You are on page 1of 13

BAGUMBAYAN ELEMENTARY GRADE

PAARALAN: SCHOOL LEVEL AND 4-ATIS


SECTION:
GURONG LEARNING
NAGSASANAY: SOPIA A. ALCANTARA AREA: FILIPINO 4
DETALYADONG
BANGHAY ARALIN
PETSA AT ENERO 02, 2023
ORAS NG MARKAHAN: IKATLO
PAGTUTURO: 2:00p.m. hanggang 3:00p.m.
LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
PANGNILALAMA napakinggan
N
B. PAMANTAYAN SA Nakasusunod sa napakinggang hakbang
PAGGANAP
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan
sa pamamagitan ng paggamit ng una, pangalawa, sumunod at panghuli
K to 12 CG Code: F4PN-IIIj-8.4
C. MGA
KASANAYAN SA Layunin:
PAGKATUTO
(Isulat ang code Kognitib:
ng bawat • Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto.
kasanayan.) Saykomotor:
• Naiguguhit ang paksa ng napakinggang teksto.
Apektib:
• Nakapagbabahagi ng mensahe o aral ng napakinggang alamat. (alamat ng
mariang sinukuan)

NILALAMAN
KABANATA 1: Mapanglaw na Gubat
KAGAMITANG PANTURO
• Yaman ng Lahi IV pp. 118-119 Pilipinas ng Sunshine Interlinks
A. SANGGUNIAN Publishing House, Inc.
• https://youtu.be/WYVaLPIDcDw
B. IBA PANG • PowerPoint Presentation
KAGAMITANG • Kagamitang Biswal
PANTURO • Mga pantulong na makabagong teknolohiya
C. ESTRATEHIYA 4As (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon, Aplikasyon)
PAMAMARAAN
*Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Kaayusan
Ipaliliwanag ng guro ang kaayusan ng silid na naglalayong mabigyan ng sapat
na espasyo ang mga mag-aaral para sa kanilang gawain at mapanatili ang
kaayusan ng silid-aralan.

A. PANIMULANG
GAWAIN

4. Pagtatala ng liban
5. Pamamahala ng pag-uugali ng mga mag-aaral
Ipapaliwanag ng guro ang Tseklist ng Pag-uugali para sa Pamamahala ng
SilidAralan. Layon ng kagamitang ito na masuri ng mga mag-aaral ang kanilang
sarili batay sa mga sumusunod na krayterya. Ang tseklist na ito ay sasagutan at
kokolektahin sa pagtatapos ng aralin.
Balik-Aral
PANUTO: Piliin ang titik ng tinutukoy sa bawat katanungan.
1.Ano ang katangian ng mga alagang hayop nina Maria? Ito ay
nakikipaglaro sa bawat isa sa lahat ng taong bumibisita sa kanilang
tahanan.
a. Napakamaaalalahanin
b. Napakaamo
c. Napakabangis
2. Ano ang binili ng Tatay sa palengke para sa kanilang alagang baboy?
a. Damit
b. Darak
c. Gulay
3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa bumubukal na
B. BALIK-ARAL SA mamahaling bato sa palasyo?
NAKARAANG
ARALIN AT/O a. diyamante at rubi
PAGSISIMULA b. sapiro at esmeralda
NG BAGONG c. basalt at batu apung
ARALIN
4. Dahil sa hindi pag-ulan, Ano ang nangyari sa kanilang palayan?
a. lumambot
b. nagkatubig
c. natuyo at nagkabitak-bitak

5. Ano ang naging katangian ng mga tao dahil sa kagustuhan nilang maangkin
ang lahat ng kayamanan na mayroon sa kanilang lugar.
a. sakim
b. mabait
c. mapagbigay
AKTIBITI
Alamat-Alamin!
Ipapanood ng guro sa mga mag-aaral ang isang bidyo na naglalaman ng maikling
talakayan tungkol sa kahulugan ng alamat, mula rito ay unti-unting
mabubuksan ang isip ng bawat mag-aaral tungkol sa kung ano ang pag-aaralan
nila sa hapon na ito.
Panuto: Panoorin ang bidyong inihanda ng guro at sagutin ang pamprosesong
tanong na kalakip nito.

C. PAGHAHABI NG
LAYUNIN NG
ARALIN

Alamat na Katanungan at Kasagutan!

