You are on page 1of 22

Scene 1

Inside the classroom – DAY


Naghihintay ang mga estudyante para sa kanilang susunod na subject.
Pumasok ang kanilang professor at sila ay tumahimik.

Professor Bruce: Good Morning everyone!


Students (chorus): Good Morning Sir Bruce!
Professor Bruce: Today we’re going to study another psychological
disorder, the Dissociative Identity Disorder formerly known as Multiple
Personality Disorder. Anyone who can explain it?
Students: (Silent, Starring)
Professor Bruce: Wala? Well, Dissociative Personality Disorder or DID
is a severe condition in which two or more distinct identities, or
personality states, are present in—and alternately take control of—an
individual. Meaning to say na sa isang tao, meron siyang dalawa o higit
pang katauhan.
Female Student 1: (Raise hand)
Professor Bruce: Yes Ms. Santos!
Female Student 1: Para pong sinasapian?
Professor Bruce: (chuckle)Hindi naman sa ganun. Minsan, ang mga taong
may ganitong kalagayan, kinakausap nila ang kanilang sarili. Ang mga
alter – ego kasi minsan nag – aaway – away o nag – uusap sa iisang
katawan lang.
Male Student 1: (raise hand) Edi baliw yun?
Students: (Laugh simultaneously)
Professor Bruce: Quiet class! Iyan ang stereotype sa mga taong may DID,
baliw, sira – ulo. Yung ibang tao kinatatakutan sila. Pero wala dapat
tayong ikabahala kapag may kakilala tayong may DID. Dapat natin silang
mahalin kasama na ang mga alter – ego nila.
Male Student 2: (raise hand) May kakilala po ba kayong may Disso--- ano
nga ulit yun?
Professor Bruce: Dissociative Personality Disorder Mr. Cruz. Well, may
kakilala ako.
Students: (speak simultaneously) Sir ikwento niyo po! Please!
Professor Bruce: Alam ko mga galawan niyo! Gusto niyong ikwento ko para
maubusan tayo ng oras at hindi makapag – quiz!
Male Student 3: Sige na sir para maintindihan namin lalo!
Students: (simultaneous) Oo nga sir! Sige na!
Professor Bruce: Oh sige na nga! Makinig kayo. Ikukwento ko ang buhay
ni Buboy.
Scene 2
Outside the street – DAY
Naglalakad ang isang 17 – anyos na binata galing school sa kahabaan ng
kalye. Nakayuko lamang siya at nahihiyang harapin ang mga tao.
Nagbubulungan at nagtatawanan ang mga taong nadadaanan niya.

Chismoso 1: Oy ayan na yung baliw na anak ni Engr. Lopez. (tawanan)


Chismoso 2: Hay nako! Nakakatakot! Laging kinakausap ang sarili!
Chismoso 3: Kaya nga hindi ko pinapalapit mga anak ko diyan eh! May sa
demonyo!
Chismoso 4: Nako! Ayan yung nakabuntis kay Duday!
Chismoso 1: Tanga! Si Dando yun!Makikichismis ka na nga lang mali – mali
pa!
Buboy: (patuloy na naglalakad at pumasok sa bahay)

Scene 3
Inside the house – DAY
Nag – uusap sa sala ang tatay ni Buboy at mga kasamahan sa trabaho.

Engr. Lopez: Eto na pala ang anak ko!


Buboy: (Nagmano) Magandang araw po!
Engr. Lopez: Alam niyo ba? Magiging Engineer itong anak ko balang araw!
Siyempre susundan ang yapak ng kanyang daddy. Tama ba Buboy?
Workmates: (tatawa)
Buboy: (matipid na ngingiti)
Engr. Lopez: Ito na ring anak ko ang susunod na hahawak sa kumpanya
natin. Kaya proud na proud ako dito eh. (tatapikin sa balikat si Buboy)
Buboy: Ah sige po alis na ko! (maglalakad paalis)
Workmate 1: Christopher! Baka nakakalimutan mo. Bawal ang sira – ulo sa
kumpanya natin. Eh sabi ng mga tao sa paligid baliw yang anak mo eh!
Workmates: (tawanan)
Buboy: (focus camera sa mukha – malulungkot at lilingon sa mga nag –
uusap)
Engr. Lopez: Baliw? Nagpapaniwala kayo sa mga chismoso? Sila yung
nababaliw!
Workmate 2: Nako kung ako sa’yo Christopher dadalhin ko na sa mental yan
bago pa lumalala! (tawanan)
Scene 4
Kitchen – Day
Masasalubong ni Vicky, kapatid ni Buboy, ang kanyang kapatid.

Vicky: Buboy! Dumating ka na pala! Kumain ka na ba?


Buboy: (tumango lang)
Vicky: Oh? Malungkot ka na naman? Binu – bully ka na naman ba?
Buboy: Ate. Sinasabihan na naman akong baliw! Hindi ako baliw! Totoo
sila, naririnig ko silang nag – uusap.
Vicky: Shhh. Oo naniniwala ako. Nagpa – check up na tayo last year diba?
May Multiple Personality Disor—
Buboy: Disorder. Ibig sabihin may mali talaga sakin.
Vicky: Wala kang dapat ikabahala! Nakilala ko na sila at wala silang
ginagawang masama.
Buboy: Alam ko ate. Pero yung mga tao—--
Vicky: Pabayaan mo sila. Kumain na lang tayo!
(Pupunta sa dining si Buboy at Vicky)
Buboy: Mamaya na ako kakain. (exit)

Scene 5
Inside Buboy’s Room – DAY
Makikita ni Buboy ang isang notebook na nakapatong sa isang lamesa.
Kukunin niya ito at babasahin.

Buboy: (habang hawak ang notebook)(focus ang camera sa title ng diary)


Ano ‘to? (binasa)
“Diary ni Buboy”. Wow kailan pa ko nagsulat ng Diary? (bubuklatin pa
nang marahan) Ang diary na ito ay sinulat ng mga gwapo at magagandang
(slow)...alter ni Buboy. Gawa ng mga alter ko ‘to! (biglang ngingiti,
hihiga at babasahin ang diary)

Scene 6
Inside the friend’s house – MORNING
Nag – iinuman ang apat na lalaki at masayang nagkukwentuhan.

