You are on page 1of 5

Department of Education

Region 02
Division of Isabela
Aurora District
BOLINAO ELEMENTARY SCHOOL
Aurora

Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6


Unang Markahan
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

ITEM PLACEMENT

Bilang ng Aytem
Bilang ng Araw

Porsyento
CODE Layunin

AP6PMK Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa 2 30%


mundo sa globo at mapa batay sa "absolute 1,2,3,4,5, 6 9
location" (longitude at latitude) at "relative 7,8,9
-la-1
location" nito
Nagagamit amg grid sa globo at mapang
AP6PMK 2 10%
political sa pagpapaliwanag ng pagbabago ng 10,11,12 3
hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
-la-2
batay sa kasaysayan
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon
AP6PMK 1 10%
ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya 13,14,15 3
at mundo
-la-3

Nasusuri ang kaugnayan ng pagbubukas ng


AP6PMK 1 10%
mga daungan ng bansa sa pag-unlad at pag- 18, 16, 17 3
usbong ng damdaming makabayan ng mga
-lb-4.1
Pilipino
Natutukoy ang epekto sa bansa ng
AP6PMK 1 15%
pagbubukas ng mga daungan ng Pilipinas at 19, 21, 23, 5
ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan 20,22
-lb-4.2

Naipaliliwanag ang pag-usbong at kontribusyon


AP6PMK 1 15%
ng panggitnang uri/uring mestizo sa Pilipinas 24, 25,26, 5
27
-lb-4.3

Nasusuri ang ginawang pagpapatibay ng


AP6PMK 1 10%
Dekretong Edukasyon ng 1863 at naging 28, 29, 30 3
kontribusyon nito sa pag-usbong ng
-lb-4.4
nasyonalismong Pilipino

KABUUA 9 100%
30
N
LAGUMANG PAGSUSULIT SA
ARALING PANLIPUNAN 6
(Unang Pagsusulit)

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa hiligang hating-globo at timog hating-globo?


a. Equator
b. Prime Meridian
c. Latitude
d. Longitude

2. Ito ang sumusukat sa layong pahilaga o patimog ng isang lugar mula sa equator.
a. Equator
b. Prime Meridian
c. Latitude
d. Longitude

3. Ano ang tawag sa naghahati sa globo sa silangan hating-globo at kanlurang hating-globo?


a. Equator
b. Prime Meridian
c. Latitude
d. Longitude

4. Ito ang sumusukat sa layong pasilangan o pakanluran ng isang lugar mula sa Prime Meridian.
a. Equator
b. Prime Meridian
c. Latitude
d. Longitude

5. Ano ang tumutukoy sa lokasyon ng isang lugar batay sa mga guhit latitude at longitude?
a. Direksyong Kardinal
b. Relatibong Lokasyon
c. Tiyak na lokasyon
d. Sekondaryang Direksyon

6. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas.


a. China
b. Japan
c. Taiwan
d. Hongkong

7. Ang direksyon ng Thailand mula sa Pilipinas ay ________.


a. Hilaga
b. Timog
c. Silangan
d. Kanluran

8. Ang anyong tubig na nasa Silangan na bahagi ng Pilipinas ay ___________.


a. Bashi Channel
b. Karagatang Pasipiko
c. Dagat Celebes
d. Dagat Sulu

9. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________.


a. Timog - Silangang Asya
b. Silangang Asya
c. Timog Asya
d. Timog - Kanlurang Asya
10. Ito ang kasuduan kung saan isinalin ng Espanya sa Estados Unidos ang karapatan nito sa Pilipinas na nilagdaan noong
DIsyembre 10, 1898.
a. Treaty of Washington of 1900
b. Cession Treaty 1900
c. Boundaries Treaty 1930
d. Treaty of Paris of 1898

11. Ito ang kasunduan sa pagitan ng United Kingdom at Estados Unidos na nilagdaan noong Enero 2, 1930 kung saan
dinelimitahan sa kasunduang ito ang mga hangganan sa pagitan ng Hilagang Borneo na kilala sa kasalukuyan na
tawag sa Sabah.
a. Treaty of Washington of 1900
b. Cession Treaty 1900
c. Boundaries Treaty 1930
d. Treaty of Paris of 1898

12. Anong Saligang Batas ang nagtadhana na ang kabuuang teritoryo ng Pilipinas ay ang kapuluang Pilipinas kabilang ang
lahat ng mga pulo at karagatang nakapaloob dito, gayundin ang lahat ng teritoryong nasa ganap na hurisdiksyon ng
bansa at ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng Pilipinas ano man ang
lawak nito ay bahagi ng internal waters ng Pilipinas?
a. Saligang Batas ng 1935
b. Saligang Batas ng 1973
c. Saligang Batas ng 1980
d. Saligang Batas ng 1987

13. Ang Pilipinas ay napapalibutan ng tatlong mahahalagang katubigan - Pacific Ocean sa Silangan, West Philippine Sea
sa Kanluran, at _____________ sa Timog.
a. Celebes Sea
b. Sulu Sea
c. Mediterranean Sea
d. South China Sea

14. Ang _________ kasama ang ilang bansa sa Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay
"Ring of Fire" dahilan upang malimit itong makaranas ng pagputok ng bulkan at paglindol.
a. Korea
b. Taiwan
c. Pilipinas
d. Vietnam

