You are on page 1of 8

Unang Markahan

Ikaanim na Linggo
Unang Araw Ika–17 ng Hulyo
2013

Lingguhang Tunguhin
a. Natutukoy ang banghay ng kuwento (PB1Bc).
b. Nakagagawa ng banghay ayon sa tekstong narinig (PN1Ba).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung
Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Kagamitan
 Kopya ng akdang “Alamat ni Tungkung Langit”
 Kartolina/manila paper para sa panimulang pagtataya
(talasalitaan)
 Laptop at Speaker para sa Recording (“Alamat ni Tungkung
Langit”)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya
TALASALITAAN: Ipapaskil sa pisara ang kartolina/manila paper
na naglalaman ng mga salita at pangungusap na matatagpuan
sa kuwento. Pahuhulaan sa mga mag – aaral, gamit ang
konteksto ng pangungusap, ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit. Pagkatapos ng bawat bilang, hihingi sa mga mag –
aaral ng mga pangungusap na ginagamit ang mga talasalitaan.

1. Napapatigalgal si Tungkung Langit tuwing maririning ang


aking tinig.
2. Madalas akong gumawi sa aming pasigan, at manalamin sa
malinaw na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok.
3. At ang pag – iral na yaon ang sinasagkaan ng aking
pinakamamahal.
4. Subalit pinatititikan ko siya sa dayaray upang mabatid ang
kaniyang paroroonan.
5. Naghunos ng mga bituin ang mga hiyas ko’t mutya.

B. Introduksyon
Babanggiting muli ang kuwentong binasa nila noong
nakaraang lingo (“Kung Bakit Umuulan”). Pabubuuin ng
simpleng banghay ng kuwento ang mga mag – aaral.
Magpapakita ang guro ng isang flowchart na naglalaman ng
banghay ng kuwento upang makatulong sa gagawing talakayan.
Kung Bakit
Umuulan

Daloy ng mga
Tauhan Tagpuan
Pangyayari

Simula

Suliranin

Kasukdulan

Wakas

Pagkatapos, ipakikilala ang akda para sa araw na ito.


Sasabihin na isa itong muling pagsasalaysay ng kuwento ni
Alunsina at Tungkung Langit. Hihingin sa mga mag – aaral na
pansinin ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang
akda habang nakikinig sila sa kuwento.

C. Presentasyon
Pagpaparining ng isang recording tungkol sa “Alamat ni
Tungkung Langit”. Matapos marinig ang kuwento, bubuo ng
simpleng banghay ang mga mag – aaral.

D. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si
Tungkung Langit. Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa
pamamagitan ng masining na pagkukuwento.
PANGKAT II: Mula sa napakinggang kuwento, ilarawan si
Alunsina. Anong klase siyang asawa? Ilahad ito sa
pamamagitan ng sabayang pagbigkas.
PANGKAT III: Sa pamamagitan ng flip-top, sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
• Bakit nagkaroon ng hinanakit si Alunsina kay Tungkung
Langit?
• Tama bang maghinanakit si Alunsina kay Tungkung
Langit?
PANGKAT IV: Pagkumparahin ang banghay ng kuwento
noong nakaraang lingo at kuwento natin ngayon. May
pinagkaiba ba ang daloy ng dalawang kuwento. Ilahad ito sa
pamamagitan ng pag – uulat tulad ng sa 24 Oras.
2. Pag – uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro
B. Sintesis
Sa inyong palagay, sa dalawang magkasunod na kuwentong
ating natalakay (“Kung Bakit Umuulan” at “Alamat ni Tungkung
Langit”), anong bersiyon ang mas naibigan ninyo? Ipaliwanag.

IV. Takdang Aralin


1. Paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina
sa dalawang bersiyon ng alamat.
Ikaanim na Linggo
Ikalawang Araw Ika–18 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakapaghahambing at nakapagtutulad ng mga katangian ng mga tauhan
sa kuwento (PB1Bd).
b. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng bawat tauhan
sa kuwento (PB1Bc)

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung
Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Sa pamamagitan ng “Question and Answer Portion” ng tulad ng
sa isang “Beauty Contest”, pipili ang mga mag – aaral ng mga tanong
na nakasulat sa papel na may kaugnayan sa mga natalakay kahapon.
Babasahin ang tanong at pagkatapos ay sasagutin ito.

III. Pagpapayaman
Bawat mag – aaral ay gagawa ng isang Venn Diagram upang
paghambingin ang karakterisasyon kay Tungkung Langit at Alunsina sa
dalawang bersiyon ng alamat.

TUNGKUNG ALUNSINA
LANGIT

Magkakaroon ng talakayan tungkol sa kanilang ginawang


paghahambing. Tatalakayin ang pagkakaiba ng paglalarawan ng
dalawang alamat kay Tungkung Langit at Alunsina.

