat sa bansa.

Mastery Test

Ang pagsusulit na ito ay sumusukat ng kaalaman ng


bawat mag-aaral matapos talakayin ang isang buwanang
topiko. Ang nasabing pagsusulit ay hindi nagkukumpara ng
mga marka mula sa mga estudyante para malaman kung sino
ang nangunguna sa klase. Ang nakuhang mga marka ng bawat
mag-aaral ay makapagsasabi kung lubos na ba itong
naunawaan ang mga naituro sa kanya ng guro. At kung handa
na ba siya para sa periodical test.

ang pagmamarka sa mastery test ay iba sa periodical test.


Mas Malaki ang porsyento ng periodical test sapagkat ang
pagsusulit na ito ay pangkalahatang kaalaman matapos ang
isang mahabang talakayan o pagkatapos ng mastery test. Ang
mastery test ay magsisilbing paghahanda para sa darating na
periodical test.

Halimbawa:

UNANG MARKAHAN
Filipino 6
Pangalan: ________________________________________
Pangkat/Baitang: ___________________________
Paaralan: ________________________________________
Petsa: ___________________________

Goodluck sa pagsusulit!

PANGKALAHATANG PANUTO: Piliin ang titik ng tamang


sagot. I-shade ang titik na nasa loob
ng bilog na hugis itlog.

I. PAKIKINIG
Narito ang isang pamamaraan sa pagluluto ng
adobong manok at baboy. Magtala lamang ng dalawang
napakinggang panuto o direksyon mula sa binasa ng guro.

1.

2.

Pakinggan ang sitwasyon na babasahin ng guro at


tukuyin kung ano ang saloobin at damdamin ng
nagsasalita.
A B
3. natutuwa naiinis
C masaya D nagagalit

4. A nangungumbinsiB nagagalit
C naiinis D
natutuwa

Piliin ang pangunahing ideya sa sumusunod na


pahayag.

5. A Pinakamapinsalang bagyo ay si Milenyo dahil sa


dalang malakas na hangin at ulan.
Malaki ang pinsalang dulot sa agrikultura ng mga
B
bagyo. C
Maraming hayop ang nalunod.
D
Marami ang kaso ng diarrhea tuwing may bagyo.

6. A Ayon sa PAGASA hindi kukulangin sa 20 ang bagyo


na pumapasok sa Pilipinas taun-taon.
Maraming hayop ang nalulunod tuwing may bagyo.
B
Maging matatanda ay dinadapuan ng sakit.
C
D May namamatay at nawawala na di pa rin
natatagpuan sa pagtangay ng baha sa kanilang bahay.

Ibigay ang pangunahing kaisipan o ideya para sa


bawat talata.

7. A Ang mga dragon ay isang kababalaghan at sadyang


pantasya lamang.
Sadyang may mga dragon ngunit hindi sila tulad
B
ng inilalarawan sa aklat.
Ang haba nila ay di umaabot sa daan-daang
C
talampakan.D
May itinatakas silang prinsipe at prinsesa at
nagbabantay sa mga kayamanan ang bawat dragon.

8. A Ang tingin ng mga Komodo Dragon sa mga tao ay


kaaway. B
Nakakasakit ang kanilang pangil at kuko.
C Ang Komodo Dragons ay mga dambuhalang butiki.
D Mainam alagaan ang mga ito.

Anong pakahulugan ang mahihinuha o mahuhulaan


mo sa sumusunod na pangyayari kung…….

9. Wala nang magiging kasambahay.


A
B Makapagtatrabaho na sila sa ibang bansa ng
angkop/bagay sa natapos nila.
Magtutulungan na ang bawat kasapi ng pamilya sa
C
gawaing-bahay.

D
Magiging mapagmataas na rin ang mga
kasambahay.

10. A Para na rin silang “sino” kung makaasta dahil


nakapag-aral na sila.
Marami nang mga kasambahay ang makapag-aral
B
at magiging propesyonal.
C Makapag-aasawa na rin ang mga kasambahay ng
mula sa ibang bansa.
Wala nang magpapaalila.
D

II. PAGSASALITA
Piliin mula sa kahon ang wastong paggamit ng
pangngalan sa pakikipagtalastasan.
A.pagbabakasyon C.
Australia B.kaibigan
D. pangulo sa klase
11-12
“ Lilet! Ikaw ba si Lilet? Aba! Ikaw nga, ang matalik
11kong _____________. Kumusta ka na? Naku, ang ganda-
ganda mo at ang seksi pa! Nawala ka ng maraming taon,
saan ka ba nagpunta?”,sunod-sunod na tanong ni Liz.
“Natuloy kasi ako sa _____________. Madalian ang
pangyayari kaya hindi na ako 12 nakapagpaalam sa inyo
nang maayos. Doon na ako nagtapos sa aking pag-aaral”,
paliwanag ni Lilet.

Sa sinalungguhitang salita sa
pangungusap,kilalanin ang uri ng pangngalan nito.
13. Ang kanyang pagsigaw ay nangangahulugan ng
kagalakan. B
A
A
di-kongkreto payak
C kongkreto D pantangi

14. Nagdulot ng kasiyahan sa aming lugar ang hinding


inaasahang pagdating ng artistang si Coco Martin.
di-kongkreto pambalana
A B
C D
kongkreto pantangi
15. Kahit saanmang sulok ng mundo ka makakarating,
isipin mong ako pa rin ang lagi mong kakampi sa kahit
anong pagkakataon. Sa sinalungguhitang salita, alamin
kung anong uri ito na panghalip.

A Panghalip Paari B Panghalip Panao


C Panghalip Panaklaw D Panghalip
Patulad

16. Upang mapadali ang pagtali ng laso ay ganito lamang


ka simple ang iyong susunding paraan. Aling salita sa
pangungusap ang panghalip na patulad.
laso pagtali
A mapadali BD ganito
C

17-18.Punan ang patlang ng wastong anyo ng


pandiwa upang mabuo ang talatang nagsasalaysay.

Ramon ang pangalan ng aking kaklase. Noong


nakaraang
17 buwan ___________(baha) sa kanilang lugar.
Hindi naman niya gawi iyon pero niyaya siya ng kanyang
mga kaibigan na maglangoy sa tubig-baha. Kinagabihan,
nagkasakit siya at nilagnat. Ilang araw na rin siyang
nakahiga sa bahay nila ngunit lalong lumubha ang
kanyang karamdaman.
Dinala siya sa ospital, leptospirosis pala ang
dumali sa kanya. Kumalat na ang bakterya sa kanyang
katawan at nagkaroon ng
18
komplikasyon._____________(Patay) si Ramon pagkalipas
ng tatlong araw.

19-20.Kumpletuhin ang bawat pangungusap gamit


ang isa sa mga salita sa loob ng kahon upang
magamit ang magkasingkahulugan/magkasalungat
na pang-uri sa pagsasalaysay.
A.pabagal nang pabagal C.
sarado E. kasagutan
B.nagkakaroon
D.mapaniwalain

Laging bukas ang isip ni Mikko sa mga pagbabago


bagamat maraming
19 tao ang ______________sa pagbabago.
Nawawalan siya ng pokus habang _____________siya
20
ng maraming pagkakaabalahan.

Tukuyin ang kaantasan ng pang-uri sa salitang


sinalungguhitan sa pangungusap sa pamamagitan
ng kaukulang titik nito.
21. Ang di-gaanong malinis na tubig ay maaari nang
ipambanlaw ng mga labahin.
Lantay Pasukdol
A B
C Pahambing D Inuulit
22. Ubod ng taray ang batang si Bebang sa kanilang
paaralan. A B
Lantay Pasukdol
C Magkatulad D Di-magkatuilad

III. PAGBASA

Basahin nang maayos ang sitwasyon. Iayos ang mga


hakbang sa pagsasaing ng bigas. Lagyan ng tamang
bilang 1-5.