Panuto: Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang pamprosesong tanong.


Pagkatapos ay tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang ibahagi sa buong
klase ang kanyang sagot.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang pinanood?
2. Ano ang Alamat?
3. Ano ang mga elemento ng Alamat?
ABSTRAKSYON
Matapos mabuksan ang lahat ng kandato ay bubuksan na ng klase ang
aparador at bago sila magpatuloy sa pagtatalakay ay tutukuyin muna nila ang
ngalan ng lugar sa pamamagitan ng sumusunod na gawain.
1. Lugar ay Ating Kilalanin Bago Natin Lakbayin (Pagtukoy sa Aralin)
Panuto: Tukuyin ang nais ipahiwatig ng mga larawan at gamitin ang “code”
upang malaman ang angkop na salita para rito.

D. PAGTATALAKAY
NG BAGONG Matapos matukoy ang ngalan ng lugar ay hihingi ng tulong ang guro sa isang
KONSEPTO AT dalubhasang “tour guide” sa paglalakbay upang matiyak na hindi sila maliligaw
PAGLALAHAD rito.
NG BAGONG
KASANAYAN/
PAGLINANG SA
KABIHASAAN

Pagpasok ng “tour guide” ay ilalahad niya ang mga layunin nila sa paglalakbay
at ipakikilala niya ang mga magkakapangkat na tatawaging KAMP-LEON
(kampyon na liyon),ti-GREAT (magigiting na tigre), AGI-LAKAS (Agilang
Malalakas) at MAHUSA-H’YENA (mahuhusay na h’yena). At ang una nilang
pagsubok ay ang tukuyin ang kasingkahulugan ng mga malalalim na salitang
maaaring makasagabal sa kanilang paglalakbay.
2. BUKAS (Basahin at Unawain. Konteksto’y Alamin. Sa bago ng Mundo,
ika’y papapasukin) (Paghahawan ng mga Sagabal)
Ang gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng platapormang peardeck na
papasukan ng mga mag-aaral gamit ang code na ibibigay ng guro. Pag-uusapan
ng bawat miyembro ng pangkat kung ano sa palagay nila ang kasingkahulugan
ng mga may salungguhit na salita sa bawat bilang. Ang resulta ng kanilang
sagot ay makikita sa “monitor” sa unahan at kapag natukoy na nila ang tamang
kasingkahulugan ng mga salita ay tatawag ang guro ng bubuo ng panibagong
pangungusap gamit ito.
Panuto: Basahin at unawain ng bawat miyembro ng pangkat ang mga
sumusunod na pangungusap. Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit batay sa konteksto nito at gamitin ito sa makabulungang
pangungusap.
1. Naging mapanglaw ang bahay nina Elias mula nang pumanaw ang kaniyang
alagang pusa. a. maaliwalas
b. maingay
c. malungkot
2. Ang matanda ay nagsisisi sa maling pag-uusig niya sa kabataang akala niya
ay kumuha ng kaniyang pitaka.
a. pagpaparatang
b. pagtinging
c. pagpapasalamat
3. Laging magulo sa sa bayan ng Santa Marta dahil puro kaliluhan ang
pinaiiral ng mga tao rito.
a. katamaran
b. kasakiman
c. kataksilan
4. Ang pakiramdam ni Ana ay nalulugami nang makita niya ang kaniyang
marka sa kanilang pagsusulit sapagkat hindi siya nakapag-aral kagabi. a.
mabigat
b. nagagalak
c. lumiligaya
5. Inirereklamo ni Jose ang kanilang “internet provider” dahil palaging naaamis
ang kanilang koneksyon.
a. lumalakas
b. nawawala
c. aktibo
Dahil malinaw na sa mga mag-aaral ang mga malalalim na salita ay
magsisimula na silang maglakbay. Unang destinasyon nila ay ang Ilog Tinig na
upang aliwin ang diwata at mabigyan sila ng gintong pilak ay kailangan nilang
awitan ito.
3. Ilog Tinig
Panuto: Isaawit ang pyesang itinalaga sa inyong pangkat gamit ang tono ng
ibang awiting bayan. Matapos ito ay ipaliwanag sa harap ng klase ang nilalaman
ng awit.