Professor Bruce (voice over): Ang unang kwento ay ang kwento ni Bobby.
Bobby: Oh tagay pa! Inom pa! Whooohhh!!!
Friend 1: Hahaha! Ang lakas talaga ng tama nitong si Bobby. Nagwawalwal
kahit may pasok siya mamaya!
Bobby: (Lasing na) Alam mo! Kaya kong pumasa kahit may hang – over ako!
Friend 2: Ano na namang sasabihin ng tatay mo? Bubulyawan ka na naman
nun!
Bobby: Anong pake ko dun kay Engr. Lopez? Wala rin namang pake kay Buboy
ay este sa akin yun ehh!
Friend 3: Sino si Buboy?
Bobby: Ahhh? Ahhh wala kapatid ko yata yun.
Friend 1: Ehh diba gusto nun mag – engineer ka?
Bobby: HAHAHA! Engineer niya mukha niya!
(Magri – ring ang phone ni Bobby)
Bobby: Wait sagutin ko lang ‘to. (Lalayo si Bobby sa mga kaibigan).
Hello?
Voice: Hello Mr. Lopez? Pinapatawag ka po ng principal ngayon na.
Bobby: HA?PRINCIPAL? NGAYON NA PO? Pwede mamaya na?
Voice: I’m sorry Mr. Lopez pero urgent daw. Kailangang – kailangan ka.
Bobby: Ah sige po. Pupunta na. (Lalapit sa mga kaibigan). Bro, tawag ako
ng principal ng school namin. Mamaya na lang. (Lalabas ng bahay)

Scene 7
Inside the Principal’s Office – DAY
Nakaupo ang isang babae sa table, si Principal Ortega. Pumasok si Bobby
na susuray – suray

Bobby: Ahh Good Morning po Sir Ortega!


Principal: (pagalit) SIT DOWN!
Bobby: (uupo)
Principal: Mr. Lopez? Lasing ka na naman?
Bobby: Huh? Ako lasing? Sinong lasing ipapa – guidance ko?
Principal: Stop joking around! Alam mo ba yung ginagawa mo? Tingnan mo
‘tong grade mo! (ipapakita yung grades) Tatlong seventy! Buti nalang
yung dalawang subjects mo umabot pa ng 80!
Bobby: (pabulong) Patay ako kay Buboy nito.
Prinicpal: (pagalit) May sinasabi ka Mr. Lopez?
Bobby: Ayy wala po sir.
Principal: Kapag hindi mo pa inayos next quarter! Uulitin mo lahat ng
subjects mo. Is that clear?
Bobby: Sir yes sir! (salute) ay. I mean, yes po sir.
Principal: Get out! Out! (pagalit)
Scene 7
Inside Buboy’s Room
Nakaupo si Buboy habang tinititigan ang grades. Pumasok si Vicky.

Vicky: Buboy? Hindi ka naman kumain.


Bobby: Si Bobby ‘to. (matamlay)
Vicky: Bobby? Yung walang alam kundi uminom at mag-party?
Bobby: Sige Ate Vicky mang – asar ka pa!
Vicky: Kala mo naman hindi totoo! Ano yan? Grades? Patingin! (kinuha ni
Vicky kay Bobby)
Bobby: Huwag Ate Vicky! (pilit na aagawin)
Vicky: Hala? Anong grades ‘to? Eh mas mataas pa dito yung grades ng
kapitbahay nating adik eh!
Bobby: Huwag ka ngang maingay baka may makarinig!
Vicky: Ayan sige! Party ka nang party! Kaya ang grades mo puro seventy!
(ilalapag sa lamesa yung papel)Ano namang sasabihin ni Buboy kapag
nalaman niya yung pinaggagagawa mo?
Bobby: Ewan. Hindi ko alam. Edi magso – sorry ako. Tsaka maiintindihan
naman ako nun.
Vicky: Maiintindihan? Ehh sobrang nape-pressure nga yun na makakuha ng
mataas na grades dahil kay daddy eh!
Bobby: Ayun na nga! Si Buboy hindi nakakapag – saya. Gusto ko siyang
maging masaya. Maging malaya, okay? Si Buboy lagi siyang kinukulong ng
tatay niya. Kaya lumabas ako bilang alter – ego, si Bobby, ang poging
happy go lucky!
Vicky: Alam mo, wala kang kwentang kausap! Sa tingin mo matutuwa si Buboy
sa ginagawa mo?
Bobby: Bakit? Natutuwa ba si Buboy sa ginagawa ng tatay niya sa kanya?
(walk – out)
Bobby: (Bumalik) Teka? Kwarto ko to ah? Bakit ako ang nag – walk out?
Sige na Ate Vicky mamaya na lang. (Hihiga)
Bobby: (monologue) Takte patay talaga ako kay Buboy nito.

Scene 8
Sa kalsada
Naka – earphone si Bobby. Makakasalubong niya ang mga kaibigan.

Friend 1: Bobby! Tara sa bahay inuman ulet birthday ko!


Bobby: (tatanggalin ang earpohone) Nako...Ah ehhh di ako sure ehh pa’no
ba ‘to? (kamot sa ulo)
Friend 2: Sige na! Huwag mong sabihing strict ang magulang mo at
kailangan mong mag – aral dahil exam niyo bukas? HAHAHA
Bobby: Pangako sa sarili ko na hindi na ako magwawalwal at mag – aaral
na akong mabuti. Teka anong oras ba yang party niyo ha?
Friend 1: Hahaha sasama rin pala ehhh. I – celebrate na rin natin ang
pagpasa ko sa Physics!
Bobby: Pagpasa? Wait. (kakalkalin sa bag ang grade slip)
Friend 2: Oh? Ano hinahanap mo pre?
Bobby: Grade slip ko. Hindi ko pa nakikita ehh. Ayoko himatayin nang
wala sa oras. (nakita ang grade slip – nabigla)
Friend 1: Hahahaha ilan na naman ang binagsak mo?
Bobby: (shocked pa rin ang hitsura) Pu...Pu... Pumasa ako? PUMASA AKO
(Naging masaya) Umabot pa sa 80 yung mga final grades ko! Nakapasa
ako!!!! (Pasigaw)(Camera zoom out) (scream)
Pa’no ba yan san na ang inom mamaya?