23.______Hugasan ng dalawang beses ang bigas.


24.______Lagyan ng dalawang tasang tubig ang bigas.
Kung ano ang sukat ng bigas, gayundin ang sukat ng tubig.
25.______Lutuin ang bigas ng 20 minuto o hanggang sa
ito ay maluto.
26.______Maglagay ng dalawang tasang bigas sa saingan.
27.______Isalang ang sinaing sa katamtamang apoy.

28. “Hay naku! Sino na naman kaya ang dumating na


istorbo? Andami ko pang tatapusing takdang-aralin bago
maghatinggabi,”sambit ni Rizza sa sarili. Paano mo
ilalarawan ang pananalita ni Rizza?
A B
nadismaya naiinis
C nalungkot D nababagot
29. Humingi ng tulong sa pamahalaan ang mga kapus-
palad. Tukuyin ang wastong salitang-ugat at panlaping
ginamit sa salita.
A kapus; palad B
hingi; um
C pamahala; an D tulong

Ibigay ang angkop na kahulugan ng mga salitang


sinalungguhitan ayon sa gamit nito sa pangungusap.

30. Sa probinsya ay mapayapa na ang buhay ni Lola


Viring. B
A matahimik maaliwalas
C
namatay D masalimuot

31. Kinahihiligan na ni Gng. Flores ang pagtatanim


mula pa sa kanyang pagkabata.
A maramdamin B pagbubungkal
C D
maiinis paghahalaman

Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakahilig ayon


sa takbo ng kaisipan sa pangungusap.

32. Ang paaralan ang pandayan ng kaisipan para maging


handa ang mga mag-aaral sa pagharap sa magulong
buhay sa mundo.
A B sanayan
gawaan
C usapan D larangan
33. Nagiging isang mabisang sandata ang pagkakaroon
ng isang mahusay na edukasyon laban sa
kamangmangan.
A B
baril pang-aapi
C panghataw D pananggol
34. Agaw-buhay na nang isugod sa ospital ang
maysakit, tila hindi na ito magtatagal.
inagaw ang kanyang buhay hinimatay
A C
B D
di na tumitibok ang puso malapit ng
mamatay
35. Lagi nating pakatandaan ang kasabihang: “Pag may
isinuksok, may madudukot .”
aasahan may magagamit
A B
C may mananakaw D isinabit

IV. PAGSULAT
36-40.
Gumawa ng slogan na pormang poster ayon sa
kasalukuyang tema ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika na
“WIKA NG PAGKAKAISA”

RUBRICS/PAMANTAYAN:
5 Puntos- Kung nasunod ang lahat na ibinigay na
pamantayan sa pagsusulat ng tema.
4 Puntos- Kung may isang hindi nasunod na pamantayan sa
pagsulat ng tema.
3 Puntos- Kung may dalawang hindi nasunod na pamantayan
sa pagsulat ng tema.
2 Puntos- Kung may tatlong hindi nasunod na pamantayan
sa pagsulat ng tema.
1 Puntos- Kung may apat na hindi nasunod na pamantayan
sa pagsulat ng tema.
Walang Puntos- Walang natamo sa pamantayan ng pagsulat
ng tema.
I. PAKIKINIG
KOPYA PARA SA GURO
Aytem bilang 1-2

Linisin ang manok.Pagputul- putulin nang


katamtaman ang laki.
Magkasamang ilagay sa kaldero ang baboy at manok.
Timplahan ng asin, suka, kaunting tubig, dinikdik na
bawang at pamintang durog. Lagyan ng toyo ngunit
kaunti lamang.
Takpan at pakuluan hanggang lumambot bahagya
ang karneng baboy at manok.
Magpainit ng mantika sa kawali. Sagapin ang mga
bawang atunahing papulahin sa mantika.
Isunod sa pagprito ang manok at baboy. Kapag
pumula na, ibuhos ang sabaw na pinagpalambutan.
Pag kaunti na ang sabaw ay maaari nang hanguin at
ihain.

3. Grabe ang ingay sa loob ng klasrum. Biglang dumating


ang titser. Sabi niya: “Isa, dalawa…”
4. Marumi ang klasrum. Nakita mo si Titser Rose na medyo
nakasimangot habang nakamasid sa kapaligiran. Sabi niya,
mas gaganahan siguro tayong magklase kung laging malinis
ang ating klasrum, di ba?”

Aytem bilang 5-6

Napakalaki ng nagawang pinsala ng nagdaang bagyo


na si Milenyo na rumagasa sa bahaging Kabikulan. Ang
bayan ng Casiguran ay nakaharap sa Dagat Pasipiko at
sila ang unang tumanggap ng hagupit ni Bagyong
Milenyo. Ito si Milenyo ang pinakamalakas at
pinakamapaminsala na nagdala pa ng malakas na hangin
at ulan kaya umapaw ang ilog na nagdulot ng malakaing
baha. Pitong tao ang namatay at tatlo pa ang nawala na
hindi pa rin natatagpuan dahil tinangay ng baha ang
kanilang bahay.
Natumba rin ang 50% ng mga poste ng kuryente kaya
nagtiis ang mga taga Casiguran ng walang tubig at
kuryente.

Aytem 7
Maraming kuwento ng halimaw sa buong mundo.
Ilan sa mga ito ay totoo. Marami rin sa mga ito ay bunga
lamang ng malikot na imahinasyon ng tao.
Gayunpaman, sadyang may mga dragon ngunit hindi
sila katulad ng mga dragong inilalarawan sa mga aklat ng
kababalaghan at pantasya. Ang haba nila ay hindi
umaabot ng daan-daang talampakan. Hindi rin sila
bumubuga ng apoy. Hindi rin sila lumilipad sa
kalawakan. Wala rin silang itinatakas na mga prinsipe o
prinsesa man. Wala rin silang itinatago o binabantayang
kayamanan.

Aytem 8
Ang mga dambuhalang butiki ay tinatawag na
Komodo Dragons. Ang mga ito ay hindi kalagim-lagim,
ngunit hindi rin mainam alagaan sa bahay at ituring na
mga alagang hayop na kakalaruin kung ibig natin.
Nakasasakit ang kanilang pangil at kuko. Ang tingin
nila sa mga tao ay parang mga kaaway.

PERSONALITY TEST

Ang personality test ay isang pagsusulit o pagsubok na


binuo upang matukoy ang personalidad ng isang tao.

Ito ay lipon ng mga tanong na binibigay upang matukoy


ang pagkatao, pagiisip, pag-uugali at interes ng isang
indibidwal.

Isang uri ng palatanungan o iba pang mga standardized


na instrumento na dinesenyo upang ipakita ang mga aspeto ng
karakter ng isang indibidwal o sikolohikal na katayuan nito.

Kailan ito nabuo?

Ang unang personality test ay binuo noong 1920’s at


inilaan upang mapadali ang proseso ng pagpili ng mga tauhan
lalo na sa armadong pwersa. Dahil sa mga maagang mga
pagsisikap, maraming uri ng mga personality test ang nabuo,
ilan sa mga ito ay ang Johari Window Test, The Four
Temperament Test, Goldenberg’s Big Five Personality Test at ang
Myers Briggs Type Indicator (MBTI).

