You are on page 1of 26

5

Physical Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Tumbang Preso

CO_Q1_PE5_ Modyul1
Physical Education– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Tumbang Preso
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Denver J. Balaclaot, Remedios M. Alido


Editor: Julie Christie P. Paano, Rhea Jane D. Palita
Tagasuri: Vilma P. Adao, Noel C. Labaniego, Niño G. Acebo
Tagaguhit: Mary Jane A. Jataas, Patmar D. Abracia, Brian Jessen Dignos
Tagalapat: Arielyn Mae A. Gudisan, Ma. Jayvee A. Garapan
Tagapamahala: Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Nova P. Jorge
Carmelino P. Bernadas
Rey F. Bulawan
Nicolas G. Baylan
Neil G. Alas
Imelda E. Gayda
Abelardo G. Campani

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – RegionVIII


Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 832-2997
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5

Physical Education
Unang Markahan – Modyul 1:
Tumbang Preso
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang


mailarawan ang mga hugis at kilos ng katawan. Saklaw ng modyul na ito ay mga
gawain na magagamit sa pang araw-araw at iba’t ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang
mga aralin ng modyul na ito ay mga likas na pagkilos ng katawan kung saan ito ay
dapat mong malaman bilang isang mag-aaral. Ito ay inayos at batay sa mga bagay
na dapat mong matutunan.

Ang modyul ay nahahati sa apat na mga aralin:

• Aralin 1 – Introduksiyon sa Larong Pagtudla: Tumbang Preso


• Aralin 2 – Halina’t Gawin Natin
• Aralin 3 – Pagpapayaman sa Kasanayan
• Aralin 4 – Pagsasabuhay ng Natutuhan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:
1. Naisasagawa ang mga kakayahan ng laro. (PE5GS)-Ic-h-4)
2. Nasusuri ang paglahok at paglalaro ng Tumbang Preso batay sa Philippine
Physical Activity Pyramid. (PE5PF-Ib-h-18)
3. Natutukoy ang mga pag-iingat pangkaligtasan (Safety Precautions) sa
paglalaro ng Tumbang Preso. (PE5GS-Ib-h-3)
4. Naipamamalas ang kawilihan at pagpapahalaga sa paglalaro ng Tumbang
Preso. (PE5PF-Ib-h-20)

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng larong _________.


a. Fielding game b. Invasion game
c. Lead-up game d. Target game

2. Anong mga kagamitan ang kailangan sa paglalaro ng tumbang preso?


a. bola at tsinelas b. tansan at barya
c. latang walang laman at tsinelas d. panyo at pamaypay

1 CO_Q1_PE5_Modyul1
3. Ang mga sumusunod ay mga kagandahang-asal na nalilinang sa paglalaro ng
tumbang preso MALIBAN sa isa.
a. pagiging madaya b. pagiging patas
c. pakikiisa d. sportsmanship

4. Saan nagmula ang larong ito?


a. San Fernando, Bulacan b. San Fernando, Tacloban
c. San Rafael, Bulacan d. San Vicente, Pampanga

5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng tumbang preso?


a. Matamaan ang mga manlalaro ng bola.
b. Masipa ng manlalaro ang bola sa malayo.
c. Mapalabas ang tansan sa loob ng parisukat.
d. Matumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa
kinatatayuan nito.

6.Ano ang Target game na may basyong lata na walang laman bilang kagamitan?

a. Tatsing b. Batuhang Bola


c. Tumbang Preso d. Agawang panyo

7. Alin sa mga sumusunod na lugar ang mainam paglaruan ng tumbang preso?


a. bakuran o lansangan b. loob ng bahay
c. loob ng silid-aralan d. mabato at madamong lugar

8. Alin sa mga sumusunod na skill at health-related fitness ang hindi nalilinang sa


paglalaro ng tumbang preso?
a. balance b. bilis
c. lakas ng braso d. liksi

9. Ilang metro ang layo ng lata mula sa linyang kinatatayuan ng mga manlalaro?
a. 1-2 metro b. 3-4 metro
c. 5-6 metro d. 5-7 metro

