You are on page 1of 1

GORDON COLLEGE

Olongapo City

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO


Paaralan Old Cabalan Integrated School Baitang/Antas 7
Guro Charie M. Mercado. Asignatura FILIPINO
Araw/Petsa January 18, 2019 Markahan IKAAPAT
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa bawat tauhan kasabay ng pagbasa at panonood.
B.Pamantayan sa Pagganap Nakapagbibigay ng komento ang mga mag-aaral sa mga kilalang personalidad
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nalalaman ang lawak ng kaalaman ng mga mag – aaral patungkol sa mga tauhang matatalakay sa
aralin.
II.NILALAMAN
Paksa Mga Tauhan ng Ibong Adarna
Mga Kagamitan Laptop, Projector, Larawan at Cartolina
Istratehiya Malayang Talakayan, Paggamit ng larawan
Sanggunian Internet at aklat
III.PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa klase

2.Pagsasaayos ng klase

3.Pagtatala ng liban sa klase

B.Pagbabalik-aral
Magtatanong ang guro sa nakaraang aralin tungkol sa buhay ng mga may akda ng Ibong Adarna

C.Pagganyak
Magpapaskil ng iba’t – ibang larawan ng mga kilalang bida at kontrabidang personalidad. Magbibigay ng komento ang mga mag-aaral sa
mga nakapaskil na larawan.

D.Pagtalakay sa Aralin
Magpapanood ang guro ng isang clip na kung saan naipakikilala ang mga tauhan ng Ibong Adarna.Makikinig at magbabasa ang mag-aaral
habang pinapanood ito upang lubos na maunawaan.

IV.SINTESIS
Magbibigay ng maikling pagsusulit ang guro patungkol sa tinalakay .

V.KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN
Pag-aralan ang unang aralin ng Ibong Adarna.

You might also like