You are on page 1of 2

A.C. No.

11394, December 01, 2016


MARIA VICTORIA G. BELO-HENARES vs. ATTY. ROBERTO "ARGEE" C.
GUEVARRA

“A lawyer who uses social media to publicly insult and undermine the
reputation of another person has violated the Code of Professional
Responsibility for lawyers and may therefore be disciplined.”

Noong 2009, nag-post si Roberto sa kaniyang Facebook account ng mga


nakakapanirang pahayag laban sa isang Doctor. Sa kaniyang mga posts, sinabi nito na
ang doktor na kaniyang tinutukoy ay isang “Quack Doctor”, kung saan inakusahan
niyang nanunuhol at namimigay ng payola ang doktor na ito para matahimik ang balita
tungkol sa pagra-rally sa harap ng clinic nito sa Quezon City.

Sa kaniyang posts ay sinabi niya ang mga sumusunod:

Haaaaay, style-bulok at style-duwag talaga. Lalakarin ng Reyna ng


Kaplastikan at Reyna ng Payola ang kaso...

get this doctor as your client!!! may 'extra-legal' budget yon. Kaya lang,
histado ko na kung sino-sino ang tumatanggap eh, pag nalaman mo, baka
bumagsak pa isang ahensya ng gobyerno dito, hahaha

Nakakatawa nga, 10milyon pa budget... [I] didn't know that my reputation is worth
that much. Aba ako kaya magdemanda sa kanila :) Ikot-ikot daw ang
mga P.R. ni doc trying to convince editors to pin me down with
something eh alam ko na wala naman akong sex video!!! Adik talaga
sa botox si Aling Doc at may tama na sa utak - eh kung gagastos ka lang
ng 10 milyon para sa tirang-pikon laban sa akin at to protect your burak na
reputasyon as a plastic surgeon, i-donate mo na lang yon sa biktima
ni Ondoy, Pepeng at Ramil! Yung mga homeboys ko sa Pasig na nilimas
[ni]Ondoy ang kukubra sa yo!

Ipinagpapalagay na ang nasabing mga post, na nakasulat sa bulgar at malaswa na mga


salita, ay idinisenyo upang pukawin ang pampublikong galit, puksain ang kanyang
reputasyon, at isara ang mga klinika nito, pati na rin ang pag-hingi ng halagang P200
milyon mula san kaniya, nagreklamo ang doktor para sa disbarment ni Roberto sa
Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Depensa naman ni Roberto na dapat mabasura ang nasabing reklamo dahil labag ito
sa kanyang konstitusyonal na karapatan sa pagiging pribado at sinabi na ang mga post
na kaniyang pinost sa kanyang Facebook account ay pribadong opinyon sa kanyang
pribadong account sa Facebook, ibig sabihin ay ibabahagi lamang sa kanyang mga
kaibigan kung saan hindi bahagi ditto ang doktor. Sinabi din ni Roberto na sinulay niya
ang mga ito sa pagsasakatuparan ng kanyang kalayaan sa pagsasalita. Gayundin
itinanggi niya na sinubukan niyang humingi ng pera mula sa doktor. Sa huli, sinabi din
ni Roberto na ang doktor na ito ay isang “public figure” na maaaring maging paksa ng
patas na komento or “fair comment”.

Ni-rekomenda ng IBP ang pagsuspinde kay Roberto ng anim na buwan. Sumang-ayon


naman ang Korte Suprema ditto ngunit itinaas ang kaniyang suspensiyon sa isang taon.

Sinabi ng Korte na hindi itinanggi ni Roberto ang kaniyang pagpopost ng hindi


magagandang salita laban sa doktor.

Ang Facebook ay kasalukuyang pinaka-popular na social media site, na may higit sa


isang (1) bilyon na rehistradong account at may 1.71 bilyon na buwanang aktibong
user. Ang social media ay nagbibigay-daan sa online na pakikipag-ugnayan at pinadali
ang mga user na bumuo at magbahagi ng nilalaman. Upang matugunan ang mga isyu
tungkol sa pagkapribado, ang Facebook ay armado ng iba't ibang mga tool sa privacy
na idinisenyo upang kontrolin ang naa-access ng isang profile ng gumagamit, pati na rin
ang impormasyon na na-upload ng user.

Sa kasong ito, hindi napatunayan ni Roberto na gumamit siya ng “privacy tools” o


feature sa Facebook para itakda lamang ang mga nakakabasa ng kaniyang mga posts.

Sinabi pa ng Korte Suprema na ang paghihigpit sa privacy ng mga post sa Facebook sa


"Friends" ay hindi ginagarantiyahan ang ganap na proteksyon mula sa mga mata ng
ibang user na hindi nabibilang sa kaniyang Friends list. Ang kaniyang Facebook friend
ay maaaring magbahagi ng post o mag-tag ng kanyang sariling kaibigan sa Facebook.
Samakatuwid, walang “expectation of privacy” kapag tayo ay gumagamit ng Facebook.

You might also like