Scene 9
Living Room – Day
Nagse – cellphone si Vicky habang umiinom ng kape nang biglang bababa
ang isang babae na ubod ng saya at taas ng energy, si Ursula.

Ursula: MAGANDANG BUHAAAAAYYYY!!!! (sings Magandang Buhay Theme Song)


HELLO PHILIPPINES!!!! HELLO WORLD!!!!
Vicky: Buboy?
Ursula: No sister dear! It’s me Ursula! Ang kapatid mong kasingganda ni
Liza Soberano at kasing sexy ni Nandine Lustre!
Vicky: Buboy! Ay este, Ursula ano ba umayos ka nga! Kapag nakita talaga
ni dad na ganyan ka baka mapatay ka nun!
Ursula: Edi patay kung patay! Basta gusto ko enggrande ang libing ko ha?
Vicky: (laugh) Ewan ko sa’yo! Alam mo sa tuwing lumalabas ka nagkakaroon
ng buhay tong bahay na ‘to. Coffee?
Ursula: No thanks ate. Labas muna ko babatiin ko ang mga neighborhood!

Scene 10
Sa kalsada – DAY
Binabati ni Ursula ang lahat ng taong nasasalubong niya.

Ursula: (wave) Hello everyone! (babatiin ang makakasalubong)


Chismoso 1: Bakla ba yang si Buboy?
Chismoso 2: Ay nako hindi! May sumanib na naman sa kanya!
Chismoso 3: Hay nako! Baliw na nga, minamaligno pa!
(lalapit si Ursula at tatabi sa isang chismoso)
Chismoso 1: Yang si Buboy, di ko alam kung anong sakit meron yan. Dapat
di na yan pinalaabs ng bahay ehhh.
Chismoso 2: Oo tama di—ba? (talking to Ursula). Kanina ka pa ba diyan?
Ursula: Excuse me. Sino pong sinasabihan niyong baliw? Ako?
Chismoso 1,2,3: (stare)
Ursula: Alam niyo? Hindi kayo magandang decoration sa street natin! Gusto
niyong walisin ko kayo? Imbis na mag-chismisan kayo, maghanap kayo ng
trabaho! Echosera!
Chismoso 1: Ikaw! Imbis na pakalat – kalat ka dito, bakit hindi ka sa
mental maglakwatsa! Bagay ka dun! (tawananan)
Ursula: Ah ganun? Kung ako bagay sa mental, ikaw bagay sa palengke!
Bunganga mo pampalengke, amoy mo pang wet market! Malansa!
Chismoso 1: Pampalengke pala ha? (hahablutin ang buhok ni Ursula)
Ursula: ARAY KO! (Magsasabunutan si Ursula at Chismoso 1)

Dadating si Engr. Lopez at hahatakin si Ursula.


Engr. Lopez: BUBOY! ANO BANG PINAGGAGAGAWA MO?
Ursula: (Hawak pa rin ang buhok ni Chismoso 1) Bitiwan mo ko hindi ako
si Buboy!
Chimoso 1: Nababaliw na naman po yung anak ninyo Engr. Lopez!
Ursula: (Bibitiwan ang buhok) Hindi ako baliw! (titingin kay Engr. Lopez)
at hindi ako si Buboy! (Walk – out)

Scene 11
Sa Kalsada – DAY
Naglalakad si Ursula sa kalsada nang biglang may makakasalubong siyang
baliw na taong grasa na inaasar ng mga lalaki.

Ursula: Grabe naman kung manabunot. Hindi naman maganda! Tapos yung tatay
pa ni Buboy, hilig makisingit sa away nang may away!
Mga Lalaki: Baliw! Baliw ka! Baliw! Ang baho mo!
Ursula: (tatakbo at lalapit) Hoy kayo nga umalis nga kayo doon kayo
maglaro!
Mga Lalaki: (tatakbo palayo)
Ursula: Ayos ka lang ba?
Baliw: (nangngangatngat lang ng daliri habang nagha – hum)
Ursula: (uupo)Alam mo, ganyan din ako, I mean yung kaibigan ko. Tinutukso
siyang baliw kasi kakaiba siya. Hindi siya Alien ah, pero kakaiba.
Baliw: (nagngangatngat pa rin ng daliri)
Ursula: Hayaan mo lang sila. Hindi yata sila mahal ng magulang at mga
jowa nila hahahaha.
Baliw: (nagngangatngat pa rin ng daliri)
Ursula: Ay ako rin pala. Hindi ako mahal ng magulang ko. Hindi rin ako
mahal ng jowa ko. Ay wala nga pala kong jowa. Kailangan nating lumaban.
(tatayo at tatalikod sa baliw)
Baliw: (tatayo at maglalakad palayo)
Ursula: Kung hindi tayo ang kikilos? Sino ang kikilos? Kung hindi ngayon,
kailan pa? – Tony Santos Sr., Sister Stella L. Favorite Movie ko yun!
(biglang lilingon) Tingnan mo ‘to. Iniwan ako. Hoy! (tatawagin ang baliw)

Scene 12
Coffee Shop – Day
Nakaupo si Ursula kausap ang kanyang Ate Vicky.

