You are on page 1of 1

I.

Naisasagawa nang wasto ang forearm pass at


dig pass sa larong volleyball

Natatalakay ang mga tuntunin sa pagseserve,
pagpapasa at pagtotoss

Pagpapahalaga: Paghihintay ng Sariliing Pagkakataon

II.
Forearm Pass at Dig Pass

Sanggunian: BEC-PELC C.1.1 at 1.2
Batayang aklat sa MSEP V (PE for
Elementary Grades by Krishner)

Kagamitan: dalawa hanggang apat na bola ng
volleyball

III.
A.
1) Balik-aral
Balik-aralan ang underhand serve. Pangkatin sa
apat ang mga mag-aaral. Dalawang pangkat ang
magsasagawa ng pagseserve.

B.
1) Ituro kung paano gagawin ang forearm pass at dig
pass habang nagpapaliwanag.

a. Forearm Pass
1) Ilagay ang isang paa sa harapan at ilagay ang katawan
sa dalawang paa. Panatilihing tuwid ang likod.

2) Iunat ang mga bisig sa harapan na may 45 angle sa
sahig. Ipatong ang magkakadikit na daliri ng isang
kamay saq kabilang kamay, nakataas ang mga palad, at
ang dalawang hinlalaki ay magkadikit.

3) Sa pagdating ng bola, ibaluktot ang mga tuhod.

4) Hayaang lumapag ang bola sa mga bisig sa pagitan ng
pulsuhan at mga siko. Panatilihing tuwid ang mga bisig
at ang dalawang hinlalaki ay nakaturo pababa.

5) Ang follow through ay ang pagtuwid ng mga tuhod at
bahagyang pagtass ng mga bisig.

b. Dig Pass
Ginagamit ito kung ang dating ng bola ay
malayo sa manlalaro. Ginagamit lamang ang isang
kamay/bisig sa pagpalo ng bola.

Isinasagawa ito sa pamamaagitan ng
paghakbang (kanan o kaliwa patungo sa direksyon ng
bola. Ibaluktot ang tuhod at iunat ang bisig kung saan
babagsak ang bola. Ang bola ay dapat lumapat sa bisig
sa pagitan ng pulsuhan at siko.

2) Ipagunita sa mga mag-aaral ang mga pamantayan
a) Maghintay ng sariling pagkakataon.
b) Isaalang alang ang kaligtasan ng sarili at ng iba.

c) Alisin ang alinmang suot na alahas.

3) Hayaang magsanay ang klase.

a. Gawain 1
Ipagawa sa mga mag-aaral ang wastong ayos ng
pagsasagaw ng forearm pass. Tiyaking tama ang ayos.
Sa hudyat ay magkunwaring may bolang tatanggapin at
gagamitin ang forearm pass. Ulitin ang paggagad sa
pagsasagawa nito.

b. Gawain 2
Papilahin ang mga mag-aaral. Ihagis ang bola sa
batang nasa unahan at ipagamit ang forearm pass.
Sikaping maibalik sa guro ang bola. Ang batang
nakapagsagawa nito nang maayos ay pupunta sa dulo
ng pila. Ulitin ito sa ibang bata. Maaring magkaroon ng
ibang mga tagahagis.

c. Gawain 3
Hatiin ang mga bata sa ilang pangkat ayon sa
bilang mga bolang magagamit. Bawat pangkat ay
gagawa ng bilog na may lider sa gitna. Ihahagis n glider
ang bola sa bawat bata sa bilog at ibabalik ito sa kanya
sa pamamagitan ng forearm pass.

d. Gawain 4
Papilahing muli ang mga bata. Ihahagis ng guro
ang bola sa gawing kaliwa o kaliwa ng bata. Gagamitin
ng bata ang dig pass.

C.
1) Paglalapat
Ipapagawa sa mga bata.

a) Pagpapaikot ng mga bisig

b) Leg stretching (lunge forward, sideward)

c) Paghinga nang malalim (10 ulit)

IV.
Itanong: Nagawa ba natin nang wasto anf
forearm pass? Naiblaik ba natin ang bola sa lider sa
ating paglalaro? Nasunod ba natin ang mga
pamantayan?

V.
Ipagawa:

1) Magsanay ng forearm pass.

2) Magdala ng bola ng volleyball o anumang bolang
kasinlaki nito.

You might also like