10. Nilalaro ang tumbang preso ng ______________.


a. isahan b. dalawahan
c. tatluhan d. maramihan

2 CO_Q1_PE5_Modyul1
Aralin Introduksiyon sa Larong
1 Pagtudla: Tumbang Preso o
Tatsing
Ang tumbang preso ay isang uri ng target game na tanyag dito sa Pilipinas. Ito ay
masayang nilalaro ng mga bata. Ang larong ito ay kadalasang nilalaro sa kalye o
kalsada gamit ang basyong lata bilang target at tsinelas na pamato. May mga
kakayahang nalilinang sa paglalaro nito. Nakakatulong din ito sa paghubog ng
mabuting katangian ng isang bata.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang mga larong paborito mong laruin.

_____ 1. Patintero _____ 6. Syato


_____ 2. Sipa _____ 7. Holen/Jolens
_____ 3. Trumpo _____ 8. Luksong Tinik
_____ 4. Piko _____ 9. Taguan
_____ 5. Luksong Lubid _____ 10. Tiyakad o Kadang-Kang

Tuklasin

Bahagi na ng libangan nating mga Pilipino ang mga laro. Kabilang sa mga
larong ito ang iba’t ibang target games na nilalaro ng mga bata nang may kawilihan.

(Dignos, n.d.)
Pagmasdan ang larawan sa taas. Alam mo ba ang larong ito? Ikaw ba ay
nakapaglaro na nito? Ito ay isang halimbawa ng larong pagtudla o target games. Ito
ay ang larong tumbang preso.

3 CO_Q1_PE5_Modyul1
Suriin

Larong Pagtudla

Ang target game o larong pagtudla ay isang uri ng laro kung saan ang manlalaro
ay sumusubok na ihagis, i-slide o i-swing ang pamato upang maabot o matamaan
at madala o makuha ang target sa isang itinalagang lugar. Ang target games ay
maaaring isahan o pangmaramihan. Ilan sa mga kilalalang target games na isahan
ay palo sebo, luksong baka, sipa, billiards, bowling, golf, tatsing at batuhang bola.
Ang tumbang preso, Bati-Cobra, Luksong Tinik, Ubusan ng Lahi, Siyato, Football,
Soccer, Baseball at frisbee naman ay mga halimbawa ng target games na
pangmaramihan.

Activity Pyramid Guide

Ang mga larong kabilang sa target games ay maaaring isagawa ng 3 – 5 beses sa


isang linggo batay sa Philippine Physical Activity Pyramid. Ito ay nasa ikalawang
antas (level) ng pyramid guide. Ang Philippine Physical Activity Pyramid Guide ay
nahahati sa apat na antas kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa
rekomendadong dalas (frequency) ng paggawa sa iba’t ibang gawaing pisikal. Bukod
sa masayang laruin ang mga target games, may mga kakayahang nalilinang din ang
madalas na paglalaro nito at marami ring magandang naidudulot ito sa kalusugan.

Tumbang Preso

Ang tumbang preso ay isang halimbawa ng larong pagtudla o target games na


palasak laruin ng mga bata. Unang lumaganap sa San Rafael, Bulacan, ang tumbang
preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay may binabantayang lata na

4 CO_Q1_PE5_Modyul1
nasa loob ng isang bilog. Ito ang “preso” na tinatawag. Ang ibang manlalaro naman
ay mga tagahagis ng tsinelas na ang layunin ay mapatumba at maalis ang “preso”
(lata) sa loob ng bilog. Ang layunin ng taya ay makataga (makataya) ng isang
tagahagis habang ang mga ito ay kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang
natagang (natayang) tagahagis ang magiging susunod na taya.

Mga kagamitan:
• Tsinelas
• Lata
• Yeso o chalk pangmarka

Paraan ng Paglalaro:
1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa
lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis
sa manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit
ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit
hindi niya maaaring harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan
ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa manuhang-guhit.
5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito
palayo sa bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng lugar
na pinaglaruan, patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik
ito sa bilog.
8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga
tagahagis ang kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya)
ang magiging bagong taya.
10. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi rin
maaaring managa ang taya kung nakatumba ang lata.
11. Kapag nanghahabol ang taya, maaaring sipain ng ibang manlalaro ang lata
upang tumumba ito.