Ursula: (sips coffee) Alam mo Ate Vicky, gusto ko maging Mayor ng city
natin balang araw.
Vicky: (laugh) Bagay sa’yo! Malaki ang chance na manalo ka dahil halos
lahat yata ng tao dito sa atin kilala mo na!
Ursula: Check Ate Vicky! At tsaka (sips coffee) gusto kong mabigyan ng
maayos na therapy yung mga taong may psychological disability. Alam mo
na, tulad ni Buboy!
Vicky: Ay nako matutuwa si Buboy niyan! Tsaka si Buboy gusto niya
talagang maging psychiatrist pero eto namang si dad gustong maging
engineer ang unico hijo niya. (reads magazine)
Ursula: Ay oo! Basa nang basa si Buboy ng mga psychology books na hindi
ko naman maintidihan. English eh! Tsaka sabihan niyo yang tatay niyong
matandang hukluban ah na tumigil – tigil. Gigil niya si ako!
Vicky: Grabe siya! (sips coffee) Kapag nagsalita kasi si dad, bawal ng
kumontra. Sabi nga diba “The Decision of the Judge is Final and
Irrevocable”! Tsaka oo nga pala! Di ka pwedeng maging mayora kasi balang
araw mawawala din naman---ay sorry.
Ursula: Mawawala kami kay Buboy? ‘Di bale okay lang at least naman diba
pinakita namin kay Buboy kung paano mamuhay nang masaya. Sinasabi rin
namin sa kanya na i-enjoy ang buhay dahil You Only live wants!
Vicky: Tanga! You only live once yun! (laughs)
(camera zoom out)(sounds fading out)
Ursula: Oh sige na bayaran mo na ‘tong order natin.
Vicky: Walang hiya ka! Ang mahal ng order mo tapos pababayaran mo sa
akin! Si Buboy na lang singilin ko.
(laugh together)

Scene 13
Park – AFTERNOON
Nakaupo si Vicky nang biglang may batang lalapit sa kanya, si Beverly.

Beverly: Ate Vicky! Ate Vicky! I want to play!


Vicky: Buboy, ang laki laki mo---teka, Beverly? Yung batang babae?
Beverly: Yes Ate Vicky. Kuya Buboy is asleep. I asked him to play with
me pero sabi niya he’s too tired daw ehhh.
Vicky: Oh sige, pero saglit lang ah?
Beverly: Yehey!!! Habulin mo ko!
(Tatakbo si Beverly pero si Vicky ay mananatiling nakaupo. Dadating ang
kanyang kaibigan na si Karen.)
Karen: Oh Vicky ikaw pala! Anong ginagawa mo dito? Sino ‘yun?
Vicky: Si Buboy? Kapatid ko. Remember? Iba yung identity niya ngayon.
Bata naman.
Karen: Totoo pala yung ganung kalagayan no? Di bale naniniwala ako na
magiging okay din siya.
Vicky: Kahit hindi na Karen! Masaya ako na nakikita siyang masaya at
malaya. Si Buboy never ko siyang nakitang maglaro nung bata siya dahil
pinu-push siya lagi ni dad mag – aral. Kaya ayan masaya ako at masaya
rin siya ngayon.
Beverly: (shouting) Ate Vicky come here may butterfly oh!
Vicky: Wait lang! Oh sige na Karen sa susunod na lang! Bye!

Scene 15
Inside the house – NIGHT
Niyayaya ni Beverly na maglaro si Engr. Lopez. Lalabas si Vicky dahil
sa ingay.

Beverly: Daddy I wanna play please daddy please?


Engr. Lopez: (Shouting) Buboy can you please shut up your mouth? Stupid!
Huwag kang magbaliw – baliwan!
Beverly: Bad ka daddy! Bad ka! Isusumbong kita kay Ate Vicky! (crying)
Vicky: (Lalabas sa sala) Ano bang ingay yan? Oh Beverly!
Beverly: (Lalapit kay Vicky habang umiiyak) Si Daddy inaway ako gusto
ko lang naman mag-play eh.
Vicky: (Luluhod at pupunasan ang luha ni Beverly) Oh sige tahan na ha?
Punta ka muna sa room mo then mamaya magpe-play tayo okay?
Beverly: (Exit)
Vicky: Dad ano bang problema mo?
Engr. Lopez: My problem is your brother! Buboy! Ano bang nangyayari sa
kanya? Bakit asal bata naman yun ngayon?
Vicky: For heaven’s sake dad! How many times should I tell you that he
has Dissociative Identity Disorder! Dad marami siyang identity. Marami
sila!
Engr. Lopez: Whatever Vicky! Kapag di tumigil yang kabaliwan ng kapatid
mo palalayasin ko ‘yan!
Vicky: Ano ba dad? Hindi mo ba naiintindihan? Mas kailangan niya tayo.
Kailangan ka niya! Nagsimula siyang magkaganun nang hiwalayan mo si
mommy! Sobrang naging malungkutin at depress!
Engr. Lopez: Huwag na huwag mong babanggitin ang nanay mo sa loob ng
pamamahay ko maliwanag ba? (pagalit) (walkout)

Scene 16
Inside Buboy’s Room – NIGHT
Nakaupo si Beverly sa kama. Lalapitan siya ni Vicky.

Vicky: Beverly, halika na kakain na tayo.


Beverly: Ate Vicky, hindi ba ako love ni daddy?
Vicky: No hindi totoo yan Beverly. Mahal na mahal ka ni daddy.
Beverly: Eh si mommy? Love niya ba tayo? Bakit niya tayo iniwan?
Vicky: (napatigil) Love tayo ni mommy okay?
Beverly: Nasan ba si mommy? I miss her. Kuya Buboy told me that he misses
our mom too.
Vicky: Babalik si mommy okay? Babalik si Mommy dahil love niya tayo.
Let’s go na.
Scene 17
Park – DAY
Nakahiga si Beverly sa lap ni Vicky nang magising ito.

Beverly: Mommy? (kukurap-kurap)


Vicky: Beverly?
Beverly: (babangon) Ate napanaginipan ko si Mommy babalik na raw siya.
Vicky: Wow Beverly, ‘di bale, Mommy will come back soon. Okay?
Beverly: Yeheyyy! Tara ate let’s play again doon oh!
Hihilahin ni Beverly si Vicky at maghahabulan.

Scene 18
School – DAY
Isang lalaki ang dumadaan at pinagtitilian at sinusundan ng mga babae,
si Oliver.

Girls: (tilian) Pa-picture naman pogi!