Pangkat 1: Tono: Leron, Leron, Sinta


1
Sa isang madilim gubat na mapanglaw
Dawag na matinik ay walang pagitan,
Halos naghihirap ang kay Pebong Silang
Dumalaw sa loob na lubhang masukal
2
Malalaking kahoy ang inihahandog,
Pawang dalamhati, kahapsa’t lungkot, Huni
pa ng ibon ay nalulunos,
Sa lalong matimpi’t nagsasayang loob.
Pangkat 2: Tono: Ako ay May Lobo
6
Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
Karamiha’y syerpe’t basiliko’y madla
H’yena’t tigreng ganid na nagsisisila
Ng buhay ng tao’t daigdig kapuwa
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
May punong higerang daho’y kulay pupas;
Dito nagagapos ang kahabag-habag,
Isang pinag-usig ng masamang palad.
Pangkat 3: Tono: Kung Ikaw ay Masaya
9
Baguntaong basal ang anyo at tindig
Kahit nakatali kamay, paa’t liig,
Kundi di si Narciso’y tunay na Adonis
Mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit
10
Makinis ang balat na aniki’y burok,
Pilikmata’t kilay mistulang balantok,
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawang magkaayos.
Pangkat 4: Tono: Ang mga Ibon
13
“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan? Ngayo’y
naniniig sa pagkagulaylay,
Bago’y ang bandila ng lalong kasam-an
Sa Reynong Albanya’y iniwawagayway.”
14
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari, Kagalinga’t
bait ay nalulugami
Naaamis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Pagkatawid sa ILOG TINIG ay magpapatuloy sa paglalakbay ang mga mag-aaral


hanggang sa matutunton nila ang BUNDOKAALAMAN at sila ay magmimina ng
mga gintong pilak sa pamamagitan ng pakikiisa sa talakayan.
4. BUNDOKAALAMAN
May tatlong bundok na miminahin ang mga manlalakbay at ang bawat bundok
ay may kani-kaniyang pilak na ireregalo sa kanila.
Panuto: Sagutin ang katanungan ng guro, sa bawat tumpak o makabuluhang
kasagutan ay may pagkakataon ang bawat indibidwal na magmina ng ginto
upang mapagsaluhan ng kanilang pangkat.
1. Saan ang tagpuan ng Kabanata 1?
2. Papaano inilarawan ni Francisco Baltazar ang gubat?
3. Sino ang nakagapos dito?
4. Sa iyong palagay, ano ang sinisimbolo o konotatibong kahulugan ng
mababangis na hayop at pagkagapos ni Florante?
5. Mayroon ka bang kakilala na dumaan sa mga pagsubok gaya ni Florante?
Paano niya ito hinarap?
6. Gaya ni Florante, paano ba natin dapat harapin ang mga pagsubok sa
buhay?
Integrasyon ng Filipino 7
MELC: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng
pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon.
F7PT-IIIh-i-16
Integrasyon ng EsP 8
MELC: Ang katatagan at kahinahunan ay nakatutulong upang harapin ang
matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit. EsP8PIIf-7.3
APLIKASYON: TALENTADO KA-harian
Baon-baon ang kaalamang natamo ng mga manlalakbay mula sa Ilog Tinig at
Budokaalam ay magpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay hanggang sa
makapunta sila sa kahariang tinatawag na TALENTADO KA-harian. Batay sa
nais ng hari, ang bawat lalampas sa kaniyang lupain ay kinakailangan siyang
aliwin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang mga talento na may
kaugnayan sa kanilang paglalakabay.

E. PAGLALAPAT NG
ARALIN SA
PANG-ARAW
ARAW NA
BUHAY

Ilalahad ng guro ang mga gawaing nakapaloob sa pangkatang gawain.


Inaasahan na ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang gawain batay sa kanilang
interes upang ipakita ang hindi bababa sa tatlong pamamaraan kung papaano
haharapin ng mga tao ang sitwasyong ibinigay sa kanila. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng sampung (10) minuto upang isagawa ang gawain. Matapos nito,
kanilang ipamamalas ang kanilang angking husay sa harap ng hari at ng klase.