May mga kasanayan na napapaunlad ng larong tumbang preso. Ito ay ang


sumusunod:
• pagtudla o pagtarget
• pagtakbo
• pag-ilag upang hindi mataya
• paghagis ng pamato
• pagdampot ng tsinelas.

5 CO_Q1_PE5_Modyul1
Bukod sa kaayusang pisikal na naidudulot ng paglalaro ng tumbang preso,
ito rin ay nag-papaunlad ng mga sumusunod na katangian:
• pakiki-isa
• sariling disiplina
• determinasyon
• pagiging patas
• pagpapakita ng magandang saloobin sa pagiging isports.

Pagyamanin

Sa tulong ng mga magulang, nakatatandang kapatid, o kamag-anak, isagawa


ang mga sumusunod na kasanayan sa larong Tumbang Preso ng walong beses at
punan ang talahanayan sa baba.

Naisagawa ng Hindi
Kailangan pang
Mahusay naisagawa ng
linangin
(6-7 beses na mahusay
Mga Kasanayan sa larong (1-3 beses na
naisagawa (4-5 beses na
Tumbang Preso naisagawa ang
ang naisagawa ang
kasanayan ng
kasanayan ng kasanayan ng
tama)
tama) tama)
1. Pagtudla o
pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa palibot
ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng
tsinelas

6 CO_Q1_PE5_Modyul1
Karagdagang Gawain

Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga
sumusunod na Gawain.

Mga Kasanayan sa larong Tumbang


Isagawa ito ng 10 beses
Preso
1. Pagtudla o pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa pagtaya
4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

Aralin

2 Halina’t Gawin Natin!

Matapos matutunan ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa larong


pagtudla o target games at ang halimbawa nito na Tumbang Preso, mahalaga din na
malinang ang mga kasanayan na nakapaloob dito. Sa aralin na ito, mas lalong
madadagdagan ang mga impormasyon na natutunan sa unang aralin at mas lalong
mapapaunlad ang mga kasanayan ng laro.

Balikan

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung hindi.

_________ 1. Ang tumbang preso ay halimbawa ng target games o larong pagtudla.


_________ 2. Ang mga kagamitan sa tumbang preso ay tsinelas, lata at yeso.
_________ 3. Unang lumaganap sa San Jose, Bulacan ang larong tumbang preso.
_________ 4. Ang larong pagtudla ay isang uri ng laro kung saan ang manlalaro ay
sumusubok na ihagis ang pamato upang matamaan o makuha ang
target sa isang itinalagang lugar.
_________ 5. Ang larong pagtudla ay nasa ikalimang antas ng Philippine Physical
Activity Pyramid Guide.

7 CO_Q1_PE5_Modyul1
Tuklasin

Hindi lang sapat na alam natin ang kahulugan ng tumbang preso, ang
pinagmulan, mga kagamitan at mga paraan sa paglalaro nito. Mahalaga din na
malaman natin ang mga karampatang gawain na dapat isagawa upang masiguro na
maayos at ligtas ang paglalaro nito. Alam mo ba ang mga pampasiglang Gawain
(Warm-Up Activities) at ehersisyong pampalamig (Cool Down Exercise) na dapat
isagawa bago at pagkatapos maglaro ng Tumbang Preso? May ideya ka ba kung ano-
ano ang mga Pag-iingat Pangkaligtasan (Safety Precautions) sa larong ito? Bakit kaya
mahalaga ang pampasigla, ehersisyong pampalamig at ang mga pag-iingat
pangkaligtasan sa paglalaro ng tumbang preso?

Suriin

Masayang maglaro pero kailangan nating mag-ingat para maiwasan ang


sakuna at sakit ng katawan. Narito ang mga gawaing pangkaligtasan sa paglalaro
ng Tumbang Preso.
1. Sundin ang mga patakaran o regulasyon ng isang laro.
2. Pumili ng isang ligtas na lugar kung saan kayo maglalaro. Kailangan din na
may malawak na espasyo.
3. Kunin ang mga matutulis na bagay o sagabal sa paglalaro.
4. Gumamit ng tamang kasuotan sa paglalaro.
5. Mag warm-up at mag cool down bago at pagkatapos ng laro. Ito ay
nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng pinsala sa ating
kalamnan.
6. Iwasang maglaro kung may sakit o di maganda ang pakiramdam.
7. Iwasang matamaan ng pamato o tsinelas ang kalaro.
8. Maging isports sa paglalaro upang maiwasan ang away at tampuhan.