Oliver: Later girls.
Girls: (tilian)
Boys: Kala mo kung sino. Weirdo! Sira – Ulo!

Scene 19
School Canteen – DAY
Sa isang lamesa nakaupo ang isang babae at lalapitan siya ni Oliver.

Oliver: Hi Amanda!
Amanda: Hi Buboy!
Oliver: Oliver!
Amanda: Huh?
Oliver: Huh? Wala wala. Drinks?Coffee?Juice?
Amanda: No, I’m fine with water. So bakit iba ang aura mo ngayon? Parang
kahapon ang tamlay mo at ayaw mo kong kausapin.
Oliver: Ahhh...Ehhh... Ano kasi... Siyempre nakita kita kaya na-inspire
ako. (wink)
Amanda: Tigil – tigilan mo nga yang pambobola mo sa akin ah! Alam kong
marami kang babaeng pinapakilig bukod sakin kaya NO! Hindi pa rin kita
sasagutin.
Oliver: Excuse me. Maraming babaeng naghahabol sa akin. Pero ikaw lang
ang babaeng hinahabol ko.
Amanda: Excuse me rin. Nabasa mo na ba yung Para kay B ni Ricky Lee? Sa
limang umiibig apat daw dun yung nasasawi.
Oliver: Edi kung 4 out of 5 yung nasasawi, isa dun yung magiging
successful. Ikaw yun. Ikaw at Ako.
Amanda: (lalapit yung mukha kay Oliver at sasampalin nang mahina) Nek-
nek mo! Diyan ka na nga!
Oliver: Hey Amanda! (kakausapin ang sarili) Buboy naman kasi. Kapag wala
ako. Ikaw muna ang dumiskarte. Hina mo rin eh!

Scene 20
Inside the house – NIGHT
May ka – chat si Oliver sa phone nang biglang pumasok si Ate Vicky.

Vicky: Nako, mukhang busy kaka-chat si Buboy ah. Pag – ibig na ba ‘to?
Oliver: Kung si Buboy mukhang malabo. Pero kung ako, si Oliver, ang
pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Kayang – kaya ko.
Vicky: (laugh) Nako Oliver. Iyang si Buboy hindi ko alam kung tuod ba
yan o ewan. Walang crush. Tulungan mo nga ‘yan!
Oliver: Ate Vicky eto. May nililigawan ako. Kapag napasagot ko ‘to bigyan
mo kong 500 ha?
Vicky: Ano? 500? Oliver ha ayoko niyan. Ang mga babae minamahal. Hindi
pinaglalaruan!
Oliver: Joke lang. Pero promise mapapasagot ko ‘to.

Scene 22
Outside the school – AFTERNOON
Nakatayo si Amanda na naghihintay ng jeep. Dumating ulit si Oliver.

Oliver: Hatid na kita sa inyo.


Amanda: Huh? May sasakyan ka ba?
Oliver: Wala. Sasamahan lang kita. Diba nga nanliligaw ako?
Amanda: Agad – agad? Ligaw lang tapos may hatid sundo na? Ano ka shuttle
service ko? Tsaka hindi ako nagpapaligaw sa kalsada. Doon ka sa bahay
manligaw. Ligawan mo magulang ko! (walk out)
Scene 23
School – DAY
Nagpapa-picture ang ibang babae kay Oliver.

Girls: (tilian) Salamat!


Dumating si Amanda.
Amanda: Wow (slow clap).
Oliver: No Amanda let me explain.
Amanda: SHHHHH!!!
Oliver: Okay fine! Nagseselos ka?
Amanda: (glare)
Oliver: Hindi mo pa ko sinasagot. Kaya malaya akong gawin ang gusto ko.
Okay?
Amanda: Paano kapag naging tayo na? Ganito rin ba ang gagawin mo? I’m
so disappointed! I’m so disappointed! (run away)
Oliver: Amanda saglit!

Scene 24
Classroom – DAY
Monologue – Oliver

Oliver: Buboy anong gagawin ko? (papasok si Amanda) Hindi ko kayang


mawala siya. Ano? Iiwan ko siya? Ayoko! Manahimik ka nga Ursula!
Amanda: Sinong kausap mo?
Oliver: Amanda! Kausap? Wala---
Amanda: May kausap ka! Sino si Ursula? Bakit mo kinakausap sarili mo?
Totoo ba yung sinasabi nila na may mental disorder ka?
Oliver: It’s just...
Amanda: Buboy!(pagalit)
Oliver: Hindi ako si Buboy,okay?!
Amanda: What? (bewildred)
Oliver: Gantio. Maraming identity si Buboy dahil may sakit siya. Ako si
Oliver. Isa lang ako sa limang identity na nasa loob ni Buboy.
Amanda: Hindi ka si Buboy?
Oliver: I’m sorry Amanda. Hindi ko sinasabi agad dahil natatakot ako.
Amanda: (iiling) Hindi ko maintindihan.
Oliver: (lumapit)
Amanda: HUWAG!
Oliver: Please Amanda!
Amanda: Baliw. BALIW!!! (Run away)
Oliver: AMANDA!

Scene 26
Park – Night
Nakaupo si Oliver nang biglang dumating si Amanda.

Oliver: Amanda?
Amanda: Bub---uhm. Oliver?
Oliver: Mabuti dumating ka. I’m sor----
Amanda: Sshh. Hindi ka dapat mag-sorry. Ako ang dapat mag-sorry. Hindi
ko naintindihan agad. Hinusgahan agad kita.
Oliver: (stare)
Amanda: May Dissociative Personality Disorder ka, na – research ko. I’m
so stupid. I’m so sorry Oliver. (luluhod)
Oliver: Amanda. Ayos na ang lahat. Amanda, may sasabihin sana ako.
Titigil na ako sa panliligaw.
Amanda: (stare)
Oliver: Ayokong patuloy kang maghintay sa paglabas ko, si Oliver. Marami
ka pang makikilala na mas maayos kaysa sa akin. Isa pa, pansamantala
lang kami. Babalik din ang lahat sa normal.
Amanda: Oliver, wala kang dapat ikabahala. Kahit once a week ka pa
lumabas, twice a month, once a year, hihintayin ko. Hindi ako mawawala.
Tanggap kita kahit ano ka pa.
Oliver: Promise?
Amanda: Promise.
Oliver: So, pwede na ba ulit manligaw kung ganun?
Amanda: Teka,wait, agad – agad?
Oliver: Sabi mo maghihintay ka?
Amanda: Oo, pwede manligaw, pero hindi dito sa park. Tulad nga ng
sinasabi ko lagi. Doon sa bahay pwede manligaw. Ligawan mo mga magulang
ko. Hahaha
(camera zoom out habang nag – uusap sila)
Scene 27
Inuman – NIGHT
Nag – iinuman at nagkakatuwaan ang apat na lalaki sa isang bahay.