Johari Window Test

1. The open area – behaviour known to both self and others


2. The unaware area – behaviour others know but self is
unaware
3. The hidden area – behaviour we prefer to hide from
others
4. The unknown area – unknown to either ourselves or
others but which may become known

The Four Temperament Test

1. Sanguine
2. Phlegmatic
3. Choleric
4. Melancholic

Goldenberg’s Big Five Personality Test

1. Extroversion
2. Agreeableness
3. Conscientiousness
4. Neuroticism
5. Openness to Experience

Myers Briggs Type Indicator (MBTI)

Isang self-report questionnaire na ginawa nina Katherine


Cook Briggs at Isabel Briggs Myers. Ang MBTI ay tumutukoy sa
kung papaano naiintindihan ng isang tao ang mundo o ang
pamumuhay sa mundo at kung papaano siya gagawa ng isang
desisyon. Maaari ring malaman kung ano ang kurso na
maaaring kunin sa susunod na antas ng pag-aaral na
naaangkop sa pag-uugali ng isang mag-aaral. Ito ay base sa
Carl Jung’s theory of psychological type preferences.
Myers Briggs Type Indicator (MBTI)
Self-“Guesstimate” Worksheet

Which side do you think more accurately describes you? Write


the letter in the box at the end of each pair.
Batayan sa resulta ng MBTI worksheet:

Personality Type General Characteristics

Duty Fulfiller (ISTJ)


Introverted Sensing with Thinking
Serious, quiet, earn success by concentration and
thoroughness. Practical, orderly, matter-of-fact, logical, realistic,
and dependable. See to it that everything is well organized. Take
responsibility. Make up their own minds as to what should be
accomplish and work toward it steadily, regardless of protests or
distractions.

Defender (ISFJ)
Introverted Sensing with Feeling
Quiet, friendly, responsible, and conscientious. Work
devotedly to meet their obligations. Lend stability to any project
or group. Thorough, painstaking, accurate. Their interests are
usually not technical. Can be patient with necessary details.
Loyal, considerate, perceptive, concerned with how other people
feel.
Advocate (INFJ)
Introverted Intuition with Feeling
Succeed by perseverance, originality and desire to do
whatever is needed or wanted. Put their best efforts into their
work. Quietly forceful, conscientious, concerned for others.
Respected for their firm principles. Likely to be honored and
followed for their clear convictions as to how best to serve the
common good.

Architect (INTJ)
Introverted Intuition with Thinking
Usually have original minds and great drive for their own
ideas and purposes. In fields that appeal to them, they have a
fine power to organize a job and carry it through with or without
help. Skeptical, critical, independent, determined, sometimes
stubborn. Must learn to yield less important points in order to
win the most important.

Virtuoso (ISTP)
Introverted Thinking with Sensing
Cool onlookers, quiet, reserved, observing and analyzing
Life with detached curiosity and unexpected flashes of original
humor. Usually interested in cause and effect, how and why
mechanical things work, and in organizing facts using logical
principles.

Artist (ISFP)
Introverted Feeling with Sensing
Retiring, quietly friendly, sensitive, kind, modest about
their abilities. Shun disagreements, do not force their opinions
or values on others. Usually do not care to lead but often loyal
followers. Often relaxed about getting things done, because they
enjoy the present moment and do not want to spoil it by undue
haste or exertion.

Idealist (INFP)
Introverted Feeling with Intuition
Full of enthusiasms and loyalties, but seldom talk of
these until they know you well. Care about learning, ideas,
language, and independent projects of their own. Tend to
undertake too much then somehow get it done. Friendly, but
often too absorbed in what they are doing to be sociable. Little
concerned with possessions or physical surroundings.

Thinker (INTP)
Introverted Thinking with Intuition
Quiet and reserved. Especially enjoy theoretical or
scientific pursuits. Like solving problems with logic and
analysis. Usually interested mainly in ideas, with little liking for
parties or small talk. Tend to have sharply defined interests.
Need careers where some strong interest can be used and
useful.

Entrepreneur (ESTP)
Extraverted Sensing with Thinking
Good at on-the-spot problem solving. Do not worry, enjoy
whatever comes along. Tend to like mechanical things and
sports, with friends on the side. Adaptable, tolerant, generally
conservative in values. Dislike long explanations. Are best with
real things that can be worked, handled, taken apart, or put
together.

Entertainer (ESFP)
Extraverted Sensing with Feeling
Outgoing, easygoing, accepting, friendly, enjoy everything
and make things more fun for others by their enjoyment. Like
sports and making things happen. Know what’s going on and
join in eagerly. Find remembering facts easier than mastering
theories. Are best in situations that need sound common sense
and practical ability with people as well as with things.

Inspirer (ENFP)
Extraverted Intuition with Feeling
Warmly enthusiastic, high-spirited, ingenious,
imaginative. Able to do almost anything that interest them.
Quick with a solution for any difficult and ready to help anyone
with a problem. Often rely on their ability to improvise instead
of preparing in advance. Can usually find compelling reasons
for whatever they want.

Visionary (ENTP)
Extraverted Intuition with Thinking
Quick, ingenious, good at many things. Stimulating
company, alert and outspoken. May argue for fun on either side
of a question. Resourceful in solving new and challenging
problems, but may neglect routine assignments. Apt to turn to
one new interest after another. Skillful in finding logical reasons
for what they want.

Executive (ESTJ)
Extraverted Thinking with Sensing
Practical, realistic, matter-of-fact, with a natural head for
business or mechanics. Not interested in subjects they see no
use for, but can apply themselves when necessary. Like to
organize and run activities. May make good administrators,
especially if they remember to consider others’ feelings and
points of view.

Caregiver (ESFJ)
Extraverted Feeling with Sensing
Warm-hearted, talkative, popular, conscientious, born
cooperators, active committee members. Need harmony and
may be good at creating it. Always doing something nice for
someone. Work best with encouragement and praise. Main
interest is in things that are directly and visibly affect other
people’s lives.

Giver (ENFJ)
Extraverted Feeling with Intuition
Responsive and responsible. Generally feel real concern
for what others think or want, and try to handle things with due
regard for the other person’s feelings. Can present a proposal or
lead a group discussion with ease and tact. Sociable, popular,
sympathetic, Responsive to praise and criticism.

Commander (ENTJ)
Extraverted Thinking with Intuition
Hearty, frank, decisive, leaders in activities. Usually good
in anything that requires reasoning and intelligent talk, such as
public speaking. Are usually well informed and enjoy adding to
their fund of knowledge. May sometimes appear more positive
and confident that their experience in an area warrants.

Mga Uri ng Personality Test

Maraming paraan sa pagsukat ng personalidad ng tao.


Ang dalawang pinakakilalang paraan ay Questionnaire at
Projective test. Ang malimit namang paraang ginagamit ay
Behavior Sampling.

1. Questionnaire – ang questionnaire o kilala rin bilang


personality inventories ay paraan na ginagamit upang matukoy
o masukat ang positibo at negatibong katangian ng tao at
upang ilarawan ang namumukod tanging personalidad nito.
Ang questionnaire rin ay gumagamit ng dalawang formats tama-
mali at forced choice. Ang tama-mali ay kinapapalooban ng mga
tanong na nagpapahayag ng pagiging totoo o hindi sa kanilang
sarili sa pamamagitan ng kanilang mga sagot. Ang forced choice
naman ay dalawang pahayag na kilangang pagpilian ng
indibidwal na sumasalamin sa kanyang pagkatao. Halimbawa:
Johari Window Test, The Four Temperament Test, Goldenberg’s
Big Five Personality Test, Myers Briggs Type Indicator (MBTI).