Pampasiglang Gawain bago laruin ang Tumbang Preso

1. Pagjogging ng limang ikot sa palaruan.


2. Head Twist
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at ang mga kamay ay nasa
baywang.
a. Ipaling ang ulo sa kanan at bumilang ng 1-8.
b. Ipaling ang ulo sa kaliwa at bumilang ng 1-8.
c. Balik sa posisyon.
d. Ulitin mula a-c.

8 CO_Q1_PE5_Modyul1
3. Shoulder Rotation
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa, nakapatong sa balikat ang
mga kamay at tuwid ang ulo.
a. Paikutin ang balikat paharap at bumilang 1-8.
b. Paikutin ang balikat patalikod at bumilang ng 1-8.
c. Ulitin ang (a) at (b).
4. Arm Circles
Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at nakataas ang mga braso.
a. I-unat ang braso sa gilid na pantay sa balikat at paikutin paharap at
bumilang ng 1-8.
b. Paikutin pabalik at bumilang 1-8.
c. Ulitin ang (a) ngunit gawing Malaki ang bilog.
d. Paikutin ng pabalik katulad ng (c).
5. Half-knee Bend
Tumayo nang tuwid at nasa baywang ang mga kamay.
a. Dahan-dahang ibaluktot ang tuhod at bumilang ng 1-4.
b. Iunat ang tuhod at bumilang ng 1-4.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses.
6. Jumping Jack
Tumayo na magkadikit ang mga paa at nasa gilid ang mga kamay.
a. Tumalon at ibuka ang paa kasabay ng pagpalakpak ng kamay sa
ibabaw ng ulo at bumilang ng isa.
b. Bumalik sa panimulang posisyon at bumilang ng dalawa.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng 3 beses.

Cool Down Activities pagkatapos laruin ang tumbang preso

1. Paglalakad pa-ikot sa palaruan


2. Pag-unat ng kamay at braso
3. Pagpapaikot ng braso
4. Pagtaas-baa ng binti
5. Pagpapaikot ng paa

Pagyamanin

Sa gabay ng mga magulang o nakatatandang kapatid, isagawa ang


sumusunod na kasanayan at punan ang talahanayan sa baba.

Gawain 1. Isagawa ang mga sumusunod na mga Pampasiglang Gawain. Hayaan na


tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng pamilya sa pagsasagawa ng
mga gawaing ito.

9 CO_Q1_PE5_Modyul1
Pampasiglang Gawain Naisagawa ng Mahusay Hindi Naisagawa ng
Mahusay

1. Jogging

2. Head Twist
(8 beses)

3. Shoulder Rotation
(8 beses)

4. Arm Circles
(8 beses)

5. Half-knee Bend
(8 beses)

6. Jumping Jack
(8 beses)

Gawain 2. Pagkatapos isagawa ang pampasiglang gawain, isagawa ang mga


sumusunod na kasanayan ng pitong beses at punan ang talahanayan sa baba.
Hayaan na tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng pamilya sa
pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Hindi
Naisagawa ng Kailangan pang
naisagawa ng
Mahusay linangin
mahusay
Mga Kasanayan sa (6-7 beses na (1-3 beses na
(4-5 beses na
larong Tumbang Preso naisagawa ang naisagawa ang
naisagawa ang
kasanayan ng kasanayan ng
kasanayan ng
tama) tama)
tama)
1. Pagtudla o
pagtarget sa lata
2. Pagtakbo sa
palibot ng bahay
3. Pag-ilag sa
pagtaya ng isang
miyembro ng
pamilya
4. Paghagis sa
tsinelas
5. Pagdampot ng
tsinelas

10 CO_Q1_PE5_Modyul1
Gawain 3. Cool Down Exercise. Isagawa ang mga sumusunod na mga ehersisyong
pampalamig. Hayaan na tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng
pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Pampasiglang Gawain Naisagawa ng Mahusay Hindi Naisagawa ng


Mahusay
1. Paglalakad pa-ikot sa
palaruan
2. Pag-unat ng kamay
at braso (8 beses)
3. Pagpapa-ikot ng
braso (8 beses)
4. Pagtaas-baba ng
binti (8 beses)
5. Pagpapaikot ng paa

Karagdagang Gawain

Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga
sumusunod na Gawain.

