You are on page 1of 2

DLP No.

: 25 Asignatura: FILIPINO Baitang: 6 Markahan: 3 Oras: 50 Minuto


Mga Kasanayan:  Nakapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan Code: F6PN-IIIi-19
 Nagagamit nang wasto ang pang-angkop F6WG-IIIi-10

Susi ng Pag-unawa Pagbibigay ng lagom o buod ng tektong napakingan


na Lilinangin: Paggamit ng wastong pang-angkop
1. Mga Layunin:
Kaalaman: Naipapahayag ang lagom o buod ng napakinggang teksto gamit ang wastong pang-angkop
Kasanayan: Nasususri at nabubuod ang lagom o buod ng napakinggang teksto gamit ang wastong pang-angkop
Kaasalan: Nasusunod ang tamang pakikinig sa mga teksto
Kahalagahan:
2. Nilalaman: Paglalagom at pagbubuod ng ng tektong napakinggan
Pagamit ng wastong pang-angkop
3. Mga
Kagamitang Metacards, envelope, laptop, projector
Pampagtuturo:
4. Pamamaraan:
4.1 Panimulang Sabihin:
Gawain a. Meron ba sa inyong may di-nalilimutang kwentong napakinggan?
(2 minuto) b. Pwede ba ninyo itong isalayasay nang maikli sa klase?

4.2 Mga Gawain/ Basahin ang teksto:


Estratehiya
(8 minuto) Ang Sandaang Pulo ng Panggasinan

Sa lalawigan ng Panggasinan naman kami nagpunta isang bakasyon ng tag-araw. Mula sa


bayan ng Alminos ay naglakbay pa kami patungo sa Saandaang Pulo ng Panggasinan. Lulan ng
lansta, isa-isa naming pinuntahan ang ilan sa malalaking pulo. Puti ang buhanginan. Isa sa mga pulo
na may magandang baybayin an gaming pinili upang doon malogo at kumain n gaming baong
tanghalian. Anong linis ng paligid! Malinaw ang tubig sa dagat at nasisislip ang maraming kabibe sa
puting buhanginan.

4.3 Pagsusuri Magtanong tungkol sa napakinggang teksto.


(5 minuto) 1. Saan sila nagpunta noong isang bakasyon ng tag-araw.
2. Saan sila nagmumula sa kanilang paglalakbay?
3. Paano nila pinupuntahan ang ilan sa malalaking pulo?
4. Maari ba ninyong ibuod ang tekstong napakinggan?
4.4 Pagtatalakay Sabihin:
(13 minuto) Ang palalagom ay isang maikling pagsasalaysay ng isang kwento, kasulatan o akda. Ito ay
pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda o narinig na maikling paraan na ginagamitan ng
sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ito ay hindi
nagtataglay ng pansariling opinyon.
Talakayin din ang pang-angkop.
Ang pang-angkop ay nang katagang ginagamit upang maging madulas ang pagsasalita at
upang maging tuloy- tuloiy . ang pagbasa. Ikikakabit ito sa gitna ng dalawang salitang naglalarawan
at salitang inilalarawan.
Mayroong tatlong pang-angkop:
a. Na- ikinakabit sa pagitan ng dalawang saliat kung ang nauna ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
Batas na di makatarungan
Bukid na malawak
b. Ng- ikinakabit naman sa pagitan ng dalawang salitang ang nauuna ay nagtatapos sa
patinig.
Halimbawa:
Lubhang walang tigil
Pusong marupok
c. G- ito naman ay kinakabit sa pagitan ng dalawang salitang ang una ay nagtatapos sa titik N.
Halimbawa:
Aliping Pilipino
Bayang Api
4.5 Paglalapat Pangkatang Gawain:
(5 minuto) Magbigay ng mga teksto na nasa Landas sa Pagbasa pahina 36-37 sa bawat pangkat.
Babasahin ng lider ng grupo ang tinakdang teksto , pumili ng miyembro sa grupo upang isalaysay sa
klase ang buod nito.
Pangkat 1: Ang Payaw ng mga Ifugaw at Apayaw
Pangkat 2: Ang Bulkang Mayon
Pangkat 3: Ang Talon ng Pagsanjan
Pangkat 4: Ang Palawan

5. Pagtataya: Panuto: Ibuuod ang teksto at gamitin ang wastong pang-angkop


(3 minuto) Mga Kweba sa Cagayan
Ipinaliwanag sa amin ng guide na may mahigit na 300 malalaki at maliliit na kuweba sa
lalawigan ng Cagayan. Dinalaw naming ang malaking kuweba ng Penablanca. Ang talong tanyag na
mga kuweba ay ang Callao, Siera at Odessa. Sa kuweba ng callao kami unang pumunta. May
mahigit sandaang baiting ang pinanhik naming sa gilid ng bundok. Sa isang grotto ay nadoon ang
isang Imahe ng Birhen, at doon daw nagdaraos ng misa paminsan-minsan.Pumanhik pa kami
paitaas sa ibang kuweba dahil gusto naming makita ang maraming stalagmites at stalactites. Ito ay
mga batong tumutubo sa dingding ng kuweba. Mula sa itaas ng bundok ay tanaw ng malawak na
dagat Tsina.
6. Takdang-Aralin: Panuto: Salungguhitan ang dalawang salitang pinag-uugnay ng pang-angkop at bilugan ang pang-
(2 minuto) angkop na ginagamit.
1. Ang dakilang ina ay nagsasakripisyo para sa kanyang mga anak.
2. Tila naman na mga suwail na anak ang mga kabataan ngayon.
3. Nagtitiis pa rin ang huwarang ina.
4. Nabubuhay parin ang mga alibughang anak sa ngayon.
5. Lagi pa ring handang maghintay ang mga mapagtiis na ina na mga magulang.
6. Madalas silang magbigay ng mga katwirang baluktot.
7. Ang batang palasagot ay malaking bastos.
8. Magagalang na kabataan ang hinahangad nating lahat.
9. Mga kabataang mapakikinabangan ang kailangan n gating bayan.
10. Ang inang mapagkandili ang lagi nitong alalay.
7. Paglalagom/ Basahin ang salawikain:
Panapos na
Gawain: Gawin mo sa kapwa mo, ang nais mong gawin niya sa iyo.
(2 minuto)

Prepared by:

Name: Aileen T. Hermosilla School: Sabang Elementary School


Position/Designation: Teacher I Division: Danao City
Contact Number: 09326731461 Email Address: aileen.hermosilla@yahoo.com

You might also like