2. Projective Test – ang projective test ay may


pinakamalaking kontribusyon sa pagsukat ng personalidad ng
tao. Ang konsepto nitong ginagamit ay naiiba sa questionnaire,
na kung saan ang questionnaire ay binuo upang ilarawan ang
namumukod tanging personalidad ng tao samantalang ang
projective test ay sinusubukang ilarawan ang personalidad sa
kabuuan. Gumagamit ang projective test ng malalabo o may
dalawang kahulugan na pahayag upang bigyan ng pagkakataon
ang sabjek (tao) na ipahayag ang kanilang pananaw tungkol sa
isang bagay. Habang isinasagawa ang projective test, ang sabjek
at examiner ay magkaharap. Hindi maaring sumagot ng oo-
hindi o tama-mali sa halip ang sabjek ay bubuo ng
interpretasyon tungkol sa isang bagay. Sinasabing ang
projektive test ang pinakaepektibong instrumento na may
malaking kotribusyon sa pagsuri ng personalidad ng tao.

3. Behavioral Assessment – ang pag-uugali ng tao ay


makikita sa aktwal na sitwasyon. Ginagamit sa pagtataya ng
maladaptive behavior.

Kongklusyon

Samakatuwid sinusukat ng personality test ang


abilidad/kakayahan, kaalaman, pag-uugali at ang
indibidwalidad o buong pagkatao ng isang tao o mag-aaral. Ang
pag-alam nito ay isang napakahalagang bagay para sa mga guro
sapagkat ito ang kanyang magiging batayan sa kanyang
pagtuturo. Dito rin nalalaman ng isang guro kung saan
napapabilang sa Multiple Intellegences na dinebelop ni Howard
Gardner, Ph. D ang bawat mag-aaral.

Pagsusulit

HALIMBAWA NG PERSONALITY TEST


(The Big Five Personality Test)
Instructions: In the table below, for each statement 1-50 mark
how much you agree with on the scale 1-5, where 1=disagree,
2=slightly disagree, 3=neutral, 4=slightly agree and 5=agree, in

the box to the left of it.

E = 20 + (1) ___ - (6) ___ + (11) ___ - (16) ___ + (21) ___ - (26) ___
+ (31) ___ - (36) ___ + (41) ___ - (46) ___ = _____
A = 14 - (2) ___ + (7) ___ - (12) ___ + (17) ___ - (22) ___ + (27) ___ -
(32) ___ + (37) ___ + (42) ___ + (47) ___ = _____
C = 14 + (3) ___ - (8) ___ + (13) ___ - (18) ___ + (23) ___ - (28) ___
+ (33) ___ - (38) ___ + (43) ___ + (48) ___ = _____
N = 38 - (4) ___ + (9) ___ - (14) ___ + (19) ___ - (24) ___ - (29) ___ -
(34) ___ - (39) ___ - (44) ___ - (49) ___ = _____
O = 8 + (5) ___ - (10) ___ + (15) ___ - (20) ___ + (25) ___ - (30) ___
+ (35) ___ + (40) ___ + (45) ___ + (50) ___ = _____

The scores you calculate should be between zero and


forty. Below is a description of each trait.

• Extroversion (E) is the personality trait of seeking fulfilment


from sources outside the self or in community. High scorers
tend to be very social while low scorers prefer to work on their
projects alone.

• Agreeableness (A) reflects much individuals adjust their


behavior to suit others. High scorers are typically polite and like
people. Low scorers tend to 'tell it like it is'.

• Conscientiousness (C) is the personality trait of being honest


and hardworking. High scorers tend to follow rules and prefer
clean homes. Low scorers may be messy and cheat others.

• Neuroticism (N) is the personality trait of being emotional.

• Openness to Experience (O) is the personality trait of seeking


new experience and intellectual pursuits. High scores may day
dream a lot. Low scorers may be very down to earth.

Below is a graph of how other people scored when test was


offered on the internet.
PLACEMENT TEST

Ang placement test ay pagsusulit na ibinibigay sa mag-


aaral na pumapasok sa paaralan upang matukoy ang tiyak na
kaalaman o kakayahan sa iba‘t-ibang asignatura sa layuning
mailagay ang mag-aaral sa tamang kurso o klase.

Ito ay pagsusulit na ibinibigay upang matukoy ang


kakayahan ng isang mag-aaral sa isa o higit pang asignatura
upang mailagay ang mag-aaral kasama ng iba na katulad niya
ang antas ng kakayahan sa isang klase.

Ito ay dinesenyo upang mabigyan ng mga guro ang


kanilang estudyante ng isang madaling pagtatasa sa bawat lebel
ng kaalaman ng mga mag-aaral, ito rin ay isang karagdagang
tulong sa pagbibigay sa bawat tagaturo ng isang hula tungkol
sa kung papaano magiging matagumpay ang isang mag-aaral sa
akademiko, kung papaano pag-uri-uriin ng isang tagaturo ang
kanyang mag-aaral na mayroong kaparehong kasanayan sa
loob ng magkaparehong lebel ng kurso at kung papaano
ipakilala sa kanila ang course material.

Ang placement test din ay maaaring magsilbing simula ng


isang maingat na pagbibigay ng ebalwasyon sa bawat indibidwal
lalong-lalo na sa mga mag-aaral na naghihirap sa akademiko
para makarating sa susunod na lebel o college programs
partikyular na sa pagpasok sa mga kompetitib na programa
tulad ng nursing sa loob ng isang open-entry colleges.

Ang placement testing ay tungkol sa placement test na


ginagamit ng mga kolehiyo at mga unibersidad para tayahin ang
college readiness at ilagay ang bawat mag-aaral sa kanilang
unang klase.

Halimbawa: Entrance Exams gaya ng SASE sa MSU

POWER TEST

-Ito ay isang pagsusulit na may iba’t ibang antas ng difficulty na


nappaloob sa bawat aytem.

-Ang mga aytem sa pagsusulit na ito ay inaayos mula sa hindi


gaanong mhirap na tanong na sinusundan ng mahihirap
hanggang sa pinakamahihirap na katanungan.

-Binibigyan ng sapat na oras ang mga kumukuha ng pagsusulit


na ito upang masagot ang lahat ng mga aytem.

-Sinusukat ng pagsusulit na ito ang kakayahan ng isang


indididwal na masagutan ng tama ang mga mahihirap na
katanungan.

-Madalas ibinibigay ang pagsusulit na ito sa mga nakapagtapos


ng kolehiyo at sa mga nag-aaplay para sa managerial positions.

PRODUCTIVE TEST

Tumutukoy sa kakayahan ng mga mag-aaral na


maintindihan o magamit ang bawat salitang natalakay sa klase
at nababasa sa iba’t ibang babasahin. Binibigay ang pagsubok
na ito upang sukatin kung hanggang saan ang natamong
karunungan ng isang mag-aaral at kung paano niya ito
magagamit sa pagpapaliwanag at pagsagot sa mga ibinibigay na
aytem sa pagsubok.
RECEPTIVE TEST

Ang Receptive Test ay isang uri ng test na kung saan ito


ay may kinalaman sa pagbasa at pakikinig. Binibigyang halaga
nito ang kakayahan ng isang mag-aaral kung hanggang saan
niya kayang unawain ang tekstong kanyang binasa o binasa ng
kanyang guro. Tumutulong din ito sa pag-assess ng guro sa
reading comprehension ng kanyang mga mag-aaral at ang kung
malawak na ba ang kanilang kaalaman sa gramatika at
estruktura.