Mga Kasanayan sa larong Tumbang


Isagawa ito ng 15 beses
Preso

1. Pagtudla o pagtarget sa lata


2. Pagtakbo sa palibot ng bahay

3. Pag-ilag sa pagtaya ng isang


miyembro ng pamilya

4. Paghagis sa tsinelas
5. Pagdampot ng tsinelas

11 CO_Q1_PE5_Modyul1
Aralin
Pagpapayaman sa
3 Kasanayan
Ang mga kasanayan na natutunan ay dapat na palaguin at pagyamanin.
Hindi lang sapat na malaman ang mga ito, ang palagiang paggamit at pagsasagawa
nito ay makakatulong upang lalo itong mapaghusay. Sa aralin na ito, ikaw ay
inaasahan na lalo pang mapauunlad ang mga kasanayan sa larong Tumbang Preso
sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain na kailangan mong isagawa.

Balikan

HANAPIN MO AKO! Bilugan ang mga salitang may kinalaman sa larong Tumbang
Preso na mabubuo at makikita sa ibaba.

B U L A C A N H J K
Y B N E R P J Y H U
A T Y B H A M O B T
N O S T R G T J H S
Y E S O T T G T G I
U I V G Y A Y G F N
T O R Y G K H C T E
J A T C T B W X Y L
E S N X R O E R M A
P I P A G H A G I S

12 CO_Q1_PE5_Modyul1
Tuklasin

Panuto: Isagawa ang sumusunod na mga Pampasiglang Gawain bago laruin ang
Tumbang Preso.
1. Pagjogging ng limang ikot sa palaruan.
2. Head Twist
3. Shoulder Rotation
4. Arm Circles
5. Half-knee Bend
6. Jumping Jack

Suriin

Sa hangarin na maging matagumpay ang paglalaro ng tumbang preso,


kailangan na lubusang maintindihan ang mga pamamaraan at mekaniks sa
paglalaro nito. Narito ulit ang mga paraan sa paglalaro ng Tumbang Preso.

1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.
2. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa
lata.
3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis
sa manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit
ang magiging taya.
4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit
hindi niya maaring harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan
ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa manuhang-guhit.
5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumilapon ito
palayo sa bilog.
6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.
7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng lugar
na pinaglaruan, patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik
ito sa bilog.
8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga
tagahagis ang kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.
9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga (nataya)
ang magiging bagong taya.
10. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi rin
maaaring managa ang taya kung nakatumba ang lata.
11. Kapag nanghahabol ang taya, maaring sipain ng ibang manlalaro ang lata
upang tumumba ito.

13 CO_Q1_PE5_Modyul1
Pagyamanin

Gawain 1. AKO ANG TAYA. Maglaro ng tumbang preso sa tulong ng mga magulang, kapatid
at pinsan at punan ang sumusunod na talahanayan. Sa gawaing ito, ikaw ay ang taya.

Mga Tanong OO HINDI


1. Nakasunod ka ba sa alituntunin ng laro?
2. Isinagawa mo ba ang warm-up activity
bago ang laro?
3. Isinagawa mo ba ang cool-down exercise
pagkatapos ng laro?
4. Nasunod mo ba ang kasanayan sa laro?
5. Nasunod mo ba ang mga hakbang
pangkaligtasan sa paglalaro?
6. Nagampanan ko ba ng mabuti ang
pagiging taya?
7. Naisagawa ko ba ang mga kasanayan na
magagamit bilang taya?

Gawain 2. AKO ANG MANLALARO. Maglaro ng tumbang preso sa tulong ng mga magulang,
kapatid at pinsan at punan ang sumusunod na talahanayan. Sa gawaing ito, ikaw ay ang
manlalaro o taga-target.

