You are on page 1of 2

FILIPINO 4

I. Kilalanin ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang my diin. Isulat sa patlang ang letra
ng tamang sagot.
1. Narinig niya ang kalansing ng mga baryang hinuhulog ni Nanay sa aking alkansiya.
a. Bagsak b. tunog c. buhos
2. Hindi magkandatuto ang mga mag-aaral sa pag ayos ng kanilang mga gamit nang
biglang dumating ang kanilang guro.
a. Natataranta b. naglilinis c. nagliligpit
3. Isang napakakintab na singsing ang napulot ni Louie sa daan habang naglalakad pauwi
ng kanilang bahay.
a. Napakaganda b. napakalaki c. napakakinang
4. Lagi kang sumunod sa payo ng iyong magulang nang hindi ka mapahamak.
a. Mapasama b. mawalan ng pag-asa c. maghirap
5. Bagama’t tumututol ang kanyang magulang, nagpatuloy parin si Louie sa pagluwas ng
Maynila upang magtrabaho.
a. Sumasang-ayon b. nakikisalamuha c. hindi payag

II. Tukuyin sa bawat pangkat ang salitang wasto ang baybay ayon sa tuntunin ng pagbabaybay
ng salitang hiram. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

6. a. zapatos b. cheque c. ventana d. kwaderno

7. a. zigzag b. polder c. firma d. forma
8. a. oxygen b. cauliflower c. korum d. sphagetti
9. a. calcium b. karbon dioxide c. qwiz d. buffey
10. a. zeebra b. solar system c. jaywalking d. peezza

III. Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at punan ang patlang ng tamang aspekto ng
pandiwa batay sa ibinigay na pawatas sa loob ng panaklong
( tulungan ) 11. Nang Makita nilang walang kasama sa paglalakad, ________ ng mga bata
ang matanda sa pagtawid sa kalsada.
( bumili ) 12. Bago umalis si Nanay, nangako siya sa akin na ________ siya ng pasalubong
pag-uwi ng bahay.
( hiramin ) 13. _______ mo pa ba mamaya ang aking mga aklat?
( magluto ) 14. Maagang gumigising si Lala araw-araw at ________ ng almusal para sa
kanilang lahat.
(salubungin)15. Mabilis na _______ ng mga bata si Gng. Reyest at tinulungan sa pagbitbit ng
kanyang mga dalang gamit.
( paliguan ) 16. _______ ni Nanay ng maligamgam na tubig ang bunso kong kapatid dahil
siya ay sobrang ginawin sa madaling araw.
( sumali ) 17. May gaganaping paligsahan sa pag-awit sa aming baryo at alam kong ______
na naman si Ate sa patimpalak.
( mag-ipon )18. Ngayong nalalapit na ang Pasko, ______ na ako ng tira kong baong pera
upang ipambili ng regalo para sa aking mga kaibigan.
( basahin ) 19. Bago matulog sa gabi, ______ na agad ni Mateo ang mga aralin na ituturo ng
kanyang guro kinabukasan.
( punasan ) 20. Pagkatapos hugasan ang mga pinagkainan, isa-isang ______ ni Ate Lala ang
mga kasangkapan bago nila itinago sa loob ng Kabinet.

IV. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang pandiwa at bilugan ang
panlaping makadiwa nito. Pagkatapos ay tukuyi ang aspekto ng pandiwa kung perpektibo,
imperpektibo o kontemplatibo. (3 pts. Sa bawat bilang)

21-23. Biglang naglaho ang makulay na bahaghari sa likod ng mga ulap

24-26. Pinuntahan ni Mang Jose ang tirahan ng mga kapwa magsasaka.
27-29. Mabilis na nagligpit ng mga gamit ang mga bata sa loob ng silid.
30-32. Naglalaro ang mga bata ng tumbang preso sa gilid ng kalsada.
33-35. Hugasan mong Mabuti ang mga masebong kawai sa lababo.

V. Sumulat ng sang karanasan tungkol sa fieldtrip na katatapos pa lamang nitong Setyembre.

Salungguhitan ang mga salitang pandiwa na gagamitin sa pagsasalaysay. Siguraduhing
nakasulat nang maayos ang mga pangungusap.

________________________________________________________________________

You might also like