Boy 1: Bwisit na gobyerno! Nagpalit na ng pangulo hindi pa rin tayo


nagkakatrabaho!
Boy 2: Sinabi mo pa! Nasaan na yung magbibigay daw sila ng trabaho sa
mga Pilipino? Hanggang ngayon wala pa!
Boy 3: Ano pang aasahan natin sa gobyerno?
Yñigo: (Laugh) Brad, bakit ninyo sinisisi sa gobyerno yung kawalan ninyo
ng trabaho? Maghanap kaya kayo ng trabaho nang hindi kayo tumatambay!
Ako nga kahit pagtataho pinapatos ko eh!
Boy 1: Oo nga no? Bakit hindi natin naisip yun?
Boy 2: Ah basta! Gusto ko yung nganganga na lang ako!
Boy 3: Sandali lang? (titingin kay Yñigo) Sino ka ba? Hindi ka naman
namin kilala ha?
Yñigo: Napadaan lang! Makiki-shot lang kahit konti!
Boy 1: Hindi pwede para sa tambay lang ‘to! Doon ka hanapin mo trabaho
mo!
Yñigo: Wala na nga kayong kinikita, ang dadamot niyo pa! Masunog sana
atay niyo! Diyan na nga kayo! (walk out)
(Papasok ang isang banta na may hawak na maraming sampaguita.)
Boy 1: Ano ‘to? Wala kang kwenta! Wala ka na namang bentang sampaguita
ha? Anong ipang-iinom ko ha!
Anak: Sorry po tay! Sorry po!
Boy 1: Sorry sorry. Diyan ka matulog sa labas!
Yñigo: Hoy! Bakit mo sinasaktan yung bata?
Boy 1: Hoy wala kang pakialam! Ako ang tatay kaya alam ko kung paano
disiplinahin anak ko.
Yñigo: Gago ka ba? Disiplina ba yan? Maltrato yan eh! Umiiyak na yung
bata oh! (kinuha yung bata)
Boy 1: Huwag mo hahawakan anak ko! (Sinapak si Yñigo)
Yñigo: Tarandtado ‘tong hayop na to ah?
Nagpang – abot si Yñigo at ang tatay.
Dadating ang mga tanod at inawat sila.
Anak: Huwag niyo pong huhulihin yung tatay ko. (Umiiyak)
Yñigo: (tinitigan yung bata) Pagbigyan niyo muna. Sa susunod na saktan
mo ulit yung anak mo, sa selda na diretso mo!
Scene 29
Inside the House – NIGHT
Ginagamot ni Vicky ang mga sugat ni Yñigo.

Vicky: (pagalit) Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na tigil – tigilan


mo na ‘yang pagpapakabayani mo! Magpapakamatay ka ba Yñigo? Alalahanin
mo katawan ni Buboy ang gamit mo!
Yñigo: Hindi ako nagpapakabayani ate! Ginagawa ko yung tama! Aray!
Vicky: Tama? Tama ba yung makipagbasag – ulo?
Yñigo: Anong gusto mong gawin ko? Titigan at tawanan lang yung hayop na
yun habang sinasaktan yung anak niya?
Vicky: Ang gusto ko lang sabihin---
Yñigo: Itigil ko na yung kalokohan ko? Parehas kayo ng tatay mo eh.
Laging nakakontra!
Vicky: Hindi kita kinokontra. Gusto ko lang ligtas ka. Kayong lahat!
Yñigo: (walk – out nang padabog)

Scene 30
Inside the House – DAY
Nakaupo si Vicky sa sala. Nag – aayos si Yñigo at aalis siya ng bahay.

Vicky: Saan ka na naman pupunta?


Yñigo: Diyan lang ate may raket lang!
Vicky: Raket? Utang na loob Yñigo, pinapakaba mo ko sa mga ginagawa mo!
Yñigo: Don’t worry ate! Promise iuuwi kong buhay si Buboy! (laugh) Bye!
(exit)

Scene 31
Kalsada – DAY
Maraming tao ang nagkukumpulan. May dalawang lalaking nagsusuntukan sa
gitna. Isa dito si Yñigo. Dadating si Vicky.

Vicky: Ano ba yang nangyayari diyan? Teka? Yñigo! Yñigo! Diyos ko!
Inawat ni Vicky si Yñigo at ang kaaway nito.
Yñigo: Ate? Anong ginagawa mo dito?
Vicky: Sabi mo huwag akong mag – alala! Magpapakamatay ka na ba talaga
ha?
Director: (sigaw) CUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUT!!!!!!!!! Sino ba yang
babaeng yan! Miss may shooting kami dito oh nakikita mo ba? Huwag ka
ngang magulo okay? Break muna tayo nakakaloka!
Yñigo: Ate bakit ka nandito? Nasa shooting ako oh!
Vicky: Ano bang ginagawa mo dito? Ano bang nangyayari? (nagtataka)
Yñigo: Sabi ko diba raraket ako? Eto kinuha akong ka – double ng artista
sa isang pelikula. Doon ka muna sa tabi okay? Direk, pasensya na po isang
take pa po.
Vicky: Ganun ba? Ay sorry po hehehe.

Scene 32
Inside the house – NIGHT
Nag – aayos ng sala si Vicky. Nagsusulat naman si Yñigo.

