You are on page 1of 32

Ang kuwento ay orihinal na

isinulat ni LINA O. ROQUE at


iginuhit ni ANGELI A. BAGAIPO.

Copyright 2016. Isinulat ni LINA


O. ROQUE at iginuhit ni ANGELI
A. BAGAIPO. Sangay ng mga
Paaralang Panlungsod,
Lungsod Quezon.

Makipag-ugnayan sa orihinal
na sumulat at gumuhit kung
nais itong muling ipalimbag.
1

1
Talaan ng Nilalaman

Talasalitaan ............................................3
Tampok na Kuwento........................ 4-20
Gabay sa Pagkatuto...........................21
Gawain 1..............................................22
Gawain 2..............................................23
Aral ng Kuwento..................................24
Pamantayang Pangnilalaman..........25
Tungkol sa Sumulat .............................26
Tungkol sa Gumuhit.............................27

2
Talasalitaan

Basahin nang malakas ang mga


salita at alamin ang kahulugan.

nabigo
nababahala
kabiyak
sala
kuwarto

3
Sa Barangay Gulod, sa
bayan ng Novaliches sa Lungsod
ng Quezon, karamihan sa mga
pamilya dito ay nagpapakita ng
pagmamahalan, paggalang at
pagtutulungan sa isa’t isa.

4
Isa na rito ang Pamilya
Tolentino, na kung saan may
nakatutuwang pangyayari sa
kanilang tahanan na hindi nila
malilimutan.

5
Isang araw, habang naglalaro
sina Rod at Rona, nakita nilang
papalapit sa kanila ang kanilang
tatay.

6
Agad silang tumayo at
nagmano.
“Kaawaan kayo ng Diyos, mga
anak,” wika ni Tatay Oscar.

7
“Mga anak, nakita ba ninyo
ang aking malaking sombrero?”
tanong ni Tatay Oscar. “Hindi po,
Tatay, pero tutulungan po namin
kayo na hanapin ito,” sagot ni Rod.

8
Pumunta ang magkapatid
sa dyip ng kanilang tatay upang
hanapin doon, ngunit wala silang
nakita. Hanap dito, hanap doon
ngunit nabigo silang makita ang
malaking sombrero.

9
Kinabukasan, may hinahanap
na naman ang kanilang tatay.

“Mga anak, nakita ba ninyo ang


aking mahabang bimpo”? “Hindi
po, Tatay, pero tutulungan po
namin kayo na hanapin iyon” sagot
ni Rona. Hanap dito, hanap doon,
ngunit nabigo silang makita ang
mahabang bimpo.
10
Nang sumunod na araw,
lubhang nababahala na si Tatay
Oscar dahil may nawawala na
naman sa kanyang gamit.
“Mga anak, nakita ba ninyo ang
kabiyak ng aking tsinelas?” tanong
ni Tatay Oscar. “ Hindi po, Tatay ,”
ang sagot nina Rod at Rona.
11
Lahat sila ay tulong-tulong na sa
paghahanap ng tsinelas ni Tatay
Oscar.

“Hanapin natin sa
ilalim ng mesa,” ang
sabi ni Rod.

12
“Hanapin naman
natin sa sala,” ang
sabi ni Rona.

13
“Hanapin mo sa kuwarto,”ang
sabi ni Nanay Anita. “Hanapin natin
sa ilalim ng kama,”ang sabi ni Tatay
Oscar.

14
Hanap dito, hanap doon,
ngunit nabigo silang makita
ang tsinelas.

“Kung wala sa loob ng bahay,


subukan naman nating hanapin sa
labas ng bahay,” ang sabi ni Nanay
Anita.
15
“Mahuli ko lang kung sino ang
magnanakaw na iyon, lagot siya
sa akin,” galit na sabi ni Tatay
Oscar.

16
Sa kanilang paghahanap sa
labas ng bahay, sinubukan nina
Rod at Rona na tingnan malapit
sa bahay ng kanilang alagang
aso.

17
“Tatay! Nanay! Halikayo! Nakita
na namin ang magnanakaw,”
sigaw nina Rod at Rona.

Napatakbo ang kanilang mga


magulang at nagulat sila sa kanilang
nakita.
18
“Aba! Ikaw lang pala Bambi ang
kumukuha ng aking mga gamit,”
ang sambit ni Tatay Oscar.