MGA HALIMBAWA NG RECEPTIVE TEST

Reading test

Vocabulary test

Readiness test

Pagsukat sa kakayahan sa pag-unawa

Pagsukat sa kakayahan sa pakikinig

SPEED TEST

Ang Speed Test ay isang uri ng pagsusulit na binubuo ng


mga aytem na halos magkakapareho lamang ang antas ng
difficulty. Halos lahat ng mga katunanungan ay madadali
lamang na kung saan alam na alam ito ng mga mag-aaral at
madali lang para sa kanila na makakuha ng perfect score
subalit sa test na ito ay mayroong nakatakdang oras upang
tapusin.

Ang pangunahing layunin ng Speed Test ay ang masukat


ang kakayahan ng isang indibidwal kung gaano karami ang
tamang sagot na kanyang nakuha sa ilalim ng tinatawag na
time pressure. Kaya ang speed of response ang sinusukat ng
test na ito na kung saan ang iskor ng estudyante ay
naiimpluwensyahan sa dalawang factor ito ang accuracy at
speed ng kanyang mga sagot. Kadalasan kahit na mayroong
sapat na kaalaman na ang mga mag-aaral ay hindi pa rin sila
nakakakuha ng mataas na iskor kung hindi siya mabilis
sumagot sa mga katanungan at kung hindi niya natapos ang
test sa loob ng nakalaang oras.

STANDARDIZED TEST

Ang standardized test ay pagsusulit na kung saan ang


nilalaman ay sinusuring mabuti, nagkakaroon ng masinsinang
pagsusuri sa nilalaman na nagkakaroon ng standard o
pamantayang nabubuo, nililinang din nito ang pantay o
sinasabing uniform napag-aadminister (administration) at
pagtataya (scoring).
Ginagamit ito para masukat ang kakayahan o ang inabot
nang isang bata sa pagbabasa at sa Matematika, at malamana
ng pag-unlad ng bata sa nasabing larangan. Ang mga
impormasyon na mula sa pagsusulit ay nagbibigay ng
dinamikong bahaging literacy at numeracy sakakayahan ng
mag-aaral para makuha ang buong curriculum.
Ito’y ginagawa para iadminister sa maraming paaralan sa
bansa, sa maraming mag-aaral na may iisang pamantayan
lamang pagdating sa pag-aadminister, pagtataya at
interpretasyon.
Ito ay ang mga pagsusulit na pretested, inalisa, nirebisa
kung kinakailangan, at may pamantayan o standard sa
pagsasagawa ng paghahambing sa pangkat ng taong kumukuha
ng nasabing pagsusulit.
Ito ay isang isang pagsusulit na inaadminister at
minamarkahan sa paraang “consistent” at istandard. Ang
standardized tests ay dinesinyo sa paraang kung saan ang
tanong, kondisyon sapag-aadminister, sa paraan ng pag-iiskor
at interpretasyon ay “consistent” at inaadminister at iniiskor sa
paraang istandard at “fixed”.
Ang puri ng pagsusulit na ito ay sinasabing may consistency,
mas reliable ang paghahambing ng resulta sa lahat ng
kumukuha nito. Mayroong serye ng mga tanong na multiple
choice na kailangang sagutin ng libo-libong kumukuha ng
pagsusulit at madaling winawasto gamit ang teknolohiya o
machine. Ang pagsusulit ay dinesinyo para sukatin ang
kumukuha ng pagsusulit laban sa isa’t-isa sakanila at
istandard, at ang standardized test ay gingamit para masukat
ang pag-unlad ng isang paaralan, at maibilang o maisalisa
instituson ng higher education, at mailagay ang mga mag-aaral
sa mga programang akma sakanilang abilidad.
Maaaring nasa papel o nasa computer ang pagsusulit na ito.
Ang kumukuha ng pagsusulit ay binibigyan ng tanong,
statement, o suliranin, at inaasahang pipiling isang sagot sa
mga pagpipilian. Minsan ang mga tanong ay sinasabing straight
forward; kung saan ang taong ay “two plus two is” pipiliinng
mag-aaralang “four” mulasamgapagpipilian. Angmgasagot ay
hindi parating klaro, halos lahat ng pagsusulit ay may
maraming theoretical na tanong,gaya ng pagsasaling maiikling
talata na kailangang basahin ng mga kumukuha ng pagsusulit.
Ang mag-aaral ay dapat pumili ng pinakaakma ng sagot sa
lahat, at sa pagtatapos ng oras para sa pagsusulit ay
kinokolekta ang mga answer sheets at iwinawasto.

Halimbawa: NCEE, SASE, NSAT, UPCAT, CSAT, atbp.


Kabilang din dito ang mga: Intelligence test, Aptitude test,
Personality test, at Interest test.

Mga Katangian ng Standardized Test

1. Ginagawa ng mga bihasa o specialists na alam na alam


ang mga principle o simulain o alituntunin sa paggawa
ng pagsusulit.
2. Maingat na inihahanda at sinusunod ng maayos ang
mga simulain sa paggawa ng pagsusulit.
3. Binibigay sa malaking bahagi ng populasyon para
sukatin o subukin ang standard.
4. Ibinibigay upang masukat ang kabisaan ng isang
paaralan.
5. May tumpak na pagtataya.
6. May pamantayan o standard na dapat kalkyulahin o
isaalang-alang sa pagkakaroon ng paghahambing at
interpretasyon.
7. Sinusukat ang mga esensyal na kaalaman at
karakteristiks ganoon din ang mga naabot.
8. Maaaring gamitin sa mas mahabang panahon at sa
mga taong magkakatulad ang saklaw ng pinag-aralan.
9. Sinasamahan ng manual ng instruksyon kung papano
ito iadminister at sa pagtataya at kung paano ang
gagawing interpretasyon sa resulta.
10. Kadalasang copyrighted.
Kalakasan ng Standardized Test:

1. Ang standardized test ay mabisa at mapanghahawakan.


2. Ang standardized test ay sinasamahan ng manual ng
instruksyon ukol sa pagtataya at pag-aadminister ng sa
gayon ay di magkakaroon ng problema sa pagtataya at
pag-aadminister.
3. Ang standardized test ay may sinusunod na standard o
pamantayan sa pagkukumpara ng resulta at pagbibigay
interpretasyon.
4. Ang standardized test ay maaaring gamitin ng paulit-ulit,
ngunit dapat isaalang-alang na ito’y hindi gagamitin muli
sa parehong mga tao dahil pagnagkataon maaapektuhan
ang bias at ang pagiging mapanghahawakan nito.
5. Ang standardized test ay nagbibigay ng mga
naiintidahang kaalaman, kakayahan, abilidad at iba pang
aspeto na masasabing esensyal.

Limitasyon ng Standard na Pagsusulit:

1. Sa kadahilanang ang standard napagsusulit ay para sa


lahat, ang nilalaman ay maaaring hindi tugma sa
inaasahang kalalabasan ng instruksyunal na layunin ng
isang particular na paaralan, asignatura, o kurso.
Nangyayari ito sa standard achievement test. Bagamat
maging maingat napagpipili kapag standard na pagsusulit
ang ginamit na panukat.
2. Sa dahilang ang standard na pagsusulit ay obhektibo
maaari hindi nito masukat ang kakayahan sa
pangangatwiran, paglalahad, kaibahan (contrast), pag-
oorganisa ng isang ideya at kagustuhan.
3. Ang standardized test na akma sa layunin ay minsan lang
nakikita at ito’y mahirap hanapin.

SUMMATIVE TEST
Ang summative test ay nakikilala hindi sa disenyo o anyo
ng pagsusulit (matching type, multiple choice atbp.) kung hindi
sa pamamaraan ng paggamit nito. (para malaman kung
natutunan ba ng mag-aaral ang mga kaalamang ipinapabatid
sa kanila sa buong semestre, grading period o school year.)