Vicky: Sa susunod naman kasi sasabihin mo kung ano yung mga ginagawa mo!
Aatakihin ako sa puso eh!
Yñigo: (habang nagsusulat)Ikaw naman kasi ate ang OA mo!
Vicky: Ano ba yang sinusulat mo? Patingin nga (kinuha ni Vicky ang papel
kay Yñigo.)
Yñigo: Mag-a-apply ako sa college entrance test ng isang university.
Vicky: At BS Psychology talaga ang ia-apply mo ha? Diba dapat si Buboy
ang gumagawa niyan. Nag – usap na ba kayo?
Yñigo: Oo nag – usap kami. Gusto niyang mag psychiatrist eh.
Vicky: Pero gusto ni daddy na maging engineer siya!
Yñigo: Edi yung daddy mo yung mag – aral. Basta magiging psychiatrist
si Buboy at tutulungan namin siya ng mga alter niya. Punta muna ako sa
kwarto. (exit)

Scene 33
Buboy’s Room – NIGHT
Humiga si Yñigo at natulog. (fades out)

Engr. Lopez: (galit) BUBOY! BUBOY!


Vicky: (nakasunod) Dad! Calm down!
Buboy: (bumangon) Dad?
Engr. Lopez: Ano ‘tong sinulat mo dito ha? (pinakita yung papel)
Psychology? Hindi ba sabi ko mag-engineer ka?
Buboy: Dad ano bang sinasabi mo?
Engr. Lopez: Inutil! Wala kang modo! Isa kang kahihiyan! Bakit ha? Gusto
mong gamutin yung mga baliw? Gusto mo silang makasama? Sabagay dahil
doon ka nababagay! Magsasama – sama kayo!
Vicky: Dad tama na! Hindi si Buboy ang nagsulat niyan. Yung alter niya
si Yñigo. Kaya please tama na!
Engr. Lopez: Alter! Alter! Alam mo hindi ka lang baliw eh. Salot ka pa!
Eto ano ‘to ha? (kukunin ang diary sa lamesa)
Buboy: Huwag ‘yan dad (pilit na aagawin ang diary)
Engr. Lopez: (babasahin ang diary na pilit pa ring kinukuha ni Buboy)
Imbis na nag – aaral ka, eto! Puro katarantaduhan ang pinaggagagawa mo!
(pupunitin ang diary)
Buboy: DAD Huwag please sakin yan. Bigay nila sakin ‘yan dad! (naiyak)
Engr. Lopez: (Hahawakan sa bisig si Buboy at hahatakin palabas ng kwarto
papuntang sala)(Hahawakan sa dalawang bisig si Buboy at aalugin nang
malakas) Kapag ba ginawa ko sa’yo to aalis yung mga demonyo diyan sa
katawan mo ha?
Buboy: TAMA NA! TAMA NA! (kakalas) TAMA NA!!!
Engr. Lopez: (sasampigahin si Buboy)
Buboy: (madadapa sa sahig)
Vicky: DAD!
Engr. Lopez: (stare)
Buboy: (titingin kay Engr. Lopez at marahang tatayo) Hindi sila demonyo!
At walang ibang demonyo dito kundi ikaw! (crying)
Engr. Lopez: (sasampigahin pero di matutuloy)
Buboy: Sige saktan mo ko! Saktan mo ko hanggang gusto mo! Tutal yun naman
yung gusto mo diba?
Dad ano bang masama ang ginawa ko sa’yo? All this time dad ang gusto ko
lang purihin mo ako. Purihin mo ako sa kung sino ako!

Akala mo ba masaya ako sa mga bagay na pinapagawa mo sa akin ha? Akala


mo masaya ako sa mga bagay na gusto mo para saken? Dad hindi! Hindi-ako-
naging-masaya!
Dad hindi ko na kilala ang sarili ko! Hindi dahil sa papalit – palit
kong katauhan, kundi dahil sa pagsunod sa mga kagustuhan mo na taliwas
sa dinidikta ng puso ko! Hindi ang mga alter ko ang unti – unting
pumapatay saken, kundi ang kasakiman mo!
Sana wala na lang si Buboy. Kasi kahit nandiyan si Buboy, hindi niya
naman nakikilala kung sino talaga siya.
I’m sorry dad pero please tama na! Hayaan mo na ako. Gusto ko namang
hanapin ang tunay na ako. (walk – out)
Vicky: Buboy (pabulong)
Engr.Lopez: (nakatingin lang kay Buboy)

Scene 34
Buboy’s Room – NIGHT
Papasok si Buboy sa kwarto habang umiiyak. Dadamputin niya sa sahig ang
mga napunit na papel ng diary.

Scene 35
Buboy’s Room – NIGHT
Nakaupo si Buboy sa sahig. Umiiyak. May boses siyang narinig.

Ursula: Alam mo ikaw? Epal ka ng taon! Kasalanan mo ‘to eh!


