You are on page 1of 1

Lapu-Lapu City Division

District 8
BABAG II ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 6 SUMATIBONG PAGSUSULIT (QTR 4)

I. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng pinakawastong sagot na bubuo sa kaisipang ipinahahayag ng bawat
pangungusap.
1. Ipinroklama ang Batas-Militar sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos upang diumano’y
_________________________.
a. umunlad ang ekonomiya ng bansa c. matakot ang mga Pilipino sa mga pinuno
b. gumanda ang imahe ng bansa d. supilin ang krimen at kaguluhan sa bansa
2. Batay sa probisyon ng ___________________ ay may kapangyarihan ang Pangulong bansa na magdeklara ng Batas-
Militar.
a. Saligang-Batas b. Kautusan c.Proklamasyon d.Kongreso
3. Ayon sa mga historyador, ang ______________________ ang tunay na dahilan ni Marcos sa pagdedeklara ng Batas-
Militar.
a. pagtulong sa mga mahihirap c. pagpapahaba ng termino sa pamahalaan
b. pag-utang sa World Bank d. pagpapaunlad ng bansa
4. Ang mga taong bumatikos sa pamamalakad ng pamahalaan ay dinakip at ikinulong bunga ng ____________.
a. walang pakialam sa mga Pilipino c. kanilang panggugulo sa pamahalaan
b. pagkakait ng karapatan sa pagpapahayag d. walang basehang mga pahayag
5. Inihayag ng mga aktibista ng mamayan at estudyante ang kanilang karaingan sa pamamagitan ng __________.
a. pakikiisa sa pamahalaan c. pagsasawalang kibo
b. pagsasagawa ng rali at welga d. paggawa ng krimen at iba pang karahasan
6. Isang malubhang kaso ng pambobomba ang naganap sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila habang
_________________.
a. nagdaraos ng banal na misa c. nagtatalumpati si Pangulong Marcos
b. idinaraos ang meeting de avance ng oposisyon d. nagkakasiyahan ang mga tao
7. Ang pangungutang ng pamahalaan sa mga pandaigdigang samahan ay upang____________________.
a. ipantustos sa mga programang pamahalaan c. ipamahagi sa mga mahihirap
b. ibili ng mga karagdagang armas ng militar d. maging ipon ng pamahalaan
8. Upang makamit ang mga pagbabago sa lipunan at kaunlaran ng ekonomiya, inilunsad ang programa ng
_________________.
a. Bagong Lipunan b. Bagong Partido c.Bagong Pilipinas d.Bagong Pamayanan
9. Sailalim ng Saligang-Batas. 1973, ipinairal ang pamahalaang ____________________.
a. Pederal b. Komonista c.Parlyamentaryo d.Republika
10. Pormal na __________________________ ang Batas-Militar noong Enero 17, 1981.
a. ipinagpatuloy b. nagwakas c. binatikos d. tinanggap

II. Isulatang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung di-wasto.

11. Nagawang paunlarin n iPangulong Marcos ang ekonomiya ngPilipinas sa ilalim ng kanyang unang termino.
12. Ang pagpapatayo ng iba’t ibang imprastratura at paghikayat sa mga banyagang mamumuhunan ay ilan sa mga nagging
pokus ng administrayon ni Pangulong Marcos.
13. Ang maraming bilang ng pambobomba sa mga lugar sa kalakhang Maynila at mga karatig probinsya ay nagbunsod sa
pagdedeklara ng Batas-Militar.
14. Naging positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa pag-iral ng Batas-Militar.
15. Ang pagbatikos sa pamahalaan ni Senador Benigno “Ninoy” Aquino ay dahilan ng kanyang pagkakapiit sa Camp
Crame.
16. Ang pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus ay nagging katanggap-tanggap sa mga Pilipino;
17. Ang pagbilis ng antas ng paglaki ng populasyon ay pinangasiwaaan ng Green Revolution.
18. Ang asasinasyon kay Senador Ninoy Aquino at ang resulta ng snap election ay nag-udyok sa mga Pilipino tungo sa
People’s Power Revolution.

19. Ang EDSA Revolution ay kinikilala sa buong mundo bilang pinakamapayapang uri ng rebolusyon sa kasaysayan.
20. Si Pangulong Corazon C. Aquino ay iniluklok sa pamahalaan ng EDSA Revolution.

III. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari sa ilalim ng Batas-Militar. Gumamit ng mga bilang 1, 2 3 4 at 5. Isulat ito sa
patlang.

______ Pagsiklab ng EDSA Revolution

______ Asasinasyon kay Senador Benigno Aquino

______ Pagsusupinde sa Writ of Habeas Corpus

______ Panunumpa ni Cory Aquino bilang Pangulo

______ Pagdaraos ng Snap Election

You might also like