You are on page 1of 7

"MAIBA TAYA"

Sampung Minutong Pelikula/Maikling Pelikula


Sa Panulat ni Karl Hadrian Manuel
FADE IN

Magsisimula ang kwento habang nakaupo si Lolo Beng kasama ang tatlo nitong kumare at kumpare
noong araw na sina Lola Linda, Lola, Neng, at si Lolo Bert. May kaedaran na ang apat at mag-uusap sila
habang nainom ng tsaa.

Lolo Beng
Kay bilis lumipas ng panahon.

Lola Linda
Ang sabihin mo, matanda na tayo Beng.

Lola Neng
Parang kahapon lang maliliit pa tayo't naglalaro.

Lolo Bert
Maraming alala sa kahapon... Malaki rin ang pinagbago ng panahon ngayon.

Lolo Beng
Sinabi mo pa Bert
Lola Neng
Iba na talaga ang henerasyon ngayon. Hindi na kasing saya gaya noong panahon
natin.
Lola Linda
Hay nako neng, sinabi mo pa. Tingnan mo ang mga apo natin... Ni hindi na
lumalabas ng bahay kakalaro sa mga selpon selpon nila.

Lolo Bert
Sa totoo lang Linda, ganyan din ang mga apo ko. Nakakaligtaan na ngang
kumain at tutok na tutok sa kompyuter.

Lolo Beng
Ang sarap tuloy balikan ng mga alala... Naalala nyo pa ba, nung naglalaro tayo
sa...

FADE OUT

FADE IN

Batang Beng
Sa kabilang kanto tayo maglaro ng tumbang preso, tara bilisan nyo!

Batang Linda
Huy bert ang tagal mo kumuha kana ng tsinelas.

Batang Bert
Oo heto na, asan na ba si Neng?

Batang Neng
Paunahan, mahuli taya ha.

Magtatakbuhan ang mga bata. Magpapakita ng senaryo na naglalaro ang mga bata ng tumbang preso.

FADE OUT

FADE IN

Lola Linda
Aba asintado yata akong tumira noong panahon. Walang lata ang hindi ko
natataman no!?

Magtatawanan ang apat na lolo't lola.

Lolo Bert
Eh wala kayo sakin nung panahon, naalala nyo yung nagluluksong baka tayo?
Diba ako...

FADE OUT

FADE IN

batang Bert
Ako na! Ako na!! Tabi dyan.

Batang Beng
Bilisan mo nangangawit na ako!

Batang Neng
Go Beng kaya mo yan!

Sabay tatalon ang batang bert sa likod ni beng.

Batang Bert
Oh ikaw na neng

Batang Neng
Sige tabi dyan.

Tatalon ang batang neng sa likod ni Beng ngunit hindi nya ito kaya luksuhin.

Batang Neng
Aray!

Batang Linda
Oh ayos ka lang ba?

FADE OUT

FADE IN

Lola Neng
Hindi. Kaya ayoko ng luksong baka e. Talo ako dun.

Lolo Beng
Hindi ka man bumida sa luksong baka, e dun nga sa nilalaro nating patintero lagi
kang nakakapunta sa base.

Lolo Bert
Haha naalala nyo pa yon?

Lola Linda
Oo naman

Lola Neng
Naalala ko nga nung muntik mo na akong mataya, pano ang...

FADE OUT

FADE IN

Batang neng
Bilis, bilis! In na.

Naglalaro ng patintero ang mga bata.

Batang Bert
Oh Linda, tingnan tingnan mo yung gilid mo. Nakaabang si Bebang.

Batang Neng
Beng dyan ka sa kabila, lituhin mo.

Batang Beng
Oh pasok neng.

Senaryo ng nagpapatintero hanggang sa makapunta sa base ang batang Neng.

FADE OUT
FADE IN

Lola Neng
Yun ang pinaka paborito kong laro. Palagi tayong nananalo dun sa kalaban natin,
yung taga kabilang kanto.

Lolo Beng
Palagi nga silang talo.

Lola Linda
Sinong tigong....

Lahat
May kamatis sa ilong.

Magtatawaan ang lahat.

Lola Linda
Hay, ang sarap talaga balikan ng nakaraan.

LoloBeng
E kaso iba na ang panahon ngayon.

Lolo Bert
Tamad na ang mga kabataan ngayon. Kompyuter na lamang ang inaatupag.

Lola Linda
Sinabi mo pa beng. patext-text nalang sa mga boyfriend at girlfriend nila.

Llll Beng
Haha. Ee tayo nga noon ang text sa atin ay laro. Dati ang galing-galing ko kaya
sa teks.

Lolo Bert
Oo nga, lagi pa ako sayo nahingi ng balato.

Lola Neng
Pano may daya yung pato mo lagi.

Lolo Beng
Aba, magaling lang talaga akong tu...

FADE OUT

FADE IN
Batang beng
..mira kana? Oh ako na. taya ko na to lahat ah. pati pato tsaka pamanggulo.
lapag mo na taya mo.

Batang Bert
Sana samin Lord..

Titira ang bata ng teks. feel na feel nito ang kakaibang posisyon sa pagtira ng teks.

Batang Linda
Hooooo! Yehey panalo!

Batang Beng
Oh diba ang galing ko talaga tumira!

FADE OUT

FADE IN

Lolo Bert
Kaya nga lang namamatay na yung ganitong larong pinoy.

Lola Linda
Wala na nga akong nakikitang naglalaro sa kalsada.

Sisilip sa bintana. Magpapakita ng mga batang naglalaro sa kalye at magfa-fade out na nawala.
Pagpapakitang wala nang naglalaro sa labas.

Lola Neng
Nakakalungkot talagang isipin. e sariling kultura natin ito parang nakakalimutan
na natin kung sino tayo.

Lolo Beng
Sana bumalik ulit ang mga kabataan sa ganitong panahon. Yung paglalaro sa
kalsada at pagiging masaya kasama ang mga kapitbahay.

Lolo Bert
Yung pagiging aktibo sa labas at hindi nakatambay sa loob ng bahay.

Lola Linda
Ano nga yung mga nilalaro nila ngayon? ML ba yun?

Lola Neng
Dota-dota. Legends-legends yun.

Lolo Beng
Kung maibabalik lang ang kahapon.
Lolo Bert
Tanggapin nalang natin na matanda na tayo.

Paglalapat ng kanta. "Di na muli"

Matatahimik apat. Maya maya pa'y papasok ang apo ni Lolo Beng na may hawak na turumpo.

Lenard
Lolo!

Lolo beng
Oh apo andyan ka pala.

Lenard
Lola mano po, lolo...

Magmamano si Lenard sa mga Lolo at Lola.

Lolo Bert
Oh ano yang hawak mo?

Lenard
Ah nakita ko po dun sa bodega, turumpo daw po ito sabi ni nanay.
pwede nyo po ba akong turuan kung pano ito?

Ngingiti ang apat na lolo't lola.

Lolo Beng
Halika apo.

FADE OUT.

You might also like