You are on page 1of 5

1

KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon
Sa bawat rinig at sambit ng mga tao ng salitang mental na kalusugan, ano
kaya ang unang pumapasok sa kanilang isipan? Maaaring isang salita na may
kinalaman o koneksyon sa utak, o kaya naman ay isang parte ng katauhan ng tao,
katulad na lamang ng pisikal na katauhan. Ayon sa World Health Organization
(2014), ang mental na kalusugan ay isang maayos na estado ng pangkalahatang
pangangatawan ng isang indibidwal. Idinagdag pa dito na ang kakayahang
mamatnugot o kontrolin ang stress na natatanggap ng utak at pati narin ang
kakayahang makapagtrabaho at makapagdesisyon ng maayos upang makapag
ambag hindi lamang sa kanyang komunidad pati narin sa lipunan, ay matatawag
naring isang maayos na mental na kalusugan.
Ngunit hindi maikakaila na sa bansang Pilipinas, na kapag naririnig ang
salitang mental ay nagkakaroon na agad ang karamihan ng konklusyon na may sakit
sa pag-iisip ang isang tao o hindi maayos ang paraan kung paano mag-isip ang isang
indibidwal, kung kaya’t hindi ito masyadong pinapansin pagdating sa aspeto ng
maayos na kalusugan ng isang indibidwal. Isinaad din ng World Health
Organization na 800,000 bilang ng mga tao sa buong mundo ang nagpapakamatay
kada taon ayon sa inilabas nilang pag-aaral nung 2016, at idinagdag pa nila na iyon
ang pangalawa sa dahilan ng pagkamatay ng mga may edad na 15-29 taong gulang.
Ibig sabihin lamang nito na kumakaharap na sa ganitong sitwasyon ang mga
teenager o mga kabataan. Ngunit walang datos patungkol sa kung karamihan sa
mga ito ay mga mag-aaral. Kung lubos na iisipin, maaaring maging salik din ng
nasabing datos ang pagkakaroon ng dagdag na responsibilidad sa pag-aaral kasabay
sa pang-araw-araw na mga gawain ng mga kabataan, kaya’t isinasaalang-alang din
ang mga impormasyon na ito. Ayon kay Faustino, direktor ng guidance and
counseling sa Ateneo’s Loyola Schools, wika niya:
“You get the feeling that there’s a lack of foundation among students.
Foundation in terms of resiliency, self-efficacy, grit, as we call it. You don’t bounce
back after a failure.”
Are Philippine universities taking care of their students’ mental health?
(2018). Retrieved June 15, 2019, from
https://cnnphilippines.com/life/culture/2018/04/10/mental-health-issues-
university.html.
Ayon din kay Dr. Chiles & Dr. Strosahl.(nd), na ang pag-iisip ng suicide ay
karaniwang nangyayari kapag ang indibidwal ay hindi na makaisip o nawalan na
ng solusyon sa mga problemang sa tingin nila ay hindi na matakasan at paulit-ulit
na nangyayari.
2

Chiles, J. D., Strosahl, K., & Roberts, L. W. (2019). Clinical manual for
assessment and treatment of suicidal patients. Washington, DC: American
Psychiatric Association Publishing.
Lahat ng ito ay maaaring nakaaapekto kung paano ang mga mag-aaral
kumilos upang magawa ang kanilang mga gawain sa pang –araw-araw. Kung
ihahalintulad naman ang mga naunang pahayag sa kursong pangpropesyonal
katulad na lamang ng pang medikal, kung saan ang propesyon ay may
napakahalagang ginagampanan sa lipunan, dahil maaaring sila ang mga susunod na
maglilingkod sa mamamayan upang sumagip ng buhay. Paano pa kaya ang
kalagayang mental ng mga mag-aaral ng kursong pangmedikal? Ayon kay Mita
Dhullipala, kasang-ayon sa komite ng British Medical Association sa mga medikal
na estudyante,
“We know that poor mental health is a serious and widespread problem
among medical students, and passing this motion marks a positive step that our
concerns are being recognised by the profession more widely.”
The BMA. (2019). Retrieved from https://www.bma.org.uk/news/media-
centre/press-releases/2018/june/medical-students-must-be-given-better-mental-
health-support
Nagsasaad lamang ito na may suliranin na kinakaharap ang mga mag-aaral
ng propesyong ito at nangangailangan ng pagtuon upang maipalaganap ang paksa
at mabigyang aksyon
Kung gayon base sa mga nakalap na paunang impormasyon ay maaaring
may kaugnayan ang mental kalusugan sa antas ng pagiging produktibo ng mga
mag-aaral, lalo na sa kolehiyo. Kaya’t ang pananaliksik na ito ay nakatauon sa
isang propesyonal na kursong pangmedikal upang mapakita ang ugnayan ng mental
na kalusugan sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa isang propesyonal na
kurso, na nangangailangan ng matinding pagsasakripisyo at pagpapacensya; pati na
din ang iba’t ibang responsibilidad na kinakaharap ng mga mag-aaral na ito.

2. Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman ang ugnayan ng
mental na kalusugan sa pagiging produktibo sa klase ng mga mag-aaral sa unang
baitang ng kursong Medical Technology sa St. Dominic College of Asia.

