You are on page 1of 1

GORDON COLLEGE

Olongapo City

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO


Paaralan Old Cabalan Integrated School Baitang/Antas 7
Guro Charie M. Mercado Asignatura FILIPINO
Araw/Petsa January 16, 2019 Markahan IKAAPAT
I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ng mga mag-aaral ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
B.Pamantayan sa Pagganap Nakakabuo ng imahe ng isang ibon gamit ang mga piraso ng puzzle
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto a. Nalalaman ang kasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagsasalin dila
b.Naiisa-isa ang mahahalagang lugar at may akda kung saan nagmula ang Ibong Adarna

II.NILALAMAN
Paksa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Mga Kagamitan Larawan, kartolina
Istratehiya Pag – aanalisa ng akda ,Pinagyamang Palaro at Panunuring Pampanitikan
Sanggunian Ibong Adarna ni
III.PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO
A.Panimulang Gawain
1.Pagbati sa klase

2.Pagsasaayos ng klase

3.Pagtatala ng liban sa klase

B.Pagbabalik-aral

C.Pagganyak
Mayroong kahon na naglalaman ng mga piraso ng “puzzle” na susubukang buuin ng mga mag-aaral hanggang sa makalikha sila ng imahe
na may kaugnayan sa kanilang aralin.
( Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral)

D.Pagtalakay sa Aralin
Bago tuluyang pasukin ang kwento ay kikilalanin muna ang pinagmulan nito.

(hihila ang guro ng susing salita sa likod ng nabuong larawan ng Ibong Adarna)

>Korido
>Awit
>Francisco Balagtas Baltazar
>Jose Dela Cruz
IV.SINTESIS
Pangkatang Gawain
Bibilang ng isa hanggang apat ang mga mag-aaral at pupunta sa kagrupo pagkatapos.

Gagawin ngayon ang larong “Ansabeh” bubunot ang pinuno ng bawat pangkat dito sa kahon ng isang papel at ipapasa ito sa kasunod
na miyembro hanggang sa umabot sa dulo ang mensahe. Ang tama at pinakamabilis na nakapagbigay ng mensahe ay siyang pangkat na
magkakaroon ng karampatang puntos.
V.KASUNDUAN/TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik tungkol sa buhay ng mga kinilalang may akda ng Ibong Adarna.

You might also like