You are on page 1of 2

Sa pagkatataong ito, nais kong lumihis sa tema ng okasyon upang bigyang-laya ang aking

saloobin sa mga oras na ito. Hayaan po sana ninyo akong ipadama sa inyo ang aking taos-pusong
pasasalamat sa pamamagitan ng ilang minutong pagtatalumpati.

Maraming salamat po!

Sa aking mga kamag-aral, ako ay lubos na nasisiyahan dahil sa maikling panahon nating
pagsasama-sama. Nagkaroon man tayo ng kunting hindi pagkakaunawaan, batid kong iyon a bunga
lamang n gating kabataan. Gayunpaman, salamat sa into aking mga kaibigan, sapagkat naging karamay
ko kayo sa lungkot at saya dulot ng pag-aaral. Hanggang sa muli. Nawa’y hindi ito ang huli nating
pagsasama. Sa aking mga guro, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat! Hindi lamang po kayo
ang pangalawang magulang naming, kayo rin po ay tumayo bilang panday ng karunungan at kabutihang-
asal. Kung meron man dapat gawaran ng parangal sa araw na ito, kayo poi yon, sapagkat batid naming
ang inyong pagtitiis at pagpupunyagi para lamang sa aming kalinangan. Ikinararangal ko kayo aming mga
guro!Nawa’y marami pang katulad ko ang matuto sa inyo at maging isang mabuting indibidwal!
Kasiyahan nawa kayo ng Poong Maykapal.

Sa ating punongguro na si Gng. Clevelyn D. Deliquina, isa pong malaking pasasalamat ang laman
ng aking puso. Salamat po sa suporta at pagmamahal hindi lamang po sa ating paaralan kundi maging sa
aming mga batang nag-aaral dito sa ating paaralan. Batid ko po ang iyong sakripisyo at pagpapahalaga
mapabuti lamang ang ating paaralan. Sa ating Alma Mater, ang paaralang elementarya ng Dojoc Balite,
isang makulay at masayang alaala ang naihandog sa akin. Ako ay iyong kinalingan, inaruga at tinuruan ng
mga kasanayang pang-akademiko at wastong pag-uugali. Ang unang hakbang na ito ay tungo sa landas
ng tagumpay ay hindi ko matutuntungan kung hindi dahil sa inyo! Tatanawin kong utang na loob ang
anim na taong inilagi ko sa paaralang ito. Salamat! Hindi pweding matapos ito aking talumpati ng hindi
ko napapasalamatan ang aking mga magulang.. salamat nanay at tatay sa walang sawang pag-aaruga at
pagmamahal ninyo sa aming magkapatid. Hindi ko man madalas sabihing mahal ko kayo ,ipinakita ko
naman sa kilos at sa pagsisikap kong makakuha ng matataas na marka,ang aking pagtanaw ng utang na
loob sa inyong pagpupunyagi, pag-aaruga at pagbibigay ng aking pangangailangan.Ang lahat ng mga
karangalang natamo ko sa araw na ito ay ibinabahagi ko po sa inyo.Sa aking tatay,na nagtitiis para sa
edukasyon naming magkapatid.Maraming salamat po;Isa ka sa aking mga inspirasyon.At sa aking nanay
,na mapag-aruga,maunawain at mapagmahal at anuman ang aking kalagayang pangkalusugan sa
ngayon ay hindi sumuko upang ibigay sa akin ang kanyang suporta….maraming salamat po sa inyo;Hindi
ko po mahanap ang tumpak na salita para sa aking pagsasalamat.

Sa inyong lahat na narito ngayon,maraming salamat sa pakikinig.At sa kapwa ko mag-


aaral,tandaan po natin na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa medalyang isinabit sa ating mga
leeg,kundi sa mga karunungan at kaalamang natutunan natin.Lahat po tayo ay dapat na maging masaya
sa hapong ito at mapagpasalamat sapagkat ito ay nangangahulugang nakaapak na tayo ay dapat sa
unang hakbang ng K12 Basic Education Program.Kaya naman ,ito ay nagpapahiwatig pa ng masigasig nna
pagtitiyaga upang marating natin ang ating mga mithiinsa buhay.Malay natin, isa pala sa atin na
magtatapos ngayon,ay maging ang makabagong lider ng bansa.Kaya ,kapwa ko mag-aaral ,humakbang
tayong muli tungo sa mabuting pagbabago.Patunayan nating ang kabataan pa rin ang pag-asa ng
bayan.Mabuhay ang mga batang dojoc balite.
Naririto tayong lahat at nagtitipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang malaking
pangyayari sa ating buhay bilang isang mag-aaral.Ito ang araw na ating pinakahihintay….Ang katuparan
ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupuyagi sa pag-aaral .Mga hirap na
ating nararanasan upang matapos natin ang ani na taon sa piling ng ating mga kaibigan,kapwa mag-aaral
at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan, ito ang araw na ating pinakahihintay,ang pinakaaasam-asam nating
lahat.Ang magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis,paghihirap at pagsusumikap.Ito ang
tamang araw upang ipagdiwang natin ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog na ating
kilay alang-alang sa ating kinabukasan.Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging mag-
aaral.Hindi lamang sa akin ang

You might also like