You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Division of Pampanga
SAN ISIDRO HIGH SCHOOL
Bacolor

December 11, 2018

Mahal naming magulang,

Isang mapagpalang araw!

Isa sa mga taunang proyekto ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Club ay ang


immersion program kung saan sa pampanuruang taong ito ay aming napiling handugan ng
munting regalo ang Munting Tahanan ng Nazareth na matatagpuan sa Mabiga, Mabalacat,
Pampanga. Ang mga papasyalan namin ng inyong anak ay ang mga inabandona, special, autistic,
epileptic, at iba pang may espesyal na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang tulong ng ating mga kapwa-magulang na


opisyales at mga aktibong miyembro ng EsP Club kami po ay binigyan ng iskedyul sa darating
na Biyernes ng umaga, Disyembre 14, 2018 upang maghandog ng mga biskwit at magpakain sa
kanila.

Ito po ay isang magandang pagkakataon sa inyong anak upang kaniyang


makadaupang-palad at maranasan kung paano mag-alaga sa ating mga kapwa na may ganitong
kondisyon.

Sa ganitong pagkakataon, kami po ay umaasa na mabigyang-pagkakataon ang inyong


anak upang makasama sa proyektong ito.

Maraming salamat po.

Sumasainyo,

MARITEZ M. DAVID
EsP Club Adviser
May kinalaman sa nilalaman:

EDWIN Q. DIZON
Principal II

Isulat at pirmahan lamang po ang inyong pangalan katunayang pinapayagan ninyo ang inyong anak na makadalo sa
aming proyekto.

_________________________________
PANGALAN at LAGDA ng MAGULANG

You might also like