Mga Tanong OO HINDI


1. Nakasunod ka ba sa alituntunin ng laro?
2. Isinagawa mo ba ang warm-up activity
bago ang laro?
3. Isinagawa mo ba ang cool-down exercise
pagkatapos ng laro?
4. Nasunod mo ba ang kasanayan sa laro?
5. Nasunod mo ba ang mga hakbang
pangkaligtasan sa paglalaro?
6. Nagampanan ko ba ng mabuti ang
pagiging manlalaro?
7. Naisagawa ko ba ang mga kasanayan na
magagamit bilang manlalaro?

14 CO_Q1_PE5_Modyul1
Gawain 3. Cool Down Exercise. Isagawa ang mga sumusunod na mga ehersisyong
pampalamig. Hayaan na tulungan ka ng iyong magulang o ibang miyembro ng
pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

1. Paglalakad pa-ikot sa palaruan


2. Pag-unat ng kamay at braso
3. Pagpapaikot ng braso
4. Pagtaas-baa ng binti
5. Pagpapaikot ng paa

Karagdagang Gawain

Halina’t pasulungin pa natin ang iyong mga kasanayan. Isagawa ang mga
sumusunod na Gawain.

Isagawa ito ng 20 beses


Mga Kasanayan sa larong Tumbang
Preso

1. Pagtudla o pagtarget sa lata

2. Pagtakbo sa palibot ng bahay

3. Pag-ilag sa pagtaya ng isang


miyembro ng pamilya

4. Paghagis sa tsinelas

5. Pagdampot ng tsinelas

15 CO_Q1_PE5_Modyul1
Aralin

4 Pagsasabuhay ng Natutuhan

Isa sa sukatan ng pagkatuto ng isang mag-aaral ay kung ang mga kasanayan


ay naisasabuhay sa pang-araw-araw na gawain. Matapos matutunan ang lahat ng
mga impormasyon sa larong pagtudla lalo na ang larong Tumbang Preso at malinang
ang mga kasanayan nito, mahalaga na ito ay pagyamanin pa sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga ito.

Balikan

Alin sa mga sumusunod ang mga kagamitang ginagamit sa larong tumbang


preso? Lagyan ng tsek (✔) sa iyong sagutang papel ang iyong sagot.

1.___________ 2. ___________

3.___________ 4. ___________

5.___________

16 CO_Q1_PE5_Modyul1
Pagyamanin

Sa tulong ng mga magulang, nakatatandang kapatid, o kamag-anak, isagawa


ang mga sumusunod na kasanayan sa larong Tumbang Preso ng walong beses at
punan ang talahanayan sa baba.

Hindi
Naisagawa ng Kailangan pang
naisagawa ng
Mahusay linangin
mahusay
Mga Kasanayan sa (6-7 beses na (1-3 beses na
(4-5 beses na
larong Tumbang Preso naisagawa ang naisagawa ang
naisagawa ang
kasanayan ng kasanayan ng
kasanayan ng
tama) tama)
tama)
1. Pagtudla o
pagtarget
2. Pagtakbo sa
palaruan
3. Pag-ilag sa
pagtaya ng
kapamilya/kalaro
4. Paghagis sa
tsinelas
5. Pagdampot ng
tsinelas

Isaisip

Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

Ang target games ay _______________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang tumbang preso ay ____________________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17 CO_Q1_PE5_Modyul1
Ang mga bagay na natutunan ko sa paglalaro ay ___________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 1. Itala ang mga gawaing pang-araw-araw na nakakatulong sa


pagpapaunlad ng mga kasanayan sa larong tumbang preso.

Ano-ano ang mga gawaing pang-araw-araw ang iyong


Mga Kasanayan sa ginawa upang mapaunlad ang mga kasanayan sa
larong Tumbang Tumbang Preso?
Preso Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat Ikalimang
Araw Araw Araw na Araw Araw
1. Pagtudla o
pagtarget
2. Pagtakbo
3. Pag-ilag
4. Paghagis
5. Pagdampot

Gawain 2. Lagyan ng tsek (✔) ang bawat gawain na makatutulong upang


mapaunlad ang mga kakayahan sa paglalaro ng tumbang preso.

