You are on page 1of 8

TAKBO KASAYSAYAN 2019: AMAZING RACE

PALARONG PINOY EDITION

- Ang Takbo Kasaysayan 2019: Amazing Race Palarong Pinoy Edition ay


gaganapin ng 23 Agosto, 2019. Magkakaroon ng general assembly sa lahat ng
kalahok sa ganap ng 12:00 ng tanghali at opisyal na magsisimula ang laro ng 1:00
nh.

- Lahat ng balay ay kinakailangang sumali sa patimpalak. Ang mga miyembro


na may karamdaman na maaring makaapekto sa laro ay hindi pasasalihin ngunit
kinakailangang naroon pa rin sa oras at araw ng laro.
- Ang bawat balay ay kinakailangang dala ang kani-kanilang banner, ang balay
na wala nito ay bibigyan ng karampatang parusa. Kinakailangan din na
nakasuot ang bawat miyembro sa nakatakdang kulay ng kanilang balay at
kailangang kumpleto ang lahat sa itinakdang oras. Sino mang miyembro ng
balay na hindi makakasunod sa nakasaad ay magkakaroong ng parusa.

- Ang laro ay binubuo ng 13 istasyon, kinakailangang makolekta ng bawat balay


ang puzzle sa 12 istasyon bago pumunta sa huling istasyon. Oras ang
pagbabatayan kung anong balay ang tatanghaling panalo. Idagdag sa huling
istasyon ang mga parusa kung sakaling may mga balay na hindi makakasunod
sa panuntunan.
- Sa oras ng laro, ipinagbabawal ang anumang cellphone at gadgets. Ang
bawat istasyon ay may tubig na maaring inumin ng mga manlalaro.
- Ang kulay ng bawat balay ang magiging basehan ng kanilang unang istasyon.

- Kapag hindi maintindihan ng balay ang clue para sa susunod na istasyon


lumapit sa nakatalagang committee sa Freedom Park. Sa bawat paghingi ng
clue ay magdadagdag ng tatlong (3) segundo sa opisyal na oras ng balay.
Mga Laro:

