You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Pico de Loro

Mga tauhan:

Marco - higanteng loro

Kalikasan – nagmamay-ari kay Marco

Haring Araw - may mahiwagang kapangyarihan na nagdudulot ng tagtuyot at init

Noong unang panahon may isang higanteng lorong nagngangalang Marco.

Kalikasan: Marco, hulihin mo ang mata ni Haring Araw para nang sa gayon ay matigil na ang matinding init at
tagtuyot.

Marco: Masusunod po.

Si Marco ay maagang lumipad para hintayin ang pagsikat ng Haring Araw.

(Magandang tinig)

Marco: Saan kaya nanggagaling ang magandang tinig na iyon?

(Malakas na pagaspas ni Marco)

Marco: Ahh! si Diwatang Leso pala iyon. Kay ganda naman ng kaniyang pag-awit.

(Nahumaling si Marco sa pakikinig)

(Papataas na si Haring Araw)

Marco: Hala! Kailangan ko nang bilisan at baka maabutan ako ni Haring Araw.

(Pinakamabilis na pagaspas ng pakpak ni Marco)

Marco: Ahhhhh! Malapit na ako sa kaniyang mata.

(Tuluyan ng sumikat ang silahis ni Haring Araw)

(Unti-unting pagkasunog ng balat ni Marco)

Marco: Arayyyyy!!!

(Pagsusumpa kay Marco)

Kalikasan: Maging bato ka!

(Pagpagaspas ng pakpak ni Marco bago maging bato)

Marco: Kaya ko ito!!!

(Pagtuka sa mata ni Haring Araw)

(Pagiging bato ni Marco)

Dahil sa pangyayaring ito, natabunan ng lupa ang naging batong katawan ni Marco. Ito ay naging bundok at sa
kasalukuyan ito ay inaakyatan ng mga turista. Tinatawag din itong Pico de Loro dahil sa pagkakahawig nito sa tuka
ng loro.

You might also like