Yñigo: Anong masama dun? Tinutulungan ko lang si Buboy.
Ursula: Tinutulungan? Dahil sa pangingialam mo! Napahamak pa si Buboy.
Yñigo: Si Buboy at tayo ay iisa! Ginawa ko yun dahil yun yung gusto niya
at mas makakabuti sa kanya.
Ursula: Kahit na! Ikaw kasi padalos – dalos ka. Laging nagpapakabayani.
Papalitan mo ba si Rizal ha? Kaya tayo napapahamak!
Yñigo: Kaysa naman ikaw! Lahat na lang binabati mo! Tatakbo ka bang
kapitana ha?
Ursula: Excuse me! Hindi lang kapitana! Mayora! (titingin kay Oliver)
Hoy ikaw Oliver sino naman yang kausap mo?
Oliver: (May kausap sa phone-kinikilig)Huh? Ah wala si Amanda to.
Magkikita raw kami. Haha.
Ursula: Susme! Eto na oh. Nag – iiyakan na. Nagkakasakitan pa. Tapos
ikaw puro kalandian pa rin yang inaatupag mo! Tindi mo ha?
Bobby: Ursula, hayaan mo na sila, walang magagawa yung kakabunganga mo
diyan.
Ursula: Ikaw!Wala ka namang naiambag pwede ba tumahimik ka na lang okay?
Ikaw kutung-lupa may sasabihin ka rin? (talking to Beverly)
Beverly: Excuse me, but what’s kutung-lupa Ate Ursula?
Ursula: Ay don’t English me I’m not alphabet.
Buboy: Uhm...
All alter: (stare to Buboy about 3 seconds)
Bobby: Ay Buboy nandiyan ka pala.
Buboy: Totoo ba ‘to? Nakikita ko na kayo?
All alter: Oo naman!
Buboy: Sorry sa nangyari.
Oliver: Huwag ka mag – alala ayos na ayos sa amin.
Yñigo: At least natutunan mo na kung paano panindigan ang sarili mo.
Tama yan. Hindi mahalaga ang dikta ng ibang tao, ang mahalaga, sinusunod
mo ang sa tingin mong makabubuti sa’yo at ikaliligaya mo.
Bobby: At hindi ka baliw Buboy. Espesyal ka. Espesyal ka dahil may mga
katauhan sa loob mo na tumutulong sa’yo para makilala mo ang sarili mo.
Buboy: Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo. Siguro kung
wala kayo sa tabi ko, hindi ko malalaman ang tunay na nilalaman ng puso
ko. Kaya salamat, salamat sa lahat.
Ursula: Awwww. Wait naiiyak ako. Group hug nga. (Group hug)
Biglang nagising si Buboy.
Buboy: (nagising)
Vicky: Good morning! Ayos ka na ba?
Buboy: (yakap ang diary) Ate Vicky. Nakita ko sila. Yung mga alter ko.
Vicky: Shhh. Buboy. Nananaginip ka lang.
Buboy: Ate? (stare)
Vicky: Hmm?
Buboy: Ate salamat.
Vicky: Para saan naman?
Buboy: Dahil sa suporta at pag – aalaga mo sa akin. Maging sa mga alter
ko. Salamat dahil kahit kakaiba ako, hindi ka nag-sawa. Kahit na
matitigas ang ulo ng mga alter ko, nariyan ka pa rin. Salamat ate.
Vicky: Nakakakilig naman haha. Sino pa ba ang magtutulungan? (Niyakap
ni Vicky si Buboy) Tara kain tayo sa labas treat ko. (Exit)

Scene 36
Inside the Classroom – DAY
Nasa harap pa rin si Professor Bruce. Nakikinig ang ibang estudyante.
Ang iba naman tulog na

Professor Bruce: At iyon ang kuwento ni Buboy, isang teenager na may


Dissociative Identity Disorder.
Female Student 1: Ang ironic sir Bruce no? Kapag nasa normal situation
siya, hindi niya feel ang sarili niya pero kapag nasa alter form siya,
sobrang saya niya dahil malaya siya.
Male Student 1: Sorry sir. Tinawag kong baliw yung mga taong may ganoong
kalagayan. Mahirap din pala. Pero at the same time, masaya din dahil may
mga kaibigan ka na tumutulong sa’yo.
Professor Bruce: That’s right. Special silang tao kahit kakaiba sila sa
atin. Dapat pinagtutuunan din sila ng pansin ng society natin. Oh! Time
na pala. Next meeting may quiz about sa kwento ko.
Students (all): HALA SIR!
Professor Bruce: Just kidding! See you next meeting!

Scene 37
Hallway – DAY
Naglalakad si Professor Bruce nang tawagin siya ng isa niyang estudyante.

Male Student 2: Sir, may itatanong po ako.


Professor Bruce: Sure about ba sa lesson kanina?
Male Student 2: No sir, about you, something personal, pero di naman
masyado, would you mind?
Professor Bruce: Of course not! Go on!
Male Student 2: Ano pong nickname mo?
Professor Bruce: Hmmm. Interesting. And that is your assignment. Plus
10 ka sa quiz kapag nahulaan mo. (smile then exit)

Scene 38
Professor Bruce’s House – DAY
Bago pumasok si Bruce sa kanyang bahay. May narinig siyang boses, ang
kanyang ate Vicky.

Vicky: Buboy! Happy birthday!


Prof. Bruce: Ate! (yayakapin si Vicky at makikita ang isa pang babae sa
likod ni Vicky)
Prof. Bruce: Ma—Mommy?
Mother: Happy birthday anak Bruce! Happy Birthday Buboy!
Prof. Bruce: MA! (run to mother then hug) Mommy!
Mother: Anak miss na miss ka ni mommy! Matagal kitang hinanap! Sorry
dahil matagal akong nawala
Prof. Bruce: Mommy. (kakalas sa yakap)Ayos na po ang lahat. Ang mahalaga
sama – sama na tayo!
Vicky: Last month pa kami nagkita ni Mommy pag – uwi ko galing New York.
Kamusta ka na?
Prof. Bruce: Psychiatrist na ako ate. Part – time professor naman sa
isang school. Five years na rin akong may trabaho, after mamatay ni Dad.
Vicky: Kung makikita ka ng daddy ngayon, I’m sure proud yun sa’yo! Naabot
mo na rin ang pangarap mo. Ay eto pala. (iaabot ang diary kay Buboy).
Prof Bruce: Diary ko! Bigla na lang tong nawala. Saan mo nahanap to ate?
Vicky: Pumunta ko sa luma nating bahay at nakita ko yan sa bookshelf.
Prof. Bruce: (babasahin ang diary at ire-reminisce yung mga memories
nya; flashback yung mga scenes ng alter)
Mother: Anak may problema ba?
Prof. Bruce: Wala mommy. Tara pasok na po tayo sa loob. (zoom out yung
camera)

Prof. Bruce (Voice Over): Sampung taon na ang nakalilipas nang mawala
sina Bobby, Ursula, Beverly, Oliver, at Yñigo. Subalit ang mga kwentong
iniwan nila sa aking puso ay sariwa pa rin hanggang ngayon.

-END-

You might also like