IV. Pagpapalawig
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Bakit kaya pinili ng may – akda ng “Alamat ni
Tungkung Langit” na baguhin ang ilang katangian ng mga tauhan?
Ilahad ang inyong sagot sa pamamagitan ng paraang interbyu.
PANGKAT II: Sa pamamagitan ng isang talkshow, ilahad ang
inyong sagot sa tanong na “Ano ang naging epekto ng mga
pagbabagong ito sa pagkilala at pagturing ninyo sa mga tauhang
ito?”.
PANGKAT III: Sa parehong akda, makikita ang papel ng kasarian
sa ikinilos ng mga tauhan. Ano – ano ang mga ito. Ilahad ang inyong
sagot sa pamamagitan ng isang dula – dulaan.
PANGKAT IV: Sa pamamagitan ng pagrarap, ilahad ang inyong
sagot sa tanong na “Sa kasalukuyang panahon, may epekto pa rin
ba ang kasarian sa maaaring ikilos ng isang tao?”.
2. Pag – uulat ng pangkat
3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

V. Sintesis
Bawat mag – aaral ay paghahambingin ang inaasahan na mga
katangian ng kanilang kasarian at ang sarili nilang mga katangian.

Mga katangiang inaasahan Sarili kong katangian


sa akin batay sa aking
kasarian

VI. Takdang Aralin


1. Magtala ng mga bagay na maaari mong gawin bilang isang
babae o bilang isang lalaki.
Ikaanim na Linggo
Ikatlong Araw Ika–19 ng Hulyo 2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf).
b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng
iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).
c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay
ng iba (PA1Ac/Ad).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung
Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Sa pamamagitan ng anyong pag – uulat (tulad ng 24 oras),
ibabahagi ang mga natalakay kahapon.

III. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng larawan ng mga sumisimbolo sa lalaki at
babae. Mula rito, iuugnay ang ginawang takdang aralin tungkol sa mga
bagay na maaari mong gawin bilang isang lalaki o bilang isang babae.

IV. Pagpapayaman
1. Pangkatang Gawain
PANGKAT I: Sa pamamagitan ng maikling dula – dulaan, ang
PANGKAT II: bawat grupo ay magpapakita ng mga pangyayari sa
PANGKAT III: kanilang buhay na tumatalakay sa paksang “Limitasyon
PANGKAT IV: dahil sa kasarian”.

2. Pag – uulat ng pangkat


3. Pagbibigay ng feedback ng mag-aaral
4. Pagbibigay input ng guro

V. Sintesis
Ang bawat mag – aaral ay susulat ng isang talatang naglalarawan
sa masining na paraan na tumatalakay sa mga pangyayari sa kanilang
buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa tungkol sa limitasyon dahil sa
kasarian.

VI. Kasunduan
Humanda sa pagsulat ng lingguhang output.
Ikaanim na Linggo
Ikaapat na Araw Ika– 22 ng Hulyo
2013

Lingguhang Tunguhin
a. Nakasusulat ng talatang naglalarawan sa masining na paraan (PU1Bf).
b. Nakapag – uugnay ng pinakamalapit na sariling karanasan o karanasan ng
iba sa mga karanasang inilahad sa binasa (PB1Af).
c. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa sariling buhay/buhay
ng iba (PA1Ac/Ad).

I. Paksa
Nagbabagong Ako – Lunsarang Teksto: “Alamat ni Tungkung
Langit”
ni Roberto Añonuevo

II. Balik – Aral


Magbabahagi ang ilan sa mga mag – aaral tungkol sa kanilang
ginawang talata kahapon. Mula rito papansinin ng bawat grupo ang
mga ginamit na masining na paglalarawan.

III. Pagtataya sa Pagtataya


Pasusulatin ang mga mag – aaral ng isa hanggang tatlong talata na
nagsasaad ng mga pangyayaring nagpapakita ng mga karanasan na
maaaring nangyari sa kanilang buhay o sa buhay ng iba na pumapaksa
sa limitasyon dahil sa kasarian. Ipaaalala ang paggamit ng mga
paglalarawan sa masining na paraan upang makadagdag sa karikitan
ng mga talata. Dapat ding tandaan ang pagsunod sa mga tuntunin at
kayarian ng pagsulat ng isang talata.

IV. Rubriks
 Masining na paglalarawan 25%
 Kaisahan ng pangungusap at talata 25%
 Malinaw ang diwang inilalahad 30%
 Wastong gamit ng bantas 20%
Kabuuan 100%

V. Takdang Aralin
1. Magdala ng iba’t ibang uri ng salamin.
2. Isulat sa kuwaderno ang gamit ng bawat uri ng salamin na iyong
dadalhin.

You might also like