You are on page 1of 4

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Riserts

Sa pang araw-araw na pamumuhay ay may komunikasyon maging berbal, di-

berbal o paralanguage man ito dahil sa komunikasyon, nagkakaroon ng magandang

ugnayan ang tao.

Sa pagbebenta ng produkto, maaaring gamiting gabay ang 4P’s of Marketing sa

ilang mahahalagang desisyon. Ang 4P’s ay Product (Produkto), Price (Presyo), Place

(Lugar o Paraan ng Distribusyon) at Promotion (Pag-engganyo sa mga mamimili).

Nagagamit ang komunikasyon sa panghihikayat sa mga tao upang ang isang

produkto ay tangkilikin. May mga taong sa mabubulaklak na pananalita naman dinadaan

ang pangkuha ng atensyon ng mamimili upang bilhin ang produkto. Naririnig sa mga

nagtitinda ang istratehiyang tulad nito, “Malasa po ito, matibay at murang-mura kaya

kayang-kaya po ng bulsa.” madalas sa mga istratehiyang ito nahihikayat ang mamimili.

May mga negosyante namang dinadaan sa di-berbal na komunikasyon ang

istratehiyang mahikayat ang mamimili. Madalas na nakikita sa paligid ang mga

karatulang tulad ng “50% OFF, Sale o BUY 1 TAKE 1”.

Ang mga Pinoy, kung saan nakatitipid ay siyang tinatangkilik. Minsa’y kahit

walang pera, sinisikap na magkaroon ng produktong ipinagbibili ng mga negosyante

upang magkaroon lamang nito o kaya’y makasunod sa uso. Gumagawa ng paraan upang

mabili ito dahil minsan lamang sa pagkakataon bumababa ang presyo nito.
2

Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang riserts na ito upang malaman ang 4P’s: Epektibong Panghihikayat

sa mga mamimili. Partikular na ninais ng risertser na matugunan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano-ano ang ginagamit na istratehiya ng mga nagtitinda na nakabatay sa 4P’s?

2. Ano-ano ang batayan ng mga mamimili sa pagbili ng produkto?

3. Ano-ano ang salitang ginagamit sa panghihikayat sa mga mamimili?

4. May mahalaga bang kaugnayan ang mga ginagamit na istratehiya ng mga

nagtitinda na nakabatay sa 4P’s at sa batayan ng mga mamimili sa pagbili ng

produkto?

Layunin ng Riserts

Ang risertser ay nagnanais na matugunan ang mga sumusunod na layunin:

1. matukoy ang mga ginagamit na istratehiya ng mga nagtitinda na nakabatay sa

4P’s;

2. malaman ang mga batayan ng mga mamimili sa pagbili ng produkto;

3. maiisa-isa kung ano-anong salita ang ginagamit sa panghihikayat sa mga

mamimili;

4. matukoy kung may mahalaga bang kaugnayan ang mga ginagamit na istratehiya

ng mga nagtitinda na nakabatay sa 4P’s at sa batayan ng mga mamimili sa pagbili

ng produkto.
3

Kahalagahan ng Riserts

Ang riserts na ito ay isinagawa upang malaman kung may mahalaga bang

kaugnayan ang mga ginagamit na istratehiya ng mga nagtitinda na nakabatay sa 4P’s at sa

batayan ng mga mamimili sa pagbili ng produkto

Nagtitinda. Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga nagtitinda dahil sila ang mas

dapat nakaaalam sa mga istratehiyang dapat gamitin sa kanilang panghihikayat.

Konsyumer. Para malaman kung ano ang mga ginagamit na mga istratehiya sa

panghihikayat at makapag-isip kung talagang sila ay bibili o hindi.

Mga Risertser sa Hinaharap. Magsisilbing batayan ang pag- aaral na ito para sa

mas malaliman pang pag-aaral at pagpapayabong ng kaalaman.

Saklaw at Delimitasyon ng Riserts

Ang riserts na ito ay isinagawa sa Pamilihang Bayan ng Roxas, Isabela . Ang mga

respondente ay kinabibilangan ng 100 na nagtitinda, 20 mula sa mga nagtitinda ng

Damit, 20 mula sa nagtitinda ng Isda/ Karne, 20 mula sa nagtitinda ng School Supplies,

20 mula sa nagtitinda ng Beauty Products at 20 mula sa nagtitinda ng Gulay at 100 na

mamimili sa Pamilihang Bayan ng Roxas, Isabela.


4

Definisyon ng mga Terminolohiya

Sa riserts na ito, may mga salita at katawagang nabanggit upang maipakita nang

maayos ang riserts na ito. Narito ang ilang salita na binigyang katuturan sa pamamagitan

ng operasyonal na paraan upang lubos na maunawaan.

4P’s. Ito ay ang apat na elemento sa pagnenegosyo, ang Product (produkto), Price

(presyo), Place(lugar o paraan ng distribusyon) at Promotion (pag-engganyo sa mga

mamimili) na ginagamit ng mga nagtitinda sa panghihikayat.

Epektibo. Ang kabisaan ng panghihikayat.

Istratehiya. Pamamaraan ng paghihikayat o pag-aalok. Ito ay ang paraan kung

papano ginawa ang panghihikayat. Ito ay isang disiplina na ginagawa ng mga kompanya

upang manguna sa mundo ng kompetisyon.

Komunikasyon. Pakilos na pagbabahagi, pagpapabatid o pagpapahayag ng

nararamdaman at naiisip.

Mamimili. Mga tumatangkilik sa mga binebentang produkto sa merkado.

Nagtitinda. Nagpapakilala sa produkto upang ito’y tangkilikin ng mga mamimili.

Negosyo. Ang pagbebenta ng mga produkto sa merkado.

Panghihikayat. Paraan ng pagtawag sa mga mamimili upang bilhin ang produkto.

Wika. Isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng

mga ito para magkaunawaan o makapagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao.

You might also like