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak o espesipikong


katanungan:

a. Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa klase na


nakaaapekto sa kanilang mental na kalusugan?
3

b. Paano nakakaapekto ang mga nasabing suliranin sa pagiging produktibo


ng mga mag-aaral sa klase?

c. Ano ang naging tugon ng mga mag-aaral sa mga sitwasyong ito?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang makapagbigay at makapalaganap
ng kamalayan patungkol sa pagkakaroon ng maayos na mental na kalusugan dahil
maaaring may koneksyon ito sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral.
Sa mga magulang ng mag-aaral, makatutulong ito sa paraan na makakakuha
sila ng impormasyon sa mga maaaring sitwasyon o nararanasan ng kanilang anak,
nang sa gayon ay maunawaan nila ito at magabayan sa tamang desisyon na
makapagtitibay sa relasyon ng mag-anak.
Sa mga guro/propesor, isa itong magandang impormasyong panggabay para
upang malaman nila ang magandang hakbang upang magkaroon ng konsiderasyon
sa mga pinapagawang alatuntunin sa klase at mas mapadali ang mga kailangan
gawin ng mag-aaral.
Sa administrasyon ng paaralan, makakatulong ang pag-aaral na ito upang
makaisip ng hakbang o isang magandang panukala na maaaring makapagbigay ng
kontrol o kadalian na ginagawa sa klase ng mga mag-aaral. Maaari din namang
makagawa sila ng isang aktibidad na makakapagbigay ng kagaanan, pati narin
mapalawak ang kaisipan ng mag-aaral patungkol sa maayos na mental na
kalusugan.
Sa mananaliksik, upang makapagbigay ng impormasyon na maaaring
magamit upang mas mapalawak pa ang paksang natalakay na makakatulong sa mga
mag-aaral, at magkaroon ng panibagong paksa mula sa pag-aaral na ito.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng sapat impormasyon o
datos hingil sa mga mag-aaral ng ika-unang baitang ng kursong Medical
Technology sa St. Dominic College of Asia sa akademikong taon 2018-2019.
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang limampu (50) na mag-aaral sa tatlong
seksyon ng kursong MedTech sa St. Dominic College of Asia. Ang pagtutuunan
lamang ng pag-aaral na ito ay nakalimita sa kaugnayan ng mental na kalusugan sa
pagiging produktibo ng mga mag-aaral hanggang sa tugon dito ng bawat
respondente at ang mga maaring solusyon na maiuugnay dito.
Ang di-saklaw ng pag aaral na ito ay ang ikalawang baitang pataas ng
kursong MedTech pati narin ang ibang kurso at departamento ng kolehiyo. At dahil
din sa madaming populasyon ng unang baitang ng Medtech, minarapat ng
4

mananaliksik na ilimita lamang ito sa limampu (50) upang maging sapat sa oras at
mabigyan din ng pokus ang bawat datos na makakalap.
Nagpapahayag din ang pag-aaral na ito ng ilang rekomendasyon upang
magbigyan o maisakatuparan ang obhetibo na makapagbigay impormasyon
patungkol sa paksang tinatalakay.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Para sa kaalaman at malinaw na pag-unawa, ang mga sumusunod na
terminolohiya ay binigyang kahulugan o operasyonal na depinisyon, na batay sa
kung paano ginamit ang mga ito sa pamanahong papel:

Medical/Medikal – isang klase ng propesyon kung saan nangangailangan ng


maigting pagsusumikap at responsibilidad dahil sa ang buhay o pangkalahatang
kalusugan ng isang indibidwal ang nakasalalay.
Medical students – mga estudyante na nagsasanay sa propesyong pangmedikal
upang maging katungkulan sa hinaharap.
Medical Technology – ang kursong pokus ng pag-aaral at ang kursong medikal
na karaniwang may kinalaman sa pag-eksamen o pagsusuri sa mga laboratoryo at
nagbibigay ng resulta na batayan ng diagnosis ng mga doktor.
Mental Health – pinapakita kung may malusog na mental na kalusugan o
kung madaling mastress ang isang indibidwal sa anumang bagay. Nababase ang
kakayahan nitong maging produktibo o gawin ang mga aktibidad nang walang
problema.
Pananaliksik – ang mabisang paraan upang makatuklas ng bagong bagay
o impormasyon na makapagdudulot ng bagong kaalaman para sa pagababago at
pagpapaunlad ng buhay ng tao.
Produktibo – kakayahan upang makagawa ng isa o higit pang
matagumpay na gawain na hindi nahahadlangan ng sariling saloobin.
Propesyon – bokasyon kung saan iginugol at binigyang pokus ang ilang
taon ng pag-aaral sa epesyalisadong pagsasanay.
Stress – o pagkabagot na nararanasan ng isang indibidwal kapag
hindi na makayanan ang sabay-sabay na ginagawa, at tila bang wala nang
kapahingahan.
5

World Health Organization – isang organisasyon na naglalayon makapagbigay


impormasyon at tulong ukol sa kalagayang pangkalusugan ng bawat indibidwal;
upang maitaguyod ang maayos na kalusugan para sa lahat.
St. Dominic College of Asia – paaralan kung saan isasagawa ang naturang
pananaliksik.

You might also like