You are on page 1of 1

Patawad Panginoong Hesus, sa mga oras na hinahayaan kong masira ang aking pakikipag-kaibigan sa iyo dahil sa aking

takot at kasalanan. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkakataon na ako’y nagkukulang at nakakalimot sa iyo at nagagawa
kong itatwa ang iyong dakilang pangalan dahil natatakot akong mapulaan ako ng ibang tao. Patawarin mo ako sapagkat
mas pinipili ko pang masira ang Iyong tiwala sa akin kaysa manatili sa iyong pag-ibig.

Sa mga pagdating ng oras ng kagipitan sa aking buhay, Panginoon, tulungan mo ako na higit na magtiwala sa iyo. Sa oras
na natutukso akong itatwa ka, sa aking pagsasalita man o sa aking paggawa, tulungan mo ako na umasa at sumunod sa
iyo. Mabuhay nawa ako sa pagpaparangal at pagkilala sa iyo sa kabila ng panghuhusga ng mundo. Maging lakas ko nawa
sa araw-araw ang Iyong pagmamahal at pag-ibig sa akin upang manatili akong matatag na tagasunod mo, upang sa
pagdating ng hangganan ng aking buhay, makasama Mo ako sa iyong kaharian, kung saan ikaw ay pinapupurihan at
ikinararangal ng lahat ng iyong mga banal. Amen.

You might also like