STATION 1: DAMPA @ Ampitheater


Color: Red
Clue:
“Ako'y saksi sa digma ng mga gladiator sa Roma. Ako'y saksi sa mga gutom
na mandirigma sa Sta. Mesa.”
Committee to facilitate:
Gabriel Akeem Precia (BAH 2-2) at Kathlene Dane Roxas (BAH 2-1)
Mechanics:
- Isang miyembro lamang ang lalahok. Bubunot ang manlalaro ng minuto na
kanilang kailangang tapusin. Kinakailangang maabot ang nakatakdang
distanya sa pamamagitan ng pagdampa sa goma. Kapag hindi naabot ang
nakatakdang distansya, pipiringan sa mata ang lumahok at kinakailangang
hanggang matapos ang buong laro ay hindi tatanggalin.
Materials:
- Goma (2)
- Bubunuting papel ng manlalaro (oras ang nakalagay)
- Piring para sa parusa
STATION 2: SIPA RELAY @ Ferry Station
Color: Green
Clue:
6-5-18-18-25 19-20-1-20-9-15-14
Committee to facilitate:
Raymond Mesina (BAH 2-1) at Xynah Mae Gaoiran (BAH 1-1)
Mechanics:
- Lahat ng miyembro ng balay ang kinakailangang lumahok. Bubunot ang
maglalaro kung sa siko o paa ang gagamitin sa sipa at kung ilan ang
kailangang bilang na kailangang gawin. Ang bawat miyembro ay
kinakailangang sumipa ng isang ulit lamang hanggang makuha nila ang bilang
na kanilang nabunot. Kapag hindi nakuha ng balay ang bilang ng sipa na
kailangan nilang gawin ay kinakailangan na ang miyembro na may
pinakamaraming sipang nagawa ay pipiringan sa mata hanggang matapos
ang buong laro ay hindi tatanggalin.
Materials:
- Sipa (2)
- Bubunuting papel ng manlalaro (2, isa para sa siko o paa, at isa para sa oras)
- Piring para sa parusa
STATION 3: SACK RACE RELAY @ Oval
Color: White
Clue:
BINY
Committee to facilitate:
Ace Carlo Oronia (BAH 2-1) at Shamyre Mae Taoy (BAH 1-3)
Mechanics:
- Lahat ng miyembro ng balay ay kinakailangang maglaro. Bubunot ang
manlalaro ng minuto na kanilang kailangang tapusin. Gamit ang sako
kinakailangang na bawat manlalaro ay makaikot sa loob ng minuto na
kanilang nabunot. Ang balay na hindi makakagawa ng nasabing laro ay
kinakailangang sumayaw sa Patcha ng Mocha Girls.
Materials:
- Sako (2)
- Bubunuting papel ng manlalaro (oras ang nakalagay)
- Kopya ng kantang Patcha ng Mocha Girls
STATION 4: CHINESE GARTER @ Chapel
Color: Yellow
Clue:
CHARLIE had a pretty epic lover
Committee to facilitate:
Ameerah de los Santos (BAH 2-1) at Rio Nival (BAH 2-1)
Mechanics:
- Ang pinakamatangkad na miyembro ng balay ang magiging basehan ng
taas ng garter. May tatlong lebel ang laro: (1) sa beywang, kinakailangan na
pitong (7) miyembro ang makalagpas; (2) sa balikat, kinakailangan na limang
(5) ang makalagpas; at (3) sa sintido, kinakailangan na tatlo (3) ang
makalagpas. Ang balay na hindi makakagawa ng nasabing laro ay
kinakailangang sumayaw sa Bakit Papa ng Sexbomb Girls
Materials:
- Garter (1)
- Kopya ng kantang Bakit Papa ng Sexbomb Girls
STATION 5: LIMBO @ Open Court
Color: Gray
Clue:
“Bukas ang hukuman”
Committee to facilitate:
Prinz Daniel Nuyda (BAH 2-1) at Maria Alonte (BAH 1-1)
Mechanics:
- Ang pinakamaliit na miyembro ng balay ang magiging basehan ng taas ng
limbo. May tatlong lebel ang laro: (1) sa sintido, kinakailangan na pitong (7)
miyembro ang makalagpas; (2) sa balikat, kinakailangan na limang (5) ang
makalagpas; at (3) sa beywanf, kinakailangan na tatlo (3) ang makalagpas.
Ang balay na hindi makakagawa ng nasabing laro ay kinakailangang bumalik
sa nakaraang istasyon at kinakailangang manatili ng isang (1) minuto bago
babalik sa istasyong ito at makuha ang clue at puzzle. Kung sakaling unang
istasyon ng balay, panatilihin lamang sila ng isang (1) minuto.
Materials:
- Garter (1)
STATION 6: HARINA RELAY @ Linear Park
Color: Black
Clue:
“Mahaba ngunit mas maikli sa ilog, tao at hindi sasakyan ang naroon”
Committee to facilitate:
Reymark Gempis (BAH 1-1) at John Lloyd Moico (BAH 1-1)
Mechanics:
- Limang (5) manlalaro ang kinakailangan. Gamit ang kutsara kinakailangan
pagpasa-pasahan ang harina ng bawat manlalaro hanggang makaabot sa
dulo. Kinakailangan nilang mapuno ang nakatakdang lagayan sa loob ng
tatlong (3) minuto. Ang balay na hindi makakagawa ng nasabing laro ay
kinakailangang bumalik sa nakaraang istasyon at kinakailangang manatili ng
isang (1) minuto bago babalik sa istasyong ito at makuha ang clue at puzzle.
Kung sakaling unang istasyon ng balay, panatilihin lamang sila ng isang (1)
minuto.
Materials:
- Harina
- Kutsara (plastic)
- Baso
- Tissue
STATION 7: TUMBANG PRESO @ Likod ng Mabini
Color: Blue
Clue:
“Tulad mo, tulad niyo ako ay nasa isang balay”
Committee to facilitate:
Lee Joshua Sia (BAH 2-1) at Steven Mariano (BAH 2-2)
Mechanics:
- May tatlong lebel ang layo, bawat lebel ay may magkaibang layo ng lata na
kinakailangang matamaan ng mga manlalaro. Isa-isa lamang ang paghagis
ng pamato at hindi maaring gumamit ng pamato ng iba. Kapag walang
