You are on page 1of 2

PAGTATALAGA NG MGA BAGONG KNIGHTS OF THE ALTAR

KASAMA NG PARING PAPASOK SA SIMBAHAN ANG MGA KASAPI SA KOA. SILA’Y


TUTUNGO SA KANYA-KANYANG LUGAR. SISIMULAN ANG BANAL NA MISA SA
KARANIWANG PARAAN HANGGANG SA BAHAGI NG SERMON.

PAGKATAPOS NG SERMON.

PAGPAPAKILALA NG MGA KASAPI AT PAGSUSURI

COMMENTATOR:
NGAYON AY GAGANAPIN NATIN ANG PAGTATALAGA NG MGA KNIGHTS OF THE
ALTAR NA NAGNANAIS PAGLINGKURAN SI KRISTO AT ISABUHAY ANG MG
AUTOS NIYA.

ANIMATOR:
ANG LAHAT NG MGA KABATAANG ITATALAGA SA KNIGHTS OF THE ALTAR AY
MAARING MAGSITAYO.

KAGALANG-GALANG NAMING PARI, NARITO PO ANG MGA KABATAANG NAIS


MAGING KASAPI SA KNIGHTS OF THE ALTAR. NAKITA PO NAMING NA HANDA
NA SILANG SUMAPI SA KNIGHTS OF THE ALTAR BILANG MGA KAIBIGAN NI
KRISTO. SILA AY SINA_________.

TATAWAGIN SILA NG ISA-ISA AT TATAYO, SASAGOT NG “NARITO PO AKO.”


PAGKATAPOS AY LALAPIT PATUNGO SA ALTAR.

PARI:
MINAMAHAL NAMING MGA KABATAAN, ANG INYONG PAGTAYO SA HARAP NG
ALTAR AT SA HARAP NG BAYAN NG DIYOS AY SAGISAG NG INYONG
PAGNANAIS NA MAGLINGKOD KAY KRISTO BILANG MGA KNIGHTS OF THE
ALTAR.
NALALAMAN BA NINYO ANG IBIG SABIHIN NITO?

KOA:
OPO, ALAM NAMING ANG KAHULUGAN NITO. / SA AMING PAGIGING KASAPI NG
KNIGHTS OF THE ALTAR / NAIS NAMING PAGLINGKURAN ANG PANGINOONG
HESUKRISTO / SA PAMAMAGITAN NG PAGLILINGKOD SA MISA, / NG
PAGTULONG SA SIMBAHAN, / AT NG PAGBIBIGAY NG MABUBUTING
HALIMBAWA.

PARI:
HANDA BA KAYONG ILAAN ANG INYONG SARILI AT PANAHON PARA SA
TUNGKULING ITO AT TANGGAPIN ITO NANG MAY PANANAGUTAN?

KOA:
OPO, HANDA PO KAMI

2. PAGBABASBAS AT PAGSUSUOT NG SOTANA

COMMENTATOR:
NGAYON AY BABASBASAN ANG MGA SOTANA ANG MGA SIMBULO NA
MAGIGING GABAY NG MGA KABATAANG ITO SA KANILANG PAGLILINGKOD.
HINIHILING PO NA LUMAPIT ANG MGA MAGULANG SA KANILANG MGA ANAK
PARA SA PAGBABASBAS AT PAGSUOT NG SOTANA.

PARI: MANALANGIN TAYO


AMA NAMING MAPAGMAHAL NA PINAGMULAN NG LAHAT NG BIYAYA, NARITO
ANG MGA KASUOTAN NG IYONG MGA LINGKOD, BASBASAN MO ANG MGA ITO
NA TANDA NG KALINISAN NG PUSO AT KABABAAN NG LOOB SA PAMAMAGITAN
NI KRISTONG AMING PANGINOON.

LAHAT: AMEN

PARI:
TANGAPIN NINYO ANG KASUOTANG ITO AT PAGKATANDAAN NA HINDI ITO
SIMPLENG KASUOTAN LAMANG, KUNDI SUMASAGISAG NG INYONG TAOS-
PUSONG PAGLILINGKOD SA DIOS.

(HABANG BINIBIHISAN NG MGA MAGULANG ANG KANILANG ANAK AY MAARING


SABAYAN NG ISANG MAIKLING AWIT O INSTRUMENTAL MUSIC.)

PAGKATAPOS BIHISAN ANG MGA KOA, SILA AY LULUHOD. ANG MGA BAGONG
PAGTATALAGA AT MGA I-RENEW AY MALUHOD, ANG MGA I-RENEW AY SA
LIKOD NG MGA BAGO)

3. PANGAKO NG KOA

PARI:
NAGYON KAYO’Y HANDA NANG MAGLINGKOD SA ALTAR. WIKAIN NINYO SA
HARAP NG PANGINOON AT NG PAMAYANANG ITO ANG INYONG PANGAKO NG
KATAPATAN SA MGA TUNGKULIN NINYO BILANG MGA KNIGHTS OF THE ALTAR.

KOA:
PANGINOON, / NARITO AKO, / HANDING PAGLINGKURAN KA./

SISIKAPIN KONG MAGING TAPAT / SA AKING TUNGKULIN NA MAGLINGKOD / SA


PAGDIRIWANG NG MISA, / AT TUMULONG SA ANUMANG GAWAIN UKOL SA
SIMBAHAN./

SISIKAPIN KONG MAGBIGAY / NG MABUTING HALIMBAWA SA LAHAT, / AT


TULUNGAN ANG AKING KAPWA / SA PAGGALANG SA IYONG TAHANAN. /

NAWA’Y MAGING TAPAT NA LINGKOD MO AKO / SA TULONG NI SANTA MARIANG


AKING INA AT HUWARAN. / AMEN.

PARI:
MINAMAHAL KONG MGA KAPATID KAY KRISTO, NASAKSIHAN NATING LAHAT
ANG PAG-IBIG NG MGA KABATAANG ITO SA ATING PANGINOON AT SA
KANYANG TAHANAN. MAGING TUNAY NA HUWARAN NAWA SILA PARA SA MGA
KAIBIGAN NILA. NGAYON, MAKAIISA TAYO SA KANILANG KALIGAYAHAN AT
IPAKITA NATING LAHAT ANG ATING PAGSANG-AYON SA KANILANG DAKILANG
ADHIKAIN. PALAKPAKAN NATIN SILA.

ANG MGA KOA AY MAARING YUMUKO SA ALTAR AT SA MGA TAO, PAKATAPOS


PUMUNTA MALAPIT SA CREDENCE TABLE, NAGPATULOY ANG MISA

You might also like