Mekaniks

You might also like

You are on page 1of 2

Caloocan Campus

10th Ave cor Rizal Ave, Ext. Caloocan City


Email Address: caloocan@interface.edu.ph
Tel.No.: (02) 366-7271

Amazing Race
Panuntunan at Mekaniks

Ang bawat manlalaro o grupo ng 7 hanggang 10 miyembro (Sa lahat ng Lebel College at Senior High)
Ang mga manlalaro ay kailangan nakasuot ng kulay ng nirerepresentang kanilang grupo. Ang bawat
grupo ay may sampung estasyon na kailangan nilang pagdadaraan. Kung sinong grupo ang unang
makakatapos ng lahat ng estasyon sila ang tatanghaling panalo.

Unang Estasyon – Barangayan Game

Ang lahat ng grupo ay magkakalaban (7-10 grupo). Kailangan ng bawat grupo ay makakoleta ng tatlong
panyo sa kanila grupo upang matapos ang estasyon. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa
susunod na estasyon.

Ikalawang Estasyon – Harina

Mekaniks: ang bawat manlalaro (7-10 miyembro) ay kailangang hipan ang harina upang kita ang halaga
ng perang nakalagay sa plangana. Matapos makita ang saktong halaga ng pera ay agad nila itong
isusulat sa pisara. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa susunod na estasyon.

Ikatlong Estasyon – Hanapan ng Salita (Word Hunt)

Mekaniks: and bawat manlalaro (7-10 miyembro) ay may 5 minuto para hanapin ang mga salitang
tagalog o Pilipino sa ibabang bahagi ng sagutang papel. Kailangan markahan nila ito upang
mapatunayang kita nila ang salita sa loob ng kahon. Pero bago sila sumagot kailangan nilang isuot ang
sako at lumukso mula sa sa sagutang papel. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa susunod na
estasyon.

Ika-apat ng Estasyon – Chinese Garter

Mekaniks: Ang bawat manlalaro (7-10 miyembro) ay kailangang matalon ang mga baitang ng garder
(may tatlong baitang ang nasabing palaro) upang matapos ang estasyon na ito. Maaring sumayad ang
anumang parte ng katawan basta ang mahalaga ay nakatawid sila sa kabilang sa pamamagitan ng
paglukso o pagtalon nito. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa susunod na estasyon.

Ika-limang Estasyon – Shot Glass Game

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang sumagot ng isang bugtong. Kung ang
manlalaro na sumagot sa bugtong ay nakakuha ng maling sagot kailangan nitong uminom ng isang
kakaibang klaseng inumin. Kinakailangan nilang makasagot ng 3 bugtong upang makapumunta sa
susunod na estasyon.
Ika-Anim - Tumbang Preso

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang sapulin ng 5 beses ang lata na nakalagay
sa gitna. Ang mga mamlalaro ay may distansya na 10 talampakan mula sa lata. Kapag natapos ito ay
maari nang pumunta sa susunod na estasyon.

Ika-Pito - Sipa

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang maka-sampung sipa (gamit ang paa) ang
bawat miyembro bago matapos ang limang minuto. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa
susunod na estasyon.

Ika-Walo – Higop Softdrinks Race

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang pagtulung-tulungan ng bawat grupo na
maubos ang isang bote ng softdrinks bago matapos limang minuto. Ang istro ng bawat miyembro ay
nasa isang dipa ang haba. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa susunod na estasyon.

Ika-Siyam - Blindfolded Piko

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang matapos ang isang piko nang nakapiring
ang mga mata. Ang kanilang grupo ang magsisilbi nilang gabay upang matapos ang piko. Bawal ang
magkali upang hindi umulit sa umpisa ang manlalaro. Kapag natapos ito ay maari nang pumunta sa
susunod na estasyon.

Ika-Sampu – Ambahan (Rubberband Game)

Mekaniks: Ang bawat maglalaro (7-10 miyembro) ay kailangang makapagpa-abot ang bawat miyembro
ng isang goma sa isang mahabang linya. Kapag natapos ito ay maari nang huminto ang mga manlalaro at
mag-antay ng resulta sa tatanghalin na panalo.

Ang bawat bantay sa estasyon ay ang mga opisyal ng Student Supreme Council (SSC) at ilang kaguruan
ng Interface Computer College-Caloocan (ICC).

Inihanda ni:

Benjamin A. Menorca
NSTP Coordinator

You might also like