Makatutulong Hindi makakatulong


Gawain sa sa pagpapaunlad ng
pagpapaunlad kasanayan
ng kasanayan
1. Paglalakad (papunta ng
paaralan, plaza, palengke)
2. Pag-jojogging
3. Paglalaro ng habulan
4. Pagluluto
5. Pagguhit
6. Pamumulot ng basura (sa
paligid ng bahay, paralan)
7. Pagtugtog ng instrumento
8. Pagtulong sa mga gawaing
bahay
9. Panonood ng TV
10. Pagwawalis sa bakuran

18 CO_Q1_PE5_Modyul1
Tayahin

Panuto: Isulat ang malaking titik T kung ang isinasaad sa pangungusap ay tama
at M naman kung mali.

_____ 1. Ang mga manlalaro sa tumbang preso ay kailangang may hawak na pamato
o tsinelas.

_____ 2. Ang larong tumbang preso ay para lamang sa mga batang lalaki.

_____ 3. Ang manuhan o pamulang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa
lata.

_____ 4. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng
bilog.

_____ 5. Kapag nanghahabol ang taya, hindi maaring sipain ng ibang manlalaro ang
lata upang tumumba ito.

_____ 6. Ang target games ay nasa unang antas ng Physical Activity Pyramid Guide.

_____ 7. Hindi mahalaga ang warm up at cool down exercises sa paglalaro ng


tumbang preso.

_____ 8. Mahalang masunod ang mga pag-iingat pangkaligtasan (safety precautions)


upang maging maayos at ligtas ang paglalaro.

_____ 9. Ang mga larong pagtudla o target games ay maaaring isahan o


pangmaramihan.

_____10. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga
(nataya) ang magiging bagong taya.

19 CO_Q1_PE5_Modyul1
CO_Q1_PE5_Modyul1 20
ARALIN 4 ARALIN 4 ARALIN 4
Balikan Isagawa Pagyamanin
1. ✔ (Ito ay may dalawang (Ang mga sagot ng mga
2. gawain. Ang mga sagot ng bata ay mag-iiba-iba. Ito
3.
mga bata ay mag-iiba-iba. ay mga gawain at
4. ✔ Ito ay mga gawain at kailangan punan ang
5.
kailangan punan ang talahanayan.)
Tayahin
talahanayan.)
Gawain 2.
1. T 6. M
Isaisip
2. M 7. M
3. T 8. T
(Ito ay paglalahat ng mga
4. T 9. T
5. M 10. T natutunan ng mga bata.
Ang mga sagot ay mag-
iiba-iba.)
ARALIN 3 ARALIN 2 ARALIN 1 Subukin
Balikan Balikan Balikan 1. D
2. C
Gawain 1. (Maaring 1. TAMA (Ang sagot ay mag- 3. A
magkapalit-palit sa 2. TAMA iiba-iba batay sa 4. C
pagkakasunod- 3. MALI paboritong laruin 5. D
sunod ng mga 4. TAMA ng mga bata.) 6. C
sagot.) 5. MALI 7. A
Pagyamanin 8. A
- BULACAN 9. D
- YESO Pagyamanin (Ang sagot ay mag-
10. D
- TSINELAS iiba-iba. Ito ay
(Ito ay mayroon mga gawain at
- PAGTAKBO
tatlong Gawain. kailangan punan
- PAGHAGIS
Ang mga sagot ng ang talahanayan.
Pagyamanin mga bata ay mag-
iiba-iba. Ito ay mga
(Ito ay mayroon gawain at
tatlong Gawain. Ang
kailangan punan
mga sagot ng mga
ang talahanayan.)
bata ay mag-iiba-iba.
Ito ay mga gawain at
kailangan punan ang
talahanayan.)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

DepEd Region 8. 2016, Gabay sa Pagtuturo, Edukasyong Pangjatawan Yunit 1-


Aralin Paglinang ng Cardiovascular Endurance,13

Department of Education. 2016, K to 12 Curriculum Guide in Physical Education,


30

Mary Jane M. Sabuya, et al..; Kagamitan ng Mag-aaral sa Edukasyong Pangkatawan


5. Retrieved from https://www.slideshare.net

21 CO_Q1_PE5_Modyul1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like