Material/s needed; Sako Mechanics: Pipila ang bawat team ng isang haba. Ang unang player ay isusuot lamang ang sako sa oras na magbigay ng hudyat ang facilitator ng Start/Go. Iikot ang mga player sa nakapwestong bangko sa unahan pabalik sa kanyang mga teammate upang ipasa ang sako Ang unang grupo na makatapos ang lahat ng miyembro ay ang siyang panalo. 2. PUNOIN MO’KO BABY (fill the bottle) Material/s needed; Plastic bottles (1.5L.) Plastic cups Mechanics: Pipila ang bawat team ng isang haba. Tatakbo ang player papunta sa tubig para kumuha ng tubig ng walang ginagamit na kamay o anuman parte ng katawan. Gamit ang bibig, kakagatin o iipitin ng labi ng player ang plastic cup. At ito ang magiging paraan ng pagkuha ng tubig. Babalik ang player dala ang tubig ay isasalin ito sa plastic bottle ng bawat team. Sa pagsalin ng tubig pinapahintulutan na ang paggamit ng kamay. Sa oras masalin ng unang player ang dala nyan tubig dun lamang maaaring tumakbo ang kasunod na player. Ang unang grupong makapuno ng plastic bottle ang siyang panalo. 3. HULIHIN MO BUNTOT KO BABY (Catch the Dragon tail) Material/s needed; Team flag Mechanics: Pipila ang bawat team sa kani-kanilang pwesto. Ang nasa unahang player ang magsisilbing dragon’s head, at ang nasa dulo naman ang siyang magsisilbing tail. Ang player na nasa dulo o ang tail ay ang siyang mag-iipitin nang kanilang flag sa kanyang likuran. Ang dragon’s head naman ay ang huhuli sa tail ng ibang grupo. Ang unang grupo na makahuli o makakuha ng flag ng ibang grupo ay ang siyang panalo. 4. PAIKUTIN MO’KO BABY (Drunken master) Material/s needed; Team flag Mechanics: Pipila ang bawat team ng isang haba. Mula starting point, hawak hawak ng player ang tela ng kanilang grupo at yuyoko ang players at papaikutin ito ng facilitator ng 5 beses habang nakacross ang kamay at nakahawak sa tenga ang isang kamay. Tatakbo ang player mula point A at iikot pabalik sa kanyang teammates upang ipasa ang tela. Ang unang grupo na makatapos ang lahat ng miyembro ay ang siyang panalo 5. CATERPILLAR (race) Mechanics; Uupo sa buhangin ang mga players nang magkakasunod Ilalagay ng bawat player ang kanilang dalawang paa sa hita ng player na nasa unahan nito. Mula sa point A, Paunhanan ang bawat team na makarating sa point B. Ang unang grupo na makalagpas ang nasa hulihang/dulong player ang siyang panalo. 6. PAHABAIN MO’KO BABY (longest cloth) Mechanics; Bago magsimula ang laro ay hindi pwede magdagdag o magsuot pa ng kahit anong bagay ang mga player. Mula point A, ilalagay o ihihilira nang pahaba ng mga player ang kani-kanilang mga damit o kahit anong bagay na nakasuot sakanilang mga katawan. (damit, kwintas, sintas, sinturon, etc..) Kapag walang nang mailagay ang mga players ay sila na mismo ang hihiga upang mas mapahaba pa ang kanilang entry. Ang grupong may pinakamahabang naihilirang damit ay ang silang panalo. Ang mga facilitator ang huhusga kung sino ang nanalo.