15. Ang lokasyon ng Pilipinas sa mababang latitud sa ibabaw ng ekwador ang nagbigay ng _________ na klima na nagkop
sa gawaing pang-agrikultura tulad ng pagsasaka at paghahayupan.
a. Tropikal
b. Temperate
c. Mainit
d. Malamig

16. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nakatulong upang magising ang diwang makabayan o nasyonalismo ng
mga Pilipino?
a. Pagpapatayo ng mga pabrika
b. Paninirahan sa lungsod
c. Pagbubukas ng mga daungan
d. Pagtatatag ng iba't ibang parokya

17. Bakit sinabing isa sa mga salik ng pagmulat ng kamalayang Pilipino ang pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan?
a. Sapagkat naging dahilan ito ng pagpasok ng ideyang liberal at pag-unlad ng mga kaisipan ng mga Pilipino
b. Sapagkat nagkaroon ng maraming kapitalistang namumuhunan sa bansa
c. Sapagkat dumami ang mga bansang nagnais na sakupin ang Pilipinas
d. Sapagkat umunlad ang turismo ng bansa

18. Anong daungan sa bansa ang binuksan sa pandaigdigang kalakalan noong 1834?
a. Daungan ng Cebu
b. Daungan ng Tacloban
c. Daungan ng Maynila
d. Daungan ng Zamboanga

19. Napabilis ang transportasyon at kominikasyon sa pagitan ng Europa at Asya sa pagbubukas ng _____.
a. Panama Canal
b. Suez Canal
c. Amsterdam Canal
d. Venice Canal

20. Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa pagbubukas ng Suez Canal?
a. Nagkaroon ng mga bagong pinuno
b. Naging madali o mabilis ang pagbibiyahe ng mga produkto
c. Nagkaroon ng maraming ani ang mga Pilipino
d. Bumuti ang pamumuhay ng lahat ng mga katutubong Pilipino

21. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong naganap dulot ng pagbubukas ng Suez Canal maliban sa isa, alin ito?
a. Napaunlad ang mga produktong pang-agrikultura na iniluluwas ng Pilipinas
b. Dumami ang mga mangangalakal na pumapasok sa bansa na may dalang iba't ibang kaisipan mula sa
Europa gaya ng konsepto ng demokrasya at liberalismo
c. Natutong magsalita ng wikang Espanyol ang lahat ng Pilipino
d. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga maykayang Pilipino na makapag-aral sa Europa

22. Sa pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, nagsimulang makontrol ng ibang bansa lalo na ng Inglatera ang
_________.
a. Ekonomiya ng bansa
b. Pulitika sa bansa
c. Populasyon ng bansa
d. Kapayapaan ng bansa

23. Ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ay nangahulugan ng ________.


a. pagrereserba ng kultura
b. pag-unlad ng ekonomiya
c. pagtaas ng populasyon
d. pagpapasakop sa Espanya

24. Ano ang pinakamataas na antas sa katayuan ng mga tao sa lipunan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
a. Ilustrado
b. Mestizo
c. Peninsulares
d. Indio

25. Ito ang tawag sa mga ilustradong nagkaroon ng pananaw na naghahangad ng pagbabago at nag-isip ng paraan kung
paano nila mapapabuti ang katayuan ng mga Pilipino mula sa pagkaalipin sa mga Espanyol.
a. naliwanagang kabataan
b. nanindigang kabataan
c. bayaning kabataan
d. namulat na kabataan

26. Sino sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa ilustrado?


a. Jose Rizal
b. Juan Luna
c. Mariano Ponce
d. Andres Bonifacio

27. Kailan tinatawag na mestizo ang isang tao noong panahon ng mga mananakop na Espanyol sa bansa?
a. Kung siya ang isang Espanyol at isinilang sa Espanya
b. Kung siya ang isang Espanyol at isinilang sa Pilipinas
c. Kung siya ang anak ng Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino
d. Kung siya ay anak ng mayamang Pilipino na nakapag-aral sa Maynila o sa ibang bansa
28. Anong batas ang ipinatupad sa bansa noong panahon ng Espanyol na nagbigay ng pormal na edukasyon at nagtayo ng
mga paaralan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas?
a. Dekretong Edukasyon ng 1683
b. Dekretong Edukasyon ng 1863
c. Dekretong Edukasyon ng 1883
d. Dekretong Edukasyon ng 1836

29. Bakit hindi itinuloy ng mga Espanyol ang pagtuturo ng wikang Espanyol sa mga Pilipino?
a. Dahil sa pangamba na madaig ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa larangan ng edukasyon
b. Dahil sa pangambang maiba ang kultura ng mga Pilipino
c. Dahil sa pangambang magkaroon ng iisang wika na maaaring magbuklod sa mga Pilipino
d. Dahil sa pangambang tuluyang maging bahagi ng Espanya ang Pilipinas

30. Ano ang maitututing na pinakamahalagang kontribusyon sa bansa ng Dekretong Pang-edukasyon na ipinatupad sa
bansa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
a. Natuto ng wikang Espanyol ang mga Pilipino na nagamit sa pakikipagtalastasan sa mga dayuhan
b. Nagkaroon ng mga paaralan at mga guro sa bansa
c. Nakita ang kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at kalayaan ng bansa
d. Nagkaroon ng interes ang mga Pilipino na magbasa at sumulat

You might also like