Ginagawa ang ebalwasyon na ito matapos makumpleto


ang pagkatuto at nagbibigay rin ito ng mga impormasyon at
feedback sa pagtuturo at pagkatuto.

Wala nang pormal na pagkatuto o pagtuturo sa bahaging


ito maliban lang sa hindi sinasadyang pagkatutuo ng mga mag-
aaral na maaaring mangyari habang ginagawa ang mga
proyekto at ang mga takdang aralin. Kadalasang ibinibigay
pagkatapos ng semestre o grading.

Ilan sa mga Gamit ng Summative Evaluation:

1. Magtakda ng Grado

Ang mga resulta ng summative test ay niri-rete ng


letra o numerical grade, isang basis sa standard set ng
mastery. Ang standard na ito ay nagsasaad ng specific
skills na kailangang matamo ng mag-aaral at ang asal na
kanyang ipinapakita.

2. Magbigay Feedback sa mga Mag-aaral

Maaaring konti lamang na feedback ang


matatanggap ng mga mag-aaral, ngunit kapag isinaalang-
alang ng guro ang paggawa ng pagsusulit, tulad ng sa
mga item sa pagsusulit at sa ibinigay na mga score mula
sa behavioral categories, maaaring makakuha ng
maraming feedback ang mag-aaral sa kanyang gawain
lalo na kung balido at reliable ang bawat kategorya.

3. Magkumpara ng mga Resulta at Outcomes sa


iba’t ibang grupo.

Ito ay ang outcomes ng iba’t ibang teknik at


estratehiya sa pagtuturo kung ito ba ay naging mabisa sa
mga mag-aaral o hindi.

Diagnostic Test Formative Test

Ibinibigay bago Non-graded test


magsimula ang pormal na
aralin. Maiksi at isinasagawa
lamang sa maiksing
Sinusukat
ang
kaalaman ng
mga mag-
aaral

Summative Test

Isinasagawa sa mahabang
panahon matapos ang
isang Grading o
Semestre.

Ito ay graded-test

TEACHER-MADE TEST

Ang Teacher-Made test ay isang pasulat at pasalitang mga


ebalwasyon na hindi kadalasang ibinibigay o
isinasapamantayan. Sa madaling sabi, isang pagsusulit na
ginawa ng guro para lamang sa kanyang mga estudyante.

Ang pagsusulit na ito ay nakabatay sa mas mabisa at


epektibong pasulat at pasalita mas maayos na maisakatuparan
ang pag-eebalsyon. Ito ay maaring magkaroon ng sari-saring
pormat, kasama na dito ang pagtapat-tapat (matching type),
papuno (fill in the blank), tanong na tama o mali (true or false)
at pasanaysay (essay).

Kahalagahan ng Teacher Made Test


Teacher made test ay pasulat o pasalitang mga pagtasa
na hindi pangkomersyo ang ginagawa o Standardized. Ito ay
partikular na dinidisenyo ng isang guro para sa kanyang mga
mag-aaral.

Teacher made tests ay maaaring maging mahalagang


bahagi ng proseso ng pagtuturo at pag-aaral kung ang mga ito
ay isinasama sa pang araw-araw na pagtuturo sa silid-aralan.
Pinapayagan nila ang mga mag-aaral upang makita ang
kanilang sariling pag-unlad at payagan ang mga guro upang
magsagawa ng mga pagsasaayos sa kanilang pagtuturo sa
araw-araw. (Hill, 1991)

Pagbuo ng Teacher-Made Test

Ang paggawa ng maayos na teacher-made test ay


gumugugol ng mahabang oras at may kahirapan. Mahirap itong
intindihin kung ano ang kahalagahan nito sa prosesong
pagkatuto na siyang kadalasang binabalewala sa pagsasanay ng
mga guro.

Ang mga beteranong guro ay umaasa sa mga gawang


pagsusulit sa mga teksbuk o sa kanilang nakasanayang
teacher-made test na ginagamit sa oras na sila’y mag-
eebalwasyon.

Hindi ang basta na gagawa ang isang mabuting


pagsusulit. Kailangan ng sapat at malawak na pagpaplano sa
layunin at instruksyon. Ang estratehiya sa pagtuturo ay
kailangang gawin, ang mga materyal ay batay sa mga libro, at
ang paraan sa pagtataya ay nakabatay sa ilang makabuluhang
istilo. Halos lahat ng guro ay kilala ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng isang sistimatikong pamamaraan upang
mapalawak ang layuning instraksyunal upang maunawaan ng
mga estudyante. Subalit, mayroon pa ring mga guro na
naghahanda ng pagsusulit ng walang sapat na pagpaplano ng
inihanda.

Sa klase, ang pagpaplano sa bawat paksa at pagtataya ay


nagsisimula sa pag-iisip ng kurikulum. Ang ganitong
pamamaraan ay inuulit-ulit ng mga awtoridad sa larangan ng
pagtuturo, isa na ditto si Ralph Tyler na hanggang ngayon ay
itinituring na Father of Educational Evaluation (Olivia, 2001)

Isa sa mga problema sa teacher-made test, ang diin sa


mababang-antas ng pag- iisip. Isang pag-aaral na ginawa
naman ng Clevend Public Schools (Flemming and Chambers,
1983, na binanggit ni Stiggins, 1985) na nagsagawa sila ng
eksaminasyon sa mahigit 300 teacher-made test at na pag-
alaman na pagsulat ang mga guro ay kinakailangan ng
pusposang pagsasanay sa paggawa ng sumusunod:

1. Ang pagplano at ang mas mahalagang pagsusulit.


2. Paggawa ng pagsusulit na hindi malabo.
3. Pagsukat sa kakayahan. (Stiggins,1985, p.72)

Paano Gumawa ng Mas Maayos na Teacher-Made Test?

Kadalasan sa mga guro ay walang oras para maulit ang


pagsusulit at maihambing sa pamantayan kung nakuha o
nakapaloob ba ang mga kailangang mga bahagi sa pagsusulit
subalit kinakailangan ito para magkaroon at ang makabagong
pangangailangan ng mga estudyante at maerepleka ang tunay
na pagkatuto.

Isa sa mga paraan para makabuo ng mas epektibong


teacher-made test ay ikonsidera ang mga uri ng tanong na
siyang maisama sa pagsusulit. Kitang-kita na importante ang
pagpili nito na siyang susukat kung may natamo ba ang
estudyante at kung nakamit ba ang layunin sa pagkatuto o ang
pamantayang tinutumbok.

“Students of all ages who create same of their own


examinations are forced to reflect on what they have studied and
make judgments about it.”—Brown

Ayon kay Brown (1989), ang mga guro ay kailangang


mahubog ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga
pagsusulit at hindi makatutulong para sa mga estudyante ang
pagmemorya ng mga paksa, mas mabuti kung sila ay
tatanungin kung ano ba ang kahalagahan patungkol sa mga
paksang itinuturo sa pamamagitan ng pagtatanong at
pagdedebate at kung papaano masasabing isang tao na
dalubhasa na siya patungkol sa paksa.

Ayon naman kay Garner’s theory, ang epektibong teacher-


made test ay kailangang may nakatakdang isa o dalawang
katalinuhan. Ang mga guro ng isinasamaang estratehiya at
kagamitan tulad ng graphic organizers, gusto ng mag-aaral at
pagkakataon para sa pasalitang sagot para mapunan ang
pangangailangan ng ibat-ibang mag-aaral.

Mga Gabay sa Paggawa ng Maayos na Teacher-Made Test

Ang mga sumusunod na mga gabay ay maaring


makatulong sa pagbuo ng mas maayos na teacher-made
test.