Panuto: Magbigay ng tatlong (3) pamamaraan kung papaano haharapin ng


mga tao ang sitwasyong ibinigay sa inyo sa pamamagitan ng pagpili ng gawaing
inyong naiibigan. Matapos ang sampung (10) minuto para sa paghahanda ay
itanghal ito sa harap ng hari at ng klase. Gamitin ang rubriks sa pagmamarka
upang maging gabay.
Mga Sitwasyon sa bawat pangkat:
1. Kahirapan
2. Pagpapatuloy sa pag-aaral
3. Pang-bu-“bully” ng kapwa
4. Kakulangan ng tiwala sa sarili
Gawain A: PAKPAK NG BALITA
Bumuo ng isang “radio broadcasting” upang ilahad ang pamamaraan kung
p papaano haharapin ng mga tao ang sitwasyong ibinigay.
Gawain B: HUNI NG KAALAMAN
Bumuo ng isang awit upang ilahad ang pamamaraan papaano haharapin
ng mga tao ang sitwasyong ibinigay.
Gawain C: GUHIT-GUBAT
Sa pamamagitan ng pagguhit ay ilahad ang pamamaraan kung papaano
haharapin ng mga tao ang sitwasyong ibinigay.
Gawain D: ARTISTANG MAPAGMATYAG
Sa pagtatanghal ng isang dula ay ilahad ang pamamaraan kung papaano
haharapin ng mga tao ang sitwasyong ibinigay.
Pamantayan sa pagmamarka:

F. PAGLALAHAT NG Panuto: Piliin ang angkop na salita sa panaklong upang mabuo ang pahayag.
ARALIN
Sa Kabanata 1 ng akda ay makikilala ang pangunahing tauhang si ___________
(Francisco, Florante) na nagpamalas ng ____ (katatagan, katalinuhan) sa mga
___ (pagsubok, pangkukutya) na kaniyang kinaharap.

G. PAGPAPAHALAG Sa pagharap ng problema ay kinakalingan nating maging _______________ upang


A SA ARALIN ________________.

H. PAGTATAYA NG EBALWASYON:
ARALIN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan sa bawat bilang. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
_____1. Sino ang lalaking kahabag-habag na nakagapos sa punong higera?
a. Francisco
b. Florante
c. Makapule
d. Jose
_____2. Saan ang tagpuan ng unang kabanata?
a. Ilog
b. Bundok
c. Gubat
d. Lawa
_____3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mapanglaw?
a. Madilim
b. Maliwanag
c. Malungkot
d. Masaya
______4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa maaaring nararamdaman
ni Florante sa loob ng gubat?
a. Kapahingahan
b. Kalungkutan
c. Takot
d. Poot
_____5. Ano ang konotatibong kahulugan o sinisimbolo ng mga hayop sa gubat at
ang pagkakapos ni Florante sa gubat?
a. Pagsubok
b. Likas na yaman
c. Kalayaan
d. Tali
I. KARAGDAGANG Gawaing Bahay:
GAWAIN PARA
SA TAKDANG Panuto: Sumulat ng sariling tula ukol sa aral na napulot sa kabanatang
ARALIN AT tinalakay. Ito ay binubuo ng tatlong saknong na may apat na taludtod at
REMEDIATION tugmaan. Gamitin ang rubriks bilang batayan sa paggawa nito.

MGA TALA
Tandaan: ito ang bahagi
ng DLP kung saan
idodokumento ng guro
ang mga partikular na
pagkakataon na
magreresulta sa
pagpapatuloy ng mga
aralin hanggang sa
susunod na araw kung
sakaling kinakailangan
ang muling pagtuturo,
hindi sapat na oras,
paglipat ng mga aralin
sa susunod na araw
bilang resulta ng
pagsususpinde ng klase,
atbp.
PAGNINILAY
A. Bilang ng magaaral
na nakakuha ng Seksyon:
80% sa pagtataya ______ mula sa _______ ang nakakuha ng 80 % at higit pa sa ebalwasyon.

B. Bilang ng magaaral
na
nangangailangan ______ mula sa _______ nakakuha ng mababa sa 80% ang nangangailangan ng
ng iba't-ibang iba't-ibang gawain para sa remediation
gawain para sa
remediation
(mababa sa 80% sa
pagtataya)
Reference: DepEd Order no. 42 s. 2016-Policy Guidelines on Daily Lesson Preparation for the K to 12 Basic Education
Program

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JOHN CARLO N. DE GUZMAN DANIELLE F. SERRANO


Gurong Nagsasanay Guro I
Petsa: Petsa:

You might also like