miyembro ng balay ang nakatumba sa lata, kinakailangang na pumili ang
balay ng dalawang miyembro upang itali ang kanilang magkabilang paa
hanggang matapos ang buong laro.
Materials:
- Lata (3)
STATION 8: LUKSONG BAKA @ CHK Building
Color: Sky Blue
Clue:
“I am made up of carbon, hydrogen and potassium. What am I?”
Committee to facilitate:
Rafael Pamplona (BAH 2-2) at Nico Matitu (BAH 2-2)
Mechanics:
- Ang pinakamatangkad na miyembro ng balay ang magiging basehan ng
lebel ng taas. Bubunot ang manlalaro kung lima (5) o sampu (10) beses sila iikot.
Bago tumalon, kinakailangang umikot muna (ayon sa kanilang nabunot) ang
bawat manlalaro, isang lebel lamang ang laro. Kapag may miyembro ng balay
ang hindi nakatalon ay kinakailangan na pumili ang balay ng dalawang
miyembro upang itali ang kanilang magkabilang paa hanggang matapos ang
buong laro.
Materials:
- Bubunuting papel (5 o 10 ang nakalagay)
STATION 9: ERES TU/ SPANISH VER. NG PH ANTHEM @ Tapat ng NALLRC
Color: Orange
Clue:
“Dati akong tao ngayon ay naging silid. Ako ang sentro ngunit nasa dulo.”
Committee to facilitate:
Lester Tebangin (BAH 2-1) at Angelica Rosita (BAH 1-1)
Mechanics:
- Bubunot ang balay kung anong kanta ang kanilang kailangang sagutan.
Bago ipakita ang katanungan papakinggan ng lahat ang napiling kanta,
kinakailangang masagutan ang mga blankong bahagi ng kanta. Dalawang
beses lamang maaring mapakinggan ang kanta pagnakita na ang
katanungan. Ang balay na hindi makakagawa ng nasabing laro ay
kinakailangang kumanta ng Luha ng Aegis sa nakakatawang paraan.
Materials:
- Printed ng Eres tu at Spanish Ver ng Ph Anthem (isang may blanko, isang wala)
- Bubunuting papel (yung dalawang kanta ang nakalagay)
STATION 10: MIND MINES @ S606
Color: Pink
Clue:
“Sa panibagong hamon kayo ay susubok, mag-ingat lamang sa mga butas
sa sulok”
Committee to facilitate:
Djohanna Pia Salinas (BAH 1-1) at Aireen Clarin (BAH 1-1)
Mechanics:
- Isang miyembro ng balay ang magsisilbing tagagabay ng lahat. Pipiringan ng
mata ang lahat liban sa maitatakdang tagagabay ng grupo, hindi pwedeng
bumitaw ang mga manlalaro sa isa't isa. Gamit lamang ang sinasabing
direksyon ng tagagabay kinakailangang matapos ng mga manlalaro ang
obstacle sa loob ng limang (5) minuto. Kapag ang balay ay hindi nagawa ang
laro sa loob ng nakatakdang oras iiwan ang nagsilbing tagagabay ng balay
sa istasyon.
Materials:
- Piring (12)
- Masking Tape
STATION 11: CONDIMENTS GAME @ Likod ng Lab High
Color: Maroon
Clue:
“Mataas ang pangalan ngunit isang palapag lamang”
Committee to facilitate:
Christopher John Versoza (BAH 2-1) at Dave Ret Camacho (BAH 1-1)
Mechanics:
- Apat na manlalaro ang kinakailangan. Pipili ang bawat manlalaro sa apat na
inumin na nakahain. Ang miyembro na makakakuha ng kaiba sa tatlo ay
maiiwan sa istasyon.
Materials:
- Baso (4)
- Ice Tea
- Apple Cider
STATION 12: KISSING GAME @Lobby ng 6th Floor
Color: Violet
Clue:
“Kita ko ang mga dulong di nagsasulubong sa kanluran at silangan. Nasa
baba ako ng kalangitan pero nasa taas ng kalupaan.”
Committee to facilitate:
Vicrose Zoe Santiago (BAH 2-1) at Patrice Magaoay (BAH 2-1)
Mechanics:
-Anim na manlalaro ang kinakailangan. Kinakailangang makapagpasa ng
limang papel gamit lamang ang bibig. Ang balay na hindi makakapagpasa
ng limang papel sa loob ng 10 minuto ay kinakailangang magpasa ng isang
(1) papel na buong miyembro ang gagawa.
Materials:
- Paper Hearts
LAST STATION: BAYBAYIN @ Freedom Park
Clue:
GSIIFUN QESL (ALPHA >1)
Committee to facilitate:
Geneva Curato (BAH 2-1)
Mechanics:
- Kapag natapos na ng balay ang 12 istasyon at nakumpleto ang puzzle,
kinakailangang balikan ang mga miyembro na naiwan sa ibang istasyon.
Kinakailangang mabuo ang salita gamit ang mga puzzle bilang clue.

PARA SA MGA COMMITTEE:


- Kinakailangang tingnan ang dalang bugtong ng balay na pupunta sa istasyon
ninyo, kung hindi ito ang tanong para sa istasyon ninyo wag palaruin.
- Magkakaroon ng check list para sa mga balay na nakadating na sa inyo. Kapag
nagkataon na nagkaroon ng sabay na balay ang pumunta sa istasyon ninyo,
unahin palaruin ang balay na unang nakadating. Iwasang makita nung susunod
na balay yung laro.
- Magbigay kayo ng tubig sa mga manlalaro.
- Note ninyo ang mga mandudugang balay para bigyan ng parusa.

- Huwag magbibigay ng anumang clue sa mga manlalaro. Kung sakaling yung


isang balay ay hindi kaya talagang gawin ang task, discretion niyo kung itutuloy
pa rin ba nila ang laro o hindi (ibig sabihin, ung parusa na gagawin nila: sayaw
or mag-iwan).

- Ibibigay niyo lang ang puzzle kapag natapos na nilang gawin yung laro sa
istasyon niyo kasama nun ay ung bugtong para sa susunod na istasyon.

You might also like