You are on page 1of 3

17

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang maipakita ang kaugnayan
ng mental na kalusugan sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa ika-unang
baitang ng kursong Medical Technology sa St. Dominic College of Asia.
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng pamaraang deskriptib-analitik
upang maisalaysay nang tuwaran ang pagkakaugnay ng nasabing pag-aaral.
Dinisenyo ng mananaliksik ang sagutang-papel o sarbey-kwestyoneyr na
ipinamahagi at binigyang tugon ng limampung (50) respondente na mga nasa ika-
unang baitang pa lamang ng kursong Medical Technology. Naglalaman naman ng
sampung (10) mga katanungan ang bawat sarbey kwestyoneyr na ipinamahagi, na
nakapagbigay ng datos sa mananaliksik upang masagutan ang mga tanong sa
layunin ng pag-aaral; sa paraang ito ganap at may ebidensya ang naging resulta ng
pag-aaral, gayun din masasabi ang layon at importansya ng pananaliksik na
isinagawa.
Nabigyang linaw at kasagutan sa pananaliksik na ito kung mayroong o wala
at ano ang kaugnayan ng mental na kalusugan sa pagiging produktibo sa klase.
Naitalakay din ang iba’t ibang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ng
kursong Medical Technology na nakakaapekto sa kanilang mental na kalusugan, at
kung paano at ano naman ang nagiging epekto nito sa pagiging produktibo nila sa
klase.

2. Kongklusyon
Batay sa mga inilahad at nakalap na mga datos o impormasyon ay
humantong ang mananaliksik sa sumusunod na kongklusyon:
a) Karaniwang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa klase na
nakakaapekto sa kanilang mental na kalusugan:
1. Mahirap at madaming mga aktibidad o pagsusulit
2. Mahirap intindihin na mga diskusyon
3. Mahabang oras sa klase
4. Diskusyong di naaangkop sa klase
5. Mga pakikitungo ng mga kaklase
18

Isinasaad ng mga nakalap na datos na ang nasabing mga suliranin


ay nagdudulot sa kanila ng pagkadarama ng stress, panlulumo, pagkawala
sa pokus, at pagkabahala lalo na kung hindi makahabol o hindi makaintindi
ng diskusyon sa klase, pati narin kapag nakakakuha ng mababang marka o
kaya naman hindi nakakasagot sa mga katanungan sa klase. Dagdag pa rito,
hindi rin naiiwasan ng mga mag-aaral na madala ang kanilang pagkabagot
at panlulumo sa kanilang tahanan. Kung kaya’t ipinapakita na malaki ang
epekto ng mga kinakaharap ng mga mag-aaral na mga suliranin sa klase, sa
kanilang mental na kalusugan
b) Ayon sa datos na nakalap sa pagsasagawa ng surbey, karamihan ang
nagsabi na mayroon naman kahit papaano pagkakaugnay sa kanilang
pagiging produktibo ang kanilang mental na kalusugan at pumapangalawa
naman ang tumugon na madalas ito nagkakaroon ng epekto, ngunit walang
nagsabi na hindi nakakaapekto ang kanilang mental na kalusugan. Ibig
sabihin lamang nito na may hindi mabuting epekto ang mga suliraning
kanilang nararanasan at nagdudulot iyon ng negatibong ugnayan sa
kanilang pagiging produktibo.
Nakaapekto ang mga suliraning nabanggit sa pagiging produktibo
ng mag-aaral sa klase dahil ayon sa sarbey, 56% ang tumugon na paminsan-
minsan na lamang silang nakakahabol sa mga alituntunin sa klase at 22%
ng mga mag-aaral ang nagsasabing hindi na sila nakikinig sa mga
diskusyon. Kung kaya’t masasabi ayon sa mga datos na nakalap na mayroon
talagang ugnayan ang mental na kalusugan ng mga mag-aaral at ang
kanilang pagiging produktibo sa klase; na kapag naaapektuhan sila ng mga
suliranin sa klase ay naaapektuhan din kung paano sila mag-isip at kumilos
at nagkakaroon rin ito ng negatibong epekto sa kanilang pagiging
produktibo katulad na lamang ng mga natukoy.
c) Gamit ang resulta ng mga datos na naitala, ipinakita na kahit may
kinakaharap na suliranin ang mga mag-aaral ay nagagawa padin nilang
isagawa muli ng maayos ang mga aktibidad at ang kanilang pag-iisip sa mga
talakay sa klase. Ayon sa datos, 60% ng mga mag-aaral ang nagsabing
naiisayos nila agad ang kanilang pag-iisip kapag nawala sila sa pokus o
biglaan sila nanlumo; kakaunti naman ang tumugon na hindi nila kayang
isaayos ang sarili na binubuo lamang ng 6%. Kaya’t masasabing may
kakayahan ang mga mag-aaral na kontrolin o pigilan ang negatibong pag-
iisip at sinusubukang hindi magpadala sa mga suliraning nararanasan sa
klase.
Ipinapahayag din ng mga datos na nakalap ang mga karaniwang
aksyon ng mga mag-aaral kapag hindi na nakakahabol sa mga alituntunin o
diskusyon. Lumabas sa resulta ng sarbey, na 64% ng mga mag-aaral ang
tumugon na pinipilit nilang makahabol sa lahat ng kanilang nalalaktawang
aktibidad. Ipinapakita lamang nito na kahit gaano kahirap ang gawain at
hirap sa paghahabol sa mga gawain sa klase ay sinusubukan padin nilang
19