Nagtawanan ang lahat nang


makita nilang pinaghigaan ng
kanilang alagang aso at apat (4) na
tuta ang malaking sombrero,
mahabang bimpo at ang kabiyak ng
tsinelas na hinahanap ni Tatay Oscar.
19
Napangiti at napaisip na lang
si Tatay Oscar, “hindi pala lahat
ng nawawalang bagay ay dahil
sa mga masamang
magnanakaw.”
20
Gabay sa Pagkatuto
Sagutin ang mga tanong.

1.Sino ang madalas mawalan ng


gamit sa bahay?
2. Ano-anong gamit ang
nawawala kay Tatay Oscar?
3. Ano ang nasa isip ni Tatay
Oscar habang naghahanap ng
nawawalang gamit?
4. Paano nahanap ang
nawawalang gamit ni Tatay
Oscar?
5.Sino-sino ang tumulong para
mahanap ang nawawalang
gamit ni Tatay Oscar?
6.

21
Gawain 1

Ayusin ang mga pangyayari sa


kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa
patlang.

_____Hinahanap ni Tatay Oscar ang


kaniyang malaking sombrero at
bimpo.
_____Hanap dito, hanap doon ngunit
nabigo silang makita ang kanilang
hinahanap.
_____Paparating si Tatay Oscar at
nagmano ang magkapatid.
_____Nagtawanan ang lahat nang
makita nilang pinaghigaan ng
kanilang alagang aso ang mga
gamit na nawawala ni Tatay Oscar.
_____Sumunod na araw, nawawala
naman ang isang pares ng kaniyang
tsinelas. 22
Gawain 2

Sagutin ang mga tanong tungkol


sa elemento ng kuwento.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa
kuwento?
______________________________
______________________________
_____________________
2. Saan ang tagpuan ng kuwento?
______________________________
______________________________
_____________________
3. Ano ang naging suliranin sa
kuwento?
______________________________
______________________________
_____________________

23
Aral ng Kuwento

Tulong-tulong sa paghahanap
upang ang isang nawawala ay
mahanap.
Hindi lahat ng bagay na
nawawala ay dahil sa mga
magnanakaw.

24
Pamantayang Pangnilalaman

Nakapagsusunod-sunod
ang mga pangyayari ng
kuwentong napakinggan.
F1PN-IIId-8.2

25
Tungkol sa Sumulat

Ang may akda ng


kuwento ay si
Gng. Lina O. Roque,
isang guro sa Ikaapat na
Baitang sa San Gabriel Elementary
School. Siya ay nagtuturo ng
asignaturang Filipino at MAPEH.

26
Tungkol sa Gumuhit

Ang gumuhit ng
mga larawan sa
kuwento ay si
Gng. Angeli A. Bagaipo,
isang guro sa Ikatlong Baitang sa
San Gabriel Elementary School. Siya
ay nagtuturo ng asignaturang
English at Science.

27
Ang kuwentong ito ay inihanda
para sa mga mag-aaral ng Unang
Baitang upang sila ay matutong
bumasa, mapalawak ang kanilang
talasalitaan at higit sa lahat ay
maipakita ang tunay na
pagmamahal sa pagbasa.

28
Alpabetong Filipino

Aa Bb Cc Dd Ee

Ff Gg Hh Ii Jj

Kk Ll Mm Nn Ññ

NGng Oo Pp Qq Rr

Ss Tt Uu Vv

Ww Xx Yy Zz

29
Department of Education
Schools Division Office – Quezon City
Nueva Ecija, Bago Bantay
Quezon City

ELIZABETH E. QUEZADA, CESO V


Tagapamanihala ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod

DR. BETTY C. CAVO DR. CECILLE G. CARANDANG


Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay ng Pangalawang Tagapamanihala ng Sangay ng
mga Paaralang Panglungsod mga Paaralang Panglungsod

ELIZABETH V. MENESES
Puno, Dibisyon ng Tagapagpatupad ng Kurikulum

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SECTION

DR. HEIDEE F. FERRER


Tagamasid Pangsangay, LRDMS

DALE A. LATAWAN EDWARD B. EDOSMA LIZA N. JAVIER


Project Development Education Program Specialist II SDO Librarian II
Officer II

You might also like