You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Cavite
BAYAN NG TANZA
YOUTH AND ENVIRONMENT SOCIETY

KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG YOUTH AND ENVIRONMENT


SOCIETY NG BAYAN NG TANZA, CAVITE NA GINANAP SA TANZA NATIONAL
COMPREHENSIVE SENIOR HIGH SCHOOL, BRGY. DAANG AMAYA 2, BAYAN
NG TANZA, CAVITE NOONG IKA – 14 NG HULYO, 2017.

Dumalo:

Bb. Micah Marah Balbin Pangulo

G. Cesar Iyan Ehuranggo Pangalawang Pangulo

Bb. Ethel Mae Mangao Kalihim

Bb. Joyce Crudo Katulong na Kalihim

Bb. Criselda Guhit Ingat-Yaman

G. Harold Banta Tagasuri

G. Ace Salazar Tagapagbalita

G. Jaymart Monton Tagapamayapa

Ang pagpupulong ay itinayo ni Bb. Micah Marah Balbin, ang pangulo, sa ganap na 6:00 ng hapon.
Pinasimulan ito sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na ipinagkaloob ni G. Harold Banta, ang
tagasuri. Kasunod ng panalangin ay ang pambungad na pananalita ng pangulo.
At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagtatanong ni Bb. Balbin sa mga kasapi ukol sa posibleng proyekto
na maaaring isagawa sa paaralan. Nagkaroon ng botohan sa pagitan ng dalawang proyekto; (1) Fire
Extinguisher para sa mga silid aralan, (2) Basket para sa paaralan at sa kalikasan. Nanguna bilang may
pinakamaraming boto ang proyektong “Basket para sa Paaralan at sa Kalikasan” na iminungkahi ni G. Jaymart
Monton. Ayon sa kanya, mahalagang matuto ang bawat mag-aaral na magtapon ng basura sa tamang tapunan at
magkaroon ng pagbubukod ng mga basura.
Ang sumunod na pinag-usapan ay ang lugar na paggaganapan ng proyektong napili. Muling nagkaroon
ng botohan sa pagitan ng Tanza National Comprehensive Junior High School at Tanza National Comprehensive
Senior High School. Naitala bilang may pinakamaraming boto ang Tanza National Comprehensive Senior High
School na paggaganapan ng iminungkahing proyekto ang dahilan nito ay upang mas maging disiplinado pa ang
mga mag-aaral na Senior High at maging magandang halimbawa sa iba pang mga estudyante at bukod pa rito ay
mas maliit na badyet ang magagasta kung dito gaganapin ang proyekto.
Napagkasunduan rin na ang badyet na ilalaan para sa proyektong ito ay nagkakahalagang P4,000 ,
P3,000 para sa mga basket na bibilhin at P1,000 para sa mga garbage plastic bag. Ito ay lilikumin sa
pamamagitan ng solicitation, pagbebenta ng recycled materials at pag-aambagan ng mga miyembro ng
organisasyon. Ito ay naitakda bilang badyet sa loob ng tatlong buwan.
Ang proyekto ay sisimulan sa buwan ng Agosto. Sa unang linggo magsisimula ang paglilkom ng badyet
at sa ikalawang linggo naman magsisimula ang aktwal na pagsasagawa ng proyekto sa paaralan.
Natapos ang pagpupulong sa pangwakas na pananalita ni Bb. Balbin at pangwakas na panalangin ni G. Banta sa
ganap na 6:15 ng hapon.

Inihanda ni:

ETHEL MAE C. MANGAO


Kalihim
Youth and Environment Society

Nagpapatotoo:

MICAH MARAH BALBIN


Pangulo
Youth and Environment Society

You might also like