1. Buuin ang pagsusulit bago ang klase.


2. Siguraduhin na ang pagsusulit ay may kinalaman sa
layunin ng aralin o pamantayan sa pagkatuto.
3. Magbigay ng malinaw na mga tagubilin sa bawat seksyon
ng pagsusulit.
4. Isaayos ang mga tanong mula sa simple patungong sa
mga komplikado.
5. Magbigay ng mga mahahalagang puntos sa bawat
seksyon. (tama o mali-2 puntos kada-isa)
6. Gumawa ng may iba’t-ibang uri ng pagtatanong. (tama o
mali. Papuno, pagtapat- tapat, papili, pasanaysay,)
Limitahan na may sampung katanungan lamang.
7. Mga tanong na panggrupo.
8. Naiintindihan at maayos naipinirinta.
9. Siguraduhing nababagay ang mga inilagay na mga salita
sa antas o lebel ng pagbibigyan ng pagsusulit.
10. Maglagay ng may kinalaman sa ibat-ibang uri ng
katalinuhan. (visual,auditory at kinesthetic)
11. Mabigay ng palugit para sa personal na
pangangailangan ng mga estudyante.
12. Magbigay ng pagpipilian para sa napiling
sasaguting katanungan ng estudyante, (sasagot ba gamit
ang pagguhit o pasasanay na sagot)
13. Gumamit ng may ibat-ibang bahagi ng three-story
intellect verbs para maisama ang gathering, processing
and application questions.
14. Magbigay ng batayan sa pagbigay ng marka sa
estudyante.
15. Magbigay ng pantay-pantay na oras sa pagtapos ng
pagsusulit.

Advantage and Disadvantage

Marami sa teacher-made test ay ang diin sa verbal-


linguistic intelligence. Isa sa kalamangan nito ay alam ng guro
ang kahinaan at kalakasan ng estudyante, posibleng ang mga
tanong niya sa pagsusulat ay maaaring ibase niya sa kalakasan
nito na siyang magreresulta ng mataas na marka. Ngunit kapag
ang estudyante ay isang poor reader o hindi palabasa ay hindi
ito makakasagot sa tanong kahit gaano pa kadali ang ibinigay
natanong dito.

Uri ng Teacher-Made Test

A. Pasanaysay
Madaling gawin, nababawasan ang panghuhula ng sagot,
nahahasa ang pag-iisip, nababawasan ang pangongopya at
ang pagmememorya at napapaunlad ang pag-aaral.
B. Tukuyan
1. Recall Type- mga tanong na madaling maalala o simpleng
tanong.
2. Recognition Type- mga kasalit na pagtugon o alternate
response na mga tanong. Tulad ng tama o mali.
C. Multiple choice o pagpipili
1. Stem and Option Variety- mayroong stem kung saan ang
tanong at option ang pagpipilian.
2. Setting and Options Variety- sa larawan makukuha ang
sagot sa katanungan.
3. Contained- Option Variety- ang pagtukoy ng mali sa isang
pangungusap.
4. Pagtatapat-tapat
5. Rearrange Type
6. Analogy Type
a. Sanhi at Bunga
b. Synonym Relationship
c. Antonym Analogy

Halimbawa ng Teacher-Made Test (Grade 10)

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang bawat panuto. Isulat ang


sagot sa inyong sagutang papel.

I. Panuto: Tukuyin ang titik ng salitang magkapareho ng


kahulugan sa salitang nakasulat nakasalungguhit sa
pangungusap.
1. Makikita sa kanilang mga museo at mga lumang
gusali ang mayamang kasaysayang nag-uugat pa sa
malayong nakaraan.
a. Naglalagi c. Nagmumula
b. Nagtataglay d. Naiiwan
2. Ang paa ng mga mananayaw ay singgaan ng hangin
at hindi halos lumalapat sa sahig.

a. Lumalakad c. Sumasayaw
b. Sumasayad d. Lumilitaw

3. Maraming putahe ang kanilang inihahanda sa


tanghaliang tinatawag nilang La Cena.
a.
b. Prutas
c. Ulam
d. Kanin at tinapay
e. Minatamis

II. Panuto: Kilalanin kung TAMA o MALI ang pahayag batay sa mga
pangyayari sa akdang natalakay.
1. Ang tauhang si Crtomir ay isang prinsipe sa isang kahariang
Muslim sa bayan ng Savica sa Slovenia.
2. Ang mga pangyayari sa epiko ay nangyari noong ika-
labinlimang siglo.
3. Nakipaglaban at natalo ang hukbo nina Crtomir sa hukbong
pinamunuan ng Kristiyanong si Valjhan.

III. Salungguhitan an gang mga panghalip na ginamit sa pangungusap


at tukuyin kung ito’y may uring panao, pamatlig, panaklaw o
pananong.
1. Sinong tauhan sa pelikulang Up ng pixar ang maihahalintulad
kay Edith aat Nanay Magloire?
2. “Ako po”, ang tiyak na isasagot ni Carl Fredrickson.
3. Anumang halaga ang ialok kapalit ng bahay ay hindi tinanggap
ni Carl.

WHITE NOISE TEST

Ang white noise test ay isang uri ng pagsusulit na kung saan tinataya
ang lalim ng kaalaman ng isang mag-aaral sa isang wika na hindi niya
unang lenggwahe o hindi katutubong wika at ang katatasan niya sa
paggamit nito. Sa pagsusulit na ito, may mga salitang hindi kailangan sa
loob ng talata na hahanapin ng mga mag-aaral. Ang mga salitang idinagdag
ay bilang pampagulo o pampalito sa bawat pangungusap. Kapag nahanap
na ang mga maling salita, tatanggalin ito at bubuuin ang buong talata na
may iisa lamang na diwa. Maaari ring ipasulat ang mga numero ng mga
maling salita sa ibaba ng pangungusap depende na rin sa isinasaad ng
panuto.

Ang white noise test ay isa ring halimbawa ng pagsusulit na


integratibo sapagkat sinusukat nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika
ng mga-aaral. Isa rin itong uri ng pragmatic test dahil kinakailangan ng mga
mag-aaral na magproseso g mga sangkap ng wika na umaayon sa konteksto
ng nasabing wika kung saan kinakailangang pag-ugnay-ugnayin ng mga
mag-aaral ang pagkakasunud-sunod ng mga sangkap ng linggwistika. Sa
madaling salita, kailangang magtugma-tugma ang mga ideyang inihahayag
ng bawat pangungusap na nakasalalay sa masusing pagpili ng mga wastong
salitang bubuo ng diwa.

Mabisang gamitin ang white noise test sa mga hindi katutubong


nagsasalita ng wikang pinag-aaralan. Kagaya ng bansang Pilpinas, sa mga
rehiyong hindi tagalog. Sapagkat pangalawang wika natin ang Wikang
Filipino, atin itong pinag-aaralan upang maging mahusay sa pagsasalita at
paggamit nito sa larangan ng pakikipagtalastasan at pagsulat.

HALIMBAWA NG WHITE NOISE TEST

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. May mga salitang hindi


kailangan sa talata. Lagyan ng ekis ( X ) ang mga salitang nabanggit at
isulat ang bilang ng mga ito pagkatapos ng titik ng pangungusap na
kinabibilangan nito.

(A) Ang pagkuha pagkalap ng tala o ipormasyon ay hindi talagang totoong


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11
mahirap. (B) Kailangan lang lamang ang kaalaman kasanayan tungkol sa
12 13 14 15 16 17 18 19 20
paggamit pagkuha ng mga ito.

