You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO 2
I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang mga tauhan sa tekstong Napakinggan.
B. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga tauhan sa napakinggang teksto.
C. Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag
F2PN-IId-12.2
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Paglalarawan sa mga Tauhan sa Napakinggang Teksto Batay sa Kilos, Sinabi o
Pahayag.
b. Sanggunian: FIL2 Q3 Week4
c. Laptop, PowerPoint,

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
a) Panimulang Gawain

1. PAGBATI

Magandang umaga mga Bata!


Magandang umaga din po titser!
2. PANALANGIN

Ana, Pangunahin mo nga po ng


isang panalangin?
( sa ngalan ng Ama… Amen!)

Amen! Maari na kayong umupo mga


Bata!
Salamat po Titser!
3. PAG TSEK NG
ATTENDANCE

May lumiban ba sa Klase?


Wala po titser!
Mabuti naman kung ganon mga
anak!

B. Panlinang na Gawain
a.) Balik aral
Mga bata ano ang pinag aralan natin
kahapon?

b.) Pagganyak

Ngayon mga bata May babasahin


tayong kwento, pero bago ang lahat
mayb ipapaqkita muna akong
larawan tukuyin kung ano ito.

Ngayon sino ang makakapag sabi


saakin kung anong hayop ito?

Palaka maam

Tama

May idea ba kayo sa kwento na


babasahin natin?

Wala maam
Ok!
Bago natin umpisahan ang
pagbabasa ng kwento ano ang dapat
natin gawin?

Wag maingay

Tama

Ano pa?

Makinig ng mabuti

Tama ngayon mga bata handa na ba


kayong makinig?

Opo maam
c.) Talakayan

Sa pamamagitan ng Powerpoint
presentation, babasahin ng guro at
mga bata ang kwento.

Sina Kuku at Koko


ni Grace L. Sotto

Sina Kuku at Koko ay


magkaibigang palaka. Mahilig
magbabad sa ilog si Kuku habang si
Koko naman ay mahilig maglaro sa
lupa. Ibig nilang patunayan sa isa’t
isa kung saan nga ba sila talaga
dapat nakatira. Madalas silang
magtalo.
“Sa lupa tayo nakatira,” ang sabi ni
Koko.
“Hay, naku! Hindi ka pa ba
naniniwala na sa tubig tayo talaga
nakatira?” tanong ni Kuku. Walang
nais
magpatalo sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay dumating si Apo
Luning, ang pinakamatandang
palaka sa kanilang lahi.
Tinanong nina Kuku at Koko kung
saan ba talaga ang tirahan nilang
mga palaka.
“Sa tubig man o sa lupa ay maaari
tayong tumira at mabuhay. Tayo ay
mga ampibyan. Sa mga unang
bahagi
ng ating buhay ay nabubuhay tayo sa
tubig at sa mga huling bahagi ay
naninirahan tayo sa lupa. Dahil
diyan,
wala kayong dapat pagtalunan,”
sagot ni Apo Luning.Simula noon ay
hindi na nagtalo ang magkaibigang
palaka na sina Kuku at Koko.

Mga bata nagustuhan nyo ba ang


kwento?

Opo maam
Magaling mga bata, ngayon naman
ay talakayin natin ang dalawang
mag kaibigan sina kuku at koko.

Sino si kuku at koko?


Sila po ay dalawang mag kaibigan!

Napaka mahusay niyo mga bata!

Saan mahilig mag babad si kuku


Sa ilog titser!
Mahusay mga bata!

San naman mahilig mag laro si


koko.
Sa lupa titser!
Mahusay mga bata!

Sino naman si Apo luning,

Ok ana?
Si apo luning po ang
pinakamatandang palaka titser.
Mahusay Ana!

Ngayon naman mayroon akong


ihihanda sa inyo na gagawin niyo .

d.) Paglalapat

Hanapin sa Hanay B ang kilalang


tauhan sa
kwentong iyong napakinggan na
inilalarawan sa Hanay A
Isulat ang letra ng wastong sagot sa
iyong papel.

e.) Paglalahat

Ano ang tinalakay natin ngayon mga


bata!

Tungkol kina kuku at koko titser!


Napaka mahusay niyo mga bata!

San pwede manirahan sina kuku at


koko. Sa tubig at lupa po titser!

Mahusay mga bata!

f.) Takdang aralin

Pagtambalin ang pangungusap sa


Hanay A
at sa mga larawan sa hanay B.

You might also like