You are on page 1of 2

DEI GRACIA ACADEMY, INC.

La Trinidad Subdivision, Cabuco, Trece Martires City, Cavite

TEAM BUILDING ACTIVITIES FOR SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS


S.Y. 2019 – 2020

1. TITLE: Pagulungin Mo Ball Ko!


MATERIALS: Folder and Ping-Pong Ball
NUMBER OF PLAYERS: 10 Players/Team
MECHANICS:
Sa pamamagitan ng mga folders, pagugulungin ang ping-pong ball papunta sa
loob ng isang maliit na kahon sa dulong bahagi ng kanilang linya. Maaaring lumipat
ang unang miyembro sa dulong linya upang dugtungan ang daluyan ng bola papunta
sa kahon. Hindi pwedeng lumipat ng sabay-sabay ang bawat miyembro. Sa oras na
malaglag ang bola ay babalik sa umpisa ang bawat grupo. Ang pinakaunang
makakapaglagay ng bola sa kahon ang panalo.

2. TITLE: Wag Mong Patayin Ang Kandila Ko!


MATERIALS: Kandila
NUMBER OF PLAYERS: All Team Members
MECHANICS:
Ang bawat grupo ay may isang sinding kandila. Sa pamamagitan ng kaniang
katawan at kooperasyon, ang kandilang ito ay kanilang poprotektahan upang di
mawala ang sindi sa loob ng tatlong minuto. Ang grupong may pinakamatagal na
pagpapanatiling nakasindi ang kandila ay ang siyang panalo.
- Level 1: Pagbubuhos ng tubig gamit ang tabo
- Level 2: Pagbubuhos ng tubig gamit ang timba
- Level 3: Pagbubuhos ng tubig gamit ang water hose

3. TITLE: Iwasan Mo Pagtulo Ko!


MATERIALS: PVC and Pingpong Ball
NUMBER OF PLAYERS: 10 Players/Team
MECHANICS:
Palulutangin at aalisin ang Ping-pong ball na nasa loob ng PVC sa pamamagitan
ng pagbubuhos ng tubig sa loob nito. Sisiguraduhin ng bawat miyembro na pigilan
ang pagtulo ng tubig sa bawat butas ng PVC gamit ang kanilang mga daliri habang
nilalagyan ng ibang miyembro ng tubig ang PVC. Ang unang makakapag-alis ng ping-
pong ball sa PVC ang siyang panalo.

4. TITLE: Ipasa Mo, Bote Ko!


MATERIALS: Plastic Bottle, rubber mat
NUMBER OF PLAYERS: All Team Members
MECHANICS:
Humanay ng isang linya nang nakahiga. Gamit ang paa, ipapasa ang plastic
bottle sa kasunod na miyembro nang di nalalaglag patungo sa huling miyembro.
Uulitin mula sa umpisa sa oras na malaglag ang bote. Ang may pinakamabilis na
pagpapasa ng bote hanggang sa dulo ang siyang panalo.

5. TITLE: Volley – Water!


MATERIALS: Blanket, Volleyball net, water inside a plastic
NUMBER OF PLAYERS: 15 Players
MECHANICS:
Sa pagsisimula ng laro, pipili ng isang miyembro para sa isang toss coin. Kung
sino ang mananalo sa toss coin ay siya ang magpapasimula ng service gamit ang
blanket na mayroong plastic na may lamang tubig na magsisilbing bola. Ipapasa ito sa
kabilang panig gamit ang blanket at kailangang saluhin ng kanilang kalaban gamit din
ang kanilang blanket at hindi dapat ito pumutok habang ito ay sinasalo. Matapos itong
saluhin ng kalaban ay pwede rin itong ilipat sa kabilang panig. Magkakaroon lamang
ng puntos ang isang grupo kapag: (a) pumutok ang plastic sa panig ng kalaban ngunit
di lalampas sa itinakdang guhit. (b) hindi nasalo ng kalaban ang plastic pero ito ay
pumatak sa loob ng kanilang nasasakupan. At (c) hindi nailampas ang plastic sa
kabilang panig. Ang sinumang grupo na magkakamit ng 3 puntos ay siyang mananalo.

Prepared by:

Mr. Anthony F. Balatar Jr. / Ms. Lyn Bencito


Head Facilitators

You might also like