21 22 23 24 25

Ano-anong mga salita ang di kailangan? Isulat ang bilang ng mga ito
pagkatapos ng titik ng pangungusap.

Pangungusap A _______________________________________________

Pangungusap B _______________________________________________

MGA KASAGUTAN

Panuto: Basahin ang sumusunod na talata. May mga salitang hindi


kailangan sa talata. Lagyan ng ekis ( X ) ang mga salitang nabanggit at
isulat ang bilang ng mga ito pagkatapos ng titik ng pangungusap na
kinabibilangan nito.

(B) Ang pagkuha pagkalap ng tala o impormasyon ay hindi talagang


totoong
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11
mahirap. (B) Kailangan lang lamang ang kaalaman kasanayan tungkol sa
12 13 14 15 16 17 18 19
20
paggamit pagkuha ng mga ito.

21 22 23 24 25

Ano-anong mga salita ang di kailangan? Isulat ang bilang ng mga


ito pagkatapos ng titik ng pangungusap.

Pangungusap A 3 at 10

Pangungusap B 14, 18 at 22
Ang Modyul ay isang set ng mga gawain sa pagkatuto na maayos
ang pagkakabuo at kalakip ang mga araling nagtataglay ng mga elemento
ng pagtuturo, tiyak na layunin, pagtuturo, pagkatutung gawain at
pagpapahalagang gumagamit ng Sangguniang Pagsusulit.
Ayon pa kay Darrel L. Murray, “A module is a self-contained and
independent unit of instruction with a primary focus on a few well defined
objectives”. Sa katuturang ito, ang modyul ay buo at ganap sa kanyang
sarili.

Katangian ng isang Modyul


 Ito ay yunit ng instruksiyon na kadalasang nakapag-iisa.
 Pinalalaya ang mga guro at mga mag-aaral mula sa mahigpit na
takdang panahon.
 Ang mga yunit pampagtuturo ay maaaring ilahad sa anyo ng teksto,
audio-video recording, programmed materials, pagsasanay
panlaboratoryo o anumang malikhaing nabuong pormat.
 Ang mga layunin at mga gawain ay malinaw na tinukoy at dapat
namaayos ang pagkasunod-sunod upang bigyan ang mga mag-aaral
ng komulatibong pag-unawa at kasanayang magsisilbing kahingian
para sa mga susunod na aralin.
 Ang mga nilalaman ay dapat na maikli at tiyak nakatuon sa pagtamo
ng tunguhin ng modyul.
 Ang mga modyul ay dapat na interaktibo at madaling gamitin,
bumubuo ng ugnayan sa mag-aaral na patuloy na tumutugon dito o
kaya ay nakikipag-usap sa mag-aaral sa personal na paraan. Ang mga
gawain sa pagkatuto ay dapat na mapaghamon, malikhain, at
masining.
 Dapat nitong turuan ang mga mag-aaral sa lahat ng aspekto, mithiin
ang kognitibo, apektibo, at saykomotor na pagkatuto sa lahat ng
pagkakataon ng pag-aaral upang magbunga nang lubos na pagkatuto.

BAHAGI NG MODYUL

I. PAMAGAT

Ano ang pamagat ng modyul? Ito ba ay maikli at tumatawag ng


pansin, kawili-wili at gumigising ng pananabik

II. TARGET NA MAG-AARAL

Ito ba ay ukol sa mag-aaral sa loob ng silid-aralan, ito ba ay sa


kabataang hindi nag-aaral (out of school youth) 46

Dapat isinasaalang-alang ng gagawa ng modyul ang kawilihan, ang


kakayahan at ang gulang ng mag-aaral upang maiaangkop ang gaan at
hirap ng talasalitaan at ang paksa.

III. LAGOM PANANAW (PANIMULA)

Tungkol saan ang modyul?

Ano-anong mga tiyak na bagay ang matututuhan ng mga mag-aaral?

Ibigay ang kahalagahan nito

IV. LAYUNIN

Anong mga tiyak na kaalaman, kakayahan o kasanayan ang


inaasahang makamit sa pag-aaral ng modyul?

V. KINAKAILANGANG KAHANDAANG GAWIN

Anu-ano ang nararapat na alam ng mag-aaral bago magsimulang pag-


aralan ang modyul?

VI. PAUNANG PAGSUSULIT

Kaugnay ng pagtataya kung nakahanda ba ang mag-aaral sa modyul

Ang pagsusulit na ibinibigay dito ay base sa kailangang kahandaang


gawin.

VII. TAGUBILIN AT PANUTO

Pangkalahatang panuto sa paggamit ng modyul.


Malinaw itong naklahad upang maging madali sa mag-aaral ang
paggawa sa mga sunod-sunod na Gawain o pinakakatawan ng modyul.

VIII. GAWAIN SA PAGKATUTO

Ito ang pinakatawan ng modyul.

Dito inilalahad ang:

a. Ang aralin o mga aralin at talakayan

b. Ang pagsasanay o mga tanong na sasagutin

c. Ang mga inaasahang sagot sa tanong upang mabatid agad ng mag-


aaral ang wastong tugon.

IX. KATANUNGAN

Ano ang natutuhan ng mag-aaral?

Narito sa bahaging ito na kasunod agad ng mga Gawain sa pagkatuto


ang mga tanong na sasagutin

X. SAGOT SA TANONG

Kailangang mabatid agad ng mag-aaral kung wasto o mali ang


kanyang tugon.

XI. PANGHULING PAGSUSULIT

Ito ang pangwakas na pagsusulit upang masubok kung ano at gaano


ang natutunan ng mag-aaral sa modyul.

ANG PAGHAHANDA AT PAGBUO NG MODYUL

Una, dapat may malawak na kaalaman sa araling igagawa ng modyul.

Maghanda ng magiging batayan nito sa pagsubok gaya ng mga


batayang aklat, mga pahayagan, magasin, brosyur, atbp.
Magtakda ng mga layunin sa pagtuturo
o Tatlong Domeyn ng Layunin
 Pangkabatiran- Ito ay mga layunin na lumilinang na mga
kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-
aaral.
 Pansaykomotor – Ito ay kinapapalooban ng mga layunin
na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga kasanayang
motor at kasanayang manipulatib.
 Pandamdamin – Ito ay nahihinggil sa paglinang ng mga
saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahalaga ng mga
mag-aaral
Gumawa ng isang panukatang sangguniang pagsusulit (criterion-
referenced test.)
Gumawa ng paunang pagsusulit (pre-test) at ng pangwakas na
pagsusulit (post-test) at isang pagsubok ukol sa kahandaang gawi
(entry behavior) ng mag-aaral.
Ang pagbabalak at pagbabalangkas ng mga gawain sa pagkatutuo.
o Kailangan ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga aralin.
o Hahatiin ang mga aralin sa maliliit na tipak (chunk)
Ang bawat maliliit na tipak ng gawain o aralin ay karaniwang may
tatlong uri:
o Panimulang Gawain – ang bahaging nagtuturo
o Panggitnang Gawain – ang bahagi na nagpapatibay ng
kaalaman at nagpapayaman ng karanasan ng mag-aaral.
o Pagsubok at Pagbibigay-halaga – kinapapalooban ng mga
tanong na sasagutin ng mag-aaral na isinusunod naman agad
ang wastong sagot (feedback)

Ang tatlong uri ng gawaing ito ay muli at muling gagawin hanggang


sa matapos na lahat ang bawat maliliit na tipak ng aralin na
tumutugon sa mga tiyak na layunin at mga inaasintang gawi at
mabuo ang isang modyul.

You might also like