ibigay ag kanilang makakaya. Sampung porsyento (10%) naman ang


nagbigay ng kanilang sariling tugon kung paano sila umaksyon kapag hindi
na nakakahabol sa klase at karamihan ang tumugon ng, pinag-aaralan at
iniintindi na lamang nila sa bahay ang bawat diskusyon o aktibidad na
kanilang natalakay o ginawa sa klase, o kaya naman nagsusulat sila ng
alituntunin upang matandaan nila ito. Ang iba namang mga tugon ay
nagtatanong sa mga kaklase o propesor sa mga natalakay na hindi
maintindihan at pinag-aaralan na lamang nila mag-isa. Kapag
pagsusumahin ang lahat ng ito, makikita na may kanya kanyang stratehiya
ang mga mag-aaral kung paano sila makahabol sa mga gawain sa klase, at
kahit mahirap ay sinisiguro nila na kahit papaano ay hindi sila nahuhuli o
naiiwan sa mga tinatalakay sa klase.

3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, sumusunod ang ilang
rekomendasyon ng mananaliksik upang mas lalong mapabuti ang kalidad
ng edukasyon at mapunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral, hindi
lamang ng kursong Medical Technology kundi pati narin ng ibang kurso sa
St. Dominic College of Asia.
a) Para sa mga propesor o guro, bigyang atensyon at kahalagahan ang
kalusugan ng mag-aaral, higit na dito ang mental na kalusugan. Magbigay
ng konsiderasyon sa mga aktibidad na pinapagawa sa klase at pagtuunan
din ng pansin ang mga mag-aaral na nahihirapan o hindi kayang
makipagsabayan sa klase.
b) Para sa institusyon, maging prioridad ang kalusugan ng bawat mag-aaral
at magsagawa ng mga seminar na magtatalakay sa kahalagahan ng malusog
na pag-iisip sa pag-aaral. Mag-isip ng mga posibleng protocol upang
mailimita o makontrol ang mga gawain na ipinapagawa sa bawat mag-aaral.
c) Para sa mga mananaliksik, mas palawakin ang pag-aaral na ito. Maaaring
ipagpatuloy pa ang naisagawang pananaliksik at magdagdag ng
impormasyong mas lalong magpapatibay sa pag-aaral na ito. Tukuyin din
ang iba pang mga kadahilanang nakakaapekto sa pagiging produktibo ng
mga mag-aaral. Iba pang naayon na pananaliksik na maaring makatugon o
makatulong makalutas ng suliraning kaugnay ng pagiging produktibo ng
mga mag-aaral sa klase.
d) Para sa mga mag-aaral, maging huwaran sa iba pang mag-aaral sa
pamamagitan ng paghimok sa paraang pagbibigay ng prayoridad sa pag-
aaral. Bigyan din ng panahon ang sarili upang maipahinga ang isip pati narin
ang katawan. Magkaisa sa isang mabuting layunin ang isang klase at hindi
maging dahilan ng poblema o suliranin.

You might also like